“The national language of the Philippines issa paggamit ng Filipino sa mga komunikasyon at...

Post on 17-Nov-2020

25 views 0 download

transcript

1987 Saligang Batas, Artikulo XIV, Seksiyon 6 na, “The national language of the Philippines is Filipino. As it evolves, it shall be further developed and enriched on the basis of existing Philippine and other languages. Subject to provisions of law and as the Congress may deem appropriate, the Government shall take steps to initiate and sustain the use of Filipino as a medium of official communication and as language of instruction in the educational system

Batas Republika Blg. 7104 na magbalangkas ng mga patakaran, mga plano at mga programa upang matiyak ang higit pang pagpapaunlad, pagpapayaman, pagpapalaganap at preserbasyon ng Filipino at iba pang mga wika ng Filipinas at maglagda ng mga tuntunin, mga regulasyon at mga patnubay upang isakatuparan ang mga patakaran, mga plano at mga programa nitó

Kautusang

Tagapagpaganap

Blg. 335

Nilagdaan ni

Pangulong Corazon C. Aquino

noong 25 Agosto 1988

Nag-aatas sa lahat ng kagawaran/

kawanihan/tanggapan/ahensiya/

instrumentaliti ng pamahalaan na

magsagawa ng mga hakbang na

kailangan para sa layuning magamit

ang Filipino sa opisyal na

transaksiyon, komunikasyon, at

korespondensiya.

1. Magsakatuparan ng mga hakbang para sa paggamit ng Filipino sa opisyal na komunikasyon, transaksiyon , at korespondensiya sa kani-kanilang opisina, maging nasyonal at lokal;

2. Magtalaga ng isa o higit pang tauhan, ayon sa pangangailangan, sa bawat tanggapan upang mangasiwa sa mga komunikasyon at korespondensiya na nasusulat sa Filipino;

3. Isalin sa Filipino ang mga pangalan ng opisina, gusali, at edipisyong publiko, at mga karatula ng lahat ng opisina at mga dibisyon nito o instrumentaliti ng mga iyon at, kung nanaisin, ilagay sa ibaba nito sa maliliit na letra ang tekstong Ingles;

4. Isa-Filipino ang “Panunumpa sa Katungkulan” ng lahat ng mga pinuno at tauhan ng pamahalaan;

5. Gawing bahagi ng programa ang mga pagsasanay ukol sa pagpapaunlad pantauhan ng bawat opisina ang kasanayan sa paggamit ng Filipino sa mga komunikasyon at korespondensiya opisyal.