+ All Categories
Home > Documents > 10...Filipino Ikalawang Markahan - Modyul 2: Dula mula sa England Z est for P rogress Z eal of P...

10...Filipino Ikalawang Markahan - Modyul 2: Dula mula sa England Z est for P rogress Z eal of P...

Date post: 04-Mar-2021
Category:
Upload: others
View: 61 times
Download: 5 times
Share this document with a friend
16
Republic of the Philippines Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula Filipino Ikalawang Markahan - Modyul 2: Dula mula sa England Zest for Progress Zeal of Partnership 10 Name of Learner: ___________________________ Grade & Section: ___________________________ Name of School: ___________________________
Transcript
Page 1: 10...Filipino Ikalawang Markahan - Modyul 2: Dula mula sa England Z est for P rogress Z eal of P artnership 10 Name of Learner: _____ Grade & Section: _____ Name of Manunulat: Angelica

Republic of the Philippines

Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

Filipino

Ikalawang Markahan - Modyul 2:

Dula mula sa England

Zest for Progress

Zeal of Partnership

10

Name of Learner: ___________________________

Grade & Section: ___________________________

Name of School: ___________________________

Page 2: 10...Filipino Ikalawang Markahan - Modyul 2: Dula mula sa England Z est for P rogress Z eal of P artnership 10 Name of Learner: _____ Grade & Section: _____ Name of Manunulat: Angelica

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Angelica M. Rodriguez at Marietta R. Engcol

Editor: Arnie P. Taclap

Tagasuri: Sheryl Cuevas-Deocadez

Tagaguhit:

Tagalapat: Wilvin H. Inding

Tagapamahala: Virgilio P. Batan, Jr., CESO VI- Schools Division Superintendent

Lourma I. Poculan - Asst. Schools Division Superintendent

Amelinda D. Montero - Chief Education Supervisor, CID

Nur N. Hussien - Chief, Education Supervisor SGOD

Riela Angela C. Josol - Education Program Supervisor- Filipino

Ronillo S. Yarag - Education Program Supervisor, LRMS

Leo Martinno O. Alejo - Project Development Officer II, LRMS

Filipino – Ikasampung Baitang Support Material for Independent Learning Engagement (SMILE) Ikalawang Markahan – Modyul 2: Mga Akdang Pampanitikan ng Bansang Kanluran -

Dula mula sa England Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilimbag sa Pilipinas ng

Department of Education – Region IX – Dipolog City Schools Division

Office Address: Purok Farmers, Olingan, Dipolog City

Zamboanga del Norte, 7100

Telefax: (065)212-6986 and (065) 212-5818

E-mail Address: [email protected]

Page 3: 10...Filipino Ikalawang Markahan - Modyul 2: Dula mula sa England Z est for P rogress Z eal of P artnership 10 Name of Learner: _____ Grade & Section: _____ Name of Manunulat: Angelica

1

Maligayang bati sa iyo minamahal kong mag-aaral! Nakahanda at sabik ka na bang mag-aral at matuto? Batid kong oo, kung gayon ikaw ay maghanda na sa mga

sumusunod na araling ating pag-aaralan.

Ang modyul na ito Aralin 2 ay naglalaman ng “Sintahang Romeo at

Juliet” na hango sa Romeo at Julieta ni Gregorio C. Borlaza sa orihinal na akdang Romeo at Juliet ni William Shakespeare. Bahagi rin ng aralin ang

pagtatalakay sa kultura ng lugar na pinagmulan ng kuwentong-bayan, paghahambing sa kultura ng bansang pinagmulan at alin mang bansa sa daigdig, pagpapaliwanag sa kahulugan ng salita batay sa etimolohiya nito.

Aalamin mo rin ang katangian ng mga tao sa bansang pinagmulan ng kuwentong-

bayan batay sa napanood na bahagi nito at panghuli ikaw ay susulat nang

wastong sariling damdamin at saloobin tungkol sa sariling kultura kung ihahambing sa kultura ng ibang bansa.

Mga Pamantayan sa Pagkatuto: Pagkatapos mapag-aralan ang modyul na ito, ang

mag-aaral ay inaasahang;

MELC (Week 2) Sa pag-aaral sa modyul na ito, inaasahang matatamo mo ang mga sumusunod:

Mga Pinakamahahalagang Kasanayang Pampagkatuto (MELC)

1. Nailalahad ang Kultura ng lugar na pinagmulan ng kuwentong-bayan sa napakinggang usapan ng mga tauhan. (F10PN-IIa-b-72)

2. Naihahambing ang Kultura ng bansang pinagmulan ng akda sa alinmang

bansa sa daigdig. (F10PB-IIa-b-75) 3. Naipaliliwanag ang kahulugan ng salita batay sa pinagmulan nito

(etimolohiya) (F10PT-IIa-b-72) 4. Naipaliliwanag ang katangian ng mga tao sa bansang pinagmulan ng

kuwentong-bayan batay sa napanood na bahagi nito. (F10PD-IIa-b-70)

5. Naisusulat nang wasto ang sariling damdamin at saloobin tungkol sa

sariling kultura kung ihahambing sa kultura ng ibang bansa. (F10PU-IIa-b-74)

Kaya kung nakahanda ka na, maaaring ka nang magsimula sa mga

gawain at aralin.

Gawain 1: Balikan Mo

Panuto: Suriin ang elementong taglay ng binasang mitolohiya sa

pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong sa graphic organizer.

Alamin

Balikan

Page 4: 10...Filipino Ikalawang Markahan - Modyul 2: Dula mula sa England Z est for P rogress Z eal of P artnership 10 Name of Learner: _____ Grade & Section: _____ Name of Manunulat: Angelica

2

1. Ilarawan ang taglay na kapangyarihan ni Thor.

2. Ilarawan ang tagpuan at panahon na pinangyarihan ng akda.

3. Saan nakatuon ang mga pangyayari o banghay?

4. Ano ang paksa o tema ng binasang mitolohiya?

Aralin

2

Dula Mula sa England

(Romeo at Juliet)

Ang England ay isa sa bansa na bahagi ng United Kingdom. Kahangganan nito ang Scotland sa hilaga at Wales sa kanluran. Sakop ng bansa ang higit sa gitna

at katimugang bahagi ng pulo ng Gran Britanya na nasa Hilagang Atlantiko at higit

sa 100 maliliit na pulo gaya ng Isles of Scilly at Isle of Wight. Si William Shakespeare ay isang Ingles na makata, manunulat at dramatista.

Siya ay itinuturing na isa sa pinakamahusay na manunulat sa Wikang Ingles at prominenteng dramaturgo ng mundo. Madalas siyang tinatawag na pambansang

makata ng Inglatera, at tinaguriang "Bardo ng Avon". Itinuturing siyang maestro sa paggawa ng mga soneto at dula. Sinulat niya ang tanyag na dula tulad ng Julius

Caesar, at Anthony and Cleopatra. Marami sa kaniyang mga likha ay pawang

tungkol sa trahedya at isa na nga ang akdang “Sintahang Romeo at Juliet” na pag-aaralan mo sa modyul na ito.

Tuklasin

Para sa pagsisimula ng iyong pagkatuto mabuting malaman mo

muna ang ilan sa mga mahihirap na salita nakapaloob sa nasabing dula nang sa

ganoon ay lubis mong mauunawaan ang akda. Magagawa mo ito sa pamamagitan ng

pagsagot sa gawain sa ibaba.

Gawain 1: Pagpapalawak ng Talasalitaan

Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat pangungusap. Hanapin sa kahon ang

kahulugan ng mga salitang sinalungguhitan. Isulat lamang ang letra sa patlang

bago ang bilang

1. Bumili si Romeo sa isang matandang butikaryo ng mabagsik na lason.

2. Bago pa man dumating ang mga tanod ay nakakita si Juliet ng isang balaraw

sinaksak ang sarili at nagpakamatay. 3. Si Fray Lorenzo ang siyang tumulong sa pag-iisang dibdib ng magkasintahang

Romeo at Juliet.

4. Sina Tybalt at Mercutio ay naglaban at dahil dito nasawi si Mercutio

ang pagkamatay ni Mercutio ang naging dahilan ng kanyang paghihiganti.

5. Ang lason na binili ni Romeo mula sa butikaryo ang siyang kikitil sa

binata.

a. namatay b. kutsilyo/punyal o isang bagay na matulis c. kasiyahan

d. isang taong gumagawa at nagbebenta ng gamot e. papatay

f. pagpapakasal g. pagmamahalan

Page 5: 10...Filipino Ikalawang Markahan - Modyul 2: Dula mula sa England Z est for P rogress Z eal of P artnership 10 Name of Learner: _____ Grade & Section: _____ Name of Manunulat: Angelica

3

URI NG PANITIKAN

Ang dulang “Romeo at Juliet” ay pumapaksa sa isang matinding pag-iibigan nina Romeo na isang Montague at Juliet na isang Capulet. Nakadama sila ng

matindi at walang kapantay na pag ibig sa isa't isa sa kabila ng katotohanang ang mga pamilyang kanilang kinabibilangan ay may malalim na hidwaan o alitan.

TEMA/PAKSA Isa itong kwentong romansa. Na pumapaksa sa namagitang pag-iibigan nila

Romeo at Juliet. Ang kanilang pagmamahalan na nauwi sa malagim na kamatayan dahil sa pagtutol ng kani-kanilang mga magulang na namamagitan sa kanila. Kung

kaya sa huli ang kanilang buhay ay piniling wakasan.

MGA TAUHAN

Romeo - ang kasintahan ni Juliet. Isang mapagmahal na binata, ang anak ng

Pamilyang Montague.

Juliet - ang kasintahan ni Romeo. Isang mapagmahal na dalaga, ang anak ng

Pamilyang Capulet.

Paris - ang karibal ni Romeo. Masugid na manliligaw ni Juliet.

Tybalt - pinsan ni Juliet

Baltazar - pinagkakatiwalaang kaibigan ni Romeo

Fray/Padre Lawrence - ang paring nagkasal kina Romeo at Juliet. Paring

handang tumulong sa dalawang nagmamahalan.

Fray/Padre Juan – ang maghahatid sana ng mahalagang liham kay Romeo.

Nars - ang tagapag-alaga ni Juliet

Butikaryo - gumagawa ng lason.

Pamilyang Montague at Pamilyang Capulet - ang dalawang pamilyang may

alitan.

Ang pag-ibig na dapat sanang makapagpapahilom sa lahat ng mga

suliranin sa pagitan ng kanilang angkan ang nagdulot ng mga pangyayaring

humantong sa kamatayan. Sundan mo kung paanong ang dalisay na

pagmamahalan ay nauwi sa masaklap na trahedya. Basahin at unawain ang

dula nang sa gayo’y matuklasan mo rin kung paano nakatutulong ang dula sa

paglalarawan ng tradisyon at kultura ng isang bansa.

Ang Romeo at Juliet ay isang dulang isinulat ni William Shakespeare

tungkol sa dalawang maharlikang mga angkan na nagkaroon ng alitan kung

kaya’t naging magkaaway. Nakabatay ang balangkas ng dulang ito sa isang

kuwento mula sa Italy na isinaling wika upang maging taludtod bilang The

Tragical History of Romeus at Juliet (Ang Kalunos-lunos na Kasaysayan nina

Romeus at Julieta) ni Arthur Brooke noong 1562 at muling isinalysay na nasa

anyong tuluyan prosa sa Palace of Pleasure (Palasyo ng kaluguran) ni William

Painter noong 1567. Ang dulang ito ni William Shakespeare ay isinalin naman

ni Gregorio C. Borlaza sa wikang Filipino para mas lubusang maintindihan at

mapahalagahan nating mga Pilipino.

Alam mo ba na…

Page 6: 10...Filipino Ikalawang Markahan - Modyul 2: Dula mula sa England Z est for P rogress Z eal of P artnership 10 Name of Learner: _____ Grade & Section: _____ Name of Manunulat: Angelica

4

TAGPUAN

Ang pangunahing Tagpuan sa Romeo at Juliet ay sa Verona, Italy. Ngunit, sa kabuuan ng storya, tatlong tagpuan ang namamayagpag.

Sa bulwagan ng mga Capulet kung saan may nagaganap na kasiyahan.

Sa tahanan ng mga Capulet kung saan palihim na nagpunta si Romeo.

Sa simbahan kung saan kausap nina Romeo at Juliet ang pari.

Sintahang Romeo at Juliet Hango sa Romeo at Juliet

na Isinalin ni Gregorio C. Borlaza (Buod)

Sa ganitong paraan nagsimula ang kwento, si Romeo, na anak nina Senyor Montague at Senyora Montague, ay naaantig sa angking kagandahan ni Rosalina,

isang dalaga na may panatang maging dalaga habang siya ay nabubuhay pa.

Sa pagnanais ng kanyang pinsang si Benvolio at kaibigang si Mercutio na maaliw ito, inaya nila ito sa isang sayawan sa bahay ng mga Capulet. Pumayag naman

si Romeo nang mapag-alaman nitong dadalo rin si Rosalina. Sa naganap na sayawan sa bahay ng mga Capulet, nakita ni Romeo si Juliet na anak nina Senyor at Senyora

Capulet kaaway ng kanilang angkan na kung saan may malalim na hidwaan o alitan sa pagitan ng dalawang pamilya.

Sa unang araw ng kanilang pagkikita ay nahulog na sila sa isa’t isa. Kapwa nila batid na sila ay mga anak ng magkaaway na pamilya, ngunit nagkaunawaan pa rin

sila. Dahil dito nagkasundo silang magpakasal kinabukasan, sa tulong ni Fray

Lozenzo, ang padre kumpesor ni Romeo. Pagkatapos ng kanilang pag-iisang dibdib, sina Tybalt at Mercutio ay naglaban

at dahil dito ay nasawi si Mercutio. Nalaman ni Romeo ang pagkamatay ni Mercutio at naging dahilan ng kanyang paghihiganti, dahil sa kanyang paghihiganti napatay ni

Romeo si Tybalt, nagmamakaawa ang mga magulang ni Romeo ngunit ang naging hatol ni Prinsipe Escalo sa kanya ay ipatapon sa labas ng Verona.

Sa pamamagitan ng alalay ni Juliet ay muli silang nagkita at nangyari ang

unang gabi nila bilang mag-asawa. Ngunit sa gabi ring iyon ay ipinagkasundo nina Senyor at Senyora Capulet si Juliet kay Konde Paris upang sila ay mapag-isang

dibdib. Tutol si Juliet dito kung kaya’t humingi siya ng tulong kay Fray Lorenzo upang hindi matuloy ang nasabing kasalan. Binigyan ni Fray Lorenzo si Juliet ng likidong

pampatulog upang ang naghihinagpis na binibini ay magmimistulang bangkay sa loob ng apatnapung oras.

Naipabalita kay Romeo na si Juliet ay isa nang bangkay, sa tulong ni Baltazar.

Dahil dito bumili si Romeo sa isang matandang butikaryo ng mabagsik na lason na siyang kikitil sa kanyang buhay at bumalik sa Verona. Ngunit sa kasamaang-palad,

hindi naihatid ni Fray Juan ang liham ni Fray Lorenzo na nagsasabing hindi patay si Juliet. Nang mabili ni Romeo ang lason, agad siyang nagtungo sa puntod ni Juliet at

nang makita ni Romeo ang inaakalang bangkay ng minamahal ay ininom niya agad ang lason. Bago nangyari ang pagpanaw ni Romeo ay nagising si Juliet at

natunghayan niya ang pagpanaw ni Romeo. Sa paghihinagpis ni Juliet ay dumating si Fray Lorenzo, ngunit hindi na niya

naabutang buhay si Romeo upang sabihin ang katotohanan. Pilit na isinasama ni Fray

Lorenzo si Juliet dahil may mga tanod napaparating, ngunit hindi niya magawang iwan si Romeo. Bago pa man dumating ang mga tanod ay nakakita si Juliet ng isang

balaraw sinaksak ang sarili at nagpakamatay.

Page 7: 10...Filipino Ikalawang Markahan - Modyul 2: Dula mula sa England Z est for P rogress Z eal of P artnership 10 Name of Learner: _____ Grade & Section: _____ Name of Manunulat: Angelica

5

http://blogngromeoandjuliet.blogspot.com/2018/11/sintahang-romeo-at-juliet.html

Maaaring panoorin ang link na ito para sa karagdagang kaalaman:

https://www.youtube.com/watch?v=fNdw5ouT7zM

Ang dula ay isang uri ng panitikan? Nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo. Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang

tanghalan o entablado. Gaya ng ibang panitikan, ang karamihan sa mga dulang itinatanghal ay hango sa totoong buhay maliban na lamang sa iilang

dulang dulang likha ng malikhain at malayang kaisipan.

Samantala, ang trahedya ay isang dulang ang bida ay hahantong sa malungkot na wakas o sa kabiguan. Mayroon ding mga uri ng ganitong dulang

malungkot ngunit makabuluhang wakas. Nagsimula ang ganitong uri ng drama mula sa Sinaunang Gresya.

Mga Uri ng Dulang Pantanghalan Ayon sa Anyo

Ang dula ayon kay Aristotle ay isang sining ng panggagaya o pag-iimita

sa kalikasan ng buhay. Ipinakikita nito ang reyalidad sa buhay ng tao

gayundin ang kanyang mga iniisip, ikinikilos, at isinasaad. Ito ay isinusulat at itinatanghal upang magsilbing salamin ng buhay na naglalayong makaaliw,

makapagturo, o makapagbigay ng mensahe.

Ang dula ay isang sining na nagpapaabot sa mga manonood o

mambabasa ng damdamin at kaisipang nais nitong iparating gamit ang masining na pagsasatao ng mga karakter ng dulang pantanghalan. Ito ay

maaaring mauri ayon sa paksa o nilalaman. Nagkakaroon din ito ng iba’t-ibang anyo batay sa damdaming nais palitawin ng may-akda nito. Ang epekto

ng damdaming taglay ng dula ay nagdudulot ng higit na kulay at kahulugan di

lamang sa mga manonood kundi maging sa mga taong gumaganap nito. Narito ang ilan sa mga uri ng dula ayon sa anyo:

1. Komedya – katawa-katawa, magaan ang mga paksa o tema, at ang mga tauhan ay laging nagtatagumpay sa wakas.

2. Trahedya – ang tema o paksa nito’y mabigat o nakasasama ng loob, nakaiiyak, nakalulunos ang mga tauhang karaniwang nasasadlak sa

kamalasan, mabibigat na suliranin, kabiguan, kawalan, at maging sa

kamatayan. Ito’y karaniwang nagwawakas nang malungkot. 3. Melodrama – ito y sadyang namimiga ng luha sa manonood na para

bang wala nang masayang bahagi sa buhay kundi pawang problema at kaawa-awang kalagayan na lamang ang nangyayari sa araw-araw. Ito

ay karaniwang mapapanood sa mga de-seryeng palabas sa telebisyon. 4. Tragikomedya – sa anyong ito ng dula ay magkahalo ang katatawanan

at kasawian may mga tauhang katawa-tawa tulad ng payaso para magsilbing tagapagpatawa, subalit sa huli’y nagiging malungkot dahil

sa kasawian o kabiguan ng mahahalagang tauhan.

Alam mo ba na…

Suriin

Page 8: 10...Filipino Ikalawang Markahan - Modyul 2: Dula mula sa England Z est for P rogress Z eal of P artnership 10 Name of Learner: _____ Grade & Section: _____ Name of Manunulat: Angelica

6

5. Saynete – itinuturing na isa sa mga dulang panlibangan ng mga huling

taon ng pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas. Ang paksa nito ay tungkol sa paglalahad ng mga kaugalian ng isang lahi o katutubo, sa

kanyang pamumuhay, pangingibig, at pakikipagkapwa. 6. Parse – dulang puro tawanan at halos walang saysay ang kuwento. Ang

mga aksiyon ay slapstick na walang ibang ginawa kundi magpaluan, maghampasan, at magbitiw ng mga kabalbalan. Karaniwan itong

mapapanood sa mga comedy bar. 7. Parodya – anyo ng dulang mapanudyo, ginagaya ang mga kakatwang

ayos, kilos, pagsasalita, at pag-uugali ng tao bilang isang anyo ng

komentaryo o pamumuna o kaya’y pambabatikos na katawa-tawa ngunit may tama sa damdamin ng kinauukulan.

8. Proberbyo – kapag ang isang dula ay may pamagat na hango sa mga bukambibig na salawikain, ang kuwento’y pinaiikot dito upang

magsilbing huwaran ng tao sa kanyang buhay.

Mga Elemento ng Dulang Pantanghalan Ang dulang pantanghalan, katulad ng malikhaing kuwento at nobela ay

nagtataglay rin ng mahahalagang sangkap o elemento. Kung ang katawan ng tao ay may bahagi, ang dulang pantanghalan ay nagtataglay rin ng

mahahalagang bahagi. Ito ay ang simula, gitna, at katapusan.

Sa simula matatagpuan ang dalawang mahalagang sangkap o elemento. Makikilala sa bahaging ito ang mga tauhan at ang papel na gagampanan na

maaaring bida at kontrabida. Ipakikilala rn dito ang tagpuan o ang pangyayarihan ng mga eksenang naghahayag ng panahon, kung tag-init o tag-

ulan, ng oras, at ng lugar. Sa gitna naman ay makikita ang banghay o ang maayos na daloy o

pagkakasunod-sunod ng mga tagpo o eksena. Dito rin nakapaloob ang

pinakamahalagang bahagi ng dula, walang iba kundi ang diyalogo. Ang diyalogo ay ang usapan ng mga tauhan. Mahalagang maging natural at hindi artipisyal

ang diyalogo. Kagaya rin ng sa nobela, sa gitna rin ng dula makikita ang sumusunod na katangian:

saglit na kasiglahan – na nagpapakita ng panandaliang

pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa problema; tunggalian – tahasang magpapakita ng labanan o pakikibaka ng

tanging tauhang maaaring kanyang sarili, kapwa, lipunan, o kalikasan;

kasukdulan – pinakamadulang bahagi ng dula kung saan iikot ang kahihinatnan ng tanging tauhan, kung ito ay kasawian o

tagumpay.

Sa wakas naman ng dula, matatagpuan ang kakalasan at ang wakas bg

dula. Sa kakalasan unti-unting bababa ang takbo ng istorya. Sa kakalasan makikita ang kamalian o kawastuhan at pagtanggal sa mga bahaging dapat

tanggalin. Sa pagwawakas naman mababatid ang resolusyon na maaaring masaya o malungkot, pagkatalo o pagkapanalo.

May mga dula na hindi winawakasan sa dalawang huling sangkap.

Iniiwan na lamang itong bitin sa kasukdulan at hinahayaan na lamang ang

mambabasa o manood na humatol o magpasiya sa kahihinatnan.

Ang huling elemento ng dulang pantanghalan na sadyang mahalaga rin ay aspektong teknikal. Mahalagang bahagi nito ang:

Page 9: 10...Filipino Ikalawang Markahan - Modyul 2: Dula mula sa England Z est for P rogress Z eal of P artnership 10 Name of Learner: _____ Grade & Section: _____ Name of Manunulat: Angelica

7

(Sanggunian: *Panitikang Pandaigdig Filipino Modyul para sa Mag-aaral *Pinagyamang PLUMA 10 (K to 12))

Kumusta! Madali lang ba? Ngayon mayroon ka nang ideya tungkol sa dula, mga uri ng dulang

pantanghalan, at mga elemento nito. Upang lubos na maunawaan ang mga mahalagang kaisipan sa unahan, pagyamanin natin ang ating kaalaman!

Simulan na ang pagsagot sa mga sumusunod na gawain at higit sa lahat huwag kalimutan ang iyong mga natutunan.

Maligayang paglalakbay ng iyong isipan!

epektong pantunog – sapagkat ang dula ay ginaganap sa harap

ng madla, kaya’t kailangang malinaw na maipabatid ang bawat

linya ng dula sa maayos na tunog. Kasama dito ang sound effects, musika at iba pang kaugnay na tunog sa pagtatanghal.

pag-iilaw – upang higit na mabigyang-buhay ang mahahalagang tagpo ng dula.

mga kagamitan – higit na magbibigay ng buhay at pagkamakatotohanan sa itinatanghal na dula.

Dahil ang dula ay isang sining, ang bawat bahagi nito ay mainam na pinag-aaralan ng may-akda at maging ang direktor nito. Hindi ito basta-basta

isinusulat at sa halip ito ay pinag-aaralan batay sa balangkas nito, kung saan ang mga bahagi ay malinaw na nahahati sa yugto (act), tanghal-eksena

(scene), at tagpo (frame). yugto – kung baga sa nobela ito ay ang kabanata. Ito ang malalaking

hati ng dula. Ang isang dula ay maaaring magkaroon mg isang yugto

lang, dalawa, tatlo, apat, o higit pa. Sa tanghalan ang bawat yugto ay

maaaring gamiting panahon upang ihanda ang susunod pang mga

yugto, upang ayusin nag tagpuan, upang makapagpahinga sandal ang

mga gumaganap at manonood. Ang pansumandaling pamamahingang

ito ay maaaring tumagal hanggang labinlimang minuto na nagagamit din

ng mga tagapanood upang maisagawa ang personal na pangangailangan

tulad ng pagkain o pag-inom, o pagbisita sa palikuran.

eksena – ang bawat yugto naman ay binubuo ng kung ilang eksena,

kaya ang panahong nagugugol sa isang yugto ay hindi pare-pareho.

tagpo – kung ang yugto ay binubuo ng mga eksena, ang eksena naman

ay bunubuo ng mga tagpo. Ang eksena ay maaaring magbadya ng

pagbabago ng tagpuan ayon sa kung saan gaganapin ang susunod na

pangyayari. Ang tagpo rin ay ang paglabas at pagpasok ng kung sinong

tauhang gumanap o gaganap sa eksena.

Page 10: 10...Filipino Ikalawang Markahan - Modyul 2: Dula mula sa England Z est for P rogress Z eal of P artnership 10 Name of Learner: _____ Grade & Section: _____ Name of Manunulat: Angelica

8

Gawain 1: Tayo Na’t Maglakbay

Panuto: Ilahad ang kultura ng lugar na pinagmulan ng dula sa pamamagitan ng pagbibigay impormasyon tungkol sa bansang England batay sa sumusunod na

aspekto. Gamitin ang grapikong representasyon sa pagsagot sa gawain.

Pagyamanin

ENGLAND

Turismo

Kultura/Tradisyon

Relihiyon

Mga Tao

https://www.tes.com/lessons/k19APAVS0VNw2Q/english-civilization

https://www.kissclipart.com/church-clipart-destiny-church-christian-church-ixmlv1/

________________________________

________________________________

________________________________

________________________________

https://www.clipartmax.com/middle/m2K9A0b1i8N4N4H7_free-open-book-clip-art-open-book-clip-art/

Panitikan

https://www.vectorstock.com/royalty-free-vector/landscape-london-cartoon-the-

vector-27012915

________________________________

________________________________

________________________________

________________________________

https://www.thinglink.com/scene/1073387541777874946

________________________________

________________________________

https://www.clipart.email/clipart/english-people-clipart-97450.html

Page 11: 10...Filipino Ikalawang Markahan - Modyul 2: Dula mula sa England Z est for P rogress Z eal of P artnership 10 Name of Learner: _____ Grade & Section: _____ Name of Manunulat: Angelica

9

Tandaan Mo

Ang Romeo at Juliet ay isang dulang isinulat ni William Shakespeare tungkol

sa dalawang maharlikang mga angkan na nagkaroon ng alitan kung kaya’t

naging magkaaway.

Ang dula ay isang uri ng panitikan? Nahahati ito sa ilang yugto na maraming

tagpo. Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o

entablado.

Samantala, ang trahedya ay isang dulang ang bida ay hahantong sa

malungkot na wakas o sa kabiguan.

Mga Uri ng Dulang Pantanghalan Ayon sa Anyo

1. Komedya

2. Trahedya 3. Melodrama Balangkas ng Dula

4. Tragikomedya - yugto 5. Saynete - eksena

6. Parse - tagpo 7. Parodya 8. Proberbyo

Mga Elemento ng Dulang Pantanghalan

-simula

-gitna -saglit na kasiglahan

-tunggalian -kasukdulan

-wakas -resolusyon

Gawain 2: Ihambing Mo

Panuto: Ihambing moa ng bansang tagpuan ng dula(England) sa ating bansa

(Pilipinas). Gamiting pamantayan sa paghahambing ang mga gabay sa unang hanay.

Paghahambing batay sa: Bansang Tagpuan ng

Dula (England)

Bansang Pilipinas

* Pinuno ng Estado

* Uri ng Pamahalaan

* Tawag sa mga Mamamayan

* Kalagayan sa buhay ng mga

nakararami sa mamamayan

* Tirahan ng pinuno

* Iba pang kultura at kaugalian ng

dalawang bansang nabanggit

Isaisip

Page 12: 10...Filipino Ikalawang Markahan - Modyul 2: Dula mula sa England Z est for P rogress Z eal of P artnership 10 Name of Learner: _____ Grade & Section: _____ Name of Manunulat: Angelica

10

I. Panuto: Ilahad ang kultura ng lugar na pinagmulan ng dula batay sa sumusunod na mga pahayag sa bawat pangungusap. Isulat sa sagutang papel ang sagot.

1. Nagmamakaawa ang mga magulang ni Romeo ngunit ang naging hatol ni Prinsipe

Escalo sa kanya ay ipatapon siya sa labas ng Verona. Ipinapakita ng pahayag na ang umiiral na uri ng pamahalaan sa bansang ito ay__________________.

A. monarkiya C. demokrasya B. parliamentarya D. dikatadura

2. Sa naganap na sayawan sa bahay ng mga Capulet, nakita ni Romeo si Juliet na

anak nina Senyor at Senyora Capulet kaaway ng kanilang angkan na kung saan may malalim na hidwaan o alitan sa pagitan ng dalawang pamilya.

A. masaya at at nagkakaunawaan ang dalawang pamilya B. may mga pamilyang nag-aagawan ng kapangyarihan/lakas at dangal

C. may nais magparaya sa alitan ng dalawang pamilya D. ang dalawang pamilya ay nagmamahalan

3. Ipinagkasundo ng ama ni Juliet na si Senyor Capulet na ikasal ang anak kay

Konde Paris. Sa pangyayaring ito ipinapakita na? ____________________ A. malayang nakapipili ng mapapangasawa ang anak

B. may mga magulang na nagdedesisyon sa buhay pag-ibig ng anak C. a at b

D. b lamang 4. Sa kabila ng hindi mabuting relasyon mayroon ang dalawang pamilya, ang

magkasintahang Romeo at Juliet ay nakatagpo ng pag-ibig sa isa’t isa. Ito’y nagpapakita lamang na ang, pag-ibig ay _______________________

A. nadarama at dumarating sa puso ng dalawang taong nagmamahalan

B. kusang dumararting sa dalawang taong itinadhana C. walang pinipiling tao/angkan ng pamilya bastat ito’y tunay at dalisay

D. lahat ng nabanggit 5. Sa pag-aakalang namatay ang kasintahan ay ininom ni Romeo ang lason mula sa

butikaryo at nang magising si Juliet patay na si Romeo kaya sinaksak nito ang sarili ng balaraw. Ipinapakita ng magkasintahan ang…

A. mababaw na pag-iibigan B. masaklap na pagmamahalan

C. wagas na pagmamahalan hanggang sa kamatayan D. madugong pag-ibig

II. Panuto: Ihambing ang kultura ng bansang pinagmulan ng akda sa alinmang bansa sa daigdig (partikular na sa Pilipinas)

(5 puntos).

Tayahin

Pilipinas England

Page 13: 10...Filipino Ikalawang Markahan - Modyul 2: Dula mula sa England Z est for P rogress Z eal of P artnership 10 Name of Learner: _____ Grade & Section: _____ Name of Manunulat: Angelica

11

III. Panuto: Ipaliwanag ang pinagmulan ng mga salita (etimolohiya) sa ibaba.

Isagawa ang hinihingi sa bawat bilang. (Maaaring magsaliksik sa diksyunaryo o sa internet.)

1. Ang salitang senyor at senyora mula sa pahayag na “Si Romeo ay anak nina Senyor at Senyora Montague” ay hiram natin sa ibang wika. Ano kaya ang

orihinal na anyo o baybay ng salitang ito at ano kaya ang kahulugan nito? Orihinal na baybay: ___________________ Kahulugan: _______________________

2. Ang salita bang konde ay salitang hiram o likas sa atin? Magbigay ng

paliwanag kung saan nagmula ang salitang ito. ___________________________________________________________________________

3. Ang salitang prinsipe mula sa pahayag na “Napatay ni Romeo si Tybalt, nagmamakaawa ang mga magulang ni Romeo ngunit ang naging hatol ni

Prinsipe Escalo sa kanya ay ipatapon sa labas ng Verona.” Ano kaya ang orihinal na anyo o baybay ng salitang ito at ano kaya ang kahulugan nito?

Orihinal na baybay: ___________________ Kahulugan: _______________________

4. Ang salita bang likido ay salitang hiram o likas sa atin? Magbigay ng paliwanag kung saan nagmula ang salitang ito.

___________________________________________________________________________ 5. Ang salitang paghihinagpis mula sa pahayag na “Sa paghihinagpis ni Juliet ay

dumating si Fray Lorenzo, ngunit hindi na niya naabutang buhay si Romeo upang sabihin ang katotohanan.”

Orihinal na baybay: ___________________ Kahulugan: _______________________

IV. Panuto: Ipaliwanag ang katangian ng mga tao sa bansang pinagmulan ng dula

batay sa napanood na bahagi nito. Panoorin ang video clip sa ibaba kaugnay ng

bansang naging tagpuan ng dulang “Sintahang Romeo at Juliet.”

Video Clip: https://www.youtube.com/watch?v=BHGdBsRmPys

Ang mga tao sa England ay... ____________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

V. Panuto: Marami ang pagkakaiba ng ating bansang Pilipinas sa bansang England

kung saan nagmula ang dulang iyong nabasa. Mag-isip ng tatlo o higit pang

pagkakaiba ng dalawang bansa pagkatapos isulat ang sariling damdmain at saloobin

tungkol sa sariling kultura kung ihahambing sa kultura ng ibang bansa. Dapat ito’y

magkakaroon ng 5 higit pang pangungusap. Ang rubriks ay nasa ibaba. (5 puntos)

“Ang Pagkakaiba ng Pilipinas at England”

________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Page 14: 10...Filipino Ikalawang Markahan - Modyul 2: Dula mula sa England Z est for P rogress Z eal of P artnership 10 Name of Learner: _____ Grade & Section: _____ Name of Manunulat: Angelica

12

RUBRIKS

Mga Kriyterya 2 3 4 5

Organisasyon

Hindi maayos ang

organisasyon ng

mga ideya

May lohikal na

organisasyon

ngunit hindi masyadong

mabisa

Maayos ang

organisasyon,

pagkabuo ng pangungusap

Mahusay ang

pagkakasunod-

sunod ng mga ideya sa

kabuuan ng

pangungusap

Paggamit ng

wika at

mekaniks

Kailangang baguhin dahil

halos lahat ng

pangungusap ay may mali sa

gramar,baybay at

gamit ng bantas

Mga kahinaan dahil maraming

mali sa

gramar,baybay at gamit ng bantas

Mahusay dahil kakaunti lamang

ang mali sa

gramar, baybay at gamit ng

bantas

Napakahusay dahil walang

mali sa gramar,

baybay at gamit ng bantas may

mayamang

bokabularyo

Pagkakasulat

Mahirap basahin dahil sa hindi

maayos at malinis

na pagkakasulat

May kahirapang unawain ang

pagkakasulat at

ng pangungusap

Malinis ngunit hindi lahat ay

maayos ang

pagkakasulat at ang mga

pangungusap

Malinis at maayos ang

pagkakasulat ng

pangu-ngusap

Puntos: Kahulugan:

13 – 15 – Natatangi

10 – 12 – Natutupad

7 – 9 – Nalilinang

4 – 6 – Nagsisimula

Gawain 3: Paghambingin Mo

Panuto: Ipakita ang pagkakatulad at pagkakaiba ng kulturang nakapaloob sa

dulang Romeo at Juliet sa iba pang dulang iyong nabasa.

Sanggunian: “Koleksyon ng mga Istratehiya

sa pagtutura at Iba’t ibang uri

ng Rubriks”

Karagdagang Gawain

Page 15: 10...Filipino Ikalawang Markahan - Modyul 2: Dula mula sa England Z est for P rogress Z eal of P artnership 10 Name of Learner: _____ Grade & Section: _____ Name of Manunulat: Angelica

13

BALIKAN

Nakadepende sa sagot

ng mag-aaral ang sagot

at pag iiskor ng guro.

TUKLASIN

1. d 2. b

3. f 4. a

5. e

PAGYAMANIN

Nakadepende sa sagot

ng mag-aaral ang iskor

batay sa pag ebalweyt

ng guro

ISAISIP

Nakadepende sa sagot

ng mag-aaral ang iskor

batay sa pagwawasto

ng guro

TAYAHIN

I.

1. A

2. B 3. B

4. D. 5. C

II-V

Nakadepende sa

sagot ng mag-aaral

ang sagot at pag

iiskor ng guro.

KARAGDAGANG

GAWAIN

Nakadepende sa sagot

ng mag-aaral ang iskor

batay sa pagwawasto

ng guro

Susi sa Pagwawasto

Page 16: 10...Filipino Ikalawang Markahan - Modyul 2: Dula mula sa England Z est for P rogress Z eal of P artnership 10 Name of Learner: _____ Grade & Section: _____ Name of Manunulat: Angelica

Sanggunian: Aralin 2

Aklat: Ambat, Vilma C., et al. 2015 Panitikang Pandaigdig Filipino Modyul para sa Mag-aaral. Quezon City, Metro Manila: Vibal Publishing House Inc. (pahina: 201 - 213) Alma, Dayag M., et al. 2016 Pinagyamang Pluma 10 (K to 12). 9287 Quezon Ave., Quezon City, Phoenix Publishing House Inc. (pahina: 173 - 193)

Internet:

* Rhom

Published on: December 08, 2015

Published in: acadsplace.blogspot.com

Link: https://acadsplace.blogspot.com/2015/12/kaligirang-pangkasaysayan-ng-inglatera.html#

* Gregorio Borlaza

Published on: Wednesday, 28 November 2018 Published in: blogspot.com Link: http://pangkatzinc201819.blogspot.com/2018/11/sintahang-romeo-at-juliet.html

Youtube.com

* Michael Ian Bartido Published on: Jan 17, 2018 Published in: youtube.com Link: https://www.youtube.com/watch?v=fNdw5ouT7zM

* Wandering Ravens Published on: May 19, 2019 Published in: youtube.com Link: https://www.youtube.com/watch?v=BHGdBsRmPys

* Marwell's Persona Published on: January 24, 2017 Published in: youtube.com Link: https://www.youtube.com/watch?v=wh5gl81SOK8


Recommended