+ All Categories
Home > Documents > 21_Relihiyong Ipinakilala Ng Mga Amerikano

21_Relihiyong Ipinakilala Ng Mga Amerikano

Date post: 19-Jan-2016
Category:
Upload: hanzelkris-cubian
View: 392 times
Download: 4 times
Share this document with a friend
Description:
hekasi
9
H E K A S I 5 Modified In-School Off-School Approach Modules (MISOSA) Distance Education for Elementary Schools SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS RELIHIYONG IPINAKILALA NG MGA AMERIKANO Department of Education BUREAU OF ELEMENTARY EDUCATION 2nd Floor Bonifacio Building DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City
Transcript
Page 1: 21_Relihiyong Ipinakilala Ng Mga Amerikano

H E K A S I

5

Modified In-School Off-School Approach Modules (MISOSA)

Distance Education for Elementary Schools

SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS

RELIHIYONG IPINAKILALA NG MGA AMERIKANO

Department of Education

BUREAU OF ELEMENTARY EDUCATION 2nd Floor Bonifacio Building DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City

Page 2: 21_Relihiyong Ipinakilala Ng Mga Amerikano

Revised 2010 by the Learning Resource Management and Development System (LRMDS),

DepEd - Division of Negros Occidental under the Strengthening the Implementation of Basic Education

in Selected Provinces in the Visayas (STRIVE).

This edition has been revised with permission for online distribution through the Learning Resource Management Development System (LRMDS) Portal (http://lrmds.deped.gov.ph/) under Project STRIVE for BESRA, a project supported by AusAID.

Section 9 of Presidential Decree No. 49 provides: “No copyright shall subsist in any work of the Government of the Republic of the Philippines. However, prior approval of the government agency or office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit.” This material was originally produced by the Bureau of Elementary Education of the Department of Education, Republic of the Philippines.

Page 3: 21_Relihiyong Ipinakilala Ng Mga Amerikano

1

GRADE V

RELIHIYONG IPINAKILALA NG MGA AMERIKANO

Kung ang mga Espanyol ay nagpalaganap ng Katolisismo sa Pilipinas sa pamamagitan ng “Krus at Espada”, ano naman kaya ang itinatag ng mga Amerikano nang sila ang nanakop sa Pilipinas?

Sa pamamagitan ng modyul na ito, inaasahang masusuri mo ang sistema

ng relihiyong ipinakilala ng mga Amerikano. Inaasahang gagawin mo ang lahat ng gawain sa pamamagitan ng masusing pagbasa at pagsunod sa mga panuto. Sana ay masiyahan ka.

Naaalala mo pa ba ang tungkol sa relihiyong itinatag ng mga Espanyol at kung paano pinangasiwaan ito? Sagutin ang tinutukoy sa bawat bilang. Isulat ang tamang titik sa bawat kahon para mabuo ang sagot.

1. Ang layuning nakamit ng mga Espanyol sa pagsakop ng Pilipinas 2. Ang naunang nagpalaganap ng Kristiyanismo sa Pilipinas

ALAMIN MO

PAGBALIK-ARALAN MO

i o o

n h n

Page 4: 21_Relihiyong Ipinakilala Ng Mga Amerikano

2

3. Ang humawak ng tungkuling pampamahalaan sa isang bayan 4. Siya ang maaring gumanap na pansamantalang Gobernador-Heneral

sa pamahalaan 5. Ang unang orden ng misyonero na dumating sa Pilipinas

Kung ang mga Espanyol ay nagdala ng Katolisismo, ano naman ang

ipinakilala ng mga Amerikano?

Sa ilalim ng pamamahala ng mga Amerikano dumating sa Pilipinas ang iba’t ibang uri ng denominasyong Protestantismo. Ang Protestantismo ay isang sekta ng Kristiyanismo ngunit hindi ito pumapailalim sa pamumuno ng Papa sa Roma. Nagsimula ito sa Europa sa pamumuno ni Martin Luther na isang German noong 1517. Ang pangkat na ito ay hindi sang-ayon sa karamihan ng mga pamamalakad, paniniwala, gawi at aral ng Romano Katoliko kaya tumiwalag sila at bumuo ng ibang sekta. Pinalitan nila ang ibang paniniwala, gawi at aral ng Romano Katoliko na sa palagay nila ay mas nakabubuti para sa pananalig ng isang tao.

Nagkaroon ng iba-ibang pangkat ng Protestanismo sa Europa at kumalat

sa iba-ibang bahagi ng mundo kasama na ang Estados Unidos. Ang mga pangkat na ito ay Lutheran, Presbyterian, Anglican, Episcopal, at Baptists. Ang Baptists ang mabilis na kumalat sa Estados Unidos. Nagkaroon ito ng maraming pangkat tulad ng Disciples of Christ na naging Christian Church, Evangelical Synod, Reformed Church, Congregational Church at Methodists. Nang lumaon nagsanib ang Evangelical Synod, Reformed Church, Congregational Church at Christian Church para buuin ang United Church of Christ.

PAG-ARALAN MO

u r

s s

u i o

Page 5: 21_Relihiyong Ipinakilala Ng Mga Amerikano

3

Sa Pilipinas, nagkaroon ng batas na nagbigay-laya sa mga Pilipino na makapamili ng relihiyon. Pinayagan ng mga Amerikano ang ibang relihiyon o sekta na magpalaganap ng kanilang paniniwalang panrelihiyon at magpatayo ng kanilang simbahan. Ang ilan sa mga sektang nakarating sa Pilipinas ay ang Presbyterian, Baptist, Anglican, Episcopalian, Seventh Day Adventist, United Church of Christ, Lutheran at Methodists. Maliban sa simbahan, nagtayo rin sila ng mga paaralan at pagamutan.

Pinairal ng mga Amerikano ang paghihiwalay ng Simbahan at Estado.

Dulot nito, ang pamahalaan ay nawalan ng karapatang manghimasok sa mga gawaing pansimbahan. Ang Simbahan naman ay nawalan din ng karapatang makialam sa mga gawain ng pamahalaan.

PROTESTANTISMO

Lutheran Presbyterian Baptists Anglican Episcopal

Disciples of Christ na naging

Christian Church

Evangelical Synod

Reformed Church

Congregational Church

Methodists

United Church of Christ

Page 6: 21_Relihiyong Ipinakilala Ng Mga Amerikano

4

Noong ika-17 ng Oktubre, 1902, itinatag ni Gregorio Aglipay ang Iglesia

Filipina Independiente (Philippine Independent Church) na lalong kilala sa tawag na Aglipay. Hinirang na Obispo Maximo (Supreme Bishop) si Gregorio Aglipay, dating paring Katoliko na kasama sa ordeng Jesuita. Ipinaglaban niya ang karapatan ng mga paring Pilipino laban sa mapang-aping prayleng Espanyol. Ang nagpasinaya sa kanya bilang Obispo Maximo ay mga obispo ng Isabela, Cagayan, Pangasinan, Abra, Nueva Ecija, Cavite at Manila. Ipinakita ni Aglipay na hindi dapat iparamdam ng mga Espanyol na mataas ang uri nila bilang lahi at walang kakayahan ang mga Pilipinong pari.

Noong 1914, itinatag naman ni Felix Manalo ang sekta ng Iglesia ni Kristo.

Maraming Pilipino ang kasapi rito. Ang kanilang simbahan ay iisa ang disenyo sa buong kapuluan kaya makikilala ito agad.

Ang pagtatatag ng iba-ibang sekta ng relihiyon at simbahan ay bunga ng pagkakaroon ng kalayaan sa pananampalataya at nagpapatunay na may angking kakayahan ang mga Pilipino.

Isulat ang sagot sa mga tanong sa iyong kuwaderno.

1. Ano ang sanhi ng pagkakaroon ng iba-ibang sekta ng relihiyon sa Pilipinas noong panahon ng Amerikano?

2. Anong relihiyon ang ipinakilala ng mga Amerikano sa Pilipinas?

Saan nagsimula ang sektang ito? Bakit itinatag ni Martin Luther ang sektang ito?

3. Paano nakapagtatag ng iba-ibang pangkat ng relihiyon sa Pilipinas?

4. Paano pinatunayan ni Gregorio Aglipay na may kakayahan ang mga Pilipinong pari?

PAGSANAYAN MO

Page 7: 21_Relihiyong Ipinakilala Ng Mga Amerikano

5

Ipinakilala ng mga Amerikano ang Protestantismo sa Pilipinas.

Ang relihiyong Protestante ay sekta ng Kristiyanismo ngunit hindi pumapailalim sa pamumuno ng Papa sa Roma.

Sa panahon ng mga Amerikano pinaghiwalay ang Simbahan at Estado.

Basahin ang bawat pahayag. Alin sa mga ito ang ginagawa mo? Itala ang bilang sa iyong kuwaderno.

1. Naiiba ang relihiyon ng kaklase mo kaya mo siya kinukutya. 2. Iginagalang mo ang pook-sambahan ng ibang relihiyon. 3. Sinusunod mo ang mga aral sa Banal na Aklat o Bibliya 4. Nagdarasal ka bago matulog. 5. Ayaw mong tumabi sa kaklaseng iba ang relihiyon. 6. Sumasamba ka sa araw na itinakda ng iyong relihiyon. 7. Nagdarasal ka araw-araw. 8. Nakikipaglaro ka sa ibang bata kahit na alam mong iba ang

relihiyon. 9. Hindi mo tinatanggap ang pagkaing alok ng kaklase mo na iba ang

relihiyon. 10. Tinutulungan mo ang sinumang nangangailangan ng tulong kahit

na iba ang relihiyon.

TANDAAN MO

ISAPUSO MO

Page 8: 21_Relihiyong Ipinakilala Ng Mga Amerikano

6

Ano sa palagay mo, nakabuti ba ang paghihiwalay ng Simbahan at ng Estado o pamahalaan? Bakit? Isulat ang paliwanag sa iyong kuwaderno.

Basahin ang bawat tanogn at isulat ang titik ng tamang sagot sa kuwaderno.

1. Kung ang Katolisismo ay kaugnay ng Espanyol, ano naman ang

kaugnay ng Amerikano? A. Paganismo B. Komunismo C. Protestantismo D. Sosyalismo

2. Alin sa mga sumusunod ang kabilang sa pangkat ng Baptists?

A. Lutheran B. Presbyterian C. Anglican D. Christian Chruch

3. Saan nagsimula ang pagtutol sa pinaniniwalaan at aral ng Romano

Katoliko? A. Europa B. Africa C. Asya D. Hilagang Amerika

GAWIN MO

PAGTATAYA

Page 9: 21_Relihiyong Ipinakilala Ng Mga Amerikano

7

4. Alin sa mga sumusunod ang nagbibigay liwanag kung bakit maraming sekta ng relihiyon ang nakapasok sa Pilipinas noong panahon ng Amerikano?

A. Humingi sila ng pahintulot sa Santo Papa B. Nagkaroon ng batas na malayang makapamili ng relihiyon ang

mga Pilipino C. Pinauwi sa Espanya ang mga paring Espanyol D. Pinairal ang paghihiwalay ng simbahan at pamahalaan

5. Alin sa mga sumusunod ang pinatunayan nina Gregorio Aglipay at

Felix Manalo nang magtatag sila ng kani-kanyang bagong sekta ng relihiyon sa Pilipinas?

A. Madaling mahikayat ang mga Pilipino B. Mataas ang kalidad ng pananampalataya ng mga Pilipino C. Malaki ang kakayahan ng mga Pilipino kung ihahambing sa

mga banyaga D. Matatakutin ang mga Pilipino

Sang-ayon ka ba sa paghihiwalay ng simbahan at pamahalaan? Bakit? Ipaliwanag ang iyong sagot sa kuwaderno.

PAGPAPAYAMANG-GAWAIN

Binabati kita at matagumpay mong natapos ang modyul na ito! Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na modyul.


Recommended