KARTILYA mga panuntunan ng Matanglawin
at iba pang mga tula
dawn poets society 7
ading kiko executive editor
ISSN 005-004-201-6
________________________________________________________________
dawn poets society 7 KARTILYA
KARTILYA mga panuntunan ng Matanglawin
at iba pang mga tula
dawn poets society 7
ading kiko executive editor
ISSN 005-004-201-6
ISSN 005-004-201-6
dawn poets society 7 KARTILYA
KARTILYA mga panuntunan ng Matanglawin
at iba pang mga tula
dawn poets society 7
ading kiko executive editor
Karapatang-sipi © 2016 Francis Gallano DELGADO
RESERBADO ANG LAHAT NG KARAPATAN. Walang bahagi ng librong ito
ang maaaring sipiin o gamitin nang walang nakasulat na pahintulot mula sa
may-akda at tagapaglathala.
Disenyo ng aklat at pabalat nina
Pitt Parker, dps at Ka'el Chan, dps
Ginamit na tipo sa aklat Inilimbag sa Filipinas Limitado ang kopya
Times New Roman ISSN 005-004-201-6
Inilalathala at inililimbag ang pampanitikang talaarawan o journal na ito
ng quarterly o apat na beses sa isang taon ni Francis Gallano Delgado at
ng Dawn Poets Society.
dawn poets society 7 KARTILYA
NILALAMAN
INTRODUKSYON
Matanglawin|1
BADYA BADJAW, BAD YAN BADYAW|2
BAHAW|3
BATINGAW|4
MI COMPAÑERO|5
ENGKANTADA|6
KABATAAN|7
KALUWALHATIANG SALIDA|8
LUALHATI NG SILANGAN|9
MAYNILA|10
MEHAN GARDEN|11
MLB|12
NANG NAWALAN KAMI NG
BUKANG-LIWAYWAY|13
PROSTI|14
SARONG BUGKOS|15
SEPULTURERO|16
LA VISTA POR PABOR|17
DILAW ANG KULAY NG KALUNGKUTAN|18
LUHANG WALANG PATID|20
Mga Maikling Tula|22
HIYAS NG GUNITA|23
TALAHIBAN|24
NANG MULING UMULAN
SA OKTUBRE, 2015|26
NANG MULING UMULAN
SA OKTUBRE, 2014|27
Unang Himig HIBIK MAYO|28
PILYO ARENG SI TSONG!|30
HAPLOS|32
KAARAWAN MO MAMA KO|33
PAGKAPANTAY-PANTAY|35
INSAN ROSANNA|36
BANGON LUALHATI|37
LIHIM NG KAHON|39
i
INTRODUKSYON
DAPAT MABATID SA PAGSUSULAT NG TULA
Naniniwala tayong may kakayahang baguhin ng isang tula ang mundo.
Nabago nito ang ating mundo at kung nabago nito ang mundo natin ay wala
tayong makitang dahilan upang hindi mabago ang mundo ng iba. Nabasa natin
ang pinakamalaki at pinakamalawak na diksiyonaryo sa wikang Filipino na kung
saan si National Artist Virgilio S. Almario ang punong patnugot. Sa ating
pakakaintindi ay malikhain ang tula at hindi lamang sukat at tugma ang
tinataglay ng tula. Hindi laging matalinghaga ang tula. Hindi siya (tula) lagi na
lamang maikli.
Isang biyaya sa ating mga alagad ng panitikan ang magkaroon ng
diksiyonaryong kagaya ng nilikha ni Ginoong Almario, ng kaniyang lupong
patnugutan at ng kaniyang mga kasama sa paglikha ng diksiyonaryong Filipino.
Napakalaki ang naitulong nito sa pagpapakilos ng mga makatang kagaya natin
na lalong sipagin sa paglikha ng mga akda. Hayaan nating magpaubaya sa mga
dahon sa aklat na ito ng ilang paksa na mahalaga sa pagsusulat ng tula.
TONO
Pinahahalagahan ng Mambabasa ang tono sa pagkatha at pagtula. Para bang
ang paghingi natin sa ating mga magulang ng bagay na nais natin makuha.
Nananalangin. nakikiusap at/o nanlalambing tayo ng taimtim na halos gawin
natin ang lahat makuha lamang ang ating nais.
Sa ganitong antas ng tono ay malamang na makuha natin ang anuman na
ating hinihiling. Ibig sabihin ay mahalaga na maintindihan at makilala ang
nagsasalita sa tula. Ito ang kinakasangkapan ng Mambabasa, na maunawaan
niya ang relasyon niya sa akda at dahilan ng pagbabasa niya nito.
Marahil ay ito na nga ang isa sa mga hiwaga na nananalaytay sa ugat ng
panulaan. Bukod sa pagbubukas ng bagong mundo gamit ang tono ay hinihimok
ng tono na magbago ang pananaw ng tao dahil marunong makiusap ang tula na
maaaring sa antas lamang ng tono.
Kung minsan ay nagiging sapat ang tono upang pukulin ang atensyon ng
Mambabasa. Sa madaling salita ay nasa tono ng pagsusulat nababanaag ang tono
ng pananalita ng nagsulat ng tula.
ii
Sa pamamagitan ng panulaan ay binibighani ang Mambabasa. Pihikan man sa
paglilibang ay nililikha ng tono ang Mambabasa na mas lalong malibang sa
binabasa. Sa pagbabasa, kasama ang iniintinding binabasa, nagsisimula ang
paglalakbay ng diwa. Sa tono kinukundisyon ang Mambabasa upang simulang
sumama sa mga pagsasanay na nakakarga sa akda. Nasa katangian ng tono
bumubungad kung sasama sa karera ng mga pampantikang karera ang persona
at narrator sa tula at katha.
MUSIKA
Hinaharana ng awit ang Mambabasa. Sinusuyo natin ang ating nililigawan
para mapasagot natin sila. Ibig sabihin ay napakahalaga ang tungkulin ng
panliligaw. May kakayahan na manligaw ang awit. Ang tula ay awit at ang awit
ay tula.
Nililigawan tayo ng tula sa pamamagitan ng paulit-ulit na lambingan. May
katangian ang panulaan na may tugma at sa huli ay pinaaantig ang damdamin ng
nililigawan.
Mapagkumbaba ang musika sa tula para sa Mambabasa. Animo ay sa
bintanang yari sa kapis ay may nakadungaw na isang Maria Clara habang sa
labas naman ng bahay sa may tapat ng bintana ay may makisig na si Crisostomo.
Musika ang nagpapagaling sa amang hari ni Don Juan sa kuwentong bayan na
Ibong Adarna. Ang mga awit sa Florante at Laura ay may kakayahan na
makipaglaban sa mga Kastila. Sumasabog ang musika sa El Filibusterismo.
Dinadala tayo sa ecstacy ng musika. Binabago tayo ng musika at tinutulungan
tayo sa ating mga hinaharaya.
Nang dahil sa bertud ng musika sa tula ay nababalikan natin ang ating
kabataan dahil nagsimula nating mahiligan ang musika noong tayo ay batang-
bata pa lamang. Ganoon ang panganganyaya kung ang Mambabasa ay mula sa
kabataan at siya mismong kabataan kagaya ninyo at kagaya natin.
MATANGLAWIN
Sa isang malaya at malikhaing uniberso natin masusubaybayan ang
kinalaman ng Matanglawin sa mundo. Kung sino at/o ano ba ito ay mananatiling
nakatago muna sa aklat na ito. Magpaparaya ang kuwento ng Matanglawin sa
mga dahon ng darating na nobela.
Kund hindi tayo nagkakamali ay unang nabanggit ang Matanglawin sa mga
pahina ng El Filibusterismo at ito marahil ang isa sa mga inspirasyon ng
pangalan na ginamit sa pamagat ng ating aklat. Ngunit, hindi siguro ito pangalan
lamang. Malaking bahagi ng kalipunan na ito ay ang mga akda ng Matanglawin.
iii
Ang mga tulang Matanglawin ay nasa Filipino lamang. Ang mga panuntunan ay
iniimbitahan ang Mambabasa upang maging bahagi ng mundo sa mga
panuntunan gamit ang tula.
ADING KIKO POETRY CLINIC
Malimit maganap tuwing ika-5 ng anumang buwan na pumapatak sa araw ng
Sabado ang klinika. Nabigyan tayo ng biyaya na makapanayam ang ilan sa mga
makata ng bansa. Sa kaparehong petsa malimit maganap ang workshop, lektura
at/o coaching/mentoring.
Kasama ang mga Dawners, naging matagumpay ang mga serye ng panayam
at workshop sa klinikang pampanitikan na nagsimula nakaraang taon. Dahil dito
ay tumatanaw kami ng utang na loob sa inyong lahat na nagpahayag ng kani-
kanilang saloobin at suhestiyon. Malaki ang naitulong ng workshop upang
mahasa ang ating sarili upang maging ganap ang determinasyon sa pagsusulat
ng sanaysay, katha at/o tula.
Nagpapasalamat tayo sa Tatsulok ng Panulaang Makabago na sina Koyang
Roger Mangahas, Koyang Rio Alma at Koyang LEA. Dagdag pa
ay ang mga tulong sa atin ni Ginang Tek Bigornia at Tagak Series sa payo sa
pagpapalimbag at paglalathala. Nagpapasalamat tayo sa hindi magmamaliw na
pagtitiyaga sa atin ni Koyang Teo Antonio at ng kasama niya sa MTV na sina
Sir Mike Coroza at Sir Vim Nadera.
Malaki ang naitulong ng mga taong aming pinasasalamatan sa pagbuo ng
kalipunan na ito. Taos-pusong pasasalamat kina Ginoong Vet Vitug at sa
kaniyang kabiyak, kay Ma'am Ruth Mabanglo sa kaniyang maikli't makamandag
na tula, pasasalamat dahil sa kasalukuyang Dawners na tinulungan tayong silipin
ang Dawn archives upang magsaliksik at suriin ang mga ginituang akda nina
Koyang Mike Bigornia, Sir Dong delos Reyes at Sir Archie Almeida, Jr.
Nangangarap tayo na balang araw ay isaaklat ang kalipunan ng mga
maiiksing tula mula sa mga makata ng University of the East (UE). Hinahangad
ng kalipunan ng maiiksing tula ang pagpupugay sa mga makata ng UE dahil sa
kanilang niambag sa sariling pamantasan at sa pamayanang pampanitikan ng
Filipinas.
Ez Khan, dps
Ika-5 ng Mayo, 2016
San Lorenzo, Filipinas
dawn poets society 7 pahina 1 ng 40 KARTILYA
Matanglawin
Si Roi,
lumaking may ugaling palaboy.
Sintigas daw ng kahoy
pero mabaho ang amoy.
Hoy! Hoy, Roi,
nandiyan ka na naman
sa kalye pasuray-suray,
di ka pa ba naumay
sa ganiyang buhay?
Mabuting kinabukasan
ang sa iyo
ay ang aking pakay.
Ika-16 ng Pebrero, 2015
dawn poets society 7 pahina 2 ng 40 KARTILYA
BADYA BADJAW, BAD YAN BADYAW
Kleng
Paghudyat ng tambol na yari sa lata ay isinayaw, inindak, kinendeng ng mga
katutubo na animo ay nasa huling hininga na ang kanilang tradisyon, na animo
ay ipinagdiriwang nila ang natitirang latak ng sinaunang kultura na isinilang ng
tribong kanilang nilisan
Kleng
Klengklengklengkleng
"Ala kami gawa m'sama"
Klengklengklengkleng
"Palimos po ate, kuya
Limos po!"
Klengklengklengkleng
Klengklengklengkleng
Klengklengklengkleng
Klengklengklengkleng
"W'la k'me gawa masama"
"Ate, kuya"
"Kuya, ate."
"P'limos po, ala kam-e gawa masama"
Klengklengklengkleng
Klengklengklengkleng
Kleng
Marahil ay laman ng karagatan ang nag-iwi ng kanilang kamusmusan
Marahil ay alupihang dagat, talangka, pawikan, suso, kabibe, tahong, o
halamang dagat ang kanilang agahan, tanghalia't hapunan
Kleng
Marahil ay bangka ang kanilang kaniig sa pagtulog
Hindi tilaok ng tandang, tahol ng aso, kalabog ng trena o busina ng bus o
dyipney ang nakagawian nila sa paggising
Tampisaw, sagitsit, taginting ang kanilang batingaw upang batiin ang Haring
Araw
Kleng
At sirena, siyokoy ang kani-kanilang kalaro sa dapithapon, sa bukang-liwayway,
kung maaari'y magpakailanman
Ika-12 ng Disyembre, 2012
dawn poets society 7 pahina 3 ng 40 KARTILYA
BAHAW
Tanghali nang gumising, nanlalambot, kumikirot
Ehersisyo'y kumukupas, kinakapos
Boses na rin ay napapaos, nanyayamot
Madugo ang eksena't hapag ay namumula
Pusang itim ay nakamatyag sa sulok ng mesang hubad
May ilaw ang bumbilya, subalit kubyertos ay kulang--
kutsara para sa puti't pula; pala ng sepulturero
para sa itlog na sariwa
Orasan ay nanliligaw, sa butiking, sa dingding nakatambay
Paanyaya: Salumpuwit ay kumpleto, bakit 'di umupo?
Ang chopsuey kagabi ay panis na!
Kanin sa palayok, ay bahaw na! Ngayo'y nasa pinggan
pinipiga ng matigas, at malupit na pilak. At ang
mga gintong butil, ay unti-unti ngang nayuyupi,
napipisa sa makabayang plato.
Sa kabila ng lahat, plumang mandaragat, makisig
kang lumalayag--sumisisid, tumatakbo, lumulundag,
lumilipad. Ang papawirin, tunay na humahanga,
ay ngumingiti, napapawi.. at walang bahid
na anumang dalita...
dawn poets society 7 pahina 4 ng 40 KARTILYA
BATINGAW
Ganap na ba tayong malaya?
Taglay ba ang karampatang sandata?
Matalim na mga tabak sa bato nakataga
Nais ang pumiglas sa panunupil at awa
Makamtan, tunay na bagwis ng himpapawid
Matayog na paglipad, lubos na hangarin
Pagsulong! Isulong!! Dakilang mathiin
Pambansang Wika, hudyat natin
Walang patid na dugo, dumaloy, umalon
Mga sadyang makata--binansagang lapastangan
Ngunit kanilang alaala'y kumatok sa mamamayan
matapang, walang takot
matalino, makabayan, may dangal
Buklod ang hinaing ng bawat sambayanan
wika! Wika!! WIKA!!!
Ating pagtuunan. Ating alagaan.
Kamalayan ng bayan, ating larangan.
Diwa at sandigan--nasumpungan
Mga Pilipino, nais ay kamulatan
dawn poets society 7 pahina 5 ng 40 KARTILYA
MI COMPAÑERO
Marahil, ay kahalintulad ko si Apolinario Mabini
Kahalintulad ko siyang lumpo
Kahalintulad ko siyang abogado
Aba! Hindi nga pala ako abogado
Ni hindi nga pala ako bulag
Subalit, malabo na ang aking paningin
Kung kaya ang ilang pananaw ko'y malimit na alanganin
Naniniwala akong
Ang lahat ay may kakayahang magbago
Kahit ang bata
Kahit ang dukha
Kahit ang preso
Kahit
Ako, si Reymart Matanglawin San Juan
Ako ang supremo
Ang mga mata ko
Ang mga paa ko
Ang aking mga mata'y
bulag sa mga paniniwalang walang katuparan ang mga pangarap
Ang aking mga paa'y lumpo sa mga paninindigang wala namang naiiba pang
paraan
Ang mata ng hustisya'y di bulag
Sa halip ay maliwanag pa sa sikat ng Haring Araw
At ang batas ng hustisya'y hustisya sa mga batas
At ang bawat batas ay di lumpo dahil sa mga batas na nakalulumpo
Ang batas ay nararapat, matuwid, dakila
Kahalintulad ng hustisya na walang kinikilingan
At kung mayroon ma'y ang katotohanan lamang
Ika-5 ng Abril, 2013
dawn poets society 7 pahina 6 ng 40 KARTILYA
ENGKANTADA
Itim ang rabaw ng daigdig, ng aking pangungulila. Animo'y asungot na may
asuntong di na muling pahintulutan sa paglikha ng anumang uri ng katha.
Binulag ng dungis, ngunit, malinaw pa sa umaga ang hustisyang nilalaman ng
antolohiya. Nilumpo ma'y buong galak ang paglundag sa panahon.
Liwanag sa panahon.
Magpahanggang ngayo'y taliwas ang ating mga pananaw. May kusa nama't
mabilis na dumadaloy ang tubig sa batis, subalit, salungat ang anyo nito, pati
pintig ng sari-sarili nating landasin. Ito na nga ang asilo ng aking pangungulila.
Pangungulila kong kailanman ay di dapat ikagitla.
Hindi sasapat ang sarong bugkos ng mga bulaklak na siyang nagsisilbing
halimuyak sa hukuman ng kagubatan.
Di mapapanatag ang kalooban sa samot-saring mga talulot ng rosas na
nakabihag sa aking mga akda.
Nais kong maghanda ng tugon para sa tiniripon ng mga talulot sa epistola ng
aking panahon, at pati na sa liryo ng aking kasaysayan.
Nais isilid sa lihim na kahon ang aking maikli man o mapusok na kuwento.
Ibig kong ikahon ang sirena at engkantada sa aking kabanata.
Ibig ko na muling makaulayaw ang engkantada na gumising mula sa aking
pagkatao simula pa sa pagkamulat ng kabataan.
Patungong ginhawa, ay nangahas akong ibangon mula sa tag-araw ang
mainiping hapon. Sa bagong gising na kalikasa'y muli kong isasayaw ang liyag
ng panahon. Bubusugin ko siya ng pagmamahal at silakbo ng aking damdamin--
magniningas, magliliyab, at magyayabong gaya ng dati.
dawn poets society 7 pahina 7 ng 40 KARTILYA
KABATAAN
Bago pa man mahuli ay pakinggan mo ang lahat.
Makinig ka kabataan ng aking panahon.
Suriin mo ang natitirang kahalagahan ng iyong mga kuro-kuro o pala-palagay.
Dahil sa iyong kagustuhan ay mananangis ka. Iiwan kita sa dilim na walang
natitirang pag-asa kundi ang kalungkutan.
Lilisanin ko ang iyong mundo na walang bahid ng anumang takot, ni pananakot
o ng pangangamba.
Kabataan.
Ano ba ang pag-asang nalalabi pa sa kasalukuyang kabataan?
Hindi ba sila biktima na lamang ng lipunan na kanilang ginagalawan?
Mas mahiwaga sa Stonehenge ang kanilang mga kapalaran. Umuuha lamang
silang mga sanggol, na kagaya ko, ay iniluwa ng karimlan upang maghasik ng
gadaigdig na misteryong daig ang Egyptian Pyramids.
At sa mga kabataan:
Hindi na kayo tatangkad pa.
Nilampasan na ninyo ang kinabukasan na dapat ay nasa inyong mga kamay.
Nilundagan na ninyo ang kapalaran at tadhana.
Hindi na kayo ang kalutasan upang maiangat ang inyong mga sariling
pagkayurak sa latak at lusak.
Di na kayo ang kabataan.
Di na kayo ang kinabukasan.
Di na kayo ang pag-asa ng ating bayan.
Ika-5 ng Nobyembre, 2012
dawn poets society 7 pahina 8 ng 40 KARTILYA
KALUWALHATIANG SALIDA
(para sa gintong Makata)
Sa piraso ng dahon, sa gubat ng ulilang
apat na sulok ng parisukat.
Batid ng makata ang kapwa makata,
nakahimlay na mga alaala,
Katulad ng tulog na Prosang Pilipino--
kauna-unahan sa kaluwalhatian.
Sa ulirang tinta ng pluma;
sa loob ng nakagisnang opisina--
Nananatiling mabaho't
nagbabata ng pagdurusa.
Makata kitang itinuring,
Walang kinilalang pagkadupiling.
Banaag ko ang sikat ng iyong tagumpay,
narinig ko ang mahimbing mong pagpanaw.
Dakila. Makata. Dakila.
at ako'y nananatiling
Nakatingin, nakaabang, naghihintay.
Mahina mang maituturing,
ngunit lakas ay manunumbalik rin.
Samantalang hinablot ng amihan
ang mga makata at kanilang pluma,
Subalit, babalik, magbabalik, bumalik
pag-asa ng makata ay hindi nawala.
At ako'y inalayan ka,
tinahak ang landas ng tula,
Tuluyang kumapit sa pluma ng paglikha
mula sa Silangan--
Natuto, inaruga, pinaghusay ang diwa.
Gutom na--oo, may uhaw pa.
Subalit lupa ng makata
Kailanman ay hindi matitigang
‘pagkat sisibol ang mga bagong manunula.
dawn poets society 7 pahina 9 ng 40 KARTILYA
LUALHATI NG SILANGAN
Iniadya mo ako
sa anumang anyo ng kamangmangan.
Inilagay ko sa kukoti ng iba
ang iyong mga pangaral
dahil hindi ko naman kailangan ang mga ito,
ang sinabi ko sa aking sarili.
Pinakinggan ko
ang tunog
na nagmula sa batingaw ng iyong naitagong kapilya.
Nakisabay
sa ilang pag-indak,
pag-arte at pag-awit
sa ipinagmamalaki mong teatro.
May metamorposis na nilalaman
ang sentido
na siyang naipamana mo sa akin.
At nagpatuloy akong may hubog.
Hinubog, hinuhubog.
Huhubog.
Marami-raming kasangkapan sa kapilya ng karunungan.
Dito namulat
ang aking munting paraisong may bahid ng kaalaman,
at pakikibakang may liyab mula sa damdamin
na animo ay
ikinubling dragon, at pagkakaibigang maamo
katulad ng sa tupa.
At humingal.
Pagod na ako, Lualhati.
At may uhaw
ang sa akin lamang ay nalalabi.
Ika-27 ng Setyembre, 2012
dawn poets society 7 pahina 10 ng 40 KARTILYA
MAYNILA
(Isang maikling paanyaya ng pagkilos mula sa MANILEñO)
Sa umaga:
Imulat ang nananabik na mga mata.
Masdan ang paligid habang tinutunaw ang putaheng pahayagan--
pulubing nakahandusay sa may simbahan.
gusgusing yagit sa maputik na lansangan,
at silang mga may kapansanang tirahan ay kalye,
mga buhay na patotoo ng karukhaan dito sa gintong lungsod, kuno.
Sa tanghali:
Sumasayaw sa alindog at halimuyak ng tukneneng at sago.
dumadampi na rin, masarap na fishball at gulaman,
pumukol pati kikiam at malamig na ice tea.
Bilisan lang ang pagbili,
nakadobol park ang jeepney.
Sa hapon:
Kalesa'y nakipag-unahan sa bus na rumaratsada,
ganun din sa piratang FX na humila
ng mga pasaherong burgis ang tawag sa masa,
buti pa ang LRT walang kakumpitensya.
Mga pulis ay nakamatyag kay Ligayang umiindak,
habang ang owner ng pulis nakaabala na sa trapik.
Sa gabi:
Itim na usok galing sa tambucho,
singaw ng ilog ay sadyang mabaho,
kanal at imburnal ay nakalulumo--
lipana na kasi ang mga langaw, lamok at kung ano.
Samantala, nakalatag sa di malayo--
itlog, balut, penoy, bitukang inihaw at adidas--mga paninda ni Pedro.
Sa madaling araw:
Rindi ang isip sa magdamag na beer at pulutan,
nakiparty kasi dun sa higanteng bahay ng kuwagong gising.
Tila baga sabik makaulayaw ang gabi.
pipi't bingi sa musmos na katahimikan,
humihiling sa buwan na huwag munang magpaalam,
pigilin ang pagisbol ng bukang-liwayway.
dawn poets society 7 pahina 11 ng 40 KARTILYA
MEHAN GARDEN
Hinintay ko sa hardin ang kaniyang pagdating
Inabangan ko sa aking paghintay ang mga huni
huning mula sa mga ibon upang malibang
Nalasing ako sa kahihintay sa wala
Ika-13 ng Nobyembre, 2014
J. Ruiz, San Juan
dawn poets society 7 pahina 12 ng 40 KARTILYA
MLB
(hakang likha para sa akin ni Boss Mike)
May kaharutan ang iyong ngiti
noong nakita kita
sa may tulay ng Pamantasan ng Silangan.
May luksong namagitan sa atin dalawa
kagaya ng sa tulay
at sa malapit nitong kapilya.
At ipinatong ko sa iyong bumbunan
ang makatang pagpapala,
at sinundan mo naman ng munting pagtugon sa pamamagitan ng iyong
maamong ngiti.
Hindi ko pinagsisihan ang gayon
sa kadahilanang nasa daloy din ng iyong dugo ang pagkamakata.
At ako'y lalong nagalak, natuwa at
sadyang humalakhak sa mga naitago mong indak.
Ika-28 ng Setyembre, 2012
dawn poets society 7 pahina 13 ng 40 KARTILYA
NANG NAWALAN KAMI NG
BUKANG-LIWAYWAY
Tinanaw ka namin na may alab
ang nasa iyong kalooban.
Sa aming pansamantalang paglisan
ay inaalala ka namin
na lumisan kaming may naiwan sa iyo na ningas
ang hatid mong pagmamatyag.
At kahit na lantay ang mga dahon
na nakasabog sa kung saan na animo ay
dinatnan ng manlulupig
sa paanan
ng iyong bulkan,
ay kagaya ka pa din ng nakagawian
--hindi pasisiil, di ka pa din pasisiil.
Ngunit kamakailan,
isang pagkagulat ng kamakailan lamang,
humiyaw ka ng sandali at di na nagpatuloy.
Bakit di ka na nagpatuloy pa, sa halip
ng amin ding paghiyaw, pagsigaw,
pakikibaka?
Mahal ka namin, bukang-liwayway.
At ngayo'y sa iyong pamamaalam, kami ay tumamlay.
Ika-26 ng Setyembre, 2012
dawn poets society 7 pahina 14 ng 40 KARTILYA
PROSTI
May sawimpalad ka't iniwan sa paanan ng kumbento ang musmos na nagmula sa
iyong sinapupunan. Ang wika mo pa nga'y may kabilugan ang mundo na parang
gulong, bakas ng gulong sa iyong mga palad na kahit higit pa sa mga palad ang
nasagasaan noong unang panahon.
Nasa ilalim ka ng bilog na buwan at naghele kahit naglaho na ang dati-rating
munting alaala sa iyong kanlungan.
Sumisid ka sa kama at mga lalaki ang iyong malupit na unan, pagkagat ng dilim
ay kagawad ka sa ilegal na kalakaran.
At ako ay nagulat sa asal ng kagay mo na dapat ay Paraluman. Nakatapos ka't
sabi mo ay kailangan, ngunit, bakit sa iyong sanggol ika'y nagkulang?
At sumisid ka na naman sa kama at mga lalaki ang iyong malupit na unan, araw-
araw at gabi-gabi ka sa pagbebenta ng laman. At ikaw ba ay mapapatawad ang
nasa iyong isipan, kahit alagad ka na ng laplapan sa nabubulok na lipunan.
At nagpahinga ka ng maraming pahinga sa paanan ng estatwang may nakatakip
sa kaniyang mga mata.
Napatingala ka at nabatid mo ang kaniyang kapayapaan na kahalintulad mo na
namamahinga.
Ika-17 ng Oktubre, 2012
dawn poets society 7 pahina 15 ng 40 KARTILYA
SARONG BUGKOS
(hango sa ika-55, sa NPC)
Isang gabi ng walang hanggang mga halakhak;
ng mga upos na sigarilyo;
ng mga nag-iinit na serbesa.
Sa kailaliman ng kanyang talinghaga--sa wakas!
Dumadaloy na rin ang nakalalasing na tula--
nilinang ng kamalayan,
inukit muli ang patay na karanasan.
Pawis ng dalita.
Matanda at batang tula.
Inugoy ito nang mainit,
ngunit mahalinang hanging
galing pa sa dalampasigan,
na maghapong namasyal
sa mahiwagang karagatan.
Listo ang bagitong balintataw.
Sagana sa pagkumpas ang puting lolo.
Mapait ma'y pinag-isa ang mainiping liwanag.
Siya kasi ang babalot
sa matamlay na karimlan ng dilim.
Dalawang buto't balat na makata ang tumayo
mula sa kanilang kinauupuan.
Itinaas ang kanilang serbesa,
at nakisalo sa kuyug ng talinghaga!
dawn poets society 7 pahina 16 ng 40 KARTILYA
SEPULTURERO
Marami-raming hinukay na libingan, mga kaluluwang hindi dapat nakapatong sa
kanlungan. Sa kabilugan ng sansinukob, ay mas malalim pa sa gabi ang
nilalaman ng isipan, ang lungkot at pangungutya hanggang sa datnan ng
pagkayurak ang kinalalagyan.
Sa harap ng di mabilang na mga puntod, nagiisang sinasamsam ang nalalabing
wikang binibigkas ng mga labi: "Ako na ata ang isa sa may pinakamaraming
nagawang mga tula, ngunit, wala man lamang ni isa sa aking mga likha ay
natuwa."
Maraming beses nagsukat, tumugma, nakinig sa ilang berso ng dati-rati'y
nabasag na mga pangarap. Maraming beses namatay ang puso ko't ang aking
mga piraso ng alaala ay naghintay sa anumang lupalop ng makalupang pagkatao.
Naghintay. Ngunit, wala ni isa man sa pagkaratay ay naglamay. Dahil dito'y
pinunit ang natitirang kasuotan sa pag-asang ito na lamang ang nakasisiguro ng
kaligtasan ng tinatawag na sanlibutan.
Muling sinilip ang epitapyo sa pintuan ng silid bago ako umidlip. Bago pa man
pumikit, kasabay ng pagtatapos ng epoka sa aking kasaysayan, ay nag-alay
muna ng madamdaming elohiya para sa sarili--para sa katapusan ng pangamba,
kabanata, kabataan. Sinundan ng napakalumbay na lumbay. Lumuha.
Humagulhol. Nagsisi sa kadahilanang hindi naging kapaki-pakinabang ang
bawat patak ng pawis na itinangis ng hapong pangangatawan. At nitong huli'y
lumikha pa, lumikha ang makata ng marami pang mga tula imbes na
manlupaypay.
Ika-2 ng Nobyembre, 2012
dawn poets society 7 pahina 17 ng 40 KARTILYA
LA VISTA POR PABOR
Sa vista ng bayani, martir, at may kapansanan
Sa vista
Bughaw ang mga nagliliparang bagwis sa aking pangarap
Sa aking sentido
Dugo ang dumadaloy sa aking mga ugat
Naaaninag ko na ang mga linya ng liwanag na naghaharutan sa bawat sulok ng
aking pintuan
Nagsisimula na ang paglalakbay ng sariling diwa sa aking madilim na silid
Pinapanday na ang aking isipan ng mga matatalas na kataga na itataga ng
sariling dila bago pa man ang paglilitis
Ikukumpara na ang magkabilang kamay upang magsalaysay ng tungkol sa may
sala, sa biktima, sa saksi
Tatanaw na ako sa malayo
Tatanawin ang paglilitas sa magkapatid na Bonifacio sa harap ng korte ng
Himagsikang Filipino
Tatanawin ang firing squad sa Bagumbayan
Titindig sa harapan ng mga garote
Titingalain ang mga krus na nakatulos sa Kalbaryo
Hihintayin ang aking si Rosario
Ika-5 ng Abril, 2013
dawn poets society 7 pahina 18 ng 40 KARTILYA
Teodoro T. Antonio
DILAW ANG KULAY NG KALUNGKUTAN
Dilaw ang kulay ng paninibugho,
gayundin ang talusaling na paninindigan.
Dilaw na laso ang sagisag
ng pagmamahal sa nagbalik na nabilanggo,
maging ang kulay ng liwanag.
Dilaw din ang kulay ng tilamsik
Ng alipato at punglo sa kalsada't abenida
o ningning ng tala at buwan.
Tulad ng kulay ng ilaw trapiko,
nagbababala sa pagtakbo at paghinto.
Dilaw ang kulay ng pahinang
kinasulatan ng nagdaang kasaysayan
o ang direktoryong pinira-piraso
at inilulan sa hangin.
Pinintahan ng kulay dilaw
ang kasalukuyang pagdaramdam, poot
at pagkamulat sa mga pangyayari.
Parang ningas na dala-dala ng alitaptap
Na sumusugba sa dilim ng kagubatan;
Tinatanglawan ang naligaw na kulisap
o sandata sa mabalasik na insekto at hayop.
Iniisip kong ibalot sa dilaw na dahong
Nalaglag sa sanga ang pangungulila;
O kaya'y isalang sa dilaw na tilamsik ng baga.
Pagkat napapaso ang puso't diwa
sa dilaw na lagablab ng sintimyento't
pagluluksa ng maraming nakabangga sa kalsada.
Dilaw na dahon akong pinigtal
ng pangyayaring tinuka ng dilaw na ibon.
At dilaw na ningas ang gumabay,
habang isinusulat ang tula sa naninilaw na papel.
Dilaw din ang damit na suot ng aking anak
nang abalahin ako sa pagsusulat.
Dumungaw ako sa aming bahay,
dilaw ang kamiseta ng naglilinis ng kalye,
dilaw ang diyaket at helmet ng nagkukumpuni ng telepono.
Hanggang tapunan ko ng tingin,
ang dilaw na bulaklak sa hardin
na inaaligiran ng dilaw na paruparo.
dawn poets society 7 pahina 19 ng 40 KARTILYA
Samantalang dilaw na pusa ang sinasakmal
ng itim, malaki at mabagsik na aso.
Dilaw din ang sikat ng araw
na naglagos sa bintana.
Maging ang bulaklak ng kalabasa
at hinog na manggang nakagayak sa kusina.
Parang ang aking kalungkutan
ay nagiging dilaw na tulad ng sa kompeti,
na naglalaglagan sa mga gusali ng Makati.
dawn poets society 7 pahina 20 ng 40 KARTILYA
Christine De Castro
LUHANG WALANG PATID
Silang mga manlulupig
eto na't papalapit.
Mula sa kung saang dako
natatakot yaring musmos.
Pilit iginagapos,
pinatigil ang paghihikahos;
pinigil ang pagsusumamo
patuloy ang pagmamakaawa.
Gayong ang puso nama'y
patuloy ang pag-amo.
Halika't tulungan mo ako,
ilabas ang nasa loob nitong damdamin.
Naninikip ang dibdib
Puso'y tumitindi,
sa pagsiklab ng silakbo
at muling paghikbi..
Ang pag atungal...
Ikaw man ay nagiging ganito rin:
Dumadaloy at pumapatak
Mula sa mga mata,
pahalik sa pisngi,
na ngayo'y namumugto.
Di na ito mapipigil pa
Hinayaan akong dumaloy
Ang mapapait kong karanasan
Maging sa araw-araw man.
Mangyayari ito ng paulit-ulit
Di ko na ito pipigilin
Kahit anong gawin
Di ito kailan man papaawat.
Huwag ko lamang indahin
Dahil ang puso ko'y di magpapapigil
dawn poets society 7 pahina 21 ng 40 KARTILYA
Gusto lamang maibsan,
ang mga nakaraang madilim.
Inilabas ang nararamdaman
Ipinadama kung nasasaktan
Iniibsan ang kasiyahan
Na kung minsan nama'y walang magawa.
Ilan lamang ito sa mga dahilang
di maipaliwanag ng husto
Kung kaya't ang paraan lamang
ay hayaan itong magpatuloy.
dawn poets society 7 pahina 22 ng 40 KARTILYA
Rogelio G. Mangahas*
Sarap ng sabaw!
Kinatay palang pagong.
Patawad, igan.
Nikki Pedroche
IKAW
Hangin kang dumaraan
Humahawi sa ulap
Sa lupa’y nakaambang
Biyaya kong tinanggap
_______
*Mula sa kalipunan ng mga Haiku na GAGAMBA SA UHAY
dawn poets society 7 pahina 23 ng 40 KARTILYA
Lamberto E. Antonio
HIYAS NG GUNITA*
(Alay sa kapatid kong Anicia Antonio-Ventura 1947-2015)
Nobyembre ang buwan ng iyong pagsilang
at ng huling yugto ng pagkakaratay
pagyaong panatag ang nakalarawan
dahil nagwagi ka sa mabuting laban.
Mahabang panahon na ikaw ay nagsikap
maghawan ng daan tungo sa pangarap
sumalok ng sigla sa masinsing hirap
saka pinuhunan sa pakikilamas.
Isip at salita ay pinakatumbasan
ng gawang malinis, pulido, marangal,
ang mga minithi'y katugma ng hakbang;
kapag sinimulan, di tinatalikuran.
Kapatid na mutya; malinaw at tahas
ang diwa at dila ay tampok na tatak
katangian ito na sadya ngang bansag,
kabuklod ng iyong prinsipyong matatag.
Ang pangarapin mo'y puspusan hinubog,
mistulang pinanday ng libong pagsubok;
hindi inalipin ng poot at takot,
may pananalig kang taos mong kasukob.
Landas itong buhay, madawag na landas,
may simula kaya may dulo ring tiyak.
Sa nangaulila, ikaw ay babagtas
upang sa gunita maglakip ng hiyas.
Palasinan, Cabiao, Nueva Ecija
Ika-30 ng Nobyembre, 2015
_______
*Bahagi ng variations on a theme at kasama sa
bagong katipunang KAHAPONG SANDAKOT ni LEA
dawn poets society 7 pahina 24 ng 40 KARTILYA
Ading Kiko, dps
TALAHIBAN
Tila'y umaapoy na ang ating poot
sa mga matataas na talahiban
natin ginagahis ang ating sarili
sa makamundong sarili't kasarinlan.
At saka natin sinasabing tayo ay
tao. Sa ating paghahangad ng tawad,
tayo'y nakasusumpong. Kay higpit nating
niyayakap ang mga kapatawaran.
Luluhod ng may pumpong mga salita
dayong wikang makinang at maawain
tayo ay magkakabuklod-buklod, nasa'y
sa katotohanan tayo ay mahasa.
At nang tayo naman ang sinunggaban ay
binabaklas natin ang mga sarili't
tayo'y naiinita't magyuyukuan
aaminin nating tayo'y nagkukulang.
Huhugot tayo ng mayabong na wika
sisimulan nating sindihan ang lubid
ng katapusan. Naubos na mitsa ng
dawn poets society 7 pahina 25 ng 40 KARTILYA
katarunga'y sanhi sa nagliliyab na,
Inaaninag nating pag-asa'y huwad
mga bulag tayong nagbibigay-gawad
sa mga bulaang yama'y hinahangad
at nang matuklasa'y tayo'y naglagablab.
Biglaan nating sinisindihan itong
matataas na talahiban na siyang
matatalas na dila. Dila ng apoy,
kung saan namamagita'y tuyong gatong.
Anhin tayo ng kapirasong lupa
na di tayo ang nagbungkal at may likha?
babangon tayong tuwid sa puso't diwa
kasangkapa'y sariling sikap at gawa
Nagniningas tayong muli katabi ang
nagsisiga-sigaan na nagsisiga
sa ibabaw ng natitigang na lupa
--'sang lupalop, ni di kaniya o atin.
Ika-5 ng Abril, 2016
Maynila, Filipinas
dawn poets society 7 pahina 26 ng 40 KARTILYA
NANG MULING UMULAN
SA OKTUBRE, 2015
Sa dinami-dami ng gawain1
ay unawain ulit ang tula2
Sa lumilipas nating panahon3
ay may natatapos na gawain4
Nagwakas na Setyembre't Sabado5
Muling balikan ang alaala6
Alaalang may lumot at limot7
tono, boses, kuwentong kanila8
Tono, boses, kuwento kung ibig9
Isulat ang dating pagkabata10
pinaglumaan na nalimot na11
Nagwakas na ang lalim ng tula12
naulanan na ang mga dahon13
kung saan nakadagta ang tula14
samantala ay may mga papel15
na basa sa ulan ng Oktubre16
Ilihim at huwag pag-usapan17
at upuan ang bugkos ng rosas18
ang hiwaga nito't talinghaga19
larangan ng malikhaing sining20
ay nalimot at nilulumot na21
Di nabasa ang tula sa papel22
nakadagta ang tula sa dahon23
Makata pa ang ulan at dahon24
isang dekada'y nasa likuran25
nasa mga bakas ng paa at26
--Almario't Mangahas, Antonio27
Ika-5 ng Oktubre, 2015
dawn poets society 7 pahina 27 ng 40 KARTILYA
NANG MULING UMULAN
SA OKTUBRE, 2014
A, heto ka na naman
huwag mong pigilan
Ilang letra na nalalabi
ay pagtuunan
Makalikha ng akda
ay kinakailangan
Maihahambing
sa pagkagutom nitong tiyan,
sustansiya at luho
ay marapat na lagyan
upang utak ay magkalaman
Ika-6 ng Oktubre, 2014
dawn poets society 7 pahina 28 ng 40 KARTILYA
Unang Himig
HIBIK MAYO
Iskandalo ba sa mga natutulog ng mahimbing sa pansitan
ang awiting malumanay, at may pag-irog?
Kailangan lang naman ang pagkanta, upang mapawian ng pagod,
mabawasan ng kaunting paghingal, na dala pa ng pagtakbo
sa kalsadang pagkahaba.
Tinahak kasi itong umaga ng sadyang pighati't dusa.
Ngayon, masakit man, dapat nang dalawin nitong
gintong antok.
Sa lipunang tuod sa dilim,
himig na malalim ay magdamag na gising.
May boses sa sulok!
Hinibik ang liwanag.
Dito sa karmilam ng bulag na gabi.
Ayaw mahamugan, na siyang malimit na kumikitil
sa nangungulubot na katandaan.
Pero, tuloy pa rin ang pakikibaka,
ang paniniwalang nasalanta,
maraming panahon na ang lumipas.
dawn poets society 7 pahina 29 ng 40 KARTILYA
Lamyos ng hubad kong tinig
para sa inyong mga hapo
sa walang humpay na paggawa
Ika-21 ng Abril 2003
dawn poets society 7 pahina 30 ng 40 KARTILYA
PILYO ARENG SI TSONG!
(Para kay Tito Andel+)
Di laang basta-basta,
Napadpad areng mumo nitong Tsong Andel,
Matapos mayakyak ng sasakyan.
May pakay kanyang pagparine, di ga?
Ale eh, ano nga pala sa aki'y kanyang winika?
Ay s'ya, aking alamin, gunitain.
At kapag naalala ang tagubilin,
Sumunod na laang at ito'y unawain!
Aha! Oo at tama.
Ako daw dine ang magsabi, ika n'ya.
Kaya laang, saang lupalop ko sila hahanapin.
"Huwag kaligtaan," ang kanya pa namang bilin
Bagama't kilala ako sa pagiging barako,
Katulad ng kapeng Batangueño
Mas malake, matalas at mahaba...
Ang balisong na nakasuksok sa bulsa ni Tsong Andel ko.
Uy, takot na 'yan.
dawn poets society 7 pahina 31 ng 40 KARTILYA
Huwag!
Pang-display laang naman iyon.
Are ga, hindi na mabiro.
Kung maaari daw,
Lihim sa aking pinsan (uniko iho, kuno).
Para kase sa labindalawang (apostol) kapatid nya.
As if, lahat iyon ay kumpirmadong panganay.
dawn poets society 7 pahina 32 ng 40 KARTILYA
HAPLOS
Marahil, ilang gintong dekada ang nakaraan
dumadaloy sa alaala magpahanggang ngayon
malupit na heleng umaalingawngaw sa apat na sulok
nakahihilong ugoy, dito sa aking duyan
Ilang saglit ang lumipas
iniunat ang nanlalantang mga bisig
ibinuka, ikinumpay, winagayway
ang kapit-tuko at nanghihinang mga daliri ng mga kamay
masumpungan nawa ng mga ito ang bawat patak ng gatas
Ilang tansong panahon pa ang nakaraan
At ako
Gaya mo
Hayaan, pagdampi, pagdiin, nitong palad ng mga paa
sa bumabagang kalye
sa mahabang tulay
kasalukuyan akong nangungulila sa paghahanap
matuklasan ang inyong pag-aruga
masumpungan ang init ng inyong ulirang sinapupunan
Ina?
Nasaan ka?
Oo, ako'y kinakalawang dahil sa kahihintay
Ako'y inuugat habang nalalanta
Katulad ng 'di mabilang na naglalamigang rehas ng seldang ito
Biyaya ng inyong haplos ang tanging kailangan
dawn poets society 7 pahina 33 ng 40 KARTILYA
KAARAWAN MO MAMA KO
Bago pa man
lumagapak ang inahin
sa banyagang helipad.
May humarurot na bagwis
mula sa perlas ng silangan.
Iwan ang ilang
lapida ng alaala,
lakas-loob na isinantabi,
butil ng malasariwang luha.
Kahit tigang na
sa pangungulila
ang lupang tinubuan,
dagdag pa
ang malungkot na ulap
at maselan na hangin.
Tinimbang,
tilaok ng tandang;
gutom na mga sisiw;
huni ng mga maya
at kwak-kwak
ng albularyong pato.
dawn poets society 7 pahina 34 ng 40 KARTILYA
Bitbit ang
sinapupunan ng pag-asa,
nakikipagsapalaran
sa banig ng takot,
pangamba.
Sabay silip ko
sa petsa: Ika dalawampu at pito
sa buwan ng Hunyo.
Sasadlak sa mobile phone,
E-mail, social networking sites,
mahayag lamang ang iyong kinang
sa araw ng iyong kaarawan,
bilang aking ina
sa makasaysayang
bahagi ng aking buhay.
dawn poets society 7 pahina 35 ng 40 KARTILYA
PAGKAPANTAY-PANTAY
Tinitimbang ang mga kung anu-ano
sa ating buhay
sa kung sinuman ang mas mabigat na pagkakamali
May timbangan ang ating bayan
na kahalintulad nang sa kahit saang palengke
May mga tumitimbang
kagaya ng sa may mga humuhusga
Paminsan-minsan ay tinitimbang natin ang ating mga sarili gaya ng pagtimbang
natin sa mga bagay-bagay
Bakit pa kailangan alamin ang timbang kung nais lamang ay pagkapantay-
pantay?
Suriin ang kalooban at nang mabatid
Ika-9 ng Nobyembre, 2014
dawn poets society 7 pahina 36 ng 40 KARTILYA
INSAN ROSANNA
Keyk sa ibabaw ng mesa
mabuting diyan ka muna
Ingat sa pusang pumuna
'wag naman sanang mauna
Hinahanap ang kandila
at apoy para sa kanya
Mahal na Insan Sana ay
lagi ka lamang masaya
Narito na, kandila't keyk
espesyal, sarili kong bake
Kaya kaon na, take nang take
kasabay, matamis na shake
Ika-2 ng Mayo, 2016
dawn poets society 7 pahina 37 ng 40 KARTILYA
BANGON LUALHATI
'Sang araw, kay lupit, panahong tag-init
nagkumpulang itim na usok ay pili
sa Pamantasan ng Silangan ang titig
katagang nawalan ng katig ay hikbi.
Anak na siyang iniwi ay nilapnos
ng nagdurugong puso ni Lualhati
isang trahedyang kailan lamang naganap
apoy na tinupok ang mga gusali.
Batibot na inabot ng dilang apoy
ginibang dibdib ay nagdadalamhati
sa gahiganteng silungan ay hinanap
buhay ng punong naging saksi'y nasawi.
Ambon man lamang ay pumapatak habang
mga kasangkapan na dinumog ay di
pinatawad at nasunog, wala na nga
mga sirena ng bombero'y nayupi.
Liyag at muhon ng karunungan itong
nagsilang at nagtatag na di mapawi
mga bato ng sining at panitikan
Silanga'y magmamaliw na hinding-hindi.
Ang San Francisco, kapilya ng dasalan
nagiba't nawala'y halos kalahati
bukluran ng pamayanang nananalig
ay tumutugon sa paghamon sa lipi.
Panalangin ng marubdob na damdamin
bida ay malimit mabugbog sa huli
anumang nagliliyab ay nagagapi
bangon UE! Ahon Inang Lualhati.
Ika-2 ng Abril, 2016
Kalakhang Maynila, Filipinas
dawn poets society 7 pahina 38 ng 40 KARTILYA
___________________________________________
RED ON FIRE. This shot is near the S. H. Loyola (formerly Lepanto) Street. A
dark smoke is coming from the College of Arts and Sciences (CAS) Building
adjacent to Engineering Building located in University of the East (UE), Recto
Campus. The blazing fire is near the place where the official weekly student
publication of UE is likewise located, The Dawn. -- Pitt Photography
dawn poets society 7 pahina 39 ng 40 KARTILYA
LIHIM NG KAHON
Ako, ay musmos ng lipunan--may sariling mundo at abala sa paglilibang.
Maihahalintulad ako sa lumang kahon na pinagdaanan ng panahon. Ang kahon
sa bahay na matagal nang pinupuna ng aking mga mata. Magmula noon
hanggang ngayon, siya ang kahon na inasam na mabuksan dalawampung taon na
ang nakalipas.
Ano ba ang nasa loob ng kahon? Hindi ba siya laruan para sa aking
kamusmusan o kaya ay kaalaman para sa aking kamangmangan? Bakit gayon
na lamang ang pagbawal mula sa aking mga magulang? May misteryo nga
bang bumabalot sa kahon?
Dumating ang maraming panahon, kung saan, pansamantalang mawawala
muna sa aking munting isipan ang nakamamanghang kahon, dahil ako ay
kailangang lumisan. Kailangan kasing lumipat sa ibang lugar upang doon
manirahan. Doon, kami'y patuloy na mamumuhay at patuloy na
makikipagsapalaran.
Ako, ay ang binata sa lipunan--may bagong mundo at abala sa pag-aaral,
pagtuklas ng bagong kaalaman at karanasan. Marami na ang nagbago, ngunit
narito pa rin sa lumang bahay ang kahong tumutukso sa pagiging ako.
Sa wakas, naghari na ang tapang. Binuksan ko ang kahon, at namangha sa
nakita. Laman nito ang mga kaalaman na nagmulat sa aking mga mata. Walang
duda kung bakit ako inilayo at binulag sa katotohanang nasa kahon. Laman nito
ang kasakiman at kaalamang naglagay sa mga nilalang sa karimlan. Nasaksihan
ko sa loob nito ang pighati at dalamhati na siyang sumusira sa kamusmusan ng
lipunan.
Inilabas ko ang laman ng kahon. Muling binalikan ang mga pahinang
nabasa. Animo ay tanda ng pagaalinlangan. Laman nito ang tunay na anyo ng
nagbabalatkayong sistema, na siya ring nagpapalakad sa bayan.
Minsan, ay minatamis ko pang mabulag imbes na maging saksi ng karahasan
at kasakiman. Batid ko ang mga paghihirap na mararanasan ng dahil sa taglay
niyang lihim. Para sa akin, siya'y pagdurusa, katotohanan, kayamanan o
kapangyarihan.
dawn poets society 7 pahina 40 ng 40 KARTILYA
Ako, ay ang tao sa lipunan--may walang hanggang mundo at abala sa
pagsisisi. Dala ang kahon ng kabiguan at ang laman nitong nagdulot sa akin ng
kamatayan. Taglay ko ba ang tagumpay o kasawian, sa bagong lipunan?
Ang aking balintataw, sa lihim ng kahon na laging sariwa sa aking isipan.
Naging kasangkapan ka ng kapahamakang naranasan. Tunay nga ang
karamdamang dulot sa lipunan. Nawa'y nanatili ka na lamang na isang lihim--
lihim na kahon sa mundong limot.
ang gabi’y lumalapit
at akong ito’y walang damit.
ang gabi at ako ni ruth elynia s. mabanglo
“Isa ang University of the East, noong Dekada 50, sa mga kadluan ng
talinghaga. Sa tulong ng Kapisanang Aklat, Diwa at Panitik (KADIPAN) na
may taunang patimpalak para sa mga pahayagang pang-kampus, particular sa
seksiyon sa Pilipino. Pagkaraan ng humigit-kumulang na isang taon, muling
nagbukang-liwayway sa silangan. Sa pamamagitan ng DAWN, ang peryodiko
ng UE, isisilang ang tungkong-kalan ng panulaan. Sila ang mga makatang sina
Virgilio S. Almario, Lamberto E. Antonio, at Rogelio G. Mangahas. Sila ang
naging hudyat ng “ikalawang daluyong ng Modernismo sa Tagalog.” Sila ang
ilan sa mga makatang galing sa mga unibersidad nagpabagsak sa mga kung
tawagin ni Rio Alma ay “Balagtasista.” Pagsapit ng Dekada 70, ipapanganak
ang pagtula ng makatang si Teo T. Antonio na inilalangkap ang panitikang
agraryo sa aktibismo. Itatag nila ang Galian sa Arte at Tula (GAT) na tutuklas
naman sa mga tula ng tulad nina Mike L. Bigornia at marami pang iba. Ito ang
ikinahusay ng koleksiyong ito ng Dawn Poets Soceity.
Ito ang ikinagaling nina Matanglawin, D, at Saintinner na muling nagpaalala
sa ambag ng kanilang pamantasan sa panulaan. Ito ang ikinahalaga ng ganitong
kalipunan na siya ring katipunang inspirasyong magpahanggang-ngayon ng
bagong henerasyon ng mga makata.” -- Vim Nadera
KARTILYA
KARTILYA mga panuntunan ng Matanglawin at iba pang mga tula
dawn poets society 7 ading kiko executive editor
ISSN 005-004-201-6