agam-agam ng langgam
paterno baloloy, jr.mga tulang pambata
Unang Edisyon
Inilathala ngDella Serra PublishingUnit 4C-723 Chateau Elysee,Doña Soledad Ave. ext. Don BoscoParañaque City, NCR 4th District,National Capital Region (NCR)
At inilimbag ngPater Putativus Publishing House1802 K. Olan St., Family Life Bldg., Villa San JoseMarawoy, Lipa City, BatangasTelefax: (043) 756-2410 • Tel. (043) 404 9349Email: [email protected]
Karapatang-ari © 2019 ni Paterno Baloloy, Jr.
Reserbado ang lahat ng karapatan. Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring sipiin sa anumang anyo at paraan, maliban kung may nakasulat na pahintulot mula sa may hawak ng karapatang-ari o kailangang sipiin sa pagsusuri at pananaliksik pang-akademya.
Konsepto ng pabalat ni Paterno Baloloy, Jr.Disenyo ng pabalat ni JP Ebora.Guhit ng langgam sa pabalat galing sa freepik.comGuhit at larawan sa loob galing sa pexels.comGuhit ng Luksong Baka mula sa pluspng.com, mattersmost
ISBN 978-621-96135-0-7
Para sa aking kabiyakPinky
At mga kutingPatrick, Paul at Pia
Nilalaman
Paunang Salita 1
agam-agam ng langgam 5
Matanda na si Tandang ...................................................................6May Sumpa ang Butiki .....................................................................7Hiyaw ng Palaka sa Unang Araw ng Abril .......................................8Sa Puno ng Aratiles..........................................................................9Panalangin ng Tipaklong ...............................................................10Nabubulol na Kuhol ......................................................................11Agam-agam ng Langgam ................................................................12Nang Maligaw ang Alitaptap sa Maynila .......................................13Sa Hardin ni Aling Ising ................................................................14Pasiklab ng Insekto ........................................................................15Kuneho ni Pablo ............................................................................16Pangamba ni Muning ....................................................................17
luksong baka, luksong tinik 19
Luksong Baka .................................................................................20Luksong Tinik ................................................................................21Ang Tsinelas ni Blas .......................................................................22Salagubang .....................................................................................23Tutubing Karayom .........................................................................24Sa Pagsilong ng Tagak ....................................................................25Pangamba ng Gagamba..................................................................26Panalangin ng Mantis ....................................................................27Layang-layang .................................................................................28Hikaw ng Kalabaw .........................................................................29Kung Bakit Sinusuyod ng Itik ang Putik .......................................30Ang Hiyaw ng Bakulaw ..................................................................31Ang Buwaya sa Barangay Maligaya ................................................32
paumanhin ng kuting 35
Paumanhin ng Kuting ....................................................................36Saloobin ni Bantay .........................................................................37Sa Mga Sipol ni Kuhol ...................................................................38Banayad na Higad ..........................................................................39Signos ng Mantis ............................................................................40Ang Determinadong Tutubi ..........................................................41Kulto ng mga Kuto .........................................................................42Nagdadabog na Bubuyog ...............................................................43Ang Mabilis na Kulilis ...................................................................44Nagmamalinis na Ipis ....................................................................45Pakiusap ng Kulisap .......................................................................46Pangako ng Gamugamo .................................................................47Ang Nangangambang Gagamba ....................................................48
1
ANG BATANG NAKAKULONG…
Nasa kolehiyo ako noon at ang buong kapatiran ng mga seminarista ay nagtatanghal ng isang dulang musikal hinggil sa pagpapari. Dula yaon na inililibot sa mga parokya’t bayan-bayan sa Quezon at isa ang Calauag sa aming destinasyon. Nasa hayskul noon si Sir Pat at ang tawag sa kanya noon ay “Loloy”, pinaikling Baloloy na kanyang apelyido.
Nakaiirita ang kulit at likot ni Loloy noon. Patpatin siya at pakialamero. Kulang yata sa pansin bagama’t balita namin ay masigasig daw na sakristan at paborito ng maraming pari.
Inamin niya, makaraan ang ilang taon, na isa nga siyang papansin dahil siya’y bunso at malayo rin ang agwat ng edad sa mga kapatid. Walang sawa ako nang kalalaro, aniya. Kahit pa nga mag-isa.
Binitbit niya ang paglalaro hanggang kolehiyo, nang pumasok siyang tuluyan sa seminaryo at ako bilang batambatang instruktor noon, maikli ang pasensiya ko sa malalaro’t malilikot na bata. Hindi niya alam, tulad ng marami, na mas masahol pa ako sa kanya. Sa elementarya, iginapos ako ng titser dahil sa kalikutan, itinapon ng madre sa basurahan ang pares ng balat kong sapatos dahil hinubad ko ito kahit may klase pa, at ikinulong ako sa aparador kasama ang isa pang kamag-aral na buti na lang, nangitim na sa sobrang takot kaya’t pinalabas din kami agad-agad.
Sa loob-loob ko, binatilyo na itong si Loloy, ba’t ganito pa rin? Di ba dapat seryoso na? Lalo pa’t matindi ang aral sa seminaryo. At ako ang nagtuturo? Sa madaling salita, hirapan sa aking klase ang malalarong tulad niya.
Hanggang sa maturuan ko sila sa “malikhaing pagsulat” na isiningit ko maging sa Humanidades. Nanguna siya noon sa pagtula at nagulat ako pagkat maging ang mga komplikadong konsepto sa Pilosopiya ay naitutula niya nang kongkreto, angat sa mga kasamahan niyang mas akademiko, at mas matalas ang memorya.
2
Sino ba naman ako para ipagkait sa tulad niya ang panimulang paghanga sa mismong talento na ni siya ay hindi niya alam? Hindi naman pala pulos laro ang alam niya. Mas lalo akong naghigpit sa kanya. Ang totoong talento, kung talagang totoo, ay sabi nga, dapat isugba sa apoy. Sa mahaba ring panahon, impiyerno ang ibinigay ko sa kanya at oo, sigasig ng matapang na anghel ang kanyang iginanti.
Nakarating siya ng London, nakapasa sa pagtuturo, nagkapamilya; malimit na naitawid noon ang sarili na mag-isa at makalipas ang halos limang taon sa London at kinalimutan ang pagsusulat, bumalik siya sa akin. Dobleng impiyerno ang ibinigay ko. Baka kako inamag na kaya lalo kong pinahirapan. Gusto ko siyang sumuko, umayaw. Napagod na yata; tinanong niya ako, diretsahan. Marunong ba talaga ako? O nahihiya lang po kayo na sabihan ako?
Si Kristo lang kako ang kayang magligtas ng lahat kahit yaong walang-wala. Ang kakayanin ko ay yaong meron nang ibubuga.
Umarangkada si Sir Pat, tila ayaw paawat at bukod sa mga seryosong tula at kuwento, sinuong niya ang maselang sining ng pagtula para sa mga bata. Muli, nagulat ako sa umpisa pero napansin kong binabalikan lang naman niya ang likas na asal noon: ang pagka-malaro. Sa pamamagitan ng tulang pambata na hitik din sa malalalim na dunong na tatagos din kahit sa mga nakatatanda.
Walang tigil minsan kami sa katatawa sa masisiste niyang tula. Wari ko’y pareho kaming mga bata, mga pilyo at sagaran ang kalikutan, lalo’t yaong mga tungkol sa hayop o ang biro ko minsan – mga tula ng “kahayupan”.
Naiinggit kako ako dahil laging maiitim ang aking mga pambatang akda. Matatakot ang mga bata sa halip na matuwa. Mas mahusay akong magbasa’t pumuna sa halip na magsulat mismo ng pambata. Alam ko na rin kako ang sikreto niya: sa tuwing tutula
3
siya, nananatili siyang bata, bata na nakakulong sa katawan ng isang nakatatanda, ng isang ama na kayang-kaya na makipaglaro sa sariling mga anak at iba pang bata. Hindi siya si Sir Pat, siya si Loloy.
Sa koleksiyong ito, mas gusto kong pumatay ng langgam samantalang para sa kanya, ang agam-agam ng nabanggit ang pinag-aksayahan niya ng panahon. Maganda rin pala kapag dobleng impiyerno ang naranasan.
Ilan sa tampok ding aspekto sa kanyang mga tulang pambata ay ang sumusunod:
• maykagaananangwikanamadalingisaulokungnanaisin;• maymgasitwasyongdomestikoatkaraniwansaunangmasid
pero may higit pang kahulugan lampas sa “nakalutang” lamang; at
• maymga nakatatawang eksena; higit na pinatitingkad ngwika at saloobin.
Nag-uumpisa pa lamang si Sir Pat, este si Loloy, sa tulang pambata pero sa tulong din ng iba pang pinagpipitagang manunulat, magandang simula ang tinatahak niya. Higit ang suporta at gabay ng programang MFA ng DLSU Manila. At hindi kalabisang sabihin na kung magtutuloy-tuloy, isa siya sa mga titingalaing makata ng mga tulang pambata sa bansa sa mga darating na panahon.
Kahit na hindi na mga “kahayupan” ang isusulat niya.
- niles Jordan Breis
4
5
agam-agam ng langgam
6
Matanda na si Tandang
Uugod-ugod,Pausad-usadHabang umaakyat ng bubungan.Iuunat ang pakpak,Papagaspas at pupugak-pugakSa pagtilaok Si tandang.
Mahina na ang hiyawNg dating sigang panabong.Namaos na sa maramingPanggigising sa mga tulogAt nakabaluktotSa banig.
Matanda na si tandangLipas na ang kinangNg mala-tubaNitong kulay.
Kasabay ng pagkupasNg mga larawan sa pader,Ang agiw sa kisame,Mga namuong angíAt di napaspas na alikabok.
Sa pagtagal ni tandang,Pagtagal ng panahonNatuto akong lumingonSa iminulat ng aming panabong.
7
May Sumpa ang Butiki
Walang nakaaalamKung bakit humahalik
Ang butiki Sa lupa.
Walang kababalaghan,Pagpupugay ito sa lupang
PaghihimlayanNg sakit at daing,
Mga butiking nananalangin.
Sa patuloy na pagpisigSa mga kamay
Ng makukulit na paslit,Ipauubaya ang buntot
Ay tuluyang mapapatid:Lupa ang sasalo
Sa dugo at hapis.
Kasabay ng pagtakas,Paglabas ng sumpa
Sa batang lapastangan,Kulugo mula sa katas
Ng butiking kumakaripas.
Sisibol ang kulugo,Kasabay ng bagong buntot.
8
Hiyaw ng Palaka sa Unang Araw ng Abril
Sa unang araw ng Abril,Humahangos na nagdeklaraAng palaka: papaulanin ko ang langitAt pupunuin ang sapa,Magsasawa ang lahat,Pagkat ito ang piyesta.
Nagulantang ang lahat,Lumabas ng lunggaBinasag ang mga banga,Naglunoy sa lagaslas,Nagbunyi sa paparatingNa biyaya.
Lahat naghintay,Dila ay lupaypayWala pa ang biyayaMarami na ang nakahandusay.
Umentrada uli ang palakaAt winika,Kahit pala ang langitAy nagbibiro rin.Hindi tutulo ang ulanSa unang araw ng Abril.
9
Sa Puno ng Aratiles
Mapupula at dasikAng nagpapakulay
Sa puno ng aratiles.
Tamis sa bawat sipsip,May katas na aagos,
Parang mansanasSa musmos.
Kaya’t sa pagsipat,Ang paslit
Hangad na masungkitAng bilog na nang-aakit.
Kung sa pagtingalaAy pagsungkit,
Walang kalabanKahit ang pipit.
Hihintayin ang pagpula,Paghinog ng aratiles.
10
Panalangin ng Tipaklong
Sa pagmulat ng mata,Laging hangadWag mawala ang bisaNg paglundag.Ito lang ang puhunanSa bitukangWalang laman.Isang dipa o isang dangkalAy di sapatSa batang sumisipat.Aking pasasalamat,Kung maghaponAy di aabutin ng malas,Kahit ilang ikot at lundagWag lang mahuli,Tiyak may pagsasaluhanSa hapag.Aking panalangin,Sana’y wag magtaposSa hangin,Puhunang listo,Wag sanang mabisto. Amen.
11
Nabubulol na Kuhol
Gumapang man o hindi,Peste ang hatid na wari.
Hindi naman nananalantaNgunit may kakabit na banta.
Laging pinag-iinitan,Kinamumuhian.
Pain ang kinalalabasan.
Marami raw ang tumakas,Sa pilapil ay lumabas.
Lahat ay natakot,Kuhol daw ay matinding salot.
Kasalanan ito ng kuhol,Kumakalat at nabubulol.
Kaya’t nagpalabas ng kautusan:Kuhol na pakalat-kalat
Dakpin agad,Kung pumalag:
Isang pisak ang igawad.
12
Agam-agam ng Langgam
Balisa sa pagkaykayAng mga langgam.Banaag sa kanilaAng takot,Kahit dis-orasAy nagkukutkotMatawid langAng silid Na magkukupkop.
Lumalamig na ang simoy,Dumarampi sa kanilaAng hamog. Minamadali na ang hukayUpang maisuksok:Mga naipon Sa maghapongPagpapagod.
Ganito ang hanayNg mga langgamSa pagsapit ng tag-ulan,Mas silagAng pagkakaisa,Hindi ang pang-iisa.
13
Nang Maligaw ang Alitaptap sa Maynila
Hinahangaan si alitaptapSa ilaw na kumukurap.
Siya’y sikatKung dumapo
Sa puno ng dayap.
Minsang naligaw,Alitaptap ay napadpadSa Maynila ay napayad.
Namangha siyaSa dami ng kumukutitap,Mas maganda ang kinang
Nang-aakit ang kislap.
Nabighani si alitaptap, Umindak sa saliw
Ng kisap.
Nang mapagod,Lungkot ang bumalot
Sa pakpak na nangangatog:Wala ang puno ng dayap
Sa gitna ng mga kislap.
14
Sa Hardin ni Aling Ising
May lilim ang dahon,Malambot ang mga damoNanunuot sa talampakan,Kumikiliti sa isipanAng gustong tumambaySa hardin ni Aling Ising
Punumpuno ng tanim,Lahat maaaring itanim,Kahit puso at pag-asaTiyak iyong aanihin,Maglaan lamangNg oras at panalangin:Uusbong sa punoNg saging.
Maaari ring maghabilinNg mga pangako,Bubusugin ng patabaUpang di humupa.Pipitasin sa punoNg mangga,At ihahain na parangPapaya.
Sa hardin Ni Aling IsingMay lugarAng bawat hiling,Pinagpapaguran Ang pagtatanim.
15
Pasiklab ng Insekto
Nang gumulong si tipaklong,Nagkandirit si pagong,
Sumipol ang daga,Nagbarbel ang palaka,
Tumula ang mga dikya,Nakinig ang mga anay,
Nagpasikat ang langgam.Sumisid ang unggoy
At pumalakpak ang tilapia.Hindi makapaniwala
Mga talangka,Nalusutan silaNg mga linta:
Pumuslit kasamaAng kulilis,
Sa pasilyo’y dumikit.Walang naging hadlang:
Sumirko ang kuhol,Habang nasa ere
Nagbalik ang gunita,Nalimutan ang bahay
Na nakasangla.
16
Kuneho ni Pablo
Lumulundag,Ayaw paawatAng kuneho ni Pablo.Inaabot ang hanggahan,Hangganan ng kangkong.Walang bisa ang ngipinSa pag-abot ng dahon,Kahit ang tengaAy walang pandinigSa hinaing ng paslit,Sa kunehong lumakdang,Tinawid ang sapaPuno ng awa.
17
Pangamba ni Muning
Kahit si MuningAy humihiling din,
Kaunting alwanSa sikmurang
Walang laman.Nahihiya mang himurin,
Tinik na itiniraSa pinggang kulang sa pansin.
Kabado si MuningPagsunggab sa hain,
Mapupunan baAng pag-aalsa ng lalamunan
Sa iisang tingin?Kung matinik ang kuting,
May suhi bang darating?
18
19
luksong baka,luksong tinik
20
Luksong Baka
Hindi naman binibilangKung ilang besesNa naging tayaSa luksong baka.
Sa tuwing lulundag,Tatawid sa aking likuranAng mga hagikhikangKalaro –May mabubuwalNgunit may mabubuongPangarap,Maiiwan ang bakas –May bakang lumundag,May munting umusad,Mga tapik sa balikat,Tawanang walang humpayAt pag-asang lalatagSapat na upang balikanAng mga alaalang iniwan.
21
Luksong Tinik
Nakaharang ang mga tinikDaliring maririkit,
Hinahadlangan ang pagtawid,Mga musmos sa bukid.
Dalawampung daliringMagkakadikit
Kahit gagamba,Mahihiyang kumapit.
Bawal tumawidAng uhuging paslit,
Lumundag kang pilitNa hindi sumasayad
Sa mga daliringTinik.
22
Ang Tsinelas ni Blas
Tumataginting ang latangPumapailanlangSa bawat hagisNg tsinelas ni Blas.
Sinisipat na mabuti,Pinupuntirya ang latang yupi,Sa muling paghagisLabis din ang bungisngis.
Tatakbo nang matulinUpang di abutin,Mahigpit na bantayNg nakadipang amusin.
Sa muling paghagis,Muling nagkahugis,Tsinelas na nagpamalasNag-iwan ng bakas.
23
Salagubang
Ano ba ang salang salagubang,
lagi na lang siyangnasa kamay
ng batangnakaabang?
Wala na bangibang kukutyain
ang mga amusin,kaya’t sila’y nakaumang?
Dasal na langng salagubang,
sana’y wag tumagossa kaniyang balat
ang maitim na balak.
Kaya hinaingng salagubangkailan maaalis
ang salasa kanyang ngalan
nang wala nang kutyain,mga batangnag-aabang.
24
Tutubing Karayom
Malimit umaaligidAng tutubing karayomAt nagpapalipat-lipatSa mga damo at dahon.
Takot silang lumipadNang matayog,Baka tangayinNg hangin,Bumagsak sa agosNg ilog.
Ngunit mas takotSilang madagitNg Mayang umaaligid,Walang bisa ang kanilang karayom –Masabi lang,Sila’y may panusok,Hindi naman nakatutusok.
Masabi lang na karayom,Hindi naman nakatatahi –Tutubi pa rin silangMay karayomNa nakukuyom.
25
Sa Pagsilong ng Tagak
Siya’y matamlayhabang nakasilong
sa ilalim ng anahaw.
hindi siya sanaysa panahon ng tag-ulan:
dati’y tinitiis ang kiligat nababasang pakpak,
sa ibabaw ng kaibigang kalabaw –
matagal na ang panahon,lupa ay nakatiwangwang
wala na rin ang kaibigan,wala na rin ang sakahan.
26
Nangungulilang Gagamba
hindi lubos maisip ng gagambang pumagkitsa alulod ng bahay,paano sisimulanang paglalang kaniyang bahaykung palaging nakasipatang mga batasa tirador? malamang habang buhayna rin siyangpalipat-lipat,maitawid langang nangungulilaniyang buhay.
27
Panalangin ng Mantis
Huwag lang magmimintisang panalangin ng mantis,
maraming biyayaang di dadaplis.
Ilang pagtingala sa langit,isang maingat na kalabit,
‘wag lang mapapansin ng mayangmakulit mandagit,
marami ang madadawitsa biyaya ng langit
lalo na sa patuloy na nananalangin –walang maliit,
sa inuyam na taimtim.
28
Layang-layang
magaslaw na lilipad-lipadang layang-layangsa tabi ng pampang.
sumisirkulo at umiigtadkapag hangin ay banayad –malikot sa ereng sumisibad.
ngunit kung papansinin,wala halos makasabay sa langit,nag-iisang naglalayag,
hindi katulad ng mga tagak.
29
Hikaw ng Kalabaw
Sa tuwing darapo ang tagakSa likod ng kalabaw,Lagi niyang inuusisa
Kung ano ang silbiNg kanyang hikaw.
Mahilig daw siyang pumormaKahit wala sa porma,
Puno siya ng putikKaya pati leeg may gilik.
Napangiti lang ang kalabaw,Sa usisang napakababaw,
Kanyang winika: hikaw koAy giya sa maghapong pagsasaka.
Hila ang tali,Suyod ang lupa,
Umulan ma’t umarawHatak ang pagpapala.
30
Kung Bakit Sinusuyod ng Itik ang Putik
Palaisipan sa akinKung bakit ngusoNg itik ay lagingNakasudsod sa putik.
Sinusuyod angMaitim na sulok,Kung saan makakukuhaNg regalo,Para sa mga inakayNa nakatungo.
Iindahin ang kalamNg sikmura,Uunahin ang maingayNa tagasunod:Iisa-isahing igiyaSa kanilang mga tuka,Ang pasalubong Ng inang ItikAt pagkaing ihahabilinSa mga tukaNg kanyang mga paslit.
31
Ang Hiyaw ng Bakulaw
Ilang gabi nang humihiyawAng bakulaw,
Ilang gabi na rin siyangNakabubulahaw.
Reklamo nga ng kambingHindi na raw siya
Makatulog nang mahimbing.
Kaya’t bakulawAy humingi ng tawad,
Paumanhin kung sila’yNagigising;
Kanya lang sinasalagMga patibong sa gubat
na nagkalat.
At upang sila’y maiiwassa masamang balak.
32
Ang Buwaya sa Barangay Maligaya
Kakaiba ang buwayaSa Barangay Maligaya,Hindi siya nagagalit,Hindi rin makulit.
Kung matulog ay mahimbing,Naghihintay ng lalambing –Pikit ang isang mata,Habang ang isa ay nagbabadya.
Ayaw niyang humiga,Gusto ay laging nakadapa.Naghihilik na parang busog,Naghihintay ng malalasog.
Matalas ang pandinig,Buntot niya’y pumipitik.Pikit man ang mata palagi,‘Wag ka, lagi siyang nakangiti.
33
34
35
paumanhin ng kuting
36
Paumanhin ng Kuting
Sisinghap-singhapAng kuting na nasa kahon,Hinahanap ang inangDi dumatingMula pa kahapon.
Ipit na bosesPilit ibinubuka ang bibigHinahasa ang dila,Sa pag-aakalang May gatas na babaha.
Talukap na magkadikit,Di mahilamusanNg inang hikahos:Hanap ay pagkain,Sa eskinitang walang maghain.
Maghapong nagtatawag,Dakong hapon ng matapos,Namaos na ang kutingWalang namang dumating.
Kaya’t paumanhin ng kuting –Huwag sa kaniya ibuntonAng maling desisyon,Kung siya man ay isinilangSa maling pagkakataon.
37
Saloobin ni Bantay
Nalilito si BantayKung sino ang susundin,
Ang batang paslitNa palaging may hagod
Sa buntot,O ang among mahilig
Magbahog?
Maramdamin na si Bantay,Hinahap ang init
Mula sa among masungit,Kaya’t sa musmos na sandamukal
Ang amos,Kahit walang pambahog
Siya ay dumudulog.
Ang sabi ni Bantay,Kung papipiliin –
Mas gusto niya ng may humahagodAt may nagbabahog.
Ngunit kung walang luluhog,Mas mabuti na ang sa iba
Ay magpahagod,Init lang ang puwedeng masimot,
Mas malalim pa rinAng utang na loob
Sa tunay na nagbibigayNg bahog.
38
Sa Mga Sipol ni Kuhol
nakabantayang pagtaibng dagat.
naghihintay sa gilidng pilapil,
sumasabaysa huni ng uwak.
sumisinsay sa agos ng paragos,
nanunulaysa balagng pangarap:
mabubuhayang pagsipolsa pagpapanggap.
39
Banayad na Higad
Walang makapaniwalaNa banayad ang higad,
Marahan at tahimikNa bumabaybay
Sa mga sanga ng talisay.
Napakaamo kung sumisinsay,May ritmo ang katawan,
Matiwasay ang bawat yabagHabang naiiwan ang balakang –
umiindayog at kumukumpas.
Ngunit iba ang pagtinginNg batang makulit:
Higad ay matinik,May dalang hapdi at katiKung sa balat ay sumapi.
Hindi dapat kumalatMga katulad ng higad,
Hitsura pa langMalabo na ang liwanag:
Hindi pa man lumalapat,Tatayo na ang balahibo,
Kakamutin ang balat.
Ang kawawang higadHindi na maging banayad.
40
Signos ng Mantis
Hindi inaasahanng mantisang matindingpagtitiis.
Walang abisoang magdamagna walang hamog na lalabas.
Sa tipid na liwanag,dumadaplis ang habagsa mga namamanatana may bagabag.
Tunay ang banta,totoo ang babalanausog ang sumpasa lupa ay tumama.
Ito ang signospara sa mga bata, makita ang mantis,nakaluhod at nakatingala.
41
Ang Determinadong Tutubi
Palipat-lipat ng dapoAng tutubi,
Sa bawat batong nakausli.Nagkakandirit
Pati buntot ay pumipitik.
Iuunat ang mga pakpak,Saka iigtad nang papataas.
Lalaruin ang tilamsikMula sa ilog
Na nangwiwisik.
Hindi pa nasiyahan,Sinabayan ang pipit,
Gumaya sa istilo ng pagsirokAt pagsabid.
Huli na nang mabatid,Walang tibay ang pakpakHindi tulad ng sa uwak,
Kaya’t bumulusokSa damuhan ay napasuksok.
Nagdudumaling bumangon,Di ininda ang nabaling gulugod,Sinipat ang nag-aalburutong ilog:
Balang-araw, matutunan ko ring sumisid,Sumabay sa agos ng tubig.
42
Kulto ng mga Kuto
Isang arawNagpulong ang lahat,Nais nilang mabuo Ang isang kulto. Ito raw ang sasagotSa lahat ng insulto.Apektado na ang lahat Sa pinaiiralNa pagpapakalbo.Wala silang masilungan,Nasisira pa ang kabuhayan.Ito’y kalapastangananNa dapat pigilan. Kaya’t sinimulanAng kulto:Binugahan ang anitAt nagdabog nang husto,Pinakalat ang sumpa,Anit ay namaga,Kanya-kanyang sakmalSa ulo ng bata.Inakalang tagumpayAng unang arangkada,Lahat ay natuwa:Kasunod na Ang isa pang banta.Natigil ang lahatNg suyod ay humatak,Inubos pati kuyumad,Kulto nila ay nabuwag.
43
Nagdadabog na Bubuyog
Nagtataka ang bulaklakSa asta ng bubuyog
Na gumagapas.Walang kandirit
Sa bawat pagsimotNg katas,
Kundi dabog at ismidAng itinatapat.
Hindi na napigilNg sampaguita
Ang nagaganap,Inusisa ang bubuyog
Na lumilipad.Wala sa loob
Ang pamumulotNg pulot,
Habang naghahakot,Nababalot ang bubuyog
Ng galit at yamot:Nabulabog daw ang pagtulog,
Binulyawan ng ina:Wag maging batugan
At magpadalaSa tamis ng pukyutan.
44
Ang Mabilis na Kulilis
Matikas na kumakaripasAng kulilisSa may bayabas.
Palundag-lundagSa mga sanga ng duhat,Upang magtagoSa kanyang pagbulalas.
Tulad ng inaasahanHabang nakakubli,Ubod-lakas na binigkas:Pasasalamat sa tunayNa may bigay,Binti’t paa’ySadyang bagay,Sa bilis na taglay.
Ito ang bungadHabang tulog pa ang lahat,Nauuna na ang pagpupugayAt pag-aalayBago pa pumutok Ang bukangliwayway.
45
Nagmamalinis na Ipis
Nagpahiwatig ang ipis,Ayaw na niyang yumapak
Sa sahig, upang di mapasamaSa maduming paligid.
Iniwasan ang barkadangSi gagamba,
Madumi raw sa bahay,Lahat nakakalat:
Walang sariling silid,Palaging nakasabit.
Ayaw na rin makipag-usapSa langaw na panay ang sigaw,
Walang ginawa Kundi ang dumungaw,
Maghasik ng amoyMula sa paglalaboy.
Naiirita na rin siyaSa sutsot ng surot,Lahat ng kuwento
Ay tungkol sa mga puwitNa tinusok.
Kaya’t ang tanong ng ipis,Mahirap ba ang maging malinis?
46
Pakiusap ni Kulisap
Tuwing daratingAng tag-ulan,Marami ang nag-aabangSa mga nasisiloSa kalansing ng ulan.
Mapang-akitAng bawat tilamsik,Lalo na ang tikatik:Pangamba ang hatidSa kulisapNa di mabatid.
Kanino ba dapat makiusap,Pigilan ang daluyongAt subasko sa dagat?
Sasalagin ang pagpatakNg ulan sa parang,Upang di matunaw ang pakpak,Makalipad nang malayaSa alapaap.
Sapat na ang hamogSa maghapong pagpapagod,Mapapawi nitoAng hapo na dumarapo.
Payapang pagpagaspas,Walang nakaambang paglagaslas.
47
Pangako ng Gamugamo
Minsan nangakoAng gamugamo
Sa harap ng pinuno:Hindi ako madadala
Sa akit ng mga katoto,Laging isasaisip
Ang pangako,Saksi ang mga ninuno.
Taas-noo,Umalis ang gamugamo,
Taglay ang binitawanSa mga kalaro,
Buong siglang sumirko,Napansin ang kumikinang
Sa kabilang dako.
Sa unang pagkakagilalas,Nagpigil sa sarili.
Ngunit walang nagawa,Tuluyan nang tumakas,
Tumalilis ang ulirat,Naakit sa apoyNa nagliliyab.
Huli na ang lahat,Paa ng gamugamo
Ay di nakaiwas,Nahagip pati ang pakpak,
Tuluyang pumatakSa gaserang walang habag.
48
Ang Nangangambang Gagamba
hindi mabuoang nadaramang gagambasa dampi ng hanginsa ilaya.
may kung anong silakbo,nanunuot sa mga nanlalamigna paa: hinahadlanganang paghabi ng pag-asa.
lalong namuo ang kutobnang walang makapitanang mga sapot –malinis na ang bawat sulok.
isang bagay paang nagpakaba:kung isang umagasapot ay mawala,tatawagin pa ba siyanggagamba?
49
50
TUNGKOL SA MAKATA
Si Paterno “Pat” Baloloy, Jr ay naging 2018 writing fellow ng 18th IYAS National Writers’ Workshop ng De La Salle University at ng 11th Palihang Rogelio Sicat. Sa parehong taon, natamo niya ang unang gantimpala sa Palanca at ikatlong gantimpala naman noong 2017. Isa rin siyang writing fellow ng 14th Ateneo National Writers’ Workshop ng Ateneo de Manila University noong 2016. Nagtapos ng kursong AB Philosophy sa Mt. St. Aloysius College Seminary. Sa kasalukuyan, siya ang Senior High School Coordinator ng Calauag National High School sa Calauag, Quezon at kumukuha rin siya ng MFA Creative Writing sa De La Salle University-Manila.
ANG TAGAPAGPAKILALA
Si NILES JORDAN BREIS ay isang premyadong makata, mananaysay at nobelista. Apat na ulit na siyang nagwagi ng Palanca at hinirang na 2018 Writing Fellow ng UPNWW ng UP Institute of Creative Writing, UP Diliman. Naging 2016 Outstanding Albayano Awardee at Grand Winner ng 2019 Valledor Prize for Best Novel. Tagapagsalita rin siya sa 2019 Philippine International Literary Festival.