+ All Categories
Home > Documents > Arki 1 Paper 3 Ille Stone Tools

Arki 1 Paper 3 Ille Stone Tools

Date post: 04-Nov-2015
Category:
Upload: cris-reven-gibaga
View: 225 times
Download: 1 times
Share this document with a friend
Description:
archaeology
5
GIBAGA, Cris Reven L. 2011 – 07266 WFW Ille Cave Polished Sone Ad!es Ang Ille Cave (IV-1998-P) ay matatagpuan sa Barangay New Ibajay sa bayan n El N!" na nasa !ul"ng #laga ng sla ng Palawan ($g 1% t"p le&t at t"p rg#t)' ""r!nates na 11 11* +, N at 119 ./* 19 E batay sa 0l"bal P"st"nng yste 0P ' Ang 2weba ay ba#ag ng 3ate E" ene Pabell"n 2arst &"rmat"n at may lay"ng 2l"metr" #lagang slangan ng El N!"' It" ay may taas na 1// metr" at may "ver na 1/ metr" sa bu2ana ng 2weba' 5ayr""n !n t"ng !alawang bu2ana ang 2weba% sa sa n"rt#ern wall at sa sa s"ut#ern wall na pnlng e6 avat"n area' 7nang bna "bert $"6 n""ng !e2a!a * / na may ar #ae"l"g al p"tental ang mga 2weba sa Ne Ibajay' Nag2ar""n na lang mul ng nteres sa lugar sa #ulng ba#ag ng !e2a!a *9 N""ng 5ay" 1998% sa pagsasama-sama ng Ar #ae"l"gy :vs"n ng Nat"nal 5useum "& t#e P#lppnes% 7nversty "& t#e P#lppnes Ar #ae"l"g al tu!es Pr"gram A P)% ;en <n"ts :evel"pment In "rp"rate!% t#e P#lppne ural e "nstru t"n 5"vement (P 5) at ng "ut#east Asa Insttute &"r Culturean! Envr"nment ( EAICE) na syang nagp"n!" ng pr"ye2t"% nagsagawa ng ar #ae"l"g al survey sa Ille Cave' Nag2ar""n ng e6 avat"n sa lugar n""ng =2tubre >1 #anggang >.% 1998 a n""ng Ener" 19 #anggang Pebrer" 1% 1999 sa pangunguna n :r' ?l#elm "l#em II ($g 1% enter le&t) na vstng pr"&ess"r ng 7P-A P' a unang e6 avat"n% nag#u ng 1'8 6 1 meter s@uare sa s"ut#ern wall' a / sentmetr" lalm na na#u2ay% layer lang ng lupa ang na2ta' Na2a2ta sla ng ++ arte&a ts an! e "&a ts% 2aram#an ay plan eart#enware s#er!s' a lalm na +> sentmetr"% na2a2ta !n sla ng !alawa p"ls#e! st"ne a! es na may a ess"n number na IV-1998-P->/ 8/ at IV-1998-P- >/18+ ( ara Cayr"n% >//1)' Ang mga gr"un! a! e ma#alagang type &"rm ng Ne"lt# ' :a#l !t"% nagsaga ng !etalya!"ng m"rp#"l"g al an! &un t"nal stu!y at m r"ware analys s sa !alaw p"ls#e! st"ne a! e na na2ta sa Ille Cave' :t" na2ta na ang st"ne a! e na may a ess"n number na 1998-P->/18+ ($g 1% b"tt"m le&t) ay gawa sa &ne
Transcript

GIBAGA, Cris Reven L. 2011 07266 WFW

Ille Cave Polished Stone AdzesAng Ille Cave (IV-1998-P) ay matatagpuan sa Barangay New Ibajay sa bayan ng El Nido na nasa dulong hilaga ng isla ng Palawan (Fig 1, top left at top right). Ito ay may coordinates na 11 11 46 N at 119 30 19 E batay sa Global Positioning System o GPS. Ang kweba ay bahagi ng Late Eocene Pabellion karst formation at may layong 15 kilometro hilagang silangan ng El Nido. Ito ay may taas na 100 metro at may overhang na 10 metro sa bukana ng kweba. Mayroon din itong dalawang bukana ang kweba, isa sa northern wall at isa sa southern wall na piniling excavation area. Unang binanggit ni Robert Fox noong dekada 70 na may archaeological potential ang mga kweba sa New Ibajay. Nagkaroon na lang muli ng interes sa lugar sa huling bahagi ng dekada 90. Noong Mayo 1998, sa pagsasama-sama ng Archaeology Division ng National Museum of the Philippines, University of the Philippines Archaeological Studies Program (UP-ASP), Ten Knots Development Incorporated, the Philippine Rural Reconstruction Movement (PRRM) at ng Southeast Asia Institute for Culture and Environment (SEAICE) na siyang nagpondo ng proyekto, nagsagawa ng archaeological survey sa Ille Cave. Nagkaroon ng excavation sa lugar noong Oktubre 21 hanggang 23, 1998 at noong Enero 19 hanggang Pebrero 1, 1999 sa pangunguna ni Dr. Wilhelm Solheim II (Fig 1, center left) na visiting professor ng UP-ASP. Sa unang excavation, naghukay sila ng 1.87 x 1 meter square sa southern wall. Sa 70 sentimetro lalim na nahukay, isang layer lang ng lupa ang nakita. Nakakita sila ng 447 artefacts and ecofacts, karamihan ay plain earthenware sherds. Sa lalim na 42 sentimetro, nakakita din sila ng dalawang polished stone adzes na may accession number na IV-1998-P-20780 at IV-1998-P-20184 (Hara & Cayron, 2001).Ang mga ground adze mahalagang type form ng Neolithic. Dahil dito, nagsagawa ng detalyadong morphological and functional study at microware analysics sa dalawang polished stone adze na nakita sa Ille Cave. Dito nakita na ang stone adze na may accession number na 1998-P-20184 (Fig 1, bottom left) ay gawa sa fine grained, homogenous chert na may greenish color. Kumpleto ang artefact, ito ay may habang 58.2 mm, maximum width 32.0 mm at maximum thickness 12.7 mm. Ito ay may bigat na 36.2 gramo. Ang gilid ay may pagka-convex at assymetrical. Ang ventral surface ay halos flat at may kaunting kurba samantalang ang dorsal surface ay hyperbolically domed. Ang adze blade na ito ay kahawig ng mga Early to Middle Neolithic flat adze ng Europa. Subalit ang porma ng mga adze blade ay depende sa gamit at hindi sa pinanggalingan lugar o kultura. Kaya dapat mag-ingat sa pag-uugnay dito sa iba pang adzes sa Europa. Ang buong adze ay na-ground at napolished. Sa labas ng Ille Cave, may nakitang dalawang malaking limestone na bato (Fig 1, center right) na may polishing marks, grooves at dimples sa ibabaw. Pinapaniwalaan na ginamit ito granular grinding stone para mapolish ang bato. Sinasabi na para kuminis ito, kinakailangan ikiskis ang adze sa grinding stone sa tulong ng abrasive agents tulad ng quartz sand. Sa huli, upang mas maging makinis, gagamit na ng very fine grit tulad ng silt at ng leather. Nakakita din ng mga internal cracks at breaks (Fig 1, bottom right) na bunga ng heavy duty working activity sa adze. Mayroon ding malaking impact scar sa kaliwang bahagi ng edge, bukod dito, ang edge line ay slightly curved na nangangahulugan na nireshape muna ang adze bago isinantabi (Pawlik, 2007).Sa parehong ventral at dorsal surface, nakakita ng very fine grinding na parallel sa longitudinal axis ng adze. Nagiging coarser grind ito papunta sa butt o sa dulo. Sinasabi na nangyari ito dahil sa secondary modification upang maka-adapt ang adze sa ibang shaft na kinailangan dahil sa rereshape ng adze at pagliit ng laki nito. Isa din sa pinakaprominenteng use-wear features na nasa adze na ito ay ang sickle-gloss na kung saan mayroong intensive reflection sa dorsal side at lateral side ng adze. Nakakita din ng diamond patterned na striations sa dorsal surface. Sa ventral surface at sa edge naman, walang nakitang sickle-gloss pero naobserbahan na ito ay mayroong bright reflection and micropitting sa surface nito. Dahil nakita ang glossy polish sa bahagi na sinasabihing pinagkabitan ng shaft at hindi sa functional area ng tool, sinasabi na ang glossy polish ay dulot ng pagkakakabit sa shaft. Magkaiba ang pagkaglossy ng ventral at dorsal side kaya masasabi na magkaibang bagay ang nakakabit sa kanila. Ang pagkakaroon ng flat structure, bright reflection at micropitting ay patunay na ang ventral side ay nakadikit sa hard organic materials na malamang ay wooden shaft na hugis toe haft. Ang shaft naman ay kinabit sa adze sa pamamagitan ng grasslike plants o ng phytolith-containing fibers. Ang mga ito ay nakadikit sa dorsal side dahil ang sickle gloss ay sinasabing dulot ng pagkakadikit sa mga halamang mayaman sa phytoliths tulad ng mga damo. Bukod dito, ang ga diamond patterned striations ay nagpapatunay ng criss-cross binding ng mga baging sa adze. May mga nakita rin na mga negatives sa likuran ng butt na mga irregular at unpolished surface. Ang direction of impact at papunta sa direksyon ng butt at sinasabi na ito ay dulot ng pagfit ng adze sa bagong shaft sa later stage ng paggamit nito (Pawlik, 2007).Ang pokus lamang ng paper na ito ay ang stone adze no. 20184. Subalit napagtanto, na kahit magkaiba ang ginamit upang magawa ang dalawang stone adze na ito, magkapareho ang teknolohiya na ginamit upang magawa ito katulad ng pagkakapareho ng hugis, pagkakatali sa shaft at pagsailalim sa reworking at reshapening. Nakakita din ng mga features at traces na unique sa Philippine Neolithic gamit ang microwear analysis. Gamit din ang mga traces na ito, nagawa na mareconstruct ang prehistoric technologies at activities (Pawlik, 2007).Mahalaga ang pag-aaral na ito dahil ang mga polished stone adzes ng Ille Cave ang kinatawan ng Neolithic sa occupational sequence ng Ille Cave. Walang duda na ito ay artefact mula sa Neolithic dahil kung ihahambing sa mga stone tools noong Paleolithic, ito ay mas makinis. Dahil nagbago na ang itsura at porma ng stone tools, masasabi din na mas naging advance ang teknolohiya nila dahil nadagdagan ng polishing sa Chane operatoire sa paggawa ng stone adzes. Namamangha pa rin ako hanggang sa ngayon sa pagiging maparaan ng mga tao noon na ginagamit talaga ang lahat ng nasa paligid nila upang mapadali ang buhay nila. Nagamit ng mga tao sa Ille Cave noong Neolithic ang mga baging at halaman upang kumabit ang stone tool sa shaft gayundin ang quartz sand at silt upang kuminis ang bato. Hindi sila nanatili sa iisang teknolohiya, gumawa sila ng paraan upang mapaunlad pa ito. Nakakabilib din na ang mga maliliit na detalye sa mga stone adze ay nagamit upang malaman kung paano ginawa at ginamit ang mga ito dati. Ang mga stone adze ang isa sa mga pinakapaborito kong artifact dahil bilang geology major, nakikita ko kung paano direktang nagamit ng mga tao noon ang mga bato upang mapabuti at mapadali ang kanilang buhay. Sanggunian:Balbaligo, Y. (2007). A Brief Note on the 2007 Excavation at Ille Cave, Palawan,. Institute of Archaeology 18 , 161-166 .Hara, Y., & Cayron, J. (2001). A Preliminary Report on the Excavation of Ille Cave, El Nido, Palawan . Hukay , 82-92.Pawlik, A. (2007). Analysis of Two Polished Stone Adzes from Ille Cave at El Nido, Palawan Island, Philippines . Hukay, 38-59.

Figure 1. Top left: Map of the Philippines showing Ille Cave, El Nido on Palawan Island. Top right: Ille Cave from the south. The tower is c. 75m high, see people for scale. Center left: 2: Wilhelm G. Solheim II during an interview at the platform of Ille Cave. Center right: Ille Cave: Boulder rock with possible traces of grinding and sharpening stones tools. Bottom left: Adze Blade No. IV-1998-P-20184. Bottom right: Some of the photos of the grinding, grooves and striations in the surface of stone adze (no. 20184).


Recommended