+ All Categories
Home > Documents > at ang Pakikipag-isa kay Cristo sa Kamatayan at sa Bagong ... · PDF filePangunahing layunin...

at ang Pakikipag-isa kay Cristo sa Kamatayan at sa Bagong ... · PDF filePangunahing layunin...

Date post: 14-Feb-2018
Category:
Upload: vandien
View: 301 times
Download: 9 times
Share this document with a friend
22
at ang Pakikipag-isa kay Cristo sa Kamatayan at sa Bagong Buhay Derick Parfan
Transcript
Page 1: at ang Pakikipag-isa kay Cristo sa Kamatayan at sa Bagong ... · PDF filePangunahing layunin nito na maging malinaw sa lahat sa atin ang ... kausap niya sa sulat niya ay mga nabautismuhan

at ang Pakikipag-isa kay Cristosa Kamatayan at sa Bagong Buhay

Derick Parfan

Page 2: at ang Pakikipag-isa kay Cristo sa Kamatayan at sa Bagong ... · PDF filePangunahing layunin nito na maging malinaw sa lahat sa atin ang ... kausap niya sa sulat niya ay mga nabautismuhan

1

Ang Bautismo: At ang Pakikipag-isa kay Cristo sa Kamatayan at saBagong Buhay

© Copyright 2014 Baliwag Bible Christian Church, All rights reserved.

Published by treasuringCHRIST (http://pastorderick.com)

Unless otherwise indicated, Scripture quotations are from the EnglishStandard Version (ESV) of the Holy Bible and Magandang Balita Biblia

(MBB) 2012 Edition.

Page 3: at ang Pakikipag-isa kay Cristo sa Kamatayan at sa Bagong ... · PDF filePangunahing layunin nito na maging malinaw sa lahat sa atin ang ... kausap niya sa sulat niya ay mga nabautismuhan

2

Dead and aliveDo you not know that all of us who have been baptized into Christ Jesus were

baptized into his death? We were buried therefore with him by baptism intodeath, in order that, just as Christ was raised from the dead by the glory of the

Father, we too might walk in newness of life.

Romans 6:3-4 (ESV)

Page 4: at ang Pakikipag-isa kay Cristo sa Kamatayan at sa Bagong ... · PDF filePangunahing layunin nito na maging malinaw sa lahat sa atin ang ... kausap niya sa sulat niya ay mga nabautismuhan

3

Contents

Introduction ............................................................................. 4

Ang Bautismo (Part 1).............................................................. 5

Ang Bautismo (Part 2)............................................................ 16

Page 5: at ang Pakikipag-isa kay Cristo sa Kamatayan at sa Bagong ... · PDF filePangunahing layunin nito na maging malinaw sa lahat sa atin ang ... kausap niya sa sulat niya ay mga nabautismuhan

4

Introduction

Ano ang kahulugan ng bautismo? Sino ang dapatmagpabautismo? Ito ba ay paraan o simbolo lamang ngkaligtasan? Bakit dapat akong magpabautismo? Ilan ito sa mgatanong na sasagutin sa booklet na ito.

Pangunahing layunin nito na maging malinaw sa lahat sa atin angkahulugan ng bautismo. Isa ito sa dalawang ordinansangitinagubilin sa atin ni Cristo. Ang isa ay ang Banal na Hapunan(Lord’s Supper) na regular nating ginagawa. Ang minsanangpagpapabautismo ay dapat ipagdiwang dahil napakaganda ngipinakikita nito sa ginawa ng Diyos para sa atin.

Ito ay kopya ng dalawang sermon na ipinangaral ko noong April 5(Palm Sunday) at 12 (Easter Sunday), taong 2009.

Katulad ninyo na nakipag-isa kay Cristo,

Derick ParfanLeading PastorBaliwag Bible Christian Church

Page 6: at ang Pakikipag-isa kay Cristo sa Kamatayan at sa Bagong ... · PDF filePangunahing layunin nito na maging malinaw sa lahat sa atin ang ... kausap niya sa sulat niya ay mga nabautismuhan

5

Ang Bautismo (Part 1)Ang Pakikipag-isa kay Cristo sa Kamatayan

Ano ngayon ang sasabihin natin? Patuloy ba tayongmagkakasala upang sumagana sa atin ang kagandahang-loob ng Diyos? 2Hinding-hindi! Tayo’y patay na sakasalanan, paano pa tayo mamumuhay sa pagkakasala?3Hindi ba ninyo alam na tayong lahat na nabautismuhan kayCristo Jesus ay nabautismuhan sa kanyang kamatayan?4Samakatuwid, tayo’y namatay na at nalibing na kasamaniya sa pamamagitan ng bautismo upang kung paanongbinuhay muli si Cristo sa pamamagitan ng dakilangkapangyarihan ng Ama, tayo rin ay magkaroon ngpanibagong buhay.

5Sapagkat kung nakasama tayo ni Cristo sa isangkamatayang katulad ng kanyang kamatayan, tiyak na tayoay makakasama rin niya sa muling pagkabuhay na katuladng kanyang muling pagkabuhay. 6Alam natin na ang datinating pagkatao ay naipako na sa krus kasama niya, upangmamatay ang ating makasalanang pagkatao at nang hindina tayo maalipin pa ng kasalanan. 7Sapagkat ang namatayna ay pinalaya mula sa kapangyarihan ng kasalanan. 8Kungtayo’y namatay nang kasama ni Cristo, naniniwala tayongmabubuhay rin tayong kasama niya. 9Alam nating si Cristonang muling binuhay ay hindi na muling mamamatay. Walanang kapangyarihan sa kanya ang kamatayan.

10Nang siya’y mamatay, namatay siya nang minsanan dahilsa kasalanan; at ang buhay niya ngayon ay dahil sa Diyos.11Kaya dapat din ninyong ituring ang inyong sarili bilangpatay na sa kasalanan, ngunit buhay naman dahil sa Diyos,sapagkat kayo’y nakipag-isa na kay Cristo.

Roma 6:1-11 (MBB)

Page 7: at ang Pakikipag-isa kay Cristo sa Kamatayan at sa Bagong ... · PDF filePangunahing layunin nito na maging malinaw sa lahat sa atin ang ... kausap niya sa sulat niya ay mga nabautismuhan

6

Mula Linggo ng Palaspas hanggang Linggo ng Pagkabuhay,inaalala ng mga Kristiyano (mga totoo man o sa pangalan lang) angpagkamatay ni Cristo. Iba-iba man ang nagiging motibo ng mga taosa mga araw na ito, ginagamit ito ng Diyos upang gisinging angating mga natutulog na damdamin at pag-alabin ang atingnanlalamig na pananampalataya. Ipinapaalala niya sa atin angsakripisyo na ginawa ni Cristo para sa ating mga kasalanan.Mahalaga ito sa atin dahil sa pamamagitan nito at ng atingpananampalataya kay Cristo ay mayroon na tayong buhay nawalang hanggan.

Bukod sa mensahe ng Kuwaresma, isang mabisang paraan naginagamit ng Diyos upang ipaalala sa atin ang kahalagahan ngkamatayan ni Cristo ay ang bautismo. Ngunit marami sa atin angtila nakalimot na sa kahulugan nito at ang halaga nito sa atingpang-araw-araw na pamumuhay bilang mga anak ng Diyos. Taposna tayong mabautismuhan, ano pa nga ba ang halaga nito sabuhay natin? Gusto kong ipaalala sa inyong mga nabautismuhan nana huwag ninyong kalilimutan ang ibig sabihin ng inyong bautismo.Ganyan ang panawagan ni Pablo sa mga taga-Roma. Kung tayo aynasa ilalim na ng biyaya ng Diyos, hindi tayo dapat magpatuloy sapagkakasala (v. 1). Bakit? Kasi nga patay na tayo sa kasalanan (v.2). At sa v. 3, “Hindi ba ninyo alam na tayong lahat nanabautismuhan kay Cristo Jesus ay nabautismuhan sa kanyangkamatayan?” Parang sinasabi niya, “Huwag na huwag ninyongkalilimutan ang ibig sabihin ng inyong bautismo! Ipamuhay ninyoito! Para saan pa’t binautismuhan kayo kung magpapatuloy dinnaman kayo sa pagsuway sa Diyos na nagligtas sa inyo?”

Ang kahulugan ng bautismo ay dapat ding lubos na maunawaan ngmga kapatid nating babautismuhan sa darating na Linggo (Easter).Dapat alam ninyo kung bakit ninyo gagawin ito. Tinitiyak kongkalulugdan ng Diyos ang gagawin ninyo ngunit dapat ninyongmalaman ang nais ituro sa inyo ng Diyos sa pamamagitan nito.Kayo na mga nabautismuhan na, saksihan ninyo ang bautismo nila

Page 8: at ang Pakikipag-isa kay Cristo sa Kamatayan at sa Bagong ... · PDF filePangunahing layunin nito na maging malinaw sa lahat sa atin ang ... kausap niya sa sulat niya ay mga nabautismuhan

7

upang makigalak kayong kasama nila at maalala ninyo ang araw nanagpasya kayong sumunod sa tagubilin ni Cristo namagpabautismo tayong lahat na sumasampalataya sa kanya.

Kayong mga nagsasabing taga-sunod na kayo ni Cristo ngunithanggang ngayon ay hindi pa nagpapabautismo, malalaman ninyoang kahalagahan nito sa inyong buhay Kristiyano. Dalangin ko napagkatapos ay lumapit kayo sa amin at sabihin na handa na kayongmagpabautismo sa susunod.

Kahit kayo na hanggang ngayon ay hindi pa nagpapasya kunglubos na mananalig kay Cristo para sa inyong buhay na walanghanggan, pakinggan ninyo ang itinuturo ng Salita ng Diyos tungkolsa bautismo na nagpapatotoo ng kaligtasang mayroon angsinumang nananalig kay Cristo at nagsisisi na sa kanyang mgakasalanan.

Ano ang bautismo? Ang bautismo ay ang minsanangpaglulubog sa tubig at pag-aahon muli ng isang taongnananalig kay Cristo bilang pagpapahayag ng kanyangnaganap nang pakikipag-isa kay Cristo sa kamatayan atbagong buhay. Upang lubos nating maunawaan ito, magbibigayako ng ilang mga obserbasyon tungkol sa bautismo ayon sa atingteksto at sa sinasabi ng ilang mga talata pa sa Biblia ukol dito. Sasusunod ay tatalakayin natin ang kaugnayan ng ating pakikipag-isakay Cristo sa bagong buhay na ating dapat na ipinamumuhay, nasiya ring ipinapahayag sa bautismo. Ngayon ay paglaanan natin ngpansin ang tungkol sa ating pakikipag-isa sa kamatayan ni Cristona ipinapahayag sa bautismo.

1. Ang bautismo ay isinasagawa sa kabuuan ng kasaysayan ngIglesia. Ang gawaing ito ay isinasagawa ng mga tunay namananampalataya simula pa sa panahon ng Bagong Tipan. Hindiito isang bagong ritwal kundi dati na. Nang sabihin ni Pablo sa mgataga-Roma, “Hindi ba ninyo alam na tayong lahat nanabautismuhan kay Cristo Jesus ay nabautismuhan sa kanyangkamatayan?” (v. 3), ipinalalagay niya na ang mga Kristiyanongkausap niya sa sulat niya ay mga nabautismuhan na. Kung sila’y

Page 9: at ang Pakikipag-isa kay Cristo sa Kamatayan at sa Bagong ... · PDF filePangunahing layunin nito na maging malinaw sa lahat sa atin ang ... kausap niya sa sulat niya ay mga nabautismuhan

8

Kristiyano dapat bautismado din. Sigurado si Pablong alam nila ito.Alam nila ang kahulugan nito.

Ito ay malinaw na isinasagawa ng mga mananampalataya noonguna pa, maging Judyo man o Hentil. Nagsimula ito nangbautismuhan ng mga alagad ni Jesus ang 3,000 kataongnakapakinig at nanampalataya dahil sa pangangaral ni Pedro. Nangmangaral si Pedro tungkol kay Cristo at sinabi niyang sila’y dapatna magsisi at magpabautismo, “ang mga tumanggap sa sinabi niyaay nagpabautismo, at nadagdagan ang mga alagad ng may tatlonglibong katao nang araw na iyon” (Gawa 2:38, 41).

Kaya kung ikaw ay hindi magpapabautismo, hindi ka sumasang-ayon sa matagal nang isinasagawa ng buong komunidad ng mgatagasunod ni Cristo. Kung ikaw naman ay magpapabautismonakikiisa ka sa matagal nang isinasagawa ng mga Kristiyano. Hindika nag-iisa, kapatid. Naririto kaming mga nauna na upang saksihanang iyong pagsunod sa tubig ng bautismo.

2. Ang bautismo ay pagsunod sa utos ni Cristo. Hindi lamang itoisang ritwal na naisipang gawin ng mga naunang Kristiyano. Itomismo ay pinag-utos ni Cristo. May dalawang ordinansangitinagubilin si Cristo na isagawa natin bago siya bumalik sa langit.Ang isa ay ang Banal na Hapunan (Lord’s Supper) na isinasagawanatin tuwing unang Linggo ng buwan. “Gawin ninyo ito sa pag-aalaala sa akin” (Lucas 22:19).

Ang pangalawa ay ang bautismo na minsanan lang isinasagawa saisang mananampalataya. Kasama ito sa tinatawag nating GreatCommission sa iglesia, “Kaya, humayo kayo at gawing alagad koang lahat ng bansa. Bautismuhan ninyo sila sa ngalan ng Ama at ngAnak at ng Espiritu Santo, at turuang sumunod sa lahat ng ipinag-uutos ko sa inyo...” (Mateo 28:19-20). Ang tagubilin sa atin aymagbautismo ng mga tagasunod ni Cristo. Hindi natin ginagawaang misyon natin kung hahayaan lamang natin ang mga Kristiyanodito sa iglesia na di nababautismuhan. Hindi rin natin silamatuturuang sumunod kung isa sa napakahalagang utos niya ayhindi natin maipatupad.

Page 10: at ang Pakikipag-isa kay Cristo sa Kamatayan at sa Bagong ... · PDF filePangunahing layunin nito na maging malinaw sa lahat sa atin ang ... kausap niya sa sulat niya ay mga nabautismuhan

9

Nang tanungin ng mga tao si Pedro pagkatapos makinig sakanyang sermon nang araw ng Pentecoste, “Ano ang gagawinnamin?”, ito ang sinabi niyang gawin nila, “Pagsisihan ninyo’ttalikdan ang inyong mga kasalanan at magpabautismo kayo...”(Gawa 2:38). Hindi maaaring sabihin mong wala kang pakialamkung mabautismuhan ka man o hindi. Maliwanag itong iniutos niCristo at ng kanyang mga nahirang na mga apostol. Ang hindipagpapabautismo ay pagsuway sa kalooban ni Cristo na tinatawagmong Panginoon. Kung ngayon ay nasa puso mo na ang pagnanaisna mabautismuhan, kinalulugdan iyan ng Diyos.

3. Ang bautismo ay isinasagawa sa pamamagitan ngpaglulubog sa tubig at pag-aahon mula dito. Paano isinasagawaang bautismo? Ang isang taong nagpapabautismo ay lubusanginilulubog sa tubig at muling iniaahon kaagad. Taliwas ito saitinuturo ng iba na sapat na ang pagwiwisik (sprinkling) opagbubuhos (pouring) ng kaunting tubig sa taongbinabautismuhan. Nasaksihan ko itong isinasagawa sa ibangsimbahan. Bagamat hindi ito dapat maghati-hati sa atin bilangmagkakapatid kay Cristo na may iba-ibang paniniwala dito,mahalaga na malaman natin kung bakit ang tama at biblikal naparaan ng bautismo ay paglulubog sa tubig.

Magbibigay ako ng tatlong dahilan. Ang una ay may kinalaman sakahulugan ng orihinal na salitang Griyego na ginamit dito.Paglulubog sa tubig (to plunge, to immerse) ang pangunahingkahulugan ng salitang Griyegong baptizo na isinalin na bautismo(baptism). Kung literal natin itong gagamitin, magiging ganito angsalin, “Ilubog ninyo sila sa tubig” o kaya’y “magpalubog kayo satubig.” Sa mga talatang makikita natin ang pagbabautismo, hindiito nangangahulugan ng pagwiwisik kundi paglulubog sa tubig.

Ang pangalawa ay ang ebidensya galing sa mga salaysay ukol samga taong nabautismuhan. Narito ang ilang mga halimbawa. SiJesus ay binautismuhan ni Juan sa Ilog Jordan. Bakit kailangang sailog pa kung magwiwisik lang naman? Pagkatapos niyang

Page 11: at ang Pakikipag-isa kay Cristo sa Kamatayan at sa Bagong ... · PDF filePangunahing layunin nito na maging malinaw sa lahat sa atin ang ... kausap niya sa sulat niya ay mga nabautismuhan

10

mabautismuhan, ayon sa salaysay ni Marcos, “Pagkaahung-pagkaahon ni Jesus sa tubig...(Marcos 1:9-10). Umahon si Jesusdahil siya ay inilubog. Ngunit hindi lamang sa Jordannagbabautismo si Juan. “Si Juan ay nagbabautismo rin naman saEnon, malapit sa Salim, sapagkat maraming tubig doon” (Juan3:23). Kailangan ng maraming tubig upang magpautismo. Kungkaunti ay hindi mailulubog o mahihirapang ilubog ang isang tao.Nang magpabautismo ang isang pinunong taga-Etiopia nanabahaginan ni Felipe, ano ang nangyari? “Lumusong silangdalawa sa tubig at binautismuhan siya ni Felipe. Pagkaahon nila satubig...” (Gawa 8:38-39). Umahon dahil inilubog.

Ang pangatlo at ang pinakamahalaga ay ang kahulugan ngbautismo na makikita lamang nang malinaw sa paglulubog sa tubig.Sabi ni Pablo,“tayo’y namatay na at nalibing na kasama niya sapamamagitan ng bautismo...” (Roma 6:4). “Nang kayo'ybautismuhan, nalibing kayong kasama ni Cristo at muling nabuhayna kasama niya” (Colosas 2:12). Ang simbolismo ng paglulubog atpag-aahon sa tubig ang malinaw na makapagpapakita ng atingpagkakalibing (paglulubog sa tubig) sa ating mga kasalanan at ngating muling pagkabuhay (pag-aahon mula sa tubig) dahil kayCristo. Hindi ito maipapakita ng pagwiwisik o pagbubuhos.

Bakit mahalagang maunawaan natin na paglulubog sa tubig angbiblikal na pamamaraan ng bautismo? Dahil nakasalalay dito angtamang pagkakaunawa natin ng mensaheng nais ipahatid ng Diyossa pamamagitan ng ritwal na ito.

4. Ang bautismo ay pagpapahayag ng ating naganap nangpakikipag-isa sa kamatayan ni Cristo. Ano ang mensaheng ito?Ang mensaheng ipinapahayag sa bautismo ay ang ating naganapnang pakikipag-isa sa kamatayan ni Cristo (at sa kanyang mulingpagkabuhay, na pagtutuunan natin ng pansin sa susunod). Tanongni Pablo, “Hindi ba ninyo alam na tayong lahat na nabautismuhankay Cristo Jesus ay nabautismuhan sa kanyang kamatayan” (Roma6:3)? Ang sagot? Alam ninyo! Alam natin ‘yan. Ito ay pakikipag-isasa kamatayan ni Cristo. Malinaw itong sinasabi din sa Colosas,

Page 12: at ang Pakikipag-isa kay Cristo sa Kamatayan at sa Bagong ... · PDF filePangunahing layunin nito na maging malinaw sa lahat sa atin ang ... kausap niya sa sulat niya ay mga nabautismuhan

11

“Nang kayo'y bautismuhan, nalibing kayong kasama ni Cristo atmuling nabuhay na kasama niya” (2:12). Nang mamatay si Cristo,dahil sa ating pananampalataya sa kanya, namatay na rin tayongkasama niya. Ito ang ibig sabihin ng bautismo.

Pansinin ninyo ang tatlong pangyayaring nakapaloob dito. Ang unaay ang kamatayan ni Cristo na nangyari sa Kalbaryo. Sapamamagitan nito, ang pagtingin sa atin ng Ama ay pagtingin niyasa naganap nang kamatayan ng kanyang Anak. Ang pangalawa ayang pananalig natin kay Cristo at sa pagtubos na ginawa niya parasa atin. Sa pamamagitan nito, personal na naranasan natin angkamatayan ni Cristo. Ang pangatlo ay ang pagbabautismo sa atinsa pangalan ni Cristo. Ito ang nagpapahayag na naranasan na natinang kamatayan ni Cristo. Ang kamatayan ni Cristo ay naganap (saKalbaryo), naranasan (nang sumampalataya tayo), at nahayag (sabautismo) (John Piper).

Mahalaga ang tamang pagkakasunud-sunod nito. Kungbabaligtarin natin, magkakamali tayo sa pagkaunawa sa bautismo.Ang isang pagkakamali ay ang paniniwala na ang bautismo ayisang paraan upang maligtas.

5. Ang bautismo ay hindi paraan upang maligtas, ito’y larawanlamang ng kaligtasang naganap na. Sasabihin ng ilangnaniniwala na kailangan ang bautismo sa pagliligtas, hindi ba’tsinabi ni Pablo, “Tayo’y namatay na at nalibing na kasama niya sapamamagitan ng bautismo” (Roma 6:4)? Ang pakikipag-isa ba natinay nangyari noong tayo ay mabautismuhan? Hindi! Nangyari itonoong unang sumampalataya tayo sa kanya. Huwag natingpaghahaluin ang larawan sa inilalarawan nito. Ang bautismo aylarawan. Ang isinasalarawan ay ang pakikipag-isa natin kay Cristosa kanyang kamatayan. Ganundin sa 1 Pedro 3:21, “Ang tubig aylarawan ng bautismong nagliligtas ngayon sa inyo.” Hindi angbautismo ang nagliligtas, kundi ang isinasalarawan nito.

Ang wedding ring ay larawan ng pakikipag-isa ko kay Jodi bilangasawa. Ito ay simbolo. Hindi ito nangangahulugan na hindi na kamiiisa bilang mag-asawa tuwing tatanggalin ko ito sa aking daliri o

Page 13: at ang Pakikipag-isa kay Cristo sa Kamatayan at sa Bagong ... · PDF filePangunahing layunin nito na maging malinaw sa lahat sa atin ang ... kausap niya sa sulat niya ay mga nabautismuhan

12

kaya’y maiwala ko ito. Ito’y larawan at napakagandang larawan ngcommitment namin bilang mag-asawa. Gayundin sa bautismo.Kung wala ito, hindi nangangahulugang wala ang pakikiisa ko kayCristo sa kaligtasang binayaran niya sa krus. Ito’y larawan lamang,ngunit magandang larawan.

Ang iba naman ay ginagamit ang sinabi ni Jesus sa Marcos 16:16para patunayang ang hindi magpabautismo ay hindi maliligtas,“Ang sinumang sumampalataya at mabautismuhan ay maliligtas,ngunit ang ayaw sumampalataya ay paparusahan.” Kung ako aysumasampalataya at nabautismuhan, alam kong maliligtas ako.Ngunit hindi ibig sabihin na kapag hindi ako nabautismuhan hindiako maliligtas. Kung gayon dapat sinabi sa pangalawang bahagi ngtalata na “ang ayaw sumampalataya at ayaw magpabautismo aypaparusahan.” Ang sinabi lang ay ang ayaw sumampalataya angmapaparusahan. Hindi ibig sabihin na kapag kayongbabautismuhan pa lang ay namatay mamaya ay magdurusa kayosa impiyerno magpasawalang-hanggan.

Sinabihan ba ni Cristo ang magnanakaw na nasa kanyang tabi namagpabautismo muna siya bago siya sumama sa paraiso? Hindi!Sinabi niya, “Ngayon din isasama kita sa paraiso” (Luke 23:43).Bakit? Kasi nanalig siya kay Cristo. Ang pananampalataya anginstrumento hindi ang bautismo. Ang katuruang nakapagliligtas angbautismo ay salungat sa malinaw na turo ng Bibliya napananampalataya lamang ang paraan upang maligtas tayo, hindianumang gawang mabuti tulad ng bautismo. “Napawalang-sala natayo dahil sa ating panananalig sa ating Panginoong Jesu-Cristo”(Roma 5:1). “Hindi na hahatulang maparusahan ang mga nakipag-isa kay Cristo Jesus” (8:1). “Dahil sa kagandahang loob ng Diyos aynaligtas kayo sa pamamagitan ng inyong pananampalataya kayCristo...Hindi ito dahil sa inyong mga gawa [tulad ngpagpapabautismo]...” (Efeso 2:8-9).

Ang bautismo ay larawan ng kaligtasang mayroon na tayo. Hindi itoang paraan upang maligtas. Kung tayo’y mamamatay at haharap saDiyos sa paghuhukom, hindi niya hahanapin ang ating Baptismal

Page 14: at ang Pakikipag-isa kay Cristo sa Kamatayan at sa Bagong ... · PDF filePangunahing layunin nito na maging malinaw sa lahat sa atin ang ... kausap niya sa sulat niya ay mga nabautismuhan

13

Certificate, ang titingnan niya ay ang puso nating sumasampalatayasa kanyang Anak na si Jesus. Mahalaga ang bautismo, dahil ito aypagkilala sa awtoridad ni Jesus bilang Panginoon natin at bilangpagpapahalaga sa biyayang tinanggap natin. Napakagandanglarawan man ang ipinapakita nito, hindi ito makapagliligtas. Huwagkayong padaya sa sinumang magtuturo ng salungat dito.

6. Ang bautismo ay isinasagawa para lamang sa mganagpapahayag na sila ay nananalig kay Cristo, samakatuwid ayhindi para sa mga sanggol. Kung mauuna dapat ang pananaligkay Cristo bago ang pagpapabautismo, malinaw na hindi dapatbautismuhan ang mga sanggol at mga batang wala pa sa hustongpag-iisip na magpasya sa kanilang pagsunod kay Cristo. Hindi dahilKristiyano ang magulang ay ganun na din ang anak.

Nang magpabautismo si Lydia at ang kanyang sambahayan (Gawa16:15), nangangahulugan ba itong kasama ang mga sanggol? Hindiba’t bago bautismuhan si Lydia ay ibinukas muna ng Diyos angkanyang puso at siya’y naniwala sa ipinapangaral ni Pablo (v. 14)?Hindi ba dapat ganun din muna ang mangyari sa sinuman sakanyang sambahayan bago sila bautismuhan? Ang bantay sabilanguan nila Pablo sa Filipos ay nabautismuhan din at angkanyang buong sambahayan (16:33). Nangyari lamang ito nangipahayag sa buong sambahayan ang salita ng Diyos (v. 32). Ibigsabihin ba’y kasama dito ang mga sanggol na nakinig at naniwala?

Kung ang sinasabi ni Pablo na “ang lahat ng nabautismuhan kayCristo ay pinananahanan ni Cristo” (Galacia 3:27), paano naman itomagiging tama sa mga sanggol na nabautismuhan? Sila ba’ypinananahanan na ni Cristo? Hindi pa. Pananahanan lamang sila niCristo kung sila ay mananalig kay Cristo. At darating ang araw naiyon na sila ay may sapat nang pag-iisip upang magpasya para sakanilang sarili. Ngunit hangga’t sila’y bata pa, responsibilidad ngmga magulang na Kristiyano at nabautismuhan na na ipaliwanag sakanila ang daan ng kaligtasan sa pamamagitan ni Cristo. At kungsila’y nagpasyang magsisi at sumunod na kay Cristo isang araw,

Page 15: at ang Pakikipag-isa kay Cristo sa Kamatayan at sa Bagong ... · PDF filePangunahing layunin nito na maging malinaw sa lahat sa atin ang ... kausap niya sa sulat niya ay mga nabautismuhan

14

ipaliwanag ninyo sa kanila kung bakit kailangan ang bautismobilang bahagi ng kanilang bagong buhay.

7. Ang bautismo ay malinaw na nagpapaalala na tayo’y hindi nadapat mamuhay sa pagkakasala. Hindi man ito paraan upangtayo ay mapawalang-sala ng Diyos, ang bautismo ay instrumentong Diyos upang patuloy tayong mamuhay nang ayon sa kanyangkalooban, at hindi na ayon sa kapangyarihan ng kasalanan. Angbautismo ang ginamit ni Pablo na argumento (v. 3) sa kanyangmensahe sa mga taga-Roma, “Ano ngayon ang sasabihin natin?Patuloy ba tayong magkakasala upang sumagana sa atin angkagandahang-loob ng Diyos? Hinding-hindi! Tayo’y patay na sakasalanan, paano pa tayo mamumuhay sa pagkakasala?” (vv. 1-2).Binayaran ni Cristo ang kasalanan natin hindi upang magkaroontayo ng lisensya na magkasala. “Alam natin na ang dati natingpagkatao ay naipako na sa krus kasama niya, upang mamatay angating makasalanang pagkatao at nang hindi na tayo maalipin pa ngkasalanan. Sapagkat ang namatay na ay pinalaya mula sakapangyarihan ng kasalanan” (vv. 6-7).

Sa tuwing nagkakasala tayo, binabalewala natin ang kahulugan ngating bautismo. Para tayong isang lalaking may asawa natinatanggal ang kanyang singsing kung nais niyang makiapid saisang babae. Ngunit kahit tanggalin niya ito, dapat niyangalalahanin na siya’y kasal at may asawa. Mahalagang tingnan niyaang singsing at isipin ang kahulugan nito. Gayundin sa bautismo.Tingnan mo ang simbolong ito at alalahanin ang ibig sabihin nito.

Naalala ko ang isang taong nabautismuhan. Bago siyabautismuhan, inilabas niya ang isang pakete ng sigarilyo, ipinakitasa mga tao, at inihagis sa kabilang bakod. Nagpalakpakan ang mgatao. Ilang buwan ang nakaraan pagkatapos ng bautismo, balik nanaman sa bisyo ng paninigarilyo at pangangalunya. Hindi ito angdisenyo ng bautismo. Nais ng Diyos ang tuluyang pagtalikod hindilamang sa mga bisyong kita ng ibang tao kundi sa lahat ng mgakasalanang itinatago din natin sa iba. Namatay si Cristo, nagsisi atsumampalataya tayo, at nabautismuhan hindi upang magpatuloy sa

Page 16: at ang Pakikipag-isa kay Cristo sa Kamatayan at sa Bagong ... · PDF filePangunahing layunin nito na maging malinaw sa lahat sa atin ang ... kausap niya sa sulat niya ay mga nabautismuhan

15

pagsisinungaling, pagpatay ng kapwa-tao sa pamamagitan ng galito paninirang puri, pangangalunya sa pamamagitan ng pagtinginnang malaswa sa babae, pagpapabaya sa pagpapalaki ng mgaanak, paggastos sa pera na parang iyo ang lahat ng tinatanggapmo, katamaran, kadaldalan sa mga bagay na walang kabuluhan atdi makatutulong, hindi pagpapatawad at hindi paghingi ng tawad.Mga kapatid, wala na tayo sa ilalim ng kapangyarihan ngkasalanan. Nakay Cristo na tayo.

Page 17: at ang Pakikipag-isa kay Cristo sa Kamatayan at sa Bagong ... · PDF filePangunahing layunin nito na maging malinaw sa lahat sa atin ang ... kausap niya sa sulat niya ay mga nabautismuhan

16

Ang Bautismo (Part 2)Ang Pakikipag-isa kay Cristo sa Bagong Buhay

Sa naunang pag-aaral ay nakita natin ang kahulugan ng bautismo.Ang bautismo ay ang minsanang paglulubog sa tubig at pag-aahonmuli ng isang taong nananalig kay Cristo bilang pagpapahayag ngkanyang naganap nang pakikipag-isa kay Cristo sa kamatayan atbagong buhay. Upang ito ay lubos nating maunawaan ay nagbigayako ng pitong puntos:

1. Ang bautismo ay isinasagawa sa kabuuan ng kasaysayanng Iglesia.

2. Ang bautismo ay pagsunod sa utos ni Cristo.

3. Ang bautismo ay isinasagawa sa pamamagitan ngpaglulubog sa tubig at pag-aahon mula dito.

4. Ang bautismo ay pagpapahayag ng ating naganap nangpakikipag-isa sa kamatayan ni Cristo.

5. Ang bautismo ay hindi paraan upang maligtas, ito’y larawanlamang ng kaligtasang naganap na.

6. Ang bautismo ay isinasagawa para lamang sa mganagpapahayag na sila ay nananalig kay Cristo, samakatuwiday hindi para sa mga sanggol.

7. Ang bautismo ay malinaw na nagpapaalala na tayo’y hindina dapat mamuhay sa pagkakasala.

Ang pangwalong puntos ay tatalakayin natin ngayon. Angbautismo ay pagpapahayag ng ating pakikipag-isa hindilamang sa kamatayan ni Cristo kundi pati rin sa kanyangmuling pagkabuhay upang tayo’y magkaroon ng bagong buhay.“Samakatuwid, tayo’y namatay na at nalibing na kasama niya sapamamagitan ng bautismo upang kung paanong binuhay muli siCristo sa pamamagitan ng dakilang kapangyarihan ng Ama, tayo rin

Page 18: at ang Pakikipag-isa kay Cristo sa Kamatayan at sa Bagong ... · PDF filePangunahing layunin nito na maging malinaw sa lahat sa atin ang ... kausap niya sa sulat niya ay mga nabautismuhan

17

ay magkaroon ng panibagong buhay” (Roma 6:4). Mas malinawitong makikita sa Colosas 2:12, “Nang kayo'y bautismuhan,nalibing kayong kasama ni Cristo at muling nabuhay na kasamaniya.”

Upang lubos natin itong maunawaan, sagutin natin ang tanong na“Ano ang ipinapahayag sa bautismo?” Natapos na nating tingnanang aspeto ng pakikipag-isa natin kay Cristo. Ngayon aypagtutuunan natin ng pansin ang patungkol sa kanyang mulingpagkabuhay. Ano ang ipinapahayag ng bautismo na may kinalamansa muling pagkabuhay ni Cristo?

1. Si Cristo ay tunay na nabuhay na muli. Ang mabuting balitangipinapangaral natin ay ang katotohanan na si Cristo ay hindi lamangnamatay at nalibing para sa atin, kundi siya rin ay muling nabuhay(1 Corinto 15:3-5). Maraming nakasaksi sa katotohanang ito atnagbuwis ng kanilang buhay para rito. Ito ang ipinagdiriwang natinngayong araw na ito dahil ito ang isa sa pinakamahalagang araw sakasaysayan ng sangkatauhan. Ang kaligtasang binili ni Cristo sapamamagitan ng kanyang dugo ay naging tiyak at garantisado dahilsa kanyang muling pagkabuhay. Kung ikaw ay babautismuhan,naniniwala ka na si Cristo’y buhay.

2. Tayo ay nakipag-isa na kay Cristo. Walang kabuluhan angmuling pagkabuhay ni Cristo para sa maraming tao dahil walanaman silang tunay na relasyon sa kanya. Ang kaligtasan ay paralamang sa mga sumasampalataya kay Cristo. At angsumasampalataya ay nakipag-isa na kay Cristo. “Nang kayo'ybautismuhan, nalibing kayong kasama ni Cristo at muling nabuhayna kasama niya” (Colosas 2:12). Ang katagang “in Christ” (kayCristo, kasama ni Cristo) ay 74 beses na ginamit sa Bagong Tipan.Karamihan dito ay tumutukoy sa pakikipag-isa natin kay Cristo.

Ang relasyong ito na mayroon tayo kay Cristo ay mahirapisalarawan. Kaya nga ang tawag ng iba dito ay mystical union, naang ibig sabihin ay napakahiwaga ng pakikipag-isang ito na hindikayang ipaliwanag ng lengwahe nating mga tao. Ang pinakamalapitna larawan dito ay ang pag-iisang dibdib ng isang lalaki at babae.

Page 19: at ang Pakikipag-isa kay Cristo sa Kamatayan at sa Bagong ... · PDF filePangunahing layunin nito na maging malinaw sa lahat sa atin ang ... kausap niya sa sulat niya ay mga nabautismuhan

18

Kung paanong ang mag-asawa ay maituturing na iisa bagamatdalawa sila, gayundin si Cristo at ang taga-sunod niya. Gusto kongmakita ninyo at ma-appreciate na ang relasyong meron kayongayon kay Cristo ay hindi ordinaryong relasyon. Kung paanongang isang kasalan ay dapat na ipagdiwang ay gayundin angbautismo dahil ito ay pagpapahayag na tayo ay nakipagkaisa nakay Cristo.

3. Ang ating pakikipag-isa kay Cristo ay gawa ng Diyos. Huwagnating iisipin na ang pakikipag-isang ito ay dahil sa ginawa natin.Ito ay malinaw na gawa ng Diyos. Tayo ay kanyang pinag-isa kayCristo. Hindi natin pinag-isa ang sarili natin kay Cristo. Our unionwith Christ is wholly the work of God. It is only by his grace that weare united with Christ in his death and resurrection. Malinaw itongnaipapakita sa bautismo. Sa Roma 6:3 ay ipinapahayag ni Pablo natayo ay “nabautismuhan kay Cristo Jesus.” Ang “nabautismuhan”ay nasa passive voice, ibig sabihin mayroong nagbautismo sa atinat hindi tayo ang nagbautismo sa sarili natin. May nakita na bakayong binautismuhan ang kanyang sarili? Wala, dahil gusto ringipakita ng Diyos na ito ay kanyang ginawa sa atin. Before we sing,“I have decided to follow Jesus,” we must meditate on the truththat God has first decided to make you a follower of his Son beforeyou ever made the choice to follow him.

At kung ito ay gawa ng Diyos, hindi ba dapat na palagian natinitong ipagpasalamat sa kanya? Magpasalamat na binuhay niyangmuli si Cristo. Magpasalamat na tayo’y pinag-isa niya sa mulingpagkabuhay ng kanyang Anak. Magpasalamat tayo dahil gawa itong Diyos. Kung gawa ito ng tao, magkakaroon ba tayo ng katiyakanna hindi na tayo muling mahihiwalay kay Cristo? Sa kasalan ayipinapahayag ang “What God has joined together, let not manseparate,” ngunit mayroon pa ring tao ang sumisira ng relasyongito. Sa pakikipag-isa naman natin kay Cristo ay ipinapahayag,“What God has joined together, no man can separate.” Maykatiyakan tayo na walang divorce sa pagitan natin at ni Cristo.

Page 20: at ang Pakikipag-isa kay Cristo sa Kamatayan at sa Bagong ... · PDF filePangunahing layunin nito na maging malinaw sa lahat sa atin ang ... kausap niya sa sulat niya ay mga nabautismuhan

19

4. Sa atin na ang lahat ng biyayang kaloob ng Diyos dahil sapakikipag-isa natin kay Cristo. Dahil ito’y gawa ng Diyos, lahat ngbiyayang kaloob ng Diyos sa pamamagitan ni Cristo ay sa atin nadahil sa ating pakikipag-isa sa kanya. Ayon kay Wayne Grudem,bawat aspeto ng relasyon ng Diyos sa mga mananampalataya aykonektado sa ating relasyon kay Cristo. Mula sa pasimula ngkanyang mga gawa hanggang sa pakikipagsama natin sa Diyos salangit, at kasama rin ang lahat ng aspeto ng ating relasyon sa Diyossa kasalukuyang buhay na ito – lahat ng ito ay napasaatin dahil saating pakikipagkaisa kay Cristo (Systematic Theology, p. 840).

Anu-ano ang halimbawa ng biyayang ito? “Sa kanya nagmula angbuhay na taglay ninyo dahil sa pakikipag-isa ninyo kay Cristo Jesusna siyang ginawang karunungan natin. Sa pamamagitan din niya,tayo’y itinuring na matuwid, ginawang banal at iniligtas ng Diyos” (1Corinto 1:30). Ang buhay na meron tayo ngayon ay dahil sarelasyon natin kay Cristo. Mayroon tayong karunungan na unawainang mga ipinapahayag ng Diyos at kung paano tayo mamumuhaynang nakalulugod sa kanya dahil sa relasyong ito. Dahil sa kanya aynaranasan natin noong una ang ibilang na tayo’y matuwid bagamatmakasalanan. Sa araw-araw ay nararanasan natin na baguhin tayong Diyos at gawing banal dahil din kay Cristo. At pagdating ngpanahon, sa kanyang pagbabalik, ang buong kaligtasangpinakahihintay natin ay tiyak na mapasasaatin dahil kay Cristo.Hindi ba dapat lang na purihin ang Diyos dahil dito. Kagaya niPablo na nagpupuri, “Purihin ang Diyos at Ama ng atingPanginoong Jesu-Cristo! (Bakit?) Pinagkalooban niya tayo ng lahatng pagpapalang espirituwal at makalangit dahil sa ating pakikipag-isa kay Cristo” (Efeso 1:3).

5. Tayo ay namumuhay na at dapat mamuhay ayon sa isangbagong buhay, hindi na katulad ng dati. Ang bagong buhay na itoay inaasahan sa lahat ng tunay na taga-sunod ni Cristo. Walangtaga-sunod ni Cristo ang walang pagbabago sa buhay. Hindi manito biglaan para sa marami, ngunit nakikita ang bunga unti-unti.Pagkatapos mabautismuhan ang may tatlong libong katao noongaraw ng Pentecoste sa pamamagitan ng pangangaral ni Pedro

Page 21: at ang Pakikipag-isa kay Cristo sa Kamatayan at sa Bagong ... · PDF filePangunahing layunin nito na maging malinaw sa lahat sa atin ang ... kausap niya sa sulat niya ay mga nabautismuhan

20

(Gawa 2:41), may pagbabagong nangyari sa buhay ng mga taga-sunod ni Cristo. “Nanatili sila sa itinuro ng mga apostol, sapagsasama-sama bilang magkakapatid, sa pagpipira-piraso ngtinapay, at sa pananalangin” (v. 42). There is a change in theirvalues. They became devoted to God’s Word, to fellowship, toworship and to prayer. Ito ang disenyo ng bautismo: upang ipakitana ang isang taga-sunod ni Cristo ay dapat magpatuloy sa isangbagong buhay.

Ang bagong buhay na ito ay buhay sa loob ng isang bagongpamilya – ang iglesia. “Tayong lahat ay binautismuhan sa iisangEspiritu upang maging isang katawan” (1 Corinto 12:13). Angkatawang ito ay ang iglesia kung saan ang bawat isa sa atin aybahagi. Through baptism, we welcome you into God’s family,brothers and sisters in Christ. Kabilang ka na sa isang komunidadng mga taga-sunod ni Cristo.

Ang bagong buhay na ito ay buhay na nagpapatuloy sa pananaligkay Cristo. “Namatay na akong kasama ni Cristo sa krus. Hindi naako ang nabubuhay ngayon kundi si Cristo na ang nabubuhay saakin. At habang ako’y nabubuhay pa sa katawang-lupa,mamumuhay ako sa pananalig sa Anak ng Diyos na umibig sa akinat naghandog ng kanyang buhay para sa akin” (Galacia 2:20). Angpananalig kay Cristo ay hindi minsanan lang noong tayo’ymapawalang-sala. Ito ay dapat nagpapatuloy upang patuloy dinang pagbabago sa buhay natin. Faith is not just for our justification(being declared righteous in God’s sight). It is also for oursanctification (the process of being Christ-like).

Ang bagong buhay na ito ay sumasaklaw sa lahat ng bahagi ngating buhay. “...kung paanong binuhay muli si Cristo sapamamagitan ng dakilang kapangyarihan ng Ama, tayo rin aymagkaroon ng panibagong buhay” (Roma 6:4). Hindi lamang poilang bahagi ng buhay natin ang binabanggit dito. It involves all oflife. Kasama nito ang hindi na paglakad sa kasalanan. “Patuloy batayong magkakasala...? Hinding-hindi!” (6:2). Hindi na tayo dapatmaalipin pa ng kasalanan (6:6).

Page 22: at ang Pakikipag-isa kay Cristo sa Kamatayan at sa Bagong ... · PDF filePangunahing layunin nito na maging malinaw sa lahat sa atin ang ... kausap niya sa sulat niya ay mga nabautismuhan

21

Kasama rin dito ang bagong perspektibo sa lahat ng ating buhay.“Binuhay kayong muli kasama ni Cristo, kaya’t ang pagtuunanninyo ng isip ay ang mga bagay na nasa langit na kinaroroonan niCristo, na nakaupo sa kanan ng Diyos” (Colosas 3:1). Dapat angbuhay natin ay nakasentro na kay Cristo, kung paano siyamabibigyan ng karangalan. At ito’y hindi natin lilimatahan sa mgagawaing espirituwal lamang kundi maging sa panonood ng TV,paggamit ng ating salapi at oras, pati sa mga usaping pulitika, sapakikitungo sa kapitbahay, sa pamilya, sa pagpapalaki sa mgaanak, at sa pagtatrabaho. Nabuhay si Cristo upang ang atingbuong pamumuhay ay ilaan lamang para sa kanya at hindi sa atingsarili.

Mga kapatid, ang bautismo ay isang paraan ng pagpapakilala sainyo ng Diyos kung sino na ngayon kayo. Dapat ay kilalanin natingmabuti kung sino na tayo. If we know our identity in Christ, we mustlive according to our identity. “Kaya dapat din ninyong ituring anginyong sarili bilang patay na sa kasalanan, ngunit buhay namandahil sa Diyos, sapagkat kayo’y nakipag-isa na kay Cristo” (6:11).Ito ang panawagan ng Diyos sa ating mga Kristiyano. Ito angpanawagan ng bautismo.


Recommended