+ All Categories
Home > Documents > Dear Future Boyfriend by Alesana Marie Copyright · Sayang hindi kita makikita ngayon. Hindi na nga...

Dear Future Boyfriend by Alesana Marie Copyright · Sayang hindi kita makikita ngayon. Hindi na nga...

Date post: 30-Oct-2019
Category:
Upload: others
View: 8 times
Download: 1 times
Share this document with a friend
513
Dear Future Boyfriend by Alesana_Marie *Kayleen's Story* (Next book: Dear Ex-Boyfriend) ================= Copyright ALL RIGHTS RESERVED. Any unauthorized reprint or use of this material is prohibited. No part of this book may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopy, recording, or any information storage and retrieval system, without express written permission from the author/publisher. ================= Entry #1 Dear Future Boyfriend, Pumunta ako sa mall ngayon para mag-shopping. Hindi ko alam kung dahil ba nagkaroon ng boyfriend ang bestfriend ko kaya madalas ko na napapansin ang mga couples sa mall. Napapansin ko rin na mag-isa lang ako. Sa mga ganitong araw ko gusto na ma-meet ka. Sa mga ganitong araw ko narerealize na malungkot pala maging single. Ayokong kumain mag-isa at ayoko rin na mag-isang magbitbit ng mga pinamili ko. Mabigat kaya. Wala na si Ashleen para samahan ako dahil busy na sya sa boyfriend nya. Haay. Bakit kaya hindi pa kita nakikita? O baka naman nakita na kita pero di mo ko napansin? Dahil ba maliit lang ako? Haha! Matangkad ka siguro. :D Love, Kayleen
Transcript

Dear Future Boyfriend

by Alesana_Marie

*Kayleen's Story*

(Next book: Dear Ex-Boyfriend)

=================

Copyright

ALL RIGHTS RESERVED. Any unauthorized reprint or use of this material is

prohibited. No part of this book may be reproduced or transmitted in any

form or by any means, electronic or mechanical, including photocopy,

recording, or any information storage and retrieval system, without

express written permission from the author/publisher.

=================

Entry #1

Dear Future Boyfriend,

Pumunta ako sa mall ngayon para mag-shopping. Hindi ko alam kung dahil ba

nagkaroon ng boyfriend ang bestfriend ko kaya madalas ko na napapansin

ang mga couples sa mall. Napapansin ko rin na mag-isa lang ako. Sa mga

ganitong araw ko gusto na ma-meet ka. Sa mga ganitong araw ko narerealize

na malungkot pala maging single. Ayokong kumain mag-isa at ayoko rin na

mag-isang magbitbit ng mga pinamili ko. Mabigat kaya. Wala na si Ashleen

para samahan ako dahil busy na sya sa boyfriend nya. Haay. Bakit kaya

hindi pa kita nakikita? O baka naman nakita na kita pero di mo ko

napansin? Dahil ba maliit lang ako? Haha! Matangkad ka siguro. :D

Love,

Kayleen

=================

Entry #2

Dear Future Boyfriend,

Kanina nagkaron kami ng surprise quiz sa Math Plus. Yung score ko, ano pa

nga ba? Six out of fifteen lang ang nakuha ko. Himala pa nga na may

naitama ako eh. Kung bakit ba naman kasi surprise quiz pa. Bakit kaya

nila mimumultiply ang X at Y? Hindi pa ba sila nakuntento sa numbers? Ang

hilig nila magpahirap ng estudyante. Hindi ko naman gagamitin ang

multiplication ng letters sa course ko. Haay. Sana nandito ka para turuan

ako. Kasi si Ashleen tinuturuan sya ng boyfriend nya. Ayun tuloy nakakuha

sya ng twelve. Ang saya-saya nya. Magce-celebrate pa sila ng boyfriend

nila mamaya. Haay. Naiinggit ako. :<

Love,

Kayleen

=================

Entry #3

Dear Future Boyfriend,

Biglang umulan habang nasa internet cafe ako at nagpapa-print ng

assignment. Ang malas ko kasi wala akong payong na dala. Papagalitan na

naman ako ni Mama kasi hindi ako nakinig sa kanya na magdala ng payong.

Ayoko kasing magdala ng payong dahil mabigat sa bag. Sana nandito ka.

Sigurado isang text ko lang sa’yo pupuntahan mo ako at susunduin na may

dalang payong. May kotse ka kaya? Haha! Joke! Payong lang okay na ako.

Pero ang mga lalaki hindi rin naman nagdadala ng payong. Nakita ko kasi

yung bag ng mga kaklase ko, ballpen lang ang laman at isang maliit na

notebook. Bakit ang unti nyo magdala ng gamit sa school?

Kung wala kang payong. Isilong mo nalang ako sa jacket mo. Maliit lang

naman ako. Sigurado kasya tayo diba? :D

Love,

Kayleen

=================

Entry #4

Dear Future Boyfriend,

Napagalitan ako ni Mama kaninang umaga. Hindi kasi ako natulong sa

pagluluto. HRM student ako pero hindi ako marunong magluto. Alam mo kasi

may reason yan. Ayokong maghiwa ng hilaw na karne. Nandidiri ako na

hawakan yon. Iniimagine ko na dino-double dead ko ang isang baboy, baka o

manok. Diba? Nakakadiri. Hindi ko kayang hawakan ang hilaw na karne.

Kahit pumatay ng naghihingalong tilapia hindi ko kaya! >.<

Hindi ako vegetarian pero gulay lang ang kaya kong lutuin. Sana marunong

kang mag-luto. Para kapag nag-picnic tayo may makakain tayo. :D

Love,

Kayleen

=================

Entry #5

Dear Future Boyfriend,

Sa tingin ko nakita na kita! :D

Love,

Kayleen

=================

Message #1

1 new message

From: Ash

Baby bro, nkalimutan kong i-delete ung deardiary app

na ininstall ko sa tab mo nung hiramin ko dati.

Don’t open it. Delete mo nlng, k? ;)

________________________________________________

To: Ash

Ok

=================

Entry #6

Dear Future Boyfriend,

Sobrang saya ko ngayong araw! Napanood kita habang naglalaro ng

basketball. Mabuti nalang isinama ako ni Ashleen sa practice game kanina

ng boyfriend nya. Magka-teammate pala kayo! Siguro pinaglalapit talaga

tayo ng destiny! You are my destiny~ Sinasabi ko na nga ba kaya hindi mo

ako makita kasi matangkad ka! Hahaha! Yumuko ka naman minsan please? :D

Love,

Kayleen

=================

Entry #7

Dear Future Boyfriend,

Plano ko sana na bungguin ka kanina sa hallway para mapayuko ka at makita

ako. Kaso nakailag ka! Si Ashton tuloy ang nabunggo ko. >.< Huwaaah! Yung

nakakatakot na kapatid ni Ashleen. Huhu! Nagkunwari nalang ako na walang

nangyari at saka ako kumaripas ng takbo. Mabuti nalang mabilis ako

tumakbo. At hindi ako nadapa! Please next time, hwag ka iilag, oki? :D

Love,

Kayleen

=================

Message #2

1 new message

From: Ashleen BFF <3

Sissy!!! Takot k pala sa baby bro q?

Y now ko lng nlman yan? :<

______________________________________________________

To: Ashleen BFF <3

Kyaaa! Binasa mo ang online diary q! >.<

Sabi ko sau wag mu bsahin un ee! Huhu!

 ______________________________________________________

From: Ashleen BFF <3

Punta ka sa bahay bukas, huh? :)

______________________________________________________

To: Ashleen BFF <3

Ayaw ko! >.<

 Â

______________________________________________________Â

From: Ashleen BFF <3

Pupunta dun future mu ksama boyfie ko.

May game sila sa court mlapit smin. :>

______________________________________________________

To: Ashleen BFF <3

Wat time? :D

=================

Message #3

1 new message

From: Warren

Dude next time n ibabato mo tab mo pwed s dreksyon ko pra msalo ko?

Sayang eh. Haha! Ano b ksalanan ng tab mo sau? Kawawa nman :P

 ______________________________________________________

To: Warren

wla k na donÂ

______________________________________________________

From: Warren

Wooh sungit mo boy :P

Pakainin mo kmi bukas ah!

=================

Entry #8

Dear Future Boyfriend,

Nag-bake ako ng cookies kagabi. Balak ko sana ‘tong ibigay sa’yo

mamaya pagkatapos ng game nyo. Reward ‘to kasi ang galing mo mag-laro.

Sana magustuhan mo. Pinagpuyatan ko ‘to! Hihihi! Pupunta na ako kina

Ashleen ngayon. Makikita na ulit kita! Mapapansin mo na rin ako sa wakas!

Ang saya-saya ko! Iniisip ko palang kung paano ko ito ibibigay nae-excite

at kinakabahan na ako. Sana tanggapin mo. :D

Love,

Kayleen

=================

Entry #9

Dear Future Boyfriend,

Hindi ako makapaniwala na kasabay kita kumain ng lunch kanina at

magkatapat pa ang mga upuan natin! >.< Ang galing talaga ni Ashleen

magplano ng seating arrangement. Hindi ako mapakali kanina kasi ang sarap

mong titigan. Ang cute ng dimples mo. Nakakatunaw! Tignan lang kita busog

na ako! >.<

Kaso biglang dumating si Ashton kanina at nagpalit kayo ng upuan. Dun ka

pa pinaupo sa tabi ni Trisha na bandmate nya. Huhu. Selos ako. Wag mo ko

ipagpalit sa kanya, ha? :(

Love,

Kayleen

=================

Entry #10

Dear Future Boyfriend,

Umuwi akong luhaan at sawi kanina. Biglang nawala yung box na may laman

cookies! Hindi ko alam kung saan napunta! Ang tanda ko iniwan ko lang yon

sa kwarto ni Ashleen! Huhu! Bigla syang nawala! Kahit na pati sa ilalim

ng kama wala! Bigla syang naglaho. Huhu! Nakakainis! Hindi mo natikman

yung cookies!

At dahil hinanap namin ‘yon ni Ashleen sa buong bahay hindi kami

nakapanood ng basketball game nyo kanina! Ang malas! Sobrang malas!

Sobrang sayang! >.< Yun tuloy ginawa nalang kaming audience nina Warren

habang nagpapractice sila ng banda nila. Ang awkward lang. Si Ashton kasi

tinitignan ako kanina! Mukha syang may plano na masama sa akin. Katakot

sya! Save me! >.<

Love,

Kayleen

=================

Entry #11

Dear Future Boyfriend,

Hindi ako nakapasok ngayon sa school. Sayang hindi kita makikita ngayon.

Hindi na nga kita napanood sa game nyo kahapon tapos ngayon nagkasakit

naman ako. Siguro sobrang depression at frustration ito dahil sa

nawawalang cookies. Huhu! Sana makita kita ngayon. Ikaw ang medicine ko!

Miss na kita! >.<

Bukas mag-iisip ako ng Plan C kung paano mo ako mapapansin! Maghintay ka

lang! Magiging tayo rin! :D

Love,

Kayleen

=================

Message #4

1 New Message

From: Ashleen BFF <3

Sissy! Alam kong sinabi mo n wag kong babasahin ang diary mo

Pero curious lng ako bkit k takot sa lil bro ko?

______________________________________________________

To: Ashleen BFF <3

Kc bully sya >.<

______________________________________________________

From: Ashleen BFF <3

Y? Wat did he do to u? :(

______________________________________________________

To: Ashleen BFF <3

 Di mo b alam n ckat xang bully since elem until now sa hyskul? >.<

 Â

______________________________________________________

From: Ashleen BFF <3

Chismis lng un :(

______________________________________________________

To: Ashleen BFF <3

Rmembr pinaltok nya ng bola si Kenneth sa ulo

hbang naglalakad tayo sa basketbol court? >.<

______________________________________________________

From: Ashleen BFF <3

Accident lng un. :(

______________________________________________________

To: Ashleen BFF <3

Rmembr nadapa si Xander nung naglalakad tayo sa corridor

tapos tumawa xa? Xa pumatid kay Xander! >.<

______________________________________________________

From: Ashleen BFF <3

Lampa lng tlga si Xander :(

______________________________________________________

To: Ashleen BFF <3

At ung lumipad na spaghetti sa ulo ni Thomas nung senior prom natin?

Dahil sa knya di aq naisayaw ng crush q. Gatecrasher p xa! >.<

______________________________________________________

From: Ashleen BFF <3

Ok. Mlakas lng mantrip ang lil bro ko.

Pero di sya napatol sa girls.

At pumunta sya dun pra sunduin ako. :)

______________________________________________________

To: Ashleen BFF <3

Ashleen! Nkalimutan mo n b? Last year sa school fest dba pinahiya

nya yung girl na nagbigay s knya ng cake? Binigay nya sa janitor un

bigay s knya. Umiyak tuloy yun babae. >.<

______________________________________________________

From: Ashleen BFF <3

Sweet nga ng lil bro ko. He knows how 2 share his blessings. :)

______________________________________________________

To: Ashleen BFF <3

I give up! >.<

______________________________________________________

From: Ashleen BFF <3

Haha! Mabait ang lil bro q. :)

Malapit n ang 16th birthday nya. Punta k sa bhay sa Sunday, k?

=================

Message #5

1 New Message

From: Warren

Dude nagalit sayo knina c Trisha. Bigla kng nwala s practice.

San k b pumunta? Kmi tuloy napagbuntunan.

Sungit. Cguro meron. XD

______________________________________________________

To: Warren

Wala. May binili lng.Â

______________________________________________________

From: Warren

Pancnin mo dw kc. Haha! XD

Ayaw mo b ky Trisha?

______________________________________________________

To: Warren

May iba akong gusto.

Kylan k p naging chismoso?

______________________________________________________

From: Warren

Nuxx. Binata n! Hahaha!

Cno b yan? Kilala ko b?

______________________________________________________

From: Warren

Oi. D na to nag-reply o.

Babad k n nman sa cp mo. :P

Kya nag-selos si Trisha e. Cno b ka-txt mo?

______________________________________________________

To: Warren

Wla. May binabasa lng. Istorbo ka.

______________________________________________________

From: Warren

Wooh! Yun oh. 50 Shades lng yn eh. Haha! :P

=================

Entry #12

Dear Future Boyfriend,

Hindi man kita nakita ngayong araw. Natanggap ko naman ang regalo na

ipinaabot mo kanina. Complete vitamins pa talaga from A-Z ha! At ang cute

ng nakasulat sa card! ‘To my one and only future Wife,’ I hope you

feel better. Please take care. ‘From your future Husband’ Kanino mo

nalaman na may sakit ako kahapon? At Husband talaga? >.< Pero Future

Boyfriend palang ang hanap ko. Pero kung ikaw lang din naman ang

mapapangasawa ko sige na nga! >.< Mukhang hindi ko na kailangan

magpapansin sa’yo kasi napansin mo na pala ako! :D

Bukas maaga akong papasok para hintayin ka sa may gate. Kung nahihiya ka

sa’kin na lumapit ako na mismo ang lalapit sa’yo. Bukas sasabihin ko

na sa’yong gusto kita! Gustong gusto kita Ryan! I love you! >.<

Love,

Kayleen

=================

Entry #13

Dear Future Boyfriend,

Isa itong malungkot na liham para sa’yo. Ayoko man magsumbong pero

naiinis ako! Naiinis ako sa isang batang paslit na ang lakas man-trip

kanina! >.< Naiinis ako sa kanya! Habang inaabangan kita sa may gate

kanina bigla nalang lumapit sa akin si Ashton at sinabing nakita ka raw

nya sa may chapel. Ako naman pumunta don at hinanap kita. Pero namuti na

ang mga mata ko wala ka naman don at inabutan na ako ng bell. Muntik pa

akong ma-late at mapagalitan ng terror teacher ko sa Calculus. Bakit ba

ako minalas nang ganito?! Hindi ko maintindihan! Saan ako nagkamali? Ang

aga ko pa naman kanina sa school tapos... tapos... nasayang ang effort

ko! Minemorize ko pa ang linya na sasabihin ko sa’yo sa confession of

love ko! Sinusumpa ko talaga ang batang ‘yon! Nakakainis sya! >.<

PS: Sorry kung medyo nag-rant na ako. Hindi ko kinaya ang inis ko. Kung

pwede lang pumatol sa bata ginawa ko na! Yung paslit na ‘yon! Hindi ako

pupunta sa birthday nya! >.<

Love,

Kayleen

=================

Message #6

1 New Message

From: Asleen BFF <3

I read your latest entry. I’m really sorry Kayleen. :(

______________________________________________________

Pero sbi ko sau wag mo basahin ee. >.<

Message Sent

______________________________________________________

1 New Message

From: Asleen BFF <3

Sorry. Gus2 ko lng nman maging updated sau sissy.

3 subjects lng kc tayo magkasama & feeling ko

nawawalan ako ng tym sau becoz of Alex. Sorry. :(

______________________________________________________

Iz ok ashleen. >.<

Not ur fault. I just want u 2 b happy w/ Alex. :)

Message Sent

______________________________________________________

1 New Message

From: Asleen BFF <3

Ang weird ng mga ikinikilos ng lil bro ko this past few days.

Cguro isa k s mga napag-tripan nya. Sorry ulit.

______________________________________________________

Pumunta p tlga xa sa college dept pra mantrip.

Since baby bro mo xa, k. I’ll forgive him n. :)

Y sissy? Ano mga ginagawa nya?

Message Sent

______________________________________________________

1 New Message

From: Asleen BFF <3

Last night while watching TV bigla nyang binato ung cellphone nya.

Thank God carpeted ang sahig, hindi nasira phone.

I saw his tablet too in his room. Basag ang screen. Huhu

______________________________________________________

Bka may kaaway xa? :O

Bka si flappy bird? :D

Message Sent

______________________________________________________

1 New Message

From: Asleen BFF <3

And last week 1st time ko xang nkita na my ibang binbasa bukod sa music

sheets nya!

Izzo weird!

______________________________________________________

FHM? :O

Puberty!!!

Message Sent

______________________________________________________

1 New Message

From: Asleen BFF <3

No. He was reading a book about cooking!

Never as in NEVER xang tumapak sa kitchen pra magluto.

I can’t imagne him holding a sandok!

Music sheets at guitar lng nya lagi nyang kasama.

But now mukhang serious xa sa pagbabasa ng kukbuk.

______________________________________________________

Oh! I knw na Ashleen! Gus2 nya cguro maging chef!

Last year na nya ngyon sa hyskul diba? :D

Message Sent

______________________________________________________

1 New Message

From: Asleen BFF <3

OMG! Yeah! Mkakasama n ntin xa sa college dept! :)

Y d ko un naisip? Maybe naghahanda lng xa.

But I thought sa music school xa papasok.

Oh well. Maybe he changed his mind na! :)

Punta k s Sunday ha? Khit wag mo n xa bigyan ng gift kc my atraso xa sau.

______________________________________________________

Hmm. Cge na nga. :D

Message Sent

=================

Entry #14

Dear Future Boyfriend,

Today, nakatapos na naman akong magbasa ng isang libro. Mahilig akong

magbasa ng books na may mga nakaka-inlove na male leads. Humahanga talaga

ako sa mga ganoong characters. Yung tipong kahit na ano’ng mangyari

iisang babae lang ang mamahalin nila at hindi nagpapadala sa tukso. Ang

tindi nila magpa-inlove sa mga readers. Ang galing ng mga authors na

‘yon. Pero kumusta kaya ang mga lovelife ng mga writers na ‘yon?

Nakahanap kaya sila nang lalaking ganon din kung magmahal?

Kanina sa corridor nakita ko ang classmate kong si Janin na umiiyak.

Nahuli nya ang boyfriend nyang may ibang babae. Nag-break sila.

Nalulungkot ang para sa kanya. :(

Napaisip tuloy ako. Tayo kaya? Gaano kaya tayo katagal? Alam kong hindi

naman ako ganon kaganda. Marami akong pagkukulang dahil di rin naman ako

marunong magluto at hindi rin naman ako ganoon katalino. Mamahalin mo

kaya ako nang sukdulan to the point na kahit maraming umaligid sa’yo ay

ako parin? Na hindi ka magsasawa na mahalin ako? Sana oo. Kasi kapag

nagboyfriend ako gusto ko ikaw na yung forever ko. Ikaw ang first at last

kiss ko. Ikaw lang. At sana ako rin sa’yo.

I’m sorry kung nagdrama ako. Nalulungkot kasi ako para kay Janin. At

natatakot ako para sa atin. Hindi ko naman hinahangad na maging perpekto

ka o ang relasyon natin pero sana maging matibay tayong dalawa. Ayoko ng

break up. Gusto ko ng forever kasama ka. Ganon kasi ako kung magmahal.

Forever. Walang atrasan kasi alam ko na kapag naging tayo, yung puso ko

sayong-sayo.

Love,

Kayleen

=================

Message #7

1 New Message

From: Asleen BFF <3

Sissy. Baka hindi na ma2loy ang birthday ng lil bro q. :(

______________________________________________________

Hala! Bakit? :O

Message Sent

______________________________________________________

1 New Message

From: Asleen BFF <3

Ayaw n rw nya magcelebr8 :(

______________________________________________________

Bka sinumpong lng? May tym p nman. My 3 days p bgo mag-Sunday.

Message Sent

______________________________________________________

1 New Message

From: Asleen BFF <3

Prang ang lungkot nya knina. Ano kya ang nangyari?

Hbang nsa dinner table kmi cnabi nya kina Mama na ayaw

nya mag-party. Ayaw nya sabihin un reason Y. Â :(

______________________________________________________

Kung ayaw nya mag-B-Day party mag-surprise

party nlang tayo sa kanya! :D

Message Sent

______________________________________________________

1 New Message

From: Asleen BFF <3

Surprise party? Brilliant idea! Oo nga! OMG! I’m so excited!

Magpapatulong dn aq ky Alex pra sa preparations!

At kakausapin q rin ang bandmates nya!

______________________________________________________

Aq na ang bhala sa cake sissy! Igagawa q xa ng best cake ever! :D

Sasarapan q ung cake para nman bumait na xa haha!

Message Sent

______________________________________________________

1 New Message

From: Asleen BFF <3

Kaw tlga Kayeleen. Mabait nga kc lil bro q.

Thank you ha! Buti matutuloy na yun bday party nya.

Marami rin kc aqng nainvite e. :)

______________________________________________________

Ur welcome sissy! :D

Usap tau sa skul pra mplano. :D

Message Sent

=================

Entry #15

Dear Future Boyfriend,

Bakit kaya may mga tao na sobra kung mag-mahal? Yung tipo na parang

katapusan na ng mundo kapag iniwan sya? Ganon din kaya ako kung maging

tayo?

Nakita ko si Janin kahapon sa mall. Nakaakbay sa kanya yung boyfriend

nya. Kahit na niloko sya at ipinagpalit sa iba nagawa parin nya ulit

balikan yung lalaki. Tama ba ang ginawa nya? May mga nababasa ako na

‘kung mahal mo ang isang tao ay dapat matutunan mo syang patawarin sa

pagkakamali nya at tanggapin ulit’. Pero paano naman ang sarili mo?

Hindi ba at dapat lang na unahin mo munang mahalin ang sarili mo bago ang

iba? Kasi paano ka mamahalin at irerespeto ng ibang tao kung ikaw mismo

ay wala non para sa sarili mo?

Hindi ko sinasabi na hindi mahal ni Janin ang sarili nya. Siguro sobrang

mahal lang talaga nya yung naging boyfriend nya. Hindi ko man alam ang

buong kwento pero hindi ko parin kasi nagustuhan ang nakita ko. Mabait si

Janine. Tahimik lang sya sa klase at nakikita ko lang syang ngumingiti

kapag nandyan ang boyfriend nya.

Future Boyfriend, wala pa man tayo eh nag-iisip na ako ng kung anu-ano.

Siguro ganito lang talaga kaming mga babae o kaya naman ako lang talaga

ganito mag-isip. Advance. Natakot lang kasi ako bigla. Hindi mo naman ako

lolokohin diba? Hindi mo ako ipagpapalit sa iba? Hindi mo ako sasaktan

diba? Kasi mahal mo ako. Sobrang mahal mo ako. Diba?

Love,

Kayleen

=================

Entry #16

Dear Future Boyfriend,

Mag-isa ako sa bahay ngayon at kung anu-ano ang naiimagine ko. Umalis

sina Mama two days ago pa para umattend ng reunion nila kasama si Papa.

Magka-batch kasi sila at sa iisang school lang. Nasa tagaytay sila

ngayon. Si kuya naman umalis dahil may lakad ang barkada. Bakit kaya

lahat ng tao bukod sa akin ay busy? Busy din naman ako dahil sa pag-

rereview para sa nalalapit na finals exam. Third year na kami ni Ashleen

next school year. Ang bilis lang ng panahon. Mag-shift na kaya ako ng

course?

Gutom na talaga ako. At dahil hindi naman ako marunong magluto hindi ako

makakakain. Sardinas na naman ba ang uulamin ko o cup noodles? Bakit ba

kasi nakalimutan ko mamili ng gulay kanina? Sigurado nalanta na yung mga

yon ngayon, hapon na kasi. Bumili kaya ako sa Monterey ng karne? Ipikit

ko nalang ang mata ko para hindi nakakatakot hawakan? Kaso bago pa ako

makaalis ng bahay sigurado gabi na. Ayoko lumabas. Nagrereview pa nga

pala ako! Sayang din yung time. Sana talaga pwede kita itext ngayon!

Pupuntahan mo naman ako kapag ginawa ko yon di’ba? Kung meron nga lang

sana akong boyfriend ngayon. >.<

Love,

Kayleen

=================

Entry #17

Dear Future Boyfriend,

Hindi ko alam kung ano ang sumapi kay Ashton para pumunta sa bahay

ngayong araw. Gabi na nung mag-doorbell sya. Ayoko pa nga buksan kanina

kasi natatakot ako. Baka may budul-budol gang na naghihintay sa akin sa

labas. Nagkunwari rin ako na walang tao sa loob para umalis na sya pero

nakabukas na nga pala ang ilaw sa bahay. Nung pang-limang beses niyang

patunugin ang doorbell namin saka ako lumabas. Nagulat pa ako nang makita

syang naghihintay sa labas gamit ang poker face niyang mukha. Hindi ko

alam kung galit ba sya o ano. Nag-isip din ako kaagad ng dahilan kung

bakit sya nasa tapat ng bahay namin. Nakasukbit pa sa likod nya ang

gitara nya. Galing siguro sya sa practice ng banda nila.

Kung nagulat ako sa bigla nyang pagdating mas nagulat ako nang bigla

nyang ibigay sa akin ang hawak nyang paper bag. May laman iyon na take-

out galing sa Tokyo Tokyo. Bago ko pa sya matanong kung bakit nya ako

binibigyan ng pagkain bigla nalang syang tumalikod at mabilis na naglakad

paalis. Nakakagulat talaga ang nangyaring yon. Natulala yata ako ng

twenty seconds bago pumasok sa loob ng bahay.

Kaya kung nainis ka man sa kanya dahil sa pagsusumbong ko sa’yo nung

nakaraang entry ko, binabawi ko na yon. Hindi pala sya salbahe. Wirdo

lang siguro syang bata. Napawi yung inis ko sa kanya dahil pinawi naman

nya ang gutom ko. Haha! :D

Love,

Kayleen

=================

Entry #18

Dear Future Boyfriend,

Umiiyak ang puso ko’t sumisigaaaaw~ Alam mo ba na LSS ako sa kantang

ito ngayon? Nakasampung beses ko na yata itong kinanta ngayong araw.

Dinownload ko pa ang mp3 nito at naghanap ng iba’t ibang cover ng kanta

sa youtube. Brokenhearted ako ngayon. Sawi ako. Sawi! Akala ko sya ikaw

kaya naman nag-assume ako pero hindi pala! Hindi pala ikaw sya! Hindi

pala si Ryan ang future boyfriend ko dahil nakita ko syang may kaholding

hands sa supermarket! WAAAAAAHH! Ang sakit sakit! Bakit ba kasi ako nag-

assume na sya ikaw? Dahil ba matangkad sya? Dahil ba cute ang chinito

nyang mata? Dahil ba talented sya? Kasalanan ko rin naman ito.

Simula ngayon ayoko na sa mga lalaking matatangkad, basketball player at

chinito! >.<

Bakit nga ba ang puso pag nagmamahal na ay sadyang nakapagtatakaaaa~

Hayaan ko na nga! Lahat ng bitterness ko sa katawan ay tatapatan ko ng

asukal! Ibuhos ko kaya lahat ng sugar dito sa bine-bake ko? Huhu! Pero

hwag na, baka masuka sa tamis yung taong pagbibigyan ko nito bukas. Baka

maging halimaw yun bigla.

I can wait forever, if you say you'll be there, too

I can wait forever, if you will, I know it's worth it all

To spend my life alone with you~

Please. Please dumating ka na. :(

Love,

Kayleen

=================

Entry #19

Dear Future Boyfriend,

Sa future kapag naging tayo na, mababasa mo ito. At ngayon palang gusto

ko nang sabihin sayo at humingi ng tawad kung binigo kita. Hindi lang

naman ikaw ang nabigo dahil ako rin. Kahapon sawi ang puso ko ngayon

naman ay bigo ako sa pangarap ko.

Ngayong araw... ninakaw ang first kiss ko. Yung pangarap kong first kiss

na ibibigay ko sana sa’yo. Yung pangarap kong first kiss under the

moonlight. Yung pangarap kong first kiss na private dapat. Pero hindi

ganon ang nangyari. Dahil kanina, sa ilalim ng sikat ng araw, sa may

pool, sa harap ng mga bisita, hinalikan ako ng isang hambog na lalaki sa

labi! NAKAKAINIS! NAKAKAGIGIL SA GALIT! I HATE HIM SO MUCH!!! Kahit

bigyan pa nya ako ng sampung Tokyo Tokyo hindi ko na sya mapapatawad!

Hindi ba nya alam na first kiss ko yon?! Hindi ba nya alam na importante

yon sakin?! Hindi ba nya alam na hindi nya yon dapat gawin?! Bakit nya

yon ginawa?! Bakit sa dami ng mga babae na nandon eh ako pa ang

pinagtripan nya?! Marami naman syang classmates don na babae na halatang

may crush sa kanya ah! Bakit sa akin pa nya ginawa yon?!

Hwag na hwag ulit syang magpapakita sa’kin! Bibigyan ko sya ng kamehame

wave!!! >.<

PS: Faithful parin ako sa’yo kahit na hindi na virgin ang lips ko. Sabi

ko naman kasi sa’yo magpakita ka na sa akin. T.T

Love,

Kayleen

=================

Entry #20

Dear Future Boyfriend,

Hwag kang magagalit sa aaminin ko sa’yo. Hindi kasi ako makapag-

concentrate sa pagrereview para sa exam bukas. Normal lang naman ito

diba? Na-trauma yata ako sa nangyari kanina sa party. Yung batang yon

kasi e! Bwisit yun. Kapag bumagsak ako sa final exams bukas, lagot sya

sa’kin! Ayaw maalis sa isip ko yung nangyari kanina! Nakakainis talaga!

Parang nalalasahan ko pa yung icing ng cake galing sa bibig nya! Kainis!

Kainis! Erase! >.<

Dahil inamin ko sa’yo ito, mapapatawad mo parin naman ako diba? Okay

lang naman kahit di ikaw ang first ko di’ba?

Love,

Kayleen

=================

Entry #21

Dear Future Boyfriend,

Umuwi ako ngayong araw nang tulala. Pagkapasok ko palang kanina sa

school, hindi ko alam kung praning ba ako dahil sa nangyari kahapon,

feeling ko lahat sila nakatingin sa akin. Feeling ko yung mga tumatawa sa

corridor ay ako ang tinatawanan. Waah! Nababaliw na ako! >.<

Hindi pa nakatulong na Calculus ang unang exam namin kanina na sinundan

ng Rizal. Sigurado pasang awa na naman ako. Pinilit ko naman na mag-

review at nakailang sampal na ako sa pisngi ko kapag lumilipad ang isip

ko at pumupunta sa nangyari kahapon. May pumasok din naman sa utak ko

mula sa mga nireview ko. Tinulungan din ako ni Ashleen kanina magreview

sa Calc.

Alam mo ba ang dami nilang nanunukso sa akin kanina. Pano ba naman kasi

marami rin kaming classmates na umattend ng birthday party kahapon. WAAH!

Ang kahihiyan ko! Nilipad na ng hangin. Huhu!

Mabuti nalang busy sa school. Hindi ko nakita ngayon ang salarin sa

nangyari kahapon. Hindi ko talaga sya patatawarin. Dahil sa kanya pati

yung crush ko pinagtatawanan ako! Teka! Ex-crush ko na pala si Ryan! May

girlfriend na nga pala sya. Huhu! Isa pa yon, nagmo-move on ako eh!

Nakita ko na naman sya! Hmmp!

Pero hwag kang mag-selos. Ikaw parin naman ang mamahalin ko eh. :D

Love,

Kayleen

=================

Entry #22

Dear Future Boyfriend,

Nasa Baguio ka ba? Pupunta kasi kami ng family ko sa baguio after ng

exams namin ni kuya. Excited na ako! Makakasakay ulit ako sa kabayo na

alaga ni Lola. Haay! At strawberries! Yum! :D

Okay naman yung exam kanina. Sisiw lang! Haha! Last day ng exam bukas.

Hanggang Friday pa ang pasok namin pero sa pag-aayos nalang ng

requirements at projects yon. Mabuti nalang wala akong hindi natapos na

project.

Iniisip ko parin na mag-shift ng course. Ano sa tingin mo? Lumipat kaya

ako ng school? Wala kasi dito yung course na hinahanap ko talaga. Kaso

mapapalayo ako. Baka mag-dorm pa ako eh ayoko ng may kahati sa bathroom.

:(

Mag-summer job kaya ako para may maipambayad ako sa apartment? Kaso ano

naman kayang trabaho? Hindi naman ako pwede sa mga fastfood chains. Alam

mo kung bakit? Kasi hindi ako fast. Haha! Get it? :D

Love,

Kayleen

=================

Message #8

To: Future Wife <3

Hello! :)

Message Sent!

=================

Entry #23

Dear Future Boyfriend,

Sa wakas! Tapos na ang exam! Makakahinga na ako nang maluwag! Ang saya

sayaaa! Bakasyon! YES! Mag-eempake na ako ng gamit! Mohoho! Sana makita

kita sa Baguio. Haha! Anyway, nagbabaka sakali lang ako. Hindi kasi kita

makita dito sa lugar namin kaya naisip ko na baka sa ibang lugar ka

nakatira. :D

Feeling ko tuloy ako si Bella at ikaw si Edward! Pagpunta kasi ni Bella

dun bigla syang nagkaron ng lovelife. Haha! May mga bampira kayang

nakatira sa Baguio? O kaya naman werewolf? Awoo!

Love,

 Kayleen

=================

Message #9

From: Future Wife <3

Hu u?

___________________________________

You replied! :D

Message Sent

____________________________________

From: Future Wife <3

Alex?

_____________________________________

No. ;)

Message Sent

______________________________________

From: Future Wife <3

Ryan! :D

_______________________________________

No! :(

Message Sent

________________________________________

From: Future Wife <3

Then who?

_________________________________________

Your future husband! :)

Message Sent

=================

Entry #24

Dear Future Boyfriend,

Hindi ko alam kung maiinis ba ako o matatawa sa taong nag-text sa’kin.

Ikaw ba ‘yon? Pero mukhang hindi naman. Baka naghahanap lang sya ng ka-

textmate. Paano nya kaya nakuha ang number ko? Tinanong ko naman kay

Ashleen kanina sa school kung may pinagbigyan ba sya, wala naman daw.

Haay. Creepy? :O

Next week pa namin makukuha ang results ng exams namin. After non

didiretso na kami ng Baguio. Ano kaya ang gagawin ko sa loob ng three

days? Gusto ko sanang mag-movie marathon kina Ashleen kaso baka makita ko

lang yung kapatid nyang bwisit. Hmp! >.<

Speaking of Ashton, parang nakita ko sya kanina sa canteen. Bigla nga

lang syang nawala. Hmm. Napapraning na ba ako sa galit ko sa kanya?

Erase! Erase na nga! Ayoko nang maalala pa yung ginawa nya sa’kin! >.<

Basta hahanapin kita sa Baguio! Mamaya, ikaw pala si Enrique Gil ah.

Haha! :D

Love,

Kayleen

=================

Message #10

From: Ashleen BFF <3

HELP! Ano ang gamot sa taong may tampururot?

_________________________________________

Bkit? Cno may sumpong? :D

Message Sent

_________________________________________

From: Ashleen BFF <3

Lil bro ko! :(

Pinatay bigla TV. D ako makanood ng Forevermore!

May sumpong na naman baby bro ko. :(

My Quen! Di ko xa mapanood ngayon!

___________________________________________

Ashleen! Don’t mention ur bro’s name!

I’m still mad at him! :(

Message Sent

_____________________________________________

From: Ashleen BFF <3

Oops! Sorry! Peace! :D

D parin b xa nag-sorry sayo?

_____________________________________________

Hindi pa! Nakakainis xa!

Message Sent

_____________________________________________

From: Ashleen BFF <3

Really? I gave him ur no. na eh. :O

______________________________________________

Whaaaaaat? Bnigay mo # ko sa knya? :O

Message Sent

______________________________________________

From: Ashleen BFF <3

Oops! I did it again! Sorry! :D

______________________________________________

From: Ashleen BFF <3

Pero u know what?

May chemistry kayo ng lil bro ko! :D

______________________________________________

ASHLEEEEEEN!!! :((((

Message Sent

______________________________________________

From: Ashleen BFF <3

Haha! Luv u sis! Mwah! ;)

=================

Message #11

5 New Messages

From: Mr Creeper

Hi! Good morning! :)

___________________________________________

From: Mr Creeper

Kumain ka na ba?

Hwag kng papagutom ha. :)

___________________________________________

From: Mr Creeper

Hi! How was your day? :)

_________________________________________

From: Mr Creeper

Akala ko bakasyon na.

Pero bakit lagi ka parin PUMAPASOK sa isip ko? :)

_________________________________________

From: Mr Creeper

Sana exam nalang ako, para nman masagot mo ko. ;)

__________________________________________

Tigilan mo nga ako!

Stop texting me!

Message Sent

____________________________________________

From: Mr Creeper

:(

=================

Message #12

1 New Message

From: Mr Creeper

Good night future wife! :)

Dream of me! :)

______________________________________________

Ang kulit mo naman! Tigilan mo ako sabi.

D ako interesado makipag-txtmate sayo.

Message Sent

_________________________________________________

From: Mr Creeper

Ok lang. Kahit wag mo nlang ako replyan.

Gusto ko lng na magkaron ng space kahit sa inbox ng cellphone mo.

Kung gusto mo ng kausap, nandito lng ako. :)

Sleep well. :)

=================

Entry #25

Dear Future Boyfriend,

Nagi-guilty ako sa makulit na txtmate ko. Hindi ko naman talaga sya ka-

textmate pero parang yun ang hanap nya. Eh ayoko talaga ng mga textmates!

Nakakaubos ng load yon at delikado kasi baka kung sino pa yon. Lam mo na,

baka mamaya 50 y/o na pala ‘yon. Eew! Tapos manyak na kalbong lalaki!

Nagpa-pasaload pa ako kay kuya makapag-reply lang. Kasi naman pang

facebook, twitter, youtube, deardiary at instagram ko lang yun cellphone

ko. :/

Pero nagi-guilty ako kasi baka malungkot na tao lang talaga yon na

naghahanap ng friend. Pero ang weird kasi nya! Tinatawag nya akong future

wife! Hindi naman siguro sya maglalaslas diba? Kayo pa naman mga lalaki

mahina pagdating sa emosyon. Yung suicidal rate mas mataas sa lalaki.

Pero di naman siguro no? Kasi di nya naman ako kilala.

Pero pano kung ikaw pala yon? Kung ikaw man yon, ngayon palang sasabihin

ko na, ‘Sorry babe’. :O

Love,

Kayleen

=================

Entry #26

Dear Future Boyfriend,

Alam mo babe... WAAH! Dahil naumpisahan ko na ang pagtawag sayo ng babe

sa last entry ko, yun nalang ang itatawag ko sa’yo dito. Feeling ko may

boyfriend talaga ako. Babe! Hi Babe! Kumusta ka na babe? Naiisip mo ba

ako ngayon babe? Gusto mo ba yung tawag ko sa’yo? >.<

Pero syempre hindi mo pa ako maiisip ngayon kasi di pa tayo

nagkakakilala. Diba? Pero pano kung nagkakilala na pala tayo pero di mo

pa ako type ngayon kaya di ka pa gumagawa ng ‘moves’. Ako kasi yung

tipo na gumagawa ng ganon eh. Pero alam mo na yon kasi naisulat ko na yon

sa last entry ko na ginawa ko kay ehem-ryan-ehem. Hwag kang mag-selos

naka-move on na talaga ako sa kanya. Promise!

LSS ako ngayon sa for the first time in foreveeeer~ Nagluluto kasi ako

kanina ng tapa. Karne yon! Haha! Pinilit ko talaga na mag-aral ngayong

araw ng pagluluto ng ulam na karne. Naisip ko kasi, parang masyado yata

akong naging demanding sayo sa mga last entries ko. Ayoko naman maging

unfair sa side mo. Naisip ko lang, gusto ko rin pala na ipagluto ka ng

favorite dish mo. Ano ba ang paborito mong pagkain? :)

For the first time in forever I can cook my oooown meaaaat~

Love,

Kayleen

=================

Message #13

2 New Messages

From: Ashleen BFF <3

Ano gagawin mo bukas after natin makuha ang class cards?

Lez hav a double date! :)

__________________________________________________

From: Mr Creeper

Kumusta ang araw mo?

Ako di kumpleto, wala kasing reply mo. :(

___________________________________________________

To: Ashleen BFF <3

Double date? Cno ka-date ko? :D

___________________________________________________

From: Ashleen BFF <3

A cutie guy with amazing talent! :)

Wanna meet him?

__________________________________________________

To: Ashleen BFF <3

WAAH! Sure! :D

___________________________________________________

To: Ashleen BFF <3

Yay! So excited! Hihihi! <3

=================

Entry #27

Dear Future Boyfriend,

KYAAAAAAAAAHHH!!! May date ako bukas! WAAAAHHH!! Ikaw na ba yung ka-date

ko bukas? Ikaw na ba yon?! Waaaaah! Hindi pa ako handa!!! Bakit biglaan

naman? Ano kaya ang isusuot ko bukas? Gusto mo ba ng girly girl o medyo

tomboy? OMG! Ano ang isusuot ko bukas?! Hindi pa ako ready! >.<

Joke! Ready na ako!!! Ready-ng ready na ako na makilala ka!!! I’m so

happy!!! See you tomorrow!!! I love you!!! >.<

PS: Dahil kuhanan ng class cards bukas, pasayahin mo naman ako kasi

sigurado may pasang awa ako. Huhuhu! I hate you Calculus! I hate you Math

Plus! I hate you both! Huhuhu!

Love,

Kayleen

=================

Call #1

Calling Ashleen BFF <3...

“Hello?―

“Sissy! Kumusta yung date? Huh? Huh? Huh? Spill!―

“Ugh. I can’t believe na sinet-up mo ko sa kapatid mo Ashleen! How

could you?! Bakit sa lahat ng lalaki sa kapatid mo pa? Ang sabi mo cute!

Di naman cute si Ashton nakakatakot syang bata! Ang creepy nya, wala

syang emosyon! Isa syang taong bato!―

“Nahihiya lang yung kapatid ko! First time nya kasi makipag-double date

kaya ninerbyos. Hahaha!―

“Ashleen! Araw-araw ba syang ninenerbyos dahil twing nakikita ko sya

ganon lagi mukha nya? At hindi nakakatuwa yung ginawa mo kanina ha! Bakit

mo yon ginawa? Alam mo naman na galit ako sa kanya dahil sa ginawa nya

nung birthday nya! Matapos ko syang igawa ng birthday cake na three

layers!―

“Sissy naman hwag ka nang magalit kay lil bro. Natuwa lang yun sa cake

kaya ka nahalikan. Ganon sa france diba? Nagkikiss kahit di mag-

boyfriend.―

“Ashleen nasa Pilipinas tayo! Ayoko parin sa kapatid mo! Naiinis parin

ako sa ginawa nya.―

Â

“HAHAHAHA! Ang cute nyo kaya! Sorry na sissy. Pero ano ba ang nangyari

sa inyo kanina? Bigla kayong nawala after natin manuod ng movie. Saan

kayo pumunta?―

“Pumunta ako ng ladies room. Paglabas ko, nasa tapat sya

naghihintay.―

“Sinundan ka ng kapatid ko?―

“Di ko alam.―

“Tapos ano’ng nangyari?―

“Sabi nya sakin nakita raw nya ex nya.―

“MAY EX ANG KAPATID KO?!!!―

“OO!!! Hwag kang sumigaw. Masakit sa tenga...―

“Ay sorry. Tapos ano nangyari?―

“He asked me kung pwede ba nyang hawakan ang kamay ko sandali kasi

kasama ng ex nya yung lalaking pinalit sa kanya.―

“KYAAAAHH!! Nag-holding hands kayo ng kapatid ko!!! OMG!! I’m so

kilig!!!―

“Naawa lang ako sa kanya kaya ako pumayag, okay? At sandali lang yon,

wala pang fifteen minutes. Hinatid lang nya ako sa exit kasi sinundo na

ako ni Kuya Dylan sa may taxi bay.―

“Nag-holding hands kayo hanggang sa may taxi bay?!!! OMG mula 4th floor

ng mall!―

“Sabi nya kasi kasunod daw namin yung ex nya. Pauwi na rin siguro...―

“Ano’ng feeling na hawak yung kamay ng kapatid ko?―

“Mainit.―

“Huh?―

“Ang init ng kamay nya tsaka mas malaki yung kamay nya kaysa

sa’kin.―

“Oo kasi lalaki sya kaya ganon talaga. Kahit si Alex mas malaki ang

kamay nya kaysa sa’kin.―

“Pero mas matanda ako diba? Kaya dapat mas malaki kamay ko?―

“Mas matanda ka pero mas matangkad sya Kayleen. Hahaha!―

“Isang dangkal lang ang tangkad nya sa’kin! Hindi naman sya ganon

katangkaran. Mas matangkad pa si Ryan sa kanya.―

“Haay. Ryan na naman... move on ka na nga dun. Di kayo bagay nun.―

“Nakamove on na ako tsaka sinasabi ko lang naman kasi wala akong ibang

ma-compare-an. Tsaka sino ba bagay sakin?―

“Eh di si baby bro ko! I can feel it! Bagay na bagay kayong dalawa!

KYAAAAAAAHH!! Kinikilig ako!―

“Ashleen naman eh! Mas matanda ako dun!―

“So? Two years lang naman. Sya nalang escort mo sa debut mo ah!

Sasabihin ko kay Tita sya gawin escort! Kyaaaaah!―

“Kanina ka pa sumisigaw masakit na tenga ko. Malayo pa debut ko, mga

three months pa. At ayoko nga sa kapatid mo! Tigilan mo na kasi

Ashleen!―

“HAHAHA! Pero seriously Kayleen, hindi ko alam na nagka-girlfriend sya.

Hmm. That’s odd.―

“Baka hindi nya lang sinabi?―

“Hmm. No, ang sabi ni Warren loyal daw ang kapatid ko sa crush nya pero

natotorpe lang kaya ayun...―

“Baka naging sila na tapos nag-break?―

“I don’t know if that’s possible. Knowing my brother, I’m sure

dinala na nya yung girl sa bahay kapag may practice sila ng band. Pero

wala naman syang dinadalang babae dito maliban sa bandmate nyang si

Trisha. Nakikita ko naman na may crush sa kanya yung babae, pero baby bro

ko dedma lang. Mukha ngang malapit na nyang pakasalan yung gitara nya.

Mabuti nalang natanong ko kay Warren at nalaman na may nagugustuhan pala

yun kaya ganon kumilos.―

“...―

“Sissy?―

“Naisip ko lang na baka...―

“Baka?―

“Di kaya pinagtripan lang ako ng kapatid mo kanina?―

“Ano? Wait. Pfft! Hahahahahahahahahahaha!―

“ASHLEEN! Bakit ka natawa?―

“K-Kasi hahahahahahahaha!―

“Okay. Siguro napa-praning lang ako. Ang kapal naman ng mukha ko para

mag-assume. I mean ano naman ang makukuha nya kung hahawakan nya ang

kamay ko? Mawawalan lang sya ng fans kapag nakita sya ng mga schoolmates

nya na may kasamang babae.―

“Hihihihihihihihi!―

“Ashleen! Bakit ka ba nahagikgik dyan? Ang weird ng tawa mo!―

“Sorry kasi kinikilig ako! Oh my!!!―

“Bakit ka naman kikiligin?―

“Kasi malapit na akong magtayo na fandom nyo! Ako ang president! I ship

AshLeen!―

“Huh? Di ko gets yung sinasabi mo.―

“Ash for Ashton, Leen for Kayleen put them together AshLeen! Name ko

yon! Ang perfect! It’s meant to be! Magiging sis-in-law kita! OMG!

I’m so kilig!―

“Tumigil ka nga! Kilabutan ka Ashleen! Yung batang yon, di ko yon

papatulan!―

“Eeeeeh! Dali na! Kayo nalang ng kapatid ko para maging sis-in-law na

kita! Pweety pwease?―

“A-YO-KO! Bully sya!―

“Mabait yun! At magaling na syang mag-luto ngayon! Marunong na syang

magluto ng sinigang na hipon! Diba paborito mo yon?―

“Ayoko parin!―

“Sige na, sya nalang gawin mong Future Boyfriend! Dali naaaaa!―

“Hwag mo kong kulitin! Basta! Ayaw! Ayaw!―

“Sige na nga. Di na kita kukulitin. Pero kapag nanligaw kapatid ko,

sagutin mo kaagad ha? Hahaha!―

“Ashleen!!!―

“Kinikilig talaga ako! I ship AshLeen! Kyaaaaah! Ay teka tapos na

maligo si baby bro. Naririnig ko na yung tunog ng gitara nya sa kabilang

kwarto. Tatanungin ko sya tungkol sa ex nya.―

“Good bye Ashleen.―

“Hihihi! Bye bye sissy-in-law! Mwah!―

Call ended

=================

Entry #28

Dear Future Boyfriend,

Gumising ako kanina nang masaya at natataranta. May date kasi akong

ngayong araw. Pero haay... Hindi ko alam kung ano ang sumapi sa

bestfriend ko at bakit nya ako sinet-up sa kapatid nyang mas bata sa amin

ng dalawang taon. Gah! Nakakahiya talaga kanina! Hindi ko alam kung ano

ang gagawin ko! Gusto ko nalang na lamunin ako ng lupa sa kahihiyan.

Idagdag pa na tahimik lang si Ashton kanina habang masayang nagsusubuan

ng spaghetti yung ate nya at boyfriend nito. Parang silang dalawa lang

yung tao sa loob ng restaurant. Gahd! Gusto ko nalang magtago habangbuhay

kanina.

Pagkatapos naming kumain pumunta kami sa arcade para maglaro. Ang sweet

talaga nina Ashleen at Alex. Buong araw nalang yata akong nakanguso dahil

naiinggit ako sa kanila. Gusto ko ng ganong relationship! >.<

Pero wala akong magawa kundi medyo dumikit sa baby bro ni Ashleen. Alam

mo ba, pakiramdam ko talaga isa akong baby sitter kanina. Kaya siguro ako

isinama ni Ashleen para maging babysitter ng kapatid nya. Hindi siguro

sya pinayagan nina Tito na makipag date ng silang dalawa lang ni Alex

kaya nya kasama kapatid nya. Haay. Bakit nga ba ako sumama sa date? Kasi

sabi nya cute daw at talented yung ka-date ko. Oo na, sige na nga.

Aaminin ko na. Cute naman talaga si Ashton at talented din. Kanina

pinanuod ko syang maglaro ng basketball. Lahat ng bola pumapasok sa ring.

Ang effortless nya, at sa tingin ko ‘sikreto lang to pero hwag kang

mag-seselos okay?’ tingin ko kasi ang cool nya pala. Wala lang, ang

cool lang nya. Parang lahat ng gawin nya ang cool. Kahit kanina habang

naglalakad ang cool nya, di ko maipaliwanag kung bakit sya naging cool sa

paglalakad. Pero basta may ganon syang aura.

Binigyan nya ako ng Sgt Keroro stuff toy kanina na nakuha nya sa ‘Catch

and Drop’. Tatlong beses nya ginawa bago nya nakuha. Ang galing nya,

kahit ilang beses ko yata gawin yon hinding hindi ako makakakuha ng

laruan don. Tingin ko nga may daya yun eh! Hmmp! Pero pinatunayan ni

Ashton kanina na mali pala ako. Nakakuha kasi sya. Sumaya naman ako ng

kaunti at kahit paano nabawasan ang inis ko sa kanya.

Nanuod nga pala kami kanina ng movie! Yung Ouija? Nakakatakot! Mabuti pa

si Ashleen may nakakapitan eh ako mas natatakot sa katabi ko kaysa sa

movie. Kaya napatakbo nalang ako sa CR kanina. Huhu!

Alam mo ba, naawa ako bigla kay Ashton nung sabihin nyang nakita nya yung

ex nya na may kasamang iba. Hindi ko alam na may ganon pala syang issue

sa buhay. Akala ko kasi bato yun eh. Bakit ko sya nasabihan ng bato? Kasi

hindi naman sya nagpapakita ng emosyon sa mukha, maliban nalang kapag

nambubully sya. At yun ang pinakanakakatakot na expression na ipinakita

nya. Tipong ‘Run for your liiiiiife!’. Imagine-in ko palang gusto ko

ng magtago sa ilalim ng kama ko. >.<

Haay. Sorry ah, bukod kasi sa lips ko hindi na rin virgin ang kamay ko.

Hinawakan kasi ni Ashton, pero hwag kang magselos kasi napilitan lang

naman ako. Nandun kasi yung ex nya kaya nagpanggap nalang ako na

girlfriend nya para di sya kawawa.

Ang haba na pala ng nasulat ko. Ang dami kasing nangyari kanina. Isa pa

si Ashleen, medyo kakaiba kinikilos. Haay. Buti nalang bukas pupunta na

kami sa Baguio! Waaaah!

PS: Wala akong bagsak na grade! I’m so happy! :D

Love,

Kayleen

=================

Entry #29

Dear Future Boyfriend,

Nandito na kami sa bahay ni Lola. :D

Noong bata pa ako, siguro mga ten years ago, natatakot akong pumunta sa

bahay ni Lola dito sa Baguio. Alam mo kasi, itong bahay nya medyo may

kalumaan na. Ilang beses na syang na-renovate pero na-preserve parin

naman yung original na structure. Mukhang panahon pa ng kastila sya

itinayo. Yung mga pinsan ko palagi kaming kinukwentuhan ng mga

nakakatakot na stories tuwing nagbabakasyon din sila dito. Kaya siguro

ganon ang nangyari, natanim na sakin yung kwento tungkol sa babaeng

umiiyak sa banyo, pati na rin yung batang naglalaro sa ilalim ng lamesa.

Ang pinaka-nakakatakot sa lahat ay yung lalaking nakaitim, may pulang

mata na nakatayo sa likod ng pinto at nanunuod sa mga taong natutulog.

May mga dwende rin daw sa garden ni Lola at mga nuno sa punso. O diba?

Ang creepy! >.<

Wala dito ang mga pinsan ko kasi sa Palawan sila nagbakasyon ngayon. Kaya

kami ni kuya parehong solo sa kwarto. Makatulog kaya ako? Paano kung may

tumabi sakin? Ano’ng gagawin ko? Waaah! >.<

Love,

Kayleen

=================

Message #14

3 New Messages

From: Mr Creeper

Hi! How was your day? :)

___________________________________________________

From: Ashleen BFF <3

Hi Sissy!

Kumusta Baguio?

___________________________________________________

From: Ashleen BFF <3

Ang daming cute boys dito sa Bora!

Sana nandito ka! :)

____________________________________________

To: Ashleen BFF <3

Tlga? Maraming cute boys?

Lagot ka kay Alex! Haha!

K lng naman ang Baguio. Malamig!

___________________________________________________

From: Ashleen BFF <3

Haha! Loyal nman ako kay Alex!

Pero di rin nman masama tumingin sa mga abs. ;)

Ang ganda ng dagat. Ang daming artista!

___________________________________________________

To: Ashleen BFF <3

Naiinggit tuloy ako. :(

Wala pala mga pinsan ko rito. Medyo boring. Huhu

___________________________________________________

From: Ashleen BFF <3

Mas masaya kung nandito ka.

Puro selfie lng ako dto. Si lil bro kasi ayaw maki-cooperate. :/

___________________________________________________

To: Ashleen BFF <3

May sumpong n nman? :O

___________________________________________________

From: Ashleen BFF <3

Wla nman. Di nya maiwan cellphone nya eh.

Weird.

___________________________________________________

To: Ashleen BFF <3

Haha! Sinabi mo weird si Ashton! :D

___________________________________________________

From: Ashleen BFF <3

Ok. I admit it na. Medyo weird sya these past few days.

I wonder kung may ka-txt sya. Bka may new girlfriend sya.

OMG. Ang daya nya! Huhu

___________________________________________________

To: Ashleen BFF <3

You think so? :O

___________________________________________________

From: Ashleen BFF <3

Yes. I think may tinatagong gf si baby bro. :(

Sayang nman. I ship you two p nman. Huhu

___________________________________________________

To: Ashleen BFF <3

Haha! Good night na nga. :)

___________________________________________________

From: Ashleen BFF <3

Haaay. Sayang tlga.

Good night din Sissy! Mwah!

=================

Entry #30

Dear Future Boyfriend,

Naguguluhan ako ngayon sa nararamdaman ko. Bumalik yung inis ko kay

Ashton at mas doble pa. Feeling ko naisahan nya ako. Feeling ko niloko

nya ako. Kung alam ko lang na may girlfriend na pala sya sana hindi

nalang ako pumayag na hawakan nya ang kamay ko. Feeling ko tuloy kabit

ako. At may past kami! Past as in... sya ang nagnakaw ng first kiss ko.

Kaya parang feeling ko naging ex nya ako ngayon. I’m confused kung

bakit bigla kong naisip ‘to. Basta! Naiinis ako sa kanya! >.<

Wala akong mapagsabihan ng thoughts ko kundi ikaw lang. Hindi ko naman

pwedeng sabihin kay Ashleen. Haaaay. Mabuti nalang nabura ko na yung

deardiary app sa cellphone nya.

Bakit ang unfair? Bakit sya nagka-girlfriend kahit bully sya? Bakit ako

walang boyfriend? Mabait naman ako ah! At cute din naman ako, maraming

nagsasabi! >.<

Love,

Kayleen

=================

Message #15

5 New Messages

From: Mr Creeper

Hey :(

________________________________________________

From: Mr Creeper

Can we talk for a bit? :(

________________________________________________

From: Mr Creeper

Please? :(

________________________________________________

From: Mr Creeper

Are you awake? :(

________________________________________________

From: Mr Creeper

Sweet dreams love.

Sleep tight. <3

=================

Message #16

3 New Messages

From: Ash

Ashton wer r u? Bumalik ka na sa hotel.

Nag-aalala sina Mama at Papa. :(

________________________________________________

From: Warren

Kumusta Bora? Damn, ang saya siguro dyan.

Post k nman ng pix ng mga babes na naka-bikini. :D

_________________________________________________

From: Future Wife <3

Kilala na kita.

=================

Message #17

From: Ashleen BFF <3

D ko alam kung ano ba ang problem ng kpatid ko.

Bgla nlang syang naging isnabero. Help :/

________________________________________________

To: Ashleen BFF <3

Wow. Laging may sumpong ang kpatid mo.

Ano nangyari?

________________________________________________

From: Ashleen BFF <3

I dunno. I asked him lng nman kung gf b nya yung ka-txt nya.

Bigla nlng syang nagalit.

________________________________________________

To: Ashleen BFF <3

Bka ngalit kasi secret lng un dpat?

________________________________________________

From: Ashleen BFF <3

Sabi nya wla nman daw syang gf.

Nagalit yata sya sakin kasi tinanong ko.

Di ko alam kung bakit sya nagalit. Huhu!

________________________________________________

To: Ashleen BFF <3

Bka di maganda gising nya kaya ganon?

________________________________________________

From: Ashleen BFF <3

Haay. Ngayon lng sya naging ganon sakin.

I don’t know what to do.

________________________________________________

To: Ashleen BFF <3

Give him space lang Sissy. Lalamig din ulo nun bukas. :)

________________________________________________

From: Ashleen BFF <3

Sana nga. Hindi masaya kapag di ko sya nahihigit

sa mga souvenir shops e. :/

=================

Message #18

1 New Message

From: Mr Creeper

I can explain.

_______________________________________________

To: Mr Creeper

R u stalking me?

_______________________________________________

From: Mr Creeper

It’s not like that. :(

_______________________________________________

To: Mr Creeper

Bakit mo ko binigyan ng vitamins?

_______________________________________________

From: Mr Creeper

Because I care for you.

_______________________________________________

To: Mr Creeper

Schoolmate ba kita?

_______________________________________________

From: Mr Creeper

Yes.

_______________________________________________

To: Mr Creeper

Classmate?

_______________________________________________

From: Mr Creeper

No.

______________________________________________

To: Mr Creeper

Ano’ng pangalan mo?

_______________________________________________

From: Mr Creeper

I thought you already know who I am?

_______________________________________________

To: Mr Creeper

Ang alam ko lang ikaw at yung nagbigay sakin ng Vits ay iisa.

Tinawag mo akong Future Wife.

Nbasa ko ulit ang card na binigay mo.

I still don’t know your name.

_______________________________________________

To: Mr Creeper

Di ka na nagreply.

Ayaw mong sabihin ang name mo?

Then don’t text me again.

Good night and Good bye!

=================

Message #19

1 New Message

From: Mr Creeper

My name is Nash. :)

_______________________________________________

To: Mr Creeper

Nash? What’s your last name?

_______________________________________________

From: Mr Creeper

Reyes. :)

_______________________________________________

To: Mr Creeper

Hindi ako naniniwala sayo.

_______________________________________________

From: Mr Creeper

What do you want me to do?

_______________________________________________

To: Mr Creeper

Wala.

_______________________________________________

From: Mr Creeper

Please tell me. :(

_______________________________________________

To: Mr Creeper

Wla. Stop texting me.

_______________________________________________

From: Mr Creeper

Hindi ko kaya. :(

_______________________________________________

To: Mr Creeper

Bakit hindi?

_______________________________________________

From: Mr Creeper

Kasi gusto kita.

_______________________________________________

To: Mr Creeper

Really, huh? Bakit inabot ka ng 21 hrs bago naka-reply?

_______________________________________________

From: Mr Creeper

Nalaglag yung cellphone ko sa pool.

Pinaayos ko kanina. Ngayon ko lang ulit nabuksan.

I’m sorry for making you wait Kayleen. :(

_______________________________________________

To: Mr Creeper

Ugh! Basta! Ang creepy mo parin!

Para kang stalker. Hindi kita kilala.

_______________________________________________

From: Mr Creeper

Pwede natin gawan ng paraan yan. :)

_______________________________________________

To: Mr Creeper

How?

_______________________________________________

From: Mr Creeper

Kilalanin mo ko.

_______________________________________________

To: Mr Creeper

Hindi ako makikipagkita sayo.

_______________________________________________

From: Mr Creeper

It’s okay.

Just keep talking to me like this and we’re okay.

What are you doing now btw?

_______________________________________________

To: Mr Creeper

Facebook. You?

_______________________________________________

From: Mr Creeper

Ka-text ka. :)

=================

Entry #31

Dear Future Boyfriend,

Ano ba ang ginawa ko ngayong araw na pwede kong i-share sayo? Wala naman

masyadong nangyari. Nag-enjoy lang kami kanina sa pagsakay sa kabayo at

pagkain ng bulalo. Masarap ang bulalo nila rito sa Baguio.

Ah! Remember yung nag-text sa’kin dati? Nalaman ko na sya pala ang

nagpadala sa akin ng vitamins noon na akala ko galing kay Ryan. Akala ko

naghahanap lang sya ng textmate pero mukhang secret admirer ko yata?

Siguro kung sa ibang babae matutuwa sila pero kasi... mas gusto kong

nakikita yung tao bago ko pagkatiwalaan. Nag-iisa akong anak na babae

kaya naman iniingatan ako nina Mama. Kahit si kuya overprotective

pagdating sakin. Na-drill sa isip ko na hwag magtitiwala sa ibang tao

nang ganon kadali. Marami pa naman nabibiktima sa mga text text na yan.

Kaya ayoko talaga sa kanya.

Kaso kanina nagpakilala sya. Nash Reyes daw. Wala akong kilalang Nash

Reyes. Real name nya kaya yon?

May sinabi sya sa’kin na may point naman pero... Haay... Ano ba ang

gagawin ko? Itanong ko kaya kay Ashleen? Hmm.

Love,

Kayleen

=================

Call #2

Calling Ashleen BFF <3...

“Hi Ashleen!―

“Sissy! Kumusta ka na? Ano nga pala yung itatanong mo sa’kin?―

“Haay. Di ko kasi alam kung paano ko sisimulan. May secret admirer kasi

ako—―

“WHAT?! KYAAAAAH! Si future boyfriend mo na ba yan?!―

“Hindi. Hindi ko alam. Ang weird lang kasi nya. Para syang stalker?―

“Hahaha! Secret admirer nga e. Syempre kapag may gusto sa iyo ang isang

tao, parang stalker mo na rin yon. Para kang di nagdaan don. Hahaha!―

“Hindi naman talaga ah?―

“Hindi ba naging stalker ka rin ni Ryan dati? Hahaha!―

“Iba yon!―

“Ganon yon. Diba may mga plano ka pa nga sa kanya? Katulad nung

pagbunggo sa kanya sa hallway? Tsaka yung cookies?―

“Eeh! Basta! Iba yon. Ginawa ko yon kasi gusto ko syang mapansin nya

ako. Ito iba. Sa text.―

“Ah. Sa text sya nagpakilala? Eh di getting to know stage palang

kayo.―

“Ayoko nga syang i-text eh.―

“Bakit? Sayang yan baka cute!―

“Hindi ba creepy tignan? Kilala nya ako pero di ko sya kilala.

Schoolmate pa natin.―

“Harmless naman kasi kung sa text lang kayo mag-uusap. Pero kung

makikipag-kita ka sa kanya, isama mo kami ni Alex para may bodyguard ka.

Pati si Ashton isasama ko para sigurado may pampukpok tayong gitara don

kung masamang tao pala.―

“Hahaha! Yung kapatid mo nga pala... Kumusta na sya? May sumpong

parin?―

“Hmm. Di ko alam. Pero parang wala na. Busy kasi kami kanina.―

“Nasa Bora parin kayo?―

“No. Pauwi na kami ngayon. Nasa sasakyan kami.―

“Bakit ang bilis ng bakasyon nyo? May iba pa kayong pupuntahan?―

“Graduation na kasi ni Ashton sa saturday kaya kami umuwi agad.

Pagkatapos ng graduation pupunta naman kami sa Hogwarts ng Japan then sa

hongkong disneyland.―

“Exciting naman nyan! Pakisabi kay Ashton na congratulations sa pag-

graduate.―

“Haha! First honor ‘to kaya proud kami sa kanya. Hey lil bro, hey!

Sabi ni Kayleen congrats daw! --- Sissy sabi ni Ash thank you daw with

smiley face! --- Hey! Ashton ibalik mo yang unan ko!―

“Saan ba sya magco-college?―

“Hey Ash! Saan ka raw papasok ng college sabi ni Kayleen? Sa Music

School parin ba? --- Sissy di pa raw sya nakakapag-decide eh. Pero anyway

sana doon nalang sya pumasok. By the way, saan na nga pala tayo kanina sa

topic natin?―

“Aling topic?―

“Yung sa stalker mo?―

“Ahh. Kasi di ko alam kung ano ang gagawin ko.―

“Sissy hayaan mo na. Ganito lang yan, kung bored ka na pwede mo syang

gawin pampalipas oras. Haha!―

“Hindi ko yata kaya.―

“Masaya ‘yon. Try mo lang. Ikaw rin, baka sya pala si future

boyfriend mo.―

“Paano kung hindi?―

“No harm done. Hwag ka lang makipagkita para safe.―

“I guess.―

=================

Message #20

1 New Message

From: Future Wife <3

Manok o itlog?

Ano sa tingin mo ang nauna?

_________________________________________________

To: Future Wife <3

I’m pretty sure it’s the chicken. :)

_________________________________________________

From: Future Wife <3

Wow! Pareho tayo ng hula.

So, anong ginagawa mo ngayon bukod sa pakikipag-text sakin?

_________________________________________________

To: Future Wife <3

Soundtrip.

Ok na ba tayo?

_________________________________________________

From: Future Wife <3

Hindi nman tayo nag-away diba?

_________________________________________________

To: Future Wife <3

Ok lng ba kung itext kita araw-araw?

_________________________________________________

From: Future Wife <3

Ikaw ang bahala.

Pero Nash Reyes ba tlaga ang name mo?

_________________________________________________

To: Future Wife <3

No.

_________________________________________________

From: Future Wife <3

So you lied to me?

_________________________________________________

To: Future Wife <3

Yes. I’m sorry.

Hindi ko pa kayang magpakilala.

_________________________________________________

From: Future Wife <3

Pero schoolmate kta?

_________________________________________________

To: Future Wife <3

Bka lumipat na ako nxt school year. :(

_________________________________________________

From: Future Wife <3

Kilala ba kita sa personal?

_________________________________________________

To: Future Wife <3

Yes.

_________________________________________________

From: Future Wife <3

Close ba tayo?

_________________________________________________

To: Future Wife <3

I wish.

_________________________________________________

From: Future Wife <3

Inaway ba kita?

_________________________________________________

To: Future Wife <3

No.

_________________________________________________

From: Future Wife <3

So mabait ako sayo?

_________________________________________________

To: Future Wife <3

No comment.

_________________________________________________

From: Future Wife <3

Gusto mo talaga ako?

_________________________________________________

To: Future Wife <3

Yes. I like you. :)

_________________________________________________

From: Future Wife <3

Why?

_________________________________________________

To: Future Wife <3

Because you make me nervous.

_________________________________________________

From: Future Wife <3

Ha? Takot ka sakin?

_________________________________________________

To: Future Wife <3

No. Kind of? I don’t know.

You make my heart beat faster.

In a good way. :)

=================

Entry #32

Dear Future Boyfriend,

Nagi-guilty ako sa mga sinabi ko sa nakaraan kong entry tungkol kay

Ashton. Wala pala syang girlfriend. Bigla akong na-guilty kasi walang

idea yung tao na sinisiraan ko na pala sya sa mga sulat ko. Bakit ba kasi

ang asumera ko? Ang hilig kong mag-jump sa mga conclusions tapos mali

pala. Katulad nalang kay Ryan. Pinaasa ko sarili ko tapos nagmukha lang

akong... Hay.

Oo nga pala, may ka-textmate ako pero nasabi ko na ‘yon sa’yo diba?

Di ko alam ang name nya. Hindi naman kasi talaga sya si Nash Reyes. Di ko

alam kung bakit ba natatakot syang magpakilala sakin. Nabawasan na rin

ang creepy feeling kasi baka lumipat na sya ng school kaya ibig sabihin

di nya ako mai-stalk sa school. Ang hirap kaya nun feeling na nahihiya ka

magkamali kasi alam mo na may nakatingin sa’yo. Nahihiya tuloy akong

magkamali bigla.

Paano kung bigla akong nagka-tagos? O kaya madulas sa hallway o madapa sa

kalsada? Tapos nakita nya! Waaaaaah! Nakakahiya! Pero mas nakakahiya kung

may recitation tapos di ko nasagot yung tanong. Alam kaya nya na mababa

ang grade ko sa math? >.<

Ano kaya ang nagustuhan nya sakin? Ang sabi nya kinakabahan daw sya kapag

nakikita ako. Kinabahan din ba ako kay Ryan? Konti kasi mas angat yung

excitement. Pero erase na si Ryan. Di ko na sya gusto. Bakit ko ba sya

lagi sinisingit dito? Kasi wala akong ibang mapag-compare-an. Sya lang

kasi naging crush ko eh.

Tama ba tong ginagawa ko na nakikipag-textmate? Wala naman daw masama

sabi ni Ashleen. Kung sabagay uso rin naman yun. Pero wala talaga akong

balak na makipagkita sa kanya. Kasi laging sinasabi nina Mama, nasa huli

ang pag-sisisi. Ayoko nalang sumugal.

Love,

Kayleen

=================

Message #21

1 New Message

From: Mr Creeper

Knock Knock?

________________________________________________

To: Mr Creeper

Joke ba yan?

________________________________________________

From: Mr Creeper

Yes. Knock knock!

________________________________________________

To: Mr Creeper

Who’s there?

________________________________________________

From: Mr Creeper

The hill and cow

________________________________________________

To: Mr Creeper

The hill and cow who?

________________________________________________

From: Mr Creeper

The hill and cow ang sigaw ng puso ko,

ikaw ang nasa isip ko. :)

________________________________________________

To: Mr Creeper

Uh... Sorry di ko na-gets?

________________________________________________

From: Mr Creeper

It’s okay. How are you? :)

________________________________________________

To: Mr Creeper

Kidding! Gets ko yon! Natawa nga ako. :D

I’m bored. Ikaw?

________________________________________________

From: Mr Creeper

Missing you badly. I want to see you.

________________________________________________

To: Mr Creeper

Alam mo ba kung ano ang name mo sa contact list ko?

________________________________________________

From: Mr Creeper

Hindi. Ano? :)

________________________________________________

To: Mr Creeper

Mr Creeper!

________________________________________________

From: Mr Creeper

Do I creep you out?

________________________________________________

To: Mr Creeper

Oo nung una. At ngayon kasi ang showy mo sa feelings mo

________________________________________________

From: Mr Creeper

Hindi ako showy sa personal.

Kaya sinasabi ko na sayo lahat ng di ko masabi kapag kaharap ka.

________________________________________________

To: Mr Creeper

Sorry. Hindi kasi ako sanay sa ganito.

Pwede ba tayong mag-start as friends?

________________________________________________

From: Mr Creeper

Yes. :)

________________________________________________

To: Mr Creeper

Great! How old are u btw?

________________________________________________

From: Mr Creeper

I’m a teenager.

________________________________________________

To: Mr Creeper

Uh. Ok. What course are you taking?

________________________________________________

From: Mr Creeper

I don’t know yet.

________________________________________________

To: Mr Creeper

Ah. Right! Lilipat ka nga pala ng school.

So magpapalit ka ng course?

________________________________________________

From: Mr Creeper

Kind of. Yeah.

________________________________________________

To: Mr Creeper

Ahh. Undecide ka pa?

________________________________________________

From: Mr Creeper

Yes! :)

Ikaw? Lilipat ka ba?

________________________________________________

To: Mr Creeper

No. Inisip ko na mag-shift ng course pero naisip ko na

sayang din tsaka gusto ko rin matuto magluto at

mag-manage ng resto.

After ko ng college gusto kong pumunta sa France

para matuto ng Baking and Pastry Arts. :)

________________________________________________

From: Mr Creeper

So you’re leaving after two years?

How long will you be gone?

________________________________________________

To: Mr Creeper

Depende kung gusto ko rin pumunta sa London para mag-aral.

Maganda rin kumuha ng course don na baking eh.

________________________________________________

From: Mr Creeper

I miss you already.

________________________________________________

To: Mr Creeper

There you go again.

Ang showy mo hindi ko alam ang gagawin ko.

Friends tayo diba?

________________________________________________

From: Mr Creeper

Can I not miss you as a friend?

=================

Entry #33

Dear Future Boyfriend,

Today, nahulog ako sa kabayo. Pero hwag kang mag-alala hindi naman ako

nalaglag habang tumatakbo si Spike (pangalan ng brown na kabayo ni Lola).

Nalaglag ako habang bumababa. Masyado kasi akong na-excite dahil may

inuwing tuta si Kuya Dylan. Dahil nagmadali akong bumaba nagkamali ako ng

galaw at nalaglag. Na-sprain ang paa ko. Ngayon sobrang boring tuloy.

Wala ang mga pinsan ko, nakakulong pa ako sa kwarto. Ang kasama ko lang

ay si Toothless (tuta na inuwi ni kuya). Toothless ang pangalan nya kasi

kamukha nya si Toothless sa How To Train Your Dragon. Kulay itim sya, at

mata nya lang ang nakikita ko lalo na kapag nakahiga sya sa itim na tela

(kita ko rin pala ang puting ngipin at pink nyang dila). Sya lang ang

kalaro ko kaso iniwan nya rin ako kasi may nakita syang bola sa labas.

Haay. Ano kaya ang ginagawa mo ngayon? Siguro kasama mo ang mga kaibigan

mo ngayon at nagpapakasaya. May girlfriend ka kaya ngayon? Hmm. Selos

ako. :/

Love,

Kayleen

=================

Entry #34

Dear Future Boyfriend,

Lahat na talaga ng tao sa mundo ay busy. Kahit yung taong nagsabing may

gusto sya sa akin ay in-ignore ang text ko. Haay. Kung kailan ko naman

kailangan ng kausap... Ano kaya ang ginagawa non? Hindi naman siguro

nalaglag ang cellphone nya sa pool diba?

Si Ashleen naman busy sa pag-aayos ng gamit na dadalhin sa trip nila sa

japan at hongkong. Mabuti pa sila ang saya ng bakasyon. Bukas na nga pala

ang graduation ni Ashton, sigurado busy sila. Lilipat na kaya ng school

yon? Yung guilty feeling nandon parin. Hindi kasi ako naging mabait sa

kanya. Hmm. Actually, hindi ko naman kasi talaga sya nakakausap. Bakit ko

nga ba sya hindi kinakausap?

Ah! Oo nga pala, kasi medyo natatakot ako sa kanya. Ang talas kasi

makatingin non, tipong walang takas bawat detalye ng pagkatao mo. Yung

batang yun. Mahihirapan yon makahanap ng girlfriend.

Ay wait, di pala sya mahihirapan, sikat nga pala yon. Buti pa sya, di nya

kailangan gumawa ng ganitong letter para sa future girlfriend nya.

Hwaaah! Medyo naging kawawa ako don ah!

Love,

Kayleen

=================

Entry #35

Dear Future Boyfriend,

Malapit na akong maging eighteen y/o. Magiging legal na ako right? Pwede

na akong magpakasal! Haha! Tara magpakasal na tayo! :D

Dahil naiinip ako ngayong araw (nakakulong sa kwarto at hindi makagala)

gumawa ako ng list sa isip ko kung ano ang mga gagawin ko kapag naging

eighteen na ako.

1.     Basahin ang Fifty Shades of Grey (dahil malapit na ang movie

non, curious ako!)

2.     Pumunta sa beach nang naka two piece!

3.     Iinom ako ng beer sa bar!

4.     Kukuha ako ng VISA! Pupunta ako sa South Korea! Hahanapin ko

si TOP!

5.     Mag-aaral ako ng french!

6.     Kukuha ako ng driving lessons!

7.     Mag-bunjee jump!

8.     Mag-e-exercise ako para sumexy!

9.     Magpapakulay ako ng hair!

10.  Makikipag-date ako!

Yan lang muna ngayon. Inaantok na ako eh. Bukas, mag-iisip pa ako ng

marami! Dapat 100! :D

Love,

Kayleen

=================

Message #22

6 New Messages

From: Future Wife <3

Kung papipiliin ka,

Yung maganda o yung matalino?

__________________________________________________

From: Future Wife <3

Ang lame ng question ko.

Yung matalino pipiliin mo diba?

__________________________________________________

From: Future Wife <3

Teka, di ako matalino ha, mukha lang.

__________________________________________________

From: Future Wife <3

Ano’ng fav mong movie?

__________________________________________________

From: Warren

Dude, pag-isipan mo mabuti.

Maganda yung inaalok satin ng UP Conservatory of Music.

Magandang school yon para sa’tin.

__________________________________________________

From: Trisha

Yung sinabi ko sayo kanina, totoo yon.

Seryoso ako. Gusto kita.

=================

Message #23

2 New Messages

From: Mr Creeper

Hey, sorry for the late reply.

Medyo naging busy lang.

Kumusta ka?

_________________________________________________

From: Mr Creeper

Tungkol sa tanong mo kahapon.

Parehas lang naman na ikaw yon. :)

_________________________________________________

To: Mr Creeper

Parehas?

Ice lng nman ako.

_________________________________________________

From: Mr Creeper

Matalino at maganda. :)

Ice?

_________________________________________________

To: Mr Creeper

Binobola mo lang ako eh.

Ice. Ays. Ayos. Maayos.

_________________________________________________

From: Mr Creeper

Ice. Nice. :)

Di kita binobola,

baka tumalbog ka sa iba, sa kanya ka pa mapunta.

_________________________________________________

To: Mr Creeper

Stahp! >.<

_________________________________________________

From: Mr Creeper

Haha! :)

Matalino ka at maganda Kayleen.

_________________________________________________

To: Mr Creeper

Ok na ako sa maganda ako.

Alam mo ba kung ano ang grade ko sa math?

_________________________________________________

From: Mr Creeper

Hindi naman dyan nasusukat yon.

Alam mo nga ang ibig sabihin ng ICE eh. :)

_________________________________________________

To: Mr Creeper

Sus. Parang yun lang.

Imbentong pinoy lang naman yun eh.

_________________________________________________

From: Mr Creeper

Kahit na, look at it this way, may alam ka na hindi ko alam.

May mga alam ka na hindi alam ng ibang tao.

At alam ko na kung gusto mo tlaga ang isang subject

mahirap man yon para sa iba, magiging madali lang yon

pagdating sayo. :)

_________________________________________________

To: Mr Creeper

Wla akong maisip na subject. :/

_________________________________________________

From: Mr Creeper

Meron ako. :)

_________________________________________________

To: Mr Creeper

Wow kilala mo tlaga ako ah.

Cge nga. Ano yon?

_________________________________________________

From: Mr Creeper

Baking. Magaling ka don Kayleen. :)

And I’m proud of you because you know what you want.

You have your dreams. You have a goal in your life.

Kaya hwag mong maliitin ang sarili mo dahil lang sa grades mo.

Maraming matatalino pero walang passion at kulang sa

pangarap. Yon ang advantage mo sa kanila Kayleen.

_________________________________________________

To: Mr Creeper

Wow.

Hindi ko alam na ganyan pala ang tingin mo sakin.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.

Uh. Thank you.

_________________________________________________

From: Mr Creeper

And humble too.

One of the reasons why I like you so much. :)

=================

Entry #36

Dear Future Boyfriend,

Ang sabi ni Mr Creeper (tawag ko sa txtmate ko) maganda at matalino raw

ako. Noong una hindi ako naniniwala pero sabi naman nina Mama at Ashleen

maganda raw ako kaya kahit paano naniwala ako. Pero yung matalino? Medyo

alanganin eh. Pero nung pinaliwanag sakin ni Mr Creeper na may alam daw

ako na hindi alam ng iba, o magaling daw ako sa pagbe-bake at may goal

ako sa buhay ko, pakiramdam ko lumutang ako sa ere.

Alam mo ba yung pakiramdam na pinupuri ka ng isang tao, na deep inside

alam mo na may katotohanan yung sinabi nya? Na hindi nagmula sa wala yung

sinabi nya? Kasi alam nya ang pangarap ko. At ilang araw palang kaming

magka-text pero kilalang kilala na nya ako. Pakiramdam ko naiintindihan

nya ako. Ang lalim nya mag-isip pero ang dali nya magpaliwanag. Siguro

kung naging teacher sya, walang babagsak na estudyante sa kanya. First

time na humanga ako sa isang lalaki na hindi ko pa nakikita.

Pwede pala yun? :O

Love,

Kayleen

=================

Message #24

4 New Messages

From: Warren

Dude, bukas ayusin nyo na ni Trish ang problema nyo.

Apektado buong banda sa inyo. Ang cold nyo kanina.

Nag-yelo kami sa upuan.

______________________________________________

From: Warren

Holy cow! Jack Frost at Queen Elsa!

Bagay! Hahahaha!

______________________________________________

From: Warren

Nasabi mo na ba sa parents mo kung saan school

mo balak pumasok?

______________________________________________

From: Alex

Bro, congrats!

Punta nga pala kami bukas sa celeb nyo dyan.

Ready na ang regalo mo pang-welcome sa college life!

______________________________________________

To: Trisha

I’m sorry.

______________________________________________

From: Trisha

Mag-uusap pa tayo bukas.

Atleast bago kayo umalis at bago ka mag-decide

kung iiwan mo ba ang banda o hindi.

______________________________________________

From: Trisha

I can’t believe that you’re having second thoughts about UPCMu.

This is your dream Ash!

=================

Entry #37

Dear Future Boyfriend,

Alam mo bang may hidden talent ako? Haha! Hidden talent na dapat hidden

talaga, kumakanta ako sa banyo. Naisipan ko lang na sabihin sa’yo para

naman may fun facts. Haha!

Hmm. Ang boring ng araw ko. Yung iyo siguro exciting no? (Sumagot ka rin

kapag may time haha!) Gusto ko nang umuwi. (Kaso ayoko mag-isa sa bahay.

At di ako papayagan.) Wala namang bampira dito. May nakasalubong ako

noong isang araw, mapula ang mata pero mukhang adik lang yata sa rugby.

Di naman kasi sya shimmering under the sun. Sawi ako sa mission kong

patunayan na may mga bampira sa mundo.

Alam mo bang naniniwala ako na may mga bampira? Mas madaling paniwalaan

ang vampires kaysa werewolves o shapeshifters. Ang magic naman kasi ng

dating ng sa kanila. Ang mga bampira pwedeng may mali lang sa genes nila

pero hindi rin totoo na nasusunog sila sa araw. Abnormal lang talaga

sila. (Kung may makabasa man na bampira sa online diary kong ito, hwag

nyo muna akong kakagatin. Hayaan nyo muna akong ma-meet si future

boyfriend. Huhu)

Kapag ganitong wala akong magawa, wish ko talaga na kasama kita. Ano kaya

ang gagawin natin sa unang beses na date natin?

Love,

Kayleen

=================

Entry #38

Dear Future Boyfriend,

Kanina ko pa tinititigan ang cellphone ko. Gusto kong itext si Mr Creeper

pero ayoko syang i-text. Ang gulo. Gusto ko syang i-text kasi wala akong

magawa. Alam kong busy si Ashleen dahil ngayon ang graduation ng kapatid

nya. Siguro may family dinner sila ngayon. Siguro may party sa bahay

nila. Hindi ko sya ma-text.

Sino pa ba ang pwede kong i-text? Mga wala naman kasi silang load. Naka-

unli pa naman ako ngayon. Bakit nga ba ako nag-unli? Hindi rin kasi ako

kinukulit ni Mr Creeper, siguro busy din yun ngayon. Isa akong LONER.

Huhu.

Mag-basa nalang kaya ako ng libro? May malaking book store pa naman si

Lola sa bayan. Pero kailangan kong mag-bike papunta don. Mga fifteen

minutes ang layo. Okay lang siguro kahit na gabi na? Baka may

makasalubong akong bampira sa daan! Ire-ready ko ang videocam ko! :D

Love,

Kayleen

=================

Message #25

No Space for New Messages

11 Missed Calls

From: Mr Creeper

Hey!

______________________________________________

From: Mr Creeper

Kayleen?

______________________________________________

From: Mr Creeper

Where are you?

______________________________________________

From: Mr Creeper

What are you doing right now?

______________________________________________

From: Mr Creeper

Hey, please reply.

______________________________________________

From: Mr Creeper

Kayleen?

______________________________________________

From: Mr Creeper

Knock knock?

______________________________________________

From: Mr Creeper

Hey :(

______________________________________________

From: Mr Creeper

I’m worried.

______________________________________________

From: Mr Creeper

Please reply when you read this.

______________________________________________

From: Mr Creeper

Are you alright?

______________________________________________

From: Mr Creeper

Sleeping?

______________________________________________

From: Mr Creeper

Yeah, you should sleep now.

Don’t go out.

______________________________________________

From: Mr Creeper

Can I call you?

______________________________________________

From: Mr Creeper

Please answer the phone.

______________________________________________

From: Mr Creeper

Kayleen? Please.

______________________________________________

From: Mr Creeper

Are you out?

______________________________________________

From: Mr Creeper

Did you leave your phone?

______________________________________________

From: Mr Creeper

Please. I’m worried.

______________________________________________

From: Mr Creeper

Please.

______________________________________________

From: Mr Creeper

Please love.

______________________________________________

From: Mr Creeper

Please be okay.

______________________________________________

From: Mr Creeper

Please text me as soon as you get these messages.

______________________________________________

To: Mr Creeper

WAAH! Nag-shower lang ako. Sorry!

Wait lang. Sumabog ang inbox ko.

Magdedelete muna ako.

Hindi makapasok yung ibang texts.

=================

Entry #39

Dear Future Boyfriend,

Lahat ba ng lalaki ay may Push and Pull technique sa amin mga babae? Si

Mr Creeper kasi hindi na ako nireplyan kagabi matapos ko syang i-text.

Ano kaya ang nangyari sa kanya? Ang dami pa naman nyang texts na sinend

sakin. Para pa nga syang nag-aalala? Ano kaya ang nakain nun? Palagi

tuloy akong nakatunganga sa cellphone ko. Hanggang sa mesa kanina di ko

maiwan. Na-lowbat na tuloy ngayon.

Ano kaya ang nangyari don? Ano kaya ang ginagawa nya ngayon? Bakit kaya

di nya ako tinetext? Samantalang ang kulit kulit nya dati. Hindi kaya...

di na nya ako crush? Ganon ba yon?

Di ko na nga lang bubuksan ang cellphone ko. Tapos na rin naman yung unli

text ko eh. Pero sana diba, sana naman kung di nya na ako gusto,

magpaalam naman sya nang maayos.

Ikaw, kung dumating yung araw na ma-realize mo na hindi mo na ako mahal,

sabihin mo sakin ha? Ayoko kasi nang naghihintay. Lagi mo nalang akong

pinaghihintay.

Love,

Kayleen

=================

Entry #40

Dear Future Boyfriend,

Kanina umakyat ako sa attic ni Lola. Nakita ko yung mga lumang laruan ko.

Ang creepy pala tignan ng mga malalaking lumang manika? Tapos may nakita

akong baul na maraming laman na photo albums. Mga pictures ni Lola nung

dalaga pa sya. Alam kong maraming friends si Lola pero di ko alam na

mahilig pala syang magpa-party. :D

Ngayong nakita ko yung mga pictures nya noong teenager palang sya,

napapatanong ako bigla sa sarili ko. What am I doing with my life?

Nasasayang yata ang kabataan ko sa pagkukulong dito sa bahay ni Lola.

Mabuti pa si Kuya nagkaron ng bagong friends. Di bale bukas gagala ako.

May birthday party pa naman na pupuntahan sina Lola bukas, sasama ako. :)

Nandon ka kaya?

Love,

Kayleen

=================

Entry #41

Dear Future Boyfriend,

Umuwi ako nang maaga galing sa party. Pagkatapos kong makikain umalis

kaagad ako (hehe). Pano ba naman kasi si Lola at yung kabarkads nya

pinagtripan akong i-pair dun sa apo nung may birthday. Bagay daw kami. Si

Steve?

Si Steve ay isang college student din katulad ko. BSCoE ang course nya,

yung nag-iimbento ng mga softwares at madalas din mga robots etc. Isa

syang malaking nerd (Insulto ba yon? Sorry). Pero yon talaga ang

description ko sa kanya. Hindi naman sa ayaw ko sa kanya kasi nerd sya,

hindi yon eh. Paano ko ba ipapaliwanag? Alam mo yung tipo ng tao na

maraming sinasabi na parang lumiliit ang tingin mo sa sarili mo? Sya yung

tipo na gumagamit ng mga words na kailangan mo pang hanapin sa

dictionary. Hindi simpleng english o tagalog words ang gamit nya. Ang

lalim na para syang nag-susulat ng libro. Hindi ko sya maintindihan at

hindi ko sya magawang patahimikin. At ang annoying ng boses nya parang

kay Squidward! >.<

Hindi ko sya natagalan at pakiramdam ko ang sama na ng hitsura ko kanina

dahil sa simangot ko. Bakit ba kasi sya nakabuntot sakin sa party?

Pinagtatawanan tuloy ako ni Kuya Dylan. Kainis! Pero tinulungan din naman

nya ako makatakas. Nagkulong na naman tuloy ako sa kwarto ko kasama si

Toothless. Amoy laway na ako ni Toothless, ayaw nyang tigilan dilaan yung

paa ko (medyo kinakagat pa nya). Pinalabas ko nalang sya ng kwarto, ayun

umiiyak sa may pinto.

Ang epic fail ng plano ko na makipag-friends. Matutulog na nga lang muna

ako.

Love,

Kayleen

=================

Entry #42

Dear Future Boyfriend,

Epic fail ang plano ko na matulog dahil ang ingay ni Toothless. Ayaw

nyang tumigil sa pag-scratch sa pintuan at umiiyak sya. Gusto nyang

pumasok sa kwarto ko. Kapag naman ginawa ko yon, lalaruin nya ulit ang

paa ko. Ano ba ang gusto nya? Bakit nya dinidilaan ang paa ko? Amoy ulam

ba ako?

Napa-praning na ako sa bahay ni Lola. Mag-isa lang kasi ako ngayon dito.

Lahat sila nandon pa sa party. Siguro mamayang hapon pa sila uuwi. Si

Lola baka gabi na yon makaalis don, naglalaro pa kasi sila ng mahjong.

Nag-iisa ako sa bahay at pinapakiramdaman ko ang ingay sa paligid.

Naiisip ko kung ano ang gagawin ko kung may pumasok na magnanakaw bigla.

Tatalon siguro ako sa bintana kapag pumasok sya sa kwarto ko. O kaya

naman kakagatin ko ang leeg nya, sa may jugular vein (Ew!). Palagi kong

pina-practice sa isip ko kung ano ang gagawin ko kung sakaling may

kumidnap sa akin. At kung wala akong weapon, gagamitin ko nalang ang

ngipin ko. Pero syempre hanggang imagination lang yon, napanood ko kasi

sa The Vampire Diaries. Crush ko nga pala si Klaus. >.<

Weird na ba ang entries ko? Ano kaya ang maiisip mo kapag nabasa mo na

ito? Ang weird ng girlfriend mo no? :D

Love,

Kayleen

=================

Entry #43

Dear Future Boyfriend,

Akala ko magiging boring ang buong araw ko. Pero nagkamali pala ako. Kasi

kanina, dumating sa bahay si Steve kasama ang iba pang apo ng dabarkads

ni Lola. Nang-harana sila. Hinarana ako ni Steve! Hindi ko alam kung

maiiyak ba ako sa kakatawa o maiiyak ako dahil sa pagkanta nya. Narinig

mo na bang kumanta si Squidward? Alam mo yung boring nyang boses na

parang nag-aannounce ng number sa Lotto? (mas boring pa dun!)

Alam ko na sa ibang babae siguro sobrang matutuwa sila. Pero kasi hindi

ko sya type! Hindi ko sya gusto o kahit na kailan ay gugustuhin. Hindi ko

maimagine ang sarili ko na naglalakad sa mall na ka-holding hands sya!

Mas kaya ko pang tanggapin yung nangyari sa amin ni Ashton noon, kahit na

hindi ko rin naman sya gusto, hindi naman ako nandiri sa kanya nang

hawakan nya ang kamay ko! Pero iba si Squidward! Hindi ko masikmura kahit

sa imagination palang! Ang layo ni Corporal Giroro (si Ashton) kay

Squidward (si Steve)!

May pagkakahawig sina Corporal Giroro at Ashton. Parehas sila na... medyo

nakakatakot pero... medyo sweet. At may nakasabit lagi kay Giroro katulad

ni Ashton, laging nakasabit gitara nya. Haha! Di ko pala nadala yung

bigay nyang Sgt Keroro.

Back to the topic, kinikilig sina Lola kasi mukhang boto sya na maging

kami ni Squidward. Gusto nya yata na maging apo yun dahil apo yun ng isa

sa mga kabarkads nya. Mabuti si Kuya Dylan hindi ako iniwan habang kausap

ko si Steve sa sala. Mukha nga syang bodyguard ko eh. Ang sama kaya ng

tingin nya kay Squidward haha!

Umalis din naman sila after one hour. Kung akala ko stress na yung pag-

take ko ng finals exam, mas stress pa pala na i-pair ka sa isang taong di

mo gusto. Haay. Kasalanan mo to! Ang tagal mo kasi dumating! Pahihirapan

talaga kita kapag nagkita tayo! >.<

Love,

Kayleen

=================

Entry #44

Dear Future Boyfriend,

OHMIGOD!

OHMIGOD!!

OHMIGOD!!!

OMAYGAAAAAAAAAAAAAAAHD!!!

Hindi ako makapaniwala!!!!!

BAKA HINDI KA RIN MAKAPANIWALA!!!!!

PERO MANIWALA KA DAHIL TOTOO ITOOOO!!!!

Hindi na ako five flat!

Tumangkad ako ng one inch!!!

Five one na ako!!!

OHEMGEEEEEE!!!! Tumangkad pala ako!!!

Kung hindi pa ako sinukat ni Lola kanina hindi ko malalaman! Huhu!

Tumankad ako! Hindi na ako five flat!

Naiiyak ako sa sobrang saya. Huhuhu! I’m so happy!

Sasabihin ko to kay Ashleen! Magugulat yon! Hahaha!

Love,

Kayleen

=================

Entry #45

Dear Future Boyfriend,

Nakapatay parin ang cellphone ko. Hindi ko na ito binuksan simula nang

ma-lowbat kakahintay ng text galing kay Mr Creeper. Bubuksan ko ba o

hindi? Nawi-wirdohan na ako sa sarili ko. Bakit ko ba sya iniintindi? Eh

ano naman kung mag-text sya o hindi? Wala rin naman akong load kaya di ko

sya marereplyan. Di ko rin pala matetext si Ashleen. Oh! Right! Viber!

LINE! Kakaotalk!

Nakaalis na kaya sila papuntang Japan? Tapos na ang graduation ni Ashton

kaya siguro nga nasa Japan na sila ngayon. Hmm.

Oo nga pala, pumunta dito kanina si Steve na may dalang kakanin.

Pinapabigay ng Lola nya sa Lola ko. Niyaya nya rin ako na pumunta sa

bayan para mamasyal. Sumama na rin ako kasi pinagtulakan ako ni Lola

kanina palabas ng bahay. Mabuti nalang sumama rin si Kuya Dylan kahit

pano hindi yon matatawag na date.

I wonder kung makikipag-date kaya ako sa’yo, sasama rin kaya si Kuya?

Ang epic siguro non. Sana magkasundo kayong dalawa. :)

Love,

Kayleen

=================

Message #26

4 New Messages

From: Ashleen BFF <3

Hi Sissy! How are you na?Â

Kumusta na kayo ni secret admirer?

Miss u sissy! <3

______________________________________________

From: Ashleen BFF <3

God! Can’t believe this is happening ryt now!

Nagkakagulo dito sa bahay. Sumthing about Ash and

his bandmates. Then nalaman pa nina Mommy and Daddy

yung decision nya sa college. I dunno what to do.

______________________________________________

From: Ashleen BFF <3

Sissy! Emergency!

Nwawala si Ashton

Please call me kapag nakita mo sya

or magtext sya!

______________________________________________

From: Ashleen BFF <3

Kayleen I’m sorry pero pwede mo bang

i-check ang bus terminal dyan?

I’m sorry, baka kasi pumunta sya sa vacation

house namin sa Baguio.

______________________________________________

To: Ashleen BFF <3

OMG! Ok! Pupunta ako sa bus terminal.

Will txt u later!

=================

Message #27

1 New Message

From: Ashleen BFF <3

I’m sorry sa abala Kay, alam kong gabi na.

Hinahanap din kasi namin sya dito.

Bka kasama nya friends nya.

Pwede rin ba pa-check ng house namin dyan?

Will give u the address.

______________________________________________

To: Ashleen BFF <3

No worries Sissy!

Nakita na namin si Ash.

Mabuti inabutan namin ni kuya ang

pagdating ng bus nya.

______________________________________________

From: Ashleen BFF <3

Thank you! Will tell Mom & Dad!

Pwede ba sa inyo muna sya tumuloy?

Susunduin namin sya dyan.

                                    Â

                                   Â

                                    Â

                                   Â

 Â

______________________________________________

To: Ashleen BFF <3

No problem.

Bukas nalang kayo pumunta.

Kami na ang bahala sa kanya.

U can breathe now Sis! :)

______________________________________________

From: Ashleen BFF <3

Thank you so much!

=================

Entry #46

Dear Future Boyfriend,

Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa pamilya nina Ashleen. Kung bakit

kinailangan umalis ng bahay ni Ashton at magpunta rito sa Baguio. Halata

na may iniiwasan sya sa pamilya nya. Nagkagulo raw kanina sa bahay nila

sabi ni Ashleen. Bandmates? College?

Hindi ko maipaliwanag ang naramdaman ko nang makita ko si Ashton sa

terminal ng bus. Wala syang ibang dalang gamit kundi ang gitara nya.

Hindi naman sya mukhang kawawa kahit na nag-iisa sya at ang bata nya sa

paningin ko para mag-byahe nang malayo nang mag-isa. Hindi sya ganon nang

makita ko. Mukha lang syang pagod pero determinado. Para bang ready sya

sa kahit na ano na sasalubong sa kanya. Nakalimutan ko tuloy kung gaano

sya kabata. Ganon lang kasi si Ashton, kung minsan bully, kung minsan

naman parang 40 years old na.

Hiniling ko kanina na sana hindi ko sya makita kasi ang ibig sabihin non

uuwi sya sa kanila. Hiniling ko rin na sana makita ko sya kasi maiiwasan

ang pag-aalala ni Ashleen sa kapatid nya. Nakita ko sya na nagulat nang

makita ako kasama si Kuya Dylan. Hindi nya siguro alam na sinabihan ako

ng Ate nya.

Nakahinga ako nang maluwag nang makita ko sya. Narealize ko nalang na

pati pala ako nag-alala sa kanya. Hindi man kami close pero may pakialam

naman ako sa kanya. Gusto kong malaman kung ano ang nangyari pero katulad

nga ng sinabi ko hindi kami close kaya nahihiya ako na magtanong. Ayokong

lumabas na isa akong chismosa. Kung sasabihin nya sakin, makikinig ako,

kung hindi naman, hahayaan ko nalang sya (siguro?). Mas mabuti siguro

kung sila ni Kuya ang mag-usap kasi pareho silang lalaki, baka hindi ko

sya matulungan?

Natutulog sya sa katabing kwarto ko. Ang tahimik nya. Naalala ko tuloy

noong nag-sleepover ako sa kanila, mga ganitong oras pero tumutugtog

parin sya ng gitara nya. Napagod siguro sa byahe.

Kung magkakaron ka ng problema, sasabihin mo naman sakin diba? Promise

makikinig ako at susubukan ko na tulungan ka. At hwag kang biglang

mawawala, okay?

Love,

Kayleen

=================

Kayleen

Kayleen

Sinalubong ako ni Kuya paglabas ko ng kwarto. Ano’ng oras na kaya? Ang

ingay naman sa bahay parang pyesta, nagising tuloy ako bigla. Napahikab

ako. Madaling araw na yata ako nakatulog kagabi.

“Ayos pala yang kapatid ng bestfriend mo, talo ka pa. Magaling sa

kusina,― papuri ni Kuya habang kinukusot ko pa ang mga mata ko.

Nakatayo sya at may hawak na mangkok.

Natauhan naman ako at nawala ang antok ko. Kapatid ng bestfriend ko? Si

Ashleen? Muntik ko nang makalimutan nandito nga pala si Ashton!

Napatingin ako kay Kuya Dylan na kumakain ng sopas. Ang bango ng amoy.

Bigla nalang tumunog ang tyan ko. Nakakagutom!

“Pinapagising ka ni Mama sakin. Pumunta ka na sa kusina. Kumain ka na

don baka maubusan ka pa.―

Nagulat naman ako sa sinabi ni Kuya. Ganon ba kasarap yung kinakain nya?

Dali-dali akong pumasok sa kusina para lang magulat. Nasa kusina ang mga

kabarkads ni Lola. Nakaikot sila kay Ashton na parang mga bubuyog sa

bulaklak.

“Gwapo na magaling pa sa kusina. May nobya ka na ba hijo? May apo ako

na kasing edad mo lang din. Ipapakilala kita mamaya ha?― tanong ni

Aling Lusing.

“Lusing may nobyo na yung apo mo na yon diba? Si Manuel yung anak ni

Bartolome,― sabi naman ni Aling Pacita.

“Maghihiwalay din sila non. Walang tumatagal sa apo ko na yon eh. Pero

itong isang ito, mukhang tatagal sya. Napaka-gwapong bata! Nakakatuwa.―

“May nobya ka na nga ba hijo?― usisa naman ni Aling Carmela.

“Meron na po,― tipid na sagot ni Ashton na hindi maipaliwanag ang

hitsura. Parang gusto nyang umalis pero hindi nya kaya. Kawawa naman.

Napainom nalang tuloy ng tubig. Hehe! Kawawang bata. Mukha talaga syang

batang paslit ngayon dahil napapaligiran sya ng mga Lola.

“Ikay! Andyan ka na pala apo. Halika kumain ka na, tinulungan ako ng

kaibigan mo na magluto nitong sopas. Napakasarap,― pansin sa akin ni

Lola. Napatingin naman silang lahat sa akin.

“Good morning po,― bati ko sa kanilang lahat.

Nang saktong magkasalubong kami ng tingin ni Ashton bigla nalang syang

naubo sa iniinom nya. Pinagkaguluhan naman kaagad sya ng mga Lola at

hinagod ang likod nya para kumalma ang ubo nya.

“Ayos ka lang ba hijo? Dahan dahan kasi sa pag-inom.―

Napahawak ako sa buhok ko. Shucks. Di pa pala ako nagsusuklay. Baka

nagulat sya sa buhok ko. Inayos ko muna gamit ang mga kamay ko.

“Ikay,― tawag sa akin ni Lola. “Umupo ka na rito o. Tikman mo itong

sopas na ginawa ng kaibigan mo.―

Umupo ako sa tabi ni Ashton at tinikman ang sopas na nilagay ni Lola sa

mangkok ko. Pagkasubo ko nakaramdam ako ng pagtitig ng ilang pares ng mga

mata. Ngumuya ako nang mabuti at lumunok habang nakatingin sa kanilang

lahat. Bakit sila ganito kung makatingin?

“Ano hija? Masarap, hindi ba?― tanong ni Lola Carmela na nakangiti

pa.

Ngumiti ako at tumango sa kanila bago ako sumubo ulit. Masarap nga ang

sopas na luto ni Ashton. Hmm. Napasimangot ako bigla. Mabuti pa sya

marunong magluto. Kaya pala ganito sila sa kanya. Kaya pala sya

pinagkakaguluhan. Pati si kuya Dylan sya rin ang bukambibig. Nagseselos

ako. Hmp!

Naagaw ng tunog ng silya ang atensyon ko. Nang lumingon ako, likod nalang

ni Ashton ang nakita ko habang papalabas ng kusina. Ano’ng problema

nun?

“Ikay, ilibot mo sa bayan yung kaibigan mo pagkatapos mong kumain.

Nakausap na ng Mama mo ang mga magulang ni Ashton. Mamayang hapon pa

dating nila,― utos sa akin ni Lola habang umiinom ng tsaa.

“Bakit nga pala mag-isa tumungo rito ang bata? Nag-layas ba sya?―

tanong ni Lola Lusing kay Lola.

“Alam mo naman ang mga kabataan hindi ba? Nag-daan na rin naman tayo sa

pagrerebelde,― natatawang sagot ni Lola na parang may inaalala.

“Aba natatandaan ko pa noong binalak mong makipag-tanan kay

Ramoncito!� natatawang kwento ni Lola Pacita. “Nakurot ka pa sa

singit ng Inang mo non Felicidad! Hahaha!―

“At hinabol ng itak ng Amang mo si Ramon sa bayan! Hahahaha!―

Natawa ako sa kwentuhan nila. Naiimagine ko tuloy ang kabataan ni Lola.

Maganda rin kasi si Lola noong kabataan nya. Marami sigurong nanliligaw

sa kanya noon.

“Pero tignan mo nga naman. Sino ang mag-aakala na si Julio San Miguel

pala ang makakatuluyan mo? Para kayong aso at pusa noon diba?―

“Tumigil nga kayo! Naririnig kayo ng apo ko. Baka balakin pa nitong

tumulad sa akin na makipagtanan!―

Bigla akong nabulunan.

“Aba kung sa apo kong si Steve pwedeng-pwede kang makipagtanan hija!

Hahahaha!― tawa ni Lola Lusing.

Hilaw na ngisi lang ang naisagot ko. Ano ba yan? Si Steve at ako,

magtatanan? Tatanda nalang siguro akong dalaga. Ay wait! May future

boyfriend pa nga pala ako! Sana naman hindi sya si Steve. Andyan din

naman si Mr Creeper na hindi ako naaalala na itext. Napanguso tuloy ako

nang hindi ko sinasadyan.

Tumunog ang silya sa tabi ko at naramdaman ang pag-upo ni Ashton.

Napatingin ako sa kanya. Ang pormal ng mukha nya para syang may

kakausapin na business partner.

“Sino si Steve?― ang unang lumabas sa bibig nya pagkaupo nya.

Napasinghap ako. Yung tono ng pagsaalita nya, kakaiba. Kinilabutan ako!

“Apo ko sya hijo,� sagot ni Lola Lusing na nakangiti. “Mas matanda

lang sya ng tatlong taon sa iyo pero sigurado ako na makakasundo mo

sya.―

Napalunok ako. Bakit parang ayoko makinig sa pinag-uusapan nila? May

kutob ako na masama.

“Talaga po Lola?― Napalingon ako kay Ashton dahil nahalata ko ang

ngiti sa tono nya. “Gusto ko pong makilala si Steve.― Tuluyan na

syang nagpakawala ng nakakasilaw na ngiti.

Namilog ang mga mata ko. Yung ngiti na yon! Alam ko ang ngiti nyang yon!

Pumalakpak si Lola Lusing at tuwang tuwa. Ipinilig ko ang ulo ko kay Lola

dahil naisip ko na ang sasabihin nya. Ayokong maipit dito!

“Lusing, tawagin mo ang apo mo. Sumama sya kina Ikay na mamasyal sa

bayan.―

Napahawak ako sa noo ko. Kapag may nangyaring masama kay Steve, kailangan

wala ako sa crime scene!

=================

Kayleen

Kayleen

Dumating si Steve kasama ang kapatid nyang si April. Sa tingin ko pinlano

rin ito ni Lola Lusing na may pagka-matchmaker. Si April naman ay

kabaliktaran ng kuya nya. Maingay sya at hindi mapakali sa upuan nya.

Medyo magalaw sya at madalas nya akong nadadali ng siko o tuhod nya kapag

magkatabi kami.

“Kayleen, gusto mo ba kantahan kita?― alok sa akin ni Steve habang

hawak ang gitara nya.

Muntik ko nang ibuga sa kanya ang iniinom kong orange juice. Manghaharana

na naman ba sya? Ang aga pa! Nag-isip ako ng mabilis na dahilan para

tumanggi in a nice way. Pero nablanko ang utak ko nang makita ko na

dumating si Ashton at umupo sa tapat ko.

Nandito kami ngayon sa garden ni Lola at pinapanood ang ilang kabayo sa

malayo. Katabi ko sa upuan si April at umupo sa tapat nya si Steve. May

malaking umbrella na nakatusok sa paikot naming lamesa.

Hindi ko napansin na nakatitig na pala ako kay Ashton kung hindi lang sya

napatingin sa akin. Agad akong napatingin kay Steve na nakatingin din

pala sa akin na mukhang naghihintay ng sagot.

“You play?― mukhang interesadong tanong ni Ashton kay Steve. Medyo

naningkit ang mga mata ko, sa tono nya para syang natatawa o baka

imahinasyon ko lang yon.

Sa buong buhay ko na nakikita si Ashton hindi naman sya mahilig ngumiti

kahit na may okasyon. Pero kanina nang mabanggit si Steve at bigla syang

ngumiti, alam ko na may gagawin syang kalokohan. Katulad nalang ng mga

nangyari noon na prank sa mga kaklase namin ni Ashleen.

“Oo. Ikaw din?―

Hindi ko na nakita ang sagot ni Ashton dahil yumuko ako para i-text ang

Ate nya. Narinig ko nalang ang magandang tugtog ng gitara. Napatingin ako

kay Ashton. Saglit syang tumigil sa pagtugtog para ayusin ang strings.

“Medyo wala sa tono ang gitara mo,― komento nya habang inaayos ang

higpit ng strings. “Matagal mo na ba tong hindi nagagamit?―

Gusto kong mapa-facepalm. Hindi Ashton, kakagamit lang nya nyan noong

isang gabi nang haranahin nya ako. Pinapahiya nya si Steve nang hindi nya

alam.

Umubo nalang si Steve at hindi na nagawang sumagot pa. Muling tumugtog si

Ashton. Hindi pamilyar sa akin ang tugtog na yon pero maganda sa

pandinig. Kahit walang kanta, mapapapikit ka habang nakikinig.

“Ang galing naman nya Kayleen!― bulong sa akin ni April na kumikislap

ang mga mata. Hindi nya inaalis ang titig kay Ash habang bumubulong sa

akin. “May girlfriend na ba yan?―

“Oo,― mabilis na sagot ko. Sabi nya yon kaninang umaga. Naalala ko

naman ang text sa akin ni Ashleen noon na sabi ni Ashton ay wala pa raw

itong girlfriend. Ano ba talaga ang totoo?

“Abay akala ko may himala at nakakatugtog na si Steve! Yun pala naman

ay si Ashton ang nag-gigitara!― umiiling na komento ni Lola Lusing.

Magkasama sila ni Lola na palapit sa amin at parehong nakangiti.

“Magaling ka pala mag-gitara hijo,― puna naman ni Lola.

“Nasa banda po sya Lola,― singit ko.

“Ikaw pala yung batang papasok sa Music School? Nakwento ka nga sa akin

ng apo ko. Mahusay ka nga tumugtog, dapat sa talento na yan ay mas lalo

pang hinahasa. Baka masayang kapag napabayaan,― bigay payo ni Lola.

Napatango naman ako sa sinabi ni Lola. Tama naman yon. Hindi ko maimagine

na masasayang lang ang talent ni Ashton kapag napabayaan. Sikat pa naman

ang banda nila sa school. Palagi nga silang panalo kapag may battle of

the bands. Sigurado mananalo rin sila sa College battle kung wala na sila

sa Highschool. Napatigil ako sa pagtango nang mapansin na nakatingin na

pala sa akin si Ashton. Yumuko nalang ako at nag-text ulit sa Ate nya.

“Gwapo na, talented pa!� bulong ulit sa akin ni April. “Sayang may

girlfriend na.―

“Bakit nga pala kayo nakatambay lang dito? Bakit hindi kayo pumasyal sa

bayan?� usisa ni Lola. “Ikay ipasyal mo ang kaibigan mo sa bayan.―

“Opo Lola.―

***

Tumingin ako sa langit at nanalangin na sana ay biglang umulan para hindi

kami matuloy sa pamamasyal. Pero mukhang busy yata sila dahil nanatiling

maaraw. Ano’ng gagawin ko?

Bumuntong hininga ako at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa bayan. Nasa

gitna ako nina Steve at Ashton. Nasa gitna naman namin ni April si

Ashton.

“Saan mo gustong pumunta Ash?― tanong ko sa kanya nang hindi

tumitingin. Bisita sya kaya dapat sya ang masunod.

Gusto ko sanang pumunta sa coffee shop na malapit sa bookstore ni Lola.

Hindi ko sila mayaya baka kasi mainip lang sila.

Naramdaman ko syang tumingin sa akin. “Saan mo gusto?― tanong nya

pabalik sa akin.

Sasabihin ko sana na sa coffee shop pero naunahan ako ni April sa pag-

sagot. Nilingon ko si April sa kabilang side ni Ashton.

“Sa burnham park nalang!― narinig kong sagot ni April na ngiting-

ngiti. “Nakapunta ka na ba don Ash?―

“Oo tatlong beses na,― parang nababagot na sagot ni Ash.

“Sa strawberry farm nalang! Tatawagan ko si Tito Kiko, pwede nya tayong

dalhin don!� Nilabas ni April ang cellphone nya. “Baka makita rin

natin si Enrique Gil!―

“Hindi ako interesado na makita sya,― supladong sabi ni Ashton.

Nakalimutan ko, kinwento nga pala ni Ashleen na ayaw ni Ashton kay Quen

sa di malamang dahilan.

“Ay ganon ba? Okay mamasyal nalang tayo sa bayan,― nakangiti parin na

sabi ni April.

Kahit na masungit si Ash nakangiti parin si April. Masyado syang masaya

ngayong araw. Napasimangot ako bigla sa naisip ko. May gusto ba sya kay

Ashton? Tama ba na mag-kagusto sya sa iba habang may boyfriend pa sya?

Nakita ko sila ng boyfriend nya noong birthday party ng Lola nila. Ang

sweet pa nila non. Ano kaya ang nangyari?

“April, bakit hindi mo kasama si Mike?― tanong ko nang hindi na

nakatiis. Baka kasi maakit dito si Ash mahirap na. Baka biglang sumugod

ang boyfriend nito.

“Kayleen pwede ba tayong mag-usap?― Hindi na hinintay ni April ang

sagot ko. Hinila nya ang braso ko at nauna kaming maglakad sa dalawang

lalaki. Dumistansya pa kaming dalawa hanggang sa makalayo ng sampung

hakbang.

“Ano ka ba?!� mataray na tanong nya sa’kin. Pinandilatan nya ako ng

mga mata. “Hwag mong banggitin si Mike!―

Nagulat ako sa tono nya. “Ha? Bakit? Break na ba kayo?― tanong ko

kahit wala naman talaga akong pakialam. Gusto ko kang makasiguro.

“Ang slow mo naman Kayleen! Type ko si Ash, okay?― sagot nya saka nya

hinawi ang buhok sa kanyang balikat.

“Kung ganon break na nga—―

“Hindi kami nag-break ni Mike. Kami parin, pero gusto ko si Ash ngayong

araw. Aalis na rin naman sya kaya gusto ko syang... alam mo na?―

nilingon nya ang dalawang lalaki sa likod namin bago bumulong. “Gusto

ko syang ma-experience!―

“HA?!― Paanong ma-experience? Ano to? Bagong hobby? New activity?

Game?

Tinignan ako ni April na parang naaawa sya sakin. “Kaya ikaw sagutin mo

na si Kuya para magka-experience ka na!―

“Experience saan?― namimilog na matang tanong ko sa kanya.

“Sa kissing!― tumatawang sagot nya.

Uminit ang pisngi ko. Natulala ako sa sinabi nya sakin. Gusto nyang

halikan ko ang kuya nya? Nababaliw na ba sya?! Nilingon ko si Steve na

ngayon ay kausap ni Ashton. Napatingin ako sa makapal nyang labi.

NOOOO!!! Over my dead body! Hindi ko hahalikan si Squidward!

Tumingin sa akin bigla si Squidward na nakakunot ang noo. Narinig nya ba

ang iniisip ko?! Napatigil ako sa paglalakad nang mabilis na lumakad sa

direksyon ko si Ashton at bigla akong inakbayan. Napatingin ako sa braso

nyang nakapatong sa balikat ko ngayon.

“Sorry pero gusto ko sanang solohin ngayong araw ang girlfriend ko.―

Dinaanan yata ang buong katawan ko ng ilang libong langgam. Nanindig ang

mga balahibo ko. Girlfriend?

Pormal lang ang mukha ni Ashton habang nakatingin sa magkapatid. Hindi

naman makapaniwala si April na nagpabalik-balik ang tingin sa amin ni

Ashton.

Itinuro ako ni April.  “Girlfriend mo si Kayleen?!― tumaas ang boses

nya.

Humigpit ang pagkakapulupot ng braso ni Ashton sa akin kaya naman

nagkadikit ang mga katawan namin. Hindi ako nakasagot kay April dahil

abala ang isip ko sa pagdedeliryo. Pakiramdam ko lalagnatin na yata ako!

“And don’t tell anyone.―

Sinamaan naman ako ng tingin ni April. Alam ko sa isip nya minumura na

nya ako. Sigurado iniisip nya ang sama ko dahil girlfriend pala ako ni

Ash pero di ko sinabi sa kanya. Samantalang kung anu-ano ang sinabi nya

kanina. At nagpaligaw pa ako sa kapatid nyang si Squidward!

Pero teka lang, hindi ko naman siguro kasalanan yon kasi di naman

nagtanong sa akin si Steve kung pwede ba syang manligaw. Basta nalang

syang pumunta sa bahay at nangharana. Pero lagot ako nito kay Lola. At

sinabi ko naman kanina kay April na may girlfriend na si Ahton kahit pa

hindi ako yon. Mali parin na gustuhin nya ang isang lalaki lalo na at may

boyfriend na sya.

Kaya naisip ko na inosente ako sa lahat ng ito. At ang totoo hindi naman

talaga ako ang may kasalanan. Si Ashton itong biglang nag-announce nang

ganon.

“Okay lang yan Kuya. May mas marami pang babae dyan na mas maganda at

mas matalino at mas sexy kaysa kay Kayleen! Hindi mo deserve ang isang

pa-fall kuya!― malakas na sabi ni April habang matalim na tinititigan

ako.

Parang may isang malaking bato na tumama sa ulo ko. Ako? Pa-fall?! Hindi

ko magawang sumagot dahil nakita ko ang mukhang tuta na si Steve. Ngayon

ko lang nakita na ganon kalungkot si Squidward. Kinilabutan ako!

“Tayo na kuya! Umalis na tayo!― hinigit na ni April ang kapatid nya

palayo sa amin.

Laglag ang panga ko sa bilis ng mga pangyayari. Ano ba ang nangyayaring

ito?! Naglakad na ang magkapatid palayo sa amin ni Ashton. Nakatingin

parin ako sa kanilang papalayong likod hanggang sa tuluyan na silang

mawala.

Tumikhim si Ashton sa tabi ko at unti-unting inalis ang braso nya sa

balikat ko.

“S-Saan na tayo pupunta?― tanong nya.

Singkit ang mga mata na tinignan ko si Ashton. Matapos nya yun gawin may

gana pa syang mamasyal?! Bigla naman syang tumalikod sa akin at nauna na

maglakad.

“P-Pumunta nalang tayo s-sa rose garden sa burnham park.―

Tinignan ko ang likod ng ulo ni Ashton. Pinaulanan ko sya ng nagbabagang

tingin. Napatigil ako nang makita na parang effective yata ang ginawa ko.

Namumula kasi ang batok nya pati na rin ang mga tenga nya.

=================

Entry #47

Dear Future Boyfriend,

Alam mo ba yung feeling na may new friend ang friend mo at dahil umabsent

ang friend mo ay kailangan mong ma-stuck kasama friend nya? Ni hindi mo

sure kung magkakasundo kayong dalawa dahil ang totoo hindi naman talaga

kayo close. At paulit-ulit mong ipinagdarasal na sana ay matapos na ang

araw na ito para matapos na ang awkward day mo kasama ang friend ng

friend mo. Yon ang feeling na kasama si Ashton. Hindi ako komportable at

napaka-awkward ng atmosphere sa pagitan naming dalawa.

Ito ang unang beses na magkasama kami ni Ashton nang wala si Ashleen para

pumagitna sa amin. Hindi ko alam kung paano ko sya pakikitunguhan. Lalo

pa sa ginawa nya kanina kina Steve. Sinabi nyang girlfriend nya ako.

NAGULAT AKO, NATURAL! Halos atakihin ako sa puso ko kanina nang bigla

nalang syang nagsabi nang ganon. Pero naalala ko sa mall noong hawakan

nya ang kamay ko para magpanggap habang nandoon ang ex nya. Siguro ayaw

lang nya kay April kaya nagpanggap ulit sya. Pero ang awkward ngayon...

mas lalong naging awkward ngayong dalawa nalang kami na magkasama.

Alam ko naman na hindi rin sya komportable habang kasama ako. Sino ba ang

magiging komportable na kasama ang bestfriend ng Ate nya sa isang lugar

na siguradong hinihiling nya na friends nalang nya ang kasama nya?

May kapatid ka ba? Sana babae para maging friends kami kaagad. Friendly

naman ako... basta babae. :)

Love,

Kayleen

=================

Kayleen

Kayleen

Awkward. Kanina pa ito dumadaan sa isip ko tuwing mapapatingin ako kay

Ashton na ngayon ay may kung anong pinagkakaabalahan sa cellphone nya.

Dumaan lang kami kanina sa burnham park pero narealize ko na medyo wrong

move iyon para sa aming dalawa. Lalo na nang makita namin ang lake kung

saan maraming nakatambay na lovers at pamilya. Para kaming tumungtong sa

mundo ng Wonderland. Hindi kami belong.

Kaya heto kami nasa coffee shop. Nakaupo kami sa isang table for two na

nasa gawing bintana. Abala ako sa panonood ng mga taong dumadaan sa

labas. May dalawang tasa ng hot chocolate sa harap namin ni Ashton at

dalawang plate na may tig-isang slice ng strawberry cake.

Hindi ko na kaya ang katahimikan. Malimit akong maingay sa klase namin

pero paano ka makakapag-ingay kung sobrang tahimik ng kasama mo? Baka

masabihan pa akong jologs nito. Mayaman pa naman sina Ashton. Baka mas

sanay syang kasama ang isang babaeng mahinhin at may class. Siguro nga

ganon ang type nya, yung tipo na kahit galit na ay hindi tataas ang boses

o mananakit.

“Ashton, hindi mo ba gusto yung cake?― tanong ko. Hindi kasi nya

ginagalaw ang cake nya. “Gusto mo bang umorder ng bago? Ano’ng gusto

mo?―

“N-No thank you,� sagot nya saka sya tumingin sa cake nya. “Okay na

s-sakin to.― Muli syang tumingin sa cellphone nya na parang may

binabasa. Baka nag-ffacebook.

“Sure ka ha? Kung may gusto kang bilhin sabihin mo lang sa’kin. Hwag

kang mahihiya,― sabi ko sa kanya. Ako kasi ang bumili ng lahat ng

kinain namin ngayon araw. Gusto nya sana na magbayad pero ayoko.

Nakababatang kapatid sya ng bestfriend ko kaya dapat ko syang alagaan. At

isa pa, bisita namin sya. Mapapagalitan ako ni Lola kapag di ko sya

inasikaso.

Ininom ko na ang hot chocolate ko. May tatlong lumulutang na marshmallows

sa iniinom ko. Naubos ko na ang kalahati ng cake ko nang may mapansin

ako. Puro matamis ang inorder ko. Baka ayaw ni Ashton nang matamis? I-

text ko kaya si Ashleen kung ano ang paborito ng kapatid nya na kainin?

“S-Sorry about w-what happened earlier.― Napatingin ako kay Ashton

nang bigla syang magsalita. Pinaglalaruan ng tinidor nya ang cake sa

harap nya. Tumingin sya sakin saglit na parang sinilip lang ang reaksyon

ko.

Akala nya siguro galit ako o ano. Kawawang bata, ni hindi ko napansin na

inaalala nya pala yon.

“Wala yon. Kalimutan na natin yon,― nakangiting sabi ko sa kanya.

Tumingin sya sa akin bigla nang diretso kaya napalunok naman ako. Parang

sobrang seryoso ng sasabihin nya sa akin na somehow nakaramdam ako ng

takot. Hinanda ko ang sarili ko sa sasabihin nya.

“Do you like him?―

Napabuga ako ng hangin. “Sino?― napa-isip ako. “Si Steve? No. No.

Hindi ko sya type,― natatawang sagot ko. Never!

Natahimik ulit sya. Kumain nalang ako ng cake. Plano ko na umuwi nalang

kina Lola pagkatapos namin dito.

“A-Ano ba ang type mo?― nakayukong tanong nya. Nakatingin sya sa tasa

nya at pinapaikot–ikot iyon sa platito nito.

Sumandal ako sa kinauupuan ko. Ano nga ba ang type ko? Tumingin ako sa

labas ng bintana. Eksakto pa na may dumaan na couple na sweet na sweet.

“Yung mabait, loyal, sweet, caring, smart and honest.― Huminga ako

nang malalim. “Yung kapag nagmahal... masarap at hindi nakakasakal.―

Naalala ko si Janine. “Yung hindi ka ipagpapalit sa iba.―

Nangalumbaba ako sa mesa at tumingin sa kanya. “Tsaka gusto ko rin

yung marunong mag-gitara katulad mo. O kaya yung magaling kumanta. Pero

okay lang din kung hindi basta mahal ako.― Uminom ako sa tasa ko.

“Ikaw? Ano ang nagustuhan mo sa girlfriend mo?―

Kaagad syang umiwas ng tingin sa akin nang matanong ko yon.

“I lied. Wala pa akong girlfriend.―

“Mukhang nagiging hobby mo na yata ang pagsisinungaling Ashton. Hindi

maganda yan, baka makasanayan mo na yan hanggang pagtanda mo.―

“H-Hindi naman madalas, ngayon lang.―

“I understand Ashton. Siguro alam mo na ima-matchmake ka ni Lola Lusing

kay April. Mabuti nalang sinabi mo na meron ka ng girlfriend. Sigurado

hindi ka na makakaalis ng single kapag hindi mo ginawa ‘yon.―

“Why don’t you try it sometime? Kung may nanliligaw sa’yo na hindi

mo gusto, sabihin mo sa kanya na may boyfriend ka na.―

Bumuntong hininga ako at tinitigan sya. “Hindi kasi ganon kadali yon.

Kapag may nagtanong kung sino ang boyfriend ko sino ang ipapakilala

ko?―

“P-Pwede mo naman a-akong ipakilala k-kung g-gusto mo,― halos

pabulong na sabi nya.

Nagulat ako sa sinabi nya. Muntik na akong matawa kung hindi ko lang

napansin na hindi sya makatingin sa akin habang sinasabi iyon.

“Wow Ashton! Ang sweet mo naman pala! Thanks sa offer pero ayoko kasing

magsinungaling kina Lola. Tsaka nakababatang kapatid ka ng bestfriend ko,

baka magalit pa ang Ate mo sa akin.―

“Hindi naman sya magagalit,― pahabol pa nya.

Napangiti nalang ako at napailing. Nakatanggap ako ng text message galing

kay Ashleen. Dumating na sila sa bahay ni Lola.

“Dumating na family mo sa bahay ni Lola. Tara na?― tanong ko sa

kanya.

Bumalik sa pagiging pormal ang mukha nya. Parang walang nangyaring pag-

uusap kanina sa amin. Bigla syang tumayo at nagpaalam na pupunta sa

men’s room. Naiwan ako mag-isa sa mesa namin at hinintay sya.

Inopen ko ulit ang cellphone ko para basahin ang text ni Ashleen. Nag-

reply ako sa kanya na pabalik na kami. Nang i-close ko ang message ay

nakita ko ang texts namin ni Mr Creeper. Nag-text pala sya sa akin

kaninang umaga kaso di ko nareplyan. Nag-send ako ng isang text message

sa kanya at itinago ang cellphone sa bulsa ko. Biglang nag-vibrate ang

cellphone ni Ashton. At parang may naguudyok sa akin na tignan iyon.

Nangati ang palad ko. Tumingin ako sa direksyon ng men’s room, hindi pa

nakakalabas si Ashton. Tumingin ulit ako sa cellphone nya. Abot kamay ko

lang ito. Gusto ko lang mahawakan yon, ang ganda kasing unit ng Samsung.

Gusto ko nang ganong model. Pero higit pa ron, gusto kong malaman kung

ano yung binabasa ni Ashton sa cellphone nya. Hindi naman kasi sya

mukhang nagtetext dahil nakatitig lang sya sa cellphone nya. Sobrang

curious ako!

Tumingin ako sa paligid at kagat labing inabot ang cellphone ni Ashton sa

lamesa.

Naibalik ko kaagad sa lamesa ang cellphone nya nang bigla syang

magpakita. Umakto akong walang nangyari.

“Let’s go?― tanong ko na may malapad na ngiti. Kinabahan ako

kanina!

Naglakad na kami palabas ng coffee shop. Grabeng lamig naman ang

naramdaman ko nang nasa labas na kami at naglalakad. Susunduin daw kami

ni Kuya Dylan kaya maghintay lang daw kami malapit sa bookstore ni

Lola. Umupo kami sa bench sa labas. Papalubog na ang araw.

“Nilalamig ka.―

Nilingon ko si Ashton sa tabi ko. Nagkadikit pala ang mga kamay namin sa

upuan. Pinagsalikop ko ang mga kamay ko at kiniskis sa isa’t-isa.

“Lamigin talaga ako eh. Pero mas gusto ko ang malamig kaysa mainit,―

sabi ko. “A-Ano’ng ginagawa mo?―  Laking gulat ko nang bigla nyang

kunin ang mga kamay ko at balutin ng mga kamay nya.

Ang init ng mga kamay nya at sadyang mas malaki ang mga iyon kaysa sa

kamay ko. Napalunok ako. Unti-unti nya iyong inilapit sa bibig nya at

hinipan. Nakaramdam ako ng init sa mga kamay ko. Pero hindi lang yata

kamay ko ang apektado kundi pati na rin ang mga pisngi ko. Ang init ng

mukha ko. Sigurado namumula ang mukha ko dahil sa ginawa ni Ashton pero

anumang hiya ko sa ginagawa nya ay di ko magawang bawiin ang mga kamay ko

na nakakulong sa mga kamay nya.

Sa unang pagkakataon napansin ko na maganda pala ang mga pilikmata nya,

pati na rin ang mga kilay nya na tama lang ang kapal. Maganda rin pala

ang mga mata nya na kulay brown. At wala pala syang pores! Gwapo pala sya

lalo na kapag malapitan.

Napasinghap ako nang makita na ang lapit pala ng mukha namin.

“Nilalamig ka pa rin ba?― tanong nya at tinignan ako.

Hindi ko maramdaman ang dila ko. Parang napulupot sila. Hindi ko magawang

sumagot agad kaya naman medyo naging awkward dahil habang hinahanap ko

ang dila ko ay nakatingin lang kami sa isa’t-isa.

“H-Hindi.� Matigas akong umiling sa kanya. “O-Okay lang ako.

Hahaha!― Pilit akong tumawa.

Pakiramdam ko sasabog ako. Gusto kong sumigaw. Naghuhuramentado ang puso

ko. Naramdaman ko rin nag-curl ang mga daliri ko sa paa. Ano ba ang

nangyayari sa akin.

“Is it o-okay if I hold your hand for a w-while?― tanong nya na mas

lalong humigpit ang pagkulong sa mga kamay ko. “N-Nilalamig din kasi

ang mga kamay k-ko.―

“O-Oo naman! Enjoy este yung heat...― Tumikhim ako at tumingin sa

view sa harap namin.

Tumahimik nalang ulit ako para maiwasan ang pagbaluktot ng dila ko at

pagsasabi ng mga salitang hindi ko alam kung bakit ko ba sinasabi!

Nakakahiya! Nanatili kami sa gnoong posisyon hanggang sa dumating ang

sundo namin. Don lang naghiwalay ang mga kamay namin.

Ang weird lang kasi, nagustuhan ko ang pagkakahawak nya sa kamay ko. At

ako ang nag-enjoy sa init ng kamay nya.

***AUTHOR’S NOTE

Hindi ko alam kung bakit may nagsasabing ang tagal ko mag-update

samantalang araw-araw naman ako nag-uupload nito. And yes, BITIN kasi nga

on-going story. :(

Busy nga pala si Otor. May work ako para maka-bili ng food (para

mabuhay), makabayad sa kuryente (para may charge ang laptop), pambayad sa

internet (para may pang-upload sa watty). So yeah, kaunting patience.

Tapos dami kong silent readers. LOL

Oo nga pala, walang UD every Saturday kasi may workshop ako. Haha! XD

=================

Entry #48

Dear Future Boyfriend,

Ang bilis ng tibok ng puso ko kanina. Hindi ko maipaliwanag kung ano ba

ang nangyari sakin. Parang may butterflies sa stomach ko. Uminom nalang

ako ng maraming tubig para mawala ang weird feeling. Siguro hindi lang

talaga maganda na pagsabayin ang strawberry cake at hot choco. Palagi ko

nang tatandaan ‘yon. Kapag naging pastry chef na ako, hindi ko ‘yon

dapat i-recommend sa mga customers ko! >.<

Kaya hwag hwag mong pagsasabayin ang dalawang ‘yon okay? Baka

magkasakit ka sa puso! WAAH! >.<

Love,

Kayleen

=================

Kayleen

Kayleen

“Ang ganda talaga ng bahay nyo Ashleen!―

Hindi ko mapigilan ang humanga sa vacation house nila dito sa Baguio.

Malayo sa ibang bahay itong bahay nila at napapaligiran pa ng mga pine

trees. Dalawang palapag ang bahay nila, log house type ito at malawak ang

space sa loob. Ang pinaka-paborito kong part ng bahay ay ang kanilang

fireplace.

“Pang-ilang beses mo na yatang nasabi yan Kayleen! Parang first time mo

palagi makapunta rito,― sabi nya habang hawak ang blower at pinapatuyo

ang buhok nya. May heater sa loob ng bawat kwarto ng bahay nila pati na

rin sa banyo.

Nakahiga ako sa kama nyang napapaligiran ng malalambot na unan. Pink na

pink ang kwarto nya. Pakiramdam ko nakalutang ako sa mga ulap sa sobrang

lambot ng kama nya.

“Kapag naging mayaman ako, magpapatayo rin ako ng bahay na katulad

nito.― Pumikit ako para mangarap na may sarili akong bahay na katulad

nito. At dito rin kami magbabakasyon ng magiging pamilya ko sa future!

“Sissy! May naisip akong paraan para magkaron ka ng ganito!―

Napaupo ako sa kama nya. “Ano yon?!― excited kong tanong sa kanya.

Kumikinang na sigurado ang mga mata ko.

“Pakasalan mo ang kapatid ko!― ngiting ngiti na sabi nya.

Nawala ang ngiti at excitement ko. Binato ko sya ng unan nya. “Sira ka

talaga Ashleen! Mas bata ‘yon sa’kin! Tsaka kapatid mo ‘yon!―

“Eh ano naman? Ayaw mo sa kapatid ko? Gwapo naman sya ah. Tsaka mabait

pa! At nag-aaral pa syang mag-luto.― Ngumiti sya sa akin nang sobrang

tamis. “Diba gusto mo na magaling magluto?―

Sumimangot ako nang tuluyan at muling humiga para titigan ang nakakatuwa

nyang ilaw na hugis quarter moon o banana.

“Hindi ako interesado sa mga mas bata sa’kin Ashleen.―

“Alam mo Kayleen hwag kang masyadong choosy ha.―

“Bakit mo ba pinupush sakin ang kapatid mo? Di ka ba naiilang?―

“Bakit naman ako maiilang? Sa tingin ko kasi bagay talaga kayo eh. Diba

first kiss mo sya? Yiiieeh! Kinikilg ako!― Naihampas pa nya ng ilang

beses sa hangin ang hawak nyang suklay.

Tumayo na ako sa kama nya at naglakad papasok sa bathroom nya.

“Maliligo nalang muna ako. Feeling ko ang dirty ko dahil sa mga sinabi

mo. Wala akong balak maging cradle snatcher!―

“Hoy Sissy! Sobra ka naman sa cradle snatcher! One year and eight

months lang ang tanda mo sa kapatid ko!―

“Kahit na!― Sinarado ko na ang pinto kaya di ko na narinig pa ang

sagot nya.

Pagkarating namin kanina ni Ashton sa bahay ni Lola, mabilis syang

sinalubong ng pamilya nya. Alalang alala ang mga magulang nya sa kanya.

Si Ashleen naman ay sa akin dumiretso ng yakap dahil namiss na raw nya

ako. Kinurot lang nya sa magkabilang pisngi si Ashton nang lumapit sya sa

kapatid nya.

Nagpasya sila na umuwi muna rito sa bahay nila para matulog. Bukas ay

aalis na rin sila kaagad, idadaan lang nila ako sa bahay ni Lola bago

sila bumalik sa Laguna. Pagkatapos non, aalis na sila ng bansa para

magbakasyon.

Naghubad na ako ng mga damit ko at tumayo sa ilalim ng shower. Ang sarap

talaga sa balat ng katamtamang mainit na tubig. Feeling ko palagi pwede

akong tumayo rito forever. Kaya naman palaging ang tagal ko maligo.

Makalipas ang kalahating oras natapos din ako. Kinuha ko ang malaki at

makapal na pink towel ni Ashleen at pinulupot sa katawan ko. Sa

pagmamadali na makatakas kay Ashleen hindi ko na nagawang manghiram ng

damit pamalit kanina. Lumabas na ako ng bathroom.

“Ashleen—― napatigil ako nang makita ang likod ni Ashton. Wala si

Ashleen sa loob ng kwarto.

May kinukuha syang DVD mula sa collections ni Ashleen. Mabilis syang

humarap sa akin dahil sa gulat. Bigla nalang nyang nabitawan ang mga

hawak nyang DVDs nang makita ako.

Napatingin ako sa mga nalaglag na DVD. Nakita ko ang paborito kong

Rurouni Kenshin live action DVD. Lumapit ako para kunin yon. Tamang tama

gusto kong panoorin ulit to! Isang beses ko lang to napanood sa cinema

eh.

“Manonood ka?― tanong kay Ashton na hindi gumagalaw sa pwesto nya.

Nakatingin lang sya sakin at parang hindi pa humihinga. “Ashton?―

Bigla nalang syang tumakbo papunta sa pintuan ng kwarto. Nagmamadali

syang binuksan yon at lumabas. Naiwan naman ako na napatulala sa kanya.

“Ash!― narinig ko ang boses ni Ashleen kasunod non ay ang malakas na

pagsara ng pinto sa kabilang kwarto. “What did you do to my poor little

brother?� tanong nya sa’kin pagkapasok. May dala syang dalawang mug.

“Wala akong ginawa sa kanya,― todo iling ako. Hindi ko talaga alam

kung ano ba ang nagawa ko. Napakamot ako ng ulo.

Tinignan ako nang matagal ni Ashleen.

“B-Bakit?―

Umiling sya habang ngumingiti. “Wala. Ang cute nyo!―

***

“Tinetext mo parin ba si Mr Creeper mo Kay?― tanong sakin ni Ashleen

habang nilalagyan nya ng nail polish ang kamay ko. Si Ashleen ang tipo ng

kaibigan na aalalahanin ang pag-aayos sa kaibigan. Sya yung tipo na

saktong Kikay.

“Hindi masyado? Busy ako rito eh.―

“Thanks sa pag-asikaso mo sa kapatid ko ah?―

“Wala yon. Kapatid mo ‘yon eh.―

Tumingin naman sya sa akin at ngumiti. “Alam mo Kay, ang cute mo!―

“Palagi mo naman yang sinasabi sa’kin.―

“Naiinggit ako sa baby face mo. Ang bata mo tignan. Para kang si Dara,

bampira!―

“Pano ako naging bampira?―

“Hindi ka kasi tumatanda. Imortal.―

“Ayoko nga ng ganito eh. Ang liit ko na nga mukha pa akong fourteen

imbes na eighteen.―

“Hindi ka naman ganon kaliit. Diba nga tumangkad ka na?―

Napangiti ako. “Oo! One inch! Sana madagdagan pa!―

“Halika dito Kayleen. Try ko sayo yung french braid. Bagay ‘yon

sa’yo, mahaba ang buhok mo eh.―

“Yun ba yung pinakita mo sakin sa instagram?―

“Oo yun yon!―

“Waah! Gusto ko yon!―

Inumpisahan na nya ang pag-braid sa buhok ko. Kung minsan nahihigit nya

ang ilang hibla ng buhok ko kaya masakit pero hinahayaan ko nalang din

sya.

“Kayleen.―

“Mm?―

“Ano’ng tingin mo kay Ashton?―

“Ashleen!―

“Gusto ko lang malaman! Hindi ko kasi alam kung ano ba ang tingin sa

kanya ng ibang babae.―

Ngumuso ako. Sikat si Ashton sa school. Bukod kasi sa nasa banda sya,

gwapo rin sya at kapatid nya ang isa sa mga pinaka-magandang babae sa

school namin. Pero para sakin, si Ashton yung batang kasama ko kanina na

humawak sa kamay ko para hindi kami lamigin. Sya yung umihip sa mga kamay

ko para maalis ang lamig. Sya yung umakbay sakin sa harap nina Steve at

April. At sya yung lalaking unang humalik sa akin.

“Alam mo sa tingin ko si Trisha may gusto talaga sa kapatid ko. Kung

nandon ka lang sana para makita ang ginawa ni Trisha kay Ashton noong

party after graduation. Tsk tsk.―

“Bakit? Ano ang nangyari nung party?―

“Nag-confess sya ng feelings nya kay Ash sa harap ng maraming

bisita.―

“A-Ahh talaga?―

“Pero yung kapatid ko, wala eh. Ayaw nya.―

“Sinabi nya rin sa harap ng maraming tao?―

“Hindi. Kahit walang sabihin si Ash halata naman na ayaw nya. Di kasi

sya mukhang masaya, mas mukha pa syang disappointed. Sinabi nalang nya na

‘thank you’ tapos pumasok na sya sa loob ng bahay.―

Pinaharap ako ni Ashleen sa salamin. Nakita ko na nakaikot ang buhok ko

habang naka-braid. Naalala ko bigla ang Greece at ang ancient greek

hairstyle.

“Lakas talaga ng tama ng kapatid ko. Daming humahabol, iisa lang ang

hinahabol. Di ko naman sya masisisi.―

Kumunot ang noo ko. Bago ko pa matanong si Ashleen kung ano ang ibig

nyang sabihin tumalikod na sya at nagyaya na matulog. Habang nakahiga

hindi maalis sa isip ko ang pag-confess ng feelings ni Trisha kay Ashton.

Paano kaya kung natuloy noon ang pagsabi ko kay Ryan na gusto ko sya? Ano

kaya ang isasagot nya sakin? 'Thank you' rin kaya? Baka pagtawanan lang

ako non. May girlfriend na kasi sya.

=================

Kayleen

Kayleen

Nakapikit na ako at sinusubukan na matulog nang maramdaman kong mag-

vibrate ang cellphone ko. Tumingin ako sa katabi kong mahimbing na

natutulog. Dahan-dahan akong umupo sa kama at tinignan ang cellphone ko.

Isang text message ni Mr Creeper ang nakita ko.

1 New Message

From: Mr Creeper

Those who snore always fall asleep first. :)

Napatawa naman ako bigla sa text nya. Kaagad akong nag-reply.

To: Mr Creeper

Guess you’ll never know.

_______________________________________

From: Mr Creeper

I want to know. :)

_______________________________________

To: Mr Creeper

Ha! Tough luck Mr Creeper! :P

Nakangiti akong lumabas ng kwarto. Iniwan ko si Ashleen na natutulog.

Baka maabala ko sya sa tawa ko. Nakapatay ang lahat ng ilaw sa bahay.

Tanging ang fireplace lang ang nagbibigay liwanag sa loob ng bahay.

Nagulat ako nang makita na nasa sala pala si Ashton. Hawak nya ang

kanyang cellphone at may naglalarong tipid na ngiti sa kanyang labi.

Ngayon ko lang yata nakita ang ganong expression sa mukha nya. Lalo pa na

ngayon ay nagbibigay ng soft glow sa mukha nya ang apoy sa fireplace.

Tatawagin ko sana sya pero biglang nag-vibrate ang phone ko.

From: Mr Creeper

Bakit gising ka pa?

Nakuha yata ng ilaw mula sa cellphone ko ang atensyon ni Ashton. Napatayo

sya mula sa sofa nang makita ako na nakatayo di kalayuan sa kanya.

“K-Kayleen?!― parang kinakabahan na sambit nya sa pangalan ko.

Ngumiti ako sa kanya. “Nagulat ba kita?― Lumapit ako at umupo sa sofa

na kinauupuan din nya. “Bakit gising ka pa?― Napatingin ako sa hawak

nyang cellphone. “Ah. May kausap ka pa.―

“O-Oo.― Unti-unti syang umupo sa tabi ko. Para pa ngang di sya sure

kung dapat ba syang umupo.

“I’m sorry, naabala pa yata kita.� Tumayo ako. “Balik nalang ulit

ako sa loob.―

May mainit na kamay na humawak sa braso ko kaya di ko nagawang lumayo.

“No! Stay!―

Nakatingala sa akin si Ashton nang lingunin ko. Para namang nahiya na

binawi nya ang kamay na nakahawak sa akin. Tumingin sya sa ibang

direksyon. Umupo na ulit ako sa sofa. Huminga ako nang malalim nang

lumubog ako sa inuupan ko, ang lambot talaga.

Tumingin ako sa fireplace. Pumikit ako sandali at muling dumilat. Nakita

ko ang gitara ni Ashton sa lamesa sa harap namin.

“Palagi mong dala ang gitara mo kahit saan ka pumunta, no?―

Tumikhim sya at umayos ng upo. “Importante kasi sa’kin yan.―

Tumango ako. “Good luck sa college ha. Mamimiss ka ng kapatid mo kasi

sa music school ka na papasok. Kaya palagi mo syang tawagan.―

“Do you think I should go?―

“Go saan?―

Yumuko sya at pinaglaruan ang cellphone nya sa kamay nya.

“S-Sa music school.―

“Oo naman,― mabilis kong sagot sa kanya.

Tumingin sya sakin. “Bakit?―

“Tulad ng sabi ni Lola, baka masayang ang talent mo kung di mo

hahasain.―

Kumunot saglit ang noo nya. “Malayo ang school ko.―

Umayos ako ng upo paharap sa kanya.

“Hindi ka ba uuwi every weekend? May kinuha raw na apartment sina Tito

para sa’yo ron diba? Para malapit ka lang sa school. Ang sarap siguro

ng feeling na independent.―

Sumandal sya sa sofa at diretso lang ang tingin sa apoy na naglalaro sa

fireplace. Ang seryoso ng mukha nya, parang may malalim syang iniisip.

Napatitig ako sa mukha nya. Hindi ko na namalayan kung ilang minuto ko na

syang tinititigan. Ipinilig ko ang ulo ko. Ano ba ang ginagawa ko?

“Ayaw mo ba sa magiging school mo?―

“Masyadong malayo.―

“Alam mo ba, balak kong pumunta sa Paris para kumuha ng patisserie

courses. Mas malayo yon kaysa sa school mo.―

“B-Bakit ka lalayo pa? Meron din naman dito?― Yun din ang sabi sakin

nina Mama at Papa.

“Oo, pero gusto ko rin kasi na maexperience ‘yon. Mapalibutan ng mga

taong sagad ang passion pagdating sa baking. Gusto kong matutunan ang

style nila pagdating sa pastries.― Ngumiti ako nang malapad. Naiimagine

ko na ang future ko.

Naramdaman ko ang pagtitig sa akin ni Ashton kaya nilingon ko sya.

“May nakapag-sabi sakin nito dati; may alam ang bawat isa sa atin na

hindi alam ng iba. Katulad nalang ng baking, doon ako magaling at ikaw

naman sa music. Kung saan ka interesadong subject, doon ka mag-eexcel.

Kaya mas lumakas ang loob ko na umalis at pumunta sa France para mag-

aral. Gusto kong maging magaling na pastry chef.― Kapag nakauwi na ako

galing sa France na may ipon, magtatayo ako ng bakeshop o coffee shop.

Na-eexcite na ako! “Ikaw Ashton? Ano ba ang pangarap mo?―

Nakatingin lang sya sa akin nang matagal at hindi nagsasalita. Hindi ko

mabasa ang nasa mukha nya.

“Bakit?―

Nagulat sya at umiling sa’kin.

“Hindi mo pa ba alam kung ano ang gusto mo?―

Hindi sya sumagot sa akin. Tumingin sya sa gitara nya. Naikwento sa akin

ni Ashleen kung paano nakuha ni Ashton ang gitara na yon. Six years old

palang daw si Ashton noong nag-umpisa syang mag-ipon. Lahat ng pera na

ibinibigay sa kanya tuwing pasko inilalagay nya sa malaki nyang piggy

bank. Ni ayaw nyang humingi ng tulong sa parents nya. Ganoon kasi sila

pinalaki, hindi dahil mayaman sila ay pwede na nilang hingiin ang lahat.

Palihim din na naglalagay ng pera doon si Ashleen para matulungan ang

kapatid nya. Noong eight birthday nya, binuksan nya ang piggy bank at

bumili ng gitara pero dahil medyo maliit pa ang mga kamay nya medyo

nahirapan syang tumugtog. Nagamit lang nya ang gitara nang maging nine

years old na sya at hindi na nya iyon nabitawan pa.

Alam ng lahat na in love si Ashton sa musika. Pero ano pa kaya ang mas

mahalaga sa music para kay Ashton para magdalawang isip sya? Bakit parang

ayaw nyang pumasok sa music school?

“Inaalala mo ba ang kapatid mo? Ako ang bahala sa kanya.― Ako at si

Alex ang bahala kay Ashleen kapag namimiss nya ang kapatid nya.

“Sino naman ang bahala sa’yo?―

Napakurap ako. “Ha?―

“W-WALA! G-Gusto mo bang tugtugan kita?― Kinuha nya ang gitara mula

sa mesa. Kahit matagal na nyang pag-aari ang gitara na yon, alagang-alaga

parin nya. May dalawa pa syang gitara na nakikita kong ginagamit nya rin

sa mga battle of the bands.

Bigla akong natuwa. “Sige.―

Pinanuod ko sya habang inaayos nya sa lap nya ang gitara nya. Ito ang

unang beses na tutugtog sya para sa akin. Biglang uminit ang pisngi ko.

Ito na naman ang weird feeling.

Nang mag-umpisa na syang tumugtog nahipnotismo nya ang tenga ko. Hindi

ako pamilyar sa tinutugtog nya at iba rin ito sa tinugtog nya noong

kasama namin sina Steve. Habang tumatagal ang pagtitig ko sa kanya mas

nagiging weird ang pakiramdam ko. Parang ang sarap sa pakiramdam, yung

puso ko ang saya-saya. Sigurado magiging sikat na recording star si

Ashton. Kumakanta rin ba sya?

“Ano’ng title?― curious kong tanong nang matapos sya.

“W-Wala pa.― Hindi sya nakatingin sa akin.

Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kanya. “Ikaw ang nag-compose?―

Tumango sya.

“Ang galing mo naman!― Binigyan ko sya ng palakpak.

Bilog na bilog ang mata ni Ashton nang tumingin sa akin.

“Sigurado pagkakaguluhan ka ng mga recording companies,― nakangiti

kong sabi sa kanya. “Siguro pagka-uwi ko galing Paris sikat na sikat ka

na! Baka hindi mo na ako matugtugan ng libre!― natatawa kong biro sa

kanya.

“Imposible.―

“Hindi ka ba naniniwala na sisikat ka? Ang galing mo—―

Bigla nyang sinalubong ang tingin ko. “Na hindi na kita matutugtugan ng

libre,― sabi nya sa akin nang seryoso. Agad nya ring binawi ang tingin

nya sa akin at inayos ang hawak nya sa gitara nya.

Nakampante ako bigla sa kanya. Di ko na matandaan kung bakit ba inisip ko

noon na nakakatakot sya. Sa tingin ko naman sweet syang bata.

Ngumiti ako. “Tatandaan ko yan ha.―

Nakita ko syang ngumiti. Itinaas ko ang dalawa kong paa sa sofa at

niyakap ang mga binti ko. Sumandal ako sa sofa at hindi ko inalis ang

tingin ko kay Ashton. Hindi na maalis ang ngiti sa labi ko.

“Tugtugan mo pa ako ng isa pa.―

Pinanood ko sya na tugtugan ako ng isang kanta na nasundan pa ng isa at

ng isa at ng isa pa. Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.

Nagising nalang ako na wala na ang apoy sa fireplace at lumiliwanag na sa

labas. Hindi ko alintana ang lamig sa paligid dahil sa init ng katabi ko.

Natutulog si Ashton sa tabi ko, nakapatong ang dalawa nyang paa sa lamesa

at nakasandal ang ulo nya sa tuktok ng ulo ko. Nakasandal naman ako sa

balikat nya at ang ulo ko ay nakadikit sa dibdib nya. Ramdam ko ang init

nya at dinig ko ang tibok ng puso nya. Ang komportable sa pakiramdam,

ayoko nang umalis pa. Kaso natatakot akong may makakita sa amin lalo na

si Ashleen, baka tuksuhin na naman ako nun.

Tinatamad na lumayo ako kay Ashton. Marahan akong lumayo sa kanya para di

sya magising. Nakita ko naman ang cellphone ko sa tabi ko. Tinignan ko

ang oras, five-thirty na ng umaga. Binuksan ko ang inbox, nakalimutan

kong magreply kay Mr Creeper.

To: Mr Creeper

Good morning. :)

Sorry. I fell asleep. >.<

I hit send at inilagay ko na sa bulsa ko ang phone ko after. Nakita ko

naman na nag-vibrate ang cellphone ni Ashton sa lamesa katabi ang gitara

nya. May nag-text yata sa kanya. Ang aga naman mag-text ng taong ‘yon.

Tumingin ako sa natutulog pa na si Ashton. Mukhang mahimbing naman ang

tulog nya at hindi magigising agad. Ngumuso ako at tinignan ulit ang

cellphone nya. Hindi ko ‘yon dapat na pakialamanan. Ewan ko ba sa

coffee shop at naging pakialamera ako. May mali talaga sa strawberry cake

at hot choco na ‘yon.

Nang tumayo ako may biglang pumasok na ideya sa isip ko. Hindi ako

mapakali. Ayaw akong tantanan ng pakiramdam ko na may mali sa cellphone

ni Ashton. Nagumpisa iyon noon sa coffee shop, kaya siguro gusto kong

tignan. Pero ang absurd ng idea na yon. Nakakatawa.

Umiiling na in-open ko ulit ang cellphone ko. Naghanap ako ng quotes na

sinend sa akin ng classmates ko bilang GM. Pumili ako ng magandang quote

at finorward ko kay Mr Creeper.

Matapos kong i-hit ang send ay muling umilaw ang cellphone ni Ashton.

Tinitigan ko ang ilaw na ‘yon nang ilang segundo hanggang sa muli iyong

mawala. Pigil ang hininga na lumipat ang tingin ko sa mukha ng

nakababatang kapatid ng bestfriend ko. Imposible.

=================

Important Note

Please Read.

Don’t worry hindi ito note ng Otor kung saan sasabihan ko kayo na mag-

vote o comment o follow. Hahaha! Noong baguhan ako sa wattpad, gawain ko

mag-leave ng AN pero ngayon hindi na. LOL

May sira kasi ang Wattpad at kung minsan ay naka-CUT nya ang ilang

updates ko pati na rin sa ibang Otors. Mas safe basahin ang stories kung

Wattpad App o Mobile Site ang gamit nyo. Madalas kasi CUT ang chapters

kapag nasa desktop o Full Website ang watty.

Libre ang Wattpad sa Globe, kahit wala kang load o wifi, pwede kayong

magbasa gamit ang Wattpad App o Mobile Site. Pinaka-maganda parin

gamitin ang wattpad app of course, complete doon mababasa ang mga

chapters, pwede nyo rin mabasa ang mga private chaps. Pero yun nga, kung

medyo di kaya ng phone ang app, stick nalang kayo sa mobile site.

Thanks sa lahat ng mga readers na nagle-leave ng mga wonderful comments

at sa lahat ng silent readers pero di nakakalimutan mag-vote para

iparamdam nila na like nila yung story. (Silent lovers? LOL) Nakakatuwa

magbasa ng comments. Kaya masipag ako mag-update araw-araw e! Yeah, you

rock! LOL

ONE MORE THING! No updates every Saturday dahil may workshop ako sa

manila. Busy day! Kekeke!Â

So yeah, that’s it! Have a nice day and enjoy reading! :D

XOXOÂ

Alesana Marie

=================

Entry #49

Dear Future Boyfriend,

Imposible. Imposible talaga! Napaka-imposible non! I’m sure coincidence

lang yung nangyari. I am sure! 100% sure ako, okay?! Basta hindi pwedeng

mangyari yon! Imposible nga kasi diba? Diba?!

Wala akong mapagsabihan na kahit na sino kundi ikaw lang. Ikaw lang ang

meron ako... este... ikaw lang kasi ang silent reader ko. I mean...

basta! Sa oras kasi na mabasa mo to, tayo na! At matagal na ang lumipas

para balikan pa ang problema na ito. Pero... ano ba ang sinasabi ko?! Ang

gulo ng utak ko! Hindi ako makapag-function ng maayos.

Anong gagawin ko? Naiilang ako. Hindi ko sya matignan. I mean... bakit

ako? Hindi hindi hindi! Hindi ako! Kasi nga hindi sya yon! Napaka-

imposible talaga diba? ‘Oo! Imposible yon Kayleen!’ I’m sure ito

ang isasagot mo sakin tapos tatawanan mo ako. HAHAHAHA! Natatawa ako sa

hinala ko. Sobra! Gusto kong... gusto kong... hindi ko alam kung ano ang

gusto ko. Hindi ako makapag-isip. Parang na-virus ang utak ko!

Nag-text si Mr Creeper ngayon lang. Rereplyan ko ba sya?

Love,

Kayleen

=================

Entry #50

Dear Future Boyfriend,

I’m sorry kung nag-freak out ako kanina. Ang gulo ng last entry ko.

Umalis na sina Ashleen at ang pamilya nya. Kumain lang kami ng breakfast

tapos hinatid na nila ako kina Lola. Hindi ko talaga alam kung ano ang

mararamdaman ko. Ayokong mag-assume! Ayokong matulad kay Ryan ang

nangyayari ngayon. Tapos magmumukha na naman ako... asumera! Ayoko! >.<

Kaya hindi ko nalang siguro iisipin yon. Bakit ba kasi ang curious ko?

Shucks nakakahiya! Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin! Mas

mabuti naman talaga kung kakalimutan ko nalang diba? Kasi di naman talaga

ako sure. Baka nga coincidence lang yon e! Tapos nag-freak out ako

kaagad?

Kasi alam mo yon... wait. May naalala ako. Shems! Nakita nya akong naka-

towel lang! Yun ba yon?! Kaya ba sya tumakbo palabas ng kwarto kasi may

gusto sya sakin?! Yun ba yon?! Hindi ko naman kasi sya nakikita bilang

ibang tao, sya ang nakababatang kapatid ng bestfriend ko. Alam mo yon...

wala lang sakin yung nangyari! Hindi ko naman kasi alam! Nasanay ako kay

Kuya Dylan na okay lang kahit na maglabas pasok ako sa banyo na nakatowel

lang. Kung minsan kasi di ko maipasok sa loob ng banyo ang uniform ko. So

ang ibig kong sabihin... ganon nga. Wala lang. Pero hindi pala!

Pero nababaliw na yata ako! Kasi imposible nga itong iniisip ko diba?

Imposible na si Ashton si Mr Creeper diba? Imposible syang magkagusto sa

akin! Sobra diba?!

Kailangan ko pa ba syang tawagan para lang ma-confirm? Pero shucks

ayokong malaman! Paano kung sya nga?! Paano? Alam na nya ang mga

insecurities ko sa life! At ni-quote ko pa sa kanya kagabi yung sinabi

nya sa akin noon sa text! OMG! Inaway ko ba sya noon?! Tapos ang taray ko

pa sa kanya makipag-usap!

Babasahin ko ulit ang mga texts namin! Lupa! Bumuka ka, kainin mo ko

ngayon din! >.<

Love,

Kayleen

=================

Entry #51

Dear Future Boyfriend,

Tinawagan ko sya! Tinawagan ko si Mr Creeper! Ang tagal ko nag-ipon ng

lakas ng loob para tawagan sya. Ilang oras kong tinitigan ang cellphone

ko. Nakatutok ang mga mata ko sa number nya. Sa sobrang pagtutok ko

nakabisado ko na nga eh! Matutuwa ang math teacher ko nito!

Ilang tampal sa pisngi ang inabot ko para lang matauhan! Ilang beses kong

nasabunutan ang sarili ko para lang magising mula sa pagkakatulala.

Nagtataka na nga sina Mama kung bakit hindi ako nalabas ng kwarto ko. Ang

sabi ko nalang sa kanila kanina, napuyat ako dahil nag-usap pa kami ni

Ashleen! Nagsinungaling ako! Alam mo ba yung feeling na nagsinungaling

ako kay Mama?! Si Ashton ang kausap ko hindi si Ashleen! Si Ashton ang

kasama ko na nagpuyat kagabi! Pero dahil nga sya si Mr Creeper eh biglang

nabuhol ang dila ko! Hindi ko kayang sabihin kina Mama na si Ashton ang

kasama ko kagabi. Kahit na alam kong wala lang yun sa kanila, pero kasi

iba na ngayon.

Kanina sa wakas nagawa ko na rin syang tawagan. Dinial ko ang number nya

at nag-hintay. Pero lahat ng efforts ko ay nauwi sa wala! Alam mo kung

bakit?! Kasi ‘the subscriber can not be reached’.

Â

Muntik na akong mapasigaw sa sobrang tense, alam mo ba yon?! Kaso hindi

ko nagawa kasi baka mapagkamalan akong baliw ni Lola. Kaya dito ko nalang

ibubuhos lahat! Ang tagal kong inipon ang lakas ng loob ko para harapin

ang katotohanan! Alam mo yung feeling na wala kang mapagsabihan kasi...

hindi mo masabi sa iba?!

Â

Bakit sa dinami-dami ng oras ngayon pa naka-off ang cellphone nya? Saan

ba sya pumunta? Sa lugar na walang signal? Hindi kaya na-lowbat ang

cellphone nya habang nasa byahe? Pwedeng mangyari yon! So, si Ashton nga

si Mr Creeper dahil wala syang charger?! Ganon ba yon?! Tulungan mo akong

mag-isip dito! Mababaliw na yata ako!

Love,

Kayleen

=================

Entry #52

Dear Future Boyfriend,

Kumalma na ako. Uminom ako ng maraming gatas, tsaa at tubig para lang

kumalma. Siguro okay na rin na hindi nya sinagot ang tawag ko. Hindi rin

kasi ako handa kung sakali man na tama ang hinala ko. Ano’ng gagawin ko

kung sya nga yon? Kakausapin ko parin ba sya bilang Mr Creeper o lalayo

ako? Lalayuan ko ba si Ashton? Sasabihin ko ba sa kanya na alam ko na?

Hindi ko makalimutan ang ngiti nya habang nakatingin sa cellphone nya sa

harap ng fireplace. Kung gaano ka-soft ng features ng mukha nya non,

tumatak sa isip ko. Ka-text ko rin non si Mr Creeper. Coincidence rin ba

yon?

Hindi naman ako galit dahil hindi nya sinabi ang pangalan nya sa akin.

Hindi rin ako galit kung nilihim man nya. Actually, nagulat lang talaga

ako. Hindi ko kasi alam na magiging sya ‘yon. Kung si Ashton nga yon.

Hindi parin kasi ako makapaniwala. Medyo natatakot ako nang kaunti.

If ever, at isa ‘yong malaking IF, na sya nga si Ashton... alam kaya ni

Ashleen ang tungkol dito? Magkapatid sila at close silang dalawa. Nasabi

kaya ni Ashton kay Ashleen? Kaya ba nya ako pinupush sa kapatid nya? Kung

alam ni Ashleen...

May naalala ako bigla. Sinabi sa akin dati ni Ashleen na ibinigay nya ang

number ko kay Ashton para mag-sorry. Coincide—Ah! Ayoko na muna mag-

isip! Ayoko pa! Ayaw! Sumasakit na ang ulo ko. Makikipaglaro nalang muna

ako kay Toothless.

Love,

Kayleen

=================

Entry #53

Dear Future Boyfriend,

Nag-sasawa ka na ba dahil puro si Ashton ang topic ko? Siguro ngayon pa

lang nag-seselos ka na. Wala kasi akong mapaglabasan ng mga iniisip ko

eh. Sorry.

Akala ko kanina nang makipaglaro ako kay Toothless mawawala ang iniisip

ko pero... Dumating si Tita Sylvia dala ang one year old nyang baby.

Ibinigay nya muna sa akin si Baby Nico para makatulong sya kina Lola

magluto ng pagkain namin. Ah, nakalimutan kong sabihin, isa itong fact;

magaling akong magpatulog ng mga babies. Attracted sa akin ang mga

babies, palagi nila akong nginingitian. Sa tuwing umiiyak sila, makita

lang ako mapapatigil sila at titignan ako nang matagal tapos bigla silang

tatawa. Kaya ito ang role ko sa angkan namin, babysitter.

Bumalik tayo sa sinasabi ko kanina, habang pinapatulog ko si Baby Nico

nag-hum ako ng isang kanta. Ang tagal kong ginawa yon at paulit-ulit.

Nang bumalik si Tita Sylvia, tinanong nya ako kung ano ba yung kinanta

ko, maganda raw kasi pakinggan. Natulala ako at nabuhol ang dila ko.

Hindi ko kasi alam kung ano ang isasagot ko sa kanya, wala pa kasing

title ang kanta na yon.

Hindi ko napansin na yun pala ang tinugtog ni Ashton para sa akin.

Pumasok na naman sa isip ko kung paano sya ngumiti sa akin. Ngayon alam

ko na kung bakit parang palagi syang naiilang sa akin. Nafu-frustrate

ako!

Paulit-ulit na nag-play sa utak ko kung paano sya tumugtog ng gitara.

Naalala ko rin yung feeling na  nakatulog kaming dalawa sa sofa. Sana

pwede ko’ng balikan ang gabing ‘yon. Sana hindi ko ginawa dahil lang

sa curiosity. Sana hindi ko sya tinext. Sana hindi ko nalaman. Eh di sana

ngayon... hindi ko mare-realize na gusto ko rin pala sya. Gusto ko pala

sya. Gusto ko rin na maging sya si Mr Creeper. Naiiyak ako kasi gusto ko

pala sya. Pero masyado pang maaga. Siguro ililihim ko nalang muna sa

kanya na alam ko na.

Nag-seselos ka ba? Sorry.

Love,

Kayleen

=================

Entry #54

 Dear Future Boyfriend,

Wow. Hindi ako makapaniwalang nasabi ko ‘yon sa’yo. Kahit ako, hindi

ako makapaniwalang nararamdaman ko pala yon para sa kanya. Pero ito ang

tanong na paulit-ulit na umiikot sa isip ko ngayon; gusto ko lang ba si

Ashton dahil alam kong gusto nya ako? At nandyan pa yung BIG IF sya nga

si Mr Creeper.

Nagustuhan ko lang ba sya kasi gusto nya ako? O naging aware lang ako sa

feelings ko kasi nalaman kong gusto nya pala ako? Itinanggi ko nang

itinanggi pero yun naman pala gusto ko sya?

Nilista ko yung mga pagkakataon na nagpapatunay na sya nga si Mr Creeper.

1.     Tatlong beses nag-vibrate ang phone nya nang mag-text ako

kay Mr Creeper (first time sa coffee shop, second and third sa vacation

house nila).

2.     Hindi ako masyadong tinetext ni Mr Creeper noong alam ko na

busy si Ashton sa graduation nya.

3.     Pareho silang lilipat ng school.

Enough evidence na kaya ‘to? Mag-iisip pa ako ng iba.

Love,

Kayleen

=================

Message #28

1 New Message

From: Ashleen BFF <3

Ang ganda dito sa Tokyo! <3

_______________________________________________

To: Ashleen BFF <3

Nakita ko nga sa post mo sa instagram. :)

_______________________________________________

From: Ashleen BFF <3

Bukas pupunta kami sa Osaka!

Pupunta kami sa Harry Potter world!

So excited! :D

_______________________________________________

To: Ashleen BFF <3

Ilang araw kayo dyan?

_______________________________________________

From: Ashleen BFF <3

Dapat two weeks kaming mawawala.

1 week sa Japan then 1 week sa Hongkong,

Pero 1 week lang kami na magbabakasyon.

4 days lang kami here & 3 days sa HK. :(

_______________________________________________

To: Ashleen BFF <3

Hala bakit?

_______________________________________________

From: Ashleen BFF <3

Si Ashton kasi ee. :(

_______________________________________________

To: Ashleen BFF <3

Anong nangyari kay Ashton? :O

_______________________________________________

From: Ashleen BFF <3

Ewan ko ba sa kapatid ko.

Ang weird nya ulit. Mas weird ngayon. :(

_______________________________________________

To: Ashleen BFF <3

Paano weird? :O

_______________________________________________

From: Ashleen BFF <3

Kung anu-ano ang nadadanggil nyang gamit.

Tapos palagi syang nakakabangga ng tao.

Muntik pa nyang malaglag yung new Ipad nya.

Parang wala rito sa Japan ang isip nya.

_______________________________________________

To: Ashleen BFF <3

Baka may sakit?

_______________________________________________

From: Ashleen BFF <3

Oo nga. Lovesick! :D

Namimiss ka na siguro. Haha!

_______________________________________________

From: Ashleen BFF <3

Uy! Di nakareply! Speechless! Haha! I kennot!

_______________________________________________

To: Ashleen BFF <3

Ashleen!

Bakit mo ba kami pinapag-pair?

_______________________________________________

From: Ashleen BFF <3

Ang cute nyo kasing tignan! Kinikilig ako! I kennot!

#AshLeen FTW!!!!

=================

Entry #55

Dear Future Boyfriend,

Tinatanong na ako nina Mama kung bakit di mawala ang ngiti sa labi ko.

Tinanong pa ni Lola kung dahil daw ba yon kay Steve. Hindi ko parin

masabi kay Lola na hindi na nanliligaw sa akin si Steve dahil sa ginawa

ni Ashton. Marami na silang napapansin sa akin pero di ko masagot ang mga

tanongn nila.

Naalala ko na naman yon. Kaya ba nya ginawa yon kasi gusto nya ako? See?

Lahat nalang ng naalala ko kasama si Ash tinatanong ko sa sarili ko kung

may na-miss ba ako na signal? Naging slow ba ako? Gusto nya ba talaga ako

o baka naman simpleng crush lang yon?

Naalala ko rin yung sinabi ni Ashleen na nag-confess ng feelings si

Trisha kay Ashton. Maganda si Trisha pati na rin ang boses nya. Sya ang

bokalista ng banda nila at sobrang dami ng fans non. Pero sabi ni Ashton

‘Thank you’?

Magco-confess ba ako sa kanya? Ayoko! Nakakahiya! Sya yung lalaki kaya

sya yung magsabi dapat! Ayoko! Ayoko! Ayoko! Mas mabuti pa na ilihim ko

nalang na gusto ko sya! Ayoko talaga! Tapos nag-assume lang pala ako?

Tapos crush lang pala yun! Baka nga sa music school may makilala syang

babae na mamahalin nya! So pano ako? Basted ako?! Ayoko! Secret nalang

‘to! Di ko sasabihin sa kanya!

Love,

Kayleen

=================

Entry #56

Dear Future Boyfriend,

Dapat talaga tigilan ko na ang pagsusulat dito tungkol kay Ashton kasi

baka hindi ikaw sya eh di nasaktan ka pa. Dapat talaga Dear Ashton nalang

‘to eh. Kasi naman may gusto akong sabihin sa kanya. Utang na loob

Ashton! Tantanan mo na ako! Bakit di ka maalis sa isip ko?! Nandyan ka na

nga sa Japan pero bakit iniisip kita? Namimiss ba kita?! Ito na ba yon?

Ito na ba ang sign? Mababaliw na yata ako! Hindi naman ako ganito kay

Ryan ah!

Nababaliw na ako sa iyo~

Ako’y litong lito

Naloloka, nahihibang

Sa kaiisip sa’yo~ Sa’yooo~

Ito yung moment na makikinig na ako sa mga love songs. Hindi ko narealize

na kumakanta na pala ako ng mga love songs! Natigil na ang pagkanta ko ng

2NE1 songs. Nababaliw na ako. Ito ang epekto mo! Bakit ba kasi? Bakit?

Bakit ba kasi? Dati oo gusto ko ng boyfriend pero ngayon, ganito pala ang

epekto non!

Â

Itanong mo sa akin

At tatanungin ko rin

Kung ika'y aamin

Lahat ay gagawin~

Â

Hindi ko talaga alam kung naiinis ba ako sa kanya? Hindi kasi nya ako

tinetext! Bakit si Ashleen tinext ako? See? See? Di nya ako gusto! Ayoko

na! Hindi ko na sya iisipin!

Love,

Kayleen

=================

Entry #57

Dear Future Boyfriend,

Alam mo ba na nagkabalikan na ang loveteam na Marvin at Jolina? Ang

saklap. Bakit? Bumalik na ang MarJo pero hanggang ngayon wala parin syang

text sakin. Anong petsa na? Ano ba ang hinihintay nya? Ni hindi nya na

nga ako nareplyan sa pinasa kong quote noon sa vacation house nila.

Kapag talaga lumipas ang araw na ito at wala parin syang text sa akin...

magkalimutan na kami! Di ko na ulit sya papansinin! Katulad dati. FO na

kami!

Siguro nakakita sya ng cute na haponesa dun... yung mukhang anime. O kaya

kamukha ni Hermione. Hmmp.

Love,

Kayleen

=================

Message #29

1 New Message

From: Mr Creeper

Hi Kayleen!

Kumusta na? :)

_____________________________________________

To: Mr Creeper

Ok lng.

_____________________________________________

From: Mr Creeper

Galit ka ba?

_____________________________________________

To: Mr Creeper

Bkit mo nman nasabi?

_____________________________________________

From: Mr Creeper

Para kasing di ka masaya na nag-text ako. :(

_____________________________________________

To: Mr Creeper

Dapat ba?

_____________________________________________

From: Mr Creeper

Sorry na. :(

=================

Message #30

1 New Message

From: Mr Creeper

Hey. :(

_____________________________________________

To: Mr Creeper

Ano?

_____________________________________________

From: Mr Creeper

I miss you.

_____________________________________________

To: Mr Creeper

Okay.

_____________________________________________

From: Mr Creeper

Bati na tayo. :(

_____________________________________________

To: Mr Creeper

Nag-away ba tayo?

_____________________________________________

From: Mr Creeper

Galit ka. :(

_____________________________________________

To: Mr Creeper

Bakit nman ako magagalit?

_____________________________________________

From: Mr Creeper

Di ko alam. :(

_____________________________________________

To: Mr Creeper

Busy lng ako.

_____________________________________________

From: Mr Creeper

Anong ginagawa mo?

_____________________________________________

To: Mr Creeper

Kausap si Steve.

_____________________________________________

From: Mr Creeper

Bakit kayo magkasama?

_____________________________________________

To: Mr Creeper

Bkit mo gustong malaman?

_____________________________________________

From: Mr Creeper

Ayoko kayong magkasama.

_____________________________________________

To: Mr Creeper

Bakit naman?

_____________________________________________

From: Mr Creeper

Basta. :(

_____________________________________________

To: Mr Creeper

Di mo nga sya kilala eh.

Malay mo pinsan ko pala sya.

_____________________________________________

From: Mr Creeper

Pinsan mo ba sya? :(

_____________________________________________

To: Mr Creeper

Hindi.

_____________________________________________

From: Mr Creeper

Nasan ka? :(

_____________________________________________

To: Mr Creeper

Sa bahay ni Lola.

Ikaw?

_____________________________________________

From: Mr Creeper

Malayo sayo. :(

=================

Entry #58

Dear Future Boyfriend,

Nag-text na sya sakin. Sinungitan ko sya. Kasi naman! Sya kasi e!

Pinaghintay nya ako! Nakakainis pala maghintay ng text? Yun tuloy,

nagsinungaling pa ako sa kanya para mainis sya. Di ko naman talaga kausap

si Steve. Kaso para namang di sya nainis. Diba dapat mag-selos sya? Diba

dapat ganon yun?

Basta! Gusto ko muna suyuin nya ako. Bumawi sya dapat! Ang tagal nya kaya

ako pinaghintay sa text nya tapos ang unang text nya sakin ‘kumusta’?

Hmp! Miss na raw nya ako, mukha naman hindi.

Nalulungkot ako na ewan. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko.

Masaya ako nung nagtext sya pero naiinis ako sa kanya eh!

Naging sumbungan ko na talaga ang diary kong ito. Dapat talaga gumawa na

ako ng ibang diary, yung dedicated sa kanya.

Teka, ikaw ba sya? Kung mabasa mo ‘to Ashton, ibig sabihin ikaw ang

naging boyfriend ko. At ngayon, alam mo na kung bakit kita sinungitan

nung oras na yon, pinaghintay mo kasi ako. Hwag mo na yon uulitin ha.

Pero kung hindi naman ikaw si Ashton, tandaan mo parin na ayokong

pinaghihintay kasi... kung mawawala ka, atleast magpaalam ka. Ayoko ng

iniiwan sa ere, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko eh.

Love,

Kayleen

=================

Entry #59

Dear Future Boyfriend,

Tama ba ‘tong ginagawa ko? Pinagseselos ko ang isang bata? Bakit ko ba

to ginagawa?! Nababaliw na ba ako?! Malapit na akong mag-eighteen pero

isip bata parin ako! Hwah! Paano ‘to?

Malapit na ang debut ko. Iinvite ko ba sya? Natural kapatid sya ng

bestfriend ko! Tapos... pano yung eighteen roses? Paano escort ko?

Tatanungin nya ba ako? Ako ba dapat ang magyaya na maging escort sya?

Hala! Paano kung malaman nya na gusto ko sya? Ayoko mahalata!

Pano kung ipilit ni Lola na si Steve ang gawin kong escort? Ayoko nga! Si

Squidward ang escort ko? Ayaw! Kinikilabutan ako. >.<

Si April at yung boyfriend nya break na raw, narinig kong kwento ni Lola

Lusing kay Lola. Tapos ngayon kay Kuya Dylan nila pine-pair! Bakit ba

nila kami pine-pair sa dalawang yun? Hmm. Di talaga ako papayag na maging

sila ni kuya! Hindi pwede! Kailangan kong mag-plano nang mabuti para

masabotahe ang date nila bukas! Aja!

Love,

Kayleen

=================

Message #31

2 New Messages

From: Mr Creeper

Galit ka pa? :(

_____________________________________________

From: Mr Creeper

Bati na tayo please? :(

_____________________________________________

To: Mr Creeper

Alam mo ba kung kailan ang birthday ko?

_____________________________________________

From: Mr Creeper

Of course! :)

It’s my favorite day of the year.

_____________________________________________

To: Mr Creeper

Pupunta ka ba?

=================

Entry #60

Dear Future Boyfriend,

Turn off ba kapag sinabi ko sa’yo na pinlano kong lasunin si April

kanina? Well, actually di naman sya namatay at medyo malayo naman sa

kamatayan yung nangyari kanina habang nasa restaurant kami. Alam mo kasi

habang kinakausap nya si Kuya bumalik sa alaala ko yung moment na sinabi

nya sa akin na gusto nyang ma-experience si Ashton! Alam ko inis na inis

ako sa kanya nung sinabi nya yon, pero mas dumoble ang inis ko ngayon

kasi aware na ako sa feelings ko para kay Ashton. Eeesh! Naiinis na naman

tuloy ako! >.<

Pakiramdam ko talaga bigla ko nalang syang mabubugahan ng apoy kanina

nang magkita kami. Ngayon naman kapatid ko ang gusto nyang ma-experience?

Syempre hindi ko yon hahayaan na mangyari! Kaya ginawa ko ang alam kong

gagawin din ng kahit na sinong babae na nasa sitwasyon ko. May hinalo ako

sa orange juice nya kanina habang hindi sya nakatingin. Hehe.

Kung sasabihin ko ba kung ano yung hinalo ko sa iniinom nya, mababawasan

ba ang pagkagusto mo sa’kin? Wala akong choice! Gusto ko lang na

sabihin na normal lang ang ginawa ko! Kahit sino gagawin yon! Nag-stay

sya sa banyo nang tatlong oras, at walang ibang nakagamit non habang nasa

loob sya. Hindi yata nila natagalan ang amoy. Hehe.

Love mo parin ako diba?

Love,

Kayleen

=================

Message #32

1 New Message

From: Mr Creeper

I wouldn't miss it for the world, Love. :)

_____________________________________________

To: Mr Creeper

Really?

Pupunta ka talaga sa birthday ko? :D

_____________________________________________

From: Mr Creeper

Yes. :)

_____________________________________________

To: Mr Creeper

Magpapakita ka ba sa’kin?

_____________________________________________

From: Mr Creeper

Yes. :)

_____________________________________________

To: Mr Creeper

Magpapakilala ka na ba sakin?

_____________________________________________

From: Mr Creeper

Yes. I think it’s time. :)

_____________________________________________

To: Mr Creeper

Walang bawian, per head ang bayad sa party!

Ililista na kita sa mga invited.

_____________________________________________

From: Mr Creeper

Haha! I’ll be there. :)

_____________________________________________

To: Mr Creeper

Okay. :)

_____________________________________________

From: Mr Creeper

Bati na tayo?

_____________________________________________

To: Mr Creeper

Oo naman. :)

_____________________________________________

From: Mr Creeper

Thank God. :)

=================

Entry #61

Dear Future Boyfriend,

Ang ganda, ganda ng araw ngayon. Ang ganda ng mga ulap sa langit, mga

ginawang cross stitch ni Lola, at ang ganda ganda ng gising ko kanina!

Hwaaah! Ang saya-saya ko! Pupunta sya sa debut ko. Di ko pa natatanong

kung pwede ba syang maging escort pero okay lang! Basta pumunta sya don.

Siguro si Kuya Dylan nalang ang gawin kong escort sa debut ko or yung

bestfriend nyang artista, si Kuya Kean! Gwapo rin yon at sikat!

Pagkakaguluhan sya sa party! >.<

Malapit na silang umuwi. Tatlong tulog nalang, babalik na sila sa

Pilipinas. Waaaah! Ang sarap gumulong sa kama! At pagkatapos ng bakasyon,

debut ko na! Isang bwan nalang! Tapos magpapakilala na sya sakin na Mr

Creeper! Pero teka lang, manliligaw ba sya pagkatapos? Hwaah! Ano ang

isasagot ko?! >.<

Love,

Kayleen

=================

Entry #62

Dear Future Boyfriend,

Napagalitan ako ni Lola kanina. Nalaman kasi nya kay Lola Lusing na may

boyfriend na pala ako. Mabuti nalang di sinabi ni Steve kung sino yung

boyfriend ko kundi lagot ako kay Lola! Baka kurutin nya ako sa singit!

Yun kasi ang lagi nyang sinasabi sa akin noon kapag nag-boyfriend ako

kaagad nang di pinapakilala muna sa kanya. Dapat daw pati sya ligawan ng

manliligaw ko. Sa case naman daw ni Steve payag syang manligaw sa akin

kasi bestfriend naman nya si Lola Lusing.

Ano ba yan? Paano na ito? Kahit parents ko at si Kuya tinatanong ako kung

sino ang boyfriend ko. Eh wala naman talaga! Napagbintangan pa ako na

nagsisinungaling ni Lola. Ayaw nya tuloy akong pansinin kanina. Ano’ng

gagawin ko? Wala naman kasi talaga! >.<

Ikaw kasi... ang tagal mo... yan tuloy. Maghanap kaya ako ng magpapanggap

para pansinin na ako ni Lola? Tapos sasabihin ko nag-break na kami after

one week! Kaso baka manligaw ulit sa akin si Steve. >.<

Love,

Kayleen

=================

Message #33

1 New Message

From: Mr Creeper

May gusto ka bang regalo sa birthday mo? :)

_____________________________________________

To: Mr Creeper

Wala pa akong maisip eh. :)

_____________________________________________

From: Mr Creeper

Wala ka bang hinihiling sa mga shooting stars? :)

_____________________________________________

To: Mr Creeper

Nung bata pa ako gusto ko ng unicorn.

Pero di naman sila totoo. :(

_____________________________________________

From: Mr Creeper

Sinong nagsabi?

_____________________________________________

To: Mr Creeper

Si Mrs Marasigan. Teacher ko nung elementary. :(

_____________________________________________

From: Mr Creeper

Gusto mo parin ba silang makita? :)

_____________________________________________

To: Mr Creeper

Hindi na.

Iba na ang gusto ko. :)

_____________________________________________

From: Mr Creeper

Ano? :)

_____________________________________________

To: Mr Creeper

Secret. :)

_____________________________________________

From: Mr Creeper

Pano ko ibibigay sa’yo kung secret? :(

_____________________________________________

To: Mr Creeper

Maibibigay mo yon sakin kahit secret. :)

_____________________________________________

From: Mr Creeper

Gusto ko talagang malaman.

_____________________________________________

To: Mr Creeper

Hindi pwede. Secret. :P

_____________________________________________

From: Mr Creeper

Kapag ba naibigay ko na yung gusto mo,

sasabihin mo ba sakin?

_____________________________________________

To: Mr Creeper

Oo naman. Kung tatanggapin ko. :)

=================

Entry #63

Dear Future Boyfriend,

Nandito ako sa book store ni Lola at nakiki-wifi. Ito na yata ang isa sa

mga pinaka-lumang book store dito sa Baguio. Ang alam ko, itinayo ito

noong nag-asawa si Lola. Sila pa mismong dalawa ni Lolo ang gumawa at

nagpintura ng ilang kahoy na bookshelves pati na rin ang walls at kisame.

Ang bango dito, amoy lumang libro at kape. Katabi lang kasi yung coffee

shop na kinainan namin ni Ashton dati.

Inamin ko na nga pala kay Lola ang totoong nangyari nung araw na sinabi

ni Ashton na boyfriend ko sya. Sinabi ko kay Lola na ayaw ko kay Steve

kaya naman ginawa yon ni Ashton para hindi na ako pormahan nung apo ng

bestfriend nya. Pero alam mo ba, nagulat nalang ako kasi imbes na

magalit, ngumiti lang sya nang malapad. Para bang may ibig sabihin ang

ngiti na yon, tinapik nya pa ako sa balikat ko saka sya pumunta sa garden

para mag-cross stitch. Ano kaya yung iniisip ni Lola?

Naiinip na ako sa bahay ni Lola kaya tumulong nalang ako sa pagbabantay

nitong book store. Napalibutan na naman ako ng mga libro. Naalala ko na

naman yung trilogy na di ko binasa ang third book kasi namatay yung

babae. Na-spoil ako sa post sa facebook! Hindi ako maka-move on! >.<

Ikaw future boyfriend, ano kaya ang paborito mong book?

Love,

Kayleen

=================

Message #34

1 New Message

From: Mr Creeper

Knock knock! :)

_______________________________________________

To: Mr Creeper

Who’s there? :D

_______________________________________________

From: Mr Creeper

Tocino. :)

_______________________________________________

To: Mr Creeper

Tocino who? :D

_______________________________________________

From: Mr Creeper

TOCINO sino pang tinatawagan mo nandito lang naman ako.

At kung saan saan kapa naghahanap nandito lang naman ako.

_______________________________________________

To: Mr Creeper

Haha! Nakakatawa sya.

Pero mas nakakatawa yung una. :D

_______________________________________________

From: Mr Creeper

Ganon ba?

Korni na ba? :(

_______________________________________________

To: Mr Creeper

Haha! Medyo. :D

_______________________________________________

From: Mr Creeper

Korni na pala feelings ko sa’yo? :(

=================

Entry #64

Dear Future Boyfriend,

Bukas uuwi na kami sa bahay namin sa Laguna! Uwaaaah! Tapos tapos

tapos... makikita ko na si Ashleen! At syempre si Ashton. Eeeeeh! Na-miss

ko sya! Lalo na kanina kasi nakita ko yung bench kung saan kami umupo

noon pagkatapos namin kumain sa coffee shop. Kumusta na kaya sya? Nabasag

ko yata sya kanina sa text ko, di ko tuloy alam ano irereply ko. >.<

Malapit na silang umuwi! Waaaah! >.<

Nakita ko nga pala si Steve kanina. Dumaan sya sa book store, may mga

binili syang college books. Ang awkward naming dalawa kanina grabe. Pero

mukha naman syang masaya na kasi nakita ko may kasama syang babae na

nakasalamin din. Pero ganon pala yung feeling na may nanligaw sayo tapos

di mo sinagot tapos nagkita ulit kayo? Dati gusto kong maligawan pero

hindi pala ganon kasaya ang pakiramdam lalo na kung di mo type yung

lalaki?

Ikaw ba? Kailan mo ba ako liligawan?

Love,

Kayleen

=================

Message #35

To: Mr Creeper

May joke din ako!

Tawanan mo ah!

________________________________________________

From: Mr Creeper

Hahaha! Sige. :)

________________________________________________

From: Mr Creeper

Knock Knock!

________________________________________________

From: Mr Creeper

Who’s there? :)

________________________________________________

To: Mr Creeper

Hito!

________________________________________________

From: Mr Creeper

Hito who? :)

________________________________________________

To: Mr Creeper

Hito akoooh oohhh. basang-basa sa ulaaan :D

________________________________________________

From: Mr Creeper

HAHAHA! Knock Knock!

________________________________________________

To: Mr Creeper

Who’s there? :D

________________________________________________

From: Mr Creeper

Love. :)

________________________________________________

To: Mr Creeper

Love who? :D

________________________________________________

From: Mr Creeper

Love you. :)

=================

Entry #65

Dear Future Boyfriend,

Nakauwi na kami sa bahay namin. Ang dami na naman naming naiuwing

strawberry jam! Yum! Igagawa ko si Ashleen ng strawberry pie! Igawa ko

rin kaya si Ashton? Pauwi na sila. Bukas nandito na sila! Makikita ko na

sila! Ang sarap gumulong sa kama! >.<

Kinikilig parin ako sa text nya kagabi! Kaso badtrip naubusan ako bigla

ng load. Huhu! Ang sama ng timing. Pero ano kaya ang irereply ko sa kanya

kung nagkataon? Mapapaamin kaya ako na gusto ko na sya? Hindi pa pwede!

Ang sabi ni Lola dapat daw muna nyang makilala ang manliligaw ko bago ko

sya sagutin.

Ang weird ni Lola kanina, tinatanong nya kung sa next summer daw ba,

dadalaw ulit si Ashton. Gusto talaga sya ni Lola. Nagpa-baon pa sya ng

basket ng strawberries para sa pamilya ni Ashton. Sayang talaga di ko

napuntahan ang strawberry farm. Di ko nakita si Enrique. >.<

Love,

Kayleen

=================

Entry #66

Dear Future Boyfriend,

Ngayon ko lang naisip na may posibilidad pala na hindi si Ashton ang

katext ko. Kanina kasi habang nagpapaload ako naisip ko, paano kaya si

Ashton? Nasa ibang bansa sya...paano yon? Ang mahal ng text kapag

international text diba? Paano sya nakapag-load? Naka-roaming kaya sya?

Si Ashton ba talaga si Mr Creeper? Sya ba talaga ang ka-text ko? Paano

kung hindi pala? Paano kung nag-assume lang ako? Paano kung hindi pala

ako yung ka-text ni Ashton non sa vacation house nila sa Baguio? Paano

kung si... Trisha pala yung ka-text nya non? Paano ako?

Siguro bukas ko malalaman. Basta! Dapat gumawa ako ng paraan para

masigurado na sya nga ang ka-text ko. Hindi pwede na hindi sya yon! Pero

sa ngayon, ite-text ko muna sya. :D

Love,

Kayleen

=================

Message #36

To: Mr Creeper

Knock Knock!

____________________________________

From: Mr Creeper

Who’s there? :)

____________________________________

To: Mr Creeper

Mr Creeper!

____________________________________

From: Mr Creeper

Yes?

____________________________________

To: Mr Creeper

Mali! Dapat Mr Creeper who? :(

____________________________________

From: Mr Creeper

Mr Creeper who? :)

____________________________________

To: Mr Creeper

Mr Creeper can I make a request?

Pwede ba yung love song ko? :D

____________________________________

From: Mr Creeper

Sure. What song? :)

______________________________________

To: Mr Creeper

Joke ko yun eh. Kanta yun! Huhu

Ang tagal ko pinag-isipan yun eh. :(

______________________________________

From: Mr Creeper

I know. Hahaha!

I’m just teasing you.

You’re so cute when you’re frustrated Kayleen. :)

______________________________________

To: Mr Creeper

Kainis ka!

Di kita bati! :P

______________________________________

From: Mr Creeper

Wag naman ganon. Sorry na. :(

______________________________________

To: Mr Creeper

Di tayo bati. :P

______________________________________

From: Mr Creeper

Kayleen. :(

=================

Message #37

1 New Message

From: Ashleen BFF <3

Sissy! Ano ang gusto mong pasalubong?

_____________________________________________

To: Ashleen BFF <3

Gusto ko ng Mug! At yung cook book nila dyan! :D

_____________________________________________

From: Ashleen BFF <3

Naibili na kita ng cook books Kay!

Yung mugs bukas dadaan ako sa souvenir shops!

I miss you na! Magkikita na tayo bukas!

_____________________________________________

To: Ashleen BFF <3

What time kayo darating dito bukas?

_____________________________________________

From: Ashleen BFF <3

Siguro sa afternoon pa?

Pero itetext kita kapag nasa house na kami.

Can’t wait to see you na! Grabe!

And miss ko na rin si Alex.

_____________________________________________

To: Ashleen BFF <3

Miss ka na rin non. Sure ako.

Siguro nga umiyak yun nung hinatid ka sa airport.

_____________________________________________

From: Ashleen BFF <3

He’s such a sweetheart. Mahal ko talaga sya. <3

_____________________________________________

To: Ashleen BFF <3

Istahp! Naiinggit ako! >.<

_____________________________________________

From: Ashleen BFF <3

Mag-boyfriend ka na rin kasi! :D

_____________________________________________

To: Ashleen BFF <3

Malapit na! :D

_____________________________________________

From: Ashleen BFF <3

WOW! OMG! REALLY?!

Kailangan mo ikwento lahat sakin yan!

_____________________________________________

To: Ashleen BFF <3

Bukas. Promise! :D

_____________________________________________

From: Ashleen BFF <3

OMG. Kilig! Pero sad. :(

_____________________________________________

To: Ashleen BFF <3

Ay bakit sad?

_____________________________________________

From: Ashleen BFF <3

Kasi wala na pag-asa ang AshLeen! Huhu! :(

_____________________________________________

To: Ashleen BFF <3

Hahaha! Ikaw talaga!

Bast iku-kwento ko kapag nanligaw na sya.

_____________________________________________

From: Ashleen BFF <3

Hindi pa ba? :O

_____________________________________________

To: Ashleen BFF <3

Sa text palang kasi. Hehe

_____________________________________________

From: Ashleen BFF <3

Isasama ko si Ashton kapag magkikita na kayo ni Mr Creeper ha?

Pati si Alex isasama ko.

Para may taga-hawak at taga-suntok tayo kung manloloko pala yan.

_____________________________________________

To: Ashleen BFF <3

I love you Sissy! You’re the best! :D

_____________________________________________

From: Ashleen BFF <3

I know right? I love you too! :D

_____________________________________________

To: Ashleen BFF <3

Ang sweet natin. Bka magselos si Alex. Hahaha!

_____________________________________________

To: Ashleen BFF <3

Kailangan nyang tanggapin ang relasyon natin. Hahaha!

=================

Message #38

1 New Message

From: Mr Creeper

Do you like Harry Potter? :)

______________________________________

To: Mr Creeper

Hindi ako mahilig sa fantasy.

Tsaka di ko pa nababasa yung books. Bakit?

______________________________________

From: Mr Creeper

Why not?

______________________________________

To: Mr Creeper

Ang daming books eh.

Tsaka mas gusto ko ng bike noon kaysa books.

______________________________________

From: Mr Creeper

Ganon ba? Ano na ang gusto mo ngayon?

______________________________________

To: Mr Creeper

Gusto ko ng cook books. Bakit?

______________________________________

From: Mr Creeper

No reason. :)

______________________________________

To: Mr Creeper

Hindi parin tayo bati. :P

______________________________________

From: Mr Creeper

Galit ka ba sakin?

______________________________________

To: Mr Creeper

Hindi.

______________________________________

From: Mr Creeper

Bakit di tayo bati?

______________________________________

To: Mr Creeper

Gusto ko lang.

______________________________________

From: Mr Creeper

Hanggang kailan tayo hindi bati?

______________________________________

To: Mr Creeper

Basta. Anong ginagawa mo ngayon?

______________________________________

From: Mr Creeper

Nakatingin sa langit. :)

______________________________________

To: Mr Creeper

Stargazing?

______________________________________

From: Mr Creeper

Maybe. Tumingin ka rin. :)

______________________________________

To: Mr Creeper

Bakit? May shooting stars ba ngayon?

______________________________________

From: Mr Creeper

Hindi ko alam. :)

______________________________________

To: Mr Creeper

Bakit mo ko pinapatingin sa langit?

______________________________________

From: Mr Creeper

Para may gawin tayong dalawa na magkasama.

Kung pareho tayo ng nakikita, mas madaling

ma-imagine na magkasama tayo ngayon. :)

______________________________________

To: Mr Creeper

Sige na nga. Bati na tayo.

Nakatingin na ako sa stars.

______________________________________

From: Mr Creeper

Thank you, Kayleen. I miss you. :)

=================

Entry #67

Dear Future Boyfriend,

Ang saya ng umaga! Umagang kay ganda! Kasing ganda ko! Hehe! Ay, cute nga

lang pala ako. Hindi pa ako maganda. Siguro kapag twenty na ako maganda

na ako. Hindi na siguro ako mukhang fourteen non. Sana tumangkad din ako.

Kahit one inch ulit. Yaaaah! Kinakahaban ako! Kakatapos ko lang mag-bake

ng strawberry pie. Sana magustuhan nina Ashleen. Mamaya na ang balik

nila! Waaah! Excited na ako! Sana magustuhan din ni Ashton yung pie. >.<

Ang saya sa feeling na may hinihintay kang dumating. Ganito pala ang

feeling na may gusto ka sa isang tao? Parang I’m walking on sunshine!

Woah-oh! I’m walking on sunshine! Eeeh! Excited na akong makita sya.

Gusto ko ulit syang makita!

Mamaya rin malalam ko na kung si Ashton ba si Mr Creeper. Pinlano ko na

nang mabuti ang gagawin ko. Hihiramin ko kay Ashleen ang cellphone

nya. Titignan ko kung ano ang number ni Ashton! Nakakahiya kasi

magtanong kay Ashleen eh, baka tuksuhin nya pa ako. Sana sya talaga si Mr

Creeper ko! Hindi pwedeng hindi! Waaaah! Please please, sana sya yon! >.<

Love,

Kayleen

=================

Entry #68

Dear Future Boyfriend,

OMG! OMG! Nandito na sila! Nakarating na sila sa airport! Waaah! Nag-text

na sa akin si Ashleen. OMG! Hangin na ng Pilipinas ang nalalanghap namin

pareho. Ang saya! Hahaha! Makikita ko na sila. Mabibigay ko na rin ang

strawberry pie bago pa maubos ni Kuya Dylan. Ang takaw talaga ni Kuya!

Basta nalang sya kumuha ni hindi nagpa-alam sakin. Pasalamat sya nag-iisa

ko syang kapatid kundi itinakwil ko na sya! >.<

Wala akong magawa kanina kaya binalikan kong basahin ang entries ko.

Nakakahiya pala yung ibang nakasulat dito. Ano kaya ang magiging reaksyon

nya kapag nabasa nya na ‘to?

Pero bago ko yon problemahin, ano kaya ang isusuot ko? Mag-dress ba ako o

shorts? Ang hirap naman mag-decide ng isusuot. Ano kaya ang mas gusto

nyang suot ko? Gusto nya kaya ang sexy o consevative. Baka gusto nya ng

girly? Ganon kasi si Ashleen eh. Mabuti nalang mamaya pa dating nila.

Kulutin ko kaya dulo ng buhok ko? Ah! I-french braid ko nalang!

Maglilipstick ba ako? Medyo halata kaya yon? Lipgloss nalang! Eeeh!

Nandito na sya sa Pilipinas! Waaah! Si Mr Creeper ko! Waaah! Ang bilis ng

tibok ng puso ko. >.<

Love,

Kayleen

=================

Kayleen

Kayleen

Halos lumabas mula sa ribcage ko ang puso ko nang makita kong umilaw ang

cellphone ko. Nabasa ko ang pangalan ng bestfriend kong si Ashleen.

Nanginginig pa ang mga kamay ko nang hawakan ko ang cellphone at basahin

ang message nya.

From: Ashleen BFF <3

Sissy! Nandito na kami sa bahay!

Punta ka na rito please! Miss na kita! :)

Kaagad akong napalundag sa kama ko! YES! YES! YES! Nasa bahay na nila

sila. Kaunting lakad lang ‘yon mula rito sa bahay namin. Hwaaah! Ang

saya! Nandito na ang love of my life ko! Makikita ko na ulit sya. Naiiyak

ako. Ano ba yan? Bakit ang emotional ko ngayon?

“Kayleen nag-drugs ka ba?―

“Ay butiki!― Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Nakita ko si

Kuya Dylan na nasa may pintuan ng kwarto ko at may kinakain na pie. Yung

pie ko! “KUYAAAAAAAAAA!!!―

Inosente nya akong tinignan habang ngumunguya. “Bakit? Ang sarap nito.

Gawa ka pa ng marami.― Muli syang kumagat sa pie.

Nawala ang inis ko. Ngumiti ako. “Wala. Talaga bang masarap?―

Nag-thumbs up sya. “The best.―

Lumawak ang ngiti ko. Tumakbo ako palabas sa kwarto ko at pumunta sa

kusina para bitbitin ang box ng pie at pati narin ang basket ng

strawberries na pinapabigay ni Lola.

“Kayleen, aalis ka na ba? Dumating na sina Ashleen?― tanong ni Mommy

habang nag-huhugas sya ng pinggan.

“Opo. Pupunta na po ako ngayon sa kanila.―

“Hwag kang magpapagabi. Dumiretso ka ng uwi.―

“Eh Mommy baka gabihin ako kasi, ano’ng oras na o.― Nakanguso akong

tumingin sa orasan. Alas synco na ng hapon. Bago pa ako maka-balik sa

bahay sigurado gabi na.

“O sya, sige. Pero hanggang alas-otso ka lang ha. Mag-text ka para

naman maabangan ka ni Dylan sa daan.―

“Opo Ma.― Lumapit ako sa kanya at humalik sa pisngi.

“Paki-kumusta ako sa kanila pagkarating mo ron.― Rinig kong bilin ni

Mama nang makalabas ako sa kusina.

Bago tuluyang lumabas ng bahay, tinignan ko muna kung maayos pa ang buhok

ko. Ginawa ko yung french braid na tinuro sakin ni Ashleen. Nagawa ko

naman sya pero mas maganda parin yung gawa nya. Naglagay din ako ng

konting face powder at lipgloss. Nakasuot din ako ng jean shorts at

puting long sleeves. Halata kaya na nagpapaganda ako?

“Kayleen akala ko ba aalis ka na?― tanong ni Mommy. Tapos na pala

syang mag-hugas ng pinggan.

Nakakahiya. Naabutan nya pa akong nakaharap sa salamin! Baka isipin nya

may crush ako kay Ashton! Waah!

“Bye Ma!― Tumakbo na ako palabas ng bahay.

Nasa kabilang phase ng subdivision ang bahay nina Ashleen. Hindi naman

ganon kalayo pero di rin ganon kalapit. Mga ten minutes na paglalakad

mula sa bahay namin para makarating sa kanilang bahay. Nasa part kasi

sila ng subdivision na puro nag-tataasan ang mga bahay at medyo mag-

kakalayo.

May pagka-american style ang bahay ng mga nasa phase three. Ang gate

nila, kung matatawag man na gate yon, ay kulay puti at hanggang sa waist

ko lang, may lawn sila at mail box. White din ang pintura ng bahay nila

na puro makakapal na kahoy, at maroon na roof na yari naman sa clay.

Halos pareho lang ang mga disenyo ng bahay sa phase three. Karamihan din

ay hanggang second floor at may attic sa tuktok.

Kumatok ako sa pintuan nila nang makarating ako sa bahay nina Ashleen.

Kinakabahan ako. Ang bilis ng pintig ng puso ko. Mahahalata kaya nila na

may nagbago sa’kin?

“Kay!―

Nagulat pa ako sa biglang bati sa akin ni Ashleen. Mabuti nalang sya ang

nag-bukas ng pinto. Niyakap nya ako nang mahigpit. Gusto ko rin syang

yakapin kaso okupado ng mga dala ko ang mga kamay ko.

“Na-miss kita! Sobra!― Puno ng excitement ang mga mata nya. Tinignan

nya ako mula ulo hanggang paa. Nahiya ako bigla. “Ang ganda mo! Bagay

sayo ang french braid! Mabuti nalang naturuan kita. Halika pasok ka sa

loob. Ang dami kong ikukwento sayo! Gosh!―

“Para sa inyo nga pala.― Inabot ko sa kanya ang mga dala kong

pagkain.

Palihim kong hinanap sa bahay nila si Ashton. Wala sya sa paligid.

Pumunta kami sa kusina kung saan namin iniwan ang mga dala ko.

“Tara sa kwarto! Ang dami kong pasalubong sa’yo.―

Habang umaakyat kami ng hagdan patungo sa kwarto nya, di ko maiwasan na

lalo pang kabahan. Magkatapat lang kasi ang mga kwarto nila ni Ashton.

Makikita ko kaya sya ngayon? Pinagpapawisan ang mga kamay ko.

Pumasok kami sa loob ng kwarto nya nang di ko parin nakikita si Ashton.

Pero okay lang, siguro mas maganda kung titignan ko muna ang cellphone ni

Ashleen para malaman kung si Ashton nga si Mr Creeper.

“Heto!― Inilapag ni Ashleen ang isang malaking kahon sa kama nya.

“Nandito na lahat ng binili kong pasalubong for you. Buksan mo dali,

dali!―

“Ang dami naman nito Ashleen!― Binuksan ko ang box at tumambad sa

akin ang ilang gamit. May mga cookbooks sa loob, tatlong piraso ng

malalaking mugs, stuff toys na rilakkuma, maraming keychains, cute na

ballpens, maliliit na notebooks na may cute designs, dalawang sikat na

brand ng perfume, isang branded na bag at maraming chocolates. Namilog

ang mga mata ko sa dami lalo na nang makita ang mga mamahaling objects.

Tumingin ako kay Ashleen.

“Oops! Bawal tumanggi! Pasalubong ko ang mga ‘yan sa’yo!― Kinuha

nya ang cellphone nya at lumapit sa akin. “Picture muna tayo para may

copy ako ng cute na french braid mo.― Ngumiti ako nang sabihin nyang

smile. “Ang cute mo talaga ngayon Kayleen. Sayang wala si Ash para

makita yan,― sabi nya habang nakatingin sa cellphone nya at may kung

anong itina-type roon.

“H-Ha? Bakit? Hindi nyo ba sya kasamang umuwi?―

Bigla syang tumawa. “Hahaha! Hindi yon ang kaso. Sya nga ang unang

nagyaya umuwi. Pero sa sobrang excited yata nyang umuwi di sya nakatulog

kaya kaninang umaga sumakit ang ulo. Tapos ngayon, nakatulog na yata sa

kwarto nya.―

Medyo na-disappoint ako kasi di ko sya makikita ngayon. Nakaramdam din

ako ng awa kay Ashton kasi sumakit ang ulo nya. Sana okay lang sya. Pero

hindi naman malala yon. Tulog lang ang katumbas. Napanguso ako nang di ko

sinasadya.

“Naka-lipgloss ka ba Sissy?―

“H-Ha?―

Itinuro nya ang labi ko. “Ang shiny oh tsaka pinkish.―

“A-Ah. Nag-try kasi ako kanina. Dumaan kasi yung friend ni Mommy na

Avon Lady. Inalok sa’kin yung lipgloss nila.―

Mukha namang naniwala si Ashleen sa paliwanag ko. “Bagay sa’yo. Akala

ko nagkita na kayo ni Mr Creeper eh. Hahaha! Pero syempre ako ang unang

makakaalam kung nagkita na kayo. Isasama mo ako kapag magkikita kayo ah.

Para safe.―

“Oo naman,― nakangiting sagot ko sa kanya.

“Good! Teka lang, check ko muna si Ash sa kwarto nya kung gising.―

Tumayo sya mula sa pagkakaupo sa kama.

“Ashleen, pahiram ng cellphone ha?― habol ko sa kanya bago nya buksan

ang pinto.

“Sure!― sagot nya saka sya lumabas.

Nakagat ko ang ibabang labi. Ngayon malalaman ko na ang totoo tungkol kay

Mr Creeper. Hinanap ko ang pangalan ni Ashton mula sa contact list ng

cellphone ni Ashleen. Kabisado ko na ang number ni Mr Creeper kaya naman

di ko na kailangan pang tignan sa cellphone ko ang number nya.

Medyo nanginginig pa ang mga kamay ko dahil sa sobrang kaba. Sana sya

‘yon. Sana sya nga.

Tinap ko ang contact details ni Ashton. Pinakatitigan ko ang numero nya.

Namilog ang mga mata ko. Rinig na rinig ko ang tibok ng puso ko.

Nabitawan ko ang cellphone ni Ashleen at nalaglag iyon sa kama.

Imposible. Bakit ganon? Hindi sila magkaparehas ng number. Hindi sya si

Mr Creeper. Bakit iba ang number nila? Sobra akong sigurado na sya yon

eh. Ramdam na ramdam ko ang pagbaba ng magkabilang sulok ng labi ko.

Uminit ang sulok ng mga mata ko. Pakiramdam ko... maiiyak ako.

=================

Kayleen

Kayleen

“Tulog pa si Ashton.― Nakabalik na si Ashleen sa kwarto.Â

Pinilit kong ngumiti. Pakiramdam ko talaga dinudurog yung puso ko.

Feeling ko, ang kapal ng mukha ko para mag-assume! Nahihiya ako sa mga

naisip ko! Sobrang nakakahiya! Gusto kong umiyak at mag-tago nalang sa

bahay forever. Ayoko na ulit magpakita pa ng mukha kay Ashton!

“Sissy, okay ka lang? Parang namumutla ka na.―

“Uuwi na ako Ashleen.� Ngumiti ako ng pilit. “Medyo sumakit kasi

ang tyan ko. Ang dami ko yatang kinain na pie kanina.― Tumawa ako nang

mapakla.

Nagmamadali akong tumayo.

“Wait lang Kay!― Inabot nya sa akin ang box ng pasalubong nya sakin.

“Don’t forget this. Gusto mo ba ipahatid kita sa driver?―

Umiling ako. “Hindi na. Malapit lang naman ang bahay namin. Tsaka sa

layo ng byahe nyo, sure ako na medyo pagod pa ang driver nyo. Ayoko naman

mang-istorbo pa.―

Mahina akong hinampas ni Ashleen sa braso. “Ano ka ba? Hindi ka

istorbo. Sure ka ba na kaya mong umuwi mag-isa? Medyo mabigat pa naman

to. Sasabihin ko sana kay Ashton na ihatid ka, kaso nakatulog eh.―

“Kaya ko mag-isa. Hwag mo na syang gisingin. Kaya ko naman.―

Lumabas kaming dalawang ng kwarto nya at hinatid nya ako hanggang sa may

gate ng bahay nila.

“Itext mo ako kapag naka-uwi ka na, okay?―

“Oo naman. Sige, bye Ashleen.― Ngumiti ako sa kanya bago ako

nagmamadaling lumakad palayo.

Nag-uunahan na pumatak ang mga luha ko. Hindi sya si Mr Creeper. Hindi

sya yon. Ang tanga ko! Bakit ba ako umasa? Lumakas ang iyak ko at

nanginginig na ako dahil sa pag-hikbi ko. Nang makalabas ako ng phase

three, umupo ako sa sidewalk at ibinaba ang box na dala ko. Doon na ako

tuluyang umiyak nang umiyak. Wala na akong pakialam kung may makarinig sa

akin na kung sino man. Ang sakit pala mag-assume tapos mali ka! Maling

mali ka ng inakala!

Akala ko talaga si Ashton yon. Akala ko talaga sya yon! Ang tanga ko

talaga! Bakit ko ba naisip yon?! Coincidence nga lang ang lahat. Bakit ba

kasi?!

Komo ba parehas na nakatanggap ng texts si Ashton noong oras na nagtext

ako, inakala ko na kaagad na sya yon? Diba nga sabi ko non, coincidence

lang yon lahat! Kasi nga imposible.

Bakit naman nya ako magugustuhan? Mas matanda nga ako sa kanya eh.

Tsaka... ano pa ba? Hindi naman kami magka-level!

Mas napaiyak ako nang marealize ko na ang layo pala ng agwat namin sa

isat-isa.

“WAAAAAHHH!― napapadyak pa ako sa semento.

“Kayleen!―

May boses ng lalaki akong narinig na tumawag sa akin. Nanlalabo ang mga

mata na tumingin ako sa kaliwa ko. Nakita ko si Ashton na tumatakbo

papunta sa akin. Bakit sya nandito?! Mas lumakas pa ang iyak ko nang

makita ko sya. Hindi ko mapigilan ang iyak ko. Mukha na yata akong batang

nagwawala dahil naagawan ng lollipop.

“Anong nangyari?― nag-aalalang tanong nya. Lumuhod pa sya sa harap ko

para magka-pantay kami. “Sinong umaway sayo? May nanakit ba sayo?

Nadapa ka ba? Saan masakit?―

Pinalo ko ang kamay nya na hahawak sana sakin.

“Lumayo ka! Ayokong makita ka!― iyak ko. Umiyak ako nang umiyak sa

harap nya. Hindi na ako mahihiya sa kanya. Wala naman syang gusto sakin

eh. Wala na yung effort ko na magbihis at magpaganda sa kanya. Naalala ko

na naman. Akala ko talaga may gusto sya sakin.

“Bakit? Ano’ng kasalanan ko?―

“Basta!� sigaw ko sa kanya habang umiiyak. “Lumayo ka sakin!

Layoooo!― Tinulak ko pa sya pero para syang bato sa tigas. Di ko sya

magawang palayuin. Hinawakan nya ang dalawa kong kamay kaya hinigit ko

yon mula sa kanya. “Hwag mo kong hawakan! Ayoko sayo! Lumayo ka!―

Hirap na akong makakita dahil sa sobrang labo na ng mga mata ko. Panay

rin ang hikbi ko. Ang sakit sakit na ng dibdib ko. Ang hirap na huminga

sa sobrang iyak ko. Pero kahit nahihirapan ako hindi ko naman magawang

tumigil.

“Ano bang nagawa ko? Sabihin mo kasi sa’kin.―

Hindi ko sya pinansin. Pinunasan ko ang luha ko at humihikbing inabot ang

kahon at tumayo na. Uuwi na ako.

“Kayleen, saan ka pupunta?� Sinundan nya ako sa paglalakad. “Sorry

na kung ano man yung nagawa ko sayo. Hwag ka nang umiyak.―

“B-Bakit ka ba kasi n-nandito?� humihikbing tanong ko sa kanya. “D-

Diba natutulog ka?―

“Nag-alarm clock ako. Hwag ka nang umiyak.― Kinuha nya ang dala kong

kahon. “Ihahatid na kita pauwi.―

“Ayoko! Kaya ko mag-isa! Umuwi ka na nga sa inyo!― Kinuha ko pabalik

ang kahon. Hinigpitan nya ang hawak don kaya nainis ako. “Akina sabi

eh!―

“Hindi ko ‘to ibibigay sayo. Ihahatid kita sa bahay nyo,― matigas

nyang sabi.

Pinunasan ko ang mga mata ko na nararamdaman kong namamaga na. Sigurado

magtatanong sina Mommy kung bakit namumula ang mga mata ko.

“Naiinis na ako sayo Ashton! Umuwi ka na nga sa inyo!―

“Ihahatid kita!―

“Ikaw. Hwag mo nga akong pagtaasan ng boses! Mas matanda ako

sa’yo!―

“Sorry. Hindi ko parin ibabalik sa’yo to.―

“Makinig ka dapat sa nakakatanda sayo! Ibalik mo na yang kahon sakin at

umuwi ka na!―

Sa gulat ko, ibinigay nga nya sakin ang kahon. Nakagat ko ang ibabang

labi ko kasi gusto kong sumimangot. Bakit nya ibinigay?

“Happy now?― mukhang naiinis na tanong nya.

“Oo!―

“Sasabihin mo na ba sakin kung bakit ka umiiyak?―

Naalala ko na umiiyak nga pala ako kanina. Naalala ko na naman kung

bakit. Nag-init na naman ang mga mata ko at naramdaman kong papabalik na

naman ang hikbi ko. Maiiyak na naman ako.

“Wala ka na don! Umuwi ka na! Ayaw kitang makita!― Nilagpasan ko sya

sa paglalakad. Sunud-sunod na naman ang tulo ng luha ko. Ang sakit sakit

sa puso. Parang kinukurot. Assumera lang pala ako. Hindi ko kayaaaaa!

“Kayleen!� tawag nya sakin pero di ko sya nilingon. “Kayleen!�

Napa-ubo ako sa kakaiyak ko. Muntik pa akong madapa sa kakalakad ko. May

bato pala sa daan na hindi ko nakita dahil sa labo ng mata ko. Sino ba

ang nag-lagay ng bato sa daan ko?! Mas lalo akong naiyak. Ang malas ng

araw ko. Ang sakit umasa!

Naramdaman ko nalang na may humawak sa magkabilang pisngi ko.

“Tahan na.―

Gusto kong alisin ang mga kamay nya pero mabibitawan ko ang kahon na

hawak ko.

“Diba s-sabi ko sayo umuwi ka na?―

“Paano ako uuwi? Di kita maiwan nang ganito.―

“Ikaw na bata ka—―

Nabigla ako nang mabilis nya akong hinalikan sa labi.

“B-Bakit mo ginawa na naman yon?!―

“Ayaw mo kasing tumigil sa pag-iyak. Yan tumigil ka na.―

“Hoy Ashton! Hindi mo ako pwedeng basta nalang halikan dahil lang sa

gusto mo!― Naiinis ako sa kanya pero may fluffy feeling sa loob ko.

Gumaan bigla yung pakiramdam ko. Pero naiinis ako kasi umaasa na naman

ako. Hindi naman sya si Mr Creeper!

“Ihahatid kita.― Para syang nag-papaamo ng mabagsik na hayop sa tono

ng boses nya.

“Ayoko nga sabi! Ang tigas naman ng ulo mo!―

“Kapag hindi ka pumayag, hahalikan ulit kita,― banta nya.

“A-Ano?!� tumawa ako. “Subukan mo lang, isusumbong kita sa

Ate—― at sinubukan nya nga. Mabilis na naman nya akong ginawaran ng

halik sa labi. Muntik ko nang mabitawan ang kahon na hawak ko. “Tigilan

mo nga ang paghalik sa akin!―

“Kung sasabihin mo sakin kung bakit ka umiiyak.― Ni walang bakas ng

hiya sa mukha nya nang sabihin nya yon. Diretso ang mukha nya at seryoso

akong tinitignan.

“Wala ka na ron! Umuwi ka na!― Naglakad na ako pero hinarangan nya

ako. “Umalis ka nga sa daraanan ko Ashton!―

“Bakit bigla kang nagagalit sakin? Sabihin mo kung ano ang nagawa ko

dahil wala akong maisip na dahilan.―

“K-Kasi hinalikan mo ko!―

“Bakit? Ayaw mo ba ng halik ko?―

“Gusto!― Shiz! Hala! Halaaaa! Bakit ko sinabi yon?! Nakakahiya!

“Kung ganon bakit ka galit sakin?― Hindi man lang sya nagulat?!

“E-Ewan ko sayo! Hindi kita bati! Umalis ka sa daan ko! Uuwi na ako!―

Nakadaan na ako at naramdaman kong sumunod naman sya sa akin sa

paglalakad. Makulit talaga na bata ‘to. Umaasa tuloy ako lalo.

“Galit ka ba sakin talaga?―

“Hindi!―

“Bakit tayo hindi bati?―

“Gusto ko lang!―

“Gaano katagal mo ko hindi bati?―

“Basta!―

Deja vu? Teka... parang pamilyar ‘tong usapan namin. Napatigil ako sa

pag-lalakad. Parang ganito yung usapan namin ni Mr Creeper. Napatingin

ako kay Ashton. Nakalagay ang dalawang nyang kamay sa suot nyang jacket.

Nakatingin sya sa stars ngayon.

Tumigil ako sa paglalakad at lumapit sa kanya. Tumingin naman sya sa

akin. Ibinigay ko sa kanya ang bitbit kong kahon. Nakakangalay eh. Kinuha

naman nya kaagad ‘yon. Pinunasan ko ang basa kong pisngi.

“Bati na tayo?― nakangiti nyang tanong.

Tumango ako. Sabay na kaming naglakad papunta sa bahay ko.

“Ashton, ilan ang gamit mong cellphone?― hindi tumitingin sa kanya na

tanong ko.

“Isa lang.―

“Ahh.� Kung ganon, paano yon? “Isa lang din ba ang gamit mong

number?―

“I have two.― Naramdaman kong tumitig sya sa akin. Di ko sya magawang

tignan.

“Ahh.― Tumango-tango ako. Pinipigilan ko yung ngiti ko sa labi. Gusto

kong mag-tatalon ulit sa tuwa. Mamaya nalang ulit siguro ako tatalon sa

kama ko. Eh di sya nga si Mr Creeper?! Pareho sila kung magsalita!

Eeeeeh!

Ang bilis, nakarating na kaagad kami sa tapat ng bahay. Nabitin ako. Di

bale punta nalang ako ulit sa kanila bukas!

“T-Thank you sa pag-hatid.― Kinuha ko sa kanya ang kahon na dala nya.

“Welcome.―

“Ah. Sige good night.― Tumalikod na ako sa kanya at binuksan ang

gate.

“Good night.―

Nilingon ko sya at nakita ang likod nya.

“Ashton!―

Mabilis syang lumingon.

“Nag-dala ako ng strawberry pie sa inyo kanina. Tikman mo ha?―

Ngumiti sya sa akin at ramdam na ramdam ko ang pagtalon ng puso ko sa

saya. Ang gwapo nya. At mahal ko sya. At ang perfect nya masyado.

“I wouldn’t miss it for the world.―

Ngumiti ako nang malapad at hinawakan na ang gate para buksan.

“Kayleen!―

Mabilis ko syang nilingon.

Itinuro nya ang labi nya. “Bagay sa’yo.― Nakangiti syang kumaway sa

akin at tuluyan nang umalis.

Eeeeeeeeeeh! Kinikilig ako! Mr Creeper ko!

***Author’s Note

Samsung Galaxy Note 4 Duos PHP38,000

Hindi lahat ng dual sim ay mura. Hahaha! May nabasa kasi ako. XD

Update ko ‘to para sa MONDAY. Pero wala kasi ako bukas kaya inilagay ko

na. LOL

Talk Backers MEET UP Dec 13, 11am, Mall Of Asia

Para sa ibang details please tweet @TBYDfans

Or ask Maggie Dela Vega nalang sa Facebook

https://www.facebook.com/maggielicious00?fref=nf

XOXO

Alesana Marie

=================

Entry 69

Dear Future Boyfriend,

Nagpa-gulong gulong ako kahapon sa kama nang maka-uwi ako. Sya nga si Mr

Creeper! Kahit na hindi nya sabihin sa akin, sigurado ako na sya yon! At

sigurado rin ako na gusto nya ako! Gusto nya ako! Eeeeh! May gusto sya

sakin! Ang saya! At hinalikan pa nya ako. Mabilis lang yon pero kiss

parin yon! At not once but twice! >.<

Mamaya pupunta ako sa bahay nila. Ang sabi ni Ashleen may practice daw

sila ng banda ngayon. Hwaaah! Kung dati hindi ako masyadong interesado na

panoorin sila, ngayon hindi na ako tatayo sa upuan ko! Gumawa ako ng

strawberry tarts ngayon. Hindi parin kasi ubos ang strawberries na

binigay ni Lola sa amin. Haha! Sana magustuhan nila. Eeeeh! Excited na

ako. >.<

Nag-lipgloss ulit ako. Bagay daw sakin sabi nya. Palagi na akong magli-

lipgloss! Kahit sa pagtulog! Baka kasi mapanaginipan ko sya, kiss nya ako

ulit! :D

Love,

Kayleen

=================

Kayleen

Kayleen

“Ashleen!― bati ko sa bestfriend ko nang buksan nya ang pinto.

Naririnig ko na ang tugtog ng banda ni Ashton mula sa basement ng bahay.

“Okay na ba ang tyan mo Kayleen?― Niyakap nya ako at hinila sa kamay

papasok sa bahay nila. “Bitin ang bonding natin kahapon.―

Naalala ko ang sinabi kong rason kay Ashleen kahapon. Muntik ko nang

makalimutan!

“Ay, oo nga.― Nginitian ko sya. Ipinakita ko sa kanya ang dala kong

tupperware na may laman na tarts. “Para sa inyo nga pala. Ginawa ko

kagabi.―

“Wow! Kayleen ang dami naman nyan.―

“Hehe! Di kasi ako nakatulog masyado kagabi eh.― Nahihiyang pag-amin

ko. Kasi yung kapatid mo Ashleen, pinakilig ako masyado kahapon.

Pumunta kami sa kusina at inilipat ng lalagyan ang mga tarts. Inilagay

namin iyon sa isang malaking serving tray.

“Kanina pa ba sila nagpa-practice?― tanong ko sa kanya habang nag-

lilipat ng tarts. Nagva-vibrate sa sahig ang tunog ng drums at electric

guitars.

“Sina Ashton? Oo kanina pa silang tanghali nakakulong sa basement.

Kailangan kasi nilang makapasa sa exam ng Music School na papasukan

nila.―

“By group ba yung exam?―

“Pwedeng tumugtog by group para magkakasama sila sa classes. Pero

kailangan parin tumugtog ng solo para makapasa.―

“Sana makapasa sila.―

“I’m sure Sissy na makakapasa sila. Inalok na nga sila na mag-aral

doon ng isang school board member. Ang kailangan nalang nilang gawin ay

mapahanga ang iba pang members ng board at pasok na sila.―

“Wow. Ang galing naman nila.―

Bigla nalang napuno ng pride ang dibdib ko. Ang galing nina Ashton!

Sigurado malayo ang mararating nila. Nakaramdam ako ng takot kasi baka

mawala sya sa akin. Hah! Hindi pa nga kami pero inaangkin ko na sya.

Kahit na ano pa man ang mangyari, kailangan ko syang suportahan.

“Tara muna sa kwarto.―

Napatigil ako sa pag-lalagay ng tart. “H-Hindi ba tayo manonood sa

kanila?―

“Gusto mong manood?―

“Eh. Oo, gusto ko sana silang mapanood.―

“Hindi ko alam kung pwede tayong manood dun ngayon Sissy eh. Binilinan

kasi ako kanina na hwag basta papasok don. Kailangan kasi nilang mag-

concentrate sa pag-tugtog.―

“Ah, ganon ba?― Nakaramdam ako ng pagkadismaya.

“Di bale, mamaya kapag tumigil sila tanungin natin kung pwede tayong

manood.―

“Hmm.― Tumango ako. Sayang naman.

“Manood muna tayo ng movie sa kwarto ko. May mga binili akong DVDs sa

Japan. Kumpleto ko na yung Rurouni Kenshin. Panoorin ulit natin yung last

part. Ang gwapo talaga ni Takeru Sato, ang galing nya!―

Iniwan namin sa lamesa ang tarts at tinakpan saka kami umakyat ng

hagdanan papunta sa kwarto nya. Natukso akong silipin ang kwarto ni

Ashton na katapat lang ng kwarto ni Ashleen, pero nakasarado iyon. Na-

realize ko lang na hindi ko pala masyadong kilala pa si Ashton.

Pakiramdam ko na-miss ko ang kalahati ng buhay ko. Ano ba ang ginagawa ko

noon na hindi ko nabigyan pansin si Ashton? Naging snob ba ako sa kanya?

Dumiretso si Ashleen sa CD rack nya samantalang ako naman ay umupo sa

kama nyang pink na pink. Mas dumami rin ang stuff toys sa kama nya.

Siguro nabili nya sa Japan at Hongkong ang mga ‘yon.

“Ashleen nagkita na ba kayo ni Alex?―

“Hmm. Oo, kaninang umaga nandito sya. Pero umalis din sya after lunch

kasi may pupuntahan sila ng Mama nya.― Lumapit sya sa DVD player at

mayamaya lang ay nag-play na ang movie.

Habang nanunuod kami ng movie ni Ashleen hindi ako mapakali. Palagi akong

tumitingin sa pintuan, baka kasi pumasok si Ashton. Alam kaya nyang

dumating ako? Pero nang makarating kami sa part kung saan puro action na,

hindi ko na maalis ang mga mata ko sa malaking screen ng TV. Ang bilis ng

kilos ng mga samurai, hindi ko masundan masyado. Nakakamangha talaga ang

mga galaw nila. Siguro ang daming pasa nila bago na-perfect ang mga galaw

nila.

Napaatras ako sa kamang inuupuan ko nang makita ko si Shishio.

Nakakatakot talaga sya! Napatingin naman ako sa nadaganan ng kamay ko.

Kinuha ko ang tablet na natatakluban ng puppy stuff toy ni Ashleen.

“Ashleen sa’yo ‘to?―

Saglit syang lumingon bago muling tinitigan ang TV. “Kay Ashton yan.

Pinagawa ko kasi kina Alex. Binigay kanina.―

Nang marinig ko ang pangalan ni Ashton, lumundag ang puso ko. Hawak ko

ang tablet nya! Nawala na sa movie ang atensyon ko. Hinawakan ko ang

tablet na parang doon nakasalalay ang future ko. Ano kaya ang mga apps sa

loob nito? Ano kaya ang games na nilalaro nya rito? May pictures kaya sya

rito?

Sobra akong na-excite na buksan.

“Ano’ng sira nito?―

“Yung screen kasi nabasag.―

Pinakatitigan ko ang tablet na hawak ko. Matibay ‘tong brand ah, bakit

kaya nabasag? Sinubukan kong i-open kaso may lock.

“Pwede ko ba ‘tong buksan?―

“Hmm? Sure,― sagot nyang hindi lumilingon sa akin.

“Ano’ng password?―

“Letter N.―

Bakit kaya letter N? Ano kaya ang meron sa letter N? May crush kaya sya

na letter N ang start ng pangalan? Baka naman Nirvana lang. Masyado akong

nag-iisip.

Kinapa ko na ang letter N para ma-unlock. Kaso bago ko pa sya tuluyang

mabuksan bigla nalang may humigit ng tablet mula sa mga kamay ko. Nakita

ko si Ashton na nakatayo sa harap namin ni Ashleen. Hawak nya ang tablet

sa isang kamay at ang strawberry tart na may kagat na sa isa pa nyang

kamay.

“Ashton!― nakangiti kong bati sa kanya. Ang cute nya! Naka-blue sya

na shirt na may nakakatuwang cartoon character.

May dumaang emosyon sa mukha ni Ashton na hindi ko nasundan. Parang kaba?

Kinakabahan siguro sya dahil sakin! Eeeeh!

“Bakit kayo nandito lang sa kwarto?― tanong nya sa akin.

“Sabi kasi ni Trisha hwag muna raw kayong abalahin sa practice,―

paliwanag ni Ashleen. Nakatutok parin ang mga mata nya sa labanan nina

Kenshin at Shishio.

Umupo si Ashton sa tabi ko at nakinuod. Inubos nya ang tart sa kamay nya.

Makalipas ang ilang minuto tumingin sya sa akin.

“G-Gusto mong manood sa practice namin?― tanong nya ulit sa akin.

Tinanong nya ako! Nakangiti akong tumango sa kanya. Nginitian naman nya

ako agad. Nag-wala na naman ang puso ko dahil sa nakakanginig nyang

ngiti. Hay Ashton, kung alam mo lang ang epekto mo sa akin. Kailan mo ba

balak magpakilala bilang Mr Creeper? Sa debut ko ba? Ngayon nalang

please!

Tumayo na kaming dalawa mula sa kama.

“San kayo pupuntang dalawa?―

Nakatingin na sa amin si Ashleen. Nagtataka ang mukha nya. Naka-pause ang

pinapanood nyang movie.

“Manonood ng practice,― nakangiti kong sagot.

Nagulat si Ashleen sa sagot ko. Tumayo rin sya at in-off muna ang DVD at

TV.

“Sama ako,― naka-pout nyang sabi.

Bumaba kaming tatlo ng hagdan. Nakita ko sina Warren sa kusina, kumakain

din sila ng strawberry tart na gawa ko.

“Uy! Nandito na pala si Strawberry!―

Nakatingin sa akin ang bandmates ni Ashton na sina Warren, Trisha at Gio.

Nasalubong ko ang tingin sa akin ni Trisha. Lumipat ang tingin nya sa

katabi kong si Ashton. Nakalimutan ko na may gusto nga pala sya kay

Ashton! Kinabahan ako bigla. Ang ganda ni Trisha. Sandali ko palang syang

hindi nakikita pero mas gumanda sya ngayon. Iba na ang kulay ng buhok

nya, kulay light brown iyon na may pink sa dulo.

“Ako?― turo ko sa sarili ko.

“Oo. Ikaw ang reyna ng strawberries,― biro nya at muling kumagat sa

tart. Bagay na syang maging model sa TV, mukha kasing nag-eenjoy sya

talaga sa kinakain nya.

Namula ako. Â

“Warren,― saway sa kanya ni Ashton.

“Ang dami kasi nyang dinalang strawberries dito sa bahay nyo Ashton.―

Nanginig ako nang magsalita si Trisha. Alam nya! Alam nyang gusto ko si

Ashton. “May tanim ba silang strawberry sa bahay nila?―

Hindi ko gusto yung tono ng salita ni Trisha. Yung paraan kasi ng

pagkakasabi nya, parang nang-iinsulto sya. Wala naman syang masamang

sinabi pero iba rin kasi sya makatingin.

“Galing kasi akong baguio kaya nakapag-bake ako ng maraming strawberry

tarts at pie.―

“Ganon ba? Sayang naman. Akala ko kasi nagbebenta ka. Magpapagawa pa

naman sana ako.―

“May pie?� tanong ni Warren. “Saan yung pie?� umikot sya ng

tingin sa kusina.

Si Ashleen ang sumagot sa tanong ni Warren. “Ubos na. Kinain na lahat

ni Ashton kagabi.―

Bigla naman akong sumaya sa narinig ko. Parang musika sa tenga ko yung

narinig ko mula kay Ashleen kahit na alam ko naman na katulad ko, hindi

sya marunong kumanta. Nagustuhan ni Ashton yung binigay kong pie. Gusto

kong gumulong ulit sa kama. Ang saya kiligin!

“Tayo na nga bumalik sa practice!― parang galit na sabi ni Trisha.

Nauna syang pumunta sa basement.

Nakasunod si Warren na may dalawang tarts na hawak. Halos mapuno na ang

buong bibig nya sa pag-subo ng buo sa isang tart. Nag-thumbs up sya sa

akin bago nya ako lagpasan. Si Gio na hindi nagsasalita ay may kinakain

din na tart. Tumapat sya sa akin at gamit ang malamig na boses ay sinabi

nyang; “Gawa ka ulit next time.― Yun na yata ang way nya para sabihin

na masarap yon.

Ngumiti ako sa kanya at lumakad na sya pabalik sa basement.

“Wow, nagsalita si Gio. Iba talaga ang powers mo Sissy! Napabilib mo

sya!― masayang sabi sa akin ni Ashleen. Nakipag-highfive pa sya sa

akin.

Kumuha rin si Ashleen ng tart at pumunta sa basement. Nakasunod kami sa

kanya ni Ashton. Napa-igtad pa ako nang maramdaman ko ang palad ni Ashton

sa likod ko. Nakaalalay sya sa akin sa pag-baba ng hagdanan. Ang init

talaga ng kamay nya. Sana lang hindi nya maramdaman kung gaano kabilis

ang tibok ng puso ko. Sigurado ako, nagwawala na yon sa loob ng katawan

ko! Ang sarap sa pakiramdam!

=================

Entry #70

Dear Future Boyfriend,

Three days straight na akong pumupunta kina Ashton para manuod ng band

practice nila. Sa tatlong araw na yon mas nagiging close na kami sa

isa’t-isa. Sa tuwing tumutugtog sya, hindi ko maiwasan na isipin na ako

ang tinutugtugan nya. Ang sarap nyang panoorin. Ang cool kasi nya tignan

habang natugtog ng gitara.

Pero hindi ko maiwasan na mag-selos kay Trisha. Ang dikit kasi nya kay

Ashton tuwing tumutugtog sila. Mukha silang love team ng banda. Kinakain

talaga ako ng selos ko minsan, pero pagkatapos naman nila tumugtog

inihahatid ako ni Ashton sa bahay namin kaya bawing-bawi ang selos ko.

Napapasaya nya kasi ako palagi.

Alam mo yung feeling na ramdam na ramdam mo na mahalaga ka sa kanya? Na

concerned sya sa’yo? Kahit di nya aminin sa akin na sya si Mr Creeper,

okay lang kasi pinapatunayan naman nya na hindi masasayang ang feelings

ko sa kanya. Ngayon palang kasi pinapatunayan nya na, na worthy sya na

magustuhan. Na he’s worth falling for. Na he’s willing to catch me

when I fall.

Ang cute nya talaga! Lalo na kapag ngumingiti sya sa akin, tapos ang mga

mata nya kumikislap. Feeling ko talaga dahil sakin kaya ganon ang mga

mata nya. Ang haba ng buhok ko! Ang fluffy sa pakiramdam. Para akong

napupuno ng cotton candy. Hindi ko alam kung bakit cotton candy. Haha!

Basta ang sweet kasi namin. Kinikilig ako. >.<

Kung ikaw si Ashton, ipagpatuloy mo lang yan ha! Pero I’m sure ikaw

sya! Kasi sasagutin ko sya kapag nanligaw na sya. I love you! :D

Love,

Kayleen

=================

Kayleen

Kayleen

“Sayang wala rito sina Ashton ngayon.―

Automatic na may bumagsak sa akin na malaking bato sa sinabi ni Ashleen.

Sayang yung blueberry muffins na dala ko. Hindi ko sya makikita na

kinakain ‘yon. Sa tuwing nakikita ko kasi si Ashton na kinakain ang mga

na-bake ko, feeling ko ako na ang pinakamasayang tao sa mundo! Kaso

ngayon, sawi ako. Di ko sya makikita.

“Bakit nga ba sila lumipat ng practice place?―

Naramdaman ko ang magaang kamay ni Ashleen sa buhok ko habang inaayusan

ako. Sana sa salon din ganito ang kamay nila, yung iba kasi sobra kung

makahigit ng buhok sa pagsusuklay. May plano yata silang mangalbo ng

customers.

“Hindi ko rin alam eh. Basta biglang doon daw kina Trisha ang practice

kasi di raw sya pinayagan na lumabas ng bahay.―

“Hmm.― Mas lalo akong nalungkot na kina Trisha pala sila nag-practice

ngayon.

“Kayleen?―

Tumingin ako sa kanya mula sa salamin. “Bakit?―

“Gusto mo ba si Ash?―

Nabigla ako sa tanong nya. “H-Huh?!―

“I know, I know naman na lagi mong sinasabi na mas bata sya sayo kaya

ayaw mo sa kanya. Tsaka natatakot ka sa kanya. Pero kasi mukhang okay na

kayo.―

“Uhh...― Wala akong masabi.

“May nangyari ba sa inyo sa Baguio?―

Uminit ang mukha ko. “WAAAAH! Ano’ng ibig mong sabihin?―

“You know...―

“A-Ano ‘yon?― Nagbuhol na ang dila ko. Alam kaya nyang nag-holding

hands kami ng kapatid nya at hinuhuli nalang nya akong umamin? Sasabihin

ko rin naman sa kanya pero hindi pa ngayon! Waaah!

“Nag-sorry na ba sya sa’yo noon sa Baguio?―

“Sorry saan?― nagtataka kong tanong.

Ngumuso sya. “Dun sa kiss?―

Namula ang mukha ko. “K-Kiss?― Nakita nya ba kaming nagkiss ni Ashton

not once but twice?! Sasabihin ko rin naman yun sa kanya pero hindi pa

ngayon! Pano nya alam yun?

“Nakalimutan mo na ba? Hinalikan ka nya noong sixteenth birthday

nya,― nangingiti pa nyang sabi.

“Ahh.― Nakahinga ako nang maluwag.

“Nag-sorry na sya?―

“Hmm.― Inisip ko kung ano ang isasagot ko sa kanya kasi hindi naman

nag-sorry sa akin si Ashton. “Oo.― At sa totoo lang ayoko na syang

mag-sorry. Kasi ngayon alam ko na kung bakit nya yon ginawa. Masaya rin

naman ako kasi sya ang first kiss ko. Natuwa na naman ako sa naalala ko.

“Mabuti naman okay na kayo ng kapatid ko.― Natapos na sya sa pag-

aayos sa buhok ko at ako naman ang nag-practice ng french braid sa buhok

nya. “Alam mo Kayleen, blooming ka. In love ka ba?―

Tumawa lang ako sa sinabi ni Ashleen. Hindi ko sya sinagot kasi naman

hindi pa ako handang aminin sa kanya na nagpapaganda ako para sa kapatid

nya. Ang weird kasi dati naman ayaw ko sa kapatid nya. Baka mabigla pa

sya kapag sinabi ko ngayon. Siguro kapag nanligaw na sa akin si Ashton,

saka ko sasabihin kay Ashleen ang lahat.

Umuwi na ako bago pa gumabi. Namimiss ko na kaagad si Ashton. Bukas pa

naman hindi ako makakapunta sa kanila kasi may pupuntahan kami ni Kuya

Dylan. Mamimiss ko ulit sya bukas. Saan kaya sila magpa-practice sa

susunod na araw? Kina Trisha kaya ulit? Bakit don?

Ay ano ba? Band practice naman yung pinuntahan nya, hindi naman sila nag-

date. Hindi naman ako dapat na mag-selos. Pero kasi nakakalungkot na sila

yung magkasama at ang layo ko sa kanya. Iniisip nya rin kaya ako ngayon?

Ano kaya ang ginagawa nya ngayon? Pauwi na kaya sya? Doon kaya sya magdi-

dinner? Marunong kayang magluto si Trisha?

Oh no! Paano kung marunong syang mag-luto? Tapos alam nya ang favorite na

ulam ni Ashton? Nag-aaral din naman akong magluto ngayon. Kahit paano

nakakapagluto na ako ng karne pero hindi ko parin napeperfect ang cooking

skills ko. Hindi katulad sa baking na napapalibutan ako ng mababangong

powders. Sa meat lagi akong natatalamsikan ng mantika kung prito.

Bigla nalang akong nilamig. Napatigil ako sa paglalakad nang makita kung

sino ang nasa dulo ng daan na lalakaran ko.

“Kayleen!―

Bitbit ang gitara nya sa likod, tumakbo sya palapit sa kinatatayuan ko.

Pinanood ko syang lumapit sa akin. Lumundag na naman ang puso ko nang

makita ko sya. Gusto ko rin tumakbo papunta sa kanya pero nasa harap ko

na sya ngayon. Nasisilaw na naman ako sa ngiti nya.

“Pauwi ka na?― tanong nya sa akin.

Tumango ako.

“Hatid na kita.―

Parang nalulon ko pa ang dila ko kasi ilang segundo akong di nakasagot.

Ang cute nya kasi talaga! Bakit nagiging mas cute sya sa paningin ko

habang tumatagal? Ang bango nya pa. Ano kayang pabango yun? Gusto kong

bumili at i-spray sa kwarto ko.

Ano nga ulit yung tanong nya? Tanong ba yun? Ang hirap mag-concentrate

kapag ganito sya kung makatingin. Ang saya ng mga mata nya. Alam na kaya

nyang gusto ko sya? Halata na ba? Ah! Concentrate!

“H-Hindi na. Malapit lang naman eh.―

Pero hindi sya nakinig sa akin dahil sinabayan nya na ako ng lakad

patungo sa bahay namin. Sumaya naman ako kasi gusto ko pa syang makasama

kahit ilang minuto pa.

“Kumusta ang practice?―

Sinilip ko saglit ang mukha nya. Bakit kahit hapon na, mabango parin sya?

Hindi ba sya pinagpawisan sa practice?

“Okay naman. Ikaw? Ano’ng ginawa nyo ni Ash kanina?―

Tinuro ko ang buhok ko. “Tinuruan nya ulit ako ng ibang style ng french

braid at nag-usap. Girl talk.―

Katulad nga ng sinabi ko kanina sa kanya, malapit na kami sa bahay ko

kanina. Ngayon nasa tapat na kami ng gate namin.

Magkaharap kaming nakatayo sa tapat ng bahay namin.

“Ashton, pupunta ka sa birthday ko diba?―

“Invited ba ako?― tanong nya sa pabirong tono.

Natawa ako. “Oo naman! Ano ka ba?―

“Pupunta ako.― Nginitian nya ako.

“Pwede ba akong humiling?―

“Kahit ano,― nakangiti at full of assurance nyang sagot.

Kinagat ko muna saglit ang labi ko. “Pwede ba kitang maging escort?―

Pinakatitigan nya ako nang husto. “Of course Kayleen.―

Feeling ko sumabog ang puso ko sa saya. Lumawak ang ngiti ko sa labi.

Parang lilipad na ako sa sobrang gaan ng pakiramdam ko. Ang saya!

“Nagdala ako ng blueberry—―

“Muffins,� dugtong nya sa sinasabi ko. “Tinext sakin ni Ash kaya

ako umuwi kaagad.―

Natuwa ako nang husto sa sinabi nya. Sayang di ko sya makikita na kainin

nya yon.

“Tikman mo ah.―

“Palagi naman.―

Totoo ‘yon, palagi nyang kinakain ang mga na-bake ko.

“Sige, pasok na ako.― Pero ayoko pa talagang pumasok sa loob ng bahay

namin. Kung pwede lang kaming tumambay dito ng ilang oras kaso lalamukin

na kami.

“Good night Kayleen.―

“Good night.―

Binuksan ko na yung gate namin.

“Kayleen.―

Mabilis ko syang nilingon. “Yes?― Ayoko pa talagang umalis sya.

“Bagay sa’yo.― Turo nya sa buhok ko.

Sa sinabi nyang yon, feeling ko talaga ang ganda ko! Sobrang ganda ko!

Mas maganda pa kay Trisha! Mapapagulong na naman ako sa kama ko mamaya!

Ang sarap ma-inlove. Sobra!

=================

Entry #71

Dear Future Boyfriend,

Nakita ko kayo ni Trisha kahapon sa mall habang kasama ko si Kuya Dylan.

Bakit kayo magkasama? Bakit kayo nasa mall? Diba may practice kayo ng

banda? Yon ang sabi ni Ashleen sa akin. Pero bakit ka nasa mall? Bakit mo

kasama si Trisha sa mall? Bakit sya nakahawak sa braso mo?

Sigurado ako na nakita ako ni Trisha, lumingon pa sya sakin non. Bumulong

pa sya sayo pagkatapos pero umalis lang kayo non. At siguro nga alam mo

rin na nandon ako pero di ka lumingon. Bakit?

Ano ba talaga ang meron sa inyo ni Trisha? Narealize mo na ba na sya ang

gusto mo? Nakakahiya. Niyaya pa naman kita na maging escort ko nung isang

araw tapos...

Pero ano nga ba tayo? May karapatan ba ako na magselos? Hindi naman kasi

tayo. Ni hindi mo nga magawang umamin sakin diba? Ayokong mag-isip ng mga

ganitong bagay. Ayoko nalang muna pumunta sa inyo. :(

Love,

Kayleen

=================

Message #39

1 New Message

From: Ashleen BFF <3

Kayleen, punta ka ulit dto. :(

_______________________________________________

To: Ashleen BFF <3

Bakit may sad face? :(

_______________________________________________

From: Ashleen BFF <3

Nag-away kasi kmi ni Alex. Huhu :(

_______________________________________________

To: Ashleen BFF <3

Hala. Bakit? :O

_______________________________________________

From: Ashleen BFF <3

Punta ka dto?

_______________________________________________

To: Ashleen BFF <3

Wala ba dyan yung banda?

_______________________________________________

From: Ashleen BFF <3

Dun ulit sila kina Trisha nag-practice ngayon.

_______________________________________________

To: Ashleen BFF <3

Wait mo ko ten minutes.

_______________________________________________

From: Mr Creeper

Hey. :)

_______________________________________________

From: Mr Creeper

Kayleen?

_______________________________________________

To: Mr Creeper

Bakit?

_______________________________________________

From: Mr Creeper

Kumusta? :)

_______________________________________________

To: Mr Creeper

Okay lang.

_______________________________________________

From: Mr Creeper

Ano’ng ginagawa mo ngayon? :)

_______________________________________________

To: Mr Creeper

Palabas ng bahay.

_______________________________________________

From: Mr Creeper

Saan ka pupunta? :)

_______________________________________________

To: Mr Creeper

Makikipag-date.

_______________________________________________

From: Mr Creeper

Kanino? :(

_______________________________________________

From: Mr Creeper

Kayleen? :(

_______________________________________________

From: Mr Creeper

Kanino ka makikipag-date? :(

_______________________________________________

From: Mr Creeper

Hwag ka munang makipag-date. :(

_______________________________________________

From: Mr Creeper

Kayleen. :(

_______________________________________________

From: Mr Creeper

Saan ang date nyo?

_______________________________________________

From: Mr Creeper

Kayleen. Saan?

_______________________________________________

To: Mr Creeper

Bakit mo ba gustong malaman?

_______________________________________________

From: Mr Creeper

Pupuntahan ko kayo.

_______________________________________________

From: Mr Creeper

Kayleen. Saan ka pupunta?

_______________________________________________

From: Mr Creeper

Sino yung ka-date mo?

_______________________________________________

From: Mr Creeper

Kayleen!

=================

Kayleen

Kayleen

Â

Â

“Bakit ba kayo nag-away ni Alex?― tanong ko kay Ashleen habang hindi

parin sya tumitigil sa pag-iyak.

Napuno na ng gamit na tissue ang trash bin ng kwarto nya.

“K-Kasi sya eh!� Hikbi nya. “N-Nakalimutan nya yung monthsary

namin!―

“Nakalimutan ni Alex ang monthsary nyo?― hindi makapaniwalang tanong

ko. Parang hindi naman si Alex yon. “Baka naman busy lang sya?―

“B-Bakit naman sya magiging busy eh bakasyon naman ngayon. Walang klase

ngayon diba? Ano pa ba ang pagkakaabalahan nya ngayon?―

Humagulgol na naman sya ng iyak. Niyakap ko nalang sya para kahit papaano

maramdaman nyang di sya nag-iisa. Pareho pa kami ngayon na may problema.

Si Ashton kasi eh!

“H-Hindi na nya ako mahal!� malakas nyang iyak. “M-May iba na

siguro sya!―

“Ashleen, mag-usap muna kayo. Kausapin mo sya.―

“Basta! Ayoko muna syang isipin ngayon. Naiinis ako sa kanya!

Kinalimutan nya ang monthsary namin! Ni hindi nya ako binati ngayon.

Nakakainis sya talaga!―

Pinunasan nya ulit ang mga mata nya gamit ang tissue. Namumugto ang mga

mata nya.

“Gusto mo bang lumabas muna ng bahay? Nuod tayo ng sine? Laro tayo sa

arcade? Matagal na tayong di nakakapag-mall,― suhestyon ko. Sa totoo

lang gusto ko rin talagang manood ng sine ngayon. Gusto kong maaliw.

“Sige. Wait lang ah. Di kasi ako nakaligo kanina, si Alex kasi!―

“Kaya pala kanina pa ako may naaamoy,― biro ko sa kanya.

“Oy! Sobra ka Kayleen! Naligo naman ako kagabi,― nakangiti nyang

sagot.

Tumayo si Ashleen at pumasok sa bathroom nya. Humiga ako sa kama ni

Ashleen at hinintay syang makatapos sa paliligo. Sa totoo lang ang sakit

din ng puso ko ngayon, parang kinukurot. Di kasi mawala sa isip ko yung

nakita ko kahapon. Bakit kaya sila nasa mall na dalawa?

May naramdaman akong nag-vibrate sa kama ni Ashleen. Nakita ko ang

cellphone nya. Kinuha ko yon at tinignan. May nag-text sa kanya. Si Alex

kaya?

Swipe to unlock lang cellphone nya kaya nabuksan ko. Si Ashton pala ang

nagtext.

From: Lil Bro

Ash, nandyan ba si Kayleen?

Napanguso ako. Sabi ko sa kanya may date ako ngayon. Di ba sya naniniwala

sa akin? Ano ba akala nya, walang ibang makikipag-date sa akin? Sya lang

ba may kayang makipag-date sa iba? Di ko na namalayan na nagta-type na

pala ako ng reply.

To: Lil Bro

Wala. May date daw sya ngayon. :)

Pinindot ko ang send. Hah! Nilagyan ko pa ng smiley para mainis sya.

Mabilis syang nag-reply. Ang bilis naman nyang mag-type.

From: Lil Bro

Kanino?

Napasimangot na naman ako. Wala naman talaga akong ka-date eh. Si Ashleen

nga lang ang ka-date ko. Pero syempre hindi nya yon alam. Hindi ko sya

nireplyan. Binura ko rin ang palitan namin ng texts sa phone ni Ashleen

para di nya mabasa.

May napansin pa ako sa phone ni Ashleen kaya kinalikot ko muna para itama

ang date. Medyo advance kasi eh. Inilagay ko na iyon sa lamesa nya para

di ko na mahawakan pa.

Umupo ako sa kama at niyakap ang malaking bear stuff toy na nandon. Haay,

Ashton. Kahit naiinis ako sayo parang ang saya parin kasi mukhang

concerned ka. Katuwa pero kainis din. Hindi muna tayo bati ngayon.

Hangga’t hindi ko nalalaman kung bakit kayo magkasama ni Trisha dun sa

mall, hindi muna tayo bati!

Sasabihin mo kaya sa akin yung rason kahit na di ko itinatanong? O

ililihim mo kaya?

Napili namin ni Ashleen na manood ng isang Disney movie pagkarating namin

sa mall. Umiwas kami sa love story at mas pinili yung pambatang movie

para makalimutan nya si Alex. Hindi nya alam na ako rin gusto kong

malimutan muna ang kapatid nya.

Fifteen minutes na nag-start ang movie pero hindi parin ako mapakali sa

upuan ko. Gusto kong mag-concentrate pero di ko magawa. Pinuno ko nalang

ng popcorn ang bibig ko. Ano kayang ginagawa ni Ashton ngayon? Nandun na

naman sya sa bahay ni Trisha. May practice nga kaya sila o baka naman may

date na naman? Baka nga silang dalawa lang sa bahay. NO! Ano ba ‘tong

iniisip ko? Kumain nalang ulit ako ng popcorn at nagconcentrate sa movie.

Lumabas kami ng cinema at bumaba sa first floor para sana tumingin tingin

sa mga shops. Kaso nabigla ako nang higitin ni Ashleen ang braso ko at

nagtago kami sa isang ice cream stall.

“Si Alex yon!� turo nya sa isang direksyon. “Kita mo?�

Sinundan ko ng tingin ang tinuturo nya at nakita ko nga si Alex na

naglalakad.

“Sundan natin!― Hinigit nya ulit ang braso ko para sundan ang

boyfriend nya. “Sino kaya ang babaeng kasama nya?―

“Wala naman syang kasama Ashleen.―

“Baka magkikita sila! Lagot talaga sya sakin! Sasampalin ko sya kapag

nakita ko may iba syang babae!―

“Baka ma-youtube ka rin. Katulad dun sa babaeng nanampal ng gangster sa

mall.―

“Movie lang yun Kayleen. Hindi ako mayu-youtube.―

“Libro muna yun bago naging movie. Tsaka pano mo alam na hindi ka mayu-

youtube? Uso yun ngayon.―

Tumingin kami sa mga taong naglalakad sa mall. Karamihan sa kanila ay may

nakalabas na touchscreen na cellphone. May tablet pa yung isang bata na

naglalaro yata ng candy crush.

“Ah basta! Kung hindi dito sa mall, dun sa bahay nila ko sya

gugulpihin.―

Nakita namin si Alex na pumasok sa isang jewelry store.

“Sinasabi ko na nga ba may babae sya eh!―

“Bakit mo nasabi? Baka bibili lang sya ng relo.―

“Sa Tiffany sya pumasok!―

“May Tiffany pala dito? Bagong tayo siguro.―

“Tara sundan natin sya!―

“Teka baka makita nya tayo.―

“Good, para masampal ko sya!―

“Hwag dito, mayu-youtube ka.―

“Basta! Lagot sya!―

Pumasok nga kami sa Tiffany at nakita namin si Alex. Nakatalikod sya sa

amin at kausap yung babaeng staff. Mabilis namin syang nilapitan ni

Ashleen.

“Oo para sana sa girlfriend ko,― sabi ni Alex dun sa babae.

“Monthsary kasi namin bukas.―

“Ang sweet nyo naman Sir. Ito po baka magustuhan nya.―

“Hmm. Maganda nga.―

Para namang nanigas sa kinatatayuan nya si Ashleen. Bigla ulit nya akong

hinila palabas ng store. Nagmamadali nya akong hinigit papunta sa ladies

room.

“Oh my God!� naiiyak nyang sabi. “Magka-sunod yung monthsary namin

ng babae nya!― Malakas syang umiyak kaya naman napatingin sa amin ang

ilang babae na nandon.

“Ashleen!� niyakap ko sya. “Hwag kang umiyak Ashleen.�

“Hindi nya kinalimutan yung monthsary namin, sadyang di lang talaga nya

ako binati! May iba na kasi sya!― malakas na iyak nya.

“Ashleen! Huminahon ka! Baka ikaw yung mali!―

Bigla syang humiwalay sa yakap nya sa akin. Tinignan nya ako na hindi sya

makapaniwala.

“A-Ano?! Kayleen, bakit mo nasabi yan?!―

Nakagat ko ang ibabang labi ko. “Naalala ko kasi kanina yung phone mo,

nakita ko na mali ang date. Itinama ko kanina.―

“H-Huh? Ano?― tulala nyang tanong sa akin.

“Check mo yung phone mo.―

Kinuha nya ang phone nya sa purse nya. Tinignan nya yon at natampal nya

ang noo nya.

“I’m so stupid,� bulong nya. “Pero paano nagkamali ang date

nito?―

“See?― nakangiti kong sabi. “Hindi nya nakalimutan.―

Niyakap nya ako at tumawa sya habang umiiyak.

“Ang tanga ko Kayleen! Hahahaha!―

“Makipag-bati ka na kay Alex. Kawawa naman yon, inaway mo. Puntahan mo

na sya.―

Malapad ang ngiti nya nang humiwalay sa akin. Pinunasan ko ang pisngi nya

at inayos ang eyeliner nyang medyo kumalat na.

“P-Pero pano ka?―

“Sus! Okay lang ako. Kaya ko naman umuwi mag-isa. Ang importante

magkaayos na kayong dalawa.―

Muli nya akong niyakap nang mahigpit. “Thank you so much!―

“Go Ashleen!―

Hinalikan nya ako sa pisngi at tumakbo na sya papunta kay Alex.

=================

Kayleen

Kayleen

Pinanuod ko si Ashleen na humabol kay Alex na kalalabas palang ng

Tiffany. Nang magkita sila, agad silang nag-yakapan. Ni hindi nila

napansin ang mga nakatingin sa kanilang dalawa. Kahit na malayo sila sa

akin, nararamdaman ko ang saya nila.

Mabuti pa silang dalawa. Gusto ko rin na magkaayos na kami ni Mr Creeper

ko. Kaso sya kasi eh! Bakit ba kasi sya nasa mall kasama si Trisha? Ang

paalam nya kay Ashleen may band practice sila tapos nasa mall lang sya

kasama yung bokalista nila. Hmph!

“Kay?―

Napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang gulat. Nilingon ko ang lalaking

nasa kanan ko na tumawag sa akin. Nakita ko si Gio na nakatayo di

kalayuan sa pwesto ko. May kinakain syang ice cream.

“Hi Gio,― bati ko sa kanya.

“Mag-isa ka?― Lumapit sya sa akin.

“Oo eh. Iniwan ako ng kasama ko.―

“Gusto mo?― alok nya sa ice cream na hawak nya.

Ngumiti ako at umiling. Nakakapagtaka talaga si Gio. Ang alam ko kasi

hindi naman talaga sya pala-salita pero pagdating sa akin, kaya nyang

makipag-usap ng normal.

“May dala ka bang cookies?―

Umiling ako.

“Pie?―

Umiling ulit ako.

“Tarts?―

Umiling ulit ako. Bumuntong hininga sya.

“Ginugutom kami ni Trisha.― Malungkot nyang dinilaan ang kanyang ice

cream.

“Wala bang pagkain don?―

“Wala silang desserts.―

Siguro kaya ako kinakausap ni Gio kasi nasasarapan talaga sya sa mga

ginawa kong tarts, pies at cupcakes. Kada may practice kasi sila nandon

ako at palagi akong nagdadala ng pagkain.

“Tapos na ba ang practice nyo?―

Tumango sya.

“Maaga pa ah.―

Nagkibit balikat sya.

“Nagutom ako eh.―

“Umalis ka sa practice kasi nagutom ka?―

Nagkibit balikat ulit sya.

“Puro lang ba matatamis ang kinakain mo?―

“Minsan.―

Nakakatuwa talaga sya mag-salita. Parang lagi syang tinatamad makipag-

usap. Pero kung titignan mabuti kahit naman ang mga mata nya mukhang

inaantok din. Sa practice lang talaga sya ganado gumalaw. Sa tangkad

nyang ito, kahit katawan nya parang tamad syang dalhin. Sya pa ang

pinakamatangkad sa grupo nila.

“May practice ba kayo bukas?―

Tumango sya. Nasa cone na sya ng ice cream. Malapit na nyang maubos.

“Gusto mo ba gawan ko kayo ng peanut butter cookies bukas?―

Tumingin sya sa akin. Mabilis syang tumango.

“Daanan mo bukas sa bahay namin. Ibibigay ko sayo ang address ng bahay

namin.―

“Alam ko ang bahay nyo.―

“Alam mo na?―

“Nag-iisang bahay na amoy cookies. Dadaan ako bukas ng umaga.―

Natawa ako sa sinagot nya. Siguro nga sa sobrang pagbe-bake ko hanggang

sa labas nag-aamoy dessert.

“Pwede mo rin bang... bigyan si Ashton?― Pinaglaruan ko ang daliri

ko.

“Sige. Pero pwede bang mas marami yung akin kaysa sa kanya?―

“B-Bakit naman?―

“Mas marami kasi syang kinakain palagi.―

Napatawa ako. “Sige, tutal ikaw naman ang kukuha non sa bahay bukas.

Mas marami yung sa’yo.―

“Salamat.―

Nakatayo lang kami sa may railings ng mall hanggang sa maubos nya ang ice

cream na kinakain nya. Pinanuod ko ang mga tao na nasa first floor.

Naramdaman kong lumayo sa akin si Gio. Lumapit sya sa trash bin at

itinapon ang tissue mula sa ice cream cone kanina. Muli syang lumapit sa

akin.

“Hindi ka pa uuwi?― tanong nya sa akin.

“Uuwi na.―

“Ihahatid kita.―

Umiling ako.

“May dadaanan pa kasi ako.―

“Sige. Mauuna na ako.―

“Ingat ka.―

“Mag-ingat ka pag-uwi.―

Tumango ako at pinanood syang maglakad na palayo. Gusto ko sanang mag-

shopping ng ingredients para sa cookies na gagawin ko mamaya. Naalala ko

na namili na nga pala kami kahapon ni Kuya Dylan tapos nakita ko pa sina

Ashton at Trisha.

Ipinilig ko ang ulo ko para mawala yung naiisip kong eksena. Bumili

nalang ako ng mango shake sa isang stall at umupo sa food court. Inilabas

ko ang cellphone ko na hanggang ngayon ay naka-off parin. Marami kayang

text sa’kin si Mr Creeper?

Buksan ko kaya ang cellphone ko? Mamaya nalang sa bahay. Uuwi nalang ako.

Tumayo na ako at naglakad papunta sa escalator. Pababa na ako nang makita

ko si Ashton na humahangos ng takbo paakyat sa escalator. Nanlaki ang mga

mata nya nang makita ako.

“Kayleen!―

“Ashton?―

Lumagpas na ako sa kanya at sya naman ay patuloy sa pagtaas. Nagmamadali

syang umakyat at muling bumaba sa escalator. Pagkababa nya ay ilang

malalaking hakbang ang ginawa nya at agad nya na akong niyakap. Nakabaon

ang mukha nya sa leeg ko. Ramdam na ramdam ko ang mabilis na tibok ng

puso nya. Ang init nya at ang bango nya. Ang sarap makulong sa bisig nya.

Gusto kong matunaw.

“Nakita rin kita,― bulong nya. Mas lalong humigpit ang yakap nya.

Medyo nakiliti ako sa hininga nya. “A-Ano’ng ginagawa mo rito?―

“Hinahanap ka.―

“Bakit mo ko hinahanap?―

“Kasi gusto kitang makita.―

Humiwalay sya ng yakap sa akin at tumingin tingin sa paligid.

“Nasaan ang ka-date mo?― tanong nya.

“Paano mo nalaman na may ka-date ako?― Gusto ko na syang umamin

bilang Mr Creeper.

“Kay Ashleen.―

Ay oo nga pala tinext ko sya kanina gamit ang number ng kapatid nya.

“Sino yung ka-date mo?― medyo iritadong tanong nya. “Nasaan sya?―

“Wala na, umuwi na.―

“Iniwan ka nya rito?― mas nairita pa sya sa nalaman nya.

“Pinauwi ko na sya eh.―

“Ako na ang maghahatid sa’yo pauwi.―

“Kaya ko naman umuwi mag-isa Ashton.― Lumakad na ako patungo sa exit.

Naramdaman ko naman na sumunod sya sa akin.

“Kayleen, galit ka ba sa’kin?―

“Hindi!― Binilisan ko ang lakad ko.

“Bakit parang galit ka?―

“Imagination mo lang ‘yon.― Mas binilisan ko pa ang lakad ko.

“Galit ka nga.―

Hinarap ko sya.

“Hindi nga ako galit! Bakit ba ang kulit mo Ashton? Sinabi nang hindi

e!―

Pinakatitigan nya ako na may blankong expression.

“Gusto mo bang manood ng movie kasama ako?―

Nalulon ko yata ang dila ko sa gulat. Niyayaya nya akong manood ng movie.

“Anong movie?―

“Anong gusto mo?―

“Gusto ko yung love story.― Hinintay ko syang kumontra.

“Sige.― Hindi man lang sya nagpapilit?

Hinawakan nya ang kamay ko at bumalik kami sa second floor. Lumutang na

naman yung kaluluwa ko dahil sa kamay nya. Bakit nya hawak ang kamay ko?

Waaaaah! Bakit ko sya hinahayaan na hawakan ang kamay ko?

Habang naglalakad kami hindi ko maalis ang tingin ko sa kamay naming

magkahawak ngayon. HHWW kaming dalawa! Kinikilig ako! Nawala bigla yung

inis ko sa kanya. Parang ang tagal na nung issue na yon at wala na akong

pakialam.

Bumili sya ng dalawang tickets, isang malaking popcorn at dalawang soda.

Pumasok kami ng cinema at inabutan ang ilang movie trailers. Madilim na

sa loob kaya naman pinahawak nya ako sa braso nya para di ako madapa

habang umaakyat ng hagdan. Sa bandang gitna kami pumwesto ng upo. Inalis

nya ang gitarang nakasukbit sa likod nya at inilagay nya yon sa bakanteng

upuan sa tabi nya.

Wala namang masyadong laman ang sinehan. Halos sampu lang kami dito at

magkakalayo pa ang pwesto.

“Maaga bang natapos ang practice nyo ngayon?― bulong ko sa kanya.

“Oo.―

“Bakit?―

Tumingin sa akin si Ashton.

“Sino yung ka-date mo kanina?―

Umiwas ako ng tingin sa kanya.

“Wala,― sagot ko. Sumubo ako ng popcorn.

Umisod sya ng upo palapit sa akin. Naramdaman ko ang pagdidikit ng mga

braso namin.

“Wala?―

“Oo, wala.―

“Galit ka ba sakin?―

Hindi ako sumagot. Lumipas ang limang minuto bago ko sya kinausap ulit.

“Nasaan ka kahapon?―

“Sa bahay nina Trisha.―

“Talaga?― Nainis ako.

“Oo. Bakit mo tinatanong?―

“Wala lang.―

Umisod ako ng upo ko palayo sa kanya.

“Kayleen,― aniya sa mababang boses.

“Sshh. Nanunuod ako.―

Hindi na sya nag-salita pa pero ramdam ko ang pagtagos ng titig nya sa

akin. Kumain nalang ulit ako ng popcorn. Hindi ba nya sasabihin sa akin

na nag-mall sila ni Trisha kahapon?

=================

Kayleen

Kayleen

Patuloy ang pananahimik ni Ashton sa tabi ko habang nanunuod kami ng

movie. Ni hindi nya ako kinukulit. Hindi ako makapag-concentrate sa movie

dahil gusto kong malaman kung bakit nga ba sila magkasama ni Trisha

kahapon. Nilingon ko na si Ashton nang di na ako nakatiis. Itatanong ko

nalang sa kanya para matapos na ang pag-iisip ko.

Kaso nang lingunin ko sya nakita ko ang ulo nyang nakaharap sa gawi ko.

Nakasandal iyon sa inuupuan nya. Nakapikit sya at mukhang nakatulog na.

Mukhang napaka-uncomfortable ng pwesto nya kaya naman umayos ako ng upo.

Muli akong umisod sa gilid ng upuan ko palapit sa kanya. Ipinatong ko

nalang sa balikat ko ang ulo nya para hindi sya masyadong mangawit. Baka

sumakit pa ang leeg nya pagka-gising nya. Kawawa naman, mukhang napagod

yata sya sa practice nila.

Di bale na nga lang. Ang mahalaga nandito si Ashton sa tabi ko at hindi

sa tabi ni Trisha. Kami ang nagde-date ngayon at hindi sila. Naisip ko

lang na baka naman nag-over react ako sa naisip ko tungkol sa kanila.

Baka naman may binibili lang sila na magkasama. Pero ano kaya?

Na-distract ako sa naamoy ko nang huminga ako nang malalim. Yung shampoo

ni Ashton naaamoy ko. Hindi ko maipaliwanag ang bango ng shampoo nya.

Magka-iba sila ng gamit ni Ashleen. Ang bango bango talaga ng buhok nya.

Hindi man lang sya amoy pawis bakit ganon? Hindi ba ang mga lalaki

natural na pawisin? Kasi yung mga lalaki kong kaklase palagi silang

pinagpapawisan. Tumakbo pa naman sya kanina dito sa mall. Bakit nga ba

sya tumatakbo kanina sa mall? Ni hindi man lang sya nabigatan sa dala

nyang electric guitar. Masakit siguro ang balikat nya.

Naramdaman ko syang nagising bago pa man sya gumalaw kaya pinigilan kong

alisin nya ang ulo nya sa balikat ko.

“N-Nakatulog ako.―

“Matulog ka pa.―

“Hindi na ako makakatulog.―

“Nakatulog ka nga kanina. Matulog ka pa. Mamaya pa matatapos ‘tong

movie.―

“S-Sorry. Okay na ako. Hindi na ako makakatulog talaga.― Inalis na

nya ang ulo nya sa balikat ko.

“Okay lang. Mukhang napagod ka.―

“Napuyat lang ako kagabi.― Umayos sya ng upo.

“Bakit ka napuyat kagabi?― Pareho pala kaming di nakatulog kagabi.

“May hinihintay kasi akong reply pero hindi dumating.―

Bigla akong nilamig. Kasi naman hindi ko nireplyan ang text sa akin ni Mr

Creeper kagabi. Nainis kasi ako sa kanya kahapon sa nakita ko kaya di ko

pinansin yung mga texts nya.

“Kayleen?―

“Bakit?―

“G-Galit ka ba sa’kin?―

Huminga ako nang malalim bago sumagot.

“Hindi.―

“Naiinis?― hula nya.

Hindi ako umimik. Hindi ko rin sya nililingon.

“Bakit?― tanong nya.

“Wala.―

“Kayleen, ano ba ang nagawa ko?― Tinitigan nya ako.

“Wala. Basta.―

“Kayleen.―

“Ashton.―

“Hahalikan kita.―

Gulat akong napatingin sa kanya. “Ashton!― muntik ko nang mai-sigaw.

Nakakahiya kung mag-ingay ako rito, nasa cinema pa naman kaming dalawa.

“Sabihin mo sakin kung ano ba ang kasalanan ko.―

Bumuntong hininga ako. Ayokong sabihin sa kanya kasi lalabas na

nagseselos ako. Kapag lumabas na nagseselos ako ibig sabihin gusto ko

sya. Iisipin nya na gusto ko sya. Okay lang ba na isipin nya yon kung

hindi ko naman alam kung ano ba kami?

Teka meron nga bang KAMI? Pano kung laro lang pala sa kanya to at ako

lang ang nag-iisip na seseryosohin nya ako? Bestfrien ko ang Ate nya. Mas

matanda ako sa kanya. Hindi kaya iniisip nya na challenge lang to kasi

magandang magka-girlfriend ng mas matanda?

Napa-ayos ulit ako ng upo palayo sa side nya. Hindi ko talaga

maintindihan ang sarili ko. Nawala na yung inis ko sa kanya kanina kaso

ngayon naman sa sarili ko ako naiinis. Nagpa-uto ba ako? Nagpadala ba ako

kasi cute sya? Nagustuhan ko ba sya kasi gusto nya ako?

“Hwag kang lumayo Kayleen,― bulong nya. Ramdam ko ang nakakatunaw na

titig nya sa akin kahit di ko sya lingunin. “Mahihirapan na naman ako

na maabot ka.―

Nilingon ko sya at sandaling tinitigan. Natatakot ako sa titig nya sa

akin dahil masyado iyong intense para sa isang lalaking sixteen years old

palang na lalaki. Masyado iyong seryoso at matured para sa edad nya.

“Gusto mo ba ako Ashton?―

Hindi man lang sya kumurap at mabilis syang sumagot. “Oo.―

Parang may kumurot sa puso ko. Sinabi nya bang gusto nya ako?

“G-Gusto mo ako?―

“Oo Kayleen, gusto kita.―

Ilang beses akong lumunok. Natutunaw na talaga ako sa titig nya sa akin

kaya naman umiwas ako ng tingin. Pinaglaruan ko ang mga daliri ko. Ang

bilis ng tibok ng puso ko.

“K-Kung ganon bakit kayo nagdedate ni Trisha kahapon?―

“Wala akong ka-date kahapon. Ikaw lang ang dine-date ko Kayleen.―

Bigla akong umiyak. Sobrang pinigilan ko naman kaso hindi ko kayang hindi

umiyak. Naghalo-halo na kasi ang selos, mga tanong at pagdududa sa akin.

Naramdaman ko ang pagpunas nya sa basa kong pisngi.

“Pero magka-date kayo kahapon, nakita ko kayong dalawa.―

“Ssh... Hindi ‘yon date. Bumibili lang kami ng pagkain Kayleen.

Walang ibang ibig sabihin ang nakita mo.―

“P-Pero nakita nya pa nga ako kahapon.―

Patuloy nyang pinupunasan ang mga luha ko gamit ang mga kamay nya. Ang

init ng mga kamay nya. Pinatingin nya ako sa kanyang mga mata at nakita

ko ang sinseridad doon. Napalunok ako. Tumigil na ang iyak ko.

“Hindi nya sinabi sa akin. Bakit hindi mo ako tinawag?―

Bakit ko nga ba sya hindi tinawag? Kasi nag-selos ako kaagad. Ang sakit

kasi nung nakita ko. Mukha pa namang nag-eenjoy si Trisha. Pero di ko

naman kasi nakita ang mukha ni Ashton non dahil nakatalikod nga sya.

“Mukha kasing nag-eenjoy kayong dalawa.―

Inalis ko na ang mga kamay nya sa mukha ko. Hindi sya umayos ng upo kaya

naman ang lapit parin nya sa akin.

“Bumibili lang kami ng pagkain Kayleen.― Gusto ko syang yakapin.

“Wala bang pagkain sa bahay nina Trisha?―

“Para kay Gio ang binibili namin. Hindi kasi sya makapag-focus sa

pagtugtog kung walang dessert.―

Naalala ko ang mukha ni Gio kanina na malungkot na kinakain ang ice cream

nya.

“Kaya pala ang lungkot nya kanina.―

“Nagkita kayo?― May kung ano sa tono nya. Inis ba yon?

“Oo,― kunot noong sagot ko. Tinignan ko sya dahil nalilito ako sa

tono nya.

“Ano’ng ginawa nyo?― mapakla nyang tanong.

“Wala. Nag-usap lang kami tapos umuwi na sya.―

Napapikit sya habang humihinga nang malalim. Nakita ko ang mga kamay

nyang mahigpit na nakahawak sa armrest ng upuan.

“Bati na ba ulit tayo?― bulong nya.

“Hmm.― Tumango ako.

“Sino’ng ka-date mo kanina?―

Nanigas ako sa kinauupuan ko. Lagot.

“Wala akong ka-date kanina. Gawa-gawa ko lang ‘yon.―

“Ang sabi ni Ash meron daw. Si Gio ba?― OMG! Alam ko na. Nagseselos

sya?

Napangiti ako. “Hindi. A-Ako yung nag-text sa’yo kanina. At kami ni

Ashleen ang magkasama kanina tapos nakita namin si Alex kaya pinuntahan

nya.―

Narinig ko syang napasinghap. Nakagat ko ang labi ko. Gusto kong takpan

ang mukha ko sa hiya. Bakit ko ba kasi ginawa yon? Pero ang saya kasi

nakita ko syang nagselos. Ang cute nya!

“Ikaw ang nagsabing may ka-date ka?―

Nahiya akong salubungin ang tingin nya. “Oo, naiinis kasi ako sa’yo

eh.―

Natigilan sya saglit. Pero nang magsalita sya nawala na ang pakla sa tono

nya. Magaan na yon at para pang natutuwa.

“Please remind me next time na hwag ka na ulit iinisin.― Kinuha nya

ang mga kamay ko at ikinulong iyon sa mga kamay nya.

“Sorry,― nakangiti kong sabi sa kanya.

“Sorry din,― nakangiti nyang ganti.

=================

Entry #72

Dear Future Boyfriend,

In love talaga ako sa kanya! Haay. Hindi na ako makapaghintay, sana debut

ko na bukas! Haha! Kaso mga three weeks pa bago yon mangyari. Three weeks

pa bago sya umamin na sya si Mr Creeper. Kaya ko naman maghintay. Malapit

na rin naman. Kinakabahan pa ako kung paano nya sasabihin ‘yon.

Kaninang umaga dumaan si Ashton sa bahay para kunin ang mga cookies na

dapat ay si Gio ang kukuha. Paano nya nalaman ang tungkol sa usapan namin

ay di ko alam. Siguro tinanong nya si Gio. Nagseselos ba sya? Ang cute

nya talaga! Natutuwa ako, gusto ko tuloy syang pag-selosin ulit. Gusto ko

kasi syang makita na possessive sa akin. Bakit ba kasi ako natutuwa kapag

nagseselos sya? At natutuwa rin ako kapag sinusuyo nya ako. Gusto ko

syang yakapin ngayon! Nakakagigil sya! Para tuloy gusto ko syang palaging

awayin para lang suyuin nya ako. Haha! Ang saya kasi e!

Hwag sana syang magbago. :)

Love,

Kayleen

=================

Kayleen

Kayleen

“Ang sarap mo talagang mag-bake Kayleen! Kaunti nalang maiinggit na

ako.―

“Bakit ka naman maiinggit sa akin?― Mas nakakainggit ka nga Ashleen

kasi nakatira kayo ni Ash sa iisang bahay. Gusto ko rin tumira rito para

naman palagi ko syang makita umaga hanggang gabi! Kyaa!

“Hindi ko parin kasi alam kung ano ba ang talent ko,― sabi nya

matapos ubusin ang isang peanut butter cookie na dala ko. Ni-flip nya ang

page ng magazine na tinitignan namin. “Yung ganito kayang style ng gown

ang suotin mo?―

“Masyadong pink yan.―

“Ano ba ang gusto mong kulay?―

“Hindi ko alam eh.―

“Mag-red ka kaya?―

“Hmm. Parang masyadong matingkad yon at sexy.―

“Pink nalang!―

“Bagay ba sakin ang pink?―

“Wala namang hindi bagay sayo Kayleen. Maputi ka naman at cute. Slim

din naman ang katawan mo. Kaya walang hindi babagay sayo. Siguro orange

lang ang hwag mong isuot. Ang sakit talaga sa mata ng kulay na ‘yon

kapag sinusuot lalo na kung neon.―

Tumango tango ako. Iilan lang ang orange na damit sa closet ko, shirts na

kailangan sa school. Umayos ako ng upo sa sofa nya. Inabot ko ang baso ng

orange juice sa lamesa at uminom.

“Ay wait lang! Ito maganda to!― turo nya sa isang picture ng model na

nakasuot ng gold dress na kumikinang. “Mukhang Princess Sarah!―

Muntik ko nang maibuga sa kanya ang iniinom ko. Ibinalik ko ang baso sa

lamesa.

“Gusto mo bang mag-costume party? Ikaw si Becky!―

“Ayoko. Mas gusto ko si Lavinia, original mean girl sa school.―

Pumikit ako at minasahe ang ulo ko. Ang hirap pala pumili ng theme ng

party.

“Ayoko nang tignan ang mga pictures na yan. Sumasakit ang ulo ko sa

kakaisip kung ano ba ang gusto ko. Hayaan ko nalang si Mama na mag-

decide.―

Sinara ni Ashleen ang magazine at hinayaan nakatambak sa lamesa kasama

ang iba pang magazines.

“So spill na Kayleen. Bakit ka blooming?― ubod ng tamis nyang tanong

sa akin.

Uminit ang pisngi ko at di ko sya matignan sa mga mata.

“W-Wala. Blush on lang ‘to, binili ni Mama sa Avon lady na kaibigan

nya,� hindi tumitingin sa kanyang sagot ko. “Ikaw? Ano ang nangyari

sa inyo kahapon ni Alex?―

Siningkitan nya ako ng mata sandali para ipaalam sa akin na di sya

naniniwala sa sagot ko pero palalagpasin nya. Bumalik ang malapad na

ngiti sa labi nya.

“Mamaya may dinner date kaming dalawa.― Kumikislap ang mga mata nya

habang nagsasalita. “Ang sweet nya sakin Kayleen. Ang swerte ko kay

Alex. At alam mo ba na kasalanan nya pala kung bakit mali ang date sa

cellphone ko?―

“Pinalitan nya?―

“Oo. Binago nya ‘yon habang nasa date kami at kumakain sa restaurant

ng Tito nya. Umalis ako non saglit para pumunta sa wash room. Dapat

talaga late raw ng isang araw yon, pero nag-panic sya nung nakita nya

akong palapit kaya naman na-advance nya. Hindi na nya yon nabago kasi

nawalan na sya ng chance na hawakan ulit ang phone ko. Ang sweet nya sana

kaso epic fail. Hahaha!―

Natawa ako kasabay nya. At dahil don nag-away pa silang dalawa. Pero okay

naman ang lahat kasi bati na ulit silang dalawa. Sana ganito rin kami ni

Future Boyfriend.

“Sana ikaw din magka-boyfriend na para naman magkaron ulit tayo ng

double date.―

“Katulad dati?―

“Oo. Are you sure ayaw mo sa kapatid ko?―

“H-Huh? Ah. Eh.― Siguro kung noon nya tinanong ito siguradong isang

mabilis na ‘Oo’ ang ibibigay ko pero hindi ko na magawa ngayon. Kasi

naman gusto ko na si Ashton. Gustong gustong gusto ko sya!

“I see.― Nandon na naman sa mukha nya ang knowing look and smile.

“Ano yon?― kinakabahan na tanong ko. Napalunok ako.

“May alam ko pero di ko nalang sasabihin kasi baka maudlot pa. Sayang

naman! Pero I’m happy for you Sissy!― Hinawakan nya ang dalawang

kamay ko.

Nag-init ang mukha ko. Alam na ni Ashleen ang tungkol sa amin ni Ashton

pero willing syang maghintay na sabihin ko sa kanya. Ang bait talaga

nyang bestfriend. Silang dalawang magkapatid talaga...

“Sasabihin ko rin sayo kapag official na,― malapad ang ngiting sabi

ko.

“Lahat ng details, okay?―

“Sure!―

Pagdating ng hapon tinulungan ko si Ashleen na mamili ng damit para sa

date nila ni Alex. Hindi naman nya talaga ako kailangan para tulungan sya

kasi mas marunong sya sa fashion kaysa sa akin. Pero isa ito sa mga

trabaho ng isang bestfriend.

“Ito kaya? Maganda ba? Hindi ba ito awkward or anything?― tanong nya

habang suot ang isang baby blue na knee-length dress.

“Ashleen kahit ano ang isuot mo, maganda ka parin. Hindi naman

magbabago yon. Tsaka lahat naman ng isinuot mo maganda at bagay sayo.―

“Kaya kita bestfriend eh, lakas ko talaga sayo. Feeling ko isa akong

dyosa!― Kumuha sya ng isa pang damit mula sa closet nya.

Natawa ako saglit. Tumayo ako mula sa kama nya. “Saglit lang naiihi

ako.―

“Sige, gamitin mo na tong—―

“Hwag na, may isa pa namang banyo dito sa floor nyo diba? Dun nalang

ako.―

“Sure ka?―

“Oo.―

Lumabas ako ng kwarto ni Ashleen at naharap ko na naman ang pinto ng

kwarto ni Ashton. Nangangati talaga ang kamay ko na buksan iyon. Ipinilig

ko ang ulo ko at dumiretso nalang sa banyo nila.

Bumalik ako sa kwarto ni Ashleen kaso narinig ko syang may kausap sa

phone. Ang sweet nila masyado ni Alex kaya naman feeling ko hindi maganda

kung papasok ako. Ayokong marinig ang usapan nilang dalawa, para kasing

masyado iyong private. Kahit naman bestfriend nya ako at willing sya na

i-share sa akin lahat, may mga bagay parin na hindi ko na dapat pang

malaman.

Nanatili akong nakatayo sa labas ng kwarto ni Ashleen. Hindi ko alam kung

babalik ba ako sa banyo o bababa. Muli kong hinarap ang pintuan ng kwarto

ni Ashton. Gusto ko talagang mapasok ang kwarto nya. Okay lang kaya?

Syempre hindi yon okay kasi naman stalker-ish na yon. Ano nga ba ang

tawag nila sa mga ganitong klase ng pag-stalk? Sasaeng sa korean?

Sisilipin ko lang naman. Wala akong gagalawin na gamit. Hindi ko aamuyin

ang unan nya o titignan ang brand ng perfume at shampoo nya. Promise

hindi talaga!

Maingat kong binuksan ang pinto at pumasok ako sa loob ng kwarto ni

Ashton. Blue. Blue ang kulay dingding at white naman ang kisame. May mga

posters ng sikat na banda na naka-hang sa wall nya. May isang mataas na

bookshelf na puno ng libro, CDs at trophies. May collection din sya ng

vinyls.

Dark blue ang kulay ng bedsheet nya pati unan, maayos iyon. Halos walang

kalat sa kwarto nya. Sa isang sulok ay nakalagay ang isang iMac computer.

Natakot akong lapitan yon dahil nakakaintimidate ang hitsura. Laptop lang

ang gamit ko sa bahay. Mukhang napaka-advance ng technology na gamit ni

Ashton. May microphone din na naka-display, tatlong klase ng electric

guitars, isang keyboard at dalawang speakers.

Napakurap ako habang tinitignan ang kabuuan ng kwarto nya. Gusto kong

bawiin ang sinabi kong hindi ko pakikialaman ang gamit nya dahil naamoy

ko ang pabango ni Ashton sa kwarto nya. May isang pintuan sa loob ng

kwarto, closet siguro yon. Gusto ko talagang makialam ng gamit pero hindi

pwede! Ayokong maging creepy stalker. Ayokong maging sasaeng!

Pumihit na ako palabas pero sa pagmamadali ko nadali ko ang isang lazy

boy chair. Muntik na akong matumba kung di lang ako napahawak sa upuan.

Nahuli ng mga mata ko ang bagay na nakapatong  doon. Ang tablet ni

Ashton ay inosenteng nakalagay sa upuan.

Nag-sisisi ako kung bakit ko pa tinanong kay Ashleen kung ano ba ang

password non. Ngayon kasi walang pipigil sa akin para makialam. Sobrang

curious na talaga ako na malaman kung ano ang laman non. May pictures

kaya sya na wacky? Ano’ng games ang naka-install doon?

Bago ko pa namalayan ay na-unlock ko na pala ang tablet. Binati ako ng

mga apps sa tablet. Ngiting ngiti ako habang iniisa isang basahin ang

pangalan ng mga apps na iyon. Natigil ang mga mata ko sa icon ng isang

pamilyar n app sa akin. May DearDiary app sya? May diary sya?

Nakagat ko ang ibabang labi ko habang tinititigan ang app. Bubuksan ko

ba? Syempre hindi pwede! Private information na ‘to! Hindi ko ‘to

pwedeng pakialamanan.

“Kayleen?―

“Ay kabayo!― Sa sobrang gulat ko ay nabitawan ko ang tablet.

Sinubukan ko iyong saluhin pero nalaglag yon sa paanan ko.

“Bakit ka nandito sa kwarto ni Ashton?― tanong ng bestfriend ko.

Hindi ko nasagot ang tanong ni Ashleen. Nakatitig lang ako sa

asksidenteng nabuksang app. Nanuyo ang lalamunan ko habang nakatitig sa

mga letrang nababasa ko roon. Hindi ako makahinga.

Dear Future Boyfriend,

Â

Hindi man kita nakita ngayong araw, natanggap ko naman ang regalo na

ipinaabot mo kanina.

Umiling ako. Bakit ko nababasa ang entry ko sa tablet ni Ashton. Sa akin

ba talaga to? Hinanap ng mga mata ko ang dulo at nakumpirma ang

kinatatakutan ko.

Bukas maaga akong papasok para hintayin ka sa may gate. Kung nahihiya ka

sa’kin na lumapit ako na mismo ang lalapit sa’yo. Bukas sasabihin ko

na sa’yong gusto kita! Gustong gusto kita Ryan! I love you! >.<

Â

Love,

Kayleen

Pakiramdam ko nalulunod ako. Ang hirap huminga. Nasisikipan ako sa

paligid ko. Bakit yon nasa tablet ni Ashton? Alam ba nya ang username ko

sa site na yon? Alam kaya nyang ako yon? Nawala na ang ilaw sa tablet

kaya naman nakita ko ang repleksyon ng mukha ko sa itim nitong screen.

Nakatitig sa akin pabalik ang mukha ng isang babaeng naguguluhan at

natatakot.

“Kayleen, okay ka lang ba?―

Hindi ko maramdaman ang mukha ko. Hindi ko alam kung namumula ba ako o

namumutla. Pilit ko syang nginitian pero nakita kong mas nag-alala sya.

“Uuwi na muna ako Ashleen. Medyo nahihilo kasi ako.―

“Ihahatid kita sa inyo Kayleen. You don’t look okay.―

“H-Hindi na. Kailangan mo pang mag-ayos para sa date nyo.― Nilagpasan

ko na sya at lumabas ng kwarto. “Okay lang talaga ako. Kaya ko naman

umuwi mag-isa. Dyan lang naman ang bahay namin eh.―

Hinatid nya ako hanggang sa pintuan ng bahay nila.

“Text mo ko kapag nakauwi ka na ha?―

“S-Sure. Good luck sa date nyo. Bye.― Nagmamadali akong naglakad

palayo sa bahay nila.

Gusto kong makalayo roon. Ayokong makita si Ashton. Ayokong makita nya

ako. Pumatak ang luha sa mga mata ko. Pakiramdam ko wala akong mukhang

maihaharap sa kanya. All this time alam nya? Nabasa nya ang diary ko.

Every entries nabasa nya? Lahat ng iniisip ko, lahat ng nararamdaman ko

tungkol sa kanya at sa ibang tao alam nya. Alam nya lahat.

Naninikip ang dibdib ko. Ayokong tanggapin na nabasa nya yon. Hindi nya

yon pwedeng mabasa. Hindi nya yon dapat na binasa. Humiliated. Pakiramdam

ko tuloy napaglaruan ako. Sunud-sunod na kurot sa puso ko ang naramdaman

ko. Pinaglaruan nya ba ako? Manipulated. Gusto ko nalang maglaho. Ayokong

makita sya. Gusto kong bawiin lahat ng isinulat ko ron. Betrayed. Gusto

kong bawiin lahat!

=================

Kayleen

Kayleen

Sunud-sunod na katok sa pintuan ng kwarto ko ang gumising sa akin.

Narinig ko ang boses ni kuya sa labas. Naramdaman kong sumakit ang ulo ko

dahil sa biglaang pag-gising sa akin.

“Kayleen may bisita ka.―

Ano bang oras na? Tumingin ako sa orasan na nakasabit sa yellow na

dingding ng kwarto ko. Alas-kwatro na ng hapon. Bumango na ako sa kama.

Lumapit muna ako sa salamin ng closet ko para tignan ang namumugto kong

mga mata. Kahapon pa ako umiiyak.

“Kayleen.―

Binuksan ko ang pinto at sumalubong sa akin ang nakakalokong ngisi ni

Kuya.

“Bakit?―

“May naghahanap sa’yo.―

“Sino?―

“Si Ashton.―

Lumundag ang puso ko nang marinig ko ang pangalan nya. Anong ginagawa nya

rito?! Bakit sya nandito?! Alam na kaya nyang alam ko na ang pagbabasa

nya ng diary ko?!

“Shiz! Sabihin mo wala, tulog, naliligo! Bumalik nalang sya next

year!― sinaraduhan ko ng pinto si Kuya bago pa nya ako mahila palabas

ng kwarto ko.

“Kayleen!― katok nya sa pintuan.

“Sabihin mo pumunta na akong South Korea! Nagpakasal na kami ni Kim

Soo-hyun! Sorry di ko sya na-invite!―

“Kinasal ka? Bakit pati ako di ko alam?―

“Hwag kang mag-tampo kuya, hindi rin naman alam nung asawa ko na kasal

na kami eh!―

“Hindi mo ba talaga kakausapin yung tao?―

“Hindi sya tao kuya, alien sya!―

“Si Ashton?―

“Ay. Sabihin mo lumipad na ako sa Moon! Nag-honeymoon kami ni Soo-

hyun!―

Tatlong araw na simula nang malaman ko ang tungkol sa pagbabasa nya ng

diary ko. Naiiyak parin ako kapag naiisip ko na baka pinagtatawanan pa

nya ako habang binabasa yon. Ano ang mukhang ihaharap ko sa kanya.

Nawala na ang pagkatok ni Kuya sa pinto. Bumalik ako ng higa sa kama ko.

Inabot ko ang ipod ko at pinasak ulit sa tenga ko ang earphones. Narinig

ko na naman yung malungkot na boses ng babae na kumakanta ng Almost

Lover.

Ganon tayo Ashton Mendrez! Almost lover tayo! Bakit mo kasi binasa yung

Diary ko eh? Ipapabasa ko rin naman sa’yo yun sa right time! At yung

right time na yon ay kapag naging tayo na! Kaya nga Dear Future Boyfriend

nakalagay dun eh. Pero di pa naman tayo kaya di mo yon dapat na binasa.

Binasa mo ba yon at ginamit para sa advantage mo na mapakilig ako?

Pinakilig mo lang ako, ganon? Nakalagay pa naman don lahat ng gusto ko sa

isang lalaki. Ilang beses ko pang sinabi na ang cute mo! Teka nilagay ko

rin don yung ‘in love ako sayo’.

Bumuka ka semento! Lamunin mo ako ngayon din! Ngayon na! Ngayon na mismo,

bumuka ka!

“Kayleen.― Katok ni Kuya Dylan sa pinto.

“Bakit?―

“Buksan mo ‘tong pinto.―

Kinabahan ako kasi baka kasama ni Kuya si Ashton sa kabila ng pinto.

“Umalis na ba sya?―

“Oo. Buksan mo tong pinto. May iniwan si Ashton para sa’yo.―

Nakahinga ako nang maluwag. May ibinigay si Ashton para sa akin? Lumapit

ako sa pinto at binuksan yon.

“Ano ‘yon?―

“May nangyari ba sa inyo ni Ashton na dapat kong malaman? Inaway ka ba

nya? Sinaktan?― di inaalis ni kuya ang tingin sa akin habang mabilis na

tinatanong ang mga yon. “Pinilit ka ba nya?―

“Ano yung pinilit?― kumurap-kurap ako habang nakatingin sa kanya.

Mukha syang di komportable. “Pinilit. Alam mo na?―

“Pinilit?― ulit ko.

Bumuntong hininga sya. “Pinilit na ipag-gawa sila ng cookies araw-

araw.―

“Ahh.― Tumango-tango ako.

“Palagi ka kasing gumagawa ng cookies. Napansin ko lang naman.―

“Hindi nila ako pinilit na gumawa ng cookies. Gusto ko lang na malaman

ang opinyon nila kung masarap ba yung mga gawa ko.―

“Nandito naman ako para sabihin kung masarap ang mga gawa mo ah,―

tila nagtatampo pa na kontra nya.

“Kasi Kuya, bias ka. Kapatid kita. Maganda rin na may nakukuha akong

opinyon ng ibang tao.―

“Sinabi mo eh.― May inabot syang kahon mula sa sahig at binigay nya

ito sa akin. “Pinapaabot ni Ashton.―

“Ah. Thanks kuya.―

Paalis na sana sya pero napalingon sya sa akin ulit.

“Alam mo hindi ko alam kung imagination ko lang ba yon pero, ang

lungkot ng batang yon kanina.―

“Talaga?―

Humalukipkip sya. “Oo. Yung mukha ng taong bumili ng VIP ticket sa

isang concert pero di napanood kasi nanakawan ng wallet at na-stuck sa

isang lugar na di nya alam kung saan. Kawawa naman.―

Kunot noo ko syang tinignan. Bakit naman malulungkot si Ashton? Dahil ba

di ako nag-update sa diary ko? Pwes! Diary ko yon at may karapatan akong

tumigil kung kailan ko gusto sa pagsusulat don!

“Just saying.―

“Okay kuya. Bye kuya.―

“Kumain ka muna bago ka mag-kulong ulit sa kwarto mo. Baka pumayat ka

nyan di na magkasya sayo ang gown mo sa debut mo.―

Sinarado ko na ang pintuan gamit ang isang paa ko. Hindi naman ganoon

kabigat ang kahon na buhat ko pero di rin yon magaan na kayang buhatin ng

isang kamay.

Nilapag ko ang kahot sa study table ko at pinag-isipan kung bubuksan ko

ba iyon o hindi. Galing ang kahon kay Ashton. Bakit kaya nya ako

dinalahan ng ganito. Ano kaya ang nasa loob? Curious ako pero natatakot

ako na buksan. Baka kasi may laman yon na gustong-gusto ko.

Siguro dati magiging excited ako. Pero alam ko na kasi na nababasa nya

ang diary ko. May inilagay ba ako ron na gamit na gusto kong makuha? Alam

ko naman na mayaman sila, binili nya kaya yon para sa akin? Tatanggapin

ko ba o ibabalik sa kanya.

Sabi ni kuya mukhang malungkot daw si Ashton. Kinurot naman ang puso ko

sa narinig ko. Ayoko naman syang malungkot pero hindi ko kasi sya kayang

harapin kaagad.

Dumapa nalang ako ulit sa kama ko at nakinig sa mga pang-broken hearted

na love songs. Huhu. Ashton bakit mo ginawa sa akin ito? Bakit mo

pinaparanas sa akin ngayon ang sobrang pagkapahiya?

Pero una sa lahat, paano mo nahanap ang username kong may napakaraming

letter X sa app na yon? Kakaunti lang ang taong meron non kasi may bayad

yon! At kuripot ang mga tao dito kaya for sure iilan lang ang meron non

na Pilipino. Di rin naman yon kasikatan na app kasi may free naman na

iba. Nilagay ko pa sa Espanyol ang profile ko para di makikita ng ibang

Pilipinong gumagamit non. Paano mo yon nahanap?

Sobrang confident ako na walang makakahanap sa akin dun. Si Ashleen nga

lang ang may alam ng kakaiba kong username eh. Ang hirap kayang mahanap

non. Kahit ako minsan nagkakamali sa dami ng letter X dun. Pero ngayon

alam ko na xxXikayXxx. Ang hirap kaya nyan!

Ayokong isipin na sinabi sayo ni Ashleen. Bakit naman nya yon sasabihin

sayo eh bestfriend ko sya. Alam nyang magagalit ako kapag may sinabihan

sya. Tsaka tumigil na nga sya sa pag-babasa non matagal na eh. Last time

I checked, wala na yung app sa cellphone at tablet nya.

Kaya paano? Mababaliw na ako kakaisip.

Goodbye, my almost lover

Goodbye, my hopeless dream

I'm trying not to think about you

Can't you just let me be?

Inabot ko ang kleenex na nasa dulo ng kama ko. Kumuha ako ng tissue at

pinunasan ang gilid ng mga mata ko. Naiiyak na naman ako. Bakit ba kasi

nakakaiyak ‘tong kantang to? Pero okay lang kasi nakakarelate ako.

Feeling ko dinededicate nya talaga sakin yung kanta.

Pumikit nalang ulit ako at kumanta ng tahimik. Sinubukan ko nalang ulit

na matulog. Pero hindi ko alam na hanggang doon pala ay susundan ako ni

Ashton. Ang kulit nya talaga!

=================

Kayleen

Kayleen

“Kitkat, Toblerone, Hershey’s, Kisses o Goya?― tanong ko sa sarili

ko habang tinitignan ang mga chocolates sa shelf.

Ang hirap naman mag-decide kung ano ang gusto kong kainin. Kumuha nalang

ako ng tig-dadalawa at lumakad na para bumili ng eggs. Yon nalang ang

kulang sa list ko. Si kuya kasi sinipa ako sa bahay para lang ipag-gawa

ko sya ng cookies. Wala pa naman ako sa mood gumawa non. Wala akong

inspiration. Huhu.

“Hullo.―

Muntik ko nang mabitawan ang carton ng eggs na hawak ko. Napalingon ako

sa gilid ko at nakita ang inaantok na mukha ni Gio. Gulo-gulo ang buhok

nya na para bang di nasuklay nang maayos. O baka nga di nya sinuklay

dahil sa kaantukan. Mukha tuloy syang bagong gising.

“Gio! Ginulat mo naman ako. Kanina ka pa ba dyan?―

Tumingin sya sa wrist watch nya. “Fifteen minutes na kitang

sinusundan.―

“Sinusundan mo ako? Ano ka, stalker?―

Nagtaas-baba ang balikat nya. “Gagawa ka ba ng cookies?―

“Oo.―

Nakita ko ang saglit na pagkislap ng mata nya. “Pwedeng pahingi?―

“S-Sige.―

“Sama ka sa bahay ko,― diretso nyang sabi.

“Eh? Ayoko.―

“Bakit?―

“Ano naman ang gagawin ko ron?―

“Gagawa ng cookies.―

“Bakit palagi kang humihingi sa akin ng cookies? Pwede ka naman bumili

non dito sa supermarket.―

“Gusto ko yung gawa mo, masarap kasi.―

“Oo na nga. Bibigyan kita. Sama ka sa bahay ko?― Tumango sya.

Dumiretso na kami sa cash register para magbayad. Pagkalabas namin ng

supermarket ay nagulat nalang ako na may chauffeur na naghihintay sa tabi

ng isang magarang sasakyan. Kamukha pa ni Jason Statham ang lalaking

nakasuot ng uniform. Para tuloy syang may ihahatid na VIP. Pero ano ba

ang ginagawa nya rito?

Bigla nalang nagsalita ang kasama ko. “Oliver, sa Westwood tayo.―

Pinagbuksan kami ng pinto ng sasakyan ni Oliver. Diretsong umupo sa loob

si Gio at hinintay ako. Halos malaglag pa sa paanan ko ang panga ko dahil

basta nalang syang pumasok don. Mukha kasing sa Vegas kami dadalhin ni

Oliver. Parang di naman bagay ang isang katulad nya na maghintay sa tapat

ng supermarket!

“Pasok na Kayleen.―

“A-Ah. Sabi ko nga.―

Pumasok na ako sa loob ng sasakyan at umupo sa tabi ni Gio sa backseat.

May chauffeur sya na naka-dresscode. Mayaman pala sina Gio. Bakit hindi

halata sa kanya? Palagi kasi nya akong hinihingian ng pagkain, akala ko

naman nagtitipid sya ng allowance. Para nga syang ligaw na pusa na

nanghihingi ng isda tuwing nakikita ako.

Tahimik kaming bumyahe patungo sa bahay namin. Naiilang ako. Ang ganda

kasi ng interior ng sasakyan, sumisigaw ng mamahaling brand ng auto.

Nahiya naman ang flip flops ko na umapak dito. Parang di talaga ako

belong.

Ten minutes later, pumarada na ang kotse sa tapat ng bahay namin. Nahiya

tuloy ako bigla na papasukin ‘to si Gio. Hindi naman maliit ang bahay

namin, hindi naman kami makakatira rito sa Westwood kung wala kaming

pera. Pero kakaiba rin pala ang pamilya nina Gio, sigurado na milya ang

layo ng yaman nila sa amin. Kahit ang chauffeur nila ang sosyal ng

dating. Pang-hollywood. Kahawig talaga nya si Jason Statham!

“P-Pasok kayo sa loob,― sabi ko nang mabuksan ko na ang gate ng bahay

namin.

“Hindi na amoy cookies,― ang unang puna ni Gio sa bahay namin. Medyo

malayo sa sinasabi ng ibang tao na ‘ang ganda ng mini garden nyo’ o

‘nasaan ang maid nyo?’ Pero si Gio mukhang cookies lang talaga ang

napapansin sa mundo.

“Matagal kasi akong di nakagawa ng cookies.― Isang linggo na rin pala

na hindi ako nakakapunta kina Ashton. Isang linggo na akong tumigil sa

pag-bake.

Pumasok kaming dalawa sa bahay at sinalubong naman kami ni Kuya Dylan sa

may pintuan. Nakahalukipkip sya at nakatingin kay Gio nang nanunuri.

“Sino sya Kay?―

“Kaibigan ko si Gio.� Tumingin ako kay Gio. “Gio, si kuya Dylan.�

“Hi,― bati ni Gio.

Tinanguan sya ni kuya Dylan. Pumunta kami sa kitchen at nilapag sa lamesa

ang mga pinamili ko. Mabilis lang naman gumawa ng cookies. Kung minsan

nakakagawa ako nito within ten minutes lang. Pero kung gusto ni Gio ng

marami (halata naman ang sagot) aabutin siguro kami ng kalahating oras.

“Nasaan ang parents mo?― inaantok syang umupo sa high stool chair sa

tapat ng bar table. Ipinatong nya ang isa nyang pisngi sa nakasaradong

kamao nya at pinanuod ako.

“Nasa clinic sila,― sagot ko habang iniisa-isang ilabas ang mga

pinamili ko mula sa grocery paper bag.

“May sakit ba sila?―

“Wala. May dental clinic kami sa bayan.―

“Santos?―

“Yep!―

“Sa inyo pala ‘yon.―

“Nakapunta ka na ba don?―

“Hindi. May iba kaming dental clinic na pinupuntahan.―

Hindi na ako magtataka. Maliit lang kasi ang dental clinic namin. Nag-

umpisa na akong gumawa ng cookies habang sya naman ay nanonood lang.

“Kayleen.―

“Bakit?―

“Magtatayo ka ba ng bakeshop?―

“Oo. Kapag naka-uwi na ako galing France.―

“Aalis ka pala.― Parang ang lungkot pa ng boses nya o siguro inaantok

lang talaga sya.

“Gusto kong mag-aral ng patisserie.―

“Kapag sumikat ako, gawin mo kong endorser ha?―

“Hahaha! Sige Gio. Pero ngayon palang sinasabi ko na sa’yo, wala

akong perang ipambabayad. Masyadong mahal ang talent fee mo kapag sumikat

na ang banda nyo.―

“Hindi ko naman kailangan non. Yung unlimited supply lang ng cookies

ang kailangan ko.―

“Naku mukhang malulugi pa yata ako sa’yo nyan.―

“Isang box every week?―

“Deal!―

“Ang swerte ng kapatid mo.―

“Bakit naman sya swerte?―

“Kasi pwede syang kumain ng gawa mo kahit anong oras.―

Natawa ako. “Haay. Ikaw talaga.―

Nakagawa na ako ng fifty pieces ng cookies makalipas ang thirty minutes.

Inilagay ko yon lahat sa tupperware namin at ibinigay sa kanya.

“Pupunta ka ba sa practice namin bukas?―

Napaiwas ako ng tingin. “H-Hindi eh.―

“Inaway ka ba ni Ashton?―

Napatingin ako sa kanya. “Bakit mo naman nasabi yan?―

“Hindi ka na kasi pumupunta. Palagi rin syang bad mood.―

“Hindi kami nag-away.― Hindi lang kami nag-uusap pero hindi naman

kami nag-away. Ang totoo lumipas na nga yung galit ko sa kanya. Hindi ko

na nga maalala kung galit nga ba yon. Hindi ko lang sya maharap kasi

nahihiya ako. Gusto kong magtago nalang forever dito sa bahay namin.

Ayoko nalang magpakita sa kanya dahil wala akong mukha na maihaharap.

“Sana pumunta ka. Masakit sa tenga ang boses ni Trisha kapag galit.―

“Inaaway ka nya?―

“Si Ashton. Lagi silang nag-aaway.―

“B-Bakit naman sila nag-aaway?―

“Hindi ko alam. Umaalis ako kapag nag-umpisa na sila.―

Naglakad na kami palabas ng bahay. Bakit kaya sila nag-aaway ni Trisha?

Ano kayang meron? Inihatid ko si Gio hanggang sa tapat ng gate namin.

Nakatayo na si Oliver sa gilid ng sasakyan at handang magbukas ng pinto

ng kotse para kay Gio.

“Salamat dito Kayleen.― Inangat ni Gio ang hawak na tupperware.

“Enjoyin mo lang.―

“I owe you a lot. Kung may kailangan ka, mag-sabi ka lang sa’kin.―

“Sige. Aasahan ko yan. Sa future baka kailanganin ko nga ang tulong

mo.―

Tumango sya.

“Bye.―

“Ingat.―

Binuksan ni Oliver ang pintuan ng kotse at pumasok na si Gio sa loob

nito. Pinanood kong umandar ang sasakyan palayo. Bumalik ako sa loob ng

bahay at pumunta sa kusina para mag-linis.

“Ang bango naman ng cookies. Nasaan na?―

Namilog ang mga mata ko. Hinarap ko si Kuya Dylan. Nakangiti sya at

naghahanap ng cookies.

“W-Wala na.―

“Anong wala na?―

“Yung cookies. Wala na.―

“Bunso hwag kang magbiro nang ganyan. Nasaan na yung cookies ko?―

“Wala na nga kuya. Dinala lahat ni Gio.―

Binuksan nya ulit ang bibig nya para magsalita pero isinara nya ulit.

“Pero ako ang nagpagawa sayo ng cookies!―

“A-Alam ko. Hehe.―

“Bakit mo sa kanya ibinigay lahat?―

“Eh kasi kuya mas kailangan nya yon. He’s a growing boy.―

“Pero ako ang kapatid mo!―

“Alam ko kuya. Don’t worry, gagawa nalang ulit ako.―

“Di bale na.― Pumihit na sya pabalik sa kwarto nya.

“Kuya Dylan!―

Narinig ko nalang na nagsara na sya ng pinto ng kwarto nya. Naku nagtampo

na si Kuya. Kumuha ulit ako ng ingredients. May natira pa naman, igagawa

ko nalang sya ng cookies nya. Matapos ang twenty minutes, may thirty

cookies na naghihintay kay Kuya sa lamesa. Kapag lumabas sya ng kwarto

nya, makikita nya yon.

Bumalik na ako sa kwarto ko at humiga. Ang sakit ng balikat ko. Naalala

ko ang sinabi ni Gio kanina, bad mood palagi si Ashton. Ako kaya ang

dahilan non? Bumangon ako sa kama ko at nilapitan ang kahon mula sa

lamesa. Ilang beses ko tong pilit na di pinansin.

Binuksan ko ang kahon at tumambad sa akin ang ilang random na bagay. Ang

unang bumati sa akin ay ang mukha ni Corporal Giroro. Sigurado ako na

nilagay ko sa diary ko ito.

May pagkakahawig sina Corporal Giroro at Ashton. Parehas sila na... medyo

nakakatakot pero... medyo sweet. At may nakasabit lagi kay Giroro katulad

ni Ashton, laging nakasabit gitara nya. Haha! Di ko pala nadala yung

bigay nyang Sgt Keroro.

Binasa nya nga. Every entry binasa nya. Nabasa nya rin ang dati kong

entry tungkol sa kanya, na galit ako sa kanya at natatakot ako sa kanya.

Pati yung pagkakaroonn ko ng crush kay Ryan noon nabasa nya.

Hinalungkat ko pa ang kahon. May amoy cake! Hala! May cake ba syang

ibinigay sa akin? Lagot baka langgamin! Oh no!

May chocolate cake akong nakuha na pagkatigas-tigas. Nakabalot pa ito ng

plastic. Malaki iyon at chocolate flavor. Ang sarap ng amoy. Inalis ko

ang plastic cover. Hindi pala sya totoong cake. Amoy cake lang sya at

hugis cake, parang totoong totoo. Pero libro pala sya. May nakasulat na

puting icing A World of Cake. Mukha syang malaking Oreo at ang puti sa

gitna ay mga papel na may nakasulat na recipes ng cake.

Nakakamangha. Ngayon ko lang nakita ito. May ganito palang libro. Saan

kaya to nakuha ni Ashton? Napanguso ako. Kailangan ko syang pasalamatan

dito. Sa pinakailalim ng kahon ay may isa pang itim na kahon. Medyo

mabigat nang kunin ko. Ito pala yung nagpabigat sa box. The Complete

Harry Potter Collection ang nakasulat sa itim na box. Napasinghap ako.

Binigyan nya ako ng box set ng Harry Potter.

Di ko naman ‘to nalagay sa diary ko ah. Pero kung sabagay galing sila

don kaya baka... Wait. Si Mr Creeper nga pala sya. Tinanong nya ako noon

tungkol sa Harry Potter. Ahh. Ito pala ‘yon. Ito siguro ang paborito

nyang libro. Inalis ko ang takip ng kahon at kumuha ng isang libro na

kulay itim din. Bumalik ako ng higa sa kama at sinimulang basahin ang

kwento ni Harry Potter.

=================

Kayleen

Kayleen

Today is Sunday! Buong pamilya kaming nag-simba nang maaga. Nakikinig ako

sa sinasabi ni Father nang bigla akong kulbitin ni Kuya Dylan. Nang

tingnan ko sya ay tumuro sya sa kaliwa nyang direksyon. Sinundan ko iyon

ng tingin at nakita si Ashleen na nakangiti at pasimpleng kumaway.

Pasimple ko rin syang kinawayan. Kasama nya ang parents nya at si Ashton.

Kumalabog ang puso ko nang makita ko si Ashton. Hindi naman sa binibilang

ko pero sampung araw ko na syang hindi nakikita. Nakita kong kinulbit sya

ni Ashleen sa braso, kunot noo nyang tinignan ang kapatid nya. Tinuro ako

ni Ashleen at tumingin sa akin si Ashton. Kinabahan ako. Nagtama ang mga

tingin namin pero kaagad nya yong binawi. Uminit ang pisngi ko at ang

lakas ng tibok ng puso ko. Huminga ako nang malalim para kumalma.

Napadiretso ako ng tingin nang patayuin kami ng pari. Hindi mawala sa

pakiramdam ko na para akong ni-reject. Bakit parang galit sya at ni ayaw

nya akong makita? Nang dalhin nya yung kahon sa bahay ay ni minsan di na

sya ulit pumunta don para makita ako. Tapos ngayon parang galit pa sya.

“Kayleen,― bulong sa akin ni Kuya.

Natauhan ako dahil nakaluhod na pala silang lahat at ako nalang ang

nakatayo. Umiling ako. Hwag ko nga munang isipin si Ashton. Nawawala ako

sa sarili ko kapag iniisip ko sya.

Nang matapos ang misa ay nagkita-kita ang mga pamilya namin ni Ashleen sa

parking lot. Magkatabi lang pala ang mga sasakyan namin. Nauna lang

siguro sila nang kaunti kaya di kami nagkita.

“Antonia, Robert,� bati ng Mama ni Ashleen. “Ang tagal na nating di

nagkikita. Kumusta?―

Nagbeso sina Mama at Tita. Naramdaman ko si Ashleen na kumapit sa braso

ko. Si Ashton naman ay di parin ako tinitignan. Medyo naiilang na ako

kasi hindi ako komportable sa pagiging isnabero nya.

“Ayos lang Mare, medyo naging busy lang kami. Kumusta na rin kayo?―

“Mabuti naman kami,― nakangiting sagot ni Tita Edith.

“May gagawin ba kayo ngayong araw? Bakit di tayo sabay-sabay na kumain

ng lunch sa bahay namin?― paanyaya ni Tito Gab.

“Good idea Pare. May itatanong sana ako sa’yo. Might as well  do it

over lunch.―

Huminga ako nang malalim habang nakikinig sa kanila. Tinignan ko ulit si

Ashton na tahimik na nakasandal sa kotse nila, nakatingin sa kabilang

direksyon habang may nakapasak na earphones sa tenga. May nagawa ba ako

sa kanya na masama? Wala naman akong maalala. Natapos na mag-usap ang mga

parents namin. Napagkasunduan na susunod nalang kami sa kanila gamit ang

kotse namin. Nakapasok na ako ng sasakyan nang muli kong lingunin si

Ashton, hindi man lang sya tumingin sa akin bago sya pumasok sa kotse

nila.

“Malapit na ang debut ni Kayleen. Next week na yon, hindi ba? May

escort na ba sya?―

“Meron na Mare,― natutuwang sagot ni Mama.

Kumislap ang mga mata ni Tita. “Talaga? Sino ang maswerteng binata?―

“Sino nga ba Kayleen?―

Pinagpawisan ako dahil nakatingin sila sa aking lahat maliban nalang kay

Ashton. Napansin kong napatigil sya sa pagkain at mukhang naghihintay na

rin ng sagot ko. Ano nga ba ang isasagot ko? Gusto pa ba nyang maging

escort ko? Ni hindi man lang nya ako pinapansin.

                                    Â

                                   Â

  Â

“Big revelation po yon,� sagip sa akin ni Ashleen. “Surprise nalang

din.―

Nginitian ko si Ashleen bilang pasasalamat. Nginitian nya ako pabalik.

Bumalik na kami sa pagkain.

“Wow. Mysterious. I’m looking forward to it already.―

“Ang bilis ng panahon. Debut na kaagad nya,― mahinang sabi ni Mama.

“Oo nga Mare,― sang-ayon ni Tita. “Si Ashleen may boyfriend na

kaagad. Kung minsan naiisip ko na ang aga pa, pero kung iisipin ganon din

naman tayo noon nag-umpisa na ma-inlove.―

“Oo nga. Pero hindi pa yata ako handa na magkaroon ng boyfriend ang

anak ko,― sabi ni Mama.

Napainom ako ng tubig don. Hindi ko alam kung itutuloy ko pa ba ang

pagka-gusto ko kay Ashton. May nagbago kasi sa aming dalawa at ramdam ko

ang pagiging cold nya sa akin ngayon. Ano ba ang nagawa ko sa kanya?

Hanggang sa matapos ang lunch namin, ‘yon ang tanong ko sa sarili ko.

Naka-uwi na sina Mama at Papa, naiwan naman ako dito kina Ashleen. Nasa

loob ako ng kwarto ng bestfriend ko at nakikinig sa kwento nya tungkol sa

date nila ni Alex nung isang araw.

“Hey, nakikinig ka ba sa sinasabi ko Kay?―

“H-Ha?― napakurap-kurap ako nang marinig ko ang pangalan ko.

Bumuntong hininga sya. “Sabi ko na nga ba, hindi ka nakikinig eh.―

“Sorry. May iniisip lang ako.― Niyakap ko ang pink nyang unan.

“Tungkol ba yan sa isang lalaking may sumpong?―

Nakagat ko ang ibabang labi ko. “Ashleen—―

“Oh, enough. Hindi naman ako bulag kasi matagal ko na kayong

nahahalata. Pero gusto ko lang kayong bigyan ng space kasi baka maudlot

pa kung makialam ako pero look at you two. Ang cold nyo kanina! I thought

pa naman na kapag nagkita kayo you’ll run to each other’s arms.―

Napanguso ako. “Hindi naman ako cold, yung kapatid mo ang cold.―

“Ano ba ang nangyari?―

Napahilamos ako ng mukha gamit ang mga kamay ko. “Hindi ko alam.

Nakakafrustrate sya.―

“Hindi ko alam kung ano ba ang nangyari sa inyo pero ito lang ang

masasabi ko. Napapansin ko na ang lungkot ni Ashton these past few days.

May gumugulo sa kanya na hindi ko alam. And maybe it’s about you.―

“Ako rin naman, ginugulo nya ang isip ko.― Kunot noong sabi ko.

“Then kiss and make up!―

“K-Kiss?―

“Mag-usap kayo at mag-bati na kayong dalawa.―

“Pero wala naman akong kasalanan sa kanya. Sya yung biglang hindi

namansin sa amin.―

“Sya nga ba?― Tinitigan nya ako nang mabuti.

“Fine, ako yung nauna, pero kasi may naging kasalanan sya sakin.

Pinatawad ko na rin naman sya, pero kasi hindi ko alam kung bakit sya

naman yung galit. Wala naman akong ginagawang masama.―

“Mag-usap kayong dalawa. Mas magandang gawin yon kaysa maging cold kayo

sa isa’t-isa. Parang bumalik lang kayo sa dati na ako ang naiipit sa

gitna.―

“Ashleen hindi ko alam kung kaya ko syang lapitan kasi sa totoo lang

nahihiya ako.―

“Then I’ll talk to my brother.― Tumayo sya mula sa kama.

“Hala! Hwag!� Hinila ko sya sa braso. “Hwag mo syang pilitin na

kausapin ako.―

“Kung walang isa sa inyo na mag-aaproach sa issue, tatagal lang ‘to

at baka kung anuman ang nararamdaman nyo sa isa’t-isa ay maglaho

nalang. Hindi ako papayag na hindi mag-sail ang ship ko!―

“Please don’t do this!� Niyakap ko ang braso nya. “Nakakahiya!�

“Mas nakakahiya ang ginagawa ng lil bro ko. Kapag nawala ka sa kanya at

napunta sa iba, sisisihin ko sya habangbuhay dahil wala syang balls!―

Namilog ang mga mata ko. “Ashleen! Ano ba yang mga sinasabi mo?―

“What? It’s true!―

“Fine. Okay na. Ako na.� Tumayo ako at huminga nang malalim. “Ako

na ang mauunang kumausap sa kanya since ako naman yung mas matanda.―

Napangiwi ako. Tama ba na umasa ako sa isang batang katulad ni Ashton na

seryosohin ang nararamdaman para sa akin? Baka nga crush lang yung

nararamdaman nya para sa akin e.

“Good! Go talk to him Sissy!― cheer sa akin ni Ashleen.

“Nasa kwarto nya ba sya?―

“Nakita ko sya kanina na pumunta sa basement. Puntahan mo nalang sya

don. Balik ka dito pagkatapos, sabihin mo sakin kung ano ang problema ng

kapatid ko.―

“Okay. Okay.―

Lumabas na ako ng kwarto ni Ashleen. Bumaba ako ng hagdanan at mabagal na

naglakad papunta sa basement. Naririnig ko nga ang tunog ng electric

guitar ni Ashton. Napaka-ingay ng tinutugtog nya. Para tuloy nagwawala at

sumisigaw ng electric guitar nya. Di ko masyadong masundan ang tono.

Parang walang pinupuntahan yung nota at nag-aaway away lang sila.

Nakababa na ako sa basement at kaagad nya akong napansin. Hindi sya

tumigil sa pagtugtog pero nahalata ko na medyo nawala sya sa tono nang

makita ako.

Umupo ako sa sofa at pinanuod sya. Kakapalan ko na talaga ang mukha ko.

Gusto kong malaman kung bakit ba sya galit sa akin. Kahit na sobrang

akong kinakabahan, tatapangan ko nalang ang loob ko.

Bigla nyang sinalubong ang tingin ko at ikinulong. Masyadong intense ang

tingin nya sa akin na di ko magawang umiwas. Nagtitigan kami habang

maingay syang tumutugtog ng gitara nya.

“Ashton.―

Tumigil sya sa pagtugtog. Tinitigan nya lang ako nang matagal hanggang sa

hindi na ako naging komportable. Ang tagal na walang nagsalita sa amin.

Nakakabingi tuloy ang katahimikan. Lumunok ako para mawala ang panunuyo

ng lalamunan ko.

“Galit ka ba sakin?―

“Nandito ka lang ba para itanong sakin yan?― malamig nyang tanong.

“Oo.―

“Bakit?―

“Ako ang naunang nagtanong, sagutin mo nalang.―

“Pinaglalaruan mo ba ako?―

Gusto kong tawanan yon kung hindi lang nya ginamit ang mababa nyang

tinig. Akala ko joke yon. Pero tinitigan ko syang mabuti. Para syang

nagtitimpi. Kinabahan ako nang husto. Kinuyom ko ang mga kamo ko at

tumayo. Lumapit ako sa kanya at sinalubong ang tingin nya.

“Ano ba ang pinagsasasabi mo Ashton?―

Inalis nya ang pagkakasabit ng gitara sa katawan nya at tumalikod sya

sakin para ilagay yon sa stand.

“Umuwi ka na Kayleen,― malamig nyang sabi habang hindi ako hinaharap.

“Bakit ako uuwi? Sagutin mo muna ang tanong ko sayo!― naiinis kong

sabi sa kanya.

Mabilis nya akong hinarap. Halos mahalikan nya na ako sa lapit ng mukha

nya sakin. Nakahawak ang dalawang kamay nya sa magkabilang balikat ko.

Tinitigan nya ako nang mabuti.

“Kung ayaw mo na, pwede mo namang sabihin sakin!―

“Sabihin ang ano?!―

“Bakit kailangan mo pang gamitin ang kaibigan ko?―

“Gamitin ang... ano?!― naguguluhang tanong ko.

Lumayo sya sa akin nang kaunti pero nanatili ang mga kamay nyang

nakahawak sa akin. “Kung iba na pala yung gusto mo, sana sinabi mo

kaagad para hindi ako nagmukhang tanga kakahintay sayo! Kailangan ko pang

malaman sa ibang tao!―

“Hindi ko alam kung ano ang sinasabi mo!― Inalis ko ang pagkakahawak

nya sakin. Natatakot ako at nasasaktan sa mga sinasabi nya kahit na di ko

alam kung ano ba talaga ang ibig nyang sabihin. Saan ba nanggaling ‘to?

“Alam mong gusto kita Kayleen.― Napahawak sya sa noo nya at pumikit

nang mariin. “Dammit Kayleen mahal kita pero kung ayaw mo na talaga,

handa naman akong pakawalan ka! Pero sana hinintay mo muna ako na

kumbinsihin kang hwag muna. Bakit ang bilis mong mapunta sa iba

samantalang ilang taon akong naghintay para lang mapansin mo?―

Uminit ang sulok ng mga mata ko. Nakikita ko ang sakit na nararamdaman

nya sa mga mata nya. Namumula ang mga yon na parang pinipigilan nyang

umiyak.

“Bakit sa dami ng lalaki yung kaibigan ko pa?― tila nahihirapan nyang

sambit.

“Hindi ko maintindihan ang sinasabi mo Ashton,― nanghihina kong sabi.

Bumalik ang mga kamay nya sa balikat ko. “Si Gio! Sya na diba?―

Humigpit ang hawak nya sakin.

Napasinghap ako. Gio? Pinalit ko si Gio sa kanya? May gusto ako kay Gio?

Kailan pa?! Bakit di ko alam yon?!

Natulala ako at di ko nagawang sumagot agad dahil sa sobrang gulat.

Iniisip ko kung bakit nya nasabi yon. Ginawa nyang confirmation ang

pananahimik ko na totoo ang sinasabi nya. Agad nyang inalis ang hawak nya

sa akin.

“Sana binigyan mo man lang ako ng notice na tapos ka na pala sakin,―

mapakla nyang sabi.

Natampal ko ang noo ko. “Shut up Ashton!― mataray na sigaw ko.

Sinamaan ko sya ng tingin nang makita kong bumuka ang bibig nya. “Shut

up!― Sumunod naman sya.

Naglakad ako paikot habang humihinga nang malalim.

“First of all, hindi ko gusto si Gio.―

“Kayleen—―

“Shut up! Kanina ka pa nagsasalita puro naman mali ang mga sinasabi

mo!― Nakasimangot na ako nang sinasabi yon kaya naman di ko sya

masisisi kung matatakot sya sakin. Palaging sinasabi sa akin ni Kuya

Dylan na mukha akong tiger kapag nagagalit. “Hindi ko alam kung ano ba

o saan mo ba nakuha yang idea na gusto ko si Gio pero hindi ko sya gusto,

okay?―

“Nagsasabi ka ba ng totoo?―

Sumimangot ako nang husto. “Mukha bang nagbibiro ako ngayon Ashton?―

sinamaan ko sya ng tingin.

“H-Hindi.― Napayuko sya at nakita kong umangat ang isang gilid ng

labi nya.

“Kung sino man sa atin ang may karapatan na magalit ay ako yon at hindi

ikaw!― turo ko sa kanya.

Mabilis nyang inangat ang tingin sa akin. “B-Bakit?―

“Kasi binasa mo yung diary ko!―

Napasinghap sya at kita ko ang pamumutla ng mukha nya. Napatuwid sya ng

tayo nya at gusto ulit akong hawakan pero umiwas ako.

“Hindi pa ako tapos na mag-salita Ashton.― Humalukipkip ako sa harap

nya. “Bakit mo pinakialaman ang diary ko? Paano mo nalaman ang username

ko don?―

“K-Kayleen. K-K-Kasi g-ganito yan.― Nakita ko syang lumunok pa habang

natatakot na nakatingin sa akin.

Naawa ako sa kanya kasi mukha ngang natatakot na sya sakin. Di ko naman

maiwasan na mag-enjoy. Halatang nagseselos lang sya sa kaibigan nya kaya

nya ako di pinansin. Cute pero nakakainis din pala sya mag-selos. Sino ba

ang nagsisik sa isip nya ng idea na may gusto ako kay Gio? Kami ni Gio?

Pagkain lang naman ang habol sa akin ng kaibigan nyang yon.

Naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko sa bulsa ng dress ko. Kinuha

ko yon at binasa ang text ni Kuya Dylan sa akin. Pinapauwi na raw ako

nina Mama. Tinignan ko ang oras. Malapit na palang mag-six pm.

“Uuwi na ako.―

Mabilis nya akong hinawakan sa braso bago pa ako makalakad palayo.

“S-Sorry na! P-Please, sorry na Kayleen. Please,― pagsusumamo nya.

Sinalubong ko ang tingin nya. Nakakita ako ng takot don. Huminga ako nang

malalim bago ko alisin ang kapit nya sa braso ko. Sinundan nya naman iyon

ng tingin at nakita kong bumagsak ang balikat nya.

“K-Kayleen.―

“Bukas, ten ng umaga, magkita tayo.―

Bumalik ang tingin nya sa mukha ko.

“Marami kang ipapaliwanag sa akin.―

Bigla nya akong hinablot at ikinulong sa mga braso nya. Nagsumiksik sa

leeg ko ang mukha ni Ashton. Ang higpit ng yakap nya sa akin. Ramdam na

ramdam ko ang tibok ng puso nya. Ang init talaga ng yakap nya at ang

sarap sa pakiramdam. Napangiti ako.

“Just so you know, hindi pa tayo bati.―

“I’ll make it up to you. I’m really sorry,― bulong nya.

“Good.―

=================

Kayleen

Kayleen

Hindi talaga ako magaling sa math. Kahit kailan pagdating sa numbers

naba-blanko ang isip ko lalo na kung may kasamang letters yon at

kailangan i-solve. Siguro yon ang dahilan kung bakit di ako masyadong

tumitingin sa tamang sukat ng mga ingredients sa paggawa ng cookies at

cakes. Naging guide ko lang sila noong una, pero may sarili na akong

sinusunod na recipes ngayon na ako mismo ang gumawa. Siguro yon ang

dahilan kung bakit iba ang lasa ng gawa ko sa mga binebentang cakes sa

mga cake shops. Siguro yon din ang dahilan kung bakit ba naadik si Gio sa

mga gawa ko. Hindi ko naman alam na magiging issue pala yon sa amin ni

Ashton.

“Sorry, late na ba ako?― tanong ko kay Ashton nang makaupo ako sa

harap nya. Nasa isang sweet shop kami na napapaligiran ng libro.

“Kanina ka pa ba?―

Umayos sya nang upo. “H-Hindi naman.―

Sinungaling. Dumating ako rito nang nine-thirty pero nauna parin sya sa

akin. Balak ko pa naman na panoorin syang pumasok mula sa pinto. Ang aga

nya pero mabuti nalang di nya ako nahalata kasi nagtetext sya sa akin

non. Nakaupo ako sa tagong parte ng shop kanina pa at pinapanood syang

maghintay sa akin.

Gustong gusto ko talagang syang pinapanood. Kahit na hindi sya tumutugtog

ng gitara, gusto kong pinapanood ang bawat galaw ni Ashton. Hindi ko alam

kung creepy yon kasi gusto ko naman sya kaya magandang excuse yon sa

pagtitig ko. Ginagawa naman yon ng ibang tao diba?

“Anong gusto mong orderin?― Sumenyas sya sa isang waiter.

Tinignan ko ang cup ng hot chocolate sa lamesa namin. Nakita kong inorder

nya yon kanina, halatang lumamig na ito ngayon.

“Vanilla shake at peanut butter oreo pie nalang.―

Inulit ni Ashton ang sinabi ko sa waiter at umalis na ito para asikasuhin

yon. Umikot ang tingin ko sa buong shop. Kulay puti ang mga lamesa,

makukulay naman na pink, purple, yellow, green, blue at orange ang mga

silya. Sa unang tingin parang may sumuka ng rainbow sa buong shop pero it

worked naman dahil enjoy tumingin-tingin at hindi intimidating. Gusto ko

rin ng shop na ganito balang araw.

Bumalik ang tingin ko kay Ashton na pinapanood pala ako. Napaiwas pa sya

ng tingin nang mahuli ko. Napansin ko ang pangingitim ng ilalim ng mga

mata nya. Hindi ba sya nakatulog?

“Paano mo naisip na kami ni Gio?� umpisa ko. “Sya ba ang nagsabi

sa’yo?―

Nakita ko syang napangiwi sa tanong ko. Hindi nya ako tinignan. Tinutok

nya ang mata nya sa malamig nang chocolate drink.

“May na-receive akong pictures nyo ni Gio habang nasa supermarket kayo.

Meron din kayong kuha na magkasama hanggang sa bahay nyo.―

“At naniwala ka kaagad?―

This time tumingin na sya sa akin.  Â

“Alam kong dapat nagtanong ako pero di kita malapitan. Tumigil ka na sa

pagpunta sa bahay namin, hindi mo sinasagot ang texts ko pati narin nang

pumunta ako sa bahay nyo umiwas ka. Tinanong ko si Ashleen pero wala rin

syang alam. Hindi ko alam kung ano ang nagawa ko kaya nang makita ko ang

mga pictures, naisip ko na sya ang dahilan. Na baka sya na ang gusto mong

kasama at hindi ako. Na nahihirapan ka lang siguro na sabihin sa akin na

tigilan ka na kaya iniwasan mo nalang ako.―

Nakita ko sa mga mata nya ang halo-halong emosyon. Nandon yung mga

tanong, tampo at frustration. Nagsasabi sya ng totoo. Kasalanan ko rin

naman kasi talaga. Hindi ko sinadya pero kasi kahit naman sino mahihiya

na humarap sa taong nakabasa ng diary nila. Lalo na kung halos lahat ay

tungkol sa taong yon ang laman ng diary mo.

Pero wala na akong magagawa dahil tapos na yon. Nabasa nya na lahat ng

sikreto ko. Alam nyang gusto ko sya. Pero sa kabila ng pagbabasa nya ng

diary ko bakit iniisip nya na may gusto ako kay Gio?

Dumating na ang order ko at naghintay ako ng ilang minuto bago muling

magsalita.

“Hindi ko sya gusto.―

Pinakatititgan nya ako. May hinahanap sya sa mukha ko. Siguro proof na

hindi ako nagsisinungaling sa kanya. Attractive si Gio, gwapo rin sya in

a lazy way nga lang. Cute sya kapag nanghihingi ng cookies sa akin. Mukha

syang pusang ligaw minsan na nakasunod sa akin kapag nagugutom. Pero

hanggang doon lang yon. Nacu-cute-an ako sa kanya, oo. Pero hindi ko sya

gusto nang higit pa sa isang kaibigan.

“Hindi ko sya gusto as in gusto. Kaibigan ko rin sya.―

Hindi parin sya masaya sa sinabi ko dahil kunot-noo syang nagtanong.

“Since when?―

“Simula nang magdala ako ng desserts sa bahay nyo.― Uminom ako ng

shake. “Kaibigan ko rin si Warren. Hindi kasing close nyo pero

dumidikit din sya sa akin minsan.―

“Dumidikit si Warren sa’yo?― Mukhang di rin nya nagustuhan yon.

“Ashton.―

“Sorry.―

“Kung binabasa mo ang diary ko bakit mo iniisip na may gusto ako kay

Gio?� Napasinghap sya at namula. “Ikaw lang naman ang nilalagay ko

doon diba? Maliban kay Ryan, pero alam mong hindi ko na sya gusto kasi

nilagay ko na yon sa diary entry ko. Wala na akong sikreto pa na

maitatago. Alam mo na lahat.―

“H-hindi lahat.― Nasuklay nya gamit ang isang kamay ang buhok nya.

Sinalubong nya ang mga mata ko. “Hindi ko binasa lahat. Tumigil ako.―

Nalaglag ang panga ko. Tumigil sya sa pagbabasa? Pwede kayang di nya

nabasa na gusto ko sya?

“Hanggang saan ang binasa mo?―

Naging kasing pula ng sili ang mukha nya. Mabilis syang umiwas ng tingin

sa akin. Uminom sya saglit at nakayukong sumagot.

“H-hanggang sa s-sinabi mo na...― Sinilip nya ang mukha ko bago

muling yumuko. “g-gusto mo ako.―

Feeling ko nag-bungee jump ako. Bumulusok ako pababa, hinila ako pataas

at muli akong nalaglag. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Sumandal ako sa

upuan ko at tinitigan ang cake sa lamesa. Kung kasing dali lang sana ng

baking ang dating, sigurado na expert na ako ngayon. Siguro nga hindi ako

magiging NBSB eh. Sigurado rin na maraming hahabol sa akin na katulad ni

Gio na adik sa mga gawa kong desserts.

Pero hindi madali ang magkagusto sa isang tao. Sa una, wala kang

hihilingin na sana mapansin ka nya. Kapag napansin ka na nya, hihilingin

mo naman na sana magustuhan ka rin nya. Kapag nagustuhan ka na nya,

hihilingin mo na sana totoo yon at maging kayo na. Kapag naging kayo na,

lahat ng tungkol sa inyong dalawa kukuwestyonin mo. Darating sa point na

maghahanap ka ng patunay na kayong dalawa talaga ang dapat at para sa

isa’t-isa. Pero kung minsan nandon din yung doubt. At minsan kahit

binhi lang yon, kapag pinabayaan parang damong ligaw na kakalat sa

sistema mo.

Siguro nga dahil umiwas ako sa kanya kaya kumalat yung doubt na yon. Kaya

tama rin ang sinabi ni Ashleen sa akin na, kung papabayaan namin, baka

kung anuman ang meron kami ay biglang maglaho. Ang complicated talaga ng

mga relasyon. Di ko naman inisip na ganito pala yon kakomplikado.

Hiniling ko lang noon na sana magka-lovelife ako pero di ko naalala na

hindi puro smiles lang ang relationship. Di nawawala yung selos at

pagdududa.

Bakit ko ba ‘to iniisip? Kami na ba? Hindi pa. Pero parang kami na.

Mutual understanding ba ang tawag dito? Parang. Siguro. Baka.

Inubos ko ang pie na inorder ko. Masarap sila gumawa pero may kulang.

Susubukan ko rin gumawa nang ganito sa bahay. Inubos ko rin ang shake ko

at nagpunas ng bibig gamit ang napkin. Inabot ko ang baby blue kong cross

body bag, kumuha ako ng pera don at nilapag sa lamesa. Tumayo ako na

ikinagulat nya.

“Tara muna maglakad sa labas.―

Lumabas kami ng sweet shop at naglakad-lakad lang nang hindi nag-uusap.

Nararamdaman ko ang tensyon na lumalabas sa katawan nya. Pumunta kami sa

lake na tinaguriang tourist spot ng city namin. Walang masyadong activity

dito maliban sa practice ng sayaw ng mga teens na may hilig don. May mga

kiosks sa gilid at may mga umiikot sa lake gamit ang rented bicycle.

“Umuwi na tayo.―

“Uuwi na?― mahinang sambit nya na halatang dismayado.

Nilingon ko sya sa tabi ko. Halata sa tayo nya na kailangan nyang

magpapilit para umuwi. Para syang bata na nakakita ng laruan sa mall at

hindi uuwi hangga’t di ‘yon nakukuha. Nginitian ko sya at kagat-

labing kinuha ang isa nyang kamay. Pinagsalikop ko ang mga kamay namin

hanggang sa walang matirang space. Hinawakan ko iyon nang mahigpit.

“Gusto mo bang matutunan kung paano ko ginagawa ang mga cookies na

dinadala ko sa inyo?―

May shade ng pink sa pisngi nya habang nakatingin sa akin. Lumipat ang

tingin nya sa kamay namin na magkahawak. Naramdaman kong humigpit ang

kapit nya sa kamay ko. Nakangiti syang tumango sa akin.

Busy kami ni Ashton sa pagbe-bake nang mapadaan sa kusina si Kuya.

Nakabihis sya at mukhang lalabas para maglaro ng basketball. Mabuti naman

naisipan nyang mag-basketball. Lagi kasi syang nasa kwarto at naglalaro

ng games sa computer.

“Busy ah,― puna ni kuya habang nakatingin sa aming dalawa ni Ashton.

Kumuha sya ng cookie sa malaking tray at kinain yon. Napangiwi sya pero

inubos naman nya ang buong cookie na kinuha nya. Yon ang una naming subok

ni Ashton sa pag-bake. Hindi naman yon masama sa panlasa pero naninibago

lang siguro si Kuya dahil iba kapag ako ang gumawa. Medyo napabayaan kasi

namin kanina sa oven yung cookies kaya iba ang labas.

“Tinuturuan ko si Ashton kung paano mag-bake.―

“Cool. Good luck with that baby sis.― Ngumisi sya sa amin. Tumalikod

na sya at naglakad palayo. “Aalis muna ako. Behave kids.―

“Break a leg kuya!― pahabol ko sa kanya bago sya makalabas ng bahay.

Nang marinig ko ang pagsarado ng pinto, doon ko naramdaman na solo lang

namin ni Ashton ang buong bahay. Nasa trabaho ang parents ko at kakaalis

lang ni Kuya. Medyo nakakailang pala.

“Nasa bahay nyo ba si Ashleen ngayon?―

“May date sila ngayon ni Alex,― sagot ni Ashton. Nakatuon ang buong

concentration nya sa hinahalong bowl na may laman na sugar, butter, egg

at vanilla. Mukha syang nag-tatanggal ng bomba kung makapag-concentrate.

Ang cute nyang tignan. Kung pwede ko lang sana syang picture-an ngayon.

“Wala kayong practice ng banda?―

“Bukas pa.―

Hmm. Tumango tango ako. Pinapanood ko sya sa peripheral vision ko.

“Masyado mo naman sineseryoso yang hinahalo mo.―

Hindi sya sumagot. Pinagpatuloy nya lang ang paghahalo nya. Ngumuso ako.

“Nag-seselos na ako,― bulong ko.

Mabilis nyang binaba yung bowl.

“Uy joke lang!― nakangiting sabi ko sa kanya.

“K-kapag hindi ako nagconcentrate sa ginagawa ko b-baka may magawa

akong hindi dapat.― Muli nyang kinuha yung bowl at naghalo sya.

Nagtaka naman ako sa sinabi nya.

“Ano ‘yon?―

Sinilip nya saglit ang mukha ko. Umiwas ulit sya ng tingin at seryosong

nagpatuloy sa paghahalo.

“K-kasi tayong dalawa lang dito,― pabulong na sabi nya na parang ayaw

nyang marinig ng iba.

Namula ako. Bumilis ang tibok ng puso ko at sana di ko nalang tinanong.

Mas naging aware na ako ngayon sa sitwasyon namin. Gusto ko kasi syang

yakapin ngayon. Namiss ko sya. Hindi lang pala ako ang kinakabahan kasi

kaming dalawa lang dito. Ano kaya ang nasa isip ni Ashton ngayon? Ano ba

yung gusto nyang gawin sakin? Magkaparehas kaya kami ng iniisip?

“May isusuot ka na ba sa debut ko? Tatlong araw nalang yon.―

“Meron na. Nakuha ko last week.―

“Nung naging masungit ka sakin inisip ko kung itutuloy ko pa ba na

gawin kang escort.―

“Bakit naman?―

“Kasi di mo ko pinapansin. Baka ayaw mo na.―

“Pero gusto kong maging escort mo. Napalitan na ba ako?―

“Hindi.―

Naramdaman ko syang nakahinga nang maluwag.

“Binasa mo na ba yung Harry Potter na binigay ko sa’yo?―

“Hehe,� sambit ko nang maalala yung mga libro. “Inumpisahan ko kaso

nakatulog ako eh.―

“Ayaw mo bang nagbabasa ng libro?―

“Hindi kasi ako masyadong fan ng magic. Noong bata pa ako, sigurado

mae-enjoy ko yung books. Pero ngayon kasi ang binabasa ko yung mga

makatotohanan.� Binasa ko ang mga labi ko. “Ayokong umasa sa magic

para ma-solve ang isang bagay.―

“Marami ka rin matututunan sa series na ‘yon.―

“Alam ko. Napanood ko ang movies non. Alam ko rin na mas maganda ang

mga books kaysa sa movies. Palagi namang may kulang sa mga movies kapag

galing sila sa libro. Pero in real life kasi, ayokong humiling na sana

katulad nila, may magic wand din ako na pwedeng makatulong sa akin sa

pag-solve sa mga problema ko. Ayokong isipin na sana may Hogwarts nga sa

mundo dahil kung mangyayari man ‘yon, baka ma-stuck ako sa paghahanap

non. Hindi ako basta simpleng nangangarap lang Ashton. Kapag nangarap

ako, susundan ko yon. Gagawin ko ang lahat para makuha lang ‘yon.―

Huminga ako nang malalim. “Siguro ganon lang talaga ako. Ayokong

mangarap ng mga bagay na alam kong imposible naman mangyari.―

“Kaya ba hindi mo ako tinitignan kasi hindi mo ako pinangarap?― Wala

akong nahimigang tampo o anuman sa boses nya nang itanong nya yon.

Sinalubong ko ang seryosong titig nya sa akin.

“Hindi kita tinitignan kasi kapatid ka ng bestfriend ko, Ashton. Bukod

pa ron mas matanda ako sa’yo. Hindi parin ako makapaniwala sa kung

anuman ang meron tayo ngayon.―

“Kayleen gusto ko lang malaman mo na seryoso ako sa’yo. Gusto talaga

kita.―

Kahit ilang beses ko nang narinig yon, hindi parin maiwasan na mapalundag

ang puso ko sa saya. Naramdaman kong umangat ang magkabilang sulok ng

labi ko.

“I know.―

Ibinaba nya ang bowl sa lamesa. Hinawakan nya ang mga kamay ko.

“Naniniwala ako sa magic,― sabi nya. Hindi ko magawang alisin ang

tingin ko sa mga mata nyang nakatitig sa akin. “Ikaw ang patunay na

meron non. Wala akong ibang pinangarap kundi ikaw lang Kayleen. Ikaw ang

Hogwarts ko.―

Sobrang lakas ng tibok ng puso ko natatakot ako na baka marinig nya yon.

Tinitigan ko sya nang napakatagal. Ang bata nya. Mas bata sya sakin pero

mas intense ang pagmamahal nya. Kung nasusukat man ang pagmamahal, alam

ko na mas lamang sya sa akin. Mas minahal ko tuloy sya ngayon.

Pinipigilan ko na tuluyang mahulog sa kanya dahil hindi ako sigurado kung

seryoso ba tong ginagawa namin. Pero ngayon hulog na hulog na ako sa

kanya. Hindi ko na yata magagawa pang umatras.

“Dork.―

Ngumiti sya at mabilis nya akong ninakawan ng halik sa pisngi.

“Your fault.―

I guess, babasahin ko na ulit ang librong binigay nya sa’kin.

=================

Kayleen

Kayleen

Noong grade six palang ako, nagsimula akong magbasa ng mga YA novels.

Nag-start yon isang araw nang tulungan ko si Lola sa book shop nya. May

kung ano sa mga novels na yon na nakapagpamangha sa akin. May ilan sa

kanila na napaka-colorful ng covers. Kakulay sila ng mga favorite kong

ice cream flavors.

Naaalala ko pa kung paano ako nainlove sa unang librong nabasa ko dahil

pakiramdam ko ako ang bida. Pinakaingatan ko ang librong yon. Hindi ko

yon inilalayo sa akin, sa kahit saang lugar pa ako pumunta ay palagi kong

dala ang librong yon. Hanggang sa isang araw, nang pumunta kami sa

Burnham Park, iniwan ko sya sa bench para bumili ng ice cream at pagbalik

ko, wala na yung libro ko. Sobrang lungkot ko nang araw na yon. Ang

naging solusyon ni Lola ay bigyan ulit ako ng isa pang libro na kahawig

sa story na binasa ko. Naging palabasa na ako simula non.

Karamihan sa mga characters sa libro ay nagkakaron ng lovelife sa edad na

fifteen or sixteen. Pero karamihan sa kanila nagiging legal lang kapag

eighteen na. Siguro dahil nagiging adult na sila. Noong eleven years old

palang ako, excited akong maging teenager kasi iniisip ko na sa ganong

edad magiging exciting na ang buhay ko. Nang tumungtong ako sa

highschool, naging excited ako na ma-experience ang buhay ng mga babaeng

characters sa books at anime. Ang exciting kasi ng highschool life nila

kaya gusto ko rin maranasan yon, pero dumaan ang isang buong taon sa

highschool nang walang nangyayari.

Naging exciting lang ang buhay highschool nang mag-third year na kami ni

Ashleen. Pareho kaming nagkaron ng crush sa isang lalaki, si Kenneth ng

basketball team. Maraming nagkaka-crush sa kanya noon. Chinito sya,

maputi at magaling sa basketball.

Valentines day. Binalak namin syang bigyan ni Ashleen ng chocolates dahil

nabasa namin yon sa mga shojo manga. Pumunta kami sa gym ng school namin

kung saan nagpapractice ng basketball si Kenneth at ang team nya.

Nakahanda na kaming bigyan sya ng chocolate pero nagulat nalang kami nang

humalik sa semento ang mukha ni Kenneth. May bumato ng bola sa ulo nya.

Ako lang yata ang nakahanap ng salarin dahil nakita kong mabilis na

tumakbo palayo si Ashton, ang nakababatang kapatid ng bestfriend ko.

Hindi lang si Kenneth ang naging biktima ni Ashton. Nang maging senior

kami ni Ashleen sa highschool, nagkaron ako ng manliligaw. Hindi ko naman

masasabi na manliligaw talaga sya kasi hindi ko naman sya pinayagan.

Ayoko sa kanya. Sya kasi yung tipo ng lalaki na masyadong maingay sa

klase at laging nanghihingi ng papel pero maraming pera pagdating sa

computer games. Sya si Xander.

Isang araw sa corridor habang sumusunod sya sa amin ni Ashleen na parang

bubuyog. Pinahalik sya ni Ashton sa semento. Narinig ko pa ang tawanan ng

mga nakakita, isa na ron si Ashton na mabilis lumakad palayo nang makita

akong nakatingin sa kanya.

Yon siguro ang araw na tumatak sa isip ko na bully si Ashton. Isa talaga

syang nakakatakot na bully. Kaya naman nilayuan ko sya dahil natatakot

ako na mabully nya.

Senior prom. Hindi rin pinalagpas ni Ashton ang araw na yon. Akala ko

matiwasay na akong gagraduate ng highschool nang hindi sya nakikitang may

pinagtitripan na naman. Sophomore palang sya noon at hindi sya invited sa

junior & senior prom. Pero napigilan ba non si Ashton? Hindi.

Ang huling na-bully nya ay si Thomas. Naging crush ko rin si Thomas kasi

magaling sya sa chess. Nakakamangha kasi na hindi sya matalo sa larong

yon. Sya rin ang nanalo sa Science fair namin dati nang mapa-ikot nya ang

maliit na model ng ferris wheel gamit ang solar energy. Naging crush ko

lang naman sya kasi naaalala ko sa kanya si Shinichi Kudo. Pareho kasi

silang matalino. Pero napigilan ba non ang inembentong lumilipad na

spaghetti ni Ashton? Hindi. Kaya maagang umuwi si Thomas sa kanila.

Nagpasalamat nalang ako nang sa wakas makalayo na ako sa highschool

department ng school namin at makatungtong sa college! Malayo kay

Ashton...nang 174ft. From elementary to highschool to college kasi ang

school namin. Sa iisa parin kaming gate lumalabas. Mabuti nalang iba ang

oras ng dismissal namin.

“OMG Sissy! Ang ganda mo!―

“Talaga?― malapad ang ngiti na tanong ko.

Kakatapos ko lang maayusan ng stylist na kinuha ni Mama. Naisuot ko na

rin ang damit ko para sa debut ko. Ready na ako na bumaba.

“Oo naman! Bagay na bagay sa’yo! Kami ni Tita ang pumili nyan e.―

“Kaya pala pink.―

“Hahaha! Pero bagay naman kasi sayo.―

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Mukha akong disney princess

character. Pwede na akong ihilera kina Belle, Cinderella at Aurora. Kulay

pale pink ang gown ko na heart shape ang top at napapalamutian ng mga

kumikinang na mga maliliit na bato. Pabuka ang cut ng palda ko na abot

hanggang sa akin silver ankle strap high heels. Mukha talaga akong disney

princess. Hindi ko naman alam na gagawing magarbo nina Mama ang debut ko.

Sa isang private beach resort pa ginanap ang party.

“Ire-ready ko na ang camera ko para sa mukha ni Ashton,― ngiting-

ngiti nyang sabi.

Kinabahan ako nang marinig ko ang pangalan ni Ashton. Ito ang una naming

pagkikita matapos syang pumunta sa bahay non para turuan ko na mag-bake

ng cookies. Di na sya nakapunta pa dahil busy sya, Â siguro sa practice

ng banda nila.

Nilapitan ako ng photographer para kuhanan ng ilang litrato. Kasama rin

sa kumukuha ng pictures ko si Ashleen. Kanina pa nila ako kinukuhanan

mula pagkagising ko. Sigurado ako na proud si Ashleen ngayon sakin dahil

minsan lang nya akong nakikitang nakaayos nang ganito. Nagpapicture din

kami na magkasama ni Ashleen sa photographer.

“Sweetie,� sambit ni Mama nang pumasok sya sa loob ng kwarto. “You

look so perfect.― Medyo teary eyes pa si Mama habang nakatingin sa

akin.

“Kanino pa ba magmamana?― singit ni Papa na kasunod lang ni Mama sa

pagpasok.

“Nice, bunso.― Nagbigay sakin ng thumbs up si Kuya.

Bakit parang ikakasal na yata ako? Kinuhanan din kami ng picture na buong

pamilya. Umalis din sina Mama pagkatapos non dahil aasikasuhin pa nila

ang mga bisita. Marami kaming dumating na kamaganak. Yung iba sa kanila

ay galing pa sa ibang bansa.

“Ready?― tanong sa akin ni Ashleen.

Tumango ako sa kanya. Nauna syang naglakad palabas ng kwarto at sumunod

ako. May dalawang photographers at videographers na kumukuha sa bawat

mangyayari. Pinatigil nila ako bago pa ako makababa ng hagdanan.

Nauna silang lahat na bumaba ng hagdan. Natatakpan ako ng pulang kurtina

kaya hindi ako makikita ng mga bisita. Narinig kong nagsalita ang emcee.

Mas lalo akong kinabahan, masyadong pormal ang debut ko. Malayo ito sa

iniisip kong basta party lang. Sana pala nakialam ako sa plano ng debut

ko. Pinagpapawisan pa ang mga kamay ko.

Pinakinggan ko ang mga sinasabi ng emcee tungkol sa akin. Ipinapakilala

nya ako sa mga bisita, pati na rin ang hilig ko sa baking at plano ko na

pumunta sa france ay sinabi nya. No doubt na si Mama ang nagbigay ng mga

information na yon, proud sila sa akin ni Papa.

“Ladies and gentlemen, let us all welcome, the debutant of the night,

Miss Mary Kayleen Santos! ―

Narinig ko ang instrumental na music. Bumukas ang pulang kurtina at

nakita ko ang mga bisita sa ibaba na nakatingala lahat sa akin.

Pumalakpak sila at masayang nakatingin sa akin.

Mabagal akong bumaba ng hagdan. Ayokong mapahiya dahil lang sa hindi ko

kayang maglakad sa hagdan gamit ang stilleto at mahabang gown ko.

Nang nasa gitna na ako nang hagdan ay saka ko lang nakita si Ashton na

naghihintay sa akin sa dulo. Hindi niya inaalis ang tingin sa akin. Naka-

itim syang tux na may itim din na bow tie. Ngayon ko lang sya nakita na

nakasuot ng tux. Bagay sa kanya. Nagmukha syang mas matanda kaysa sa

tunay nyang edad. Siguro ginawa nya yon para sa akin.

Inabot nya ang kamay ko at pinakapit sa braso nya nang makababa na ako.

“You’re really beautiful Kayleen,� bulong nya sa akin. “Can I

keep you forever?―

Bumilis ang tibok ng puso ko. Naramdaman ko nalang ang labi ko na sobrang

lapad ng ngiti. Hindi ko alam kung narinig ba ng mga bisita ang sinabi ni

Ashton, nagtilian ang iba sa kanila at nag-cheer. Ang nangunguna ay ang

bestfriend ko na si Ashleen.

Pink at white ang naging motif ng debut ko. May mangilan ngilan din akong

nakikitang kulay yellow katulad ng ilang bulaklak at table napkins.

Nakaupo ako sa center stage, napapaligiran ng bulaklak ang upuan ko na

mukhang kinuha pa mula sa Princess Diaries.

Nagsasayaw sa gitna ang mga bata kong pinsan para sa akin. Nasa pito

silang bata na di tataas ang edad ng sampu, apat na babae at tatlong

lalaki. Natapos ang tugtog na Wiggle Wiggle at isa ako sa mga pumalakpak

para sa kanila.

Tinawag ng emcee ang next performer at nakita kong tumayo mula sa silya

nya si Ashleen. Lumapit sya sa emcee at kinuha ang inaabot nitong mic.

“Hi Sissy,� nakangiting bati nya sa akin. “Hi everyone, uhm, my

name is Ashleen. Ako po ang bestfriend ni Kayleen,― pakilala nya sa

sarili nya sa mga bisita. “Sissy happy birthday. Naghanda ako ng song

for you and secret lang ito pero kumuha pa ako ng singing lessons para

naman hindi ako mapahiya.―

Nagtawanan ang mga bisita at isa na rin ako don. Nag-uumpisa nang uminit

ang sulok ng mga mata ko. Pinigilan ko na maiyak.

“Pumili ako ng kanta na parehong special sa ating dalawa. Remember na

na-obssess tayo noon dito. So, here it goes. Sana magustuhan nyo.―

Sumenyas sya sa DJ at nagumpisang tumugtog ang isang musika.

“I am unwritten, can't read my mind, I'm undefined. I'm just beginning,

the pen's in my hand, ending unplanned. Staring at the blank page before

you. Open up the dirty window. Let the sun illuminate the words that you

could not find.―

Nagulat ako sa improvement ng boses nya. Ngiting-ngiti ako na pinapanood

sya. Ilang araw kaya syang nagpractice? Sinabayan ko ang kanta nya mula

sa kinauupuan ko. Hindi ko na napigilan nang may tumulong luha mula sa

mga mata ko.

“Feel the rain on your skin. No one else can feel it for you. Only you

can let it in. No one else, no one else. Can speak the words on your

lips. Drench yourself in words unspoken. Live your life with arms wide

open. Today is where your book begins. The rest is still unwritten.―

Nagpalakpakan ang lahat nang matapos syang kumanta. Tumayo ako sa upuan

ko at nilapitan sya para yakapin.

“Thank you Ashleen.―

“Anything for you Kay.―

Ang sunod na tinawag ng emcee ay si Kuya Kean. Maraming nagtilian nang

tawagin na sya bilang next na performer. Ang dami nyang fans dito.

“Happy birthday, Kay.� Tumingin sya sa mga bisita. “Good evening

everyone. My name is Kean. Bestfrien ko ang kapatid ng debutant at

tinuturing ko na rin na parang kapatid si Kayleen.― Tumingin sa akin si

Kuya Kean. “I wish you all the happiness in the world, Kay. This song

is for you.―

Muling nagtilian at halos mabaliw ang mga pinsan ko at mga kaibigan ko

nang tumugtog na ang isang pamilyar na musika.

“Oh, her eyes, her eyes make the stars look like they're not shinin'.

Her hair, her hair  falls perfectly without her trying. She's so

beautiful. And I tell her everyday.―

Ang ganda talaga ng boses ni kuya Kean. Sobrang talented nya, hindi lang

acting ang kaya nya. Napaka-humble din nya na kahit sikat na sya di parin

sya nakakalimot. Lumapit sya sa akin nang matapos ang kanta nya. Humalik

sya sa pisngi ko. Tumayo ako at niyakap ko sya.

“Happy birthday bunso.―

“Thank you kuya Kean. Alam kong busy ka, thank you sa pagpunta.―

“Basta ikaw Kayleen, anytime. Malakas ka sa’kin eh.―

Nabigla ako nang tawagin ng emcee ang pangalan ng banda nina Ashton.

Kasama rin nila si Trisha. May mga tumulong sa kanila para sa mga gamit

ng banda nila. Tutugtog sila ngayon sa party.

“Hi birthday girl,― kaway sa akin ni Warren. Nakasukbit sa balikat

nya ang isang gitara. “Kung hindi nyo po naitatanong, si Kayleen po ang

aming savior sa tuwing nagpapractice kami ng banda. Palagi nya po kaming

binibigyan ng mga magic cookies para mas gumanda pa ang performance

namin. Hindi mo man nahahalata Kayleen pero palagi kaming excited tuwing

pupunta ka sa practice namin dahil alam namin na always, walang palya,

may cookies kang dala.― Dito natawa ang mga bisita pati na rin ako.

“Kayleen, ngayong birthday mo, kami naman ang naghanda para sa’yo.

Sana magustuhan mo.―

Nasa gitna nina Ashton at Trisha si Warren. Si Gio ang nasa drums,

keyboard ang kay Trisha, electric guitar ang kina Ashton at Warren na

bass naman. Nakasuot sila ng black suit and tie. Nanibago ako sa look ni

Gio dahil mukhang nag-abala na sya ngayon na magsuklay. Si Trisha ay

nakasuot ng white dress na puro lace.

“She's cold and she's cruel. But she knows what she's doin'. She pushed

me in the pool at our last school reunion. She laughs at my dreams. But I

dream about her laughter. Strange as it seems, she's the one I'm

after.―

Medyo natulala ako nang si Ashton ang kumanta. Ang akala ko kasi ay si

Warren dahil sya ang nasa gitna. Hindi kumakanta sa banda si Ashton.

Never syang kumanta. Sa tinagal tagal ng banda nila, ngayon ko lang sya

narinig na kumanta. Kumanta na ba sya noon? Hindi ko matandaan. Ito ang

unang beses na kumanta sya and oh boy, he can sing!

“'Cause she's bittersweet. She knocks me off of my feet. And I can't

help myself. I don't want anyone else. She's a mystery. She's too much

for me. But I keep comin' back for more. She's just the girl I'm lookin'

for.―

Magiging selfish ba ako kung hihilingin ko na sana ako lang ang

nakakarinig ng boses nya ngayon? Hindi ko maalis ang tingin ko sa

nangungusap nyang mga mata. Umangat ang isang gilid ng kanyang labi

habang kumakanta.

“And the more she ignores me. The more I adore her. What can I do? I'd

do anything for her.―

Uminit ang pisngi ko. Para sa akin talaga ang kantang pinili nya! Muling

uminit ang sulok ng mga mata ko. Ito ba yung pinapractice nila? Ito ba

yung inasikaso nya nang di sya nagpakita sa akin ng ilang araw?

Pinakiramdaman ko ang mabilis na tibok ng puso ko. Ang sarap sa

pakiramdam. Ashton, bakit ba ang sarap mong magmahal?

“She's just the girl I'm lookin' for.―

***Author’s Note

Okay. Malapit nang matapos itong story. Mga one or two chaps nalang ang

natitira. Medyo nahirapan ako sa details nitong debut. Di kasi ako

masyadong napunta sa mga ganito. Nag-research ako nang maraming vids and

everything kung paano ba ang programme. Anyway, cut ko muna dito. Di pa

ako tapos sa pag-research ko pati mga kanta haha! Di ko pa to dapat na

iuupload pero naiinip na yung iba kaya nilagay ko na. Anyway, see yah sa

next chap.

=================

Kayleen

Kayleen

Masigabong palakpakan ang ibinigay namin lahat para sa banda ni

Ashton. Naluluha ako para sa regalo nya sa akin. Kumanta sya sa harap

ng maraming tao para sa akin. Palagi nalang syang gumagawa ng mga bagay

na nakakapagpasaya sa akin at hindi ko mapigilan na mas lalong mahulog sa

kanya. Kung may idea lang sana sya sa kung gaano ko sya kamahal ngayon.

May mga lalaking nag-ligpit ng instruments ng banda ni Ashton. Lumapit

sya sa akin matapos nyang ibigay ang gitara nya sa isa sa mga lalaki.

Naglahad sya bigla ng isang kamay sa harapan ko. Tinignan ko yon nang

namimilog ang mata. Bigla nalang tumugtog na instrumental music. Ano

‘to? Mamaya pa ang eighteen roses ah! Nabago ba ang programme?

“Can I have this dance?―

Medyo nalaglag ang panga ko. Hala! Sinasabi ko na nga ba dapat talaga

kasama ako sa nagplano ng programme baka may nakalimutan sabihin sa akin

kahapon si Mama. Ilang beses ko pa naman syang tinanong kung ano ang mga

dapat kong gawin. Umupo lang daw ako sa gitna at manood ng programme,

pagkatapos non makikipag-sayaw na ako para sa eighteen roses! Pero hindi

naman si Ashton ang first dance ko eh! Si Kuya yon dapat. Ano ba ang

nangyari?

Nakita ko sina Ashleen, Trisha at tatlo ko pang pinsan na babae na

tumayo. Ano ‘to?! May mga kani-kanila silang partners at pumunta rin sa

gitna. Kahit si Kuya Dylan at Kuya Kean ay nakatayo kasama ang iba pang

mga lalaki.

Nahigit ko ang hininga ko nang malaman kung ano ito. Cotillion! Bakit may

ganito sa debut ko? Wala naman nito sa programme! Shucks! Hindi ako

marunong sumayaw! Kaya rin ba wala si Ashleen nang tatlong araw at palagi

syang busy ay dahil nag-practice sila ng sayaw?

Nawala yata ang kulay sa mukha ko. Pinagpawisan ako nang husto. Ayokong

sumayaw! Ayokong mapahiya sa debut ko. Hinanap ng mga mata ko si Mama

para sumenyas sa kanya na ayaw ko. Hindi ko sila makita ni Papa.

“Kayleen,― bulong ni Ashton na nakapagpabalik ng tingin ko sa kanya.

Hindi ko namalayan na nakaluhod na pala sya sa harap ko at nakatingin sa

akin nang diretso. “Trust me.―

“P-Pero hindi ako marunong sumayaw Ashton,― nanginginig na bulong ko

pabalik.

“I’ll guide you.―

“A-ayoko.― Nahigpitan ko ang kapit ko sa upuan ko. Hindi nila ako

mapapatayo dito!

Ngumiti sya sa akin. Nakakainis ang ngiti nya! Parang hindi ako

makakatanggi dahil sa nakakatunaw na ngiting yon! Bakit nya ginagamit to

sakin ngayon?! Sa dinami-rami ng pagkakataon, bakit ngayon pa nya napili

na ngumiti nang ganito? Ayoko talagang sumayaw.

“Mary Kayleen Santos.― Kumikinang ang mga mata nya habang binabanggit

ang buo kong pangalan. “Will you have this dance with me?―

Nooooooooooooo!!!

Iba ang sinisigaw ng isip ko sa sinasabi ng puso ko. At dahil nga

nagwawala ang puso ko sa sobrang kaba at saya dahil kay Ashton, nalito

ang isip ko at wala akong ibang nagawa kundi ang ibigay sa kanya ang

isang kamay ko. Tumayo ako mula sa upuan ko at narinig kong nagpalakpakan

ang mga tao.

“Hawak ka lang,― bulong nya sa akin.

Hawak nya ang isang kamay ko habang nakatayo kami paharap sa mga bisita.

May formation sa magkabilang gilid namin ni Ashton ang iba pang kasama

namin sa pagsasayaw. Mas lalo akong kinabahan! May formation sila!

“Relax.―

“Paano?―

“This is your party Kayleen. Hwag mong isipin na mapapahiya ka.―

“Paano kung magkamali ako ng step?―

“Hindi ka magkakamali,� nakangiting sagot nya. “Iba lang talaga

sila ng step.―

Kung hindi lang ako sobrang kinakabahan natawa na siguro ako. Pero kahit

papaano nabawasan ang tensyon sa katawan ko. Tama naman sya, party ko to.

Hindi ako magkakamali, kung iba ang step ko, well, ako kasi yung debutant

kaya iba! Haha!

Take my hand, take a breath

Pull me close and take one step

Sumayaw na kami ni Ashton. Sobra talaga akong kinakabahan pero si Ashton

mukhang relax lang. Humarap kami sa isa’t-isa. Hawak nya ang dalawang

kamay ko, lumayo sya nang bahagya at nakita kong ginawa rin yon ng iba

pang sumasayaw. Lumayo rin ako kay Ashton ng isang hakbang, nananatiling

magkahawak ang dalawang kamay namin. Muli kaming lumapit sa isa’-isa at

ganon din ang ginawa ng iba pang sumasayaw.

Keep your eyes locked on mine

And let the music be your guide

“Just breathe,― bulong nya sa tenga ko.

Kinilabutan ako. Pakiramdam ko ginapangan ako ng ilang libong langgam. Si

Ashton kasi! Nawawala ako sa focus!

Won't you promise me?

(Now won't you promise me,

That you'll never forget)

Hawak nya ako sa isang kamay at pinaikot nya ako ng isang beses. Nakita

ko rin na ganon ang ginagawa ng iba pa. Napalunok ako nang maramdaman ko

ang dibdib ni Ashton sa likod ko.

We'll keep dancing

(To keep dancing)

Wherever we go next

Muli nya akong pinaikot paharap sa kanya. Ginabayan nya ang mga kamay ko

sa paghawak sa balikat nya. Ang isa ko pang kamay ay hawak nya habang ang

isang nyang kamay ay nasa likod ko.

It's like catching lightning, the chances of finding

Someone like you

It's one in a million, the chances of feeling

The way we do

Nag-sayaw kami ng waltz. Nakahinga ako nang maluwag. Alam ko kung paano

mag-sayaw ng waltz. Matagal na simula nang sayawin ko ito, noong senior

prom pa.

“Matagal na kitang gustong isayaw katulad nito,― bulong nyang muli.

Napangiti ako. “Parang alam ko na kung bakit biglang may lumipad na

spaghetti sa ulo ni Thomas noon sa Senior Prom namin.―

Nabura ang ngiti sa labi nya at napalitan ng nerbyos. “R-really?―

And with every step together

We just keep on getting better

So can I have this dance?

(Can I have this dance?)

Can I have this dance?

Muli nya akong pinaikot at nang humarap ako sa kanya ay hinawakan nya ako

sa bewang ko at binuhat paitaas.

“Oh my!― sambit ko sa sobrang gulat.

Narinig ko naman na nagtawanan ang mga bisita. Namula ang pisngi ko.

Hindi ko alam na itataas nya ako. Sabay-sabay kaming ibinaba ng mga

lalaking partners namin.

Take my hand, I'll take the lead

And every turn will be safe with me

“Hindi ka ba nabigatan sa akin?―

Tumawa sya saglit. “Are you asking me if you’re fat?―

Napasinghap ako. “Mataba ba ako?―

“No Kayleen. You’re perfect.―

Don't be afraid, afraid to fall

You know I'll catch you through it all

“Paano kung tumaba ako kakakain ng sweets?―

Hindi sya sumagot. Nagpatuloy kami sa pagsasayaw ng waltz.

“Ashton.―

“Yes?―

“Paano kung tumaba ako?―

“Paano kung tumaba ka?― tanong nyang parang naguguluhan.

“Magugustuhan mo parin ba ako kung mataba na ako?―

“Of course,― kunot noong sagot nya.

“Bakit?―

“Bakit?― ulit nya.

“Eh mataba na ako, magugustuhan mo parin ako? Bakit?―

And you can't keep us apart

(Even a thousand miles can't keep us apart)

'Cause my heart is wherever you are

“Because you are you. I like you for who you are. Your weight has

nothing to do with it.―

“Really?― nakangiti kong tanong sa kanya. Gusto kong pansinin na

hindi na sya nahihiya sa pagsasabi na gusto nya ako. Gusto ko syang

tuksuhin.

“Yes, really,― seryosong sagot nya.

Nang sabihin nya yon nang walang pagaalinlangan nabura sa isip ko ang

sasabihin ko sa kanya. Seryoso nya yon na sinagot. Nakagat ko ang labi

ko. Sana hindi magbago ang nararamdaman nya para sa akin pagkalipas ng

ilang taon. Paano kung pumasok na sya ng college at may makilala sya don

na maraming babae?

It's like catching lightning, the chances of finding

Someone like you

It's one in a million, the chances of feeling

The way we do

Alam ko naman na pagtungtong nya ng colleger for sure ay magiging crush

ng campus si Ashton. Two hours ang layo ng school nya mula sa bahay nila.

Sa pagkaka-alam ko ay may apartment na syang naghihintay sa kanya roon.

Hindi ko sya madalas na makakasama.

“Ashton paano kung hindi tayo madalas na magkita? Mababawasan din ba

ang feelings mo sa’kin?―

“No.―

“Bakit?―

“Because it would be impossible for me to forget you, Kayleen. I like

you too much.―

Natuwa ako sa narinig ko pero nandoon parin ang tanong sa isip ko.

“Pero—―

“Trust me,� putol nya sa anumang sasabihin ko. “I tried and I

failed. And I know that if I try it again, no, forget that. I don’t

want to try it again.―

And with every step together

We just keep on getting better

“Bakit mo natanong?―

“Wala lang.―

“Kayleen.―

“College ka na next school year.―

“Yes. And?―

So can I have this dance?

(Can I have this dance?)

Can I have this dance?

“Siguro natatakot lang ako na baka hanggang summer lang tayo.―

“You are making me very nervous. Hindi ko maintindihan, Kayleen.―

“Nevermind.―

“Kayleen.―

Napayuko ako. “Kalimutan mo na lang Ashton. Gusto ko lang na mag-enjoy

ngayong birthday ko habang kasama pa kita.―

“Hindi naman ako mawawala sa’yo, Kayleen.―

Kapag may isang napakagandang bagay na nangyayari sayo, hindi mo

mapigilan na mag-isip kung ano ang gagawin mo kapag tapos na ito. Natural

lang naman na mag-alala ako. Pero sana nga hindi dumating yung araw na

mapapalayo ang loob namin sa isa’t-isa. Lalo na kung hindi lang sya ang

paalis. Kung susukatin, mas malayo ang France kaysa sa school nya.

Kakayanin ko kayang iwan sya?

Natapos ang cotillion dance namin at binigyan kami ng masigabong

palakpakan ng mga bisita. Muli akong bumalik sa upuan ko sa gitna.

Tinawag ng emcee ang pangalan ni Kuya Dylan bilang performer. Ang lapad

ng ngiti ni kuya habang tinatanggap ang mic kaya kinabahan ako. Tumingin

sya sa akin at nakita ko sa mga mata nya na proud sya sa akin. Muntik na

akong maiyak kahit wala pa man syang sinasabi.

“Para sa nag-iisa kong kapatid, Kayleen, bunso,― umpisa ni kuya.

“I’m sorry Ashleen,― tumingin si Kuya sa table nina Ashleen.

“Pero ako talaga ang bestfriend ni Kayleen. I’m sorry kailangan mong

malaman sa ganitong paraan.―

“Hey!― angal ni Ashleen na natatawa rin kasama ang iba pang bisita.

“I’m sorry din Kean, second bestfriend lang kita,― biro din ni Kuya

Dylan kay Kuya Kean na tumawa lang at humawak sa dibdib na kunwaring

nasaktan.  “Bunso, natatandaan mo pa ba noong umiiyak ka sa tuwing

umaalis ako ng bahay para pumasok sa school? Akala mo hindi na kita

babalikan.― Huminga sya nang malalim at nakita kong nagpipigil sya ng

luha. “Pero ngayon dalaga ka na. Nag-debut ka na at nahahalata ko na

may isang binata dito na umaaligid sa’yo.―

Natawa na naman ako habang namumula ang mukha.

“Kayleen, gusto ko lang na malaman mo na kahit ilang birthdays pa ang

dumaan, ikaw parin ang baby sis ko at walang kahit na sinuman ang

makakapagpabago non. Kapag may nanakit sayo bunso, alam mo na. You can

count on me baby sis.―

“Thank you,― sabi ko sa kanya. Nanlalabo na ang mga mata ko at may

dalawang butil ng luha na umalpas sa mga mata ko.

“This song is for you.―

Nakita kong tumayo si Ashton, kinuha nya ang inabot sa kanyang gitara ng

isang lalaki at pumunta sa kinatatayuan ni Kuya Dylan.

“Alam mo na ha Ashton?― narinig kong sabi ni Kuya Dylan na hindi

nasabi sa mic.

Tumango naman si Ashton sa kanya nang seryoso. Kinabit ni Ashton sa

gitara nya ang isang cable. Nag-umpisa syang tumugtog.

“If you ever find yourself stuck in the middle of the sea, I'll sail

the world to find you. If you ever find yourself lost in the dark and you

can't see, I'll be the light to guide you.―

May lumapit sa akin na babae at inabutan ako ng panyo. Ginamit ko yon

para punasan ang mga luha ko.

“You can count on me like 1, 2, 3. I'll be there. And I know when I

need it. I can count on you like 4, 3, 2. You'll be there. 'Cause that's

what friends are supposed to do, oh yeah.―

Habang tinitignan ko si Kuya Dylan na kumakanta at si Ashton na

tumutugtog ng gitara, naisip ko na, I’m lucky to have them. Maswerte

ako na magkaroon ako ng masaya at kumpletong pamilya, masasandalan na

kaibigan at isang lalaki na magmamahal sa akin na katulad ni Ashton.

Alam ko na kahit matapos pa ang gabing ito, hindi matatapos ang saya na

nararamdaman ko. Hanggat nandyan sila para sa akin, magiging masaya ako.

Kung lumipas man ang panahon at magkalayo kami, may babalikan parin ako

na masayang alaala. Habang buhay ko silang itatago sa puso ko.

***Author’s Note

THE END. Kidding! One last chapter nalang and then bye-bye na. Hindi ko

alam kung kailan ko ilalagay yung last chapter. Maraming nagtatanong

about sa mga songs;

Ashleen – Unwritten by Natasha Bedingfield. Pero mas gusto ko yung

cover ni EsmeeDenters sa Youtube.

Ashton and his band – Just The Girl by The Click Five

Cotillion – Can I Have This Dance by Zac Efron and Vanessa Hudgens

Dylan – Count On Me by Bruno Mars

So yeah, see you sa last chap!

Sorry kung may typo, di ko kasi na-proofread. Hohoho! Merry Christmas

everyone! :))

XOXO

Alesana Marie

=================

Kayleen

Kayleen

One year later...

Umupo ako sa bakanteng silya sa tabi ng bintana sa coffee shop na malapit

sa school namin. Malamig sa kamay ko ang inorder kong caramel macchiato.

Tumingin ako sa puting wristwatch ko na advance ng limang minuto, maaga

ako ng fifteen minutes. Kinuha ko mula sa shoulder bag ko ang tablet ko

at nagbasa ng Harry Potter and the Deathly Hollows, malapit ko nang

matapos ang buong series ng Harry Potter. Kung hindi lang sana ako naging

busy sa college, sigurado natapos ko na ‘to dati pa.

“Kayleen,― tawag sa akin ng boses ng isang lalaki.

Inangat ko ang tingin ko mula sa binabasa ko sa lalaking nakatayo sa

gilid ng mesa sa harap ko.

“Ryan.― Nginitian ko sya.

Umupo sya sa bakanteng silya sa harap ko.

Dumaan ang isang taon at mas naging gwapo si Ryan ngayon. Mas maraming

babae ang na-inlove sa kanya sa school. Kahit highschool students

nabibihag nya. Naging MVP din sya sa basketball tournament this year.

“Kumusta OJT mo?― tanong nya sa akin.

“Okay lang, marami akong natutunan,― nakangiti kong sagot.

Tumango sya ng isang beses at uminom sa hawak nyang cup.

“May kailangan ka?― tanong ko. Inangat ko ang baso ko at uminom.

“Nakita kita mula sa table ko kanina. Fourth year na tayo sa susunod na

school year, may gusto lang akong sabihin sa’yo na matagal ko nang

gustong sabihin.―

Ibinaba ko ang baso ko at kumuha ng tissue mula sa mesa para punasan ang

nabasa ko ng kamay.

“Ano yon?― tanong ko nang hindi tumitingin sa kanya.

“Gusto kita.―

Napatingin ako kaagad sa kanya sa sobrang gulat. May gusto sa akin si

Ryan? Matagal na nya akong gusto? Hindi ako kaagad nakasagot. Hindi ko

alam ang sasabihin ko.

Bakas ang nerbyos sa ginawa nyang pagtawa nang makita ang expression ko.

Hinawi nya ang buhok nyang medyo humahaba na. A year ago, gagawin ko ang

lahat mahawakan lang ang buhok nya.

“Una kitang napansin noong nabangga mo si Ashton sa hallway. Ang bilis

ng takbo mo noon, na-cute-an ako sa’yo simula non.―

Ikaw dapat ang nabangga ko noon Ryan at hindi si Ashton. Napangiti ako

nang maalala yon. Gustong-gusto ko pa si Ryan noon na kung anu-ano ang

plano na ginawa ko para lang mapansin nya pero palagi nalang akong

pumapalpak.

“Pero matagal na yon hindi ba?―

Binigyan nya ako ng ngiti na nakakapagpabilis ng tibok ng puso ng kung

sino mang babae.

“Gusto ko lang sabihin sa’yo Kayleen.― Uminom sya sa cup nya.

“Aalis na kasi ako papuntang Los Angeles para maglaro ng basketball.

May nag-offer sa akin doon ng scholarship. Doon ko na rin tatapusin ang

course ko.―

“Pero isang taon nalang ga-graduate ka na.―

“Nag-take ako ng summer classes para makuha ang ilang subjects ko.

Kailangan ko nalang tapusin ang thesis ko at makakagraduate na ako. Three

months nalang ang kailangan ko.― Pinaikot nya ang cup sa kamay nya

habang nakatingin sa akin.

“I’m happy for you Ryan, congrats. Malaking achievement ang nakuha

mo,― sincere na sabi ko sa kanya.

Tumawa sya. “Thanks.―

“May plano ka pa bang bumalik dito?―

“Hmm.� Huminga sya nang malalim. “Oo naman. Ito parin naman ang

bansa ko. Babalik ako rito.―

Nag-iwas ako ng tingin sa titig nya.

“I’m sorry, may hinihintay ka ba rito?― tanong nya.

“Yeah.―

“Kung ganon aalis na ako.� Tumayo sya. “It’s good to see you

Kayleen, atleast nasabi ko sayo bago ako umalis.―

Tumingala ako sa kanya. “Ryan, just wondering, bakit mo sinabi? Pupunta

ka na ng LA, kung sakali man na sabihin ko sa’yo na gusto kita, wala

ring pag-asa.―

“Siguro kasi gusto kong isipin mo ako palagi kahit wala na ako rito.

Katulad ng palagi kong pag-iisip sa’yo kahit na hindi kita nakikita.―

Wala akong masagot. Seryoso syang nakatingin sa akin.

“Kidding.� Tumawa sya. “Katulad ng sinabi ko sayo kanina, matagal

ko nang inilihim yon. Nang makita kita kanina, naisip ko na chance ko na

para sabihin sa’yo.―

“Yon lang?―

Nagkibit balikat sya. “Magkikita pa ulit tayo Kayleen. Baka pagbalik

ko, magustuhan mo na rin ako.―

Ngumiti ulit sya sa akin bago tuluyang lumabas ng coffee shop. Napabuga

ako ng hangin. Hindi ko inakala na mangyayari ito. Matagal ko nang

nakalimutan si Ryan. Napangiti ako at napailing, nagustuhan din pala nya

ako.

May umupo sa silya sa harap ko. Nakita ko ang gitara nya bago ang mukha

nya. Bumilis ang tibok ng puso ko. Umayos ako ng upo.

“Ang saya mo yata.―

“A-Ashton, kanina ka pa?― kinakabahan na tanong ko.

Hindi sya sumagot. Magkasalubong ang mga kilay nya. Nakita ko ang cup na

hawak nya. Kanina pa nga sya. Narinig kaya nya ang mga sinabi sa akin ni

Ryan kanina?

Hindi sya sumagot sa tanong ko at hindi rin nya ako tinignan. Nakatingin

lang sya sa labas ng bintana, sa mga taong dumaraan.

Makalipas ang isang taon mas tumangkad na si Ashton, kung dati ay five

‘five lang sya, ngayon ay kasing tangkad na nya si Ryan na six footer.

Mas naging manly na rin ang katawan nya, nadagdagan ng muscles ang

katawan nya. Palagi akong napapatingin sa biceps nya lalo na kapag nag-

gigitara sya. Naaakit din ako sa dibdib nya lalo na kapag humihinga sya

nang malalim, gusto kong haplusin yon gamit ang mga kamay ko pababa sa

flat stomach nya. Hindi ko alam kung may abs si Ashton, sa tingin ko wala

pa. Hindi ko kasi sya nakikitang nagwo-workout. Sumasama lang sya sa akin

sa pagtakbo paikot sa subdivision tuwing umaga.

Gusto ko talaga syang haplusin. Bakit ba ang ganda nyang tignan? Palagi

nya akong inaakit. Hinawakan ko nalang ang malamig na baso sa harapan ko.

Baka kung ano pa ang magawa ko sa lalaking nasa harapan ko ngayon. Na-

miss ko talaga sya. Weekends lang kami kung magkita noon dahil malayo

ang school na pinapasukan nya. At ngayong summer, saka naman ako nagkaron

ng OJT.

Seventeen years old na si Ashton ngayon at one week nalang ay magiging

nineteen na ako. Ang bilis talaga ng panahon. Natakot talaga ako noon

dahil magkaiba kami ng college school ni Ashton. Akala ko mawawala na ang

pagkagusto nya sa akin pero hindi naman sya tumigil sa panliligaw.

Habang abala ako sa OJT ko ay naging abala rin sya sa panliligaw kay

Lola. Hindi ko alam na nasa Baguio pala sya, sinabi nalang sa akin ni

Lola last week na approve sya kay Ashton na maging boyfriend ko.

“Ngumingiti ka mag-isa. In love ka ba?― may bahid ng inis sa boses ni

Ashton.

Ngumiti ako nang malapad. “Oo, in love ako. Matagal na nga eh.―

Tumingin sya saglit sa akin bago nilipat ang tingin nya sa labas ng

bintana. Kawawa naman yung mga dumaraan na tao sa labas, kung nakamamatay

lang ang tingin.

Binuksan ko ang tablet ko at tinap ang isang app. Nang mabuksan ang app

ay nilagay ko sa lamesa ang tablet.

“Basahin mo.―

Hindi yata ako narinig ni Ashton dahil masyado syang abala sa pagbibigay

ng laser beam sa mga tao sa labas ng coffee shop.

“Ashton.―

Sa wakas ay tinignan na rin nya ako. Nginitian ko sya at tinuro ang

tablet ko.

“Basahin mo.―

Lumipat ang tingin nya sa tablet kong may nakabukas na app.

“B-Bakit mo pinapabasa sa akin ang diary mo?―

Nginitian ko lang sya at nagkibit-balikat ako. Ininom ko ang natitirang

caramel macchiato sa baso ko. Inabot nya ang tablet ko at nag-umpisang

magbasa. Napatingin ako sa itim na sport watch na suot nya. Regalo ko yon

sa kanya noong seventeenth birthday nya. May compas ‘yon at oras para

sa ibang time zone.

A year ago, binasa nya ang diary ko nang hindi ko alam. Ngayon gusto kong

makita ang expression ng mukha nya habang binabasa ang diary ko. Gusto

kong malaman ang naramdaman nya sa mga salita ko na nabasa nya.

Makalipas ang ilang minuto nawala na nang tuluyan ang madilim na aura ni

Ashton. Mabilis ang pagpapalit nya ng expression sa mukha. Minsan

simpleng ngiti na napapalitan ng malapad na ngiti, tumatawa sya at minsan

ay seryoso at tahimik na nagbabasa. Kumunot ang noo nya, huminga sya nang

malalim, nakagat nya ang labi nya at nasuklay ang kanyang buhok. Nanginig

ang labi nya at umangat ang isang dulo non, nawala ang kunot sa noo nya,

namula ang mukha nya nang sobra. Ah. Nasa part na sya ng diary ko kung

saan puro sya na ang nakasulat.

Tinitigan ko nang matagal si Ashton. Hindi ko pinalagpas ang bawat

emosyon na dumaan sa mukha nya. Natutuwa ako na panoorin sya habang

nagbabasa. Mas pumula pa ang mukha nya habang nakangiti. Bigla syang

tumingin sa akin. Nahuli nya akong pinapanood sya habang nakapangalumbaba

sa lamesa. Mabilis na nawala ang ngiti sa labi nya at doon ko lang nakita

na may mas maipupula pa pala ang mukha nya. Ibinalik nya ang tingin nya

sa tablet at nagpatuloy sa pagbabasa. Nakagat nya ang ibabang labi nya na

sa tingin ko ay paraan nya para di tuluyang mapangiti.

Napupuno ng paru-paro ang tyan ko habang tinititigan si Ashton. Ganito

pala ang hitsura nya habang binabasa ang diary ko. Nakahinga ako nang

maluwag, noong una kasi akala ko pinagtatawanan nya ako. Kahit nakangiti

sya, namumula naman ang mukha nya kaya alam ko na hindi nya ako

pinagtatawanan. Nakangiti sya kasi masaya sya sa nababasa nya.

Hindi ko na alam kung gaano katagal ko syang tinititigan habang nagbabasa

sya. Napansin ko nalang na wala na ang ibang customers na kasabay ko

kanina na dumating.

Ibinaba ni Ashton sa lamesa ang tablet matapos nyang basahin ang diary

ko. Ubos na kanina pa ang inumin sa baso ko. Hinayaan ko lang sya na

huminga nang malalim para iabsorb lahat ng nabasa nya. Dumaan ang ilang

minuto ng katahimikan sa aming dalawa. Tanging ang music lang sa coffee

shop at ilang kwentuhan ng mga customers ang naririnig namin.

Isang malalim na buntong hininga ulit ang pinakawalan ni Ashton. Hindi

sya tumitingin sa akin. May bahid parin ng pamumula ang buong mukha nya

na umabot pababa sa leeg nya. Nakatingin sya sa lamesa, sa bintana, kahit

saan maliban sa mukha ko.

Tumikhim sya bago nagsalita. “Excuse me.― Tumayo sya at naglakad

palayo sa table namin.

Lumapit sya sa cafe bar counter at umorder ng drinks. Bumalik sya

makalipas ang limang minuto na may dalang dalawang grande size na frozen

caramel delight. Inilapag nya sa harap ko ang isa, diretso naman syang

uminom sa cup nya.

“So...� umpisa ko. Tumingin sya sa akin. “Tapos na ang OJT ko.

Nakumpleto ko na ang two hundred hours na requirement ng school. Free na

ang buong summer ko. Ikaw? Tuwing kailan ang practice nyo?―

“Wednesday, Thursday and Friday ang practice namin.― Nag-drum ang mga

daliri nya sa lamesa na parang di sya mapakali at may hinihintay.

“Ashton, ano’ng iniisip mo?―

Tumingin sya sa akin nang diretso. “Ano’ng naramdaman mo kanina

habang kausap mo si Ryan?― Bakas ko ang kaba sa boses nya kahit na

walang emosyon ang mukha nya. Patuloy sa pag-drum sa lamesa ang mga

daliri nyang di mapakali.

Nagulat ako sandali sa tanong nya. “Masaya.―

“Masaya?― ulit nya na tila di nagustuhan ang sagot ko.

“Oo, flattered. Nagustuhan din pala nya ako.― Uminom ako sa cup ko.

Hindi ko ino-order ito dahil masyadong matamis ang pangalan. Pero mas

masarap din pala kahit walang espresso. Balanse lang ang tamis.

Tumigil ang mga daliri nya sa pag-drum sa mesa. “Talaga?― may pait sa

tono nya. Humalukipkip sya at sumandal sa upuan nya.

“Nagseselos ka ba kay Ryan?― gulat na tanong ko.

“H-Hindi,― tanggi nya na hindi tumitingin sa akin.

“Hindi mo ba binasa nang mabuti ang diary ko?― pumangalumbaba ulit

ako sa lamesa habang tinitignan sya.

“Binasa ko.―

“Eh di alam mo kung sino talaga ang gusto ko,― nangingiting sabi ko.

Nakagat nya ang labi nya pero huli na para itago ang ngiti sa labi nya.

Alam kong masaya sya. Wala naman syang dapat na ikaselos kay Ryan.

Matagal ko na syang hindi gusto.

“Tatanungin mo na ba ako?― tanong ko.

Sinalubong nya ang tingin ko. Nakita ko ang kislap sa mga mata nya, kaba,

saya, antisipasyon, pagmamahal. Nginitian ko sya nang ubod ng tamis.

“Kayleen,� lumunok sya at huminga nang malalim. “will you please...

please be my girlfriend?―

Tumawa ako sa tuwa. “Yes, Ashton. Kahit walang please, pumapayag na

akong maging girlfriend mo.―

Sa tuwa nya, napatayo sya at napasuntok sa hangin na may kasamang malakas

na YES! Napatingin sa amin ang ibang customers at tila may clue sila sa

nangyari ay pumalakpak sila sa direksyon namin. Hindi mawala ang ngiti sa

labi naming dalawa ni Ashton. Mabilis nyang hinawakan ang dalawang kamay

ko at hinalikan ang dalawang palad ko.

“Finally,― bulong nya sa palad ko habang nagniningning ang mga mata

na nakatingin sa akin. “I can keep you.―

“Yeah,� tumatawang sangayon ko. “for as long as you like.�

“Forever,― bulong nya. Napalitan ng determinasyon ang emosyon sa mga

mata nya.

Nakangiti akong sumagot. “Always.―

Â

Umakyat ako sa hotel room ko na pagod pero masaya. Una kong tinanggal ang

sapatos ko dahil sumasakit na ang paa ko kanina pa. Masyadong mataas ang

heels ng sapatos ko at nanibago ang mga paa ko. Mabuti wala akong

naapakan na paa kanina sa eighteen roses. Eighteen. I’m eighteen years

old pero pakiramdam ko wala namang nagbago.

Â

Pumasok ako sa bathroom para sana maligo. Natanggal ko na ang suot kong

gown nang tumunog ang cellphone ko. Lumabas ako ng bathroom nang bathrobe

lang ang suot. Kinuha ko ang cellphone ko sa lamesa at tinignan kung sino

ang nag-text. Si Mr Creeper. Mabilis kong binasa ang text message nya at

ibinaba ang cellphone sa mesa nang di nagrereply.

Â

Kumuha ako ng pajama set sa bag ko at dali-dali iyong isinuot. Lumabas

ako ng kwarto at pumunta sa gazebo na nasa garden ng resort. May ilang

kandila na nakasindi sa daraanan ko papunta sa gazebo. Namangha ako sa

naging epekto non lalo na at maraming bulaklak na nakapaligid sa lugar.

Â

Nakita ko ang isang lalaki na nakatayo sa loob ng gazebo. May nag-iisang

kandila sa loob na nakapatong sa pabilog na mesa. May dalawang kahon sa

magkabilang gilid non, isang malaki at isang maliit.

Â

“Mr Creeper?―

Â

“Ako nga,― nakangiting sagot nya.

Â

Nilahad nya ang isang kamay sa akin na inabot ko at pumasok ako sa loob

ng gazebo. Almost fictional ang naging dating nya dahil sa epekto ng

liwanag ng kandila. Parang kahit anong oras ay maaari syang maglaho na

parang bula. Hinawakan ko nang mahigpit ang isa nyang kamay habang hindi

ko inaalis ang tingin ko sa gwapo nyang mukha. Ayoko syang mawala.

Â

“I have some gifts for you,― sabi nya.

Â

Tinignan ko ang dalawang kahon sa lamesa. Una nyang kinuha ang malaking

kahon.

Â

“Open it,― nakangiting sabi nya.

Â

Binasa ko ang labi ko bago ko alisin ang ribbon at sirain ang papel na

naka-cover sa kahon. Binuksan ko ang itim na kahon at may nakitang bilog

sa loob non.

Â

“Go on,― aniya nang tumigil ako.

Â

Kinuha ko ang laman ng kahon. Napasinghap ako dahil medyo malamig ang

bagay na yon.

Â

“Pretty,― sambit ko nang makita nang husto ang regalo nya sa akin.

Â

Nagdampi ang mga kamay namin nang hawakan nya rin ang regalo. May

pinindot sya sa likod at umilaw ang snow globe, may pamilyar na tugtog

ang lumabas mula sa bagay na hawak ko. Isang itong music bow na may snow

globe sa ibabaw. May laman na unicorn sa gitna at nakasakay doon ang

isang babae na may pink na gown. Katulad ng gown na suot ko kanina lang.

Nag-init ang dalawang sulok ng mata ko. Hindi lang nya ito basta na

binili, ipinagawa nya ito mismo.

Â

“Nagustuhan mo ba?―

Â

May nakaharang sa lalamunan ko kaya hindi ko nagawang sumagot. Tumango

ako sa kanya. Pinakinggan kong mabuti ang tugtog sa music box. Naalala ko

na kung saan ko iyon narinig. Ito ang tinugtog nya sa akin sa resthouse

kung saan sabay kaming nakatulog sa sofa.

Â

“May isa pa,― nakangiting sabi nya. Kinuha nya ang music box sa kamay

ko at ipinatong sa lamesa. Patuloy iyon sa pagtugtog.

Â

Kinuha nya ang maliit na box at ibinigay sa akin. Tinignan ko muna saglit

ang mukha nya bago ko buksan ang maliit na kahon. Isang heartshape na

pendant ang nakita ko sa loob. Kasing liit iyon ng thumbnail ko.

Napasinghap ako sa ganda nito. Walang ibang design yon, walang nakaukit o

kumikinang na bato pero para sa akin napakaperpekto non, puso na mukhang

gawa sa ginto.

Â

“Ashton...― sambit ko nang tumingin ako sa kanya.

Â

Nakangiti syang nakatingin sa akin. “My heart, keep it, it’s

yours.―

Â

Lumunok ako para mawala ang nakabara sa lalamunan ko. “I will.― Hindi

ko na napigilan ang sarili ko na mapaluha. Ibinigay nya sa akin ang gusto

kong makuha at wala na akong mahihilig pa.

Â

Pinunasan nya ang luha ko gamit ang maiinit nyang mga kamay.

“May I?―

Â

Ibinigay ko sa kanya ang maliit na kahon. Kinuha nya ang kwintas mula

roon, ipinatong ang kahon sa lamesa at umikot sa leeg ko ang mga kamay

nya. Ramdam ko ang paghinga nya at ang init ng katawan nya sa sobrang

lapit namin sa isa’t-isa. Mabuti nalang at medyo madilim dahil sigurado

ako na namumula ang pisngi ko.

Â

“Perfect,― bulong nya habang nakatingin sa akin.

Â

Tumingin ako sa mga mata nya. “Yeah, it is.―

Lumabas kami ng coffee shop nang magkahawak kamay. Dala ko ang shoulder

bag ko samantalang nakasukbit sa malapad na balikat nya ang gitara nya.

“Entry number one.― Inabot nya ang bag sa balikat ko at sinukbit sa

kabila nyang balikat.

“Ano’ng ginagawa mo?― natatawa kong tanong. Pink pa naman ang bag

ko na bigay pa sa akin ni Ashleen bilang Christmas gift noon.

“Sabi ko naman sa’yo, binasa ko nang mabuti ang diary mo.―

“Ashton.― Natatawa parin ako dahil masyado syang cute sa hitsura nya.

“Girlfriend na kita,― nakangiti nyang sabi. Binitawan nya ang kamay

ko para akbayan. “Kailan mo gustong magpakasal?―

Tinakpan ko ang bibig ko gamit ang dalawa kong kamay para mapigilan ang

sobrang pagtawa. “Under age ka pa Ashton, hindi ka pa pwedeng

magpakasal sa akin.―

“Pwede naman akong magpakasal basta may consent ng mga magulang.―

“Nag-research ka ba?―

Nakangiti syang tumingin sa akin. Mabilis nyang hinalikan ang noo ko.

“Basta sabihin mo lang kung kailan mo gustong magpakasal para masabihan

ko kaagad sina Mama.―

Sumakit ang tyan ko sa pagpipigil ng tawa. Ang cute nya talaga kahit

kailan.

“Sige, kapag thirty na ako at successful na pastry chef magpapakasal na

tayo.―

Napatigil sya bigla sa paglalakad. “Thirty?―

Pinigilan ko ang tawa ko at nagseryoso ng mukha. “Oo.― Sumakit ng

husto ang pisngi ko sa pagpipigil ng tawa.

“H-Hindi ba pwedeng twenty?― apila nya.

Seryoso akong umiling. “Hindi. Masyadong maaga ‘yon Ashton.―

“Sige, thirty.―

Namilog ang mata ko sa pag-sangayon nya. “Okay lang sa’yo?―

“Oo,� nginitian nya ako. “Uso naman ang live-in muna.―

“Ashton!―

Isang malakas na tawa lang ang ibinigay nya sa akin. Patuloy kami sa

pagplano sa future habang naglalakad. Kami nang dalawa at wala na akong

mahihiling pa. Masaya ako sa love story naming dalawa, nag-end man ang

isang chapter ng kwento namin alam kong isa itong new beginning sa aming

dalawa ni Ashton. Habang hawak ko ang kamay ni Ashton pati na rin ang

puso nya, masasabi ko na ako ang pinakamaswerteng babae sa lahat!

“Ilang anak ang gusto mo?― tanong ni Ashton.

Ang layo na ng napag-usapan namin hindi pa nga kami graduate ng college.

Pero nakangiti parin akong sumagot sa kanya.

“Kahit ilang gusto mo.―

“Sampu.―

“Sure, basta ikaw manganganak.―

“I love you,― bigla nyang bulong sa tenga ko.

“I love you too,� nakangiting sagot ko. “Pero hwag sampu Ash.�

“Syam?―

“Lower.―

“Walo?―

“Lower.―

“Pito.―

Marahan kong hinila ang kwelyo nya at hinalikan ko sya sa pisngi.

“Lower.―

Hinalikan nya ako sa noo. “Anim.―

“Lower,― nakangiti kong sagot.

Lumapat ang labi nya sa talukap ng mata ko. “Lima.―

“Lower.― Tinitigan ko sya sa mga mata, bumagsak ang tingin nya sa

labi ko.

Dumapo ang labi nya sa ilong ko. “Apat.―

Tumingin ako sa labi nya. “L-Lower.―

Tumaas ang gilid ng bibig nya. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Ramdam

ko rin ang bilis ng tibok ng puso nya. Nakadampi ang isa nyang kamay sa

likod ko.

Naramdaman ko syang mas lumapit sa akin, pumikit ako, saka dumampi ang

labi nya sa labi ko.

“Tatlo.―

***Author’s Note

THE END. Hahaha! HAPPY NEW YEAR!!!

MARCH 2015 ilalabas ang book na ito sana suportahan nyo. Maglalagay ako

ng extra chapter don [hint; ASHTON] at doon nyo lang yon mababasa. Bonus

nalang sa mga makakakuha ng copy. Kekeke! Gusto ko syang lagyan ng sequel

pero masyado akong busy dahil sa workshop at assgnments at ayokong

magkaron ng rude comments na I-UPDATE kaagad yung story baka bigla kong

hindi tapusin kung ganon. Matulad lang sa mga stories na di ko natapos.

Hahaha!

Anyway, thank you sa lahat ng supporters ng story na ito. Sorry kung di

ko nalagyan ng DEDIC, hindi kasi ako naglalagay non talaga. Para feel nyo

na para sa inyo ito lahat. Haha! Hindi ko sya na-proofread. Ginawa ko sya

mula lunch time at natapos ko nang 6pm. Gahd. Haha!

Anyway, see you next time! :D

XOXO

Alesana Marie


Recommended