+ All Categories
Home > Documents > Filipino...Filipino – Ikawalong Baitang Support Material for Independent Learning Engagement...

Filipino...Filipino – Ikawalong Baitang Support Material for Independent Learning Engagement...

Date post: 26-Nov-2020
Category:
Upload: others
View: 56 times
Download: 3 times
Share this document with a friend
21
8 Filipino Unang Markahan – Modyul 7 Teknik sa Pagpapalawak ng Paksa VANETTE AISA S. BARINAGA MA. LINA T. ESTRADA A Joint Project of the SCHOOLS DIVISION OF DIPOLOG CITY and the DIPOLOG CITY GOVERNMENT
Transcript
Page 1: Filipino...Filipino – Ikawalong Baitang Support Material for Independent Learning Engagement (SMILE) Unang Markahan – Modyul 7: Teknik sa Pagpapalawak ng Paksa Unang Edisyon, 2020

SUPPORT MATERIAL FOR INDEPENDENT LEARNING ENGAGEMENT (SMILE)

8 Filipino

Unang Markahan – Modyul 7

Teknik sa Pagpapalawak ng Paksa

VANETTE AISA S. BARINAGA

MA. LINA T. ESTRADA

A Joint Project of the

SCHOOLS DIVISION OF DIPOLOG CITY and the

DIPOLOG CITY GOVERNMENT

Page 2: Filipino...Filipino – Ikawalong Baitang Support Material for Independent Learning Engagement (SMILE) Unang Markahan – Modyul 7: Teknik sa Pagpapalawak ng Paksa Unang Edisyon, 2020

Filipino – Ikawalong Baitang Support Material for Independent Learning Engagement (SMILE) Unang Markahan – Modyul 7: Teknik sa Pagpapalawak ng Paksa Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Region IX - Dipolog City Schools Division Office Address: Purok Farmers, Olingan, Dipolog City

Telefax: (065) 212-6986

E-mail Address: [email protected]

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Vanette Aisa S. Barinaga at Ma. Lina T. Estrada Editor: Ronna B. Laranjo

Tagasuri: Riela Angela C. Josol, EPS – Filipino

Tagalapat: Riela Angela C. Josol, EPS – Filipino

Tagapamahala: Virgilio P. Batan, Jr. – Schools Division Superintendent

Jay S. Montealto – Asst. Schools Division Superintendent

Amelinda D. Montero – Chief Education Supervisor, CID

Nur N. Hussien – Chief, Education Supervisor SGOD

Ronillo S. Yarag – Education Program Supervisor, LRMS

Leo Martinno O. Alejo – Project Development Officer II, LRMS

Page 3: Filipino...Filipino – Ikawalong Baitang Support Material for Independent Learning Engagement (SMILE) Unang Markahan – Modyul 7: Teknik sa Pagpapalawak ng Paksa Unang Edisyon, 2020

1

Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap

Naipamamalas ang mag-aaral ng pag-unawa sa mga akdang pampanitikan sa Panahon ng mga Katutubo, Espanyol at Hapon.

Nabubuo ang isang makatotohanang

proyektong panturismo.

Mga Nilalaman (Paksa/Aralin)

A. Mga Akdang Pampanitikan: Salamin ng Mindanao

Paksa: Teknik sa Pagpapalawak ng Paksa Mga Pamantayan sa Pagkatuto: Pagkatapos mapag-aralan ang modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang: (MELC) F8PS-Ig-h-22)

Nagagamit ang iba’t ibang teknik sa pagpapalawak ng paksa: - paghahawig o pagtutulad - pagbibigay ng depinisyon - pagsusuri

Inaasahan din na ikaw ay:

Naisa-isa ang mga teknik sa pagpapalawak ng paksa.

Nasusuri ang iba’t ibang teknik sa pagpapalawak ng paksa.

Nagagamit ang iba’t ibang Teknik sa pagpapalawak ng paksa sa pagsulat ng paraan.

PANIMULANG GAWAIN: PAGTATAYA Panuto: Basahin ang bawat pangungusap. Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang kasagutan sa inyong sagutang papel.

1. Bakit mahalagang bigyang pansin ang pagpapalawak ng paksa? Upang higit

na maging ___________________.

a. mabisa at maliwanag ang pagsusulat o paglalahad ng mga ideya.

b. mabisa at kahika-hikayat ang pagpapatalastas ng mga produkto.

c. kawili-wili ang binabasa ng mga mambabasa.

d. epektibo ang ginagawang pag-aanunsyo.

Subukin

Page 4: Filipino...Filipino – Ikawalong Baitang Support Material for Independent Learning Engagement (SMILE) Unang Markahan – Modyul 7: Teknik sa Pagpapalawak ng Paksa Unang Edisyon, 2020

2

2. Ano ang isang teknik sa pagpapalawak ng paksa na nagbibigay ng

katuturan upang mas maintindihan?

a. Pagpapaliwanag

b. pagsasaklaw

c. pagbibigay-alam o depinisyon

d. pagbibigay-katuturan o depinisyon

3. Bakit kinakailangang ang mga bagay na magkatulad ay pinaghahambing?

a. para mas madaling makita.

b. para mas nabibigyang pansin.

c. upang mapalitaw ang tiyak na katangian.

d. upang mapalitaw ang tiyak na kaugalian.

4. Bakit kinakailangang ang mga bagay na magkaiba ay pinagtatambis?

a. upang matandaan.

b. upang maibukod ang isa sa isa

c. para lituhin ang mambabasa.

d. para bigyang diin ang isang bagay.

5. Ano ang isang teknik ng pagpapalawak ng paksa na nagpapaliwanag hindi

lamang sa mga bahagi ng kabuoan ng isang bagay kundi pati na rin ang

kaugnayan ng mga bahaging ito sa isa’t isa?

a. pagsusuri

b. pag-iimbistiga

c. pagmamatyag

d. pagpapaliwanag

6. Paano nakakatulong ang pagsusuri sa pagpapalawak ng paksa sa

pagtatalata?

a. nakapagbibigay ito ng inspirasyon

b. natutunan ang pagiging malikhain

c. madaling maipaliwanag ang mga bagay-bagay

d. madaling maintindihan ang kalikasan ng isang bagay

7. Ano ang tatlong teknik ng pagpapalawak ng paksa?

a. pagpapaliwanag, paghahalaw at paghahawig, pagmamatyag

b. pagbibigay-katuturan, paghahalaw at pagtatambis, pagsusuri

c. pagbibigay-alam o depinisyon, paghahawig at pagtatambis,

pag-iimbestiga

d. pagbibigay-katuturan o depinisyon, paghahalaw at pagtatambis,

pagsusuri

Page 5: Filipino...Filipino – Ikawalong Baitang Support Material for Independent Learning Engagement (SMILE) Unang Markahan – Modyul 7: Teknik sa Pagpapalawak ng Paksa Unang Edisyon, 2020

3

Panuto para sa bilang 8-15. Basahin at suriin ang bawat talata at tukuyin

kung anong teknik ang ginamit. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

8.

a. Pagsusuri c. paghahawig at pagtatambis b. pagbibigay katuturan o depinisyon d. pagsasalin

9.

a. Pagsusuri c. paghahawig at pagtatambis b. pagbibigay katuturan o depinisyon d. pagsasalin

10.

a. Pagsusuri c. paghahawig at pagtatambis b. pagbibigay katuturan o depinisyon d. Pagsasalin

“Ang kalayaan ay hindi iba kundi kapangyarihang sumunod o

sumuway sa sariling kalooban. Ang tinatawag nating malaya ay yaong

panginoon ng kanilang kalooban.

Ang kalayaan ay isa sa mahalagang biyaya ng diyos sa tao; dahil sa

kalayaan ay nakaiilag tayo sa masama at makagagawa ng inaakala nating

magaling……”

- Ang Kalayaan ni Marcelo H. del Pilar

“Ang pamilya ay isang salita na naglalarawan sa grupo ng mga tao

na mayroong iisang biyolohikal na pinanggalingan. Ayon sa ekonomiks at

sa kasaysayan, ang pamilya ay tumutukoy sa pinamaliit at

pinakapangunahing yunit na bumubuo sa isang komunidad o lipunan. Ito

ay madalas na binubuo ng mga magulang, anak, at kung minsan ay pati

ng mga apo at iba pang kamag anak.

Dahil ang pamilya ang nagsisilbing pundasyon sa pagkakabuo ng

isang lipunan, mahalaga na mapanatiling maayos ang isang pamilya. sila

ang nagpapatuloy at nagtataguyod sa kabutihan ng bawat miyembro nito,

at maging ng bawat miyembro ng isang lipunan.”

- Tungkol sa Pamilya ayon kay maraudersmap123

“Ang relasyong pampamilya/mag-anak ay parang relasyon ng isang

mangangalaga ng ibon at kalapati. Ang nangangalaga ay ang mga magulang

na naghirap na palakihin at hasahin ang mga anak; ang mga kalapati

naman ay ang nagrerepresenta bilang mga anak. Papakainin, palalakihin,

aalagaan, hahanapan ng ikasasaya at pinapayagang umalis ng pakonti-

konti para mailahad sa mga nagliliitang mga kalapati ang malaking

mundong maaari nitong kaharapin. Hindi man tayo payagan ng ating mga

magulang lumabas ay nagpupumiglas tayong umalis dahil nasiyahan tayo

sa labas. Minsan natatagalan nang bumalik, kahit na hinahayaan tayong

lumabas ay nag-aalala parin sila kung babalik pa ba tayo o hindi na. Pero

unti-unti naring natatanggap ng mga magulang natin na kaya hindi tayo

nakakabalik agad dahil nawili na tayo at darating ang panahon na handa

na silang hayaan ang dating maliit, mahina, gutom, at nangungulilang mga

kalapati na inalagaan, pinalaki, pinakain at binigay ang kagustuhan para

sa kasiyahan ng kanyang mga alaga.”

- Kalapati https://malfredsoria.wordpress.com/

Page 6: Filipino...Filipino – Ikawalong Baitang Support Material for Independent Learning Engagement (SMILE) Unang Markahan – Modyul 7: Teknik sa Pagpapalawak ng Paksa Unang Edisyon, 2020

4

11.

a. Pagsusuri c. paghahawig at pagtatambis b. pagbibigay katuturan o depinisyon d. Pagsasalin

12.

a. Pagsusuri c. paghahawig at pagtatambis b. pagbibigay katuturan o depinisyon d. Pagsasalin

13.

a. Pagsusuri c. paghahawig at pagtatambis b. pagbibigay katuturan o depinisyon d. Pagsasalin

“Ang unang kalagayan noong nakalipas na 50 taon, ang babae sa

Taiwan ay katulad sa kasambahay o housekeeper. Ngayon, nagbago na

ang tungkulin ng mga babae at ito ay lalong nagging komplikado. Sa

bahay ng mga Taiwanese, sila pa rin ang may pananagutan sa mga

gawaing-bahay. Ngunit sa larangan ng traabaho, inaasahang magagawa

nila kung ano ang nagagawa ng mga kalalakihan.”

- Ang Kababaihan ng Taiwan: Ngayon at Noong Nakaraang 50 Taon, Panitikang Asayano 9

“Sa Estados Unidos, ang dalawang magkatunggaling mga paliwanag ng

sanhi ng kahirapan ang mga paliwanag na indibdwalistiko at istruktural.

Ayon sa paliwanag na indibidwalistiko (pagsisi sa biktima) sa loob ng

Estados Unidos, ang isang tao ay mahirap dahil sa mga personal nitong

katangian na kinabibilangan ng katamaran, kawalang motibasyon, mga

lebel ng edukasyon at iba pa. Ang isang bersiyon ng paliwanag na ito ang

kultura ng kahirapan na nagsasaad na ang mga taong mahirap ay may

isang ibang hanay ng mga pagpapahalagang kultural na nagsasanhi sa

kanilang maging mahirap. Ang mga taong nasa mahirap na pamilya ay

inilalarawan ng ilan na nagpapakita ng mga saloobin ng pagsuko

at pagsasatadhana sa kapalaran.”

- Mga Teorya sa Sanhi ng Kahirapan,

https://tl.wikipedia.org/wiki/Kahirapan

“Ang nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo ay hindi mga

kwentong pag-ibig kundi isang paraan ng pagtutuligsa sa pamahalaan sa

ilalim ng bansang Espanya.

Ang mga tauhan ay sumisimbolo sa iba't-ibang sektor ng lipunan. Si Rizal

ay hindi si Ibarra o kaya'y si Simoun, siya ay ang pinagsama-samang

karakter sa nobela sapagkat lahat ng nararanasan ng mga tauhan ay

ayon sa nararamdaman at nais ipahayag ni Rizal.”

- Noli at Fili: Ang Pagsusuri,

https://rizalkurokurosataginit.weebly.com/blog/noli-at-fili-ang-pagsusuri

Page 7: Filipino...Filipino – Ikawalong Baitang Support Material for Independent Learning Engagement (SMILE) Unang Markahan – Modyul 7: Teknik sa Pagpapalawak ng Paksa Unang Edisyon, 2020

5

14.

a. Pagsusuri c. paghahawig at pagtatambis b. pagbibigay katuturan o depinisyon d. Pagsasalin

15.

a. Pagsusuri c. paghahawig at pagtatambis b. pagbibigay katuturan o depinisyon d. Pagsasalin

Modyul

7

Teknik sa Pagpapalawak

ng Paksa

Sa nakaraang aralin, natutunan ang tungkol sa epiko ni Bantugan. Dito

nalaman ang tungkol sa pangyayari sa buhay ng prinsipe. Ipinakita ang kanyang

katanyagan, kabutihan at katapangan para sa kanilang kaharian na naging dahilan

ng pagkainggit ng kanyang kapatid na si Haring Madali. Napaunlad ng dating aralin

ang kakayahang umunawa sa binasa sa pamamagitan ng: paghihinuha batay sa

mga ideya o pangyayari sa akda at dating kaalaman kaugnay sa binasa.

“No man is an island, iyan ay ika nga ng karamihan. Ang tao ay ‘di

raw kayang mabuhay nang mag-isa o walang kaibigan. Ngunit, ano nga

ba ang kaibigan? Ito ba ay nakakain o gamit na laging nahahawakan? O

baka, ito ay isa lamang salitang walang magandang kahulugan? Inyong

alamin kung tunay at anong uri kang kaibigan.

Ang kaibigan, para sa akin, ay maaaring bagay o hayop. Pero ayon sa iba,

ito ay kadalasang tao. Ang kabigan ay isang taong mapagkakatiwalaan,

matapat, maaasahan o masasandalan sa oras ng pangangailangan.”

- Kaibigan, Chastevision

“Ang Pilipinas ay binubuo ng higit-kumulang na pitong libo, isang

daan at pitong (7,107) mga pulo at binubuo din ito ng malaking

populasyon, binubuo dn naman ng malaking populasyon ang Timog Korea

pero hindi ito kasing laki ng populasyon sa Pilipinas.

Ang Korea ay mayroong mahigpit na patakaran o alintuntunin,

mayroon din sa Pilipinas pero hindi kasing higpit ng sa Hilagang Korea o

Timog Korea. Tulad nalang ng patakaran sa pagkain, paglabas pasok ng

bahay, sa kasal o sa kahit na anong bagay, pero kahit na ganyang ang

pamamahala sa kanila ginagalang parin nila ito. Sa Pilipinas ganon din,

pero hindi magkatulad ang ugali sa paggalang ng mga Pilipino at Koreano.

Ngayon, karamihan na sa mga Pilipino ay sumusuway sa mga batas,

hindi na talaga pareho noong unang panahon. Kung magsasagawa man

ang Gobyerno ng mga patakaran babaliwalain lamang ito ng ibang tao,

parang walang silbi na sa kanila ang mga patakaran na iyon.”

- Pilipinas at Korea, https://juliaatega.weebly.com/

Page 8: Filipino...Filipino – Ikawalong Baitang Support Material for Independent Learning Engagement (SMILE) Unang Markahan – Modyul 7: Teknik sa Pagpapalawak ng Paksa Unang Edisyon, 2020

6

Bilang pagbabalik-tanaw sa nakaraang modyul, sagutan ang

gawain sa bahaging “Balikan”.

Balikan

Gawain A: Punan ang diagram na nasa ibaba ng naaayon sa hinihingi. Isulat

sa iyong sagutang papel.

Larawang kuha mula sa google.com

Tuklasin

Gawain A: SURI KO, GAWA KO!

Basahin nang mabuti ang talata at sagutan ang mga tanong na nasa ibaba sa

sagutang papel.

Ikaw may pangarap ka ba? Pangarap mo bang yumaman, maging sikat na artista, magaling na negosyante, makapagtayo ng sariling eskwelahan, propesyunal sa napiling kasanayan o kaya’y maging bayani ng bayan? Maging sino ka man, bata man o matanda, may pera o wala may pangarap at ito’y iyong karapatan na TUPARIN, ABUTIN, MAKAMTAN AT MAKUHA. Ito ang mga salitang gusto kong ITATAK, IDIKIT, ISAMA AT AT ITANIM sa inyong kaisipan at kalooban kapag naiiisip ninyo ang inyong

Karakter:

Haring Madali

Nararamdaman ng

karakter?

NOON

Kinikilos o ginagawa

ng karakter

Pagkatapos

Dahilan ng

Pagbago ng

nararamdaman at

kilos ng karakter

Nararamdaman

ng karakter?

Kinikilos o

ginagawa ng

karakter

Page 9: Filipino...Filipino – Ikawalong Baitang Support Material for Independent Learning Engagement (SMILE) Unang Markahan – Modyul 7: Teknik sa Pagpapalawak ng Paksa Unang Edisyon, 2020

7

pangarap. “Libre” ang mangarap pero lahat ng indibidwal ay mayroon nito, samakatuwid lahat ay maaring umunlad.

Ako, noong bata pa ako pangarap kong matutong magbisikleta. Kaya araw-araw akong nakadungaw sa bintana na aming bahay nag-aabang na namimisikleta; Pinag-aralan ko kung paano sila nakakabalanse at sinubukan kong gamitin ang luma naming bisikleta na mataas ng bahagya sa akin. Takot, pagod at hirap ang dinanas ko pero nasa kalagitnaan na ako kaya hindi na ako maaaring sumuko. Paisa-isang metro ay nakakatibay na ko hanggang sa natuto na ako. Ayos! Nakakatawa ba? Marahil. Ito ay isang auekdota na aking iingatan na hanggang ngayong ay nagpapalakas ng aking loob.

Ang pangarap ay parang mga binhi na itinatanim sa matatabang lipa. Pinag-

uukulan ng panahon, lakas at alaga nang sa gayon ay lumaking matatag na kahit

gaano kalakas ang bagyo di matutumba at sandigan ng lahat. Ganoon talaga. Walang

taong nagtanim na umasa na kinabukasan ay puno na. Wala rin namang nagtanim

ng ubas ng lumaki’t bumunga ay mangga. Ano nga ang iyong tinanim mabuti o

masama. Makakatuong ba o makakasira. Simulan natin sa mabuting adhikain at

sundan natin ng gawa. Huwag tayong tumigil hangga’t di natin natutupad ang ating

pangarap. Lahat ng nangangarap ay may kapasidad na tuparin ang kanilang

pangarap. IKAW, AKO, SIYA, TAYO! ay mga tao ibig sabihin may pangarap at ‘pag

may pangarap may potensyal na makamtam ito. Simulan na natin, hindi bukas,

makalawa, o sa bagong taon kung hindi NGAYON! Tara na!

Sanggunian: Pinoy Collection. (2020). Mga Halimbawa ng Talumpati Tungkol sa Pangarap.

https://www.google.com/search?q=how+to+cite+internet+article+apa&tbm=isch&ved=2ahUKEwidi5XD_eLqAhXYAaYKHcN

CAzwQ2-

Mga Gabay na Tanong:

1. Saan inihalintulad ang “pangarap” sa talatang nabasa? Bakit?

2. Ayon sa talata, paano mo makakamit ang iyong pangarap? 3. Ano ang salitang “pangarap” para sa iyo?

Suriin

Sa parting ito ng modyul, ay iyong lilinangin ang mga kaisipan/kaalamang

tutulong sa iyo upang higit na maintindihan ang paksang-aralin. Dito tinitiyak na

ikaw ay maihahanda upang tiyak ang mga pang-unawa sa mga impormasyong

kinakailangan malinang.

Page 10: Filipino...Filipino – Ikawalong Baitang Support Material for Independent Learning Engagement (SMILE) Unang Markahan – Modyul 7: Teknik sa Pagpapalawak ng Paksa Unang Edisyon, 2020

8

TEKNIK SA AT PAGPAPALAWAK NG PAKSA

Ang isang talata ay isang serye ng mga pangungusap na nakaayos at

magkakaugnay, at lahat ay may kaugnayan sa isang paksa. Ang talata ay

nagpapakita sa isang mambabasa kung saan nagsisimula at nagtatapos ang mga

subdibisyon ng isang sanaysay, at sa gayon ay matulungan ang mambabasa na

makita ang samahan ng sanaysay at maunawaan ang mga pangunahing punto

nito. Ang bawat talata ay may istraktura. Ito ay hindi isang random na koleksyon

ng mga pangungusap. Ang mga bahagi na bumubuo sa teksto ay may kaugnayan

sa bawat isa. Layunin ng isang talata ang makapaghatid ng isang ganap na

kaisipan sa tulong ng mga pangungusap na magkakaugnay.

Upang maging mabisa ang isang talata, ito ay dapat na may isang paksang diwa,

buong diwa, may kaisahan, maayos ang pagkakalahad, at may tamang

pagkakaugnay at pagkakasunod-sunod ng mga kaisipan.

May iba’t ibang uri ng talata ayon sa kinalalagyan sa komposisyon.

1. Panimula- ito ang nasa unahan ng isang komposisyon. Dito nakasaad ang

paksa na na nais talakayin ng manunulat at kung ano ang kanyang

ipinaliliwanag, isinasalaysay, inilalarawan o binibigyang-katwiran.

2. Gitnang Tala o Talatang Ganap- Ito naman ang nasa gitnang bahagi ng

isang komposisyon. Ito ay may tungkuling paunlarin o palawakin ang

pangunahing paksa. Binubuo ito ng mga sumusuportang ideya upang

ganap na matalakay ang paksang nais bigyang linaw ng manunulat.

3. Wakas o Talatang Pabuod- ito naman ang kadalasang pangwakas ng isang

komposisyon. Dito nakasaad ang mahahalagang kaisipang nabanggit sa

gitnang talata. Minsan ginagamit ito upang bigyang-linaw ang kabuoan ng

komposisyon.

Sa pagsulat ng talata, mahalaga ring bigyan-pansin ang pagpapalawak ng paksa

upang higit na maging mabisa at maliwanag ang pagsusulat o paglalahad. May

iba’t ibang paraan o Teknik ang ginagamit sa pagpapalawak ng paksa, ilan sa mga

ito ang sumusunod:

1. Pagbibigay-katuturan o Depinisyon- may mga salitang hindi kaagad

maintindihan kaya’t kailangang bigyang depinisyon. Maraming

kaisipan na malawak kung iisipin kaya’t kinakailangang higit na

masaklaw ang pagpapaliwanag dito. Ang mga malawak na kaisipang

ito ay dapat binibigyang diin sa pagbibigay depinisyon (ang

kaantasan, kaurian, at kaibahan ng mga salitang ito) upang hindi

magkamali sa paggamit nito.

2. Paghahawig at Pagtatambis- may mga bagay na magkapareho o nasa

sa iisang kategorya. May mga bagay rin namang magkaiba.

Samakatuwid, ang mga bagay na magkakatulad ay pinaghahambing

upang mapalitaw ang kanilang mga tiyak na katangian, samantalang

ang mga magkakaiba ay pinagtatambis naman upang maibukod ang

isa sa isa.

Page 11: Filipino...Filipino – Ikawalong Baitang Support Material for Independent Learning Engagement (SMILE) Unang Markahan – Modyul 7: Teknik sa Pagpapalawak ng Paksa Unang Edisyon, 2020

9

3. Pagsusuri- ito ang nagpapaliwanag hindi lamang ng mga bahagi ng

kabuuan ng isang bagay kundi pati na rin ang kaugnayan ng mga

bahaging ito sa isa’t isa. Dahil sa pagsusuri mas madaling

maunawaan ang kalikasan ng isang bagay. Halimbawa nito ang

konsepto ng isang akdang pampanitikan. Dito dapat talakayin ang

kaugnayan ng mga bahagi ng akdang pampanitikan tulad ng tauhan,

tagpuan, banghay, at layunin ang pagkakasulat nito.

Sanggunian: Ikalawang Edisyon: Pinagyamang Pluma 8 (2017), Ailene Baisa-Julian et al.

Dela Cruz, J. (2018). Pagtatala at Pagpapalawak ng Paksa.

https://prezi.com/n7aiangshhsa/pagtatala-at-pagpapalawak-ng-paksa/

https://brainly.ph/question/553898

Gawain A: PINOY HENYO! Panuto: Sagutin ang mga tanong sa ibaba sa iyong sagutang papel.

1. Ano ang layunin ng isang talata?

Sagot:____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________ ___________________________________.

2. Paano magiging mabisa ang pagsulat ng isang talata?

Sagot:_________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

___________________________________. 3. Ano ang kahalagahan ng mga teknik sa pagpapalwak ng paksa sa

pagsulat ng isang talata? Sagot:_______________________________________________________________

_____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________.

Pagyamanin

Ngayong marami ka nang alam tungkol sa ating paksa, ihanda ang sarili sa susunod

pang mga gawain.

Page 12: Filipino...Filipino – Ikawalong Baitang Support Material for Independent Learning Engagement (SMILE) Unang Markahan – Modyul 7: Teknik sa Pagpapalawak ng Paksa Unang Edisyon, 2020

10

Gawain A. Share It! Win It! Marami ng isyu o pangyayari ang nangyari sa buong mundo sa mga nagdaang

panahon. Isa na dito ang pandemyang nangyayari sa kasalukuyan, ang COVID-19.

Dahil dito marami ang naantala at nagbago sa ating lipunan. Magsaliksik tungkol

sa “New Normal” na nararanasan natin ngayon at ipakita kung gaano kalawak ang

iyong kaalaman tungkol dito batay sa teknik na makikita mo sa ibaba. Bigyang diin

ang paksa sa pagsasanay na ito. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Rubrik (Batayan sa Pagmamarka)

Mga Pamantayan 5 4 3 2 1

Nilalaman

• lawak, lalim at linaw ng diwa

Gramatika

• wastong gamit ng wika/salita • baybay, bantas, estruktura ng mga

pangungusap

Organisasyon

• lohikal na pagkakaayos/daloy ng mga

ideya

Pagbibigay ng sariling depinisyon sa “New Normal na

Edukasyon sa Pilipinas”

Pagtutulad o paghahawig nito

sa ating “nakasanayang

edukasyon”.

Kaibahan nito sa

“nakasanayang edukasyon”.

Pagsusuri sa iba pang katangian ng “New Normal na

Edukasyon sa Pilipinas”.

Page 13: Filipino...Filipino – Ikawalong Baitang Support Material for Independent Learning Engagement (SMILE) Unang Markahan – Modyul 7: Teknik sa Pagpapalawak ng Paksa Unang Edisyon, 2020

11

Imahe 2:

https://www.google.com/search?q=conversation+between+two+friends&tbm=isch&hl=en&chips=q:conversation+two

+friends,g_1:clipart:Pt1kUl7TeRQ%3D&rlz=1C1CHBD_enPH839PH839&hl=en&ved=2ahUKEwi_i5PSg-

PqAhVUAKYKHWWECG8Q4lYoAnoECAEQGQ&biw=1903&bih=888#imgrc=KjpqVxmKIP14GM

5 – Pinakamahusay 4 – Mahusay 3 – Katanggap-tanggap 2 – Mapaghuhusay pa 1 – Nangangailangan pa ng mga pantulong na pagsasanay

Gawain B. Reple-Guhit

Panuto: Batay sa iyong nasaliksik, i-guhit ang naging repleksyon mo tungkol dito. Iguhit ito sa iyong sagutang papel.

Panuto: Gumawa ng isang dayalogo na nagpapakita ng iyong natutunan sa paksa.

Kopyahin ang pormat sa ibaba sa iyong sagutang papel.

Isaisip

Repleksyon Ko sa Aking Natutunan/Natuklasan

Page 14: Filipino...Filipino – Ikawalong Baitang Support Material for Independent Learning Engagement (SMILE) Unang Markahan – Modyul 7: Teknik sa Pagpapalawak ng Paksa Unang Edisyon, 2020

12

Isagawa

Gawain A: Panuto: Pumili ng isang paksang nais talakayin. Bumuo ng isang

komposisyon (tatlo hanggang limang talata) tungkol dito at gamitin ang mga teknik

na na natutunan sa araling ito. Isaisip din ang mga uri ng talata ayos sa kinalalagyan

ng komposisyon. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

______________________________

Pamagat ng komposisyon

Page 15: Filipino...Filipino – Ikawalong Baitang Support Material for Independent Learning Engagement (SMILE) Unang Markahan – Modyul 7: Teknik sa Pagpapalawak ng Paksa Unang Edisyon, 2020

13

Rubrik

Tayahin:

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap at piliin ang tamang titik na tumutukoy sa tumpak na kasagutan. Isulat sa

sagutang papel ang mga sagot.

Mga

Krayterya

1 2 3 5

Nilalaman Maraming

kakulangan sa

nilalaman ng

talata.

May ilang

kakulangan sa

nilalaman na

talata.

Kumpleto ang

nilalaman ng

talata. Wasto

ang lahat ng

impormasyon.

Kumpleto at

komprehinsibo

ang nilalaman ng

talata. Wasto ang

lahat ng

impormasyon

Organisasyon Hindi maayos

ang

organisasyon ng

mga ideya.

May lohikal na

organisasyon

ngunit hindi

masyadong

mabisa.

Maayos ang

organisasyon,

pagkabuo ng

talata.

Mahusay ang

pagkakasunod-

sunod ng mga

ideya sa

kabuuan ng

talata.

Paggamit ng

wika at

mekaniks

Kailangang

baguhin dahil

halos lahat ng

pangungusap ay

may mali sa

gramar,baybay

at gamit ng

bantas

Mga kahinaan

dahil maraming

mali sa

gramar,baybay

at gamit ng

bantas

Mahusay dahil

kakaunti

lamang ang

mali sa gramar,

baybay at gamit

ng bantas

Napakahusay

dahil walang mali

sa gramar,

baybay at gamit

ng bantas may

mayamang

bokabularyo

Presentasyon Mahirap basahin

dahil sa hindi

maayos at

malinis na

pagkakasulat

May kahirapang

unawain ang

pagkakasulat at

ng

pangungusap

Malinis ngunit

hindi lahat ay

maayos ang

pagkakasulat

at ang mga

pangungusap

Malinis at

maayos ang

pagkakasulat ng

talata

Kabuuan 20 puntos

Page 16: Filipino...Filipino – Ikawalong Baitang Support Material for Independent Learning Engagement (SMILE) Unang Markahan – Modyul 7: Teknik sa Pagpapalawak ng Paksa Unang Edisyon, 2020

14

1. Bakit mahalang bigyang pansin ang pagpapalawak ng paksa? Upang higit

na maging ___________________.

a. mabisa at maliwanag ang pagsusulat o paglalahad ng mga ideya.

b. mabisa at kahika-hikayat ang pagpapatalastas ng mga produkto.

c. kawili-wili ang binabasa ng mga mambabasa.

d. epektibo ang ginagawang pag-aanunsyo.

2. Ano ang isang teknik sa pagpapalawak ng paksa na nagbibigay ng

katuturan upang mas maintindihan?

a. pagpapaliwanag

b. pagsasaklaw

c. pagbibigay-alam o depinisyon

d. pagbibigay-katuturan o depinisyon

3. Bakit kinakailangang ang mga bagay na magkatulad ay pinaghahambing?

a. para mas madaling makita.

b. para mas nabibigyang pansin.

c. upang mapalitaw ang tiyak na katangian.

d. upang mapalitaw ang tiyak na kaugalian.

4. Bakit kinakailangang ang mga bagay na magkaiba ay pinagtatambis?

a. upang matandaan.

b. upang maibukod ang isa sa isa

c. para lituhin ang mambabasa.

d. para bigyang diin ang isang bagay.

5. Ano ang isang teknik ng pagpapalawak ng paksa na nagpapaliwanag hindi

lamang sa mga bahagi ng kabuoan ng isang bagay kundi pati na rin ang

kaugnayan ng mga bahaging ito sa isa’t isa?

a. pagsusuri

b. pag-iimbistiga

c. pagmamatyag

d. pagpapaliwanag

6. Paano nakakatulong ang pagsusuri sa pagpapalawak ng paksa sa

pagtatalata?

a. nakapagbibigay ito ng inspirasyon

b. natutunan ang pagiging malikhain

c. madaling maipaliwanag ang mga bagay-bagay

d. madaling maintindihan ang kalikasan ng isang bagay

7. Ano ang tatlong teknik ng pagpapalawak ng paksa?

a. pagpapaliwanag, paghahalaw at paghahawig, pagmamatyag

b. pagbibigay-katuturan, paghahalaw at pagtatambis, pagsusuri

c. pagbibigay-alam o depinisyon, paghahawig at pagtatambis,

pag-iimbestiga

d. pagbibigay-katuturan o depinisyon, paghahalaw at pagtatambis, pagsusuri

Page 17: Filipino...Filipino – Ikawalong Baitang Support Material for Independent Learning Engagement (SMILE) Unang Markahan – Modyul 7: Teknik sa Pagpapalawak ng Paksa Unang Edisyon, 2020

15

Panuto para sa bilang 8-10. Basahin at surrin ang bawat talata at tukuyin

kung anong teknik ang ginamit. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

8.

a. Pagsusuri c. paghahawig at pagtatambis b. pagbibigay katuturan o depinisyon d. Pagsasalin

9.

a. Pagsusuri c. paghahawig at pagtatambis b. pagbibigay katuturan o depinisyon d. Pagsasalin

10.

a. Pagsusuri c. paghahawig at pagtatambis b. pagbibigay katuturan o depinisyon d. Pagsasalin

“Ang kalayaan ay hindi iba kundi kapangyarihang sumunod o

sumuway sa sariling kalooban. Ang tinatawag nating malaya ay yaong

panginoon ng kanilang kalooban.

Ang kalayaan ay isa sa mahalagang biyaya ng diyos sa tao; dahil sa

kalayaan ay nakaiilag tayo sa masama at makagagawa ng inaakala nating

magaling……”

- Ang Kalayaan ni Marcelo H. del Pilar

“Ang pamilya ay isang salita na naglalarawan sa grupo ng mga tao na

mayroong iisang biyolohikal na pinanggalingan. Ayon sa ekonomiks at sa

kasaysayan, ang pamilya ay tumutukoy sa pinamaliit at

pinakapangunahing yunit na bumubuo sa isang komunidad o lipunan. Ito

ay madalas na binubuo ng mga magulang, anak, at kung minsan ay pati

ng mga apo at iba pang kamag anak.

Dahil ang pamilya ang nagsisilbing pundasyon sa pagkakabuo ng

isang lipunan, mahalaga na mapanatiling maayos ang isang pamilya. sila

ang nagpapatuloy at nagtataguyod sa kabutihan ng bawat miyembro nito,

at maging ng bawat miyembro ng isang lipunan.”

- Tungkol sa Pamilya ayon kay maraudersmap123

“Ang relasyong pampamilya/mag-anak ay parang relasyon ng isang

mangangalaga ng ibon at kalapati. Ang nangangalaga ay ang mga

magulang na naghirap na palakihin at hasahin ang mga anak; ang mga

kalapati naman ay ang nagrerepresenta bilang mga anak. Papakainin,

palalakihin, aalagaan, hahanapan ng ikasasaya at pinapayagang umalis ng

pakonti-konti para mailahad sa mga nagliliitang mga kalapati ang

malaking mundong maaari nitong kaharapin. Hindi man tayo payagan ng

ating mga magulang lumabas ay nagpupumiglas tayong umalis dahil

nasiyahan tayo sa labas. Minsan natatagalan nang bumalik, kahit na

hinahayaan tayong lumabas ay nag-aalala parin sila kung babalik pa ba

tayo o hindi na. Pero unti-unti naring natatanggap ng mga magulang natin

na kaya hindi tayo nakakabalik agad dahil nawili na tayo at darating ang

panahon na handa na silang hayaan ang dating maliit, mahina, gutom, at

nangungulilang mga kalapati na inalagaan, pinalaki, pinakain at binigay

ang kagustuhan para sa kasiyahan ng kanyang mga alaga.”

- Kalapati https://malfredsoria.wordpress.com/

Page 18: Filipino...Filipino – Ikawalong Baitang Support Material for Independent Learning Engagement (SMILE) Unang Markahan – Modyul 7: Teknik sa Pagpapalawak ng Paksa Unang Edisyon, 2020

16

11.

a. Pagsusuri c. paghahawig at pagtatambis

b. pagbibigay katuturan o depinisyon d. Pagsasalin

12.

a. Pagsusuri c. paghahawig at pagtatambis b. pagbibigay katuturan o depinisyon d. Pagsasalin

13.

a. Pagsusuri c. paghahawig at pagtatambis b. pagbibigay katuturan o depinisyon d. Pagsasalin

“Ang unang kalagayan noong nakalipas na 50 taon, ang babae sa

Taiwan ay katulad sa kasambahay o housekeeper. Ngayon, nagbago na

ang tungkulin ng mga babae at ito ay lalong nagging komplikado. Sa

bahay ng mga Taiwanese, sila pa rin ang may pananagutan sa mga

gawaing-bahay. Ngunit sa larangan ng traabaho, inaasahang magagawa

nila kung ano ang nagagawa ng mga kalalakihan.”

- Ang Kababaihan ng Taiwan: Ngayon at Noong Nakaraang 50 Taon, Panitikang Asayano 9

“Sa Estados Unidos, ang dalawang magkatunggaling mga paliwanag ng

sanhi ng kahirapan ang mga paliwanag na indibdwalistiko at istruktural.

Ayon sa paliwanag na indibidwalistiko (pagsisi sa biktima) sa loob ng

Estados Unidos, ang isang tao ay mahirap dahil sa mga personal nitong

katangian na kinabibilangan ng katamaran, kawalang motibasyon, mga

lebel ng edukasyon at iba pa. Ang isang bersiyon ng paliwanag na ito ang

kultura ng kahirapan na nagsasaad na ang mga taong mahirap ay may

isang ibang hanay ng mga pagpapahalagang kultural na nagsasanhi sa

kanilang maging mahirap. Ang mga taong nasa mahirap na pamilya ay

inilalarawan ng ilan na nagpapakita ng mga saloobin ng pagsuko

at pagsasatadhana sa kapalaran.”

- Mga Teorya sa Sanhi ng Kahirapan,

https://tl.wikipedia.org/wiki/Kahirapan

“Ang nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo ay hindi mga

kwentong pag-ibig kundi isang paraan ng pagtutuligsa sa pamahalaan sa

ilalim ng bansang Espanya.

Ang mga tauhan ay sumisimbolo sa iba't-ibang sektor ng lipunan. Si Rizal

ay hindi si Ibarra o kaya'y si Simoun, siya ay ang pinagsama-samang

karakter sa nobela sapagkat lahat ng nararanasan ng mga tauhan ay

ayon sa nararamdaman at nais ipahayag ni Rizal.”

- Noli at Fili: Ang Pagsusuri,

https://rizalkurokurosataginit.weebly.com/blog/noli-at-fili-ang-pagsusuri

Page 19: Filipino...Filipino – Ikawalong Baitang Support Material for Independent Learning Engagement (SMILE) Unang Markahan – Modyul 7: Teknik sa Pagpapalawak ng Paksa Unang Edisyon, 2020

17

14.

a. Pagsusuri c. paghahawig at pagtatambis b. pagbibigay katuturan o depinisyon d. Pagsasalin

15.

a. Pagsusuri c. paghahawig at pagtatambis b. pagbibigay katuturan o depinisyon d. Pagsasalin

Karagdagang Gawain

GAWAIN: KAHON NG PAGKAKAIBA Panuto: Itala sa ibaba kung paano naiiba ang bawat teknik sa bawat isa. Isulat ang sagot sa sagutang papel. (Tingnan ang rubrik sa bahaging Pagyamanin na maging batayan sa pagmamarka).

“No man is an island, iyan ay ika nga ng karamihan. Ang tao ay ‘di

raw kayang mabuhay nang mag-isa o walang kaibigan. Ngunit, ano nga

ba ang kaibigan? Ito ba ay nakakain o gamit na laging nahahawakan? O

baka, ito ay isa lamang salitang walang magandang kahulugan? Inyong

alamin kung tunay at anong uri kang kaibigan.

Ang kaibigan, para sa akin, ay maaaring bagay o hayop. Pero ayon sa iba,

ito ay kadalasang tao. Ang kabigan ay isang taong mapagkakatiwalaan,

matapat, maaasahan o masasandalan sa oras ng pangangailangan.”

- Kaibigan, Chastevision

“Ang Pilipinas ay binubuo ng higit-kumulang na pitong libo, isang

daan at pitong (7,107) mga pulo at binubuo din ito ng malaking

populasyon, binubuo dn naman ng malaking populasyon ang Timog Korea

pero hindi ito kasing laki ng populasyon sa Pilipinas.

Ang Korea ay mayroong mahigpit na patakaran o alintuntunin,

mayroon din sa Pilipinas pero hindi kasing higpit ng sa Hilagang Korea o

Timog Korea. Tulad nalang ng patakaran sa pagkain, paglabas pasok ng

bahay, sa kasal o sa kahit na anong bagay, pero kahit na ganyang ang

pamamahala sa kanila ginagalang parin nila ito. Sa Pilipinas ganon din,

pero hindi magkatulad ang ugali sa paggalang ng mga Pilipino at Koreano.

Ngayon, karamihan na sa mga Pilipino ay sumusuway sa mga batas,

hindi na talaga pareho noong unang panahon. Kung magsasagawa man

ang Gobyerno ng mga patakaran babaliwalain lamang ito ng ibang tao,

parang walang silbi na sa kanila ang mga patakaran na iyon.”

- Pilipinas at Korea, https://juliaatega.weebly.com/

Page 20: Filipino...Filipino – Ikawalong Baitang Support Material for Independent Learning Engagement (SMILE) Unang Markahan – Modyul 7: Teknik sa Pagpapalawak ng Paksa Unang Edisyon, 2020

18

Pagkakaiba ng mga Teknik

Pagbibigay Katuturan o Depinisyon

Paghahawig at Pagtatambis

Pagsusuri

Subukin 1. A

2. D

3. C

4. B

5. A

6. D

7. D

8. B

9. B

10. C

11. C

12. A

13. A

14. B

15. C

Pagtataya 1. A

2. D

3. C

4. B

5. A

6. D

7. D

8. B

9. B

10. C

11. C

12. A

13. A

14. B

15. C

Susi sa Pagwawasto

Page 21: Filipino...Filipino – Ikawalong Baitang Support Material for Independent Learning Engagement (SMILE) Unang Markahan – Modyul 7: Teknik sa Pagpapalawak ng Paksa Unang Edisyon, 2020

19

Sanggunian

Aklat:

1. Julian, A.B., Lontoc, N.S., at Del Rosario, M.G.G. et al., (2017) Ikalawang Edisyon: Pinagyamang Pluma 8 (K to 12). Quezon City: Phoenix Publishing House Inc.

Mula sa Internet:

2. Pinoy Collection. (2020). Mga Halimbawa ng Talumpati Tungkol sa Pangarap. https://www.google.com/search?q=how+to+cite+internet+article+apa&tbm=isch&ved=2ahUKEwidi5XD_eLqAhXYAaYKHcNCAzwQ2-

3. Semblantecherryflor. (n.d). Talata. https://brainly.ph/question/553898

4. Imahe1: https://www.google.com/search?q=bantugan&rlz=1C1CHBD_enPH839PH839&sxsrf=ALeKk01n7nX9x3QFDrtpO_dcZhtBn3-hrA:1595492856157&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwjI97qH-uLqAhWVc3AKHZTWBAAQ_AUoAXoECA0QAw&biw=1920&bih=937#imgrc=9Gg_DOvXNO4VXM

5. Imahe 2:

https://www.google.com/search?q=conversation+between+two+friends&tbm

=isch&hl=en&chips=q:conversation+two+friends,g_1:clipart:Pt1kUl7TeRQ%3

D&rlz=1C1CHBD_enPH839PH839&hl=en&ved=2ahUKEwi_i5PSg-

PqAhVUAKYKHWWECG8Q4lYoAnoECAEQGQ&biw=1903&bih=888#imgrc=K

jpqVxmKIP14GM

6. Imahe 3:

https://www.google.com/search?q=computer+clipart&rlz=1C1CHBD_enPH839PH839&sxsrf

=ALeKk01gP2sWsR4d-

zpDeNMMxzpqAYz1Gg:1595566668094&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwi

s-

N2DjeXqAhWVwosBHfOTDo0Q_AUoAXoECA4QAw&biw=1920&bih=937#imgrc=pHaj

CFv8zfyQfM

7. Imahe 4:

https://www.google.com/search?q=youtube+logo&rlz=1C1CHBD_enPH839PH839&tbm=isc

h&sxsrf=ALeKk02U_ftcPGlEmM_1-

ArlY6Pct_PQQw:1595566611719&source=lnms&sa=X&ved=0ahUKEwiU_ezojOXqAhWG

GaYKHWgZBfQQ_AUIDigB&biw=1920&bih=937&dpr=1#imgrc=vWlIDxwLNJ7c8M

8. Imahe 5:

https://www.google.com/search?q=like+and+subscribe&rlz=1C1CHBD_enPH839PH839&sx

srf=ALeKk006b3fUXrmMaEcDrD_ISrpqxezCLA:1595566708032&source=lnms&tbm=isch

&sa=X&ved=2ahUKEwj-

0OOWjeXqAhUbyIsBHdZUD8IQ_AUoAXoECAwQAw&biw=1920&bih=937#imgrc=8dxl

pVPjzhYIjM


Recommended