+ All Categories
Home > Documents > FILIPINO VERSION RICE BIOTECHNOLOGY - pinoyrice.com · Oktubre 2010 2 Sa paggamit ng biotech, mas...

FILIPINO VERSION RICE BIOTECHNOLOGY - pinoyrice.com · Oktubre 2010 2 Sa paggamit ng biotech, mas...

Date post: 08-Sep-2019
Category:
Upload: others
View: 16 times
Download: 0 times
Share this document with a friend
24
Questions and Answers SERIES No. 15 Oktubre 2010 ISSN 1655-2814 Philippine Rice Research Institute RICE BIOTECHNOLOGY FILIPINO VERSION Biotechnology Information Center SEAMEO-SEARCA
Transcript
Page 1: FILIPINO VERSION RICE BIOTECHNOLOGY - pinoyrice.com · Oktubre 2010 2 Sa paggamit ng biotech, mas tiyak at mas madali para sa mga nagpapalahi ng binhi ng palay ang paglikha ng mga

Questions and AnswersSE

RIES

No.

15

Oktubre 2010

ISSN 1655-2814

Philippine Rice Research Institute

RICEBIOTECHNOLOGY

FILIPINO VERSION

Biotechnology Information CenterSEAMEO-SEARCA

Page 2: FILIPINO VERSION RICE BIOTECHNOLOGY - pinoyrice.com · Oktubre 2010 2 Sa paggamit ng biotech, mas tiyak at mas madali para sa mga nagpapalahi ng binhi ng palay ang paglikha ng mga

Inilathala Setyembre 2010 ng Philippine Rice Research InstituteMaligaya, Science City of Muñoz, 3119 Nueva Ecija

Q&A Series

1 Hybrid Rice

2 Varieties and Seeds

3 Integrated Pest Management

4 Integrated Nutrient Management

5 Rice Biotechnology

6 Rice Postproduction Technology

7 Economics of Rice

8 Golden Rice

9 Organic Fertilizer

10 Location-specific Technology Development

11 Hybrid Rice (Filipino version)

12 Varieties and Seeds (Filipino version)

13 Integrated Pest Management (Filipino version)

14 Integrated Nutrient Management (Filipino version)

15 Rice Biotechnology (Filipino version)

16 Rice Postproduction Technology (Filipino version)

17 Economics of Rice (Filipino version)

18 Organic Fertilizer (Filipino version)

Page 3: FILIPINO VERSION RICE BIOTECHNOLOGY - pinoyrice.com · Oktubre 2010 2 Sa paggamit ng biotech, mas tiyak at mas madali para sa mga nagpapalahi ng binhi ng palay ang paglikha ng mga

NilalamanAno ang biotechnology? p.1

Ano ang gamit ng biotechnology sa agrikultura? p.1

Ano ang maaaring mangyari kapag ginamit ang biotechnology sa palay? p.2 Ano ang genetic engineering? p.5

Ano ang ipinagkaiba ng genetic engineering sa palay kumpara sa tradisyunal/kumbensyunal na pagpapalahi ng binhing palay? p.6

Bakit ginagawa ng mga siyentipiko ang genetic engineering gayung puwede namang magpalahi ng binhing palay sa paraang tradisyunal/kumbensyunal? p.8

Ano ang mga benepisyong makukuha mula sa genetically engineered (GE) na palay? p.9

Ano ang mga paraang ginagawa para masigurong ligtas at tama ang mga pananaliksik na ginagawa sa mga pananim na GE bago sila itanim ng mga magsasaka? p.9

SA USAPING PANGKALUSUGAN Magiging sanhi nga ba ng allergy o ‘di pakahiyang ang mga pagkaing galing sa mga pananim at hayop na ginamitan ng biotechnology? p.12

Mapanganib nga bang kumain ng mga pagkaing ginamitan ng biotechnology, katulad ng GE na bigas? p.13

Kailangan nga bang lagyan ng pananda ang mga GE na pagkain o mga pagkaing ginamitan ng genetic engineering? p.13

Page 4: FILIPINO VERSION RICE BIOTECHNOLOGY - pinoyrice.com · Oktubre 2010 2 Sa paggamit ng biotech, mas tiyak at mas madali para sa mga nagpapalahi ng binhi ng palay ang paglikha ng mga

Pagmumulan nga ba ng mga problemang pangkalusugan, gaya ng kanser, ang mga genetically modified (GM) na mga produkto? p.13

SA USAPING PANGKAPALIGIRAN

Ang pagbaba ba ng diversity ng mga organismo at panganib sa kapaligiran ay maaari bang dulot ng mga GM na pananim? p.14

Maaari bang maging elemento ng sistemang sustainable farming ang mga GM na pananim? p.15

May panganib nga bang magsulputan ang mga mapaminsalang peste sa pagtatanim ng mga GM na pananim? p.15

SA INDUSTRIYANG BIOTECHNOLOGY

Maaari nga bang mamonopolyo ng mga kumpanyang gumagawa ng biotech na binhi ang lokal na agrikultura? p.15 SA USAPING MORAL/ETIKAL

Mali nga bang pakialaman natin ang kalikasan sa pamamagitan ng genetic engineering o modern biotechnology? p.16

Bakit hindi na lang ihinto ang pagbebenta at pagdebelop ng biotech na mga produkto sa loob ng limang taon para masiguro ang kaligtasan na gaya ng sinasabi ng ilan? p.17

Page 5: FILIPINO VERSION RICE BIOTECHNOLOGY - pinoyrice.com · Oktubre 2010 2 Sa paggamit ng biotech, mas tiyak at mas madali para sa mga nagpapalahi ng binhi ng palay ang paglikha ng mga

Q&A on Rice Biotechnology (Filipino version)

1

Ano ang biotechnology?

Ang biotechnology o biotech ay kalipunan ng mga pamamaraan kung saan ginagamit ang mga buhay na organismo (tulad ng halaman, hayop, at maliliit na organismo o mikrobyo), buo man sila o bahagi lamang ng mga ito, upang makalikha, mabago o mapabuti ang isang produkto, halaman, hayop, at mga maliliit na organismo para sa isang layunin o kapakinabanagan.

Ang toyo, tinapay, keso, nata de coco, at beer ay ilan lamang sa mga pagkaing ginamitan ng biotechnology. Ang mga antibiotic, gaya ng penicillin, insulin para sa mga may dyabetis, at mga bakuna para sa rabis, hepatitis B at tigdas, ay mga produktong gamot na nabuo rin sa pamamagitan ng biotechnology.

Ang biotechnology ay isang mahalagang paraan sa pagpapabuti ng kalidad ng buhay ngayon at sa hinaharap mula sa mga gamot na pandugtong-buhay hanggang sa mga masusustansiyang pagkain.

Ano ang gamit ng biotechnology sa agrikultura?

Sa pamamagitan ng biotechnology, ang mga siyentistang pang-agrikultura ay patuloy sa pagdebelop at paggawa ng mga produktong tulad ng abono at pestisidyong maykrobyal at mga bayolohikal na pamamaraan sa pamamahala ng mga peste. Ang mga halamang walang sakit na pinararami sa pamamagitan ng tissue culture, mga organikong pataba, pinabuting lahi ng alagang manok at ibang mga hayop, at mga diagnostic kits para sa maagang pagtuklas at pagkilala ng sakit sa halaman at hayop ay ilan lamang sa mga produkto ng biotechnology.

Page 6: FILIPINO VERSION RICE BIOTECHNOLOGY - pinoyrice.com · Oktubre 2010 2 Sa paggamit ng biotech, mas tiyak at mas madali para sa mga nagpapalahi ng binhi ng palay ang paglikha ng mga

Oktubre 2010

2

Sa paggamit ng biotech, mas tiyak at mas madali para sa mga nagpapalahi ng binhi ng palay ang paglikha ng mga makabagong barayti ng pananim. Dagdag pa rito, ang biotechnology ay makatutulong sa patuloy na pagpapahusay ng mga katangian ng palay at ibang halaman. Sa ganitong pagsisikap, inaasahang maaabot natin ang layuning mapataas ang produksyon at makamit ang seguridad sa pagkain hanggang sa pambansang antas.

Ano ang maaaring mangyari kapag ginamit ang biotechnology sa palay?

Marami. Sa mga susunod na panahon, maaaring magkaroon ng barayti ng palay na nangangailangan lamang ng kakaunting tubig, abono, at pestisidyo nguni’t magbibigay pa rin ng mataas na ani. Maaaring magkaroon din ng mga butil na siksik sa sustansiya, ang mga lumalaking halamang palay ay hindi tatablan ng sakit at pesteng insekto, at aani ng mas mataas pa sa 35% kumpara sa pinakamataas na umaning barayti ng palay sa ngayon. Lahat ng ito ay possible sa biotechnology.

a. Mas masustansiyang bigas Mahigit isang milyong mga bata ang namamatay, at milyon din ang nabubulag, taun-taon dahil sa kakulangan sa bitamina A. Isang bilyon ang pinahihirapan ng anemia sa buong mundo dahil sa kakulangan sa iron. Dito sa Pilipinas, ang kakulangan sa bitamina A at iron ay laganap. Sa pag-iwas sa dalawang malalaking kakulangang ito, nakita ng mga siyentista bilang pinakamurang paraan upang mapataas ang antas ng iron, zinc at bitamina A sa palay sa pamamagitan ng sistema ng biofortification. Kaiba sa kinagawiang fortification kung saan ang mga bitamina

Page 7: FILIPINO VERSION RICE BIOTECHNOLOGY - pinoyrice.com · Oktubre 2010 2 Sa paggamit ng biotech, mas tiyak at mas madali para sa mga nagpapalahi ng binhi ng palay ang paglikha ng mga

Q&A on Rice Biotechnology (Filipino version)

3

at mineral ay inihahalo sa pagkain, sa biofortification, ang mga nadedebelop na barayti ng halaman ay may kakayahang gumawa at magkaroon ng mataas na antas ng mga sustansiyang ito. Bagama’t pangunahing pagkain ng mga Pilipino ay bigas, wala naman itong taglay na bitamina A at kaunting iron at zinc lamang ang makukuha dito. Sa paggamit ng biotechnology, matagumpay na nakalikha ang mga siyentista ng isang barayti ng bigas na may taglay na provitamin A na kung tawagin ay beta-carotene. Ito’y nalikha sa pamamagitan ng paglilipat sa palay ng isang gene o hene na mula sa mais at isa pa na mula sa isang baktirya sa lupa. Ang beta-carotene ay nagiging bitamina A sa loob ng ating katawan.

b. Mas mataas na ani kumpara sa pinakamataas na umaning barayti ng palay sa ngayon Sa pamamagitan ng biotechnology, layunin ng mga mananaliksik sa palay na mapataas ang photosynthetic capacity ng palay. Ito ang magbibigay sa halamang palay ng kakayahang makagawa ng mas maraming carbohydrates at mapataas ang bilang ng mga butil. Mula sa resulta ng mga pagsubok na isinagawa, 35% ang inaasahang pagtaas sa ani bunga ng biotechnology. Malaki ang maitutulong nito sa pagsisikap na malabanan ang kagutuman, lalo’t paunti nang paunti ang lupang sakahan at patuloy ang pagdami ng populasyon.

c. Halamang palay na may kakayahang labanan ang mga pesteng insekto at mga sakit Ang mga peste at sakit ng palay ay maaaring magdulot ng napakalaking pagkalugi. Sa pamamagitan ng biotechnology, nagkakaroon ng pagbabago sa halamang

Page 8: FILIPINO VERSION RICE BIOTECHNOLOGY - pinoyrice.com · Oktubre 2010 2 Sa paggamit ng biotech, mas tiyak at mas madali para sa mga nagpapalahi ng binhi ng palay ang paglikha ng mga

Oktubre 2010

4

palay para maging matibay ito sa peste at sakit at mapataas ang ani at kalidad ng binhi. Sa PhilRice, pinagsasama sa pamamagitan ng bitoechnology ang mga ninanais na katangian sa mga barayti ng palay upang magkaroon sila ng resistensya sa stem borer, tungro, bacterial blight, at sheath blight. Ang mga siyentipiko sa iba’t-ibang dako ng daigdig ay nananaliksik din sa mga barayti na may resistensya sa mga pamatay-damo na walang pinsalang naidudulot sa palay, tao, at mga hayop. Sa mas kaunting paggamit ng pamatay-peste, tayo ay makaaasa sa isang mas malinis na kapaligiran. Mababawasan din ang mga panganib na kinahahrap sa panganib na kinakaharap sa paggamit ng mapanganib na kemikal. Makatitipid pa ang mga magsasaka sa gastos mula sa pestesidyo at upa sa mga manggagawa.

d. Palay na matibay at angkop sa kapaligirang di-pabor sa pagpapalayan Hindi mainam sa pagtatanim ng palay ang pagkatuyot, pagbaha, pag-alat ng lupa, at pagkakaroon ng labis o nakalalasong mineral sa lupa. Hindi kaya mas mainam naman kung ang palay ay maitatanim din sa mga ganitong kondisyon? Ang mga siyentista ay gumagamit ng biotechnology upang mapatibay ang palay para sa ganitong mga kondisyon. May mga barayti ng palay na matatag sa maalat na lupa ang nadebelop sa pamamamagitan ng tissue culture at ang

Page 9: FILIPINO VERSION RICE BIOTECHNOLOGY - pinoyrice.com · Oktubre 2010 2 Sa paggamit ng biotech, mas tiyak at mas madali para sa mga nagpapalahi ng binhi ng palay ang paglikha ng mga

Q&A on Rice Biotechnology (Filipino version)

5

mga ito ay itinatanim na ng mga magsasaka. Ang gene, na magbibigay ng tibay sa palay upang ito ay mabuhay kahit malubog ng dalawang linggo, ay inililipat sa ibang barayti at breeding lines gamit ang DNA markers.

e. Palay na nangangailangan ng kaunting pataba Upang mapataas ang ani, gumagamit ang mga magsasaka ng abono. Malaking bahagi ng gastusin nila ang napupunta rito, nguni’t kalahati lamang ng kabuuang abonong nailagay ang aktwal na nagagamit ng palay. Ang kakayahan ng mga halamang tulad ng patani, mani at munggo, na gamitin ang nitrohenong nasa hangin ay pinag-iisipan ng mga siyentista na ilipat ang katangiang ito sa palay. Kapag nangyari ito, mababawasan na ang pagdepende ng mga magsasaka sa paggamit ng abono.

f. Mas maikling panahon ng pagpapalahi ng binhing palay Umaabot ng 8 hanggang 10 taon ang ginugugol sa tradisyonal na pagpapalahi ng binhing palay. Sa biotechnology, ang pagpapalahi ay maaaring magawa sa loob lamang ng lima hanggang 7 taon.

Ano ang genetic engineering?

Ang genetic engineering (GE) ay tinatawag ding transgenic (gene transfer) technology. Ginagawa ito upang makopya at mailipat ang magandang gene mula sa isang buhay na organismo at maisalin ito sa ibang organismo sa pamamagitan ng genetic transformation technique. Ang produktong mabubuo ay tinatawag na transgenic o genetically modified organism (GMO).

Page 10: FILIPINO VERSION RICE BIOTECHNOLOGY - pinoyrice.com · Oktubre 2010 2 Sa paggamit ng biotech, mas tiyak at mas madali para sa mga nagpapalahi ng binhi ng palay ang paglikha ng mga

Oktubre 2010

6

Ang gene ay binubuo ng kemikal na kung tawagin ay deoxyribonucleic acid o DNA. Ang DNA na matatagpuan sa bawat nilalang na may buhay ay siyang namamana o naisasalin sa bawat henerasyon. Ang kumbinasyon ng iba’t-ibang protina na nabubuo mula sa gene ang nagtatakda ng mga katangian ng mga barayti ng halaman katulad ng morpolohikal na katangian, at reaksyon sa kapaligiran. Ang gene na taglay ng halaman ang siyang nagtatakda ng mga katangiang gaya ng magiging kulay ng butil, kakayahang magsuwi, at kakayahang lumaban sa peste at sakit. Madalas na ang katangian ng halaman ay naimpluwensiyahan din ng kapaligiran. Layunin ng genetic engineering na makabuo ng isang organismong magtataglay ng mga magagandang katangian na dati ay wala sa kanya. Halimbawa, walang beta-carotene na taglay ang butil ng palay, ngunit sa GE, may nalikhang barayti ng palay na may beta-carotene.

Ano ang ipinagkaiba ng genetic engineering sa palay kumpara sa tradisyunal/kumbensyunal na pagpapalahi ng binhing palay?

Sa tradisyunal na pagpalalahi ng palay, ang paglilipat ng gene ay sa pagitan lamang ng mga halamang mula sa iisang uri na pinag-asawa hanggang sa makabuo ng butil. Halimbawa, maglalahi lamang ang palay sa pagsasama ng polen at istamen mula sa palay o kaya’y mula sa mga kauring palay.

Improved Variety

Page 11: FILIPINO VERSION RICE BIOTECHNOLOGY - pinoyrice.com · Oktubre 2010 2 Sa paggamit ng biotech, mas tiyak at mas madali para sa mga nagpapalahi ng binhi ng palay ang paglikha ng mga

Q&A on Rice Biotechnology (Filipino version)

7

Sa genetic engineering, ang paglilipat ng gene ay nagaganap sa pagitan ng dalawang uri ng halaman o anumang bagay na may buhay. Halimbawa, ang golden rice ay nabuo mula sa pagsasama ng isang gene ng mais at isang gene ng karaniwang baktirya sa lupa. Bagama’t parehong pagpapabuti sa katangiang namamana ng halaman ang layunin ng GE at kumbensyunal na pamamaraan, may kanya-kanyang pagkakaiba pa rin ang dalawa.

Ganito ang kanilang pagkakaiba:

Tradisyunal na Pagpapalahi ng Binhing Palay

Genetic Engineering

Gumagamit ng sexual hybri- dization gaya ng cross–pollina-tion na sinusundan ng pagpili mula sa mga anak na siyang gagamitin sa paglikha ng isang bagong barayti.

Hindi kailangan ang sek-swal na proseso. Sa halip, ang gene na kailangan ay inilalagay sa halaman sa pamamagitan ng espesyal na pamamaraan sa loob ng laboratoryo.

Ang bagong barayti ay nabubuo mula sa pagsasama-sama at pag-hahalo ng lahat ng mga gene ng dalawa o higit pang mga barayti.

Nadebelop ang bagong barayti sa tumpak na pag-daragdag ng isa o higit pang mga magagandang kata-ngiang ninanais na maisalin sa halaman. Ang gene ay isang napakaliit na piraso lamang ng DNA.

Golden Rice(Betacarotene-enriched)

maize gene

bacterial gene

Page 12: FILIPINO VERSION RICE BIOTECHNOLOGY - pinoyrice.com · Oktubre 2010 2 Sa paggamit ng biotech, mas tiyak at mas madali para sa mga nagpapalahi ng binhi ng palay ang paglikha ng mga

Oktubre 2010

8

Mahirap hulaan kung anong gene ang nabago, o kung anong kumbinasyon ng mga gene ang magbibigay ng inaasam na mga katangian; mas tumatagal ang proseso at mas matrabaho.

Tukoy ang gene na nina-nais kunin at ilipat para sa kata-ngiang isasalin sa isang halaman, napabibilis ang proseso at mas madaling malaman ang kalalabasan.

Ang paglilipat ng katangian ay sa pagitan lamang ng magkauri at sexually compatible na organis-mo.

Ang pagsasalin ng kata-ngian ng gene ay maaaring mula sa iba at ‘di kauring organismo na nagbibigay sa mga siyentista ng paraan at kagamitang magdebelop ng mga napakahuhusay na mga barayti.

Bakit ginagawa ng mga siyentipiko ang genetic engineering gayong puwede namang magpalahi ng binhing palay sa paraang tradisyunal/kumbensyunal?

Sa genetic engineering, ang mga magagandang katangian ng isang pananim, kauri man o hindi, ay maaaring ilipat sa isang halaman upang lalong mapaganda ang nasabing pananim. Mas mabilis na mapabubuti ang katangian ng isang pananim sa paggamit ng genetic engineering. Sa tradisyunal na paraan, 8 hanggang 10 taon ang kailangan upang makabuo ng isang barayti ng palay na may taglay na magagandang katangian na tulad ng mataas na ani, may resistensiya sa mga sakit at peste, at may kakayahang mabuhay sa malalamig na pook o sa lupang pinapasok ng tubig-alat. Ang iba pang katangian ay maaari lamang matamo sa pamamagitan ng genetic engineering.

Page 13: FILIPINO VERSION RICE BIOTECHNOLOGY - pinoyrice.com · Oktubre 2010 2 Sa paggamit ng biotech, mas tiyak at mas madali para sa mga nagpapalahi ng binhi ng palay ang paglikha ng mga

Q&A on Rice Biotechnology (Filipino version)

9

Ano ang mga benepisyong makukuha mula sa genetically engineered (GE) na palay?

a. Para sa mga magsasaka• Mataas na produksyon dahil sa mataas umaning barayti ng palay

• Mababawasang gastos sa produksyon dahil sa di paggamit o mas mababang paggamit ng pestisidyo

• Makapamimili ng barayting angkop sa iba’t-ibang kapaligiran tulad ng para sa katihan o tigang na lupa

• Mas may kakayahang umangkop sa mga gawain sa bukid tulad ng mas simpleng paghahanda ng lupang tatamnan

b. Para sa mga mamimili• Mas pinainam na kalidad na produkto (bigas na may iron, zinc, at beta-carotene)

c. Para sa kapaligiran• Pagbawas sa paggamit ng pestisidyo (barayti ng palay na may resistensiya sa tungro, bacterial blight, at aksip)

Ano ang mga paraang ginagawa para masigurong ligtas at tama ang mga pananaliksik na ginagawa sa mga GE na pananim bago sila maaaring itanim ng magsasaka?

Sa Pilipinas, ang National Committee on Biosafety of the Philippines (NCBP) ang nangangasiwa sa mga pananaliksik na may kaugnayan sa organismong transgenic. Nabuo ito noong 1990 sa pamamagitan ng Executive Order (EO) 430. Ang NCBP ay binubuo ng mga siyentipiko at mga kinatawan ng iba’t-ibang sektor sa pamayanan at pinamumunuan ng Kalihim ng Department of Science and Technology. May mga patakaran at mga panuntunang sinusunod ang NCB para sa

Page 14: FILIPINO VERSION RICE BIOTECHNOLOGY - pinoyrice.com · Oktubre 2010 2 Sa paggamit ng biotech, mas tiyak at mas madali para sa mga nagpapalahi ng binhi ng palay ang paglikha ng mga

Oktubre 2010

10

paglikha ng mga halaman at hayop na ginamitan ng genetic engineering. Mula sa panimulang ebalwasyon hanggang sa paghahanda para sa pagtatanim at paggamit nito ay tinitiyak ng NCBP na walang panganib na maidudulot ang mga transgenic na organismong ito sa tao, sa ibang organismo, at sa kapaligiran.

Ang mga alituntuning gumagabay sa pag-angkat at paglabas ng mga pananim na ginamitan ng genetic engineering ay nakasaad din sa Administrative Order (AO) No. 8, Series of 2002 na inilabas ng Department of Agriculture na may pamagat na “Rules and Regulations on the Importation and Releases into the Environment of Plant and Animals Derived from the Use of Modern Biotechnology.” Sa PhilRice, ang mga pananaliksik ay isinasagawa sa isang pasilidad na laan lamang sa pagsasagawa ng ebalwasyon ng mga barayti ng palay na ginamitan ng genetic engineering na naayon sa mga panuntunan at kautusan ng NCBP. Ang pasilidad ay malayo sa mga bukirin at ibang mga lugar na kung saan nagsasagawa ng ibang mga pananaliksik. Ang pagtatanim ay sinisigurong hindi tatapat sa panahon ng pamumulaklak ng mga palay sa katabing lugar.

Ang AO 8 ay nalikha pagkatapos ng tatlong taong pagkonsulta sa lahat ng mga sektor sa buong bansa. Ang Bureau of Plant Industry (BPI) ay naglabas ng permiso sa mga institusyon at mga pribadong kumpanya ng binhi na may kinalaman sa pagbebenta at pananaliksik ng mga pananim na ginamitan ng genetic engineering ayon sa ebalwasyon ng BPI, Bureau of Agriculture and Fisheries Products Standards, at ng Fertilizer and Pesticide Authority.

Page 15: FILIPINO VERSION RICE BIOTECHNOLOGY - pinoyrice.com · Oktubre 2010 2 Sa paggamit ng biotech, mas tiyak at mas madali para sa mga nagpapalahi ng binhi ng palay ang paglikha ng mga

Q&A on Rice Biotechnology (Filipino version)

11

Ang pasilidad para sa field testing ng transgenic na palay ay nakahiwalay at ang pagtatanim dito ay hindi kasabay ng ibang bukirin sang-ayon na rin sa mga panuntunan ng NBCP at BPI.

Ang permisong ibinibigay sa ilalim ng AO 8 ay gaya ng sumusunod: a) importasyon para sa pagtatanim na contained o sa loob lamang ng laboratoryo at espesyal na screenhouse; (b) para itanim ito sa mga bukid; at c) importasyon para gamitin bilang pagkain, pakain sa hayop, at pagproseso. At gaya ng nakasaad sa AO 8, ang alin mang kumpanya ng binhi ay kailangang ipabatid sa publiko ang kanilang mga pananaliksik na isinasagawa sa pamamagitan ng paglalalathala sa dalawang diyaryo. Sa ganitong paraan ay mabibigyan ng pagkakataon ang publiko na mailahad ang kanilang pananaw o posisyon hinggil dito. Ang AO 8 din ang nagbuo ng isang independiyenteng grupo ng mga eksperto na tinawag na Scientific and Technical Review Panel (STRP). Ang STRP ang tumutulong na magsuri kung may dalang panganib ang isang organismong ginamitan ng genetic engineering sa pagsasagawa ng pananaliksik sa bukid, pagpaparami, sa pagkain, kalusugan ng tao, at sa kapaligiran.

Page 16: FILIPINO VERSION RICE BIOTECHNOLOGY - pinoyrice.com · Oktubre 2010 2 Sa paggamit ng biotech, mas tiyak at mas madali para sa mga nagpapalahi ng binhi ng palay ang paglikha ng mga

Oktubre 2010

12

Sa PhilRice, binuo ang Institutional Biosafety Committee na sumusuri at tumitingin sa aspetong pangkaligtasan ng iba’t-ibang isinasagawang pananaliksik. Ang komiteng ito ay binubuo ng limang kasapi na may kasanayan sa genetic engineering, o sa mga peste, o kaya naman ay may kakayahang tingnan ang kaligtasan ng isang pananaliksik. Ang dalawang kasapi ay galing sa labas ng institusyon at kumakatawan sa interes ng pamayanan.

SA USAPING PANGKALUSUGAN

Magiging sanhi nga ba ng allergy o ‘di pagkahiyang ang mga pagkaing galing sa mga pananim at hayop na ginamitan ng biotechnology?

Ayon sa mga eksperto mula sa Food and Agriculture Organization (FAO) at sa World Health Organization (WHO), ang posibleng allergic reaction ng isang tao sa produktong ginamitan o hindi ng biotechnology ay pareho lamang. Ang allergic reaction ng isang tao ay ayon sa kanyang personal na kondisyon. Halimbawa, may mga taong allergic o hindi hiyang sa mga pagkaing dagat, ang iba naman ay hindi. Taliwas sa paniniwala ng iba, sa natural na nilalaman ng pagkain nanggagaling ang mga allergy na ating nararanasan, wala sa mga artipisyal na pampalasa. Ang mga pagkaing ginamitan ng genetic engineering ay nagdaan sa masusing ebalwasyon at sinisigurong ligtas ang mga ito bago sila payagang itinda o gamitin. Sa kasalukuyan, wala ni isang pananim na ginamitan ng genetic engineering ang napag-alamang nakapagbibigay ng allergic reaction sa tao.

Page 17: FILIPINO VERSION RICE BIOTECHNOLOGY - pinoyrice.com · Oktubre 2010 2 Sa paggamit ng biotech, mas tiyak at mas madali para sa mga nagpapalahi ng binhi ng palay ang paglikha ng mga

Q&A on Rice Biotechnology (Filipino version)

13

Mapanganib nga bang kumain ng mga pagkaing ginamitan ng biotechnology, katulad ng GE na bigas?

Wala pang bigas na ginamitan ng genetic engineering ang mabibili sa palengke. Pero, sinisiguro ng mga eksperto na ang ganitong uri ng bigas ay ligtas kainin. Katulad ng ibang produkto, ang palay na ginamitan ng genetic engineering ay dapat pumasa sa mga panuntunan sa kaligtasan bago ito itanim at ibenta sa mga palengke.

Masusing binabantayan ng mga ahensiyang nakatalaga ang mga pagkaing galing sa mga halamang ginamitan ng genetic engineering upang masigurong ligtas ang mga ito.

Kailangan nga bang lagyan ng pananda ang mga GE na pagkain o mga pagkaing ginamitan ng genetic engineering?

Sinisiguro ng Bureau of Foods and Drugs (BFAD) sa ilalim ng Department of Health na ang lahat ng mga mabibiling mga produktong naproseso dito sa bansa ay ligtas at nakapasa sa lahat ng panuntunang pangkaligtasan. Naniniwala ang BFAD na ang paglalagay ng pananda sa mga pagkaing ginamitan ng GE ay hindi na kailangan dahil pareho lamang ang epekto ng pagkaing ginamitan ng GE ay ‘di iba sa panganib na dala ng pagkaing hindi ginamitan ng genetic engineering.

Pagmumulan nga ba ng mga problemang pangkalusugan, gaya ng kanser, ang mga genetically modified (GM) na mga produkto?

Wala pang naitalang ebidensiya na susuporta sa ganitong pananaw. Ang ilang produktong gamot, gaya ng insulin, antibyotiko, at mga pambakuna na gaya ng bakuna para sa Hepatitis B, ay pawang mga produktong ginamitan ng genetic

Page 18: FILIPINO VERSION RICE BIOTECHNOLOGY - pinoyrice.com · Oktubre 2010 2 Sa paggamit ng biotech, mas tiyak at mas madali para sa mga nagpapalahi ng binhi ng palay ang paglikha ng mga

Oktubre 2010

14

engineering. Ang insulin na noon pang kalagitnaan ng 1980 sinimulang gamitin ay wala pang naitatalang masamang epekto sa kalusugan ng tao.

SA USAPING PANGKAPALIGIRAN Ang pagbaba ba ng diversity ng mga organismo at panganib sa kapaligiran ay maaari bang dulot ng mga GM na pananim?

May ilang GM na pananim ang may potensyal na palaguin ang diveristy dahil hindi ito nakasisira sa kapaligiran. Halimbawa, ang Bt corn na malawakang itinatanim sa bansa ay kayang pumatay lamang ng aksip sa mais. Hindi katulad ng kemikal na pestisidyo na pumapatay ng kaibigan at pesteng insekto ng mais. Mababawasan ang pagkalason ng mga tubigan at mga lupain kung mababawasan ang paggamit ng mga kemikal na pestisidyo. Sa mga susunod na taon, inaasahang makalilikha tayo ng mga barayti ng palay na mas matibay sa mga peste at sakit. Ang mga GM na produktong ito ang makapagpapababa sa malawakang paggamit ng mga komersiyal na pestisidyo. Sa Europa, ipinakikita sa isang pag-aaral na halos 30 porsiyento ang ibinawas sa kabuuang paggamit ng herbisidyo bunga ng dahil sa pagtatanim ng GM na sugar beets. Sa ganitong paraan, ang mga damo ay maaaring hayaang tumubo sa mga taniman bago sila lipulin. Mainam ito para sa diversity dahil ang mga damo ay nagsisilbing pagkain ng mga insekto at ibon. Ang mga GM na pananim ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga magsasaka sa ibang lugar sa mundo na makapagtanim ng mga halamang may mataas na kalidad at walang panganib

Page 19: FILIPINO VERSION RICE BIOTECHNOLOGY - pinoyrice.com · Oktubre 2010 2 Sa paggamit ng biotech, mas tiyak at mas madali para sa mga nagpapalahi ng binhi ng palay ang paglikha ng mga

Q&A on Rice Biotechnology (Filipino version)

15

na maidudulot sa kapaligiran at makatutulong sa pagdami ng mga ligaw na uri ng pananim.

Maaari bang maging elemento ng sistemang sustainable farming ang mga GM na pananim?

Oo. Ayon sa isang nalathalang ulat ng United States Department of Agriculture, ang paggamit ng pestisidyo ay bumaba dahil sa pagtatanim ng GM na pananim. Sinabi naman ng pamahalaan ng New Zealand na ang sustainable agriculture at ang GM na mga pananim ay maaaring pagsamahin. Ayon naman sa pamahalaan ng Pilipinas, ang pagtatanim ng mga GM na pananim ay puwedeng maging bahagi ng IPM (Integrated Pest Management) o pinagsama-samang pamamahala ng peste, bilang isang gawi na nakapaloob sa sustainable agriculture.

May panganib nga bang magsulputan ang mga mapaminsalang peste sa pagtatanim ng mga GM na pananim?

Ang walang habas at maling paggamit ng pestisidyo ang sanhi ng paglabas ng mga damo at mga pesteng matibay sa pestisidyo.

SA INDUSTRIYANG BIOTECHNOLOGY

Maaari nga bang mamonopolyo ng mga kumpanyang gumagawa ng biotech na binhi ang lokal na agrikultura?

Ang pagmonopolyo ay nakadepende sa dalawang bagay: (1) ang lakas ng pampubliko at pampribadong sektor ng R&D o pananaliksik at (2) mga batas na nagpoprotekta sa publiko mula sa pagmonopolyo ng iilan. Sa Pilipinas, ang

Page 20: FILIPINO VERSION RICE BIOTECHNOLOGY - pinoyrice.com · Oktubre 2010 2 Sa paggamit ng biotech, mas tiyak at mas madali para sa mga nagpapalahi ng binhi ng palay ang paglikha ng mga

Oktubre 2010

16

mga tradisyunal na barayti ng palay ay pagbubutihin din sa pamamagitan ng biotech. Ang mga institusyong nagsasagawa ng mga pananaliksik ay patuloy na pagbubutihin ang mga katangian ng mga pananim na gamit ang mga pamamaraang kumbensyunal na pagpapalahi.

SA USAPING MORAL/ETIKAL

Mali nga bang pakialaman natin ang kalikasan sa pamamagitan ng genetic engineering o modern biotechnology?

Katulad ng pagpapalahi na gamit ang kumbensyunal na pamamaraan, ang kalikasan pa rin ang namamahala sa biotechnology. Ang mga gene ay maaari lamang matagumpay na ipaloob sa isang halaman kung pahihintulutan ng kalikasan. At kung hindi, maaaring hindi dumami ang halamang ito at hindi na rin mabubuhay. Sa pamamagitan ni Obispo Filio Egreccia, nagpalabas ang Vatican Pontifical Academy sa Roma ng isang pahayag na nagsasaad ng ganito: “Ang mga pakinabang na makukuha sa paggamit ng genetic engineering sa mga halaman at hayop ay mas marami sa ‘di mabuting maidudulot nito. Ang mga panganib ay dapat maingat na subaybayan ng may pagsusuri, bukas, at may kontrol nguni’t walang pangambang mababanaag. Walang dalang panganib sa tao ang mga ginamitan ng genetic engineering. Ang genetic engineering ay napakahalaga sa pagpapaunlad ng nutrisyon mula sa produktong pang-agrikultura lalo na sa mga bansang umuunlad pa lamang.” Kamakailan lamang, ang pinuno ng Pontifical Council for Justice and Peace na si Archbishop Martino ay nagsabi ng

Page 21: FILIPINO VERSION RICE BIOTECHNOLOGY - pinoyrice.com · Oktubre 2010 2 Sa paggamit ng biotech, mas tiyak at mas madali para sa mga nagpapalahi ng binhi ng palay ang paglikha ng mga

Q&A on Rice Biotechnology (Filipino version)

17

ganito: “Ang Papa ay interesado sa mga bagong teknolohiya para sa pagpapaunlad ng mga pagkain bilang bahagi ng sustainable agriculture.” Kasabay ng pagsasabing halos 24,000 tao ang namamatay araw-araw dahil sa gutom, idinugtong ng arsobispo na “Masigasig na hangarin ng Papa na gumawa ng mga hakbangin para sa bilyong taong nagugutom.” At Idinagdag pa niya: “Ang kalayaan sa kagutuman ay isa sa mga batayang karapatang pantao.”

Bakit ‘di na lang ihinto ang pagbebenta at pagdebelop ng biotech na mga produkto sa loob ng limang taon para masiguro ang kaligtasan, gaya ng sinasabi ng ilan?

Lubos na maaapektuhan ang daang milyong tao mula sa biyayang dala ng biotech kung gagawin ito. At gaya ng nasasaad sa liham ng pagsuporta sa biotech, sinabi ng halos 500 kilalang siyentipiko: “Ang pagsusulong ng biotech sa mga umuunlad na bansa ang magiging daan upang mapagtagumpayan ang kakulangan sa bitamina; magkaroon ng pagkukunan ng mga bakuna laban sa kolera at malaria; mapataas ang produksyon at maprotektahan ang mga likas na yaman; at makapagtanim ng mga halaman sa ilalim ng pangkaraniwang kundisyon na di-gaanong angkop sa pagpapalay.” Kung wala namang ebidensiyang makapagpapatunay na mapanganib sa kalusugan ang paggamit ng biotech, bakit natin hahayaang ‘di matamo ng mundo ang mga pakinabang na dulot nito? Sino ang aako ng responsibilidad sa mga batang nabubulag dahil sa kakulangan ng bitamina A?

Page 22: FILIPINO VERSION RICE BIOTECHNOLOGY - pinoyrice.com · Oktubre 2010 2 Sa paggamit ng biotech, mas tiyak at mas madali para sa mga nagpapalahi ng binhi ng palay ang paglikha ng mga

Communication guidelines for a better understanding of biotechnology issues. 2002. SEAsia Center, Manila, Philippines. Council for Biotechnology Information. 2000. A primer on biotechnology: Good Ideas are growing. Washing- ton, DC, SA.

Department of Agriculture. 2002. A primer on Adminis- trative Order No. 8. Diliman, Quezon City, Philip- pines.

Institute of Plant Breeding (IPB). 2000. A leaflet on en- suring the food and feed safety of genetically modi- fied crops. University of the Philippines, Los Baños, College, Laguna, Philippines.

Sanggunian

Page 23: FILIPINO VERSION RICE BIOTECHNOLOGY - pinoyrice.com · Oktubre 2010 2 Sa paggamit ng biotech, mas tiyak at mas madali para sa mga nagpapalahi ng binhi ng palay ang paglikha ng mga

For more information, text the PhilRice Text Center (+63) 920-911-1398;

write, visit, or call:

Plant Breeding and Biotechnology DivisionPhilippine Rice Research InstituteMaligaya, Science City of Muñoz, 3119 Nueva EcijaTel: (044)-456-0285; -0258 local 260

Readers are encouraged to reproduce the contents of this bulletin with acknowledgment.

Subject Matter SpecialistsAntonio A. Alfonso, PhD***Rhodora R. Aldemita, PhD**Ma. Gina M. Babb**Nenita V. Desamero, PhD**Glenn Y. Ilar**Edilberto D. Redoña, PhD**Renando O. Solis, PhD**

Managing EditorsHanah Hazel Mavi M. Biag*Reah Joyce P. Laguna**Arturo D. Taguinod**

Desktop ArtistsCarlo G. Dacumos**Arturo C. Taguinod**

IllustratorCarlito N. Bibal***

Editorial AdvisersAtty. Ronilo A. Beronio* Andrei B. Lanuza*Karen Eloisa T. Barroga**Leocadio S. Sebastian, PhD**Kathleen D. Solis**

(* Filipino version ** English version *** English and Filipino versions)

Page 24: FILIPINO VERSION RICE BIOTECHNOLOGY - pinoyrice.com · Oktubre 2010 2 Sa paggamit ng biotech, mas tiyak at mas madali para sa mga nagpapalahi ng binhi ng palay ang paglikha ng mga

PhilRice We are a government corporate entity attached to the Department of Agriculture. We were created through Executive Order 1061 on 5 November 1985 (as amended) to help develop high-yielding and cost-reducing technologies so farmers can produce enough rice for all Filipinos.

We accomplish this mission through research and development work in our central and six branch stations, coordinating with a network that comprises 57 agencies and 70 seed centers strategically located nationwide.

To help farmers achieve holistic development, we will pursue the following goals in 2010-2020: attaining and sustaining rice self-sufficiency; reducing poverty and malnutrition; and achieving competitiveness through agricultural science and technology.

We have the following certifications: ISO 9001:2008 (Quality Management), ISO 14001:2004 (Environmental Management), and OHSAS 18001:2007 (Occupational Health and Safety Assessment Series).

®

For more information, write, visit, or call:

Philippine Rice Research Institute

Department of Agriculture

PhilRice Central Experiment StationScience City of Muñoz

3119 Nueva EcijaTrunklines: (44) 456-0277, -0258,

-0649, -0426, -0433Telefax: (44) 456-0651 to 52 loc 218,

261, 309, 413, 512, 515, and 529Text Center: 0920-911-1398

E-mail: [email protected]: http://www.philrice.gov.ph

PhilRice AgusanBasilisa, RTRomualdez 8611 Agusan del Norte

Tel: (85) 818-4477; 343-0778Tel/Fax: 343-0768

E-mail: [email protected]

PhilRice BatacMMSU Campus, Batac City

2906 Ilocos NorteTel/Fax: (77) 792-2545, -4702

E-mail: [email protected]

PhilRice IsabelaSan Mateo, 3318 IsabelaTel/Fax: (78) 664-2280, -2954E-mail: [email protected]

PhilRice Los BañosUPLB Campus, College 4031 LagunaTel: (49) 536-3631 to 33Fax: 536-3515; -0484 E-mail: [email protected]

PhilRice MidsayapBual Norte, Midsayap9410 North CotabatoTel: (64) 229-8178 Tel/Fax: 229-7242E-mail: [email protected]

PhilRice NegrosCansilayan, Murcia6129 Negros OccidentalTel/Fax: (34) 446-0835E-mail: [email protected]

PhilRice Field OfficeCMU Campus, Musuan 8710 BukidnonTel: (088) 222-5744

®


Recommended