+ All Categories
Home > Documents > Heograpiya sa Pag-unlad ng mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig

Heograpiya sa Pag-unlad ng mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig

Date post: 03-Oct-2021
Category:
Upload: others
View: 62 times
Download: 6 times
Share this document with a friend
24
i 8 Heograpiya sa Pag-unlad ng mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig Modyul sa ARALING PANLIPUNAN 8 Quarter 1 ● Module 5 MICHAEL C. ABOC Tagapaglinang Kagawaran ng Edukasyon • Rehiyong Administratibo ng Cordillera PANGALAN: ISKOR: GURO: BAITANG AND SEKSYON:
Transcript
MICHAEL C. ABOC
PANGALAN: ISKOR:
Republic of the Philippines DEPARTMENT OF EDUCATION Cordillera Administrative Region
SCHOOLS DIVISION OF BAGUIO CITY No. 82 Military Cut-off Road, Baguio City
Published by: Learning Resource Management and Development System
PAUNAWA HINGGIL SA KARAPATANG SIPI 2020
Section 9 of Presidential Decree No. 49 provides:
“No copyright shall subsist in any work of the Government of the Philippines. However, prior approval of the government agency of office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit.”
Ang modyul na ito ay inihanda para sa implementasyon ng K to 12 Curriculum sa pamamagitan ng Curriculum Implementation Division (CID) – Learning Resource Management and Development System (LRMDS). Maaari itong kopyahin para sa layuning pang-edukasyon at maaaring hilingin ang pahintulot sa nagmamay-ari nito. Ang paghalaw o pagpapaunlad nito ay maaaring gawin, ibigay lamang ang karampatang pagkilala sa orihinal na lumikha. Hindi pinahihintulutan ang paghalaw ng anumang likha mula rito kung ang layunin ay pangkomersiyo o pagkakakitaan.
iii
PANIMULA
Ang modyul na ito ay isa sa mga proyekto ng Curriculum Implementation Division na nakatuon sa Learning Resource Management and Development Unit, Kagawaran ng Edukasyon, Dibisyon ng Baguio City bilang pagtugon sa implementasyon ng K to 12 Curriculum.
Nagtataglay ang kagamitang pampagkatuto na ito ng karapatang-ari ng
Kagawaran ng Edukasyon at ng Dibisyon ng Baguio City. Layunin nitong mapaigting ang husay sa Araling Panlipunan.
Date of Development : Agosto 2020 Resource Location : Dibisyon ng Baguio City Learning Area : Araling Panlipunan Grade Level 8 Learning Resource Type : Module Language : Filipino Quarter/Week : Q1/W5 Learning Competency/Code : Naiuugnay ang heograpiya sa pagbuo
at pag-unlad ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig. AP8 HSK-Ig-6
iv
PASASALAMAT
Taus-pusong pasasalamat ang ipinagkakaloob ng manunulat ng modyul na
ito sa mga sumusunod na personalidad sa kanilang ibinigay na komento, karagdagang impormasyon at paggabay sa ikatatagumpay ng modyul na ito: Una kay Dr. Marina Tabangcura, Education Program Supervisor sa Araling Panlipunan ng Dibisyong ng Lungsod ng Baguio; Ginoong Whitney A. Dawayen, punong-guro ng Pines City National High School; Gng. Virginia T. Ulatan, Ulong-guro ng Departamento ng Araling Panlipunan ng Pines City National High School; at Gng. Geraldine D. Sumipit, School Learning Resource Coordinator.
Pasasalamat din ay ipinararating sa pamilya at kaibigan ng manunulat sa suporta at pag-unawa.
Nawa’y ang pagod at panahon sa paghahanda ng modyul na ito ay makatulong sa mga mag-aaral.
Higit sa lahat, papuri at pasasalamat sa Panginoon sa lahat ng biyaya at pagpapala.
Development Team Developer: Michael C. Aboc Illustrator: Jamil A. Adaclog
School Learning Resources Management Committee
Whitney A. Dawayen Secondary School Principal III Virginia T. Ulatan Head Teacher VI, Araling Panlipunan Geraldine D. Sumipit School LR Coordinator
Quality Assurance Team
Marina D. Tabangcura EPS-Araling Panlipunan Santiago L. Bugtong PSDS-West Baguio Central District
(Sec) Learning Resource Management Section Staff
Loida C. Mangangey EPS-LRMDS Victor A. Fernandez Education Program Specialist II-LRMDS Christopher David G. Oliva Project Development Officer II-LRMDS Priscilla A. Dis-iw Librarian II Lily B. Mabalot Librarian I
CONSULTANTS
SORAYA T. FACULO, PhD Assistant Schools Division Superintendent
MARIE CAROLYN B. VERANO, CESO V Schools Division Superintendent
v
PANIMULA ......................................................................................................... iii
PASASALAMAT ................................................................................................. iv
Unang Markahan
2
Subukin
Ang modyul na ito ay nakatuon sa impluwensiya ng heograpiya sa pag-unlad ng mga
sinaunang kabihasnan. Ang magandang heograpiya ay may malaking ambag sa pag-unlad
ng kasaysayan at kabihasnan ng bansa. Ang mga ilog Indus, Huang Ho, Nile, at kambal ilog
ng Tigris at Euphrates, ang hugis kalahating buwan o Fertile Crescent sa tabi ng mga ilog, at
matatabang lupain ang tumulong upang mapagyabong ang mga unang kabihasnan. Ang
Mesoamerica naman ang lunduyan ng kabihasnan sa America. Ang mga siyentista ay
naniniwalang may mga pangkat ng mga mangangaso o hunter ang nandarayuhan mula sa
Asya patungong Hilagang Amerika, libong taon na ang nakakaraan.
Ito ay inaasahang matatapos mo sa loob ng isang Linggo o tatlong oras. Ang
pinakatiyak na kasanayan sa pagkatuto ay maiugnay ang heograpiya sa pagbuo at pag-unlad
ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig.
Nawa’y ang aralin na ito ay makatulong sa iyo upang malinang ang iyong kaalaman
tungkol sa impluwensiya ng heograpiya sa pag-unlad ng mga sinaunang kabihasnan sa
daigdig. Inaasahan na ang mga kaalaman at mga gawain sa modyul na ito ay lilinang sa iyong
kasanayan para sa paggawa ng mga gawaing nakapaloob dito.
Ang mga tiyak na layunin ay:
1. nailalarawan ang kaugnayan ng heograpiya sa pag-unlad ng mga sinaunang
kabihasnan sa daigdig.
2. napaghahamabing ang heograpiya ng mga sinaunang kabihasnan sa isa’t isa.
3. nabibigyang pagkilala ang kahalagahan ng heograpiya sa pag-unlad ng mga
sinaunang kabihasnan sa daigdig.
Alam kung handa ka na sa pagsagot sa mga katanungang inihanda para sa iyo.
Huwag kang mag-aalala sa pagsagot. May mga tulong na inihanda para sa iyo.
Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan sa panimulang pagtataya.
Bilugan ang letra ng tamang kasagutan. 15 puntos.
1. Bakit tinatawag minsan ang “Yellow River (Huang Ho) na “Pighati ng
China?
Alamin
3
A. Ang pagbaha ay nagiging sanhi ng pagkasira ng mga ari-arian at buhay ng
maraming tsino
B. Ito ang dahilan ng pagbagsak ng mga dinastiyang Tsino
C. Ito ang nagging sanhi ng pagkatalo ng mga Tsino laban sa mga barbaro
D. Ito ang naging sanhi ng maraming suliranin sa China noong sinaunang panahon.
2. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang naglalarawan sa heograpiyang
pisikal ng mga lunduyan ng sibilisasyon?
A. Halos lahat ng mga lunduyan ng kabihasnan ay sumibol sa lambak ng mga ilog.
B. Halos lahat ng kabihasnan ay sumibol sa kontinenteng Asya
C. Halos lahat ng mga kabihasnan ay sumibol sa mga tangway ng gaya ng India
D. Lahat ng mga kabihasnan ay sumibol sa mga katubigan
3. Ang matabang mga lambak-ilog na hugis buwan ay tinawag na Fertile
Crescent, bahagi nito ay ang Mesopotamia. Ang Mesopotamia ay salitang Griyego
na nangangahulugang ?
C. Lupain sa pagitang ng dalawang ilog
D. Lupain na may matabang lupain
4. Malaki ang kinalaman ng ilog Huang Ho sa pag-unlad ng bansang
Tsina. Anong lugar naman ang nagkaroon ng katulad nitong pakinabang
sa bansang India?
B. Sa siyudad ng Harappa at ng Mohenjo-daro
C. Sa bayan ng Punjab at Kutch
D. Sa kabundukan ng Himalayas
5. Kung ang ilog Huang Ho ang nagdulot ng kapighatian sa mga Tsino, ano
naman ang nagbigay-buhay sa mga taga-Ehipto?
A. Ganges River B. Indus River C. Huang Ho River D. Nile River
6. Batay sa napag-aralan mo, ano ang pagkakatulad ng mga sinaunang
kabihasnang umunlad sa Mesopotamia, Indus at China?
A. Magkakatulad ang kanilang relihiyon at sining
B. Naninirahan ang mga sinaunang tao sa tabi ng ilog
C. Umunlad sa iisang kontinente ang mga nabanggit na kabihasnan
D. Itinatag sa gitna ng disyerto ang mga sinaunang kabihasnan
7.Paano nakaimpluwensiya ang katangiang pisikal ng mga lugar na
pinagsimulan ng mga sinaunang kabihasnan sa mga gawaing
pangkabuhayan ng mga tao rito?
A. Madalas mangingisda ang mga tao dahil sila ay nakatira sa tabing-ilog
B. Pagsasaka ang pangunahing ikinabubuhay ng mga tao
C. Matatagpuan sa mainit na klima ang mga kabihasnan
4
D. Maraming digmaan ang maaaring mabuo dahil magkakalapit lamang sila
8.Bakit ang mga sinaunang kabihasnan ay umusbong sa mga lambak-
ilog?
B. Madaling maglakbay dito
Analohiya: Isipin ang dapat itugma sa pangalawang salita.
9. Kambal ilog: Tigris at Euphrates
Kambal lungsod:
C. Mexico at Panama D. Mohenjo-daro at Harappa
10. China: Asya
11. Mesopotamia: Kanlurang Asya
Kabihasnan sa India:
A. Nile River B. Ganges River C. Indus River D. Yellow River
13. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa pangkat
A. Mesoamerica-Gitnang Amerika B. Mesoptamia-Persian Gulf
C. China-Huang Ho D. Egypt-Nile
14. Ang isa sa sinilangan ng kabihasnan sa Asya at madalas na tawaging
subkontinente dahil sa laki nito.
A. Mexico B. Mesopotamia C. India D. Egypt
15. Bakit itinutirng ang Egypt bilang “Biyaya ng Ilog Nile o Gift of Nile”?
A. Ang Nile River ay nagsilbing paliguan ng mga paraon sa Ehipto
B. Ang Nile River ay nagdulot ng kapahamakan sa mga taga-Ehipto
C. Kung wala ang Nile River ang buong lupain ay magiging disyerto.
D. Ang Nile River ay nagsilbing daanan ng mga Israelita na tumakas sa Ehipto
5
Tuklasin
Sa nakaraang modyul, napag-aralan mo ang tungkol sa mga sinaunang tao sa daigdig. Sinasabing ang Aprika ang sinilangan ng tao sa daigdig sapagkat dito nahukay ang kauna- unahang labi o kalansay ng tao. Ayon sa teorya ng ebolusyon ni Charles Darwin ang mga tao ay galing sa mababang uri ng hayop. Sa pagdaraan ng panahon ay nasaksihan natin ang ebolusyon ng tao mula sa ape, australopithecine, homo habilis, homo erectus at homo sapiens.
At sa araling ito, ating tuklasin ang naging kaugnayan ng heograpiya sa pag-unlad ng
mga sinaunang kabihasnan sa daigdig. Halos lahat ng mga sinaunang kabihasnang naitatag ng tao ay sumibol malapit sa mga lambak ilog. Mga lupain kung saan matatagpuan ang matabang lupain at malapit sa pinagmulan ng ilog. Ang mga ilog ay napagkukunan ng pagkain at inumin para sa tao at alagang hayop. Mataba ang mga lupa sa mga lugar na malapit sa ilog dahil sa taunang pagtaas ng tubig na nag-iiwan ng mga mineral na nakatutulong sa mga pananim. Ginagamit ang daloy ng ilog upang gumawa ng irigasyon at patubig para sa mga taniman. Ginagamit din ito sa paglalakbay na nakatulong upang lumago ang kalakalan at pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang lupain.
Sa bahaging ito ay ating tuklasin ang iyong kaalaman tungkol sa impluwensiya ng
heograpiya sa pag-unlad ng sinaunag kabihasnan sa daigdig. Nararapat lamang na basahin
at intindihin mo ang panuto at sagutin ang mga gawain nang buong puso at husay.
GAWAIN 1: Tukoy: Heograpiya Panuto: Mula sa mapa ng daigdig sa ibaba. Tukuyin kung anong lugar ang
itinuturo ng palaso. Ang pagpipiliin ng sagot ay nasa ibaba. Isulat ang iyong kasagutan sa mga kahon na nakalaan para sa iyo.
Balikan
6
Suriin
Maglakbay tayo sa nakaraan at tahakin natin ang landas kung papaano
nakaimpluwensiya ang heograpiya sa pag-unlad ng sinaunang kabihasnan sa daigdig.
Tutuklasin natin ang mahiwagang heograpiya ng Mesopotamia, Indus, China, Ehipto at
Mesoamerica.
Sa mga nabasa mo tungkol sa mga sinaunang kabihasnan, mapapansin mong halos sabay-sabay na umunlad ang mga kabihasnang ito sa lambak ng mga Ilog ng Tigris at Euphrates, Indus, Huang Ho, Nile at sa Mesomerica. Ang mga ilog ang nagsilbing daanan ng mga kalakal at mga tao noong sinaunang panahon.
Mesopotamia: Lupain sa Pagitan ng Dalawang Ilog
Ang salitang Mesopotamia ay nagmula sa mga salitang Griyego na meso o “pagitan”
at potamos o “ilog”. Samakatuwid, ang Mesopotamia ay nangangahulugang lupain “sa pagitan
ng dalawang ilog” na inaakalang lunduyan ng unang kabihasnan. Ang Mesopotamia ay
itinuturing na kauna-unahang kabihasnan sa buong daigdig. Sinakop at pinanahanan ito ng
iba’t ibang sinaunang pangkat ng tao, kabilang ang mga Sumerian, Akkadian, Babylonian,
Assyrian, Chaldean, at Elamite na nagtangka ring sakupin ang lupaing ito. Sa paglipas ng
mahabang panahon, iba’t ibang lungsod ang umusbong at bumagsak sa lugar na ito at nang
lumaon ay pinalitan ng iba pang mga kabihasnan.
Nagsimula sa malawak na lupaing dinadaluyan ng mga ilog Tigris at Euphrates ang
kauna-unahang mga lungsod sa daigdig, tinatawag na Mesopotamia ang lupaig matatagpuan
sa pagitan ng mga ilog na ito. Sa kasalukuyan, matatagpuan ito sa Iraq at bahagi ng Syria at
Turkey. Matatagpuan ang Mesopotamia sa rehiyon ng Fertile Crescent, isang paarkong
MESOPOTAMIA
MESOAMERICA
7
matabang lupaing nagsisimula sa Persian Gulf hanggang sa silangang baybayin ng
Mediterranean Sea.
Ang regular na pag-apaw ng ilog Tigris at Euphrates ay nagdudulot ng baha na nag-
iiwan ng banlik (silt). Dahil dito, nagiging mataba ang lupain ng rehiyon na nakabubuti sa
pagtatanim Ang Mesopotamia ay walang likas na hangganan kaya mahirap ipagtanggol ang
lupaing ito sa ibang karatig lugar. Naimpluwensiyahan din ito ng mga karatig lugar dahil na rin
sa mga ugnayang pangkalakalan at tunggaliang militar. Bukod sa mga Sumerian, ang lupain
ay dinayo ng mga naging makapangyarihang pangkat ng mga Akkadian, Babylonian,
Assyrian, Chladean at Persian.
Ang kawalan ng ulan ay nagdudulot ng maladisyertong kapaligiran sa rehiyon
samantalang ang mahirap kalkulahing pag-apaw ng mga ilog ay madalas pagmulan ng
mapaminsalang baha. Dahil sa walang katiyakan ang pagbaha ng mga ilog, hindi kaagad
nagagawa ng mga Sumerian na maghanda.
Tanong Ko, Sagutin Mo
1. Sa iyong palagay, bakit mahirap ipagtanggol ang Mesopotamia sa mga pwersang
panlabas?
Indus: Lupain sa Pagitan ng Kambal na Lungsod
Hindi maipagkakailang nakalunday sa Asya ang mga sinaunang kabihasnan. Tulad ng iba pang sinaunang kabihasnan, iniluwal ang kabihasnang ito sa mga ilog at lambak ng Indus na nasa hilagang kanlurang bahagi ng India. Umunlad ang kabihasnang ito at tinawag na mga lungsod ng Mohenjo-Daro at Harappa.
Madalas na tawaging subkontinente ang India dahil sa laki nito. Halos lahat ng anyong- tubig at lupa ay makikita rito tulad ng disyerto, matabang lambak, mga kapatagan, matataas na talampas, mababang baybayin, mga naglalakihang ilog, at mga kabundukan.
Ang mga lungsod ng Harappa at Mohenjo-Daro sa lambak ng Indus ang pinakabagong
tuklas na mga sinaunang sentrong kabihasnan sa kasalukuyang panahon. Natagpuan ng mga
arkeologo ang mga labi ng dalawang lungsod noong 1920 ang mga lugar na ito. Gayon din
ang lipunang nabuo rito, ay kasabay halos ng pagsisimula ng Sumer noong 3000 B.C.E. Mas
malawak ang lupain sa Indus kung ihahambing sa sinaunang Egypt at Mesopotamia. Sakop
nito ang malaking bahagi ng hilagang-kanluran ng dating India, at ang kinaroroonan ng lupaing
Pakistan sa kasalukuyan. Ang mga lungsod na itio ay nagsimulang humina at bumagsak
noong ikalawang milenyo B.C.E. Sa kasalukuyan, tinatayang mahigit 1000 lungsod at
pamayanan ang matatagpuan dito partikular sa rehiyon ng Indus River sa Pakistan.
Tulad ng kabihasnang Mesopotamia at Egypt, naharap din ang kabihasnang Indus sa
taunang pagbaha. Higit sa lahat, ang baha sa Indus ay hindi nakakalkula. May pagkakataon
ding ito ay nagbabago ng daloy ng daraanan kung kaya’t naging mahirap para sa kabihasnan
ang paghahanda upang maiwasan ang anumang sakuna dala nito. Ang pagdating ng
kakaunting ulan ay nagiging sanhi ng tagtuyot kung kaya’t marami ang mga taong namamatay
8
sa gutom. Samantala, ang labis na pag-ulan ay nagdudulot ng malalang baha na maaaring
magpalubog o makasira sa buong pamayanan sa rehiyon.
Tanong Ko, Sagutin Mo
1. Sa dalawang kambal lungsod ng Mohenjo-daro at Harappa, paano nila hinaharap ang
mga pagsubok sa kanilang lugar?
China: Ang Pighati ng Ilog Huang Ho
Tulad ng Mesopotamia at India, ang kabihasnan sa China ay umusbong sa tabing-ilog
malapit sa Yellow River o Huang Ho. Ang ilog na ito ay nagmumula sa kabundukan ng
kanlurang China at may habang halos 3000 milya. Dumadaloy ito patungong Yellow Sea. Ang
dinaraanan nito ay nagpabago-bago nang makailang ulit sa mahabang Ito ay dumadaloy
patungo sa Yellow Sea. Ang dinaraanan nito ay nagpabago-bago nang makailang ulit sa
mahabang panahon at humantong sa pagkakabuo ng isang malawak na kapatagan, ang
North China Plain. Ang pag-apaw ng Huang Ho ay nagdudulot ng pataba sa lupa ngunit dahil
sa pagiging patag ng North China Plain, madalas nang nagaganap ang pagbaha sa lugar na
ito kung kaya’t ang ilog ay tinaguriang “China’s Sorrow. Maraming napipinsalang ari-arian at
nagdudulot din ng pagkamatay ng mga tao tuwing umaapaw ang ilog.
Ayon sa tekstong tradisyunal ng China, ang Xia o Hsia ang kauna-unahang
dinastiyang naghari sa China. Subalit dahil sa kakulangan ng ebidensiya, hindi matiyak kung
kailan ito pinasimulan ni Yu, ang unang pinuno ng dinastiya. Pinaniniwalaang si Yu ang
nakagawa ng paraan upang makontrol ang pagbahang idinudulot ng Huang Ho. Ang
pangyayaring ito ay nagbigay-daan upang makapamuhay sa lambak ang mga magsasaka.
Naniniwala ang mga Tsino na sila lamang ang mga sibilisadong tao sa gitna ng mga tribo na
tinawag nilang barbaro sapagkat hindi sila nabiyayaan ng kabihasnang Tsino. Tinawag din
nila ang kanilang lupain na Zhongguo na nangangahulugang Middle Kingdom.
Tanong Ko, Sagutin Mo
1. Bakit itinuturing ang Ilog Huang Ho bilang “Pighati ng Tsina” o “China’s Sorrow”?
Egypt: Ang Biyaya ng Ilog Nile
Sa pag-unawa sa heograpiya ng sinaunang Egypt, mahalagang tandaang ang
tinutukoy na Lower Egypt ay nasa bahaging hilaga ng lupain o kung saan ang Ilog Nile ay
dumadaloy patungong Mediterranean Sea. Samantala, ang Upper Egypt ay nasa bahaging
katimugan mula sa Libyan Desert hanggang sa Abu Simbel. Ang Nile River na may 4160 milya
o 6694 kilometro ang haba ay dumadaloy mula katimugan patungong hilaga.
Ang pagbaha sa ilog Nile ay nagdedeposito ng matabang banlik na nagpapasagana
sa produksyon ng agrikultura. Bago pa man matuyo ang lambak, inihahanda na ng mga
magsasaka ang pagtatanim ng trigo, flax, papyrus at barley. Ang kasaganahang hnadog ng
9
Pagyamanin
Nile River ay labis na ikinagagalak ng mga Ehipsyano kung kaya’t ang ilog ay sinasamba nila
na tila diyos na kumokontrol sa pagbaha ng Nile.
Tulad ng mga Sumerian, naharap din sa matinding hapon ang mga Ehipsiyano. Sa
pagkakataong ang tubig sa Nile ay mababa pa sa regular na taas nito, nagkukulang ang dami
ng matabang banlik na kinakailangan sa pagsasaka. Hindi nakasasapat ang ani mula sa
lambak na nagiging sanhi ng taggutom. Ang labis na pag-apaw ng Nile ay nakakasira ng mga
bahay, imbakan ng mga ani at mahahalagang butil na kailangan ng mga magsasaka sa
pagtatanim.
1. Bakit tinaguriang ang Egypt bilang “Biyaya ng Ilog Nile”?
Mesoamerica: Lunduyan ng Unang Kabihasnang sa Amerika
Hango ang pangalang Mesoamerica sa katagang meso na nangangahulugang “gitna”.
Ito ang lunduyan ng mga unang kabihasnan sa America. Ang Mesoamerica o Central America
ang rehiyon sa pagitan ng Sinaloa River Valley sa gitnang Mexico at Gulf of Fonseca sa
katimugan ng El Salvador. Sa hilagang hangganan nito matatagpuan ang mga ilog ng Panuco
at Santiago. Samantala, ang katimugang hangganan ay mula sa baybayin ng Honduras sa
Atlantic hanggang sa gulod o slope ng Nicaragua sa Pacific at sa tangway ng Nicoya sa Costa
River. Sa kasalukuyan, saklaw ng Mesoamerica ang malaking bahagi ng Mexico, Guatemala,
Belize, El Salvador, at kanlurang bahagi ng Honduras.
Sa lupaing ito, ang malaking pagkakaiba sa elebasyon ng lupa at dalas ng pag-ulan
ay nagdudulot ng mga uri ng klima at ekolohiya sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon. Pabago-
bago ang panahon sa rehiyong ito.Dito naitatag ang unang paninirahan ng tao at isa ito sa
mga lugar na unang pinag-usbungan ng agrikultura, tulad ng Kanlurang Asya at China. Sa
kasalukuyang panahon, may malaking populasyon ang rehiyong ito.
Maraming siyentista ang naniniwalang may mga pangkat ng mga mangangaso o
‘hunter” ang nandarayuhan mula sa Asya patungong Hilagang Amerika, libong taon na ang
nakakaraan. Unti-unting tinahak ng mga ito ang kanlurang baybayin ng North America
patungong timog, at nakapagtatag ng mga kalat-kalat na pamayanan sa mga kontinente ng
north America at South America. Noong ika-13 siglo B.C.E., umusbong ang kauna-unahang
kabihasnan sa America — ang mga Olmec sa kasalukuyang Mexico. Naimpluwensiyahan ang
mga gawaing sinimulan ng mga Olmec ang iba pang pangkat ng mga tao sa iba’t ibang bahagi
ng America.
Tanong Ko, Sagutin Mo
1. Masasabi mo bang nakatulong ang heograpiya ng Mesoamerica sa pag-unlad ng
kabihasnan nito?
10
Ngayon at lumawak na ang iyong kaalaman sa kaugnayan ng heograpiya sa pag-
unlad ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig nais kung sagutin mo ang mga gawain upang
madagdagan at mahasa ang iyong karunugan na nasabing paksang-aralin.
GAWAIN 1: Hanap Salita
Panuto: Hanapin ang labing limang (15) salita na may kinalaman sa implwensiya ng heograpiya sa pag-unlad ng mga sinaunang kabihasnan. 15 puntos.
1. P
10. K
11. L
12. K
13. L
14. P
15. P
PAGTATAYA 1: Talas-Isipan Panuto: Kumplethin ang mga pangungusap sa ibaba upang mabuo ang
diwa nito. Salungguhitan ang tamang kasagutan sa loob ng panaklong. 10 puntos.
11
Umunlad ang mga karanasan ng tao sa larangan ng (pamumuno/pagmamalabis),
paglinang ng mga kaalaman at kasanayan, at maging sa kanilang pakikipagugnayan sa isa’t
isa upang matugunan ang kanilang mga (kagustuhan/pangangailangan). Halos lahat ng
mga sinaunang kabihasnang naitatag ng tao ay sumibol malapit sa mga (lambak
ilog/karagatan). Mga lupain kung saan matatagpuan ang matabang lupain at malapit sa
pinagmulan ng ilog. Ang mga ilog ay napagkukunan ng pagkain at inumin para sa tao at
alagang hayop.
(Mataba/tigang) ang mga lupa sa mga lugar na malapit sa ilog dahil sa taunang
(pagtaas/pagbaha) ng tubig na nag-iiwan ng mga mineral na nakatutulong sa mga pananim.
Ginagamit ang pagdaloy ng ilog upang gumawa ng (irigasyon/kanal) at patubig para sa mga
taniman.
Ginagamit din ito sa (paglalakbay/pamamasyal) na nakatulong upang lumago ang
(kalakalan/pamumuhay) at pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang lupain. Ang mga
(lungsod/distrito) ang naging bunga ng paglaki ng populasyon ng tao, paglakas ng kalakalan
at pagdami ng pagkain, kung kaya naging simbolo na rin ito ng pag-unlad. Ang
(kabihasnan/kabihasaan) ay tumutukoy sa isang maunlad na antas ng kultura na may taglay
na iba’t ibang mga katangian:
GAWAIN 2: Connect the Dots Panuto: Buuin ang triple matching type sa pamamagitan ng pagsasama-
sama ng mga terminolohiya at konsepto batay sa partikular na heograpiya ng isang kabihasnan. Maaaring gumamit ng dalawang tinta ng bolpen para i-connect ang mga dots. 15 puntos.
PAGTATAYA 2: Tama o Mali Panuto: Tukuyin kung ang mga sumusunod na pangungusap ay Tama o
Mali. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang. 10 puntos.
1. Ang Mesopotamia ay matatagpuan sa pagitan ng dalawang karagatan.
2. Ang Fertile Crescent ay isang paarkong lupain na matatag-
12
puan sa Persian Gulf hanggang sa silangang Baybayin ng Mediterranean Sea.
3. Ang Mesopotamia ay maraming likas na hangganan kung kaya’t mahirap itong sakupin ng mga tagalabas.
4. Ang kawalan ng ulan ay nagdudulot ng maladisyertong kapaligiran sa Mesopotamia.
5. Ang India ay itinuturing bilang isang sub-continent. 6. Ang Mohenjo-daro at Harappa ay matatagpuan sa lambak-
ilog ng Ganges 7. Ang kabihasnan sa China ay umusbong sa tabing ilog sa
yellow river o Huang Ho. 8. Ang pag-apaw ng Huang Ho ay nagdudulot ng matinding
pinsala sa mga ari-arian at pagkamatay ng maraming Tsino. 9. Ang pag-apaw ng Nile River ay nag-iiwan ng mayamang
deposito ng buhangin at bato. 10. Ang mga pangkat ng mangangaso mula sa Asya ay nanda-
rayuhan patungong Hilagang Amerika libong taon na ang nakakaraan.
GAWAIN 3: Paghahambing at Pagkakatulad Panuto: Pumili ng isang Venn Diagram na bibigyang paliwanag.
13
Isaisip
Alam kong punong-puno ka ng kaalaman at napagyaman mo na rin ang ating paksang-
aralin. Sa bahaging ito ay nais kung ibuod mo ang iyong mga natutunan at pananaw sa araling
ito. PUMILI LAMANG NG ISA o DALAWANG BANSA NA IPAPALIWANG.15 puntos.
Panuto: Gamit ang #hashtag, ibuod mo ang ating paksang-aralin.
Halimbawa: #Ang Mesopotamia ay matatagpuan sa pagitan ng dalawang Ilog ang Tigris at Euphrates.
MESOPOTAMIA
Panuto: Gumawa ng kuwento mula sa mga larawan sa ibaba.
Krayterya:
• Organisado ang mga kaisipan 10 puntos
• KABUUAN 20 puntos
15
Tayahin
Malapit ka ng magtagumpay. Kaunting pagsisikap na lang ang kailangan mo para
matapos ka na din.
Panuto: Basahin ay unawain ang bawat katanungan bago ito sagutin. Bilugan ang letra ng tamang kasagutan. 15 puntos.
1. Paano nakaimpluwensiya ang katangiang pisikal ng mga lugar na pinagsimulan ng mga sinaunang kabihasnan sa mga gawaing pangkabuhayan ng mga tao rito?
A. Madalas mangingisda ang mga tao dahil sila ay nakatira sa tabing-ilog
B. Pagsasaka ang pangunahing ikinabubuhay ng mga tao
C. Matatagpuan sa mainit na klima ang mga kabihasnan
D. Maraming digmaan ang maaaring mabuo dahil magkakalapit lamang sila
2. Bakit ang mga sinaunang kabihasnan ay umusbong sa mga lambak- ilog?
A. Masaya ang buhay sa tabing-ilog B. Madaling maglakbay dito C. Natutugunan ng ilog ang pangangailangan ng mga tao
D. Nagpapaligsahanang mga kabihasnan sa iba’t ibang larangan
16
3. Bakit tinatawag minsan ang “Yellow River (Huang Ho) na “Pighati ng China?
A. Ang pagbaha ay nagiging sanhi ng pagkasira ng mga ari-arian at buhay ng
maraming tsino B. Ito ang dahilan ng pagbagsak ng mga dinastiyang Tsino C. Ito ang nagging sanhi ng pagkatalo ng mga Tsino laban sa mga barbaro
D. Ito ang nagging sanhi ng maraming sulirani sa China noong sinaunang panahon.
4. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang naglalarawan sa heograpiyang pisikal ng mga lunduyan ng sibilisasyon?
A. Halos lahat ng mga lunduyan ng kabihasnan ay sumibol sa lambak ng mga ilog. B. Halos lahat ng kabihasnan ay sumibol sa kontinenteng Asya C. Halos lahat ng mga kabihasnan ay sumibol sa mga tangway ng gaya ng India D. Lahat ng mga kabihasnan ay sumibol sa mga katubigan
5. Ang matabang mga lambak-ilog na hugis buwan ay tinawag na Fertile Crescent, bahagi nito ay ang Mesopotamia. Ang Mesopotamia ay salitang Griyego na nangangahulugang ?
A. Napapaligiran ng ilog B. Bagong lupain na taniman C. Lupain sa pagitang ng dalawang ilog
D. Lupain na may matabang lupain
6. Batay sa napag-aralan mo, ano ang pagkakatulad ng mga sinaunang kabihasnang umunlad sa Mesopotamia, Indus at China?
A. Magkakatulad ang kanilang relihiyon at sining B. Naninirahan ang mga sinaunang tao sa tabi ng ilog C. Umunlad sa iisang kontinente ang mga nabanggit na kabihasnan D. Itinatag sa gitna ng disyerto ang mga sinaunang kabihasnan
Analohiya: Isipin ang dapat itugma sa pangalawang salita. 7. Kambal ilog: Tigris at Euphrates
Kambal lungsod:
A. Cairo at New Delhi B. Beijing at Baghdad C. Mexico at Panama D. Mohenjo-daro at Harappa
8. China: Asya
Egypt:
A. Hilagang Amerika B. Aprika C. Australia D. Europa 9. Mesopotamia: Kanlurang Asya
Mesoamerica:
17
Karagdagang
Gawain
A Gitnang Amerika B. Gitnang Asya C. Gitnang Aprika D. Gitnang Europa
10. Kabihasnan sa China: Huang Ho Kabihasnan sa India:
B. Nile River B. Ganges River C. Indus River D. Yellow River 11. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa pangkat
A. Mesoamerica-Gitnang Amerika B. Mesoptamia-Persian Gulf C. China-Huang Ho D. Egypt-Nile
12. Malaki ang kinalaman ng ilog Huang Ho sa pag-unlad ng bansang Tsina. Anong lugar naman ang nagkaroon ng katulad nitong pakinabang sa bansang India?
A. Sa lambak ng Tigris at Euphrates B. Sa siyudad ng Harappa at ng Mohenjo-daro C. Sa bayan ng Punjab at Kutch
D. Sa kabundukan ng Himalayas
13. Ang isa sa sinilangan ng kabihasnan sa Asya at madalas na tawaging subkontinente dahil sa laki nito.
A. Mexico B. Mesopotamia C. India D. Egypt
14.Bakit itinutirng ang Egypt bilang “Biyaya ng Ilog Nile o Gift of Nile”?
A. Ang Nile River ay nagsilbing paliguan ng mga paraon sa Ehipto B. Ang Nile River ay nagdulot ng kapahamakan sa mga taga-Ehipto C. Kung wala ang Nile River ang buong lupain ay magiging disyerto. D. Ang Nile River ay nagsilbing daanan ng mga Israelita na tumakas sa Ehipto
15. Kung ang ilog Huang Ho ang nagdulot ng kapighatian sa mga Tsino, ano naman ang nagbigay-buhay sa mga taga-Ehipto?
A. Ganges River B. Indus River C. Huang Ho River D. Nile River
Upang madagdagan ang iyong kaalaman, sikaping gawin ang karagdagang gawain na ito.
Panuto: Kumpletuhin ang pangungusap upang maipakita mo ang iyong pagpapahalaga/paghanga sa impluwensiya ng heograpiya sa pag-
18
unlad ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig. 6 puntos.
1. Lubos-lubos ang aking paghanga sa heograpiya ng dahil
2. Masasabi kung may malaking impluwensiya ang heograpiya sa pag-unlad ng mga
kabihasnan sa daigdig sapagkat
19
AKLAT
Samson, Maria Carmelita B. et. al. 2019. Siglo, kasaysayan ng Daigdig. Rex Bookstore, Inc. 856 Nicanor Reyes Sr, Sampaloc, Manila.
MODULE
Project EASE-Araling Panlipunan III (Modyul 3). Ang mga Unang Kabihasnan. Kagawaran ng Edukasyon, Republika ng Pilipinas. Pahina 2-51.
WEBSITE
https://www.slideshare.net/SMAP_G8Orderliness/aralin-3-ang-impluwensya-ng-heograpiya-sa-
pagbuo-at-pagunlad-ng-mga-sinaunang-kabihasnansa-daigdig
https://rmhalife.wordpress.com/2019/02/16/araling-panlipunan-grade-8-quarter-1/
dPuDl8Q2-
https://www.google.com/search?q=NEOLITHIC+MAN+NEAR+THE+RIVER&tbm=isch&ved=2ahUKE
wiNyMD60JDrAhVCApQKHRd9Di4Q2cCegQIABAA&oq=NEOLITHIC+MAN+NEAR+THE+RIVER&gs
_lcp=CgNpbWcQAzoECCMQJzoCCAA6BAgAEB5Qzs0HWNTdB2CK5AdoAHAAeACAAXiIAeoKkgE
=625&biw=1366#imgrc=G9BopCg53QeHSM

Recommended