Ika-labingtatlong Pangulo ng
Pilipinas
Jose Marcelo Ejercito
“ERAP” Estrada
Talambuhay
Si Jose Marcelo Ejercito Estrada o kilala bilang “ERAP” ay ang ika-labingtatlong Presidente ng Republika ng Pilipinas.
♦Ipinanganak siya nong ika-19 ng Abril, taong 1937 sa Tondo, Maynila. ♦Siya ay anak ni Emilio Ejército Sr., isang maliit na sweldong pamahalaan kontratista, at María Marcelo (1905-2009), isang maybahay.
♦Siya ang ikawalo sa sampung magkakapatid. ♦Ang kanyang mga kapatid ay sina Antonio Ejercito (1932-2005), Emilio Ejercito, Jr (George Estregan) (1939-1988), Dr. Pilarica Ejercito, abogado Paulino Ejercito, Petrocinia E. de Guzman, Marita , at Jesse Ejercito.
♦Ang kanyang may-bahay ay si Luisa Pimentel na isang Doktor.♦Nagkaroon sila ng tatlong anak: Jose Ejercito, Jr. (kilala rin bilang Junggoy Estrada), Jackie Ejercito, at Jude Ejercito. ♦Si Jinggoy ay naging Alkalde ng San Juan at kasalukuyang isa sa mga Senador ng bansa.
♦Ang palayaw na “ERAP” ay nagmula sa binaligtad na salitang “PARE”♦Binansagan rin siyang Filipino version ni Ronald Raegan
♦EDUKASYON:Nagtapos siya ng elementarya at
sekondarya sa Universidad ng ATENEO
Nagtapos siya ng kolehiyo sa MAPUA Institute sa kursong Engineering.
1997, tinapos niya ang doctoral degree of Humanities sa Bicol University.
Buhay bilang isang Pulitiko
♦ 1967, nahalal si ERAP bilang Alkalde ng bayan ng San Juan.♦1986, isa siya sa mga alkaldeng inalis sa ilalim ng pamumuno ni Pres. Aquino matapos mapatalsik si Marcos.
♦1987, nasungkit niya ang ika-labinganim na pwesto sa eleksyon para sa pagka-senador.♦1989-1992, dahil sa kanyang kagalingan, pinarangalan siya ng Free Press bilang isa sa tatlong pinakamagagaling na Senador noong panahon na iyon.
♦1992-1998, tumakbo at nanalo siya sa eleksyon bilang Pangalawang Pangulo laban sa kanyang katunggaling si Ramon Mitra, Jr.♦ bagama't siya ay tumatakbo sa hiwalay na tiket ng noon ay nanalong Pangulo, Fidel Ramos
♦ Bilang Pangalawang Pangulo, pinamahalaan ni Estrada ang Komisyon Laban sa Krimen (Presidential Anti Crime Commission) mula 1992 hanggang 1997.
Bilang ika-labingtatlon
g Presidente ng Pilipinas
♦ Noong 1998, nanalo si Estrada sa halalan sa ilalim ng partidong Laban ng Makabayang Masang Pilipino (LAMMP). Nakakuha siya ng 10,956,610 boto o 39.6% ng lahat ng boto. "Erap Para sa Mahirap" ang kaniyang islogan sa pangangampanya.
♦Taong 2000, nasangkot siya sa sa isang malaking isyu, na kung saan napatunayan ng ilang mga pulitiko at mga tao sa gobyerno na nangurakot siya ng milyong-milyong dolyar.
♦Januray 20, 2001 – Sapilitang pinaalis sa pwesto sa pagka-pangulo si Erap, na nagbigay daan upang mailipat ang trono ng pagiging presidente sa kanyang pangalawang presidente na si Gloria Macapagal Arroyo.
ERAP: Aktor & Direktor
Huminto sa pag-aaral si Estrada sa kolehiyo upang pumasok sa
larangan ng pelikulang Pilipino sa edad na 21. Nakagawa siya ng mga humigit kumulang na 120 pelikula,
karamihan sa mga ito ay nauuri na action-comedy kung saan siya ang bida na ginaganapan ang mga papel
ng mga taong mahirap o mga mababang antas ng lipunan.
Napagwagian niya ang ilan sa pinakamataas na Gantimpala at Gawad sa
Pag-arte at pagiging Direktor ng Pelikula.