+ All Categories
Home > Documents > july05_09

july05_09

Date post: 04-Mar-2015
Category:
Upload: rogeliodmng
View: 47 times
Download: 9 times
Share this document with a friend
12
July 5, 2009 A PUBLICATION OF AND FOR THE FILIPINO CATHOLIC MIGRANTS IN SEOUL ARCHDIOCESE Volume 14 Issue 27 Ginanap ang pagtatapos ng kauna-unahang Computer Literacy Program-Basic Level noong nakaraang Linggo sa Tongsong Auditorium. May- roong sampung (10) nagtapos sa nasabing pro- grama. Karamihan sa kanila ay mga ulirang ina dahil sa kabila ng kaabalahan nila sa kanilang mga trabaho ay ginusto pa rin nilang mag-aral Binigyang parangal ang Woori Bank bilang pasasalamat sa pagbabahagi ng mga Computer na ginamit sa programang ito. Sina Fr. Alvin Parantar, MSP, Ambassador Luis Cruz at repre- sentative ng Woori Bank ang nag-abot ng ser- tipiko ng pagtatapos.. Ang sampung nagsipagta- pos ay sina Veronica Viray, Jocelyn Mandabon, Delia Cabillo, Adoracion Ballad, Bevie Jatulan, Illa Tabayan, Melissa Agustin, Norma de Guzman, Myrna Garlit at Roger Sy. Nabigyan din ng paran- gal ang mga guro, na miyembro ng ITcomm, na nagbahagi ng kanilang oras at kaalaman. Layunin ng programang ito na mabigyan ng pagkakataong makapag-aral ng Basic Computer Skills ang mga migranteng Filipino sa kabila ng kanilang pagganap sa kanilang trabaho dito sa Korea. Hangarin din ng Hyehwadong Filipino Catholic Community na palawakin ang kaalaman ng mga estudyante at magamit nila ito sa pagha- hanap ng mas mabuting trabaho dito o sa ibang lugar at kung sakaling babalik na sila sa Pilipinas. Higit sa lahat, nais ng programa na maturuan ng makabagong teknolohiya ang mga OFWs sa kanilang pakikipag-usap o komunikasyon sa kanilang pamilya sa Pilipinas upang mapalago at mapatatag pa ang maka-Diyos na buhay pamilya nila sa kabila ng kanilang layo sa kanilang mga mahal sa buhay na dulot ng pangingibang- bayan. Matet Solis Si Fr. Alvin, Amb. Cruz, at Woori Bank Representative. Ang pagtanggap ng sertipiko ng mga nagsipagtapos.
Transcript

July

5, 2

009

A PUBLIC

ATIO

N O

F A

ND FOR THE FIL

IPIN

O CATHOLIC

MIG

RANTS IN SEOUL A

RCHDIO

CESE

Vol

um

e 14

Iss

ue

27

Ginanap ang pagtatapos ng kauna-unahang Computer Literacy Program-Basic Level noong nakaraang Linggo sa Tongsong Auditorium. May-roong sampung (10) nagtapos sa nasabing pro-grama. Karamihan sa kanila ay mga ulirang ina dahil sa kabila ng kaabalahan nila sa kanilang mga trabaho ay ginusto pa rin nilang mag-aral

Binigyang parangal ang Woori Bank bilang pasasalamat sa pagbabahagi ng mga Computer na ginamit sa programang ito. Sina Fr. Alvin Parantar, MSP, Ambassador Luis Cruz at repre-sentative ng Woori Bank ang nag-abot ng ser-tipiko ng pagtatapos.. Ang sampung nagsipagta-pos ay sina Veronica Viray, Jocelyn Mandabon, Delia Cabillo, Adoracion Ballad, Bevie Jatulan, Illa Tabayan, Melissa Agustin, Norma de Guzman, Myrna Garlit at Roger Sy. Nabigyan din ng paran-gal ang mga guro, na miyembro ng ITcomm, na

nagbahagi ng kanilang oras at kaalaman.

Layunin ng programang ito na mabigyan ng pagkakataong makapag-aral ng Basic Computer Skills ang mga migranteng Filipino sa kabila ng kanilang pagganap sa kanilang trabaho dito sa Korea. Hangarin din ng Hyehwadong Filipino Catholic Community na palawakin ang kaalaman ng mga estudyante at magamit nila ito sa pagha-hanap ng mas mabuting trabaho dito o sa ibang lugar at kung sakaling babalik na sila sa Pilipinas. Higit sa lahat, nais ng programa na maturuan ng makabagong teknolohiya ang mga OFWs sa kanilang pakikipag-usap o komunikasyon sa kanilang pamilya sa Pilipinas upang mapalago at mapatatag pa ang maka-Diyos na buhay pamilya nila sa kabila ng kanilang layo sa kanilang mga mahal sa buhay na dulot ng pangingibang- bayan.

Matet Solis

Si Fr. Alvin, Amb. Cruz, at Woori Bank Representative. Ang pagtanggap ng sertipiko ng mga nagsipagtapos.

EDITORIAL STAFF

Editor-in-Chief: Emely Dicolen-Abagat, Ph. D.

Assistant Editor and Feature Editor: Bevi Tamargo

News Editor: Ma. Teresa Solis

Literary Editor: Allan Rodriguez

Catholic Faith Editor: Roberto Catanghal

Encoder/Lay-out Artist: :Engr. Czarjeff Laban

Webmaster: Engr. Rogelio Domingo

Contributors: Amie Sison, Joel Tavarro, Michael Balba,

Lyn Laurito, Sis. Melody Palana, Jojo Geronimo

Circulation Manager: Ms. Marlene G. Lim

Fr. Alvin B. Parantar, MSP

Adviser/Chaplain

Page 2 Volume 14 Issue 27 One community living up the Gospel through the service of the Lord and our fellow men

SAMBAYANAN is prepared and published weekly by the

Archdiocesan Pastoral Center for Filipino Migrants which is being

administered by the Mission Society of the Philippines under the

auspices of Seoul Archdiocese.

ARCHDIOCESAN PASTORAL CENTER FOR FILIPINO

MIGRANTS

115-9 Songbuk-gu, Songbuk 1 dong, Songbuk Villa, Seoul, Korea

136-020

Tel No. (02) 765-0870; Fax No. (02) 765-0871

e-mail: [email protected]

e-mail: [email protected]

e-mail: [email protected]

Higit na Pag-asa Dala ng Panibagong MOU

Sa nakaraang pagdalaw ng Presidente Gloria Macapagal Arroyo sa South Korea, kanyang pinir-mahan ang panibagong Memorandum of Under-standing (MOU) upang maipagpatuloy ang mas maigting na relasyon sa pagitan ng South Korea at Pilipinas. Ito rin ay isang magandang bahagi sa paggunita at pagdiriwang ng ika 60 Anibersaryo ng Bilateral Relations sa pagitan ng Pilipinas at South Korea.

Sa karamihan sa ating mga migranteng Pilipi-nong nandito ngayon sa Korea, ang MOU na ito ay nagdadala ng panibagong pag-asa upang mabi-gyan pa tayo ng pagkakataong makapaghanap-buhay para sa ating pamilya at mga mahal sa bu-hay.

Subalit di rin natin maiiwasan na may mga ilang ispekulasyon o duda ang ilang mga kababayan sa kahusayan at mga layunin ng kasunduang ito base sa mga nakaraang implementasyon ng Employ-ment Permit System (EPS).

Tulad ng pagbasa sa linggong ito, bakit nga ba hindi tanggap ng ilang mga tao si Hesus? Ito ay dahil sa wala silang “bilib” sa Kanya.

Bakit hindi tayo magtiwala sa mga taong nagpa-patupad nito at sa ating sarili, sa halip na magduda at mawalan ng tiwala? Higit sa lahat, bakit hindi mo gawin ang iyong tungkulin at nararapat kabayan upang mas maging maayos ang pagpapatupad ng panibagong MOU na ito? MAGTIWALA KA!!!!!

Page 3 Volume 14 Issue 27 One community living up the Gospel through the service of the Lord and our fellow men

Phil.Embassy

(Labor Office) 3785-3634/3785-3624

(Consular Office) 796-7387 to 89 ext. 103

(Hotline) 011-273-3657

Philippine Airlines 774-35-81

Fr. Alvin Parantar, MSP 010-4922-0870

Sr. Miguela Santiago 016-706-0870

Allan Rodriquez (Sec) 010-3144-3756

Edison Pinlac (Pres/JPC) 010-2906-3109

El Shaddai(Bro.Henry/Avel) 794-23-38

Masok (Gil Maranan) 010-5822-9194

(031) 593-6542

Taerim (Dan Panti) 010-8684-7897

Worship (Ely) 010-8061-9143

Recreation (Mike) 010-8685-4161

Education (Emely) 010-5160-2928

Youth Ministry (Weng) 010-5821-7799

IT (Rogie) 010-8696-4984

Rebeck Beltran (Eucharistic) 010-8671-2761

Neneth Mari (FMAA) 010-2207-5087

Mhar Gonzales (LRC) 010-8683-3826

Marlene Lim (CWI) 010-6871-0870

Mokdong Immigration Processing

(Detention) Center 02-2650-6247

Hwaseong, Suwon Immigration Proc-essing (Detention) Center 031-355-2011/2

Chungju Immigration Processing

(Detention) Center 043-290-7512/3

Yang Seung Geol 011-226-9237

Han Suk Gyu 010-5348-9515

FREQUENTLY CALLED NOS.

What’s wrong with Jesus?” wika nga sa Ingles. Ano nga ba ang prob-

lema kay Jesus at hindi siya kinikilala sa sarili niyang bayan? Noong

una, ito ang pumasok sa isip ko. Siguro, ito rin ang unang pumasok sa

isip niyo nang mabasa niyo ang bahaging ito ng Marcos. Pero sa halip

na isipin natin kung ano ang problema kay Jesus, maganda ring ting-

nan kung ano nga ba ang problema sa kanyang mga kababayan.

Iba-iba ang interpretasyon ng mga dalubhasa sa Bibliya sa Ebang-

helyo ngayon. May nagsasabi na upang mas maunawaan ito, kailan-

gang balikan ang ikalimang kabanata ng Marcos. Dito, matutunghayan

natin ang sunud-sunod na himala ni Jesus (pagpapalayas sa ma-

samang espiritu, pagpapagaling ng may sakit, pagbuhay sa isang

namatay). At ang mga himalang ito ay pagpapatunay na ginawa ni

Jesus ang mga himala bilang tugon sa pananampalataya ng isang tao

o ng mga nakikinig sa kanya. Malinaw ito sa kwento ng babaeng labin-

dalawang taon nang dinudugo (Mc 5:25ss).

Mula sa interpretasyong ito, masasabi ngang hindi matanggap si

Jesus ng kanyang mga kababayan dahil kapos sila sa pananam-

palataya. Wika nga, “hindi sila bilib” kay Jesus. Bakit? Dahil nakita nila

kung paano ito lumaki. Kilala nila ang mga magulang nito; at hindi nila

matanggap na ang isang karpintero at isang karaniwang babae ay

magkakaroon ng isang anak na propeta.

Subalit may mga iskolar sa Bibliya na nagsasabing tila may mali

rito. Una, kung nakasalalay ang mga himala sa pananampalataya ng

taong nakatanggap nito, paano na ang kagandahang-loob ng Diyos?

May mga himalang ginawa si Jesus na hindi naman dala ng pananam-

palataya ng isang tao (tulad ng pagpapatahimik niya sa bagyo, pagpa-

palayas niya sa mga demonyong lumulukob sa isang lalaki, at iba pa),

at sa halip, pagkukusa ito ng Diyos. Nagaganap nga ang himala dahil

gusto ito ng Diyos.

Siguro, mas angkop na sabihin na nabubulagan ang mga kababa-

yan ni Jesus sa inaasahan nilang darating na Mesiyas at sa mga hima-

lang gagawin nito. Siguro, maaaring sabihin na ang problema ay nasa

pagtanggap ng mga kababayan ni Jesus sa himala. Hindi matanggap

si Jesus ng kanyang mga kababayan dahil may dala-dala siyang men-

sahe na hindi nila matanggap. Si Jesus ay isang propeta. At bilang

propeta, siya ang tagapagsalita ng Diyos sa kanyang bayan. Tungkulin

ng isang propeta na ipaalam ang kalooban ng Diyos, ang isalamin at

ipamukha ang nais ng Diyos. Hindi ang gumawa ng sirkus o ng mga

himalang taliwas sa nais ng Ama. At kay Jesus nakilala ang isang

karaniwang karpintero, na datapwat simple, batid naman niya kung

ano ang gusto ng Ama sa Langit.

Mahirap nga namang maniwala sa isang taong kasa-kasama la-

mang nila at mas mahirap tanggapin ang isang taong dala-dala ang

katotohanang bumabagabag sa kanila. Siguro rin, hindi nila matang-

gap na ang mga himalang ginagawa ni Jesus sa kanilang piling ay

SIMPLE lamang. Umaasa sila na ang ipapadala ng Diyos ay isang

EKSTRA-ORDINARYONG tao na gagawa ng mga BONGGANG hi-

mala. Pero, taliwas si Jesus sa kanilang inaasahan. Sa kanya, ipi-

nakita ng Diyos na kumikilos siya sa mga karaniwang tao at sa karani-

wang mga kaganapan sa buhay. At ito marahil ang dahilan kung bakit

mahirap para sa mga kababayan ni Jesus na tanggapin siya.

Ngayon, bilang natatanging Kristiyanong bansa sa Asya, ordinaryo

na ang maging Kristiyano. Nagpapabinyag tayo dahil kailangan natin

ng “certificate” kapag pumasok sa isang Katolikong paaralan. Sa mga

bahay-bahay natin, karaniwan na ang mga altar at ang mga

“palamuting” simbolo ng pagka-Kristiyano. Balewala na sa atin ang

“ordinaryong” nating pananampalataya. Marami sa atin ang nagigising

at binibigyan ng halaga ang ating pananampalataya kapag nakatang-

gap ng mga himala – ng mga bonggang himala. Subalit, iminumulat

tayo ng Ebanghelyo sa katotohanang hindi karaniwan ang natanggap

natin sa Binyag. Kagandahang-loob ng Diyos ito! Biyaya na nagaga-

nap sa karaniwan at mga pamilyar na sandali. Kumikilos ang Diyos at

naghihimala siya maging sa karaniwan at pamilyar na pangyayari sa

ating mga buhay. At matatanggap lamang natin ng buong puso at

kaluluwa ito kung maniniwala tayo na ang araw-araw na buhay ay

isang himalang dapat ipagpasalamat sa Diyos na Panginoon ng mga

PAGNINILAY:PAGNINILAY:PAGNINILAY:PAGNINILAY: Atty. Arnold Rimon Martinez

Page 4 Volume 14 Issue 27 One community living up the Gospel through the service of the Lord and our fellow men

Issue: What does the Church teach concerning

Mary’s virginity?

Response: The Church has always professed that Mary was a virgin

“ante partum, in partu, et post partum,” i.e., before birth, during birth,

and after the birth of Christ. Mary conceived Jesus in her womb “by

the power of the Holy Spirit” without loss of her virginity. She re-

mained a virgin in giving birth to Jesus; His miraculous birth did not

diminish her virginal integrity but sanctified it (Vatican II, Lumen

Gentium, no. 57). Following the birth of Jesus, Mary remained a vir-

gin for the rest of her earthly life, until such time as she was taken

body and soul into heaven, where she reigns as Queen (Lumen Gen-

tium, no. 59).

Discussion: In examining Mary’s Perpetual Virginity, or any Church

teaching, the most fundamental questions is: “How do we know this is

true?” We do not gain such knowledge through intuition or through

merely human effort or reasoning, but from the obedience of faith that

we give to God who has revealed the truth to us (Vatican II, Dei Ver-

bum, nos. 2, 5).

In examining this revealed truth, we must acknowledge that Tradition

and Scripture make up a single sacred deposit of the Word of God,

which is entrusted to the Church (Dei Verbum, no. 10). We must fur-

ther recognize that the task of safeguarding (cf. 1 Tim. 6:20) and inter-

preting the Word of God, oral or written, has been entrusted to the

Magisterium alone (Dei Verbum, no. 10; 2 Thess. 2:15).

The doctrine of Mary’s Perpetual Virginity brings to light two distinct

errors that are rooted in misconceptions concerning the nature of di-

vine Revelation. The first error is the “sola Scriptura” approach that

collapses the Word of God to merely that which has been written,

thereby denying the role of Tradition and the Magisterium. Curiously,

such a position, developed during the Protestant Reformation, is not

taught in Scripture. Indeed, the testimony of Scripture conveys other-

wise. For example, in 2 Thessalonians 2:15, St. Paul exhorts his fol-

lowers to “stand firm and hold fast to the traditions [they] were taught,

either by an oral statement or by a letter. . . .” In 1 Timothy 3:15, St.

Paul further states that the Church is “the pillar and bulwark of the

truth.” Sola Scriptura constitutes an attempt to understand Scriptures

apart from Mother Church, even though the Church was “alive” for

decades before the New Testament in its entirety was written, and for

centuries before the Church definitively determined which texts were

inspired.

The other error is an approach that fails to accord the necessary weight

and dignity to Scripture. This error can manifest itself in many forms,

often so as to render “truth” an elusive, if not illusory, reality (see St.

Pius X, Pascendi Dominici Gregis, nos. 3, 24-26). An example would

be an inclination to relegate the infancy narratives to the level of pious

fables, as additions that are merely the product of the so-called second

or third generation Church. Against such an “enlightened” modern

interpretation of Scripture, Vatican II, citing the encyclical Providen-

tissimus Deus by Pope Leo XIII, affirms “that the books of Scripture,

firmly, faithfully and without error, teach that truth which God, for the

sake of our salvation, wished to see confided to Sacred Scripture” (Dei

Verbum, no. 11; Catechism, no. 107). The sacred authors consigned to

writing what the Holy Spirit wanted, and no more (Dei Verbum, no.

11; Catechism, no. 106; see also Providentissimus Deus, in which Leo

XIII unequivocally confirms that this is the “ancient and unchanging

faith of the Church”). As if the foregoing reaffirmation of scriptural

inerrancy were not enough, the Council then “unhesitatingly affirms”

the historicity of the Gospels (Dei Verbum, no. 19).

Aside from the relative merits of particular methods of Scripture

study, the simple fact remains that the charism of authentic interpreta-

tion resides with the Magisterium and not the supposed “experts.” Any

scholarship that calls into question established doctrine, or even pro-

duces conclusions in conflict with doctrines affirmed by the Teaching

Church, must necessarily be defective.

In treating Mary’s virginity ante partum, in partu, and post partum, we

see in action “the supremely wise arrangement of God,” whereby

Scripture, Tradition, and the Magisterium work together under the

action of the Holy Spirit to communicate the truth about Mary to suc-

cessive generations of Christians (cf. Dei Verbum, no. 10).

Conclusion

It is critical to understand Mary’s Perpetual Virginity in light of the

mystery of Christ (Eph. 3:4, 11) and in light of the unfolding of God’s

plan in the fullness of time (Gal. 4:4-5). The special favors granted to

the Mother of God—including permitting a creature’s voluntary par-

ticipation in the “New Creation” to be, in a sense, necessary—are a

mystery of God’s loving providence rather than the inevitable result of

logical deductions concerning the data of divine Revelation. The

meaning of the announcement of the angel Gabriel to Mary about the

virginal conception (Lk. 1:35) is well-summarized by Cardinal

Ratzinger:

Our gaze is led beyond the covenant with Israel to the creation: In the

Old Testament the Spirit of God is the power of creation; He it was

who hovered over the waters in the beginning and shaped chaos into

cosmos (Gen. 1:2); when He is sent, living beings are created (Ps. 104

[103]:30). So what is to happen here to Mary is a new creation: The

God who called forth being out of nothing makes a new beginning

amid humanity: His Word become flesh (Introduction to Christianity,

San Francisco: Ignatius Press, 1990, 206).

Mary’s Perpetual Virginity, then, is not only an exhortation to imitate

Mary’s charity, discipleship, fidelity, continence, etc. (cf. Lumen Gen-

tium, nos. 63-64), but also highlights the uniqueness of the Incarna-

tion, of God’s taking the initiative to recreate the human race through

His Son, the New Adam, Who was really “born of the Virgin Mary.”

We can no more deny the “physicality of Mary’s virginity any more

than we can deny the physicality of Mary’s motherhood. Mary’s Per-

petual Virginity points us unmistakably to the Christological mystery

of the eternal Word’s becoming flesh in Mary’s womb, in the mar-

riage (without commingling) of the human and the divine through

God’s “marvelous condescension” (cf. Dei Verbum, no. 13).

For full article, please check the website address written below.

CATHOLIC FAITHCATHOLIC FAITHCATHOLIC FAITHCATHOLIC FAITH:::: Catholics United for the Faith, Inc.

Source: http://www.cuf.org/Faithfacts/details_view.asp?ffID=102

REGULAR ACTIVITIES

Tuesdays:

Bible Sharing .............. Incheon

Wednesdays:

Prayer Intercession..... Itaewon

Thursdays:

Praise and Worship

Holy Mass............ Bokwang Dong

Fridays:

Bible Sharing........... Itaewon, Sangmun,

Sokye, Myonmok Dong, Songsu Dong

Saturdays:

Prayer Intercession.. Bokwang Dong

Bible Sharing........... Ansan

Sundays:

Fellowship; Praise and

Worship service.........

Sungdong Social Welfare

Majangdong

*Every 1st Sunday:

Mass and Healing

For inquiries, Prayer and Counseling, please

call:

PPFI Center : 02-794-2338 or the ff. persons

1. Bro. Henry Rendon 010-5815-0130

2. Bro. Avelino Cielo 010-3304-3527

3. Sis. Liza Bernardo 010-2958-2629

4. Sis. Linda Añonuevo 010-6872-2844

Page 5 Volume 14 Issue 27 One community living up the Gospel through the service of the Lord and our fellow men

KARUNUNGAN:KARUNUNGAN:KARUNUNGAN:KARUNUNGAN: Fr. Gerry Pierse, C.Ss.R

There is nothing more blinding than prejudice. One of the most common prejudices is against what is local and familiar. There is a story told of a Filipino Senator who was in a Five-Star London Hotel. He asked for a bottle of "the best rum you have got." The waiter came back with a bottle of Filipino Rum. The Senator shouted at him and said, "I told you to get me the best - not just local stuff that you buy at any store!" The waiter held his ground. "Sir, you asked for the best rum and this IS the best we can get!" Prejudice is a great block to truth.

There is another story about a traveling circus that was on the outskirts of a village. One evening a fire broke out and there was a danger that the fire would spread across the fields of dry stubble to burn the vil-lage itself. The circus manager looked for someone to send to warn the villagers. The only person he could find was the circus clown who was already made-up for his act.

The clown hurried to the village and begged the peo-ple to come to help put out the fire at the circus and also to save themselves from the holocaust. The peo-ple only laughed at him. They thought this was a bril-liant piece of advertising on the part of the manage-ment. The more the clown tried to look serious and beg them to take him seriously the more that they ap-plauded and rolled around in laughter. The harder he tried to tell them that it was no trick the more they laughed at him. Finally the fire did reach the village and burnt it to the ground. Basically, the reason they could not hear the message was that they looked at the man as a clown and this made it impossible for them to hear the truth of what he was saying.

In the story we read in today's Gospel we encounter Jesus probably feeling very like the waiter trying to convince the Senator or the clown tying to convince the villagers. He has come to Nazareth, his own town,

to bring them the good news and the healing that he had brought to the other towns of Galilee. But the message never got a chance. The people rejected the messenger. He was telling them what he told others: the need to change, to be converted, if they wanted to enjoy the fruits of the Kingdom of God. But they did not want to hear that kind of message. So they di-verted from it by focusing on his person. They knew all about him! Who did he think he was anyway? After all, was he not just one of themselves? They knew the carpenter shop that he had worked in, they knew his mother and his relatives. There was nothing that he could teach them. They were frozen in prejudice and there was no way in which his message could melt the ice in their hearts.

One thing that prayer should be doing in our lives is opening our hearts to reality, to truth. To do this it must be unmasking our illusions and melting our prejudices. Unfortunately much of our word-y prayer is directed to reinforcing our make believe world. Once we believe that we know what we want from God, we try to phrase it nicely for him and to keep on demanding it. This process becomes a way of block-ing us from hearing what God might like to say. We might be like the man who prayed for a yellow flower. He got a thorny cactus which he threw out the win-dow. While he ranted about God's failure to answer him the cactus was blooming into a yellow flower out-side. If we are afraid of what he may have to say - as the people of Nazareth were afraid of the challenge to change their attitudes that Jesus was making to them - we keep him and his demands at a distance.

On the other hand, the wisdom of the East has al-ways held that one cannot continue in silence and continue also in prejudice, untruth and in anything

Source: http://www.bible.claret.org/liturgy/sundays/indexB.htm

Page 6 Volume 14 Issue 27 One community living up the Gospel through the service of the Lord and our fellow men

Pinas-Korea (tula para sa ika-60 taon

ng Bilateral Relations)

ni Zack

Anim na dekada ng namamayagpag

Pagsasamahang subok na sa tatag

Dalawang lupaing tunay na marilag

’Pinas at Korea, bayang nililiyag.

Ugnayang umusbong sa pagtutulungan

Sa binansagang nalimutang digmaan

Sundalong Pinoy, kaagapay sa labanan

Timog Korea, kalayaa'y nakamtan.

Sa kasalukuyan, lalong pina-igting

Pagkakaibigang sakdal ubod-galing

Trabaho't negosyo, pangunahing supling

Palitan ng kultura, sabayang nagningning.

Kay laking tulong ng Korea sa ‘Pinas

Bukod sa puhunan, turismo'y lumakas

Kanilang estudyante, bansa'y binagtas

Sa 'ting tulong sa wikang Ingles tumatas.

Lakas-paggawa'y luwas nating katuwang

Pang-ekonomiyang lagay, lalong lumutang

Hilaw na produktong sangkap sa pag-

linang

Malaking tunay, kanilang pakinabang.

Ating idalangin sa Poong Maykapal

Lalong pagyabong, pagsasamang matagal

Magkaagapay sa adhikaing banal

Tunay! Mabuhay! Relasyong bilateral!

One Philippines

ni Amie Sison

Tayo’y mga Pilipino dito sa bansang Korea

Naghahanap-buhay upang tayo ay sumagana

Makalimot sa iba't-ibang mga problema

Sa Banpo, halina na, tayo ay magkaisa.

Pinaghandaan ng ating mga kababayan

Upang bigyan tayo ng kasiyahan

Pawis at oras kanilang inilaan

Para sa palakpak, kay sarap pakinggan.

Ngayon lamang ako nakapanood ng ganito

Suwerte ko na at mararanasan ko

Malaman ang kanilang kakaibang talento

Iaalay sa bawat mamamayang Pilipino.

Maraming salamat sa Embahada natin

At nagkaroon ng ganitong gawain

Maipamalas dito sa banyagang bayan

Kultura at talento na ating kayamanan.

Sa mga lider ng mga organisasyon

At sa mga miyembro na tumutulong

Hindi matatawaran ang oras at panahon

Para sa simblo ng ating pagbangon.

Page 7 Volume 14 Issue 27 One community living up the Gospel through the service of the Lord and our fellow men

“ MATALIK NA KAIBIGAN “ ni Bro. Joel Tavarro

“Huwag mong iiwan ang matagal mo nang kaibigan; karaniwan, ang bago ay di maipapantay sa kanya. Ang pakikipagkaibigan ay parang alak; Lalong tumatanda’y lalong sumasarap.” (Ecclesiastico. 9:10) Magmula sa pag-kabata ang ating mga magulang na ang pinakauna na natin naging matalik na kaibigan sapagkat sila lamang ang unang nakakaintindi sa atin… Noong ako ay nag-aaral pa lamang mayroon na akong matatawag na isang matalik na kaibigan. Maypagkakataon na hindi kami nagkakaintin-dihan subalit hindi naman ito humantong sa matinding hidwaan natural lamang sa kahit kanino ay nangyayari ang ganitong sitwasyon ‘ika nga’ mas lumalalim ang samahan dahil sa nagkakakilalanan ng mabuti sa asal ng bawat isa at upang magkapalagayan ng loob.

Mayroong magkaibigan na halos makakabit na ang kanilang pusod wari mo ay magkapatid ang kung magturingan nagdadamayan, nagtutulungan at palaging magkasama na parang ayaw ng magkahiwalay. Subalit sa hindi inaasahan dumating ang tagpong sila ay may hindi napagkasunduan hanggang sa nauwi sa matinding pagkapuot at galit sa isa’t isa. Hindi naglaon…pumanaw ang isa sa kanila na hindi nalalaman ng kanyang kaibigan. Nang mga sandaling iyon napagtanto ng isa ang mali sa kanyang nagawa at nais ni-yang makita ang kaibigan upang makipag-ayos muli ngunit huli na ang lahat doon na lamang niya nalaman at nakita ang kaibigan na nakahimlay sa loob ng kabaong. Sinisi niya ang kanyang sarili at laking panghihinayang sapagkat hindi man lamang niya nasabi sa kanyang matalik na kaibigan ang katagang “Patawad..!” bago pa ito pumanaw.

Ikaw ba ay mayroong matalik na kaibigan na mahihingian ng payo, kaagapay kung may suliranin? kabalikat kung sa panahon ng pagdarahop at kapigahatian na nasa iyong tabi kung ikaw ay pinanghihinaan o may karamdaman? kaaki-bat sa lungkot at ligaya, tagapagtanggol, kakampi sa lahat ng oras? Siya ba ay iyong pinahahalagahan? Kung mayroon man ipinagpupugay kita sapagkat bihira na lamang ang may ganitong pagtitinginan. Maituturing mo sila na isang kaya-manan tulad ng mamahaling hiyas “Brilyanteng Kaibigan” at dapat ingatan. Napakasarap ng maraming kaibigan saan ka man dako mapadpad ay meron kang kabatian, kausap at masayang nagtatawanan habang nagbibiruan nakakatuwa talaga kung marami kang kakilala. Likas sa ating mga Pilipino ang maging palakaibigan dahil sa asal na ito mahilig din tayo sa mga kasiyahan. Napuna ko ito noong nagbakasyon ako sa lugar ng aking ama sa Tigbauan, Ilo-ilo. akin napan-sin sa tuwing sumasapit ang piyesta doon, disperas pa lamang ay pinaghahandaan na nila ito ng mabuti at iniimbita ang maraming mga kaibigan upang pagsaluhan ang kanilang munting handa. Hindi nila alintana ang puyat, hirap at pagod sa kanilang ginagawa basta mapasaya lamang nila ang kanilang mga bisita at kaibigan. Bale wala rin ang hirap ng iba sa kanila kahit malayo at mahaba ang kanilang nilalakbay na kabundukan makarating lamang sa salo-salo at magkita-kita silang muli upang makipagkamustahan.

“Ang kaibigan ay nagmamahal sa lahat ng panahon At sa oras ng kagipita’y tumutulong.” (Kawikaan17:17) Ang Pilipi-nas at South Korea ay matagal na rin magkaibigan nagsimula ang lahat dekada na ang nakalipas. Noon ay hindi maintindihan ng iba nating kababayan kung bakit kailangan pa na magpadala ng mga magigiting na sundalo ang ating bansa dito sa korea upang tumulong sa pakikidigma nila laban sa dayuhang mananakop. Natapos ang labanan at muli silang nakabungon at umunlad. Sa kasalukuyan nagbunga ang pagtulong ng ating bansa at naging maganda ang relas-yon sa bawat isa. Patuloy pa rin natin silang katuwang sa pakikidigma subalit sa matinding kahirapan naman sa ating bansa. Gunitain natin minsan pa at bigyan ng malalim na kahulugan ang pagtuturingan ng mga magkakaibigan, atin itong ipagpugay at pahalagahan magkakaiba man ng lahi, kultura at wika hindi ito dapat maging hadlang tayo pa rin ay makakaibigan…panatilihin natin ang respeto at paggalang sapagkat ito ang pinakamabisang sandata ng mga makaibi-gan.

KAILANGAN SA PAGPAPAKASAL

1) Birth Certificate ng mga ikakasal

2) Status of singleness from Census (notarized)

3) Parents’ consent as proof of singleness (notarized)

4) Baptismal Certificate for marriage purposes

5) Confirmation Certificate for marriage purposes

6) Passport (xerox copy)

7) Pre-Cana seminar na gaganapin bago ang takdang araw ng kasal. Makipag-ugnayan po lamang sa Catholic Center para sa schedule.

MGA LIBRENG KONSULTA AT GAMOT

Doty Hospital—42-5 Eung-am-dong, Unpyeong-gu, Seoul

122- 906, tel. no. (02)385-1477

Joseph Clinic - 423 Yeungdongpo-dong, Yeung dongpo-gu,

Seoul 150-030, Mon.-Fri. 1pm-9pm, Tel. No.(02)2634-1760

Raphael Clinic - inside Tong Song High School,

every Sun. , 2-6 pm.

National Medical Center– Dongdaemun

Tel. No. 2260-7062 to 7063

Seoul Medical Center– Gangnam

Tel. No. 3430-0200

MIRIAM COUNSELING CENTER For Migrant Women

50-17 Dongsoong Dong Chongrogu Seoul 110-809 near Maronnier Park. Tel #(02) 747-2086 E-mail: [email protected] (KCWC) Office hours: Mon-Fri. 11 am-5 pm Sat. day off Sun. 3 pm-6 pm Activities: Emotional/spiritual counseling Woman’s rights and labor issues Korean lan-guage/culture study (men and women are welcome).

MIGRANT CENTERS

Guri Pastoral Center 031-566-1141

Ansan Galilea Center 031-494-8411

Suwon Emmaus Center 031-257-8501

Friends Without Borders Counseling Office 032-345-6734/5

Gasan, Song-uri International Community 031-543-5296

Uijungbu, Nokyangdong Migrant Center 031-878-6926

Masok Chonmasan Migrant Center 031-593-6542

Bomun, Seoul Foreign Workers’

Labor Counseling Office 02-928-2049/924-2706

MGA IMPORTANTENG PAALAALA

Mga kailangang dokumento sa paga-asikaso ng mga reklamo tungkol sa

sahod:

1. Pay Slip or any other proof of payment of salary

2. Daily Time Record (DTR) if available, or self-made record of daily

work attendance specifying Regular Working hours, Overtime, and

Night Differential.

3. Labor Contract

4. Bank Book/ Passbook

5. Alien Card and Passport

SA LAHAT NG MAY E-9 VISA

PARA PO SA LAHAT NA MAY E-9 VISA, MAY TATLO PONG TANGING DA-

HILAN UPANG PAYAGAN KAYONG MAKALIPAT NG KUMPANYA. ITO PO

AY ;

1. KAYO AY DALAWANG BUWANG HINDI PINAPASAHOD

2. KAYO AY PISIKAL AT VERBAL NA SINASAKTAN, o di kaya’y

3. BANKRUPT O LUGI ANG KUMPANYA

KAILANGAN SA PAGPAPABINYAG

1) Birth certificate ng batang bibinyagan

2) 2X2 ID pictures (2 pcs)

3) Application form—ipasa ito sa Catholic Center isang linggo bago dumating ang takdang araw ng binyag.

Katekismo sa binyag na ginaganap tuwing ika-10 ng umaga, araw ng

linggo (mismong araw ng binyag). Tanging ang mga pangalan ng mga

nakadalo ng katekismo ang mailalagay sa Baptismal Certificate. Ang

bilang ng mga ninong at ninang ay hindi dapat lalabis sa dalawampu.

Ang lahat ay pinakikiusapang isaisip ang angkop na pananamit para sa

okasyon.

Page 8 Volume 14 Issue 27 One community living up the Gospel through the service of the Lord and our fellow men

PANAWAGAN PARA SA MGA NAGPAPABINYAG

Tinatawagan ang pansin ng lahat ng mga di pa nakakakuha

ng Baptismal Certificates ng kanilang mga anak.

Maaari na ninyong kunin ang mga ito sa Catholic Center tu-

wing linggo sa ganap na alas 9:00 ng umaga hanggang ika 12:00 ng tang-

hali, at sa ganap na ika 4:00 hanggang ika 5:00 ng hapon. Maliban po

lamang sa tuwing ikadalawang linggo. Ng bawat buwan. Makipag-

ugnayan po kay Rebeck Beltran (010-8671-2761) o kay Edison Pinlac:

BAGONG TALAAN NG SAHOD PARA SA MGA EPS

JANUARY 1, 2009-DECEMBER 31, 2009

44 Hours/week (6 days) with 19 persons below

Per Month 904,000 won

Per Day 32,000 won

Per Hour 4,000 won

OT Per Hour 6,000 won

ND Per Hour 2,000 won

40 Hours/Week (5 days) with 20 persons above

Per Month 836,000 won

Per Day 29,857 won

Per Hour 3,732 won

OT Per Hour 5,598 won

JULY SCHEDULE OF ACTIVITIES

July 4 Prayer Vigil

July 5 111th Philippine Independence

Day Celebration

14th Filipino Migrant Workers Day

60th Anniversary of Philippines-Korea

Relations

Han River Banpo Park, Seoul Korea

July 12 Fil-Mission Sunday

July 26 Summer Outing

Council Meeting

Important Reminders

111th Philippine Independence Day

14th Migrant Workers Day

60th Anniversary of Philippines-Korea Bilateral Relations

Han Gang River Banpo Park, Seoul, Korea

05 July 2009

1. Proceed to Banpo Park early to provide allowance for time to

locate the area (the Park is relatively new)

2. Upon arrival at Banpo Park, FilCom heads/representatives are

requested to report to the Philippine Embassy tent/booth

for registration of their group

3. Bring hat, raincoat, umbrella or any accessory which you may

deem appropriate to shield you from sunlight or rainfall

4. FilCom participants (except performers and volunteers) are

expected to bring their own food and water. You can bring

picnic mats.

5. Cooking is not allowed in the park.

6. Selling foods and other commercial items is prohibited

7. Do not leave children and personal belongings unattended

8. Do not damage or write on any structure in the Park

9. VERY IMPORTANT : Put your garbage in plastic bags to be

provided by the Embassy then leave the bags in designated

collection areas; otherwise, we will be fined and barred

from using the park in the future

How to get there?

• BUS

a. Bus No. 8401(every 20mins) : get off at Hangang Banpo Park

b. Bus No. 730 : Get off at JamSuGyo station

Operation hour : Weekdays → 20:00 ~ 23:40, Weekend &

holiday →10:00 ~ 23:40

• SUBWAY

a. Subway Line No.3 and 7 -> Get off at Express Bus Terminal

Station (Exit no. 3, 4, 8)-> Take bus no. 8401-> get off at

Hangang Banpo Park

b. Subway Line No.4 -> Get off at DongJak Station (Exit no.1 or 2)

-> Take bus no. 8401-> get off at Hangang Banpo Park.

• Car After passing Hannam bridge, turn right and take the Olympic Ex-

pressway bound for Kimpo Airport. About 500 meters from Han-

nam bridge ,turn right and you will see the Parking Lot at the upper

section of Han River.

Page 9 Volume 14 Issue 27 One community living up the Gospel through the service of the Lord and our fellow men

PANAWAGAN

Tinatawagan ang pansin ni JOCELYN “Joan”

ROXAS BELNAS. Kung sino man po ang na-

kakakilala sa kanya pakisabi lamang po na maki-

pag-ugnayan siya sa telepono bilang 011-718-

4513 sa lalong medaling panahon. Salamat po!

GINOO, BINIBINI, AT GINANG KALINANGANG

FILIPINO 2009

Tumatanggap nap o ng mga pangalan ng mga nais sumali

sa G, Bb at Gng Kalinangang Filipino 2009. Ang mga su-

musunod ang batayan sa pagpili ng mga kandidata:

1. A Filipino citizen

2. 18-35 years of age (para sa G at Bb candidates)

3. 20-55 years of age (para sa Ginang candidates)

4. a Catholic

5. Married in the Church (para sa Ginang candidates)

6. With good moral standing

Makipag-ugnayan lamang kay Mike Panlilio (010-8685-4161) o kay Roger Amboy (010-7263-1972).

PASASALAMAT

Taos-pusong nagpapasalamat ang United Ilocano

Association Korea sa lahat ng mga tumulong at

tumangkilik sa naganap na raffle draw. Pasa-

salamat muna kay G. Romeo Cainglet, Presidente

ng UIAK, Incheon Chapter.

Page 10 Volume 14 Issue 27 One community living up the Gospel through the service of the Lord and our fellow men

Office Address: Chongro Hyehwa Dong,

7/F 109-4 406 Bldg., Seoul, Korea

We are open from Mon—Fri 9:00 am to 4:00 pm

Sunday from 9:00am to 5:00 pm

For more information please call: Tel. No. (02)3672-1384

You can remit thru online remittance to any of the following bank accounts of ePadala Mo in Korea:

Post Office (010892-01-001084)

Woori Bank (512-518974-13-001)

Choheung Bank (313-01-148631)

Kookmin Bank (031-01-0423-044)

Hana Bank (274-810000-82104)

Service Charge is only 8,000 won and

FREE SERVICE CHARGE for new remitters with

ADVERTISEMENTSADVERTISEMENTSADVERTISEMENTSADVERTISEMENTS

ILOCANO VS. AGUMAN

53 (W) 47 (L)

BEST PLAYER : #14 PASION

IBAANIANS VS. UFC

55 (W) (33) L

BEST PLAYER # 16 BUNIEL

June 28

Batangas vs. Masok (default)

3:30 - 4:45 ILOCANO VS. AGUMAN

4:45 - 6:00 UFC VS. IBAANIANS

JULY 5

3:30 - 4:45 MINDORO VS. HUNKS

4:45 - 6:00 TAMBAYAN VS. TIAONG

JULY 12

Batangas Vs. Ilonggo (default)

3:30 - 4:45 HUNKS VS. AGUMAN

4 :45 - 6:00 FOREIGN MART VS. ILOCANO

TEAM W L

MINDORO 1 0

FOREIGN MART 2 1

ILOCANO 1 1

TAMBAYAN 2 0

TIAONG 0 2

HUNKS 1 1

AGUMAN 1 3

GROUP A

TEAM W L

MASOK 1 2

UFC 0 2

BATANGAS 0 2

ILONGGO 1 2

ROSARIANS 3 0

IBAANIANS 5 0

TELETAMBAYAN 0 2

GROUP B

Page 11 Volume 14 Issue 27 One community living up the Gospel through the service of the Lord and our fellow men

PHILTRUST TRAVEL CENTER

Now offering PROMO FARES for

Roundtrip Fares from W140,000-460,000

(exclusive of tax)

Roundtrip Tickets to the PHILIPPINES

Handles tickets for Canada, USA, Hongkong,

China, and other Asian Countries

Call Us Now:

Tel. No. 02) 790-1826

Fax No. 02) 790-1827

Mobile No. 010-2871-7782 / 011-9699-7782

Email Address: [email protected]

Start an Easy-to-manage, 24/7-

crowded & Ever-In-Demand

Internet/Gaming Café Business

in Pinas! Call us and we’ll deliver

set-up your dream & best Internet

Café Packages that fits your in-

come, savings or budget right on

your door!

Visit :

http://business.odav-online.com

Contact Us: Odav OnLine Research Café

South Korea: Phone: +82-2-865-8723 (Evening)

Mobile: +82-10-4191-0417 (Anytime)

Philippines: Phone: +63-2-749-3151

Mobile: +63-918-241-7355

ADVERTISEMENTSADVERTISEMENTSADVERTISEMENTSADVERTISEMENTS

Page 12 Volume 14 Issue 27 One community living up the Gospel through the service of the Lord and our fellow men

The new Banpo Park is probably the best place in the city to show

off the colorful and lively Filipino culture - one as diverse as the

archipelago itself.

On Sunday, the Philippine Embassy is holding a series of activi-

ties at the recently opened Banpo Park to celebrate the 111th Philip-

pine Independence Day, the 14th Filipino Migrant Workers Day and

the 60th anniversary of the establishment of diplomatic relations

between both countries.

To bring this festival to fruition, the embassy enlisted the help of

the local Filipino commu-

nity to showcase six of the

most popular street festi-

vals the Philippines has to

offer.

"Lively festivals, with

their energetic and cos-

tumed street dances, are

key tourist attractions in

the Philippines," said Phil-

ippine Ambassador Luis

T. Cruz.

"This year, we will

bring these festivals to

Korea to give the public a

glimpse of the vibrant

history, society and cul-

ture of the Philippines in

hopes of further promot-

ing mutual understanding

between our nations and strengthening people-to-people exchange,"

he added. The featured events will include the Panagbenga, a festival

of flowers; Sinulog, Ati-atihan and Flores de Mayo, religious festi-

vals that underline the importance of Christianity in the Philippines;

Masskarra, a parade of masks; and Kadayawan, a popular thanksgiv-

ing festival in Southern Philippines.

Approximately 300 members of the Filipino community from all

over Korea have volunteered to take part in the street dances, train-

ing for two months under professional instructors sent by the Philip-

pine National Commission for Culture and the Arts.

The street dances will begin at 1:30 p.m. and last for about one

and a half hours.

A mass for the Filipino community will open the festivities in the

morning while a brief recognition ceremony for Korean individuals

and organizations that actively help Filipino workers will take place

after the parade of festivals.

The daylong program will also include labor counseling services

by the Korea Ministry of Labor, a concert by Filipino bands based in

Korea, and free tests and basic medical services by the Seoul Na-

tional University Hospital.

The celebration comes after the state visit of Philippine President

Gloria Macapagal-

Arroyo in Seoul on

May 30, at the

heels of the

ASEAN-Korea

Commemorative

Summit in Jeju on

June 1-2.

During the sum-

mit, Arroyo and

President Lee

Myung-bak agreed

to intensify and

broaden coopera-

tion as both coun-

tries celebrated the

60th anniversary of

diplomatic rela-

tions.

Philippine Na-

tional Day is celebrated every year on June 12 and the Philippine

Migrant Workers Day, an annual celebration in honor of Filipinos

working abroad, in the month of June.

Other organizations that will provide support for the festivities on

Sunday include the Human Resources Development Corporation,

Korea Exchange Bank, Landbank of the Philippines, Metropolitan

Bank and Trust Company, Western Union and Woori Bank.

The celebration is open to the public.

By Yoav Cerralbo ([email protected])

Source: http://www.koreaherald.co.kr/service/print.asp?

tpl=print&sname=National&img=/img/pic/ico_nat_pic.gif&id=200906290055#

Philippines Street Festival Comes to New Banpo Park