+ All Categories
Home > Documents > Kunsensiya

Kunsensiya

Date post: 16-Nov-2015
Category:
Upload: sirrhouge
View: 222 times
Download: 0 times
Share this document with a friend
Description:
Conscience, Values Formation and Types of Conscience
23
Kunsensiya sa tradisyong katoliko
Transcript
  • Kunsensiya sa tradisyong katoliko

  • Pambungad na PanalanginFrom the Gospel of Matthew [Mt 17, 14-20]A man came up to Jesus, knelt down before him, and said,Lord, have pity on my son, who is a lunatic and suffers severely;often he falls into fire, and often into water.I brought him to your disciples, but they could not cure him.Jesus said in reply,O faithless and perverse generation, how long will I be with you?How long will I endure you? Bring the boy here to me.

  • From the Gospel of Matthew [Mt 17, 14-20]Jesus rebuked him and the demon came out of him,and from that hour the boy was cured.Then the disciples approached Jesus in private and said, Why could we not drive it out?He said to them, Because of your little faith.Amen, I say to you, if you have faith the size of a mustard seed,you will say to this mountain, Move from here to there, and it will move.Nothing will be impossible for you.

  • I. Mga Matututunan mula sa Mabuting BalitaSa tuwing kagagalitan ni Hesus ang mga apostol, madalas sa hindi ay ukol ito sa kanilang kinakapos na pananampalataya (little faith)

    Kabalintunaang silang mga nananalig kay Hesus, kanyang mga tagasunod, ang kinagagalitan niyang kinakapos ang pananampalataya!

  • II. Kwadro ng TalakayanAyon kay Tadeusz Dajczer

    (Inquiring Faith, Warsaw, 1992):

    Pagbabagong-loob (conversio) nila ang hangarin ni Hesus sa pagpuna niya sa pananampalatayang kinakapos ng mga Apostol

    Permanente at saligang dimensiyon ng pananampalataya ang conversio

  • Kwadro ng TalakayanKwadro ng talakayan ang siping kaisipan sa itaas ni Tadeusz DajczerLagi nating dapat dinggin ang hangad ni Hesus na pagyamanin at patubuin ang ating pananampalatayaTungkulin natin bilang mananampalataya ang tuwinang conversio / pagbabagong loob

  • III. Pambungad sa KunsensiyaKung nais nating maunawaan ang halaga ng kunsensiya sa buhay kristiyano dapat tandaan ang kwadro na ito ng ating tungkuling laging pagyamanin ang pananampalatayaHuwag limuting saligang katotohanan ng pananampalataya ang conversio o tuwinang pagbaling sa Diyos

  • IV. Ano ang Kunsensiya?(CCC 1776-78)kunsensiya yaong kakayahan nating kilatisin kung ano ang moral na mabuti laban sa masama, kasama dito ang damdamin ng obligasyon: dapat nating gawin ang mabuti at iwaksi ang masama

    -Joseph Roche, S.J. The Christian Commitment of Todays Filipino, Quezon City, 1993

  • katinuang alamin kung ano ang dapat gawinMay kinalaman ang kunsensiya sa:

    katinuan nating nagsisikap na malaman - responsable tayokung ano ang dapat - may kinalaman sa obligasyong moral (obhetibong pamantayan)gawin - may kinalaman sa desisyong umakto

  • V. Mga Problematikong Pagkilala sa KunsensiyaAng Problema ng safeguard,

    hindi lamang tungkol sa pagpili ng sabon ang paksain ng kunsensiya[pinagkakaabalahan ng kunsensiya ang obligasyong moral

    na sumusukat sa tao sa kanyang pinakabuod: mabuti ba siya o hindi?]

    Bagamat isinulat ng Diyos sa puso ng tao ang kunsensiya, hindi tamang tawagin ito bilang tinig ng Diyos (Rom 2, 14-16) [sapagkat nagkakamali ang kunsensiya!]

  • VI.Obligasyong KunsensiyaKung nagkakamali ang kunsensiya, hindi ba natin obligasyong laging sundin ito?Mali. CCC 1849 kasalanan ay pagsalungat sa katinuan, katotohanan at tamang kunsensiya.CCC 1790 Laging dapat sundin ng tao ang kanyang kunsensiya, kung sadyain niyang sumalungat dito, kinokondena niya ang kanyang sarili!Ihambing: komentaryo ni Santo Tomas sa Sentences ni Pedro Lombardo (DH, 11)

  • Obligasyong KunsensiyaNgunit di lamang iyon ang nilalaman ng CCC 1790:

    Maaaring mangyari na ang kunsensiyang moral ay manatiling mangmang at gumawa ng pagpili sa mga kilos na gagawin o nagawa na

    Ihambing: kamangmangan ayon kay Sto Tomas

  • VII Ibat ibang uri ng KunsensiyaSaligang Uri ng kunsensiya ang mabuti at masamang kunsensiya (2Tim 3, 1)

    Ilan sa ilalim ng kinakapos o kundi man ay tahasang masamang uri ng kunsensiya: Callous Conscience (Ruggiero) Perplexed Conscience Erroneous Conscience Scrupulous Conscience

  • VIII. Mga Sanhi ng Namamaling Kunsensiya Sanhi ng mga pagkakamali: kamangmangan kay Kristo at sa Ebanghelyo, masamang halimbawa ng iba, pagiging alipin ng pita ng laman, paninindigang nagmumula sa maling pagtingin sa autonomia ng kunsensiya, pagsalungat sa katuruan ng Simbahan at kanyang autoridad, kakulangan sa pagbabagong-loob at pagmamahal (CCC 1791-92)

  • IX. Ano ang Mabuting Kunsensiya?Ang Mabuting kunsensiya ay ginagabayan ng tunay na pananampalataya, sapagkat ang pagmamahal ay nagmumula din sa pusong malinis at mabuting kunsensiya at tapat na pananampalataya (CCC1794)

  • X. Obligasyon nating Hubugin ang Kunsensiya (CCC 1783-1785)Lagi nating dapat sundin ang kunsensiya sapagkat lagi nating tungkuling hubugin ito!

    Ang pagbibigay edukasyon sa kunsensiya natin ay gampaning panghabambuhayAng pagbibigay edukasyon natin sa kunsensiya ang nagpapalaya sa atin at naghahatid ng kapayapaan ng ating puso

  • XI. Mga Paglilinaw at KwadroMabuting Kunsensiya ay tamang tensiyon sa pagitan ng: ating responsibilidad (o pag-angkin ng pamamaraan natin sa pagpapasya at pag-akto)at obligasyong moral (obhetibong mga batayan ng pananampalataya: gawaing mapagmahal, katotohanan ni Kristo at kanyang Ebanghelyo, paggabay ng Espiritu Santo at katuruan ng Simbahan at pagsaksi ng mga santo)

  • Pagbaling Muli sa KwadroKaya nga po natin sinimulan ang talakayan tungkol sa kunsensiya sa ating kwadro ng pananampalataya nating iniaatas ni Hesus upang pananagutan nating pagyamaninTungkulin nating hubugin at patuloy na patubuin ang pananampalataya sa patuloy nating conversio

  • XII. Kunsensiya at PananampalatayaAng paghubog natin sa ating kunsensiya ay di rin naiiba sa tuwinang conversioSa pagsisikap isabuhay ang pananampalataya nahuhubog natin ang Kristiyanong Kunsensiya (CFC 707)Kakayahang araw araw na magdesisyon para kay Kristo ang Kristiyanong Kunsensiya

  • Kunsensiya at PananampalatayaBagamat pagbibigay gabay din ang paghusga ng kunsensiya sa mga nagawang akto sa nakalipas, pangunahin nitong pinagkakaabalahan ang tamang akto na dapat gawing upang mas maging kung sino tayo (Hinnesbuch, OP)Tinatawagan tayo ng kunsensiya upang tumubo sa pagmamahal at gawin ang mabuti at iwaksi ang masama

  • XIII. Mga Praktikal na GabayMaging alisto sa katotohananHanapin ang Halaga sa likod ng mga PamantayanUnawain kung bakit itinuturo ng Simbahan ang mga katuruan niyaIsabuhay ang mga pagpapahalaga ng mga pamantayan at simbahan sa pinakamainam na pamamaraanMaging mulat sa tuluyang-moral ng ating mga pagpili

  • Mga Praktikal na GabayHuwag balewalain ang mga damdamin gabay din ang mga ito [ang mabuting ginagawa nang may galak ay mas mainam]Bigyang halaga din ang aspektong komunal sa moral na pagpapasya [common good]Magpasya nang may pananampalataya [liwanag ng pananampalataya ay ating gabay - pinalalalim ang ating pagtingin]Hingin ang paggabay ng Espiritu Santo [may dulot na mga handog espiritwal]

  • XIV. Sa pagwawakasAng kunsensiyang di napapatubo sa pananampalataya ay bulagAng pananampalatayang hindi naisasagawa sa mabuting kunsensiya ay hungkag / patay

    Samakatuwid ang ating dalangin patungkol sa kunsensiya:Panginoon dagdagan mo ang aming pananampalataya!

    (Lukas 17,5)