See discussions, stats, and author profiles for this publication at: https://www.researchgate.net/publication/351761203
Lawak ng Pagkatuto ng Mag-aaral Kaugnay sa Paggamit ng Differentiated
Instruksyon
Thesis · March 2020
DOI: 10.13140/RG.2.2.29096.08967
CITATIONS
0READS
79
2 authors:
Jimmy B. Ypon
Department of Education of the Philippines
3 PUBLICATIONS 0 CITATIONS
SEE PROFILE
She Writes
Research Education Department
51 PUBLICATIONS 4 CITATIONS
SEE PROFILE
All content following this page was uploaded by She Writes on 21 May 2021.
The user has requested enhancement of the downloaded file.
Lawak ng Pagkatuto ng Mag-aaral Kaugnay sa Paggamit ng Differentiated Instruksyon
Isang Tesis na Iniharap sa
Lupon ng Paaralang Gradwado ng Unibersidad ng
Foundation
Bahaging Gawaing Kailangan sa Pagtamo ng Titulong
Master of Arts in Education Major in Filipino
Ni
JIMMY B. YPON Marso 2020
Buod
Ang pag-aaral na ito ay pagsusuri sa lawak ng pagkatuto ng mga mag-aaral kaugnay
sa paggamit ng Differentiated instruksyon. Ang mga respondent ng pananaliksik na ito ay
ang piling mga mag-aaral at mga guro na kasalukuyang nagtuturong asignaturang Filipino
na gumamit ng differentiated instruksyon sa kanilang pagtuturo. Ito ay ginawa sa taong
panuruan 2019-2020 sa pampublikong paaralan,lungsod ng Sta. Catalina, Negros Oriental.
Napatunayan sa pag-aaral na ito na malawak ang antas ng persepsyon ng mga mag-aaral
kaugnay sa kanilang pakikilahok, kasanayan, interes, at oportunidad kung ang kanilang
mga guro ay gumagamit ng differentiated instruksyon. Di gaanong malawak naman
nanaranasan ng mga guro ang mga suliranin kaugnay sa dami o bilang ng mga mag-aaral sa
klase, pamamahala sa loob ng klasrum, at paggamit ng kagamitang pampagtuturo sa
panahon na ginamit nila ang differentiated instruksyon. Ang performans ng mga mag-aaral
pagkatapos magamit ang differentiated instruksyon ay natatangi na may kabuuang
86.42%.May significant na kaugnayan sa pagitan ng lawak ng pagkatuto ng mga mag-aaral
sa paggamit ng differentiated instruksyon sa kanilang pakikilahok, at ang kanilang
akademik performans. Subalit walang kaugnayan ang lawak ng kanilang kasanayan,
interes, at oportunidad sa kanilang akademik performans. May significant na kaugnayan sa
pagitan ng problemang nararanasan ng mga guro kaugnay sa dami o bilang ng mga mag-
aaral sa klase at ang akademik performans ng mga mag-aaral. Sa kabuuan, malawak ang
pagkatuto ng mga mag-aaral gamit ang differentiated instruksyon.
Mga susing salita: Differentiated instruksyon, lawak ng pagkatuto
Pasasalamat
Taos pusong pinasasalamatan ng mananaliksik ang mga sumusunod na indibiduwal
sa kanilang di matatawarang kontribusyon, tulong, suporta na kanilang ipinagkaloob upang
matagumpay na maisagawa ang pananaliksik na ito:
Sa Unibersidad ng Foundation, na nagging tulay upang mapalawak at mapaunlad
pa lalo ang kanyang kaalaman, galing, at talent sa akademikong larangan na magagamit
niya sa kanyang propesyon at sa pang-araw-araw na buhay. Ang mananaliksik ay lubos na
nagpapasalamat.
Dr. Cristina P. Calisang, tagagabay ng mananaliksik para sa kanyang walang
hanggang pasensya, pagtitiyaga, pagbabahaging kanyang kaalaman, at pagtatama ng mali
upang mabuo ang tesis na ito. Ang inyong kabaitan at paghikay at sa mananaliksik na mag
pursigesapag-aaral na ito ay lubos pong pinasasalamatan sa di matutumbas ang
kagandahang-loob na iyong ipinamalas sa mananaliksik. At kung di dahil sa inyo hindi
maging possible ang pag-aaral naito.
Dr. Maria Chona Z. Futalan, estatistisyan at isa sa mga nagbigay ng paalala, payo, at
suhestiyon sa ginawang pananaliksik upang ganap na maisakatuparan ang pag-aaral na ito.
Ang mananaliksik ay lubos na nagpapasalamat at tumanaw ng utang na loob sa di
makalilimutang kontribusyon sa ginawang pananaliksik.
Sa mga panelista: G. Jasper Eric C. Catan, G. Felipe Sullera, Jr. at Gng. Milagros
Ruiz, na nagbahagi ng kanilang kaalaman at kakayahan sa pagtatama sa mga mali ,
pagtulong upang maisakatuparan ang tesis na ito.
Senen Precillio P. Paulin, CESO V, pansangay na tagapamanihala ng mga paaralan
Dibisyon ng Negros Oriental at sa lahat ng mga tagamasid ng mga paaralan, at mga
punongguro, ang mananaliksik ay nagpapasalamat sa pahintulot na ibinigay upang
puspusang maisagawaang pananaliksik na ito.
Sa mga Guro at Mag-aaral na nagging respondent ng pananaliksik at naglaan ng
kanilang oras at masigasig na nakilahok sa pagsagot nang tapat sa sarbey kwestyoneyr, at
pagbigay ng mga impormasyon na kinakailangan sa tesis na ito, maraming salamat po sa
inyong di matatawarang kabaitan. Kung wala ang inyong kooperasyon hindi mabuo ang
pananaliksik na ito.
Sa kanyang mga kaibigan at kasamahang guro na tumulong din sina: Bb. Kathleen
Jane S. Olis, G. Jake Veloso, Bb. Krestil Joy N. Salamoding, at Bb. Amecia Ray D.
Mamigo, na nagsilbing inspirasyon at lakas ng mananaliksik upang matapos at
matagumpayan ang hamong ito.
Higit sa lahat, sa Poong Maykapal nanagbigay talino, lakas, gabay, at pagpapala sa
kanyang buhay upang maisakatuparan ang pananaliksik na ito.
Muli, sa kaibuturan ng kanyang puso, maraming salamat po sa inyong lahat.
G. JIMMY B. YPON Mananaliksik Unibersidad ng Foundation, 2020
Talaan ng Nilalaman
Blg. Pahina
Pamagat __________________ i
Talaan ng Nilalaman __________________ ii
Talaan ng mgaFigyurs __________________ iii
Kabanata I: Ang Suliranin at Kaligiran Nito
Introduksyon __________________ 1
Teoritikal na Balangkas ng Pag-aaral __________________ 7
Rebyung Kaugnay na Literatura at Pag-aaral __________________ 8
Konseptwal na Balangkas ng Pag-aaral __________________ 19
Paglalahad ng Suliranin __________________ 19
Paglalahad ng Hinuha __________________ 20
Kahalagahan ng Pag-aaral __________________ 20
Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral __________________ 22
Saklaw ng Pag-aaral __________________ 22
Limitasyon ng Pag-aaral __________________ 22
Pamamaraan ng Pag-aaral __________________ 23
Disenyo ng Pananaliksik __________________ 23
Kaligiran ng Pananaliksik __________________ 23
Respondente ng Pananaliksik __________________ 24
Instrumento ng Pananaliksik __________________ 25
Pamamaraan ng Pananaliksik __________________ 25
Estadistikal na Tritment ngDatos __________________ 25
Katuturan ng mga Katawagang Ginamit __________________ 28
Kabanata II: Presentasyon, Analisis, at
Interpretasyon ng Datos __________________ 29
Kabanata III: Buod sa mga Natuklasan, Kongklusyon, at
Rekomendasyon __________________ 48
Pagbanggit muling Suliranin __________________ 48
Buod sa mga Natuklasan __________________ 49
Kongklusyon __________________ 51
Rekomendasyon __________________ 51
Sanggunian __________________ 53
Apendiks __________________ 58
Kurikulum Vitae __________________ 65
Talaan ng Talahanayan
Blg. Ng Talaan Pamagat Blg. Pahina
1.1 Lawak ng Tinginng mga Mag-aaral Kanilang
Pakikilahok kung ang Kanilang Guro ay
Gumagamit ng Differentiated Instruksyon __________________29
1.2Lawak ng Tingin ng mga Mag-aaral sa Kanilang
Kasanayan kung ang Kanilang Guro ay Gumagamit
Ng Differentiated Instruksyon __________________31
1.3Lawak ng tingin ng mga Mag-aaral sa Kanilang
Interes kung angKanilang Guro ay Gumagamit
Ng Differentiated Instruksyon __________________ 33
1.4Lawakng tingin ng mga Mag-aaral sa Kanilang
Oportunidad kung ang Kanilang Guro ay
Gumagamit ng Differentiated Instruksyon __________________ 35
1.5Talaan ng Buod Lawak ng tingin ng mga
Mag-aaral kung ang Kanilang Guro ay
Gumagamit Differentiated Instruksyon __________________ 36
2.1 Lawak na Nararanasan ng mga Guro sa
Suliranin sa Bilang ng mga Mag-aaral
Pagkatapos Gamitin ang Differentiated Instruksyon __________________ 37
2.2Lawak na Nararanasn ng mga Guro sa
Suliranin sa Pamamahala Sa Loob ng
Klasrum sa Panahon na Ginamit ang
Differentiated Instruksyon __________________ 39
2.3LawaknaNararanasanngmgaGurosa
Suliranin sa Kagamitang Pampagtuturo
sa Panahon na Gamitin ang Differentiated
Instruksyon __________________ 40
2.4Talaan ng Buod ng Lawak na Nararanasan
ng mga Guro sa Panahon ng Paggamit ng
Differentiated Instruksyon __________________ 42
3Performansngmga Mag-aaral Pagkatapos
Ginamit ng Guro ang Differentiated
Instruksyon sa Kanilang Pagtuturo __________________ 43
4 Kaugnayan sa Pagitan ng Lawak ng Pagkatuto
ng Mag-aaral Kaugnay saPaggamit ng Differentiated
Instruksyon at ang Kanilang Performans __________________ 44
5 Kaugnayan sa ProblemangKinakaharap
ng mga Guro at ang AkademikPerformans
ng mga Mag-aaral __________________46
Listahan ng Figyurs
Figyur Blg. Pahina
1 Teoritikal na Balangkas ng Pag-aaral __________________ 7
2 Konseptwal na Balangkas ng Pag-aaral __________________ 19
Kabanata I
Ang Suliranin at Kaligiran Nito Introduksyon
Naniniwala ang bawat indibidwalna sa pamamagitan ng edukasyon nagkaroon ng
pagbabago sa sarili at sa kanyang lipunang kinabilangan. Kaya’t malaking hamon ang
kinaharap ng mga guro at ng mga namahalasakurikulum, dahil nakasalalay ang tagumpay
ng bawat mag-aaral sa kanilang puspusang paghahanda tungo sa ikauunlad ng bawat mag-
aaral na magagamit nila sa reyalidad at sa pang-araw-araw na pamumuhay.Sa kasalukuyan,
ang mga guro ay naghahanap ng alternatibong pamamaraan ng pagtuturo gamit ang
teknolohiya at iba pang kagamitang pampagtuturo na makatulong sa pagpukaw ng interes
at pagpapaunlad ng kakayahan ng bawat mag-aaral sa pamamagitan ng paggamit ng
differentiated instruksyon ng mga guro.
Sinasabing ang paggamit ng differentiated instruksyon ay angkop para sa pagtuturo
ng mga guro lalo na ito ay may malaking benepisyo para sa mga mag-aaralsapagtamong
pagkatuto. Ang mag-aaral ay inaasahang nakapagpapakita ng iba’t ibang abilidad, estilo ng
pagkatuto, antas ng kanilang performans, preperensya, at maging sa kanilang kagustuhan
upang makamit ang kani-kanilang pangangailangan at nalalaman sa loob ng paaralan na
magagamit nila sa totoong buhay(Bender, 2012).
Kinilalasadifferentiated instruksyon ang halaga ng bawat indibidwal at ito ay
nagbigay-daan sa mga mag-aaral upang maipakita kung ano ang kanilang nalalaman,
nauunawaan, at kung ano ang kanilang kayang gawin sa pamamagitan ng pagbibigay ng
iba’t ibang gawain na angkop para sa kanila (Adami, 2004). Ang differentiated instruksyon
ay isang dulog ng pagtuturo na nakapagbigay ng maraming benepisyo sa mga mag-aaral.
Ang epektibong paggamit ng differentiated instruksyon ayiniangkop upang tukuyin
ang kahandaan at kolaborasyon sa pagitan ng mga guro at mga mag-aaralkaugnay sa
kanilang pagkatuto. Ito rin ay nakatulongsa mga mag-aaral na maging self-
directed,malikhain, at nakatutugon sa kontekstuwal na paghahanap ng kaalaman sa
pamamagitan ng simulain at konsepto (Pham, 2012).
Sa katunayan, ang paggamit ng differentiated instruksyon ay epektibong
kasangkapan sa pagtuturo upang tukuyin ang pagkakaiba-iba ng bawat mag-aaral kabilang
na ang kaalamang kanilang natutuhan at batay na rin sakanilang sariling karanasan.
Nakatulong din ang differentiated instruksyonsapagtugonsa mga pangangailangang pang-
akademiko at pangkasanayanng bawat mag-aaral, at magagamit nila ito bilang sandata sa
iba’t ibang uri ng hamon na kinakaharap sa larangan man ng pagkatuto o sa totoong buhay.
Sa mataas na antas ng edukasyon, ang pagtuturo ng mga guro ay mas naging
komplikado at maraming kinaharap na hamon, kabilang na ang dami ng bilang ng mga
mag-aaral ng bawat paaralanat ang tinatawag na “one size-fits-all”. Ito ay napatunayan na
hindi epektibo sa pagkatuto ng mga mag-aaral (Pham, 2012).
Sa kasalukuyan, ang paggamit ng differentiated instruksyon ay hindi pa lubusang
nagagamit sa primarya, sekondarya, at maging sa kolehiyo kahit marami nang mga patunay
at ebidensya na mas natututo ang mga mag-aaral kung ito ay epektibong nagagamit ng mga
guro sa kanilang pagtuturo (Chamberlin & Powers, 2010).
AngEdukasyon Para sa Lahat (EFA) (2015) ay isang holistikong programa at
reporma na ang layunin ay paunlarin ang kalidad ng mga mag-aaral at magiging batayan
ang edukasyon para sa lahat ng Pilipino sa taong 2015. Sa pamamagitan ng programang ito,
ang gobyerno ng Pilipinas ay nakatuon sa pagpapaunlad ng kalidad ng edukasyon sa lahat
ng antas ng paaralan at unibersidad (Philippine Education for All, 2015).
Ang pagtuturo sa mga mag-aaral ay itinuturing na malaking hamon para sa mga
edukador. Kailangang isaisip kung paanonito maisakatuparan ang pangangailangan ng
bawat mag-aaral. Bago siya magtagumpay sa kanyang pagtuturo, kailangan niya munang
kilalanin ang bawat kalakasan at kahinaan ng kanyang mag-aaral upang matagumpay
niyang maisakatuparan ang mga binabalak na gawain sa loob ng klase. Ang mandatong
“Edukasyon Para sa Lahat” ay napakalaking hamon na nakaatang sa mga balikat ng mga
guro dahil kailangan nilang tugunan ang mga pangangailangan ng iba’t ibang uri,
kapasidad, kalakasan, at kahinaan ng mga mag-aaral.
Walang iisang perpekto at epektibong pamamaraan at dulog ang pwedeng gamitin
para sa lahat ng uri ng mga mag-aaral, kaya kailangan ng guro na gumamit ng iba’t ibang
pamamaraan at instruksyon batay sa kapasidad ng kanyang mga mag-aaral. Sa
obserbasyon ng mananaliksik, wala pang gaanong pag-aaral na nakatuon sa paggamit ng
differentiated instruksyon sa pagpapalawak ng pagkatuto sa pagtuturo ng Filipino.
Ang pag-aaral na itoay may layuning masuri ang lawak ng pagkatuto ng mga mag-
aaral kaugnay sa paggamit ng differentiated instruksyon sa pagtuturo sa loob ng klasrum at
epektibo ba ito para sa mga mag-aaral upang mas lalo pang mapaganda ang pagtuturo ng
mga guro at mahasa ang bawat indibidwal. Ninanais din ng mananaliksik na matukoy ang
mga problemang kinakaharap ng mga guro sa kanilang pagtuturo gamit ang differentiated
instruksyon.
Sinisiguro rin ng mananaliksik na matukoy ang kahalagahan ng pamamaraang
differentiated instruksyon sa pagtuturo at kung may kaugnayan ba ito sa kanilang
akademik performans.
Teoritikal na Balangkas ng Pag-aaral
Sa pag-aaral na ito, minarapat ng mananaliksik na gamitin ang teoryang Sosyo-
Kultural ni Lev Vygotskyat teoryang Konstraktibismo ni Jean Piaget.
Teoryang sosyo kultural. Isang pilosopiya na nakabatay sa teorya ni Vygotsky.
Siya naniniwala na sa teoryang ito ang kaalaman ng isang mag-aaral ay dumaan sa
tinatawag na sosyal na proseso. Bukod pa rito, ipinaliwanag din na ang katalinuhan ng
bawat mag-aaral ay nagsisimula sa kanyang pagkatuto. Ang teoryang sosyo-kultural ay may
tatlong prinsipyo at ito ay ang mga sumusunod na konsepto: (1) Zone of Proximal
Development, (2) Interaksyon Sosyal, at (3) The More Knowledgeable Others o MKO.
Zone of proximal development (ZPD).Ayon kay Vygotsky, ang kaalaman ng isang
mag-aaral ay nangyayari sa tinatawag na ZPD o Zone of Proximal Development na kung saan
nakilala niyaang sarili sa pagitan ng kanyang aktwal na karanasanat potensyal na matuto
na magagamit niya sa totoong buhay sa tulong din ngmga nakatatanda at kolaborasyon sa
mga taong may sapat na kaalaman o dalubhasa (Schunk, 2012).
Ayon kay McLeod (2019) ang Zone of Proximal Development ay tumutukoy sapagitan
ng anong kayang matutuhan ng mag-aaral nang walang patnubay at ng anong kaya niyang
makamtan at matutuhan nang may patnubay at pagpupursige mula sa may sapat na
kaalaman. Ang terminong “proximal”sa gayon, ay yaong mga kakayahan na “malapit” nang
mahahasa ng mga mag-aaral.
Ayonnaman kaySchunk (2012) ang ZPD ay nagrepresenta sa bilang ng kaalamang
nakukuha ng bawat mag-aaral. Ang una at pangunahing rason kung bakit naniwala siya na
ang ZPD ni Vygotsky ay angkop para sa kanyang di pagsang-ayon ay dahil sa dalawang
praktikal na isyu o suliranin sa pang edukasyong sikolohiya sa loob ng paaralan.
Ang unang problema ay ang pagtatasa sa mga mag-aaral sa kanilang intelektwal na
abilidad at pangalawa naman ay ang pagsusuri sa mga instruksyonal na gawi. Naniniwala
siya na dapat hindi lamang masusukat sa pagsubok ang bawat mag-aaral batay sa kanyang
mga nagawasubalit mas mahalaga na pahalagahan din ang potensyal na pag-unlad ng isang
mag-aaral sa loob ng paaralan gamit ang differentiated instruksyon (Verenikina, 2010).
The More knowledgeable other (MKO). Ang More knowledgeable other o mas
kilala bilang (MKO) ay tumutukoy sa isang indibidwal na may kakayahang umunawa at
may mataas na abilidad o sapat na kaalaman sa isang partikular nagawain ng mag-aaral
(Kozulin, 2003). Si Anastacia (2016) naman ay nagpahayag at naniwalana ang kaalamang
nakukuha ng mag-aaral mula sa MKO ay naging epektibo at may malaking kontribusyon sa
kanilang sariling pag-unlad.
Ang MKO ay maaaringkanilang mga guro, magulang, kaibigan o mga taong
dalubhasa atmay sapat na kaalaman at karanasan. Ipinahiwatig pa ng may-akda nalaganap
ang paggamit ng teknolohiya sa kasalukuyanlalong-lalo na sa larangan ng paguturo na
nakatulong sa mga mag-aaral na mas mapalawak pa ang kanilang kaalaman. Ang MKO ay
nagiging daan upang mas mapapaunlad pa ang kanilang kakayahan at magiging kompetent
ang bawat indibidwal sa loob at labas ng paaralan.
Interaksyong Sosyal. Ayon kay Vygotsky (1978), ang kahalagahan ng pagkatuto ng
isang mag-aaral ay nangyarisa pamamagitan ng sosyal na interaksyon sa mga taong may
sapat na kaalaman. Tinukoy ni Vygotsky na ang sosyal na interaksyon ay isang kooperatibo
at kolaboratibong pakipag-usap sa pagitan ng kanyang mga guro, magulang, at kaibigan na
kadalasang nakakuha ng impormasyon gamit ang kanilang natutuhan.
Teoryang konstraktibismo. Ayon kay Piaget (1983), nagkaroon ng pagkatuto ang
tao at gumawa ng kabuluhan batay sa kanyang mga karanasan sa buhay. Naipamalas ito sa
pagtuturo sa pamamagitan ng pagbigay ng tuon sa mag-aaral. Nagkaroon siya ng mga
bagong pagkatuto gamit ang mga tanong ng guro at ng kanyang malikhaing paraan kabilang
na ang pakilahok sa talakayan sa klase.
Ang teoryang Konstraktibismo sa sikolohiya ay isang hanay ng mga teoryang
nagpatunay na ang mga tao ay nagtataglay ng kanilang sariling pag-unawa at kaalaman
tungkol sa mundo sa pamamagitan ng sariling karanasan. Naniwala rin si Piaget na ang
wika at pag-aaral ay may intrinsik na kaugnayan.
Ang dalawang nabanggit na teorya ay kapwa naniniwala na maging posible lamang
ang pagkatuto ng mga mag-aaral kung naihanda ang tamang mga kagamitan at may
malinaw na interaksyon, patnubay, at gabay ng mga guro gamit ang differentiated
instruksyon. Samakatuwid, ang interes at akademik performans ng mga mag-aaral ay mas
lalong lalawak at uunlad at napagagana ng mga guro sa tulongng mga dulog at
pamamaraang nakapanghikayat.Nakasalalay sa mga dalubhasang guro ang pagkaepektibo
ng paggamit ng mga dulog at estratehiya sa pagtuturo at pagkatuto, kayaakma lamang na
gamitin sa pag-aaral na ito ang mga teoryang nabanggit sa itaas. Ipinakita sa sunod na
pahina ang balangkas ng teoryang ginamit.
Figyur 1. Teoretikal na Balangkas ng Pag-aaral batay sa Teoryang Sosyo-Kultural at
Konstraktibismo nina Lev Vygotsky at Jean Piaget
Zone of Proximal Development
Teoryang Sosyo Kultural (Lev Vygotsky)
Teoryang Konstraktibismo (Jean Piaget)
Pagpapaunlad ng Paggamit ng Differentiated Instruksyon
Lawak ng Interes sa Pagkatuto
The More Knowledgeable
Other
Interaksyong Sosyal
Rebyu sa Kaugnay na Literatura at Pag-aaral Ang seksyon na ito ay naglalaman ng mga kaugnay na literatura at pag-aaral na
naglalarawan sa paggamit ng differentiated instruksyon.
Differentiated instruksyon. Isang estilo ng pagtuturo na nakapagbigay sa mga
mag-aaral ng oportunidad na maipamalas ang kanilang galing at talento na makatulong na
mahubog ang potensyal ng bawat isana naayon sa hilig, interes , at ang pangangailanganng
mga mag-aaral sa loob ng silid-aralan. Ang mga gurong walang sapat na kamalayan sa
pagtuturo ng iba’t ibang estilo o preperensiya ng mga mag-aaral ay kadalasang nagtuturo
sa pamamaraang pinipigilan ang kakayahan ng mga mag-aaral mula sa paggawa ng
pinakamahusay na gawaing pampaaralan at produkto na magagamit sa pang-araw-araw na
pamumuhay(Morgan, 2014).
Ang differentiated instruksyon ay isang pamamaraan sa pagtuturo na ang layunin ay
matugunan at matulungan ang mga mag-aaral sa loob ng klasrum na maipamalas ang
kanilang kakayahan at kasanayan. Binanggit ni Tomlinson sa kanyang pag-aaral kaugnay sa
paggamit ng differentiated instruksyon na ang gurong gumagamit ng pamaraangito ay
nagbibigay ng alternatibong pamamaraan sa bawat mag-aaralupang mas mapadali o
mapabilis ang proseso ng kanilang kaalaman (Tomlinson, 2014).
Sa ginawang pag-aaral nina Valiandes (2015), Konstantinou-Katzi et. al. (2013), at
Dosch at Zidon (2014), ipinahayag nila na ang problema sa pagkakaiba-iba ng mga mag-
aaral ay masulusyonan sa pamamagitan ng paggamit ng differentiated instruksyon.
Napatunayan sakanilang pag-aaral na nakatutulong nang lubusan ang paggamit ng
differentiated instruksyon kumpara sa mga mag-aaralna napabilang sa tinatawag na non-
differentiated instruksyon.
Saginawang pag-aaral nina Konstantinou-Katzi et. al. (2013), napatunayan na ang
differentiated instruksyon ay epektibo para sa pagpaunlad ng kakayahan ng bawat mag-
aaral lalong-lalo na sa kanilang akademik performans. Bawat mag-aaral ay naniniwalang
napahusayang kanilang kakayahansa pamamagitan ng motibasyon at pakikilahok sa
talakayan at gawaing iniatas ng guro.
Sa pag-aaral naman nina Maeng at Bell (2015), Robinson, Maldonado, at Whaley
(2014), at Wan (2016) ay napatunayan na may positibo at magandang naidudulot sa bawat
mag-aaral ang paggamit ng differentiated instruksyon sa kanilang pagtuturo. Ang mga
gurong gumagamit nito sa kanilang pagtuturo ay naniniwala na susi ito sa tagumpay ng
bawat mag-aaral.
Pakikilahok ng mag-aaral. Isa sa mga pangangailangan ng bawat mag-aaral ay ang
pakikilahok sa talakayan ng guro kabilang na ang gawaing pampaaralan. Isa itong aspeto na
dapat taglayin ng bawat mag-aaral upang magkaroon ng mas malawak na ideya at kaisipan
kung ano ang kanyang naunawaan sa loob ng silid-aralan.
Ang pakikilahok ng mga mag-aaral sa loob ng klasrum ay nakatutulong sa mga guro
upang matasa nila ang kakayahan ng bawat isa sa kung ano ang kanilang naintindihan
kaugnay sa paksang tinalakay. Itinuturing din itong kritikal na proseso dahil kailangang
siguraduhin ng mga guro ang kinalabasan sa kaalamang kanilang natamo sa loob ng
klasrum at mahasa ang kanilang abilidad sa pamamagitan ng pakikilahok sa talakayan at sa
mga gawaing ibinigay ng guro at maipakita ang kanilang kompyansa sa sarili.
Sa ginawang pag-aaral ni Rocca (2010), binanggit na kung maayos na nakilahok ang
mga mag-aaral sa loob ng klase at sa mga talakayan ng guro ay siguradong maisakatuparan
ang tinatawag na ‘higher order thinking skills’.Ang mag-aaral na nakikilahok sa daloy ng
talakayan ay nakapagpakita rin ng kakayahan sa larangan ng komunikasyon at
pakipagtalastasan sa kapwa mag-aaral, guro, at mga pangkatang interaksyon.
Student engagement. Gaya ng binanggit ni Dewey na ang progresibong guro at ang
paaralan na kinikilalang pangalawang tahanan ay kailangang nakahikayat sa mga mag-
aaral na matuto at makabuo ng mataas na interes sa bawat nakadisenyong aralin upang
matugunan ang pag-unlad at pangangailangan ng bawat mag-aaral at maging kahali-halina
ito para sa mga mag-aaral habang nasa pagproseso ang mga ito ng kanilang aralin.
Ayon kina Clark at Hofer (2012)na nakasaad sa “Rooted in Dewey’s Social
Constructivism, na ang paggamit ng differentiated instruksyon ay isang paraan na
nakahikayat sabawat mag-aaral na makilahok sa mga gawaing inihanda ng mga guro tungo
sa kanilang pagkatuto. Ang bawat mag-aaral ay may malaking papel sa kognitibong proseso
sa kanilang pag-aaral upang mas mapalawak pa ang kanilang pagkaunawa sa
kumbersasyon at magkaroon ng kolaboratibo at pakipagtulungan sa pagitan ng guro’t mag-
aaral at sa kapwa mag-aaral.
Interes ng mag-aaral. Ang interes ay tinukoy naisang nakatawag pansin,
pagkamausisa, at pakikilahok ng mga mag-aaral (Tomlinson & Imbeau, 2010). Kung ang
isang tao ay interesado sa kahit na anumang bagay na nanaisin niya lalong-lalo na ang
pagkatuto, matatamo niya ito lalo na kapag nagkaroon siya ng motibasyon sa sarili at sa
tulong ng kaniyang nakuhang kaalaman sa loob at labas ng paaralan. Ang layunin ng
interest differentiationay tulungan ang bawat mag-aaral na makalalahok at makakukuha ng
bagong impormasyon, makauunawa, at may kakayahang makakonekta sa mga bagay-bagay
na posibleng may kaugnayan sa pang-araw-araw na pamumuhay at kapaki-pakinabang sa
bawat isa.Ito aykaraniwang nakadugtong sa bawat mag-aaral kabilang na ang kanilang
kalakasan at kahinaan, kontekstong kultural, mga tanong, personal na karanasan, at
pangangailangan ng bawat isa.
Bilang ng mga mag-aaral. Ang pagtuturo sa isang klasrum na punong-puno at may
malaking bilang ng mga mag-aaral ay nakapagdudulot ng isang napakalaking hamon at
banta sa mga guro. Ito ay may posibilidad na makaapekto sa kaalaman ng bawat mag-aaral
at mahirapan ang mga gurosapagproseso ng kaalaman. Ito ay posibleng hindi na
produktibo at mahirapan ang mga guro sa paglipat ng kaalaman sa bawat mag-aaral.
Ang mga guro naman ay nahihirapan din at hindi kayang gamitin ang iba’t ibang
pamamaraan kahit na gumamit pa ito ng mga retorikal na pagtatanong at mga gawaing
nakatutulong sa bawat mag-aaral. Sa katunayan, ang mga guro ay nanatili pa rin sa
tinatawag natalk-chalk na pamamaraan sa kanilang pagtuturo (Opoku-Asare, Agbenatoe, &
DeGraft-Johnson, 2014).
Sa ibang bansa tulad ng bansang nasa katimugang bahagi ng Afrika ay inirekomenda
ng mga dalubhasa na ang proporsyon sa isang klasrum ay dapat nasa 40 ang ratio sa
primarya at sa sekondarya naman ay 35(Motshekga, 2012). Gayunpaman, may iba pa ring
paaralan sa nasabing bansa ang hindi sumusunod dahil sa dami ng mga mag-aaral sa loob
ng isang klasrum at nahirapan ang mga guro sa kanilang pagtuturo.
Sa labis na bilang ng mga mag-aaral sa loob ng isang klasrum o mas kilala
bilangovercrowded classroom, kahit na sa gitna ng pagsubok, nakikipaglaban pa rin ang mga
guro at hindi nagpapatinag sa kanilang tungkuling turuan ang mga mag-aaralna naayon sa
kanilang sinumpaang tungkulin sa mga mamamayan at sa bayan. Kung pag-uusapan ang
laki o bilang ng mag-aaral sa loob ng isang klasrum, naniniwala pa rin silang hindi ito
balakid sa kanilang pagtuturo at hindi naaapektuhan ang kaalaman ng bawat mag-aaral
(KEZI 9 News, 2012).
Noong Marso 2013, isang dokumento na pinamagatang ‘Policy Brief’ (Modisaotsile,
2012), isang kahilingang magkaroon ng isang seminar workshop o pagsasanayang mga guro
kaugnay sa paggamit ng differentiated instruksyon (DI) at iba pang pamamaraan sa
pagtuturo upang mahanapan ng solusyon ang mga problemang kinakaharap ng guro
kaugnay sa overcrowded klasrum at kung papaano ito masulusyunan at matugunan.Ang
rasonkung bakit unti-unti nang kinilala sa bansang Pilipinas ang paggamit ng DI ay dahil
napatunayan itong epektibo sa ibang bansa lalo na sa mga malalaking klase.
Ang pagtuturo sa labis na dami ng bilang ng mag-aaral sa isang klasrum ay
pangunahing suliranin na kinakaharap ng isang guro at kinakailangan niyang maglaan ng
maraming oras sa paghahanda para sa kanyang aralin. Ayon kay Imtiaz (2014) at Mustafa
et al. (2014), ang mga gurong nagtuturo sa labis na bilang ng mag-aaral ay kailangang
maglaan ng oras sa kanyang pagtuturo upang hindi masayang ang oras dahil may
posibilidad na nakapokus na lamang sa mga administradong gawain gaya na lamang ng
pagtsek ng atendansat pagdisiplinasa mga mag-aaral at kadalasan itong naubusanna
lamang ng oras at naapektuhan ang kaalaman ng bawat mag-aaral.
Sa mga problemang kinakaharap ng mga guro dahil sa dami ng bilang ng mag-aaral
sa loob ng isang klasrum,napatunayan ng ilang mananaliksik na magiging teacher-centered
lamang ang pagtuturo dahil ayaw na nila na lalong gumulo pa ang kanilang klase. Ang
resulta nito ay magigingpassive ang mga mag-aaral, malilimitahan ang kolaborasyon, at ang
pagmumulan ng kaalaman ay sa iisang direksyon lamang (Mustafa et al., 2014).
Kailangang hikayatin ang mga mag-aaral na maganyak na makilahok sa mga
gawaing pangklasrum at magkaroon din ng indibidwal na gawain upang mas mapalawak
pa ang kanilang pagkatuto. Kung ang bawat paaralan ay susunod sa inerekomendang bilang
sa loob ng isang klasrum, siguradong matamo ng bawat mag-aaral ang kaalamang kanilang
inaasam-asam at madebelop pa lalo ang kanilang kakayahan kabilang na ang
kanilangakademik performans.
Ang pag-aaral na ito ay suportado nina Ikediaskhi at Amaechi (2012), na kung
masusunod ang tamang bilang ng mag-aaral sa loob ng klasrum ay magkaroon ng
magandang sistema at kalidad na edukasyon. Naniniwala ang mga may-akda sa kanilang
ginawang pag-aaral at kabilang na ang isa sa mga paaralan ngbansang Nigeria na ang labis
na dami ng bilang sa loob ng isang klasrum ay mahirap at nagdulot ng malaking problema
sa pagkatuto ng bawat mag-aaral.
Sa paghahambing ng mga may-akda sa kanilang ginawang pag-aaral, lumabas na
mas nakalalamang ang mga mag-aaral na napabilang sa maliit na bilang dahil naging
maganda at maayos ang kanilang akademik performans kumpara sa grupo ng mga mag-
aaral na napabilangsatinawag na overcrowded klasrum. Napatunayan din sa kanilang pag-
aaral na kung labis o sobra ang bilang ng mga-mag-aaral sa isang klasrum ay talagang
naapektuhanang akademik performans dahil sa masamang asal o pag-uugali na hindi
kayang kontrolin ng guro. Nahihirapan ang mga guro sa pagpapatupad ng tamang disiplina.
Ang mga mag-aaral na napabilang sa tama o eksaktong bilang, sa pangkalahatan ay mas
nakalalamang ang performans nito kaysa sa mga mag-aaral na napabilang sa tinatawag na
‘overcrowded klasrum (Cortes, Moussa at Weinstein, 2012).
Ayon sa mga mananaliksik, ang bawat mag-aaral na napabilang sa maliit na bilangay
hindi nakaranas ng mga problema gaya ng pagkaputol sa pagtalakay ng paksang aralin
kung may iskandalo o away ng kapwa mag-aaral. Ang pakikilahok sa iba’t ibang gawaing
ibinigay ng guro sa mga mag-aaral na napabilang sa maliit na bilang ay may malaking
ambag sa kanilang pagkatuto, kabilang na ang kanilang mga iskor o nakuhang marka
(Cortes, Moussa, at Weinstein, 2012)
Pamamahala sa klasrum. Ang silid-aralan ay isang lugar na itinuturing na
pangalawang tahanan ng mga mag-aaral. Nakasalalay rito ang kanilang kaalaman. Ito ay
idenisenyo upang gawing pundasyon ng mga mag-aaral para sa kanilang kaalaman sa
pamamagitan ng pagtuturo ng guro(Akinwumiju & Agabi 2008) at (Agabi, et al., 2013).
Ang klasrum ay isa sa mga pasilidad na kailangan sa bawat paaralan.Ito ay
napakahalaga dahil malaking problema ang kaharapin ng gurokung wala ang mga ito at
may posibilidad na hindi maproseso ang inaasahang kaalaman ng bawat mag-aaral kung
hindi sila komportable. Higit sa lahat kailangang kaaya-aya ito sa mga mag-aaral at may
maayos na kapaligiran at pasilidad upang mas madebelop pa ang kanilang kaalaman at
kakayahan (Agabi et al., 2013).Ang silid-aralan din ang nagsisilbing kanlungan sa panahon
ng sakuna gaya na lamang ng lindol, baha, at masamang panahon.
Ang silid-aralan ay kailangang may sapat na kagamitan, kabilang ang mga upuan,
kagamitang pampagtuturo, at mga babasahin o libro na mas lalong makatutulong sa mag-
aaral upang mahasa tungo sa malalimang pagkatuto.Dagdag pa, kailangang ito ay malinis,
organisado at may layuning makapagbigay ng sapat na pangangailangan ng mag-aaral sa
panahong may gusto silang gawin sa loob ng klasrum at malaya silang makagagawa ng
kanilang gawaing pampaaralan (Akinwumiju & Agabi 2008).
Ang pamamahala sa loob ng klasrum o silid-aralan ay tumutukoy sa kabuuang
bilang ng plano at unang priyoridadng bawat guro bago ang talakayan dahil hinikayat din
nito ang bawat mag-aaral na mas magkaroon ng interes na pumasok at makikilahok sa
talakayan kung ang paligid ay malinis at kaaya-ayang pagmasdan (Akinwumiju & Agabi
2008).
Tinukoy ninaMecreary (2010) Agabi, Onyeieke at Wali, (2013) na ang pamamahala
sa loob ng silid-aralan ay isang paraan o proseso upang mapadali ang paglipat ng kaalaman
sa mga mag-aaral. Sumang-ayon din ang mga edukador nakailangang panatilihin ng bawat
guro ang kalinisan sa loob ng klasrum upang mas maganyak pa lalo ang mga mag-aaral na
pumasok sa paaralan at maiangat ang kanilang kaalaman at kahusayan.
Ang tagumpay sa sistema ng edukasyon ay nakasalalay at nakadepende sa
epektibong pamamahala ng guro sa loob ng klasrum(Martin & Sass, 2010).Ayon kay Bassey
(2012), ang pamamahala ng mga guro sa loob ng klasrum ay nakapagdagdag ng
pakikilahok at engagement sa mga mag-aaral atnagkaroon ng responsibilidad sa kanilang
pag-aaral at napaunlad pa ang kanilang akademik performans.
Kagamitang pampagtuturo. Ang paggamit ng kagamitang pampagtuturo ay isang
paraan upang mailahad ng guro ang paksa sa maayos at komprehensibong paraan at
magkaroon ng progresibong kaalaman ang mga mag-aaral. Ang paggamit ng iba’t ibang
paraan sa pagtuturo kabilang na ang kagamitang pampagtuturo ay nakatutulong sa mga
mag-aaral na magkaroon ng sapat at kalidad na kaalaman.
Ayon kinaGagne’, Wager, Golas, at Keller(2005), ang instruksyonal na kagamitan sa
pagtuturo ay mas nakapagbibigay at nakabubuo ng isang intelektwal na kakayahan sa
bawat mag-aaral. Iniisa-isa nila ang paraan at konsepto sa paggamit ng kagamitang
pampagtuturo na nakatutulong sa pagpapaunlad sa kakayahan ng mga mag-aaral.
Akademik performans.Lawak ng natutuhan ng isang mag-aaralsa paaralan sa
pamamagitan ng mga gurong nagpoproseso ng kanilang kaalaman. Ito ay kadalasang
sinusukat sa pamamagitan ng pagbibigay ng pasulit o assessment upang mas masukat pa
ang lawak ng kanilang pagkatuto sa mga paksang tinalakay.
Ang akademik performans ng isang mag-aaral ay may salik at nakasalalay sa mga
sumusunod gaya ng: previous educational outcome, socio economic status of the parents,
parent educational background, self- effort and self -motivation of students, learning
preferences,istandard at ang uri ng paaralan na kanilang pinapasukan o ang institusyong
kanyang kinabilangan, na kung saan unang natutuhan ang karanasan ng bawat mag-aaral
habang sila ay inaasahang matuto at magkaroon ng sapat na kaalaman.
Ayon kay Kwesiga (2002) ang akademik performans ng bawat mag-aaral ay
nakasalalay sa loob ng paaralan sa pamamagitan ng mga guro sa kanilang pagbabahagi ng
kanilang kaalaman kabilang na ang mga kagamitang pampagtuturo, pasilidad na
nakatutulong upang mapaunlad ang kalidad at kaalaman ng bawat mag-aaral.
Sa kanyang argumento, sinabi niya na may malaking tungkulin ang paaralan at guro
sa proseso ng pagkatuto ng mag-aaral upang mas mapalawak pa ang kanilang kaalaman at
akademik performans.
Pagkaepektibo ng paggamit ng differentiated instruksyon (DI)sa mga mag-
aaral . Sa Quasi-experimental na ginawa ni Ocampo (2018) sa mga mag-aaral sa ika-11
baitang kaugnay sa pagkaepektibo ng DI sa pagtuturo ng wika,kanyang napatunayan na
may signifikant na pagkakaiba ang pretest at posttest ng mga mag-aaral mula sa
ekspimental at controlled group.Mas nakalalamang ang mean score ng mga mag-aaral na
ginamitan ng DI. Ganoon din ang napatunayan ni Humes (2007) sa kanyang
eksperimentong ginawa kaugnay sa pagkaepektibo ng DI. Mula sa ilang buwan ng kanyang
ginawang pag-aaral napatunayan na may signifikant na kaibahan ang performans ng mga
mag-aaral na ginamitan ng DI at ang mga mag-aaral na ginamitan ng kombensyunal na
paraan ng pagtuturo. Kanya ring pinatunayan na magtatagumpay lamang ang paggamit ng
DI kung ang mga guro ay nagtataglay ng mga sumusunod: a) lawak at sapat na kaalaman sa
paggamit at pagproseso ngdifferentiated instruksyon, b) oras na inilaan sa paghahanda ng
mga kagamitang naaayon sa prinsipyong DI, at c) ang patuloy na pagsusuri at pagtatasa sa
pagkaepektibo ng DI batay sa uri, interes, at kasanayanng mga mag-aaral.
Ayon kina Jefferson, Kami'Enui , at Carnine,(2016);Clay, Abbott, Verneulen, at
Fulton (2013);Harem (2010); at Alvarez (2015), ang paggamit ng DI ay epektibo lalo na sa
pagtuturo ng pagbasa dahil ang kagamitan nito ay nakasentro mismo sa pangangailangan
at kapasidad ng mga mag-aaral.
Sa pag-aaral nina Arandaat Zamora(2016),kanilang natuklasan na epektibo ang
paggamit ng DI sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino kahit pa iba-iba ang
paraan ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa ika-10 baitang. Napatunayan din niValiandes
(2015), na ang kalidad na paggamit ng DI ay nakatutulong sa pag-angat ng performans ng
mga mag-aaral sa kanilang komprehensyon sa pagbasa ng iba’t ibang teksto.
Konseptwal na Balangkas ng Pag-aaral
Ang pag-aaral na ito ay nakapokus sa lawak ng pagkatuto ng mag-aaral kaugnay sa
paggamit ng differentiated instruksyon.Makikita sa batayang konseptwal ang malayang
baryabol at di-malayang baryabol. Ang malayang baryabol ay nakasentro sa paggamit ng
differentiated instruksyon ng mga guro sa kanilang pagtuturo.
Ang lawak naman ng paggamit ngdifferentiated instruksyon kaugnay sapakikilahok
oengagement, interes, kasanayan, at oportunidad at kabilang din dito ang bilang ng mag-
aaral, kagamitang pampagtuturo, pamamahala sa loob ng klasrum ay mga malayang
baryabol. Ang di-malayang baryabol naman ay ang akademik performans ng mga mag-
aaral.
Ang mananaliksik ay may palagay na may posibilidad na ang malayang baryabol ay
direktang may kaugnayan sa di-malayang baryabol. Ang kinalabasan ng pag-aaral na ito ay
nakatutulong sa mananaliksik sa pag-aanalisa sa mga posibleng dahilan kung talagang
epektibo ba sa mga mag-aaral ang paggamit ng differentiated instruksyon sa pag-aaral ng
bawat mag-aaral at kung may kaugnayan ba ito sa kanilang performans sa loob ng
klasrum.Sa kabilang banda, ang mananaliksik ay may layuning tukuyin ang lawak ng
pagkatuto ng mag-aaral kaugnay sa paggamit ng differentiated instruksyon.Ipinakitasa
sunod na pahina ang paglalarawan sa mga baryabol na nabanggit.
Malayang Baryabol
Di- Malayang Baryabol Lawak ng pagkatutong mga mag- aaral kung ginagamitang differentiated instruksyon:
Pakikilahok/ engagement Kasanayan Interes Oportunidad
Figyur 2: Konseptwal na Balangkas ng Pag-aaral
Problemang naranasan ng guro sa paggamit ng differentiated
instruksyon: Bilang ng mag-aaral Pamamahala sa klasrum Kagamitang pampagtuturo
Akademik
Performans
Pagbanggit ng mga Suliranin
Sa pag-aaral na ito, layunin ng mananaliksik na masuri ang lawak ng pagkatuto ng
mag-aaral kaugnay sa paggamit ng differentiated instruksyon. Nilalalayon din nitong
masagot ang sumusunod na ispisipikong suliranin:
1. Gaano kalawak ang tingin ng mga mag-aaral sa mga sumusunod kung ang kanilang guro
ay gumamit ng differentiated instruksyon
1.1 Pakikilahok/engagement;
1.2 kasanayan;
1.3 interes; at
1.4 oportunidad?
2. Sa anong lawak nararanasan ng mga guro ang sumusunod na suliranin sa panahon na
ginamit ang differentiated instruksyon
2.1 bilang ng mga mag-aaral;
2.2 pamamahala sa loob ng klasrum; at
2.3 kagamitang pampagtuturo?
3. Ano ang performans ng mga mag-aaral pagkatapos ginamit ng guro ang differentiated
instruksyon sa kanilang pagtuturo?
4. May signifikant na kaugnayan ba sa pagitan ng lawak ng pagkatuto ng mag-aaral
kaugnay sa paggamit ng differentiated instruksyonsa kanilang pagtuturo at ang kanilang
akademik performans?
5. May signifikant na kaugnayan ba sa pagitan nglawak ng problemang kinakaharap ng
mga guro at ang akademik performans ng mga mag-aaral?
Paglalahad ng Hinuha
H01: Walang signifikant na kaugnayan sa pagitan ng lawak ng pagkatuto ng mag-
aaralkaugnay sa paggamit ng differentiated instruksyon at ang kanilang akademik
performans.
H02: Walang signifikant na kaugnayan sa pagitan ng lawak ng problemang kinakaharap ng
mga guro at ang akademik performans ng mga mag-aaral
Kahalagahan ng Pag-aaral
Guro.Ang resulta ng pag-aaral na ito ay maaaring magsilbing gabay upang mas
lalong mapaunlad pa nila ang kanilang kakayahan sa pagtuturo at magabayan nila nang
maayos at maturuan ang bawat mag-aaral na mahubog salig sa bagong kurikulum sa
pamamagitan ngpaggamit ng differentiated instruksyon sa kanilang pagtuturo. Mapagtanto
rin nila na maging epektibo lamang ang paggamit ng DI kung ang paggamit nito ay ayon sa
simulain, interes at kakayahan ng mga mag-aaral.
Punong-guro.Makatutulong din ito sa kanila upang maging batayan sa kanilang
pamamahala nilasa loob ng kanilang nasasakupan at magkaroon ng alokasyon para sa mga
kagamitang pampagtuturo na ayon sa pagkaiba-iba ng mga mag-aaral at magkasa ng mga
pagsasanay para mapaunlad pa lalo ang kakayahan ng bawat guro sa kanilang pagtuturo
gamit ang differentiated instruksyon.
Filipino koordeneytor. Makatutulong din ito upang maging batayanna makapamili
ng mga potensyal na mga guro sa asignaturang Filipino na gagawa ng mga kagamitang
pampagtuturo ayon sa pangangailangan at interes ng mga mag-aaral mula ika-7 hanggang
ika-12 baitang.
Mag-aaral.Ang resulta ng pag-aaral na ito ay may malaking benepisyo sa mga mag-
aaral dahil matulungan silang mas matuto pa sa mas epektibong paraan na nakasentro
mismo sa kanilang indibiduwal na pangangailangan at kakayahan.
DepEd. Ito ay magsisilbing gabay sa paggawa ng hakbang upang magabayan at mas
lalo pang mapaigting at mapalakas ang pagpapatupad ng bagong pamamaraan ng
pagtuturo at magsasagawa ng mga kumperensiya at worksyapskaugnay sa paggamit ng
differentiated instruksyon sa bawat paaralan. Kabilang na ang pagbibigay ng sapat at
maayos na pasilidad, sapat na dami ng mga guro, at sapat na tagapagsanay sa pagbuo ng
mga individualize na kagamitan upang maisakatuparan ang mga ito.
SusunodnaMananaliksik.Makatutulong itosa kanila na makita ang iba pang
mahalagang baryabol nadi pa masyadong napag-aralan kaugnay sa gamit ng
differentiatedinstruksyon sa epektibong pagkatuto.
Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral
Saklaw ng pag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay nakapokus sa lawak ng pagkatuto ng
mag-aaral kaugnay sa paggamit ng differentiated instruksyon. Ito ay ginawasa taong
panuruan 2019-2020 sa pampublikong paaralan lungsod ng Sta. Catalina, Negros Oriental.
Kabilang dito ang una (1) hanggang ikaapat (4)na distrito na sakop lamang ng dibisyon ng
Negros Oriental. Kabilang dinang labintatlong (13) paaralan at ito ay ang mga sumusunod:
Avocado High School, Eligio Monte De Ramos High School, Sta Catalina National High
School, Sta. Catalina Science High School,Cawitan High School, Nagbalaye High School,
Casiano Z. Napigkit National High School, Don Emilio Macias Memorial National High
School, Kakha High School, Obat National High School, San Miguel High School, at Tamlang
High School. Ang mga respondente nito ay ang mga piling mag-aaral at gurong nagtuturo ng
asignaturang Filipino na gumagamit ng differentiated instruksyon sa kanilang pagtuturo.
Limitasyon ng pag-aaral. Nilimitahanang pag-aaral na ito sa mga piling
respondente na kinabibilangan ng (300) tatlong daang mag-aaral mula ika-7 hanggang ika-
12 baitang (Junior at Senior Hayskul) lamang sa mga nabanggit na paaralan sa itaas.
Nilimitahan din ito sa tatlumpong (30) mga gurolamang na kasalukuyang nagtuturo ng
asignaturang Filipino at gumagamit ng differentiated instruksyon sa kanilang pagtuturo.
Ang kasanayan ng mga guro sa paggawa ng mga individualize differentiated instruksyon
(DI) ay hindi isinaalang-alang sa pag-aaral na ito. Ang dami ng bilang o ilang beses at
pagkakataon na ginamit ng guro ang DI ay di isinaalang-alang sa pag-aaral na ito, basta
nakagamit ang mga guro ng DI ay isinama na sila bilang mga respondente. Ang pagtasa sa
lawak ng paggamit ng differentiated instruksyon ay nakabatay sa persepsyon ng mga mag-
aaral lamang. Ang lahat ng mga datos na nakalap ay naglalarawan lamang sa mga paaralang
sakop sa pag-aaral na ito at hindi sa buong populasyon ng DepEd Negros Oriental. Kahit
may mga limitasyon ang pag-aaral na ito, ang mga datos na nakalap ay balido at
mapanghawakan.
Pamamaraan ng Pananaliksik
Disenyo ng pananaliksik. Sa pag-aaral na ito, ang mananaliksik ay gumamit ng
deskriptibong paglalarawan. Ang pinakabatayang kasangkapan ng mananaliksik ay ang
paggamit ng sarbey- kwestyoneyr. Ito ay ginamitupang masuri at matukoy ang lawak ng
pagkatuto ng mga mag-aaral kaugnay sa paggamit ng differentiated instruksyon. Ang mga
datos na nalikom ay sinuri at binigyan ng pagpapakahulugan at ang kinalabasan ay
pinagbatayan sa paghahanda ng mga guro sa paksang pinag-aaralan ng mananaliksik. Ito ay
angkop na metodo dahil inilarawan nito ang kasalukuyang kalagayan ng lawak ng paggamit
ng mga guro ng DI ayon sa pananaw ng kanilang mga mag-aaral.
Kaligiran ng pananaliksik. Ang lungsod ng Sta. Catalina ay matatagpuan sa
katimugang bahagi ng lalawigan ng Negros Oriental. Ito ay binubuo ng (28) dalawampu’t
walong baranggay. May mahigit kumulang labintatlong (13) paaralang sekondaryana
nahahati sa (4) na distrito. Binubuo ito ng mga guro at mag-aaral ng mula ika-7 hanggang
ika-12 baitang (Junior at Senior High School) na pinamamahalaan ng mga superbisor,
punong guro, at mga itinalagang teacher in-charge (TIC) at head teacher. Ang mga
paaralang sekondaryang sakop ditoay labintatlo (13) ito ay ang mga sumusunod: Avocado
High School, Eligio Monte De Ramos High School, Sta Catalina National High School, Sta.
Catalina Science High School, Cawitan High School, Nagbalaye High School, Casiano Z.
Napigkit National High School, Don Emilio Macias Memorial National High School, Kakha
High School, Obat National High School, San Miguel High School, at Tamlang High School.
Ang mga paaralang ito ay kalimitang matatagpuan sa bulubunduking bahagi ng Sta.
Catalina. Ang paaralang may pinakamalaking populasyon ay matatagpuan sa sentro ng
lungsod ng Sta. Catalina. Kadalasang hanapbuhay ng mga magulang ng mga mag-aaral ay
pagsasaka at pangingisda.
Respondente ng pananaliksik.Ang mga kasangkot sa pag-aaral na ito ay ang mga
guro na kasalukuyang nagtuturo ng asignaturang Filipino na gumamit ng differentiated
instruksyon(DI)sa kanilang pagtuturo at piling mga mag-aaral na sakop sa mga gurong
nagtuturo ng Filipino at nakapaggamit na ng DI. Ang mga respondente ay binubuo ng mga
guro mula sa mga paaralang sekondarya ng Sta. Catalina.Kabilang dito ang labintatlong
(13) paaralan at ito ay ang mga sumusunod: Avocado High School, Eligio Monte De Ramos
High School, Sta Catalina National High School, Sta. Catalina Science High School, Cawitan
High School, Nagbalaye High School, Casiano Z. Napigkit National High School, Don Emilio
Macias Memorial National High School, Kakha High School, Obat National High School, San
Miguel High School, at Tamlang High School. Ito ay kinabibilangan ng tatlumpung (30)
guro sa Filipino na gumagamit ng differentiated instruksyon sa kanilang pagtuturo mula
ika-7 hanggang ika-12 baitang. Ang mga piling mag-aaral ay sakop ng tatlumpung mga
guro. Ang mananaliksik ay pumili ng tigsasampung mag-aaral mula sa tatlumpong mga
guro sa Filipino na gumagamit ng DI sa kanilang pagtuturo at ito ay binubuo ng tatlong
daang (300) respondenting mag-aaral.
Instrumento ng pananaliksik. Talatanungan ang ginamit na instrumento sa
pagkalap ng mga datos. Ang bawat aytem o indicator na binanggit sa talatanungan ay
paglalarawan sa mga sitwasyon at pagkakataon kung saan nagamit ng mga guro ang
differentiatedinstruksyon sa mga gawaing pangklasrum na nakatulong sa interes,
pakikilahok,kasanayan, at mga oportunidad ng mga mag-aaral sa pagkatuto. Inilarawan din
sa talatanungan ang lawak ng suliraning naranasan ng mga guro kaugnay sa paggamit ng
differentiated instruksyon sa kanyang pagtuturo. Ang mananaliksik ay sumangguni sa
kanyang tagapayo at ilang mga guro sa Filipino na nakaranas sa paggamit ng DI sa
pagsiguro sa mga aytem o indicators na isinama. Dumaan sadry run ang talatanungan sa
pagsiguro sa relayabiliti ng mga isinamang aytem. Narito ang resulta sa ginawang dry run:
pakikilahok ay may 0.843; kasanayan na may 0.849; interes na may 0.864; at oportunidad
na may 0.808 ang mga ito ay inilarawan sa unang bahagi ng talatanungan. Sa ikalawang
bahagi naman ay may ilang mga rebisyong ginawa ang mananaliksik sa ilang mga aytem
(indicators). Ang sumusunod ay result asa ginawang dry run sa ikalawang bahagi: bilang ng
mga mag-aaral ay 0.719 at tinanggal ang aytem pito (7); pamamahala sa klase ay 0.731 at
pinalitan ang aytem pangalawa (2); at kagamitang pampagtuturo ay 0.701 at tinanggal ang
aytem (indicator)pito (7). Pagkatapos ng mga rebisyong ginawa ay pinakita muli ng
mananaliksik ang kanyang talatanungan sa kanyang tagapayo at sa kanyang estatistisyan
sa pagsiguro sa relayabiliti ng mga aytem. Samakatuwid ang ikalawang bahagi ng
talatanungan ay binubuo ng tig-aanim na aytem (indicators).
Estadistikang tritment ng mga datos. Ginamit ng mananaliksik ang sumusunod sa pag-
aaral na ito:
Weighted Mean. Ginamit sa pagsukat sa lawak ng pagkatuto ng mga mag-aaral
kaugnay sa paggamit ng differentiatedinstruksyon (DI) at ang lawak ng mga suliraning
naranasan ng mga guro sa paggamit ng (DI).
Mean.Ito ay ginamit sa pagkuha ng performans ng mga mag-aaral pagkatapos na ginamit ang differentiated Instruksyon.
Marka Katumbas Paliwanag 90% - 100% Namumukod-tangi Ang mga mag-aaral sa lebel na
ito ay nagpapakita ng namumukod- tangi na kakayahan sa mga pangangailangan batay sa kanilang kaalaman, kasanayan, pag-unawa at makikita ito sa kanilang mga awtput at performans sa mga gawain.
85% - 89% Natatangi Ang mga mag-aaral sa lebel na ito ay nalinang na ang mga kakayahan, kaalaman at kasanayan sa pangunahing pangangailangan ng kurikulum at makikita ang kaalamang ito sa kanilang mga awtput.
80% - 84% Katangi-tangi Ang mga mag-aaral sa lebel na ito ay nalinang na ang kanilang mga kakayahan, kaalaman, kasanayan at pangunahing pangangailangan ng kurikulum na may kaunting gabay ng mga guro at makikita ang kaalamang ito sa kanilang awtput.
75% - 79% Katamtaman Ang mga mag-aaral sa lebel na ito ay may minimum na kaalaman at kasanayan, subalit nangangailangan ng gabay ng mga guro hanggang kaya na
niyang gumawa ng mga awtentik na awtput.
Below 75% Di-umabot sa inaasahan Ang mga mag-aaral sa lebel na ito ay lubos na nahihirapan sa pag-uunawa sa mga batayang kaalaman at kasanayan at nangangailangan ng tulong mula sa mga guro
t-test for dependent data. Ginamit upang tukuyin ang kaugnayan at pagkakaiba ng
lawak ng pagkatuto ng mga mag-aaral kaugnay sa paggamit ng differentiated instruksyon.
t-test for independent data. Ginamit upang tukuyin ang kaugnayan ng paggamit ng
differentiated instruksyon at akademik performans ng mga mag-aaral.
Iskala Saklaw Berbal Deskripsyon Interpretasyon Paliwanag
5 4.21-5.00Palagi Malawak na malawak Ang gawi ay nagpapakita ng
81-100% sa bawat
panahon.
4 3.41-4.20 Madalas Malawak Ang gawi ay nagpapakita ng
61-80% sa bawat panahon.
3 2.61-3.40 Minsan Katamtaman ang lawak Ang gawi ay nagpapakitang
41-60% sa bawat panahon.
2 1.81-2.60 Bihira Di Gaanong Malawak Ang gawi ay nagpapakita ng
21-40% sa bawat panahon.
1 1.00-1.80 Hindi Di Malawak Ang gawi ay nagpapakita ng
1-20% sa bawat panahon.
Katuturan ng mga Katawagang Ginamit.
Para lubos at madaling maunawaan ang paglalahad at pagtalakay na ito, binigyan ng
katuturan ang mga sumusunod na katawagan o termino.
Differentiated instruksyon. Ito ay isang pamamaraan ng pagtuturo naginamit ng
mga guro sa kanilang pagtuturo batay sa pangangailangan ng bawat mag-aaral sa loob ng
klase.
Kagamitang pampagtuturo. Ito ang pangunahing ginamit ng mga guro para sa
kanyang mga mag-aaral upang mas mapadali pa ang paglipat ng kaalaman at impormasyon
tungo sa mga mag-aaral.
Lawak. Ito ay sumusukat sa pakikilahok, kasanayan, interes, oportunidad sa
pagkatuto ng mga mag-aaral gamit ang differentiated instruksyon sa pagtuturo.
Lawak ng suliranin. Ito ay tumutukoy sa mga suliraning naranasan ng mga guro
kaugnay sa paggamit ng differentiated instruksyon. Kabilang dito ang laki ng lklase,
pamamahala sa klase, atindividualize na kagamitang pampagtuturo.
Performans. Ito ay tumutukoy sa iskor ng mga mag-aaral panahon nang ginamit ng
guro ang DI. Sa Junior High School, ang marka ay kinuha panahon ng unang markahan kung
saan ginamit ng guro ang DI samantalang sa Senior High School naman ang marka ay
kinuha sa una at ikalawang markahan ng unang semestre kung saan ginamit ang DI. Dagdag
pa, ang marka rito ay naglalarawan sa iskor kung saan ginamit ang DI at hindi ang
pangkalahatang marka.
Kabanata II
Presentasyon, Analisis at Interpretasyon ng mga Datos
Ang kabanatang ito ay naglalaman ng mga nakalap na mga datos. Ito ay inilarawan
batay sa pagkasunod-sunod ng mga ispesipikong suliraning sinusuri sa pag-aaral na ito.
Ipinakita ang datos sa pamamagitan ng mga talaan at ito ay nilapatan ng teksktuwal na
pagpapakahulugan.
Talaan 1.1 Lawak ng Tingin ng mga Mag-aaral sa Kanilang Pakikilahok kung ang Kanilang Guro ay Gumagamit ng Differentiated Instruksyon Dahil sa paggamit ng differentiated instruksyon ng aking guro:
wx̄ Berbal Deskripsyon
Lawak ng Pakikilahok
1. Natutuwa ako sa mga gawaing ipinapagawa ng aking guro dahil tumaas pa lalo ang aking marka sa Filipino at akademik performans.
4.19 Madalas Malawak
2. Nakikilahok ako sa talakayan at sa mga gawaing ipinapagawa ng aking guro para sa aking lubusang pagkatuto.
4.18 Madalas Malawak
3. Nagaganyak akong nakikilahok sa mga gawaing ibinigay ng guro dahil mas lalo ko panggagalingan ang aking pag-aaral.
4.18 Madalas Malawak
4. Nakikilahok ako sa gawain ng aking guro upang mahasa ang aking kaalaman at tiwala sa sarili.
4.16 Madalas Malawak
5. Ako ay nahihikayat na sumali sa mga pangkatang gawain na ipinagagawa ng aking guro upang mapapaunlad pa ang aking kaalaman at akademik performans.
4.14 Madalas Malawak
6. Ako ay masaya kapag nagbibigay ng gawain ang aming guro dahil nalilinang nito ang aking talento.
4.04 Madalas Malawak
7. Ako ay nakauunawa sa mga paksang tinalakay ng guro kung nagbibigay ito ng mga gawaing angkop para rito dahil napapalawak pa ang aking kaisipan at kakayahan.
4.04 Madalas Malawak
8. Ako ay nabigyan ng pagkakataon na makilahok sa gawain ng aming guro dahil sa paggamit niya ng differentiated instruksyon sa kaniyang pagtuturo.
4.02 Madalas Malawak
Composite 4.12 Madalas Malawak Leyenda: Iskala Berbal na Deskripsyon Lawak na Pakikilahok
4.21 – 5.00 Palagi Malawak na malawak 3.41 – 4.20 Madalas Malawak 2.61 – 3.40 Minsan Katamtaman ay lawak 1.81 – 2.60 Bihira Di gaanong malawak 1.00 – 1.80 Hindi Di malawak
Ipinapakita sa Talaan 1.1 ang lawak ng persepsyon ng mga mag-aaral kaugnay sa
kanilang pakikilahok sa klase sa panahon ng paggamit ng kanilang mga guro ng
differentiated instruksyon. Makikita sa walong (8) aytem kaugnay sa lawak ng kanilang
pakikilahok ito ay nakakuha ng kabuuang 𝑤x̄ na4.12 na katumbas ng berbal na kahulugan
na malawak.
Ito ay nangangahulugan na ang mga mag-aaral ay madalas na nakikilahok sa mga
gawaing pangklasrum sa tuwing ginagamit ng kanilang guro ang differentiated instruksyon
dahil ipinapakita nila rito ang pagkatuwa sa mga gawaing ipinapagawa ng guro. Higitsa
lahat sila ay nahihikayat at nagaganyak na matuto sa mga talakayan at gawaing
pangklasrum na nagpapalawaksa kanilang kaisipan at kakayahan. Dinisenyo ng guro ang
mga gawaing ito batay sa kakayahan at kasanayan ng kanilang mga mag-aaral.
Ang resultang ito ay pinatutuhanan sa pag-aaral ni Wormeli (2005) aniya, makamit
ang komprehensibong pagkatuto kung ang pagkatuto ay isinagawa sa iba’tibang
interaktibong paraan at teknik na pumupukaw sa kasiglahan ng mga mag-aaral na
makilahok sa mga gawaing pang-akademiko.
Dagdag din niPrince (2011), ang paggamit ng differentiated instruksyon ay
nakatulong sa mga mag-aaral na mapataas ang kanilang kompyansa sa sarili na humantong
sa kanilang aktibong pakikilahok, pagkaganyak na mag-aral, at pagtaas ng kanilang marka.
Ito rin ang napatunayan ni De Anda (2007), ayon sa kanya, sa paggamit ng differentiated
instruksyon sa loob ng klasrum, nasiyahan ang mga mag-aaral sa pagkatuto at may
positibong pakikilahok sa mga gawain at nakabuo ng kolaborasyon sa kapwa mag-aaral.
Talaan 1.2 Lawak ng Tingin ng mga Mag-aaral sa Kanilang Kasanayan kung ang Kanilang Guro ay Gumagamit ng Differentiated Instruksyon Dahil sa paggamit ng differentiated instruksyon ng aking guro:
wx̄ VD Lawak ng Kasanayan
1. Nagagamit ko ang aking natutuhan sa mga gawaing ibinigay ng guro sa totoong buhay.
4.22 Palagi Malawak na malawak
2. Natutuwa ako kapag nagkaroon ng pangkatang gawain ang aming guro dahil ang bawat isa ay nabigyan ng pagkakataon na maipamalas ang kani-kanilang talento at galing.
4.17 Madalas Malawak
3. Napapaunlad ang aking kakayahan sa pamamagitan ng mga gawaing ipinapagawa ng aking guro.
4.15 Madalas Malawak
4. Mas napapaunlad pa ang aking sarili sa mga gawaing ipinagagawa ng guro dahil nalilinang nito ang aking talento at kakayahang pangkomunikatibo.
4.09 Madalas Malawak
5. Nahahasa ang aking talento at kakayahan sa pamamagitan ng pakikipag-interact sa kapwa mag-aaral at guro sa pamamagitan ng pagbibigay ng iba’t ibang gawain.
4.05 Madalas Malawak
6. Ako ay nabigyan ng pagkakataon na maipamalas at maibahagi sa iba ang aking kakayahan sa pamamagitan ng iba’t ibang gawaing ipinapagawa ng aking guro.
3.94 Madalas Malawak
7. Naipapakita ko ang aking kompyansa sa sarili sa pamamagitan ng pagsali sa mga gawaing ibinigay ng guro.
3.92 Madalas Malawak
Composite 4.08 Madalas Malawak
Leyenda: Iskala Berbal na Deskripsyon Lawak ng Kasanayan 4.21 – 5.00 Palagi Malawak na malawak 3.41 – 4.20 Madalas Malawak 2.61 – 3.40 Minsan Katamtaman ng lawak 1.81 – 2.60 Bihira Di gaanong malawak 1.00 – 1.80 Hindi Di malawak
Ipinapakita sa Talaan 1.2 ang lawak ng persepsyon ng mga mag-aaral hinggil sa
paggamit ng kanilang guro ng differentiated instruksyon kaugnay sa kanilang kasanayan.
Inilarawan sa talaang ito na malawak ang kasanayan ng mga mag-aaral dahil sa paggamit
ng guro ng differentiated instruksyon. Ito ay may kabuuang 𝑤x̄na 4.08. Sa pitong (7) aytem
na inilarawan dito, anim na pahayag ang madalas na nararanasan ng mga mag-aaral sa
panahon ng kanilang talakayan at ang aytem na tumutukoy sa paggamit ng kanilang
natutuhan sa klasrum sa kanilang totoong buhay ay may pinakamataas na 𝑤x̄ na 4.22 na
nangangahulugang palagi o malawak na malawak. Ang datosna ito ay nangangahulugan na
ang paggamit ng differentiated instruksyon ay nakatutulong sa kasanayan ng mga mag-
aaral kaugnay sa paggamit ng kanilang natutuhan sa totoong buhay.
Ang pagkakaroon ng pagkakataon na naipamalas ang kanilang talento at
napauunlad ang kasanayan at kakayahang komunikatibo, at naipakikita ang kanilang
kompyansa sa sarili ay madalas na naranasan ng mga mag-aaral dahil sa paggamit ng guro
ng DI. Ang resultang ito ay katulad sa resulta ng pag-aaral nina Abell at Lewis (2005),
kanilang napatunayan na ang mga mag-aaral sa hayskul ( Middle School) ay may malawak
na persepsyon kaugnay sa epekto ng kanilang iba’t ibang kasanayan dahil sa paggamit ng
differentiated instruksyon ng kanilang mga guro.
Dagdag pa, natulungan silang mailabas ang kanilang mga talento at nabawasan ang
kanilang kaba dahil sa loob ng klase ay binigyan ng pagkakataon na ipamalas ang
nakatagong galing. Natuklasan din nila na ang mga mag-aaral na di gaanong magaling ay
natulungan ng kanilang mga kaklase na may higit na kaalaman. Ito rin ay napatunayan sa
pag-aaral na ginawa nina Aranda at Zamora ( 2016), anila dahil sa paggamit ng DI
natulungang napalawakng mga mag-aaral ang kanilang kaalaman at kasanayan sa
asignaturang Filipino.
Talaan 1.3 Lawak ng tingin ng mga Mag-aaral sa Kanilang Interes kung ang Kanilang Guro ay Gumagamit ng Differentiated Instruksyon Dahil sa paggamit ng differentiated instruksyon ng aking guro:
wx̄ Berbal Deskripsyon
Lawak ng Interes
1. Naniniwala ako na mapapaunlad pa ang aking kakayahan sa talakayan ng aking guro kapag gumamit ito differentiated instruksyon.
4.15 Madalas Malawak
2. Mas nakauugnay ako sa mga halimbawa kapag ito ay nailalahad ng aking guro sa pamamagitan ng pagbibigay ng iba’t ibang gawain.
4.15 Madalas Malawak
3. Ako ay nahihikayat na sumali sa gawaing iniatas ng guro sa loob ng klasrum upang mapaunlad ang aking akademik performans.
4.10 Madalas Malawak
4. Ako ay nagkakaroon ng interes sa mga gawaing ipinagawa ng guro at handang sumali sa mga pangkatang gawain.
4.07 Madalas Malawak
5. Ako ay puspusang nakikilahok sa talakayan at nakikiisa sa mga gawaing iniatas ng aking guro.
4.00 Madalas Malawak
6. Ako ay mas lalong gaganahan sa talakayan dahil sa mga gawaing ipinagagawa ng guro.
3.98 Madalas Malawak
7. Ako ay nagkakaroon ng malalimang pakikipag-ugnayan sa kapwa mag-aaral at guro sa mga aktibidad na ipinagawa nito.
3.97 Madalas Malawak
Composite 4.06 Madalas Malawak
Leyenda: Iskala Berbal na Deskripsyon Lawak ng Kasanayan 4.21 – 5.00 Palagi Malawak na malawak 3.41 – 4.20 Madalas Malawak 2.61 – 3.40 Minsan Katamtaman ng lawak 1.81 – 2.60 Bihira Di gaanong malawak 1.00 – 1.80 Hindi Di malawak
Inilalarawan saTalaan 1.3 ang lawak ng pananaw ng mga mag-aaral hinggil sa
paggamit ng mga guro ng differentiated instruksyon kaugnay sa kanilang interes. Makikita
sa talaang ito na malawak ang interes na ipinapakita ng mga mag-aaral kung ang kanilang
guro ay gumagamit ng differentiated instruksyon sa klase.
Ipinapakita na may kabuuang wx̄ na 4.06 na may berbal na kahulugan na madalas
ginagamit ng kanilang guro ang differentiated instruksyon kaya malawak ang kanilang
interes.
Ang datos ay nangangahulugan na malawak ang interes na ipinapakita ng mga mag-
aaral sa tuwing ginagamit ng kanilang guro ang differentiated instruksyon dahil
napauunlad nito ang kanilang kakayahan, nakapag-ugnay sila sa mga halimbawa, at sila ay
nahikayat na sumali sa mga gawing pangklasrum dahil napukaw ang kanilang interes. Ang
resultang ito ay katulad sa resulta ng pag-aaral nina Abell, Jung, at Taylor (2011) na ang
mga mag-aaral sa hayskul ay nagpakita ng malawak na interes sa klase dahil sa paggamit
ng guro ng differentiated instruksyon.
Napatunayan nila na ang mga mag-aaral ay masayang nakilahok sa mga gawain lalo
na kapag ang guro ay gumagamit ng mga kagamitan na akma sa kanilang uri ng pagkatuto,
kakayahan, at interes ng mga mag-aaral. Gamit ang differentiated instruksyon, nabigyan ng
pagkakataon ang mga mag-aaral na mas matuto pa sa interaktibong paraan dahil sa
kanilang positibong pagtugon sa mga inihandang gawain ng guro. Ganito rin ang
napatunayan ni Valiandes (2015), aniya dahil sa epektibong paggamit ng DI ang mga mag-
aaral ay natulungang napaunlad ang kanilang interes sa klase at mas nagigiliw silang
nakikilahok sa mga gawaing inihanda ng guro.Sa pag-aaral nina Konstantinou-Katzi,
Tsolaki, Meletiou-Mavrotheris, at Koutselini (2013), kanilang napatunayan na dahil sa
paggamit ng DI ang mga mag-aaral ay mas ganadong nakilahok, nasiyahan, at lalo g tumaas
ng kanilang pangklasrum na performans.
Talaan 1.4 Lawak ng tingin ng mga Mag-aaral sa Kanilang Oportunidad kung ang Kanilang Guro ay Gumagamit ng Differentiated Instruksyon Dahil sa paggamit ng differentiated instruksyon ng aking guro:
wx̄ Berbal Deskripsyon
Lawak ng Oportunidad
1. Ako ay nabigyan ng pagkakataong madebelop pa ang aking kakayahan lalong-lalo na sa larangan ng pagbabasa at pagsusulat.
4.29 Palagi Malawak na malawak
2. Ako ay natutuwa dahil nagkaroon ng masayang talakayan kapag nagbibigay ang aming guro ng iba’t ibang Gawain.
4.16 Madalas Malawak
3. Ako ay nabibigyan ng pagkakataong maibahagi ang aking kaalaman sa aking mga kapwa mag-aaral.
4.12 Madalas Malawak
4. Ako ay nabigyan ng tamang oras upang mapaghandaan ang mga gawaing iniatas ng guro sa amin.
4.10 Madalas Malawak
5. Ako ay nabigyan ng pagkakataon ng aking guro na maipakita ang aking talento.
4.06 Madalas Malawak
6. Ako ay nabibigyan ng atensyon para mahasa pa ang aking kakayahan sa paggamit ng aking guro ng iba’t ibang gawain.
4.02 Madalas Malawak
7. Ako ay hindi inaantok sa loob ng klase at interesado akong makilahok sa mga gawaing ipinagawa ng aking guro.
3.97 Madalas Malawak
Composite 4.10 Madalas Malawak Leyenda: Iskala Berbal na Deskripsyon Lawak ng Kasanayan
4.21 – 5.00 Palagi Malawak na malawak 3.41 – 4.20 Madalas Malawak 2.61 – 3.40 Minsan Katamtaman ng lawak 1.81 – 2.60 Bihira Di gaanong malawak 1.00 – 1.80 Hindi Di malawak
Ipinapakita saTalaan 1.4 ang persepsyon ng mga mag-aaral sa kanilang oportunidad
sa klase kung ang kanilang guro ay gumagamit ng differentiated instruksyon. Makikita rito
na malawak ang kanilang oportunidad sa klasrum na talakayan dahil sa paggamit ng
differentiated instruksyon ng kanilang guro ito ay may kabuuang 𝑤x̄ na 4.10 o malawak.
Ang datos ay nangangahulugan nakapag gumagamit ang guro ng differentiated
instruksyon ay malawak ang oportunidad ng mga mag-aaral na malinang ang kanilang
kakayahan at natutuwa dahil sa malayang talakayan. Kaya naiwasan ang pagkaantok, at sila
ay nabibigyan ng pagkakataon na maipamalas ang kanilang talino at talento sa iba’tibang
paraan. Ito ay pinatutuhanan ni Tomlinson (2009). Aniya, gamit ang differentiated
instruksyon ang mga mag-aaral ay nabigyan ng iba’t ibang pagkakataon at oportunidad na
matuto batay sa kanilang estilo at paraan ng pagkatuto, at pagkakataong makapamili at
lumahok sa mga gawain batay sa kanilang interes.
Ito rin ay pinatutuhanan sa pag-aaral ni Park (2018) kaugnay sa persepsyon ng mga
mag-aaral sa paggamit ng differentiated instruksyon. Aniya, malawak ang magagawa ng
mga mag-aaral kapag ginamit ang differentiated instruksyon dahil sila ay nabigyan ng iba’t
ibang pagkakataon na matuto dahil denisenyo ang mga gawain, pagsasanay, at pangkatang
kolaborasyon ayon sa pangangailangan ng mga mag-aaral.
Talaan 1.5 Buodna Talaan sa Lawak ng tingin ng mga Mag-aaral kung ang Kanilang Guro ay Gumagamit ng Differentiated Instruksyon
Areas wx̄ Berbal Deskripsyon
Lawak Equivalent
1. Pakikilahok 4.12 Madalas Malawak
2. Kasanayan 4.08 Madalas Malawak
3. Interes 4.06 Madalas Malawak
4. Oportunidad 4.10 Madalas Malawak
Leyenda: Iskala Berbal na Deskripsyon Lawak ng Kasanayan 4.21 – 5.00 Palagi Malawak na malawak 3.41 – 4.20 Madalas Malawak 2.61 – 3.40 Minsan Katamtaman ng lawak 1.81 – 2.60 Bihira Di gaanong malawak 1.00 – 1.8 Hindi Di malawak
Inilalarawan sa Talaan 1.5 ang buod ng lawak ng persepsyon ng mga mag-aaral
kung ang kanilang guro ay gumamit ng differentiated instruksyon sa loob ng klase. Makikita
rito na malawak ang persepsyon ng mga mag-aaral sa paggamit ng kanilang guro ng
differentiated instruksyon kaugnay sa kanilang pakikilahok, paglinang ng kanilang
kasanayan, interes, at oportunidad sa loob ng klasrum, ito ay may kabuuang 𝑤x̄ na 4.09.
Nangangahulugan na malawak ang apat (4) na aspetong ito ng mga mag-aaral sa tuwing
gumagamit ng differentiated instruksyon ang mga guro sa kanilang pagtuturo.
Talaan 2.1 Lawak na Nararanasan ng mga Guro sa Suliranin sa Bilang ng mga Mag-aaral Pagkatapos Gamitin ang Differentiated Instruksyon Dahil sa paggamit ng differentiated instruksyon:
wx̄ Berbal Deskripsyon
Lawak ng Naranasan
1. Ako ay nakararanas ng problema sa aking pagtuturo dahil sa dami ng bilang ng mga mag-aaral sa loob ng klasrum.
3.47 Madalas Malawak
2. Ako ay nalulungkot kung di agad nakukuha ng aking mag-aaral ang leksyon.
2.30 Bihira Di Gaanong Malawak
3. Ako ay nahihirapan sa pagsagawa ng mga gawain dahil sa dami ng aking mag-aaral.
1.97 Bihira Di Gaanong Malawak
4. Ako ay nahihirapan sa paglipat ng kaalaman sa mga mag-aaral dahil sa dami nila.
1.53 Hindi Di Malawak
5. Ako ay nanininiwala na hindi ganoon ka epektibo ang paggamit ko ng Differentiated instruksyon dahil sa sobrang dami at limitado lamang ang aking oras sa paghahanda ng kagamitang pampagtuturo.
1.53 Hindi Di Malawak
6. Ako ay naniniwala na hadlang ang dami ng bilang ng mga mag-aaral sa loob ng klasrum at kung hindi naihahanay ng guro ang mga gawaing angkop para sa mag-aaral hindi uunlad ang kanilang akademik performans.
1.50 Hindi Di Malawak
Composite 2.05 Bihira Di Gaanong Malawak Leyenda: Iskala Berbal na Deskripsyon Lawak ng Naranasan
4.21 – 5.00 Palagi Malawak na malawak 3.41 – 4.20 Madalas Malawak 2.61 – 3.40 Minsan Katamtamanna lawak 1.81 – 2.60 Bihira Di Gaanong malawak 1.00 – 1.80 Hindi Di malawak
Ipinapakita sa Talaan 2.1 ang lawak ng suliraning nararanasan ng mga guro sa
panahon na ginamit nila ang differentiated instruksyon kaugnay sa dami ng mga mag-
aaral sa loob ng klase. Makikita rito na madalas na problema ng guro sa paggamit ng
differentiated instruksyon ang dami ng kanilang mag-aaral sa loob ng klase. Itoay
malawak na problema nila na may katumbas 𝑤x̄ na 3.47.Subalit makikita rin sa talaang
ito, na kahit marami ang kanilang mag-aaral sa loob ng klase, hindi ito hadlang sa
paggamit ng differentiated instruksyon ng mga guro. Sa kabuuan, ang mga aytem na
nabanggit sa talaang ito ay bihirang problema lamang ng mga guro na may kabuuang
𝑤x̄ na 2.05. Ito ay nangangahulugan na ang dami ng bilang ng mga mag-aaral sa loob ng
klase ay di problema ng mga guro upang gamitin ang differentiated instruksyon.
Ang resultang ito ay katulad sa resulta ng pag-aaral ni Aldossari (2018)
napatunayan niya na madalas na problema ng guro sa paggamit ng differentiated
instruksyon ay ang dami ng mga mag-aaral sa loob ng klase dahil nahirapan silang
desiplinahin ang mga mag-aaral sa panahon ng pagsagawa ng iba’t ibang gawain dahil
sa ingay na di nakokontrol. Nagagawa lamang na tahimik ang klasrum kapag
tradisyunal na metodo ang ginagamit ng guro.
Kabaligtaran naman ang kanyang natuklasan kaugnay sa pagsasagawa ng iba’t ibang
gawain kaugnay sa paggamit ng differentiated instruksyon dahil sa kanyang pag-aaral,
natuklasan na madalas ding problema ng guro sa Saudi Arabia ang pangkatang mga
gawain sa mga malalaking grupo ng klase.
Ang mga respondenteng guro sa kasalukuyang pag-aaral ay naniniwala na bihirang
problema lamang ang laki ng klase sa paggamit ng differentiated instruksyon. Ibig
sabihin nagagawa pa rin nila ang DI kahit malaki ang kanilang klaseng hinahawakan.
Talaan 2.2 Lawak naNararanasan ng mga Guro sa Suliranin sa Pamamahala Sa Loob ng Klasrum sa Panahon na Ginamit ang Differentiated Instruksyon Dahil sa paggamit ng differentiated instruksyon: wx̄ Berbal
Deskripsyon Lawak ng Naranasan
1. Ako ay naniniwala na hindi epektibo ang paggamit ng Differentiated instruksyon kapag magulo ang mga mag-aaral.
3.97 Madalas Malawak
2. Ako ay nakararanas ng kahirapan sa pagkontrol sa loob ng klase.
3.27 Minsan Katamtaman na lawak
3. Ako ay naniniwala na maaapektuhan ang akademik performans ng mga mag-aaral kapag magulo ang klase dahil sa mga gawain.
1.77 Hindi Di malawak
4. Ako ay naniniwala na may kaingayan at kaguluhan ang klase sa tuwing ginagamit ko ang Differentiated instruksyon.
1.43 Hindi Di malawak
5. Ako ay naniniwala na di angkop ang laki o bilang ng aking klasrum upang isagawa ang mas interaktibong paraan ang Differentiated instruksyon.
1.27 Hindi Di malawak
6. Ako ay niniwala na di sapat ang lakas ng aking boses upang pamahalaan ko ang klase lalo kapag may iba’t ibang gawain ng mga mag-aaral kaya di sa lahat ng pagkakataon ginagamit ko ang DI.
1.23 Hindi Di malawak
Composite 2.16 Bihira Mababa
Leyenda: Iskala Berbal na Deskripsyon Lawak ng Naranasan 4.21 – 5.00 Palagi Malawak na malawak 3.41 – 4.20 Madalas Malawak 2.61 – 3.40 Minsan Katamtamanna lawak 1.81 – 2.60 Bihira Di Gannong malawak 1.00 – 1.80 Hindi Di malawak
Makikita sa Talaan 2.2 ang lawak ng nararanasang problema ng mga guro sa
paggamit ng differentiated instruksyon kaugnay sa pamamahala sa klase. Ipinapakita rito
na sa anim (6) na aytem kaugnay sa problema sa pamamahala sa klase ang may
pinakamataas na weighted mean ang suliranin kaugnay sa di pagka epektibo ng paggamit
ng differentiated instruksyon kung ang mga mag-aaral ay magulo. Ito ay may 𝑤x̄na 3.97 o
madalas na problema ng mga guro.
Sa kabuuan, ang problema kaugnay sa pamamahala sa klase gamit ang differentiated
instruksyon ay di gaanong problema ng mga guro. Ang datos ay naglalarawan na
magkaroon lamang ng problema ang paggamit ng differentiated instruksyonkung di
epektibong napamahalaan ng mga guro ang kaniyang klase malaki man ito o maliit na
bilang.
Ang resultang ito ay may kaugnayan sa resulta ng pananaliksik ni Aldossari (2018)
ang dami ng mga mag-aaral ay nakaambag sa di epektibong pamamahala ng klase, kaya di
lubusang nagamit ang differentiated instruksyon, at ang mga pangkatang gawain ay
humahantong sa panay na pagdesiplina o pagpahinto sa sobrang ingay ng mga mag-aaral sa
loob ng klase.
Talaan 2.3
Lawak na Nararanasan ng mga Guro sa Suliranin sa Kagamitang Pampagtuturo sa Panahon na Gamitin ang Differentiated Instruksyon
Dahil sa paggamit ng differentiated instruksyon wx̄ Berbal Deskripsyon
Lawak ng Naranasan
1. Hindi sapat ang aking panahon sa paghahanda ng iba’t ibang mga kagamitang pampagtuturo na angkop sa pangangailangan at kakayahan ng aking mga mag-aaral.
4.23
Palagi Malawak na malawak
2. Hindi sapat ang aming gabay sa pagtuturo/ teachers guide kaugnay sa paggamit ng differentiated instruksyon.
1.87
Bihira
Di Gaanong malawak
3. Limitado lamang ang aming mga modyul kaugnay sa paggamit ng differentiated instruksyon na estratehiya.
1.50
Hindi Di malawak
4. May ilang mga paksang mahirap gamitin ang differentiated instruksyon sa pagtuturo.
1.43
Hindi Di malawak
5. Minsan iniiwasan ko ang paggamit ng Differentiated instruksyon sa pagtuturo dahil nangangailangan ito ng mahabang oras sa pagproseso ng kaalaman.
1.43
Hindi Di malawak
6. Minsan iniiwasan ko ang paggamit ng differentiated instruksyon dahil nangangailangan ito ng mahabang oras sa paghahanda ng mga material na gagamitin sa klase at perang pambili nito.
1.33
Hindi Di malawak
Composite 1.97
Bihira Mababa
Leyenda: Iskala Berbal na Deskripsyon Lawak ng Naranasan 4.21 – 5.00 Palagi Malawak na malawak 3.41 – 4.20 Madalas Malawak 2.61 – 3.40 Minsan Katamtamanna lawak 1.81 – 2.60 Bihira Di Gaanong malawak 1.00 – 1.80 Hindi Di malawak
Ipinapakita sa Talaan 2.3 ang lawak ng suliranin ng mga guro panahon na ginamit
nila ang differentiated instruksyon kaugnay sa paggamit ng kagamitang pampagtuturo.
Inilarawan dito ang pinakamalawak na problema ng guro sa paggamit ng differentiated
instruksyon ay may kaugnayan sa haba ng panahon sa paghahanda ng iba’t ibang
kagamitan na angkop sa pangangailangan at kakayahan ng kanilang mga mag-aaral. Ito ay
may 𝑤x̄na 4.23 na nangangahulugang “palaging” problema ngmga guro ang aspektong ito.
Sa kabuuan, ang mga problemang nabanggit sa talaang ito kaugnay sa kagamitang
pampagtuturo ay di gaanong problema ng mga guro. Ang datos sa itaas ay
nangangahulugan na problema ng mga guro ay ang oras o panahon na gugugulin sa
paghahanda ng iba’t ibang kagamitan na angkop sa pangangailangan at kakayahan ng mga
mag-aaral.
Ganito rin ang napatunayan sa pag-aaral ninaAl-Rashidi(2015) at Aldossari (2018)
na napakalaking hamon at problema ng mga guro na gumagamit ng differentiated
instruksyon na estratehiya ay kailangang may sapat na panahon sa paghahanda ng iba’t
ibang kagamitan na angkop sa uri at kakayahan ng kanilang mga mag-aaral lalong-lalo na
sa malaking klase. Dagdag pa nila, pinakamalawak na problema ng mga guro ang araw-
araw na paghahanda ng mga malikhaing kagamitan, dahil hindi lang isa o dalawa ang dapat
ihanda kaya minsan babalik sila sa tradisyunal na pamamaraan ng pagtuturo kung
naubusan na sila ng mga kagamitan na naayon sa pangangailangan ng bawat mag-aaral sa
klase. Makikita rito na ang pagbuo ng individualize na kagamitan ay hamon ng kahit sinong
guro dahil nangangailangan ito ng mahabang panahon sa paghahanda.
Talaan 2.4 Talaan ng Buod ng Lawak na Nararanasan ng mga Guro sa Panahon ng Paggamit ng Differentiated Instruksyon
Areas wx̄ Berbal Deskripsyon
Lawak ng Naranasan
1. Bilang ng mga Mag-Aaral 2.05 Bihira Di gaanong malawak 2. Pamamahala sa Loob ng Klasrum 2.16 Bihira Di gaanong malawak 3. Kagamitang Pampagtuturo 1.97 Bihira Di gaanong malawak Leyenda: Iskala Berbal na Deskripsyon Lawak ng Naranasan
4.21 – 5.00 Palagi Malawak na Malawak 3.41 – 4.20 Madalas Malawak 2.61 – 3.40 Minsan Katamtamanna lawak 1.81 – 2.60 Bihira Di Gaanong malawak 1.00 – 1.80 Hindi Di malawak
Inilalarawan sa Talaan 2.4 ang buod ng mga suliraning nararanasan ng mga guro
panahon sa paggamit nila ng differentiatedinstruksyon. Makikita rito na di gaanong
malawak ang problemang nararanasan ng mga guro kaugnay sa paggamit ng differentiated
instruksyon sa kanilang klase. Sa aspektong dami ng mga mag-aaral ay may 𝑤x̄ na 2.05,
pamamahala sa klase ay may 𝑤x̄ na 2.16, at ang paggamit ng kagamitang pampagtuturo ay
may 𝑤x̄ na 1.97 na nangangahulugang bihirang nararanasan nila o di gaanong problema ng
mga guro ang kanilang paggamit ng differentiated instruksyon. Kung kabuuan ang
pagbabatayan, makikita rito na bihirang problema lamang ito ng mga guro, subalit kung
susurin ang bawat aytem (indicators) sa mga naunang talaan ay makikita pa rin doon ang
ispisipikong suliranin ng guro kaugnay sa paggamit ng DI partikular sa panahon na
gugugulin sa pagbuo ng mga kagamitang nakatuon sa pangangailangan ng bawat
indibiduwal.
Talaan 3 Performans ng mga Mag-aaral Pagkatapos Ginamit ng Guro ang Differentiated Instruksyon sa Kanilang Pagtuturo
Rating Berbal na Deskripsyon Frequency Percent
90% - 100% Namumukod tangi 112 37.33
85% - 89% Natatangi 87 29.00
80% - 84% Katangi-tangi 63 21.00
75% - 79% Katamtaman 38 12.67
Total 300 100.00
Average 86.42 (Natatangi)
sd 5.24
Ang Talaan 3 ay naglalaman ng performans ng mga mag-aaral pagkatapos ginamit
ng guro ang differentiatedinstruksyon. Makikita rito na sa tatlong daang (300) mga mag-
aaral, isang daan labindalawa (112)sa kanila ay nakakuha ng markang 90%-100% o
namumukod-tangi, walumpu’t pito (87) naman ang nakakuha ng 85-89% o natatangi,
anim napu’t tatlo (63) ay katangi-tangi, samantala, tatlumpu’t walo (38) lamang ang nasa
katamtaman.
Sa kabuuan, ang kanilang performans pagkatapos gamitan ang differentiated
instruksyon sa pagtuturoay nasa 86.42 % o natatangi. Ang datos ay nangangahulugan na
mataas ang performans ng mga mag-aaral pagkatapos gamitin ang differentiated
instruksyon sa klase. Ayon kay Abell (2005) ang epektibong paggamit ng differentiated
instruksyon ay nakatulong sa pag-angat ng akademik performans ng mga mag-aaral.
Ganito rin ang napatunayan ni Servilio (2009) batay sa kanyang pag-aaral na may
kabuuang 83. 4% sa pag-angat ng akademik performans ng mga mag-aaral sa kanilang
“Reading Class” pagkatapos gamitin ng guro ang differentiated instruksyon. Pinatunayan
din ito nina Butler at Van Lowe (2010) na mas tumaas ang performans ng mga mag-aaral
na ginamitan ng differentiated instruksyon sa pagtuturo ng matematika kumpara sa mga
mag-aaral na di na-ekspos sa differentiated instruksyon.
Talaan 4 Kaugnayan sa Pagitan ng Lawak ng Pagkatuto ng Mag-aaral Kaugnay sa Paggamit ng Differentiated Instruksyon at ang Kanilang Performans
Variables Correlated to Students’ Performance
Comp. rs
p-value
Decision Remark
1. Pakikilahok 0.124 0.031 Reject Ho1 Significant
2. Kasanayan 0.101 0.080 Fail to reject Ho1 Not significant
3. Interes 0.060 0.297 Fail to reject Ho1 Not significant
4. Oportunidad 0.034 0.554 Fail to reject Ho1 Not significant
Overall 0.043 0.455 Fail to reject Ho1 Not significant
Legend: Value of r Strength of Relationship (Statistical Correlation, 2009) Between ± 0.50 to ± 1.00 ± strong relationship Between ± 0.30 to ± 0.49 ± moderate relationship Between ± 0.10 to ± 0.29 ± weak relationship Between ± 0.01 to ± 0.09 ± very weak relationship
Inilalahad sa Talaan 4 na may signifikant na kaugnayan sa pagitan ng lawak ng
pakikilahok ng mga mag-aaral dahil sa paggamit ng differentiated instruksyon ng kanilng
mga guro at ang kanilang performans (p=0.031≤ a= 0.05). Ito ay nangangahuluganna ang
mga mag-aaral na mas malawak ang pakikilahok sa mga talakayan at mga gawaing
pangklasrum ay may mataas na akademik performans kumpara doon sa di gaanong
nakikilahok sa mga talakayan at gawain.Subalit ang antas ng relasyon ay mababa lamang.
Ang resultang ito ay pinatunayan sa pag-aaral ni Ferrier (2007) kanyang napatunayan na
ang differentiated instruksyon ay nakatutulong sa lawak ng pakikilahok ng mga mag-aaral
sa mga talakayan at ito ay may signifikant na kaugnayan sa pag-angat ng kanilang
akademikong performans.
Sa kabilang banda naman, ang mga baryabol tulad ng kasanayan, interes, at
oportunidad ay walang signifikant na kaugnayan sa akademik performans ng mga mag-
aaral. Ang Talaan 4 ay nagpapakita na may signifikant na kaugnayan sa pagitan ng lawak ng
pakikilahok ng mga mag-aaral at ang kanilang performans dahil sa paggamit ng guro ng
differentiated instruksyon.
Ang performans ng mga mag-aaral (all p values ≥ a = 0.05). Ito ay nangangahulugan
na ang tatlong baryabol ay di maiugnay na nakaaapekto ito sa performans ng mga mag-
aaral. Makikita rin dito na ang lawak ng kasanayan, interes, at oportunidad ay halos
magkapantay lamang na nararanasan ng mga mag-aaral kung saan ito ay nasa malawak.
Maaaring may iba pang salik na nakatutulong sa pagtaas ng kanilang akademik performans.
Ganito rin ang natuklasan ni Washington (2018) na kahit mataas ang marka ng mga
estudyante na nasa ika-11 baitang hindi ito nangangahulugan na may signifikant na
kaugnayan ito sa kanilang kasanayan at interes dahil sa kakulangan ng baryabiliti ng mga
datos kaya,ang positibong signifikant na kaugnayan ng mga baryabol ay di malinaw na
maipakita. Imunungkahi niya na kailangan ito ng “Cross –section” bilang karagdagang pag-
aaral upang malinaw na maipakita ang signifikant na kaugnayan nito.
Kabaligtaran naman ang napatunayan ni Koeze (2007),sa kanyang pag-aaral
natuklasan niya na ang tamang paggamit ng differentiated instruksyon ay may positibo and
signifikant na epekto sa akademik performans ng mga mag-aaral.
Talaan 5 Kaugnayan sa Problemang Kinakaharap ng mga Guro at ang Akademik Performans ng mga Mag-aaral Variables Correlated to Students’ Performance
Comp. rs
p-value
Decision Remark
1. Bilang ng mga Mag-Aaral -0.153 0.008 Reject Ho2 Significant
2. Pamamahala sa Loob ng Klasrum
-0.025 0.667 Fail to reject Ho2 Not significant
3. Kagamitang Pampagtuturo 0.051 0.382 Fail to reject Ho2 Not significant
Legend: Value of r Strength of Relationship (Statistical Correlation, 2009) Between ± 0.50 to ± 1.00 ± strong relationship Between ± 0.30 to ± 0.49 ± moderate relationship Between ± 0.10 to ± 0.29 ± weak relationship Between ± 0.01 to ± 0.09 ± very weak relationship
Ang Talaan 5 ay nagpapakita na may signifikant at “inverse” na kaugnayan sa pagitan
ng mga suliraning nararanasan ng mga guro sa paggamit ng differentiated instruksyon at
ang akademik performans ng mga mag-aaral (p=0.008 ≤ a 0.05). Ito ay nangangahulugan
na ang mga guro na nakararanas ng mas marami daming mga mag-aaral ay mababa ang
kanilang akademik performans.Subalit ang antas ng relasyon ay mahina lamang. Ibig
sabihin ang dami ng mga mag-aaral sa loob ng klase ay nakaaapekto sa kanilang akademik
performans subalit di ito gaanong malaki. Sa pag-aaral nina Subban, (2006)at Tomlinson,
Angelo, (2012) kanilang natuklasan na may signifikant na relasyon sa pagitan ng laki o
dami ng bilang sa klase at ang paggamit ng differentiated instruksyon. Kanilang natuklasan
na ang mga malalaking bilang ng klase ay mas nakararanas ng problema kaya
nangangailangan ito ng mas malawak na implementasyon ng differentiated instruksyon
upang matugunan ang pagkakaiba-iba ng mga mag-aaral. Subalit malaki naman itong
hamon sa parte ng mga guro. Ito naman ay pinatunayan sa resulta ng pag-aaral ni Bjork
(2005), ipinakita na ang aktuwal na laki o dami ng klase ay pinakamalaking rason na
kailangan ng guro ang paggamit ng mga interaktibong estratehiya kabilang ang paggamit
ng differentiated instruksyon upang ang lawak ng problemang kinakaharap sa pagkatuto
ng mga malalaking klase ay matugunan.
Ipinapakita rin dito na ang lawak ng suliranin ng mga guro hinggil sa pamamahala
ng klase at kagamitang pampagtuturo ay walang signifikant na relasyon sa akademik
performans ng mga mag-aaral (all p values ≥ a = 0.05). Ito ay nagpapakita na ang mga
baryabol na ito (pamamahala sa klase, kagamitang pampagtuturo) ay di “determinant” sa
akademik performans ng mga mag-aaral. Ibig sabihin na ang lawak ng problema ngmga
guro sa pamamahala sa klase at kagamitang pampagtuturo ay mga baryabol na di
nakaambag sa performans ng mga mag-aaral.
Kabaligtaran naman ito, sa pag-aaral na ginawa nina Abell at Taylor (2011).
Natuklasan nila na ang mga gurong nahihirapan sa pamamahala sa klase at ang lawak ng
kanilang problema kaugnay sa mga kagamitan sa pagtuturo tulad ng gabay ng guro,
modyul, at modelo ay may kaugnayan sa interes at marka ng mga mag-aaral.
Kabanata III
Buod sa mga Natuklasan, Kongklusyon at Rekomendasyon
Ang kabanatang ito ay naglalaman ng buod, kongklusyon at rekomendasyon ng
mananaliksik kaugnay sa paggamit ng differentiated instruksyon.
Pagbanggit muli sa mga Suliranin
Paglalahad ng Suliranin
Sa pag-aaral na ito, layunin ng mananaliksik na masuri ang lawak ng pagkatuto ng
mag-aaral kaugnay sa paggamit ng differentiated instruksyon upang maging batayan ng
mga guro at sa namamahala ng paaralan ang posibleng epekto nito.
Naglalayon ding sagutin ang sumusunod na katanungan:
1. Gaano kalawak ang tingin ng mga mag-aaral sa mga sumusunod kung ang kanilang guro
ay gumamit ng differentiated instruksyon?
1.1 Pakikilahok/engagement;
1.2 kasanayan;
1.3 interes; at
1.4 oportunidad?
2. Sa anong lawak nararanasan ng mga guro ang sumusunod na suliranin sa panahon na
ginamit ang differentiated instruksyon?
2.1 bilang ng mga mag-aaral;
2.2 pamamahala sa loob ng klasrum; at
2.3 kagamitang pampagtuturo?
3. Ano ang performans ng mga mag-aaral pagkatapos ginamit ng guro ang differentiated
instruksyon sa kanilang pagtuturo?
4. May signifikant na kaugnayan ba sa pagitan ng lawak ng pagkatuto ng mag-aaral
kaugnay sa paggamit ng differentiated instruksyon sa kanilang pagtuturo at ang
kanilang akademik performans?
5. May signifikant na kaugnayan ba sa pagitan ng problemang kinakaharap ng mga guro at
ang akademik performans ng mga mag-aaral?
Paglalahad ng Hinuha
H01:Walang signifikant na kaugnayan sa pagitan ng lawak ng pagkatuto ng mag-aaral sa
paggamit ng differentiated instruksyon sa kanilang akademik performans.
H02:Walang signifikant na kaugnayan sa pagitan ng lawak ng pagkatuto sa pagitan ng mga
problemang nararanasan ng guro sa paggamit ng differentiated instruksyon sa
akademik performans ng mga mag-aaral.
Buod sa mga Natuklasan
Ang sumusunod ay natuklasan ng mananaliksik;
1. Lawak ng Persepsyon ng mga Mag-aaral saKung ang Kanilang Guro ay Gumagamit ngDifferentiated Instruksyon
Napatunayan na malawak ang persepsyon ng mga mag-aaral kaugnay sa paggamit
ng kanilang guro ng differentiated instruksyon sa mga sumusunod:pakikilahok
mayna𝑤x̄4.12; kasanayan may𝑤x̄ na 4.08;interes may𝑤x̄na 4.06;at oportunidad
my𝑤x̄ na 4.10.
2. Lawak ng Nararanasang Suliranin ng mga Guro sa Panahon ng Paggamit ng Differentiated Instruksyon
Mula sa mga datos, napatunayan na bihirang suliranin ng guro ang sumusunod: ang
bilang o dami ng mga mag-aaral sa loob ng klase problema (𝑤x̄ 2.05); ang pamamahala
sa klasrum ng mga guro (𝑤x̄ 2.16); at ang paggamit ng mga kagamitang pampagtuturo
(𝑤x̄ 1.97).
4. Performans ng mga Mag-aaral Pagkatapos Gamitin ng Guro ang Differentiated Instruksyon
Natuklasan na may 112 o 37.33% ng mga mag-aaral na nakakuha ng markang 90%-
100% o namumukod tangi, at sa kabuuan ang mga mag-aaral ay nakakuha ng markang
86.42% o natatangi.
5. Kaugnayan sa Pagitan ng Lawak ng Pagkatuto ng mga Mag-aaral Kaugnay sa Paggamit ng Differentiated Instruksyon ng mga Guro at Kanilang Performans.
Natuklasan na may signifikant na kaugnayan lamang sa pagitan ng lawak ng
pakikilahok ng mga mag-aaral dahil sa paggamit ng guro ng differentiated instruksyon
at ang kanilang akademik performans na may p value = 0.031 ≤a = 0.05. Subalit walang
kaugnayan ang lawak ng kasanayan, interes, at oportunidad sa performans ng mga mag-
aaral.
6. Kaugnayan sa Pagitan ng Problemang Kinakaharap ng mga Guro sa Paggamit ng Differentiated Instruksyon at ang Akademik Performans ng mga Mag-aaral
Napatunayan na ang bilang ng mga mag-aaral sa loob ng klasrum at ang lawak ng
suliraning nararanasan ng mga guro ay may kaugnayan. Ito ay may p value na 0.008.
Subalit ang kaugnayan nito ay mababa lamang. Sa kabilang dako ang mga baryabol
kaugnay sa pamamahala sa loob ng klase at kagamitang pampagtuturo ay walang
kaugnayan sa performans ng mga mag-aaral.
Kongklusyon
Mula sa mga napatunayan, nabuo ang mga sumusunod na kongklusyon:
1. Malawak ang antas ng persepsyon ng mga mag-aaral kaugnay sa kanilang pakikilahok,
kasanayan, interes, at oportunidad kung ang kanilang mga guro ay gumagamit ng
differentiated instruksyon.
2. Di gaanong malawak na naranasan ng mga guro na mga suliranin kaugnay sa dami o
bilang ng mga mag-aaral sa klase, pamamahala sa loob ng klasrum, at paggamit ng
kagamitang pampagtuturo sa panahon na ginamit nila ang differentiated instruksyon.
3. Ang performans ng mga mag-aaral pagkatapos magamit ang differentiated instruksyon
ay natatangi namay kabuuang 86.42%.
4. May signifikant na kaugnayan sa pagitan ng lawak ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa
paggamit ng differentiated instruksyon sa kanilang pakikilahok, at ang kanilang
akademik performans. Subalit walang kaugnayan ang lawak ng kanilang kasanayan,
interes,at oportunidad sa kanilang akademik performans.
5. May signifikant na kaugnayan sa pagitan ng problemang nararanasan ng mga guro
kaugnay sa dami o bilang ng mga mag-aaral sa klase at ang akademik performans ng
mga mag-aaral. Subalit ang suliranin sa pamamahala sa klasrum at problema sa
kagamitang pampagtuturo ay walang kaugnayan sa akademik performans ng mga mag-
aaral.
Sa kabuuan, malawak ang pagkatuto ng mga mag-aaral gamit ang differentiated
instruksyon.
Rekomendasyon
Mula sa mga napatunayan buong pusong inirekomenda ng mananaliksik ang
sumusunod:
1. Para sa mga superbisor ng Filipino, mas mabuting bumuo ng grupo ng mga guro batay
sa kanilang tinuturuang antas atbubuo ng mga kagamitang pampagtuturo na akma sa
metodong differentiated instruksyon upang may magagamit ang lahat ng mga guro na
nagtuturo ng asignaturang Filipino sa sekondarya.
2. Kailangang palakasin pa ng DepEd ang pagpapatupad ng differentiated instruksyon sa
bawat paaralan upang mas lalong maabot ang tunguhin na mahubog ang mga mag-aaral
salig sa bagong kurikulum na K-12.
3. Para sa susunod na mga mananaliksik mas magandang isaliksik ang lawak ng
kahandaan ng mga guro sa pagbuo ng mga differentiated instructional
materialdahilhindi pa ito lubusang nasaliksik at sa kasalukuyang pag-aaral ay ito ang
nakitang gap ng mananaliksik.
Listahan ng mga Sanggunian
Abell, M. M., Jung, E., & Taylor, M. (2011). Students perceptions of classroom instructional environments in the context of Universal Design for Learning. Learning Environements Research, 14 (2),171. https: // doi.org/10.1007/s10984-011-9090-2
Abell, M., & Lewis, P. (2005). Universal design for learning: A statewide improvement model for academic success. Information Technology and Disabilities Journal, 11(1), 8–15. Retrieved February 17, 2009, from http://people.rit.edu/easi/itd/itdv11n1/abell.htm.
Adami, A. (2004). Enhancing student’s learning through differentiated approaches to teaching and learning: A Maltese perspective. Journal of Research in Special Educational Needs. Vol. 4, No. 2, p.91-97.
Agabi,C. o., Onyeike, V.C., & Wali, W.I. (2013). Classroom management: A practical approach. University of Port Harcourt press.
Aldossari, A. T. (2018). The Challenges of Using the Differentiated Instruction Strategy: A Case Study in the General Education Stages in Saudi Arabia. International Education Studies, 11(4), 74-83. doi:10.5539/ies.v11n4p74
Al-Rashidi, K. (2015). The effectiveness of differentiated instruction in Improving the Level of motivation towards science learning among deaf students in the primary stage. Journal of Education, Al-Azhar University, 1(163), 1-52.
Alvarez, J. et.al., (2015). Effects of Tier I Differentiation and Reading Intervention on Reading Fluency, Comprehension, and High Stakes Measures. Retrieved February 24, 2016 from, http://web.b.ebscohost.com/ehost/detail/detail?vid=15&s id=8b6167bc-b4be-48e5
Anastacia, (2016, Dec.22). December Vygotsky’s Social Development Theory. Retrieved from: http://www.cleverism.com/vgotskys-social-development theory.
Aranda, M. R., & Zamora, J. (2016). Using Differentiated Instruction in Improving the
Academic Performance of Students in Filipino Language. Retrieved January, 15, 2018.
Bassey, B.A. (2012). A Wider View of Classroom Management. Uyo: Ekong Publishing
House, Nigeria. Bender, W.N. (2012). Differentiating instruction for students with learning disabilities: New
best practices for general and special educators (3rd Edition). Thousand Oaks, CA: Crowin.
Bjork, C. (2005). Indonesian education: Teachers, schools, and central bureaucracy. Boyle, M.J., & Ozar, L. A. Sustaining Outstanding Schools: SOS. Butler, M., & Van Lowe, K. (2010). Using differentiated instruction in teacher education.
International Journal for Mathematics Teaching & Learning, 1-10. Retrieved from Education Source database. (Accession No. 79325199)
Chamberlin, M., & Powers, R. (2010). The promise of differentiated instruction for enhancing 18 the mathematical understanding of college students. Teaching Mathematics and its Applications, 29(3), 113-139
Clark, I., Hofer. Educ Psychol Rev (2012) 24: 205. https://doi.org/10.1007/s10648-011-9191-6
Clay, V., Abbott, R., Verneulen, K., & Fulton, C. (2013, July 1). Paths to reading comprehension in at-risk second-grade readers, Journal of Language Disabilities, 39 (4), 334-351. Retrieved November 25, 2014
Cortes KE, Moussa WS & Weinstein JM 2012. Making the grade: The impact of classroom behavior on academic achievement. Paper presented at the APPAM Fall Research Conference, Baltimore, MD, 8-10 November.
De Anda, D. (2007). Reflections on introducing students to multicultural populations and diversity content. Journal of Ethnic & Cultural Diversity in Social Work, 16(3/4), 143- 158.
Dosch, M., and Zidon, M. (2014). "The Course Fit Us": Differentiated Instruction in the College Classroom. International Journal of Teaching and Learning in Higher Education.
Ferrier, A. M. (2007). The effects of differentiated instruction on academic achievement in a second-grade science classroom (Doctoral dissertation, Walden University).
Gagne’, R. M., Wager, W. W., Golas, K. C. & Keller, J. L. (2005). Principles of Instructional Design. Belmost, CA: Thompson.
Gregory & Chapman, (2013). Gregory, G. H. & Chapman, C. (2013). Differentiated instructional Stategies. USA: Corwin.
Harem, M. The 7 Building Blocks of Differentiated Instruction. Retrieved January 25, 2010 from http://www.sde.com/Conferences/DifferentiatedInstructi on/downloads/DI/7BuildingBlocksOfDI.pdfHumes, C. (2007). Different Strokes for Little Folks: Carol Ann Tomlinson on “DifferentiatedInstruction.” Education World. Retrieved January 24, 2008 from http://www.educationalworld.com/a_issues/chat/chat107. shtml.
Ikediaskhi NN & Amaechi ON 2012. Pupil-teacher ratio: Implication for quality education in Nigerian primary schools. AFRREV IJAH: An International Journal of Arts and Humanities, 1(1):257-264. Available at http://www.ajol.info/index.php/ijah/article/view/10 6482/96434. Accessed 25 April 2016.
Imtiaz S 2014. Exploring strategies for English language teaching of Pakistani students in public sector colleges. Research Journal of English Language and Literature (RJELAL), 2(2):247-253. Available at http://www.rjelal.com/2.2.14/247-253.pdf. Accessed 25 April 2016.
Jefferson,M., Kami'Enui , E.J., Carnine, D.W. (2016) Differentiated Instruction to Accommodate Diverse Learners, Strategies for reading Comprehension journal p. 80-82.
KEZI 9 News 2012. Schools in crisis: Challenges of large class sizes. Video. 8 May. Available at https://www.youtube.com/watch?v=T27Kb-IXcJ8. Viewed 31 May 2016.
Koeze, P. A. (2007). Differentiated Instruction: The effect on student achievement in an elementary school. Master’s thesis and doctoral dissertation. Paper 31.
Konstantinou-Katzi, P., Tsolaki, E., Meletiou-Mavrotheris, M. and Koutselini, M. (2013). Differentiation of teaching and learning mathematics: an action research study in tertiary education. International Journal of Mathematical Education in Science & Technology. Vol. 44 Issue 3, p332-349. 18p
Kozulin, A. (Ed.). (2003).Vygotsky’s educational theory in cultural context. Cambridge University Press.
Kwesiga, C.J. (2002). Woman’s access to higher education in Africa: Uganda’s experience. Kampala: Fountain Publishers
Maeng, J. L. and Bell, R.L. (2015). Differentiating Science Instruction: Secondary science teachers' practices. International Journal of Science Education. Vol. 37 Issue 13, p2065- 2090. 26p.
Martin, N. K., & Sass, D. (2010). Construct validation of the behavior and instructional management scale. Teacher and Teacher Education. University of Texas, San Antonio.
McLeod, S.A. (2019). What Is The Zone of Proximal Development? Retrieved fromhttps://www.simplypsychology.org/Zone-of-Proximal-Development.html
Modisaotile BM 2012. The failing standard of basic education in South Africa. Africa Institute of South Africa (AISA) POLICY brief, 72. Available at http://www.ai.org.za/wpcontent/uploads/downloads/2012/03/No.-72.TheFailing-Standard-of-Basic-Education-in-SouthAfrica1.pdf. Accessed 14 March 2015.
Morgan, H. (2014). Maximizing student success with differentiated learning. The Clearing House, 87:34-38 doi:10.1080/00098655.2013.832130
Motshekga A 2012. Pupil teacher ratio at 30.4:1. Politicsweb, 12 September. Available at http://www.politicsweb.co.za/party/pupil-teacherratio-at-3041--angie-motshekga. Accessed 5 December 2014.
Mustafa HMH, Mahmoud S, Assaf IH, Al-Hamadi A & Abdulhamid ZM 2014. Comparative analogy of overcrowded effects in classrooms versus solving ‘cocktail party problem’ (neural networks approach). International Journal of Engineering Science and Innovative Technology (IJESIT), 3(2):175-182. Available at http://www.ijesit.com/Volume%203/Issue%202/IJ ESIT201402_23.pdf. Accessed 24 April 2016.
Ocampo, D. M. (2018). Effectiveness of differentiated instruction in the reading comprehension level of grade-11 senior high school students. Asia Pacific Journal of Multidisciplinary Research, 6(4), 1-10.
Opoku-Asare NA, Agbenatoe WG & DeGraft-Johnson KG 2014. Instructional strategies, institutional support and student achievement in general knowledge in art: Implications for visual arts education in Ghana. Journal of Education and Practice, 5(21):121-134. Available at http://ir.knust.edu.gh/bitstream/123456789/6242/1/ Nana%20%20Asare%20Instructional%20.pdf. Accessed 26 April 2016.
Opoku-Asare, N. A., Agbenatoe, W. G., & DeGraft-Johnson, K. G. (2014). Instructional strategies, institutional support and student achievement in general knowledge in art: Implications for visual arts education in Ghana.Park, Z. (2018). Middle School Student Perception and Understanding of Differentiated Instruction: A Phenomenological Study.
Pham, H.L (2012). Differentiated instruction and the need to integrate teaching and practice. Journal of College Teaching & Learning, 9(1), 13-20
Philippine Education for All 2015: Implementation and Challenges, Retrieved from: http://planipolis.iiep.unesco.org/upload/Philippines_EFA_MDA.pdf
Piaget, J. (1983). Piaget’s theory.In P. Mussen (Ed.). Handbook of child psychology. Vol. I (pp. 103-128). New York: Wiley
Prince, B. L. (2011). Teacher perceptions of differentiated instruction. (Order No.3460876, Walden University). ProQuest Dissertations and Theses, 184. Retrieved fromhttp://search.proquest.com/docview/879043001?accountid=12085. (879043001).
Robinson, L., Maldonado, N. and Whaley, J. (2014). Perceptions about Implementation of Differentiated Instruction. Paper presented at the Mid-South Educational Research (MSERA) Annual Conference.
Rocca, K.A. (2010). Student participation in the college classroom: An Extend multidisciplinary literature review. Communication Education, 59(2), 185-213. doi: 10.1080/03634520903505936
Santangelo, T., & Tomlinson, C. A. (2012). Teacher educators' perceptions and use of differentiated instruction practices: An exploratory investigation. Action in Teacher Education, 34(4), 309-327.
Servilio, K. L., (2009). You get to choose! Motivating students to read through differentiated instruction. Teaching Exceptional Children Plus, 5(5), 2-11. Retrieved from Education Research Complete database. (Accession No. EJ967752)
Schunk, D., (2012). Learning Theories an Educational Perspective (6th Ed.). Boston: Pearson Education, Inc. 185-213. doi: 10.1080/03634520903505936
Tomlinson, C.et.al (2003). Differentiating instruction in response to student’s readiness, interest, and learning profile in academically diverse classrooms: A review of the literature. Journal for the Education of the Gifted.
Tomlinson, C.A. (2014). Differentiated classroom: Responding to the needs of all learners. Alexandria, VA: ASCD.
Tomlinson, C. A. (2009). Intersections between differentiation and literacy instruction: Shared principles worth sharing. New England Reading Association Journal, 45(1), 28-33.Retrieved from ProQuest Education Journals.
Valiandes, S. (2015). Evaluating the impact of differentiated instruction on literacy and reading in mixed ability classrooms: Quality and equity dimensions of education effectiveness. Studies in Educational Evaluation. Vol. 45, p17-26. 10p.
Verenikina, I. (2010). Vygotsky in Twenty-First- Century Research. Proceedings of World Conference on Educational Multimedia, Hypermedia and Telecommunications, 16-25.
Vygotsky, L.S. (1978). Mind in Society: The Development of higher psychological processes. Wan, S.W. (2016). Differentiated instruction: Hong Kong prospective teacher’s teaching
efficacy and beliefs. Teachers & Teaching. Vol. 22 issue 2, p148-176.29p. Washington, J. (2018). The Relationship Between Differentiated Instruction and 11th-
Grade Students' Academic Performance. Wertsch, J.V. (1997). Vygotsky and the formation of the mind. Cambridge, MA: Harvard
University Press. Cambridge, MA: Harvard University Press. Wormeli, R. (2005). Busting myths about differentiated instruction. Principal Leadership,
5(7), 28-33. Retrieved from http://search.proquest.com/docview/ 234990154?accountid=12085.
Apendiks
Apendiks C Sarbey- Kwestyoneyr
Mahal kong Respondente, Maalab na Pagbati! Ako ay isang mag-aaral sa paaralang gradwado ng Unibersidad ng Foundation sa Siyudad ng Dumaguete at kasalukuyang kumukuha ng kursong Master of Arts in Education sa larangan ng Filipino at nagsusulat ng isang papel-pananaliksik hinggil sa “Lawak ng Pagkatuto ng mga Mag-aaral Kaugnay sa Paggamit ng Differentiated Instruksyon”. Kaugnay po nito, inihanda ko po ang kwestyoneyr na ito upang makapangalap ng datos na kailanganin sa aking isinasagawang pananaliksik.
Kung gayon, mangyaring sagutan nang buong katapatan ang mga sumusunod na aytem. At hinihingi ko po ang iyong buong katapatan sa pagsagot sa sumusunod na mga tanong. Tinitiyak po ng mananaliksik na mananatiling konfidensyal na impormasyon ang iyong kasagutan.
Maraming Salamat at Nawa’y Patnubayan Kayo ng Poong Maykapal!
Lubos na gumagalang,
G. Jimmy B. Ypon
Unang Bahagi:
Pangalan (opsyunal):_____________ Edad: ________________ Kasarian: ______________ Ikalawang Bahagi: Saloobin ng mga mag-aaral sa Paggamit ng Differentiated Instruksyon sa Pagtuturo ng mga guro sa asignaturang Filipino. Basahin at unawain ang bawat pahayag na nasa
ibaba. Panuto: Lagyan ng markang tsek (√) ang loob ng kolom batay sa mga pahayag nasa sa ibaba.
Paggamit ng guro ng Differentiated Instruksyon sa Kategoryang (Pakikilahok)
Dahil sa paggamit ng differentiated instruksyon ng aking guro:
Palagi
Madalas
Minsan
Bihira
Hindi
5
4
3
2
1
1. Ako ay masaya kapag nagbibigay ng gawain ang aming guro dahil nalilinang nito ang aking talento.
2. Ako ay nahihikayat na sumali sa mga pangkatang gawain na ipinagagawa ng aking guro upang mapapaunlad pa ang aking kaalaman at akademik performans.
3. Ako ay nakauunawa sa mga paksang tinalakay ng guro kung nagbibigay ito ng mga gawaing angkop para rito dahil napapalawak pa ang aking kaisipan at kakayahan.
4. Nakikilahok ako sa talakayan at sa mga gawaing ipinapagawa ng aking guro para sa aking lubusang pagkatuto.
5. Nakikilahok ako sa gawain ng aking guro upang mahasa ang aking kaalaman at tiwala sa sarili.
6. Nagaganyak akong nakikilahok sa mga gawaing ibinigay ng guro dahil mas lalo ko panggagalingan ang aking pag-aaral.
7. Natutuwa ako sa mga gawaing ipinapagawa ng aking guro dahil tumaas pa lalo ang aking marka sa filipino at akademik performans.
8. Ako ay nabigyan ng pagkakataon na makilahok sa gawain ng aming guro dahil sa paggamit niya ng differentiated instruksyon sa kaniyang pagtuturo.
Differentiated Instruksyon sa Kategoryang
(Kasanayan/ Skills) Dahil sa paggamit ng differentiated instruksyon ng aking guro:
Palagi
5
Madalas
4
Minsan
3
Bihira
2
Hindi
1
1. Mas napapaunlad pa ang aking sarili sa mga gawaing ipinagagawa ng guro dahil nalilinang nito ang aking talento at kakayahang pangkomunikatibo.
2. Nahahasa ang aking talento at kakayahan sa pamamagitan ng pakikipag-interact sa kapwa mag-aaral at guro sa pamamagitan ng pagbibigay ng iba’t ibang gawain.
3. Ako ay nabigyan ng pagkakataon na maipamalas at maibahagi sa iba ang aking kakayahan sa pamamagitan ng iba’t ibang gawaing ipinapagawa ng aking guro.
4. Naipapakita ko ang aking kompyansa sa sarili sa pamamagitan ng pagsali sa mga gawaing ibinigay ng guro.
5. Napapaunlad ang aking kakayahan sa pamamagitan ng mga gawaing ipinapagawa ng aking guro.
6. Natutuwa ako kapag nagkaroon ng pangkatang gawain ang aming guro dahil ang bawat isa ay nabigyan ng pagkakataon na maipamalas ang kani-kanilang talento at galing.
7. Nagagamit ko ang aking natutuhan sa mga gawaing ibinigay ng guro sa totoong buhay.
Differentiated Instruksyon sa Kategoryang
(Interes)
Dahil sa paggamit ng differentiated instruksyon ng aking guro:
Palagi 5
Madalas
4
Minsan
3
Bihira
2
Hindi
1
1. Ako ay nagkakaroon ng interes sa mga gawaing ipinagawa ng guro at handang sumali sa mga pangkatang gawain.
2. Ako ay nahihikayat na sumali sa gawaing iniatas ng guro sa loob ng klasrum upang mapaunlad ang aking akademik performans.
3. Ako ay mas lalong gaganahan sa talakayan dahil sa mga gawaing ipinagagawa ng guro.
4. Ako ay nagkakaroon ng malalimang pakikipag-ugnayan sa kapwa mag-aaral at guro sa mga aktibidad na ipinagawa nito.
5. Ako ay puspusang nakikilahoksa talakayan at nakikiisa sa mga gawaing iniatas ng aking guro.
6. Naniniwala akona mapapaunlad pa ang aking kakayahan sa talakayan ng aking guro kapag gumamitito differentiated instruksyon.
7. Mas nakauugnay ako sa mga halimbawa kapag ito ay nailalahad ng aking guro sa pamamagitan ng pagbibigay ng iba’t ibang gawain.
Differentiated Instruksyon sa Kategoryang
(Oportunidad) Dahil sa paggamit ng differentiated instruksyon ng aking guro:
Palagi
5
Madalas
4
Minsan
3
Bihira
2
Hindi
1
1. Ako ay nabigyan ng pagkakataon ng aking guro na maipakita ang aking talento.
2. Ako ay nabigyan ng pagkakataong madebelop pa ang aking kakayahan lalong-lalo na sa larangan ng pagbabasa at pagsusulat.
3. Ako ay nabibigyan ng atensyon para mahasa pa ang aking kakayahan sa paggamit ng aking guro ng iba’t ibang gawain.
4. Ako ay nabibigyan ng pagkakataong maibahagi ang aking kaalaman sa aking mga kapwa mag-aaral.
5. Ako ay nabigyan ng tamang oras upang mapaghandaan ang mga gawaing iniatas ng guro sa amin.
6. Ako ay natutuwa dahil nagkaroon ng masayang talakayan kapag nagbibigay ang aming guro ng iba’t ibang Gawain.
7. Ako ay hindi inaantok sa loob ng klase at interesado akong makilahok sa mga gawaing ipinagawa ng aking guro.
Apendiks C
Sarbey- Kwestyoneyr Mahal kong Respondente, Maalab na Pagbati! Ako ay isang mag-aaral sa paaralang gradwado ng Unibersidad ng Foundation sa Siyudad ng Dumaguete at kasalukuyang kumukuha ng kursong Master of Arts in Education sa larangan ng Filipino at nagsusulat ng isang papel-pananaliksik hinggil sa “Lawak ng Pagkatuto ng mga Mag-aaral Kaugnay sa Paggamit ng Differentiated Instruksyon”. Kaugnay po nito, inihanda ko po ang kwestyoneyr na ito upang makapangalap ng datos na kailanganin sa aking isinasagawang pananaliksik. Kung gayon, mangyaring sagutan nang buong katapatan ang mga sumusunod na aytem. At hinihingi ko po ang iyong buong katapatan sa pagsagot sa sumusunod na mga tanong. Tinitiyak po ng mananaliksik na mananatiling konfidensyal na impormasyon ang iyong kasagutan. Maraming Salamat at Nawa’y Patnubayan Kayo ng Poong Maykapal! Lubos na gumagalang,
G. Jimmy B. Ypon
Unang Bahagi:
Pangalan (opsyunal):_____________ Edad: ________________
Kasarian: ______________
Ikalawang Bahagi:
Saloobin ng mga guro sa paggamit ng differentiated instruksyon sa pagtuturo ng mga guro sa asignaturang Filipino. Basahin at unawain ang bawat pahayag na nasa ibaba.
Panuto: Lagyan ng markang tsek ( ) ang loob ng kolom batay sa mga pahayag nasa sa ibaba.
Differentiated Instruksyon sa loob ng Klase ( Bilang ng mga Mag-aaral)
Dahil sa paggamit ng differentiated instruksyon:
Palagi
5
Madalas
4
Minsan
3
Bihira
2
Hindi
1
1. Ako ay nakararanas ng problema sa aking pagtuturo dahil sa dami ng bilang ng mga mag-aaral sa loob ng klasrum.
2. Ako ay nalulungkot kung di agad nakukuha ng aking mga mag-aaral ang leksyon.
3. Ako ay nahihirapan sa paggawa ng mga gawain dahil sa dami ng bilang ng aking mag-aaral.
4. Ako ay nahihirapan sa paglipat ng kaalaman sa mga mag-aaral dahil sa dami ng bilang ng mag-aaral.
5. Ako ay naniniwala na hindi ganoon ka epektibo ang paggamit ko ng differentiated instruksyon sa sobrang dami nila at limitado lamang ang aking oras sa paghahanda ng kagamitang pampagtuturo.
6. Ako ay naniniwala na hadlang ang dami o bilang ng mag-aral sa matagumpay na paggamit ng differentiated instruksyon.
Paggamit ng guro ng Differentiated Instruksyon sa loob ng Klase
( Pamamahala sa Loob ng Klasrum)
Dahil sa paggamit ng differentiated instruksyon
Palagi
5
Madalas
4
Minsan
3
Bihira
2
Hindi
1
1. Ako ay naniniwala na hindi epektibo ang paggamit ng differentiated instruksyon kapag magulo ang mga mag-aaral.
2. Ako ay nakararanas ng kahirapan sa pagkontrol sa klase.
3. Ako ay naniniwala na maaapektuhan ang akademik performans ng mga mag-aaral kapag magulo ang klase dahil sa mga gawain..
4. Ako ay naniniwala na may kaingayan at kaguluhan ang klase sa tuwing ginagamit ko ang differentiated instruksyon.
5. Ako ay naniniwala na di angkop ang laki o bilang ng aking klasrum upang isagawa ang mas interaktibong paraan ang differentiated instruksyon.
6. Ako ay naniniwala na di sapat ang lakas ng aking boses upang pamahalaan ko ang klase lalo na kapag may iba’t ibang gawain ang mga mag-aaral kaya di sa lahat ng pagkakataon ginagamit ko ang differentiated instruksyon.
Paggamit ng guro ng Differentiated Instruksyon sa loob ng Klase
( Kagamitang Pampagtuturo)
Dahil sa paggamit ng differentiated instruksyon
Palagi
5
Madalas
4
Minsan
3
Bihira
2
Hindi
1
1. Hindi sapat ang aking panahon sa paghahanda ng iba’t ibang mga kagamitang pampagtuturo na angkop sa pangangailangan at kakayahan ng aking mga mag-aaral.
2. Hindi sapat ang aming gabay sa pagtuturo/ teachers guide kaugnay sa paggamit ng differentiated instruksyon.
3. Limitado lamang an gaming mga modyul kaugnay sa paggamit ng differentiated instruksyon na estratehiya.
4. May ilang mga paksang mahirap gamitin ng differentiated instruksyon.
5. Minsan iniiwasan ko ang paggamit ng differentiated instruksyon sa pagtuturo dahil nangangailangan ito ng mahabang oras sa pagproseso ng kaalaman.
6. Minsan iniiwasan ko ang paggamit ng differentiated instruksyon dahil nangangailangan ito ng mahabang oras sa paghahanda ng mga materyales na gagamitin sa kalse at perang pambili nito.
Leyenda: 5 Malawak na malawak 3 Katamtaman ng lawak 1 Di malawak 4 Malawak 2 Di Gaanong malawak
Kurikulum Vitae
Personal na Impormasyon
Pangalan: Jimmy B. Ypon
Petsa ng Kapanganakan: March 01, 1994
Lugar ng Kapanganakan: Nagbalaye, Sta. Catalina
Kasarian: Lalaki
Estado Sibil: Walang asawa
Edukasyon
Paaralang Gradwado: Master of Arts in Education
Major in Filipino
Foundation University
March 2020
Kolehiyo: Bachelor of Secondary Education
Major in Filipino
Negros Oriental State University-BSC
March 2016
Sekondarya: Nagbalaye High School
March 2012
Elementarya: Nagbalaye Elementary School 2006
Karanasan sa Pagtuturo: Senior High School Teacher
Sta. Catalina National High School
2018- kasalukuyan
St. Augustine Academy of Bayawan Inc.
Siyudad ng Bayawan
2016-2018
Nasyunal na Pagsusulit na Naipasa: LET-Board Examination
2016
NC II Cookery Holder
View publication statsView publication stats