+ All Categories
Home > Documents > NEWLY-PROMOTED OFFICIALS NG NIA MIMAROPA, NANUMPA NG ...

NEWLY-PROMOTED OFFICIALS NG NIA MIMAROPA, NANUMPA NG ...

Date post: 05-Oct-2021
Category:
Upload: others
View: 3 times
Download: 0 times
Share this document with a friend
8
Opisyal na Pahayagan ng Naonal Irrigaon Administraon MIMAROPA Volume 10, No. 1 January-March 2021 NEWLY-PROMOTED OFFICIALS NG NIA MIMAROPA, NANUMPA NG KATUNGKULAN Calapan City, Oriental Mindoro - Nanumpa ng katungkulan ang apat (4) na newly-promoted na opisyales ng NIA MIMAROPA sa harap ni Deputy Administrator for Administrative and Finance Romeo G Gan sa pamamagitan ng Google Meet noong Marso 17, 2021. Epektibo noong Pebrero 18, 2021 ang appointment ng 4 na opisyales. Ang mga opisyales na ito ay sina: 1. Engr. Lowell L. Lozano – Division Manager, Engineering and Operations 2. Ms. Kirsty Caroline M. Hernandez-Aceron – Division Manager, Administrative and Finance 3. Engr. Gerardo R. Perez – Division Manager, MOMARO IMO 4. Engr. Raymundo L. Calusin – Division Manager, Occidental Mindoro IMO Ang nasabing aktibidad ay sinaksihan ni NIA MIMAROPA Regional Manager William P. Ragodon at mga section chiefs ng Regional Office, Mindoro Oriental-Marinduque-Romblon Irrigation Management Office (MOMARO IMO) and Occidental Mindoro IMO. Ipinaabot ni RM Ragodon ang pagbati sa 4 na Division Managers gayundin ang pasasalamat sa suporta upang maging matagumpay at maayos ang pamamahala at performance ng ahensya sa kasalukuyan at mga nakalipas na taon. Ni: Aileen Vernice G. Bahia, Regional Office (L-R) MOMARO IMO Division Manager Gerardo R. Perez, Engineering and Operaons Division Manager Lowell L. Lozano, Administrave and Finance Division Manager Kirsty Caroline M. Hernandez-Aceron at Occidental Mindoro IMO Division Manager Raymundo L. Calusin habang nanunumpa ng katungkulan sa harap ni Deputy Administrator for Administrave and Finance Romeo G Gan (Right).
Transcript
Page 1: NEWLY-PROMOTED OFFICIALS NG NIA MIMAROPA, NANUMPA NG ...

Opisyal na Pahayagan ng National Irrigation Administration MIMAROPA Volume 10, No. 1 January-March 2021

NEWLY-PROMOTED OFFICIALS NG NIA MIMAROPA, NANUMPA

NG KATUNGKULANCalapan City, Oriental Mindoro - Nanumpa ng katungkulan ang apat (4) na newly-promoted na opisyales ng NIA MIMAROPA sa harap ni Deputy Administrator for Administrative and Finance Romeo G Gan sa pamamagitan ng Google Meet noong Marso 17, 2021. Epektibo noong Pebrero 18, 2021 ang appointment ng 4 na opisyales.

Ang mga opisyales na ito ay sina:1. Engr. Lowell L. Lozano – Division Manager,

Engineering and Operations2. Ms. Kirsty Caroline M. Hernandez-Aceron –

Division Manager, Administrative and Finance3. Engr. Gerardo R. Perez – Division Manager,

MOMARO IMO

4. Engr. Raymundo L. Calusin – Division Manager, Occidental Mindoro IMO

Ang nasabing aktibidad ay sinaksihan ni NIA MIMAROPA Regional Manager William P. Ragodon at mga section chiefs ng Regional Office, Mindoro Oriental-Marinduque-Romblon Irrigation Management Office (MOMARO IMO) and Occidental Mindoro IMO.

Ipinaabot ni RM Ragodon ang pagbati sa 4 na Division Managers gayundin ang pasasalamat sa suporta upang maging matagumpay at maayos ang pamamahala at performance ng ahensya sa kasalukuyan at mga nakalipas na taon.

Ni: Aileen Vernice G. Bahia, Regional Office

(L-R) MOMARO IMO Division Manager Gerardo R. Perez, Engineering and Operations Division Manager Lowell L. Lozano, Administrative and Finance Division Manager Kirsty Caroline M. Hernandez-Aceron at Occidental Mindoro IMO Division Manager Raymundo L. Calusin habang nanunumpa ng katungkulan sa harap ni Deputy Administrator for Administrative and Finance Romeo G Gan (Right).

Page 2: NEWLY-PROMOTED OFFICIALS NG NIA MIMAROPA, NANUMPA NG ...

2 DALUYAN Volume 10, No. 1, 2021

NIA USHERING 2021

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

SPOTLIGHT

Page 2 -3 - NIA Aperture Optimism Board Page 4 - Test run ng bagong proyekto, isinagawa ng NIA Oksi

IMO CORNER

Page 5 - Palawan IMO

Page 6 - Occidental Mindoro IMO

Page 7 - MOMARO IMO

PHOTO NEWS

Page 8 - Convergence meeting with DA MIMAROPA - NIA Managers’ Conference - Blessing ng Service vehicle at heavy equipment

editorial boardWILLIAM P. RAGODONRegional Manager

LOWELL L. LOZANOEngineering and Operations Acting Division Manager

KIRSTY CAROLINE M. HERNANDEZ-ACERONAdministrative and Finance Acting Division Manager

GERARDO R. PEREZMindoro Oriental-Marinduque-Romblon IMO Acting Division Manager

RAYMUNDO L. CALUSINOccidental Mindoro IMO Acting Division Manager

CONRADO V. CARDENAS JR.Palawan IMO Division Manager

editorial STAFFEditor-in-Chief: AILEEN VERNICE G. BAHIA

Graphics/Layout Artist: AILEEN VERNICE G. BAHIAAdministrative Support Staff: MICHAEL B. OSENSAO

Contributors/Writers: DARYLE C. CAMARA, AILYN E. AQUINO, VIVIAN T. DIMZON

Photo Contributors: MOMARO IMO, OCC. MINDORO IMO, PALAWAN IMO

Para sa komento, suhestyon at kontribusyon, tumawag lamang sa (043) 288-7267

region4b.nia.gov.ph [email protected]

nia4bmimaropa

NILALAMAN

“2021: Fostering Resiliency and Effciency for Proficient Service through Innovations and Modernization”

Page 3: NEWLY-PROMOTED OFFICIALS NG NIA MIMAROPA, NANUMPA NG ...

3Volume 10, No. 1, 2021 DALUYAN

SPOTLIGHTI I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I

NIA USHERING 2021

Sinalubong ng NIA MIMAROPA ang taon ng may pag-asa at kasiyahan na masasalamin

sa NIA Aperture Optimism Board sa ginanap na NIA Ushering noong ika-12 ng enero, 2021. Pinangunahan ni Regional anager William P. Ragodon ang nasabing aktibidad kasama ang mga Division Managers ng Regional Office na sina Engr. Lowell L. Lozano at Ms. Kirsty Caroline M. Hernandez-Aceron at Irrigation Management Offices (IMOs).

Ang sabay-sabay at taunang aktibidad ng ahensya para sa taong ito ay may temang “2021: Fostering Resiliency and Effciency for Proficient Service through Innovations and Modernization”. Ang Aperture Optimism Board ay binubuo ng mga larawan ng lahat ng empleyado ng NIA MIMAROPA Regional Office at

Mindoro Oriental-Marinduque-Romblon (MOMARO) IMO. Ito ay sumisimbolo sa behind-the-scene moments ng tagumpay at commitment ng mga empleyado ng NIA sa patuloy na pagsisikap upang makamit ang bisyon, misyon at layunin ng ahensya sa kabila ng lahat ng pagsubok at kahirapan na kinaharap.

“We should focus on three things: Resiliency, Efffciency, Proficiency.” pahayag ni Regional Manager Ragodon sa kanyang mensahe para sa mga empleyado.

“Resiliency is being measured by commitment of a person to do good in his performance and for efficiency, we can be efficient if we know, know, know; if we teach, teach, teach. If we are efficient, there must be a change that is going to happen tomorrow.”

Ni: Aileen Vernice G. Bahia, Regional Office

Binigyang-diin din niya na upang maging marunong, kinakailangan ang patuloy na edukasyon, pagtuturo at kaalama kung ano ang dapat gawin at paano gawin ang trabaho.

Samantala, ipanabatid ni NIA Administrator Ricardo R Visaya sa kanyang virtual message ang pasasalamat sa mga empleyado ng ahensya sa pagsiskap at patuloy na paghahatid ng serbisyo sa kabila ng pandemya.

Aniya, malalampasan ng lahat ang anumang suliranin kung patuloy ang pagkakaisa at pagtutulungan ng bawat isa sa NIA. Hinikayat rin niya ang positibong pananaw na magiging maayos rin ang lahat.

Ang Palawan IMO at Occidental Mindoro ay naki-isa rin sa pamamagitan ng virtual conference.

Page 4: NEWLY-PROMOTED OFFICIALS NG NIA MIMAROPA, NANUMPA NG ...

4 DALUYAN Volume 10, No. 1, 2021

SPOTLIGHTI I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I

test run ng bagong irrigation project, isinagawa ng nia oksi

Isinagawa ng NIA Occidental Mindoro Irrigation Management Office (IMO) sa pamumuno ni Acting Division Manager Raymundo L. Calusin ang test

run noong Pebrero 9, 2021 para sa bagong proyekto - ang Cabagan Small Irrigation Project (SIP). Natapos ang proyekto noong Pebrero 6, 2021.

Ang Cabagan SIP ay nagkakahalaga ng P30.25-milyong piso na matatagpuan sa munisipalidad ng Sta. Cruz, Occidental Mindoro. Kabilang sa proyekto ay ang konstruksyon ng canal lining at canal structures. Ang Cabagan SIP ay maaaring makapagpatubig sa 200 ektaryang sakahan na mapapakinabangan ng 60 magsasakang benepisyaryo.

Ipinaabot ng Amnay Cabagan Irrigators Association (IA), ang IA na siyang mamamahala sa nasabing proyekto ang kanilang pasasalamat sa pamunuan ng NIA MIMAROPA partikular kay Regional Manager William P. Ragodon.

“Kami pong samahan ng Amnay Cabagan Irrigators Association ay lubos na nagpapasalamat sa Diyos, dahil kayo

po yung kanyang ginagamit upang mabiyayaan kami ng isang napakagandang proyekt na aming mapapakinabangan habang buhay. Ang inyo pong ahensya sa National Irrigation Administration ay lalo pang tumatag at maging matibay sa tulong at gabay ng Diyos. Ito po ang lagi naming panalangin. Lagi nya kayong ingatan, ilayo sa ano mang uri ng karamdaman at kapahamakan at lalo pang lumawak at marami pang matulungang mga magsasaka di po lamang dito sa Mindoro kundi sa buong Pilipinas. Ito po ang aming pasasalamat una po sa Diyos at pangalawa po sa inyo at sa inyong ahensya. Marami pong Salamat. Pagpalain po kayo ng Diyos.”

Inaasahan na makakatulong ang Cabagan SIP na mapataas ang produksyon ng agrikultura sa bayan ng Sta. Cruz lalo ngayong panahon ng pandemya.

Ni: Aileen Vernice G. Bahia, Regional Office

Page 5: NEWLY-PROMOTED OFFICIALS NG NIA MIMAROPA, NANUMPA NG ...

5Volume 10, No. 1, 2021 DALUYAN

PALAWAN IMOI I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I

NIA PALAWAN, SUPORTADO ANG TAGUMPAY NG IRRIGATORS ASSOCIATION

Suportado ng NIA Palawan IMO sa pamumuno ni Division Manager Conrado V. Cardenas, Jr. ang tagumpay ng Irrigators Association (IA) sa

naganap na turnover ng farm machineries bilang bahagi ng Rice Competitiveness Enhancement Fund Mechanization Component ceremony. Ang aktibidad ay pinangunahan ni Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar sa Bataraza, Irawan, Puerto Princesa City, Palawan noong Enero 29, 2021.

Si Ginoong Jibsam Andres, pangulo ng Dumangueña Manaile River Irrigators Association (DUMRIA), ay isa sa 75 na mga magsasakang lider mula sa kooperatiba o asosasyon ng 17 munisipyo na nakatanggap ng isang (1) yunit ng four-wheel tractor and 1 yunit ng combine harvester mula sa DA.

Ang pagsisikap ng DUMRIA na mapataas ang kita ng kanilang asosasyon ang naging daan upang makamit ang nasabing makinarya. Sila ay nagpapasalamant sa tulong mula sa gobyerno na maipagpatuloy ang kanilang mga proyekto.

“Kami pong magsasaka ay lubos pusong nagpapasalamat sa mga nagsisikap na ehemplo ng pamahalaan upang maging posible ang mga proyekto para sa mga magsasaka”, ayon kay Andres.

Kabilang sa mga IA na nakatanggap ng makinarya mula sa DA ay Malapandeg Farmer’s IA, Tinagong Dagat IA, Luntiang Kabundukan IA, Elvita Taritien, Malatgao Farmers IA, Panibacan Irrigators Service Association, Tagbuaya Irrigators Association, Samahang Magpapatubig at Magsasaka ng Candawaga, Inc. Samahang Magpapatubig ng

Katiringan at Libtong, Inc. mula sa Southern Palawan at JORIZAN Malatgao RIS IA, Jose Rizal of Aborlan Farmers IA, Magsasaka ng Apoc-Apoc, Tigman Plaridel IA, United Northern Palawan Rice Granary Farmers IA Inc., Layok Farmers IA, CAVISCO IA, Samahan ng Magpapatubig ng Mabini, El Nido, Palawan Inc., Mauranen IA, at Samahang Manunubig ng Ibangan, Bantoto Farmers, Abaroan Roxas mula sa Northern Palawan.

“NIA has always been proud to Irrigators Associations for their successes and we hope these will serve as an inspiration to all farmers or IAs in the province of Palawan to achieve their goals in the near future”, pahayag ni Division Manager Cardenas Jr.

Tinatayang 377 yunit ng makinaryang pangsaka ang ipinamahagi sa mga magsasaka, mangingisda at agri-champions ng DA-Philmech na nagkakahalagang P105M agri-intervention at assistance para sa probinsya ng Palawan.

Ni: Daryle C. Camara, Palawan IMO

Page 6: NEWLY-PROMOTED OFFICIALS NG NIA MIMAROPA, NANUMPA NG ...

6 DALUYAN Volume 10, No. 1, 2021

Isinakatuparan ang coordination meeting sa pagitan ng National Irrigation Administration

(NIA), Irrigators Association (IA), Department of Agriculture (DA) at Landbank o the Philippines (LBP) noong ika-16 ng Marso, 2021 sa Barangay Poblacion, Sablayan, Occidental Mindoro. Layunin ng nasabing koordinasyon na maisakatuparan ang implementasyon ng “Adjusted Cropping Calendar” ng main crop ngayong taon para sa buong probinsya kaisa ang mga ahensyang nagbibigay suporta sa mga magsasaka.

Ayon sa pagpapaliwanag na ibinahagi ng NIA sa pangunguna ni Sr. IDO Edwin V. Arevalo, ang pagpapatupad ng adjusted cropping calendar ay bahagi ng hakbangin na maiwasan ang malalang epekto at pinsala ng bagyo sa mga panananim sa panahon ng panag- ulan at kakapusan naman ng tubig irigasyon sa panahong ng panag-araw. Ang pagbabagong ito sa kalendaryo ng pagtatanim ay base

na rin sa nagdaang karanasan ng mga magsasaka na nagresulta sa mababang produksyon ng kanilang mga pananim at nakaapekto sa kabuuang suplay ng produktong pang-agrikultura sa buong probinsya.

Binigyang-diin rin nito ang kinakailangang paghahanda ng mga IA sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga pagpupulong upang epektibong maisakatuparan at makasunod sa panukalang ito.

Lubos ang suportang ipinakita ng mga kinatawan mula DA Regional Office sa pangunguna ni Regional Executive Director Antonio Gerundio sa nasabing layunin. Ayon sa kanyang mensahe, nakahanda at sisikapin ng kanilang ahensya na maipagkaloob sa mga magsasaka ayon sa itinakdang panahon ang kinakailangang binhi at abono upang masuportahan ang maagang pagtatanim. Hinikayat rin niya ang lahat ng magsasaka na sikaping mapabilang sa Registry System for Basic Sectors

OCCIDENTAL MINDORO IMOI I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I

Koordinasyon sa pagitan ng NIA, IA, DA At LBP, isinakatuparan

in Agriculture (RSBSA) upang higit pang maibigay ang maayos na serbisyong kanilang kinakailangan sa punto ng pagsasaka.

Bahagi rin ng kanilang naging oryentasyon ay ang pagbibigay impormasyon sa mga IA patungkol sa paraan para makakuha at makasali sa farm mechanization program ng gobyerno.

Naging positibo rin ang pagtugon ng LBP sa pangunguna ni Manager Danilo Crobalde na maibigay at mai-proseso ng mabilis ang dokumento ng mga magsasakang kabahagi sa Sikat Saka Program upang makatugon sa pinansyal na pangangailangan ng mga magsasaka bago pa man magsimula ang sakahan.

Upang lubusang pagtibayin ang nasabing “adjusted cropping calendar”, isa-isang lumagda sa kasunduan ang bawat pangulo ng IA, maging ang mga ahensyang nakiisa sa aktibidad bilang patunay ng kanilang pagsang-ayon at suporta sa implementasyon nito.

Ipinaliwanag ni DA Regional Director Antonio Gerundio ang layunin ng nasabing coordination meeting sa mga IA ng Occidental Mindoro.

Si Sr. IDO Edwin V. Arevalo (white) ang naging kinatawan ng NIA sa meeting tungkol sa pagbabago ng cropping calendar.

Ni: Vivian T. Dimzon, Occ. Mindoro IMO

Page 7: NEWLY-PROMOTED OFFICIALS NG NIA MIMAROPA, NANUMPA NG ...

7Volume 10, No. 1, 2021 DALUYAN

MOMARO IMOI I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I

MGA AKTIBIDAD SA ORIENTAL MINDORO

Ni: Ailyn E. Aquino, MOMARO IMODahil sa pandemya, naging limitado ang mga ibinibigay na mga pagsasanay para sa mga magsasaka. Ngunit sa kabila nito, sinikap ng ahensya na abutin ang pangangailangan ng mga magsasaka partikular sa pinansyal na kalagayan. Ito rin ang naging damdamin ng ibang ahensya na kabilang sa Sikat Saka Program ng gobyerno.

Sa pakikipag-ugnayan ng NIA sa pamunuan ng Department of Agriculture, Landbank of the Philippines, Philippine Crop Insurance Corporation and National Food Authority, nabigyan ng pagkakataong makapagsanay ng Financial Literacy and Credit Discipline Seminar ang halos isang daang (100) magsasaka na kung saan pangunahing kinakailangan upang makasali sa programang ito.

Isinagawa ang naturang pagsasanay noong ika- 18 hanggang 19 ng Marso, 2021 sa tatlong magkakahiwalay na lugar: sa Barangay San Vicente at Alacaak, Sta.Cruz at Rizal. Karamihan sa mga dumalo ay miyembro mula sa mga bagong organisadong samahang magpapatubig na nagnanais din maranasan ang kaalwanan at malaking kapakinabangan ng programang ito.

LIMITLESS

Tumanggap ng farm machineries mula sa DA at PhilMech ang Sta. Rita IA at Sta. Maria-Pagalagala IA noong ika-1 ng MArso, 2021.

NIA-IA Operation and Maintenance Federation Meeting ng Bansud RIS kasama ang mga kinatawang ng DA noong March 3, 2021 upang pag-

usapan ang adjustment sa cropping calendar

NIA-IA Operation and Maintenance Federation Meeting ng Pula RIS kasama ang mga kinatawang ng DA noong February 26, 2021 upang

pag-usapan ang adjustment sa cropping calendar

Brgy. Alacaak

Brgy. Malawaan

Brgy. San Vicente

Ni: Vivian T. Dimzon, Occ. Mindoro IMO

Page 8: NEWLY-PROMOTED OFFICIALS NG NIA MIMAROPA, NANUMPA NG ...

8 DALUYAN Volume 10, No. 1, 2021

PHOTO NEWSI I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I I

CONVERGENCE MEETING WITH DA MIMAROPACalapan City, Oriental Mindoro - Isinagawa ang kauna-unahang convergence meeting sa pagitan ng NIA MIMAROPA at

Department of Agriculture (DA) MIMAROPA upang pag-usapan ang paghahatid ng mga pangangailangan sa pamamahala ng patubig at agrikultura sa rehiyon noonG Enero 21, 2021.

2nd semester nia managers’ conferenceCalapan City, Oriental Mindoro - Nakilahok ang NIA MIMAROPA management sa pamumuno ni Regional Manager William P.

Ragodon sa ginanap na 2nd Semester NIA Managers’ Conference noong Pebrero 4-5, 2021. Layunin ng aktibidad na masuri ang naging performance at accomplishment ng bawat rehiyon para sa taong 2020 sa larangan ng project implmentation, operation

and maintenance, institutional development, administrative and finance at public relations.

blessing ng bagong service vehicle at heavy equipmentCalapan City, Oriental Mindoro - Isinagawa ang blessing ng 2 bagong service vehicle at isang heavy equipment na ipinagkaloob ng NIA Central Office sa NIA MIMAROPA noong Marso 4, 2021 na nilahukan ng mga opisyales ng Regional Office, MOMARO IMO at

Occidental Mindoro IMO sa pamumuno ni Regional Manager William P. Ragodon.


Recommended