+ All Categories
Home > Documents > Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa programang ...

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa programang ...

Date post: 28-Jan-2017
Category:
Upload: dinhduong
View: 337 times
Download: 43 times
Share this document with a friend
10
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa programang Kindergarten at mga nakatutulong na tips para sa isang matagumpay na transisyon sa paaralan, bumisita sa aming website sa www.tcdsb.org TORONTO CATHOLIC DISTRICT SCHOOL BOARD TRUSTEES 2013 - 2014 Wards 1. Peter Jakovcic 416-512-3401 2. Ann Andrachuk, Chair 416-512-3402 3. Sal Piccininni, Vice-Chair 416-512-3403 4. Patrizia Bottoni 416-512-3404 5. Maria Rizzo 416-512-3405 6. Frank D’Amico 416-512-3406 7. John Del Grande 416-512-3407 8. Garry Tanuan 416-512-3408 9. Jo-Ann Davis 416-512-3409 10. Barbara Poplawski 416-512-3410 11. Angela Kennedy 416-512-3411 12. Nancy Crawford 416-512-3412 William Lawrence, Student Trustee 416-512-3413 Enrique Olivo, Student Trustee 416-512-3417 Angela Gauthier, Director of Education Ann Andrachuk, Chair of the Board NOVEMBER 2013 80 Sheppard Avenue East, Toronto, Ontario M2N 6E8 · 416-222-8282 · www.tcdsb.org FILIPINO
Transcript
Page 1: Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa programang ...

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa programang Kindergarten at

mga nakatutulong na tips para sa isang matagumpay na transisyon sa paaralan, bumisita sa aming website sa www.tcdsb.org

TORONTO CATHOLIC DISTRICT SCHOOL BOARD

TRUSTEES 2013 - 2014 Wards 1. Peter Jakovcic 416-512-3401 2. Ann Andrachuk, Chair 416-512-3402 3. Sal Piccininni, Vice-Chair 416-512-3403 4. Patrizia Bottoni 416-512-3404 5. Maria Rizzo 416-512-3405 6. Frank D’Amico 416-512-3406 7. John Del Grande 416-512-3407 8. Garry Tanuan 416-512-3408 9. Jo-Ann Davis 416-512-3409 10. Barbara Poplawski 416-512-3410 11. Angela Kennedy 416-512-3411 12. Nancy Crawford 416-512-3412 William Lawrence, Student Trustee 416-512-3413 Enrique Olivo, Student Trustee 416-512-3417

Angela Gauthier, Director of Education

Ann Andrachuk, Chair of the Board

NOVEMBER 2013

80 Sheppard Avenue East, Toronto, Ontario M2N 6E8 · 416-222-8282 · www.tcdsb.org

FILIPINO

Page 2: Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa programang ...

AKO Ako’y isang bata Tahanan at paaralan ang aking lugar Sa imahen ng Diyos, ako ay ginawa Sa ngalan ng Diyos, ako ay isang bakas. Ako’y isang manunuklas Tingnan mo’t makikita mo Nakatutuklas ako ng maraming sorpresa sa paligid ko. Ako’y isang atleta Masdan mo akong lumundag at sumayaw Minsan walang hinto sa paggalaw. Ako’yisangsiyentipiko Napakaramikongalam Tungkolsatubig at panahon at dumina akingnahipo. Ako’yisangarkeologo Ako’y isang arkeologo Mga bato at roka ang aking natuklasan Kasya sa aking bulsa, iba’t ibang uri at hugis ng mga bato. Ako’y isang pintor Ang pinsel ang aking kasangkapan Naghahayag ng magandang kuwento, sa tahanan at sa paaralan. Ako’y isang konstruktor Sa mga bloke ako’y makagagawa Isang kastilyo, ‘sang kubo, ‘sang bangka para sa lawa. Ako’y isang makata Aking dasal ay isang awitin ng papuri, at pasasalamat sa buong araw. Ako’y bagong kaibigan Kalaro mo sa iyong tabi Sabay na natututo, lumalaking may dangal. Ako’y isang bata Tahanan at paaralan ang aking lugar

Sanggunian at Pangunahing Link para sa Full Day Kindergarten (Full-Day Kindergarten –Quick Reference & Key Links)

Mga Tanong tungkol sa full-day kindergarten: www.Ontario.ca/kindergarten

Patnubay ng Tanong at Kasagutan para sa Magulang: www.edu.gov.on.ca/kindergarten/QsAsguide.pdf

Listahan ng mga materyal: www.edu.gov.on.ca/kindergarten/index.html

Information about child care in Ontario: www.ontario.ca/childcare

Kindergarten Artwork from: St. Jude Catholic School

St. Thomas More Catholic School St. Timothy Catholic School

© Toronto Catholic District School Board, 2006

Implementasyon ng Pamantayan sa Pananamit sa mga Paaralang Elementarya sa TCDSB Noong September 2011, ipinatupad na ng Toronto Catholic District School Board ang patakaran sa Pamantayan sa Pananamit sa bawat paaralang elementarya nito.

Ang Pamantayan sa Pananamit:

nagtataguyod ng diwa ng paaralan at kaligtasan

naghihikayat ng pokus sa akademiks sumusuporta ng pagsasali sa lahat nagbibigay diin sa identidad ng

paaralang Katoliko nagbibigay sa mga magulang ng

pagpipilian at pleksibilidad

matipid

Bilang pagpapanatili ng aming pangako na ipakita ang aming pagiging Kristiyano sa pang-araw na buhay at pagsunod sa turo ng Simbahan at ng ating sariling Misyon at Bisyon, ang Toronto Catholic District School Board ay nagpatupad ng patakaran na Sweatshop-Free Purchasing Policy. Ang patakaran ay nagsasabi sa lahat ng aprubadong manininda ng uniporme na magbigay ng katiyakan na ang mga tagagawa ng uniporme ay sumunod sa mga hinihingi para sa probisyon at pagbili na nakasaad sa kasunduan sa Suppliers Fair Labour Practices Agreement. Hinihiling namin na isaalang-alang ng mga paaralan ang isang ligtas, makatarungan at malusog na pamantayan sa tuwing sila ay mamimili. Ang listahan ng mga taga-suplay o suppliers ng mga uniporme, na nagpahayag na sumusunod sila sa ating patakaran, ay nasa ating website. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Local Dress Code ng paaralan, inirerekomenda na kontakin ng magulang ang kanilang punong-guro o ang Chair ng Catholic School Advisory Council (CSAC). Ang impormasyon tungkol sa implementasyon ng TCDSB Appropriate Dress Code ay makikita rin sa aming website sa: http://www.tcdsb.org/FORPARENTS/DressCode/Pages/default.aspx

Page 3: Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa programang ...

16

Mga Magulang bilang Kapanig Sa simulang pumasok na ang inyong anak sa paaralan, maraming mga paraan para patuloy ninyong masuportahan ang kanyang edukasyon sa pamamagitan ng pagiging kapartner ng paaralan:

Dumalo sa komperensiya ng magulang at guro upang mapag-usapan ang mga tagumpay, agam-agam at magbahagi ng mga ideya tungkol sa pinag-aralan ng inyong anak. Kung mas komportable kang pag-usapan ang iyong mga ideya sa wika maliban sa Ingles, bibigyan ka ng tagasalin o interprete para sa iyong sesyon.

Magboluntaryo ng ilang oras. Kung meron kang libreng oras sa isang araw, linggo o buwan, baka nais mong magboluntaryo sa paaralan. Pahahalagahan ng paaralan ang iyong suporta. Kuntakin ang guro ng iyong anak o ang punong-guro ng paaralan.

Alamin lagi ang mga impormasyon. Magpapadala ang paaralan sa inyo ng newsletter na nagbibigay buod ng mga mahalagang pangyayari, isyu at mga susunod na aktibidad.

Lumahok sa mga espesyal na kaganapan sa paaralan gaya ng Gabi ng Kurikulum, Open House, Liturhiya at iba pang mga pagdiriwang. Ang mga kaganapang ito ay nagbibigay oportunidad na bumuo ng komunidad at maipagdiwang ang pag-aaral kasama ng iyong anak.

Dumalo sa Pagpupulong ng Catholic School Advisory Council (CSAC). Ang bawat paaralan ay may Konseho ng Tagapayo sa Paaralan o Catholic School Advisory Council na nagpupulong buwan-buwan upang pag-usapan ang mga isyu at aktibidad na makabubuti sa mga estudyante at sa paaralan. Kontakin ang paaralan para sa petsa ng susunod na miting.

Kontakin ang guro ng inyong anak kung ikaw ay may tanong o ikinababahala tungkol sa karaniwang gawain sa paaralan, kurikulum, kaligtasan at progreso patungkol sa iyong anak.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa full-day kindergarten, tingnan at basahin ang aming Quick Reference at Key Link section sa unang pahina ng buklet na ito.

1

Maligayang Pagdating sa

Toronto Catholic District School Board! Mga Magulang/Tagapangalaga: Malugod namin kayong tinatanggap sa Toronto Catholic District School Board. Kinikilala namin na bilang mga magulang, kayo ang nagsilbing una at pinakamahalagang guro ng inyong anak, na humubog sa kanyang paniniwala at nagbigay ng panghabambuhay na kaalaman. Natutuwa kami na pinili ninyo ang isang paaralang Katoliko sa pagpapatuloy ng susunod na bahagi ng kanyang paglalakbay sa larangang ispiritwal at edukasyon. Ang naiiba at natatanging karakter ng aming mga paaralang Katoliko ay yumabong mula sa mahabang taon ng pagtutulungan ng tauhan, magulang at parokya upang matiyak na ang aming mga mag-aaral ay mabigyan ng mga oportunidad upang umunlad at magtagumpay sa isang mapagkalingang kapaligirang Katoliko. Ang Kindergarten ay isang nakapananabik na panahon para sa mga bata. Ito kalimitan ang kanilang unang introduksiyon sa pormal na edukasyon, dala rito ang samut-saring emosyon, kasama ng agam-agam, pagkatuwa at antisipasyon. Ito ay isang kritikal na panahon para sa pag-unlad ng iyong anak, kung saan siya ay natututo ng iba’t-ibang mahahalagang kakayahan, dunong at mga aktitud na gagabay sa kanya tungo sa mga karanasan sa pag-aaral sa hinaharap. Kinikilala namin na ang lahat ng mga batang pumupunta sa amin ay may talento at kaloob, at iba’t – ibang uri ng pangangailangan. Lubos kaming makikipagtulungan sa inyo upang higit na maalagaan ang ispiritwal, akademik, pisikal, sosyal at emosyonal na pag-unlad ng bawat bata. Umaasa kami na ang taon na darating ay magbibigay sa inyong anak ng mga pagkakataon na magtagumpay, magkaroon ng mga bagong kaibigan at maraming magagandang karanasan. Angela Gauthier Ann Andrachuk Director of Education Chair of the Board

Page 4: Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa programang ...

2

Aming Bisyon para sa Maagang Pagkatuto

Ipinagdiriwang namin ang pagkamangha at labis na pagtataka ng pagkabata bilang isang bakas ng Diyos.

Isinusulong namin ang pag-unlad ng bata sa kanyang kabuuan.

Naglilikha kami ng komunidad na mapagkalinga, kung saan ang lahat ay

napapabilang, pinapahalagahan ang pagka-iba-iba at iginagalang ang lahat ng mga bata at kanilang pamilya.

Nagbibigay kami ng angkop na programa upang matugunan ang mga

magkakaibang karanasan, pinagmulan, abilidad at mga pangangailangan ng lahat ng mga bata.

Naniniwala kami na sa pamamagitan ng paglalaro, natututo ang mga bata, at ito

ang pangunahing daan upang maintindihan nila ang kanilang sarili, ang iba, at ang mundo.

Lumilikha kami ng malusog na kapaligiran sa pag-aaral, at ito’y ligtas, panatag,

masigla at masusing pinagplanuhan at isinaisip ang kabutihan ng bata.

Hinihimok namin ang pagkatuto sa pamamagitan ng pagtutuklas, paglalaro, pag-uusap, pakikipagsapalaran, paglutas ng suliranin at pagpili o pagdedesisyon.

Gumagamit kami ng samut-saring estratehiya sa pagtuturo na para sa pang-

malakihang grupo, pangmaliit na grupo at pang-indibidwal.

Nagbibigay kami ng mga karanasan na bubuo ng isang matibay na pundasyon para sa paglinang ng literasi at numerasi.

Gumagamit kami ng estratehiya na autentiko at patuloy na pagtatasa o pagsusuri

para mabigyan ng wastong impormasyon ang gumagawa ng programa at mapaunlad ang pag-aaral.

Tinatanggap at ginagalang namin ang

mga magulang at tagapangalaga bilang mga mahalagang kapanig sa edukasyon ng kanilang mga anak.

Itinataguyod namin ang pagtutuwang ng tahanan, paaralan, parokya at ng kabuuang kumunidad.

15

Pagtatasa, Pagsusuri at Pag-uulat sa Kindergarten Ipinapakita ng maliliit na bata ang kanilang pang-unawa sa pamamagitan ng paggawa, pagsasabi at pagpapakita. Patuloy na minamasdan, minomonitor, dinodokumento at binibigyang halaga ng mga guro ang pagkatuto ng bata sa maraming mga bagay. Sa unang termino, aanyayahan kayo na dumalo sa isang komperensiya upang mapag-usapan kung paano umuunlad at nakakaayon ang inyong anak sa paaralan. Ang komperensiya ay isang okasyon upang makapagbahagi at maipagdiwang ang tagumpay at progreso ng inyong anak simula noong Setyembre. Ang isang sinulat na report sa progreso ng inyong anak ay ipadadala sa inyo sa katapusan ng una at pangalawang termino sa Kindergarten.

Page 5: Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa programang ...

14

Pagtugon sa Pangangailangan ng Lahat ng mga Bata Tinatanggap ng Toronto Catholic District School Board ang lahat ng mga bata na may iba’t-ibang uri ng pangangailangan sa pagkatuto at nakatalaga rin itong magbigay ng edukasyon na magtutulot sa lahat ng bata na maabot ang kanilang buong potensyal. Ang mga tauhan ng Board ay nakikipagtulungan sa mga magulang upang makapagbigay ng edukasyon na nagtatangkilik sa pag-unlad ng bata sa kanyang kabuuan. Marami sa mga batang may espesyal na pangangailangan sa pagkatuto ang isinasama sa edukasyong pangkalahatan, habang ang iba nama’y nangangailangan ng programa at serbisyo na dinesenyo para matugunan ang sariling pangangailangan ng indibidwal sa edukasyon. Hinihimok ang mga pamilya na ipaalam sa paaralan ang espesyal na pangangailangan sa pagkatuto ng kanilang anak bago pa mag-umpisa ang pasukan. Kailangang ibahagi sa paaralan ang rekord o dokumento mula sa preschool, mga doktor, o mga ahensiyang pangkumunidad. Mabibigyan ng pagkakataon ang school board na makipagtulungan sa inyo upang planuhin ang maalwan na pagpasok sa paaralan at upang matiyak na nakalagay na ang mga espesyal na programa at serbisyo para sa inyong anak sa oras na siya ay magsimula nang pumasok.

3

Pokus sa Pananampalataya Sa Kindergarten, pinapagtibay namin ang bata sa lahat ng aspeto ng kanyang paglago habang ipinagdiriwang namin ang kagandahan ng pagkabata bilang bakas ng Diyos. Ang In God’s Image o Sa Imahen ng Diyos ay ang material na pinagbabatayan para sa edukasyong pang-relihiyon sa Kindergarten. Ito’y nagtitibay ng kanilang ispiritwalidad, emosyonal, sosyal, intelektwal at pisikal na pag-unlad sa pamamagitan ng awit, dasal, mga aktibidad at simbolo. Ito’y nagbibigay daan sa relihiyon na dumadaloy mula sa karanasan sa buhay ng munting bata at ito ay pinagdiriwang sa mga simpleng ritwal na lumilikha ng pundasyon para sa mga sumusunod na mga kaalaman sa relihiyon. Ang In God’s Image ay binubuo ng walong mga modulo:

Ako

Mga Oras sa Daigdig

Mga Espesyal na Araw

Mga Oras sa Simbahan

Komunidad

Mga Halaman

Mga Hayop

Mga Pagbabago Ang ilang mga mas ispisipikong paksa ay napapaloob sa bawat modulo. Ang mga paksang ito ay binibigay sa buong panahon ng Kindergarten.

Page 6: Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa programang ...

4

Pagiging Handa sa Paaralan Ang pagtuturo at pagkatuto ay parehong nagaganap sa paaralan at sa tahanan. Ang mga aktibo, masaya at makahulugang mga aktibidad ay mga pinakamagandang paraan para masuportahan ng mga magulang ang pagkatuto ng bata sa tahanan. Ang mga ito ay nagbibigay pagkakataon para sa mga bata na makapagsalita, makatuklas, makapag-eksperimento at humanga sa mga bagay sa kanilang pang-araw-araw na buhay. Kapag ang mga bata ay aktibong kasangkot sa pagkatuto, natutuklasan nila na ang pag-aaral ay parehong masaya at mahalaga. Ang sumusunod na mga aktibidad ay makatutulong upang maging handa sa paaralan ang inyong anak.

Tulungan ang iyong anak sa transisyon mula sa tahanan papunta sa paaralan.

Sabihin mo sa akin kung kagaya ng ano ang paaralan at ang lahat ng masasaya at magagandang bagay na aking matututunan.

Dalhin mo ako para bisitahin ang aking paaralan. Ipakita mo sa akin ang aking silid-aralan at ipakilala mo sa akin ang aking guro.

Sabihin mo sa akin ang tungkol sa aking unang araw at ang tungkol sa mga bagong tao na aking makikilala.

Basahan mo ako ng libro tungkol sa paaralan at kung paano magkaroon ng bagong kaibigan.

13

Oportunidad sa Pag-aaral ng Matematika…nagtataguyod ng pag-iisip ng matematika, pag-uusap at paglutas ng palaisipan sa pamamagitan ng pamamahala ng konkretong materyal. Ang mga aktibidad na ito ay nagsasali ng pagbibilang, pag-unawa ng numero, pag-uuri, patern, pagsusukat at pagkolekta ng mga datos upang makagawa ng at mabigyang pakahulugan ang mga grapika.

Pisikal na Edukasyon at larong panlabas

nagbibigay sa mga bata ng pagkakataong igalaw ang kanilang katawan at palakasin ang kanilang muskular na kakayahan sa pamamagitan ng mga aktibidad na malikhaing paggalaw, pagsayaw, pagtakbo, paglundag, pag-akyat at pagmanipula

ng bola, hoops, at iba pa.

Aklatan sa Paaralan ang pagbisita ay nangyayari isang beses sa isang linggo. Inaanyayahan ang mga bata na humiram ng aklat upang basahin sa bahay kasama ng pamilya.

Musika ay naisasama sa araw-araw na aktibidad. Ang mga bata ay makikilahok din sa lingguhang leksiyon sa pag-awit kasama ng guro sa musika.

Oras ng Meryenda ay nagbibigay ng muling lakas sa mga katawan. Ang mga bata ay inaasahang magdala ng kaunti at malusog na meryenda (walang anumang produkto ng nut) para kainin araw-araw.

Page 7: Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa programang ...

12

Ang Karaniwang Araw sa Kindergarten

Ang karaniwang araw sa programang kindergarten ay nagsasali ng balanseng aktibidad sa pagtutuklas, paggalugad o imbestigasyon, instruksiyon na may patnubay at malinaw na instruksiyon. (Full Day Early Learning Kindergarten Document 2010, FDELK).

Oras ng Pagtitipon … nagaganap kung sama-sama ang mga bata at ang guro para sa mga aktibidad na pangmalakihang grupo. Ang mga aktibidad ay maaaring magsali ng dasal, mga pag-uusap, pagbabahagi at pag-e-eksperimento.

Sa Imahen ng Diyos o In God’s Image…Ang Programa ng Edukasyon sa Relihiyon sa Kindergarten ay nag-aalaga ng ispiritwalidad ng mga bata sa pamamagitan ng pagbigay ng pagkakataon sa loob ng araw na mailahok sila sa “larong paladasalan”. Nailalahok sa kabanalan sa kanilang sariling antas ang mga bata sa pamamagitan ng paggamit ng samut-saring tema sa In God’s Image at sa pagsunod sa Liturhiya ng Simbahan.

Intensyonal na pagbibigay ng pagkakataon sa paglalaro para matuto nagbibigay sa mga bata ng pagkakataon na mapalawak ang kanilang pag-aaral at paglutas ng pala-isipan sa pamamagitan ng paglalaro na may pokus. Ang mga oportunidad ay maaaring magsama ng larong dula, laro sa tubig at buhangin, bloke, puzzle, pagpipinta, playdough, sentro sa literasi at matematika. Ang pag-aaral sa lengguwahe at matematika ay naisasama na sa buong araw.

Pag-aaral ng Lengguwahe/Wika nagtataguyod ng pagkahilig sa pagbabasa at pagsusulat at nagsasali ng pag-unlad sa pagbigkas ng wika sa pamamagitan ng pag-uusap, tugma, laro sa daliri, awitin at tula. Ang mga bata ay nalalahok din sa pagbabasa, pagsusulat at mga laro sa pagkilala ng tunog sa oras ng mga aktibidad sa lengguwahe.

5

Bigyan ang iyong anak ng isang ligtas at malusog na simula sa paaralan.

Tulungan mo akong simulan ang aking araw ng may malusog na almusal. Tulungan mo akong magbaon ng nakabubusog na meryenda na walang nut o anumang produkto ng nut (dahil may taluhiyang o “allergy” sa nut ang iba kong kaibigan).

Tiyaking patulugin ako ng maaga. Kailangan ko ng 10-12 oras na tulog gabi-gabi.

Suutan ako ng kumportableng damit ayon sa pang-araw araw na klima.

Turuan mo akong maging independiente sa pananamit para sa lahat ng kapanahunan.

Ituro mo sa akin kung paano at kung kanino hihingi ng tulong kung kinakailangan.

Ituro mo sa akin kung paano ang paggamit ng banyo at paano

maghugas ng mga kamay.

Bigyan mo ako ng oras bawat araw upang aktibong makapaglaro sa loob at labas upang ako’y pisikal na maging malusog.

Page 8: Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa programang ...

6

Tulungan ang iyong anak na maging pamilyar sa mga salita at mga aklat.

Pakitaan mo ako ng mga larawan ng mga tao at mga lugar na pamilyar sa akin at hayaan mo akong magkuwento ng tungkol sa kanila.

Kumanta ka ng mga awitin at turuan mo ako ng mga tugma. Basahan mo ako. Dalhin mo ako sa aklatan. Magdala ng mga libro at mga magasin sa bahay. Paulit-ulit mong basahin ang aking paboritong kuwento.

Kausapin mo ako tungkol sa mga kuwento upang higit kong maintindihan ang kanilang mga kahulugan.

Ipakita mo sa akin ang mga sinulat na salita at mga letra ng alpabeto sa aking wika. Iparinig mo sa akin ang kanilang mga tunog.

Tulungan mo akong matutunang basahin at isulat ang aking pangalan.

Tulungan ang iyong anak na matutunan ang tungkol sa mga hugis, sukat at mga kulay

Bigyan mo ako ng mga bagay na pag-uuriin ko sa hugis, sukat o kulay, gaya ng mga medyas, laruan, o pagkain.

Tulungan mo akong hanapin at bigyan ng pangalan ang mga hugis at mga kulay na nakapaligid sa akin.

11

Sa agham at teknolohiya, matututunan ng mga bata ang tungkol sa natural na daigdig at ang mga likha ng tao sa pamamagitan ng pagtuklas at eksperementasyon para sila ay:

magmasid, magtanong at magbahagi ng impormasyon

makagawa ng mga simpleng imbestigasyon

maingatan nila ang kalikasan makatuklas ng mga karaniwang

materyal

gumamit ng teknolohiya Sa kalusugan at pisikal na aktibidad, ang mga bata ay nakikilahok sa araw-araw na pisikal na aktibidad at natututo kung paano gumawa ng malusog at ligtas na pagpipilian. Sa sining, inihahayag ng mga bata ang kanilang mga ideya at mga damdamin sa pamamagitan ng musika, sining biswal, dula at sayaw habang sila’y natututo tungkol sa pundamental na uri ng sining.

Page 9: Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa programang ...

10

Sa lengguwahe, ang mga bata ay nasasangkot sa iba’t ibang kaalaman sa literasi upang sila ay:

magsalita, makinig at makipag-usap sa iba

magbahagi ng mga ideya at magtanong

bumuo ng mga estratehiya at mga kakayahan para sa pagbabasa at pagsusulat

manood at tumugon sa iba’t- ibang uri ng materyal ng midya.

Sa matematika, nag-uumpisang maunawaan ng mga bata ang konsepto at kakayahan sa matematika sa pamamagitan ng sariling pagtuklas ng konkretong materyal upang sila ay:

makaunawa ng mga numero sa pamamagitan ng pagbibilang,

pagpapares, pagkakalkula at pagtatakda makapagkumpara at makapagsukat

makapaglarawan at makapagkumpara ng mga hugis at mga bagay na 3-D

makapaglarawan ng posisyon ng mga bagay

makakilala at makagawa ng

mga patern

makapag-klasipiko at makapag-uri

makapagkolekta ng datos upang

makagawa ng konkretong grapika.

7

Tulungan ang iyong anak na matutong bumilang at maunawaan na may kahulugan ang mga numero.

Tulungan mo akong maglaro ng mga larong bilangan. Hayaan mo akong bumilang ng mga bagay sa tahanan at sa

aking kumunidad. Ipakita mo sa akin kung paano ginagamit ang mga numerong

nakapaligid sa akin, halimbawa, sa tindahan, sa aking mga bloke, sa aking tinitirhan at numero ng telepono.

Kausapin ang iyong anak tungkol sa paglalakbay patungo sa paaralan at pauwi mula sa paaralan araw-araw.

Sabihin mo sa akin kung paano ako pupunta sa paaralan? Maglalakad ba ako? Ihahatid mo ba ako ng sasakyan? Sasakay ba ako sa school bus?

Ipaalala mo sa akin bawat araw kung paano ako makauuwi at kung sino ang susundo sa akin.

Ilakad o ihatid mo ako ng sasakyan bago ang unang araw ng pasukan para maipakita mo sa akin ang daan.

Ituro mo sa akin na hintayin ang bus sa bangketa, na medyo malayo sa kalye.

Sa paghinto ng bus at pagbukas ng pinto, ipakita mo kung papano ako aakyat sa baitang at humawak sa balustre.

Paalalahanan mo akong magpakabait, makinig sa tsuper at umupo ng tahimik.

Ituro mo sa aking kilalanin at tandaan ang karaniwan kong hinihintuan. Dito lang ako dapat bumaba ng bus.

Turuan mo ako kung paano bumaba ng bus ng ligtas. Kailangang tumingin ako sa lahat ng dako bago ako tumawid ng kalye. Dapat maglakad ako papunta sa taong susundo sa akin.

Page 10: Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa programang ...

8

Pagkatuto sa pamamagitan ng Paglalaro May malakasnakaugnayansapagitanngpaglalaroat pagkatutongmgabata, lalo na sa pag-unladngkanilangkakayahan sa pagsasalita, lengguwahe, pagbabasa, pagsusulat, matematika, personal at larangangsosyal. Kusangnaglalarongmalayaangmgabata at nakikilahoksamgaorganisadonglarona may patnubaymulasa Early Learning Team ngMinistringEdukasyon.Para sa mgabata, ang paglalaro ay isangseryosonggawainngpagkatuto. Sa pamamagitan ngpaglalaro, nakakapag-eksperimento, nakatutuklas, nakabubuo, nakalulutasngsuliranin, nakapagkukunwari, nakakapagkomunikasyon

9

Ang Programang Kindergarten Ang Kindergarten Program (Ministry of Education and Training, 2006) at ang Full Day Early Learning Kindergarten Program (Ministry of Education 2010) ay nagbabalangkas ng mga patakaran sa edukasyon na huhubog sa edukasyon ng lahat ng batang nasa Kindergarten sa Ontario. Napapaloob sa programa sa ilalim ng anim na mahalagang larangan ang mga kaalaman at mga kakayahan na dapat maidebelop ng bata bago magtapos sa Kindergarten:

personal at sosyal na pag-unlad

lengguwahe o wika

matematika

agham at teknolohiya

kalusugan at pisikal na aktibidad

mga sining

Sa personal at sosyal na pag-unlad, binibigyan ang mga bata ng samut-saring karanasan sa pag-aaral para sila ay:

magkaroon ng positibong saloobin o pagtingin sa kanilang mga sarili at sa iba

maging mas independiente at mas responsable

magkaroon ng kakayahang kontrolin ang sarili (kamalayan at pagkontrol sa sariling pag-uugali)

matuto ng nararapat na kakayahang pang-sosyal

lumutas ng mga problema at tumapos ng mga gawain

maging mas talos sa kanilang paligid .


Recommended