+ All Categories
Home > Documents > pumunta sa (Sa Ingles lamang). VASCEPA · Hindi pa alam kung ang VASCEPA ay ay buntis makakasama sa...

pumunta sa (Sa Ingles lamang). VASCEPA · Hindi pa alam kung ang VASCEPA ay ay buntis makakasama sa...

Date post: 09-Sep-2019
Category:
Upload: others
View: 15 times
Download: 0 times
Share this document with a friend
2
Pay As Little As $9 * For each prescription Expiration Date: 12/31/2018 *Limitations apply. See reverse side for details. Reimbursement limited to $70 per month or $140 on a 90 day fill. Pharmacist and Beneficiary: When you use this card, you are certifying that you have not submitted and will not submit a claim for reimbursement under any Federal, State, or other Governmental programs for this prescription. BIN# 004682 PCN# CN GRP# ECVASCEPA ID# 59021139303 Powered by: CHANGE HEALTHCARE MAY MAS MALIIT NA KAPSULANG MAGAGAMIT Tanungin ang iyong doktor para sa karagdagang impormasyon o pumunta sa www.VASCEPA.com (Sa Ingles lamang). Gamit ang VASCEPA Savings Card, maaari kang magbayad nang kasing-baba ng $9 sa bawat buwanang pagbili. Makakatipid ka rito ng hanggang $70 kada buwan sa 30-araw na reseta, at hanggang $140 sa 90-araw na reseta. Ang benepisyong ito ay ibibilang sa iyong taunang resetang mababawas. Upang makamit ang handog na ito, kailangan ay mayroon kang balidong reseta para sa VASCEPA. Sundin ang tagubilin sa dosis na ibinigay ng iyong doktor. Ang card na ito ay hindi maaaring kuhanin bilang cash. Ang mga may card na may mga tanong, mangyaring tumawag sa 1-855-497-8462. Pasyente: Dalhin ang polyetong ito sa botika kapag pinunan mo ang iyong reseta ng VASCEPA. Pharmacist: Ang Universal Pharmacy Card (UPC) ay maaaring i-apply para sa sinumang karapat-dapat na pasyente sa pamamagitan ng pagpasok ng lahat ng 4 na code sa iyong sistema. Hindi maaaring gamitin upang makakuha ng mga de-resetang gamot na may bahaging halaga na binayaran ng Mga Programang Pangkalusugan ng Pederal o Estado kasama ang Medicare, Medicaid, Medicare Advantage, Medicare Part D, Tricare, at VA. Hindi maaaring gamitin ng mga residente ng VT, mga lisensyadong medikal na propesyonal sa VT, mga pasyente na mas bata sa 18 taon, o kung saan ipinagbabawal ng batas, binubuwisan o may restriksyon. Ang pinakamataas na halagang matitipid ay $70 bawat buwan o $140 sa bawat pang-90 araw na supply. Mangyaring bisitahin ang vascepa.com para sa higit pang impormasyon. IMPORMASYON NG PASYENTE Mga Kapsulang VASCEPA (bigkasin bilang vas-EE-puh) (icosapent ethyl) Ang impormasyon na nakasaad dito tungkol sa mga peligro ay hindi komprehensibo. Upang mas marami pang malaman, pag-usapan ninyo ng iyong tagapaglaan ng pangangangalagang pangkalusugan o ng pharmacist ang tungkol sa VASCEPA. Basahin itong Impormasyon ng Pasyente bago ka magsimulang gumamit ng VASCEPA at tuwing muli kang bibili nito. Upang mabasa ang etiketa ng produkto na aprubado ng FDA, pumunta sa www.VASCEPA.com (sa Ingles lamang) at i-klik ang impormasyon sa pagrereseta o tumawag sa 1-855 VASCEPA. Ang impormasyong ito ay hindi bilang kapalit sa pakikipag-usap sa iyong tagapaglaan ng pangangalaga sa kalusugan tungkol sa iyong medikal na kondisyon o paggamot sa iyo. Ano ang VASCEPA? Ang VASCEPA ay gamot na inirereseta na ginagamit kasama ng diyetang may mababang fat at mababang kolesterol upang pababain ang matataas na bilang ng mga triglyceride (mga taba) sa mga matatanda. Hindi pa alam kung binabago ng VASCEPA ang peligro ng pagkakaroon ng pamamaga ng iyong pancreas (pancreatitis). Hindi pa alam kung mapipigilan ng VASCEPA ang pagkakaroon mo ng atake sa puso o stroke. Hindi pa alam kung ligtas ang VASCEPA at epektibo sa mga bata. Sino ang hindi dapat gumamit ng VASCEPA? Huwag gamitin ang VASCEPA kung ikaw ay alerdyik sa icosapent ethyl o sa alinman sa mga sangkap ng VASCEPA. Tingnan ang dulo ng polyetong ito para sa kumpletong listahan ng mga sangkap ng VASCEPA. Ano ang dapat kong sabihin sa aking doktor bago ako gumamit ng VASCEPA? Bago ka gumamit ng VASCEPA, sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay: may diyabetes. may problema sa pagkakaroon ng mababang antas ng thyroid (hypothyroidism). may problema sa atay. may problema sa pancreas. alerdyik sa isda o mga molusko. Hindi pa alam kung ang mga tao na alerdyik sa isda o mga molusko ay alerdyik rin sa VASCEPA. ay buntis, o nagpaplanong mabuntis. Hindi pa alam kung ang VASCEPA ay makakasama sa iyong sanggol sa sinapupunan. ay nagpapasuso o nagpaplanong magpasuso. Ang VASCEPA ay maaaring mapahalo sa iyong gatas, at makasama sa iyong sanggol. Kausapin ang iyong doktor tungkol sa pinakamahusay na paraan ng pagpapakain sa iyong sanggol kung gumamit ka ng VASCEPA. Sabihin sa iyong doktor ang lahat ng gamot na iyong ginagamit, kabilang ang mga gamot na inireseta at walang reseta, mga bitamina, at mga suplementong herbal o pang-diyeta. Ang VASCEPA ay maaaring makaapekto sa iba pang gamot na iyong ginagamit. Lalong-lalo na ay sabihin sa iyong doktor kung gumagamit ka ng mga gamot na nakakaapekto sa pamumuo ng dugo (mga anticoagulant o pampalabnaw ng dugo). Alamin ang mga gamot na iyong ginagamit. Ilista ang mga iyon para maipakita sa iyong doktor at pharmacist kapag kumuha ka ng bagong gamot. Paano ko gagamitin ang VASCEPA? Gamitin ang VASCEPA nang eksakto sa sinasabi ng iyong doktor na dapat mong gamitin iyon. Huwag papalitan ang dosis ng VASCEPA o ititigil ang paggamit nito nang hindi nakikipag-usap sa iyong doktor. Hindi ka dapat gumamit ng mahigit sa walong 0.5-gramo o apat na 1-gramo na mga kapsula ng VASCEPA bawat araw. Huwag gumamit ng mas maraming kapsula kaysa sa inireseta ng iyong doktor. Inumin nang buo ang mga kapsula ng VASCEPA. Huwag bibiyakin, dudurugin, tutunawin, o ngunguyain ang mga kapsula ng VASCEPA bago lunukin. Kung nakalimutan mo ang isang dosis ng VASCEPA, inumin ito sa oras na maalala mo. Gayunman, kung nakalimutan mo ang isang araw ng VASCEPA, huwag dodoblehin ang iyong dosis kapag ininom mo ito. Maaaring simulan ka ng ng iyong doktor sa diyeta na mababa sa saturated fat, kolesterol, mga carbohydrate, at mababa sa mga dagdag na sugar bago ka bigyan ng VASCEPA. Manatili sa diyetang ito habang gumagamit ng VASCEPA. Maaaring gawin ng iyong doktor ang mga pagsusuri sa dugo upang suriin ang iyong triglyceride at iba pang mga antas ng lipid habang gumagamit ka ng VASCEPA. Ano ang mga posibleng hindi ninanais na epekto ng VASCEPA? Kung may problema ka sa atay at gumagamit ka ng VASCEPA, kailangang gumawa ang iyong doktor ng mga pagsusuri sa dugo sa buong panahon na ginagamit mo ang gamot. Ang pinaka-karaniwang hindi ninanais na epekto ng VASCEPA ay ang pananakit ng kasu-kasuan. Tulad ng ibang mga gamot, maaari kang makaranas ng seryosong hindi ninanais na epekto habang gumagamit ng VASCEPA. Kausapin ang iyong doktor kung may hindi ninanais na epekto na pinoproblema mo o hindi nawawala. Hindi lamang ito ang hindi ninanais na epekto ng VASCEPA. Para sa karagdagang impormasyon, tanungin ang iyong doktor o pharmacist. Tawagan ang iyong doktor para humingi ng medikal na payo tungkol sa mga hindi ninanais na epekto. Maaari ding iulat ang mga hindi ninanais na epekto sa FDA sa 1-800-FDA-1088. Paano ko dapat itago ang VASCEPA? Itago ang VASCEPA sa silid na may temperaturang nasa pagitan ng 68° hanggang 77° F (20° hanggang 25° C). Maingat na itapon ang gamot kapag napaso na ito o kung hindi na kailangan. Itago ang VASCEPA at lahat ng mga gamot upang hindi maabot ng mga bata. Pangkalahatang impormasyon tungkol sa ligtas at epektibong paggamit ng VASCEPA. Ang mga gamot ay inirereseta minsan sa mga layunin na iba pa sa mga nakalista sa Mga Polyeto ng Impormasyon ng Pasyente. Huwag gagamitin ang VASCEPA sa isang kondisyon na hindi ito inireseta. Huwag ibigay ang VASCEPA sa ibang tao, kahit ang kanilang mga sintomas ay pareho ng sa iyo. Maaari itong makasama sa kanila. Itong Impormasyon ng Pasyente ay naglalagom ng pinakamahalagang impormasyon tungkol sa VASCEPA. Kung gusto mo ng karagdagan pang impormasyon, kausapin ang iyong doktor o pharmacist. Maaari kang humingi sa iyong doktor o pharmacist ng impormasyon tungkol sa VASCEPA na isinulat para sa mga propesyonal sa kalusugan. Para sa karagdagan pang impormasyon, pumunta sa www.VASCEPA.com (sa Ingles lamang) o tumawag sa 1-855-VASCEPA (1-855-827-2372). Anu-ano ang mga sangkap ng VASCEPA? Aktibong sangkap: icosapent ethyl Mga Hindi Aktibong Sangkap: tocopherol, gelatin, glycerin, maltitol, sorbitol, at purified water MAAARI KANG MAKATIPID SA IYONG VASCEPA NA RESETA! Ang VASCEPA ay rehistradong trademark ng pangkat ng mga kompanya ng Amarin (Amarin group of companies). ©2017 Amarin Pharma, Inc. Bedminster, NJ 07921 Reserbado ang lahat ng karapatan. VAS-00172 10/17 TUKLASIN ANG VASCEPA ® (icosapent ethyl) Mabibili bilang: Mga kapsula na 1-gramo or 0.5-gramo Na-dayagnos ka ba na may napakataas na mga triglyceride? Kumuha ng karagdagang impormasyon tungkol sa mga triglyceride at VASCEPA sa www.VASCEPA.com (sa Ingles lamang).
Transcript
Page 1: pumunta sa (Sa Ingles lamang). VASCEPA · Hindi pa alam kung ang VASCEPA ay ay buntis makakasama sa iyong sanggol sa sinapupunan. ... sa iyo ng impormasyon tungkol sa kahulugan nito.

Pay As Little As $9* For each prescription†

Expiration Date: 12/31/2018

* Limitations apply. See reverse side for details.† Reimbursement limited to $70 per month or $140 on a 90 day fill.

Pharmacist and Beneficiary: When you use this card, you are certifying that you have not submitted and will not submit a claim for reimbursement under any Federal,

State, or other Governmental programs for this prescription.

BIN# 004682PCN# CNGRP# ECVASCEPAID# 59021139303

Powered by: Change healthCare

MAY MAS

MALIIT NA

KAPSULANG

MAGAGAMIT

Tanungin ang iyong doktor para sa karagdagang impormasyon o pumunta sa www.VASCEPA.com (Sa Ingles lamang).

Gamit ang VASCEPA Savings Card, maaari kang magbayad nang kasing-baba ng $9† sa bawat buwanang pagbili. Makakatipid ka rito ng hanggang $70 kada buwan sa 30-araw na reseta, at hanggang $140 sa 90-araw na reseta. Ang benepisyong ito ay ibibilang sa iyong taunang resetang mababawas.Upang makamit ang handog na ito, kailangan ay mayroon kang balidong reseta para sa VASCEPA. Sundin ang tagubilin sa dosis na ibinigay ng iyong doktor.Ang card na ito ay hindi maaaring kuhanin bilang cash. Ang mga may card na may mga tanong, mangyaring tumawag sa 1-855-497-8462.Pasyente: Dalhin ang polyetong ito sa botika kapag pinunan mo ang iyong reseta ng VASCEPA.Pharmacist: Ang Universal Pharmacy Card (UPC) ay maaaring i-apply para sa sinumang karapat-dapat na pasyente sa pamamagitan ng pagpasok ng lahat ng 4 na code sa iyong sistema.† Hindi maaaring gamitin upang makakuha ng mga de-resetang gamot na may bahaging halaga na binayaran ng Mga Programang Pangkalusugan ng Pederal o Estado kasama ang Medicare, Medicaid, Medicare Advantage, Medicare Part D, Tricare, at VA. Hindi maaaring gamitin ng mga residente ng VT, mga lisensyadong medikal na propesyonal sa VT, mga pasyente na mas bata sa 18 taon, o kung saan ipinagbabawal ng batas, binubuwisan o may restriksyon. Ang pinakamataas na halagang matitipid ay $70 bawat buwan o $140 sa bawat pang-90 araw na supply. Mangyaring bisitahin ang vascepa.com para sa higit pang impormasyon.

IMPORMASYON NG PASYENTEMga Kapsulang VASCEPA (bigkasin bilang vas-EE-puh) (icosapent ethyl)Ang impormasyon na nakasaad dito tungkol sa mga peligro ay hindi komprehensibo. Upang mas marami pang malaman, pag-usapan ninyo ng iyong tagapaglaan ng pangangangalagang pangkalusugan o ng pharmacist ang tungkol sa VASCEPA. Basahin itong Impormasyon ng Pasyente bago ka magsimulang gumamit ng VASCEPA at tuwing muli kang bibili nito. Upang mabasa ang etiketa ng produkto na aprubado ng FDA, pumunta sa www.VASCEPA.com (sa Ingles lamang) at i-klik ang impormasyon sa pagrereseta o tumawag sa 1-855 VASCEPA. Ang impormasyong ito ay hindi bilang kapalit sa pakikipag-usap sa iyong tagapaglaan ng pangangalaga sa kalusugan tungkol sa iyong medikal na kondisyon o paggamot sa iyo.Ano ang VASCEPA?Ang VASCEPA ay gamot na inirereseta na ginagamit kasama ng diyetang may mababang fat at mababang kolesterol upang pababain ang matataas na bilang ng mga triglyceride (mga taba) sa mga matatanda.• Hindi pa alam kung binabago ng VASCEPA ang peligro ng pagkakaroon ng

pamamaga ng iyong pancreas (pancreatitis).• Hindi pa alam kung mapipigilan ng VASCEPA ang pagkakaroon mo ng atake sa

puso o stroke.• Hindi pa alam kung ligtas ang VASCEPA at epektibo sa mga bata.Sino ang hindi dapat gumamit ng VASCEPA?• Huwag gamitin ang VASCEPA kung ikaw ay alerdyik sa icosapent ethyl

o sa alinman sa mga sangkap ng VASCEPA. Tingnan ang dulo ng polyetong ito para sa kumpletong listahan ng mga sangkap ng VASCEPA.

Ano ang dapat kong sabihin sa aking doktor bago ako gumamit ng VASCEPA?Bago ka gumamit ng VASCEPA, sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay:• may diyabetes.• may problema sa pagkakaroon ng mababang antas ng thyroid (hypothyroidism).• may problema sa atay.• may problema sa pancreas.• alerdyik sa isda o mga molusko. Hindi pa alam kung ang mga tao na alerdyik sa

isda o mga molusko ay alerdyik rin sa VASCEPA.• ay buntis, o nagpaplanong mabuntis. Hindi pa alam kung ang VASCEPA ay

makakasama sa iyong sanggol sa sinapupunan.• ay nagpapasuso o nagpaplanong magpasuso. Ang VASCEPA ay maaaring

mapahalo sa iyong gatas, at makasama sa iyong sanggol. Kausapin ang iyong doktor tungkol sa pinakamahusay na paraan ng pagpapakain sa iyong sanggol kung gumamit ka ng VASCEPA.

Sabihin sa iyong doktor ang lahat ng gamot na iyong ginagamit, kabilang ang mga gamot na inireseta at walang reseta, mga bitamina, at mga suplementong herbal o pang-diyeta.• Ang VASCEPA ay maaaring makaapekto sa iba pang gamot na iyong ginagamit.• Lalong-lalo na ay sabihin sa iyong doktor kung gumagamit ka ng mga gamot

na nakakaapekto sa pamumuo ng dugo (mga anticoagulant o pampalabnaw ng dugo).

• Alamin ang mga gamot na iyong ginagamit. Ilista ang mga iyon para maipakita sa iyong doktor at pharmacist kapag kumuha ka ng bagong gamot.

Paano ko gagamitin ang VASCEPA?• Gamitin ang VASCEPA nang eksakto sa sinasabi ng iyong doktor na dapat

mong gamitin iyon.• Huwag papalitan ang dosis ng VASCEPA o ititigil ang paggamit nito nang hindi

nakikipag-usap sa iyong doktor.

• Hindi ka dapat gumamit ng mahigit sa walong 0.5-gramo o apat na 1-gramo na mga kapsula ng VASCEPA bawat araw. Huwag gumamit ng mas maraming kapsula kaysa sa inireseta ng iyong doktor.

• Inumin nang buo ang mga kapsula ng VASCEPA. Huwag bibiyakin, dudurugin, tutunawin, o ngunguyain ang mga kapsula ng VASCEPA bago lunukin.

• Kung nakalimutan mo ang isang dosis ng VASCEPA, inumin ito sa oras na maalala mo. Gayunman, kung nakalimutan mo ang isang araw ng VASCEPA, huwag dodoblehin ang iyong dosis kapag ininom mo ito.

• Maaaring simulan ka ng ng iyong doktor sa diyeta na mababa sa saturated fat, kolesterol, mga carbohydrate, at mababa sa mga dagdag na sugar bago ka bigyan ng VASCEPA. Manatili sa diyetang ito habang gumagamit ng VASCEPA.

• Maaaring gawin ng iyong doktor ang mga pagsusuri sa dugo upang suriin ang iyong triglyceride at iba pang mga antas ng lipid habang gumagamit ka ng VASCEPA.

Ano ang mga posibleng hindi ninanais na epekto ng VASCEPA?• Kung may problema ka sa atay at gumagamit ka ng VASCEPA, kailangang

gumawa ang iyong doktor ng mga pagsusuri sa dugo sa buong panahon na ginagamit mo ang gamot.

• Ang pinaka-karaniwang hindi ninanais na epekto ng VASCEPA ay ang pananakit ng kasu-kasuan. Tulad ng ibang mga gamot, maaari kang makaranas ng seryosong hindi ninanais na epekto habang gumagamit ng VASCEPA. Kausapin ang iyong doktor kung may hindi ninanais na epekto na pinoproblema mo o hindi nawawala.

• Hindi lamang ito ang hindi ninanais na epekto ng VASCEPA. Para sa karagdagang impormasyon, tanungin ang iyong doktor o pharmacist.

• Tawagan ang iyong doktor para humingi ng medikal na payo tungkol sa mga hindi ninanais na epekto. Maaari ding iulat ang mga hindi ninanais na epekto sa FDA sa 1-800-FDA-1088.

Paano ko dapat itago ang VASCEPA?• Itago ang VASCEPA sa silid na may temperaturang nasa pagitan ng 68°

hanggang 77° F (20° hanggang 25° C).• Maingat na itapon ang gamot kapag napaso na ito o kung hindi na kailangan.Itago ang VASCEPA at lahat ng mga gamot upang hindi maabot ng mga bata.Pangkalahatang impormasyon tungkol sa ligtas at epektibong paggamit ng VASCEPA.Ang mga gamot ay inirereseta minsan sa mga layunin na iba pa sa mga nakalista sa Mga Polyeto ng Impormasyon ng Pasyente. Huwag gagamitin ang VASCEPA sa isang kondisyon na hindi ito inireseta. Huwag ibigay ang VASCEPA sa ibang tao, kahit ang kanilang mga sintomas ay pareho ng sa iyo. Maaari itong makasama sa kanila.Itong Impormasyon ng Pasyente ay naglalagom ng pinakamahalagang impormasyon tungkol sa VASCEPA. Kung gusto mo ng karagdagan pang impormasyon, kausapin ang iyong doktor o pharmacist. Maaari kang humingi sa iyong doktor o pharmacist ng impormasyon tungkol sa VASCEPA na isinulat para sa mga propesyonal sa kalusugan.Para sa karagdagan pang impormasyon, pumunta sa www.VASCEPA.com (sa Ingles lamang) o tumawag sa 1-855-VASCEPA (1-855-827-2372).Anu-ano ang mga sangkap ng VASCEPA?Aktibong sangkap: icosapent ethylMga Hindi Aktibong Sangkap: tocopherol, gelatin, glycerin, maltitol, sorbitol, at purified water

MAAARI KANG MAKATIPID SA IYONG VASCEPA NA RESETA!

Ang VASCEPA ay rehistradong trademark ng pangkat ng mga kompanya ng Amarin (Amarin group of companies). ©2017 Amarin Pharma, Inc. Bedminster, NJ 07921 Reserbado ang lahat ng karapatan. VAS-00172 10/17

TUKLASIN ANG VASCEPA®

(icosapent ethyl)

Mabibili bilang: Mga kapsula na 1-gramo or 0.5-gramo

Na-dayagnos ka ba na may napakataas

na mga triglyceride?

Kumuha ng karagdagang impormasyon tungkol sa mga triglyceride at VASCEPA sa www.VASCEPA.com

(sa Ingles lamang).

Page 2: pumunta sa (Sa Ingles lamang). VASCEPA · Hindi pa alam kung ang VASCEPA ay ay buntis makakasama sa iyong sanggol sa sinapupunan. ... sa iyo ng impormasyon tungkol sa kahulugan nito.

PANGANIB SA KALUSUGAN

NAPAKATAAS NA MGA

Triglyceride

FDA

OTC

MASAMANG KOLESTEROL

Placebo

VASCEPA

4%

0%

5%

1%

7%

1%

Mga malansang pag-dighay Pagkaduwal Pagtatae

Binigyan ka ng dayagnosis na napakataas ng iyong mga triglyceride. Ang polyetong ito ay magbibigay sa iyo ng impormasyon tungkol sa kahulugan nito.

Anu-ano ang mga dahilan ng napakataas ng mga triglyceride?

Diyeta—nakakaapekto sa mga triglyceride ang iyong kinakain at iniinom, lalo na ang mga carbohydrate at alkohol

Genetics—ang mga tao na ang kasaysayan ng pamilya ay napakataas ng mga triglyceride ay mas malamang na magkaroon nito

Mga medikal na kondisyon—maaaring baguhin ng ilang kondisyon (tulad ng diyabetes) kung paano mo pinoproseso ang pagkain

May mga partikular na gamot—kabilang ang mga steroid, mga tabletang estrogen, at mga gamot sa presyon ng dugo

Kakulangan sa ehersisyo—ang kawalan ng ehersisyo ay may epekto sa mga triglyceride

Bakit importante ang mga triglyceride?

Tulad ng kolesterol, ang mga triglyceride (taba sa dugo) ay ginagamit ng katawan sa normal na dami upang matiyak ang mabuting kalusugan. Gayunman, ang napakataas na antas ng mga triglyceride, tulad ng matataas na antas ng kolesterol, ay maaaring humantong sa seryosong problema sa kalusugan.

BAKIT IINOM NG VASCEPA PARA SA IYONG NAPAKATAAS NA MGA TRIGLYCERIDE?• Ang VASCEPA lamang ang tanging produktong

pinuro mula sa fish oil na naglalaman lamang ng omega-3 EPA

– Ang ibang produkto na fish oil ay maaaring maglaman ng parehong EPA at isa pang omega-3, DHA, na makakapagpataas ng mga antas ng masamang kolesterol (LDL-C) sa ilang pasyente

• Ang VASCEPA ay produktong inirereseta na napatunayan sa klinikal na pagsubok na nakakapagpababa ng mga antas ng triglyceride nang hindi tumataas ang antas ng masamang kolesterol dahil ang laman nito ay EPA lamang

– Napatunayan din na nakakapagpababa ito ng mataas na bilang ng iba pang uri ng taba sa dugo

• Ang VASCEPA ay aprubado ng FDA at ginawang may pagsunod sa mahigpit na pamantayan para sa kalidad

Ano ang mga posibleng hindi ninanais na mga epekto ng VASCEPA?• Ang pinaka-karaniwang hindi ninanais na epekto ng

VASCEPA ay ang pananakit ng kasu-kasuan.

Sa isang klinikal na pag-aaral, walang pasyente na umiinom ng 4 gramo/araw ng VASCEPA ang nag-ulat ng “malansa” o “mga malansang pag-dighay”**MARINE na pagsubok, kumpara sa placebo.

Kausapin ang iyong doktor kung may hindi ninanais na epekto na pinoproblema mo o hindi nawawala.

PAANO KA IINOM NG 4 NA GRAMO NG VASCEPA KADA ARAW? May pagpipilian ka!

Ang VASCEPA ay dapat inumin nang dalawang beses sa isang araw kasama ng pagkain.

Tulad ng ibang mga gamot, maaari kang makaranas ng seryosong hindi ninanais na epekto habang gumagamit ng VASCEPA.Maaari mong iulat ang mga hindi ninanais na epekto sa pamamagitan ng pagtawag sa 1-855-VASCEPA o sa FDA sa 1-800-FDA-1088 (magagamit sa Ingles lamang).

MAAARI BANG SA HALIP AY UMINOM NA LAMANG AKO NG MGA SUPLEMENTO SA DIYETA NA FISH OIL?Di tulad ng VASCEPA, ang mga suplemento sa diyeta na fish oil ay hindi aprubado para sa paggamot ng medikal na kondisyon. Ang totoo, ang mga suplemento sa diyeta na fish oil ay

HINDI mga gamot na “walang reseta”— hindi kinukumpirma ng FDA ang bisa at kaligtasan nito bago ipagbili sa mga pasyente, na humahantong sa pagdududa kung epektibo ba sa pagpapababa ng mga triglycerideHindi mahigpit ang regulasyon—hindi kailangang makatugon sa mahigpit na pamantayan ng FDA para sa mga gamotMalamang na naglalaman ng mga hindi kilalang sangkap—ipinakikita ng mga pag-aaral ang maraming mga suplemento na naglalaman ng mas mababang bilang ng omega-3 kaysa sa nakasulat sa label, at maaaring ang mga ito ay maglaman ng mga hindi kilalang sangkap Hanggang sa isang-ikatlong saturated fat—ipinakikita ng isang pag-aaral na ang ilang suplemento ay maaaring maglaman ng hanggang isang-ikatlong saturated fatPosibleng isang dahilan ng pagtaas ng masamang kolesterol—ang marami ay naglalaman ng DHA, na maaaring makapagpataas ng antas ng masamang kolesterol sa ilang pasyentePosibleng panis o sira—kung ang fish oil ay nalantad sa hangin sa panahong hindi maayos ang kondisyon ng paglikha, maaari itong magresulta sa napakasamang amoyHindi sapat—ang omega-3 na mga suplementong fish oil ay maaaring mahal dahil posibleng kailangang uminom ng 10 hanggang 40 kapsula bawat araw upang matapatan ang 4 na gramo ng EPA kada araw na matatagpuan sa VASCEPAMas mahal kaysa reseta—ang paggamit ng mga suplementong pang-diyeta ay maaaring maghalaga ng mahigit pa sa buwanang copay na $9† gamit ang VASCEPA Savings Card

NAPAKATAAS PALA NG IYONG MGA TRIGLYCERIDE. ANO ANG

IBIG SABIHIN NIYAN?

MAHIGIT-KUMULANG SA 3.4 MILYONG MGA AMERIKANO ay may napakataas na antas ng triglyceride (≥500 mg/dL). Ang isang simpleng pagsusuri ng dugo ay makapagsasabi sa iyo kung ano ang antas ng iyong triglyceride.

Mangyaring tingnan ang dagdag na Impormasyon para sa Pasyente sa kabilang bahagi. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang www.VASCEPA.com (sa Ingles lamang).

Apat na 0.5-g kapsula dalawang beses isang

araw kasama ng pagkain

Dalawang 1-g kapsula dalawang beses isang

araw kasama ng pagkaino


Recommended