+ All Categories

Sa Mall

Date post: 04-Apr-2015
Category:
Upload: john-nicer-abletis
View: 407 times
Download: 1 times
Share this document with a friend
Description:
Making sense with Malling :D
8
John N. Abletis Prof. Laura L. Samson MA Sociology Student Popular Culture (Socio 243) 2009-79293 UPD-CSSP-Dep’t. of Sociology Sa Mall January 12, 2011 Noong mga unang araw ng klase, Nobyembre ng nakaraang taon, sinabihan kami ng aming guro sa Popular Culture na kailangan naming bumisita sa Mall para obserbahan ang setting ng lugar at gawain ng mga tao roon. Napaisip ako noon, ano ang meron sa mall at kailangan pa namin iyong tignan? Pangkaraniwan akong nagdaraan sa Gateway at Farmer’s Plaza sa Cubao kapag papasok pa-PUP at uuwi pa-Fairview. Nasanay na ako sa parating pagkapkap ng gwardya kapag sasakay ng tren sa LRT-2 at pagpasok sa mga mall, sa pagbabasa ng mga tulaan sa tren at kung ano-ano pang mga advertisements sa mga pintuan at bintana ng mga tindahan, sa panghaharang ng mga ahente sa daraanan para magpromote ng condo unit at mga raffle promos, sa mga nagiimbitang kumain sa Shakey’s at iba pang mga mamahaling restaurant, sa mga matang nagmamasid kung ikaw na ba ang susunod nilang customer, at sa daan-daang mga taong nakakasalubong na may iba’t-ibang porma, kilos, at mood habang naglalakad, nakaupo, nakatingin, nagdadaldal at lumilipad ang isip. Siguro, ang pagkasanay na ito ang naging dahilan para hindi ako maging mapag-isip sa mga nangyayari sa paligid ko; ang pagkasanay sa palaging pagbabago sa paligid, kasabay ng pag-agos ng mga pangyayari sa trabaho, sa akademya, sa pamilya, sa mga kaibigan, sa facebook, sa telebisyon, sa uso etcetera. Kaligaligan at pagkagulo sa dami ng mga isinasaisip, yan ang naghari sa akin; katulad ng maraming mga taong nakakasabay ko sa LRT, bus, jeep, sa simbahan at sa palengke, sa hallway ng mall, SM Fairview Fascade in Regalado Ave.
Transcript
Page 1: Sa Mall

John N. Abletis Prof. Laura L. SamsonMA Sociology Student Popular Culture (Socio 243) 2009-79293 UPD-CSSP-Dep’t. of Sociology

Sa MallJanuary 12, 2011

Noong mga unang araw ng klase, Nobyembre ng nakaraang taon, sinabihan kami ng aming guro sa Popular Culture na kailangan naming bumisita sa Mall para obserbahan ang setting ng lugar at gawain ng mga tao roon. Napaisip ako noon, ano ang meron sa mall at kailangan pa namin iyong tignan? Pangkaraniwan akong nagdaraan sa Gateway at Farmer’s Plaza sa Cubao kapag papasok pa-PUP at uuwi pa-Fairview. Nasanay na ako sa parating pagkapkap ng gwardya kapag sasakay ng tren sa LRT-2 at pagpasok sa mga mall, sa pagbabasa ng mga tulaan sa tren at kung ano-ano pang mga advertisements sa mga pintuan at bintana ng mga tindahan, sa panghaharang ng mga ahente sa daraanan para magpromote ng condo unit at mga raffle promos, sa mga nagiimbitang kumain sa Shakey’s at iba pang mga mamahaling restaurant, sa mga matang nagmamasid kung ikaw na ba ang susunod nilang customer, at sa daan-daang mga taong nakakasalubong na may iba’t-ibang porma, kilos, at mood habang naglalakad, nakaupo, nakatingin, nagdadaldal at lumilipad ang isip. Siguro, ang pagkasanay na ito ang naging dahilan para hindi ako maging mapag-isip sa mga nangyayari sa paligid ko; ang pagkasanay sa palaging pagbabago sa paligid, kasabay ng pag-agos ng mga pangyayari sa trabaho, sa akademya, sa pamilya, sa mga kaibigan, sa facebook, sa telebisyon, sa uso etcetera. Kaligaligan at pagkagulo sa dami ng mga isinasaisip, yan ang naghari sa akin; katulad ng maraming mga taong nakakasabay ko sa LRT, bus, jeep, sa simbahan at sa palengke, sa hallway ng mall, eskwelahan, at kalsada. Naging unreflective ako sa buhay. Nakakatawang isipin kasi nagmemajor ako ng Sociology, na hindi ko naisabuhay ang tawag ng aking disiplina. Kaya nang sinabing kailangan naming bumisita sa mall para magobserba, tinanong ko sa sarili ko, anong bago?

Naassign ako sa SM Fairview, isang mall na bagamat malapit-lapit sa barangay namin (i.e. Brgy. Commonwealth, ang SM Fairview ay sa Lagro) ay bihira kong mapuntahan dahil hindi naman dinadaanan papuntang PUP o UP (pinakamadalas ay ang Ever Gotesco Mall). Bago kami pinasabak sa field inerequire sa amin na basahin ang ilan sa mga chapters ng “Sa loob at labas ng mall kong sawi…” ni Rolando B. Tolentino. Napagisip-isip ko dapat ko ngang basahin ang libro para magkaroon man lamang ako ng framework sa kung papaano titignan ang mall. At hindi ako nagkamali. May pagkaMarxist ang orientation ng libro pero nilahukan ng mga modernong diskusyon tungkol sa text, ideology, space, hypereality, conspicuous consumption, at dreamworld. Dito na nagsimulang magtransform ang paningin ko sa nga naranasan ko. Naramdaman ko nanaman ang excitement ng pagiging sosyolohista. Sumagi sa isip ko ang sinabi ni Peter Berger sa Invitation to Sociology: “Yet there is another excitement of discovery beckoning in his investigations. It is not the excitement of coming upon the totally unfamiliar, but rather the excitement of finding the familiar becoming transformed in its meaning.” Salamat

SM Fairview Fascade in Regalado Ave. (Main Entrance)

Page 2: Sa Mall

kay Tolentino at nabuhay nanaman sa akin ang esensya ng the promise of sociology (at ng social science sa pangkalahatan), sa medaling salita, ang sociological imagination.

Pumasok ako sa SM Fairview mga bandang hapon, pangalawang Sabado ng Enero. Eto lang kasi ang panahon kung kailan nakalabas ako ng bahay simula pa noong pasko, natambakan kasi ako ng mga babasahin sa graduate school. Lakip-lakip ang mga naibahaging kaisipan sa akin ni Tolentino at mga kwento ng aking mga magulang, mga kaibigan, at dating mga guro sa mga pagbabagong idilunot ng SM City Fairview sa dulong bahaging iyon ng Quezon City. Dala ko ang aking Camera, para kumuha ng mga larawang nagpapakita ng kontradiksyon at gawi ng buhay sa loob at labas ng mall, at isang maliit na notebook, para isulat ang ilang mga detalye at insights habang nagsasagawa ng isang maikling obserbasyon.

Nakapagproduce ng trabaho ang SM para sa mga skwatter, mahihirap, at middle class na talamak sa dulong parte ng District 2 ng Quezon City (Novaliches at Lagro Area). Marami-rami kaming mga kapit-bahay na nagtratrabaho roon (ang ilan ay sa Ever Gotesco Mall). Ang ilan sa mga magulang at mga nakatatandang kapatid ng mga classmates ko dati ay mga salesperson at utility workers sa SM Fairview. Dahil sa SM Fairview kaya dumami ang mga bus, jeep, fx, at taxi na bumabyahe mula Cubao at Quiapo papuntang Fairview, Lagro, Novaliches, at San Jose Del Monte, Bulacan (i.e. Tungko at Sapang Palay). Dahil din sa dami ng mga nagcocommute mula SM papuntang Maynila at EDSA kaya nagtayo ng isang pangunahing terminal ng bus doon ang MMDA. Ang ganitong aksyon ng gobyerno ay maganda kung tutuusin, lalo pa at napadali at nagawang ligtas ang pagsakay ng mga pasahero sa mga pampublikong bus, pero maaari ring mahinuha na ang ganitong aksyon ng gobyerno ay mas lalo pang nagpayaman sa SM dahil ginawa nyang masconvenient sa mga pasahero na magpanhik-panaog sa teritoryo ng SM ng mas mabilis (dahil hindi mo na kailangan pumara ng bus dahil ang mga ito ay nakapila na) at mas ligtas (may mga pulis at MMDA na nagbabantay at hindi mo na kailangan bumalandra sa gitna ng kalsada para makasakay). Kung pupunta roon, mapapansing nasakalagitnaan ng kadamuhan ang SM Fairview, mula noon hanggang ngayon, eto ay dahil sa mga lote ng subdivisions na nagsimulang magsipagtaasan ng presyo mula ng maitayo ang mall. Mas lalo pang tumaas ang presyo ng mga lupa rito dahil sa ang ilan sa mga ito ay dinadaanan ng mga bagong road networks sa Lagro at Novaliches. Dahil sa SM Fairview, nagkaroon ng buhay ang dating tapunan ng mga patay.

Ang SM Fairview ang naging pinakamatinding katungali ng Ever Gotesco Mall (malapit sa Don Antonio, Brgy. Batasan Hills) pagdating sa pagtangkilik ng mga mamimili. Naaalala ko pa noong bata ako, madalas kami sa Ever at parating dagsa ang mga tao tuwing araw ng Linggo at Sabado. Sikat na sikat ang Ever, hangang nang maitayo ang isang bagong mall sa Lagro noong

late 1990s. Tumumal ang benta sa Ever. Nagkaroon ng bagong prestige indicator; sa aming magkakaklase noong elementary at sa mga magkakapit-bahay, sosyal ka kapag ang binibisita mong mall ay SM Fairview. Pangyabang sa mga kaklase ang “Nag SM kami kahapon.” “Parang palengke nalang ang Ever” sabi ng kaibigan ko, kapag pupunta ka roon hindi mo na mararamdaman ang requirement na kailangan mong magbihis, hindi katulad noon. Iba pagdating sa SM Fairview. Dahil sa pagdagsa ng mga tao sa SM Fairview lalong-lalo na tuwing mga araw na walang pasok, sangkatutak na mga negosyo sa Commonwealth Avenue, Regalado Avenue, at Quirino High-Way ang naitayo, formal at informal. Itinayo ang Robinson’s

Robinson’s Market Place

Page 3: Sa Mall

Novaliches (ngayon ay Robinson’s Super Market) katapat ng SM Fairview sa pagaakalang matatapatan nito ang lakas ng appeal ng SM sa mga tao, pero sabi nga ng tatay ko, gayon din ng mga kaibigan at kakilala ko, nilangaw ang Robinson’s. Sa kaso ng SM laban sa Robinson’s at Ever Gotesco, dito, malinaw na makikita ang tunggalian maski ng mga kapitalista.

Sa labas ng SM Fairview, mapapansin nang stratified ang mga tao. Makikita ang mga terminal ng iba’t-ibang sasakyan para sa iba’t-ibang klase ng pasahero. Ang mga bus na ordinary para sa mahihirap at airconditioned para sa mga nasa middle class ay nasa may gawing Robinson’s. Ang mga jeep para sa mga mahihirap ay nasa may main entrance ng SM partikular kung manggagaling kang Commonwealth Ave/Regalado Ave. Katapat nito ang terminal ng mga FX para sa mga nasa middle class. Nasa likod naman na Entrance (katapat ng parking lot) ng SM pumaparada at pumipick-up ng pasahero ang mga taxi para sa mga may kaya, kung saan umaalalay ang mga crew sa mga nagsasakay ng ipinamili sa likod o loob ng taxi, kung hindi man sa mismong kotse ng customer. Napansin ko rin ang mga maliliit na tindahan sa bangketa malapit sa SM (pero wala sa mismong vicinity ng SM), nagpapahiwatig ng tunggalian sa pagitan ng isang dambuhalang kapitalista at maliiit na negosyante. Tungalian din sa kultural na aspeto kung tutuusin, lalo pa’t naging customary sa mga Pilipino ang pagtangkilik sa mga produkto sa bangketa. Ano ang laban nila sa mas mapanghalina, may may class, mas malinis, at mas desente na SM?

Pumasok ako sa Entrance ng SM Fairview na kaharap ng Regalado Ave. Katulad ng nakagawian, kinapkapan ako at ang iba pang mga taong gustong makapasok sa mall; sinisigurong wala kaming dalang makakapahamak sa kaayusan sa loob ng mall. Magkahiwalay sa pagkap-kap ang babae sa lalaki. Naalala ko tuloy ang isang obserbasyon sa isang mall sa

Cubao na parang iniescreen ng gwardya kung sino ang mas kakapkapan nya; kapag mukha kang marungis asahan mo ang mabusising pagkapkap sa katawan at pagkalkal sa bag mo. Sa entrance na ito ng SM ay may dalawang pinakamalapit na bangko, ang BDO sa ground floor at BPI sa unang palapag, parehas na nasa bukana ng mall, nagpapahiwatig sa papasok na dapat may pera sila kung gusto nilang makapaglakad ng may dignidad sa loob ng mall (Tolentino, 2001). Isa itong hindi tuwirang pagsasabi na “Hey, you are not here to

Jeepney Terminal FX Terminal Taxi Terminal & Parking Lot

Sa gilid ng SM Fairview (along Quirino High-way)

Page 4: Sa Mall

stroll, you’re here to buy!” Iba’t-iba ang makikitang tindahan sa loob. Ang kapansin-pansin ay ang space maximization, kung saan lahat ata ng sulok ay may tindahan, pati gitna ng hallway meron, syempre para sa kita (profit maximization).Iba’t-iba ang mga taong nakita ko sa loob ng mall, may mga estudyante, maraming negosyante, maraming mga namamasyal na magpapamilya, mga magkakasintahan, mga magkakaibigan, may mga soloista, may mga sosyal, may mga englesera, mga emo, may mga simpleng manamit, pero mas marami ang hindi maipagkakailang nag-effort para makapanamit ng nasa uso. Karamihan ng mga nakita ko ay mula light brown hanggang sa maputi ang complexion ng balat, mga katamtaman ang tangkad, marami-raming metrosexuals at mga balidoso sa katawan, halos pantay ang bilang ng lalaki sa babae sa aking tantsya. Bihira ang mga foreigners, karamihan parin ay mga Pilipino. Marami-rami ang nakapangopisina pero mas marami ang mga casual manamit. Una kong hinanap ay ang land map o directory/floor plan pero sa kasamaang palad ay matagal na pala itong inalis at pinalitan ng isang computerized touched-screen digital map. Di hamak na mas matipid ang paskil na land map at mas marami pang mga tao ang sabay-sabay na makakatingin dito kaysa ang isang touched-screen digital map na paisa-isa at kung minsan ay nasisira pa. Ang nakakatawa, nang nagikot ako dalawang digital land map lang ang nakita ko at lahat ng ito ay nasa mga entrance harap ng parking lot na pinagpaparadahan ng mga may kotse at pinagbababaan/pinagsasakyan ng karamihan ng mga

mayayaman. Kapag nasa loob ka ng mall, hindi lang parang nasa isang kakaibang mundo ka, isang dream world, sa naranasan ko at naobserhahan sa paggala ng paningin, bawat isang section kung hindi man tindahan sa mall ay may isang dreamworld; sa makatuwid, maraming mundo ang mayroon sa loob ng mall. Bawat isa, sa ayos ng mga gamit sa loob at setting ng mga ilaw, sa ambience ng lugar, ay nageentice sa bawat isang dumadaan na bumisita, tignan ang produktong inilalako, at mahumaling na bilhin ito, tangkilikin, at maadik. Ang ganitong setting ay nagcocontribute para mas lalo pang maging indibidwalista ang mga taong laman ng mall. Sa dulo, ang negosyante ang kumita. Dahil sa materialistic at individualistic na ego ang ineespouse ng mall at ng konsumerismo, lahat ng mga tao na nasa loob ng mall ay may tendensiya na magengage sa conspicuous consumption, maspaigtingin ang skill sa impression management, at mas lalong mawalan ng sense ng pagkakakilanlan sa sarili, sa gitna ng isang anomic at postmodern na mundo. Dahil sa walang mapanghawakang land map, inikot ko nalang ang mall at inilista ang mga prominenteng katangian sa bawat palapag ng gusali. Dito mas lalong mahihinuha kung bakit ko nasabi na maraming dreamworld sa mga mall (i.e. SM Fairview). Sa basement, bukod sa mga sari-saring tindahan ay nandito ang Food Court, SM Appliance Center,

Maximization of Space

Maximization of Profit hal. Isang computer shop sa gitna ng hallway

Isang Digital Land Map

Page 5: Sa Mall

Fitness First, SM Hypermart, SM Bowling Center, SM Supermarket, at isang open space para sa mga exhibition (nang bumisita ako sa lugar ay may mga mangaawit na nagtatanghal). Sa unang palapag, bukod sa mga sari-saring tindahan, ay nandito ang SM Department Store, St. Claire Culinary School, Teleperformance, at Bingo City. Sa pangalawang palapag, bukod sa mga sari-saring tindahan, makikita ang SM Cinema at ang Infomatics. Sa ikatlong palapag tinumpok ng SM lahat ng tindahan ng mga cellphones at computers sa Cyberzone katapat ang isang malaking amusement park sa pangalang Story Land. Walang chapel sa loob ng SM Fairview, wala ring hotel, pero noong nalaman ko ang component ng SM habang nasa akto ako ng paglilista, mapaggunamgunam ko na kaya pala talagang mabuhay ng isang tao sa loob ng mall, na ang mall ay isang modernong tahanan na lahat ng pangunahing pangangailangan ay nandoon na. Itong klase ng ideolohiya ang ipinapamukha sa atin ng SM,

na they got it all for us. Kaya nga lang, ang bottom line pa rin ay, kung may pera ka para maangkin mo lahat ng ipinapamukha sa iyo.

Sa mga espasyo ng mall kakikitaan din ng kontradiksyon ng ibat-ibang pwersa. Ang Kosmopolitanismo at Internasyunalismo laban sa Nasyonalismo at Tradisyunal. Sa aking pagiikot-ikot ay nakakita ako ng mga interesanteng mga bagay, mga tindahan na nagbebenta ng buko at mani na kinomercialize, gaya ng flip-tops na tsinelas lang naman kung tutuusin, laban sa mga mas prominenteng restaurant na patterned sa ibang bansa. Natawa ako, pero napaisip din. Ang mga tindahang gayon ay rebelyon sa Internasyunalismo, sa pagiging in na nakapattern sa pagging foreign. Hanggang kailan kaya sila tatagal?

Sa kabuuan ang ambience at experience ng mall para sa akin ay exciting, pero magulo, masaya, pero walang lalim. Pagkatapos ng exsibisyon ng mga ilaw, ng mga ingay ng rides at ng nagdedemo, ng paglakad-lakad at pagtingin-tingin sa mga paninda, ng pagdamit ng kaakit-akit at pagkain sa isang mamahaling restaurant, ng pagihi sa isang mabago at malinis na CR, ng pagbili ng mga nakapukaw sa iyong paningin, ano na?

***


Recommended