+ All Categories
Home > Documents > Speech delivered by Chief Justice Maria Lourdes P. A...

Speech delivered by Chief Justice Maria Lourdes P. A...

Date post: 20-Feb-2018
Category:
Upload: vomien
View: 227 times
Download: 4 times
Share this document with a friend
12
1 Speech delivered by Chief Justice Maria Lourdes P. A. Sereno during the Revised Small Claims Procedure Information Campaign Kick-Off on June 19, 2017 at Trinoma Mall, Quezon City Magsiupo po muna tayo lahat mga kaibigan. Mga nakiki-mall po diyan, makilahok naman ho kayo dito, opo daw sabi nila. Alam ko ho na SeniorsDay ngayon dito sa Trinoma Mall, libre nanaman ang inyong sine? Kaya masaya ho sila dito sa inyong mall kasi pinapakita ng lahat na ang kabataan ay hindi lamang para sa mga taong nasa edad na kinse hanggang trenta y sinko, kundi mas maganda pa nga ang buhay para sa mga senior citizens natin, di po ba? Salamat po at nakikilahok kayo sa amin ngayon mga kababayan. At nais ko pong simulan ang okasyong ito sa pagbati ng taos pusong pasasalamat sa lahat ng nakikinig po sa atin ngayon sa araw na ito, maging sa mga kababayan natin na wala dito ngayon sa atin sa Trinoma Mall, at marami po tayong mabibigat na panauhin at kasamahan sa ating kick-off campaign na ito. Nariyan na po ang aking kasamahan sa Korte Suprema, si Associate Justice Diosdado [M.] Peralta, Justice Peralta tayo naman, ipakita mo ang iyong magandang anong tawag diyan wangis, wangis po ano, Justice [Samuel R.] Martires? Si Associate Justice Samuel [R.] Martires, maaari lamang pong tumayo, alam niyo po isa siya sa mga kinakakatakutang dating mga huwes sa
Transcript
Page 1: Speech delivered by Chief Justice Maria Lourdes P. A ...sc.judiciary.gov.ph/aboutsc/justices/cj-sereno/2017/CJ Sereno, June... · ang ating itatanyag ngayong hapon na ito ay ang Small

1

Speech delivered by Chief Justice Maria Lourdes P. A. Sereno during the Revised Small Claims Procedure Information Campaign Kick-Off on June 19, 2017 at Trinoma Mall, Quezon City

Magsiupo po muna tayo lahat mga kaibigan. Mga nakiki-mall po diyan,

makilahok naman ho kayo dito, opo daw sabi nila. Alam ko ho na Seniors’ Day

ngayon dito sa Trinoma Mall, libre nanaman ang inyong sine? Kaya masaya ho

sila dito sa inyong mall kasi pinapakita ng lahat na ang kabataan ay hindi

lamang para sa mga taong nasa edad na kinse hanggang trenta y sinko, kundi

mas maganda pa nga ang buhay para sa mga senior citizens natin, di po ba?

Salamat po at nakikilahok kayo sa amin ngayon mga kababayan. At nais

ko pong simulan ang okasyong ito sa pagbati ng taos pusong pasasalamat sa

lahat ng nakikinig po sa atin ngayon sa araw na ito, maging sa mga kababayan

natin na wala dito ngayon sa atin sa Trinoma Mall, at marami po tayong

mabibigat na panauhin at kasamahan sa ating kick-off campaign na ito.

Nariyan na po ang aking kasamahan sa Korte Suprema, si Associate Justice

Diosdado [M.] Peralta, Justice Peralta tayo naman, ipakita mo ang iyong

magandang — anong tawag diyan — wangis, wangis po ano, Justice [Samuel

R.] Martires? Si Associate Justice Samuel [R.] Martires, maaari lamang pong

tumayo, alam niyo po isa siya sa mga kinakakatakutang dating mga huwes sa

Page 2: Speech delivered by Chief Justice Maria Lourdes P. A ...sc.judiciary.gov.ph/aboutsc/justices/cj-sereno/2017/CJ Sereno, June... · ang ating itatanyag ngayong hapon na ito ay ang Small

2

Sandiganbayan na ngayon ay sumasama na po sa atin sa Korte Suprema, sa

ating mga information campaigns sa kick-off. Nariyan po ang magandang

asawa ni Justice Peralta, ngunit ang kanya pong katangian ay si Justice Peralta

po ay ang kaniyang asawa. Pakita ko po sa inyong patunay na ang mga huwes

po sa Court of Appeals ay mayroon naman pong maipagmamalaking histura eh

noh, si [Court of Appeals Associate] Justice Fernanda Audrey Lampas-Peralta,

Justice Audrey. At ang kilala ninyo pong lahat na si Court Administrator Jose

Midas P. Marquez. Andiyan din po ang nakikita ninyo linggo-linggo na si

Assistant Court Administrator [Theodore O.] “Teddy” Te, Teddy. Ngunit

babaling na po ako dito sa aking kanang gawi, ano po, pakikilala ko naman sa

inyo ang ilang dayuhan at ilan pang kababayan natin na makikilahok sa atin at

magbubunyi sa araw na ito. Simulan po natin it okay Ginoong Mat Kimberley

— Ginoong Mat why don’t you stand, they like seeing people stand here —

Deputy Head of Mission po siya ng Australian Embassy sa Philippines. Nandito

po siya kasi tumutulong po ang Australian Embassy sa ating mga ilang

information campaigns. Nandito rin po si Ginoong Brandon [Hudspeth], who is

the [Director of the Bureau of International Narcotics and Law Enforcement

Affairs of the U.S. Department of State], please [stand to be recognized], I’m

sorry I will correct my mistake later, Brandon, I promise you somebody has to

slip me the correct paper here. Andiyan din po ba iyong si Assistant Secretary

Page 3: Speech delivered by Chief Justice Maria Lourdes P. A ...sc.judiciary.gov.ph/aboutsc/justices/cj-sereno/2017/CJ Sereno, June... · ang ating itatanyag ngayong hapon na ito ay ang Small

3

Atty. Michael Christian Ablan, andito daw po, oh Atty. Ablan. Siya po ay

Assistant Secretary for Policy Legislative Affairs ng Presidential

Communications Operations Office (PCOO), ang pinakain demand na opisina

ngayon sa bansa ano po.

Nandito rin po ang aking mga kasamahan sa judiciary na iba, ang aming

mga officers ng [Philippine] Judges Association at ang iba pong mga judges pa,

lalo na sa first-level courts, tayo po kayo para pakita ninyo ang inyong mga

hugis at wangis. Nakikita ninyo naman po noh, magaganda po ang aming mga

judges, at may hitsura naman po ang aming mga male judges, biro-biro lang po

ah (laughs).

And members ng diplomatic corps na nandito; kung mayroon pa hong

galing sa ibang opisina ng iba’t ibang gobyerno ng ibang bansa, nandito rin po

iyong iba, nakatayo na po sila ngayon kaya’t hindi na po sila tatayo para sa

atin ngayon. At nandito rin po ang mga kumpanya at mga civil society

organizations supporting judicial reform, iwagayway ninyo lang po sana ang

inyong mga kamay, nandiyan ho kayo ung mga civil society organizations at

iyong mga kumpanya itaas ninyo po ang mga kamay ninyo. Tingnan ninyo ho

iyong dating Chairperson ng SEC (Securities and Exchange Commission), si

Page 4: Speech delivered by Chief Justice Maria Lourdes P. A ...sc.judiciary.gov.ph/aboutsc/justices/cj-sereno/2017/CJ Sereno, June... · ang ating itatanyag ngayong hapon na ito ay ang Small

4

SEC Chair Fe [Barin], tumayo ka Fe. Alam ninyo po si Fe, sa lahat ng

problemang dinaanan niya, naghanap pa siya ng dagdag na kosa. At ang isa

niyang napiling kosa ay good governance through the judiciary. Kaya’t Key

Officer po siya na tumutulong ng Judicial Reform Initiative (JRI) and it is headed

by [Sherisa] “Baby” Nuesa. Baby, please. Marami pa ho akong kaibigan diyan,

hindi ko na ho kayo tatawagin isa-isa kasi baka iyong singing lola ay

magsisimula na (everyone laughs).

Aking mga kasama sa gobyerno, aking mga kapwa ordinaryong

mamamayan sa pinkamamahal nating bayan na ito, malugod ko pong binabati

ang mga nagsisisadalo ngayon sa ating kick-off na information campaign

tungkol sa Revised Small Claims Court Procedure.

Simula sa araw na ito, matutunghayan nating mabuhay ang saklaw ng

proteksyon ng batas sa iba’t ibang platapormang ilulunsad natin dito sa

Trinoma. Bukod sa mga nakagawiang paraan pupunta na rin po tayo sa live,

digital, at social media. Alam kong noon ninyo pa ho hinihintay na makita ang

mga kwento ng hudikatura sa social media, sisimulan na po natin ngayon at

ang ating itatanyag ngayong hapon na ito ay ang Small Claims Procedure:

Revised, Expanded, Heightened. Patunay ito po na ang hudikatura ay

Page 5: Speech delivered by Chief Justice Maria Lourdes P. A ...sc.judiciary.gov.ph/aboutsc/justices/cj-sereno/2017/CJ Sereno, June... · ang ating itatanyag ngayong hapon na ito ay ang Small

5

sumasabay hindi lamang sa paglago ng teknolohiya kundi pati na rin sa mga

makabagong paraan sa larangan ng information, education, and

communication o tinatawag nating I-E-C. Pagpapatibay rin po ito sa panata ng

hudikatura na ilapit ang hukuman sa ating mga kababayan. Kung kami po ay

magtatagumpay, matatapos na po dahan-dahan ang inyong pananaw na ang

hudikatura ay hiwalay sa pangkaraniwang kabuhayan ng ating mga

kababayan. Kundi higit po naming ilalapit sa inyo ang hudikatura, ang

kanyang mga pamamaraan, at ang pusong taglay nito na ang pusong magbigay

ng hustisya sa ating bayan, lalo na sa mga maliliit.

Ang Revised Small Claims Procedure Information Campaign Kick-Off na

ito — mahaba po ano, titiyagain ninyo po ang bawat katagang nabigkas ko,

ipapaliwanag po ng aking kasamahang si Justice Peralta ito — ay

pagpapahayag sa mga repormang ukol sa maliliit na reklamo ukol sa

kaperahan. Oh lahat po magic word po noh ito sa atin, “kaperahan,” problema

sa kaperahan. Paano po ba ipag-iigting ang kalunasan sa mga dispute at

diskusyon ukol sa kaperahan? Mababatid ng publiko, matapos naming

ipaliwanag ang Revised Small Claims Procedure na ito po, ang bilis, efficiency, at

husay ng gulong ng hustisya para sa small claims. Kung ano po ang mga small

claims na ito, lalo pong ipapaliwanag mamaya.

Page 6: Speech delivered by Chief Justice Maria Lourdes P. A ...sc.judiciary.gov.ph/aboutsc/justices/cj-sereno/2017/CJ Sereno, June... · ang ating itatanyag ngayong hapon na ito ay ang Small

6

Ang Small Claims Procedure ay isang pangunahing tugon ng Korte

Suprema sa libu-libong kasong nasa korte ngayon. Isinailalim sa proseso ng

Procedure ang paniningil sa salaping hindi lalagpas sa Php200,000.

Halimbawa po may pautang kayong hindi ninyo masingilsingil sa inyong

kapitbahay, marami ho kayong ganoon. Paano po tutugunan ng hudikatura

ang problema ninyong iyon gayong ang pagkakaalam ninyo mahirap pumunta

sa hukuman, mahal. Patutunayan po namin ngayon na hindi na po ganoon ang

buhay para sa inyo, ngayong hapong ito.

Kasama na rin po sa coverage nito iyong mga kasunduang ukol sa mga

pagpapaupa ninyo, hirap pong maningil sa pagpapautang, paggawa ng

serbisyo, pagbebenta, [at] pagsasangla — mga ordinaryong hinaing ng mga

taong-bayan na kumbaga hindi nasosolusyunan ng mabilis na solusyon sana,

eh iyon naman po ang hinihingi ng lahat — ano po ba ang mabilis na solusyon

sa ganitong mga klaseng problema, na napakaordinaryo sa buhay ng Pilipino.

Hindi na po ngayon kailangan ng abogado, so wala na po kayong babayarang

abogado. Madali ang proseso, mura ang filing fees kung ikukumpara sa regular

[na kaso], kaya’t abot kaya na po. Kumbaga eh sanay na po tayo sa abot

kayang tingi-tinging pagbebenta, ito po ay abot kaya na hustisya pagkat sa

Page 7: Speech delivered by Chief Justice Maria Lourdes P. A ...sc.judiciary.gov.ph/aboutsc/justices/cj-sereno/2017/CJ Sereno, June... · ang ating itatanyag ngayong hapon na ito ay ang Small

7

pananaw namin, wala pong maliit na halaga na hindi dapat solusyunan ng

hustisya. Sa small claims, papanatilihin natin na ang batas ay maging simple,

mabilis, abot kaya — iyan po ang ating mga code words ngayon: simple,

mabilis, abot kaya.

Ang tagumpay po ay maidudulot natin pati na rin po sa mga OFWs

(Overseas Filipino Workers) na gusto nating talagang abutin at magbigay ng

panawagan sa kanila. Pagkat karamihan po sa kanila dalawang linggo lang

naman po ang bakasyon, minsan nga po isang linggo lang. Kakaunti po ang

kanilang panahon, uubusin pa po ba natin ito sa paglilitis? Hindi po. Ang

gagawin po nating paglilitis ay napakasimple at maikli lamang; supisyente

upang mabigyan pa ng karagdagang panahon ang OFW na pagtuunan ang

kaniyang pamilya at ang kaniya pang mga ibang problema.

Kaagapay ang Department of Foreign Affairs (DFA), nakapagpamigay na

po tayo ng mga materials sa kanila: briefer, pamphlet FAQs (Frequently Asked

Questions), at flowchart, nasa kanila po. Hihingin po namin ang mga tulong ng

mga embahada at konsulada sa lahat ng bansang naroroon ang Pilipino upang

malaman ng [mga] OFW na ito po ang aming kaunting tulong sa kanilang

mahirap na buhay. Ang hayaan nilang malaman at maramdaman na maaabot

Page 8: Speech delivered by Chief Justice Maria Lourdes P. A ...sc.judiciary.gov.ph/aboutsc/justices/cj-sereno/2017/CJ Sereno, June... · ang ating itatanyag ngayong hapon na ito ay ang Small

8

nila ang hustisya gaano man silang kagipit ng panahon dahil sa kanilang

pagkakalagak ng trabaho sa ibang bansa. Hindi lamang po para sa OFW ang

outreach naming ito, hindi lamang po sa inyong mga mall goers, kung hindi

pati narin po sa online community, lalapit po tayo, lalapit at sasabihing ito ay

impormasyong napakayaman sa solusyon, gamitin ninyo pagkat meron na rin

po tayong mga iba’t ibang channel: digital, sa Youtube, at may Facebook pages

na po tayo at ipapaliwanag po natin mamaya ito, kung ano itong mga pages na

ito. Mayroon po tayong mga video, na tigda-dalawang minuto lamang po ang

haba. Kaya’t hindi po mauubos ang oras ninyo upang maintindihan paano

ninyo makukuha ang hustisya ayon sa Procedure ng Small Claims.

Kaya’t simula po sa araw na ito masisilayan na rin po ang mga

information campaign booths at places namin at exhibits sa iba’t ibang malls.

Kaya’t nagpapasalamat po ako sa Ayala Malls, sinimulan na po dito sa Trinoma

kasi tutulungan po nila kami na abutin ang publiko kasi kayang kaya na

mabasa ng publiko kung ano ang kanilang mga karapatan under the Small

Claims Procedure. Importante po ito kasi pinaghirapan po naming lahat na

iabot sa inyo ang hustisya. Ngayon, claim what you have: your right to a very

fast procedure.

Page 9: Speech delivered by Chief Justice Maria Lourdes P. A ...sc.judiciary.gov.ph/aboutsc/justices/cj-sereno/2017/CJ Sereno, June... · ang ating itatanyag ngayong hapon na ito ay ang Small

9

Kaya’t masaya po kami na magkakaroon rin po tayo ng mga L.E.D (light

emitting diode) billboards sa Guadalupe, pero huwag ho hayaan ninyo na

magkaroon kayo ng isang distracted driving incident, ayaw po nating sabihin

na ang Supreme Court po ang nag violate ng Anti-Distracted Driving Act.

Hayaan ninyo pong maging pampabukas lamang ng ating kaisipan ito kung

ano ang kakayahan ng isang sistema na napakabilis.

Patuloy rin po, mayroon po tayong kaibigan mula sa CD Asia, nandoon

po sila, na sa isang information website doon ninyo po makikita ang mga

karamptang kaalaman tungkol sa mga reporma sa hudikatura na napakabilis

na nangyayari po ngayon. At nais ko pong anyayahan lahat na tiyagain ninyo

pong buksan po ang mga links doon, pagkat doon ninyo po malalaman kung

gaano kabilis ang pagilog ng reporma sa ating bayan.

Patuloy po ang aming pagsasanay sa mga huwes upang mabigyan po ng

giya hindi lamang po ang mga huwes na mismong sila ang gagawa ng — ang

magaadminister ng system ng Small Claims Procedure kundi bibigyan rin po

nila ng giya ang bawat partido kung paano po mapapabilis ang pagresolba ng

kanilang mga hinaing sa ating mga Small Claims. Hiningi rin po namin ang

tulong ng PTV4, andiyan po si ASec. Ablan, marami pong salamat, ng PCOO

Page 10: Speech delivered by Chief Justice Maria Lourdes P. A ...sc.judiciary.gov.ph/aboutsc/justices/cj-sereno/2017/CJ Sereno, June... · ang ating itatanyag ngayong hapon na ito ay ang Small

10

para ibrodkast po ang small claims videos. ASec. Ablan ipinangako ninyo na po

iyan noh? Ang pangako po ng PTV4 at ng PCOO, lahat po ng repormang

ginagawa sa judiciary ngayon ibrobrodkast nila para maging national event,

national celebration itong mga repormang nangyayari ngayong malawakang

sa ating bayan. Salamat, ASec. Ablan, we owe you one!

Ganoon na rin po kay General [Manager] Eddie Monreal, nakipagusap

po kami, si Eddie Monreal po ang tagapamahala ng Manila International

Airport Authority (MIAA). At sinabi po niya na sa lahat ng mga palapagang

internasyonal lalo na po doon sa mga OFWs at iyong mamamalagi po sa ibang

bayan, bibigyan ng information materials para ang ating mga kababayan pag

nagkaproblema sila dito sa Pilipinas, malalaman nila na may solusyon na

puwede silang tutukan pagbalik nila dito. Kaya’t ang OFWs po natin at ang

lahat ng ating mga kababayan, dadaan kayo sa airport, dadaan kayo sa DFA,

dadaan kayo maaari rin po sa POEA (Philippine Overseas Employment

Administartion), lahat po iyan, all points broadcast po ang ating keyword.

Lahat po nang puwedeng pagluklukan ng impormasyon gagamitin po natin

upang ipahayag sa lahat na ang hudikatura gusto pong solusyunan ang inyong

mga problema. Alam po naming napakadami na naming trabaho ngunit sa

aming palagay, iyong inyong pautang na hindi masingilsingil ay kailangang

Page 11: Speech delivered by Chief Justice Maria Lourdes P. A ...sc.judiciary.gov.ph/aboutsc/justices/cj-sereno/2017/CJ Sereno, June... · ang ating itatanyag ngayong hapon na ito ay ang Small

11

mabigyan ng lunas. Ang inyong mga serbisyong naigawad na na kailangang

bayaran, kailangang mabayaran. Iyan po ang depinisyon ko ng hustisya sa

pang araw-araw hindi lamang sa malalagim na krimen na kailangang

solusyunan at kailangang may kumbiksyon, ngunit pati po sa lahat ng sama ng

loob na ang isang kababayan natin o isang porener ay naglabag ng ating

karapatan na mabayaran. Kayat naririto po, mag reach out din po kami sa DTI

(Department of Trade and Industry), lalo na po doon sa mga training

programs nila at workshops para sa small and medium-sized businesses.

Tutulungan po natin na ang mga negosyo ay magkaroon ng kakayahang

maningil, at maningil ng epektibong paraan.

Maaari pong — alam ninyo sa bilis ng pagpipilit kong makipag-usap sa

inyo ngayon at ayoko naman pong parang binabasa ko ang mga impormasyon

na nakasulat sa papel sa harapan ko — maaari pong mayroon akong hindi

nabigyan ng karangalan sa araw na ito, hindi ko naacknowledge na tulong.

Ipagpaumanhin ninyo na po na ang kakulangan ay nasa sa akin. Ngunit, be

assured na ang Korte Suprema ay taos pusong nagpapasalamat sa lahat ng

mga itinulong ninyo na sa reporma sa hudikatura. Kayat maaari pong makita

natin ang isang ganitong isang klaseng sistema ay magiging isang game

Page 12: Speech delivered by Chief Justice Maria Lourdes P. A ...sc.judiciary.gov.ph/aboutsc/justices/cj-sereno/2017/CJ Sereno, June... · ang ating itatanyag ngayong hapon na ito ay ang Small

12

changer. Malalaman nila na ang kapakanan ng maliliit ay mahalangang

mahalaga sa puso ng hudikatura.

Mabuhay ho kayong lahat, mabuhay ang bayang Pilipinas!


Recommended