Date post: | 29-Mar-2016 |
Category: |
Documents |
Upload: | pol-divina |
View: | 261 times |
Download: | 1 times |
The Catalyst
Vol.XXIV No.02 July 2009
Vol.
XXIV
No.
O2
July
200
9In
sid
e:
Sundan sa pahina 03 ►
Balita Lathalain Panitikan
Pascual inihalal na bagong SR
CONtinuedAScendancy
S.I.N.Machine*
P a h i n a 0 2 ► P a h i n a 0 3 ► P a h i n a 0 5 ►P a h i n a 0 4 ►
CONtinued
Article: Ma. Fatima Joy B. Villanueva
Illustration: Paul Divina
AScendancyAng ika-9 na SONA ni Gloria at ang napipintong term-extension
Dapit-haponHuling Bahagi
Mga minamahal kong kababayan, this will be my last State of the Nation Address and I promise to stay away from politics until the day I die.” Mabubunutan na ng napakalaking tinik ang mamamayang
Pilipino kung ito mismo ang sasabihin ni Gng. Gloria Macapagal-Arroyo sa kanyang SONA na gaganapin sa House of Representatives, Quezon City nitong Hulyo 27. Ngunit sa katotohanan, ito na marahil ang pinakahuling bagay na maiisip ni GMA. Kabaliktaran ito ng malinaw na plano ng rehimeng Arroyo sa pananatili niya sa pwesto.
“
The Catalyst
Vol.XXIV No.02 July 2009
Balita
Inihalal si Donnavie Pascual bilang bagong student regent sa idinaos na Alyansa ng Nagkakaisang Konseho ng PUP (ANAK-PUP) Leadership Training Seminar and Congress noong Hulyo 8-10 sa Bretsch and Barrie Resort and Seminar House, Baltao Subdivision, Taktak, Antipolo City.
CongressSa isang panayam ng
The Catalyst kay Pascual, sinabi nito na nahirang siya matapos makakuha ng pabor na boto mula sa mga dumalong delegado na nagmula sa iba’t ibang konseho ng unibersidad, kabilang na sa branches at extensions.
Bilang SR, si Pascual ang kakatawan sa studentry sa Board of Regents, ang highest policy making body sa unibersidad. Siya ang magtitiyak, aaksyon at tutugon sa anumang problema na may kaugnayan sa mga mag-aaral hindi lang sa PUP main kung hindi maging sa mga sangay nito.
Ang paghalal ng bagong
SR ay nakapaloob sa taunang seminar at congress ng ANAK-PUP, isang pederasyon na binubuo ng mga konseho ng mag-aaral sa buong PUP system, na naglalayon makonsolida ang lahat ng konseho.
Leadership training at forumItinampok din sa
pagtitipon ang oryentasyon sa konseho ng mag-aaral; mga forum discussions hinggil sa kalagayan ng sektor ng edukasyon; kalagayan ng PUP at kasalukuyang kalagayan ng bansa. Ang mga delegado ay sumailalim din sa leadership training at workshops.
Naganap din ang konsultasyon kung saan inilahad ng mga delegado ang kalagayan ng mga mag-aaral sa kanilang mga sangay.
Ayon kay Pascual, nagkakatulad ang mga hinaing ng mga estudyante sa mga sangay sa usapin ng pagpapatupad ng one uniform policy, represyon sa mga institusyon at ang tumitinding komersyalisasyon sa kabuuan.
“Talamak ang pagbebenta ng mga libro na hindi authorized.
Pascual inihalal na bagong SRANAK-PUP Congress idinaos
Bukod pa riyan iyong mga inire-require na seminar na mahal ang gastos,” dagdag pa ni Pascual.
Ipinaliwanag din niyang naging kahinaan ng ibang konseho ang pag-alam sa kanilang mga batayang karapatan at kawalan ng student handbook para ipagtanggol ang sarili mula sa panggigipit administrasyon
Bilang pagtatapos, binigyang-diin ni Pascual na magpapatuloy ang kanilang kampanya para sa refund ng Student Information System (SIS) fee na nagbunsod sa iba pang bayarin gaya ng P800 energy fee at P300 P.E uniform.
Ma. Quey Ann Elisa SolanoMark P. Bustarga
Swine flu sa CPES itinanggi
Pinabulaanan ng pamunuan ng College of Physical Education and Sports (CPES) ang napabalitang mayroong isang estudyante mula sa nasabing kolehiyo ang tinamaan ng A(H1N1) virus.
Ayon kay Prof. Jose Mel Bernarte, chairperson ng Department of Sports, walang matibay na basehan ang sumulpot na isyu.
“Kumalat yung balita, allegedly; ibig sabihin, walang factual report tungkol dito. Ni wala din lumabas na medical
report at identification kung totoo nga na may tinamaan ng virus sa isa sa mga estudyante ng CPES,” ani Prof. Bernarte.
Dagdag pa niya, malabo umanong matamaan ng virus ang mga estudyante ng CPES dahil sa malakas nitong pangangatawan at regular na ehersisyo.
Lumabas ang naturang isyu ng pagkakaroon umano ng A(H1N1) virus sa PUP noong Hulyo 23 matapos ang ilang araw na mapabalitang kumalat na ang nasabing sakit sa mga pribadong pamantasan sa Metro Manila.
Angelie Marie F. Gardose
Humigit-kumulang 250 mag-aaral ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas ang nakiisa sa ginanap na kilos-protesta laban sa Constituent Assembly (Con-Ass) na pinangunahan ng sektor ng kabataan noong Hulyo 10 sa Maynila.
Tinatayang 900 naman ang pangkalahatang bilang ng mga kabataan na dumalo mula sa iba’t ibang unibersidad sa Metro Manila.
Mula sa PUP, nagmartsa ang mga estudyante patungong University of Sto. Tomas (UST) kung saan
Marlon Peter N. Bermudez naghintay ang ilan pang mga estudyante sa ganap na alas-12 ng tanghali. Mula sa UST ay nagmartsa patungong Plaza Miranda kung saan ginanap ang unang bahagi ng programa. Mula naman Plaza Miranda ay nagtungo sa Mendiola kung saan isinagawa ang huling bahagi ng programa.
Ilan sa mga naging tagapagsalita ay sina Kabataan Party list (KP) Rep. Raymond Palatino at KP Sec. Gen Vencer Crisostomo.
Ayon kay Crisostomo, ang nasabing pagkilos ay nagpakita ng muling pagbabanta ng kabataan laban
PUP nakiisa sa kilos-protesta laban sa Con-Ass
sa Con-Ass.“Hindi Con-Ass ang
sagot sa kahirapan ng bansa. Kaya huwag niyo nang subukan pa ang pagpapatupad ng CHA-CHA na ’yan,” ani Crisostomo.
Ang iba pang unibersidad na sumama sa naturang pagkilos ay ang UST; Unibersidad ng Pilipinas-Diliman, Manila at Los Baños (UP); Eulegio Amang Rodriguez Institute of Science and Technology (EARIST); St Scholastica’s College; Centro Escolar University (CEU); Jose Rizal University (JRU); Arellano University; University of the East (UE); Far Eastern University (FEU); Universidad de Manila; Mapua Intstitute; at Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM).
Nakiisa rin maging ang mga estudyante mula sa high school at mga out-of-school-youth.
Isandaang academic entrance scholar ang napili bilang kauna-unahang Green Scholars ng PUP noong Hunyo 22 sa Bulwagang Balagtas, Ninoy Aquino Library Learning Resource Center (NALLRC).
Pinili ang 100 Green Scholars mula sa mga high school valedictorian, salutatorian at first honorable mention na pumasa sa isinagawang screening ng Office of the Scholarship and Financial Assistance (OSFA) noong Hunyo 11-15. Makakatanggap ang mga ito ng full scholarship at stipend.
Ang naturang scholarship program ay pinopondohan ng
Sagip Pasig Movement (SPM) at Pilipinas Shell Petroleum.
Ayon kay Myrna Jimenez, executive director ng SPM, napili umano nila ang mga estudyante ng PUP na pinakaunang recipient ng naturang scholarship dahil ang mga estudyante ng PUP ay katulong din nila sa kanilang hangaring mapanumbalik ang kaayusan ng Ilog Pasig.
Dumalo sa naturang kaganapan sina PUP Pres. Dante Guevarra, Executive Vice Pres. Victoria Naval, VP for Student Services Juan C. Birion, VP for Research and Development Pastor Malaborbor, at VP for Administration Augustus Cesar bilang mga pangunahing panauhin.
100 Green Scholars napili
GFO inilunsadJeric F. Jimenez
Edrick S. Carrasco
Sa pangunguna ng Sentral na Konseho ng Mag-aaral (SKM), naging matagumpay ang inilunsad na General Freshmen Orientation (GFO) week noong Hunyo 30-Hulyo 3, na may temang “S.I.S.tem Wipeout”.
Sa mga unang araw, naglunsad ng photo exbihit para sa yumaong Rep. Crispin Beltran. Nagdaos din ng org fair kung saan nagbooth sa catwalk ang mga
organisasyon sa PUP.Sa huling araw, idinaos
ang isang oryentasyon para sa mga freshmen na ginanap sa gym. Sina Bayan Muna Rep. Satur Ocampo at Kabataan Party list Rep. Raymond Palatino ang naging mga pangunahing tagapagsalita.
Matapos ang nasabing oryentasyon, nagsagawa ng walk-out sa klase ang mga estudyante patungong Mendiola na bitbit ang kanilang panawagan laban sa Charter Change.
Kasabay nito, idinaos noong gabi din ng araw na iyon ang isang libreng konsyerto na nagtampok sa mga bandang Valley of Chrome at Chicosci.
Samantala, biglaang nagkaroon ng brown-out bago matapos ang konsyerto na nagbunsod sa pagtigil nito.
Nang kapanayin ng The Catalyst si Donnavie Pascual, pangulo ng SKM, sinabi nitong agad nilang idinulog sa kinauukulan ang nangyaring brown-out. “Sa katunayan ay kasalukuyan na itong iniimbestigahan,” pagtatapos nito.
▲ RAGE. People from various sectors gather to call for an end on Gloria’s Constituent Assembly at Liwasang Bonifacio, Manila on June 30. At the picture is Anakbayan-National Chair Ken Ramos. YA N O J A z u l
The Catalyst
Vol.XXIV No.02 July 2009
Lathalain
HudyatAng ika siyam na SONA ang hudyat ng
pagbubukas ng sesyon ng Kongreso (House of Representatives at Senado). Muli nang madidinig ang House Resolution 1109 o ang Constituent Assembly (Con-Ass). Matatandaang pinaspas itong maipasa noong hating gabi ng Hulyo 2.
Ang pagpapatupad ng Con-ass ay pagbibigay ng karapatan sa Kongreso at Senado na tumalakay, magbago at mag-apruba ng Konstitusyon. Ilan sa mga dapat ikundenang pagbabagong pwede nilang aprubahan ay ang pagpapalit ng porma ng gobyerno. Maaaring maging parlyamentaryo ang uri ng gobyerno at pamumunuan ng prime minister, na pagbobotohan ng mga na-elect na kongresista ng bawat distrito. Dito umalingasngas ang balak na pagtakbo ni GMA bilang congresswoman ng isang distrito sa Pampanga.
Suhol din itong maituturing sa bansang Estados Unidos upang magpatuloy ang suporta nito kay GMA. Sapagkat pangunahing makikinabang ang bansang ito sa mga maaaring baguhin na pang-ekonomiyang polisiya. Kapg nagtuloy ang C o n - A s s , mabibigyan ng 100% karapatan sa magmay-ari ng mga batayang industriya at serbisyo ang mga dayuhan. Kasama na rito ang paggamit ng mga likas na yaman ng Pilipinas para sa kanilang explorasyon.
Beyond 2010Desperado nang
ipinapatupad ang mga plano ng kasalukuyang rehimen para sa pananatili ni GMA sa pwesto beyond 2010.
“Ang mga naganap na kalat-kalat na pagsabog sa Mindanao at maging sa Quezon City ay bahagi ng Operation Plan August Moon”, ayon sa press statement na inilabas ng Initiatives for Peace in Mindanao, isang alyansa ng mga organisasyon n a nagsusulong ng kapayapaan sa Mindanao. Nakabalangkas diumano rito ang serye ng pagsabog bago ang SONA. Nakatakda itong magpakalat ng gulo at tensyon sa mamamayan
na dahilan upang magdeklara si GMA ng state of emergency o ang hindi tuwirang Martial Law.
Bilang climax ng naturang plano ay magsasagawa ng isang kudeta na pangungunahan diumano ng Philippine Military Academy Batch ’78. Ito’y magaganap diumano 10 araw matapos ang SONA o sa Agosto 6. Target nitong palitan sa pwesto
si AFP Chief of Staff Gen.Victor Ibrado.
Papalitan diumano siya ni Lt. Gen. Delfin Bangit na
nagmula rin sa PMA Batch ’78, kung saan, honorary
member si GMA.
Extra VigilantLatag na ang
mga plano ng a d m i n i s t ra s yo n . Nakahanda silang siguraduhin na hindi pa ito ang huling SONA ni GMA, hindi man bilang pangulo kundi bilang prime minister ng bansa.
Sa press statement ni Bayan
Muna Rep. Teddy Casiño, binalaan niya
ang mga mamamayan na maging ‘extra
vigilant’ sa mga nagaganap. “Marcos did
it before. Arroyo has all the cards, motives and tendencies
to do it again. We should keep ourselves informed and prepared
for such scenarios.”Ngayon, higit kailanman, dapat
tayong tumugon sa tungkulin ng bawat isa sa atin, lalo na sa mga kabataan. Ating tugunan ang hinihinging pakikibaka ng ating panahon - sa kalunsuran man o kanayunan. Patuloy na mangahas na manindigan, magkaisa at makibaka, mag-Martial Law man o hindi.
Three Things PGMA Should Say on Her SONANews Release: Bayan Muna | June 29, 2009
Casiño said, “Majority of Filipinos, as consistently verified in all opinion surveys in the country, are interested to hear only three things from PGMA when she delivers her SONA:
Number 1. ‘I will abandon all efforts to convene Congress into a constituent assembly (con-ass) and therefore there will be no more Charter change (Cha-cha) before the 2010 national elections;’ Number2. ‘I will step down in 2010, and;’ Number 3. ‘ I’m not running for any position, be it for Congresswoman or even for municipal councilor, in the 2010 elections.”
Ngayon,
higit kailanman, dapat tayong tumugon sa tungkulin ng bawat
isa sa atin, lalo na sa mga kabataan. Ating tugunan
ang hinihinging pakikibaka ng ating panahon - sa
kalunsuran man o kanayunan.
‘‘‘‘
MABINISESSIONS III:
Twelve pesos. Nowhere in the country can someone find tuition fee lower than what the Polytechnic University of the Philippines has to offer. With 5 branches and
8 extensions all over the country, PUP has served home for 60,000 deserving talented but financially challenged
individuals.The rising cost of living and the country’s worsening
economy are enough reasons for parents to hope that a college degree will earn their children a better future. Because of this, thousand flock the university gates to get a chance at education.
As a social service, a cheap, efficient and reliable public education system will ensure an educated citizenry. But it can not do so without a unified effort from the benefactors. The task of safeguarding this education and guaranteeing access to everyone, regardless of color, belief or social status is left to PUPians. Only we can assure the safety of our valuated PUP education.
“Dose: Ang pagtindig upang makamit ang isangde kalidad, pantay-pantay at mapagpalayang edukasyon sa PUP”
“Dose: The stand to achieve quality, equality and liberating education in PUP”
The contest is open to all bonafide students of Polytechnic University of the Philippines-Manila
1. The contest has six (6) categories namely: a. Short story b. Essay c. Poetry d. Maikling kento e. Sanaysay d. Tula
2. Entries must be computerized, double spaced on a letter size ( 8 .5 X 11 inches ) white bond paper, with 1’’ margin on all sides. The page ( e.g. 1 of 15). The font style should be Times New Roman, Arial or Book Antiqua and the font size must be 12.
3. In the short story/maikling kwento categories, an entry must be at least five (5) but not more than fifteen (15) pages.
4. In the poetry/tula category, an entry must not exceed two (2) pages.
5. In the the essay/sanaysay category, an entry should be at least three (3) but not more than five (5) pages.
6. All entries must be original and unpublished.
7. All entries will be judged according to the following criteria:-Relevance to the theme 40% -Originality 30%-Literary Expertise 30% Total 100%
8. An individual can join all categories but only one entry per category will be accepted.
9. Translation of any entry submitted in one category to category will not be honored.
10. All entries should resolved on the theme: “Dose: The stand to achieve quality, equality and liberating education in PUP” and “Dose: Ang pagtindig upang makamit ang isang de kalidad, pantay-pantay at magpalayang edukasyon sa PUP”
11. The author’s real and address must not appear on the entry. Only the title of the entry should be written on it.
12. A duty accomplished entry form, triplicate copy of entries and soft copy in a CD must be enclosed in a long brown envelope and be submitted to The CATALYST office 2nd floor, Charlie Del Rosario building (formerly Unyon ng Mag-aaral), PUP Main Campus on or before February 20, 2008.
13. Submitted copies of all entries shall remained with, and will be the property of The CATALYST and Mabini Sessions.
14. The board of judges should have the discretion not to award any prize if, in its judgement, no meritorious entry has been submitted.
15. The CATALYST and Mabini Sessions Committee has the right to assign the persons who shall compose the Board of Judges in each of the categories. The decision of the majority of the Board of Judges in all categories shall be final.
16. Top three on each of the categories will be declared winners.
17. All winning entries will be included in the Mabini Sessions III Literary Folio.
18. Plaque of Certificates will be given to all winners during the Awarding and Launching Night of the Mabini Sessions III.
Guidelines and Contest Rules:
AScendancy...
Illustration: Shirley D. Tagapan
The Catalyst
Vol.XXIV No.02 July 2009
Dahil dito, imbes na kapwa estudyante ang nagtutulungan sa pag-iingay sa kalsada, sa pagdadala ng mga banner at walang humpay na pagsigaw upang manawagan ng kanilang karapatan, sila’y nagiging magkalaban.
‘‘
‘‘
Lathalain
Pasulong-kadTandang-tanda ko pa kung paano
naging gahaman ang aking mga paa
sa paglalakad upang makapag-enrol
bilang freshman dito sa PUP. Puno ako ng
pananabik kahit mainit ang panahon at
hindi magkanda-tuwid ang pila. Sige pa
rin ako nang biglang may sumigaw mula
sa pintuan ng NALLRC. Naulinagan ko ang
tinig ng isang mamang maliit pero malaki
ang pangangatawan na naka-blackshirt at
nakasuot ng fatigue pants na nanghihikayat
upang sumali sa Reserved Officers Training
Corps (ROTC). Dito raw ay magiging isa
kaming disiplinadong mag-aaral. Mas
nahikayat akong sumali noong sinabi
niyang tinanggal na nila ang hazing. Hindi
na ako nagdalawang isip pa at sumali na
ako; tutal ay officer naman ako noong high
school.
Nagsimula na ang bagong yugto
ng buhay ko bilang isang college student,
kasabay ang pag-a-ROTC. Unang linggo
ng training noon nang tinawag kami at
tinanong kung sino ang mga naging officer
noong CAT (Citizenship Advancement
Training) sa hayskul. Sa kadahilanang nais
ko rin naman ipagmalaki ang sarili ko ay
nagtaas ako ng kamay. Hinikayat kaming
mag-training para maging officer. Sa wari
ko nga’y nasa lagpas 25 kaming tumayo
pero 15 na lang kaming natira.
Masaya noong una, dahil bukod sa
mababait naman ang mga tactical officer
ay iginagalang ako bilang
COCC ng mga cadets.
Pero may isang senaryo sa aming training
na sinaktan kami noong aming officer.
Bilang parusa sa pagkawala ng cellphone
ng kagrupo namin ay nakatikim kami ng
suntok. Naranasan ko ang sakit sa unang
suntok ng officer sa aking tiyan at nasundan
pa ito dahil yumuko raw ako noong una. Ito
ang naging dahilan kung bakit kinailangan
kong ma-ospital muli. At ito rin ang isa sa
mga rason ko kung bakit ako umalis sa
COCC.
Permission to jointhe formation, sir!
Makalipas ang ilang araw na
mga trainings ay nagkaroon kami ng
oryentasyon at serye ng pagpupulong
para sa mga COCC kasama ang dalawang
officer.’Yung isang officer na higit kong
natandaan ay iyong matangkad; mga
6-footer, mapayat, pahaba ang mukha,
medyo makapal ang labi at tuwid
maglakad. Minsan pumupunta pa kami
sa likod ng pool upang doon magpulong.
Doon kami sinabihang maging masunurin,
huwag lampa, umayos sa training at
magkaroon ng tamang disiplina.
Noong mga panahong iyon ay wala
akong pag-aalinlangan dahil alam kong
tama ang ginagawa ko. Lagi na kaming
nagmimiting hanggang sa ibigay ang una
naming task at ’yun ay ang mag-ispiya
sa mga estudyanteng aktibista dito sa
paaralan. Hindi ko alam kung bakit nila
iyon pinapagawa basta ang alam ko ay
dapat kaming sumunod dahil iyon ang
command at para ma-promote kami.
“Delikado itong trabaho natin kaya
dapat mag-ingat kayo”, wika ng
adjutant. “Yes, sir!” sagot naming
lahat. Pero hindi pa rin sumagi sa isip ko
na mali ang gagawin namin, dahil hindi
ko naisip at tinanong noon sa sarili ko
kung anung kailangan nila sa mga taong
titiktikan namin.
“Ang task ay ganito,” pagpapatuloy
ng adjutant. “Dapat kapag may nag-rarally
ay pumunta kayo, wag kayong pahalata na
isa kayong cadet. Be sensitive.” Kailangan
daw naming alamin ang oras ng rally
at mga aktibidad ng mga aktibista.
Aalamin din namin ang mga pangalan
ng mga nagsasalita sa Popeye tuwing
may programa. Sa bawat pag-alam
namin ng impormasyon ay kailangang
i-report kaagad ito at dapat walang
ibang makakaalam nito. Mas maraming
impormasyon, mas mabilis ang promotion
as 4th class.
Nakapag-ulat ako. Sa pagkakatanda
ko pa ay mga tatlo o apat na beses ito
pero hindi ko nakukuha ang pangalan
ng mga nagsasalita maliban na lang
kay Henry Enaje na dating pangulo
ng Sentral na Konseho ng Mag-aaral at
SAMASA (Sandigan ng Mag-aaral para sa
Sambayanan) Alliance.
Sir, yes ,sir!Sa pagbibigay namin ng mga
impormasyon sa aming officer ay parang
hindi na rin kami naging iba sa isang
intel na lihim na kumukuha ng mga
impormasyon sa mga kilalang lider-
estudyante. Lumipas pa ang mga araw
ng pagmamanman ko at ng iba pang
COCC sa mga akbtibista hanggang sa
napag-alaman ko na ako at ang iba ko
pang mga kasamahan ay miyembro na ng
Student Intelligence Network (SIN). Bigla
akong kinabahan at naitanong sa sarili
na malaki na ba ang aking kasalanan?
Nailalagay ko sa panganib ang buhay ng
ibang nakikipaglaban para sa kanilang
mga karapatan. Hindi ako aware,
pero napag-isip-isip kong malaki
ang papel ng Armed Forces of the
Philippines (AFP) dahil sa mga
pagdukot at pagpatay sa mga
aktibista. At kami bilang
instrumento nila sa
Hindi na ako nagpatuloy pa bilang Cadet Officers Candidate Course (COCC), napagpasyahan ko na lang na maging ordinary cadet. Hindi dahil sa takot ako sa paniniktik; kundi hindi na talaga kaya ng katawan ko
ang bawat sakit na aking nararanasan. Kung anuman iyon ay ayaw ko nang sabihin pa. Basta ang tradisyon nila ay nananatili magpasahanggang ngayon.”
“
paniniktik sa loob
ng paaralan.
Hindi ko kayang
may mapagaya
pa sa sinapit nina
Jonas Burgos, Karen
Empeño, Sherlyn Cadapan at
marami pang mga aktibista na dinukot at
magpasahanggang ngayon ay hindi pa
rin natatagpuan. Ito’y isa pang matinding
dahilan kaya umalis ako sa COCC.
Hindi ako naging maalam sa aking
ginagawa dahil bigo ako sa pag-unawa
kung ano nga ba ang ipinaglalaban ng
mga nagra-rally at ng mga aktibista. Pero
kapag hinayaan mong buksan ang pintuan
ng iyong isip para sa kanila, malalaman
mong kaisa ka dapat nila sa paglaban.
At hindi maging isang espiyang bayaran
upang maniktik o magkamkam ng mataas
na posisyon sa anumang larangan. Dahil
dito, imbes na kapwa estudyante ang
nagtutulungan sa pag-iingay sa kalsada,
sa pagdadala ng mga banner at walang
humpay na pagsigaw upang manawagan
ng kanilang karapatan, sila’y nagiging
magkalaban. Hindi natin dapat hayaang
nakawin ng SIN ang ating mga karapatan at
lamunin tayo nito upang matakot.
ang makinaryang paniktik ng AFP sa pamantasan
S.I.N. Machine*
*Ito ay hango sa salaysay ng isang dating COCC. Itinago ang kanyang tunay na katauhan para na rin sa kanyang kaligtasan.
The Catalyst
Vol.XXIV No.02 July 2009
PanitikanA
lam kong noong mga
panahong iyon na hindi
magiging madali ang
lahat para sa akin.
But at least, sinubukan ko pa
ring gawing normal ang lahat
kahit paano. Paunti-unti. Dahan-
dahan. Pero talagang mahirap.
I cannot even help myself from staring at her face, at her smile. Aminado ako sa sarili ko na hindi
ko siya kayang tiisin, kahit alam
kong madali lang iyon para sa
kanya. I even thought she was just pretending that she was okay because I myself was not, that she was feeling the same emptiness I had on me. But she did look okay. And it hurts me more seeing how easy it was for her to move on.
Sana kaya ko ang mga ginagawa
niya, na hindi ko na kailangan
pang hayaang mapagod ang mga
mata ko para turuan lang ang
sarili kong makalimot.
Totoong masalimuot ang
proseso ng paglimot. “Moving on is not just about burning all the memories, not just about waking up one morning and feel no pain. It is about mending the broken pieces of yourself until you learn to get broken again”. At sa sitwasyon ko, masasabi
kong nabuo ko uli ang sarili ko
sa parehong pagkakataong I prepared myself to get broken again. Tama, dahil sa isang iglap
ay muli kong tinanggap si Ana na
bumalik sa akin. Nakipagbalikan
siya sa akin. And her way back to me is enough to change everything. Lahat ng hinanakit
ko sa kanya ay pansamantalang
nawala. Mas nanaig pa rin ang
emosyon sa akin. Talo ako. Pero,
sa kabilang banda, hindi ko noon
maiwasan na makaramdam ng takot
dahil sa posibilidad na maulit ang
mga nangyari, na baka sa ikalawang
pagkakataong aalis siya ay hindi na
siya magpapaalam.
We both had our second chance. But I think that that second chance was not for me. Alam kong para sa
kanya iyon. Ikalawang pagkakataong
maitama niya ang lahat para sa
aming dalawa. She tried her best to work things out. And it did happen. Our relationship changed a lot. It was also the time when we became officially on. Iyon naman talaga ang
gusto ko. Big deal iyon para sa akin
dahil iyon ang nagparamdam sa akin
na meron akong pinanghahawakan
sa relasyon naming dalawa. Opisyal
niya akong ipinakilala sa mga
kaibigan niya, maging sa pamilya
niya. Mas naging kampante ako dahil
sa pagkakataong iyon ay hindi na
lang ako ang mag-isang lumalaban,
at hindi na lang ako ang masaya sa
aming dalawa. Masaya ang naging
takbo ng lahat ng bagay. I even wished for every shooting star not to let me witness how each memory would come again to its end.
“Sana ganito na lang tayo lagi!” sabi ko sa kanya nang
minsang namasyal kami sa Baywalk.
Hinihintay namin noon ang sunset.
Sabi niya, ito daw ang isa sa mga
bagay na pinagkukunan niya ng
inspirasyon. “Ito siguro ang dahilan kaya maganda ang mga naisusulat
niyang tula,” nasabi ko sa sarili
ko. Pareho naming hilig
ang pagsulat pero
aminado
akong
hindi ko kayang pantayan ang mga
naisulat niya.
“Nakikita ko na ang sunset!”
sabi niya at biglang ngumiti habang
nakatingin sa malayo. Tama siya,
nagsisimula nang kuminang sa
gitna ng karagatan ang paglayo ng
araw. Pero mas nakaagaw sa akin ng
pansin ang ngiti ni Ana. Mahiwaga
ang mga iyon. Katulad ng mga
ngiting nakita ko noong araw na
umalis siya at nagpaalam sa akin.
“Sana katulad ng dapit-hapon ang pamamaalam. Malungkot ngunit mahinahon,” muling nagsalita
si Ana. Those words sounded like a melody that was so pleasant to hear but at the same time it brings certain feeling of melancholy in me. I know she meant something with those words but I did not
(huling bahagi) ni Mark P. Bustarga
Sana katulad ng dapit-hapon ang pamamaalam. Malungkot ngunit mahinahon
‘‘ ‘‘
bother to ask anymore for I was so afraid what she might tell me. Ibinaling ko na lang ang atensyon
ko sa pagmamasid sa kakaibang
emosyon na ipinararamdam sa
akin ng sunset. Tinitigan ko si Ana
habang nakasandal sa balikat ko at
nakatanaw sa malayo. She caught me gazing at her and she instantly gave me a loving smile. Nakita ko
kung gaano siya kasaya
noon pero iyon din
ang nagparamdam
sa akin ng
kalungkutan.
Tuluyan nang
naglaho ang araw. At
tila ang paglaho ng araw
ay nagpapahiwatig ng
isang pagtatapos.
Nagpasya na rin
kaming umuwi ni Ana.
Hindi na siya nagpahatid
sa akin. Bumitiw siya sa
pagkakahawak sa kamay
ko at biglang yumakap
sa akin. “Paalam!” at
humalik siya sa pisngi
ko. Her embrace left me no questions.
Pinagmasdan ko siya habang
naglalakad palayo hanggang sa
ang natira na lang sa paningin
ko ay mga taong naglalakad at
mga ilaw na nagsasayawan. And that scenario reminds me of my childhood when I remember how I used to cry while seeing my father bid his goodbye to work back in abroad. I was only a child then at hindi ko pa alam
noon kung saan siya magpupunta
lulan ng eroplano hanggang sa
magkaisip na ako. Katulad noong
mga oras na pinagmamasdan
ko si Ana palayo, pakiramdam
ko bumalik ako sa pagkabata na
hindi maintindihan kung saan
siya pupunta at kailan babalik.
Ilang araw akong naghintay.
Ilang ulit akong nagpalakad-
lakad sa Baywalk sa pag-asang
makikita ko siya. Huli na
nang ma-realize ko ang lahat.
“Akala ko hindi na siya aalis at hindi na niya ako iiwan. Pero noong huling pagkakataong nakita ko siyang tumalikod sa akin at naglakad palayo, hindi ko akalaing iyon ang naging senyales ng kanyang pamamaalam”. Tama, umalis siya
nang hindi nagpapaalam. Hindi
katulad noong unang beses na
iniwan niya ko, sa pagkakataong
iyon hindi siya nag-iwan ng kahit
anong makapagbibigay ng pag-
asang muli siyang babalik.
Mag-aala-sais na pala.
Tatlumpung minuto na mula
nang muli akong dalawin ng
mga ala-alang iyon. Nalingat
ako at nakitang malayo na sa
tanaw ko ang sunset. Tila kay
hirap alisin ang mga ala-alang
iyon sa pang-araw-araw kong
sistema. May panahon ang lahat,
at iyon na lang ang hinihintay ko.
Darating ang araw na mamasdan
ko ang sunset at wala na akong
maaalala… kahit isa.
Hanggang ngayon
ay naghihintay pa rin ako.
Naghihintay ako dahil umaasa
akong babalik siya. Na ang
kanyang pag-alis ay katulad
lamang ng paglubog ng araw at
kinabukasan, sa pagbubukang-
liwayway, sa muling pagsikat ng
araw ay muli ko siyang makikita.
The Catalyst
Vol.XXIV No.02 July 2009
Makatuwiran naman, dahil tinuruan
tayong magtiis, makibagay at maging
mapagkumbaba. Ang hindi lang
sumasapul sa aking matanong na
pananaw ay ang kasanayan natin
sa mga bilin ng nakakatanda at
pagkabulag na napagsasamantalahan
na pala tayo. Ang ibig kong tumbukin
ay hindi palaging kailangan na
magtitiis tayo. Dapat ay matuto
tayong magreklamo lalo na kung
labag sa loob natin ang pinapagawa
sa atin. Huwag nating hayaan na
kontrolin tayo upang maging robot na
pinapasunod upang matugunan ang
kanilang sariling interes.
Bilang kabataan may kalayaan
tayong magpahayag ng ating saloobin
sa iba’t ibang paraang ating nanaisin
tulad ng makabuluhang pagsulat,
malikhaing pagguhit at masaysay na
pagsasalita. Di dapat nating hayaan
na sikilin ang ating kalayaang
magpahayag dahil isa itong likas na
karapatang pang-tao. Ihayag ang
kabulukan ng gobyerno!
“A potent agent of change”
Editor in Chief: Joyce A. L lanto | Acting Managing Editor: Ma. Fatima Joy B. Villanueva |Associate Editors: Jeric F. Jimenez (Internal), Edrick S. Carrasco (External)
Editorial Board 2008 - 2009
News: Mark P. Bustarga | Features: Jewel O. Alquisola | Literary: Ma. Quey Ann Eliza A. Solano | Culture: Monica M. Presnillo |Community: Narisa Caranto Sports: Mc Macky Nieva | Circulation Managers: Maria Karol P. Hernandez & Marlon Peter N. Bermudez | Graphics: Shirley D. Tagapan | Layout: Paul Nicholas M. Divina
Section Editors
StaffWriters: Angelie Marie F. Gardose, Christzaine Saguinsin, Fitz Gerald T. Romero, Ramoncito G. Felarca | Artists: Francis B. Biñas, Maybelle Gormate, Keizer Rosales | Photographers: Grace F. Gonzalez, Richard Reyes
2nd flr. Charlie del Rosario Building, PUP Sta. Mesa, Manila |Telefax: 7167832 loc. 637 | Send your
comments, suggestions and messages [email protected], Visit us online at www.
pupthecatalyst.deviantart.com |Text KATA and send to 2299. MEMBER : Alyansa ng Kabataang Mamamahayag (AKM-PUP), College Editors Guild of the Philippines (CEGP)
Opinyon
Dahil sa kakapusan at kadalasa’y sa kakawalan, pinapalawak ang imahinasyon upang punan ang wala.
Ginagamit ang kathang-isip upang buuin ang isang bagay na minsang umiral. Subalit kung ang isang bagay na esensyal ay mawawala, tiyak na hindi sasapat ang imahinasyon upang punan ito.
Paubos na naman ang badyet ng The Catalyst. Ang walong-pahinang dyaryong ito ang manipestasyon na
kinakailangan na naming maghigpit ng sinturon. Nitong pagpasok ng taong panuruan, humigit-kumulang 50% lamang ng pondo ang nasingil. Pumapatak lamang sa P350,000 ang kabuuang pera samantalang kailangang umabot ito ng P650,000 upang makapaglabas ang publikasyon ng tuluy-tuloy na limang isyu kada semestre.
Paulit-ulit na naming isinusulat na ang dahilan ng suliraning pinansyal ng The Catalyst ay sanhi ng patuloy na panunupil sa amin ng lokal na administrasyon ng PUP. Dahil sa aming pagiging kritiko at patuloy na paglaban sa lumalalang
Matinding hamon ng
buhay ang kinakaharap
natin bawat paggising
natin sa umaga.
Kailangan kumain para makabawi’t
magkaroon ng enerhiya para harapin
ang banta ng problema pero sa
kasawiang-palad, walang pagkain
ang maihahain sa mesa. Milyun-
milyong pamilyang Pilipino ang
nakakaranas ng isang kahig, isang
tukang sistema dahil sa kakarampot
na kita ng mga magulang natin.
Kulang pa sa pambayad ng kuryente,
tubig, renta sa bahay, gas, pagkain,
allowance at tumataginting na utang.
Utang na inutang mo sa 5-6 upang
pandugtong ng buhay mo at utang mo
raw na inutang nila na para sa iyo raw
na tungkulin mong bayaran maging
ng mga apo mo at apo ng apo mo.
Ang sweldo na kaytagal mong
pinagpaguran ay parang langaw
lang na dumaan sa mga kamay mo
sapagkat sandamakmak ang dapat
unahin; maraming kakulangan
ang dapat punan; maraming
pangangailangan ang dapat tugunan;
at higit sa lahat maraming dahilan na
dapat pinagpapaguran.
Tayong mga Pilipino ay
pinalaking matiisin. Pinamanahan
tayo ng kasabihang, “Kung maiksi
ang kumot, matutong mamaluktot”.
Imagining realitykomersyalisasyon ng edukasyon sa unibersidad, tinanggal sa miscellaneous fees ang The Catalyst at student council fees. Napakatuso ng kasalukuyang administrasyon upang maisip na ang pagtanggal ng pondo sa isang institusyon ay pagpilay sa buong operasyon nito.
Kaya simula sa buwang ito, magtitiyaga na muna ang mga mambabasa sa kakarampot na impormasyon. Sapagkat ang pagsupil sa The Catalyst ay hindi lamang represyon sa kalayaan sa pamamahayag kung hindi higit sa karapatan ng bawat indibidwal na malaman ang katotohanan. Pinipilit nilang mawalan ng tinta ang aming mga bolpen upang mawalan ng tagapag-ulat ang mga iskolar ng bayan. Sa simpleng lohika, sinusupil tayo.
Sa kasalukuyan, totoong nauubusan na ng pondo ang The Catalyst. Kung hindi maaagapan ay maaring dumulo pa ito sa tuluyan nang pagkasara ng publikasyon na tiyak naming ipagdiriwang ng administrasyon ng PUP. Sa ganitong senaryo, maaring maubos ang tinta ng aming printer at papel na paglalapatan nito. Ngunit magkaganito man, tiyak na susulong pa rin kami. Sapagkat naniniwala ang The Catalyst na ang paninindigan at paglaban ay hindi lamang sa porma ng pagsulat. Huwag sanang kalimutan ng lokal na administrasyon na mayroon pa kaming malalakas na boses at matitikas na paa upang sumama sa mga pagkilos laban sa katiwalian at pagsasamantala.
At sa mundong ito na totoong-totoo ang panunupil at pananamantala, walang espasyo ang imahinasyon bilang pamalit sa publikasyong ito.
Huwag sanang kalimutan ng lokal na administrasyon na mayroon pa kaming malalakas na boses at matitikas na paa upang sumama sa mga pagkilos laban sa katiwalian at pagsasamantala.
‘‘
‘‘
Huwag nating hayaan na kontrolin tayo upang maging robot na pinapasunod upang matugunan ang kanilang sariling interes.
‘‘
‘‘
Pagtitiis Christzaine Saguinsin
Isang Daan
Congratulations to the following persons! You have passed The Catalyst Qualifying Exam. Please proceed to our office at 2nd flr. Charlie del Rosario Bldg. for the orientation.
Ericson D. Caguete, ABH I-I | Jaquelyn Caldeo, BPAG I-I | Christian A. Monforte, BSCS I-4 | Stephen P. Espejon, BOA I-7D |Janica L. Caldon, ABH I-I | Anthony B. Quijano, ABE I-2D
Akala mo magaling ka?!
At sa mga interesado pang kumuha ngTHE CATALYST Qualifying Exam,
bumisita lang sa aming opisina.
Oo, sabi ko nga...
Visit us on-line:http://www.pupthecatalyst.deviantart.comhttp://www.pupthecatalyst.multiply.com
Illus
trat
ion:
May
belle
Gor
mat
e
The Catalyst
Vol.XXIV No.02 July 2009
Ted Pylon’sKumembot Exposé
TRANSFORMERS EDITIONHalf-man, Half-marble from Romblon
Kultura|Komunidad
Katatapos lang mapanood ni Ted Pylon ang bagong transformers na pelikula nang biglang pumasok sa kanya ang ideyang gumawa ng mala-robot na
katawan at sapatos. Kahit hindi nya masyado natripan ang napanood, gumawa siya para maubos ang tambak ng karton at papel na pwedeng gawing paper mashé sa kampus. Ginaya niya ang itsura ni bumblebee at tinawag niya ang sarili niyang BumbleTed.
TED: Haha! Humanda sa’kin yang mga Megatren este Megatron na yan. Matibay pa sa adamantium ni Wolverine ’tong ginawa kong mashé. Haha!
Di nya napansing dinudumog na siya ng mga fans ng Transformers para magpakuha ng picture at makiusisa kung bakit may robot na gawa sa karton, papel at syempre, marmol.
Estudyante: Wow Ted! Ay! BumbleTed pala. Ang galing ng pagkakagawa mo. Mukha ka na talagang kalahating robot at kalahating marmol.
Natuwa si Ted sa narinig ngunit nalungkot sa mga sumunod na katanungan at komento tulad ng may cosplay ba?Anung trip yan? Para kang isip-bata Ted! Bakit mo kinuha ang mga karton at papel na gagamitin naming props sa aming play?! Dahil sa pressure ay nakaisip ulit ng ideya si Ted sa kanyang ginawa.
TED: Mga kapwa ko iskolar ng bayan. Ito po ay isang sining protesta o performance art para iparating sa inyo na dapat hindi tayo umaastang mga robot at nagpapakahon sa apat na sulok ng ating silid-aralan! Matuto tayong itaguyod ang ating karapatan sa edukasyon at ang karapatan sa pagpapahayag nito! Sabi ni Ted habang tinatanggal paisa-isa ang suot nitong costume.
Nagpalakpakan ang lahat, nagsigawan at nagtawanan. Hindi lang dahil sa sinabi ni Ted kundi dahil may isang batang kumuha ng suot na costume ni Ted at harurot na tumakbo habang sinusuot ito. Binuhat ng mga estudyante
si Ted ngunit ibinababa ulit nang mapagtanto nilang isang mabigat na marmol nga pala si Ted.
Case no. 3 series of 2009WANTED: PUP Pres. Dante Guevarra
Ehem! Ehem! Pasintabi sa “pinakamakapangyarihang” opisyales sa PUP. Pero matagal nang nagtitiis ang mga iskolar ng bayan sa mga iskema mo gaya ng pagpapatupad ng SIS, lumalalang komersyalisasyon at represyon. Bukod pa riyan, pati kaming mga student institutions na kritiko mo ay pinatos mo na sa pamamagitan ng financial sabotage. Nananawagan kaming ilabas na ninyo ang natitira naming pondo na nagkakahalaga pa ng humigit-kumulang P700,000. Gayundin ang pagbabalik ng institution fees sa miscellaneous fees nang walang hinihinging kapalit na pabor sa inyo. Itong walong-pahinang dyaryong ito ang patunay na wala na kaming pondo, pero patuloy pa rin ang laban! Defend campus press freedom!-Catapeeps
TED: Naku Mr. President, namumuro ka na sa mga iskolar ng bayan. Nawa’y lagi mong tandaan na ang pagiging pangulo ng unibersidad na ito ay mayroong pangunahing tungkulin na pagsilbihan ang mga estudyante at hindi ang pansariling interes. Peace out!
kasi minsan na nga lang pumunta ng main eh…. Nakakalito talaga.
-Honey 28 BSTM
Mas okey ngayon kasi mas maayos. Hindi na kailangan tumawid papuntang main building.
-Bluishyc , BSTM I-3D
Ayos lang. wapakels.-Jessica Pelicano BSEM 2-2
Naguluhan ako nung nagpalit yung entrance at exit, sumama din loob ko dahil napahiya nga ako sa mga klasmeyt ko. Ako huling nakaalam sa klase na nagpalit na yung entrance at exit sa gate. Takteng yan!
-Papa andy BSEM
Okey lang kasi pagpasok mo hindi ka na tatawid, diretso na sa main building.
-Rhance BOA IINabadtrip kasi ganon din yon, maganda yung dati, kalokohan
-Vher BOA
Nakakalito, nakakabadtrip, kaartehan lang yon, sanay na kami sa kanan, nalilito yung estudyante. -Jace BBTE 3D
Hindi nalito, okey lang, sana ipinaliwanag yung purpose kasi sabi nila trip lang nila, nakakabigla.
-Kevin BBTE I
Nagulat, nakakatanga
Higit bang nakabuti o nakasama ang pagpapalit ng entrance at exit sa gate?
Ta n o n g :
Campus Lyf
Medyo nakakalito nung una pero hindi na ako gaanong apektado kasi isang beses lang naman ako dito sa main eh. Pero sana, ibalik yung date, nakakamiss kasi.
-Bea CNFS
Naisip ko na yun dati, na sana baligtad na lang talaga yung entrance at exit kasi convenient. Hindi na kailangan tumawid papuntang main building.
-Malandutay,BSBAMM 3-ID
Nalito lang, pero okay na’ko ngayon.
-doggoy BSBAMM 3
This Month’s Question:
1.Sa mga freshmen, ano ang inaasahan ninyong matutunan at maranasan dito sa PUP?2.Sa tingin mo wala na bang pag-asa matutulan ang CON-ASS?
1. S mga bgy n natu3nan q. Higit sa lht, gus2 qng matu2nan ang kabayanihan, paki2sama s bawat isa at mgng huwarang nila2ng hndi lng sa PUP, kundi mgng sa buong bansa.
–09065505***2. Gus2 qng matu2nan ang tunay na KATAPANGAN n dapat taglayin ng isang PUPian. Gus2 qng mging madiskarte, magexplore, magdiscover at magbgy ng hinuha.
–09065505***3. Inaasahan kong mabibigyan ng wastong kaalaman ang uhaw kng pagiisip ngunit dpende prin sa mga gurong gagby at mgigng patas s edukasyn...at s tin gn ko mrarnasan qng lumban s kng anu dpat ang totoo at anung dpat ipaglbAn ng my lkas ng loob. -Monsour Louie,BSID 1-1, 639176082***
1.mron nman, kxe tumataas na ang awareness ng tao jan. & mas lantad na ung mga pgtutol sa con-ass kya mas mrming nhhatak & nkkaunawa. –chayell, abe 4-4, 09154202***
2.napakalaki ng pag-asa ntn upang piglan ang pagpapatupad ng Con-Ass. ng administrasyong Arroyo. Kailangan lng ntng magkaisa at isipin na lubusan nitong mkkaapek2han ang atng dmokrasya, at lalong lulubog sa khrapan ang ating bansa kung ito ay maipapatupad.-RAJAH_ISRAEL, BSREM 3-1, 639272544***
Q1
Q2
Register once by typing K
ATA
(space) RE
G (space) A
GE
, C
OU
RSE
, YR
. & SE
C. then send to 2299.
Text KA
TA (space) Q
1/Q2 (space) Y
our Answ
er (space) NA
ME
, Y
r.& Sec. then send to 2299.
next m
onth’s questions:1. A
no ang pinakamahal na bagay na binayaran o binili m
o sa loob ng PU
P na sa tingin m
o ay hindi naman esensyal sa pag-aaral??
2. Sa H
ulyo 27 na ang SO
NA ni G
loria, ano sa tingin mo ang lalam
anin nito?
P2.50 lang ang bawat
padala. Bukas sa lahat
ng subscribers ng anum
ang network.
Naitatag noong 1995, ang Alyansa ng Kabataang Mamamahayag-PUP o (AKM-PUP) ay alyansa ng mga manunulat, organisasyong pang-manunulat
at college-based publications ng unibersidad.
Pinananatili rin ng AKM ang kalayaan sa pamamahayag sa unibersidad. May tungkulin din itong
pagbuklurin ang mga publikasyon sa unibersidad at patuloy na ibanyuhay ang etikal, responsable at kumpetitibong pamamahayag.
Gayundin, ang mga publikasyong kabilang sa AKM ay mulat sa mga nagaganap sa ating lipunan.
Naglulunsad ang AKM ng mga pagsasanay upang lalo pang mapaunlad ng mga manunulat sa unibersidad ang kanilang kakayahan.
At bilang mamamahayag sa loob ng PUP, tumitindig ang AKM kasama ng mga miyembrong publikasyon nito sa mga kalagayang panlipunan. Mariing tinututulan ng Alyansa ang panukalang Right of Reply Bill o isang batas na tuluyang sisikil sa kalayaan sa
pamamahayag.Panawagan din ng AKM ang
agarang pagpapanumbalik sa mga publikasyong manu-manong naniningil ng kanilang pondo sa dati nilang proseso. Itigil ang anumang porma ng represyon sa mga publikasyon at mamamahayag sa PUP. Itigil ang komersyalisasyon sa loob ng unibersidad at mga anti-estudyanteng polisiya ng lokal na administrasyon.
Tumitindig din ang AKM na itigil ang Constituent Assembly Con-Ass na magpapalawig sa termino ni Pang. Gloria Arroyo.
Gayundin panawagan ng AKM ang pagsasama-sama ng mga manunulat sa unibersidad, ipagpatuloy ang pagtutol at pagtindig sa mga kalagayang panlipunan, pagbaha ng mga isyung lokal at pambansa sa kani-kanilang pahayagan. Itinataguyod ang maka-masang panulat. Dahil muli’t-muli, tayo ang pangunahing pinagkukunan ng tunay na impormasyon.
AKM, ChairpersonJeric F. Jimenez
Alyansa ng Kabataang
Mamamahayag (AKM)
ORG
sumama sa pagkilos sa darating na state of the nation address ni gma sa hulyo 27 !
The Catalyst
Vol.XXIV No.02 July 2009
The CatalystKultura
Kaya sumagi sa isip ko, marahil kung
nabuhay lamang ako noong dekada ‘80
ay alam ko kung paano sumayaw ng
moonwalk. Tiyak na alam ko rin ang mga
awiting “Billie Jeans” at “Thriller”. At siguro,
kung naabutan ko ang kanyang panahon
ay nahilig ako sa pagsusuot ng hat at gloves
habang sumasayaw sa saliw ng “Beat It”.
ImpluwensyaBahagya kong naiisip ang mga
modernong mang-aawit at mananayaw ng
henerasyon ko. Sa Hollywood, nandiyan
sina Rihanna, Beyonce at David Cook.
Samantalang sina Sarah Geronimo, Charice
Pempengco at Christian Bautista naman
sa lokal na industriya. ilan lamang sila
sa kilalang personalidad sa kanilang
larangan. Sa paanong paraan kaya sila
naimpluwensyahan ni Michael Jackson?
Ika nga nila, “He is the man
who changed the
style of
Kasalukuyan akong nagba-browse sa internet nang mapansing halos lahat ng sulok ng mga website ay itinatampok si Michael Jackson. Kabi-kabilang blogs
at comments ang nakita ko. Mula sa kanyang musika hanggang sa istilo ng sayaw, at maging sa pagbabago ng kanyang itsura, tila bumalik ang karamihan sa lumang panahon.
music”. Naging katanggap-tanggap siya
sa entablado kung saan nasaksihan natin
kung paano niyakap ang sining ni M.J ng
iba’t ibang kultura sa mundo.
Gaya halimbawa sa Hollywood,
hindi ba’t ang mga istilo nila Mariah Carey,
Usher, Britney Spears, Justin Timberlake at
R. Kelly ay may bahid ng impluwensya ni
M.J sa kani-kanilang genre- hip hop, pop
at R&B?
At kung titingnan sa lokal na
industriya ng ating bansa, halimbawa, si
Aga Muhlac naman ay unang ipinakilala
bilang pinoy version ni M.J. At hindi
naglao’y sinundan ni Gary Valeciano na
kuhang-kuha ang pangangatawan at galaw
sa pagsayaw.
Marami pang kuwento, mula sa
mga kilalang personalidad hanggang
sa mga ordinaryong tao. Kaya’t hindi na
nakapagtataka, kung gayon, na ang istilo
ni M.J ay muling bitbitin at i-mordernize sa
pahulma ng sayaw at musika ng susunod
pang henerasyon. Laos na muling mag-
uuso. At sa ganitong usapin umuusbong
ang hamon kung paano tutunggaliin
ng kasalukuyang mga manananayaw at
mang-aawit ang luma, at kung paano sila
lilikha ng sariling identity at hihiwalay
sa kulturang kadikit na ang pangalan ni
Michael Jackson.
Pagbabagong-anyoKung magbabalik-tanaw, tipikal
lang naman ang naging buhay niya sa
industriya. Isang batang maagang namulat
sa entablo, sumikat at yumaman. Naiiba
lang marahil dahil sa imaheng ipinakilala
niya, sa buong pagkatao niya, at sa lahing
kinakatawan niya.
Natatandaan ko pa nga ang dating
kulay niya na ipinakita sa telebisyon. Isang
Aprikano-amerikano, mula itim na naging
kulay puti. Bagaman iginigiit na iyun ay
dahil sa sakit niya na vitiligo, para sa mga
krikito sa kultura, iyon ay nagpapakita
lamang ng paglaktaw niya sa racial
barriers upang tangkilikin ng mga nasa
labas ng kanyang lahi at magkaroon ng
global na rekognisyon.
Pinatutunayan lamang nito na si
Michael Jackson ay mananatiling isang
buhay na halimbawa na kailangang
iangkop ang sarili sa “puting” lahi upang
higit na matanggap ng mas malawak na
tagapanood.
Namatay na si M.J ngunit mabenta
pa rin siya- sa mga awitin, sayaw, itsura at
lahat ng may kaugnayan sa kanya. Batid
natin kung paano nagmarka ang kanyang
kultura. Ngunit ang hindi natin tiyak ay
kung mananatili ba ito o kasabay niya ring
mawawala.
King o
f Pop
(Cul
ture
)Si
MJ
sa k
ultu
rang
kan
yang
ipin
agya
bong
Naging katanggap-tanggap siya sa entablado kung saan nasaksihan natin kung paano niyakap ang sining ni M.J ng iba’t ibang kultura sa mundo.
‘‘‘‘
Bagaman iginigiit na iyun ay dahil sa sakit niya na vitiligo, para sa mga krikito sa kultura, iyon ay nagpapakita lamang ng paglaktaw niya sa racial barriers upang tangkilikin ng mga nasa labas ng kanyang lahi at magkaroon ng global na rekognisyon.
‘‘
‘‘Article: Mark P. BustargaIllustration: Francis B. Biñas