+ All Categories
Home > Documents > Z P Z P Filipino

Z P Z P Filipino

Date post: 17-Nov-2021
Category:
Upload: others
View: 2 times
Download: 0 times
Share this document with a friend
16
1 Republic of the Philippines Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula 7 Z est for P rogress Z eal of P artnership Filipino Ikaapat na Markahan – Modyul 5 Mga Saloobin at Damdamin sa Napanood na Serye Kaugnay sa Akdang Ibong Adarna Name of Learner: ___________________________ Grade & Section: ___________________________ Name of School: ___________________________
Transcript

1

Republic of the Philippines

Department of Education

Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

7 Zest

for Progress

Zeal of Partnership

Filipino Ikaapat na Markahan – Modyul 5

Mga Saloobin at Damdamin sa Napanood na

Serye Kaugnay sa Akdang Ibong Adarna

Name of Learner: ___________________________ Grade & Section: ___________________________ Name of School: ___________________________

2

Mga Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Marita C. Robillos

Editor: Perla E. Galon

Tagasuri: Juilius A. Enguito

Tagapamahala:

Majarani M. Jacinto, EdD, CESO VI

Schools Division Superintendent

Visminda Q. Valde, EdD

OIC, Assistant Schools Division Superintendent

Raymond M. Salvador, EdD, CESE

OIC, Assistant Schools Division Superintendent

Juliet A. Magallanes, EdD

CID Chief

Florencio R. Caballero, DTE

EPS – LRMDS

Josephine L. Tomboc, EdD

EPS – Filipino

2

3

Alamin

Gamit ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

Nakalalahad ng sariling saloobin at damdamin sa napanood na ba-

hagi ng telenobela o serye na may pagkakatulad sa akdang tinalakay.

(F7PD-IVc-d-18)

Nakasusuri ang damdaming namamayani sa mga tauhan sa pinanood

na dulang Pantelebisyon/pampelikula.( F7PD-IVc-d-19)

Handa ka na ba? Halina’t simulan na natin.Kumusta ka na

kaibigan? Binabati kita at natapos mo na ang mga modyul sa Ikatlong Markahan.

Tiyak kong ang dami mo nang natutuhan. Panibagong aralin na naman ang ating

tatalakayin sa loob ng modyul na ito. Tiyak na mawiwili ka sa pagsagot sa mga

gawaing inihanda ko para sa iyo.

Ang araling ito ay sadyang inihanda upang matulungan ka para sa

ibayong paglinang ng iyong kasanayan sa panonood ng dulang pantelebisyon o pampelikula at inilalahad ang sariling saloobin at damdamin sa napanood na bahagi ng telenobela o serye na may pagkakatulad sa akdang tinalakay.

PAALALA: HUWAG SULATAN ANG MODYUL NA ITO. MAGHANDA NG SARILING SAGUTANG PAPEL.

Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap

Naipamamalas ng mga mag-aaral

ang pag-unawa sa Ibong Adarna

bilang isang obra maestra sa Panitikang

Pilipino. .

Naisasagawa ng mag-aaral

ang malikhaing pagtatanghal ng ilang

saknong ng koridong naglalarawan ng mga

pagpapahalagang Pilipino.

4

Aralin

5

Mga Saloobin at Damdamin sa Napanood na Serye Kaugnay sa Akdang Ibong Adarna

Balikan

Gawain A: Panimulang Pagtataya

Panuto: Basahin at unawain mo ang buod ng kwento. Suriin ang suliraning

kinaharap ng mahalagang tauhan at bigyang solusyon ang suliraning ito.

“Ang Katampalasan Nina Don Pedro at Don Diego”

Bumalik sa palasyo ng Berbanya sina Don Pedro at Don Diego. Dinatnan nilang

nakaratay pa rin ang amang hari.Nagpilit bumangon si Haring Fernando at sabik na

niyakap ang dalawang anak na matagal na hindi nakita.Agad ding nanlulumo ang hari

nang malamang hindi kasamang nagbalik si Don Juan.Tinanong ng here kung nasaan si

Don Juan ngunit ang sagot ng magkapatid ay iwan nila.Iniharap sa hari ang Ibong

Adarna at laking pagkabigla nito dahil pangit at lulugo-lugo ang ibon.Labis na

pinagtakhan ng hari ang sinabi ng medikong paham na ang ibon ay makapitong ulit na

nagbibihis ng anyo at nagpapalit ng kulay ng balahibo.Natiyak ng hari na sa anyo na iyon

ng ibon ay hindi siya mapapagaling ng awit nito at sa halip ay lalo pa siyang

lulubha.Muling naalaala ng hari ang panaginip na naging sanhi ng malubha niyang

sakit.Pinaslang daw ng dalawang buhong si Don Juan.Lalong lumubha ang kalagayan ng

hari sa paglipas ng mga araw.Ayaw pa ring kumanta ng ibon sapagkat walang tunay na

nagmamay-ari sa kanya na walang iba kundi si Don Juan.Umaasa ang ibon na buhay pa

ang prinsipe at matutuklasan din ng mga magulang ang naging kataksilan nina Don

Pedro at Don Diego.

Gawain

Mga Tauhan Suliraning Kinakaharap Solusyon/Mga Mungkahi

1.Haring Fernando

2.Don Pedro

3.Don Diego

4.Don Juan

5.Ibong Adarna

Nasagot mo ba nang tama ang gawain? Huwag kang mag-alala. Halina’t

tuklasin natin.

5

Tuklasin

Gawain A: Alamin Mo Na!

Ano ang iyong mararamdaman kapag magkakasakit ang iyong mahal sa buhay?

Tama! Kaya alamin natin ngayon, kung ano nga ba ang emosyon, damdamin, at

Saloobin ?

Emosyon -ay ang pakiramdam ng isang tao na hindi nagagawa ng pisikal kundi ng

mental at sikolohikal na gawain na makikita sa kilos, gawa, o ang ugali ng isang

indibidwal.

Damdamin-ay naramdaman sa buhay tulad ng saya, lungkot, galit,takot, sabik,

tuwa, pagod, antok, kaba, inis,taka, lito at iba pa.

Saloobin -ay tumutukoy sa isang paraan ng pag-iisip o isang partikular na

paniniwala o damdamin ng isang indibidwal tungkol sa isang tao, lugar, isang bagay o

kahit na sa isang tiyak na paksa.

Ikaw ba ay nakaranas ng kabiguan sa buhay?Ano ano ang mga paraan na ginawa

mo upang malampasan ang mga ito?Mayroon bang mga mensahe na nakukuha mo sa

pangyayaring naganap sa buhay mo?Ano kaya ang mga saloobin natin tuwing mayroon

tayong ibat ibang karanasan sa buhay?

Sang-ayon tayo na nagbabago-bago ang emosyon ng tao dahil mayroon tayong

ibang ibat mga karanasan sa buhay.Ang lahat ng emosyon ng tao ay makilala sa kalidad

ng karanasan.Minsan ay mahirap natin maunawaan ang ating damdamin ngunit

napakahalagang maging matatag tayo anuman ang mga hamon na darating sa buhay

kahit ang maidudulot nito ay maaaring negatibo o positibong pag-uugali.

Ang ating damdamin ay naimpluwensyahan ng ating saloobin kaya kailangan

maging responsable tayo .Tulad sa pangunahing tauhan sa kwentong” Ibong Adarna” ay

ipinakita ang mga mahalagang katangian na kung saan kailangan maging gabay sa

pang-araw-araw na buhay.

Ngayon tuklasin natin ang mga pangyayaring naganap sa mga kwentong nasa ibaba

at pag-aralan kung anong mga saloobin na makikita sa ibang ibang pangyayari na

masasalamin ang mga mensahe na nais iparating ng may-akda.

Sino kaya sa mga tauhan ang dapat tularan ang kanilang mga katangian at di dapat

tularan?Napakahalaga ang pagiging masinop sa pagtuklas ng mabuting damdamin

upang maiparating sa mambabasa o manonood ang kahalagahan nito.

Halina’t tunghayan natin ang mga pangyayari na kinapapalooban ng ibat ibang

emosyon, damdamin at saloobin sa kwento.Talagang makikita natin ang kanilang mga

mahalagang papel na ginagampanan na kawi-wili at kapupulutan ng magagandang aral

na magagamit natin sa mundong ating ginagalawan.

6

Panuto:Panoorin ang link na nasa ibaba o basahin ang kwento.Alamin kung ano

ang ibat ibang damdaming ipinakita sa bawat tauhan na may kaugnayan sa akda.

A. Ibong Adarna

Ang Ibong Adarna ay umiinog sa magkakapatid na sina Don Juan, Don Diego at

Don Pedro na pawang nagsikap makuha ang mahiwagang Ibong Adarna na dumarapo sa

puno ng Piedras Platas sa Bundok Tabor. Kailangang makuha ang ibon upang

mapagaling ang kanilang amang si Haring Fernando na noon ay dinapuan ng sakit na

hindi kayang gamutin ng karaniwang manggagamot. Ang mahiwagang huni ng

nasabing ibon ang makapagpapagaling lamang umano sa sakit ng hari. Sumapit na sila

sa takdang gulang at dumaan sa mga pagsasanay sa pananandata, gaya ng inaasahan sa

sinumang prinsipe. Ngunit ito'y hindi sapat sa haharapin nilang mga

pagsubok. Kapuwa nabigo sina Don Diego at Don Pedro na mahuli ang ibon, at

naghunos bato sila nang mapahimbing sa maamong awit ng Adarna at maiputan sila

nito. Ngunit naiiba si Don Juan, na nabatid ang lihim ng Ibong Adarna sa isang

matandang ermitanyong nasalubong sa daan. Binigyan din ng mahihiwagang gamit ng

matanda ang prinsipe, upang mabihag ang ibon at mapanumbalik ang buhay ng

kaniyang dalawang kapatid. Ngunit nagtaksil sina Don Pedro at Don Diego kay Don

Juan. Inagaw nila ang Adarna na hawak ng bunsong kapatid. Muntik na nilang mapatay

si Don Juan, nang iwan sa isang malalim na balon. Ngunit muling nakaligtas si Don

Juan sa tulong ni Donya Maria, at ipinagpatuloy ang pakikipagsapalaran sa lupain ng

Reino de los Cristal. Napaibig si Don Juan sa dalawa pang kapatid ni Maria, na sina

Donya Leonora at Donya Juana. Kahit ibig pakasalan ng binata ang sinuman sa mga

dalaga'y kailangang muling dumaan siya sa mga pagsubok na mula kay Haring

Salermo. Nagtagumpay muli si Don Juan, nagpakasal kay Donya Maria, at namuhay

nang maligaya sa kahariang nakamit niya. Samantala, ang Ibong Adarna ay mistulang

tagapagbunyag ng lihim na naganap sa pagtataksil kay Don Juan. Waring ginamit

lamang itong instrumento upang itampok ang mga kagila-gilalas na pakikipagsapalaran

ng mga prinsipe sa iba't ibang pook.

https://www.youtube.com/watch?v=e2jnWGAmoEU

7

B. Napoot kay Jose ang mga Kapatid Niya

Napoot kay Jose ang mga Kapatid Niya

Napakalungkot ng batang ito. Siya’y si Jose. Ipinagbili siya ng mga kuya niya sa mga

lalaking ito para maging alipin sa Ehipto. Bakit ginawa ng mga kapatid ni Jose ang

napakasamang bagay na ito? Kasi inggit na inggit sila sa kaniya.

Si Jose ay mahal na mahal ng tatay nilang si Jacob. Ipinagpagawa siya ng isang

mahabang damit. Kaya ang sampung kuya niya ay nainggit at napoot sa kaniya.

At saka, dalawang beses nanaginip si Jose. Doon, ay dalawang beses yumuko ang mga

kapatid ni Jose sa kaniya. Nang ikuwento ni Jose ang panaginip sa mga kapatid niya, lalo

silang napoot.

Isang araw, nang ang mga kuya ni Jose ay nag-aalaga sa tupa ng kanilang tatay,

sinabi ni Jacob kay Jose na puntahan sila. Nang makita siyang dumarating, inisip ng

kaniyang mga kapatid na patayin siya. Pero ang panganay, si Ruben, ay nagsabi: ‘Huwag,

masama iyan!’ Inihulog na lang nila si Jose sa isang tuyong balon. At saka nila inisip

kung ano ang gagawin sa kaniya.

Siya namang pagdaan ng ilang lalaking Ismaelita. Kaya si Jose ay ipinagbili nila sa

mga Ismaelita sa halagang 20 pirasong pilak. Napakasama at napakalupit nila!

Pagkatapos ay pumatay sila ng kambing at isinawsaw ang magandang damit ni Jose sa

dugo nito. Iniuwi nila ang damit sa tatay nilang si Jacob at sinabi: ‘Nakita namin ito.

Hindi ba ito ang damit ni Jose?’

Nakita ni Jacob na ito nga. Napaiyak siya. ‘Pinatay yata si Jose ng mabangis na

hayop.’ Ito nga ang gusto ng mga kapatid ni Jose na isipin ng tatay nila. Lungkot na

lungkot si Jacob. Ilang araw siyang umiiyak. Pero hindi patay si Jose.

a.Paano nga masusukat ang isang wagas na pag-ibig? At ano ang damdaming

mararamdaman kapag ang isang tao ay umiibig nang lubos?

https://wol.jw.org/tl/wol/d/r27/lp-tg/1101978074

8

A. Mga Gabay na tanong: ( Ibong Adarna )

1.Ano ang naramdaman ng magkakapatid ng nagkasakit ang amang hari?

2.Ano ang ginawa ng mga mahal sa buhay upang maipakita ang pagmamahal sa

pamilya?

3.Paano maihahambing ang relasyon ng magkakapatid nina Jose at sa magkakapatid na

Don Pedro, Don Diego at Don Juan?

4.Ano ang magagawa mo upang mapagbuti ang samahan ninyong magkakapatid?

5.Ano ano ang mga mensahe na makukuha sa napanood o binasa?

B. Mga Gabay na tanong: ( Napoot kay Jose ang mga Kapatid Niya )

1.Ano ang naging damdamin ni Jacob nang nalaman niya ang kalagayan ni Jose?

2.Bakit galit na galit ang mga kapatid ni Jose sa kanya?

3.Tama bang magtanim ng galit sa kapwa?Bakit?

4.Paano ipinakita ni Jose ang pagpapatawad sa kanyang mga kapatid?

5.Kung ikaw si Jose,ano ang gagawin?Ipaliwanag.

Mga Gawain

Panuto:Maglahad ng sariling saloobin o damdamin sa napanood na teleserye na may

kaugnayan sa akdang tinalakay.Punan ang talahanayan sa ibaba.

Mga Tauhan Damdamin/Saloobin Mensahe/Mungkahi

1.

2.

3.

4.

5.

Ngayon ay natutuklasan mo ang mga mahalagang pangyayari sa binasa o pinanood

na serye at dito nailalahad ang sariling saloobin at damdamin.Suriin naman natin ang

ang damdaming namamayani sa mga tauhan sa mapanood natin na dulang

pantelebisyon o pampelikula na nasa ibaba:

Sige umpisahan na natin at huwag kalimutan na unawain at isabuhay ang mga

mahalagang kaalaman na makukuha natin sa ating paksa.Dapat nating isalang-alang

ang positibong pananaw sa buhay o mga positibong gawain upang magtagumpay tayo sa

mga pangarap sa buhay.Napakahalaga na may marami tayong makukuhang mga aral at

ibahagi sa natin sa mga kaibigan, kapatid, kapamilya at sa kapwa.Higit sa lahat ang

pagtitiwala sa Diyos na makikita natin sa buhay ni Don Juan kaya siya ay

nagtatagumpay.Sana iyon rin ang ating gagawin sa oras ng kagipitan para malampasan

ang lahat na pagsubok sa buhay.

Naunawaan mo na ba ito? Tingnan ko kung ano na ang natutuhan mo sa mga araling

tinalakay. Sagutin mo ang pagsasanay na nasa ibaba tungkol dito.

9

Suriin

Ang mga pagsubok na naranasan ni Don Juan sa kanyang mga kapatid ay

paulit-ulit ngunit dahil sa pag-ibig ay handa siyang nagpatawad.Makikita natin ang

kasiyahan nila ng sila ay nagkakasundo.Nang dahil sa pag-ibig ay handang ibuwis ni

Don Juan ang kanyang sarili at ipinakita niya ang katatagan ng pananalig sa Diyos.

Ang buhay ni Don Juan ay masasalamin ang kulturang Pilipino,isa nito ay ang

kanyang taimtim na pananampalataya sa Poong Maykapal kaya siya ay laging

nagtagumpay.

Paano nga masusukat ang tunay na pag-ibig?Ano ang damdaming maramdaman kapag

ang isang tao ay umibig?Bakit napakahalaga ang pag-ibig?

Ngayon ay panoorin natin ang dulang pantelebisyon o pampelelikula at suriin kung

ano ang damdaming namayani sa mga tauhan at ipaliwanag kung bakit kaya ito ang

damdaming naramdaman ng tauhan.Tingnan ang link na nasa ibaba.

Mga Dulang Pantelebisyon/ Pampelikula na Umiiral ang

Pag-ibig

Dam-

daming

Namayani

Pagsusuri

kung Bakit

Namayani ang

Damdaming

ito sa Tauhan

1.“A Second Chance”

John Lloyd Cruz and Bea Alonzo

https://www.youtube.com/watch?v=l-Crmo-pKNU

2. “Must be Love”

-Kathryn Bernardo

https://www.youtube.com/watch?app=desktop&v=svklbNfVD2c

3.” Love Me Again” Teaser

- Corazon Heart

https://www.youtube.com/watch?v=9nqIiN3CY1w “

4.”Got to Believe”

David Pomeranz

https://www.youtube.com/watch?v=HyS9eRgZ7fg”

5. “Loving in Tandem “

-Maymay Entrata,

https://www.youtube.com/watch?v=DjPvLguF7k8

10

Pagyamanin

Panuto: Tukuyin kung ano ang damdaming ipinapakita sa bawat larawan.

Ipaliwanag ang iyong sagot at magbigay ng aral na makikita sa larawan.

Damdamin:_______________________________

Paliwanag:________________________________

__________________________________________

Aral:______________________________________

__________________________________________

Damdamin:_______________________________

Paliwanag:________________________________

___________________________________________

Aral:______________________________________

_____________________________________________

Damdamin:______________________________

Paliwanag:_______________________________

________________________________________

Aral: ____________________________________

_________________________________________

11

Isaisip

Sa kabuuan ng araling ito ay nailalahad at nasusuri ang damdamin na nakapaloob

sa napanood na teleserye at mga dulang pantelebisyon o pampelikula na may kaugnayan

sa akda kung tatandaan ang mga ito:

Pagsusuri ng Saloobin at Damdamin

(Mga Nararamdaman o Damdaming Ipinakita ng Tauhan sa Napanood na Serye o dulang

pantelebisyon o pampelikula )

Mga Damdamin Mga Patunay

1.Galit Nasaktan/Inggit/Selos

2.Lungkot Nabigo/Iniwan

3.Saya Tagumpay/Nagkasundo

4.Tuwa-Tuwa Nanalo sa Paligsahan

5.Inis Matagal dumating ang kaibigan o kapwa

Tayahin

A.Panuto:Bilugan ang damdaming ipinahiwatig ng tauhan at pagkatapos iguhit ang

hugis-puso kung positibo at ekis kung negatibo.

Nagpahayag Pahayag Damdamin (puso)Para sa positibo at

x (ekis) para sa negatibo

1.Don Pedro “Lilo pa ba akong itong

matapat na alipin mo?”

a.Pagsisisi

b.Pagmamakaawa

c.Pagmamahal

d.Pagdurusa

2.Prinsesa

Leonora

“Kung nasawi ka sa balon,

bakit kaya nagkagayon…?

a.Pag-aalala

b.Pagmamahal

c.Pagsusumamo

d.Paghihiganti

3.Don Juan “Noon niya napagsukat ang

sa tao palang

palad,magtiwala ay

mahirap daan ng

pagtataksil”

a.nawalan ng pag-asa

b.nawalan ng tiwala

c.nawalan ng takot

d.nawalan ng sakit

4.Donya

Leonora

“Pagkat marami sa puso

sumisira sa pangako sa

pagsinta’y mapagbiro’t

matuwa’y sumisiphayo”

a.pagseselos

b.pag-aalinlangan

c.pagkatuwa

d.pagsisisi

5.Haring

Fernando

“Uuwi sa kaharian pag-ibig

sa magulang,may araw ring

malalaman ang

a.pagtitiwala

b.pagtataka

c.pagtitiyaga

12

nangyayaring kataksilan” d.pagyayabang

B.Piliin ang wastong damdamin na namayani sa akda at isulat ang letra ng iyong sagot

sa sagutang papel.

6. Ano ang naramdaman ng hari nang mapunang hindi kasama ng magkapatid

si Don Juan?

A. sakit C. galit

B. lungkot D. saya

7.Nakaranas ka na rin ba ng matinding pagsubok sa buhay?Paano mo ito

napagtagumpayan?

A. Oo,kinalimutan C. Oo,pinagalitan

B. Oo,pinagdasal D. Oo,pinabayaan

8.Paano ipinakita ni Haring Fernando ang tunay na pagmamahal sa pamilya?

A. pagpakumbaba C. pagtitimpi

B. pagkagalit D. pagdurusa

9.Bilang kabataan, ano ang pinakamahalagang damdamin na dapat ipairal sa

magkakapatid upang mapaunlad ang ugnayan sa isa’t isa?

A. pagmamahal C. pagtutulungan

B. pag-uunawaan D. pagtitiyaga

10.Bakit mahalaga ang pananampalataya at determinasyon sa pagharap sa mga

hamon ng buhay?

A. Dahil kailangan ang pagtitiyaga sa gawain

B. Upang mapaunlad at malampasan ang pagsubok sa buhay

C. Sapagkat mahalaga ang pagharap sa mga pagsubok

D. Upang malalaman ang kahirapan sa buhay

C.Ibigay ang kasingkahulugan ng salitang PAG-IBIG na binanggit sa akda at isulat sa

kahon ang titik na nawawala upang makabuo ng salita.

11 P A S N A

12 P G I A

13 P A - I O

14 P A K I

15 P A M A L

13

Karagdagang Gawain

A.Gawain:Kakayanin ko… Gagawin ko…

A.Ipaliwanag ang sumusunod na pahayag:

I.Ang pamilyang may pagkakaisa ,

Tagumpay ay mananasa.

Paliwanag:__________________________________________________________________________

2.Ang tunay na pagmamahal sa kapwa,

Sakit man ang naramdaman ay binaliwala.

Paliwanag:___________________________________________________________________________

3.Ang pagsubok ay malalampasan.

Kapag ang Panginoon ay laging inaasam-asam.

Paliwanag:_______________________________________________________________________

B.Panuto: Sumulat ng islogan hinggil sa kagandahang asal ng kabataan.

1.Pagsasakripisyo para pamilya:___________________________________________________

2.Pag-iwas sa Inggit: ____________________________________________________________

3.Paghingi ng Tulong sa Panginoon: __________________________________________

Binabati kita! Natapos mo nang sagutan ang modyul na ito. Maaari ka ng magpatuloy sa susunod na modyul.

14

Susi sa Pagwawasto

KARAGDAGANG GAWAIN:

Sa titik A at B ay ipaliwanag ang iyong sariling

damdamin at ideya sa mga pahayag

15

Mga Sanggunian:

“Ang anak na babae ay nagbibigay ng mga bulaklak sa ina.” Accessed December 2020.

https://ph.lovepik.com/image-501340211/daughter-gives-flowers-to-mother.html.

“Kung paano kokontrolin ang iyong galit.” Accessed December 2020.

https://wol.jw.org/tl/wol/d/r27/lp-tg/102015007.

“Napoot kay Jose ang mga kapatid niya.” Accessed December 2020.

https://wol.jw.org/tl/wol/d/r27/lp-tg/1101978074.

ABS-CBN Entertainment. “Got to believe end episode.” September 23, 2015. Youtube video, 33:17.

https://www.youtube.com/watch?v=HyS9eRgZ7fg”.

ABS-CBN Star Cinema. “Patchot: Nagselos ako, naingit ako, nasaktan ako |’Must be love’|.” August 2, 2018.

Youtube video, 3:59. https://www.youtube.com/watch?app=desktop&v=svklbNfVD2c.

ABS-CBN Star Cinema. “Popoy and Basha’s wedding! |’A second chance’|.” September 2, 2020. Youtube video,

8:39. https://www.youtube.com/watch?v=l-Crmo-pKNU.

Alibughang anak. Accessed December 2020.

https://www.google.com/search?q=LARAWAN+ang+alibughang+anak&source=lnms&tb.

Bang Bang Wes. “Edukasyon sa Pagpapakatao Gr1 LM Q1 to Q4.” Accessed December 2020.

https://www.scribd.com/document/324403825/Edukasyon-sa-Pagpapakatao-Gr1-LM-Q1-to-Q4.

Bible coloring pages Joseph sold into slavery. Accessed December 2020.

https://coloringhome.com/bible-coloring-pages-joseph-sold-into-slavery.

CorazonHeartCH. “Love me again teaser.” August 5, 2020. Youtube video, 2:00.

https://www.youtube.com/watch?v=9nqIiN3CY1w.

Department of Education. “Edukasyon sa pagpapakatao: Modyul para sa mag-aaral 8.” Accessed December 2020.

https://www.depednegor.net/uploads/8/3/5/2/8352879/esp_learners_module.pdf.

Department of Education. “MAPEH: Kagamitan ng mag-aaral 2.” Accessed December 2020.

http://www.depedbataan.com/resources/21/grade_2_learning_module_in_mapeh.pdf.

Department of Education. Filipino learners’ guide. Philippines: Department of Education, 2016.

Department of Education. Filipino teachers’ guide. Philippines: Department of Education, 2016.

Department of Education. Most Essential Learning Competencies. Philippines: Department of Education, 2020.

Gimena, Gladys, and Navarro, Leslie. Ibong Adarna. Philippines. 2009.

Ibong Adarna. Accessed December 2020. https://tl.m.wikipedia.org/wiki/Talaksan:Ibong_Adarna.jpg.

Larawan halimbawa ng payak na pangungusap. Accessed December 2020.

https://problemahalimbawa.web.app/larawan-halimbawa-ng-payak-na-pangungusap.html.

Malungkot na pamilya. Accessed December 2020.

https://www.google.com/search?q=malungkot+pamilya&tbm=isch&ved=2a.

Tagalog Dictionary, s.v. “Saloobin”, accessed December 2020, https://www.tagalog.com/words/saloobin.

Tagalong Dictionary, s.v. “Pagkasi”, accessed December 2020,

https://tagalog.pinoydictionary.com/word/pagkasi.

Tagalong Lang, s.v. “Salaghati”, accessed December 2020, https://www.tagaloglang.com/salaghati/.

Wikipedia. “Damdamin.” Accessed December 2020. https://tl.wikipedia.org/wiki/Damdamin.

Wikipedia. “Emotion.” Accessed December 2020. https://en.m.wikipedia.org/wiki/Emotion.

Wikipedia. “Ibong Adarna.” Accessed December 2020. https://tl.wikipedia.org/wiki/Ibong_Adarna.

16

Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land

Here the trees and flowers bloom

Here the breezes gently Blow,

Here the birds sing Merrily,

The liberty forever Stays,

Here the Badjaos roam the seas

Here the Samals live in peace

Here the Tausogs thrive so free

With the Yakans in unity

Gallant men and Ladies fair

Linger with love and care

Golden beams of sunrise and sunset

Are visions you’ll never forget

Oh! That’s Region IX

Hardworking people Abound,

Every valleys and Dale

Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos,

Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos, Ilongos,

All of them are proud and true

Region IX our Eden Land

Region IX

Our..

Eden...

Land...

The Footprints Prayer Trees by Joyce Kilmer One night I had a dream. I dreamed that I was

walking along the beach with the LORD.

In the beach, there were two (2) sets of

footprints – one belong to me and the other to

the LORD.

Then, later, after a long walk, I noticed only

one set of footprints.

“And I ask the LORD. Why? Why? Why did

you leave me when I am sad and helpless?”

And the LORD replied “My son, My son, I

have never left you. There was only one (1) set

of footprints in the sand, because it was then

that I CARRIED YOU!

I think that I shall never see

A poem lovely as a tree.

A tree whose hungry mouth is prest Against

the earth’s sweet flowing breast;

A tree that looks at God all day,

And lifts her leafy arms to pray;

A tree that may in Summer wear

A nest of robins in her hair;

Upon whose bosom snow has lain; Who

intimately lives with rain.

Poems are made by fools like me,

But only God can make a tree.


Recommended