+ All Categories
Home > Documents > EBALWASYON NG IPOD, CELLPHONE AT X'BOXS SA PAG-AARAL NG PILING MAG-AARAL NG HOTEL MANAGEMENT....

EBALWASYON NG IPOD, CELLPHONE AT X'BOXS SA PAG-AARAL NG PILING MAG-AARAL NG HOTEL MANAGEMENT....

Date post: 23-Nov-2023
Category:
Upload: independent
View: 0 times
Download: 0 times
Share this document with a friend
23
EULOGIO “AMANG” RODRIGUEZ INSTITUTE OF SCIENCE AND TECHNOLOGY COLLEGE OF HOSPITALITY MANAGEMENT 1 EBALWASYON NG IPOD, CELLPHONE AT X’BOXS SA PAG-AARAL NG PILING MAG-AARAL NG HOTEL MANAGEMENT. BATSILYER SA HOSPITALITY MANAGEMENT NA NAGPAPAKADALUBHASA SA HOTEL MANAGEMENT Inihanda nila: ROQUERO, JOHN ARLFRED V. MIRAS, PRINCE JERIC RANILE, MATTHEW 2016
Transcript

EULOGIO “AMANG” RODRIGUEZINSTITUTE OF SCIENCE AND TECHNOLOGY

COLLEGE OF HOSPITALITY MANAGEMENT1

EBALWASYON NG IPOD, CELLPHONE AT X’BOXS

SA PAG-AARAL NG PILING MAG-AARAL

NG HOTEL MANAGEMENT.

BATSILYER SA HOSPITALITY MANAGEMENT

NA NAGPAPAKADALUBHASA SA

HOTEL MANAGEMENT

Inihanda nila:

ROQUERO, JOHN ARLFRED V.

MIRAS, PRINCE JERIC

RANILE, MATTHEW

2016

EULOGIO “AMANG” RODRIGUEZINSTITUTE OF SCIENCE AND TECHNOLOGY

COLLEGE OF HOSPITALITY MANAGEMENT2

KABANATA 1

Ang Suliranin at Kaligiran Nito

Panimula

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong alamin ang epekto

ng paggamit ng ipod, cellphone, at x’boxes sa mga mag-aaral ng

kursong Hotel Management.

Gaano nga ba kahalaga ang mga makabagong gadget sa isang

unibersidad para sa mga mag-aaral ng Hotel Management?

Sa Paglipas ng mga panahon, maraming mga bagay ang mabilis

na nagbabago. Isa na dito ang mabilis na pagdami at pagunlad ng

mga kagamitan na produkto ng teknolohiya. Masasabing sa

panahon na ating ginagalawan ngayon napakalaki ng

ginagampanang tulong ng mga teknolohiya sa pag-unlad ng isang

bansa. Ang teknolohiya ay mayroong higit sa isang kahulugan.

Isa sa mga kahuluganang pagsulong at paglapat ng mga

kasangkapan, makina, kagamitan at proseso upang tumulong sa

paglunas ng mga suliranin ng tao. Bilang isang

gawain ng tao, ang teknolohiya ay nauna pa kaysa sa agham

at inhinyeriya. Kadalasang iniuugnay ang katagang teknolohiya

sa mga imbento at gadget na ginagamit ng mga tao. Isa sa

EULOGIO “AMANG” RODRIGUEZINSTITUTE OF SCIENCE AND TECHNOLOGY

COLLEGE OF HOSPITALITY MANAGEMENT3

mgapangunahing dahilan kung bakit ang teknolohiya ay

mabilis mapaunlad ay dahil salayunin nito na matulungang

mapadali ang pang-araw araw na gawain ng tao. Ayon sa

Diksyunaryo ng Wikang Filipino (1989), Ang

teknolohiya ay nangangahulugang agham na nauukol sa mga

sining na pang-industriya. 2Sa larangan ng negosyo, Teknolohiya

ang gumaganap ng isa sa mahalagangpapel. Halos lahat ng mga

negosyo at industriya sa buong mundo ay gumagamit

ngteknolohiya. Ngayon ang lahat ng negosyo ay may potensyal na

maging internasyonalsa pamamagitan ng paggamit ng

internet. Kung ang iyong negosyo ay may isang website,

makatutulong ito sa iyong negosyo upang maabot ang mga kliyente

sa kabilang libu-libong milya sa pamamagitan lamang ng isang

click sa isang pindutan. Ito ayhindi magiging posible kung

walang Internet na bunga ng makabagong teknolohiya.

3Napakabilis ng paglaganap ng teknolohiya sa buong mundo. Dahil

sa mga ito,mas napapadali ang ating mga gawain. Maraming uri

ang teknolohiya at maraminggamit ang mga ito. Sa taon na

kung saan ang computer ay hindi pa naiimbento, angmga mag-aaral

ay hindi pa pansin ang paggamit ng teknolohiya sa paggawa ng

mgagawain. Ang mga mag-aaral ay umaasa sa libro at laging

bumibisita sa silid aklatan,basahin ang kanilang mga tala at

EULOGIO “AMANG” RODRIGUEZINSTITUTE OF SCIENCE AND TECHNOLOGY

COLLEGE OF HOSPITALITY MANAGEMENT4

upang suriin ang kanilang mga aralin sa paaralan.Ngunit sa

ating panahon ngayon ay makikitang hindi maiwasan ng mga mag-

aaral angpagdepende sa mga teknolohiya ngayon.

Marami sa mga kabataan ngayon ang may mabababang marka.

Hindi ito dahil sa hindi nila maintindihan ang mga itinuturo sa

klase. Ito ay dahil marami silang pinagkakaabalahan bukod sa

pag-aaral. Talagang napakalayo na ng narrating ng teknolohiya

sa paggawa ng mga makabagong kagamitan. Ang mga makabagong

kagamitang ito ay ang mga kinalolokohan ngayon ng marami sa mga

mag-aaral ng Pilipinas. Ito an gaming piniling pagtuunan ng

pansin sa kadahilanang kapansin-pansin, lalo na sa aming klase,

na imbes libro at bolpen ang dala ng mga mag-aaral, ang mga

dala nila ay iPod, Cellphone at gadget na may account sa xbox.

Ang K-Zone ay isang pambatang magasin.Sa loob ng magasin

na ito malalaman ang mga makabagong kagamitan na mabibili sa

mga malls ngayon. Ang magasin na io ay may buwanang sipi na may

titulong “What’s Hot?” na nagpapakita ng mga sikat na

makabagong kagamitan ngayon at mga nalalaos na. Mapansin na

kung maglilibot tayo sa bilhan ng mga magasin, maraming

kabataan ngayon ang bumubili ng K-Zone. At dahil na ring sa

“What’s Hot?” naiimpluwensyahan ang mga kabataan na makiuso sa

EULOGIO “AMANG” RODRIGUEZINSTITUTE OF SCIENCE AND TECHNOLOGY

COLLEGE OF HOSPITALITY MANAGEMENT5

kung anung bagong kaamitan ngayon. Ang mga naunang pag-aaral

patungkol sa mga kadahilanan kung bakit mabababa ang mga grado

na nakukuha ng mga mag-aaral sa eskwelahan ay may kinalaman

lamang sa problema sa pamilya, lugar kung saan nakatira ang

mag-aaral, ang tinatawag na study habit, etc. Ngunit dahil

ngayon lamang lumabas ang PSP, iPod, Laptop at Cellphone, wala

pang pag-aaral ang naglayong alamin ang mga epekto ng mga

makabagong kagamitang ito sa mga mag-aaral.

Isa sa mga patok na produkto ng teknolohiya ay ang

cellphone. Ito ay isa sa mga bagay na nagpapabilis ng mga

Gawain kapag ginagamit. Isa sa mga features ng cellphone ay ang

usong-uso na text messaging. Naipapadala nito ang gusting

sabihin sa kausap kahit saan at kahit kalian. Ang cellphone ay

meron na ding multimedia na kung saan litrato ng tao at

pinuntahan ay pwede din makita ng kausap nito. Meron na ding TV

sa cellphone na pwedeng mapanood ang mga palabas o programa sa

telebisyon. May feature din ng video phone kung saan magagamit

na video camera. Ito ay mga positibong dulot ng paggamit ng

cellphone, subalit may mga neagatibong epekto din. Dahil sa

ibat-ibang makabagong features ng cellphone halos mataas ng

poryento ng oras ng pag-aaral nila ay napupunta dito.

EULOGIO “AMANG” RODRIGUEZINSTITUTE OF SCIENCE AND TECHNOLOGY

COLLEGE OF HOSPITALITY MANAGEMENT6

Hindi pa nagiging kombinyente gaya ng sa ngayon ang

laruang ito. Gamit ang game consoles, hindi mo na kakailanganin

pa ang mga saksakan, plug-ins at adaptors na minsan nang

ginamit sa mga lumang bersyon gaya ng PlayStation. Sa

pamamagitan ng laruang ito maaari ka nang maglaro kahit pa

nasaan ka man. Hindi ka mababagot habang ikaw ay nasa mahabang

pila o kaya naman habang ikaw ay nasa kalagitnaan ng biyahe.

Ang x’box ay isa sa mga gadgets na nauuso sa mga kabataan

ngayon. Marahil isang dahilan bakit marami ang nagkakagamit na

magkaroon nito dahil sa marami itong features na nakakaakit sa

mga kabataan. Ito ay wireless networking dahil ito ay

nakakakonekta sa wireless network sa multiplayer gameplay at

makapaglaro ng mga ibat-ibang klase ng laro online. Dahil sa

madalas ng paglalaro dito, tumutulong ito sa mga estudyante dsa

pagpapatalas ng isip sa pag-iisp ng istratehiya na gagamitin

upang matapos ang laro. Subalit ito may masama ding epekto,

dahil sa labis na oras ng paggamit ng x’box, marami ang

nagiging adik dito at kadalasan ay nagpupustahan sa laro na

parang sugal.

Wala na ang mga panahong kinakailangan mo pang makinig sa

Discman o kaya sa sinaunang cassette players para lang

EULOGIO “AMANG” RODRIGUEZINSTITUTE OF SCIENCE AND TECHNOLOGY

COLLEGE OF HOSPITALITY MANAGEMENT7

mapakinggan ang mga paborito mong kanta. Sa paglitaw ng iPod,

mas malapit ka na sa mga paborito mong kanta. Maaari mo nang i-

rekord ang mga kanta ng paborito mong mangaawit at hindi lamang

iyon, ang mga kagamitang ito ay nagsisilbi ring pamorma dahil

sa iba’t ibang hugis at disenyo nito.Ang isa pang gadget na

patok ay ang Ipod. Tulad ng PSP, ito ay may magaganda ding mga

features tulad ng ibat-ibang kalseng laro, contacts ng mga

numero ng mga kakilala, notes kung saan pwedeng ilagay ang mga

importanteng gawain, calendar, alarm clock, , photos, stopwatch

at ang pinakamahalagang feature nito ay music. Ito ay magagamit

sa pagpalawak ng kaalamnan sa isang asignatura sa kurso, Sa

kabilang banda, nagdudulot din ito ng posibleng pagkabingi ng

estudyante sa lakas ng volume kapg nakikinig ng music lalo na

sa oras na matagal at pagiging adik sa madala na paggamit nito.

Tunay na maraming positibong epekto ang teknolohiya

ngunit sa lahat ng imbensyon ngayon hindi maiiwasang magkaroon

ito ng mga negatibong epekto sa tao at sa kapaligiran.Ilan sa

mga positibong epekto ng teknolohiya ay mapadali ang mga gawain

ng tao, mas maraming gawain ang matapos, maging mas maganda ang

kalabasan ng produkto, makamura sa ibang paraan,magkakaroon ng

malawakna kaalaman sa mundo, darami ang mga impormasyon na

EULOGIO “AMANG” RODRIGUEZINSTITUTE OF SCIENCE AND TECHNOLOGY

COLLEGE OF HOSPITALITY MANAGEMENT8

matututunan, mabilis na komunikasyon sa ibang tao, mabilis na

transportasyon patungo sa isang lugar, mabilis na malalaman ang

nga kaganapan sa ibang lugar sapamamagitan ng balita sa radyo

at telebisyon at magkakaroon ng mga kaalaman sa mga bagay na

gustong malaman ng dahil sa internet.Ang mga negatibong epekto

naman nito pagiging tamad ng mag tao, maaari itong gamitin sa

dahas, magkakaroon ng mababang pangangailangan ng ng tao sa

paggawa ng mga produkto ng dahil sa mga makabagong makinarya,

maaaring makasama sa kalusugan.

Isinagawa ang pananaliksik na ito upang malaman ang mga

positibo at negatibong epekto ng ipod, cellphone at xbox sa mga

pilng estudyante sa kursong Hotel Management.

Batayang Teoretikal

Teoryang Formalismo ay ang pagpapaliwanag sa anyo ng akda

ang tanging layunin ng pagsusuri; samakatwid, ang pisikal na

katangian ng akda ang pinakabuod ng teoryang formalismo. Ang

tunguhin ng teoryang ito ay matukoy ang: nilalaman, kaanyuan, o

kayarian, paraan ng pagkakasulat ng akda.

Ang teorya ng formalismo ay maiuugnay sa pag-aaral na

ito batay sa layunin ng pananaliksik na malaman ang mga

EULOGIO “AMANG” RODRIGUEZINSTITUTE OF SCIENCE AND TECHNOLOGY

COLLEGE OF HOSPITALITY MANAGEMENT9

pagbabago sa gadget bunga ng teknolohiya tulad ng cellphone,

ipod at x’box sa nilalaman, kaanyuan, paraan ng paggamit at

pagiging high-tech nito.

Konseptwal na Balangkas

Ipinapakita sa larawan ang banghay ng pag-aaral.Nilalagom

nito ang buong konsepto ng pag-aaral.

Ang Input (I) ay naglalaman ng mga naturang pagbabago sa

mga imbensyon sa Teknolohiya: Nakatutulong nga ba o Nakasasama

ang paggamit ng ipod, cellphone at x’box sa pag-aaral ng Hotel

Management batay sa mga pamantayan ayon sa pisikal na anyo,

nilalaman, paraan ng paggamit at pagiging high-tech na mga

suliraning ikinaharap ng tagatugon batay sa pagsusuri sa

Ebalwasyon sa ipod, cellphone at x’box: Nakatutulong nga ba o

Nakasasama sa Pag-aaral ng Hotel Management.

Ang Proseso (P) ay naglalaman ng pagsasagawa ng sarbey sa

mag-aaral, pagsasagawa ng interbyu sa guro, pagkalap ng mga

impormasyon pagsusuring istatistika, analisis at interpretasyon

ng mga Datos.

Ang Awtput (A) ay naglalalaman ng Ebalwasyon sa Ipod,

cellphone at x’box sa pag-aaral ng Hotel Management

EULOGIO “AMANG” RODRIGUEZINSTITUTE OF SCIENCE AND TECHNOLOGY

COLLEGE OF HOSPITALITY MANAGEMENT10

Pidbak

Pigura 1.Batayang Konseptwal sa Pag-aaral

*Naglalaman ng mga naturang pagbabago sa mga imbensyon ng ipod, cellphone at x’box na tagatugon sa Ebalwasyon sa Teknolohiya: Nakatutulong nga ba o Nakasasama sa Pag-aaral batay sa mga sumusunod na pamantayan:

Pisikal na Anyo

NilalamanParaan ng

paggamitPagiging

high-tech

*Ano-ano ang mga dulot na pag babago ng teknolohiya sa ating ang araw-araw na gawain?

*Ano-ano ang mga positibo at negatibong dulot ng ipod, cellphone at x’box sa pag-aaral?

Pagsasagawa ng sarbey sa mag-aaral.

Pagsasagawa ng interbyu sa guro.

Pagkalap ng mga impormasyon.

Pagsusuring Istatistika.

Analisis at Interpretasyon ng mga Datos.

Ebalwasyon sa

ipod, cellphone

at x’box:

Nakatutulong

nga ba o

Nakasasama sa

Pag-aaral ng

Hotel

Management.

EULOGIO “AMANG” RODRIGUEZINSTITUTE OF SCIENCE AND TECHNOLOGY

COLLEGE OF HOSPITALITY MANAGEMENT11

Paglalahad ng Suliranin

Ang pananaliksik na ito ay sinisikap na

sagutin ang mga pagunahing mgakatanungan tungkol sa

epekto ng mga makabagong teknolohiya. Alam nating malakiang

ginagampanang papel ng teknolohiya sa mga mag-aaral ngunit ito

din ay nagigingsanhi upang maisantabi nila ang kanilang pag-

aaral. Ang mga mananaliksik ay sinikapsagutin ang mga sumusunod

na kata

1. Naglalaman ng mga naturang pagbabago sa mga imbensyon

ngayon na tagatugon sa Ebalwasyon sa Teknolohiya: Nakatutulong

nga ba o Nakasasama sa Pag-aaral ng Hotel Management batay sa

mga sumusunod na pamantayan:

1.1 Ayon sa pisikal

1.2 Nilalaman

1.3 Paraan ng paggamit

1.4 Pagiging high-technugan:

2. Bakit maraming mga mag-aaral ang nahuhumaling

sa mga makabagong gamit na produkto ng teknolohiya?

EULOGIO “AMANG” RODRIGUEZINSTITUTE OF SCIENCE AND TECHNOLOGY

COLLEGE OF HOSPITALITY MANAGEMENT12

3. Natutulong ba o nakasasama ang paggamit ng

ipod, cellphone at x’box sa pag-aaral?

4. Anu – ano ang mga dahilan kung bakit nakakasagabal ang

mga makabagong gamit sa pag-aaral ng mga kolehiyo?

5. Anu – ano ang mga mabubuti at masasamang epekto ng

teknolohiya sa buhay ng isang mag-aaral?

Haypotesis

Ang teknolohiya ay walang ano mang maidudulot sa pag-aaral ng

mga Filipino.

Saklaw at Limitasyon

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon lamang

sa mga nakalap na impormasyon sa iba’t ibang mga

kasagutan ng mgamag-aaral. Ang mga nakuhang impormasyon ay

nanggaling sa mga piling mag-aaral ng Hotel Management

sa Eulogio “ Amang Rodriquez Institute of Science and

Technology.

Kahalagahan ng pag-aaral

Sa pag-usbong ng mga makabagong teknolohiya, masasabi

nating napakaraminitong naitutulong sa ating pang araw-araw

EULOGIO “AMANG” RODRIGUEZINSTITUTE OF SCIENCE AND TECHNOLOGY

COLLEGE OF HOSPITALITY MANAGEMENT13

na pamumuhay. Halos lahat ng tao ay nalalaman ang kahalahagan

nito. Bilang isang mag-aaral, masasabi nating napakalaking

papel ng teknolohiya sa kanilang pag-aaral ngunit maaari rin

itong makasama kung hindi gagamitan ng disiplina.

Para sa mga magulang, inaasahang ang pananaliksik

na ito ang maging daan upang sila ay makatulong sa

pagbubukas ng kamalayan ng kanilang mga anak,upang

malaman ang mga epekto ng mga makabagong teknolohiya ngayon sa

kanilang pag-aaral.

Para sa mga propesor, ang pag-aaral na ito

ay inaasahang maging kanilang dahilan upang mas lalo

pa nilang lawakan ang kanilang kaalaman patungkol sa

teknolohiya at ipagpatuloy ang kanilang paggabay sa mga mag-

aaral sa paraan ng paggamit ng mga makabagong teknolohiya.

Para sa mga mananaliksik, inaasahang ang

pag-aaral na ito aymapukaw ang kanilang pansin

at malaki ang maiambag sa kanilang ginagawa at gagawin

pang mga pag-aaral tungkol sa mga epekto ng mga teknolohiya

sa buhay ng isangmag-aaral.

EULOGIO “AMANG” RODRIGUEZINSTITUTE OF SCIENCE AND TECHNOLOGY

COLLEGE OF HOSPITALITY MANAGEMENT14

Para sa mga mag-aaral, ninanais ng pananaliksik na ito na

ipakita sa mga mag-aaral ang mga natatanging epekto ng mga

makabagong teknolohiya sa kanila at kung paano ito

nakatutulong maging kung paano ito nakasasama sa

kanilang pag-aaral.Inaasahan din na ang mga mag-

aaral ay matututo kung paano gamitin ang

mgateknolohiyang ito ng may disiplina.

Depinisyon ng mga Katawagan

Ipod – gadget para mapakinggan ang ibat-ibang klase ng

kanta at maging sa pagrerekord ng kantang pinakinggang

Cellphone – gadget para sa komunikasyon

X’box- gadget para makapaglaro na parang play station na

di nangangailangan ng saksakan, plug-ins at adaptors

Console game- isang anyo ng interactive multimedia na laro

na ginagamit para sa entertainment.

Noong una itong lumabas bago matapos ang ika-20 siglo,

nakikita ito bilang isang mamahaling gamit at tanging ang mga

may kaya at mayayaman lamang ang maaaring makabili nito. Ngunit

sa pagdaan ng maraming panahon, maraming bagong modelo nito ang

lumabas na, dahilan upang magmura ang mga lumang modelo. Sa

EULOGIO “AMANG” RODRIGUEZINSTITUTE OF SCIENCE AND TECHNOLOGY

COLLEGE OF HOSPITALITY MANAGEMENT15

ngayon, ang pagkakaroon ng cellphone ay naging pangangailangan

na kung ikaw man ay pumapasok na sa eskwelahan. Sa kagamitang

ito napapadali ang komunikasyon upang ikaw ay matunton kung

kinakailangan.

Mga Kaugnay na Literatura

Maraming tao ang kadalasang nagtatalo kung ang

teknolohiya ay nakakabuti o nakakasama. Marami ang

naniniwala na ang mga gadget na produkto ng teknolohiya

tulad ng ipod, cellphone at x’boxs ay may epekto sa pag-

aaral , pero marami rin ang pabor sa pag-unlad

ng teknolohiya dahil ito ay nagbibigay ng magandang

dulot. Ang mga pananaw na ito ay tama. Subalit, kailangan

nating pag-aralan ng mabuti kung ang teknolohiya nga ba

ay nakakatulong o nagdudulot ng masamang epekto.

Ito ay nakasalalay sa atin mga Pilipino kung paano natin ito

gagamitin.

Ayon kay Kristine Mae Ledda, Isang mag-aaral ng University

of the PhilippinesBaguio, Sa kasalukuyang panahon, sino pa ba

ang hindi nakaka-alam ng isa pa sa mgasikat na imbensyon, ang

Computer. Bagay na nagpadali ng buhay ng mga mag-aral nakatulad

EULOGIO “AMANG” RODRIGUEZINSTITUTE OF SCIENCE AND TECHNOLOGY

COLLEGE OF HOSPITALITY MANAGEMENT16

ko. Ayon nga sa mga nakatatanda, kung dati raw ay aabutin ka ng

mag-haponsa library ng paaralan upang hanapin ang

kahulugan ng mga leksyon, ngayon aynariyan sa bawat

kanto ng Metro Manila hindi lang sa lugar ng mga urban maging

sarural ang mga ‘Internet Café’. Sa isang pindot

lang, nasa harap mo na agad anghinahanap mo.

Maliban pa sa sobrang bilis na proseso na paghahanap ng

leksyon,nariyan pa ang printer upang solusyonan ang problema sa

matagal na pagsusulat ngmga takdang aralin. Click lang

ng click ay makukuha mo na ang isang mabilis

naproseso ng paggawa. Kung isang matalinong indibidwal nga

naman ang gagamit ng teknolohiya, siguradong malayo ang

mararating ng ating bansa. Malaki ang maitutulongnito upang

umunlad at patuloy na mapadali ang proseso ng modernisasyon na

siyang magdadala sa bawat tao sa tiyak na tagumpay.

Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik

Ang mga maniniliksik ay matiyagang nangalap ng

impormasyon sa pamamagitan ng matiyagang pamimigay ng mga

talatanungan sa mga piling mag-aaral ng Hotel Management at

pangangalap ng mga datos sa aklatan at mga thesis Sa

kabanatang ito ilalahad ang desinyo at pamaraan

EULOGIO “AMANG” RODRIGUEZINSTITUTE OF SCIENCE AND TECHNOLOGY

COLLEGE OF HOSPITALITY MANAGEMENT17

ng mga mananaliksik, disenyo, respondent, teknik,

instrument, paraan ng pagsasagawa at istratehiyang

gagamitin ng mga mananaliksik sa pagsusuri ng ibinibigay na

talatanungan.

Disenyo

Ang pag-aaral na ito gumamit ang mga

mananaliksik ng descriptive survey o paglalarawan panunuri

dahil inilalarawan rito ang kinalalabasan ng pag-

aaral sapamamagitan ng talatanungan.Upang maisakatuparan ang

pananaliksik na ito ang mga mananaliksik ay gumawamuna ng

talatanungan o “questionnaire” na siyang ipinasasagot sa mga

piling mag-aaral ng Hotel Management. Na nagiging saklaw ng

pag-aaral na ito. Pagkatapos malikom ang mga talatanungan, ito

ay iwinasto at matiyagang sinuri ngmananaliksik sa

pamamagitan ng talahanayan. Upang lalong maging

malinaw ang kinalabasan ng pag-aaral ay gumamit ang

mga mananliksik ng pormulang makakatulong sa lubos na

ikakaunawa ng bawat talahanayan. Percentage technique ang

ginamit ng mga mananaliksik na pormula.

EULOGIO “AMANG” RODRIGUEZINSTITUTE OF SCIENCE AND TECHNOLOGY

COLLEGE OF HOSPITALITY MANAGEMENT18

Respondente

Ang respondente o saklaw ng pag-aaral na ito ay mga piling

mag-aaral sa kursong Hotel Management. Binubuo ng limampung

mag-aaral sa

Matiyagang nakikipag-ugnayan ang mga mananaliksik

sa Prinsipal at Gurong nangangasiwa sa respondent na mag-aaral

na saklaw ng pag aaral upang maipamahagi ang mga talatanungan o

questionnaire na inihanda ng mga mananaliksik upang matugunan

ang hinahanapan ng kasagutan.

Instrumento

Ginamit ng mga mananaliksik ang tseklist sa mga mag-aaral

upang malaman angmga salik na nakakaapekto sa paraan ng

paggamit ng teknolohiya ng mga mag-aaral.Gumamit din ng aklat

ang mga mananaliksik sa pagkalap ng datos.

Pagtatrato sa mga datos

Sa pamamagitan ng paggawa ng mga teybol matapos mai-tally

ang mga kasagutan sa kwestyuneyr ng mga respondente ay

naipakita ang porsyento o bahagdan ayon sa dami ng sinang-

ayunang kasagutan ng mga respondente sa tanong na nakapaloob sa

kwestyuneyr o talatanungan.

EULOGIO “AMANG” RODRIGUEZINSTITUTE OF SCIENCE AND TECHNOLOGY

COLLEGE OF HOSPITALITY MANAGEMENT19

Estatistikong Pagtatrato

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng percentage technique

upang masuri ang kinalabasan ng mga kasagutan ng mga mag-aaral.

Narito ang pormula na ginamit ng mga mananaliksik upang

mailahad ng mabuti ang pag-aaral.

Bahagdan = (Bilang ng mga tumugon / Kabuuang bilang ng mga

sumagot) x 100

EULOGIO “AMANG” RODRIGUEZINSTITUTE OF SCIENCE AND TECHNOLOGY

COLLEGE OF HOSPITALITY MANAGEMENT20

Maria Roda D. Dinaga

Dikana

Mapagpalang araw po!

Kaugnay po ng pag-aaral na isinasagawa nais ko pong humingi ng pahintulot para sa pagsasagawa ng sarbey sa mga mag-aaral na nagpapakadalubhasa sa Hospitality Management at sa mga guro. Isasagawa namin ito sa darating na Pebrero 14-16 taong 2016 para sa pagtaya kaugnay ng aming paksa ang “Ebalwasyon sa Ipod laptop,at computer sa mga mag aaral ng hotel management: Nakatutulong nga Ba o Nakasasama sa Pag-aaral ng mga Filipino.”

Maraming Salamat po.Tapat na sumasaiyo,

JOHN ARLFRED V. ROQUERO Pinuno ng Pangkat

Binigyang pansin ni:

PROF. JEFFREY VILLENATagapayo/Guro sa Pananaliksik

EULOGIO “AMANG” RODRIGUEZINSTITUTE OF SCIENCE AND TECHNOLOGY

COLLEGE OF HOSPITALITY MANAGEMENT21

TALATANUNGAN PARA SA EBALWASYON SA IPOD, CELLPHONE AT X’BOX:

NAKATUTULONG NGA BA O NAKASASAMA SA PAG-AARAL?

Pangalan (Opsyonal): __________________________________________

Taon at Seksyon: ______________________________________________

Kasarian: ( ) Babae ( ) Lalaki

1. Ilang oras ang ginugugol sa paggamit ng ipod? Cellphone?

X’box?

2. Saang paraan mo madalas gamitin ang mga gadget?

3. Anu-ano ang mga positibong dulot sa iyo ng cellphone?ipod?

x’box?

4. Anu-ano ang mga negatibong dulot sa iyo ng cellphone? Ipod?

X’box?

EULOGIO “AMANG” RODRIGUEZINSTITUTE OF SCIENCE AND TECHNOLOGY

COLLEGE OF HOSPITALITY MANAGEMENT22

TALATANUNGAN PARA SA EBALWASYON SA IPOD, CELLPHONE AT X’BOX: NAKATUTULONG NGA BA O NAKASASAMA SA PAG-AARAL NG HOTEL

MANAGEMENT.

Pangalan (Opsyonal): __________________________________________

Taon at Seksyon: ______________________________________________

Kasarian: ( ) Babae ( ) Lalaki

Panuto: Lagyan ng numero ang kolum sa kanan na kumakatawan sa iyong sagot batay sa deskripsyong nakalahad sa pagtaya ng akdang “Ebalwasyon ng Ipod, cellphone at x’box”.Gamitin ang gabay na panukat sa ibaba:

4 = araw-araw

3 = madalas

2 = minsan

1 = Hindi

A.Oras ng Paggamit Ipod Cellphone X’box

1. 2 hanggang 3 oras

2. 4 oras hanggang 5 oras

3. 6 hanggang 7 oras

4. 7 oras pataas

B. Paraan ng paggamit Ipod Cellphone X’box

1. libangan

2. komunikasyon

3. pag-aaral

EULOGIO “AMANG” RODRIGUEZINSTITUTE OF SCIENCE AND TECHNOLOGY

COLLEGE OF HOSPITALITY MANAGEMENT23

4. hanap-buhay

C.Positibong epekto Ipod Cellphone X’box

1. pagpapalawak ng kaalaman

2. nagpapaunlad ng antas ng libangan

3. nakakapagpadali ng komunikasyon

4. nakakapagdagdag ng kita

D.Negatibong epekto Ipod Cellphone X’box

1.nadadagdagan ang gastos, dahilan ng pagkaubos ng baon

2.nakakasagabal sa mga gawain sa bahay

3.pagtulog ng wala sa oras

4.natural na pagdepende na lang sa gadget


Recommended