+ All Categories
Home > Documents > Lupang Hinirang monograph redesign (Filipino) 17 November

Lupang Hinirang monograph redesign (Filipino) 17 November

Date post: 25-Jan-2023
Category:
Upload: khangminh22
View: 0 times
Download: 0 times
Share this document with a friend
42
Transcript

2

LUPANGHINIRANG

MGA KUWENTO NGPAGSASALUGAR NG UP DILIMAN

Bulwagan ng Dangal University Heritage Museum

15 Pebrero - 12 Abril 2019

3

Ang mga kuwento ng pagsasalugar ay mga artikulasyon ng pinagmulan at mgaparaan ng pamamalagi ng isang komunidad. Ito ay isang naratiba na maaaring nasaanyo ng kasaysayang institusyonal, kasaysayang oral, malikhaing pagsulat, sining biswal,o kaya ay pagtatanghal – ang kuwento ay isang dinamikong pagsasabuhay ng mga ideyang pagkakakilanlan - mayroon itong boses at perspektiba na naka-ugat sa kasaysayan,isinusulong sa kasalukuyan at hinuhubog ang hinaharap. Itinuturing ng eksibisyon namay kapangyarihan ang kuwento na humulma ng isip at damdamin tungkol sa isangkomunidad. Sa ganitong perspektiba, maaari rin nating maunawaan na ang proseso ngpagkukuwento ukol sa isang lugar ay isang proseso ng pagsasakapangyarihan.

Ang kuwento ng Unibersidad ng Pilipinas Diliman ay masasabing malalim atmakulay. Layunin ng eksibisyon na tahakin ang mga kuwento ng pagsasalugar mula salente ng kasaysayan, antropolohiya at heograpiya, gamit ang pamamaraang arkibo,etnograpiko, mga panayam, palihan at konsultasyon, at pagtatanghal ng mga likhang-sining na ukol sa buhay at kultura ng UP Diliman.

Ito ay isang pagbabalik-tanaw sa UP Diliman sa ika-70 anibersaryo ng paglipat nitomula Maynila noong 1949 bilang “lupang hinirang” -- bilang tahanan ng malayangkaisipan ng mga iskolar ng bayan. Paano nahubog ng pagsakop at pananatili ngUnibersidad ang lugar na kanyang naging bagong tahanan? Ano ang mga nabuo atnabubuong kuwento ng mga naninirahan dito -ng kanilang mga tagumpay atkabiguan? Sino-sino at ano-ano ang mga bumubuo sa mga kuwentong ito? Ano angsinasabi ng mga kuwentong ito tungkol sa buhay sa UP Diliman? Ang eksibisyon aynaglalayong hikayatin ang lahat na makisangkot sa pagbubuo ng kuwento ng UPDiliman bilang isang komunidad na naghahangad ng isang kinabukasan na puno ngmalasakit para sa isa't isa.

LUPANGHINIRANG

4

Mga Perspektibasa Kasaysayanng UP Diliman

Ang eksibisyon ay pagbabalik-tahak sa kasaysayan ng Unibersidad ng Pilipinas saDiliman bilang isang institusyong akademiko nang nakapaloob sa perspepektiba ngkasaysayang pampook. Sinusuri ang iba’t ibang bahagi ng buhay dito mula 1949hanggang kasalukuyan. Sa ganitong pamamaraan ay naipamamalas ang mahalagangpapel ng mga gawaing akademiko at panlipunan ng mga estudyante, sa anyo ng mgapananaliksik at publikasyon at mga aktibong pagkilos upang maging bahagi ng lunas samga problema ng bansa.

Bukod sa mga estudyante, ang UP Diliman ay binubuo rin ng iba’t iba pangresidente. Bahagi rin ng buhay akademiko ang mga suportang nagmumula sa mgatahanan at dormitoryo, mga kainan, mga lugar pampasigla, at iba pa. Sa layuningmatunton ang diskurso ng paglikha ng lugar o placemaking, matutunghayan din saeksibit ang kuwento ng mga residente na nauna nang itinuring na tahanan ang Diliman,bago ang paglipat dito ng Unibersidad. Ang makukulay na kuwento ng Diliman bilangisang komunidad ay isinasalarawan mula sa perspektiba ng iba’t ibang sektor nakumakalinga rito, mula noon at hanggang sa kasalukuyan.

Kung ituturing na isang kuwento, ang UP Diliman ay isang naratibang inilalahadmula sa iba't ibang perspektibang tumutuon sa mapangambang simula, mapagtanggol atmapanghimagsik na kasalukuyan, at marubdob na pag-asam sa kaiga-igayanghinaharap.

5

6

PINAGMULAN:Mga Unang Taon ng UP

1908 - 19491908 1908-1910

Itinatag ang Unibersidad ng Pilipinas(UP) noong 18 Hunyo sa bisa ngPhilippine Commission Act No. 1870.

Yumabong ang UP sa pagkakatatag ngiba’t ibang kolehiyo, tumaas ang bilangng kaguruan at mag-aaral, at nagtayong mga gusaling magiging kanlunganng malayang edukasyon. Itinatag angmga sumusunod sa panahong ito:School of Fine Arts, College ofAgriculture, College of Medicine andSurgery, College of Liberal Arts,College of Engineering, College ofVeterinary Science, at College of Laws.

8

Noong dekada ’30, sa panahon ngKomonwelt, nagsimulang umigting angdamdaming nasyonalista sapamamagitan ng pagiging kritikal at sapakikisangkot ng mga mag-aaral atkaguruan sa mga isyung panlipunan.Taong 1940, umugong ang mga usapinsa planong paglipat ng UP sa 493hektaryang lupa – ang lupaing Diliman(Diliman estate) na pinangunahan niPangulong Bienvenido M. Gonzalez ngUP at Pangulong Manuel L. Quezon.Nagkaroon ng matinding debate hinggildito na nilahukan ng mga guro, mag-aaral, magulang, at alumni.

Sa panahon ng Ikawalang DigmaangPandaigdig, pangunahing nasira angLungsod ng Maynila. Hindi nakaligtasang mga gusali ng UP sa pagkasirangdulot ng pag-atake ng mga hukbo ngEstados Unidos sa nakakubling mgaHapon. Matapos ang digmaan,napilitan ang buong pamantasan nalisanin ang Maynila at tumungongDiliman.

1938-1948 1941-1945

11

EXODO:Ang Paglipat

mula Padre Fauratungong Diliman

1948 - 1949

Noong 11 Pebrero 1949, sa isangmakulay na parada ng Oblasyon mulaPadre Faura tungong Diliman, pormalna inilunsad ang pagdiriwang ng ika-40taong anibersaryo ng UP at ng opisyalna paglipat nito sa bagong tahanan.

Dinatnan sa Diliman ang mgapinakaunang gusali ng bagong kampus – angBulwagang Malcolm at Benitez. Sunod nanaipatayo ang mga gusaling Palma, Melchor,at Quezon. Ang mga dating gusali ng mgamilitar ay ginawang silid-aralan at mgalaboratoryo.

12

13

UNANG DEKADA:Pang-araw-araw

na Buhay sa Diliman

1950 - 1960

Nagpatuloy ang konstruksiyon ngmga gusali sa UP Diliman at patuloy nalumago ang kampus bilang isangkomunidad. Nagtayo ng mga simbahan,dormitoryo, pamilihan, klinika, parke,kainan, at mga tahanan para sa mgaguro. Tumaas ang bilang ng mga mag-aaral at guro, dumami ang mga bagongkurso at kolehiyo.

Noong dekada ’50, naging aktiboang mga mag-aaral sa pagsali sa mgaorganisasyon, patimpalak, palakasan atpagsasanay pangmilitar pati na rin sapagdalo sa mga pagtitipon at piging.

Hindi na lamang nakasentro sa mgagawaing akademiko ang naging buhayng mga mag-aaral.

Sa mga huling taon ng dekada,muling umusbong ang damdamingmakabayan ng mga mag-aaral.Nagsimula ang mga kilos-protestanglaban sa administrasyon ng pamantasanat ng bansa. Naglabas ng matatapangna pahayag ang mag-aaral hinggil samga suliranin sa lipunan. Sapangkalahatan, ang UP ay naginglunsaran ng mga bago at kritikal nakaisipan at makabayang pagkilos.

14

15

16

SAKRIPISYO

Matikas at walang kiming nakatindig habang nakaangat ang dibdib. Nakalantadang mga braso at nakabuka ang mga kamay. Nakatingala ngunit nakapikit; tila buong-pusong handang ihandog ang kaniyang sarili.

Ang Oblation ay ang materyal na salin ni Guillermo Tolentino sa ikalawangsaknong ng Mi Ultimo Adios ni José Rizal, bilang pagtugon sa hiling ni PangulongRafael Palma. Pinasinayaan sa Araw ng mga Bayani noong 1935, ang Oblation ayiniugnay sa pagsasakatawan at pag-alaala sa kabayanihan ng mga Pilipinong inialay angkanilang sarili para sa bayan. Kakabit ng pakahulugang ito ang panawagan para samakabayang pagtugon, na lalong nabigyang-diin noong 1939, kung kailan binasa saharapan ng Oblation ang mga dalit ni Rizal para sa kabataan sa kaniyang akdang ElFilibusterismo.

Noong 11 Pebrero 1949, sa ika-40 anibersaryo ng unibersidad, inilipat ang orihinalna Oblation mula sa Padre Faura patungo sa Oblation Plaza sa Diliman, kung saannanatili ito hanggang palitan ng tansong bersiyon noong 1958.

Sa katapusan ng 1957, bilang pagpuna sa mga kakulangan ng administrasyon,malawakang nagprotesta ang mga mag-aaral. Sa unang pagkakataon, binalutan ng itimna tela ang Oblation at sinabitan ng mga plakard ang kaniyang mga kamay. Sa kabila ngpagsalungat dito ng administrasyon, nagbunsod iyon ng bagong pagpapakahulugan saOblation—ang pagkilos laban sa pang-aapi at kawalan ng katarungan.

Sa kasalukuyan, ang Oblation ay itinuturing na mahalagang simbolo ngUnibersidad. Habang humuhugot mula sa lumalagong pagpapakahulugan, taglay nitoang hamon na ialay ang sarili para sa bayan, at ang diwa ng progresibong pag-iisip atpagkilos.

17

ANG ESKULTOR

Si Guillermo Tolentino (24 Hulyo 1890 – 12 Hulyo 1976) ay isang batikang eskultorsa estilong neo-klasisismo na tinanghal bilang Pambansang Alagad ng Sining sa SiningBiswal (Eskultura) noong 1973. Siya ay nagtapos sa Paaralan ng Sining Biswal ngUnibersidad ng Pilipinas at pagkatapos magpakadalubhasa sa Estados Unidos at Europaay naging propesor at direktor sa Pamantasan ding ito. Dito niya nilikha ang kanyangobrang ang Oblation, na siyang naging pinakakilalang simbolo ng Unibersidad.Kabilang rin sa mga tanyag na likha ni Tolentino ang Monumento ni Bonifacio saCaloocan.

18

ANG OBRA

Tumatalima ang Oblation sa estilong neo-klasisismo o beaux arts, na naglalayongiwangis ang likha sa ideal na hubog at anatomikong proporsiyon ng tao. Bagamannabanggit ni Tolentino na ibinatay niya ang likha sa dalawang modelo—isa para sahubog, at isa pa para sa mahabang proporsiyon ng katawan—hindi niya tinukoy angpartikular na modelo para sa mga bahagi ng iskultura.

Mayroong tansong bersiyon ng Oblation na nakatindig sa bawat kampus ngUnibersidad ng Pilipinas. Ang pinakaunang bersiyon ay likha ni Tolentino noong 1958na ngayon ay nasa UP Diliman. Ito ay nakatayo sa isang pedestal na gawa sa mgapinagpatung-patong na bato mula sa Ilog ng Montalban (ngayon ay Marikina). AngOblation ng UP Manila, Baguio, at Iloilo ay likha ni Anastacio Caedo. Nilikha naman niNapoleon Abueva ang nakatayo ngayon sa UP Los Baños, Tacloban, Miag-ao, at Davao.Si Grace Javier-Alfonso ay lumikha ng bersiyon para sa UP Open University atPhilippine General Hospital. Sa mga bersiyong nabanggit, gumamit ang mga eskultor ngcast mula sa orihinal na Oblation; habang ang mga likha ni Javier-Alfonso para sa UPDExtension Program sa Pampanga at Bonifacio Global City (BGC), gayundin ang likha niFidel Araneta para sa UP Cebu, ay inihalaw sa orihinal, ngunit ginamitan ng bagongdisenyo. Sa lahat ng bersiyon ng Oblation, mayroong halamang kataka-taka sa kaniyangkanang paa, na sumisimbolo sa diwa ng paglilingkod.

19

KILUSANGKABATAAN

1960 - 1971

Taong 1961, lumaganap ang “Witch Hunts” naisinagawa ng Committee on Anti-Filipino Activities(CAFA) sa harap ng di-makatarungang pag-akusa ng“komunismo” sa mga estudyante at propesor ng UP.Nagsama-sama ang mga kasapi ng komunidad ng UPupang ipagtanggol ang kanilang karapatan at kalayaangakademiko. Ang insidenteng ito ay nagsilbing paunangalon sa lumalakas na agos ng nasyonalismo at aktibismo saUnibersidad, at sa paglago ng kilusang estudyante noongdekada ‘60. Sa sumunod na taon, natatag ang iba’t ibangorganisasyong naging mahalaga sa pamumuno sa kilusangkabataan para harapin ang mga hamon sa lipunan.

20

Sa simula ng bagong dekada – 1970 – sumambulat angpuwersa ng kabataan sa tinaguriang First Quarter Storm o UnangSigwa. Libo-libong estudyante at aktibista ang tumungo sa mgalansangan para labanan ang awtoritaryong administrasyon niFerdinand Marcos. Mula sa State of the Nation Address (SONA) saKongreso hanggang Mendiola at lampas pa, kasama sa sigwang itoang mga estudyante-aktibista ng UP.

Noong 1983 sa panahon ng pamumuno ni Pres. EdgardoAngara, ang UP Diliman at iba pang kampus ng UP sa iba’t-ibangbahagi ng bansa ay itinalagang mga autonomous unit sa pamumunong kani-kanilang mga Tsanselor.

ANG UP DILIMANSA ILALIM NGBATAS MILITAR

1972-1986

21

Sariwa pa ang tagumpay ng EDSAPeople Power Movement at ang unangkampeonato ng UP Basketball Team saUniversity Athletic Association of thePhilippines (UAAP) noong 1986,kinailangang harapin ang mga lumangunit kagyat nang mga realidad ngpagpapatakbo ng isang unibersidad.Kasama na rito ang mga suliraningkaakibat ng rehistrasyon, ang hamon ngpaglikha ng napapanahong kurikulum,at ang patuloy na karahasan sa loob ngkampus. Kaagapay din nito angpagsabay ng UP sa pagsulong ngteknolohiya noong dekada 90 na

nagamit lalo na sa pananaliksik salarangan ng agham. Sa panahon dingito sinimulan ng UP na itakda angtungkulin nito sa lipunan, lampas saaktibismong ipinamalas laban sarehimeng Marcos. Sa pamamagitan ngPahinungod, isang boluntaryongprogramang sinimulan sa panahon niPangulong Emil Q. Javier, ipinahayagng mga mag-aaral, mga guro, at ng mgatagapamahala ng Pamantasan na angespasyong sinasaklaw ng mga taga-UPay hindi nakakulong sa loob ng kampus,bagkos ay malawak na umaabot sasambayanang Pilipino.

ANG UP DILIMANSA HARAP NG

GLOBALISASYON

1972-1999

22

ANG UP DILIMANTUNGO

SA BAGONG SIGLO

2000 - 2019

Kasabay ng pagpasok ng bagongsiglo ang patuloy na pagharap ng UP samga bagong realidad na dala ngglobalisasyon. Nilagdaan angpanibagong UP Charter sa bisperas ngpagdiriwang ng ika-isandaang taon ngpagkakatatag ng unibersidad noong2008. Tampok dito ang pagtatakda saUP hindi lamang bilang isangpamantasan para sa pagtuturo, kundiisa ring pamantasan para sa

pananaliksik. Nakapaloob sa desisyongito ang kolektibong pagsisikap upangmaitaas ang reputasyon ng UP sapandaigdigang entablado. Nagingsentro din ang UP Diliman, kasama ngmga karatig pook sa kahabaan ngCommonwealth Avenue, sa usapin ngkomersiyalisasyon ng mga lupain. Bawatpagtutol at pagsang-ayon aymaituturing na pagsusulat ng naratibang espasyo ng pamantasan.

23

ANG SUSUNODNA 70 TAON:Pamantasan ng Bayan

Sa kabila ng nakabibigla atnakalulungkot na pagkasunog ng ilangmahahalaga at makasaysayang mgagusali sa Unibersidad, nananatilingaktibo ang pamantasan sa pakikisangkotsa mga isyung pambansa sa iba’t-ibangparaan sa loob man ng silid-pulungan osa lansangan. Naririyan angpakikibahagi ng mga propesor ngUnibersidad sa pagbuo ng mgakurikulum, pagsasanay ng mga guro atpagsusulat ng mga batayang aklat parasa transisyon tungo sa edukasyong K-12.

Naging aktibo ang UP Diliman sausapin ng hustisya para sa mga lumadna naging biktima ng militarisasyon atkaguluhan sa Mindanao. Marubdobring tinutulan ng UP ang pagtatangkangbaguhin ang kasaysayan o historicalrevisionism na nagsisilbi lamang sapolitikal na interes ng iilan.

Naging malubak man sa simula,masasabing ang mga hakbang na ito aydaang patungo sa pagiging tunay napamantasan ng bayan.

24

PAMAYANANGPANLIPUNAN

Ang UP Diliman, bilang isang pampublikonginstitusyon, ay ginagalawan ng iba’t-ibang grupo ng tao –mga guro, estudyante, kawani, alumni, trabahador,manininda, guwardiya, drayber, migrante,mgamagkakamag-anak, at iba pa – na patuloy na nagbibigaykahulugan sa pamumuhay sa loob ng kampus. Ang videona ito ay naglalayong maipakita ang iba’t-ibang paraan ngpaninirahan sa kampus bukod sa mga kapansin-pansin atpangkaraniwang paraan ng pagkilos na nahubog ng mgagusali at lansangan dito. Nais nitong siyasatin ang uri ngpamumuhay ng mga mamamayan ng UP. Sapamamagitan ng pananaliksik at pakikipagkuwentuhan saiba’t ibang sektor o stakeholder ng UP Diliman,hinihimok tayong makinig sa kanilang mga boses atperspektibang sumasalamin sa kanilang mga karanasan sapananahan sa loob ng kampus.

25

PAMUMUHAY ATPAMAMAHAY SA

UP DILIMAN

MGA KUWENTONG UP DILIMAN

Ang pitumpong taong pamamalagi ng UP sa Diliman ay nagbunga ng maramingistorya tungkol sa mga gusali, espasyo at sulok ng kampus at mga karatig nitong lugar. Angmga istorya’y lalong pinagyaman ng kasaysayang taglay ng Diliman bago pa man nitokinanlong ang UP (katulad ng pagiging base militar nito noon), ng mga personalidad nanagpapakulay sa buhay sa kampus at ng mga espiritung umaaligid sa mga espasyo nito.

MGA KABABAIHAN NG UP DILIMAN

Hindi matatawaran ang malaking ambag ng mga kababaihan sa pamumuhay sa UPDiliman--mula sa mga kagila-gilalas na pagdiriwang tulad ng cadena de amor kung saankinikilala ang “katauhan, pamumuno at katalinuhan” ng mga babaeng mag-aaral ng UPDiliman at sa pagkakatalaga ng unang babaeng presidente ng Unibersidad, hanggang samahabang panahon ng paglilingkod ng organisasyon ng mga kababaihang guro na patuloyna sumusuporta at tumutugon sa mga pangangailangan ng komunidad ng UP Diliman. Angkasalukuyang mga nakalatag na gabay at polisiya na nangangalaga sa karapatan sa kasarianat sekswalidad ay produkto rin ng mahabang panahon ng pagbabantay ng mga kababaihansa karapatan at kaligtasan ng isa’t-isa.

TANGLAWNG BAYAN

Ang UP Diliman ay patuloy na nagsisilbing saksi at testigo sa mga katiwalian atkalupitang dulot ng kawalan ng pagkakapantay-pantay sa karapatan ng mamamayangPilipino, at palagiang nangunguna sa pagpapalaganap ng kaalaman sa mga isyung ito, sapamamagitan ng mga kilos protesta mula pa noong panahon ng Batas Militar hanggang sakasalukuyan, sa ginaganap na taunang kampuhan ng mga lumad sa loob ng UP Campus.

26

KANLUNGAN NGMALAYANG KAISIPAN

Ang UP Diliman ang luminang sa kaisipan ng mga kilalang nagsusulong ng mgamakabagong haraya, mga progresibo at repormista, sa mga patuloy na humahamon sastatus quo at nagpapanday ng mga bagong daan para sa unibersidad at para sa bayan.Pinatutunayan ito ng makinang na listahan ng mga naging Pambansang Alagad ngSining at Pambansang Siyentista na marami ay mga miyembro ng kaguruan ngunibersidad. Patuloy nilang iniaalay ang kanilang sarili at mga gawain para sapagpapabuti ng buhay ng mga Pilipino at sa pagpapatatag ng bansa.

ANG KOMUNIDAD NG UP DILIMAN

Pitumpung taon mula noong lumipat ang Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman,nabuo ang isang komunidad na binibigkis hindi lamang ng mga gawain sa akademya osa trabaho kung hindi ng mga magkakaugnay na karanasang bunga ng pagigingmagkakamag-anak, magkakapitbahay, magkakababata, magkasama sa pananampalatayaat suki ng isa’t-isa.

27

TAHANAN, DALUYAN AT LAGUSAN

Ang UP Diliman ay isang mahalagang lunan hindi lamang para sa mga residente,kawani at mag-aaral nito kundi maging sa iba pang mga taong ginagalawan angUnibersidad bilang lugar pahingahan, palipasan ng oras, lagusan, tagpuan at lokasyonpara sa iba pang mga gawain at layon.

ESPASYONG PINAGTATALUNAN

Sa paglipat ng UP sa bago nitong tahanan sa Diliman at sa patuloy na pagsasagawang mga proyektong “pangkaunlaran” sa lupain nito, nagpapatuloy din angpagtutunggalian tungkol sa karapatan sa lupa gamit ang kanya-kanyang bersyon ngkasaysayan. Habang ang isa’y lumalaban para sa karapatang patuloy na manirahan salugar, ang isa nama’y iginigiit ang kanyang karapatan sa teritoryong nasasakupan.

28

ISKOLAR NGBAYAN

Ang espasyo ng iskolar ng bayan ay kapuwa sa loob at sa labas ng silid-aralan. Angedukasyon na hinubog sa UP ay nakasandig sa prinsipyong mahigpit ang relasyon ngkaalamang teoretikal at paglapat nito sa kondisyon ng lipunang Pilipino. Ang pag-aaralng iskolar ng bayan ay nagmumula sa mga aklat, matalas na pananaliksik at pagsusuri, atdirektang karanasan ng pakikisangkot sa ating kapaligiran at lipunan.

Sa seksiyong ito kinikilala ang mga iskolar ng bayan na walang takot na ginamit angkanilang husay, galing, at talino upang mapabuti at mabanyuhay ang lipunan, at sailang pambihirang pagkakataon ay ibinuwis ang buhay para sa bayan.

29

LEAN ALEJANDRO

“The struggle for freedom is the next best thing to actually being free.” – LeanAlejandro

Namulat at naging mulat sa mga dekada ng masidhing pagpapanibagongpanlipunan at pampulitika, tumanyag si Lean bilang natatanging lider-estudyante saloob at labas ng Unibersidad ng Pilipinas. Manunulat ng Philippine Collegian atPangulo ng Konsehong Pangmag-aaral, naging tinig siya laban sa pang-aabuso ngdiktaduryang Marcos at para sa paglahok ng kabataan sa mga isyung pambansa. Pauwimatapos manawagan para sa isang pagkilos laban sa pagmamalabis ng militar noong1987, kikitlin ng isang bala sa ulo ang buhay Lean—sabay ng kanyang pangarap para samga mamamayang Pilipino.

MGA MUKHA NGAKTIBISMO SA UP

DILIMAN

30

DESAPARECIDOS

Maraming malalagim na bahagi ang kasaysayan ng bansa. Isa rito ang kuwento ngmga desaparecidos—ang mga indibidwal na biglaan na lamang naglaho. Humigitkumulang na 1,500 na ang desaparecidos simula noong panahon ng diktadura niMarcos hanggang ngayon. Dalawa sa mga ito ay sina Rizalina Ilagan at SherlynCadapan na kapwa mag-aaral sa UP Diliman.

Si Rizalina Ilagan ay isang honor student, artistang pangteatro, at manunulat nasumali sa Kabataang Makabayan (KM). Nang lumaon, siya ay sumali sa lumalakingunderground movement laban sa rehimeng Marcos. Naniniwala ang kanyang kapatid naang mga kasapi ng 2nd Military Intelligence Group, 2nd Constabulary Security Unit, at231st Company of the Philippine Constabulary ang responsable sa paglaho ni Rizalinanoong 1977.

Maituturing na mayroong napakagandang kinabukasan si Sherlyn Cadapan salarangan ng isports. Siya ay nasa pangangalaga ng track and field legend at heptathlonchampion na si Elma Muros. Ngunit hindi naiwasang tugunan ni Sherlyn ang tawag ngmasa. Siya ay nangarap na maging isang community organizer at naglayong lumubognang mas malalim sa buhay ng mga magsasaka sa Bulakan. Sa huling araw ng paglilitisng kaso ng pagdukot sa kanya noong 2006, umamin si Army Maj. Gen. Jovito Palparan,Jr. na na-target si Sherlyn sa Oplan Bantay Laya ni dating pangulong Arroyo.

31

LEONARD CO

Si Leonardo Legaspi Co ay isang batikang iskolar sa larangan ng botany at isangtaxonomist. Noong 1981, mahigit labing-isang taon nang pumasok siya sa UP Diliman,iniwan ni Leonard ang kolehiyo bago pa man siya nakapagtapos upang lumubog atmakapaglingkod bilang manggagamot sa mga katutubo sa Cordillera na napag-iwananng administrasyon ni Marcos. Sa kanyang pananatili doon, nabuo niya ang librong“Common Medicinal Plants of the Cordillera Region”—na siyang gamit sa kanayunankung saan ang mga Kanluraning gamot ay kulang at mahal. Noong 2008, nagawaransiya ng kanyang degree sa Botany mula sa UP Diliman, pagkatapos ng mahigit tatlongdekadang lumipas mula nang magsimula sa kolehiyo. Nananaliksik si Leonard at dalawapang kasamahan sa kagubatan ng Kananga, Leyte noong 2010 nang sila ay mapatay saisang insidente na kinasangkutan ng 19th Infantry Battalion ng Armed Forces of thePhilippines.

32

DILIMANCOMMUNE

Sa unang linggo ng Pebrero 1971, pumasok ang puwersa-militar ng administrasyongMarcos sa campus ng UP Diliman para gibain ang mga barikadang itinayo ng mgaestudyanteng nakiisa sa welga ng mga tsuper. Hindi umurong ang mga estudyante, atkasama ang mga guro, kawani, at ibang miyembro ng komunidad ng UP Diliman,lumaban sila sa pagpasok ng militar sa campus. Laban sa kalupitan ng puwersa nggobyernong Marcos, idineklara ang Malayang Komunidad ng Diliman o DilimanCommune. Siyam na araw silang tumindig sa mga barikada upang ipagtanggol angkalayaan ng Unibersidad.

Noong 23 Setyembre 1972, idineklara ni Pangulong Marcos ang Batas Militar atnabihag ang bansa sa kuko ng diktadura. Sa UP Diliman, ilang guro ang nadakip atnakulong, ibinawal ang mga organisasyong aktibista, at binuwag ang kilusang kabataan.Tumahimik ang Unibersidad. Nagpatuloy ang buhay. Ngunit hindi nagtagal angkatahimikan. Muling nahanap ng mga estudyante ng UP ang tapang upang patuloysilang nakibaka hanggang napatalsik ang diktador na si Ferdinand Marcos.

33

Ang partikularidad ng buhay at karanasan sa UP Diliman ay madalas na magingpaksain ng mga likhang-sining. Sentro na rito ay ang obra ni Larry Alcala, PambansangAlagad ng Sining, sa Slice of Life, 1983, ukol sa buhay sa UP Diliman – ang mgasagisag-kultura ng buhay UP na biswal at perpormatibo, gayundin ang mga “tipos delpais” o mga tipo ng mamamayan sa UP Diliman. Binigyang-pugay ang Slice of Life niAlcala ng mga guro mula sa UP College of Fine Arts sa pamamagitan ng makabagongbersiyon nito para sa 2019. Gayundin, ang mga komiks ni Manix Abrera ay tumutukoysa relasyon ng mga miyembro ng komunidad ng UP Diliman.

“BUHAY UP”SA SINING

34

NATIONAL ARTIST LARRY ALCALA

Si Larry Alcala (18 Agosto 1926 - 24Hunyo 2002) ay isang cartoonist atilustrador na naging tanyag dahil sa kanyangmga karikatura at komiks na naglalarawanng pangkaraniwang buhay Pilipino, tulad ngSlice of Life (1980-1986), Mang Ambo(1963-1965), at Asyong Aksaya (1976-1984).Siya ay nagtapos sa Kolehiyo ng SiningBiswal sa Unibersidad ng Pilipinas kungsaan siya rin ay naging propesor attagapangulo ng Departamento ngKomunikasyong Biswal kinalaunan. Noong2018, siya ay opisyal na napabilang saOrden ng mga Pambansang Alagad ngSining sa Pilipinas para sa larangang SiningBiswal.

35

Ang pagmamapa ng lugar ay isang proseso ng pagbibigay-hugisat kahulugan sa ating kapaligiran. Masasabing ang kartograpiya ayisang sining at agham na tumutulong sa pagtatalaga ng lugar.

May iba’t ibang uri ng mapa sa kasaysayan ng sangkatauhan.Sa ilang pagkakataon, ang mapa ay naging armas ng kolonisador atnaging mitsa ng digmaan at tunggalian. Ang mapa din ay ginagamitsa pagtahak sa bagong buhay at magbigay ng direksiyon sa atinglahat. Manipestasyon din ito ng mga inipong impormasyon ukol sakultura ng isang bayan, tulad ng mga proyektong “culturalmapping.”

Sa seksiyong ito tinatampok ang mga “storymap” ukol sa UPDiliman. Ang mga kuwentong ukol sa multo, damdamin, geodesicpath or mga shortcut, mobilidad, pagkain, at iba pa, ay mgakuwento ng pang-araw-araw na buhay sa campus at dinamikongrelasyon ng lugar at ng mga taong nagbibigay ng sarili nilangpagpapakahulugan sa lugar. Hinihikayat tayong lumahok sa paglikang ating kuwentong UP Diliman, bilang ating tahanan at liwasan.

MGA KUWENTOSA MAPA

36

Ang story map ay isang geospatial na pagkukuwento nanagbibigay-diin sa relasyon ng gawaing kartograpikal at paglikha ngnaratiba. Ito ay itinuturing na isang analytical tool na sumusuri saespasyo gamit ang proseso ng pagkukuwento upang matunton angmobilidad ng ating realidad. Ito ay nagbunsod sa iba pang pag-aaral natulad ng literary cartography, geomedia, at cinematic cartography.

Ginamit ang story map sa pagbagtas ng mga cultural map ng UPDiliman at sa paglalarawan ng alternatibong pananaw sa mga espasyong komunidad sa loob ng Kampus. Kabilang dito ang mga mapapagkilos ng tao at ng mga alagang hayop sa loob ng kampus, gayundinang pagtunton sa mga espasyo na pumupukaw ng partikular na

emosyon o pakiramdam sa mga tao na gumagamit ng mga espasyo. Kumalap ngdatos ang grupo ng mananaliksik sa pamamagitan ng online survey na ipinasagot samga estudyante, alumni, residente, at iba’t ibang sektor ng komunidad. Nagsagawarin ang grupo ng mga field survey at ethnographic reconnaissance, sa tulong ngGlobal Positioning System (GPS), upang mabigyang-imahe ang mga kuwento tungkolsa dinamiko at mga nagbabagong mga lugar sa loob ng UP Diliman. Ang mga datosna ginamit sa mga story map ay galing sa pananaliksik na isinagawa noongDisyembre 2018 hanggang Enero 2019, at sa mga proyekto ng mga estudyante ngGeography 192 (Field Methods in Geography) noong 2016.* Gayundin, ang mgadatos na inambag ng mga bisita ng eksibit ng Lupang Hinirang noong Pebrero-Abril2019 na ginanap sa Bulwagan ng Dangal Museum ay nakapaloob din sa mga updatedna story maps.

*Ang mga datos na ito ay ginamit nang may buong pahintulot ng mga estudyante na naglikom nito.

STORY MAPS:MGA KUWENTO SA

MAPA

37

UP VIRTUAL SPACES

Sa paglawak ng abot ng Internet at teknolohiya, naging mahalagang bahagi rinng kultura at naratibo ng UP ang mga espasyong birtuwal na nagsisilbing lunan parasa iba’t ibang anyo ng interaksiyong online. Ang PinoyExchange ay isa sa mgapinakaunang espasyo kung saan ang mga miyembro ng Unibersidad ay maaaringmakipagtalakayan sa pamamagitan ng iba’t ibang forum. Taong 2010 naman nangmaitatag ang Narinig Ko sa UP (Overheard at UP) na naging tahanan ng maramingkuwento at karanasan ng mga mag-aaral, alumni, guro, at iba pang kasapi ngkomunidad tungkol sa UP. Nariyan din ang Humans of Diliman na hango naman saHumans of New York ni Brandon Stanton kung saan ang bawat retrato ng mgamiyembro ng komunidad ng UP Diliman ay may kalakip na kuwento. Ang mgapahinang tulad ng The Diliman Files at UPD Freedom Wall ay nagbigay daan dinpara sa malayang pagbabahagi ng nakararami.

38

UNIVERSITY ADMINISTRATION

Chancellor Michael L. Tan, PhD (2014-2020)Office of the Vice Chancellor for Academic AffairsOffice of the Vice Chancellor for Administration

Office of the Vice Chancellor for Research and DevelopmentOffice of the Vice Chancellor for Student Affairs

Office of the Vice Chancellor for Community Affairs

OFFICE FOR INITIATIVES IN CULTURE AND THE ARTS

Prof. Cecilia De La Paz, PhDDirector

2019 Advisory Board Members:

Prof. Ma. Bernadette Abrera, PhDDean, College of Social Sciences and PhilosophyProf. Amihan Bonifacio-Ramolete, PhD,

Dean, College of Arts and LettersProf. La Verne de la Peña, PhD

Dean, College of MusicProf. Ronualdo Dizer

Dean, College of Human KineticsArch. Armin Sarthou

Dean, College of ArchitectureProf. Josefina Estrella

Director, UP Theater Complex

Prof. Edieser Dela Santa, PhDDean, Asian Institute of TourismProf. Elena Pernia, PhDDean, College of Mass CommunicationProf. Aurorita Roldan, PhDDean, College of Home EconomicsProf. Leonardo RoseteDean, College of Fine ArtsProf. Sir Anril Tiatco, PhDDirector, Diliman Information Office

Maria Lourdes ArandiaPhoebe Mae RostrataMaria Loren RiveraJohannah Mae Razal

Luisito MainotEsperanza Dela CruzBenjamin John SagunFrances Anna Bacosa

Staff

This exhibit is a project component of the 2019 UP Diliman Arts and CultureFestival "Lakad-Gunita sa Lupang Hinirang."

INSTITUTIONAL PARTNERS

Office of the Vice Chancellor forResearch and Development

Vice Chancellor Fidel R. Nemenzo, D.Sc.Prof. Armando Somintac, PhD

2019 OVCRD Outright Research Grant for UPDiliman Narratives: Routes of Place-Making (Avideo documentation of the social and publichistory of the UP Diliman Campus)

University Theater ComplexProf. Josefina EstrellaMaree Barbara M. Tan-TiongcoSamanta Hannah B. ClarinChristopher A. DominguezAnn Rozelle C. GacaHenriette P. BaesLoreny G. Sotto, Jr.Ronald M. BautistaManolito J. RoxasJayson V. BosqueArchie R. OlarteFerrer C. CarabotJose G. EstarasDavid Ben B. IsraelJuancho MisolasVilma M. VilmonteRhyan MariamonteGemma M. CastilloRichard Cullano

College of Fine ArtsDean Leonardo C. RoseteProf. Leonilo O. DoloriconProf. Ruben Fortunato M. De JesusProf. Jose Melchor A. SilvestreMelvin CalingoStephanie L. PascualBim Bacaltos

University Main LibraryProf. Chito AngelesProf. Eimee Rhea LagramaAmalia JavierLiberato JavierUniversity Archives and Records DepositorySpecial Collections Section

Office of the Campus ArchitectArch. Mark MoralesArch. Ringer Manalang

INSTITUTIONAL SUPPORT

Campus Maintenance OfficeArch. James Christopher P. Buño

Office of Student HousingProf. Shirley Villosillo-Guevarra, PhDMalou Sustituido

College of EducationDean Marie Therese Angeline Bustos, PhD

Department of Art StudiesProf. Roberto Paulino, PhDNapoleon Rivera

Department of Speech Communication andTheater ArtsProf. Belen Calingacion, PhDAlfred Crisologo

ACKNOWLEDGMENTS

39

UPD CAMPUS COMMUNITIESREPRESENTATIVES

UP Campus Barangay CouncilFelix C. DalisaySevera AriasJovita ContilloRosa T. ZalunSisenendo T. SalvoDanilo J. ArceoMaria CortezAlejandro A. Gayagoy, Jr.Gilbert T. PalmaLita C. LagmayRosita T. PalañaLeonora Eusebio

Krus na Ligas Barangay CouncilJulian B. Santos

Resource Persons

Severa AriasGregoria CervantesSandy DazaKaren Jago-onFlorinda LesacaProf. Jose Ernie Lope, PhDProf. Emerita Elena Mirano, PhDJulian “Jolly” B. SantosProf. Mark ZarcoArch. Ringer ManalangFelix DalisayNational Scientist Mercedes B. Concepcion, PhDRemedios Monduiging, PhDProf. Nancy Kimuell-Gabriel, PhDIvy TaromaNational Artist Ramon P. Santos, PhDHon. Zenaida LecturaArdie O. LopezIrineo OdoyKarl CastroDiego KaalimKhryzza de Guzman

Kristine Faith PutonLeonora EusebioNational Artist Ryan CayabyabSelma G. CortesCarmen M. PascualPrincess NemenzoMr. Alquin “Dong” F. GayagoyProf. April J. PerezNational Scientist Gavino C. Trono Jr.Prof. Allyson Miralles-HijeProf. Merlyn Sornoza

Performers

Myron De La CruzKeisha Joy PauloHannah De GuzmanEsteban Fulay, Jr.Karl SalendaBullet DumasJayson GildoreJojo Dela RosaBurn BelachoTapati

CURATORIAL TEAM

Prof. Cecilia De La Paz, PhDProf. Ricardo Trota Jose, PhDCurators

Michael BernalMapee D.Z. SingsonAssistant Curators

Mapee D.Z. SingsonExhibit Designer

Prof. Emeritus Grace Javier Alfonso, PhD.Prof. Leonardo RoseteProf. Bryan VirayCreative Consultants

Research Team

Prof. Ricardo Trota Jose, PhDArchival Research Head

Michael BernalRieyen D. ClementeLarah Vinda B. Del MundoDiego Vicente A. MagallonaArchival Researchers

Prof. Monica Fides Amada W. SantosField Research Head

Prof. Joseph Palis, PhDCartography Supervisor

Mark Aimon I. PanganPatricia O. AlguraSolomon SarneField Cartographers / Researchers

Jade CorongKariema BagasJasmine MartinezTranscribers

Creatives Team

Louise Jashil SonidoAudio-Visual Director

Paul Cyril TorrentePhotographer

Prof. Manuel Kristoffer GironGraphic Designer and Layout Artist

Kariema BagasResearch Assistant

Lance AgustinPeter John PaneloVideographers

Christelle DelvoBrian SulicipanAlyssa SuicoLeslie CorpuzChino de VeraCelina DonatoLouise Jashil SonidoAngelica VillanuevaVideo Editors

Paul Cyril TorrenteRes DemdamGeri Matthew CarreteroChristofer HizonMural Artists

Participating Artists

National Artist Guillermo TolentinoNational Artist Larry AlcalaDominador CastañedaReuben Ramas CañeteGigi AlfonsoToym ImaoManix AbreraManolo SicatNeil DoloriconTotet de JesusMel SilvestreBim BacaltosMelvin CalingoStephanie PascualBen SyJesie Castro

40

Exhibition Team

Louise Marcelino SalasMark Louie LugueExhibit Coordinators

Maria Regina ManaloMerselle MontesPauline Bianca Ma-alatFrances Anna BacosaExhibition Assistants

Exhibition MaterialsProf. Ricardo Trota Jose, PhDMolave Residence HallUniversity LibraryInstitute of Biology

Exhibition Text

Prof. Cecilia De La Paz, PhDProf. Ricardo Trota Jose, PhDMichael BernalProf. Monica Fides Amada W. SantosProf. Joseph Palis, PhDDiego Vicente A. MagallonaRieyen D. ClementeLarah Vinda B. Del MundoSolomon SarneMark Aimon PanganPatricia AlguraMark Louie LugueFrances Anna BacosaMerselle MontesPauline Bianca Ma-alatSection Writers

Prof. Gonzalo Campoamor II, PhDProf. Monica Fides Amada W. SantosCopy Editor

Prof. April PerezMadilene B. LandichoTranslators

Prof. Manuel Kristoffer GironLayout Artist

Technical Support

Christofer HizonMarifi AchicoRodrigo De La PazAgnes MejiaWally Cayetano BondocRoberto GrayMeldin NervalNoy-noy AgarinBot-bot LachecaJhowanie BondocRoberto Pojanes

Special Thanks

Ms. Jacqueline OngkingPhilippine Collegian 2006-07Olivia Kristine NietoMerce Planta, PhDRaquel Florendo, PhDVladimeir Gonzales, PhDJoey TanedoLisa ItoArt Studies 281 ClassSheign DavidGab LosteJan Paul MartinezMichaela San AndresJane O. VinculadoUP MSI-Bolinao Marine LaboratoryUP Madrigal SingersUP Streetdance ClubUP Dance CompanyUP Symphonic Band

UP Kontemporaryong Gamelan PilipinoUP IrisTVUPDZUP

Website Team

Dr. Cecilia De La PazContent Creator

Prof. Monica Fides Amada SantosSegment Writer

Prof. Louise Jashil SonidoVideographer and Video Editor

Dr. Joseph PalisConsultant

Solomon SarneCartographer

Prof. April PerezMadilene B. LandichoContent Translator

Merselle MontesProject Manager

Martin Leandro TablangKarlo Mark TablangWeb Developers

Benjamin John SagunWeb Designer

Maria Loren RiveraProject Coordinator

Ma. Giesil Carina MerinAsst. Project Coordinator

Katrina Nicole YapFrances Anna BacosaKariema BagasPauline Bianca Ma-alatResearchers

Jade CorongAngelica VillanuevaVideo Team Members

Maria Lourdes ArandiaPhoebe Mae RostrataAdministrative Support

41

BIBLIOGRAPHY

Bauzon, Leslie E., et al. University of the Philippines: the first 75 years:1908-1983. Edited by Oscar M. Alfonso. Quezon City:University of the Philippines Press, 1985.

Cañete, Reuben and Santiago Pilar. “Oblation.” In CCP Encyclopediaof Philippine Art. Manila: Cultural Center of thePhilippines, 2017.

Cañete, Reuben. “From the Sacred to the Profane: The OblationRitualized.” Humanities Diliman 6, 1-2 (2009), 1-20.

---. Sacrificial bodies: the Oblation and the political aesthetics of masculinerepresentation in Philippine visual cultures. Quezon City:University of the Philippines Press, 2012.

---. “Sacrificial bodies: the Oblation and the political aesthetics ofmasculine representations in Philippine visual cultures.”Dissertation. University of the Philippines-Diliman, 2008.

Cultural Center of the Philippines Encycopedia of Philippine Art, 2nd ed. vol. 5.Edited by Nicanor Tiongson. Manila: Cultural Center ofthe Philippines in cooperation with the Office of theChancellor, University of the Philippines Diliman, 2017.

Evangelista, Oscar L. Icons and Institutions: essays on the history of theUniversity of the Philippines, 1952-2000. Quezon City:University of the Philippines Press, 2008.

Gonzales, Narita Manuel and Gerardo T. Los Baños. UP Diliman:home and campus. Quezon City: University of thePhilippines Press, 2010.

Jose, Ricardo Trota. Celebrating the birth and rebirth of the UP College ofLiberal Arts (1910-1983). Quezon City: UP College of Artsand Sciences Alumni Foundation, 2011.

Lopez, Helen E. At the helm of UP: presidential accents. Quezon City:Office of the Secretary of the University of thePhilippines, 1999.

Morales, Mark Anthony M. “Of art, symbols, memory of place:exploring Philippine architectural and urban designcharacter coherence potentialities by utilizing UPDiliman’s built environment as model.” Espasyo: Journal ofPhilippine Architecture and Allied Arts 2, (2011): 6-17.

Official Gazette. 1908, University Archives, University of thePhilippines Diliman, Quezon City.

Ordoñez, Elmer A. Diliman: Homage to the Fifties. Quezon City:University of the Philippines Press, 2003.

Quina, Francis Paolo M. “Remembering UP Diliman: a review ofkilling the spider: memoirs of Engr. Vicente C. Ponce astold by Rolando E. Villacorte.” University of the Philippinesnewsletter, XXXII, 12, (2011): 9.

Rizal, Jose. El Filibusterismo. Translated by Patricio Mariano. Manila:Pambansang Komisyon ng Ikasandaang Taon ni JoseRizal, 1961.

Roman, Emerlinda R. Foreword to Sites and Symbols: UP Dilimanlandmarks. Quezon City: Office of the Chancellor, 2000.

The Philippinensian. 1950, Dr. Ricardo Jose Archives.The University of the Philippines: A University for Filipinos. 1984, University

Archives, University of the Philippines Diliman, QuezonCity.

University of the Philippines Quadragesimal Anniversary & Open House.Souvenir program, 1949, University Archives, Universityof the Philippines Diliman, Quezon City.

UP and the nation in the next 100 years: 1998 UP Faculty Conference report.Quezon City: UP Diliman, 1999.

“War Crimes – Manila 1945.” Youtube video, 17:24. Posted 28 July2011. https://www.youtube.com/watch?v=J9xOp8z2Q-w.

Yabes, Leopoldo. The University of the Philippines in perspective. QuezonCity: University of the Philippines, 1971.

---. Toward a greater University of the Philippines. Quezon City: Universityof the Philippines, 1912.

IMAGE CREDITS

Ben Sy retraced version of Lauro Alcala’s Slice of Life (1983).

Caruncho, Eric S., Jose Y. Dalisay, Jr., et al. Quezon City at 75: resurgent& resilient. Quezon City: Erehwon Artworld Corporation, 2014.

Carillon. XII (8). 1969.

Cultural Center of the Philippines Encyclopedia of Philippine Art, 2nd ed. vol5. Edited by Nicanor G. Tiongson. Manila: Cultural Center of thePhilippines in cooperation with the Office of the Chancellor,University of the Philippines Diliman, 2017.

Defeo, Ruben D.F., and Patrick D. Flores. Forming Lineage The NationalArtists for Visual Arts of the University of the Philippines. Quezon City:University of the Philippines Office of the President, 2008.

“Diwata-2.”Wikipedia Commons. 30 October 2018, https://en.wikipedia.org/wiki/File:Diwata-2.png.

Felix C. Dalisay archives.

“History.” University of the Philippines-Diliman. Accessed 10 February2019. https://upd.edu.ph/about/history/.

Jesie Castro comics.

Jose, Ricardo Trota. Celebrating the birth and rebirth of the UP College ofLiberal Arts (1910-1983). Quezon City: UP College of Arts andSciences Alumni Foundation, 2011.

Julian B. Santos archives.

Justice for Leonard Co Movement Facebook Page. https://www.facebook.com/pages/category/Community/Justice-for-Leonard-Co-161565593886771/

Lupang Hinirang Workshop photographs.

Manix Abrera comics.

Reuben Ramas Cañete photographs.

Ricardo Jose archives.

Roman, Erlimanda R. Foreword to Sites and Symbols: UP Dilimanlandmarks. Quezon City: Office of the Chancellor, 2000.

The Philippinensian. 1939, University Archives, University of thePhilippines Diliman, Quezon City.

The Philippinensian. 1950, Dr. Ricardo Jose Archives.

The University of the Philippines: A University for Filipinos. 1984, UniversityArchives, University of the Philippines Diliman, Quezon City.

University of the Philippines Quadragesimal Anniversary & Open House.Souvenir program, 1949, University Archives, University of thePhilippines Diliman, Quezon City.

“UP Activists during Martial Law.”Wikimedia Commons. 20 November2016, https://commons.wikimedia.org/wiki/File:UP_Activists_during_Martial_Law.png.

UP Diliman ArcGIS screenshots.

“War Crimes – Manila 1945.” Youtube video, 17:24. Posted 28 July2011. https://www.youtube.com/watch?v=J9xOp8z2Q-w.


Recommended