+ All Categories
Home > Documents > Mga Suliranin ng Wika sa Midya: Noon at Ngayon - Komisyon ...

Mga Suliranin ng Wika sa Midya: Noon at Ngayon - Komisyon ...

Date post: 22-Jan-2023
Category:
Upload: khangminh22
View: 0 times
Download: 0 times
Share this document with a friend
31
1
Transcript

1

2

3

Mga Suliranin ng Wika sa Midya: Noon at Ngayon

Howie Severino

Maraming salamat po sa paanyaya ninyo sa akin dito. Nagagalak po akong

makasama kayong mga nagmamahal sa wika at sa kapangyarihan nitong mag-

angat sa ating lahat. Ilan kayo sa mga nagtitiwala sa halaga ng katotohanan at sa

halaga ng katiyakan sa wika. Sa panahong ito, tila nanganganib na ang inyong uri.

Endangered species na kayo, ika nga.

Nais ko pong pansinin ninyo ito. Hindi po ito GMA News. Ito’y isang fake news

website, na inireklamo na po namin, pero hanggang ngayon ay nagkákalát pa rin ng

mga maling balita. Pati ang Uniform Resource Locator (URL) nito ay mukhang

lehitimo, pero ginagamit lang ang pangalan namin. Sa ngayon, wala kaming

magawa kung hindi maglabas ng mga panawagan na huwag itong paniwalaan.

Ito na po ang ating panahon at ng kalagayan ngayon ng midya. Sinasalanta

tayo sa kasalukuyan ng mga may malakas at sikát na tinig na hindi gumagamit ng

wika at midya upang isulong ang tama o magbigay ng aral. Sa halip, ginagamit nila

ang wika upang manloko, manakot, at magmura. Panahon ngayon ng kalituhan,

kung kailan, kailangan nating matiyak ang katotohanan sa gitna ng sapilitang

4

simbolismo, kinatay na balarila, at walang hábas na kalaswaan na inihahain bilang

opisyal na komunikasyon.

Ngunit ang mga ito ay problema ng wikang pantaóng dalawang libo’t labimpito

(2017).

Pag-usapan muna natin ang mga suliranin ng wika bago ang 2016. Marami

na rin ito noon pa man at hindi pa gaanong napagtutuonan ng pansin ng lipunan

maliban sa mga dalubhasang gaya ninyo. Tatlumpu’t tatlong (33) taon na akong

mamamahayag—sa campus press, sa una kong trabaho sa diyaryo, sa magasin,

telebisyon, sa balitang online, at sa social media. Halos buong karir ko ay umikot sa

pakikipagbuno sa mga tanong ukol sa wika.

Unang malaking yugto, noong edad tatlumpu pataas ako, nagsimula akong

magtanong kung bakit ang pangunahing wika ko sa aking propesyon ay Ingles.

Bilang mamamahayag sa diyaryo, bakit sa dami ng naiinterbiyu kong puro sa Filipino

ang wika, nagsasalin pa rin ako sa Ingles bago mailathala ang kanilang mga salita?

Bilang Filipino, bakit halos lahat ng likha ko noon ay sa wika ng mananakop? Marahil

dahil ang pangunahing kausap sa aking panulat ay isang maliit na grupo ng mga

makapangyarihang tao na gumagawa ng desisyon para sa nakararami. Noon pa

lang, nauunawaan ko nang naghahati sa atin ang wikang gamit ng mamamahayag

sa halip na ipagkaisa tayo.

Nagawa kong lutasin ang tunggaliang ito sa aking sarili nang sumali ako sa

The Probe Team kasama si Cheche Lazaro noong dekada nobenta. Ingles pa rin

ang wika ngunit ang programa ay nag-umpisa nang mahulí sa ratings sa telebisyon.

Isa ako sa nanghikayat kay Cheche na gumamit na ng Filipino. Aaminin kong

nahirapan din akong gumamit ng wika natin pagkatapos ng isang dekadang

paggamit ng Ingles sa midya.

Halos dalawang dekada na ang nakalilipas at nasa wikang Filipino pa rin ang

aking pamamahayag, ngunit malayo pa rin sa pagiging dalubhasa. Gayunpaman,

buo at totoo ang aking pakiramdam bilang isang mamamahayag na Filipino.

5

Mapalad akong sa yugtong ito ng aking buhay ay napagtagumpayan ko ang

ganitong tunggalian sa aking sarili.

Sa antas ng bansa naman, marami pa ring tunggalian ukol sa wika. Masakit

tanggapin na minsang sinabi ng isang kaibigan sa akin na ang ating internasyonal

na pálipáran ay wala ni isang karatula sa sarili nating wika. Sa atin lamang daw ang

ganito. Ni hindi ko man lamang ito napansin. Wari’y hindi ito mahalaga sa atin

ngunit sa mata ng dayuhan, ang ibig sabihin nito ay kawalan ng dangal at

pagpapahalaga, kawalan ng kasarinlan at pagkilala sa sarili. Alam nating lahat na

mayroon din tayong sariling mga panulat, gaya ng Baybáyin, kasintanda ng iba pang

panulat na karaniwang makikita sa Thailand, Cambodia, at Myanmar.

Ngunit ilan ba sa atin ang makagagamit ng panulat na ito maliban sa mga

logo lamang ng pamahalaan?

Pahapyaw lamang na simbolismo, pahapyaw na dangal, ngunit ito ay

yamang-likas sa atin na maaaring kayang ipahiwatig ang nasa puso nating mga

Filipino. May ilang Filipinong nakapagtuturo ng Baybáyin, ngunit wala pa ring

mandato na dapat aralin ito ng bawat Filipino. Napakaganda sana ng pahinang

lalapatan ng mga talatang sulat sa Baybáyin.

Maaaring isang araw, kung papalarin, magkakaroon tayo ng balitang online

na nasa sarili nating panulat, na magpápaalám sa marami ng pagkadakila ng mga

letrang sariling atin. Kaya itong gawin sa isang henerasyon lamang kung mayroon

tayong sapat na pagmamahal sa sinauna nating panulat. Ngunit pangmatagalang

proyekto ‘yan. Mas madalas kong isipin ang kalagayan ng wikang gamit natin

ngayon.

Kung pakikinggan nang malaliman, ito ay hindi puro at puno ng hiram sa iba.

Halong banyaga at iba’t ibang wika ang maririnig. Ngunit ito ba talaga ay maling

paghahalo o ito na ang kinahinatnanng paghubog ng wika?

Sa aming mga mamamahayag, minsan ding pinag-uusapan ang mga tanong

na ganito, hindi lamang bilang usaping pambansang pagkakakilanlan, ngunit bilang

6

isyu ng estilo, at pagiging malinaw. Paano kami paniniwalaan sa sinasabi naming

katotohanan kung ang mga pamantayan namin ng wika ay malabnaw at pabaya?

Halimbawa na lang, paano dapat sasabihin ang taon sa balita – Ingles,

Filipino o Kastila? Twenty seventeen, dalawang libo’t labimpito, o dos mil diyes y

siyete?

Talastasan pa rin iyan sa mga newsroom, ngunit kasalukuyan ay lamáng ang

Ingles at twenty seventeen, dahil mas madalas daw gamit sa mga kumbersasyon.

Ganoon din ang basehan kung bakit June six ang mas ginagamit, at hindi ikaanim

ng Hunyo.

Pero maaaring hindi ito nagiging kumbersasyonal dahil hindi nga ginagamit

ng midya.

Ano ba dapat gawin ng midya, bumabâ sa pinakamababaw na pamantayan

na naiintindihan ng lahat? Kung ganoon hindi ba natin ipinagwawalang bahala ang

ating tungkuling palalimin, payabungin, at paunlarin ang pang-araw-araw na

paggamit ng wika?

Dapat bang ang midya ay sumusunod lamang o nagbubunsod ng mas

mataas na pamantayan?

Kahit pa gumagamit ng sariling wika, nakalulusot ang mga imbentong salita

dahil madalas mas nag-iisip tayo sa Ingles. Nitong nakaraan lamang, may isang

reporter sa telebisyon ang gumamit ng pariralang “presensiya ng militar.” Dahil ang

nasa isip niya ay “military presence.”

Nagiging karaniwan na ba ang isina-Filipinong Ingles at hindi na tayo

magpipilit hagilapin ang mas angkop na salita na matagal na naman tayong mayroon

at madaling maintindihan?

Gaya ng “level” kung maaaring sabihing antas, suriin sa halip na ribyuhin,

kuwestiyunin sa halip na mas simpleng tanungin. At lalo na ang nakadidiring jumoin

sa halip na sumali.

7

Itong pakikiuso at pagpili ng mas madali ay bahagi ng nakararami sa

henerasyon na sanay sa texting at social media.

Ngunit kailangan nating tanungin ang sarili – ang pagiging napapanahon ba

ay pagiging “jeje” o pagiging tambulig ng pagtataas ng antas sa panahong

kailangang-kailangan ang pangunguna at pamumuno sa pinakamakabuluhang

paraan?

Hindi ba’t kailangan nating malaman kung ano ang tama, at isulong ito sa

madla sa halip na payagang ang madla ang magtakda ng pamantayan ng wika?

Sabi nga ng nobelistang si Leo Tolstoy, ang pagkakamali ay hindi nagiging

tama dahil lang marami ang gumagawa nito.

At ito ang yugto ng marami nating suliranin sa wika sa panahong ito.

Bilang mamamahayag, hindi lamang ako nangungusap. Nagtatakda rin ako

ng paraan upang marinig ang iba’t ibang tinig ng lipunan, lalo na sa mga walang

kumakatawan, na walang ibang paraan kung hindi midya upang makita sila bilang

kapantay na bahagi ng lipunan.

Ngunit ang pinapanood at tinututukan ng marami, kung kaya’t ‘yan din ang

ibinababad ng midya, ay ang mga gumagamit ng wika upang magbanta, manakot, at

magpakita ng kapangyarihan.

Ano na ngayon ang papel ng midya sa panahong ang opisyal na pahayag ng

mga namumuno ay may pagmumura at pagbabanta ng pagpatay? Ano ang

puwedeng gawin sa pampublikong wika na punô ng karahasan at pagpapababa ng

halaga ng búhay at paggalang sa mamamayan?

Dapat pa rin bang ilathala ang mga katagang sa tingin namin ay

magbubunsod ng panganib sa iba? Kasalukuyan naming binubuno ang ganitong

mga tanong.

8

May nagmungkahing hindi na ipalabas ng live ang ibang talumpati, para

maalis ang mga pagmumura bago umere. Ngunit kakailanganin niyan ang isang

kasunduan ng mga network na hindi madaling gawin, lalo na marami nang ibang

paraan para magpalabas ng live video. At marami pa rin ang nagsasabing hindi

dapat pigilin ang balita anumang epekto nito.

Mahirap hulaan ang pagkasirang nangyayari sa kultura, ngunit bilang

tagapagturo at tagapaghubog, alam nating lahat dito ang kapangyarihan ng

halimbawa.

Kami sa midya ay karaniwan nang napagbubuntunan ng pagbabanta.

Nakikita na ng iba ang epekto nito sa mga bata – ang paggamit ng marahas na

pananalita.

Marami sa atin ay may mga anak at nag-aalala kung ano ang sinasabi natin

na maaaring magaya nila.

Ito’y isang drawing ng bata na ipinadala sa akin ng isang Social Studies

teacher. Sabi ng bata sa drawing, “kailangang pumatay para sa katahimikan ng

mundo.”

9

Gamit ang kapangyarihan ng social media, maaaring mapahamak o

makapahamak ang mga bata. Ngayon kasi, halos lahat ng may hawak ng

kapangyarihang ito ay para na ring mass media sa lawak ng maaaring marating.

Tiyak ang iba sa inyo ay nakita na ang Instagram post na puro mura ng isang

kilaláng batang labintatlong gulang pa lamang, bilang sagot sa pumuna sa kaniya sa

social media. Gaya ng marami, hinusgahan ko rin agad siya sa aking isip. Pero

bilang ama, ako ay nalungkot para sa kaniya, dahil baka matagal niyang kakargahin

ang reputasyong nabuo hanggang sa pagtanda niya. Hindi niya ito kasalanan. Gaya

ng maraming kabataan ngayon, sumunod lamang siya sa halimbawa ng

nakatatanda.

Ano dapat ang payo sa kaniya bago sana sagutin ang bumatikos sa kaniya:

Ito ang payo ng maraming guro at magulang – huwag pumatol.

Tandaan nating Ginto ang Katahimikan. Sa Ingles ay mum—M-U-M—pero

mas maganda sa Filipino—tiimbagang. Huwag sumagot kung galit. Maghintay na

kumalma muna. Mag-isip bago kumilos. Think before you click. Magandang payo

‘yan hindi lang para sa mga bata.

Kagyat ang pangangailangan sa magandang halimbawa. Kapag ang mali ay

ginagawa nang tama sa pambansang entablado, kailangan natin ng mga halimbawa

ng paggawa ng nararapat at pagsita sa mali. Lalo na sa paggamit ng wika na maaari

namang magpaangat, magbigay ng dangal, at maging matinik. Kung hindi tayo lilihis

sa ating tungkulin, matatapos din ang panahon ng mga trolls, at makakaraos din

tayo bilang nanganganib na espesye.

Maraming salamat po at mabuhay kayong lahat.

10

Siyokì, Sward, Bading, Beki: Wika at Pagbabago ng Seksuwalidad at Lipunan

Michael L. Tan, PhD

Mga pananaw sa pag-aaral ng sward language, bekispeak

Deskriptibong lexical: Mga imbentaryo, listahan. May elemento ng exoticism:

nakatutuwa naman.

Lingguwistiko: etymology, kung saan nanggaling ang mga salita. Syntax. Hal.

Beki, bekibels, baby backribs, o ano pa, ano fa, fa, faflu… Pati na ang

phonetics: maraming “i” at “v” para sa hyper-feminization ng mukha sa “ipis

talk” (cf Manansala 1995:203).

Analisis ng kritikong diskurso (Critical discourse analysis): dinidiin ang mga

sosyohistorikal na konteksto, kasama ang mga ugnayan ng kapangyarihan.

Ideolohiya ng wika.

Kritikong Diskurso

Mula kay Boellestorff, Tom. “Gay” Language and Indonesia: Registering

Belonging. J. Linguistic Anthropology 14(2):248-268. 2004.

Ang Bahasa binan, bahasa bencong, bahasa waria hindi katulad ng mga

ibang slang na cryptodialects (secret language) kung hindi language of

belonging, of inclusiveness. At ang mga diyalekto na ito ay pumapasok sa

pambansang wika at kulturang popular.

Suliranin ng Saliksik (Research Problem)

Ang dagdag ko rito, ang mga wikang kabadingan (swardspeak hanggang

bekispeak) ay mga salamin sa pagbabago ng lipunan, lalo pa ang pagtingin sa

kabadingan.

11

SOGIE: Sexual Orientation and Gender Identity or Expression

LGBTxxxx, Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender, Queer, Intersex, Asexual, at

iba pa.

Mga Puna

Ano nga itong alphabet soup? Mga gender (kasarian) ba? Sexual

orientation? Hanggang ilan ba? (Facebook UK and Facebook US: higit sa

50, meron pang None of the above. Ano nga ang “identity”? “Expression”.

Maging “nominalism” ba ito: empty names and labels?

Tama naman na hindi binary ang kasarian. Kahit sa henetiká (genetics),

napakaraming mga “genotypes” (XX, XY, XO, XXX, atbp) at phenotypes. Lalo

pang salimuot kung kasama ang “culturally constructed categories”.

Ang Karanasan sa Kanluran

Kahit ang LGBT at SOGIE ay produkto ng lipunan at kasaysayan sa kanluran.

Ang “homoseksuwal” at “heteroseksuwal” ay produkto ng medisina sa Aleman

at ang dinidiin ay psychopathology.

Marginalized ang homoseksuwal sa relihyon, sa batas, sa medisina. Ang

lesbian ay “invisibilized”: hindi sinama sa batas kasi hindi naniniwala ang

Queen Victoria na puwedeng magkaroon ng lesbian.

1960s: “gay” (slang na salita) movement. Stonewall riots. Tuloy-tuloy na ang

pag-unlad ng ”sexual rights”: anti-discrimination laws, same-sex unions,

marriages, transgender identities.

Vocabulario de la Lengua Tagala ni P. Juan de Noceda at P. Pedro de Sanlucar

1754:

Binabayi Bakla

Gallo como gallina, hermafrodita. Enlabiar, enganar con lustre o

hermosura.

12

Tandang na katulad ng inahing manok.

Binabae.

Mang-akit, manlinlang sa pamamagitan

ng kabantugan o kagandahan.

Binabae (hennie)

Hen feathering in cocks is the occurrence of a genetically conditioned character in

domestic fowl (Gallus gallus domesticus). Males with this condition develop a

female-type plumage, although otherwise look and respond as virile males. (Female

type: longer, sharper, more scalloped)

13

Alimangong Bakla

14

Bakla

(hindi pala babae+lalaki, katulad ng bayot babae+oten o Bahasa Indonesia

waria pria (lalake)+wanita (babae)

Florante at Laura: “lack of resolve” daw

Casaysayan nang Pasiong Mahal ni Jesucristong Panginoon Natin na Sucat

Ipag-alab nang Puso nang Sinomang Babasa Si Cristo'y nabacla ("Christ was

confused").

Asug, babaylan

Although their priestesses were ordinarily women selected by the devil, as we

shall tell later, some effeminate men were also chosen by him and were called asug

in their antiquity. What they commonly say about these asug is that they were

impotent men (hombres impotentes) and incapable of entering into marriage. So

they never married; but rather they used women as a shield to better hide their

deficiency and consorted (llegaban) more with men than with women. If, per chance,

they were hermaphrodites they were not able to tell, since in their ancient times they

did not have knowledge about such individuals. (Alcina 1668 3:259)

Alcina at ang asug

He was so effeminate that in everything he looked more like a woman than a

man… He did all the things that the women do, such as weaving blankets,

embroidering, sewing, clothing, making pottery… He also danced as well as they did

and never like a man… He fled from the women altogether, so much so that he did

not even allow his own relatives to be near him, especially when sleeping. Similarly,

he also shunned men; he would never allow himself to be touched, nor would he

even bathe in anyone’s presence… I confessed him sometimes in such a manner

and obtained satisfactory knowledge about his sins; however, as regards to the sixth

commandment, nothing has surfaced at all…

15

Sa siglong 20, may mga bagong salita:

Siyokì. Mula sa Minnan (Hokkien) 小(mahina, maliit) 气(qi o chi, essential

force). Siyokì: mahina ang loob. Bihira na ang gamit dito, pati na ang siyokoy

(lalaking sirena) at shokla (siyokì + bakla).

Biniboy (binibini + boy). Mas tinutukoy ang transvestites na sex worker.

Bakla (alanganin pa rin, ngunit mas tinutukoy ang lalaking may katangiang

babae (o may pusong babae, pusong mamon).

Sward (etimolohiya?) at swardspeak

Bading, badaf (etimolohiya?)

Beki, beks, bekibels (etimolohiya?)

Pasók ang “Gay”: pang-uri sa Kanluran, pangngalan sa Filipino

Gay, bilang pang-uri, bahagi ng identity politics. Gay movement, gay pride.

Taglish gay: I am gay. Bakla ako.

Ang mahalaga dito: umaalis sa mga exonym (pangalan o label na galing sa

labas) papuntang endonym. Hindi na bakla ka, kundi bakla ako.

Seksuwalidad, seksuwal na oryentasyon

Ang bakla ay “third sex”. Ang bakla ay

para sa lalaki. Hindi puwedeng bakla sa

bakla kasi ito’y pompiyangan. Kikidlat,

lilindol.

Uri (class) ang nagtutulak ng pag-iiba

(differentiation)

Sa working class, ang bakla ay ang bakla.

Nanganak pa nga ang bakla ng “baklita”.

16

Sa LGBT, ang bakla ay naging transgender. Malakas ang teknolohiya ng

sarili: paggamit ng ”pills” na contraceptives at anti-acne (estrogen + anti-

androgen), silicone. “Girl ako”. (Naririnig mo ba ang “I Am Woman?”) UP

Babaylan: Bakla Ako. May problema ba yan?

Pag-iiba ng class

Sa talkative classes, “I am gay. Hindi ako parlorista.” Silahis, bi, discreet.

Puwedeng gay sa gay (hindi kikidlat).

Ano ba itong silahis?

Silahis, biseksuwal… Discreet.

Paminta (mula sa “min” o lalake; pa-min) buo vs. durog.

Disclosure and detection. Baka matanso.

Kahit sa Kanluran, may kaba: today’s trade, tomorrow’s competition.

Mula sa 1980s, politics of gaydar

Mga tanda ng kabaklahan, ngunit nasira ang gaydar kasi may metroseksuwal

na.

Buhok

Damit

Kutis

Kuko

Pinkie Amador

Barbra Streisand

Amoy na amoy

Naamoy mo ba? (Ano nga ang inaamoy?)

Baka MSM siya (men who have sex with men), na galing sa programang

kontra HIV/AIDS.

17

Hindi na ito isyu ng mga bading kung hindi mga babae. (pelikulang Bakit

Lahat ng Guwapo may Boyfriend?)

Mula sa kabinet, papuntang ladlaran (pagladlad ng capa). Ito’y proseso, kaya

“magbibigay na, 66%” hanggang sa kumpirmado (alam na ng madla pero

hindi pa alam ng bakla)

Pagbabago sa wikang bading

Endonym: ikaw ay siyokì.

Endonym: Ako’y beki. Wika ko ito. Let me entertain you (kaya comedy bars).

Subdialect: Biyukon (beauty contests)

Pangladlad “outing”. Miss

China. Miss Thailand.

Pagentry at

performance.

(Kailangang pag-

aralan din ang mga

umuusbong na

pageants na

panlalake (na

maraming paminta)

Kompetisyon.

Gretchen Carlson, the

chairwoman of the

Miss America board of

directors, announced

on "Good Morning

America" that the

event will no longer

feature a swimsuit

portion. Miss America

18

will be a competition, not a pageant, Carlson said on the show Tuesday. CNN,

5 June 2018)

Nauna ang Pilipinas dito. May Showtime Miss Q&A tayo.

Adyenda ng Saliksik

Context-based discourse analysis, kasama na ang makasaysayang sosyal at

ekonomiyang politikal.

Kailangang maging mas malawak ang lingguwistikong pananaliksik, kasama

na ang paralanguage (tone, volume), proxemics (body distance), at body

language. At mga diskurso sa social media.

Kailangan ng mga saliksik sa lesbian, makasaysayang sosyal at sa iba’t ibang

konteksto.

Integrative na pananaliksik: katawan, damdamin, at wika: kilabot at kembot.

Kailangan ng “compare and contrast” na pag-aaral, halimbawa “pare talk” v.

bekispeak, kasama na mga genre (chika-chika, heart to heart). Iba ang

homosociality at homoeroticism.

Abangan ang libro (sana) ni Josefina Josef tungkol sa Bontok at ang mga

minamagkit (“like a maiden”), kasama na ang “ethnogenesis” ng kabaklaan (o

kabadingan) sa konteksto ng parlor. Napakaganda nga ng terminong “silver

swan” para sa biseksuwal: “puwedeng isawsaw kahit saan, kahit ano”.

19

Katutubong Musika Sa Pilipinas

Ramon P. Santos, Ph.D.

I. Mga Sulyap Pangkasaysayan ng Kulturang Filipino

Ang pangmaramihang kultura na umiiral sa Pilipinas sa kasalukuyan ay

bunga ng kasaysayan at kapaligiran (heograpiya, topograpiya, atbp.) at ang

pakikitungo at pakikipagpalitan ng kalinangan sa iba’t ibang lipunan sa labas ng

hangganan ng ating bansa. Ang ilan sa mga kaganapan sa ating kasaysayan ay

maaari sariwain sa puntong ito.

1. Ang mga sinaunang nanirahan dito sa Pilipinas ay pawang galing sa kalakhan

at mga pulo ng Timog Silangang Asya. Ang mga dumating dito ay mula sa

iba’t ibang pamayanan, komunidad, at mga pamilya, na may kani-kaniyang

gawi, mga batas, at sari-saring paniniwala at relihiyon, at iba-ibang

ekspresyon at mga sining.

2. Sa loob ng ika-10 dantaon, isang dinamikong pakikipag-ugnay pangkalahatan

ang nangibabaw sa gitna ng mga taong buhat sa “Ma-I” (na ngayon ay kilala

bilang Mindoro) at sa mga Tsino, mga Indones, at mga mangangalakal na

Arabo. Ang ganitong ugnayan ay nagbunga hindi lamang ng pagpapalitan ng

mga kalakal kung hindi na rin ang pagpapalitan ng mga kaalaman tungkol sa

relihiyon at iba’t ibang aspekto ng buhay panlipunan. Ang Hinduismo,

halimbawa, ay nakarating sa mga pulong ito sa pamamagitan ng Indonesia at

iba pang mga Asyatikong nanampalataya, na nagdulot ng mga bakas ng

konseptong Hinduismo, mga katagang Hindu, mga huwaran ng pag-aasal,

isang sistema ng pagsulat base sa Sanskrit, iba’t ibang kagamitan,

pananamit, at iba pang bagay-bagay.

HALIMBAWA 1: (Mga KULILING, SINAUNANG ALPABETO, atbp.)

20

3. Noong ika 14 dantaon, ipinakilala ang Islam sa pinakatimog na isla ng Sulu.

Ang isa sa mga kinikilalang guro ng Islam ay isang Arabong paham na

nagngangalang Makhdum Karim. Ang bagong relihiyon ay tinanggap ng iba’t

ibang komunidad sa iba’t ibang panahon at pagkakataon, kung kaya, ang

mga pagsasaloob dito ay sari-sari ang antas ng kasidhian. Sa gayon, ang

ilang kaugaliang hindi pang-Islam ay ipinalagay ng pang-Islam at ang mga

sining ng mga nakatatandang bansang Islam ay lalong pinayaman ang mga

katutubong ekspresyon. (Majul:1976)

HALIMBAWA 2 (PERSIAN RADIF/KANTAHING TAUSUG)

4. Sa loob ng taóng 1521 at 1898, ang Pilipinas ay nabuo bilang isang kolonya

ng España. Ang pagsakop ng España ay nabuo sa pamamagitan ng

pagsampalataya ng mga katutubo sa Kristiyanismo. Kawili-wiling isipin na

ang dramatikong pagbanyuhay pangkultura ay naisagawa sa pamamagitan

ng pagtuturo sa mga katutubo ng tatlong mahahalagang bagay: relihiyon,

wikang Español, at musika. Ang mga prayle, na hindi lang iilan ang mga

batikang musiko at mga bihasang tagagawa ng organo, ay tinuruan ang mga

katutubo na magbasa ng nota, na kumanta, at tumugtog ng instrumento. Ang

mga kumbento ang nagsilbing akademya at konserbatoryo ng musika. Ang

iilang mga lugar lamang sa timog at mga bulbunduking mahirap marating ang

hindi inabot ng pagdatal ng kulturang kanluranin.

5. Noong 1989, ang Pilipinas ay isinuko at naging kolonya ng Estados Unidos sa

pamamagitan ng Kasunduan ng Paris. Ang rehimeng Amerikano ay nagtayo

ng bagong pamahalaan, isang bagong konsepto ng kabuhayan, nagtatag ng

sistema ng publikong edukasyon, at nagbuo ng isang kapaligirang panlipunan

na nagsulong sa iba’t ibang porma ng libangang pangmadla – sayawang

panlipunan, iba’t ibang palabras, radyo, at pelikula. Natutuhan ng mga Filipino

ang musika sa mga programadong kurikulum sa mga konserbatoryo at

akademyang pangmusika. Sa publikong paaralan, mga awiting-bayan at

bagong kathang musika ang itinuro sa pamamagitan ng mga pamantayang

kanluranin sa karunungang pangmusika at pagganap.

21

II. Pangkalahatang Klasipikasyon ng Kulturang Pangmusika sa Pilipinas

Base sa nabanggit na maikling ulat pangkasaysayan, ang mga kulturang

pangmusika ng Pilipinas ay maaaring hatiin sa anim na kumpol ng iba’t ibang etniko

at komunidad pang-wika, base sa magkahalintulad na aspekto ng kanilang

kasaysayang pangkultura, heograpiya, magkaangkang pormang pansining, mga

kulturang pangkasangkapan, atbp.

Ang unang apat na kumpol ay kumakatawan sa mga kulturang bulubundukin

sa hilagang Luzon, sa Kalagitnaang Kanluran sa kapuluan ng Palawan at Mindoro,

Silangang Mindanao, at iba’t ibang tribu ng Aeta at Negrito sa Luzon at Visayas.

Bagama’t marami sa mga komunidad na ito ay nagpalit na ng relihiyon sa iba’t ibang

paniniwalang Kristiyano at sa Islam, at ang kanilang pamumuhay ay nakisama na rin

sa buhay panilipunan at kabuhayan ng mga komunidad sa kapatagan, ang kanilang

mga sinaunang tradisyon sa musika ay laganap pa rin. Ang ilang kabihasnang

animistiko at anitistiko (Hislop 1971) ay ginagawa hanggang ngayon, kahit na hindi

kasing laganap o bukás kagaya ng dati. Sa mga ganitong katutubong kultura, ang

musika ay bahagi ng siklo ng buhay tulad ng inisasyon, panliligaw, kasalan, libing,

mga ritwal pang-agrikultura, kasunduang pangkapayapaan, at mga anibersaryo. Ang

musika ay tinutugtog kahit na sa matatalik na pagkakataon tulad ng pagbabantay sa

bukid o sa pagpapatulog ng bata.

Ang mga kulturang Islam naman ay matatagpuan sa mga dalampasigan at

mga kapatagan sa isla ng Mandanao. Ang kanilang mga musika ay buháy na bago

pa dumating ang Islam, mga musikang pinaghalong musikang pamayanan at musika

sa korte, na nagmula pa sa mga ika-10 dantaon o mas maaga pa. Bagama’t limitado

sa paningin ng Islam ang papel ng musika sa buhay, ang mga kulturang pangmusika

ng mga komunidad na ito ay nananatiling mahalagang elemento sa buhay

panlipunan at pinagmumulan ng kanilang katutubong identidad.

Ang pang-anim na kumpol ay binubuo ng mga Kristiyanong komunidad sa

mga bayan na malayo sa mga siyudad at sentro ng mga bayan. Ang ganitong

pagkakahiwalay ay nagdulot ng papel sa paghubog ng kultura ng mga lipunang

Kristiyano sa mga bayan kung saan ang mga palaisipang kanluranin ay hindi

22

gaanong naniig, ngunit binago ayon sa mga istruktura at institusyong panlipunan.

Bagama’t ang karamihan sa kanilang gawaing panlipunan ay napalitan na ng mga

gawaing nakuha at inangkop sa Kristiyanismo tulad ng mga piyesta, ang

Kuwaresma, at iba pa, ang ibang aspekto ng kanilang pre-Kristiyanong kultura ay

naroon pa rin kahit hindi agad makikita ang mga ito. Sa larangan ng musika, ang

mga praktis ay nagpapamalas ng iba’t ibang antas ng akulturasyon at paghahalo ng

mga elementong kanluranin at di-kanluranin.

Ang mga lungsod ay may sariling kumpol, ang ikapito sa ating talaan, at sila

ay makikilala sa lakas ng impluwensiya ng kulturang kanluranin sa kanilang mga

gawaing panlipunan.

Sa ating kasalukuyang talakayan, ating pagtutuonan ng pansin ang unang

anim na kumpol na ang mga tradisyong oral ang nangingibabaw sa kanilang mga

gawaing pangmusika.

III. Klasipikasyon at distribusyon ng mga instrumento, mga pormang pantinig,

at iba pang uri ng pagganap

Sang-ayon sa mga nabanggit na mga kumpol-pangkultura, ating bigyan ng

mabilis na sulyap ang distribusyon ng mga instrumento, isang malawakang pag-uuri

ng mga instrumentong pangmusika at pantinig, mga paraan sa pagganap, mga

repertoryo, at iba pang pangkalahatang katangian.

I. MGA INSTRUMENTO

a) Mga instrumentong buháy pa buhat pa sa panahong bago dumating ang

Islam at Krsitiyanismo na kabilang sa mga pamilya ng instrumento sa Timog

Silangang Asya (kasama na ang Tsina) at Osyanya.

Kumpol 1 – mga gong na lapad, mga sitarang kawayan, iba’t ibang

haba ng plawta at bokadúra, plawtang pang-ilong, arpang pambibig na

gawa sa metal at kawayan, tambol na hugis balisungsóng, mga

sitarang kawayan at kahoy, balingbíng, patang-ug, tongátong.

23

Kumpol 2 – mga gong na may umbok (babandír at águng), arpang

pambibig, mga plawta, tambol, at sitarang kawayan.

Kumpol 3 – mga gong na may umbok na nakasabit, arpang pambibig,

trosong tambol, lútang may dalawang bagting, sitarang kawayan,

katutubong biyolin, perkusyong kahoy, at trumpetang kabibi, tambol na

dalawa ang mukha.

Kumpol 4 – katutubong biyolin, arpang pambibig.

Kumpol 5 – gong na may umbok, arpang pambibig, mga plawta, lútang

may dalawang bagting, pakaskas, tambol na hugis baso, sitara, biyolin,

gabang

Kumpol 6 – tambol na hugis baso, mga patpat, arpa, gitara, mga

instrumento ng rondalla, mga plawtang kawayan, mga instrumentong

kanluranin na gawa sa kawayan

b) Ang mga instrumentong ibinagay sa kanluranin ay matatagpuan sa mga

Kristiyanong pook tulad ng arpa, gitara, mga instrumentong kinukulbit, mga

tansong instrumento na gawa sa kawayan, at mga plawta. Ngunit ang ibang

instrumentong hango sa kanluran ay matatagpuan din sa ilang kumpol na di-

Kristiyano, tulad ng biyula ng Tausug at gitaha ng mga Negrito.

c) Ang pagtotono ng mga instrumento tulad ng bumbong at anklung ay

ibinagay na rin sa “equal temperament” ng kanluran.

Ang mga nabanggit na instrumento ay tinutugtog bilang isang pangkatan o

isahan o solo, at paiba-iba ito ayon sa kultura. Sa pangkalahatan, ang tugtugang

pangkatan ay isanasagawa sa mga pangyayaring pangkomunidad tulad ng

pagdiriwang, kasalan, paglilibing, atbp; habang ang tugtugang pang-isa ay ginagawa

sa mga matatalik na okasyon.

24

HALIMBAWA: GANGSA; Yakan KULINTANGAN; KUDYAPI solo

2. MUSIKANG PANTINIG

Sapagkat bawat komunidad ay may kani-kanilang espesipikong repertoryo ng

musikang pantinig, ilalahad na lang dito ang mga pangkalahatang klasipikasyon ng

mga porma at istilo ng pagganap ayon sa mga kumpol.

Kumpol 1, 2, 3, 4 –

- Pagganap na solo sa mga umiiral na teksto sa mga umiiral na himig – mga

uyayi, epiko, mga kantang pangritwal, atbp.

- Solo na may saliw para sa mga istropikong kanta, mga kantang

pampamayanan, mga balad na alegorikal, na may umiiral na teksto.

- lider-koro sa mga kantang istropiko na walang handang teksto

- Kantang panggrupo tulad ng kanta sa paggawa

Kumpol 5

- solong pagganap sa awiting-bayan, epiko, mga kantang panrelihiyon, mga

lamentasyon, talumpati

- debate

Kumpol 6

- Solong pagganap sa mga pampatulog ng bata, mga kantang ritwal,

lamentasyon, mga kantang istropiko sa iba’t ibang okasyon

- Solo na may saliw na instrumento sa mga awit ng pag-ibig, awiting-bayan,

mga kantang walang handang teksto, mga kuwento tulad ng awit at korido.

- Lider-koro sa mga musika na para-liturhiya (pasyon, litany, atbp)

- Kanta para sa grupo tulad ng sa paggawa, mga harana, atbp.

- Mga kanta para sa teatro: senakulo, komedya, mga sarsuwela, atbp.

IV. Mga Kontekstong Panlipunan

Ang musika at mga gawaing pangmusika ay nagsisilbi sa iba’t ibang

pangangailangan sa buhay ng isang nilalang at sa lipunang kabahagi siya. Ang mga

25

klase ng pangangailangan ay maaaring espiritwal, pisikal, materyal, o mga

kombinasyon nila. Hindi maihihiwalay ang musika sa kaniyang panlabas na

konteksto, maging iyan ay may kinalaman sa pagkatha ng musika, o sa iba pang

mga bagay.

Sa ating pagtunghay sa iba’t ibang uri ng musika sa ating mga tradisyong

pangkultura, makikita natin na ang ilan sa kanila ay ginagamit sa iba’t ibang gawain,

na ang ibig sabihin ay ginaganap ang musika para sa mga espesipikong okasyon,

na kung gagawin sa labas ng mga ito ay mawawalan ng katuturan ang mga ganitong

musika.

Ang ilang halimbawa sa kategoryang ito ay mga kanta sa pagpapatulog ng

bata, mga kanta sa panliligaw, mga pangyayari sa siklo ng buhay, mga ritwal

panrelihiyon. [Sa mga Yakan ng Basilan, ang kwintangan kayu, mga kahoy na

nakabitin, ay tinutugtog ng walang tigil matapos ipunla ang mga buto sa lupa,

hanggang ang mga ito ay umusbong bilang halaman. Ang ibig sabihin nito’y isang

metapisikong komunikasyon ang isinasagawa sa gitna ng tunog ng mga kahoy at

ang buháy na binhi.]

HALIMBAWA: Yakan Kwintangan Kayu

[Isa pang halimbawa ay ang pagtugtog ng mga bangíbang ng mga Ifugao na

ginagawa lang sa paglilibing sa isang pinaslang na kinakatawan din ng paghihiganti.]

[At ganoon din ang Pasyon na kinakanta lamang sa panahon ng Kuwaresma.]

Ang isa pang kategorya ng musika ay yaong ginaganap para sa iba’t ibang

okasyon. Ang mga ito ay makikilala sa mga istruktura nila, o sa istilo ng pagganap.

Sa musikang pantinig, ang teksto ay di-nakahanda, upang umangkop sa okasyon na

pinaggaganapan. Ang ilang halimbawa ay ang badiw ng mga Ibaloy na ginaganap

sa anumang okasyon o pagdiriwang; ang báyok ng mga Mëranaw ay isang uri na

kinakantang talumpati; at ang tagunggo ng mga Maguindanao ay tinutugtog sa mga

dinadakilang okasyon.

26

Ang pangatlong kategorya ay mga musikang ginaganap sa anumang gawaing

panlipunan. Ito ay mga awiting-bayan, epiko, at iba pang uri ng pagkukuwento, mga

alegorikal ng mga awit, at sari-saring musikang pang-instrumento para sa mga

matatalik na okasyon.

Sa ating pagtalakay sa kontekstong panlipunan ng musika, hindi lamang natin

isinasaalang-alang kung saan o kailan ito ginaganap, kung hindi na rin ang mga

táong gumaganap sa mga ito. Sa mga Mëranaw halimbawa, ang kulintang ay

tinutugtog ng isang dalaga at ang dabakan o tambol ay tinutugtog ng lalaki.

Sapagkat ang musika nito ay hindi lang tunog kung hindi isang uri ng pag-uusap sa

pagitan ng isang babae at isang lalaki na kung minsan’y nauuwi sa pagliligawan at

kasalan (Cadar, p.59). Sa mga Tinggian ng Abra, ang plawta ay isang instrumentong

panlalaki, sapagkat ito ay malimit na ginagamit sa panliligaw at kinakatawan nito ang

pagkalalaki ng isang tao upang ipakilala ang katangiang ito sa mga magulang ng

babae. Sa mga Ibaloy ng Benguet, ang karapatang gumanap sa badiw, ang

pinakatampok na tulang pangmusika sa komunidad, ay ipinapataw sa matatanda at

pinagpipitagang mga lalaki ng lipunan. Ang kababaihan ang siyang nag-uulit ng

mga sinasambit ng man-badiw o nagbabadiw sa isang mahimig na koro1.

HALIMBAWA: Badiw

Itong maikling talakay sa kontekstong panlipunan ng mga tradisyonal na

kulturang pangmusika ay may layuning maipabatid sa atin ang hindi mapagkakailang

ugnayan ng musika, mga okasyon at kapaligiran, at pinakamahalaga, sa mga tao.

Ang susunod na bahagi nitong panayam ay hinggil sa mga istruktura ng

musika at mga istilo ng pagganap kaugnay sa pagpapahalagang panlipunan, pati na

ang mga parametro ng sining, komunikasyon, at estetika.

V. Konseptong Pangmusika, Istruktura at Istilo sa Pagganap.

1 See Ramon Santos “Badiw, Bayok: Poetry and Oratory as Filipino Musical Culture”, Tunugan: Four Essays on Filipino Music.

27

Ang bawat tradisyong pangkultura ay may sariling konseptong pangmusika at

pagpapahalagang pang-estetika na nagbibigay ng hugis at kalamnan sa iba’t ibang

paglalahad ng damdamin na tinatawag nating katangiang “pangmusika”. Sa ibang

kultura, ang konsepto ng musika bilang pinakikinggan at dinadamdam, ay maaaring

hindi tama sa lahat ng kaso. Sa maraming pagkakataon, ang tinatawag nating

“pangmusika” o ang elemento ng tunog sa isang masining na gawain ay isang

bahagi lamang ng kabuoan. Sa maraming musikang pantinig, ang teksto ay

nagbibigay ng pinakamahalagang kalamnan kaysa tunog. Tunghayan natin ang ilan

pang halimbawa.

Ang pagganap sa gangsa palook (lapad na gong na pinapalo ng patpat) sa

mga Kalinga ay halos walang katuturan kung hindi ito isinasayaw ng mga

tumutugtog. Ang konsepto ng pagtugtog ng gangsa ay hindi lamang tunog, kung

hindi kasama ang paggalaw sa isang kapaligiran, kung kaya, tinutupad nito ang

simulain bilang isang ekspresyong pangkomunidad.

Katulad din nito ang tradisyonal na pandanggo ng mga Tagalog - isang

diyalogong pangmusika ng pagliligawan ng isang lalaki at isang babae. Sumasayaw

sila nang paikot sa saliw ng isang gitara. Ngunit ang ligawang ito ay walang bisa

kung wala ang kantiyawan, sigawan at palakpakan ng isang madla, na naghahagis

ng mga barya sa dalawang gumaganap. Sa ibang pagkakataon, ang ilang musikang

pantinig ay higit ang papel ng tula at retorika kaysa tunog, tulad ng badiw, ang ading

ng mga Kalinga, at báyok ng mga Mëranaw. Sa uri ng ganitong mga ekspresyong

pantinig, ang teksto na inisip, pati ang katangian ng tinig, at ang anyo ng umaawit ay

higit na mahalaga kaysa himig.

HALIMBAWA: (GANGSA PLAYING; PANDANGO; BAYOK)

Ang ilang halimbawang ito ay nagpapakita ng isang pangunahing katangian

ng mga katutubong musika – ang kaniyang pagsasama sa iba’t ibang elementong

pansining, sa pagbibigay nito sa mga nagmamasid ng isang mas malawak na

karanasang pang-estetika.

28

Ang isa pang katangian ng mga katutubong musika ay ang indibidwalismo o

etnosentrismo ng mga kasangkapan at mga gawi sa pagganap. Unang-una, walang

takdang batayan sa mga tono ng mga instrumento na ang bawat isang manunugtog,

mga pamilya, o isang sambayanan ang siyang nagpapasya kung ano ang

naaangkop sa kani-kanilang ekspresyon. Walang pinagbabatayang sistema ang

pagtotono ng kulintang, mga agung, gandingan, halimbawa, at iba-iba rin ang haba

ng mga plawta, gayundin ang laki ng iba pang instrumentong pinapalo. Sa ganitong

lagay, ang kagalingan at kalugurang pang-estetika ay hindi nakasalalay sa

intonasyon at iba pang kuwantitatibong dahilan na mahalaga sa musikang

kanluranin, na ang lawak ng katonohan, lakas o hina ng tunog, mga pormal na

istruktura, o kasalimuotan ng pagkatha, ang siyang nangingibabaw. Sa halip, ang

kagalakan ay natatamo sa mga indibidwal na timbre, kagandahan ng tunog, ang

pagkararakang paglikha, kalaliman ng panulaan, at ang pagkaaugnay-ugnay ng mga

elementong pang-musika sa iba’t ibang elementong pansining sa kabuoang

karanasang estetikal.

VI. Ang Musika at Wika

Ang huli kong tatalakayin ay ang pagkakaiba-iba ng mga ekspresyon na

bagama’t gumagamit ng tunog ay hindi tugmang tawaging musika, bilang isang

sining na minana natin sa kanluran.

Sa isang sinulat ni Theodor Adorno, isang paham at pilosopong musikologo,

ang pagkakaiba raw ng musika sa wika ay ang wika ay may sadyang kahulugan at

ang musika ay wala, sapagkat kung tutuusin nga, walang tinatayang kahulugan ang

pakikinig natin sa musikang kanluranin lalong lalo na sa mga musikang pang-

instrumento. Ngunit sa mga tinutugtog ng ating mga katutubong alagad ng sining,

tulad nina Samaon Sulaiman, isang kudyapistang Maguindanao, at Uwing Ahadas,

na tumutugtog ng kwintang at gabbang ng mga Yakan, ang kanilang “musika” o

eksepresyon ay may sinasadyang kahulugan.

Una nating talakayin ang kutyapi, isang lútang may dalwang bagting na

tinutugtog ng isang tao sa kaniyang pakikipag-usap sa mga nakikinig. Dalawa ang

mode (o pagkakahanay ng mga tono) na may limang tono ang bawat isa: ang una ay

29

tinatawag na dinaliday na walang semitone (o kalahating tono) at ang binalig na may

kalahating tono. Ang mga piyesa ay nakalapat sa dalawang modeng ito, na

naglalahad ng iba’t ibang kahulugan, buhat sa pagpapahayag ng pag-ibig,

pananabik, hanggang sa kalikasan sa kapaligiran. Bagama’t may mga pamantayang

pangmusika na bumubuo sa repertoryo ng kutyapi, ang tunay na layon nito ay upang

magpahiwatig ng mga mensahe sa konteksto ng wika. Sa pakiwari ng mga

tagakanluran, ito ay isang porma ng improbisasyon, ngunit hindi ito improbisasyon

sapagkat may mensahe sa mga serye ng nota, na bumubuo ng mga parirala,

pangungusap, at mga panulaan. Kung minsan, ang isang nakikinig ay napapako na

lang sa kaniyang pakikinig dahil sa ganda ng mga maykahulugang pagtugtog, na

nagpapahayag ng mga sensuwal at seksuwal na mensahe sa isang nakikinig.

Noong panahon ng mga Kastila, ipinagbawal nga ng mga prayle ang pagtugtog ng

ganoong uri ng intstrumento sapagkat nakapupukaw ito ng ganitong epekto sa

nakikinig.

Bagama’t matatawag nating pangmusika ang komunikasyong ito dahil

ginagamitan ng mga tunog, mode, at tono, ang pagunahing tungkulin nito ay

maghatid ng mensahe na may kahulugan sa isang nakaaalam na nakikinig. Hindi ito

umaasa sa karagdagang elemento tulad ng paglakas o paghina ng tunog, o ang

paggamit ng iba’t ibang tempo o paglipat ng tonalidad, kung hindi sa pagbabago ng

tuldik at diin ng tunog na sumasalamin sa panulaan ng tinig.

HALIMBAWA: Kutyapi

Ang isa pang tradisyonal na praktis na may kinalaman sa tunog ngunit mala-

wika ang dating ay ang tagunggo ng mga Yakan. Ang kahulugan ng tagunggo ay

pagtugtog, at sa mga Yakan, limang tono lamang ang gingamit dito. Ang

pinakamaliit na yunit ay tinatawag na lebad, isang maiksi na tonong may ritmo. Ang

bawat isang lebad ay may kaukulang kahulugan sa damdamin at kaisipan. Ang mga

lebad ay makikilala sa kanilang diin at tuldik kaugnay ng prosodya ng wika.

Maraming lebad ang ginagamit ng isang manunugtog, at kaniya itong

pinagdudugtong-dugtong, kung minsan ay inuulit, pinagpapalit-palit, o binabago, sa

isang tuloy-tuloy na pagganap. Ang mga lebad ay tinutugtog hindi upang makabuo

30

ng mga taludtod na papunta sa isang rurok, kung hindi para bagang

pinagdudugtong-dugtong na mga kataga, sa isang pakikipag-usap.

Sa ganitong paraan, ang musika ay isang mistulang wika na may kahulugan

sa nakikinig na may kaalaman sa ganitong uri ng komunikasyon, na sa halip na

gumamit ng mga kataga, ay tunog at mga istruktura ng tunog ang binibigkas ng

instrumento.

HALIMBAWA: Yakan Tagunggo

VII. Kongklusyon

Ang pagkakaiba ng mga gampanang sining ay batay na rin sa pagkakaiba ng

mga kultura. Bilang paggunita, ang mga elementong istruktural at pang-istilo ng mga

katutubong musika ay kumakatawan sa iba’t ibang konsepto ng masining na

ekspresyon, na ang karamihan ay hindi lang batay sa tunog, kung hindi sa

pagsasama-sama ng iba’t ibang elemento at kaayusan – tunog, kilos, panulaan,

paghahalo ng paglikha at pagganap, atbp. Bukod dito, ang pagkawala ng pirmihang

sistema sa pagbabalangkas at pormasyon ng mga pinagbabatayang sangkap

pangmusika ay sumasalamin hindi lamang sa indibidwalismo at etnosentrismo, kung

hindi sa laya sa pagpili sa pagbuo ng mga sangkap na ito.

Bagama’t ang mga Filipino ay nagising na rin sa musika ng kanluran, marami

pa rin tayong mga katutubong gawi sa larangan ng komunikasyon at ekspresyon na

hindi batay sa alituntunin ng mga gampaning sining sa kanluran. Ito ang mga dapat

kilalanin sapagkat napakayaman natin sa mga ekspresyong sumasalamin sa ating

minanang kalinangan bilang mga katutubo ng Timog Silangang Asya. Ang

kalinangang ito ay walang ibang táong nagmamay-ari kung hindi tayo lamang na

nagpapakilala sa ating identidad bilang mga Filipino.

TALAAN

Cadar, Usopay.

Majul, Cesar

31

Santos, Ramon. (2005) “Badiw, Bayok: Poetry and Oratory as Filipino Musical

Culture”, Tunugan: Four Essays on Filipino Music. UP Press.


Recommended