PAG-
AARI
NG PA
MAHA
LAAN
HINDI
IPINA
GBIBI
LI
Kuwento ni:Anne S. Viernes
Guhit ni:Ma. Mujercita G. Paladio
Layout:Gladis B. Renomeron
DEPARTMENT OF EDUCATION REGION III
Bakit Tameme si Tamara?
2
Republic of the PhilippinesDepartment of Education
Region IIISCHOOLS DIVISION OF AURORA
LEARNING RESOURCES MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEM (LRMDS)Copyright © 2016
Engr. EDGARD C. DOMINGO , Ph.D.,CESO VISchools Division Superintendent
EMILYN DT. MACARAEG Assistant Schools Division Superintendent
ERLEO T. VILLAROS , Ph.DCID Chief
ESTRELLA D. NERIEducation Program Supervisor – LRMDS Manager
EMELITA DT. ANGARAEducation Program Supervisor - Kindergarten
ROMILA JUDITH M. CORONGLibrarian
COPYRIGHT NOTICE
Section 9 of Presidential Decree No. 48 provides “No copyright shall subsist in any work of the Government of the Republic of the Philippines. However, prior
approval of the government agency or office wherein the work is created“.shall be necessary to avoid exploitation of such work for profit
This material has been developed through the Curriculum and Learning Management Division (CLMD) of the Department of Education, Region III,
and Schools Division of Aurora. It can be produced for educational purposes and the source must be clearly
acknowledged. The material may be modified for the purposes of translation into another language or dialect, but the original work must be
acknowledged. Derivatives of the work including creating an edited version, an enhancement or a supplementary work are permitted provided the
original work is acknowledged and the copyright is attributed. No work may be derived from the materials
.for commercial and profit purposes
3
Sa mga Magulang at Guro, Ang kuwentong ito ay binuo ng may akda para sa mga mag-aaral sa kindergarten upang maipakita ang kahalagahan ng pagkain bilang pangunahing pangangailangan ng mga bata sa kanilang paglaki at buhay mag-aaral. (Quarter 2, Week 15)
4
ANNE S. VIERNESMAY AKDA
MA. MUJERZITA G. PALADIOTAGA-GUHIT
GLADIS B. RENOMERONTAGA-LAYOUT
MGA TAGA-PATNUGOT
5
L a t h a l a i n n g
Bakit Tameme si Tamara?
Curriculum and Learning Management Division (CLMD)Learning Resource Management and Development Center (LRMDC)
Department of EducationSchools Division of Aurora
6
Gustong- gusto ni Tamara ng sitsirya at ayaw na ayaw niya ng gulay.
7 7
8
Libangan niya ang pakikipaglaro sa mga batang kapitbahay niya mula umaga hanggang gabi.
99
10
Sa tuwing umaga, tila musika na yata na naririnig ni Tamara na tinatawag siyang Tamarang Tameme ng kaniyang ina. Napakabagal kasi niyang kumilos at gumayak para sa pagpasok sa eskwela.
11 11
12
Kung nasa paaralan at nasa klase, laging nagugulat si Tamara kapag tinatawag ng guro niya, madalas hindi niya masagot ang mga tinatanong sa kanya.
13 13
14
Isang hapon. Naabutan ni Tamara na malungkot ang ina. "bakit inay, may sakit ka po ba?", tanong ni Tamara.
"Naibalita ng guro mo na hindi ka raw nakikinig sa klase, madalas nanghihina at matamlay", ang sabi ni Nanay.
15 15
16
"Anak, sana bawasan mo ang sobrang pakikipaglaro, kumain ka din nang wasto. Lahat ng ito ay para sa kabutihan mo".
17 17
18
Hindi mawala sa isip ni Tamara ang sinabi ng kaniyang ina at ang mukhang malungkot nito, kaya't may nabuo sa isip niya na kailangang gawin na niya.
19 19
20
"Nanay, magandang umaga! Sasabay na din po akong kumain kay tatay", ang masayang wika ni Tamara. Tuwang-tuwa ang mga magulang ni Tamara sa nakitang pagbabago niya.
21 21
22
Simula noon, kumakain na siya nang wasto. Maaga na rin siyang pumapasok sa paaralan. Naging masigla at mahusay na siya.
23 23
24
Sa pagtatapos ng taon, isa si Tamara sa mga batang may karangalan. Mula noon ay hindi na siya tinawag ng kanyang nanay ng Tamarang Tameme.
25 25
26
Gawin natin:
Lagyan ng bilang ang mga sumusunod na pangyayari ayon sa pagkakasunod-sunod nito sa kuwento.
27
Bakit Tameme si Tamara?Si Tamara ay isang batang mahilig sa sitsirya at paglalaro na naging sanhi ng kaniyang pagiging tameme sa pagkain at pag-aaral. Ngunit dahil sa pangaral ng kaniyang magulang at pagmamahal niya sa mga ito siya ay nagbago.