Post on 19-Feb-2021
transcript
`Republic of the Philippines
Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula
Filipino Ikalawang Markahan - Modyul 4:
Maikling Kuwento
Zest for Progress Zeal of Partnership
10
Name of Learner: ___________________________
Grade & Section: ___________________________
Name of School: ___________________________
1
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Vanette Aisa S. Barinaga, Ma. Lina T. Estrada Editor: Arnie P. Taclap Tagasuri: Sheryl Cuevas-Deocadez Tagaguhit/Tagakuha ng Larawan: Tagalapat: Wilvin H. Inding Tagapamahala: Virgilio P. Batan, Jr., CESO VI- Schools Division Superintendent
Lourma I. Poculan - Asst. Schools Division Superintendent
Amelinda D. Montero - Chief Education Supervisor, CID
Nur N. Hussien - Chief, Education Supervisor SGOD
Riela Angela C. Josol - Education Program Supervisor- Filipino
Ronillo S. Yarag - Education Program Supervisor, LRMS
Leo Martinno O. Alejo - Project Development Officer II, LRMS
Filipino – Ikasampung na Baitang Alternative Delivery Mode Ikalawang Markahan – Modyul 4: Maikling Kuwento: Ang Kuwento ng Isang Oras. Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyulna ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Region IX – Dipolog City Schools Division Office Address: Purok Farmers, Olingan Dipolog City Zamboanga del Norte, 7100 Telefax: (065) 212-6986 and (065) 212-5818 E-mail Address: dipolog.city@deped.gov.ph
2
Alamin Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap
Naipamamalas ang mag-aaral ng pag-
unawa sa mga akdang pampanitikan sa Panahon ng mga Katutubo,
Espanyol at Hapon.
Ang mag-aaral ay nakapaglalathala ng
sariling akda sa hatirang pangmadla (social media).
Simulan natin ang ating aralin gamit ang inyong matang mapanuri! Inaasahan
na pagkatapos ng ating paglalakabay ay matutuhan mo ang mga sumusunod:
Nasusuri sa diyalogo ng mga tauhan ang kasiningan ng akda. (F10PN-
IIe-73)
Naitatala ang mga salitang magkakatulad at magkakaugnay sa
kahulugan. (F10PT-IIe-73)
Nahihinuha sa mga bahaging pinanood ang pakikipag-ugnayang daigdig.
(F10PD-IIe-71)
Naisasalaysay nang masining at may damdamin ang isinulat na maikling
kuwento. (F10PS-IIe-75)
Balikan Panuto: Itala ang mga elemento ng tula na iyong natutunan at isulat ang
kahulugan nito.
ELEMENTO NG TULA KAHULUGAN
1.
2.
3.
4.
5.
1
1
2
3
1
4
5
6
1
7
8
9
10
Simulan na natin ang ating paglalakbay patunggong Estados Unidos at sabay-
sabay nating alamin ang ang kuwentong pinamagatang “Ang Kuwento ng Isang
Oras”.
Tuklasin
Paglinang ng Talasalitaan
Gawain 1: Panuto: Itala sa loob ng kahon ang mga salitang magkakatulad o
magkakaugnay ng kahulugan. Pagkatapos, gamitin sa pagbuo ng makabuluhang
pangungusap. Gayahin ang pormat sa sagutang papel.
Gawain 2: Panuto: Basahing Mabuti ang bawat pangungusap. Kilalanin at bilugan
ang dalawang salitang magkasalungat na ginamit sa mga ito. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.
1. Dahil sa balitang natanggap ay nagsikip ang kanyang damdamin
kaya’y napaiyak siya ng lubusan at maya-maya ay nagluwag na ito. 2. Siya ay napaupo sa kanyang kama dahil sa bigat na nararamdaman
nang may kumatok kaya’y bigla siyang napatayo. 3. Mas nagugustuhan niya ang tagsibol dahil sa kulay na dala nito
kaysa sa taglagas na nawawalan ng mga dahon ang mga puno. 4. Sa piling ng kanyang bana ay kalungkutan lang ang nadarama ngunit
nang mabalitaan ang nangyari dito ay puno ng saya ang kanyang
puso.
Aralin 4
Maikling Kuwento: Ang Kuwento ng Isang Oras
Aksidente Malaman Matanto Nasigurado Tumangis
Banayad Marahan Nakapinid Pagpigil Tumutungga
Kaibuturan Masakit Nakasara Pagsupil Umiinom
Kailaliman Masaklap Nakumpirma Sakuna Umiyak
2
5. Masigla siyang tumakbo pababa ng hagdan at nang makita niya ang kanyang kapatid, siya ay napahinto at dahan-dahan siyang naglakad. (Mula sa Pluma 10 Filipino)
Ang Kuwento ng Isang Oras
Ni Kate Chopin
Batid sa lahat na may sakit sa puso si Ginang Mallard kaya naman lahat ng
pag-iingat ay ginawa nila sa pagpapaalam sa kanya ng masaklap na balitang
patay na ang kanyang asawa.
Si Josephine, ang kanyang kapatid ang bumasag nito sa kanya. Sa paputol-
putol na paraan at unti-unting naipahiwatig nito ang pangyayari habang
nakatabi naman sa kanya si Richard. Si Richard ay kaibigan ng kanyang asawa
at siyang unang nakarinig sa balita. Nasa tanggapan siya noon ng pahayagan
nang makarating ang balitang nagkaroon ng sakuna sa may riles ng tren kung
saan isa si Brently Mallard sa mga “namatay”. Naghintay lang siya sandali sa
pagdating ng pangalawang telegrama upang makumpirma ang balita at saka
nagmamadaling nagtungo sa tahanan ng mga Mallard upang siya ang maunang
makapaghatid ng balita at maagapan ang ibang taong maaaring hind imaging
kasing-ingat at kasimbanayad niya sa pagsasabi.
Di tulad ng ibang babaeng nakaririnig sa ganitong masaklap na balita na di
agad makuha ang bigat at kahulugan nito, si Ginang Mallard ay agad na
napasigaw at buong pait na nanangis sa mga bisig ng kanyang kapatid. Nang
mapawi ang matinding unos ng dalamhati ay agad siyang nagkulong sa
kanyang silid. Sinabihan niya ang lahat na gusto niyang mapag-isa.
Napasalmpak siya sa isang malaking silyang nakaharap sa bintana.
Pakiramdam niya’y pagod na pagod siya. Pagod na hindi lang nadarama ng
kanyang katawan kundi umaabot sa kibuturan ng kanyang kaluluwa.
Natatanaw niya sa labas ng bintana ang mga dahon ng punong tila
masayang-masaya sa pagdating ng tagsibol. Naaamoy niya sa hangin ang
mabangong hininga ng bagong patak ng ulan. Naririnig niya mula sa ibaba ang
sigaw ng tinderong nag-aalok ng kanyang paninda. Nakarating din sa kanyang
pandinig ang mahinang himig ng awiting inaawit ng kung sino, gayundin ang
masasayang awitan ng mga ibong maya.
Sa gawing kanluran ng kanyang bintana ay nakasilip ang bughaw na langit
sa mga balumbon ng mapuputing ulap.
Isinandal niya ang kanyang ulo sa malambot na kutsong nakabalot sa silya
nang hindi halos gumagalaw, maliban na lang sa paghikbing tila bumibikig sa
kanyang lalamunan at yumayanig sa kanyang buong katawan, tulad ng isang
batang sa pag-idlip ay humihikbi pa rin hanggang sa kanyang panaginip.
Bata pa siya, may maganda at kalmadong mukha, kung saan ang mga guhit
ay kakikitaan ng katatagan at pagsupil sa kung anumang nararamdaman.
Subalit ngayon siya’y nakatitig sa kawalan, sa bughaw na kalangitang
natutuldukan ng mumunting ulap. Hindi ito titig ng pagmumuni-muni kundi
pagpigil sa isang matalinong kaisipang nais kumawala.
3
May isang damdaming paparating sa kanya at hinihintay niya ito nang may
pagkatakot. Ano ba ito? Hindi niya maipaliwanag; banayad at mailap, hindi
niya matanto kung ano. Subalit nararamdaman niyang ito’y gumagapang sa
kalangitan, dumarating sa kanya sa pamamagitan ng mga tunog, ng amoy, ng
kulay na pumupuno sa hangin.
Ngayo’y tumahip ang kanyang dibdib at nakadarama siya ng kalituhan.
Unti-unti na niyang nakikilala ang bagay na lumalapit at bumabalot sa
kanyang pagkatao habang pinipilit niya itong paglabanan kahit pa wala na
siyang lakas na makikita sa dalawang maninipis at namumuti niyang palad.
Namalayan na lang niyang isang salita ang ibinulong ng kanyang mga labi.
Paulit-ulit ang pagbigkas nang pabulong. “Malaya, malaya, malaya!” ang titig sa
kawalan at pagkatakot ay nawala sa kanyang mga mata. Sa halip, ang mga ito’y
napalitan ng ningning. Bumilis ang tibok ng kanyang puso, ang bugso ng dugo
ay nakapagpa-relaks sa bawat himaymay ng kanyang buong katawan.
Hindi siya huminto upang tanungin kung ang damdamin bang umiiral sa
kanya’y isang higanteng kaligayahan o hindi. Mainaliit ng malinaw at mataas
niyang pananaw ang nadarama. Alam niyang luluha siyang muli kapag nakita
niya na ang mabubuti at mapagpalang mga kamay na pinagsalikop ng
kamatayan; ang mukhang tanging titig lang ng pag-ibig ang inuukol sa kanya,
ngayo’y matigas, kulay abo, at patay. Subalit natatanaw na niya sa kabila ang
mapait na gunitang ito ang paparating na maraming taon na kanyang-kanya
na. Iniunat niya ang kanyang mga braso at kamay upang salubungin ito.
Wala na siyang sinumang paglalaanan ng kanyang buhay sa mga darating
na taon; mabubuhay na lang siya para sa sarili niya. Wala ng
makapangyarihang bagay ang magpapasunod sa kanya sa isang bulag na
paniniwalang ang babae at lalaki ay may karapatang magpataw ng kagustuhan
para sa isa’t isa. Mabuti man o masama ang intensiyon, isa pa rin itong krimen
sa kanyang pananaw sa mga sandalling ito ng kanyang pagmumuni-muni.
Subalit mahal niya ang asawa – minsan-minsan. Madalas, hindi niya ito
nadarama. Subalit hindi na ito mahalaga. Ano pa ba ang silbi ng pagmamahal
sa harap ng malakas na damdaming itong bago pa lang niyang nakikilala at
bumabalot sa kanyang pagkatao.
“Malaya na! Malaya na ang aking katawan at kaluluwa!” ang paulit-ulit
niyang binubulong.
Si Josephine ay nakaluhod sa labas ng nakapinid na pinto habang ang mga
labi ay nakadikit sa susian at nagmamakaawang papasukin siya. “Louise,
buksan mo ang pintuan! Para mo nang awa, buksan mo ang pinto –
magkakasakit ka sa ginagawa mo. Ano ba ang ginagawa mo, Louise? Sa ngalan
ng Dios, buksan mo ang pinto!”
“Umalis ka na. Hindi ako gagawa ng bagay na magdudulot sa akin ng sakit.
Hindi.” Ngayon pang siya ay tumutungga ng gamot mula sa buhay na
nagmumula sa bukas na bintana ng kanyang silid.
Naiisip na niya ang mga araw na darating sa buhay niya. Mga araw ng
tagsibol, mga raw sa tag-araw, at iba’t iba pang araw na kanyang-kanya lang.
Umusal siya nang maikling panalangin na sana’y humaba pa ang buhay niya.
4
Malaya na ako! Malaya na
ang aking katawan at
kaluluwa!
Wala na akong sinumang
paglalaanan ng aking buhay
kundi ang sarili ko lang. Sa
wakas at ako ay malaya na!
Kahapon lang, naisip niya nang may pag-aalala na baka maging mahaba ang
buhay niya.
Tumayo siya at pinagbuksan ng pinto ang kapatid na kanina pa
nangungulit. Makikita sa ningning ng kanyang mga mata ang tagumpay at
naglakad siyang tila isang diyosa ng tagumpay. Sinapo niya ang baywang ng
kapatid at masigla silang bumaba sa hagdan. Nakatayo si Richard habang
naghihintay sa kanila sa ibaba ng hagdan.
May nagbubukas sa susian ng harapang pintuan. Gulat ang lahat nang
pumasok si Brently Mallard, halatang pagod nang kaunti, dala-dala ang
kanyang bag at bayong. Malayo raw siya sa lugar kung saan nangyari ang
sakuna at ni hindi niya alam na nagkaroon pala nito. Ikinatulala niya ang
malakas na pagtili ni Josephine; naging mabilis si Richard na humarang sa
pagitan nila ng asawa.
Nang dumating ang doktor ay sinabing namatay si Louise dahil sa sakit sa
puso – nang dahil sa kaligayahang nakamamatay.
(Mula sa Pluma Filipino 10)
Mga Gabay na Tanong: Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Bakit kaya pinamagatan ang kuwentong binasa na “Ang Kuwento ng
Isang Oras”? Sa tingin mo ba ay angkop ito sa naging kuwento?
Pangatwiranan. 2. Bakit kaya kinakailangang ilahad sa unang bahagi ng kuwento na may
sakit si Ginang Mallard? Ano ang kahalagahan nito sa kabuuan ng kuwento?
3. Bakit kaya ang isinalaysay sa kuwento na “nagkulong siya sa kanyang silid” sa halip na “nagkulong siya sa kanilang silid”? Ano kaya ang
pinagdadaanan ng mag-asawa? May kaugnayan kaya ito sa kawalan ng anak? Patunayan.
4. Sa iyong palagay, anong uri kaya na asawa si Brently Mallard kay Louise
Mallard? Bakit ang lumalabas sa bibig ng asawa ay “Malaya, malaya, malaya” samantalang naiisip din niya “ang mukhang tanging titig lang ng
pag-ibig ang inuukol sa kanya”? 5. Ano kaya ang tunay na naging sanhi ng kamatayan ni Louise Mallard?
Ito ba ay ang labis na kasiyahan o labis na pagkadismaya? Patunayan. Gawain 1: Suriin mo ako
A. Panuto: Suriin nang Mabuti ang diyalogo ng tauhan na nasa ibaba at
sagutin ang mga tanong sa sagutang papel. Mula sa Pluma Filipino 10
5
1. Bakit kaya naguluhan sa umpisa si Louise Mallard sa kasiyahang kanyang nararamdaman? Normal lang ba itong maramdaman ng isang asawang
nakabalita na ang kanyang asawa ay namatay na? B. Panuto: Ilarawan ang mga katangian ng dalawang tauhan sa kuwento.
Kopyahin ang pormat sa sagutang papel.
Sa mga nakaraang baitang ay natutunan ninyo ang kahulugan at mga
bahagi at elemento ng isang maikling kuwento. Ngayon naman ay matutunan
ninyo ang mga bagay na dapat isaisip kapag kayo ay magsusulat ng isang maikling
kuwento.
Pagsulat ng Maikling Kuwento
Ang maikling kuwento ang isa sa mga pinakapopoular na panitikan para sa
mga mambabasa. Ito ay nagtataglay ng mga katangian na siyang dahilan kung
bakit marami ang nahihilig at nawiwili sa pagbabasa nito. Ang mga sumusunod ay
ang iilang katangian ng maikling kuwento:
Maikli at kayang basahin ng isang mambabasa sa isang upuan lang.
Mas kakaunti ang tagpuan at mga tauhang gumaganap, hindi
katulad sa iba pang panitikan tulad ng dula o nobela.
Katangian ng mga Tauhan
Brently Mallard Louise Mallard
1. Imahe 1https://www.google.com/search?q=1880s+woman+clipart&tbm=isch&ved=2ahUKEwjoteii
5cHrAhUYEKYKHUDHC_8Q2-#imgrc=NgKYLV8x50wXUM
Suriin
Imahe 2 https://www.google.com/search?q=1880swomanclipart&tbm=isch&ved=2ahUKEwiT3djy6cHrAhVLeZQKHS0Q
Df8Q2-
https://www.google.com/search?q=1880swomanclipart&tbm=isch&ved=2ahUKEwiT3djy6cHrAhVLeZQKHS0QDf8Q2-
cCegQIABAA&oq=1880swomanclipart&gs_lcp=CgNpbWcQA1DfrgJY7sICYJbFAmgAcAB4AIABbogB4wmSAQ
M4LjWYAQCgAQGqAQtnd3Mtd2l6LWltZ8ABAQ&sclient=img&ei=tAdLX5OzL8vy0QStoLT4Dw&bih=888&bi
w=1903&rlz=1C1CHBD_enPH911PH911&hl=en#imgrc=gSVJQNAJg22aAM
https://www.google.com/search?q=1880s+woman+clipart&tbm=isch&ved=2ahUKEwjoteii5cHrAhUYEKYKHUDHC_8Q2-#imgrc=NgKYLV8x50wXUMhttps://www.google.com/search?q=1880s+woman+clipart&tbm=isch&ved=2ahUKEwjoteii5cHrAhUYEKYKHUDHC_8Q2-#imgrc=NgKYLV8x50wXUM
6
Mabilis ang galaw ng kuwento na umaabot kaagad sa kasukdulan at pagwawakas at nag-iiwan ito ng isang kakintalan.
Dahil sa katangian ng isang maikling kuwento, marami ang naaakit na
magsulat nito. Isa ito sa mga pinakamadaling isulat lalo na para sa mga baguhang
manunulat. Narito ang mga iilang dapat tandan o isaisip na makakatulong sa
pagsusulat ng isang kuwento:
1. Isang mahusay na paksa o ideya para sa iyong kuwento. Ito ang
bahagi kung saan ikaw ay kukuha ng mga ideya para sa iyong susulating kuwento. Ang pag-oobserba sa paligid, pakikipag-usap sa iba tungkol sa
mga kakaibang nangyari sa buhay nila, mga pangyayaring kinapulutan
ng aral at hindi malilimutan ay nakabubuti sa pag-uumpisa ng pagsusulat. Kinakailangan ring magbasa at alamin kung alin sa mga
binabasa mo ang umaakit sa iyong imahinasyon, mag-isip ng paksang makakaakit lalo na sa target mong edad na mambabasa. Mas
nakabubuti na isulat mo ang lahat na nakuha mong ideya sa isang kuwaderno at mula dito ay kukuha ka ng paksa para sa kuwentong
iyong bubuoin. At dahil nasa moderno na tayong panahon, maaari mo ring gamitin ang iyong smartphone upang kumuha ng mga bidyu at larawan sa mga bagay na hindi pangkaraniwan na maaaring
pagkuhanan ng mga ideya para sa iyong kuwento. 2. Makatotohanang mga tauhan para sa kuwento. Matapos kang kumuha
ng paksa sa mga ideyang nalikom mo ay bubuo ka sa iyong isipan ng mga tauhang gaganap para sa iyong kuwento. Mahalagang ikonsidera
ang mga sumusunod para sa iyong tauhan o mga tauhan:
Ang mga tauhang bubuoin ay kinakailangang makatotohanan
katulad ng isang tunay na tao sa iyong paligid, sila ay buhay, nakararamdam ng iba’t ibang emosyon katulad ng pagkakagalit,
kasiyahan, kalungkutan, nakararanas ng mga problema o suliranin, may tiyak na talento at iba pa.
Alamin ang estado ng buhay ng iyong tauhan. Siya ba ay mayaman, mahirap, nanay na bungangera, mabuting ama,
matangkad at guwapong atletang kinababaliwan ng kababaihan, mahiyaing tinedyer at iba pa.
Isipin mo kung papaano kumilos, magsalita at magbihis ang iyong
mga tauhan. Kinakailangang bumagay sa kanilang karakter ang kanilang kilos, pananalita at pananamit. Kung may “peg” ka para
sa isang karakter, mas nakabubuting siya ay iyong obserbahan kung paano siya kumilos, magsalita, manumit at iba pa upang
maihabi mo ito sa tauhang iyong bubuoin. 3. Angkop na tagpuan para sa iyong kuwento. Hindi lang ang lugar kung
saan magaganap ang kuwento ang ibigsabihin ng tagpuan, kasama na
dito ang panahon, oras at kalagayan ng isang lugar (kung umaga o gabi, umuulan o umaaraw, malamig o mainit, magulo o tahimik, at iba pa). Para mas maramdaman ng iyong mambabasa ang iyong tagpuan, mas nakabubuti kung kabisado mo ang lugar ng iyong tagpuan. Halimbawa,
ang napili mong tagpuan sa iyong kuwento ay ang Divisoria, mas maiging nakapunta ka na roon at kabisado mo ang bawat anggulo, sulok
at kinalalagyan ng lugar na ito. Kung ano ang mga kadalasang nangyayari kapag ang isang tao ay nandito.
4. Uri ng pananaw o paninging gamitin sa kuwento. Bilang isang
manunulat, pag-isipan mo kung sa kaninong paningin ilalahad ang mga
7
pangyayari sa iyong kuwento. Maaaring ang pangunahing tauhan o
katulong na tauhan ang magkukuwento. Maaari ring isang makapangyarihang tinig na nakaaalam maging sa iniisip o nadarama ng
mga tauhan. May mga makabagong kuwento na hindi lamang iisa ang pananaw kundi magsasalit ang dalawa o higit pang tauhan sa
paglalahad ng kuwento. 5. Ang epektibong banghay ng iyong susulatin. Tinatawag na banghay
ang pagkasunod-sunod na pangyayari sa buhay ng iyong tauhan o mga tauhan. Ang mga sumusunod ay ang iba’t ibang paraan ng
pagbabanghay. Maaari mong gamitin ang isa sa pagbuo ng iyong
kuwento: Ang mga mahahalagang pangyayari ay isulat nang magkasunod-
sunod mula sa simula hanggang sa kasukdulan, kakalasan, at wakas. Siyempre, wala muna itong detalya, tulad ng estruktura ng
isang gusali na unti-utning nagkakahugis habang binubuo mo ang kuwento.
Sa halip na ang mga pangyayari ang isunod-sunod mo, maaaring diyalogo muna ang isulat mo at mula dito makikita mo kung paano pagsusunod-sunurin ang mga pangyayari na iyong
susulatin. Maaari ring unahin mong sulatin ang buod ng iyong kuwento.
Madalas, ang buod ay isinusulat kapag natapos o nabuo na ang
kuwento ngunit nakatutulog ang pagsulat ng buod sa simula pa lang ng pagbabanghay upang malaman mo na kung ano ang
kahihinatnan ng iyong kuwento. Hatiin sa tatlong talata ang pagsulat ng buod: 1) buod sa simula kung saan makikilala ang
mga tauhan ng kuwento at ang suliraning haharapin nito, 2) buod para sa gitna na katatagpuan ng papataas na pangyayaring
hahantong sa kasukdulan, at 3) buod para sa wakas na nagsasaad kung papaano matatapos ang iyong kuwento.
6. Maupo ka at gamit ang lahat ng iyong inihanda, magsimula kang buoin
ang iyong maikling kuwento. Tiyaking makukuha mo ang interes ng iyong mga mambabasa sa simulang pangungusap pa lamang ng iyong
akda. Pag-isipang mabuti ang suliranin o tunggaliang haharapin ng iyong pangunahin tauhan at kung paano mauuwi sa kapanabik-nabik na
kasukdulan. Kung umabot ka na sa kasukdulan at nalutas na ang suliranin, huwag mo ng patagalin ang takbo ng iyong kuwento,
kinakailangang bumaba na ang mga pangyayari at aabot na kaagad sa
wakas na mag-iiwan ng kakintalan o mensaheng pag-iisipan ng mambabasa. (Mula sa Pluma Filipino 10)
Gawain: Isip-isip Time
Panuto: Isipin mong isa kang tanyag na kwentista na nagnanais na magsulat para
sa Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature sa kategoryang maikling
kuwento. Naghahanap ka ng mga bagong ideya na pagkukunan mo para sa iyong
paksa sa ginagawang akda, itala mo ang mga ideyang nakuha mo mula sa pag-
oobserba sa iyong kapaligiran at sa pakikipag-usap tungkol sa karanasan ng iba.
Isulat ito sa sagutang papel.
8
Pagyamanin
Gawain 1: Story Time!
Panuto: Sumulat o bumuo ng sariling maikling kuwento at lagyan ng
pamagat. Maaari mong gamitin ng alinman sa mga paksang naisulat mo sa
Gawain na nasa pahina 15. Maaari ka ring gumamit ng paksang napapanahon.
Ugnayang Pandaigdigang Isyu
Matagal ng itinatawag ng pansin ang isyung pagkakapantay-pantay ng tao
anuman ang kasarian o tinatawag na gender sensitivity sa Ingles. Ang kababaihan
ang kadalasang nakararanas ng diskriminasyon dahil sa kanilang kasarian tulad
ng ilang kaugalian mula sa iba’t ibang bansa na tinututulan ng mundo. Basahin
ang sumusunod at sagutan ang inihandang gawain sa sagutang papel.
Pamantayan 5 3 1
Banghay ng
Kuwento
Napakahusay ng pagkasunod-
sunod ng mga pangyayari.
Mahusay ang pagkasunod-
sunod ng mga pangyayari.
Medyo nakakalito ang mga
nangyayari sa kuwento.
Tauhan
Ang mga tauhan sa kuwento ay
talagang naaayon sa kanyang kilos,
pananamit at pananalita.
Ang mga tauhan sa kuwento ay
naaayon sa kanyang kilos,
pananamit at pananalita.
Ang mga tauhan sa kuwento ay di-
gaanong naaayon sa kanyang kilos,
pananamit at pananalita.
Istruktura Napakahusay ng
pagkakasulat ng
diwa. Tama lahat ng grammar at
ispeling.
Mahusay ang
pagkakasulat ng
diwa. May iilang grammar at
ispeling ang hindi tama.
Hindi-gaanong
mahusay ang
pagkakasulat ng diwa. Maraming
grammar at ispeling ang hindi
tama.
Kabuuan 15 puntos
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
_______________________________
9
Child Bride
Ayon sa datos ng UNICEF, tinatayang umaabot sa 14.2 milyon taon-taon o
39,000 batang babae ang ikinakasal araw-araw. Ito’y pangkaraniwang nangyayari
sa mga bansang tulad ng Niger, Chad at Central African Republic, Bangladesh,
Guinea, Mozambique, Mali, Burkina Faso at South Sudan, at Malawi. Sa mga
bansang ito, itinatayang 50 milyong batang babae ang ikinakasal bago ang
kanilang ika-18 taon. Ang mga batang babaeng ito na karaniwang
ipinagkakasundo sa kani-kanilang magulang sa mga nakatatandang lalaking edad
ay halos doble o triple ng kanilang edad ay nawawalan ng kanilang mga karaptan
at nahaharap sa maraming panganib pangkalusugan, pang-aabuso, at
habambuhay na paghihirap dahil sa kawalan ng hanapbuhay at edukasyon.
Kawalan ng Karapatan sa Edukasyon
Ayon sa UNESCO, sa buong mundo, 60% ng may 110 milyong bata mula sa
mga papaunlad na bansa na hindi nakapag-aral ay mga batang babae. Katunayan,
30% lang ng mga batang babae ang nakapag-aaral sa sekundarya; at sa maraming
bansa, ni wala pang isang katlo ng mga mag-aaral sa kolehiyo ang mga babae. Sa
mahihirap na bansa sa mundo, ang mga anak na lalaki ang priyoridad na papag-
aralin samantalang ang mga anak na babae ay hindi nakapag-aaral sa
paniniwalang mag-aasawa naman sila at ang kani-kanilang asawa na ang bubuhay
sa kanila. Itinuturo na lang sa kanila ang mga gawaing “pambabae” tulad ng pag-
aalaga ng anak, pagluluto, paglalaba, paglilinis, at paggawa ng iba pang gawaing
pantahanang isasagawa nang walang karampatang sahod.
Pang-aabuso at Pisikal na Pananakit
Ang pang-aabuso sa asawa ay nangyayari sa babae man o lalaki subalit ang
higit na nakararaming biktima ay mga babae. Ayon sa US Department of Justice,
Bureau of Justice Statistic sa bansang Amerika 25% ng lahat ng babaeng may-
asawa ang nakararanas ng pang-aabuso. Sa kabuoan, 85% ng lahat ng biktima ng
domestic violence ay mgabababe. Ipinapakikita lang ng estadistikong ito na ang
pang-aabuso sa panahon nina Kate Chopin noong ikalabinsiyam na siglo kundi
patuloy na nangyayari maging sa kasalukuyang panahon ay maaaring hanggang sa
hinaharap hangga’t hindi natututo ang ang bawat taong igalang ang Karapatan ng
kanilang kapwa, maging babae man o lalaki.
Mula sa Pluma Filipino 10
Gawain 2:
Kung ikaw ay may awtoridad para sa mga isyung napapalooban ng kahit
anumang diskriminasyon, ano-ano ang gagawin mo para matigil ito? Sumulat ng
tatlong scenario na nagpapakita ng diskriminasyon, bawat scenario ay bibigyan mo
ng solusyon. Gayahin ang pormat sa ibaba sa sagutang papel ang iyong sagot.
10
Mula sa Pluma Filipino 10
Gawain 3:
Panuto: Batay sa mga artikulong nabasa sa itaas o sa mga napanood na mga
balita at bidyu sa internet na nagpapakita ng diskriminasyon, gumawa ka ng
islogan na nagpapakita ng pagsulong sa pantay na karapatan ng lahat ng
kasarian. Isulat o iguhit ito sa sagutang papel.
Isaisip
Aral na iyong natutunan sa akdang “Ang Kuwento ng Isang Oras”
Gaano ito kahalaga?
Tayahin
Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat tanong. Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel.
Para sa bilang 1-5: Hanapin ang kasingkahulugan ng salitang nakasalungguhit.
Isulat lamang ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
1. Batid ng lahat na may sakit sa puso si Ginang Mallard kaya naman ay nag-
isip sila kung paano sasabihin sa kanya ang balita. a. Gusto
b. Alam c. Limot
d. Unawa 2. Nakatanggap ng masaklap ng balita si Richard noong siya ay nasa
tanggapan ng pahayagan.
a. Masama
Scenario Solusyon
Scenario Solusyon
Scenario Solusyon
11
b. Mabuti
c. Nakatatakot d. Nakagugulat
3. Napasalampak siya sa isang upuan nang marinig niya ang balita. a. Napatayo
b. Nahulog c. Napaupo
d. Nakatulog 4. Sa kabilang bintana ng kanyang silid niya makikita ang bughaw na langit at
berdeng kabundukan.
a. Masisilip b. Matatago
c. Makukuha d. Matatanaw
5. Hindi siya huminto na tanungin ang sarili kung ano ang kakaibang nararamdaman.
a. Tumigil
b. Sumuko c. Mapakali
d. Nagkulang Para sa bilang 6-15: Isulat ang titik ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.
6. Paano tinanggap ni Ginang Mallard ang balita tungkol sa kanyang asawa? a. Nag walang kibo.
b. Umalis sa kanilang bahay. c. Nagkulong sa kanyang silid.
d. Nagmadaling pumunta sa may riles ng tren. 7. Bakit nalilito si Ginang Mallard sa kanyang nararadaman pagkatapos
niyang magmuni-muni sa loob ng kanyang silid? Dahil _______________. a. Sa sakit niya sa puso.
b. Hindi niya maintindihan ang sakit na nararamdaman niya.
c. Naghahalo ang mga emosyon niya tungkol sa balitang natanggap. d. Siya ay nakaramdam ng kasiyahan nang malaman ang masamang balita
tungkol sa kanyang asawa. 8. Alin ang hindi kabilang sa katangian ng maikling kuwento na nasa ibaba?
a. Maikli at kayang tapusin sa isang upuan lang. b. Ang mga tauhan sa kuwento ay kadalasa’y mga hayop.
c. Mas kakaunti ang tagpuan at mga tauhang gumaganap kompara sa
ibang anyo ng panitikan tulad ng nobela o dula. d. Mabilis ang galaw ng mga pangyayaring umaabot sa kasukdulan at agad
nagwawakas at nag-iiwan ng isang kakintalan. 9. Bakit kinakailangang mag-obserba sa kapaligiran o makipag-usap sa iba
kung magsusulat ng isang kuwento? a. Para makatulong sa mga mababasa.
b. Upang mapagalaw ang natutulog na utak. c. Upang makakuha ng bagong tauhan sa isusulat ng kuwento.
d. Para makakuha ng mga ideya na magagamit sa iyong kuwento.
10. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga dapat ikonsidera sa
pagbuo ng isang tauhan? a. Tukuyin ang itsura at kalagayan sa buhay ng iyong tauhan.
12
b. Isipin kung paanong magsasalita, magbibihis, at gagalaw ang iyong mga
tauhan. c. Naiiba ang persona ng iyong mga tauhan kung paano siya kumilos,
magbihis at magsalita. d. Katulad ng isang tunay na tao, ang tauhan sa iyong kuwento na may
mga problema na haharapin.
Isagawa/Karagdagang Gawain
Gawain 1: Batay sa inyong mga napanood na palabas o programa sa
telebesiyon, ilahad ang pagkakatulad at pagkakaiba sa kalagayan ng kababaihan
noon at ngayon gamit ang Venn Diagram.
Gawain 2: Story Map
Panuto: Punan ng mga tamang detalye ang graphic organizer sa ibaba.
Noon Ngayon
Kaibahan Kaibahan Pagkakatu
lad
Ang Kwento
ng Isang
Oras
Tauhan
Suliranin
Tagpuan
Wakas
13
Susi sa Pagwawasto
Mga Sanggunian: Aklat:
1. Marasigan, E.V., at Del Rosario, M.G.G. et al., (2015) Pinagyamang Pluma 10 Aklat 1. (pp. 213-233). Quezon City: Phoenix Publishing House Inc. Mula sa Internet:
1. Imahe 1: n.d. 19th century Pick-up line 1870s 1880s Business Cards. https://www.google.com/search?q=1880s+woman+clipart&tbm=isch&ved=2ahUKEwjoteii5cHrAhUY
EKYKHUDHC_8Q2-#imgrc=NgKYLV8x50wXUM
2. Imahe 2: n.d. Victorian fashion. https://www.google.com/search?q=1880swomanclipart&tbm=isch&ved=2ahUKEwiT3djy6cHrAhVLe
ZQKHS0QDf8Q2-
cCegQIABAA&oq=1880swomanclipart&gs_lcp=CgNpbWcQA1DfrgJY7sICYJbFAmgAcAB4AIABb
ogB4wmSAQM4LjWYAQCgAQGqAQtnd3Mtd2l6LWltZ8ABAQ&sclient=img&ei=tAdLX5OzL8vy
0QStoLT4Dw&bih=888&biw=1903&rlz=1C1CHBD_enPH911PH911&hl=en#imgrc=8ylUeg_SQ3Pq
8M
3. Imahe 3: n.d. https://www.google.com/search?q=women+clipart&tbm=isch&ved=2ahUKEwj2yOjV9sbrAhV
B3pQKHRvPCCQQ2-
cCegQIABAA&oq=women+clipart&gs_lcp=CgNpbWcQAzIECAAQQzICCAAyAggAMgIIADICCAAy
AggAMgIIADICCAAyAggAMgIIADoGCAAQBxAeUNvPCFjy1ghgsNsIaABwAHgAgAGHAogBtwqSAQUwLjYuMZgBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1nwAEB&sclient=img&ei=MLRNX_bwIsG80wSbnq
OgAg&bih=634&biw=1366&rlz=1C5CHFA_enPH894PH894#imgrc=roUyqlLq44osTM&imgdii=f
R4sXE-r3ebCDM https://www.google.com/search?q=women+clipart&tbm=isch&ved=2ahUKEwj2yOjV9sbrAhV
B3pQKHRvPCCQQ2-
cCegQIABAA&oq=women+clipart&gs_lcp=CgNpbWcQAzIECAAQQzICCAAyAggAMgIIADICCAAy
AggAMgIIADICCAAyAggAMgIIADoGCAAQBxAeUNvPCFjy1ghgsNsIaABwAHgAgAGHAogBtwqSA
QUwLjYuMZgBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1nwAEB&sclient=img&ei=MLRNX_bwIsG80wSbnq
OgAg&bih=634&biw=1366&rlz=1C5CHFA_enPH894PH894#imgrc=roUyqlLq44osTM
Tayahin 1. B 2. A
3. C
4. D
5. A
6. C
7. D
8. B
9. D
10.C
11. D
12. D
13. C
14. A
15. A
Isaisip Gawain B
1. Maikling Kuwento
2. Pumili lang ng isa:
Maikli at kayang basahin ng isang
mambabasa sa isang upuan lang.
Mas kakaunti ang tagpuan at mga
tauhang gumaganap, hindi katulad sa
iba pang panitikan tulad ng dula o
nobela.
Mabilis ang galaw ng kuwento na
umaabot kaagad sa kasukdulan at
pagwawakas at nag-iiwan ito ng isang
kakintalan
3. kung kabisado mo ang lugar ng
iyong tagpuan
Tuklasin Gawain 1:
Aksidente-Sakuna
Banayad-Marahan
Kaibuturan-Kailaliman
Malaman-Matanto
Masakit-Masaklap
Nakapinid-Nakasara
Nakumpirma-Nasigurado
Pagpigil-Pagsupil
Tumangis-Umiyak
Tumutungga-Umiinom
Gawain 2:
1. Nagsikip, nagluwag
2. Napaupo, napatayo
3. Tagsibol, taglagas
4. Kalungkutan, saya
5. Tumakbo, naglakad
https://www.google.com/search?q=1880s+woman+clipart&tbm=isch&ved=2ahUKEwjoteii5cHrAhUYEKYKHUDHC_8Q2-#imgrc=NgKYLV8x50wXUMhttps://www.google.com/search?q=1880s+woman+clipart&tbm=isch&ved=2ahUKEwjoteii5cHrAhUYEKYKHUDHC_8Q2-#imgrc=NgKYLV8x50wXUMhttps://www.google.com/search?q=1880swomanclipart&tbm=isch&ved=2ahUKEwiT3djy6cHrAhVLeZQKHS0QDf8Q2-cCegQIABAA&oq=1880swomanclipart&gs_lcp=CgNpbWcQA1DfrgJY7sICYJbFAmgAcAB4AIABbogB4wmSAQM4LjWYAQCgAQGqAQtnd3Mtd2l6LWltZ8ABAQ&sclient=img&ei=tAdLX5OzL8vy0QStoLT4Dw&bih=888&biw=1903&rlz=1C1CHBD_enPH911PH911&hl=en#imgrc=8ylUeg_SQ3Pq8Mhttps://www.google.com/search?q=1880swomanclipart&tbm=isch&ved=2ahUKEwiT3djy6cHrAhVLeZQKHS0QDf8Q2-cCegQIABAA&oq=1880swomanclipart&gs_lcp=CgNpbWcQA1DfrgJY7sICYJbFAmgAcAB4AIABbogB4wmSAQM4LjWYAQCgAQGqAQtnd3Mtd2l6LWltZ8ABAQ&sclient=img&ei=tAdLX5OzL8vy0QStoLT4Dw&bih=888&biw=1903&rlz=1C1CHBD_enPH911PH911&hl=en#imgrc=8ylUeg_SQ3Pq8Mhttps://www.google.com/search?q=1880swomanclipart&tbm=isch&ved=2ahUKEwiT3djy6cHrAhVLeZQKHS0QDf8Q2-cCegQIABAA&oq=1880swomanclipart&gs_lcp=CgNpbWcQA1DfrgJY7sICYJbFAmgAcAB4AIABbogB4wmSAQM4LjWYAQCgAQGqAQtnd3Mtd2l6LWltZ8ABAQ&sclient=img&ei=tAdLX5OzL8vy0QStoLT4Dw&bih=888&biw=1903&rlz=1C1CHBD_enPH911PH911&hl=en#imgrc=8ylUeg_SQ3Pq8Mhttps://www.google.com/search?q=1880swomanclipart&tbm=isch&ved=2ahUKEwiT3djy6cHrAhVLeZQKHS0QDf8Q2-cCegQIABAA&oq=1880swomanclipart&gs_lcp=CgNpbWcQA1DfrgJY7sICYJbFAmgAcAB4AIABbogB4wmSAQM4LjWYAQCgAQGqAQtnd3Mtd2l6LWltZ8ABAQ&sclient=img&ei=tAdLX5OzL8vy0QStoLT4Dw&bih=888&biw=1903&rlz=1C1CHBD_enPH911PH911&hl=en#imgrc=8ylUeg_SQ3Pq8Mhttps://www.google.com/search?q=1880swomanclipart&tbm=isch&ved=2ahUKEwiT3djy6cHrAhVLeZQKHS0QDf8Q2-cCegQIABAA&oq=1880swomanclipart&gs_lcp=CgNpbWcQA1DfrgJY7sICYJbFAmgAcAB4AIABbogB4wmSAQM4LjWYAQCgAQGqAQtnd3Mtd2l6LWltZ8ABAQ&sclient=img&ei=tAdLX5OzL8vy0QStoLT4Dw&bih=888&biw=1903&rlz=1C1CHBD_enPH911PH911&hl=en#imgrc=8ylUeg_SQ3Pq8Mhttps://www.google.com/search?q=1880swomanclipart&tbm=isch&ved=2ahUKEwiT3djy6cHrAhVLeZQKHS0QDf8Q2-cCegQIABAA&oq=1880swomanclipart&gs_lcp=CgNpbWcQA1DfrgJY7sICYJbFAmgAcAB4AIABbogB4wmSAQM4LjWYAQCgAQGqAQtnd3Mtd2l6LWltZ8ABAQ&sclient=img&ei=tAdLX5OzL8vy0QStoLT4Dw&bih=888&biw=1903&rlz=1C1CHBD_enPH911PH911&hl=en#imgrc=8ylUeg_SQ3Pq8Mhttps://www.google.com/search?q=women+clipart&tbm=isch&ved=2ahUKEwj2yOjV9sbrAhVB3pQKHRvPCCQQ2-cCegQIABAA&oq=women+clipart&gs_lcp=CgNpbWcQAzIECAAQQzICCAAyAggAMgIIADICCAAyAggAMgIIADICCAAyAggAMgIIADoGCAAQBxAeUNvPCFjy1ghgsNsIaABwAHgAgAGHAogBtwqSAQUwLjYuMZgBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1nwAEB&sclient=img&ei=MLRNX_bwIsG80wSbnqOgAg&bih=634&biw=1366&rlz=1C5CHFA_enPH894PH894#imgrc=roUyqlLq44osTM&imgdii=fR4sXE-r3ebCDMhttps://www.google.com/search?q=women+clipart&tbm=isch&ved=2ahUKEwj2yOjV9sbrAhVB3pQKHRvPCCQQ2-cCegQIABAA&oq=women+clipart&gs_lcp=CgNpbWcQAzIECAAQQzICCAAyAggAMgIIADICCAAyAggAMgIIADICCAAyAggAMgIIADoGCAAQBxAeUNvPCFjy1ghgsNsIaABwAHgAgAGHAogBtwqSAQUwLjYuMZgBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1nwAEB&sclient=img&ei=MLRNX_bwIsG80wSbnqOgAg&bih=634&biw=1366&rlz=1C5CHFA_enPH894PH894#imgrc=roUyqlLq44osTM&imgdii=fR4sXE-r3ebCDMhttps://www.google.com/search?q=women+clipart&tbm=isch&ved=2ahUKEwj2yOjV9sbrAhVB3pQKHRvPCCQQ2-cCegQIABAA&oq=women+clipart&gs_lcp=CgNpbWcQAzIECAAQQzICCAAyAggAMgIIADICCAAyAggAMgIIADICCAAyAggAMgIIADoGCAAQBxAeUNvPCFjy1ghgsNsIaABwAHgAgAGHAogBtwqSAQUwLjYuMZgBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1nwAEB&sclient=img&ei=MLRNX_bwIsG80wSbnqOgAg&bih=634&biw=1366&rlz=1C5CHFA_enPH894PH894#imgrc=roUyqlLq44osTM&imgdii=fR4sXE-r3ebCDMhttps://www.google.com/search?q=women+clipart&tbm=isch&ved=2ahUKEwj2yOjV9sbrAhVB3pQKHRvPCCQQ2-cCegQIABAA&oq=women+clipart&gs_lcp=CgNpbWcQAzIECAAQQzICCAAyAggAMgIIADICCAAyAggAMgIIADICCAAyAggAMgIIADoGCAAQBxAeUNvPCFjy1ghgsNsIaABwAHgAgAGHAogBtwqSAQUwLjYuMZgBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1nwAEB&sclient=img&ei=MLRNX_bwIsG80wSbnqOgAg&bih=634&biw=1366&rlz=1C5CHFA_enPH894PH894#imgrc=roUyqlLq44osTM&imgdii=fR4sXE-r3ebCDMhttps://www.google.com/search?q=women+clipart&tbm=isch&ved=2ahUKEwj2yOjV9sbrAhVB3pQKHRvPCCQQ2-cCegQIABAA&oq=women+clipart&gs_lcp=CgNpbWcQAzIECAAQQzICCAAyAggAMgIIADICCAAyAggAMgIIADICCAAyAggAMgIIADoGCAAQBxAeUNvPCFjy1ghgsNsIaABwAHgAgAGHAogBtwqSAQUwLjYuMZgBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1nwAEB&sclient=img&ei=MLRNX_bwIsG80wSbnqOgAg&bih=634&biw=1366&rlz=1C5CHFA_enPH894PH894#imgrc=roUyqlLq44osTM&imgdii=fR4sXE-r3ebCDMhttps://www.google.com/search?q=women+clipart&tbm=isch&ved=2ahUKEwj2yOjV9sbrAhVB3pQKHRvPCCQQ2-cCegQIABAA&oq=women+clipart&gs_lcp=CgNpbWcQAzIECAAQQzICCAAyAggAMgIIADICCAAyAggAMgIIADICCAAyAggAMgIIADoGCAAQBxAeUNvPCFjy1ghgsNsIaABwAHgAgAGHAogBtwqSAQUwLjYuMZgBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1nwAEB&sclient=img&ei=MLRNX_bwIsG80wSbnqOgAg&bih=634&biw=1366&rlz=1C5CHFA_enPH894PH894#imgrc=roUyqlLq44osTM&imgdii=fR4sXE-r3ebCDMhttps://www.google.com/search?q=women+clipart&tbm=isch&ved=2ahUKEwj2yOjV9sbrAhVB3pQKHRvPCCQQ2-cCegQIABAA&oq=women+clipart&gs_lcp=CgNpbWcQAzIECAAQQzICCAAyAggAMgIIADICCAAyAggAMgIIADICCAAyAggAMgIIADoGCAAQBxAeUNvPCFjy1ghgsNsIaABwAHgAgAGHAogBtwqSAQUwLjYuMZgBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1nwAEB&sclient=img&ei=MLRNX_bwIsG80wSbnqOgAg&bih=634&biw=1366&rlz=1C5CHFA_enPH894PH894#imgrc=roUyqlLq44osTM&imgdii=fR4sXE-r3ebCDMhttps://www.google.com/search?q=women+clipart&tbm=isch&ved=2ahUKEwj2yOjV9sbrAhVB3pQKHRvPCCQQ2-cCegQIABAA&oq=women+clipart&gs_lcp=CgNpbWcQAzIECAAQQzICCAAyAggAMgIIADICCAAyAggAMgIIADICCAAyAggAMgIIADoGCAAQBxAeUNvPCFjy1ghgsNsIaABwAHgAgAGHAogBtwqSAQUwLjYuMZgBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1nwAEB&sclient=img&ei=MLRNX_bwIsG80wSbnqOgAg&bih=634&biw=1366&rlz=1C5CHFA_enPH894PH894#imgrc=roUyqlLq44osTMhttps://www.google.com/search?q=women+clipart&tbm=isch&ved=2ahUKEwj2yOjV9sbrAhVB3pQKHRvPCCQQ2-cCegQIABAA&oq=women+clipart&gs_lcp=CgNpbWcQAzIECAAQQzICCAAyAggAMgIIADICCAAyAggAMgIIADICCAAyAggAMgIIADoGCAAQBxAeUNvPCFjy1ghgsNsIaABwAHgAgAGHAogBtwqSAQUwLjYuMZgBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1nwAEB&sclient=img&ei=MLRNX_bwIsG80wSbnqOgAg&bih=634&biw=1366&rlz=1C5CHFA_enPH894PH894#imgrc=roUyqlLq44osTMhttps://www.google.com/search?q=women+clipart&tbm=isch&ved=2ahUKEwj2yOjV9sbrAhVB3pQKHRvPCCQQ2-cCegQIABAA&oq=women+clipart&gs_lcp=CgNpbWcQAzIECAAQQzICCAAyAggAMgIIADICCAAyAggAMgIIADICCAAyAggAMgIIADoGCAAQBxAeUNvPCFjy1ghgsNsIaABwAHgAgAGHAogBtwqSAQUwLjYuMZgBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1nwAEB&sclient=img&ei=MLRNX_bwIsG80wSbnqOgAg&bih=634&biw=1366&rlz=1C5CHFA_enPH894PH894#imgrc=roUyqlLq44osTMhttps://www.google.com/search?q=women+clipart&tbm=isch&ved=2ahUKEwj2yOjV9sbrAhVB3pQKHRvPCCQQ2-cCegQIABAA&oq=women+clipart&gs_lcp=CgNpbWcQAzIECAAQQzICCAAyAggAMgIIADICCAAyAggAMgIIADICCAAyAggAMgIIADoGCAAQBxAeUNvPCFjy1ghgsNsIaABwAHgAgAGHAogBtwqSAQUwLjYuMZgBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1nwAEB&sclient=img&ei=MLRNX_bwIsG80wSbnqOgAg&bih=634&biw=1366&rlz=1C5CHFA_enPH894PH894#imgrc=roUyqlLq44osTMhttps://www.google.com/search?q=women+clipart&tbm=isch&ved=2ahUKEwj2yOjV9sbrAhVB3pQKHRvPCCQQ2-cCegQIABAA&oq=women+clipart&gs_lcp=CgNpbWcQAzIECAAQQzICCAAyAggAMgIIADICCAAyAggAMgIIADICCAAyAggAMgIIADoGCAAQBxAeUNvPCFjy1ghgsNsIaABwAHgAgAGHAogBtwqSAQUwLjYuMZgBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1nwAEB&sclient=img&ei=MLRNX_bwIsG80wSbnqOgAg&bih=634&biw=1366&rlz=1C5CHFA_enPH894PH894#imgrc=roUyqlLq44osTMhttps://www.google.com/search?q=women+clipart&tbm=isch&ved=2ahUKEwj2yOjV9sbrAhVB3pQKHRvPCCQQ2-cCegQIABAA&oq=women+clipart&gs_lcp=CgNpbWcQAzIECAAQQzICCAAyAggAMgIIADICCAAyAggAMgIIADICCAAyAggAMgIIADoGCAAQBxAeUNvPCFjy1ghgsNsIaABwAHgAgAGHAogBtwqSAQUwLjYuMZgBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1nwAEB&sclient=img&ei=MLRNX_bwIsG80wSbnqOgAg&bih=634&biw=1366&rlz=1C5CHFA_enPH894PH894#imgrc=roUyqlLq44osTM