+ All Categories
Home > Documents > download.jw.orgdownload.jw.org/files/media_books/9e/bhlp_TG.pdf · 2005 Watch Tower Bible and Tract...

download.jw.orgdownload.jw.org/files/media_books/9e/bhlp_TG.pdf · 2005 Watch Tower Bible and Tract...

Date post: 01-Feb-2018
Category:
Upload: dinhquynh
View: 463 times
Download: 36 times
Share this document with a friend
289
ANO B A Talaga ANG ITINUTURO NG BI BLIYA? Malalaking-Letrang Edisyon
Transcript

ANO BA TalagaANG ITINUTURO

NG BIBLIYA?Malalaking-Letrang Edisyon

ITIN

UT

UR

ON

GB

IBL

IYA

—M

AL

AL

AK

ING

LE

TR

Abh

lp-TG

ANO BA TalagaANG ITINUTURO

NG BIBLIYA?Malalaking-Letrang Edisyon

ANG AKLAT NA ITO AY KAY

� 2005Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania

All Rights Reserved

Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?—Malalaking-Letrang Edisyon

MGA TAGAPAGLATHALAWatchtower Bible and Tract Society of New York, Inc.

Brooklyn, New York, U.S.A.

Inilimbag 2012

Hindi ipinagbibili ang publikasyong ito. Inilaan ito bilangbahagi ng pambuong-daigdig na pagtuturo sa Bibliya

na tinutustusan ng kusang-loob na mga donasyon.

Malibang iba ang ipinakikita, ang mga pagsipisa Kasulatan ay mula sa makabagong-wikang

Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan.

What Does the Bible Really Teach?—Large Print

Tagalog (bhlp-TG)

Made in JapanGawa sa Japan

KABANATA PAHINA

Ito ba ang Layunin ng Diyos? � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � 4

1. Ano ba ang Katotohanan Tungkol sa Diyos? � � � � � � � � � � � � � � � � � 8

2. Ang Bibliya—Isang Aklat Mula sa Diyos � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � 21

3. Ano ang Layunin ng Diyos Para sa Lupa? � � � � � � � � � � � � � � � � � � � 31

4. Sino si Jesu-Kristo? � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � 44

5. Ang Pantubos—Ang PinakamahalagangRegalo ng Diyos � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � 57

6. Nasaan ang mga Patay? � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � 70

7. Ang Tunay na Pag-asa Para sa Iyong Namatayna mga Mahal sa Buhay � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � 82

8. Ano ba ang Kaharian ng Diyos? � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � 95

9. Nabubuhay Na ba Tayo sa “mga Huling Araw”? � � � � � � � � � 109

10. Mga Espiritung Nilalang—Kung Paano Nila Tayo Naaapektuhan � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � 121

11. Bakit Kaya Pinahihintulutan ng Diyosang Pagdurusa? � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � 133

12. Pamumuhay sa Paraang Nakalulugod sa Diyos � � � � � � � � � � 145

13. Ang Makadiyos na Pangmalas sa Buhay � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � 158

14. Kung Paano MagigingMaligaya ang Iyong Buhay Pampamilya � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � 170

15. Ang Pagsambang Sinasang-ayunan ng Diyos � � � � � � � � � � � � � � 184

MGA NILALAMAN

KABANATA PAHINA

16. Manindigan Ka Para sa Tunay na Pagsamba � � � � � � � � � � � � � � 197

17. Maging Malap´ıt sa Diyos sa Panalangin � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � 209

18. Ang Bautismo at ang Iyong Kaugnayan sa Diyos � � � � � � � � 222

19. Manatili sa Pag-ibig ng Diyos � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � 235

Apendise � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � 247

MAGBASA ka ng kahit na anong diyaryo. Manood kang telebisyon, o makinig sa radyo. Napakaraming ku-wento ng krimen, digmaan, at terorismo! Pag-isipan monaman ang sarili mong mga kabalisahan. Marahil aylubha kang nababagabag dahil sa pagkakasakit o pag-kamatay ng isang mahal sa buhay. Maaaring nadaramamo ang gaya ng nadama ng mabuting taong si Job, nanagsabing siya ay “tigmak ng kapighatian.”—Job 10:15.

Tanungin ang iyong sarili:

ˇ Ito ba ang layunin ng Diyos para sa akin at sa buongsangkatauhan?

ˇ Saan ako makasusumpong ng tulong para malutasang mga problema ko?

ˇ May pag-asa pa kayang makita natin ang kapayapaansa lupa?

Ang Bibliya ay nagbibigay ng kasiya-siyang mga sagotsa mga tanong na ito.

Ito ba ang Layunin ng Diyos?

4 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

ITINUTURO NG BIBLIYANA PAIIRALIN NG DIYOS ANG

MGA KALAGAYANG ITO SA LUPA

“Papahirin niya ang bawat luha sa kanilang mgamata, at hindi na magkakaroon ng kamatayan, ni ngpagdadalamhati o ng paghiyaw o ng kirot pa man.”

—Apocalipsis 21:4

“Aakyat ang pilay na gaya ng lalaking usa.”—Isaias 35:6

“Madidilat ang mga mata ng mga bulag.”—Isaias 35:5

“Ang lahat ng nasa mga alaalang libinganay . . . lalabas.”—Juan 5:28, 29

“Walang sinumang tumatahan ang magsasabi:‘Ako ay may sakit.’ ”—Isaias 33:24

“Magkakaroon ng saganang butil sa lupa.”—Awit 72:16

Ito ba ang Layunin ng Diyos? 5

MAKINABANG SAITINUTURO NG BIBLIYA

Huwag kaagad ipagpalagay na ang inihaharap sa nau-nang mga pahina ay pangangarap lamang nang gising.Nangako ang Diyos na tutuparin niya ang mga bagay na ito,at ipinaliliwanag ng Bibliya kung paano niya gagawin ito.

Ngunit higit pa riyan ang maitutulong ng Bibliya. Ini-lalaan nito ang susi sa pagtatamasa mo ng isang tunay nakasiya-siyang buhay maging sa ngayon. Pag-isipan mo san-dali ang iyong mga kabalisahan at mga problema. Maaaringkabilang dito ang kawalan ng pera, problema sa pamilya,mahinang kalusugan, o pagkamatay ng isang minamahal.Matutulungan ka ng Bibliya na harapin ang mga problemasa ngayon, at mabibigyan ka nito ng kaginhawahan sa pa-mamagitan ng pagsagot sa mga tanong na tulad nito:

ˇ Bakit tayo nagdurusa?

ˇ Paano natin mahaharap ang mga kabalisahan sa buhay?

ˇ Paano magiging mas maligaya ang ating buhay pampamilya?

ˇ Ano ang nangyayari sa atin kapag namatay tayo?

ˇ Makikita pa kaya nating muli ang ating mga mahal sabuhay na namatay na?

ˇ Paano tayo makatitiyak na tutuparin ng Diyos angkaniyang mga pangako para sa hinaharap?

Ang pagbabasa mo ng aklat na ito ay nagpapakitang naismong malaman ang itinuturo ng Bibliya. Matutulungan kang aklat na ito. Mapapansin mo na ang mga parapo aymay katumbas na mga tanong sa ibaba ng pahina. Milyun-milyon na ang nasiyahan sa paggamit ng tanong-sagot na

6 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

pamamaraan kapag tinatalakay ang Bibliya kasama ng mgaSaksi ni Jehova. Umaasa kaming masisiyahan ka rin dito.Nawa’y pagpalain ka ng Diyos habang tinatamasa mongayon ang kapana-panabik at kasiya-siyang karanasan namalaman kung ano talaga ang itinuturo ng Bibliya!

MAGING PAMILYAR SA IYONG BIBLIYA

BINUBUO ng 66 na mga aklat at mga liham ang Bibliya.Hinati ang mga ito sa mga kabanata at talata para mas ma-daling hanapin ang mga teksto. Kapag binabanggit ang mgateksto sa publikasyong ito, ang unang numero pagkataposng pangalan ng aklat ay tumutukoy sa kabanata ng aklato liham ng Bibliya, at ang kasunod na numero naman aytumutukoy sa talata. Halimbawa, ang tekstong “2 Timoteo3:16” ay nangangahulugang ikalawang liham kay Timoteo,kabanata 3, talata 16.

Madali kang magiging pamilyar sa Bibliya kung hahana-pin mo sa iyong Bibliya ang mga tekstong binabanggit sapublikasyong ito. Gayundin, bakit hindi pasimulan angisang programa ng araw-araw na pagbabasa ng Bibliya?Kung magbabasa ka ng tatlo hanggang limang kabanata ba-wat araw, mababasa mo ang buong Bibliya sa loob ng isangtaon.

Ito ba ang Layunin ng Diyos? 7

NAPAPANSIN mo ba kung paano magtanong ang mga

bata? Marami ang nagsisimulang magtanong sa sandaling

matuto silang magsalita. Mababanaag sa kanilang mga

mata ang pananabik na magtanong sa iyo ng mga bagay na

gaya ng: Bakit po asul ang kulay ng langit? Bakit po kaya

kumukutitap ang mga bituin? Sino po ba ang nagturo

sa mga ibon na umawit? Maaaring pagsikapan mong mabu-

ti na sagutin ang mga ito, pero hindi ito laging madali. Ka-

hit ang pinakamahusay mong sagot ay maaaring sundan

nila ng isa pang tanong: Bakit po?2 Hindi lamang ang mga bata ang nagtatanong. Habang

lumalaki tayo, patuloy tayong nagtatanong. Ginagawa na-

tin ito para makarating sa ating pupuntahan, malaman ang

mga panganib na dapat nating iwasan, o masapatan ang

ating pagiging mausisa. Ngunit maraming tao ang waring

1, 2. Bakit kadalasan nang mabuti ang magtanong?

KABANATA 1

Ano ba ang KatotohananTungkol sa Diyos?

Talaga bang nagmamalasakit sa iyo ang Diyos?

Anong uri siya ng Diyos? May pangalan ba siya?

Posible bang m´apalap

´ıt sa Diyos?

8 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

tumigil na sa pagtatanong, lalo na ng pinakamahahalagang

katanungan. Sa paanuman, hindi na sila naghahanap ng

mga kasagutan.3 Pag-isipan ang tanong na nasa pabalat ng aklat na ito,

ang mga tanong sa paunang salita, o ang mga tanong sa pa-

simula ng kabanatang ito. Ang mga ito ay ilan lamang sa

pinakamahahalagang bagay na puwede mong itanong. Pero

maraming tao ang sumuko na sa paghahanap ng mga sagot.

Bakit? Nasa Bibliya ba ang mga sagot? Inaakala ng iba na

napakahirap maunawaan ang mga sagot nito. Nag-aalala

naman ang iba na baka nakakahiyang magtanong. At sina-

sabi ng iba na ang gayong mga tanong ay masasagot lamang

ng relihiyosong mga lider at mga guro. Ano sa palagay mo?4 Malamang na interesado kang malaman ang mga sagot

sa mahahalagang katanungan sa buhay. Walang-alinlangang

naiisip mo rin kung minsan: ‘Ano kaya ang layunin ng bu-

hay? Ganito na lamang ba ang buhay? Anong uri talaga

Siya ng Diyos?’ Mabuting itanong ang mga bagay na ito, at

mahalaga na huwag kang tumigil hanggang sa masumpu-

ngan mo ang kasiya-siya at maaasahang mga sagot. Ganito

ang sinabi ng tanyag na gurong si Jesu-Kristo: “Patuloy na

humingi, at ibibigay ito sa inyo; patuloy na maghanap, at

3. Bakit marami ang tumigil na sa pagsisikap na malaman ang mga sagot sa pi-nakamahahalagang tanong?

4, 5. Ano ang ilan sa pinakamahahalagang bagay sa buhay na maaari natingitanong, at bakit natin dapat hanapin ang mga sagot?

Ano ba ang Katotohanan Tungkol sa Diyos? 9

kayo ay makasusumpong; patuloy na kumatok, at bubuk-

san ito sa inyo.”—Mateo 7:7.5 Kung ‘patuloy mong hahanapin’ ang mga sagot sa ma-

hahalagang tanong na ito, masusumpungan mo na ang pag-

hahanap dito ay maaaring maging lubhang kasiya-siya. (Ka-

wikaan 2:1-5) Anuman ang maaaring sinabi sa iyo ng ibang

tao, may sagot sa mga tanong na ito, at puwede mong ma-

sumpungan ang mga ito—sa Bibliya. Hindi naman mahirap

unawain ang mga sagot. Higit pa rito, nagdudulot ang mga

ito ng pag-asa at kagalakan. At matutulungan ka ng mga

ito na magkaroon ng kasiya-siyang buhay ngayon. Bilang

pasimula, isaalang-alang natin ang isang tanong na gumu-

gulo sa isipan ng maraming tao.

MANHID BA AT WALANG MALASAKIT ANG DIYOS?6 Ipinalalagay ng maraming tao na ang sagot sa tanong

na iyan ay oo. ‘Kung nagmamalasakit ang Diyos,’ ang sabi

nila, ‘tiyak na ibang-iba sana ang daigdig, hindi ba?’ Naki-

kita natin sa ating paligid ang isang daigdig na punung-

puno ng digmaan, poot, at kahapisan. At bilang mga indi-

biduwal, tayo ay nagkakasakit, nagdurusa, at namamatayan

ng mga mahal sa buhay. Kaya naman, marami ang nagsa-

sabi, ‘Kung nagmamalasakit ang Diyos sa atin at sa ating

mga problema, tiyak na hindi niya hahayaang mangyari

ang gayong mga bagay, hindi ba?’

6. Bakit maraming tao ang nag-aakala na ang Diyos ay walang malasakit sapagdurusa ng tao?

10 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

7 Ang masaklap pa rito, naiimpluwensiyahan kung min-

san ng relihiyosong mga guro ang mga tao na isiping man-

hid ang Diyos. Paano? Kapag may nangyayaring sakuna, si-

nasabi nila na kalooban ito ng Diyos. Sa diwa, sinisisi ng

gayong mga guro ang Diyos sa masasamang bagay na nang-

yayari. Iyan ba ang katotohanan hinggil sa Diyos? Ano ba

talaga ang itinuturo ng Bibliya? Sumasagot ang Santiago

1:13: “Kapag nasa ilalim ng pagsubok, huwag sabihin ng

sinuman: ‘Ako ay sinusubok ng Diyos.’ Sapagkat sa masa-

samang bagay ay hindi masusubok ang Diyos ni sinusubok

man niya ang sinuman.” Kaya hindi ang Diyos ang pinag-

mumulan ng kabalakyutan na nakikita mo sa daigdig sa

palibot mo. (Job 34:10-12) Totoo, pinahihintulutan niyang

mangyari ang masasamang bagay. Ngunit may malaking

pagkakaiba ang pagpapahintulot na mangyari ang isang ba-

gay at ang pagiging sanhi nito.8 Halimbawa, sabihin natin na isang matalino at maibi-

ging ama ang may malaki nang anak na nakapisan pa rin

sa kaniyang mga magulang. Nang magrebelde ang anak at

magpasiyang umalis na sa bahay, hindi siya pinigilan ng

7. (a) Paano naimpluwensiyahan ng relihiyosong mga guro ang marami na isi-ping manhid ang Diyos? (b) Ano ba talaga ang itinuturo ng Bibliya hinggil samga pagsubok na maaaring nararanasan natin?

8, 9. (a) Paano mo mailalarawan ang pagkakaiba ng pagpapahintulot na umi-ral ang labis na kasamaan at ng pagiging sanhi nito? (b) Bakit magigingdi-makatuwiran kung pupunahin natin ang pasiya ng Diyos na pahintulutan angsangkatauhan na itaguyod ang isang masuwaying landasin?

Ano ba ang Katotohanan Tungkol sa Diyos? 11

kaniyang ama. Masama ang naging pamumuhay ng anak

at nasuong ito sa gulo. Ang ama ba ang sanhi ng mga pro-

blema ng kaniyang anak? Hindi. (Lucas 15:11-13) Sa katu-

lad na paraan, hindi pinipigilan ng Diyos ang mga tao ka-

pag pinili nilang tahakin ang isang masamang landasin,

ngunit hindi siya ang sanhi ng mga problemang bunga nito.

Kung gayon, tiyak na hindi makatuwirang sisihin ang

Diyos sa lahat ng problema ng sangkatauhan.9 May mabubuting dahilan ang Diyos kung bakit pina-

hintulutan niya ang sangkatauhan na tahakin ang isang

masamang landasin. Bilang ating marunong at makapang-

yarihang Maylalang, hindi niya kailangang ipaliwanag sa

atin ang kaniyang mga dahilan. Gayunman, dahil sa pag-

ibig ay ginawa ito ng Diyos. Marami ka pang matututuhan

hinggil sa mga dahilang ito sa Kabanata 11. Ngunit maka-

titiyak ka na hindi ang Diyos ang dahilan ng mga proble-

mang kinakaharap natin. Sa kabaligtaran, ibinibigay niya

sa atin ang tanging pag-asa para malutas ang mga ito!—Isa-

ias 33:2.10 Karagdagan pa, ang Diyos ay banal. (Isaias 6:3) Nanga-

ngahulugan ito na siya ay dalisay at malinis. Walang ma-

babakas na kasamaan sa kaniya. Kaya lubusan tayong

makapagtitiwala sa kaniya. Pero hindi tayo makapagtitiwa-

10. Bakit tayo makapagtitiwala na aalisin ng Diyos ang mga epekto ng labis nakasamaan?

12 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

la nang ganiyan sa mga tao, yamang nagiging tiwali sila

kung minsan. Kahit ang pinakamatapat na taong may aw-

toridad ay madalas na walang kapangyarihang lunasan

ang pinsalang idinudulot ng masasamang tao. Ngunit ang

Diyos ay makapangyarihan-sa-lahat. Kaya niya at talagang

aalisin niya ang lahat ng naging epekto ng labis na kasa-

maan sa sangkatauhan. Kapag kumilos ang Diyos, wawa-

kasan niya ang kasamaan magpakailanman!—Awit 37:9-11.

ANO ANG NADARAMA NG DIYOS HINGGIL SAKAWALANG-KATARUNGANG NARARANASAN NATIN?

11 Samantala, ano kaya ang nadarama ng Diyos hinggil sa

nangyayari sa daigdig at sa iyong buhay? Una sa lahat, iti-

nuturo ng Bibliya na ang Diyos ay “maibigin sa kataru-

ngan.” (Awit 37:28) Kaya naman napakahalaga sa kaniya

kung ano ang tama at kung ano ang mali. Kinapopootan

niya ang lahat ng uri ng kawalang-katarungan. Sinasabi ng

Bibliya na ang Diyos ay “nasaktan sa kaniyang puso” nang

mapuno ng kasamaan ang daigdig noon. (Genesis 6:5, 6)

Hindi nagbabago ang Diyos. (Malakias 3:6) Kinapopootan

pa rin niya ang pagdurusang nagaganap sa buong daig-

dig. At ayaw ng Diyos na makitang nagdurusa ang mga

tao. “Siya ay nagmamalasakit sa inyo,” ang sabi sa Bibli-

ya.—1 Pedro 5:7.

11. (a) Ano ang nadarama ng Diyos hinggil sa kawalang-katarungan? (b) Anoang nadarama ng Diyos hinggil sa iyong pagdurusa?

Ano ba ang Katotohanan Tungkol sa Diyos? 13

12 Paano tayo nakatitiyak na ayaw ng Diyos na makitang

may nagdurusa? Heto pa ang karagdagang patotoo. Itinu-

turo ng Bibliya na ang tao ay ginawa ayon sa larawan ng

Diyos. (Genesis 1:26) Kaya may mabubuting katangian tayo

dahil may mabubuting katangian ang Diyos. Halimbawa,

nababagabag ka ba kapag nakikita mong nagdurusa ang

inosenteng mga tao? Kung nababagabag ka sa kawalang-

katarungang ito, makatitiyak ka na mas matindi pa ang na-

darama ng Diyos hinggil dito.13 Ang isa sa pinakamabubuting katangian ng tao ay ang

kakayahang umibig. Nakikita rin dito ang katangian ng

Diyos. Itinuturo ng Bibliya na “ang Diyos ay pag-ibig.”

(1 Juan 4:8) Umiibig tayo dahil umiibig ang Diyos. Pakiki-

lusin ka ba ng pag-ibig upang wakasan ang pagdurusa at

kawalang-katarungang nakikita mo sa daigdig? Kung may

kapangyarihan kang gawin iyan, gagawin mo ba ito? Siyem-

pre naman! Makatitiyak ka rin na wawakasan ng Diyos ang

pagdurusa at kawalang-katarungan. Ang mga pangakong bi-

nanggit sa paunang salita ng aklat na ito ay hindi lamang

mga pangarap o mga pag-asang walang saligan. Tiyak na

magkakatotoo ang mga pangako ng Diyos! Ngunit para ma-

kapagtiwala sa gayong mga pangako, kailangan mong ma-

kilala pa nang higit ang Diyos na nangako ng mga ito.

12, 13. (a) Bakit tayo nagtataglay ng mabubuting katangian na gaya ng pag-ibig, at paano naaapektuhan ng pag-ibig ang ating pangmalas sa daigdig?(b) Bakit ka nakatitiyak na talagang may gagawin ang Diyos hinggil sa mgaproblema sa daigdig?

14 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

NAIS NG DIYOS NA MAKILALA MO SIYA14 Kung nais mong makilala ka ng isang tao, ano ang ma-

lamang na gagawin mo? Hindi mo ba sasabihin sa taong

iyon ang pangalan mo? May pangalan ba ang Diyos? Ma-

raming relihiyon ang nagsasabi na ang pangalan niya ay

“Diyos” o “Panginoon,” ngunit ang mga ito ay hindi na-

man personal na mga pangalan. Mga titulo ang mga ito,

kung paanong ang “hari” at “presidente” ay mga titulo rin.

Itinuturo ng Bibliya na maraming titulo ang Diyos. Kabi-

lang sa mga ito ang “Diyos” at “Panginoon.” Gayunman,

itinuturo rin ng Bibliya na may personal na pangalan ang

Diyos: Jehova. Sinasabi ng Awit 83:18: “Ikaw, na ang pa-

ngalan ay Jehova, ikaw lamang ang Kataas-taasan sa buong

lupa.” Kung wala ang pangalang iyan sa salin ng iyong Bi-

bliya, baka gusto mong tingnan ang Apendise sa pahi-

na 248-51 ng aklat na ito para malaman mo kung bakit.

Ang totoo, lumilitaw ang pangalan ng Diyos nang libu-

libong ulit sa sinaunang mga manuskrito ng Bibliya. Kaya,

gusto ni Jehova na malaman mo ang kaniyang pangalan at

gamitin mo ito. Sa diwa, ginagamit niya ang Bibliya para

ipakilala sa iyo ang kaniyang sarili.15 Binigyan mismo ng Diyos ang kaniyang sarili ng isang

pangalan na punung-puno ng kahulugan. Ang kaniyang pa-

ngalang Jehova ay nangangahulugan na kayang tuparin ng

14. Ano ang pangalan ng Diyos, at bakit natin dapat gamitin ito?15. Ano ang kahulugan ng pangalang Jehova?

Ano ba ang Katotohanan Tungkol sa Diyos? 15

Diyos ang anumang pangakong binitiwan niya at anumang

layuning naisip niya.� Natatangi ang pangalan ng Diyos,

wala itong katulad. Siya lamang ang nagmamay-ari nito. Sa

maraming paraan, natatangi si Jehova. Paano?16 Nakita natin na sinabi ng Awit 83:18 hinggil kay Jeho-

va: “Ikaw lamang ang Kataas-taasan.” Sa katulad na para-

an, si Jehova lamang ang tinutukoy bilang “Makapangya-

rihan-sa-lahat.” Sinasabi ng Apocalipsis 15:3: “Dakila at

kamangha-mangha ang iyong mga gawa, Diyos na Jeho-

va, ang Makapangyarihan-sa-lahat. Matuwid at totoo ang

iyong mga daan, Haring walang hanggan.” Ang titulong

“Makapangyarihan-sa-lahat” ay nagtuturo sa atin na si Je-

hova ang pinakamakapangyarihang persona na umiiral.

Walang kapantay ang kaniyang kapangyarihan; ito ay naka-

hihigit sa lahat. At ipinaaalaala sa atin ng titulong “Ha-

ring walang hanggan” na si Jehova ay natatangi sa isa pang

diwa. Noon pa man ay umiiral na siya. Sinasabi ng Awit

90:2: “Mula pa sa panahong walang takda hanggang sa pa-

nahong walang takda [o, magpakailanman] ay ikaw ang

Diyos.” Hindi ba gumaganyak ng pagpipitagan ang gayong

mga pananalita?

� Marami pang impormasyon hinggil sa kahulugan at pagbigkas sa panga-lan ng Diyos sa Apendise sa pahina 248-51.

16, 17. Ano ang matututuhan natin tungkol kay Jehova mula sa sumusunod namga titulo: (a) “Makapangyarihan-sa-lahat”? (b) “Haring walang hanggan”?(c) “Maylalang”?

16 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

17 Natatangi rin si Jehova sa bagay na siya lamang ang

Maylalang. Ganito ang mababasa sa Apocalipsis 4:11:

“Ikaw ang karapat-dapat, Jehova, na Diyos nga namin, na

tumanggap ng kaluwalhatian at ng karangalan at ng ka-

pangyarihan, sapagkat nilalang mo ang lahat ng bagay, at

dahil sa iyong kalooban ay umiral sila at nalalang.” Lahat

ng bagay na maiisip mo—mula sa di-nakikitang espiritung

mga nilalang sa langit, sa maraming bituing nakikita sa ka-

langitan sa gabi, sa mga prutas na lumalaki sa mga pu-

nungkahoy hanggang sa mga isda na lumalangoy sa mga

karagatan at mga ilog—ay umiiral dahil si Jehova ang

Maylalang!

MAAARI KA BANG M´

APALAP´IT KAY JEHOVA?

18 Waring nangangamba ang ilang tao kapag nababasa

nila ang kahanga-hangang mga katangian ni Jehova. Na-

ngangamba sila na napakataas ng Diyos para maabot nila,

na hindi sila kailanman m´apapalap

´ıt sa kaniya o magkaka-

roon ng halaga sa gayon katayog na Diyos. Pero tama ba

ang kaisipang ito? Ang kabaligtaran nito ang siyang itinu-

turo ng Bibliya. Sinasabi nito hinggil kay Jehova: “Sa ka-

tunayan, hindi siya malayo sa bawat isa sa atin.” (Gawa

17:27) Hinihimok pa nga tayo ng Bibliya: “Lumapit kayo

sa Diyos, at lalapit siya sa inyo.”—Santiago 4:8.

18. Bakit nadarama ng ilang tao na hindi sila kailanman m´apapalap

´ıt sa Diyos,

ngunit ano ang itinuturo ng Bibliya?

Ano ba ang Katotohanan Tungkol sa Diyos? 17

19 Paano ka m´apapalap

´ıt sa Diyos? Unang-una, ipagpatu-

loy mo ang ginagawa mo ngayon—ang pag-aaral hinggil sa

Diyos. Sinabi ni Jesus: “Ito ay nangangahulugan ng buhay

na walang hanggan, ang kanilang pagkuha ng kaalaman

tungkol sa iyo, ang tanging tunay na Diyos, at sa isa na

iyong isinugo, si Jesu-Kristo.” (Juan 17:3) Oo, itinuturo ng

Bibliya na ang pagkatuto hinggil kay Jehova at kay Jesus

ay umaakay sa “buhay na walang hanggan”! Gaya ng na-

banggit na, “ang Diyos ay pag-ibig.” (1 Juan 4:16) Mara-

mi pang ibang magaganda at kalugud-lugod na katangian

si Jehova. Halimbawa, sinasabi ng Bibliya na si Jehova ay

“isang Diyos na maawain at magandang-loob, mabagal sa

pagkagalit at sagana sa maibiging-kabaitan at katotoha-

nan.” (Exodo 34:6) Siya ay “mabuti at handang magpa-

tawad.” (Awit 86:5) Matiisin ang Diyos. (2 Pedro 3:9)

Matapat siya. (Apocalipsis 15:4) Habang higit mong bina-

basa ang Bibliya, matutuklasan mo kung paano ipinakita

ni Jehova na taglay niya ang mga ito at ang iba pang ka-

lugud-lugod na mga katangian.20 Totoo, hindi mo nakikita ang Diyos dahil isa siyang

19. (a) Ano ang unang hakbang upang m´apalap

´ıt tayo sa Diyos, at ano ang ka-

pakinabangan nito? (b) Anong mga katangian ng Diyos ang lubhang kaakit-akitsa iyo?

20-22. (a) Nahahadlangan ba ang ating pagsisikap na m´apalap

´ıt sa Diyos da-

hil hindi natin siya nakikita? Ipaliwanag. (b) Baka himukin ka ng ilang taongnagmamalasakit na gawin ang ano, ngunit ano ang dapat mong gawin?

18 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

di-nakikitang espiritu. (Juan 1:18; 4:24; 1 Timoteo 1:17)

Ngunit sa pamamagitan ng pag-aaral hinggil sa kaniya sa

mga pahina ng Bibliya, makikilala mo siya bilang isang

persona. Gaya ng sinabi ng salmista, maaari mong “ma-

masdan ang kaigayahan ni Jehova.” (Awit 27:4; Roma 1:20)

Habang mas marami kang natututuhan tungkol kay Jeho-

va, magiging mas totoo siya sa iyo at magkakaroon ka ng

mas maraming dahilan para ibigin siya at m´apalap

´ıt sa ka-

niya.21 Unti-unti mong mauunawaan kung bakit itinuturo ng

Bibliya na ituring natin si Jehova bilang ating Ama. (Ma-

teo 6:9) Hindi lamang dahil nagmula sa kaniya ang ating

buhay kundi nais niya ang pinakamagandang buhay na po-

sible para sa atin—na siyang nanaisin ng sinumang maibi-

ging ama para sa kaniyang mga anak. (Awit 36:9) Itinutu-

ro rin ng Bibliya na maaaring maging mga kaibigan ni

Jehova ang mga tao. (Santiago 2:23) Akalain mo—puwe-

de kang maging kaibigan ng Maylalang ng uniberso!22 Habang dumarami ang iyong natututuhan sa Bibliya,

baka himukin ka ng ilang taong nagmamalasakit na itigil

mo na ang gayong pag-aaral. Baka mag-alala sila na baba-

guhin mo ang iyong mga paniniwala. Ngunit huwag mong

hayaang pigilan ka ng sinuman sa pagbuo ng pinakamai-

nam na pakikipagkaibigan na puwede mong tamasahin ka-

ilanman.

Ano ba ang Katotohanan Tungkol sa Diyos? 19

23 Siyempre pa, may mga bagay na hindi mo mauunawa-

an sa simula. Kailangan ang kapakumbabaan para humingi

ng tulong, pero huwag kang mag-atubili dahil lamang sa na-

hihiya ka. Sinabi ni Jesus na mabuti ang maging mapagpa-

kumbaba, gaya ng isang munting bata. (Mateo 18:2-4) At

gaya ng alam natin, maraming tanong ang mga bata. Nais

ng Diyos na masumpungan mo ang mga sagot. Pinuri ng

Bibliya ang ilan na naging sabik na matuto tungkol sa

Diyos. Maingat nilang sinuri ang Kasulatan upang tiyakin

na ang natututuhan nila ay katotohanan.—Gawa 17:11.24 Ang pagsusuri sa Bibliya ang pinakamainam na para-

an upang matuto hinggil kay Jehova. Naiiba ito sa lahat

ng iba pang aklat. Sa anong paraan? Tatalakayin sa susu-

nod na kabanata ang paksang iyan.

23, 24. (a) Bakit dapat na patuloy kang magtanong hinggil sa iyong natututu-han? (b) Ano ang paksa ng susunod na kabanata?

KUNG ANO ANG ITINUTURO NG BIBLIYA

ˇ Personal na nagmamalasakit sa iyo ang Diyos.—1 Pedro 5:7.

ˇ Jehova ang personal na pangalan ng Diyos.—Awit 83:18.

ˇ Inaanyayahan ka ni Jehova na maging malap´ıt sa

kaniya.—Santiago 4:8.

ˇ Si Jehova ay maibigin, mabait, at maawain.—Exodo34:6; 1 Juan 4:8, 16.

20 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

NAAALAALA mo ba nang makatanggap ka ng isang espe-

syal na regalo mula sa isang mahal na kaibigan? Malamang

na hindi lamang kapana-panabik na karanasan iyon kundi

nakaaantig-puso rin naman. Sa katunayan, may sinasabi ang

regalo hinggil sa nagbigay nito—na pinahahalagahan niya

ang inyong pagkakaibigan. Walang-alinlangang nagpasala-

mat ka sa regalo ng iyong maalalahaning kaibigan.2 Ang Bibliya ay isang regalo mula sa Diyos, isang bagay

na talagang maipagpapasalamat natin. Isinisiwalat ng nata-

tanging aklat na ito ang mga bagay na hindi natin kailan-

man malalaman sa ibang paraan. Halimbawa, sinasabi nito

sa atin ang tungkol sa paglalang sa mabituing kalangitan, sa

lupa, at sa unang lalaki at babae. Naglalaman ang Bibliya

1, 2. Sa anu-anong paraan naging isang kapana-panabik na regalo mula sa Diyosang Bibliya?

KABANATA 2

Ang Bibliya—Isang Aklat Mula sa Diyos

Sa anu-anong paraan naiiba ang Bibliya salahat ng iba pang aklat?

Paano ka matutulungan ng Bibliya na harapinang personal na mga problema?

Bakit ka makapagtitiwala sa mga hulangnakaulat sa Bibliya?

Ang Bibliya—Isang Aklat Mula sa Diyos 21

ng maaasahang mga simulain upang tulungan tayong hara-

pin ang mga suliranin at kabalisahan sa buhay. Ipinaliliwa-

nag nito kung paano tutuparin ng Diyos ang kaniyang layu-

nin at kung paano niya paiiralin ang mas mabubuting

kalagayan sa lupa. Talaga ngang isang kapana-panabik na

regalo ang Bibliya!3 Ang Bibliya ay isa ring nakaaantig-pusong regalo, sapag-

kat may isinisiwalat ito tungkol sa Nagbigay nito, ang Diyos

na Jehova. Ang paglalaan niya ng gayong aklat ay katibayan

na nais niyang makilala natin siya nang lubusan. Sa katu-

nayan, matutulungan ka ng Bibliya na m´apalap

´ıt kay Je-

hova.4 Kung may kopya ka ng Bibliya, tiyak na hindi ka nag-

iisa. Ang kabuuan o ang ilang bahagi ng Bibliya ay inilat-

hala na sa mahigit na 2,300 wika at sa gayo’y makukuha ng

mahigit sa 90 porsiyento ng populasyon ng daigdig. Sa ka-

tamtaman, mahigit na isang milyong Bibliya ang ipinama-

mahagi bawat linggo! Bilyun-bilyong kopya ng kabuuan o ba-

hagi ng Bibliya ang nagawa na. Tiyak na walang ibang aklat

na gaya ng Bibliya.5 Karagdagan pa, ang Bibliya ay “kinasihan ng Diyos.”

(2 Timoteo 3:16) Sa anong paraan? Ang Bibliya mismo ang

3. Ano ang sinasabi sa atin tungkol kay Jehova ng bagay na inilaan niya sa atinang Bibliya, at bakit ito nakaaantig-puso?4. Ano ang hinahangaan mo hinggil sa pamamahagi ng Bibliya?5. Sa anong paraan “kinasihan ng Diyos” ang Bibliya?

22 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

sumasagot: “Ang mga tao ay nagsalita mula sa Diyos ha-

bang ginagabayan sila ng banal na espiritu.” (2 Pedro 1:21)

Upang ilarawan: Maaaring magpagawa ng sulat ang isang

negosyante sa kaniyang sekretarya. Nilalaman ng sulat na

iyon ang mga kaisipan at tagubilin ng negosyante. Samaka-

tuwid, sulat niya talaga ito, hindi ng sekretarya. Sa katulad

na paraan, nilalaman ng Bibliya ang mensahe ng Diyos at

hindi ng mga lalaking sumulat nito. Kaya ang buong Bibli-

ya ay tunay na “salita ng Diyos.”—1 Tesalonica 2:13.

MAGKAKATUGMA AT TUMPAK ANG NILALAMAN NITO6 Isinulat ang Bibliya sa loob ng 1,600 taon. Nabuhay ang

mga manunulat nito sa magkakaibang panahon at iba’t iba

ang kanilang katayuan sa buhay. Ang ilan ay mga magsasa-

ka, mangingisda, at mga pastol. Ang iba naman ay mga pro-

peta, hukom, at mga hari. Ang manunulat ng Ebanghelyo

na si Lucas ay isang doktor. Sa kabila ng iba’t ibang pinag-

mulan ng mga manunulat nito, magkakatugma ang nilala-

man ng Bibliya mula pasimula hanggang wakas.�7 Sinasabi sa atin ng unang aklat ng Bibliya kung paano

nagsimula ang mga problema ng sangkatauhan. Ipinakikita

naman ng huling aklat na magiging isang paraiso, o hardin,

� Bagaman sinasabi ng ilang tao na sinasalungat ng ilang bahagi ng Bibliyaang ibang bahagi nito, walang basehan ang gayong pag-aangkin. Tingnan angkabanata 7 ng aklat na Ang Bibliya—Salita ng Diyos o ng Tao? na inilathala ngmga Saksi ni Jehova.

6, 7. Bakit lalo nang kapansin-pansin ang pagkakatugma ng mga nilalaman ngBibliya?

Ang Bibliya—Isang Aklat Mula sa Diyos 23

ang buong lupa. Ang lahat ng nilalaman ng Bibliya ay su-

masaklaw sa libu-libong taon ng kasaysayan at may kaugna-

yan sa paanuman sa pagsisiwalat ng layunin ng Diyos.

Kahanga-hanga ang pagkakatugma ng mga nilalaman ng Bi-

bliya, pero iyan naman talaga ang aasahan natin sa isang

aklat na mula sa Diyos.8 Ang Bibliya ay tumpak pagdating sa siyensiya. Naglala-

man pa nga ito ng impormasyon na maituturing na una sa

panahon nito. Halimbawa, ang aklat ng Levitico ay nagla-

laman ng mga batas para sa sinaunang Israel may kaug-

nayan sa kuwarentenas at kalinisan samantalang walang ka-

alam-alam ang mga bansa sa palibot nila tungkol sa mga

bagay na ito. Noong panahong mali ang mga pala-palagay

tungkol sa hugis ng lupa, binanggit naman ng Bibliya na ito

ay bilog, o globo. (Isaias 40:22) Tumpak na sinabi ng Bibli-

ya na ang lupa ay ‘nakabitin sa wala.’ (Job 26:7) Siyempre,

hindi naman isang aklat-aralin sa siyensiya ang Bibliya.

Ngunit kapag may binabanggit itong mga bagay tungkol sa

siyensiya, ito ay tumpak. Hindi ba ito ang aasahan natin sa

isang aklat na mula sa Diyos?9 Tumpak din at maaasahan ang Bibliya pagdating sa ka-

8. Magbigay ng mga halimbawang nagpapakita na ang Bibliya ay tumpak pag-dating sa siyensiya.

9. (a) Sa anu-anong paraan ipinakikita ng Bibliya na ito ay tumpak at maaa-sahan pagdating sa kasaysayan? (b) Dahil sa katapatan ng mga manunulat nito,ano ang masasabi hinggil sa Bibliya?

24 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

saysayan. Espesipiko ang mga ulat nito. Inilalakip ng mga

ito hindi lamang ang mga pangalan kundi pati na rin ang

pinagmulang angkan ng mga indibiduwal.� Kabaligtaran ng

mga sekular na istoryador, na kadalasang hindi bumabang-

git sa pagkatalo ng kanilang sariling bayan, ang mga manu-

nulat ng Bibliya ay matapat, anupat iniuulat pa nga ang

mismong mga pagkakamali nila at ng kanilang bansa. Ha-

limbawa, sa aklat ng Bibliya na Mga Bilang, inamin ng ma-

nunulat na si Moises ang kaniya mismong malubhang pag-

kakamali na naging dahilan ng matinding pagsaway sa

kaniya. (Bilang 20:2-12) Bibihira ang gayong katapatan sa

iba pang ulat ng kasaysayan, ngunit masusumpungan ito sa

Bibliya sapagkat isa itong aklat na mula sa Diyos.

ISANG AKLAT NG PRAKTIKAL NA KARUNUNGAN10 Dahil kinasihan ng Diyos ang Bibliya, ito’y “kapaki-

pakinabang sa pagtuturo, sa pagsaway, sa pagtutuwid ng

mga bagay-bagay.” (2 Timoteo 3:16) Oo, ang Bibliya ay isang

praktikal na aklat. Mababanaag dito ang malalim na kauna-

waan hinggil sa kalikasan ng tao. Hindi ito kataka-taka, sa-

pagkat ang Awtor nito, ang Diyos na Jehova, ang siyang

Maylalang! Mas nauunawaan niya ang ating pag-iisip at

damdamin kaysa sa atin. Karagdagan pa, alam ni Jehova

kung ano ang kailangan natin upang maging maligaya.

� Halimbawa, pansinin ang detalye ng talaangkanan ni Jesus na masusum-pungan sa Lucas 3:23-38.

10. Bakit hindi kataka-taka na isang praktikal na aklat ang Bibliya?

Ang Bibliya—Isang Aklat Mula sa Diyos 25

Alam din niya kung anong mga landasin ang dapat nating

iwasan.11 Isaalang-alang ang talumpati ni Jesus na tinatawag na

Sermon sa Bundok, na nakaulat sa Mateo kabanata 5 hang-

gang 7. Sa obra maestrang pagtuturo na ito, nagsalita si Je-

sus tungkol sa ilang paksa, lakip na ang paraan upang ma-

sumpungan ang tunay na kaligayahan, kung paano aayusin

ang mga di-pagkakasundo, kung paano mananalangin, at

kung paano magkakaroon ng wastong pangmalas sa mater-

yal na mga bagay. Mabisa at praktikal pa rin sa ngayon ang

mga salita ni Jesus gaya noong bigkasin niya ang mga ito.12 Ang ilang simulain sa Bibliya ay tumatalakay sa buhay

pampamilya, kaugalian sa trabaho, at pakikipag-ugnayan sa

iba. Kumakapit sa lahat ng tao ang mga simulain sa Bibli-

ya, at laging kapaki-pakinabang ang mga payo nito. Ang ka-

runungan na masusumpungan sa Bibliya ay binuod sa mga

salita ng Diyos sa pamamagitan ni propeta Isaias: “Ako, si

Jehova, ang iyong Diyos, ang Isa na nagtuturo sa iyo upang

makinabang ka.”—Isaias 48:17.

ISANG AKLAT NG HULA13 Naglalaman ang Bibliya ng maraming hula, na karami-

11, 12. (a) Anong mga paksa ang tinalakay ni Jesus sa kaniyang Sermon saBundok? (b) Anong iba pang praktikal na mga bagay ang tinatalakay sa Bibli-ya, at bakit hindi naluluma ang payo nito?

13. Kinasihan ni Jehova si propeta Isaias na iulat ang anong mga detalye hing-gil sa Babilonya?

26 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

han ay natupad na. Isaalang-alang ang isang halimbawa. Sapamamagitan ni propeta Isaias, na nabuhay noong ikawa-long siglo B.C.E., inihula ni Jehova na mawawasak ang lun-sod ng Babilonya. (Isaias 13:19; 14:22, 23) Ibinigay ang mgadetalye upang ipakita kung paano makukubkob ang lunsod.Tutuyuin ng sumasalakay na mga hukbo ang ilog ng Babi-lonya at magmamartsa papasok sa lunsod nang walang la-banan. Hindi lamang iyan. Binanggit pa nga sa hula niIsaias ang pangalan ng hari na lulupig sa Babilonya—siCiro.—Isaias 44:27–45:2.

14 Pagkalipas ng mga 200 taon—noong gabi ng Oktu-bre 5/6, 539 B.C.E.—isang hukbo ang nagkampo malapit saBabilonya. Sino ang kumandante nito? Isang hari ng Persiana nagngangalang Ciro. Sa gayo’y handa na ang mga kala-gayan para sa katuparan ng isang kamangha-manghanghula. Ngunit malulupig kaya ng hukbo ni Ciro ang Babilo-nya nang walang labanan, gaya ng inihula?

15 May kapistahan ang mga Babilonyo nang gabing iyon atkampante sila sa likod ng naglalakihang mga pader ng ka-nilang lunsod. Samantala, buong-kahusayang inilihis ni Ciroang tubig ng ilog na dumadaloy sa lunsod. Di-nagtagal atbumabaw na ang tubig anupat nakatawid ang kaniyang mgatauhan sa sahig ng ilog at nakalapit sa mga pader ng lun-sod. Pero paano makapapasok ang hukbo ni Ciro sa mga14, 15. Paano natupad ang ilang detalye ng hula ni Isaias hinggil sa Babilonya?

Ang Bibliya—Isang Aklat Mula sa Diyos 27

pader ng Babilonya? Sa hindi malamang kadahilanan, nai-

wang bukas ang mga pinto ng lunsod nang gabing iyon!16 Ganito ang inihula may kaugnayan sa Babilonya: “Hin-

di siya kailanman tatahanan, ni mananahanan man siya sa

sali’t salinlahi. At doon ay hindi magtatayo ng kaniyang tol-

da ang Arabe, at hindi pahihigain doon ng mga pastol ang

kanilang mga kawan.” (Isaias 13:20) Binanggit ng hulang ito

hindi lamang ang pagbagsak ng lunsod. Ipinakita nito na

hindi na kailanman tatahanan ang Babilonya. Makakakita

ka ng katibayan ng katuparan ng mga salitang ito. Ang di-

tinatahanang kinaroroonan ng sinaunang Babilonya—mga

80 kilometro sa timog ng Baghdad, Iraq—ay patotoo na na-

tupad ang sinabi ni Jehova sa pamamagitan ni Isaias: “Wa-

walisin ko siya ng walis ng pagkalipol.”—Isaias 14:22, 23.�17 Hindi ba’t nakapagpapatibay ng pananampalataya na

isaalang-alang ang Bibliya bilang isang aklat ng maaasahang

hula? Tutal, kung tinupad ng Diyos na Jehova ang kaniyang

mga pangako noon, taglay natin ang lahat ng dahilan para

magtiwalang tutuparin din niya ang kaniyang pangako na

isang paraisong lupa. (Bilang 23:19) Sa katunayan, tayo ay

� Para sa higit na impormasyon tungkol sa hula sa Bibliya, tingnan ang pa-hina 27-9 ng brosyur na Isang Aklat Para sa Lahat ng Tao, na inilathala ng mgaSaksi ni Jehova.

16. (a) Ano ang inihula ni Isaias hinggil sa huling kahihinatnan ng Babilonya?(b) Paano natupad ang hula ni Isaias na hindi na tatahanan ang Babilonya?17. Paano nakapagpapatibay ng pananampalataya ang katuparan ng hula sa Bi-bliya?

28 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

may “pag-asa sa buhay na walang hanggan na ipinangako

ng Diyos, na hindi makapagsisinungaling, bago pa ang lub-

hang mahabang mga panahon.”—Tito 1:2.�

“ANG SALITA NG DIYOS AY BUH´

AY”18 Mula sa ating tinalakay sa kabanatang ito, maliwanag

na talagang isang natatanging aklat ang Bibliya. Gayunman,

ang kahalagahan nito ay higit pa kaysa sa pagkakatug-

ma-tugma ng mga nilalaman nito, sa pagiging tumpak

pagdating sa siyensiya at sa kasaysayan, sa praktikal na

karunungan, at sa maaasahang hula nito. Sumulat ang Kris-

tiyanong apostol na si Pablo: “Ang salita ng Diyos ay buh´ay

at may lakas at mas matalas kaysa sa anumang tabak na

may dalawang talim at tumatagos maging hanggang sa pag-

hihiwalay ng kaluluwa at espiritu, at ng mga kasukasuan at

ng kanilang utak sa buto, at may kakayahang umunawa ng

mga kaisipan at mga intensiyon ng puso.”—Hebreo 4:12.19 Ang pagbabasa ng “salita,” o mensahe, ng Diyos sa

� Ang pagkawasak ng Babilonya ay isa lamang halimbawa ng natupad nahula sa Bibliya. Kabilang sa iba pang halimbawa ang pagkawasak ng Tiro atNineve. (Ezekiel 26:1-5; Zefanias 2:13-15) Gayundin, binanggit ng hula niDaniel ang sunud-sunod na pandaigdig na mga imperyo na hahawak ng ka-pangyarihan pagkatapos ng Babilonya. Kabilang sa mga ito ang Medo-Persiaat Gresya. (Daniel 8:5-7, 20-22) Tingnan ang Apendise, pahina 254-6, para sapagtalakay sa maraming hula hinggil sa Mesiyas na natupad kay Jesu-Kristo.

18. Anong mapuwersang pananalita ang binanggit ng Kristiyanong apostol nasi Pablo tungkol sa “salita ng Diyos”?

19, 20. (a) Paano ka matutulungan ng Bibliya na suriin ang iyong sarili?(b) Paano mo maipakikita ang pasasalamat sa natatanging regalo ng Diyos, angBibliya?

Ang Bibliya—Isang Aklat Mula sa Diyos 29

Bibliya ay maaaring bumago sa ating buhay. Matutulungan

tayo nito na lalong suriin ang ating sarili. Maaari nating sa-

bihin na iniibig natin ang Diyos, ngunit ang ating pagtugon

sa itinuturo ng kaniyang kinasihang Salita, ang Bibliya, ang

siyang magsisiwalat ng ating totoong kaisipan, maging ang

mismong intensiyon ng ating puso.20 Ang Bibliya ay talagang isang aklat mula sa Diyos. Isa

itong aklat na dapat basahin, pag-aralan, at pakamahalin.

Ipakita ang iyong pasasalamat sa regalong ito ng Diyos sa

pamamagitan ng patuloy na pagsusuri sa mga nilalaman

nito. Habang ginagawa mo ito, magkakaroon ka ng malalim

na unawa sa layunin ng Diyos para sa sangkatauhan. Tata-

lakayin sa susunod na kabanata kung ano ang layuning iyan

at kung paano ito matutupad.

KUNG ANO ANG ITINUTURO NG BIBLIYA

ˇ Ang Bibliya ay kinasihan ng Diyos at samakatuwiday tumpak at maaasahan.—2 Timoteo 3:16.

ˇ Ang impormasyong masusumpungan sa Salita ngDiyos ay praktikal sa pang-araw-araw na buhay.—Isaias 48:17.

ˇ Ang mga pangako ng Diyos na masusumpungan saBibliya ay tiyak na matutupad.—Bilang 23:19.

30 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

NAPAKAGANDA ng layunin ng Diyos para sa lupa.

Gusto ni Jehova na mapuno ang lupa ng masasaya at ma-

lulusog na tao. Sinasabi ng Bibliya na ‘ang Diyos ay nag-

tanim ng isang hardin sa Eden’ at na ‘pinatubo niya ang

bawat punungkahoy na kanais-nais sa paningin at mabu-

ting kainin.’ Pagkatapos lalangin ng Diyos ang unang la-

laki at babae, sina Adan at Eva, inilagay Niya sila sa

napakagandang tahanang iyon at sinabi sa kanila: “Mag-

palaanakin kayo at magpakarami at punuin ninyo ang

lupa at supilin iyon.” (Genesis 1:28; 2:8, 9, 15) Kaya la-

yunin ng Diyos na magkaanak ang mga tao, palawakin

ang mga hangganan ng tahanang hardin na iyon hang-

gang sa masaklaw ang buong lupa, at alagaan ang mga

hayop.

1. Ano ang layunin ng Diyos para sa lupa?

KABANATA 3

Ano ang Layunin ng DiyosPara sa Lupa?

Ano ang layunin ng Diyos para sa sangkatauhan?

Paano hinamon ang Diyos?

Ano ang magiging kalagayan ng buhay sa lupasa hinaharap?

Ano ang Layunin ng Diyos Para sa Lupa? 31

2 Sa palagay mo kaya’y matutupad pa ang layunin ng

Diyos na Jehova na mabuhay ang mga tao sa isang para-

isong lupa? “Sinalita ko nga iyon,” ang sabi ng Diyos,

“gagawin ko rin naman.” (Isaias 46:9-11; 55:11) Oo, tiyak

na tutuparin ng Diyos ang kaniyang layunin! Sinabi niya

na “hindi niya nilalang [ang lupa] na walang kabuluhan”

kundi ‘inanyuan niya ito upang tahanan.’ (Isaias 45:18)

Ano bang uri ng mga tao ang nais ng Diyos na mabu-

hay sa lupa? At gaano katagal niya gustong manirahan

sila rito? Sumasagot ang Bibliya: “Ang mga matuwid ang

magmamay-ari ng lupa, at tatahan sila roon magpakailan-

man.”—Awit 37:29; Apocalipsis 21:3, 4.3 Maliwanag na hindi pa ito nangyayari. Ang mga tao

ngayon ay nagkakasakit at namamatay; naglalabanan pa

nga sila at nagpapatayan. May nangyaring hindi magan-

da. Gayunman, tiyak na hindi layunin ng Diyos na ang

lupa ay maging gaya ng nakikita natin sa ngayon! Ano ba

ang nangyari? Bakit hindi natupad ang layunin ng Diyos?

Walang aklat ng kasaysayan na isinulat ng tao ang maka-

pagsasabi sa atin ng sagot sapagkat ang problema ay nag-

simula sa langit.

2. (a) Paano natin nalaman na matutupad ang layunin ng Diyos para sa lupa?(b) Anong uri ng mga tao ang sinasabi ng Bibliya na mabubuhay magpakailan-man?

3. Anu-anong malulungkot na kalagayan ang umiiral ngayon sa lupa, at nagba-bangon ito ng anu-anong tanong?

32 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

ANG PINAGMULAN NG ISANG KAAWAY4 Sinasabi sa atin ng unang aklat ng Bibliya ang tungkol

sa isang mananalansang sa Diyos na dumating sa hardin

ng Eden. Inilarawan siya bilang “serpiyente,” ngunit hindi

siya basta isang hayop lamang. Ipinakikilala siya ng huling

aklat ng Bibliya bilang “ang tinatawag na Diyablo at Sa-

tanas, na siyang nagliligaw sa buong tinatahanang lupa.”

Tinatawag din siyang “orihinal na serpiyente.” (Genesis 3:1;

Apocalipsis 12:9) Ginamit ng makapangyarihang anghel

na ito, o di-nakikitang espiritung nilalang, ang isang ser-

piyente para makausap si Eva, kung paanong napalilitaw

ng isang dalubhasang tao ang kaniyang tinig na parang

nanggagaling sa isang kalapit na manika o tau-tauhan. Wa-

lang-alinlangang naroroon ang espiritung personang iyon

nang ihanda ng Diyos ang lupa para sa mga tao.—Job 38:

4, 7.5 Gayunman, yamang sakdal ang lahat ng nilalang ni Je-

hova, sino ang gumawa sa “Diyablo” na ito, ang “Satanas”

na ito? Sa simpleng pananalita, ginawang Diyablo ng isa sa

makapangyarihang mga espiritung anak ng Diyos ang kani-

yang sarili. Paano ito naging posible? Buweno, sa ngayon

ang isang tao na dating disente at matapat ay maaa-

ring maging isang magnanakaw. Paano nangyayari iyan?

4, 5. (a) Sino talaga ang nakipag-usap kay Eva sa pamamagitan ng isang serpi-yente? (b) Paano maaaring maging magnanakaw ang isang dating disente atmatapat na tao?

Ano ang Layunin ng Diyos Para sa Lupa? 33

Maaaring hayaan ng isang tao na tumubo ang maling pag-

nanasa sa kaniyang puso. Kung patuloy niyang iisipin ito, ti-

tindi ang maling pagnanasang iyon. Pagkatapos, kapag

nagkaroon ng pagkakataon, maaaring isagawa niya ang

maling pagnanasang pinag-iisipan niya.—Santiago 1:13-15.6 Ganito ang nangyari kay Satanas na Diyablo. Maliwa-

nag na narinig niya na sinabi ng Diyos kina Adan at Eva

na magpalaanakin sila at punuin ang lupa ng kanilang

mga supling. (Genesis 1:27, 28) ‘Aba, maaaring ako ang

sambahin ng lahat ng taong ito sa halip na ang Diyos!’ ang

maliwanag na naisip ni Satanas. Kaya tumubo ang ma-

ling pagnanasa sa kaniyang puso. Sa dakong huli, kumilos

siya upang linlangin si Eva sa pamamagitan ng pagsasabi

rito ng mga kasinungalingan tungkol sa Diyos. (Genesis

3:1-5) Kaya siya naging “Diyablo,” na nangangahulugang

“Maninirang-puri.” Kasabay nito, siya ay naging “Sata-

nas,” na nangangahulugang “Mananalansang.”7 Sa pamamagitan ng mga kasinungalingan at pandara-

ya, sinulsulan ni Satanas na Diyablo sina Adan at Eva na

sumuway sa Diyos. (Genesis 2:17; 3:6) Bilang resulta,

namatay sila nang maglaon, gaya ng sinabi ng Diyos na

mangyayari sa kanila kung susuway sila. (Genesis 3:17-19)

6. Paano naging Satanas na Diyablo ang isang makapangyarihang espiritunganak ng Diyos?7. (a) Bakit namatay sina Adan at Eva? (b) Bakit tumatanda at namamatay anglahat ng supling ni Adan?

34 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

Yamang naging di-sakdal si Adan nang magkasala siya, ang

lahat ng kaniyang supling ay nagmana ng kasalanan mula

sa kaniya. (Roma 5:12) Maaaring ilarawan ang situwa-

syong ito sa pamamagitan ng isang liyanera na ginagamit

sa pagluluto ng tinapay. Kung may yupi ang liyanera,

ano ang mangyayari sa bawat tinapay na niluto sa liyane-

rang iyon? Bawat tinapay ay may yupi, o kapintasan. Sa

katulad na paraan, namana ng bawat tao ang “yupi” ng

di-kasakdalan mula kay Adan. Iyan ang dahilan kung ba-

kit tumatanda at namamatay ang lahat ng tao.—Roma

3:23.8 Nang akayin ni Satanas sina Adan at Eva sa pagkaka-

sala laban sa Diyos, siya sa katunayan ay namuno ng isang

rebelyon. Hinamon niya ang paraan ng pamamahala ni Je-

hova. Sa diwa ay sinasabi ni Satanas: ‘Masamang tagapa-

mahala ang Diyos. Nagsisinungaling siya at nagkakait ng

mabubuting bagay sa kaniyang mga nasasakupan. Hindi

kailangan ng mga tao na pamahalaan sila ng Diyos. Puwe-

de silang magpasiya para sa kanilang sarili kung ano ang

mabuti at masama. At mas mapapabuti sila sa ilalim ng

aking pamamahala.’ Paano haharapin ng Diyos ang gayong

nakaiinsultong akusasyon? Iniisip ng ilan na pinatay na la-

mang sana ng Diyos ang mga rebelde. Pero masasagot kaya

8, 9. (a) Anong hamon ang maliwanag na ibinangon ni Satanas? (b) Bakit hin-di agad pinuksa ng Diyos ang mga rebelde?

Ano ang Layunin ng Diyos Para sa Lupa? 35

niyan ang hamon ni Satanas? Mapatutunayan ba nito na

tama ang paraan ng pamamahala ng Diyos?9 Ang sakdal na katarungan ni Jehova ay hindi magpa-

pahintulot sa kaniya na patayin agad ang mga rebelde. Ipi-

nasiya niya na kailangan ang panahon para lubusang

masagot ang hamon ni Satanas at mapatunayan na sinu-

ngaling ang Diyablo. Kaya nagpasiya ang Diyos na pahi-

hintulutan niya ang mga tao na pamahalaan ang kanilang

sarili sa loob ng ilang panahon sa ilalim ng impluwensiya

ni Satanas. Tatalakayin sa Kabanata 11 ng aklat na ito

kung bakit ginawa iyan ni Jehova at kung bakit pinahin-

tulutan niyang lumipas ang napakahabang panahon bago

lutasin ang mga isyung ito. Gayunman, makabubuting pag-

isipan natin ito: Tama bang maniwala sina Adan at Eva

kay Satanas, na wala pang anumang nagagawang mabuti

para sa kanila? Tama bang maniwala sila na si Jehova, na

nagkaloob ng lahat ng bagay na taglay nila, ay malupit at

sinungaling? Ano ang gagawin mo kung ikaw ang naro-

roon?10 Mabuting pag-isipan ang mga tanong na ito sapagkat

napapaharap ang bawat isa sa atin sa ngayon sa gayunding

mga isyu. Oo, may pagkakataon kang suportahan ang pa-

nig ni Jehova bilang sagot sa hamon ni Satanas. Maaari

10. Paano mo susuportahan ang panig ni Jehova bilang sagot sa hamon ni Sa-tanas?

36 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

mong tanggapin si Jehova bilang iyong Tagapamahala at

makatutulong ka para patunayang sinungaling si Satanas.

(Awit 73:28; Kawikaan 27:11) Nakalulungkot, iilan lamang

sa bilyun-bilyong tao sa daigdig na ito ang nagpapasiyang

gawin ito. Nagbabangon ito ng isang mahalagang tanong,

Talaga bang itinuturo ng Bibliya na pinamamahalaan ni

Satanas ang sanlibutang ito?

SINO ANG NAMAMAHALA SA SANLIBUTANG ITO?11 Hindi kailanman nag-alinlangan si Jesus na si Satanas

ang tagapamahala ng sanlibutang ito. Sa isang makahima-

lang paraan, minsan ay ipinakita ni Satanas kay Jesus “ang

lahat ng mga kaharian ng sanlibutan at ang kanilang ka-

luwalhatian.” Pagkatapos ay nangako si Satanas kay Jesus:

“Lahat ng mga bagay na ito ay ibibigay ko sa iyo kung su-

subsob ka at gagawa ng isang gawang pagsamba sa akin.”

(Mateo 4:8, 9; Lucas 4:5, 6) Pag-isipan ito. Magiging isang

tukso kaya kay Jesus ang alok na iyan kung hindi si Sata-

nas ang tagapamahala ng mga kahariang ito? Hindi iti-

nanggi ni Jesus na kay Satanas ang lahat ng gobyernong

ito sa sanlibutan. Tiyak na itinanggi sana iyan ni Jesus

kung hindi si Satanas ang kapangyarihan na nasa likod ng

mga ito.

11, 12. (a) Paano isiniwalat ng pagtukso kay Jesus na si Satanas ang tagapa-mahala ng sanlibutang ito? (b) Ano pa ang nagpapatunay na si Satanas angtagapamahala ng sanlibutang ito?

Ano ang Layunin ng Diyos Para sa Lupa? 37

12 Sabihin pa, si Jehova ang Diyos na makapangyarihan-sa-lahat, ang Maylalang ng kamangha-manghang uniberso.(Apocalipsis 4:11) Gayunman, walang sinasabi ang Bibli-ya na ang Diyos na Jehova o si Jesu-Kristo ang tagapama-hala ng sanlibutang ito. Sa katunayan, espesipikong tinu-koy ni Jesus si Satanas bilang “ang tagapamahala ngsanlibutang ito.” (Juan 12:31; 14:30; 16:11) Tinukoy pa ngang Bibliya si Satanas na Diyablo bilang “diyos ng siste-mang ito ng mga bagay.” (2 Corinto 4:3, 4) Hinggil sa ma-nanalansang na ito, o Satanas, sumulat ang Kristiyanongapostol na si Juan: “Ang buong sanlibutan ay nasa kapang-yarihan ng isa na balakyot.”—1 Juan 5:19.

KUNG PAANO AALISINANG SANLIBUTAN NI SATANAS

13 Sa bawat lumilipas na taon, ang sanlibutan ay nagi-ging lalong mapanganib. Namamayani rito ang nagdidig-maang mga hukbo, di-tapat na mga pulitiko, mapagpaim-babaw na relihiyosong mga lider, at pusakal na mgakriminal. Imposible nang mabago ang sanlibutan sa kabu-uan. Isinisiwalat ng Bibliya na malapit na ang panahon napapawiin ng Diyos ang napakasamang sanlibutang ito sakaniyang digmaan ng Armagedon. Ito ang magbibigay-daan sa isang matuwid na bagong sanlibutan.—Apocalip-sis 16:14-16.13. Bakit kailangan ang isang bagong sanlibutan?

38 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

14 Pinili ng Diyos na Jehova si Jesu-Kristo na maging Ta-

gapamahala ng Kaniyang makalangit na Kaharian, o go-

byerno. Matagal nang inihula ng Bibliya: “Sa atin ay ipi-

nanganak ang isang bata, sa atin ay ibinigay ang isang anak

na lalake; at ang pamamahala ay maaatang sa kaniyang ba-

likat: at ang kaniyang pangalan ay tatawaging . . . Pangu-

lo ng Kapayapaan. Ang paglago ng kaniyang pamamahala

at ng kapayapaan ay hindi magkakaroon ng wakas.” (Isa-

ias 9:6, 7, Ang Biblia) May kaugnayan sa gobyernong ito, ti-

nuruan ni Jesus ang kaniyang mga tagasunod na manala-

ngin: “Dumating nawa ang iyong kaharian. Mangyari nawa

ang iyong kalooban, kung paano sa langit, gayundin sa

lupa.” (Mateo 6:10) Gaya ng makikita natin sa kalaunan

sa aklat na ito, malapit nang alisin ng Kaharian ng Diyos

ang lahat ng gobyerno ng sanlibutang ito, at ito mismo ang

papalit sa lahat ng pamahalaang ito. (Daniel 2:44) Pagka-

tapos ay pasasapitin ng Kaharian ng Diyos ang isang pa-

raisong lupa.

MALAPIT NA ANG ISANG BAGONG SANLIBUTAN!15 Tinitiyak sa atin ng Bibliya: “May mga bagong la-

ngit at isang bagong lupa na ating hinihintay ayon sa

. . . pangako [ng Diyos], at sa mga ito ay tatahan ang

14. Sino ang pinili ng Diyos na maging Tagapamahala ng Kaniyang Kaharian,at paano ito inihula?

15. Ano ang “bagong lupa”?

Ano ang Layunin ng Diyos Para sa Lupa? 39

katuwiran.” (2 Pedro 3:13; Isaias 65:17) Kung minsan ka-

pag binabanggit ng Bibliya ang “lupa,” tinutukoy nito ang

mga tao na nabubuhay sa lupa. (Genesis 11:1) Kaya ang

matuwid na “bagong lupa” ay isang lipunan ng mga tao na

sinasang-ayunan ng Diyos.

16 Nangako si Jesus na sa dumarating na bagong sanlibu-

tan, ang mga sinang-ayunan ng Diyos ay tatanggap ng re-

galong “buhay na walang hanggan.” (Marcos 10:30) Paki-

suyong buklatin ang iyong Bibliya sa Juan 3:16 at 17:3, at

basahin kung ano ang sinabi ni Jesus na dapat nating

gawin upang tumanggap ng buhay na walang hanggan.

Isaalang-alang ngayon mula sa Bibliya ang mga pagpa-

pala na tatamasahin ng mga magiging kuwalipikado para

sa kamangha-manghang regalong iyan mula sa Diyos sa

dumarating na Paraiso sa lupa.

17 Mawawala na ang kabalakyutan, digmaan, krimen, at ka-

rahasan. “Ang balakyot ay mawawala na . . . Ngunit ang

maaamo ang magmamay-ari ng lupa.” (Awit 37:10, 11) Ii-

ral ang kapayapaan dahil ‘patitigilin ng Diyos ang mga

digmaan hanggang sa dulo ng lupa.’ (Awit 46:9; Isaias 2:4)

Pagkatapos ay “sisibol ang matuwid, at ang kasagana-

16. Ano ang isang di-matutumbasang regalo mula sa Diyos para sa mga sina-sang-ayunan niya, at ano ang dapat nating gawin para tumanggap nito?

17, 18. Paano tayo makatitiyak na magkakaroon ng kapayapaan at katiwasa-yan sa buong lupa?

40 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

an ng kapayapaan hanggang sa mawala na ang buwan”

—at nangangahulugan iyan ng magpakailanman!—Awit

72:7.18 Mabubuhay sa katiwasayan ang mga mananamba ni Je-

hova. Noong panahon ng Bibliya, hangga’t sumusunod ang

mga Israelita sa Diyos, tiwasay ang kanilang buhay. (Levi-

tico 25:18, 19) Tunay ngang magiging kapana-panabik na

tamasahin ang gayunding katiwasayan sa Paraiso!—Isaias

32:18; Mikas 4:4.19 Hindi na magkakaroon ng kakapusan sa pagkain. “Mag-

kakaroon ng saganang butil sa lupa,” ang awit ng salmis-

ta. “Sa taluktok ng mga bundok ay mag-uumapaw.” (Awit

72:16) Pagpapalain ng Diyos na Jehova ang kaniyang mga

matuwid, at “ang lupa ay tiyak na magbibigay ng bunga

nito.”—Awit 67:6.20 Magiging paraiso ang buong lupa. Tatayuan ng magagan-

da at bagong mga tahanan at hardin ang lupain na dating

sinira ng makasalanang mga tao. (Isaias 65:21-24; Apoca-

lipsis 11:18) Sa paglipas ng panahon, ang mga bahagi ng

lupa na nasupil na ay palalawakin hanggang sa ang buong

globo ay maging kasingganda at kasimbunga ng hardin ng

Eden. At tiyak na ‘bubuksan ng Diyos ang kaniyang kamay

19. Paano natin nalaman na magiging sagana ang pagkain sa bagong sanlibu-tan ng Diyos?

20. Bakit tayo makatitiyak na magiging paraiso ang buong lupa?

Ano ang Layunin ng Diyos Para sa Lupa? 41

at sasapatan ang nasa ng bawat bagay na may buhay.’

—Awit 145:16.21 Magkakaroon ng kapayapaan sa pagitan ng mga tao at

mga hayop. Kakaing magkakasama ang maiilap at maaa-

mong hayop. Maging ang munting bata ay hindi matatakot

sa mga hayop na itinuturing sa ngayon na mapanganib.

—Isaias 11:6-9; 65:25.22 Mawawala na ang sakit. Bilang Tagapamahala sa maka-

langit na Kaharian ng Diyos, si Jesus ay gagawa ng mas

dakilang pagpapagaling kaysa sa ginawa niya noong siya

ay narito sa lupa. (Mateo 9:35; Marcos 1:40-42; Juan 5:5-9)

Sa gayon, “walang sinumang tumatahan ang magsasabi:

‘Ako ay may sakit.’ ”—Isaias 33:24; 35:5, 6.23 Bubuhaying muli ang mga namatay nating mahal sa bu-

hay taglay ang pag-asang hindi na sila mamamatay. Bubu-

haying muli ang lahat ng natutulog sa kamatayan na nasa

alaala ng Diyos. Sa katunayan, “magkakaroon ng pagkabu-

hay-muli kapuwa ng mga matuwid at mga di-matuwid.”

—Gawa 24:15; Juan 5:28, 29.24 Isang napakagandang kinabukasan ang naghihintay sa

mga nagpapasiyang matuto tungkol sa ating Dakilang

21. Ano ang nagpapakita na iiral ang kapayapaan sa pagitan ng mga tao at mgahayop?22. Ano ang mangyayari sa sakit?23. Bakit magdudulot ng kagalakan sa ating puso ang pagkabuhay-muli?24. Ano ang nadarama mo hinggil sa pamumuhay sa Paraiso sa lupa?

42 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

Maylalang, ang Diyos na Jehova, at maglingkod sa kaniya!

Ang dumarating na Paraiso sa lupa ang tinutukoy ni Je-

sus nang mangako siya sa manggagawa ng kasamaan na na-

matay kasama niya: “Makakasama kita sa Paraiso.” (Lucas

23:43) Napakahalaga na matuto tayo nang higit pa tung-

kol kay Jesu-Kristo, na sa pamamagitan niya ay magiging

posible ang lahat ng pagpapalang ito.

KUNG ANO ANG ITINUTURO NG BIBLIYA

ˇ Matutupad ang layunin ng Diyos na gawing paraisoang lupa.—Isaias 45:18; 55:11.

ˇ Si Satanas ang namamahala ngayon sa sanlibutan.—Juan 12:31; 1 Juan 5:19.

ˇ Sa dumarating na bagong sanlibutan, ipagkakaloobng Diyos ang maraming pagpapala sa sangkatauhan.—Awit 37:10, 11, 29.

Ano ang Layunin ng Diyos Para sa Lupa? 43

MARAMING bantog na tao sa daigdig. Ang ilan ay kila-

l´ang-kilal

´a sa kanilang sariling komunidad, lunsod, o ban-

sa. Ang iba naman ay tanyag sa buong daigdig. Gayunman,

hindi naman nangangahulugan na kung alam mo ang pa-

ngalan ng isang bantog na tao ay talagang kilala mo na

siya. Hindi ito nangangahulugan na alam mo ang mga de-

talye hinggil sa kaniyang pinagmulan at kung ano talaga

ang personalidad niya.2 Ang mga tao sa palibot ng daigdig ay may nalalaman

tungkol kay Jesu-Kristo, bagaman nabuhay siya sa lupa

mga 2,000 taon na ang nakalilipas. Gayunman, marami

ang nalilito kung sino talaga si Jesus. Sinasabi ng ilan na

isa lamang siyang mabuting tao. Inaangkin naman ng iba

na isa lamang siyang propeta. Naniniwala naman ang iba

1, 2. (a) Bakit ang pagkakaroon ng kabatiran hinggil sa isang bantog na taoay hindi nangangahulugang talagang kilala mo siya? (b) Sa ano nalilito ang mgatao tungkol kay Jesus?

KABANATA 4

Sino si Jesu-Kristo?

Ano ba ang pantanging papel ni Jesus?

Saan siya nagmula?

Ano ba ang kaniyang personalidad?

44 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

pa na si Jesus ang Diyos at dapat siyang sambahin. Dapat

nga ba?3 Mahalagang malaman mo ang katotohanan tungkol kay

Jesus. Bakit? Sapagkat sinasabi ng Bibliya: “Ito ay nanga-

ngahulugan ng buhay na walang hanggan, ang kanilang

pagkuha ng kaalaman tungkol sa iyo, ang tanging tunay na

Diyos, at sa isa na iyong isinugo, si Jesu-Kristo.” (Juan 17:3)

Oo, ang pagkaalam ng katotohanan hinggil sa Diyos na Je-

hova at kay Jesu-Kristo ay maaaring umakay sa buhay na

walang hanggan sa isang paraisong lupa. (Juan 14:6) Bu-

kod diyan, ipinakita ni Jesus ang pinakamabuting halim-

bawa kung paano mamumuhay at kung paano pakikitu-

nguhan ang iba. (Juan 13:34, 35) Sa unang kabanata ng

aklat na ito, tinalakay natin ang katotohanan tungkol sa

Diyos. Talakayin naman natin ngayon kung ano talaga ang

itinuturo ng Bibliya hinggil kay Jesu-Kristo.

ANG IPINANGAKONG MESIYAS4 Sa loob ng matagal na panahon bago pa isilang si Je-

sus, inihula na sa Bibliya ang pagdating ng isa na isusugo

ng Diyos bilang Mesiyas, o Kristo. Ang mga titulong “Me-

siyas” (mula sa salitang Hebreo) at “Kristo” (mula sa sa-

litang Griego) ay kapuwa nangangahulugang “Pinahiran.”

Ang ipinangakong Isa na ito ay papahiran, o hihirangin ng

3. Bakit mahalaga na malaman mo ang katotohanan tungkol kay Jesus?4. Ano ang kahulugan ng mga titulong “Mesiyas” at “Kristo”?

Sino si Jesu-Kristo? 45

Diyos sa isang pantanging posisyon. Sa susunod na mga

kabanata ng aklat na ito, mas marami pa tayong matutu-

tuhan tungkol sa mahalagang papel ng Mesiyas sa katupa-

ran ng mga pangako ng Diyos. Malalaman din natin ang

mga pagpapalang maidudulot sa atin ni Jesus maging sa

ngayon. Gayunman, bago isilang si Jesus, walang-alinla-

ngang marami ang nag-isip, ‘Sino kaya ang magiging Me-

siyas?’5 Noong unang siglo C.E., lubusang kumbinsido ang mga

alagad ni Jesus ng Nazaret na siya ang inihulang Mesiyas.

(Juan 1:41) Isa sa mga alagad, isang lalaking nagnganga-

lang Simon Pedro, ang hayagang nagsabi kay Jesus: “Ikaw

ang Kristo.” (Mateo 16:16) Ngunit paano nakatitiyak ang

mga alagad na iyon—at paano tayo makatitiyak—na si Je-

sus nga ang ipinangakong Mesiyas?6 Ang mga propeta ng Diyos na nabuhay bago si Jesus

ay humula ng maraming detalye tungkol sa Mesiyas. Ang

mga detalyeng ito ay tutulong sa iba na makilala siya. Ma-

aari nating ilarawan ang mga bagay-bagay sa ganitong pa-

raan: Ipagpalagay nating inutusan kang magpunta sa isang

abalang istasyon ng bus o tren o sa isang paliparan para

sunduin ang isang taong hindi mo pa nakita kailanman.

5. Sa ano lubusang kumbinsido ang mga alagad ni Jesus may kaugnayan sa ka-niya?6. Ilarawan kung paano tinulungan ni Jehova ang mga tapat na makilala angMesiyas.

46 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

Hindi ba makatutulong kung may magbibigay sa iyo ng

ilang detalye hinggil sa kaniya? Sa katulad na paraan, sa

pamamagitan ng mga propeta sa Bibliya, nagbigay si Jeho-

va ng halos detalyadong paglalarawan kung ano ang gaga-

win ng Mesiyas at kung ano ang daranasin niya. Ang ka-

tuparan ng maraming hulang ito ay tutulong sa mga tapat

na makilala siyang mabuti.7 Isaalang-alang ang dalawa lamang na halimbawa. Una,

mahigit na 700 taon patiuna, inihula ni propeta Mikas na

ang ipinangakong Isa ay isisilang sa Betlehem, isang mali-

it na bayan sa lupain ng Juda. (Mikas 5:2) Saan ba aktu-

wal na isinilang si Jesus? Aba, sa mismong bayang iyon!

(Mateo 2:1, 3-9) Ikalawa, maraming siglo patiuna, tinukoy

ng hula na nakaulat sa Daniel 9:25 ang mismong taon kung

kailan lilitaw ang Mesiyas—29 C.E.� Pinatutunayan ng ka-

tuparan nito at ng iba pang hula na si Jesus nga ang ipi-

nangakong Mesiyas.8 Naging maliwanag ang karagdagang patotoo na si Je-

sus ang Mesiyas noong magtatapos ang 29 C.E. Iyan ang

taon nang lumapit si Jesus kay Juan na Tagapagbautismo

para magpabautismo sa Ilog Jordan. Nangako si Jehova

� Para sa paliwanag hinggil sa hula ni Daniel na natupad may kaugnayankay Jesus, tingnan ang Apendise, pahina 252-4.

7. Ano ang dalawa sa mga hulang natupad may kaugnayan kay Jesus?8, 9. Anong patotoo hinggil sa pagiging Mesiyas ni Jesus ang naging malinawnoong bautismuhan siya?

Sino si Jesu-Kristo? 47

na bibigyan niya si Juan ng isang tanda upang makilala

nito ang Mesiyas. Nakita ni Juan ang tanda na iyon noong

bautismuhan si Jesus. Ganito ang sinasabi ng Bibliya na

nangyari: “Pagkatapos na mabautismuhan ay kaagad na

umahon si Jesus mula sa tubig; at, narito! ang langit ay

nabuksan, at nakita niyang bumababa na tulad ng isang

kalapati ang espiritu ng Diyos na lumalapag sa kaniya. Na-

rito! May tinig din mula sa langit na nagsabi: ‘Ito ang

aking Anak, ang minamahal, na aking sinang-ayunan.’ ”

(Mateo 3:16, 17) Pagkatapos makita at marinig ang pang-

yayari, hindi nag-alinlangan si Juan na si Jesus ay isinugo

ng Diyos. (Juan 1:32-34) Nang ibuhos sa kaniya ang espi-

ritu, o aktibong puwersa ng Diyos nang araw na iyon, si

Jesus ay naging Mesiyas, o Kristo, ang isa na hinirang

upang maging Lider at Hari.—Isaias 55:4.9 Malinaw na ipinakikita ng katuparan ng hula sa Bibli-

ya at ng mismong patotoo ng Diyos na Jehova na si Jesus

ang ipinangakong Mesiyas. Ngunit sinasagot ng Bibliya

ang dalawa pang mahahalagang tanong tungkol kay Jesu-

Kristo: Saan siya nagmula? At ano ba ang kaniyang per-

sonalidad?

SAAN NAGMULA SI JESUS?10 Itinuturo ng Bibliya na nabuhay si Jesus sa langit bago

10. Ano ang itinuturo ng Bibliya hinggil sa pag-iral ni Jesus bago siya pumari-to sa lupa?

48 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

siya pumarito sa lupa. Inihula ni Mikas na isisilang ang

Mesiyas sa Betlehem at sinabi rin niya na ang Kaniyang

pinanggalingan ay “mula noong unang mga panahon.”

(Mikas 5:2) Sa maraming pagkakataon, sinabi mismo ni Je-

sus na nabuhay siya sa langit bago siya isilang bilang tao.

(Juan 3:13; 6:38, 62; 17:4, 5) Bilang isang espiritung nila-

lang sa langit, may pantanging kaugnayan si Jesus kay Je-

hova.

11 Si Jesus ang pinakamamahal na Anak ni Jehova—at

may makatuwiran namang dahilan. Tinatawag siyang “pa-

nganay sa lahat ng nilalang,” sapagkat siya ang unang ni-

lalang ng Diyos.� (Colosas 1:15) May iba pang dahilan

kung bakit natatangi ang Anak na ito. Siya ang “bugtong

na Anak.” (Juan 3:16) Nangangahulugan ito na si Jesus la-

mang ang nag-iisang tuwirang nilalang ng Diyos. Si Jesus

din ang nag-iisang ginamit ng Diyos nang lalangin Niya

ang lahat ng iba pang bagay. (Colosas 1:16) Tinatawag

din si Jesus na “Salita.” (Juan 1:14) Sinasabi nito sa atin

na naging tagapagsalita siya ng Diyos, na walang-alinla-

ngang naghahatid ng mga mensahe at mga tagubilin sa

� Tinatawag si Jehova na Ama dahil siya ang Maylalang. (Isaias 64:8)Yamang nilalang ng Diyos si Jesus, tinatawag siyang Anak ng Diyos. Sa ga-yunding dahilan, ang iba pang espiritung mga nilalang at maging ang taongsi Adan ay tinatawag na mga anak ng Diyos.—Job 1:6; Lucas 3:38.

11. Paano ipinakikita ng Bibliya na si Jesus ang pinakamamahal na Anak niJehova?

Sino si Jesu-Kristo? 49

iba pang mga anak ng Ama, kapuwa mga espiritu at mga

tao.12 Ang panganay na Anak ba ay kapantay ng Diyos, gaya

ng paniniwala ng ilan? Hindi iyan ang itinuturo ng Bibli-

ya. Gaya ng napansin natin sa naunang parapo, nilalang

ang Anak. Kung gayon, maliwanag na mayroon siyang pa-

simula, samantalang ang Diyos na Jehova ay walang pasi-

mula o wakas. (Awit 90:2) Hindi man lamang inisip ng

bugtong na Anak na maging kapantay ng kaniyang Ama.

Maliwanag na itinuturo ng Bibliya na mas dakila ang Ama

kaysa sa Anak. (Juan 14:28; 1 Corinto 11:3) Si Jehova la-

mang ang “Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat.” (Genesis

17:1) Samakatuwid, wala siyang kapantay.�13 Nagkaroon ng matalik na pagsasamahan si Jehova at

ang kaniyang panganay na Anak sa loob ng bilyun-bilyong

taon—matagal na panahon bago pa nilalang ang mabi-

tuing kalangitan at ang lupa. Tiyak na gayon na lamang

ang pag-ibig nila sa isa’t isa! (Juan 3:35; 14:31) Ang mina-

mahal na Anak na ito ay kagayang-kagaya ng kaniyang

Ama. Iyan ang dahilan kung bakit tinukoy ng Bibliya ang

Anak bilang “ang larawan ng di-nakikitang Diyos.” (Colo-

� Para sa karagdagang patotoo na ang panganay na Anak ay hindi kapan-tay ng Diyos, tingnan ang Apendise, pahina 257-60.

12. Paano natin nalaman na ang panganay na Anak ay hindi kapantay ng Diyos?13. Ano ang ibig sabihin ng Bibliya nang tukuyin nito ang Anak bilang “ang la-rawan ng di-nakikitang Diyos”?

50 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

sas 1:15) Oo, kung paanong maaaring maging kagayang-

kagaya ng isang anak na tao ang kaniyang ama sa iba’t

ibang paraan, makikita sa makalangit na Anak na ito ang

mga katangian at personalidad ng kaniyang Ama.14 Handang iwan ng bugtong na Anak ni Jehova ang la-

ngit at bumaba rito sa lupa upang mabuhay bilang tao.

Pero baka isipin mo, ‘Paano naisilang bilang tao ang isang

espiritung nilalang?’ Upang maisakatuparan ito, gumawa

ng himala si Jehova. Inilipat niya ang buhay ng kaniyang

panganay na Anak mula sa langit tungo sa sinapupunan

ng isang Judiong birhen na nagngangalang Maria. Walang

taong ama ang nasasangkot. Kaya nagsilang si Maria ng

isang sakdal na anak na lalaki at pinanganlan niya itong

Jesus.—Lucas 1:30-35.

ANO BA ANG PERSONALIDAD NI JESUS?15 Ang sinabi at ginawa ni Jesus habang nasa lupa ay tu-

mutulong sa atin na makilala siya nang lubos. Higit pa ri-

yan, sa pamamagitan ni Jesus ay makikilala natin nang hi-

git si Jehova. Bakit gayon? Tandaan na ang Anak na ito ay

isang sakdal na larawan ng kaniyang Ama. Iyan ang dahi-

lan kung bakit sinabi ni Jesus sa isa sa kaniyang mga ala-

gad: “Siya na nakakita sa akin ay nakakita rin sa Ama.”

14. Paano isinilang bilang tao ang bugtong na Anak ni Jehova?

15. Bakit natin masasabi na sa pamamagitan ni Jesus ay makikilala natin nanghigit si Jehova?

Sino si Jesu-Kristo? 51

(Juan 14:9) Maraming sinasabi sa atin ang apat na aklat

ng Bibliya na nakilala bilang mga Ebanghelyo—Mateo,

Marcos, Lucas, at Juan—hinggil sa buhay, gawain, at per-

sonal na mga katangian ni Jesu-Kristo.16 Kilalang-kilal

´a si Jesus bilang “Guro.” (Juan 1:38;

13:13) Ano ba ang itinuro niya? Pangunahin na, ang kani-

yang mensahe ay ang “mabuting balita ng kaharian”—sa-

makatuwid nga, ang Kaharian ng Diyos, ang makalangit

na gobyerno na mamamahala sa buong lupa at magpapa-

sapit ng walang-katapusang mga pagpapala sa masunuring

mga tao. (Mateo 4:23) Kaninong mensahe ito? Si Jesus

mismo ang nagsabi: “Ang itinuturo ko ay hindi sa akin,

kundi sa kaniya na nagsugo sa akin,” samakatuwid nga,

kay Jehova. (Juan 7:16) Alam ni Jesus na gusto ng kani-

yang Ama na marinig ng mga tao ang tungkol sa mabuting

balita ng Kaharian. Sa Kabanata 8, mas marami pa tayong

matututuhan tungkol sa Kaharian ng Diyos at kung ano

ang isasakatuparan nito.17 Saan nagturo si Jesus? Saanman siya makasumpong

ng mga tao—sa lalawigan o sa mga karatig na lupain ga-

yundin sa mga lunsod, nayon, pamilihan, at sa kanilang

mga tahanan. Hindi hinintay ni Jesus na lapitan siya ng

16. Ano ang pangunahing mensahe ni Jesus, at saan nagmula ang kaniyang mgaitinuro?17. Saan nagturo si Jesus, at bakit siya nagpagal nang husto sa pagtuturo saiba?

52 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

mga tao. Siya ang lumapit sa kanila. (Marcos 6:56; Lucas

19:5, 6) Bakit nagpagal nang husto si Jesus at gumugol ng

napakaraming panahon sa pangangaral at pagtuturo? Sa-

pagkat ito ang kalooban ng Diyos para sa kaniya. Laging

ginagawa ni Jesus ang kalooban ng kaniyang Ama. (Juan

8:28, 29) Ngunit may iba pang dahilan kung bakit siya na-

ngaral. Nahabag siya sa maraming tao na naglabasan para

makita siya. (Mateo 9:35, 36) Pinabayaan sila ng kanilang

relihiyosong mga lider, na dapat sana’y nagtuturo sa kani-

la ng katotohanan tungkol sa Diyos at sa kaniyang mga la-

yunin. Alam ni Jesus na kailangang-kailangang marinig ng

mga tao ang mensahe ng Kaharian.18 Si Jesus ay isang lalaking may magiliw na pagmama-

hal at matinding damdamin. Kaya para sa iba, siya ay ma-

bait at madaling lapitan. Maging ang mga bata ay panatag

ang loob sa kaniya. (Marcos 10:13-16) Hindi nagtatangi si

Jesus. Kinapopootan niya ang katiwalian at kawalang-

katarungan. (Mateo 21:12, 13) Noong panahong hindi ga-

anong iginagalang at binibigyan ng karapatan ang mga ba-

bae, pinakitunguhan niya sila nang may dignidad. (Juan

4:9, 27) Si Jesus ay totoong mapagpakumbaba. Sa isang

pagkakataon, hinugasan niya ang paa ng kaniyang mga

apostol, isang gawain na kadalasang ginagampanan ng

isang hamak na lingkod.

18. Anong mga katangian ni Jesus ang pinakagusto mo?

Sino si Jesu-Kristo? 53

19 Palaisip si Jesus sa mga pangangailangan ng iba. Lalo

itong nakita nang gumawa siya ng mga makahimalang pag-

papagaling sa pamamagitan ng kapangyarihan ng espiritu

ng Diyos. (Mateo 14:14) Halimbawa, isang lalaking may

ketong ang lumapit kay Jesus at nagsabi: “Kung ibig mo

lamang, mapalilinis mo ako.” Nadama mismo ni Jesus ang

kirot at pagdurusa ng lalaking ito. Palibhasa’y nahabag

siya, iniunat ni Jesus ang kaniyang kamay at hinipo ang la-

laki, na sinasabi: “Ibig ko. Luminis ka.” At napagaling ang

lalaking may sakit! (Marcos 1:40-42) Maguguniguni mo ba

kung ano ang nadama ng lalaking iyon?

TAPAT HANGGANG WAKAS20 Ipinakita ni Jesus ang pinakamainam na halimbawa

ng matapat na pagsunod sa Diyos. Nanatili siyang tapat sa

kaniyang makalangit na Ama sa ilalim ng lahat ng uri ng

kalagayan at sa kabila ng lahat ng anyo ng pagsalansang

at pagdurusa. Matatag at matagumpay na nilabanan ni Je-

sus ang mga tukso ni Satanas. (Mateo 4:1-11) May pagka-

kataon noon na ang ilan sa mismong mga kamag-anak ni

Jesus ay hindi nanampalataya sa kaniya, na sinasabi pa

ngang “nasisiraan na siya ng kaniyang isip.” (Marcos 3:21)

Ngunit hindi nagpaimpluwensiya si Jesus sa kanila; nag-

19. Anong halimbawa ang nagpapakita na si Jesus ay palaisip sa mga panga-ngailangan ng iba?20, 21. Paano nagpakita si Jesus ng halimbawa ng matapat na pagsunod saDiyos?

54 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

patuloy siya sa pagganap ng gawaing iniatas ng Diyos. Sa

kabila ng mga pang-iinsulto at pang-aabuso, napanatili ni

Jesus ang pagpipigil sa sarili, anupat hindi niya kailanman

sinikap na pinsalain ang mga sumalansang sa kaniya.

—1 Pedro 2:21-23.21 Nanatiling tapat si Jesus hanggang kamatayan—isang

malupit at masakit na kamatayan sa kamay ng kaniyang

mga kaaway. (Filipos 2:8) Isaalang-alang kung ano ang ti-

niis niya sa huling araw ng kaniyang buhay bilang tao. Siya

ay inaresto, inakusahan ng huwad na mga saksi, hinatulan

ng tiwaling mga hukom, inalipusta ng mga mang-uumog,

at pinahirapan ng mga sundalo. Habang nakapako sa pa-

hirapang tulos bago siya malagutan ng hininga, sumigaw

siya: “Naganap na!” (Juan 19:30) Gayunman, sa ikatlong

araw pagkamatay ni Jesus, siya ay binuhay-muli ng kani-

yang makalangit na Ama tungo sa espiritung buhay. (1 Pe-

dro 3:18) Pagkalipas ng ilang linggo, bumalik siya sa

langit. Doon ay “umupo [siya] sa kanan ng Diyos” at nag-

hihintay na tumanggap ng kapangyarihan bilang hari.

—Hebreo 10:12, 13.22 Ano ang naisakatuparan ni Jesus sa pananatili niyang

tapat hanggang kamatayan? Sa katunayan, ang kamatayan

ni Jesus ay nagbukas sa atin ng pagkakataon para sa

22. Ano ang naisakatuparan ni Jesus sa pananatili niyang tapat hanggang ka-matayan?

Sino si Jesu-Kristo? 55

walang-hanggang buhay sa isang paraisong lupa, alinsunod

sa orihinal na layunin ni Jehova. Tatalakayin sa susunod

na kabanata kung paano iyan naging posible sa pamama-

gitan ng kamatayan ni Jesus.

KUNG ANO ANG ITINUTURO NG BIBLIYA

ˇ Pinatutunayan ng natupad na hula at ng mismongpatotoo ng Diyos na si Jesus ang Mesiyas, o Kristo.—Mateo 16:16.

ˇ Nabuhay si Jesus sa langit bilang isang espiritungnilalang sa loob ng matagal na panahon bago pasiya pumarito sa lupa.—Juan 3:13.

ˇ Si Jesus ay isang guro, isang lalaki na may magiliwna pagmamahal, at isang halimbawa ng sakdal napagsunod sa Diyos.—Mateo 9:35, 36.

56 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

ANO ang pinakamahalagang regalong natanggap mo? Hin-

di naman kailangang maging mamahalin ang isang regalo

para maging mahalaga. Kung sa bagay, hindi naman sinu-

sukat ang tunay na halaga ng isang regalo sa salaping ipi-

nambili rito. Sa halip, kapag ang isang regalo ay nagdulot

sa iyo ng kaligayahan o napunan nito ang isang tunay na

pangangailangan sa iyong buhay, malaki ang halaga nito sa

iyo.2 Sa maraming regalo na maaaring hinahangad mong ma-

tanggap, mayroong isa na nakahihigit sa lahat. Kaloob ito

ng Diyos sa sangkatauhan. Marami nang ibinigay si Jehova

1, 2. (a) Kailan nagkakaroon ng malaking halaga sa iyo ang isang regalo?(b) Bakit masasabing ang pantubos ang pinakamahalagang regalo na maaarimong matanggap?

KABANATA 5

Ang Pantubos—Ang Pinakamahalagang Regalo

ng Diyos

Ano ba ang pantubos?

Paano ito inilaan?

Paano ka makikinabang dito?

Paano mo maipakikita na pinahahalagahan mo ito?

Ang Pantubos—Ang Pinakamahalagang Regalo ng Diyos 57

sa atin, ngunit ang pinakamahalagang regalo niya sa atin ay

ang haing pantubos ng kaniyang Anak, si Jesu-Kristo. (Ma-

teo 20:28) Gaya ng makikita natin sa kabanatang ito, ang

pantubos ang pinakamahalagang regalo na puwede mong

matanggap, sapagkat makapagdudulot ito sa iyo ng di-mapa-

pantayang kaligayahan at makasasapat sa pinakamahahala-

gang pangangailangan mo. Sa katunayan, ang pantubos ang

pinakadakilang kapahayagan ng pag-ibig ni Jehova para sa

iyo.

ANO BA ANG PANTUBOS?3 Sa simpleng pananalita, ang pantubos ang paraan ni Je-

hova upang tubusin, o iligtas, ang sangkatauhan mula sa ka-

salanan at kamatayan. (Efeso 1:7) Upang maunawaan ang

kahulugan ng turong ito sa Bibliya, kailangan nating bali-

kan ang nangyari sa hardin ng Eden. Upang maunawaan na-

tin kung bakit gayon na lamang kahalaga sa atin ang rega-

long pantubos, kailangan muna nating maintindihan kung

ano ang naiwala ni Adan noong magkasala siya.4 Nang lalangin ni Jehova si Adan, binigyan Niya ito ng

isang bagay na talagang mahalaga—sakdal na buhay bilang

tao. Pag-isipan kung ano ang kahulugan nito para kay Adan.

Palibhasa’y ginawang sakdal ang kaniyang katawan at isip,

hindi siya kailanman magkakasakit, tatanda, o mamamatay.

3. Ano ba ang pantubos, at ano muna ang kailangan nating maintindihan upangmaunawaan kung gaano kahalaga ang regalong ito?4. Ano ang kahulugan para kay Adan ng sakdal na buhay bilang tao?

58 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

Bilang sakdal na tao, mayroon siyang pantanging kaugna-

yan kay Jehova. Sinasabi ng Bibliya na si Adan ay “anak ng

Diyos.” (Lucas 3:38) Kaya matalik ang kaugnayan ni Adan

sa Diyos na Jehova, katulad ng kaugnayan ng isang anak sa

isang maibiging ama. Nakipagtalastasan si Jehova sa kani-

yang makalupang anak, anupat binigyan si Adan ng kasiya-

siyang mga atas at ipinaalam sa kaniya kung ano ang inaa-

sahan sa kaniya.—Genesis 1:28-30; 2:16, 17.5 Ginawa si Adan “ayon sa larawan ng Diyos.” (Genesis

1:27) Hindi naman iyan nangangahulugang magkamukha si

Adan at ang Diyos. Gaya ng natutuhan natin sa Kabanata 1

ng aklat na ito, si Jehova ay isang di-nakikitang espiritu.

(Juan 4:24) Kaya walang dugo at katawang laman si Jeho-

va. Ang pagkakagawa ayon sa larawan ng Diyos ay nanga-

ngahulugang nilalang si Adan na may mga katangiang ka-

gaya ng sa Diyos, kasama na ang pag-ibig, karunungan,

katarungan, at kapangyarihan. Si Adan ay kagaya ng kani-

yang Ama sa isa pang mahalagang paraan dahil mayroon

siyang kalayaang magpasiya. Kaya naman, si Adan ay hindi

gaya ng isang makina na umaandar lamang alinsunod sa

pagkakadisenyo o pagkakaprograma rito. Sa halip, makaga-

gawa siya ng personal na mga desisyon, at makapamimili sa

tama at mali. Kung pinili sana niyang sundin ang Diyos,

mabubuhay siya magpakailanman sa Paraiso sa lupa.

5. Ano ang ibig sabihin ng Bibliya nang banggitin nito na si Adan ay ginawa“ayon sa larawan ng Diyos”?

Ang Pantubos—Ang Pinakamahalagang Regalo ng Diyos 59

6 Kung gayon, maliwanag na nang sumuway si Adan sa

Diyos at mahatulang mamatay, napakalaking halaga ang

ibinayad niya. Dahil sa kaniyang kasalanan, naiwala niya

ang kaniyang sakdal na buhay bilang tao lakip na ang lahat

ng pagpapala nito. (Genesis 3:17-19) Nakalulungkot, naiwa-

la ni Adan ang napakahalagang buhay na ito hindi lamang

para sa kaniyang sarili kundi pati na rin sa kaniyang magi-

ging mga supling. Ganito ang sabi ng Salita ng Diyos: “Sa

pamamagitan ng isang tao [si Adan] ang kasalanan ay pu-

masok sa sanlibutan at ang kamatayan sa pamamagitan ng

kasalanan, at sa gayon ang kamatayan ay lumaganap sa la-

hat ng tao sapagkat silang lahat ay nagkasala.” (Roma 5:12)

Oo, nagmana tayong lahat ng kasalanan mula kay Adan.

Kaya naman, sinabi ng Bibliya na “ipinagbili” niya ang ka-

niyang sarili at ang kaniyang mga supling sa pagkaalipin sa

kasalanan at kamatayan. (Roma 7:14) Walang pag-asa si

Adan o si Eva dahil kusang-loob nilang pinili na sumuway

sa Diyos. Pero kumusta naman ang kanilang mga supling,

kabilang na tayo?7 Sinagip ni Jehova ang sangkatauhan sa pamamagitan ng

pantubos. Ano ba ang pantubos? Ang ideya ng pantubos ay

pangunahin nang nagsasangkot ng dalawang bagay. Una,

6. Nang sumuway si Adan sa Diyos, ano ang naiwala niya, at paano naapektu-han ang kaniyang mga supling?

7, 8. Ang isang pantubos ay pangunahin nang nagsasangkot ng anong dalawangbagay?

60 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

ang pantubos ang halagang ibinabayad upang mapalaya o

matubos ang isang bagay. Maihahambing ito sa halagang

ibinabayad para matubos ang isang batang kinidnap. Ikala-

wa, ang pantubos ang halagang pantakip, o pambayad, sa

halaga ng isang bagay. Kagaya naman ito ng halagang ibi-

nabayad bilang pantakip sa nagawang pinsala. Halimbawa,

kung makaaksidente ang isang tao, kailangan niyang baya-

ran ang eksaktong halaga na katumbas ng bagay na nasira.8 Paano matatakpan ang napakalaking kawalan na idinu-

lot ni Adan sa ating lahat at sa gayon ay mapalaya tayo

mula sa pagkaalipin sa kasalanan at kamatayan? Isaalang-

alang natin ang pantubos na inilaan ni Jehova at kung pa-

ano ka makikinabang dito.

KUNG PAANO INILAAN NI JEHOVA ANG PANTUBOS9 Yamang isang sakdal na buhay ng tao ang naiwala, wa-

lang di-sakdal na buhay ng tao ang makatutubos dito kai-

lanman. (Awit 49:7, 8) Ang kailangan ay isang pantubos na

katumbas ng naiwala. Alinsunod ito sa simulain ng sakdal

na katarungan na masusumpungan sa Salita ng Diyos, na

nagsasabi: “Kaluluwa ang magiging para sa kaluluwa.”

(Deuteronomio 19:21) Kaya ano ang makapagtatakip sa ha-

laga ng sakdal na kaluluwa, o buhay ng tao, na naiwala ni

Adan? Ang “katumbas na pantubos” na kailangan ay isang

sakdal na buhay rin ng tao.—1 Timoteo 2:6.

9. Anong uri ng pantubos ang kailangan?

Ang Pantubos—Ang Pinakamahalagang Regalo ng Diyos 61

10 Paano inilaan ni Jehova ang pantubos? Isinugo niya sa

lupa ang isa sa kaniyang mga sakdal na espiritung anak.

Pero hindi isinugo ni Jehova ang basta sinumang espiritung

nilalang. Isinugo niya ang isa na pinakamahalaga sa kaniya,

ang kaniyang bugtong na Anak. (1 Juan 4:9, 10) Kusang-

loob na iniwan ng Anak na ito ang kaniyang makalangit na

tahanan. (Filipos 2:7) Gaya ng nalaman natin sa nakaraang

kabanata ng aklat na ito, gumawa si Jehova ng himala nang

ilipat niya ang buhay ng Anak na ito sa bahay-bata ni Ma-

ria. Sa pamamagitan ng banal na espiritu ng Diyos, isini-

lang si Jesus na isang sakdal na tao at hindi siya saklaw ng

parusa ng kasalanan.—Lucas 1:35.11 Paano magsisilbing pantubos ang isang tao para sa ma-

rami, sa katunayan, para sa milyun-milyong tao? Buweno,

paano ba naging makasalanan ang milyun-milyong tao? Ala-

lahanin na dahil sa pagkakasala, naiwala ni Adan ang ma-

halagang pag-aaring sakdal na buhay bilang tao. Kaya na-

man, hindi niya ito maipamamana sa kaniyang mga supling.

Sa halip, tanging kasalanan at kamatayan ang maipamama-

na niya. Si Jesus, na tinatawag sa Bibliya na “huling Adan,”

ay nagkaroon ng sakdal na buhay bilang tao, at hindi siya

kailanman nagkasala. (1 Corinto 15:45) Sa diwa, hinalinhan

ni Jesus si Adan upang iligtas tayo. Sa pamamagitan ng pag-

10. Paano inilaan ni Jehova ang pantubos?

11. Paano magsisilbing pantubos ang isang tao para sa milyun-milyong tao?

62 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

sasakripisyo ng kaniyang sakdal na buhay at walang-kapin-

tasang pagsunod sa Diyos, binayaran ni Jesus ang halaga ng

kasalanan ni Adan. Sa gayo’y nagdulot ng pag-asa si Jesus

sa mga supling ni Adan.—Roma 5:19; 1 Corinto 15:21, 22.12 Detalyadong inilalarawan ng Bibliya ang pagdurusang

binat´a ni Jesus bago siya mamatay. Naranasan niya ang ma-

tinding panghahagupit, malupit na pagbabayubay, at napa-

kasakit na kamatayan sa pahirapang tulos. (Juan 19:1, 16-

18, 30; Apendise, pahina 261-3) Bakit kailangang magdusa

si Jesus nang labis-labis? Sa isa sa mga susunod na kabana-

ta ng aklat na ito, makikita natin na kinuwestiyon ni Sata-

nas kung mayroon bang sinumang taong lingkod si Jeho-

va na mananatiling tapat sa ilalim ng pagsubok. Dahil sa

pagbabata nang may katapatan sa kabila ng matinding pag-

durusa, naibigay ni Jesus ang pinakamainam na sagot sa ha-

mon ni Satanas. Pinatunayan ni Jesus na kayang panatili-

hin ng isang sakdal na taong may kalayaang magpasiya ang

ganap na katapatan sa Diyos anuman ang gawin ng Diya-

blo. Tiyak na tuwang-tuwa si Jehova sa katapatan ng kani-

yang minamahal na Anak!—Kawikaan 27:11.13 Paano binayaran ang pantubos? Nang ika-14 na araw

ng buwan ng Nisan ng mga Judio noong 33 C.E., pina-

hintulutan ng Diyos na patayin ang kaniyang sakdal at

12. Ano ang napatunayan ng pagdurusa ni Jesus?13. Paano binayaran ang pantubos?

Ang Pantubos—Ang Pinakamahalagang Regalo ng Diyos 63

walang-kasalanang Anak. Sa gayo’y inihain ni Jesus ang ka-

niyang sakdal na buhay bilang tao “nang minsanan.” (He-

breo 10:10) Sa ikatlong araw pagkamatay ni Jesus, binuhay

siyang muli ni Jehova bilang espiritung nilalang. Sa langit,

iniharap ni Jesus sa Diyos ang halaga ng kaniyang sakdal

na buhay bilang tao na inihain bilang pantubos na kapalit

ng mga supling ni Adan. (Hebreo 9:24) Tinanggap ni Jeho-

va ang halaga ng hain ni Jesus bilang pantubos na kinaka-

ilangan upang tubusin ang sangkatauhan mula sa pagkaali-

pin sa kasalanan at kamatayan.—Roma 3:23, 24.

KUNG PAANO KA MAKIKINABANG SA PANTUBOS14 Sa kabila ng ating makasalanang kalagayan, makapagta-

tamasa tayo ng walang katumbas na mga pagpapala dahil

sa pantubos. Talakayin natin ang ilan sa mga kapakinaba-

ngang idudulot ng pinakamahalagang kaloob na ito mula sa

Diyos sa kasalukuyan at sa hinaharap.15 Kapatawaran ng mga kasalanan. Dahil sa minanang di-

kasakdalan, kailangan nating makipagpunyagi nang puspu-

san upang gawin ang tama. Lahat tayo ay nagkakasala sa sa-

lita man o sa gawa. Ngunit sa pamamagitan ng haing

pantubos ni Jesus, makatatanggap tayo ng “kapatawaran ng

ating mga kasalanan.” (Colosas 1:13, 14) Subalit para ma-

tamo ang kapatawarang iyan, kailangang tayo ay tunay na

14, 15. Upang matanggap ang “kapatawaran ng ating mga kasalanan,” ano angdapat nating gawin?

64 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

nagsisisi. Kailangan din nating magsumamo kay Jehova

nang may kapakumbabaan, na hinihingi ang kaniyang kapa-

tawaran salig sa ating pananampalataya sa haing pantubos

ng kaniyang Anak.—1 Juan 1:8, 9.16 Isang malinis na budhi sa harap ng Diyos. Ang isang bag-

bag na budhi ay madaling umakay sa kawalang pag-asa at

pagkadama na wala tayong halaga. Gayunman, sa pamama-

gitan ng kapatawaran na naging posible dahil sa pantubos,

tayo’y may-kabaitang binigyan ni Jehova ng pagkakataon na

sambahin siya taglay ang malinis na budhi sa kabila ng

ating di-kasakdalan. (Hebreo 9:13, 14) Ito ang dahilan kung

kaya may kalayaan tayong makipag-usap kay Jehova. Sa ga-

yon, malaya tayong makalalapit sa kaniya sa panalangin.

(Hebreo 4:14-16) Ang pagpapanatili ng isang malinis na

budhi ay nagbibigay ng kapayapaan ng isip, nagtataguyod

ng paggalang sa sarili, at nagdudulot ng kaligayahan.17 Ang pag-asang buhay na walang hanggan sa isang parai-

song lupa. “Ang kabayaran na ibinabayad ng kasalanan ay

kamatayan,” ang sabi ng Roma 6:23. Idinagdag ng talata

ring iyon: “Ngunit ang kaloob na ibinibigay ng Diyos ay bu-

hay na walang hanggan sa pamamagitan ni Kristo Jesus na

ating Panginoon.” Sa Kabanata 3 ng aklat na ito, tinalakay

16. Ano ang tumutulong sa atin na sambahin ang Diyos taglay ang isang mali-nis na budhi, at ano ang kahalagahan ng gayong budhi?

17. Anong mga pagpapala ang naging posible dahil namatay si Jesus para saatin?

Ang Pantubos—Ang Pinakamahalagang Regalo ng Diyos 65

natin ang mga pagpapala ng dumarating na makalupang Pa-

raiso. (Apocalipsis 21:3, 4) Lahat ng mga pagpapalang iyon

sa hinaharap, pati na ang buhay na walang hanggan sa sak-

dal na kalusugan, ay naging posible dahil namatay si Jesus

para sa atin. Upang matamo ang mga pagpapalang iyon, ka-

ilangan nating ipakita na pinahahalagahan natin ang rega-

long pantubos.

PAANO MO MAIPAKIKITAANG IYONG PAGPAPAHALAGA?

18 Bakit tayo dapat magpasalamat nang lubos kay Jehova

dahil sa pantubos? Buweno, ang isang regalo ay lalo nang

mahalaga kung nagsasangkot ito ng pagsasakripisyo ng pa-

nahon, pagsisikap, o gastos sa bahagi ng nagbigay. Naaan-

tig ang ating puso kapag nakikita natin na ang isang rega-

lo ay kapahayagan ng tunay na pag-ibig sa atin ng nagbigay.

Ang pantubos ang pinakamahalaga sa lahat ng regalo, sa-

pagkat ginawa ng Diyos ang pinakamalaking sakripisyo ka-

ilanman upang mailaan ito. “Gayon na lamang ang pag-ibig

ng Diyos sa sanlibutan anupat ibinigay niya ang kaniyang

bugtong na Anak,” ang sabi ng Juan 3:16. Ang pantubos ang

pinakanamumukod-tanging patotoo ng pag-ibig ni Jehova

para sa atin. Katibayan din ito ng pag-ibig ni Jesus, sapag-

kat kusang-loob niyang ibinigay ang kaniyang buhay alang-

alang sa atin. (Juan 15:13) Kung gayon, ang regalong pan-

18. Bakit tayo dapat magpasalamat kay Jehova sa paglalaan ng pantubos?

66 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

tubos ay dapat kumumbinsi sa atin na iniibig tayo ni Jeho-va at ng kaniyang Anak bilang mga indibiduwal.—Galacia2:20.

19 Kung gayon, paano mo maipakikita na pinahahalaga-han mo ang regalo ng Diyos na pantubos? Una sa lahat, gu-mawa ng pagsisikap upang higit na makilala ang Dakilang Ta-gapagbigay, si Jehova. (Juan 17:3) Ang pag-aaral ng Bibliyagamit ang publikasyong ito ay tutulong sa iyo na magawaiyan. Habang dumarami ang kaalaman mo tungkol kay Je-hova, sisidhi ang iyong pag-ibig sa kaniya. Ang pag-ibig na-mang ito ang mag-uudyok sa iyo na palugdan siya.—1 Juan5:3.

20 Manampalataya sa haing pantubos ni Jesus. Tungkol kayJesus, ganito ang sinabi: “Siya na nananampalataya sa Anakay may buhay na walang hanggan.” (Juan 3:36) Paano tayomananampalataya kay Jesus? Ang gayong pananampalatayaay ipinakikita hindi lamang sa salita. “Ang pananampalata-ya na walang mga gawa ay patay,” ang sabi ng Santiago 2:26.Oo, ang tunay na pananampalataya ay pinatutunayan ng“mga gawa,” o ng ating mga kilos. Ang isang paraan paramaipakita natin na may pananampalataya tayo kay Jesus ayang paggawa ng ating buong makakaya upang tularan siyahindi lamang sa salita kundi maging sa gawa.—Juan 13:15.19, 20. Sa anu-anong paraan mo maipakikita na pinahahalagahan mo ang re-galo ng Diyos na pantubos?

Ang Pantubos—Ang Pinakamahalagang Regalo ng Diyos 67

21 Dumalo sa taunang pagdiriwang ng Hapunan ng Pangi-

noon. Noong gabi ng Nisan 14, 33 C.E., pinasimulan ni Je-

sus ang isang espesyal na pagdiriwang na tinatawag sa Bi-

bliya na “hapunan ng Panginoon.” (1 Corinto 11:20; Mateo

26:26-28) Tinatawag ding Memoryal ng kamatayan ni Kris-

to ang pagdiriwang na ito. Pinasinayaan ito ni Jesus upang

tulungan ang kaniyang mga apostol at ang lahat ng tunay

na Kristiyanong nabuhay kasunod nila na alalahaning ibi-

nigay niya ang kaniyang kaluluwa, o buhay, bilang pantu-

bos sa pamamagitan ng kaniyang kamatayan bilang sakdal

na tao. Hinggil sa pagdiriwang na ito, iniutos ni Jesus: “Pa-

tuloy ninyong gawin ito bilang pag-alaala sa akin.” (Lucas

22:19) Ang pagdiriwang ng Memoryal ay nagpapaalaala sa

atin ng dakilang pag-ibig na ipinakita kapuwa ni Jehova at

ni Jesus may kaugnayan sa pantubos. Maipakikita natin ang

ating pagpapahalaga sa pantubos sa pamamagitan ng pag-

dalo sa taunang pagdiriwang ng Memoryal ng kamatayan ni

Jesus.�22 Ang paglalaan ni Jehova ng pantubos ay tunay na isang

di-matutumbasang regalo. (2 Corinto 9:14, 15) Maging ang

mga namatay na ay makikinabang sa walang katumbas na

regalong ito. Ipaliliwanag ng Kabanata 6 at 7 kung paano.

� Para sa higit pang impormasyon hinggil sa kahulugan ng Hapunan ng Pa-nginoon, tingnan ang Apendise, pahina 263-6.

21, 22. (a) Bakit tayo dapat dumalo sa taunang pagdiriwang ng Hapunan ngPanginoon? (b) Ano ang ipaliliwanag sa Kabanata 6 at 7?

68 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

KUNG ANO ANG ITINUTURO NG BIBLIYA

ˇ Ang pantubos ang paraan ni Jehova upang tubusinang sangkatauhan mula sa kasalanan at kamatayan.—Efeso 1:7.

ˇ Inilaan ni Jehova ang pantubos sa pamamagitan ngpagsusugo ng kaniyang bugtong na Anak sa lupaupang mamatay para sa atin.—1 Juan 4:9, 10.

ˇ Sa pamamagitan ng pantubos, natatamo natin angkapatawaran ng mga kasalanan, isang malinis nabudhi, at ang pag-asang buhay na walang hanggan.—1 Juan 1:8, 9.

ˇ Ipinakikita natin na ating pinahahalagahan angpantubos sa pamamagitan ng pagsisikap na higitna makilala si Jehova, pananampalataya sa haingpantubos ni Jesus, at pagdalo sa Hapunan ngPanginoon.—Juan 3:16.

Ang Pantubos—Ang Pinakamahalagang Regalo ng Diyos 69

ITO ang mga tanong na pinag-iisipan ng mga tao sa loob

ng libu-libong taon na. Mahahalagang tanong ang mga ito.

Sinuman tayo o saanman tayo nakatira, nasasangkot ta-

yong lahat sa sagot sa mga tanong na ito.2 Sa nakaraang kabanata, tinalakay natin kung paano bi-

nuksan ng haing pantubos ni Jesu-Kristo ang daan tungo

sa buhay na walang hanggan. Natutuhan din natin na

inihula ng Bibliya na darating ang panahon na “hindi na

magkakaroon ng kamatayan.” (Apocalipsis 21:4) Saman-

tala, lahat tayo ay namamatay. “Batid ng mga buh´ay na

sila ay mamamatay,” ang sabi ng matalinong si Haring So-

lomon. (Eclesiastes 9:5) Sinisikap nating mabuhay nang

mas mahaba hangga’t maaari. Gayunman, iniisip pa rin

natin kung ano ang mangyayari sa atin kapag namatay

tayo.

1-3. Anu-ano ang itinatanong ng mga tao tungkol sa kamatayan, at anu-anongmga sagot ang ibinibigay ng iba’t ibang relihiyon?

KABANATA 6

Nasaan ang mga Patay?

Ano ang nangyayari sa atin kapag tayo ay namatay?

Bakit tayo namamatay?

Nakaaaliw bang malaman ang katotohanantungkol sa kamatayan?

70 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

3 Kapag namatay ang ating mga mahal sa buhay, nagda-

dalamhati tayo. At maaaring maitanong natin: ‘Ano na kaya

ang nangyayari sa kanila? Nagdurusa ba sila? Binabantayan

kaya nila tayo? Matutulungan ba natin sila? Makikita pa

kaya natin silang muli?’ Iba-iba ang sagot ng mga relihiyon

sa daigdig sa mga tanong na ito. Itinuturo ng ilan na kung

mabuti ka, pupunta ka sa langit pero kung masama ka, ma-

susunog ka sa isang pahirapang dako. Itinuturo naman ng

ibang relihiyon na sa kamatayan, nagtutungo ang mga tao

sa daigdig ng mga espiritu upang makasama ang kanilang

mga ninuno. Itinuturo pa ng ibang relihiyon na nagtutu-

ngo ang mga namatay sa daigdig ng mga patay upang ha-

tulan at pagkatapos ay sumasailalim sa reinkarnasyon,

o muling pagsilang sa ibang katawan.4 Ang lahat ng gayong mga turo ng relihiyon ay may ii-

sang saligang ideya—na may bahagi sa ating katawan na na-

nanatiling buh´ay pagkamatay ng pisikal na katawan. Ayon

sa halos lahat ng relihiyon noon at ngayon, waring nabu-

buhay raw tayo magpakailanman taglay ang kakayahang

makakita, makarinig, at mag-isip. Pero paano mangyayari

iyan? Ang ating mga pandama, pati na ang ating mga kai-

sipan, ay nakadepende lahat sa paggana ng ating utak. Sa

kamatayan, hindi na gumagana ang utak. Ang ating mga

alaala, damdamin, at pandama ay hindi na patuloy na

4. Ano ang saligang ideya ng maraming relihiyon tungkol sa kamatayan?

Nasaan ang mga Patay? 71

gumagana sa ganang sarili nito sa isang misteryosong pa-

raan. Nawawala na ang mga ito kapag namatay na ang

ating utak.

ANO BA TALAGA ANG NANGYAYARI SA KAMATAYAN?5 Ang nangyayari sa kamatayan ay hindi misteryo kay Je-

hova, ang Maylalang ng utak. Alam niya ang katotohanan,

at ipinaliwanag niya sa kaniyang Salita, ang Bibliya, ang ka-

lagayan ng mga patay. Ganito ang maliwanag na turo nito:

Kapag namatay ang isang tao, hindi na siya umiiral. Ang ka-

matayan ay kabaligtaran ng buhay. Ang patay ay hindi na-

kakakita o nakaririnig o nakapag-iisip. Walang anumang

bahagi natin ang nananatiling buh´ay pagkamatay ng kata-

wan. Wala tayong imortal na kaluluwa o espiritu.�6 Matapos maobserbahan ni Solomon na alam ng mga

buh´ay na sila ay mamamatay, sumulat siya: “Kung tungkol

sa mga patay, sila ay walang anumang kabatiran.” Pagkata-

pos ay pinalawak niya ang saligang katotohanang iyan sa

pagsasabing hindi kaya ng mga patay na umibig ni mapoot

man at na “walang gawa ni katha man ni kaalaman man ni

karunungan man sa [libingan].” (Eclesiastes 9:5, 6, 10) Sa

katulad na paraan, sinasabi ng Awit 146:4 na kapag nama-

tay ang isang tao, “maglalaho ang kaniyang pag-iisip.” Tayo

� Para sa pagtalakay sa mga salitang “kaluluwa” at “espiritu,” pakisuyongtingnan ang Apendise, sa pahina 266-71.

5, 6. Ano ang itinuturo ng Bibliya tungkol sa kalagayan ng mga patay?

72 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

ay mortal at hindi nananatiling buhay pagkamatay ng ating

katawan. Ang buhay na tinatamasa natin ay kagaya ng apoy

sa kandila. Kapag pinatay ang apoy, hindi ito napunta sa

kung saan. Hindi na ito umiiral.

KUNG ANO ANG SINABI NI JESUSTUNGKOL SA KAMATAYAN

7 Nagsalita si Jesu-Kristo tungkol sa kalagayan ng mga

patay. Binanggit niya ito nang mamatay si Lazaro, isang

taong kilal´ang-kilal

´a niya. Sinabi ni Jesus sa kaniyang mga

alagad: “Si Lazaro na ating kaibigan ay namamahinga.”

Inakala ng mga alagad na ang ibig sabihin ni Jesus ay na-

tutulog lamang si Lazaro para gumaling sa pagkakasakit.

Nagkamali sila. Ganito ang paliwanag ni Jesus: “Si Laza-

ro ay namatay.” (Juan 11:11-14) Pansinin na inihambing ni

Jesus ang kamatayan sa pamamahinga at pagtulog. Si La-

zaro ay wala sa langit ni sa nag-aapoy na impiyerno. Hin-

di niya nakasama ang mga anghel o ang kaniyang mga ni-

nuno. Si Lazaro ay hindi ipinanganak-muli na ibang tao.

Siya ay namamahinga na sa kamatayan, na parang natutu-

log nang napakahimbing. Inihahalintulad din ng iba pang

teksto ang kamatayan sa pagtulog. Halimbawa, nang pag-

babatuhin ang alagad na si Esteban hanggang sa mamatay,

sinabi ng Bibliya na siya ay “natulog.” (Gawa 7:60) Sa

katulad na paraan, sumulat si apostol Pablo hinggil sa

7. Paano ipinaliwanag ni Jesus kung saan maihahalintulad ang kamatayan?

Nasaan ang mga Patay? 73

ilan noong panahon niya na “natulog” na sa kamatayan.

—1 Corinto 15:6.8 Orihinal bang layunin ng Diyos na mamatay ang tao?

Hinding-hindi! Ginawa ni Jehova ang tao para mabuhay

magpakailanman sa lupa. Gaya ng naunang natutuhan na-

tin sa aklat na ito, inilagay ng Diyos ang unang taong mag-

asawa sa isang napakagandang paraiso. Pinagpala niya sila

ng sakdal na kalusugan. Walang ibang hangad si Jehova

para sa kanila kundi ang mabuti. Mayroon bang sinumang

maibiging magulang na gustong dumanas ang kaniyang

mga anak ng hapis na dulot ng katandaan at kamatayan?

Siyempre wala! Iniibig ni Jehova ang kaniyang mga anak at

nais niyang magtamasa sila ng walang-katapusang kaligaya-

han sa lupa. May kaugnayan sa mga tao, ganito ang sinabi

ng Bibliya: “Ang panahong walang takda ay inilagay [ni Je-

hova] sa kanilang puso.” (Eclesiastes 3:11) Nilalang tayo ng

Diyos na may hangaring mabuhay magpakailanman. At gu-

mawa siya ng paraan upang matupad ang hangaring iyan.

KUNG BAKIT NAMAMATAY ANG MGA TAO9 Kung gayon, bakit namamatay ang mga tao? Upang ma-

sumpungan ang sagot, kailangan nating isaalang-alang kung

ano ang nangyari noong iisa pa lamang ang lalaki at iisa pa

lamang ang babae sa lupa. Ganito ang paliwanag ng Bibli-

8. Paano natin nalaman na hindi layunin ng Diyos na mamatay ang mga tao?9. Ano ang ipinagbawal ni Jehova kay Adan, at bakit hindi naman mahirap sun-din ang utos na ito?

74 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

ya: “Pinatubo ng Diyos na Jehova mula sa lupa ang bawat

punungkahoy na kanais-nais sa paningin at mabuting kai-

nin.” (Genesis 2:9) Gayunman, may isang pagbabawal. Si-

nabi ni Jehova kay Adan: “Mula sa bawat punungkahoy sa

hardin ay makakakain ka hanggang masiyahan. Ngunit

kung tungkol sa punungkahoy ng pagkakilala ng mabuti at

masama ay huwag kang kakain mula roon, sapagkat sa araw

na kumain ka mula roon ay tiyak na mamamatay ka.” (Ge-

nesis 2:16, 17) Hindi naman mahirap sundin ang utos na

ito. Marami pang ibang punungkahoy na mapagkukunan

ng pagkain sina Adan at Eva. Ngunit nagkaroon sila nga-

yon ng isang pantanging pagkakataon para ipakita ang ka-

nilang pasasalamat sa Isa na nagbigay sa kanila ng lahat ng

bagay, lakip na ang sakdal na buhay. Ang kanilang pagka-

masunurin ay magpapakita rin na iginagalang nila ang aw-

toridad ng kanilang makalangit na Ama at nais nila ang ka-

niyang maibiging patnubay.10 Nakalulungkot, pinili ng unang taong mag-asawa na su-

muway kay Jehova. Sa pamamagitan ng isang serpiyente, ti-

nanong ni Satanas si Eva: “Talaga bang sinabi ng Diyos na

huwag kayong kakain mula sa bawat punungkahoy sa har-

din?” Sumagot si Eva: “Sa bunga ng mga punungkahoy

sa hardin ay makakakain kami. Ngunit kung tungkol sa

10, 11. (a) Paano sinuway ng unang mag-asawang tao ang Diyos? (b) Bakitseryosong bagay ang pagsuway nina Adan at Eva?

Nasaan ang mga Patay? 75

pagkain ng bunga ng punungkahoy na nasa gitna ng har-

din, sinabi ng Diyos, ‘Huwag kayong kakain mula roon, ni

huwag ninyong hihipuin iyon upang hindi kayo mamatay.’ ”

—Genesis 3:1-3.11 “Tiyak na hindi kayo mamamatay,” ang sabi ni Satanas.

“Nalalaman ng Diyos na sa mismong araw na kumain kayo

mula roon ay madidilat nga ang inyong mga mata at kayo

nga ay magiging tulad ng Diyos, na nakakakilala ng mabu-

ti at masama.” (Genesis 3:4, 5) Nais papaniwalain ni Sata-

nas si Eva na makikinabang siya kung kakainin niya ang

ipinagbabawal na bunga. Ayon kay Satanas, makapagpapa-

siya si Eva para sa kaniyang sarili kung ano ang tama at

kung ano ang mali; magagawa niya kung ano ang gusto ni-

yang gawin. Nagparatang din si Satanas na nagsinungaling

si Jehova tungkol sa magiging resulta ng pagkain sa bunga.

Naniwala naman si Eva kay Satanas. Kaya pumitas siya ng

ilan sa mga bunga at kinain ito. Pagkatapos ay binigyan

niya ang kaniyang asawa, at kumain din ito. Hindi sila ku-

milos nang ganoon dahil sa kawalang-alam. Alam nila na

ang kanilang ginawa ay ang mismong kabaligtaran ng iniu-

tos ng Diyos. Sa pagkain sa bunga, sinadya nilang suwayin

ang isang simple at makatuwirang utos. Hinamak nila ang

kanilang makalangit na Ama at ang kaniyang awtoridad.

Talagang hindi mapatatawad ang gayong kawalang-galang

sa kanilang maibiging Maylalang!

76 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

12 Bilang paglalarawan: Ano kaya ang madarama mo kung

pagkatapos mong palakihin at alagaan ang isang anak ay

sumuway ito sa iyo sa paraang nagpapakita na wala siyang

paggalang o pag-ibig sa iyo? Tiyak na napakasakit nito para

sa iyo. Ngayon, gunigunihin kung gaano katinding sakit ang

tiyak na nadama ni Jehova nang kapuwa tahakin nina Adan

at Eva ang landas ng pagsalansang sa kaniya.13 Walang dahilan si Jehova para buhayin magpakailan-

man ang masuwaying sina Adan at Eva. Namatay sila, gaya

ng sinabi niyang mangyayari sa kanila. Hindi na umiral

sina Adan at Eva. Hindi sila napunta sa daigdig ng mga es-

piritu. Alam natin ito dahil sa sinabi ni Jehova kay Adan

pagkatapos Niyang papagsulitin ito dahil sa kaniyang pag-

suway. Sinabi ng Diyos: “Ikaw ay [babalik] sa lupa, sapag-

kat mula riyan ka kinuha. Sapagkat ikaw ay alabok at sa

alabok ka babalik.” (Genesis 3:19) Ginawa ng Diyos si

Adan mula sa alabok ng lupa. (Genesis 2:7) Bago iyan, hin-

di umiiral si Adan. Samakatuwid, nang sabihin ni Jehova

na babalik si Adan sa alabok, ang ibig Niyang sabihin ay

babalik si Adan sa kalagayan ng di-pag-iral. Si Adan ay ma-

giging walang buhay gaya ng alabok na pinagkunan sa ka-

niya.

12. Ano ang makatutulong sa atin na maunawaan kung ano ang nadama ni Je-hova nang tahakin nina Adan at Eva ang landas ng pagsalansang sa kaniya?13. Ano ang sinabi ni Jehova na mangyayari kay Adan sa kamatayan, at anoang ibig sabihin nito?

Nasaan ang mga Patay? 77

14 Buh´ay sana ngayon sina Adan at Eva, ngunit namatay

sila dahil pinili nilang sumuway sa Diyos at sa gayo’y nag-

kasala sila. Namamatay tayo dahil naipasa ni Adan ang ka-

niyang makasalanang kalagayan gayundin ang kamatayan sa

lahat ng kaniyang mga inapo. (Roma 5:12) Ang kasalanang

iyan ay katulad ng isang nakapanghihilakbot na minanang

sakit na hindi matatakasan ng sinuman. Isang sumpa ang

resulta nito, kamatayan. Ang kamatayan ay isang kaaway at

hindi isang kaibigan. (1 Corinto 15:26) Kaylaking pasasala-

mat natin na naglaan si Jehova ng pantubos para sagipin

tayo mula sa kahila-hilakbot na kaaway na ito!

KAPAKI-PAKINABANG NA MALAMANANG KATOTOHANAN TUNGKOL SA KAMATAYAN

15 Nakaaaliw ang itinuturo ng Bibliya tungkol sa kalaga-

yan ng mga patay. Gaya ng nakita na natin, hindi duma-

ranas ng kirot o pighati ang mga patay. Walang dahilan

para matakot sa kanila, dahil hindi naman nila tayo ka-

yang saktan. Hindi nila kailangan ang ating tulong, at hin-

di nila tayo kayang tulungan. Hindi natin sila makakausap,

at hindi nila tayo makakausap. Maraming lider ng relihi-

yon ang may-kabulaanang nag-aangkin na kaya nilang tu-

lungan ang mga namatay na, at binibigyan naman sila ng

pera ng mga taong naniniwala sa kanila. Ngunit ang pag-

14. Bakit tayo namamatay?

15. Bakit nakaaaliw malaman ang katotohanan tungkol sa kamatayan?

78 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

kaalam ng katotohanan ay nagsasanggalang sa atin mula

sa panlilinlang ng mga nagtuturo ng gayong mga kasinu-

ngalingan.16 Magkatugma ba ang itinuturo ng iyong relihiyon at ang

itinuturo ng Bibliya tungkol sa mga patay? Ang karamihan

ay hindi. Bakit? Dahil naimpluwensiyahan ni Satanas ang

kanilang mga turo. Ginagamit niya ang huwad na relihiyon

upang papaniwalain ang mga tao na pagkamatay ng kani-

lang katawan, patuloy silang mabubuhay sa daigdig ng mga

espiritu. Isa itong kasinungalingan na isinasama ni Satanas

sa iba pang kasinungalingan upang ilayo ang mga tao sa

Diyos na Jehova. Paano?17 Gaya ng nabanggit na, itinuturo ng ilang relihiyon na

kung masama ang isang tao, magtutungo siya sa isang lu-

gar ng maapoy na pagpapahirap upang magdusa roon mag-

pakailanman pagkamatay niya. Hindi nagpaparangal sa

Diyos ang turong ito. Si Jehova ay Diyos ng pag-ibig at hin-

ding-hindi niya pahihirapan ang mga tao sa ganitong para-

an. (1 Juan 4:8) Ano kaya ang madarama mo sa isang tao

na pinarurusahan ang isang masuwaying bata sa pamama-

gitan ng paglalagay ng mga kamay nito sa apoy? Igagalang

mo ba ang ganitong tao? Sa katunayan, gugustuhin mo

16. Sino ang nakaimpluwensiya sa mga turo ng maraming relihiyon, at sa anongparaan?17. Bakit hindi nagpaparangal kay Jehova ang turo hinggil sa walang-hanggangpagpapahirap?

Nasaan ang mga Patay? 79

bang makilala man lamang siya? Tiyak na hindi! Malamang

na iisipin mong napakalupit niya. Gayunman, gusto ni Sa-

tanas na maniwala tayo na pinahihirapan ni Jehova ang

mga tao sa apoy magpakailanman—sa loob ng di-mabilang

na bilyun-bilyong taon!18 Ginagamit din ni Satanas ang ilang relihiyon para itu-

ro na pagkamatay, ang mga tao ay nagiging mga espiritu na

dapat igalang at parangalan ng mga nabubuhay. Ayon sa

turong ito, ang espiritu ng mga patay ay maaaring maging

makapangyarihang mga kaibigan o nakatatakot na mga ka-

away. Maraming tao ang naniniwala sa kasinungalingang

ito. Kinatatakutan nila ang mga patay at pinararangalan at

sinasamba ang mga ito. Sa kabaligtaran, itinuturo ng Bibli-

ya na natutulog ang mga patay at ang nararapat lamang na

sambahin ay ang tunay na Diyos, si Jehova, na ating May-

lalang at Tagapaglaan.—Apocalipsis 4:11.19 Ang pagkaalam ng katotohanan tungkol sa mga patay

ay nagsasanggalang sa iyo upang hindi ka mailigaw ng re-

lihiyosong mga kasinungalingan. Tumutulong din ito sa iyo

na maunawaan ang iba pang mga turo sa Bibliya. Halim-

bawa, nang maunawaan mo na ang mga tao ay hindi nag-

tutungo sa daigdig ng mga espiritu sa kamatayan, nagkaro-

18. Ang pagsamba sa mga patay ay salig sa anong relihiyosong kasinungali-ngan?19. Ang pagkaalam ng katotohanan tungkol sa kamatayan ay tumutulong sa atinna maunawaan ang anong iba pang turo ng Bibliya?

80 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

on ng tunay na kahulugan sa iyo ang pangakong buhay na

walang hanggan sa isang paraisong lupa.20 Matagal nang panahon ang nakalilipas, ganito ang iti-

nanong ng matuwid na taong si Job: “Kung ang isang mati-

punong lalaki ay mamatay mabubuhay pa ba siyang muli?”

(Job 14:14) Mabubuhay pa kayang muli ang isang taong wa-

lang buhay na natutulog sa kamatayan? Lubhang nakaaaliw

ang itinuturo ng Bibliya hinggil sa bagay na ito, gaya ng

ipakikita ng susunod na kabanata.

20. Anong tanong ang tatalakayin sa susunod na kabanata?

KUNG ANO ANG ITINUTURO NG BIBLIYA

ˇ Ang mga patay ay hindi nakakakita o nakaririnigo nakapag-iisip.—Eclesiastes 9:5.

ˇ Ang mga patay ay namamahinga; hindi silanagdurusa.—Juan 11:11.

ˇ Tayo ay namamatay dahil sa minana natingkasalanan kay Adan.—Roma 5:12.

Nasaan ang mga Patay? 81

GUNIGUNIHING tumatakas ka mula sa isang mabagsik

na kaaway. Mas malakas siya at mas mabilis kaysa sa iyo.

Alam mong siya’y walang-awa dahil nakita mo nang pina-

tay niya ang ilan sa iyong mga kaibigan. Gaanuman katin-

di ang pagsisikap mong matakasan siya, papalap´ıt siya

nang papalap´ıt sa iyo. Waring wala nang pag-asa. Subalit

biglang-bigla, dumating ang isang tagapagligtas. Di-hamak

na mas malakas siya kaysa sa iyong kaaway, at nangako

siyang tutulungan ka niya. Kaylaking pasasalamat mo!2 Sa diwa, talagang hinahabol ka ng gayong kaaway. La-

hat tayo ay hinahabol nito. Gaya ng natutuhan natin sa

naunang kabanata, tinatawag ng Bibliya ang kamatayan na

1-3. Anong kaaway ang humahabol sa ating lahat, at bakit magdudulot sa atinng kaginhawahan ang pagsasaalang-alang sa itinuturo ng Bibliya?

KABANATA 7

Ang Tunay na Pag-asa Para sa Iyong

Namatay na mga Mahal sa Buhay

Paano natin nalaman na talagang magkakaroonng pagkabuhay-muli?

Ano ang nadarama ni Jehova sa pagbuhay-mulisa mga patay?

Sinu-sino ang bubuhaying muli?

82 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

isang kaaway. Hindi ito matatakasan ni malalabanan man

ng sinuman sa atin. Nakita na ng karamihan sa atin na

inagaw ng kaaway na ito ang buhay ng mga taong mina-

mahal natin. Ngunit di-hamak na mas makapangyarihan si

Jehova kaysa sa kamatayan. Siya ang maibiging Tagapag-

ligtas at naipakita na niyang kaya niyang talunin ang kaa-

way na ito. At nangangako siyang lubusan niyang lilipulin

ang kaaway na ito, ang kamatayan. Itinuturo ng Bibli-

ya: “Bilang huling kaaway, ang kamatayan ay papawiin.”

(1 Corinto 15:26) Magandang balita iyan!3 Isaalang-alang natin sandali kung paano tayo naaapek-

tuhan kapag sumasalakay ang kaaway na kamatayan. Tutu-

long ito sa atin na maunawaan ang isang bagay na maka-

pagpapaligaya sa atin. Alam mo, nangako kasi si Jehova

na ang mga patay ay muling mabubuhay. (Isaias 26:19)

Iyan ang pag-asa na pagkabuhay-muli.

KAPAG NAMATAY ANG ISANG MAHAL SA BUHAY4 Namatayan ka na ba ng mahal sa buhay? Ang kirot,

pighati, at pagkadama ng pagiging walang kalaban-laban

ay waring hindi kayang batahin. Sa gayong mga panahon,

kailangan nating bumaling sa Salita ng Diyos para sa ka-

aliwan. (2 Corinto 1:3, 4) Tinutulungan tayo ng Bibliya na

4. (a) Bakit may matututuhan tayo hinggil sa damdamin ni Jehova mula sareaksiyon ni Jesus sa pagkamatay ng isang mahal sa buhay? (b) Nagkaroon siJesus ng anong natatanging pakikipagkaibigan?

Ang Tunay na Pag-asa Para sa Iyong Namatay na mga Mahal sa Buhay 83

maunawaan kung ano ang nadarama ni Jehova at ni Jesus

hinggil sa kamatayan. Ganap na masasalamin kay Jesus

ang mga katangian ng kaniyang Ama, at batid niya kung

gaano kasakit ang mamatayan ng mahal sa buhay. (Juan

14:9) Kapag nasa Jerusalem siya noon, madalas dalawin ni

Jesus si Lazaro at ang mga ate nito, sina Maria at Marta,

na nakatira sa karatig-bayan na Betania. Naging matalik

silang magkakaibigan. Ganito ang sabi ng Bibliya: “Iniibig

. . . ni Jesus si Marta at ang kaniyang kapatid na babae at

si Lazaro.” (Juan 11:5) Ngunit namatay si Lazaro, gaya ng

nalaman natin sa naunang kabanata.5 Ano ang nadama ni Jesus nang mamatay ang kaniyang

kaibigan? Sinasabi ng ulat na pinuntahan ni Jesus ang mga

kamag-anak at kaibigan ni Lazaro na nagdadalamhati da-

hil sa kanilang kawalan. Pagkakita sa kanila, lubhang na-

antig si Jesus. Siya ay “dumaing sa espiritu at nabagabag.”

Pagkatapos, sinabi ng ulat, “si Jesus ay lumuha.” (Juan 11:

33, 35) Ang pagdadalamhati ba ni Jesus ay nangangahulu-

gang nawalan na siya ng pag-asa? Hindi. Sa katunayan,

alam ni Jesus na isang kamangha-manghang bagay ang ma-

lapit nang maganap. (Juan 11:3, 4) Gayunpaman, nadama

niya ang kirot at lumbay na dulot ng kamatayan.

5, 6. (a) Paano tumugon si Jesus nang makasama niya ang nagdadalamhatingpamilya at mga kaibigan ni Lazaro? (b) Bakit nakapagpapatibay-loob sa atinang pagdadalamhati ni Jesus?

84 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

6 Sa isang paraan, ang pagdadalamhati ni Jesus ay naka-

pagpapatibay-loob sa atin. Itinuturo nito sa atin na kina-

popootan ni Jesus at ng kaniyang Ama, si Jehova, ang

kamatayan. Pero kayang labanan at daigin ng Diyos na Je-

hova ang kaaway na iyan! Tingnan natin kung anong ka-

pangyarihan ang ipinagkaloob ng Diyos kay Jesus.

“LAZARO, LUMABAS KA!”7 Inilibing si Lazaro sa isang yungib, o kuweba, at hini-

ling ni Jesus na alisin ang bato na nakatakip sa pasukan

nito. Tumutol si Marta dahil malamang na nagsisimula

nang mabulok ang katawan ni Lazaro yamang apat na

araw na ang nakalilipas. (Juan 11:39) Mula sa pangmalas

ng tao, tila wala nang pag-asa.8 Iginulong ang bato, at sumigaw si Jesus: “Lazaro, lu-

mabas ka!” Ano ang nangyari? “Ang taong namatay ay lu-

mabas.” (Juan 11:43, 44) Maguguniguni mo ba ang kaga-

lakan ng mga taong naroroon? Si Lazaro man ay kanilang

kapatid, kamag-anak, kaibigan, o kapitbahay, alam nilang

patay na siya. Gayunman, heto siya—ang mismong taong

minamahal nila—nakatayong muli kasama nila. Marahil

ay napakahirap paniwalaan ito. Walang alinlangan na ma-

rami ang buong-kagalakang yumakap kay Lazaro. Kayla-

king tagumpay laban sa kamatayan!

7, 8. Bakit waring wala nang pag-asa ang kalagayan ni Lazaro sa mga taongnagmamasid, ngunit ano ang ginawa ni Jesus?

Ang Tunay na Pag-asa Para sa Iyong Namatay na mga Mahal sa Buhay 85

9 Hindi inangkin ni Jesus na ginawa niya ang kagila-gila-

las na himalang ito sa sarili lamang niyang kapangyarihan.

Sa kaniyang panalangin bago tawagin si Lazaro, niliwanag

niya na si Jehova ang Bukal ng kaniyang kapangyarihang

bumuhay-muli. (Juan 11:41, 42) Hindi ito ang tanging pag-

kakataon na ginamit ni Jehova ang kaniyang kapangyari-

han sa ganitong paraan. Ang pagkabuhay-muli ni Lazaro

ay isa lamang sa siyam na himala ng pagkabuhay-muli na

nakaulat sa Salita ng Diyos.� Kasiya-siyang basahin at pag-

aralan ang mga ulat na ito. Itinuturo sa atin ng mga ito

na ang Diyos ay hindi nagtatangi, yamang kasama sa mga

binuhay-muli ang mga bata at matanda, lalaki at babae, Is-

raelita at di-Israelita. At kaylaking kagalakan ang inilala-

rawan sa mga talatang ito! Halimbawa, nang ibangon ni

Jesus ang isang batang babae mula sa mga patay, ang ka-

niyang mga magulang ay “halos mawala . . . sa kanilang

sarili sa napakasidhing kagalakan.” (Marcos 5:42) Oo, bi-

nigyan sila ni Jehova ng dahilan para matamasa ang kaga-

lakang hinding-hindi nila malilimutan.10 Siyempre pa, namatay rin nang maglaon ang mga bi-

nuhay-muli ni Jesus. Nangangahulugan ba ito na walang

� Ang ibang mga ulat ay masusumpungan sa 1 Hari 17:17-24; 2 Hari 4:32-37; 13:20, 21; Mateo 28:5-7; Lucas 7:11-17; 8:40-56; Gawa 9:36-42; at 20:7-12.

9, 10. (a) Paano isiniwalat ni Jesus ang Bukal ng kaniyang kapangyarihangbumuhay-muli kay Lazaro? (b) Ano ang ilan sa mga kapakinabangan ng pagba-basa sa mga ulat ng Bibliya tungkol sa pagkabuhay-muli?

86 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

saysay ang pagbuhay-muli sa kanila? Hinding-hindi. Pina-tutunayan ng mga ulat na ito ng Bibliya ang mahalagangmga katotohanan at binibigyan tayo nito ng pag-asa.

MATUTO MULA SAMGA ULAT NG PAGKABUHAY-MULI

11 Itinuturo ng Bibliya na ang mga patay ay “walang anu-mang kabatiran.” Hindi sila buhay at wala na silang ma-lay saanmang dako. Pinatutunayan ito ng ulat tungkol kayLazaro. Nang mabuhay siyang muli, pinanabik ba ni La-zaro ang mga tao ng mga paglalarawan niya sa langit? Otinakot ba niya sila ng kakila-kilabot na mga kuwentotungkol sa nag-aapoy na impiyerno? Hindi. Ang Bibliya ayhindi naglalaman ng gayong mga pananalita mula kay La-zaro. Sa loob ng apat na araw na siya’y patay, ‘wala siyanganumang kabatiran.’ (Eclesiastes 9:5) Si Lazaro ay natuloglamang sa kamatayan.—Juan 11:11.

12 Itinuturo rin sa atin ng ulat hinggil kay Lazaro na to-too ang pagkabuhay-muli at hindi gawa-gawa lamang. Ibi-nangon ni Jesus si Lazaro sa harap ng isang pulutong ngmga saksi. Hindi itinanggi maging ng relihiyosong mga li-der, na napopoot kay Jesus, ang himalang ito. Sa halip,11. Paano nakatutulong ang ulat hinggil sa pagkabuhay-muli ni Lazaro upangpatunayan ang katotohanang nakaulat sa Eclesiastes 9:5?12. Bakit tayo makatitiyak na talagang nangyari ang pagkabuhay-muli ni La-zaro?

Ang Tunay na Pag-asa Para sa Iyong Namatay na mga Mahal sa Buhay 87

sinabi nila: “Ano ang ating gagawin, sapagkat ang taong

ito [si Jesus] ay gumagawa ng maraming tanda?” (Juan

11:47) Maraming tao ang nagtungo roon upang makita ang

binuhay-muling si Lazaro. Bilang resulta, mas marami pa

ang nanampalataya kay Jesus. Nakita nila kay Lazaro ang

buh´ay na patotoo na si Jesus ay isinugo ng Diyos. Napa-

katibay ng patotoong ito anupat ang ilan sa mga Judiong

relihiyosong lider na matigas ang puso ay nagplanong pa-

tayin kapuwa si Jesus at si Lazaro.—Juan 11:53; 12:9-11.13 Pagiging di-makatotohanan ba na tanggapin ang pag-

kabuhay-muli bilang isang tunay na pangyayari? Hindi, sa-

pagkat itinuro ni Jesus na balang-araw, ang “lahat ng nasa

mga alaalang libingan” ay bubuhaying muli. (Juan 5:28) Si

Jehova ang Maylalang ng lahat ng buhay. Mahirap bang

paniwalaan na kaya niyang lalanging muli ang buhay? Si-

yempre pa, malaki ang papel na ginagampanan ng memor-

ya ni Jehova. Matatandaan kaya niya ang namatay nating

mga mahal sa buhay? Di-mabilang na trilyun-trilyong bi-

tuin ang makikita sa uniberso, gayunma’y binigyan ng

Diyos ng pangalan ang bawat isa! (Isaias 40:26) Kung ga-

yon, kayang tandaan ng Diyos na Jehova ang bawat detal-

ye hinggil sa ating namatay na mga mahal sa buhay, at

handa siyang buhayin silang muli.

13. Ano ang saligan natin upang maniwala na talagang kayang buhaying mulini Jehova ang mga patay?

88 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

14 Gayunman, ano naman kaya ang nadarama ni Jehova

hinggil sa pagbuhay-muli sa mga patay? Itinuturo ng Bi-

bliya na nasasabik siyang buhaying muli ang mga pa-

tay. Nagtanong ang tapat na lalaking si Job: “Kung ang

isang matipunong lalaki ay mamatay mabubuhay pa ba

siyang muli?” Tinutukoy ni Job ang paghihintay sa libi-

ngan hanggang sa dumating ang panahon para alalahanin

siya ng Diyos. Sinabi niya kay Jehova: “Ikaw ay tatawag,

at ako ay sasagot sa iyo. Ang gawa ng iyong mga kamay

ay mimithiin mo.”—Job 14:13-15.15 Isip-isipin na lamang! Minimithi talaga ni Jehova na

buhaying muli ang mga patay. Hindi ba nakaaantig-damda-

ming malaman na ganiyan ang nadarama ni Jehova? Pero

kumusta naman ang pagkabuhay-muli sa hinaharap? Sinu-

sino ba ang bubuhaying muli, at saan?

“LAHAT NG NASA MGA ALAALANG LIBINGAN”16 Maraming itinuturo sa atin ang mga ulat ng Bibliya sa

pagkabuhay-muli tungkol sa magaganap na pagkabuhay-

muli sa hinaharap. Muling nakapiling ng mga taong binu-

hay-muli rito mismo sa lupa ang kanilang mga mahal sa

buhay. Ganiyan din ang mangyayari sa pagkabuhay-muli

sa hinaharap—subalit magiging mas mainam pa. Gaya ng

14, 15. Gaya ng inilalarawan ng sinabi ni Job, ano ang nadarama ni Jehovahinggil sa pagbuhay-muli sa mga patay?

16. Bubuhaying muli ang mga patay upang mabuhay sa anong mga kalagayan?

Ang Tunay na Pag-asa Para sa Iyong Namatay na mga Mahal sa Buhay 89

natutuhan natin sa Kabanata 3, layunin ng Diyos na ma-

ging isang paraiso ang buong lupa. Kaya ang mga patay ay

hindi bubuhaying-muli sa isang daigdig na lipos ng digma-

an, krimen, at sakit. Magkakaroon sila ng pagkakataong

mabuhay magpakailanman sa lupang ito sa mapayapa at

maligayang kalagayan.17 Sinu-sino ang bubuhaying muli? Sinabi ni Jesus na “la-

hat ng nasa mga alaalang libingan ay makaririnig ng kani-

yang tinig [ni Jesus] at lalabas.” (Juan 5:28, 29) Gayundin,

sinasabi ng Apocalipsis 20:13: “Ibinigay ng dagat ang mga

patay na nasa kaniya, at ibinigay ng kamatayan at ng Ha-

des ang mga patay na nasa kanila.” Ang “Hades” ay tumu-

tukoy sa karaniwang libingan ng sangkatauhan. (Tingnan

ang Apendise, pahina 271-3.) Mawawalan ng laman ang

pangkalahatang libingang ito. Lahat ng bilyun-bilyong pa-

tay na namamahinga roon ay mabubuhay-muli. Ganito ang

sabi ni apostol Pablo: “Magkakaroon ng pagkabuhay-muli

kapuwa ng mga matuwid at mga di-matuwid.” (Gawa

24:15) Ano ang kahulugan nito?18 Kabilang sa “mga matuwid” ang marami sa mga tao

na nababasa natin sa Bibliya na nabuhay bago pumarito

sa lupa si Jesus. Baka maisip mo sina Noe, Abraham, Sara,

17. Gaano karami ang bubuhaying muli?18. Sinu-sino ang kabilang sa “mga matuwid” na bubuhaying muli, at paano kamaaaring personal na maapektuhan ng pag-asang ito?

90 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

Moises, Ruth, Esther, at maraming iba pa. Ang ilan sa mga

lalaki at babaing ito na may pananampalataya sa Diyos ay

tinatalakay sa ika-11 kabanata ng Mga Hebreo. Ngunit ka-

bilang din sa “mga matuwid” ang mga lingkod ni Jehova

na namatay sa ating panahon. Dahil sa pag-asa na pagka-

buhay-muli, maaari tayong mapalaya mula sa anumang

takot na mamatay.—Hebreo 2:15.19 Kumusta naman ang lahat ng mga taong hindi nagling-

kod o sumunod kay Jehova dahil hindi naman nila siya

nakilala? Ang bilyun-bilyong ito na “mga di-matuwid” ay

hindi malilimutan. Sila rin ay bubuhaying muli at bibig-

yan ng panahon para matuto tungkol sa tunay na Diyos

at maglingkod sa kaniya. Sa loob ng sanlibong taon, bubu-

haying muli ang mga patay at bibigyan ng pagkakataong

makasama ng tapat na mga tao sa lupa sa paglilingkod kay

Jehova. Magiging isang kapana-panabik na panahon ito.

Ang yugtong ito ang tinatawag sa Bibliya na Araw ng Pag-

huhukom.�20 Nangangahulugan ba ito na bubuhaying muli ang ba-

wat taong nabuhay noon? Hindi. Sinasabi ng Bibliya na

ang ilan sa mga namatay ay nasa “Gehenna.” (Lucas 12:5)

� Para sa higit na impormasyon tungkol sa Araw ng Paghuhukom at sa sa-ligan ng paghuhukom, pakisuyong tingnan ang Apendise, pahina 273-6.

19. Sino ang “mga di-matuwid,” at anong pagkakataon ang may-kabaitang ibi-nibigay ni Jehova sa kanila?20. Ano ang Gehenna, at sino ang nagtutungo roon?

Ang Tunay na Pag-asa Para sa Iyong Namatay na mga Mahal sa Buhay 91

Nakuha ang pangalang Gehenna mula sa isang tapunan ngbasura na matatagpuan sa labas ng sinaunang Jerusalem.Doon sinusunog ang mga bangkay at mga basura. Angmga bangkay na itinatapon doon ay itinuturing ng mga Ju-dio na hindi karapat-dapat sa paglilibing o sa pagkabuhay-muli. Kaya ang Gehenna ay isang angkop na simbolo ngwalang-hanggang pagkapuksa. Bagaman magkakaroon ngpapel si Jesus sa paghuhukom sa mga buhay at sa mga pa-tay, si Jehova ang pangwakas na Hukom. (Gawa 10:42)Hinding-hindi niya bubuhaying muli yaong mga hinatulanna niya bilang napakasama at ayaw magbago.

ANG MAKALANGIT NA PAGKABUHAY-MULI21 Tinutukoy rin ng Bibliya ang isa pang uri ng pagkabu-

hay-muli, isa na tungo sa buhay bilang espiritung nilalangsa langit. Iisang halimbawa lamang ng ganitong uri ng pag-kabuhay-muli ang nakaulat sa Bibliya, yaong kay Jesu-Kristo.

22 Pagkamatay ni Jesus bilang tao, hindi pinahintulutanni Jehova na manatili ang Kaniyang tapat na Anak sa li-bingan. (Awit 16:10; Gawa 13:34, 35) Binuhay-muli ngDiyos si Jesus, ngunit hindi bilang tao. Ipinaliwanag niapostol Pedro na si Kristo ay “pinatay sa laman, ngunit bi-nuhay sa espiritu.” (1 Pedro 3:18) Talagang isang pambi-hirang himala ito. Muling nabuhay si Jesus bilang isang21, 22. (a) Ano ang isa pang uri ng pagkabuhay-muli? (b) Sino ang kauna-unahang pinagkalooban ng pagkabuhay-muli tungo sa espiritung buhay?

92 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

makapangyarihang espiritung persona! (1 Corinto 15:3-6)

Si Jesus ang kauna-unahang pinagkalooban ng ganitong

maluwalhating uri ng pagkabuhay-muli. (Juan 3:13) Ngu-

nit hindi siya ang huli.23 Sa pagkaalam na malapit na siyang bumalik sa langit,

sinabi ni Jesus sa kaniyang tapat na mga tagasunod na

‘maghahanda siya ng dako’ sa langit para sa kanila. (Juan

14:2) Tinukoy ni Jesus yaong mga magtutungo sa langit bi-

lang kaniyang “munting kawan.” (Lucas 12:32) Ilan ang

mapapabilang sa maituturing na maliit na grupong ito ng

tapat na mga Kristiyano? Ayon sa Apocalipsis 14:1, gani-

to ang sabi ni apostol Juan: “Nakita ko, at, narito! ang

Kordero [si Jesu-Kristo] na nakatayo sa Bundok Sion, at

ang kasama niya ay isang daan at apatnapu’t apat na libo

na may pangalan niya at pangalan ng kaniyang Ama na

nakasulat sa kanilang mga noo.”24 Ang 144,000 Kristiyanong ito, kabilang na ang tapat

na mga apostol ni Jesus, ay bubuhaying muli tungo sa la-

ngit. Kailan magaganap ang kanilang pagkabuhay-muli?

Isinulat ni apostol Pablo na ito ay magaganap sa panahon

ng pagkanaririto ni Kristo. (1 Corinto 15:23) Gaya ng ma-

tututuhan mo sa Kabanata 9, nabubuhay na tayo ngayon

sa panahong iyan. Kaya ang iilang nalalabi pa ng 144,-

000 na mamamatay sa ating panahon ay kaagad-agad na

23, 24. Sinu-sino ang bumubuo sa “munting kawan” ni Jesus, at ilan sila?

Ang Tunay na Pag-asa Para sa Iyong Namatay na mga Mahal sa Buhay 93

bubuhaying muli tungo sa langit. (1 Corinto 15:51-55) Ga-

yunman, ang karamihan sa sangkatauhan ay may pag-

asang buhaying muli sa hinaharap sa Paraisong lupa.25 Oo, talagang tatalunin ni Jehova ang ating kaaway na

kamatayan, at maglalaho na ito magpakailanman! (Isaias

25:8) Gayunman, maaaring maisip mo, ‘Ano ang gagawin

sa langit ng mga bubuhaying muli roon?’ Magiging baha-

gi sila ng isang kamangha-manghang pamahalaan ng Ka-

harian sa langit. Mas marami pa tayong malalaman tung-

kol sa pamahalaang iyan sa susunod na kabanata.

25. Ano ang isasaalang-alang sa susunod na kabanata?

KUNG ANO ANG ITINUTURO NG BIBLIYA

ˇ Ang ulat ng Bibliya tungkol sa pagkabuhay-muliay nagbibigay sa atin ng tiyak na pag-asa.—Juan 11:39-44.

ˇ Nananabik si Jehova na buhaying muli ang mgapatay.—Job 14:13-15.

ˇ Ang lahat ng nasa karaniwang libingan ng sangka-tauhan ay bubuhaying muli.—Juan 5:28, 29.

94 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

MILYUN-MILYONG tao sa buong daigdig ang pamilyar

sa panalangin na tinatawag ng marami na Ama Namin, o

Panalangin ng Panginoon. Ang dalawang katawagang ito

ay tumutukoy sa isang tanyag na panalanging ibinigay mis-

mo ni Jesu-Kristo bilang modelo. Lubhang makahulugan

ang panalanging ito, at ang pagsasaalang-alang sa unang

tatlong kahilingan nito ay tutulong sa iyo na matuto nang

higit pa hinggil sa kung ano talaga ang itinuturo ng Bi-

bliya.2 Sa pasimula ng modelong panalanging ito, tinagubili-

nan ni Jesus ang kaniyang mga tagapakinig: “Manala-

ngin kayo, kung gayon, sa ganitong paraan: ‘Ama namin

na nasa langit, pakabanalin nawa ang iyong pangalan.

1. Anong tanyag na panalangin ang susuriin ngayon?2. Ano ang tatlo sa mga bagay na itinuro ni Jesus na ipanalangin ng kaniyangmga alagad?

KABANATA 8

Ano ba ang Kaharian ng Diyos?

Ano ang sinasabi sa atin ng Bibliya tungkol saKaharian ng Diyos?

Ano ang gagawin ng Kaharian ng Diyos?

Kailan tutuparin ng Kaharian ang kaloobanng Diyos sa lupa?

Ano ba ang Kaharian ng Diyos? 95

Dumating nawa ang iyong kaharian. Mangyari nawa ang

iyong kalooban, kung paano sa langit, gayundin sa lupa.’ ”

(Mateo 6:9-13) Ano ang kahalagahan ng tatlong kahili-

ngang ito?3 Marami na tayong natutuhan tungkol sa pangalan ng

Diyos na Jehova. At sa paanuman ay natalakay na natin

ang kalooban ng Diyos—kung ano ang nagawa na niya at

gagawin pa para sa sangkatauhan. Gayunman, ano ang ti-

nutukoy ni Jesus nang sabihin niya na ipanalangin natin:

“Dumating nawa ang iyong kaharian”? Ano ba ang Kaha-

rian ng Diyos? Paano mapababanal ang pangalan ng Diyos

sa pagdating nito? At paano nauugnay ang pagdating ng

Kaharian sa pagtupad sa kalooban ng Diyos?

KUNG ANO ANG KAHARIAN NG DIYOS4 Ang Kaharian ng Diyos ay isang pamahalaan na itina-

tag ng Diyos na Jehova na may isang Haring pinili ng

Diyos. Sino ba ang Hari ng Kaharian ng Diyos? Si Jesu-

Kristo. Si Jesus bilang Hari ay mas dakila kaysa sa lahat

ng mga tagapamahalang tao at siya’y tinatawag na “Hari

niyaong mga namamahala bilang mga hari at Panginoon

niyaong mga namamahala bilang mga panginoon.” (1 Ti-

moteo 6:15) May kapangyarihan siyang gumawa ng higit

3. Ano ang kailangan nating malaman tungkol sa Kaharian ng Diyos?

4. Ano ba ang Kaharian ng Diyos, at sino ang Hari nito?

96 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

na kabutihan kaysa sa sinumang tagapamahalang tao, ka-

hit na ang pinakamahusay pa sa kanila.5 Mula saan mamamahala ang Kaharian ng Diyos? Bu-

weno, nasaan ba si Jesus? Tiyak na natatandaan mong pi-

natay siya sa isang pahirapang tulos, at pagkatapos ay

binuhay siyang muli. Hindi nagtagal pagkatapos nito,

umakyat siya sa langit. (Gawa 2:33) Samakatuwid, doon

matatagpuan ang Kaharian ng Diyos—sa langit. Iyan ang

dahilan kung bakit tinatawag ito sa Bibliya na isang “ma-

kalangit na kaharian.” (2 Timoteo 4:18) Bagaman nasa la-

ngit ang Kaharian ng Diyos, pamamahalaan nito ang lupa.

—Apocalipsis 11:15.6 Bakit namumukod-tangi si Jesus bilang Hari? Una, hin-

di siya mamamatay. Sa paghahambing kay Jesus sa mga

taong hari, tinatawag siya sa Bibliya na “ang isa na tanging

nagtataglay ng imortalidad, na tumatahan sa di-malapitang

liwanag.” (1 Timoteo 6:16) Nangangahulugan ito na ma-

mamalagi ang lahat ng kabutihang gagawin ni Jesus. At ti-

yak na gagawa siya ng dakila at mabubuting bagay.7 Isaalang-alang ang hulang ito ng Bibliya tungkol kay Je-

sus: “Sasakaniya ang espiritu ni Jehova, ang espiritu ng ka-

runungan at ng pagkaunawa, ang espiritu ng payo at ng

5. Mula saan mamamahala ang Kaharian ng Diyos, at ano ang pamamahala-an nito?6, 7. Bakit namumukod-tangi si Jesus bilang Hari?

Ano ba ang Kaharian ng Diyos? 97

kalakasan, ang espiritu ng kaalaman at ng pagkatakot kay

Jehova; at magkakaroon siya ng kasiyahan sa pagkatakot

kay Jehova. At hindi siya hahatol ayon lamang sa nakita

ng kaniyang mga mata, ni sasaway man ayon lamang sa

narinig ng kaniyang mga tainga. At sa katuwiran ay haha-

tulan niya ang mga maralita, at sa katapatan ay sasaway

siya alang-alang sa maaamo sa lupa.” (Isaias 11:2-4) Ipina-

kikita ng mga pananalitang ito na si Jesus ay magiging

isang matuwid at mahabaging Hari sa mga tao sa lupa.

Gusto mo ba ng ganiyang tagapamahala?8 Ito pa ang isang katotohanan tungkol sa Kaharian ng

Diyos: Hindi mag-isang mamamahala si Jesus. Magkaka-

roon siya ng mga kasamang tagapamahala. Halimbawa, si-

nabi ni apostol Pablo kay Timoteo: “Kung patuloy tayong

magbabata, mamamahala rin tayong magkakasama bilang

mga hari.” (2 Timoteo 2:12) Oo, sina Pablo, Timoteo, at

iba pang mga tapat na pinili ng Diyos ay mamamahalang

kasama ni Jesus sa makalangit na Kaharian. Ilan ang mag-

kakaroon ng pribilehiyong iyan?9 Gaya ng binanggit sa Kabanata 7 ng aklat na ito, binig-

yan si apostol Juan ng isang pangitain kung saan nakita

niya “ang Kordero [si Jesu-Kristo] na nakatayo sa Bun-

8. Sinu-sino ang mamamahalang kasama ni Jesus?9. Ilan ang mamamahalang kasama ni Jesus, at kailan sila sinimulang piliinng Diyos?

98 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

dok Sion [ang kaniyang maharlikang posisyon sa langit], at

ang kasama niya ay isang daan at apatnapu’t apat na libo

na may pangalan niya at pangalan ng kaniyang Ama na

nakasulat sa kanilang mga noo.” Sinu-sino ang 144,000 ito?

Si Juan mismo ang nagsabi sa atin: “Ito ang mga patuloy

na sumusunod sa Kordero saanman siya pumaroon. Ang

mga ito ay binili mula sa sangkatauhan bilang mga unang

bunga sa Diyos at sa Kordero.” (Apocalipsis 14:1, 4) Oo,

sila ay tapat na mga tagasunod ni Jesu-Kristo na panta-

nging pinili upang mamahalang kasama niya sa langit. Ma-

tapos ibangon mula sa kamatayan tungo sa buhay sa la-

ngit, “mamamahala sila bilang mga hari sa ibabaw ng

lupa” kasama si Jesus. (Apocalipsis 5:10) Mula pa noong

panahon ng mga apostol, pumipili na ang Diyos ng ta-

pat na mga Kristiyano para makumpleto ang bilang na

144,000.

10 Isang napakamaibiging kaayusan na mamahala sa

sangkatauhan si Jesus at ang 144,000. Unang-una, narana-

san ni Jesus na maging isang tao at magdusa bilang isang

tao. Sinabi ni Pablo na si Jesus ay “hindi ang isa na hin-

di magawang makiramay sa ating mga kahinaan, kundi ang

isa na sinubok sa lahat ng bagay tulad natin, ngunit

10. Bakit isang maibiging kaayusan na mamahala sa sangkatauhan si Jesus atang 144,000?

Ano ba ang Kaharian ng Diyos? 99

walang kasalanan.” (Hebreo 4:15; 5:8) Ang kaniyang mga

kasamang tagapamahala ay nagdusa rin at nagbata bilang

mga tao. Bukod diyan, nakipagpunyagi sila sa di-kasakda-

lan at tiniis ang lahat ng uri ng sakit. Tiyak na mauunawa-

an nila ang mga problema na napapaharap sa mga tao!

ANO BA ANG GAGAWIN NG KAHARIAN NG DIYOS?11 Nang sabihin ni Jesus na dapat ipanalangin ng kani-

yang mga alagad na dumating nawa ang Kaharian ng

Diyos, sinabi rin niya na dapat nilang ipanalangin na ma-

ganap nawa ang kalooban ng Diyos “kung paano sa langit,

gayundin sa lupa.” Nasa langit ang Diyos, at lagi namang

ginagawa ng tapat na mga anghel doon ang kaniyang ka-

looban. Gayunman, sa Kabanata 3 ng aklat na ito, nala-

man natin na isang napakasamang anghel ang huminto sa

paggawa ng kalooban ng Diyos at naging dahilan upang

magkasala sina Adan at Eva. Sa Kabanata 10, marami pa

tayong matututuhan kung ano ang itinuturo ng Bibliya

tungkol sa napakasamang anghel na iyan, na nakilala na-

tin bilang Satanas na Diyablo. Si Satanas at ang

mga anghelikong espiritung nilalang na piniling sumunod

sa kaniya—tinatawag na mga demonyo—ay sandaling pi-

nahintulutan na manatili sa langit. Kaya naman, hindi la-

11. Bakit sinabi ni Jesus na dapat ipanalangin ng mga alagad niya na maga-nap nawa ang kalooban ng Diyos sa langit?

100 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

hat ng nasa langit noon ay gumagawa ng kalooban ng

Diyos. Nagbago iyan nang magsimulang mamahala ang

Kaharian ng Diyos. Ang bagong iniluklok na Hari, si Jesu-

Kristo, ay nakipagdigma kay Satanas.—Apocalipsis 12:7-9.12 Inilalarawan ng sumusunod na makahulang mga pana-

nalita kung ano ang mangyayari: “Narinig ko ang isang ma-

lakas na tinig sa langit na nagsabi: ‘Ngayon ay naganap na

ang kaligtasan at ang kapangyarihan at ang kaharian ng

ating Diyos at ang awtoridad ng kaniyang Kristo, sapagkat

ang tagapag-akusa sa ating mga kapatid [si Satanas] ay na-

ihagis na, na siyang umaakusa sa kanila araw at gabi sa

harap ng ating Diyos!’ ” (Apocalipsis 12:10) Napansin mo

ba ang dalawang napakahalagang pangyayari na inilarawan

sa talatang iyan ng Bibliya? Una, nagsimula nang mama-

hala ang Kaharian ng Diyos sa ilalim ni Jesu-Kristo. Ika-

lawa, pinalayas si Satanas sa langit at inihagis dito sa lupa.13 Ano ang naging resulta ng dalawang pangyayaring

iyon? May kaugnayan sa nangyari sa langit, ganito ang ma-

babasa natin: “Dahil dito ay matuwa kayo, kayong mga la-

ngit at kayo na tumatahan diyan!” (Apocalipsis 12:12) Oo,

nagsasaya ang tapat na mga anghel sa langit dahil, ngayong

wala na si Satanas at ang kaniyang mga demonyo, ang

12. Anong dalawang mahahalagang pangyayari ang inilalarawan sa Apocalip-sis 12:10?13. Ano ang naging resulta ng pagpapalayas kay Satanas sa langit?

Ano ba ang Kaharian ng Diyos? 101

lahat ng nasa langit ay tapat sa Diyos na Jehova. May ga-

nap at walang-patid na kapayapaan at pagkakaisa roon.

Nagaganap na ang kalooban ng Diyos sa langit.

14 Ngunit kumusta naman dito sa lupa? Ganito ang sina-

sabi ng Bibliya: “Sa aba ng lupa at ng dagat, sapagkat ang

Diyablo ay bumaba na sa inyo, na may malaking galit, sa

pagkaalam na mayroon na lamang siyang maikling yugto

ng panahon.” (Apocalipsis 12:12) Gal´ıt si Satanas dahil pi-

nalayas siya sa langit at dahil maikli na lamang ang kani-

yang natitirang panahon. Dahil sa kaniyang galit, nagdu-

lot siya ng kabagabagan, o ‘kaabahan,’ sa lupa. Marami pa

tayong matututuhan tungkol sa ‘kaabahang’ iyan sa susu-

nod na kabanata. Ngunit habang nasa isipan iyan, maaari

nating itanong, Paano tutuparin ng Kaharian ang kaloo-

ban ng Diyos sa lupa?

15 Buweno, alalahanin kung ano ang kalooban ng Diyos

para sa lupa. Nalaman mo ito sa Kabanata 3. Sa Eden,

ipinakita ng Diyos na kalooban niyang ang lupang ito ay

maging isang paraiso na punˆ

o ng di-namamatay at matu-

wid na lahi ng tao. Si Satanas ang dahilan ng pagkakasa-

la nina Adan at Eva, at iyan ay nakaapekto sa katuparan

ng kalooban ng Diyos para sa lupa ngunit hindi naman ito

14. Ano ang nangyari dahil inihagis si Satanas dito sa lupa?15. Ano ang kalooban ng Diyos para sa lupa?

102 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

nagbago dahil dito. Nananatili pa rin ang layunin ni Jeho-

va na “ang mga matuwid ang magmamay-ari ng lupa, at

tatahan sila roon magpakailanman.” (Awit 37:29) At isasa-

katuparan iyan ng Kaharian ng Diyos. Sa anong paraan?

16 Isaalang-alang ang hulang masusumpungan sa Daniel

2:44. Ganito ang mababasa natin doon: “Sa mga araw ng

mga haring iyon ay magtatatag ang Diyos ng langit ng

isang kaharian na hindi magigiba kailanman. At ang kaha-

rian ay hindi isasalin sa iba pang bayan. Dudurugin nito

at wawakasan ang lahat ng mga kahariang ito, at iyon ay

mananatili hanggang sa mga panahong walang takda.” Ano

ang sinasabi nito sa atin tungkol sa Kaharian ng Diyos?

17 Una, sinasabi nito sa atin na itatatag ang Kaharian ng

Diyos “sa mga araw ng mga haring iyon,” o habang umi-

iral ang iba pang mga kaharian. Ikalawa, sinasabi nito sa

atin na ang Kaharian ay mananatili magpakailanman. Hin-

di ito malulupig at hahalinhan ng ibang pamahalaan. Ikat-

lo, nalaman natin na magkakaroon ng digmaan sa pagitan

ng Kaharian ng Diyos at ng mga kaharian ng sanlibutang

ito. Magtatagumpay ang Kaharian ng Diyos. Sa dakong

huli, ito na lamang ang matitirang pamahalaan sa buong

sangkatauhan. Pagkatapos ay tatamasahin ng mga tao

16, 17. Ano ang sinasabi sa atin ng Daniel 2:44 tungkol sa Kaharian ngDiyos?

Ano ba ang Kaharian ng Diyos? 103

ang pinakamahusay na pamamahalang mararanasan nila

kailanman.18 Maraming sinasabi ang Bibliya tungkol sa pangwakas

na digmaan sa pagitan ng Kaharian ng Diyos at ng mga

pamahalaan ng sanlibutang ito. Halimbawa, itinuturo nito

na habang papalapit ang kawakasan, maghahasik ng mga

kasinungalingan ang napakasasamang espiritu upang linla-

ngin ang “mga hari ng buong tinatahanang lupa.” Sa

anong layunin? “Upang tipunin sila [ang mga hari] sa dig-

maan ng dakilang araw ng Diyos na Makapangyarihan-sa-

lahat.” Titipunin ang mga hari sa lupa sa “dako na sa He-

breo ay tinawag na Har-Magedon.” (Apocalipsis 16:14, 16)

Dahil sa mga nabanggit sa dalawang talatang iyon, ang

pangwakas na digmaan sa pagitan ng mga pamahalaan ng

tao at ng Kaharian ng Diyos ay tinatawag na digmaan ng

Har-Magedon, o Armagedon.19 Ano ang isasakatuparan ng Kaharian ng Diyos sa pa-

mamagitan ng Armagedon? Isiping muli kung ano ang ka-

looban ng Diyos para sa lupa. Nilayon ng Diyos na Jeho-

va na ang lupa ay mapuno ng matuwid at sakdal na lahi

ng tao na maglilingkod sa kaniya sa Paraiso. Ano kaya ang

18. Ano ang tawag sa pangwakas na digmaan sa pagitan ng Kaharian ng Diyosat ng mga pamahalaan ng sanlibutang ito?

19, 20. Ano ang nakahahadlang upang maganap ang kalooban ng Diyos salupa ngayon?

104 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

nakahahadlang upang maganap ang kaloobang iyan sa nga-

yon? Una, makasalanan tayo, at nagkakasakit at namama-

tay. Ngunit natutuhan natin sa Kabanata 5 na namatay si

Jesus para sa atin upang mabuhay tayo magpakailanman.

Malamang na natatandaan mo ang mga salitang nakaulat

sa Ebanghelyo ni Juan: “Gayon na lamang ang pag-ibig ng

Diyos sa sanlibutan anupat ibinigay niya ang kaniyang

bugtong na Anak, upang ang bawat isa na nananampala-

taya sa kaniya ay hindi mapuksa kundi magkaroon ng bu-

hay na walang hanggan.”—Juan 3:16.20 Isa pang problema ang napakasamang mga bagay na

ginagawa ng maraming tao. Sila ay nagsisinungaling, nan-

daraya, at gumagawa ng imoralidad. Ayaw nilang gawin ang

kalooban ng Diyos. Ang mga taong gumagawa ng napaka-

samang mga bagay ay lilipulin sa digmaan ng Diyos sa

Armagedon. (Awit 37:10) At ang isa pang dahilan kung

bakit hindi nagaganap ang kalooban ng Diyos sa lupa ay

dahil hindi pinasisigla ng mga pamahalaan ang mga tao

na gawin ito. Maraming pamahalaan ang mahina, malu-

pit, o tiwali. Tahasang sinasabi ng Bibliya: “Ang tao ay

nanunupil sa tao sa kaniyang ikapipinsala.”—Eclesiastes

8:9.21 Pagkatapos ng Armagedon, iisang gobyerno na lamang

21. Paano tutuparin ng Kaharian ang kalooban ng Diyos sa lupa?

Ano ba ang Kaharian ng Diyos? 105

ang mamamahala sa sangkatauhan, ang Kaharian ng

Diyos. Gagawin ng Kahariang iyan ang kalooban ng Diyos

at magdudulot ng kamangha-manghang mga pagpapala.

Halimbawa, aalisin nito si Satanas at ang kaniyang mga

demonyo. (Apocalipsis 20:1-3) Ikakapit ang bisa ng hain ni

Jesus upang hindi na magkasakit at mamatay ang tapat na

mga tao. Sa halip, sa ilalim ng pamamahala ng Kaharian

ay mabubuhay sila magpakailanman. (Apocalipsis 22:1-3)

Gagawing paraiso ang lupa. Sa gayon, tutuparin ng Kaha-

rian ang kalooban ng Diyos sa lupa at pababanalin ang

pangalan ng Diyos. Ano ang kahulugan nito? Nanganga-

hulugan ito na sa dakong huli, sa ilalim ng Kaharian ng

Diyos, ang pangalan ni Jehova ay pararangalan ng lahat

ng nabubuhay.

KAILAN KIKILOS ANG KAHARIAN NG DIYOS?22 Nang sabihin ni Jesus sa kaniyang mga tagasunod na

ipanalangin, “Dumating nawa ang iyong kaharian,” mali-

wanag na hindi pa dumarating ang Kaharian noong pana-

hong iyon. Dumating ba ito nang umakyat si Jesus sa la-

ngit? Hindi, dahil sinabi kapuwa nina Pedro at Pablo na

matapos buhaying muli si Jesus, ang hula sa Awit 110:1 ay

natupad sa kaniya: “Ang sinabi ni Jehova sa aking Pangi-

22. Paano natin nalaman na hindi dumating ang Kaharian ng Diyos noong nasalupa si Jesus o karaka-raka pagkatapos na siya ay buhaying muli?

106 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

noon ay: ‘Umupo ka sa aking kanan hanggang sa ilagay koang iyong mga kaaway bilang tuntungan ng iyong mgapaa.’ ” (Gawa 2:32-35; Hebreo 10:12, 13) May panahon pang paghihintay.

23 Gaano katagal? Noong ika-19 at ika-20 siglo, unti-unting naunawaan ng taimtim na mga estudyante ng Bibli-ya na ang panahon ng paghihintay ay magwawakas noong1914. (Hinggil sa petsang ito, tingnan ang Apendise, pahi-na 276-9.) Ang mga pangyayari sa daigdig na nagsimulangmaganap noong 1914 ay nagpapatunay na tama ang pag-kaunawa ng taimtim na mga estudyanteng ito ng Bibliya.Ipinakikita ng katuparan ng hula sa Bibliya na noong1914, si Kristo ay naging Hari at nagsimulang mamahalaang makalangit na Kaharian ng Diyos. Kaya naman, nabu-buhay tayo sa “maikling yugto ng panahon” na natitira kaySatanas. (Apocalipsis 12:12; Awit 110:2) Masasabi rin na-tin nang may katiyakan na hindi na magtatagal at kikilosna ang Kaharian ng Diyos upang tuparin ang kalooban ngDiyos sa lupa. Kapana-panabik ba sa iyo ang balitang ito?Naniniwala ka bang totoo ito? Tutulungan ka ng susunodna kabanata na makitang talagang itinuturo ng Bibliya angmga bagay na ito.23. (a) Kailan nagsimulang mamahala ang Kaharian ng Diyos? (b) Ano angtatalakayin sa susunod na kabanata?

Ano ba ang Kaharian ng Diyos? 107

KUNG ANO ANG ITINUTURO NG BIBLIYA

ˇ Ang Kaharian ng Diyos ay isang makalangitna pamahalaan na si Jesu-Kristo ang Hari, at144,000 ang kinuha mula sa sangkatauhan upangmamahalang kasama niya.—Apocalipsis 14:1, 4.

ˇ Nagsimulang mamahala ang Kaharian noong 1914,at magmula noon ay pinalayas si Satanas sa langitat inihagis dito sa lupa.—Apocalipsis 12:9.

ˇ Malapit nang lipulin ng Kaharian ng Diyos ang mgapamahalaan ng tao, at ang lupa ay magiging isangparaiso.—Apocalipsis 16:14, 16.

108 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

NANOOD ka na ba ng balita sa telebisyon at pagkatapos

ay naisip mo, ‘Ano na lamang ang mangyayari sa daigdig

na ito?’ Ang masasaklap na bagay ay nangyayari nang big-

laan at di-inaasahan anupat hindi kayang hulaan ng mga

tao kung ano ang mangyayari bukas. (Santiago 4:14) Ga-

yunman, alam ni Jehova kung ano ang magaganap sa hi-

naharap. (Isaias 46:10) Matagal nang inihula ng kaniyang

Salita, ang Bibliya, hindi lamang ang masasamang bagay

na nangyayari sa ating panahon kundi pati na rin ang ka-

pana-panabik na mga bagay na malapit nang maganap.2 Binanggit ni Jesu-Kristo ang tungkol sa Kaharian ng

Diyos, na siyang tatapos sa kasamaan at babago sa lupa

1. Saan tayo makakakuha ng impormasyon tungkol sa hinaharap?2, 3. Ano ang itinanong ng mga alagad kay Jesus, at paano siya sumagot?

KABANATA 9

Nabubuhay Na ba Tayo sa“mga Huling Araw”?

Anong mga pangyayari sa ating panahonang inihula sa Bibliya?

Ano ang sinasabi ng Salita ng Diyos na magigingugali ng mga tao sa “mga huling araw”?

Anong mabubuting bagay ang inihula ng Bibliyahinggil sa “mga huling araw”?

Nabubuhay Na ba Tayo sa “mga Huling Araw”? 109

upang maging isang paraiso. (Lucas 4:43) Gustong mala-

man ng mga tao kung kailan darating ang Kaharian. Sa

katunayan, tinanong si Jesus ng kaniyang mga alagad:

“Ano ang magiging tanda ng iyong pagkanaririto at ng ka-

tapusan ng sistema ng mga bagay?” (Mateo 24:3) Bilang

sagot, sinabi sa kanila ni Jesus na ang Diyos na Jehova la-

mang ang nakaaalam kung kailan eksaktong darating ang

wakas ng sistemang ito ng mga bagay. (Mateo 24:36) Ngu-

nit inihula naman ni Jesus ang mga bagay na magaganap

sa lupa bago magdulot ang Kaharian ng tunay na kapaya-

paan at katiwasayan sa sangkatauhan. Nagaganap na nga-

yon ang kaniyang inihula!3 Bago natin suriin ang ebidensiya na nabubuhay na tayo

sa “katapusan ng sistema ng mga bagay,” isaalang-alang

muna natin sandali ang isang digmaan na walang sinu-

mang tao ang nakasaksi. Nangyari ito sa di-nakikitang da-

igdig ng mga espiritu, at naaapektuhan tayo ng naging re-

sulta nito.

ISANG DIGMAAN SA LANGIT4 Ipinaliwanag ng nakaraang kabanata sa aklat na ito na

si Jesu-Kristo ay naging Hari sa langit noong ta´

ong 1914.

(Daniel 7:13, 14) Di-nagtagal pagkatapos niyang maging

4, 5. (a) Ano ang nangyari sa langit di-nagtagal matapos mailuklok si Jesusbilang Hari? (b) Ayon sa Apocalipsis 12:12, ano ang magiging resulta ng dig-maan sa langit?

110 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

Hari, kumilos si Jesus. “Sumiklab ang digmaan sa langit,”

ang sabi ng Bibliya. “Si Miguel [isa pang pangalan ni Je-

sus] at ang kaniyang mga anghel ay nakipagbaka sa dragon

[si Satanas na Diyablo], at ang dragon at ang mga anghel

nito ay nakipagbaka.”� Natalo si Satanas at ang kaniyang

balakyot na mga anghel, ang mga demonyo, sa digmaang

iyon at pinalayas sila sa langit at inihagis sa lupa. Nagsa-

ya ang tapat na mga espiritung anak ng Diyos dahil wala

na roon si Satanas at ang kaniyang mga demonyo. Ngunit

hindi mararanasan ng mga tao ang gayong kagalakan. Sa

halip, inihula ng Bibliya: “Sa aba ng lupa . . . sapagkat ang

Diyablo ay bumaba na sa inyo, na may malaking galit, sa

pagkaalam na mayroon na lamang siyang maikling yugto

ng panahon.”—Apocalipsis 12:7, 9, 12.5 Pakisuyong pansinin kung ano ang magiging resulta ng

digmaan sa langit. Dahil sa kaniyang poot, magpapasapit

si Satanas ng kaabahan, o kaguluhan, sa mga nasa lupa.

Gaya ng makikita mo, nabubuhay na tayo ngayon sa pana-

hong iyan ng kaabahan. Ngunit ito ay maituturing na san-

dali lamang—‘maikling yugto lamang ng panahon.’ Nata-

tanto iyan maging ni Satanas. Tinutukoy ng Bibliya ang

yugtong ito bilang “mga huling araw.” (2 Timoteo 3:1)

Kaylaki ngang kagalakan natin na malapit nang alisin ng

� Para sa impormasyon na nagpapakitang ang Miguel ay isa pang pangalanni Jesu-Kristo, tingnan ang Apendise, pahina 280-1.

Nabubuhay Na ba Tayo sa “mga Huling Araw”? 111

Diyos ang impluwensiya ng Diyablo sa lupa! Isaalang-

alang natin ang ilan sa mga bagay na inihula sa Bibliya na

nagaganap mismo ngayon. Pinatutunayan ng mga ito na

nabubuhay na tayo sa mga huling araw at na malapit nang

magdulot ang Kaharian ng Diyos ng walang-hanggang

mga pagpapala sa mga umiibig kay Jehova. Una, suriin na-

tin ang apat na bahagi ng tanda na sinabi ni Jesus na ma-

giging pagkakakilanlan ng panahong kinabubuhayan na-

tin.

MALALAKING KAGANAPANSA MGA HULING ARAW

6 “Ang bansa ay titindig laban sa bansa at ang kaharian la-

ban sa kaharian.” (Mateo 24:7) Milyun-milyong tao ang na-

matay sa mga digmaan noong nakalipas na siglo. Isang

Britanong istoryador ang sumulat: “Ang ika-20 siglo ang

pinakamadugo sa nakaulat na kasaysayan. . . . Ito ay isang

siglo ng halos walang-patid na digmaan, na may iilang ma-

ikling yugto lamang na walang organisadong labanan.” Ga-

nito ang sabi ng isang ulat mula sa Worldwatch Institute:

“Tatlong beses na mas maraming tao ang naging biktima

ng digmaan noong [ika-20] siglo kaysa sa lahat ng digma-

an mula noong unang siglo AD hanggang 1899.” Mahigit

na 100 milyong tao na ang namatay bunga ng mga digma-

6, 7. Paano natutupad sa ngayon ang mga salita ni Jesus tungkol sa digmaanat kakapusan sa pagkain?

112 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

an mula noong 1914. Kahit na alam natin ang pighati ng

mawalan ng isang mahal sa buhay sa digmaan, hindi na-

tin lubusang mauunawaan ang hapis at kirot na nadarama

ng milyun-milyong tao na nawalan ng mahal sa buhay.

7 “Magkakaroon ng mga kakapusan sa pagkain.” (Mateo

24:7) Sinasabi ng mga mananaliksik na malaki ang isinu-

long ng produksiyon ng pagkain sa nakalipas na 30 taon.

Magkagayunman, patuloy pa rin ang kakapusan sa pagka-

in dahil maraming tao ang walang sapat na pera para ma-

kabili ng pagkain o kaya ay walang lupang mapagtatam-

nan. Sa papaunlad na mga bansa, mahigit sa isang bilyon

katao ang nabubuhay lamang sa kita na isang dolyar

o wala pa bawat araw. Dumaranas ang karamihan sa kani-

la ng matinding gutom. Tinataya ng World Health Organi-

zation na malnutrisyon ang isang pangunahing dahilan

ng pagkamatay ng mahigit na limang milyong bata taun-

taon.

8 “Magkakaroon ng malalakas na lindol.” (Lucas 21:11)

Ayon sa U.S. Geological Survey, mga 19 na malalakas na

lindol na kayang-kayang sumira ng mga gusali at bumitak

sa lupa ang inaasahang dumating taun-taon. At sa katam-

taman, nagkakaroon ng malalakas na lindol taun-taon na

8, 9. Ano ang nagpapakitang nagkakatotoo na ang mga hula ni Jesus tungkolsa mga lindol at mga salot?

Nabubuhay Na ba Tayo sa “mga Huling Araw”? 113

kayang-kayang magpabagsak ng mga gusali. Ayon sa mga

rekord, kumitil ang mga lindol ng mahigit sa dalawang

milyong buhay mula noong 1900. Sabi sa isang pinagku-

kunan ng impormasyon: “Kakaunti lamang ang nagawa ng

pagsulong sa teknolohiya upang mabawasan ang bilang ng

mga namamatay.”

9 “Magkakaroon ng . . . mga salot.” (Lucas 21:11) Sa kabi-

la ng mga pagsulong sa medisina, sinasalot ng dati at ba-

gong mga sakit ang sangkatauhan. Sinasabi ng isang ulat

na 20 kilal´ang sakit—kabilang na ang tuberkulosis, malar-

ya, at kolera—ang naging lalong pangkaraniwan nitong na-

kalipas na mga dekada, at nagiging mas mahirap gamutin

ang ilang uri ng sakit. Sa katunayan, di-kukulangin sa 30

bagong sakit ang lumitaw. Nakamamatay ang ilan sa mga

ito at wala pang nalalamang lunas.

ANG MGA TAO SA MGA HULING ARAW10 Bukod sa pagtukoy sa ilang kaganapan sa daigdig, ini-

hula ng Bibliya na makikita sa mga huling araw ang pag-

babago sa lipunan ng tao. Inilarawan ni apostol Pablo ang

magiging katangian ng mga tao sa pangkalahatan. Sa 2 Ti-

moteo 3:1-5, mababasa natin: “Sa mga huling araw ay da-

rating ang mga panahong mapanganib na mahirap pakitu-

10. Anu-anong pag-uugali na inihula sa 2 Timoteo 3:1-5 ang nakikita mo nga-yon sa mga tao?

114 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

nguhan.” Sa bahagi, sinabi ni Pablo na ang mga tao ay ma-

giging mga

ˇ maibigin sa kanilang sarili

ˇ maibigin sa salapi

ˇ masuwayin sa mga magulang

ˇ di-matapat

ˇ walang likas na pagmamahal

ˇ walang pagpipigil sa sarili

ˇ mabangis

ˇ maibigin sa mga kaluguran kaysa maibigin sa Diyos

ˇ may anyo ng makadiyos na debosyon ngunit nagbubulaansa kapangyarihan nito

11 Ganiyan na ba ang mga tao sa inyong komunidad? Wa-

lang alinlangan na ganiyan na nga sila. Sa lahat ng dako

ay makakakita ka ng mga taong masasama ang ugali. Ipi-

nakikita nito na malapit nang kumilos ang Diyos, sapag-

kat sinasabi ng Bibliya: “Kapag sumisibol ang mga balak-

yot na gaya ng pananim at namumukadkad ang lahat ng

nagsasagawa ng bagay na nakasasakit, iyon ay upang ma-

lipol sila magpakailanman.”—Awit 92:7.

MAGAGANDANG KAGANAPAN!12 Talagang lipos ng kaabahan ang mga huling araw,

gaya ng inihula ng Bibliya. Gayunman, sa magulong

11. Paano inilalarawan ng Awit 92:7 ang mangyayari sa mga balakyot?12, 13. Paano sumagana ang “tunay na kaalaman” sa ‘panahong ito ng kawa-kasan’?

Nabubuhay Na ba Tayo sa “mga Huling Araw”? 115

daigdig na ito, may magagandang kaganapan naman sa

mga mananamba ni Jehova.

13 “Ang tunay na kaalaman ay sasagana,” ang inihula ng

aklat ng Bibliya na Daniel. Kailan kaya iyan mangyayari?

Sa “panahon ng kawakasan.” (Daniel 12:4) Lalung-lalo na

mula noong 1914, tinulungan ni Jehova na sumulong

sa pagkaunawa sa Bibliya ang mga talagang nagnanais

na paglingkuran siya. Sumulong ang kanilang pagkaunawa

sa mahahalagang katotohanan tungkol sa pangalan at la-

yunin ng Diyos, sa haing pantubos ni Jesu-Kristo, sa ka-

lagayan ng mga patay, at sa pagkabuhay-muli. Karagdagan

pa, natutuhan ng mga mananamba ni Jehova kung paano

mamuhay sa paraang kapaki-pakinabang sa kanila at nag-

dudulot ng kapurihan sa Diyos. Nakapagtamo rin sila ng

mas malinaw na kaunawaan sa papel ng Kaharian ng

Diyos at kung paano nito itutuwid ang mga bagay-bagay

sa lupa. Ano ang ginagawa nila sa kaalamang ito? Ang ta-

nong na iyan ay umaakay sa atin sa isa pang hula na na-

tutupad sa mga huling araw na ito.

14 “Ang mabuting balitang ito ng kaharian ay ipangangaral

sa buong tinatahanang lupa,” ang sabi ni Jesu-Kristo sa ka-

niyang hula tungkol sa “katapusan ng sistema ng mga ba-

14. Gaano na kalawak ang pangangaral ng mabuting balita ng Kaharian sa nga-yon, at sinu-sino ang nangangaral nito?

116 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

gay.” (Mateo 24:3, 14) Sa buong lupa, ang mabuting bali-

ta ng Kaharian—kung ano ang Kaharian, ano ang gaga-

win nito, at paano natin matatamasa ang mga pagpapala

nito—ay ipinangangaral sa mahigit na 230 lupain at 400

wika. Milyun-milyong Saksi ni Jehova ang masigasig na

nangangaral ng mabuting balita ng Kaharian. Nagmula

sila sa “lahat ng mga bansa at mga tribo at mga bayan at

mga wika.” (Apocalipsis 7:9) Nagdaraos ang mga Sak-

si ng walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibli-

ya sa milyun-milyong tao na nagnanais makaalam kung

ano talaga ang itinuturo ng Bibliya. Tunay ngang isang

kahanga-hangang katuparan ng hula, lalo na yamang ini-

hula ni Jesus na ang mga tunay na Kristiyano ay magiging

“mga tudlaan ng pagkapoot ng lahat ng mga tao”!—Lucas

21:17.

ANO ANG GAGAWIN MO?15 Yamang napakaraming hula sa Bibliya ang natutupad

sa ngayon, hindi ka ba sumasang-ayon na nabubuhay na

tayo sa mga huling araw? Kapag naipangaral na ang ma-

buting balita ayon sa nais ni Jehova, tiyak na darating “ang

wakas.” (Mateo 24:14) Tumutukoy “ang wakas” sa pana-

hong aalisin na ng Diyos ang kasamaan sa lupa. Para

15. (a) Naniniwala ka ba na nabubuhay na tayo sa mga huling araw, at bakit?(b) Ano ang magiging kahulugan ng “wakas” para sa mga sumasalansang kayJehova at sa mga nagpapasakop sa pamamahala ng Kaharian ng Diyos?

Nabubuhay Na ba Tayo sa “mga Huling Araw”? 117

lipulin ang lahat ng kusang sumasalansang sa Kaniya, ga-

gamitin ni Jehova si Jesus at ang makapangyarihang mga

anghel. (2 Tesalonica 1:6-9) Ang mga bansa ay hindi na

maililigaw pa ni Satanas at ng kaniyang mga demonyo.

Pagkatapos niyan, ang Kaharian ng Diyos ay magdu-

dulot ng maraming pagpapala sa lahat ng nagpapasakop

sa matuwid na pamamahala nito.—Apocalipsis 20:1-3; 21:

3-5.

16 Yamang malapit na ang wakas ng sistema ni Satanas,

kailangan nating itanong sa ating sarili, ‘Ano ba ang dapat

na ginagawa ko?’ Isang matalinong hakbang na sikaping

makilala nang higit si Jehova at alamin ang kaniyang mga

kahilingan para sa atin. (Juan 17:3) Seryosohin ang iyong

pag-aaral ng Bibliya. Ugaliin mong regular na makisama

sa iba na nagsisikap na gawin ang kalooban ni Jehova.

(Hebreo 10:24, 25) Kumuha ng saganang kaalaman na ini-

lalaan ng Diyos na Jehova sa mga tao sa buong daigdig,

at gumawa ng kinakailangang mga pagbabago sa iyong bu-

hay upang matamasa mo ang lingap ng Diyos.—Santiago

4:8.

17 Inihula ni Jesus na ipagwawalang-bahala ng karami-

han sa mga tao ang ebidensiya na nabubuhay na tayo sa

16. Anong matalinong mga hakbang ang dapat mong gawin?17. Bakit mabibigla ang karamihan sa mga tao sa pagkapuksa ng masasama?

118 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

mga huling araw. Ang pagkapuksa ng masasama ay dara-

ting nang biglaan at di-inaasahan. Gaya ng isang magnana-

kaw sa gabi, tiyak na mabibigla rito ang karamihan sa mga

tao. (1 Tesalonica 5:2) Nagbabala si Jesus: “Kung paano

ang mga araw ni Noe, magiging gayon ang pagkanaririto

ng Anak ng tao. Sapagkat gaya nila noong mga araw na

iyon bago ang baha, na kumakain at umiinom, ang mga la-

laki ay nag-aasawa at ang mga babae ay ibinibigay sa pag-

aasawa, hanggang sa araw na pumasok si Noe sa arka; at

hindi sila nagbigay-pansin hanggang sa dumating ang baha

at tinangay silang lahat, magiging gayon ang pagkanariri-

to ng Anak ng tao.”—Mateo 24:37-39.18 Kaya naman, sinabi ni Jesus sa kaniyang mga tagapa-

kinig: “Bigyang-pansin ninyo ang inyong sarili na ang in-

yong mga puso ay hindi mapabigatan ng labis na pagkain

at labis na pag-inom at mga kabalisahan sa buhay, at big-

la na lang na ang araw na iyon ay kagyat na mapasainyo

na gaya ng silo. Sapagkat darating ito sa lahat ng mga na-

nanahanan sa ibabaw ng buong lupa. Manatiling gising,

kung gayon, na nagsusumamo sa lahat ng panahon na

magtagumpay kayo sa pagtakas mula sa lahat ng mga ba-

gay na ito na nakatalagang maganap, at sa pagtayo [nang

may pagsang-ayon] sa harap ng Anak ng tao.” (Lucas

18. Anong babala ni Jesus ang dapat nating isapuso?

Nabubuhay Na ba Tayo sa “mga Huling Araw”? 119

21:34-36) Matalinong isapuso ang mga salita ni Jesus. Ba-

kit? Sapagkat ang mga nagtataglay ng lingap ng Diyos

na Jehova at ng “Anak ng tao,” si Jesu-Kristo, ay may

pag-asang makaligtas sa wakas ng sistema ng mga bagay

ni Satanas at mabuhay magpakailanman sa kamangha-

manghang bagong sanlibutan na napakalapit na!—Juan

3:16; 2 Pedro 3:13.

KUNG ANO ANG ITINUTURO NG BIBLIYA

ˇ Makikilala ang mga huling araw dahil sa mgadigmaan, kakapusan sa pagkain, lindol, at mgasalot.—Mateo 24:7; Lucas 21:11.

ˇ Sa mga huling araw, marami ang mga maibiginsa kanilang sarili, sa salapi, at sa mga kaluguranngunit hindi maibigin sa Diyos.—2 Timoteo 3:1-5.

ˇ Sa mga huling araw na ito, ipinangangaral angmabuting balita ng Kaharian sa buong daigdig.—Mateo 24:14.

120 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

KARANIWAN na, upang makilala mo ang isang tao, kaila-

ngang makilala mo rin ang kaniyang pamilya. Sa katulad na

paraan, upang makilala mo ang Diyos na Jehova, kailangang

makilala mo nang higit ang kaniyang pamilya ng mga ang-

hel. Tinatawag ng Bibliya ang mga anghel na “mga anak ng

Diyos.” (Job 38:7) Kaya, ano ba ang dako nila sa layunin

ng Diyos? May ginampanan na ba silang papel sa kasaysayan

ng tao? Naaapektuhan ba ng mga anghel ang iyong buhay?

Kung oo, paano?2 Daan-daang beses na binabanggit ng Bibliya ang mga ang-

hel. Isaalang-alang natin ang ilan sa mga pagtukoy na ito

upang makilala natin nang higit ang mga anghel. Saan ba nag-

mula ang mga anghel? Sinasabi ng Colosas 1:16: “Sa pama-

magitan niya [ni Jesu-Kristo] ang lahat ng iba pang bagay ay

1. Bakit natin gugustuhing makilala ang mga anghel?2. Saan nagmula ang mga anghel, at gaano sila karami?

KABANATA 10

Mga Espiritung Nilalang—Kung Paano Nila Tayo Naaapektuhan

Tinutulungan ba ng mga anghel ang mga tao?

Paano iniimpluwensiyahan ng mga balakyot naespiritu ang mga tao?

Dapat ba tayong matakot sa mga balakyot na espiritu?

Mga Espiritung Nilalang—Kung Paano Nila Tayo Naaapektuhan 121

nilalang sa langit at sa ibabaw ng lupa.” Kaya naman, ang la-

hat ng espiritung nilalang na tinatawag na mga anghel ay isa-

isang nilalang ng Diyos na Jehova sa pamamagitan ng kani-

yang panganay na Anak. Gaano kaya karami ang mga anghel?

Ipinakikita ng Bibliya na daan-daang milyong anghel ang ni-

lalang, at silang lahat ay makapangyarihan.—Awit 103:20.�3 Sinasabi sa atin ng Salita ng Diyos, ang Bibliya, na nang

itatag ang lupa, “sumigaw sa pagpuri ang lahat ng mga anak

ng Diyos.” (Job 38:4-7) Kaya matagal nang umiiral ang mga

anghel bago pa lalangin ang mga tao, bago pa man lalangin

ang lupa. Ipinakikita rin ng mga talatang ito ng Bibliya na

may damdamin ang mga anghel, dahil sinasabi nito na sila ay

“magkakasamang humiyaw nang may kagalakan.” Pansinin

na ang “lahat ng mga anak ng Diyos” ay magkakasamang nag-

saya. Nang panahong iyon, ang lahat ng mga anghel ay baha-

gi ng isang nagkakaisang pamilya na naglilingkod sa Diyos

na Jehova.

PAG-ALALAY AT PROTEKSIYON NG MGA ANGHEL4 Magmula nang masaksihan nila ang paglalang sa unang

mga tao, nagpakita na ng matinding interes ang tapat na mga

� Hinggil sa matuwid na mga anghel, sinasabi ng Apocalipsis 5:11: “Ang bi-lang nila ay laksa-laksang mga laksa,” o “sampung libong tigsasampung libo.”(Talababa sa New World Translation of the Holy Scriptures—With References)Kaya ipinahihiwatig ng Bibliya na daan-daang milyong anghel ang nilalang.

3. Ano ang sinasabi sa atin ng Job 38:4-7 tungkol sa mga anghel?

4. Paano ipinakikita ng Bibliya na interesado ang tapat na mga anghel sa gina-gawa ng mga tao?

122 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

espiritung nilalang sa lumalaking pamilya ng tao at sa pag-

sasakatuparan ng layunin ng Diyos. (Kawikaan 8:30, 31; 1 Pe-

dro 1:11, 12) Gayunman, sa paglipas ng panahon, napansin

ng mga anghel na ang karamihan sa pamilya ng tao ay tuma-

likod sa paglilingkod sa kanilang maibiging Maylalang. Tiyak

na ikinalungkot ito ng tapat na mga anghel. Sa kabilang pa-

nig naman, kapag may kahit isang taong nanumbalik kay Je-

hova, “nagkakaroon ng kagalakan sa gitna ng mga anghel.”

(Lucas 15:10) Yamang gayon na lamang ang pagmamalasakit

ng mga anghel sa kapakanan ng mga naglilingkod sa Diyos,

hindi kataka-takang paulit-ulit na ginamit ni Jehova ang mga

anghel upang palakasin at ipagsanggalang ang kaniyang ta-

pat na mga lingkod sa lupa. (Hebreo 1:7, 14) Isaalang-alang

ang ilang halimbawa.5 Dalawang anghel ang tumulong sa matuwid na taong si

Lot at sa kaniyang mga anak na babae upang makaligtas sa

pagkapuksa ng balakyot na mga lunsod ng Sodoma at Go-

morra sa pamamagitan ng pag-akay sa kanila palayo sa lugar

na iyon. (Genesis 19:15, 16) Pagkalipas ng maraming siglo, si

propeta Daniel ay inihagis sa yungib ng mga leon, ngunit

hindi siya nasaktan at ganito ang sinabi niya: “Isinugo ng

aking Diyos ang kaniyang anghel at itinikom ang bibig ng

mga leon.” (Daniel 6:22) Noong unang siglo C.E., isang ang-

hel ang nagpalaya kay apostol Pedro mula sa bilangguan.

5. Anong mga halimbawa ng pag-alalay ng mga anghel ang masusumpungan na-tin sa Bibliya?

Mga Espiritung Nilalang—Kung Paano Nila Tayo Naaapektuhan 123

(Gawa 12:6-11) Bukod diyan, inalalayan ng mga anghel si Je-

sus sa pasimula ng kaniyang ministeryo sa lupa. (Marcos

1:13) At di-nagtagal bago mamatay si Jesus, nagpakita sa ka-

niya ang isang anghel at “pinalakas siya.” (Lucas 22:43) Ti-

yak na kaylaking kaaliwan nito para kay Jesus sa napakaha-

lagang panahong iyon sa kaniyang buhay!6 Sa ngayon, hindi na nagpapakita ang mga anghel sa bayan

ng Diyos sa lupa. Bagaman hindi nakikita ng mga mata ng

tao, ipinagsasanggalang pa rin ng makapangyarihang mga

anghel ng Diyos ang kaniyang bayan, lalung-lalo na mula sa

anumang bagay na nakapipinsala sa espirituwal. Sinasabi ng

Bibliya: “Ang anghel ni Jehova ay nagkakampo sa buong pa-

libot niyaong mga may takot sa kaniya, at inililigtas niya sila.”

(Awit 34:7) Bakit malaking kaaliwan para sa atin ang mga pa-

nanalitang ito? Dahil may mapanganib na mga balakyot na

espiritung nilalang na gusto tayong lipulin! Sino sila? Saan

sila nagmula? Paano nila tayo sinisikap na saktan? Upang ma-

laman ang sagot, isaalang-alang natin sandali ang isang bagay

na nangyari sa pasimula ng kasaysayan ng tao.

MGA ESPIRITUNG NILALANG NA MGA KAAWAY NATIN7 Gaya ng natutuhan natin sa Kabanata 3 ng aklat na ito,

isa sa mga anghel ang naghangad na mamahala sa iba at sa

gayo’y tumalikod sa Diyos. Nang maglaon, ang anghel na ito

6. (a) Paano ipinagsasanggalang ng mga anghel ang bayan ng Diyos sa ngayon?(b) Anu-anong tanong ang isasaalang-alang natin ngayon?7. Gaano katagumpay si Satanas sa pagsisikap na italikod sa Diyos ang mga tao?

124 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

ay nakilala bilang Satanas na Diyablo. (Apocalipsis 12:9) Sa

loob ng 16 na siglo matapos niyang linlangin si Eva, nagta-

gumpay si Satanas na italikod sa Diyos ang halos lahat ng

tao maliban sa ilang tapat, gaya nina Abel, Enoc, at Noe.

—Hebreo 11:4, 5, 7.8 Noong panahon ni Noe, nagrebelde ang ibang mga ang-

hel laban kay Jehova. Iniwan nila ang kanilang dako sa pa-

milya ng Diyos sa langit, bumaba rito sa lupa, at nagkata-

wang-tao. Bakit? Ganito ang mababasa natin sa Genesis 6:2:

“Napansin ng mga anak ng tunay na Diyos ang mga anak na

babae ng mga tao, na sila ay magaganda; at kumuha sila ng

kani-kanilang mga asawa, samakatuwid ay lahat ng kanilang

pinili.” Ngunit hindi pinahintulutan ng Diyos na Jehova na

magpatuloy ang ginagawa ng mga anghel na ito at ang idinu-

lot nitong kasamaan sa sangkatauhan. Nagpasapit siya ng

pangglobong baha sa lupa na tumangay sa lahat ng napaka-

samang mga tao at ang iniligtas lamang niya ay ang kaniyang

tapat na mga lingkod. (Genesis 7:17, 23) Kaya napilitan ang

mga rebeldeng anghel, o mga demonyo, na iwan ang kanilang

katawang-tao at bumalik sa langit bilang mga espiritung ni-

lalang. Pumanig sila sa Diyablo, na naging “tagapamahala ng

mga demonyo.”—Mateo 9:34.9 Nang bumalik sa langit ang masuwaying mga anghel, sila

8. (a) Paano naging demonyo ang ilan sa mga anghel? (b) Upang makaligtas saBaha noong panahon ni Noe, ano ang kinailangang gawin ng mga demonyo?9. (a) Ano ang nangyari sa mga demonyo nang bumalik sila sa langit? (b) Anoang tatalakayin natin hinggil sa mga demonyo?

Mga Espiritung Nilalang—Kung Paano Nila Tayo Naaapektuhan 125

ay itinakwil, gaya ng kanilang tagapamahala na si Satanas.

(2 Pedro 2:4) Bagaman hindi na sila nakapagkakatawang-tao

ngayon, may napakasamang impluwensiya pa rin sila sa mga

tao. Sa katunayan, sa tulong ng mga demonyong ito, ‘inilili-

gaw ni Satanas ang buong tinatahanang lupa.’ (Apocalipsis

12:9; 1 Juan 5:19) Paano? Pangunahin nang ginagamit ng mga

demonyo ang mga pamamaraang dinisenyo upang iligaw ang

mga tao. (2 Corinto 2:11) Talakayin natin ang ilan sa mga pa-

mamaraang ito.

KUNG PAANO INILILIGAW NGMGA DEMONYO ANG MGA TAO

10 Upang iligaw ang mga tao, gumagamit ang mga demo-

nyo ng espiritismo. Ang pagsasagawa ng espiritismo ay paki-

kisangkot sa mga demonyo, kapuwa sa tuwirang paraan at sa

pamamagitan ng isang espiritista. Hinahatulan ng Bibliya

ang espiritismo at binababalaan tayo nito na huwag maki-

sangkot sa lahat ng bagay na may kaugnayan dito. (Galacia

5:19-21) Gumagamit ng espiritismo ang mga demonyo kung

paanong gumagamit ng pain ang mga mangingisda. Iba’t

ibang pain ang ginagamit ng isang mangingisda para maka-

huli ng iba’t ibang uri ng isda. Sa katulad na paraan, iba’t

ibang anyo ng espiritismo ang ginagamit ng mga balakyot na

espiritu upang mapasailalim sa kanilang impluwensiya ang

lahat ng uri ng tao.

10. Ano ang espiritismo?

126 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

11 Ang isang uri ng pain na ginagamit ng mga demonyo ay

ang panghuhula. Ano ba ang panghuhula? Ito ay ang pagta-

tangkang alamin ang tungkol sa hinaharap o ang isang bagay

na hindi pa nalalaman. Ang ilang anyo ng panghuhula ay as-

trolohiya, paggamit ng mga barahang tarot, pagtingin sa bo-

lang kristal, pagbasa ng palad, at paghahanap ng mahiwa-

gang mga pangitain, o mga tanda, sa panaginip. Bagaman

iniisip ng maraming tao na ang panghuhula ay di-nakapi-

pinsala, ipinakikita ng Bibliya na magkasabuwat ang mga

manghuhula at ang mga balakyot na espiritu. Halimbawa,

binabanggit ng Gawa 16:16-18 ang “isang demonyo ng pang-

huhula” na naging dahilan upang makapagsagawa ng “sining

ng panghuhula” ang isang batang babae. Ngunit naiwala niya

ang kakayahang ito nang palabasin sa kaniya ang demonyo.12 Ang isa pang paraan na inililigaw ng mga demonyo ang

mga tao ay ang paghimok sa kanila na sumangguni sa mga

patay. Ang mga taong namimighati dahil sa pagkamatay ng

isang mahal sa buhay ay kadalasang nalilinlang ng maling

mga ideya tungkol sa mga patay. Maaaring magbigay ang

isang espiritista ng pantanging impormasyon o magsalita sa

isang tinig na waring kaboses ng namatay na indibiduwal. Bi-

lang resulta, maraming tao ang nakukumbinsi na ang mga

patay ay talagang buh´ay at na ang pakikipag-ugnayan sa ka-

nila ay tutulong sa mga nabubuhay na makayanan ang

11. Ano ang panghuhula, at bakit natin ito dapat iwasan?12. Bakit mapanganib na subuking makipagtalastasan sa mga patay?

Mga Espiritung Nilalang—Kung Paano Nila Tayo Naaapektuhan 127

kanilang pamimighati. Ngunit sa katunayan, ang gayong “ka-

aliwan” ay huwad at mapanganib. Bakit? Dahil kayang gaya-

hin ng mga demonyo ang tinig ng isang namatay na indibi-

duwal at magbigay ng impormasyon sa isang espiritista

tungkol sa namatay. (1 Samuel 28:3-19) Karagdagan pa, gaya

ng natutuhan natin sa Kabanata 6, hindi na umiiral ang mga

patay. (Awit 115:17) Kaya ang “sinumang sumasangguni

sa patay” ay nailigaw na ng mga balakyot na espiritu at ku-

mikilos laban sa kalooban ng Diyos. (Deuteronomio 18:10,

11; Isaias 8:19) Kaya nga, mag-ingat laban sa ganitong mapa-

nganib na pain na ginagamit ng mga demonyo.13 Hindi lamang inililigaw ng mga balakyot na espiritu ang

mga tao kundi tinatakot din naman nila ang mga ito. Sa nga-

yon, alam ni Satanas at ng kaniyang mga demonyo na “ma-

ikling yugto ng panahon” na lamang ang natitira bago sila

gapusin, kung kaya napakabagsik nila ngayon higit kailan-

man. (Apocalipsis 12:12, 17) Magkagayunman, libu-libong

tao na dating nabubuhay sa takot araw-araw dahil sa gayong

mga balakyot na espiritu ang nakalaya na. Paano nila ito na-

13. Ano ang nagawa ng marami na dating tak´ot sa mga demonyo?

KUNG PAANO LALABANANANG MGA BALAKYOT NA ESPIRITU

ˇ Itapon ang mga bagay na may kaugnayan sa espiritismoˇ Mag-aral ng Bibliyaˇ Manalangin sa Diyos

128 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

gawa? Ano ang maaaring gawin ng isang tao kahit sangkot

na siya sa espiritismo?

KUNG PAANO LALABANANANG MGA BALAKYOT NA ESPIRITU

14 Sinasabi sa atin ng Bibliya kung paano lalabanan ang

mga balakyot na espiritu at kung paano makalalaya sa kani-

la. Tingnan ang halimbawa ng unang-siglong mga Kristiyano

sa lunsod ng Efeso. Nagsagawa ng espiritismo ang ilan sa ka-

nila bago naging mga Kristiyano. Nang ipasiya nilang luma-

ya mula sa espiritismo, ano ang ginawa nila? Ganito ang si-

nasabi ng Bibliya: “Tinipon ng marami sa mga nagsasagawa

ng sining ng mahika ang kanilang mga aklat at sinunog ang

mga iyon sa harap ng lahat.” (Gawa 19:19) Sa pagsira sa ka-

nilang mga aklat sa mahika, nagpakita ng halimbawa ang

mga bagong Kristiyanong iyon para sa mga nagnanais na la-

banan ang mga balakyot na espiritu sa ngayon. Kailangang

itapon ng mga taong nagnanais na maglingkod kay Jehova

ang lahat ng bagay na may kaugnayan sa espiritismo. Kasa-

ma na riyan ang mga aklat, magasin, pelikula, poster, at mga

rekord sa musika na humihimok sa isa na magsagawa ng es-

piritismo anupat ginagawang waring kaakit-akit at kapana-

panabik ito. Kalakip din dito ang mga anting-anting o iba

pang mga bagay na isinusuot para magsilbing proteksiyon la-

ban sa masama.—1 Corinto 10:21.

14. Tulad ng unang-siglong mga Kristiyano sa Efeso, paano tayo makalalaya samga balakyot na espiritu?

Mga Espiritung Nilalang—Kung Paano Nila Tayo Naaapektuhan 129

15 Mga ilang taon pagkatapos sirain ng mga Kristiyano sa

Efeso ang kanilang mga aklat sa mahika, sumulat sa kanila si

apostol Pablo: “Tayo ay may pakikipagbuno . . . laban sa balak-

yot na mga puwersang espiritu.” (Efeso 6:12) Hindi pa sumu-

suko ang mga demonyo. Sinisikap pa rin nilang makalamang.

Kaya, ano pa ang kailangang gawin ng mga Kristiyanong iyon?

“Higit sa lahat,” ang sabi ni Pablo, “kunin ninyo ang malaking

kalasag ng pananampalataya, na siyang ipanunugpo ninyo sa

lahat ng nag-aapoy na mga suligi ng isa na balakyot [si Sata-

nas].” (Efeso 6:16) Habang mas matibay ang ating kalasag ng

pananampalataya, mas malakas ang ating panlaban sa balak-

yot na mga puwersang espiritu.—Mateo 17:20.16 Kung gayon, paano natin mapatitibay ang ating pana-

nampalataya? Sa pamamagitan ng pag-aaral ng Bibliya. Ang

katatagan ng isang pader ay nakadepende nang malaki sa ti-

bay ng pundasyon nito. Sa katulad na paraan, ang katatagan

ng ating pananampalataya ay nakadepende nang malaki sa ti-

bay ng pundasyon nito, ang tumpak na kaalaman sa Salita

ng Diyos, ang Bibliya. Kung babasahin natin at pag-aaralan

ang Bibliya araw-araw, magiging matibay ang ating pananam-

palataya. Tulad ng isang matibay na pader, ang gayong pana-

nampalataya ay magsasanggalang sa atin mula sa impluwen-

siya ng mga balakyot na espiritu.—1 Juan 5:5.

15. Upang malabanan ang balakyot na mga puwersang espiritu, ano ang kaila-ngan nating gawin?16. Paano natin mapatitibay ang ating pananampalataya?

130 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

17 Ano pang hakbang ang kinailangang gawin ng mga Kris-

tiyanong iyon sa Efeso? Kinailangan nila ng karagdagang pro-

teksiyon dahil nabubuhay sila sa isang lunsod na lipos ng de-

monismo. Kaya sinabi ni Pablo sa kanila: ‘Sa bawat uri ng

panalangin at pagsusumamo ay magpatuloy kayo sa panana-

langin sa bawat pagkakataon sa pamamagitan ng espiritu.’

(Efeso 6:18) Yamang nabubuhay rin tayo sa isang daigdig na

lipos ng demonismo, ang marubdob na pananalangin kay Je-

hova para sa kaniyang proteksiyon ay napakahalaga upang

malabanan ang mga balakyot na espiritu. Siyempre pa, kaila-

ngan nating gamitin ang pangalan ni Jehova sa ating mga pa-

nalangin. (Kawikaan 18:10) Kaya kailangan tayong patuloy na

manalangin sa Diyos na “iligtas [tayo] mula sa isa na balak-

yot,” si Satanas na Diyablo. (Mateo 6:13) Sasagutin ni Jeho-

va ang gayong marubdob na mga panalangin.—Awit 145:19.18 Mapanganib ang mga balakyot na espiritu, ngunit hindi

tayo dapat matakot sa kanila kung lalabanan natin ang Diya-

blo at magiging malap´ıt tayo sa Diyos sa pamamagitan ng

paggawa ng Kaniyang kalooban. (Santiago 4:7, 8) Limitado

ang kapangyarihan ng mga balakyot na espiritu. Pinarusahan

na sila noong panahon ni Noe, at napapaharap sila sa ka-

nilang pangwakas na kahatulan sa hinaharap. (Judas 6)

17. Anong hakbang ang kailangan upang malabanan ang mga balakyot na espi-ritu?18, 19. (a) Bakit tayo makatitiyak ng tagumpay sa ating pakikipaglaban sa mgabalakyot na espiritung nilalang? (b) Anong tanong ang sasagutin sa susunod nakabanata?

Mga Espiritung Nilalang—Kung Paano Nila Tayo Naaapektuhan 131

Tandaan din na ipinagsasanggalang tayo ng makapangyari-

hang mga anghel ni Jehova. (2 Hari 6:15-17) Gustung-gusto

ng mga anghel na iyon na magtagumpay tayo sa ating paki-

kipaglaban sa mga balakyot na espiritu. Sa diwa, pinatitibay-

loob tayo ng matuwid na mga anghel. Kung gayon, manatili

tayong malap´ıt kay Jehova at sa kaniyang pamilya ng tapat

na mga espiritung nilalang. Nawa’y iwasan din natin ang ba-

wat uri ng espiritismo at laging ikapit ang payo ng Salita ng

Diyos. (1 Pedro 5:6, 7; 2 Pedro 2:9) Sa gayon ay makatitiyak

tayo ng tagumpay sa ating pakikipaglaban sa mga balakyot

na espiritung nilalang.19 Ngunit bakit pinahihintulutan ng Diyos ang masasa-

mang espiritu at ang kasamaan na naging dahilan ng labis-

labis na pagdurusa ng mga tao? Sasagutin ang tanong na iyan

sa susunod na kabanata.

KUNG ANO ANG ITINUTURO NG BIBLIYA

ˇ Tinutulungan ng tapat na mga anghel ang mganaglilingkod kay Jehova.—Hebreo 1:7, 14.

ˇ Inililigaw ni Satanas at ng kaniyang mga demonyoang mga tao at itinatalikod ang mga ito mula saDiyos.—Apocalipsis 12:9.

ˇ Kung gagawin mo ang kalooban ng Diyos at sasa-lansangin ang Diyablo, tatakas si Satanas mula saiyo.—Santiago 4:7, 8.

132 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

PAGKATAPOS ng isang kahila-hilakbot na labanan sa isang

lupaing sinalanta ng digmaan, inilibing nang sama-sama ang

libu-libong napatay na sibilyang babae at bata sa isang hu-

kay na napalilibutan ng maliliit na krus. Ang bawat krus ay

may nakasulat na: “Bakit?” Kung minsan, iyan ang pinaka-

masakit na tanong sa lahat. Malungkot na itinatanong ito

ng mga tao kapag namatayan sila ng kanilang inosenteng

mga mahal sa buhay, nawasak ang kanilang bahay, o duma-

nas sila ng labis-labis na pagdurusa dahil sa digmaan, saku-

na, sakit, o krimen. Gusto nilang malaman kung bakit su-

mapit sa kanila ang gayong mga trahedya.2 Bakit kaya pinahihintulutan ng Diyos ang pagdurusa?

Kung ang Diyos na Jehova ay makapangyarihan-sa-lahat,

maibigin, marunong, at makatarungan, bakit punung-punˆ

o

1, 2. Anong uri ng pagdurusa ang nararanasan ng mga tao sa ngayon, na uma-akay sa marami na magbangon ng anong mga tanong?

KABANATA 11

Bakit Kaya Pinahihintulutan ngDiyos ang Pagdurusa?

Ang Diyos ba ang sanhi ng pagdurusa sa daigdig?

Anong usapin ang ibinangon sa hardin ng Eden?

Paano kaya papawiin ng Diyos ang mga epektong pagdurusa ng tao?

Bakit Kaya Pinahihintulutan ng Diyos ang Pagdurusa? 133

ng poot at kawalang-katarungan ang daigdig? Napag-isip-

isip mo na rin ba ang mga bagay na ito?3 Mali bang itanong kung bakit pinahihintulutan ng Diyos

ang pagdurusa? Nangangamba ang ilan na ang pagtatanong

ng gayon ay nangangahulugan na wala silang sapat na pana-

nampalataya o na wala silang galang sa Diyos. Gayunman,

kapag binasa mo ang Bibliya, masusumpungan mong naita-

nong din ang mga ito ng mga taong tapat at may takot sa

Diyos. Halimbawa, tinanong ni propeta Habakuk si Jehova:

“Bakit mo ipinakikita sa akin yaong nakasasakit, at patuloy

kang tumitingin sa kabagabagan? At bakit nasa harap ko ang

pananamsam at karahasan, at bakit may pag-aaway, at ba-

kit may hidwaan?”—Habakuk 1:3.4 Pinagalitan ba ni Jehova ang tapat na propetang si Ha-

bakuk dahil sa pagtatanong niya ng gayong mga bagay? Hin-

di. Sa halip, inilakip ng Diyos ang taimtim na mga salita ni

Habakuk sa kinasihang ulat ng Bibliya. Tinulungan din siya

ng Diyos na maunawaan nang higit ang mga bagay-bagay at

magkaroon ng mas matibay na pananampalataya. Ganiyan

din ang gustong gawin ni Jehova para sa iyo. Tandaan, iti-

nuturo ng Bibliya na “siya ay nagmamalasakit sa [iyo].”

(1 Pedro 5:7) Napopoot ang Diyos sa kasamaan at sa pag-

durusang idinudulot nito nang higit kaysa kanino pa man.

3, 4. (a) Ano ang nagpapakita na hindi maling itanong kung bakit pinahihintu-lutan ng Diyos ang pagdurusa? (b) Ano ang nadarama ni Jehova hinggil sakasamaan at pagdurusa?

134 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

(Isaias 55:8, 9) Kung gayon, bakit labis-labis ang pagdurusa

sa daigdig?

BAKIT LABIS-LABIS ANG PAGDURUSA?5 Tinatanong ng mga taong mula sa iba’t ibang relihiyon

ang kanilang relihiyosong mga lider at guro kung bakit la-

bis-labis ang pagdurusa. Kadalasan, ang sagot ay dahil ka-

looban ng Diyos ang pagdurusa at na matagal na niyang

itinakda ang lahat ng magaganap, pati na ang kapaha-paha-

mak na mga pangyayari. Marami ang sinabihan na ang

mga daan ng Diyos ay mahiwaga o nagpapasapit siya ng

kamatayan sa mga tao—maging sa mga bata—upang maka-

sama niya sila sa langit. Gayunman, gaya ng natutuhan mo,

hindi kailanman naging sanhi ng kasamaan ang Diyos na Je-

hova. Sinasabi ng Bibliya: “Malayong gumawi nang may ka-

balakyutan ang tunay na Diyos, at na gumawi nang di-maka-

tarungan ang Makapangyarihan-sa-lahat!”—Job 34:10.6 Alam mo ba kung bakit may-kamaliang isinisisi ng mga

tao sa Diyos ang lahat ng pagdurusa sa daigdig? Kadalasan

na, sinisisi nila ang Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat da-

hil inaakala nilang siya ang tunay na tagapamahala ng san-

libutang ito. Hindi nila alam ang isang simple ngunit maha-

lagang katotohanan na itinuturo ng Bibliya. Natutuhan mo

5. Anu-anong dahilan kung minsan ang ibinibigay upang ipaliwanag ang pagdu-rusa ng tao, pero ano ba ang itinuturo ng Bibliya?

6. Bakit may-kamaliang isinisisi ng maraming tao sa Diyos ang pagdurusa sadaigdig?

Bakit Kaya Pinahihintulutan ng Diyos ang Pagdurusa? 135

ang katotohanang iyan sa Kabanata 3 ng aklat na ito. Ang

tunay na tagapamahala ng sanlibutang ito ay si Satanas na

Diyablo.7 Maliwanag na sinasabi ng Bibliya: “Ang buong sanlibu-

tan ay nasa kapangyarihan ng isa na balakyot.” (1 Juan 5:19)

Kung pag-iisipan mo ito, hindi ba makatuwiran naman

iyan? Ipinakikita ng sanlibutang ito ang personalidad ng di-

nakikitang espiritung nilalang na “nagliligaw sa buong tina-

tahanang lupa.” (Apocalipsis 12:9) Si Satanas ay lipos ng

pagkapoot, mapanlinlang, at malupit. Kaya ang sanlibutan,

sa ilalim ng kaniyang impluwensiya, ay punˆ

o ng poot, pan-

lilinlang, at kalupitan. Iyan ang isang dahilan kung bakit la-

bis-labis ang pagdurusa.8 Ang ikalawang dahilan ng labis-labis na pagdurusa ay

ang pagiging di-sakdal at makasalanan ng sanlibutan mula

nang maganap ang rebelyon sa hardin ng Eden, gaya ng ti-

nalakay sa Kabanata 3. May tendensiya ang makasalanang

mga tao na makipagtunggali upang maging angat sa iba, at

nagbunga ito ng mga digmaan, paniniil, at pagdurusa. (Ecle-

siastes 4:1; 8:9) Ang ikatlong dahilan ng pagdurusa ay

“ang panahon at ang di-inaasahang pangyayari.” (Eclesias-

tes 9:11) Sa isang sanlibutang wala si Jehova bilang mapag-

sanggalang na Tagapamahala, maaaring magdusa ang mga

7, 8. (a) Paano ipinakikita ng sanlibutan ang personalidad ng tagapamahalanito? (b) Paano nakaragdag sa pagdurusa ang di-kasakdalan ng tao at “ang pa-nahon at ang di-inaasahang pangyayari”?

136 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

tao dahil nagkataong nasa maling lugar sila sa maling pag-

kakataon.9 Naaaliw tayong malaman na hindi ang Diyos ang sanhi

ng pagdurusa. Hindi siya ang may kagagawan ng mga dig-

maan, krimen, paniniil, o maging ng likas na mga kasaku-

naang nagiging dahilan ng pagdurusa ng mga tao. Gayun-

man, gusto nating malaman, Bakit kaya pinahihintulutan ni

Jehova ang lahat ng pagdurusang ito? Kung siya ang Maka-

pangyarihan-sa-lahat, may kapangyarihan siyang patigilin

ito. Kung gayon, bakit ayaw niyang gamitin ang kapangyari-

hang iyan? Tiyak na may mabuting dahilan ang maibiging

Diyos na nakilala natin.—1 Juan 4:8.

IBINANGON ANG ISANG MAHALAGANG USAPIN10 Upang malaman natin kung bakit pinahihintulutan ng

Diyos ang pagdurusa, kailangan nating balikan ang panahon

nang magsimula ang pagdurusa. Nang udyukan ni Satanas

sina Adan at Eva na sumuway kay Jehova, bumangon ang

isang mahalagang tanong. Hindi kinuwestiyon ni Satanas ang

kapangyarihan ni Jehova. Tiyak na alam ni Satanas na walang

limitasyon ang kapangyarihan ni Jehova. Sa halip, kinuwes-

tiyon ni Satanas ang karapatang mamahala ni Jehova. Sa pag-

tawag sa Diyos na isang sinungaling na nagkakait ng mabuti

sa kaniyang mga nasasakupan, pinaratangan ni Satanas si

9. Bakit tayo makatitiyak na may mabuting dahilan si Jehova sa pagpapahintu-lot na magpatuloy ang pagdurusa?10. Ano ang kinuwestiyon ni Satanas, at paano?

Bakit Kaya Pinahihintulutan ng Diyos ang Pagdurusa? 137

Jehova na isang masamang tagapamahala. (Genesis 3:2-5) Ipi-nahiwatig ni Satanas na mas mapabubuti ang sangkatauhankung wala ang pamamahala ng Diyos. Isa itong pagtuligsa sasoberanya o karapatang mamahala ni Jehova.

11 Nagrebelde sina Adan at Eva laban kay Jehova. Sa diwa,sinabi nila: ‘Hindi namin kailangan si Jehova bilang amingTagapamahala. Makapagpapasiya kami para sa aming sarilikung ano ang tama at kung ano ang mali.’ Paano kaya lulu-tasin ni Jehova ang usaping iyan? Paano niya ipababatid salahat ng matatalinong nilalang na ang mga rebeldeng iyonay mali at na ang kaniyang daan ang talagang pinakamai-nam? Baka sabihin ng isa na dapat sana ay pinuksa na la-mang ng Diyos ang mga rebelde at nagsimula na lamangmuli. Ngunit nasabi na ni Jehova ang kaniyang layunin napunuin ang lupa ng mga supling nina Adan at Eva, at naisniyang mabuhay sila sa isang makalupang paraiso. (Genesis1:28) Laging tinutupad ni Jehova ang kaniyang mga layunin.(Isaias 55:10, 11) Bukod diyan, ang pagpuksa sa mga rebel-de sa Eden ay hindi makasasagot sa tanong na ibinangonhinggil sa karapatan ni Jehova na mamahala.

12 Isaalang-alang natin ang isang ilustrasyon. Ipagpalagayna ipinaliliwanag ng isang guro sa kaniyang mga estudyante11. Bakit hindi na lamang pinuksa ni Jehova ang mga rebelde sa Eden?12, 13. Ilarawan kung bakit pinahintulutan ni Jehova si Satanas na maging ta-gapamahala ng sanlibutang ito at kung bakit pinahintulutan ng Diyos ang mgatao na pamahalaan ang kanilang sarili.

138 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

kung paano bibigyan ng solusyon ang isang mahirap na pro-

blema. Isang matalino ngunit rebeldeng estudyante ang nag-

sabing mali ang paraan ng guro sa pagbibigay ng solusyon sa

problema. Upang ipahiwatig na walang kakayahan ang guro,

iginiit ng rebeldeng ito na may mas mahusay siyang paraan

para mabigyan ng solusyon ang problema. Inisip naman ng

ilang estudyante na tama siya, at nagrebelde rin sila. Ano ang

gagawin ng guro? Kung paaalisin niya sa klase ang mga re-

belde, ano ang magiging epekto nito sa ibang mga estudyan-

te? Hindi kaya sila maniwala na tama ang kanilang kapuwa

estudyante at ang mga kumampi sa kaniya? Baka mawala ang

respeto ng iba pang estudyante sa guro, anupat iniisip nila

na takot itong mapatunayang siya ang mali. Ngunit sabihin

nating pinahintulutan ng guro ang rebelde na ipakita sa kla-

se kung paano nito bibigyan ng solusyon ang problema.13 Ginawa ni Jehova ang kagaya ng ginawa ng guro. Tan-

daan na hindi lamang ang mga rebelde sa Eden ang nasa-

sangkot. Milyun-milyong anghel ang nagmamasid. (Job 38:7;

Daniel 7:10) Ang paraan ng pagharap ni Jehova sa rebelyon

ay lubhang makaaapekto sa lahat ng anghel na iyon at sa

bandang huli sa lahat ng matatalinong nilalang. Kaya ano

ang ginawa ni Jehova? Pinahintulutan niya si Satanas na

ipakita kung paano nito pamamahalaan ang sangkatauhan.

Pinahintulutan din ng Diyos ang mga tao na pamahalaan

ang kanilang sarili sa ilalim ng patnubay ni Satanas.

Bakit Kaya Pinahihintulutan ng Diyos ang Pagdurusa? 139

14 Alam ng guro sa ating ilustrasyon na mali ang rebelde

at ang mga estudyanteng kumampi rito. Ngunit alam din ng

guro na ang pagbibigay sa kanila ng pagkakataon upang su-

bukang patunayan ang kanilang punto ay magiging kapaki-

pakinabang sa buong klase. Kapag nabigo ang mga rebelde,

makikita ng lahat ng matatapat na estudyante na tanging

ang guro lamang ang kuwalipikado para manguna sa klase.

Mauunawaan nila kung bakit pagkatapos nito ay aalisin ng

guro sa kaniyang klase ang mga rebelde. Sa katulad na pa-

raan, alam ni Jehova na ang lahat ng tapat-pusong tao at

anghel ay makikinabang kapag nakita nilang nabigo si Sa-

tanas at ang kaniyang kapuwa mga rebelde at na hindi ka-

yang pamahalaan ng mga tao ang kanilang sarili. Gaya ni

Jeremias noong sinauna, malalaman nila ang napakahala-

gang katotohanang ito: “Nalalaman kong lubos, O Jehova,

na ang lakad ng makalupang tao ay hindi sa kaniyang sari-

li. Hindi sa taong lumalakad ang magtuwid man lamang ng

kaniyang hakbang.”—Jeremias 10:23.

BAKIT KAYA NAPAKATAGAL?15 Gayunman, bakit pinahintulutan ni Jehova na magpa-

tuloy ang pagdurusa nang napakatagal? At bakit hindi niya

pinigilang mangyari ang masasamang bagay? Buweno, isaa-

14. Ano ang magiging kapakinabangan sa pasiya ni Jehova na pahintulutan angmga tao na pamahalaan ang kanilang sarili?15, 16. (a) Bakit pinahintulutan ni Jehova na magpatuloy ang pagdurusa nangnapakatagal? (b) Bakit hindi pinigilan ni Jehova ang mga bagay na gaya ng ka-kila-kilabot na mga krimen?

140 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

lang-alang ang dalawang bagay na hindi gagawin ng guro sa

ating ilustrasyon. Una, hindi niya pipigilan ang rebeldeng

estudyante na iharap ang solusyon nito. Ikalawa, hindi tu-

tulungan ng guro ang rebelde na patunayan ang solusyon

nito. Sa katulad na paraan, isaalang-alang ang dalawang ba-

gay na ipinasiya ni Jehova na hindi niya gagawin. Una, hin-

di niya pinigilan ang pagsisikap ni Satanas at ng mga puma-

nig dito na patunayang tama sila. Kaya kailangang palipasin

ang panahon. Sa loob ng libu-libong taon ng kasaysayan ng

tao, nasubukan na ng sangkatauhan ang lahat ng anyo ng

pamamahala sa sarili, o pamahalaan ng tao. Nakagawa ng

ilang pagsulong ang sangkatauhan sa siyensiya at sa iba

pang larangan, ngunit ang kawalang-katarungan, karalitaan,

krimen, at digmaan ay lalo pang lumalala. Napatunayan na

ngayon na bigo ang pamamahala ng tao.16 Ikalawa, hindi tinulungan ni Jehova si Satanas na pa-

mahalaan ang sanlibutang ito. Halimbawa, kung pinigilan

ng Diyos ang kakila-kilabot na mga krimen, hindi ba niya

pinatutunayan, sa diwa, na tama ang mga rebelde? Kung ga-

gawin ito ng Diyos, hindi kaya maisip ng mga tao na mara-

hil ay kaya nilang pamahalaan ang kanilang sarili nang

walang kapaha-pahamak na mga resulta? Kung kikilos si Je-

hova sa gayong paraan, magiging kasabuwat siya sa isang

kasinungalingan. Gayunman, “imposibleng magsinungaling

ang Diyos.”—Hebreo 6:18.

Bakit Kaya Pinahihintulutan ng Diyos ang Pagdurusa? 141

17 Gayunman, paano na ang lahat ng pinsalang naidulot

ng matagal nang rebelyon laban sa Diyos? Dapat nating tan-

daan na si Jehova ay makapangyarihan-sa-lahat. Kung ga-

yon, kaya niyang pawiin ang mga epekto ng pagdurusa ng

tao, at iyan nga ang gagawin niya. Gaya ng natutuhan na

natin, maisasauli sa dating kalagayan ang ating nasirang pla-

neta kapag ginawa nang Paraiso ang lupa. Aalisin ang

mga epekto ng kasalanan sa pamamagitan ng pananampa-

lataya sa haing pantubos ni Jesus, at papawiin ang mga

epekto ng kamatayan sa pamamagitan ng pagkabuhay-muli.

Sa gayo’y gagamitin ng Diyos si Jesus “upang sirain ang

mga gawa ng Diyablo.” (1 Juan 3:8) Tutuparin ni Jehova ang

lahat ng ito sa tamang panahon. Nagagalak tayo na hindi

siya kumilos kaagad, sapagkat ang kaniyang pagtitiis ay nag-

bigay sa atin ng pagkakataong matuto ng katotohanan at

mapaglingkuran siya. (2 Pedro 3:9, 10) Samantala, aktibong

hinahanap ng Diyos ang taimtim na mga mananamba at ti-

nutulungan silang batahin ang anumang pagdurusa na maa-

aring maranasan nila sa maligalig na sanlibutang ito.—Juan

4:23; 1 Corinto 10:13.

18 Maaaring mag-isip ang ilan, Hindi kaya nahadlangan

sana ang lahat ng pagdurusang ito kung nilalang lamang ng

Diyos sina Adan at Eva sa paraang hindi sila makapagrere-

17, 18. Ano ang gagawin ni Jehova sa lahat ng pinsalang idinulot ng pamama-hala ng tao at ng impluwensiya ni Satanas?

142 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

belde? Para masagot ang tanong na iyan, kailangan mong

alalahanin ang isang mahalagang regalo na ibinigay sa iyo

ni Jehova.

PAANO MO GAGAMITIN ANG REGALO NG DIYOS?19 Gaya ng binanggit sa Kabanata 5, nilalang ang mga tao

na may kalayaang magpasiya. Batid mo ba kung gaano ka-

halagang regalo iyan? Gumawa ang Diyos ng napakaraming

hayop, at ang mga ito ay pangunahin nang kumikilos dahil

sa instinct o likas na paggawi. (Kawikaan 30:24) Gumagawa

ang tao ng mga robot na puwedeng iprograma para sundin

ang bawat utos. Matutuwa kaya tayo kung ganiyan ang pag-

kakagawa sa atin ng Diyos? Tiyak na hindi. Natutuwa tayo

dahil may kalayaan tayong pumili kung anong uri ng pag-

katao ang gusto natin, kung anong landasin sa buhay ang ta-

tahakin natin, kung sino ang magiging mga kaibigan natin,

at iba pa. Nalulugod tayong magkaroon ng antas ng kalaya-

an, at iyan ang gusto ng Diyos na tamasahin natin.20 Hindi natutuwa si Jehova kung napipilitan lamang ta-

yong maglingkod sa kaniya. (2 Corinto 9:7) Upang ilarawan:

Ano ang higit na magpapasaya sa isang magulang—ang pag-

sasabi ng isang anak ng “Mahal ko po kayo” dahil inutusan

siyang sabihin ito o ang kusang pagsasabi niya nito mula

19. Anong mahalagang regalo ang ibinigay sa atin ni Jehova, at bakit natin da-pat pahalagahan ito?

20, 21. Paano natin magagamit sa pinakamainam na paraan ang regalo na ka-layaang magpasiya, at bakit natin gugustuhing gawin iyan?

Bakit Kaya Pinahihintulutan ng Diyos ang Pagdurusa? 143

sa puso? Kaya ang tanong ay, Paano mo gagamitin ang kala-

yaang magpasiya na ibinigay ni Jehova sa iyo? Maling-mali

ang naging paggamit nina Satanas, Adan, at Eva sa kanilang

kalayaang magpasiya. Itinakwil nila ang Diyos na Jehova.

Ano naman kaya ang gagawin mo?2 1 May pagkakataon kang gamitin ang kamangha-

manghang regalo na kalayaang magpasiya sa pinakamainam

na paraan. Maaari kang sumama sa milyun-milyong puma-

panig kay Jehova. Pinasasaya nila ang Diyos dahil aktibo si-

lang nakikibahagi sa pagpapatunay na si Satanas ay isang

sinungaling at bigung-bigo siya bilang tagapamahala. (Ka-

wikaan 27:11) Magagawa mo rin iyan kung pipiliin mo ang

tamang landasin sa buhay. Ipaliliwanag ito sa susunod na

kabanata.

KUNG ANO ANG ITINUTURO NG BIBLIYA

ˇ Hindi ang Diyos ang sanhi ng masasamang kalaga-yan sa daigdig.—Job 34:10.

ˇ Sa pagtawag sa Diyos na isang sinungaling at sapagsasabing nagkakait Siya ng mabuti sa Kaniyangmga nasasakupan, kinuwestiyon ni Satanas angkarapatang mamahala ni Jehova.—Genesis 3:2-5.

ˇ Gagamitin ni Jehova ang kaniyang Anak, angTagapamahala ng Mesiyanikong Kaharian, upangwakasan ang lahat ng pagdurusa ng tao at pawiinang mga epekto nito.—1 Juan 3:8.

144 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

ANONG uri ng tao ang pipiliin mong maging kaibigan?

Malamang na gugustuhin mong makasama ang isa na ka-

pareho mo ng mga pananaw, hilig, at pamantayan. At ma-

rahil ay mapapalap´ıt ka sa isa na may magagandang kata-

ngian, gaya ng katapatan at kabaitan.2 Sa buong kasaysayan, pinili ng Diyos ang ilang tao para

maging matatalik niyang kaibigan. Halimbawa, tinawag ni

Jehova si Abraham na kaniyang kaibigan. (Isaias 41:8; San-

tiago 2:23) Tinukoy ng Diyos si David na “isang lalaking

kalugud-lugod sa aking puso” dahil siya ang uri ng tao na

iniibig ni Jehova. (Gawa 13:22) At itinuring ni Jehova si

propeta Daniel bilang isa na “lubhang kalugud-lugod.”

—Daniel 9:23.

1, 2. Magbigay ng ilang halimbawa ng mga taong itinuring ni Jehova bilang ka-niyang matatalik na kaibigan.

KABANATA 12

Pamumuhay sa ParaangNakalulugod sa Diyos

Paano ka magiging kaibigan ng Diyos?

Paano ka nasasangkot sa hamon ni Satanas?

Anong paggawi ang hindi nakalulugod kay Jehova?

Paano ka makapamumuhay sa paraangnakalulugod sa Diyos?

Pamumuhay sa Paraang Nakalulugod sa Diyos 145

3 Bakit sina Abraham, David, at Daniel ay itinuring ni

Jehova na kaniyang mga kaibigan? Buweno, sinabi niya

kay Abraham: “Pinakinggan mo ang aking tinig.” (Genesis

22:18) Kaya si Jehova ay nagiging malap´ıt sa mga mapag-

pakumbabang gumagawa ng kaniyang hinihiling sa kanila.

“Sundin ninyo ang aking tinig,” ang sabi niya sa mga Isra-

elita, “at ako ang magiging inyong Diyos, at kayo mismo

ang magiging aking bayan.” (Jeremias 7:23) Kung susundin

mo si Jehova, magiging kaibigan ka rin niya!

PINALALAKAS NI JEHOVAANG KANIYANG MGA KAIBIGAN

4 Pag-isipan kung ano ang kahulugan ng pakikipagkaibi-

gan sa Diyos. Sinasabi ng Bibliya na humahanap si Jehova

ng mga pagkakataon “upang ipakita ang kaniyang lakas

alang-alang sa mga may pusong sakdal sa kaniya.” (2 Cro-

nica 16:9) Paano maipakikita ni Jehova ang kaniyang lakas

alang-alang sa iyo? Ang isang paraan ay binanggit sa Awit

32:8, kung saan mababasa natin: “Pagkakalooban kita,” ang

sabi ni Jehova, “ng kaunawaan at tuturuan kita hinggil sa

daan na dapat mong lakaran. Magpapayo ako habang ang

aking mata ay nakatingin sa iyo.”5 Isa nga itong nakaaantig-damdaming kapahayagan ng

pagmamalasakit ni Jehova! Paglalaanan ka niya ng kinaka-

3. Bakit pinipili ni Jehova ang ilang tao para maging kaibigan niya?4, 5. Paano ipinakikita ni Jehova ang kaniyang lakas alang-alang sa kaniyangbayan?

146 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

ilangang patnubay at babantayan ka niya habang ikinakapit

mo ito. Nais ng Diyos na tulungan kang malampasan ang

mga pagsubok. (Awit 55:22) Kaya kung paglilingkuran mo

si Jehova nang buong puso, makapagtitiwala ka gaya ng sal-

mista na nagsabi: “Lagi kong inilalagay si Jehova sa harap

ko. Sa dahilang siya ay nasa aking kanan, hindi ako maki-

kilos.” (Awit 16:8; 63:8) Oo, matutulungan ka ni Jehova na

mamuhay sa paraang nakalulugod sa kaniya. Ngunit gaya

ng alam mo, may kaaway ang Diyos na gustong humadlang

sa iyo sa paggawa mo nito.

ANG HAMON NI SATANAS6 Ipinaliwanag sa Kabanata 11 ng aklat na ito kung paa-

no hinamon ni Satanas na Diyablo ang soberanya ng Diyos.

Pinaratangan ni Satanas ang Diyos na isang sinungaling at

ipinahiwatig na di-makatarungan si Jehova sa hindi pagpa-

pahintulot kina Adan at Eva na magpasiya para sa kani-

lang sarili kung ano ang tama at kung ano ang mali. Pagka-

tapos magkasala nina Adan at Eva at magsimulang mapuno

ang lupa ng kanilang mga supling, kinuwestiyon ni Satanas

ang motibo ng lahat ng tao. “Ang mga tao ay naglilingkod

sa Diyos hindi dahil mahal nila siya,” ang paratang ni Sa-

tanas. “Kung bibigyan lamang ako ng pagkakataon, maita-

talikod ko ang lahat laban sa Diyos.” Ipinakikita ng salay-

say hinggil sa taong nagngangalang Job na ito ang palagay

6. Ano ang paratang ni Satanas hinggil sa mga tao?

Pamumuhay sa Paraang Nakalulugod sa Diyos 147

ni Satanas. Sino ba si Job, at paano siya nasangkot sa ha-

mon ni Satanas?7 Nabuhay si Job mga 3,600 taon na ang nakalilipas. Isa

siyang mabuting tao, dahil sinabi ni Jehova: “Walang sinu-

mang tulad niya sa lupa, isang lalaking walang kapintasan

at matuwid, na natatakot sa Diyos at lumilihis sa kasama-

an.” (Job 1:8) Si Job ay kalugud-lugod sa Diyos.8 Kinuwestiyon ni Satanas ang motibo ni Job sa pagliling-

kod sa Diyos. Sinabi ng Diyablo kay Jehova: “Hindi ka ba

naglagay ng bakod sa palibot [ni Job] at sa palibot ng ka-

niyang sambahayan at sa palibot ng lahat ng kaniyang pag-

aari sa buong paligid? Ang gawa ng kaniyang mga kamay

ay iyong pinagpala, at ang kaniyang mga alagang hayop ay

lumaganap sa lupa. Ngunit, upang mapaiba naman, iunat

mo ang iyong kamay, pakisuyo, at galawin mo ang lahat ng

kaniyang pag-aari at tingnan mo kung hindi ka niya susum-

pain nang mukhaan.”—Job 1:10, 11.9 Kaya iginiit ni Satanas na naglilingkod si Job sa Diyos

dahil lamang sa nakukuha niyang pakinabang. Nagpara-

tang din ang Diyablo na kung susubukin si Job, tatalikuran

nito ang Diyos. Paano tumugon si Jehova sa hamon ni Sa-

tanas? Yamang nasasangkot sa usapin ang motibo ni Job,

pinahintulutan ni Jehova si Satanas na subukin si Job. Sa

7, 8. (a) Bakit namumukod-tangi si Job sa mga tao nang panahong iyon?(b) Paano kinuwestiyon ni Satanas ang motibo ni Job?9. Paano tumugon si Jehova sa hamon ni Satanas, at bakit?

148 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

ganitong paraan, maliwanag na makikita kung talagang ini-

ibig ni Job ang Diyos o hindi.

SINUBOK SI JOB10 Di-nagtagal at sinubok ni Satanas si Job sa iba’t ibang

paraan. Ang ilan sa mga hayupan ni Job ay ninakaw, at ang

iba ay pinatay. Ang karamihan sa kaniyang mga lingkod ay

pinaslang. Nagdulot ito ng paghihirap sa kabuhayan. Suma-

pit pa ang karagdagang trahedya nang mamatay ang sam-

pung anak ni Job dahil sa isang bagyo. Subalit sa kabila ng

kahila-hilakbot na mga pangyayaring ito, “hindi nagkasala

si Job ni nagpatungkol man sa Diyos ng anumang di-

wasto.”—Job 1:22.11 Hindi sumuko si Satanas. Marahil ay naisip niya na ba-

gaman kayang batahin ni Job ang pagkawala ng kaniyang

mga pag-aari, mga lingkod, at mga anak, tatalikuran nito

ang Diyos kapag nagkasakit ito. Pinahintulutan ni Jehova

si Satanas na pasapitan si Job ng isang nakapandidiri at ma-

kirot na sakit. Ngunit maging ito man ay hindi naging da-

hilan upang mawalan ng pananampalataya si Job sa Diyos.

Sa halip, matatag niyang sinabi: “Hanggang sa pumanaw

ako ay hindi ko aalisin sa akin ang aking katapatan!”—Job

27:5.

10. Anong mga pagsubok ang sumapit kay Job, at paano siya tumugon?11. (a) Ano ang ikalawang akusasyon ni Satanas hinggil kay Job, at paano tu-mugon si Jehova? (b) Paano tumugon si Job nang dapuan siya ng makirot nasakit?

Pamumuhay sa Paraang Nakalulugod sa Diyos 149

12 Hindi alam ni Job na si Satanas ang sanhi ng kaniyang

mga suliranin. Palibhasa’y hindi niya alam ang mga detal-

ye hinggil sa hamon ng Diyablo sa soberanya ni Jehova, na-

ngamba si Job na ang Diyos ang dahilan ng kaniyang mga

problema. (Job 6:4; 16:11-14) Gayunman, nanatili siyang ta-

pat kay Jehova. At ang pag-aangkin ni Satanas na nagliling-

kod si Job sa Diyos dahil sa makasariling mga dahilan ay

napatunayang kasinungalingan sa pamamagitan ng tapat na

landasin ni Job!13 Ang katapatan ni Job ay naglaan kay Jehova ng isang

mapuwersang sagot sa mapang-insultong hamon ni Satanas.

Si Job ay talagang kaibigan ni Jehova, at ginantimpalaan

siya ng Diyos dahil sa kaniyang tapat na landasin.—Job

42:12-17.

KUNG PAANO KA NASASANGKOT14 Ang usaping ibinangon ni Satanas hinggil sa katapatan

sa Diyos ay hindi lamang nakatuon kay Job. Nasasangkot

ka rin. Maliwanag na ipinakikita ito sa Kawikaan 27:11,

kung saan sinasabi ng Salita ni Jehova: “Magpakarunong

ka, anak ko, at pasayahin mo ang aking puso, upang masa-

got ko siya na tumutuya sa akin.” Ipinakikita ng mga sali-

tang ito, na isinulat daan-daang taon na ang nakalipas pag-

12. Paano sinagot ni Job ang hamon ng Diyablo?13. Ano ang nangyari dahil tapat si Job sa Diyos?14, 15. Bakit natin masasabi na ang hamon ni Satanas may kaugnayan kay Jobay kumakapit sa lahat ng tao?

150 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

kamatay ni Job, na tinutuya pa rin ni Satanas ang Diyos at

inaakusahan ang Kaniyang mga lingkod. Kapag namumu-

hay tayo sa paraang nakalulugod kay Jehova, sa katunayan

ay tumutulong tayo sa pagsagot sa huwad na mga paratang

ni Satanas, at sa gayo’y napasasaya natin ang puso ng

Diyos. Ano ang nadarama mo hinggil sa bagay na iyan?

Hindi ba napakainam na magkaroon ng bahagi sa pagsagot

sa may-kasinungalingang mga pag-aangkin ng Diyablo, ka-

hit na nangangahulugan ito ng paggawa ng ilang pagbaba-

go sa iyong buhay?15 Pansinin na sinabi ni Satanas: “Lahat ng pag-aari ng

isang tao ay ibibigay niya alang-alang sa kaniyang kalulu-

wa.” (Job 2:4) Sa pagsasabing “isang tao,” niliwanag ni Sa-

tanas na ang kaniyang paratang ay kapit hindi lamang kay

Job kundi sa lahat ng tao. Napakahalagang punto iyan. Ki-

nukuwestiyon ni Satanas ang iyong katapatan sa Diyos. Ka-

pag nagkaroon ng mga problema, gustong makita ng Diya-

blo na sumuway ka sa Diyos at iwan mo ang matuwid na

landasin. Paano kaya ito maaaring gawin ni Satanas?16 Gaya ng tinalakay sa Kabanata 10, gumagamit si Sata-

nas ng iba’t ibang pamamaraan sa pagsisikap na itali-

kod ang mga tao sa Diyos. Sa isang banda, sumasalakay

siya “tulad ng isang leong umuungal, na naghahanap ng

16. (a) Sa anu-anong pamamaraan sinisikap ni Satanas na italikod ang mga taosa Diyos? (b) Paano maaaring gamitin ng Diyablo ang mga pamamaraang ito la-ban sa iyo?

Pamumuhay sa Paraang Nakalulugod sa Diyos 151

masisila.” (1 Pedro 5:8) Kaya maaaring makita ang implu-

wensiya ni Satanas kapag sinasalansang ng mga kaibigan,

kamag-anak, o ng iba pa ang iyong pagsisikap na mag-aral

ng Bibliya at magkapit ng iyong mga natututuhan.� (Juan

15:19, 20) Sa kabilang panig naman, si Satanas ay “laging

nag-aanyong isang anghel ng liwanag.” (2 Corinto 11:14)

Maaaring gumamit ang Diyablo ng tusong mga paraan

upang iligaw ka at akayin palayo sa makadiyos na paraan

ng pamumuhay. Maaari rin niyang gamitin ang pagkasira

ng loob, anupat marahil ay ipadama sa iyo na hindi mo ma-

paluluguran ang Diyos kahit kailan. (Kawikaan 24:10) Si

Satanas man ay kumikilos na gaya ng “isang leong umuu-

ngal” o nagkukunwang “isang anghel ng liwanag,” hindi

nagbabago ang kaniyang hamon: Sinasabi niyang kapag na-

paharap ka sa mga pagsubok o mga tukso, hihinto ka na

sa paglilingkod sa Diyos. Paano mo masasagot ang kani-

yang hamon at mapatutunayan ang iyong katapatan sa

Diyos, gaya ng ginawa ni Job?

PAGSUNOD SA MGA UTOS NI JEHOVA17 Masasagot mo ang hamon ni Satanas kung mamumu-

hay ka sa paraang nakalulugod sa Diyos. Ano ba ang ka-

� Hindi naman ito nangangahulugang tuwirang kinokontrol ni Satanas angmga sumasalansang sa iyo. Ngunit si Satanas ang diyos ng sistemang ito ngmga bagay, at ang buong sanlibutan ay nasa kapangyarihan niya. (2 Corinto4:4; 1 Juan 5:19) Kaya makaaasa tayo na ang pamumuhay sa makadiyos naparaan ay magiging isang di-popular na landasin, at sasalansangin ka ng ilan.

17. Ano ang pangunahing dahilan sa pagsunod sa mga utos ni Jehova?

152 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

sangkot dito? Ganito ang sagot ng Bibliya: “Iibigin mo si

Jehova na iyong Diyos nang iyong buong puso at nang

iyong buong kaluluwa at nang iyong buong lakas.” (Deu-

teronomio 6:5) Habang sumisidhi ang iyong pag-ibig sa

Diyos, sisidhi rin ang iyong hangaring gawin ang hinihiling

niya sa iyo. “Ito ang kahulugan ng pag-ibig sa Diyos,” ang

isinulat ni apostol Juan, “na tuparin natin ang kaniyang

mga utos.” Kung iniibig mo si Jehova nang iyong bu-

ong puso, masusumpungan mo na “ang kaniyang mga utos

ay hindi pabigat.”—1 Juan 5:3.18 Ano ba ang mga utos ni Jehova? Ang ilan sa mga ito

ay nagsasangkot sa mga paggawing kailangan nating iwa-

san. Halimbawa, pansinin ang kahon sa pahina 155, na pi-

namagatang “Iwasan ang mga Kinapopootan ni Jehova.”

Masusumpungan mong nakalista roon ang mga paggawing

maliwanag na hinahatulan ng Bibliya. Sa unang tingin, ang

ilang gawaing nakatala roon ay waring hindi naman gano-

on kasamˆa. Ngunit kapag binulay-bulay mo na ang binang-

git na mga kasulatan, malamang na makikita mo ang karu-

nungan ng mga kautusan ni Jehova. Ang paggawa mo ng

mga pagbabago sa iyong paggawi ang maaaring maging pi-

nakamalaking hamon na mapapaharap sa iyo kailanman.

Gayunman, ang pamumuhay sa paraang nakalulugod sa

18, 19. (a) Ano ang ilan sa mga utos ni Jehova? (Tingnan ang kahon sa pahi-na 155.) (b) Paano natin nalaman na hindi naman labis-labis ang hinihiling ngDiyos sa atin?

Pamumuhay sa Paraang Nakalulugod sa Diyos 153

Diyos ay nagdudulot ng malaking kasiyahan at kaligayahan.

(Isaias 48:17, 18) At ito ay isang bagay na kaya mong abu-

tin. Paano natin nalaman iyan?19 Hindi kailanman humihiling si Jehova nang higit sa

makakaya natin. (Deuteronomio 30:11-14) Mas alam niya

kaysa sa atin ang ating potensiyal at mga limitasyon. (Awit

103:14) Bukod diyan, mabibigyan tayo ni Jehova ng lakas

para sundin siya. Sumulat si apostol Pablo: “Ang Diyos ay

tapat, at hindi niya hahayaang tuksuhin kayo nang higit sa

matitiis ninyo, kundi kalakip ng tukso ay gagawa rin siya

ng daang malalabasan upang mabata ninyo iyon.” (1 Corin-

to 10:13) Upang matulungan kang magbata, mapaglalaanan

ka pa nga ni Jehova ng “lakas na higit sa karaniwan.” (2 Co-

rinto 4:7) Pagkatapos batahin ang maraming pagsubok, ma-

sasabi ni Pablo: “Sa lahat ng bagay ay may lakas ako dahil

sa kaniya na nagbibigay ng kapangyarihan sa akin.”—Fili-

pos 4:13.

PAGLINANG NG MAKADIYOS NA MGA KATANGIAN20 Siyempre pa, ang pagpapalugod kay Jehova ay nagsa-

sangkot ng higit pa kaysa sa basta pag-iwas sa mga bagay

na kinapopootan niya. Kailangan mo ring ibigin ang inii-

big niya. (Roma 12:9) Hindi ka ba napapalap´ıt sa mga in-

dibiduwal na kapareho mo ng mga pananaw, hilig, at

20. Anong makadiyos na mga katangian ang dapat mong linangin, at bakit ma-halaga ang mga ito?

154 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

IWASAN ANG MGA KINAPOPOOTAN NI JEHOVA

Pagpatay.—Exodo 20:13; 21:22, 23.

Seksuwal na imoralidad.—Levitico 20:10, 13, 15, 16;

Roma 1:24, 26, 27, 32; 1 Corinto 6:9, 10.

Espiritismo.—Deuteronomio 18:9-13;

1 Corinto 10:21, 22; Galacia 5:20, 21.

Idolatriya.—1 Corinto 10:14.

Paglalasing.—1 Corinto 5:11.

Pagnanakaw.—Levitico 6:2, 4; Efeso 4:28.

Pagsisinungaling.—Kawikaan 6:16, 19; Colosas 3:9;

Apocalipsis 22:15.

Kasakiman.—1 Corinto 5:11.

Karahasan.—Awit 11:5; Kawikaan 22:24, 25;

Malakias 2:16; Galacia 5:20, 21.

Masamang pananalita.—Levitico 19:16;

Efeso 5:4; Colosas 3:8.

Maling paggamit ng dugo.—Genesis 9:4; Gawa 15:20, 28, 29.

Hindi paglalaan sapamilya.—1 Timoteo 5:8.

Pakikibahagi sa mga digmaan o sa mgausapingpulitikal ng sanlibutang ito.

—Isaias 2:4; Juan 6:15; 17:16.

Paggamit ng tabako o ng tinatawag na drogangpanlibangan.—Marcos 15:23; 2 Corinto 7:1.

Pamumuhay sa Paraang Nakalulugod sa Diyos 155

pamantayan? Ganiyan din si Jehova. Kaya pag-aralan mong

ibigin ang mga bagay na gustung-gusto ni Jehova. Ang ilan

sa mga ito ay inilalarawan sa Awit 15:1-5, kung saan maba-

basa natin ang tungkol sa mga itinuturing ng Diyos na

kaniyang mga kaibigan. Ipinakikita ng mga kaibigan ni Je-

hova ang tinatawag ng Bibliya na “mga bunga ng espiritu.”

Kabilang dito ang mga katangiang gaya ng “pag-ibig, kaga-

lakan, kapayapaan, mahabang pagtitiis, kabaitan, kabuti-

han, pananampalataya, kahinahunan, pagpipigil sa sarili.”

—Galacia 5:22, 23.21 Ang regular na pagbabasa at pag-aaral ng Bibliya ay tu-

tulong sa iyo na malinang ang makadiyos na mga katangi-

an. At ang pagkaalam naman sa mga hinihiling ng Diyos ay

tutulong sa iyo na maiayon ang iyong mga kaisipan sa pag-

iisip ng Diyos. (Isaias 30:20, 21) Habang pinasisidhi mo ang

iyong pag-ibig kay Jehova, sisidhi rin ang iyong hangaring

mabuhay sa paraang nakalulugod sa Diyos.22 Kailangan ang pagsisikap para makapamuhay sa para-

ang nakalulugod kay Jehova. Ang iyong pagbabago sa bu-

hay ay inihahalintulad ng Bibliya sa paghuhubad mo ng

iyong lumang personalidad at pagsusuot ng bagong perso-

nalidad. (Colosas 3:9, 10) Ngunit hinggil sa mga utos ni Je-

hova, ganito ang isinulat ng salmista: “Sa pag-iingat ng mga

21. Ano ang tutulong sa iyo na malinang ang makadiyos na mga katangian?22. Ano ang maisasakatuparan mo kung mamumuhay ka sa paraang nakalulu-god sa Diyos?

156 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

iyon ay may malaking gantimpala.” (Awit 19:11) Masusum-

pungan mo rin na ang pamumuhay sa paraang nakalulu-

god sa Diyos ay lubhang kapaki-pakinabang. Sa paggawa

nito, masasagot mo ang hamon ni Satanas at mapasasaya

mo ang puso ni Jehova!

KUNG ANO ANG ITINUTURO NG BIBLIYA

ˇ Maaari kang maging kaibigan ng Diyos sa pamama-gitan ng pagsunod sa kaniya.—Santiago 2:23.

ˇ Hinamon ni Satanas ang katapatan ng lahat ng tao.—Job 1:8, 10, 11; 2:4; Kawikaan 27:11.

ˇ Dapat nating iwasan ang mga gawaing hindi nakalu-lugod sa Diyos.—1 Corinto 6:9, 10.

ˇ Mapalulugdan natin si Jehova kung kapopootannatin ang kinapopootan niya at iibigin ang iniibigniya.—Roma 12:9.

Pamumuhay sa Paraang Nakalulugod sa Diyos 157

“SI Jehova ay totoo ngang Diyos,” ang sabi ni propeta Je-

remias. “Siya ang Diyos na buh´ay.” (Jeremias 10:10) Bukod

diyan, ang Diyos na Jehova ang Maylalang ng lahat ng ba-

gay na may buhay. Ganito ang sabi ng makalangit na mga

nilalang hinggil sa kaniya: “Nilalang mo ang lahat ng ba-

gay, at dahil sa iyong kalooban ay umiral sila at nalalang.”

(Apocalipsis 4:11) Sa isang awit ng papuri sa Diyos, sina-

bi ni Haring David: “Nasa iyo ang bukal ng buhay.” (Awit

36:9) Kung gayon, ang buhay ay isang regalo mula sa Diyos.2 Si Jehova rin ang tumutustos sa ating buhay. (Gawa

17:28) Inilalaan niya ang pagkain na kinakain natin, ang tu-

big na iniinom natin, ang hangin na nilalanghap natin, at

ang lupa na tinitirhan natin. (Gawa 14:15-17) Ginawa ito

ni Jehova sa paraang makapagdudulot ng kasiyahan sa bu-

1. Sino ang lumalang ng lahat ng bagay na may buhay?2. Ano ang ginagawa ng Diyos upang tustusan ang ating buhay?

KABANATA 13

Ang Makadiyos naPangmalas sa Buhay

Ano ang pangmalas ng Diyos sa buhay?

Ano ang pangmalas ng Diyos sa aborsiyon?

Paano natin ipinakikita ang paggalang sa buhay?

158 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

hay. Ngunit upang masiyahan nang lubusan sa buhay, kai-

langan nating matutuhan ang mga kautusan ng Diyos at

sundin ang mga ito.—Isaias 48:17, 18.

PAGPAPAKITA NG PAGGALANG SA BUHAY3 Nais ng Diyos na igalang natin ang buhay—ang sa atin

at sa iba. Halimbawa, noong panahon nina Adan at Eva,

gal´ıt na gal

´ıt ang kanilang anak na si Cain sa kaniyang na-

kababatang kapatid na si Abel. Binabalaan ni Jehova si

Cain na ang kaniyang galit ay maaaring umakay sa malub-

hang pagkakasala. Ipinagwalang-bahala ni Cain ang baba-

lang iyon. ‘Dinaluhong niya si Abel na kaniyang kapatid at

pinatay niya ito.’ (Genesis 4:3-8) Pinarusahan ni Jehova si

Cain dahil sa pagpaslang nito sa kaniyang kapatid.—Gene-

sis 4:9-11.

4 Makalipas ang libu-libong taon, binigyan ni Jehova ng

mga kautusan ang bayan ng Israel upang tulungan silang

paglingkuran siya sa kaayaayang paraan. Dahil ibinigay ang

mga kautusang ito sa pamamagitan ni propeta Moises,

tinatawag kung minsan ang mga ito na Kautusang Mosai-

ko. Ganito ang sabi ng bahagi ng Kautusang Mosaiko: “Hu-

wag kang papaslang.” (Deuteronomio 5:17) Ipinakita nito

sa mga Israelita na pinahahalagahan ng Diyos ang buhay

3. Ano ang pangmalas ng Diyos sa pagpaslang kay Abel?

4. Sa Kautusang Mosaiko, paano idiniin ng Diyos ang tamang pangmalas sabuhay?

Ang Makadiyos na Pangmalas sa Buhay 159

ng tao at na dapat pahalagahan ng mga tao ang buhay ng

iba.5 Kumusta naman ang buhay ng isang di-pa-naisisilang na

sanggol? Buweno, ayon sa Kautusang Mosaiko, ang maging

sanhi ng kamatayan ng isang sanggol na nasa sinapupunan

ng kaniyang ina ay isang pagkakasala. Oo, maging ang ga-

yong buhay ay mahalaga kay Jehova. (Exodo 21:22, 23; Awit

127:3) Nangangahulugan ito na mali ang aborsiyon.6 Kalakip sa paggalang sa buhay ang pagkakaroon ng ta-

mang pangmalas sa ating kapuwa. Sinasabi ng Bibliya: “Ang

bawat isa na napopoot sa kaniyang kapatid ay mamamatay-

tao, at alam ninyo na walang mamamatay-tao ang may bu-

hay na walang hanggan na nananatili sa kaniya.” (1 Juan

3:15) Kung nais natin ng buhay na walang hanggan, kaila-

ngan nating lubusang alisin sa ating puso ang anumang

5. Ano ang dapat maging pangmalas natin sa aborsiyon?6. Bakit hindi natin dapat kapootan ang ating kapuwa?

IPINAKIKITA NATIN ANG PAGGALANG SA BUHAY

ˇ sa pamamagitan ng hindi pagkitil sa buhay ngisang di-pa-naisisilang na sanggol

ˇ sa pamamagitan ng pagtigil sa maruruming bisyo

ˇ sa pamamagitan ng lubusang pag-aalis sa atingpuso ng anumang poot sa ating kapuwa

160 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

poot sa ating kapuwa, dahil ang poot ang ugat ng karami-

han sa mga karahasan. (1 Juan 3:11, 12) Napakahalaga na

matutuhan nating ibigin ang isa’t isa.7 Kumusta naman ang pagpapakita ng paggalang sa atin

mismong buhay? Karaniwan nang ayaw mamatay ng mga

tao, ngunit isinasapanganib ng ilan ang kanilang buhay

alang-alang sa kaluguran. Halimbawa, marami ang gumaga-

mit ng tabako, nganga, o droga bilang libangan. Ang gayong

mga substansiya ay nakapipinsala sa katawan at kadala-

sang pumapatay sa mga gumagamit nito. Hindi itinuturing

ng isang taong namihasa sa paggamit ng mga substansiyang

ito na banal ang buhay. Ang mga gawaing ito ay marumi

sa paningin ng Diyos. (Roma 6:19; 12:1; 2 Corinto 7:1)

Upang mapaglingkuran ang Diyos sa kaayaayang paraan,

kailangan nating itigil ang gayong mga gawain. Bagaman

maaaring napakahirap gawin ito, mabibigyan tayo ni Jeho-

va ng kinakailangang tulong. At pinahahalagahan niya ang

ginagawa nating pagsisikap na ituring ang ating buhay bi-

lang isang mahalagang regalo mula sa kaniya.8 Kung may paggalang tayo sa buhay, palagi tayong magi-

ging palaisip sa kaligtasan. Hindi tayo magiging pabaya at

hindi tayo makikipagsapalaran para lamang sa kaluguran o

katuwaan. Iiwasan natin ang walang-ingat na pagmamaneho

7. Ano ang ilang gawain na nagpapakita ng kawalang-galang sa buhay?

8. Bakit dapat tayong maging palaisip sa kaligtasan?

Ang Makadiyos na Pangmalas sa Buhay 161

at ang marahas o mapanganib na mga isport. (Awit 11:5)

Ganito ang sinabi ng kautusan ng Diyos sa sinaunang Isra-

el: “Kung magtatayo ka ng isang bagong bahay [na may pa-

tag na bubong], gagawa ka rin ng isang halang [o, mababang

pader] para sa iyong bubong, upang hindi ka makapaglagay

ng pagkakasala sa dugo sa iyong bahay dahil baka may si-

numang mahulog at mula roon siya mahulog.” (Deuterono-

mio 22:8) Kaayon ng simulaing itinakda sa kautusang iyan,

panatilihing ligtas ang mga dako sa inyong tahanan gaya ng

mga hagdanan para walang matalisod, mahulog, at lubhang

masaktan. Kung may sasakyan ka, tiyakin mong ligtas itong

gamitin. Huwag hayaang maging panganib sa iyo at sa iba

ang iyong tahanan o ang iyong sasakyan.9 Kumusta naman ang buhay ng isang hayop? Banal din

iyan sa Maylalang. Pinahihintulutan ng Diyos ang pagpa-

tay sa mga hayop para makakuha ng pagkain at pananamit

o para ipagsanggalang ang mga tao mula sa panganib. (Ge-

nesis 3:21; 9:3; Exodo 21:28) Gayunman, ang pagiging ma-

lupit sa mga hayop o pagpatay sa mga ito dahil lamang sa

isport ay mali at pagpapakita ng ganap na pagwawalang-

bahala sa kabanalan ng buhay.—Kawikaan 12:10.

PAGPAPAKITA NG PAGGALANG SA DUGO10 Matapos patayin ni Cain ang kaniyang kapatid na si

9. Kung may paggalang tayo sa buhay, paano natin tatratuhin ang mga hayop?

10. Paano ipinakita ng Diyos na magkaugnay ang buhay at ang dugo?

162 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

Abel, sinabi ni Jehova kay Cain: “Ang dugo ng iyong kapa-

tid ay sumisigaw sa akin mula sa lupa.” (Genesis 4:10)

Nang banggitin ng Diyos ang dugo ni Abel, ang tinutukoy

niya ay ang buhay ni Abel. Kinitil ni Cain ang buhay ni

Abel, at ngayon ay kailangang parusahan si Cain. Para

bang ang dugo, o buhay, ni Abel ay humihingi ng kataru-

ngan kay Jehova. Ang kaugnayan ng buhay at dugo ay mu-

ling ipinakita pagkatapos ng Baha noong panahon ni Noe.

Bago ang Baha, mga prutas, gulay, butil, at mga nuwes la-

mang ang kinakain ng mga tao. Pagkatapos ng Baha, sina-

bi ni Jehova kay Noe at sa kaniyang mga anak: “Bawat gu-

magalang hayop na buh´ay ay magiging pagkain para sa

inyo. Gaya ng luntiang pananim, ibinibigay kong lahat

iyon sa inyo.” Gayunman, ibinigay ng Diyos ang pagbaba-

wal na ito: “Tanging ang laman na kasama ang kaluluwa

nito [o, buhay]—ang dugo nito—ang huwag ninyong kaka-

inin.” (Genesis 1:29; 9:3, 4) Maliwanag na para kay Jeho-

va, may malapit na kaugnayan ang buhay at ang dugo ng

isang nilalang.11 Ipinakikita natin ang paggalang sa dugo sa pamama-

gitan ng hindi pagkain dito. Sa Kautusan na ibinigay ni Je-

hova sa mga Israelita, iniutos niya: “Kung tungkol sa sinu-

mang tao . . . na sa pangangaso ay makahuli ng isang

11. Anong paggamit ng dugo ang ipinagbabawal ng Diyos mula pa noong pana-hon ni Noe?

Ang Makadiyos na Pangmalas sa Buhay 163

mailap na hayop o ng isang ibon na makakain, ibubuhos

nga niya ang dugo niyaon at tatakpan niya iyon ng alabok.

. . . Sinabi ko sa mga anak ni Israel: ‘Huwag ninyong ka-

kainin ang dugo ng anumang uri ng laman.’ ” (Levitico 17:

13, 14) Ang utos ng Diyos na huwag kumain ng dugo ng

hayop, na unang ibinigay kay Noe mga 800 taon bago nito,

ay may bisa pa rin. Maliwanag ang pangmalas ni Jehova:

Puwedeng kainin ng kaniyang mga lingkod ang karne ng

hayop pero hindi ang dugo. Dapat nilang ibuhos ang dugo

sa lupa—sa diwa ay ibinabalik sa Diyos ang buhay ng ni-

lalang.12 Isang nakatutulad na utos ang itinakda sa mga Kristi-

yano. Ang mga apostol at iba pang mga lalaki na inatasang

manguna sa mga tagasunod ni Jesus noong unang siglo ay

nagtipon upang pagpasiyahan kung anong mga utos ang

dapat sundin ng lahat sa kongregasyong Kristiyano. Ito ang

naging pasiya nila: “Minagaling ng banal na espiritu at na-

min mismo na huwag nang magdagdag ng higit pang pa-

sanin sa inyo, maliban sa mga bagay na ito na kinakaila-

ngan, na patuloy na umiwas sa mga bagay na inihain

sa mga idolo at sa dugo at sa mga bagay na binigti [hindi

napatulo ang dugo] at sa pakikiapid.” (Gawa 15:28, 29;

21:25) Kaya dapat tayong ‘patuloy na umiwas sa dugo.’ Sa

12. Anong utos hinggil sa dugo ang ibinigay noong unang siglo sa pamamagitanng banal na espiritu na kapit pa rin sa ngayon?

164 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

paningin ng Diyos, ang paggawa natin niyan ay kasingha-

laga ng pag-iwas natin sa idolatriya at seksuwal na imora-

lidad.13 Kasama ba ang pagpapasalin ng dugo sa utos na umi-

was sa dugo? Oo. Bilang paglalarawan: Ipagpalagay na si-

nabi sa iyo ng doktor na umiwas ka sa mga inuming de-

alkohol. Nangangahulugan ba lamang iyan na hindi ka

dapat uminom ng inuming de-alkohol pero puwede kang

magturok nito sa iyong mga ugat? Siyempre hindi! Sa ka-

tulad na paraan, ang pag-iwas sa dugo ay nangangahulu-

gang hindi natin ito ipapasok sa ating katawan sa anumang

paraan. Kaya ang utos na umiwas sa dugo ay nangangahu-

lugang hindi natin pahihintulutan ang sinuman na salinan

tayo ng dugo sa ating mga ugat.14 Paano naman kung ang isang Kristiyano ay malub-

hang napinsala o nangangailangan ng maselang opera-

syon? Ipagpalagay na sinabi ng doktor na kailangan

siyang salinan ng dugo dahil kung hindi ay mamamatay

siya. Siyempre, hindi gustong mamatay ng Kristiyano. Sa

pagsisikap na ingatan ang mahalagang regalo na buhay

mula sa Diyos, tatanggapin niya ang ibang uri ng pagga-

mot na hindi nagsasangkot ng maling paggamit sa dugo.

13. Ilarawan kung bakit kasama sa utos na umiwas sa dugo ang pagpapasalinng dugo.14, 15. Kung sasabihin ng mga doktor na kailangang magpasalin ng dugo angisang Kristiyano, paano siya tutugon, at bakit?

Ang Makadiyos na Pangmalas sa Buhay 165

Kaya, sisikapin niyang magpagamot sa gayong paraan

hangga’t maaari at tatanggapin niya ang mga alternatibo

sa dugo.15 Lalabagin ba ng isang Kristiyano ang kautusan ng

Diyos para lamang pahabain nang kaunti ang kaniyang bu-

hay sa sistemang ito ng mga bagay? Sinabi ni Jesus: “Ang

sinumang nagnanais magligtas ng kaniyang kaluluwa [o,

buhay] ay mawawalan nito; ngunit ang sinumang mawalan

ng kaniyang kaluluwa alang-alang sa akin ay makasusum-

pong nito.” (Mateo 16:25) Ayaw nating mamatay. Ngunit

kung lalabagin natin ang kautusan ng Diyos sa pagsisikap

na iligtas ang ating kasalukuyang buhay, nanganganib na

maiwala natin ang ating pag-asa na buhay na walang hang-

gan. Kung gayon, isang katalinuhan na magtiwala sa pagi-

ging tama ng kautusan ng Diyos, anupat lubusang nanana-

lig na mamatay man tayo sa anumang dahilan, aalalahanin

tayo ng ating Tagapagbigay-Buhay sa pagkabuhay-muli at

isasauli sa atin ang mahalagang regalo na buhay.—Juan 5:

28, 29; Hebreo 11:6.16 Sa ngayon, matatag na kapasiyahan ng tapat na mga

lingkod ng Diyos na sundin ang kaniyang tagubilin hing-

gil sa dugo. Hindi sila kakain nito sa anumang anyo. Ni ta-

tanggap man ng dugo dahil sa medikal na mga kadahila-

16. Ano ang matatag na kapasiyahan ng mga lingkod ng Diyos hinggil sadugo?

166 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

nan.� Nakatitiyak sila na alam ng Maylalang ng dugo kung

ano ang pinakamabuti para sa kanila. Naniniwala ka bang

alam niya kung ano ang pinakamabuti para sa kaniyang

mga lingkod?

ANG TANGING WASTONG PAGGAMIT SA DUGO17 Idiniin ng Kautusang Mosaiko ang tanging wastong

paggamit sa dugo. Hinggil sa pagsambang hinihiling sa si-

naunang mga Israelita, iniutos ni Jehova: “Ang kaluluwa [o,

buhay] ng laman ay nasa dugo, at ako mismo ang naglagay

niyaon sa ibabaw ng altar upang maipambayad-sala ninyo

para sa inyong mga kaluluwa, sapagkat ang dugo ang nag-

babayad-sala.” (Levitico 17:11) Kapag nagkakasala ang mga

Israelita, makapagtatamo sila ng kapatawaran sa pamama-

gitan ng paghahandog ng hayop at paglalagay ng kaunting

dugo nito sa altar sa tabernakulo o sa templo ng Diyos

nang maglaon. Ang gayong mga hain ang tanging wastong

paggamit sa dugo.18 Ang mga tunay na Kristiyano ay wala sa ilalim ng Ka-

utusang Mosaiko at sa gayo’y hindi naghahandog ng mga

haing hayop at hindi naglalagay ng dugo ng hayop sa altar.

� Para sa impormasyon hinggil sa mga alternatibo sa pagsasalin ng dugo,tingnan ang pahina 13-17 ng brosyur na Papaano Maililigtas ng Dugo ang In-yong Buhay? na inilathala ng mga Saksi ni Jehova.

17. Sa sinaunang Israel, ano ang tanging paggamit sa dugo na kaayaaya saDiyos na Jehova?18. Anu-anong kapakinabangan at pagpapala ang matatamo natin sa pagtitigisng dugo ni Jesus?

Ang Makadiyos na Pangmalas sa Buhay 167

(Hebreo 10:1) Gayunman, ang paggamit ng dugo sa altar

noong panahon ng sinaunang Israel ay lumalarawan sa ma-

halagang hain ng Anak ng Diyos, si Jesu-Kristo. Gaya ng

natutuhan natin sa Kabanata 5 ng aklat na ito, ibinigay ni

Jesus ang kaniyang buhay bilang tao para sa atin sa pama-

magitan ng pagtitigis ng kaniyang dugo bilang hain. Pagka-

tapos ay umakyat siya sa langit at iniharap sa Diyos nang

minsanan ang halaga ng kaniyang itinigis na dugo. (Hebreo

9:11, 12) Iyan ang naging saligan sa kapatawaran ng ating

mga kasalanan at nagbukas ng daan upang magtamo tayo

ng buhay na walang hanggan. (Mateo 20:28; Juan 3:16) Tu-

nay ngang napakahalaga ng pagkakagamit sa dugong iyon!

(1 Pedro 1:18, 19) Makapagtatamo tayo ng kaligtasan ta-

nging sa pamamagitan ng pananampalataya sa halaga ng

itinigis na dugo ni Jesus.19 Talaga ngang makapagpapasalamat tayo nang lubusan

sa Diyos na Jehova sa maibiging kaloob na buhay! At hin-

di ba iyan ang dapat mag-udyok sa atin na sabihin sa iba

ang tungkol sa pagkakataong magtamo ng buhay na walang

hanggan salig sa pananampalataya sa hain ni Jesus? Ang

makadiyos na pagmamalasakit sa buhay ng ating kapuwa

ang magpapakilos sa atin na gawin ito nang may panana-

bik at sigasig. (Ezekiel 3:17-21) Kung masikap nating gaga-

19. Ano ang dapat nating gawin upang maging “malinis sa dugo ng lahat ngtao”?

168 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

napin ang pananagutang ito, masasabi natin ang gaya ng

nasabi ni apostol Pablo: “Ako ay malinis sa dugo ng lahat

ng tao, sapagkat hindi ko ipinagkait na sabihin sa inyo ang

lahat ng layunin ng Diyos.” (Gawa 20:26, 27) Ang pagsasa-

bi sa mga tao tungkol sa Diyos at sa kaniyang mga layunin

ay isang mainam na paraan upang ipakita na may matindi

tayong paggalang sa buhay at dugo.

KUNG ANO ANG ITINUTURO NG BIBLIYA

ˇ Ang buhay ay isang regalo mula sa Diyos.—Awit 36:9; Apocalipsis 4:11.

ˇ Ang aborsiyon ay mali, yamang ang buhay ngdi-pa-naisisilang na sanggol ay mahalaga sapaningin ng Diyos.—Exodo 21:22, 23; Awit 127:3.

ˇ Ipinakikita natin ang paggalang sa buhay sapamamagitan ng hindi pagsasapanganib nito athindi pagkain ng dugo.—Deuteronomio 5:17;Gawa 15:28, 29.

Ang Makadiyos na Pangmalas sa Buhay 169

NAIS ng Diyos na Jehova na maging maligaya ang iyong bu-

hay pampamilya. Ang kaniyang Salita, ang Bibliya, ay nag-

lalaan ng mga panuntunan para sa bawat miyembro ng pa-

milya, anupat inilalarawan ang papel na nais ng Diyos na

gampanan ng bawat isa. Kapag ginagampanan ng mga mi-

yembro ng pamilya ang kani-kanilang papel alinsunod sa

payo ng Diyos, talagang kasiya-siya ang mga resulta. Sinabi

ni Jesus: “Maligaya yaong mga nakikinig sa salita ng Diyos

at tumutupad nito!”—Lucas 11:28.2 Ang kaligayahan ng pamilya ay pangunahin nang naka-

salalay sa pagkilala natin na ang pamilya ay nagmula kay

Jehova, ang isa na tinawag ni Jesus na “Ama [Natin].” (Ma-

1. Ano ang susi sa maligayang buhay pampamilya?2. Sa pagkilala natin sa ano nakasalalay ang kaligayahan ng pamilya?

KABANATA 14

Kung Paano Magiging Maligayaang Iyong Buhay Pampamilya

Ano ang kailangan upang maging mabutingasawang lalaki?

Paano magtatagumpay ang isang babae bilang asawa?

Ano ang nasasangkot sa pagiging mahusay na magulang?

Paano makatutulong ang mga anak upang magingmaligaya ang buhay pampamilya?

170 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

teo 6:9) Umiiral ang bawat pamilya sa lupa dahil sa ating

makalangit na Ama—at tiyak na alam niya kung ano ang

makapagpapaligaya sa mga pamilya. (Efeso 3:14, 15) Kaya,

ano ba ang itinuturo ng Bibliya hinggil sa papel ng bawat

miyembro ng pamilya?

NAGMULA SA DIYOS ANG KAAYUSAN NG PAMILYA3 Nilalang ni Jehova ang unang mga tao, sina Adan at Eva,

at pinagsama sila bilang mag-asawa. Inilagay niya sila sa

isang magandang paraisong tahanan dito sa lupa—ang har-

din ng Eden—at sinabi sa kanila na magluwal ng mga anak.

“Magpalaanakin kayo at magpakarami at punuin ninyo ang

lupa,” ang sabi ni Jehova. (Genesis 1:26-28; 2:18, 21-24) Hin-

di ito isang kuwento o alamat lamang, sapagkat ipinakita ni

Jesus na totoo ang sinasabi ng Genesis tungkol sa pasimu-

la ng buhay pampamilya. (Mateo 19:4, 5) Bagaman napapa-

harap tayo sa maraming problema at ang buhay ngayon ay

hindi kagaya ng nilayon ng Diyos, tingnan natin kung bakit

posible ang kaligayahan sa loob ng pamilya.4 Makatutulong ang bawat miyembro ng pamilya upang

maging maligaya ang buhay pampamilya sa pamamagitan

ng pagtulad sa Diyos sa pagpapakita ng pag-ibig. (Efeso

3. Paano inilalarawan ng Bibliya ang pasimula ng pamilya ng tao, at bakit na-tin alam na totoo ang sinasabi nito?

4. (a) Paano makatutulong ang bawat miyembro ng pamilya upang maging ma-ligaya ang pamilya? (b) Bakit napakahalagang pag-aralan ang buhay ni Jesusupang maging maligaya ang pamilya?

Kung Paano Magiging Maligaya ang Iyong Buhay Pampamilya 171

5:1, 2) Subalit paano natin matutularan ang Diyos yamang

hindi naman natin siya nakikita? Maaari nating malaman

kung paano kumikilos si Jehova sapagkat isinugo niya sa

lupa ang kaniyang panganay na Anak mula sa langit. (Juan

1:14, 18) Noong siya ay nasa lupa, gayon na lamang kahu-

say ang pagtulad ng Anak na ito, si Jesu-Kristo, sa kaniyang

makalangit na Ama anupat kapag nakita o narinig mo si Je-

sus, para mo na ring nakasama at narinig si Jehova. (Juan

14:9) Kaya kung pag-aaralan natin ang hinggil sa pag-ibig

na ipinakita ni Jesus at susundan ang kaniyang halimbawa,

ang bawat isa sa atin ay makatutulong upang maging mas

maligaya ang buhay pampamilya.

ISANG HUWARAN PARA SA MGA ASAWANG LALAKI5 Sinasabi ng Bibliya na dapat pakitunguhan ng mga asa-

wang lalaki ang kani-kanilang asawang babae katulad ng pa-

kikitungo ni Jesus sa kaniyang mga alagad. Isaalang-alang

ang tagubiling ito ng Bibliya: “Mga asawang lalaki, patuloy

na ibigin ang inyu-inyong asawang babae, kung paanong ini-

big din ng Kristo ang kongregasyon at ibinigay ang kaniyang

sarili ukol dito . . . Sa ganitong paraan dapat ibigin ng mga

asawang lalaki ang kani-kanilang asawang babae na gaya ng

sa kanilang sariling mga katawan. Siya na umiibig sa kani-

yang asawang babae ay umiibig sa kaniyang sarili, sapagkat

5, 6. (a) Paano nagsisilbing halimbawa para sa mga asawang lalaki ang para-an ng pakikitungo ni Jesus sa kongregasyon? (b) Ano ang dapat gawin upangmatamo ang kapatawaran sa mga kasalanan?

172 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

walang taong napoot kailanman sa kaniyang sariling laman;

kundi pinakakain at inaaruga niya ito, gaya ng ginagawa rin

ng Kristo sa kongregasyon.”—Efeso 5:23, 25-29.6 Ang pag-ibig ni Jesus para sa kaniyang kongregasyon ng

mga alagad ay nagsisilbing sakdal na halimbawa para sa

mga asawang lalaki. ‘Inibig sila ni Jesus hanggang sa wakas,’

anupat inihandog ang kaniyang buhay para sa kanila, baga-

man hindi sila sakdal. (Juan 13:1; 15:13) Sa katulad na pa-

raan, hinihimok ang mga asawang lalaki: “Patuloy na ibigin

ang inyu-inyong asawang babae at huwag kayong magalit sa

kanila nang may kapaitan.” (Colosas 3:19) Ano ang makatu-

tulong sa asawang lalaki na ikapit ang gayong payo, lalo na

kung paminsan-minsan ay kumikilos ang kaniyang asawa

nang padalus-dalos? Dapat niyang alalahanin ang kaniyang

sariling mga pagkakamali at kung ano ang dapat niyang ga-

win upang matamo niya ang kapatawaran ng Diyos. Ano

nga ba ang dapat niyang gawin? Dapat niyang patawarin ang

mga nagkakasala sa kaniya, at kasama na riyan ang kaniyang

asawa. Siyempre pa, ganoon din naman ang dapat gawin

ng asawang babae. (Mateo 6:12, 14, 15) Nakikita mo ba kung

bakit sinasabi ng ilan na ang isang matagumpay na pag-aasa-

wa ay pagsasama ng dalawang mahusay magpatawad?7 Dapat ding pansinin ng mga asawang lalaki na si Jesus

ay laging nagpapakita ng konsiderasyon sa kaniyang mga

7. Ano ang isinaalang-alang ni Jesus, na nagbibigay ng anong halimbawa parasa mga asawang lalaki?

Kung Paano Magiging Maligaya ang Iyong Buhay Pampamilya 173

alagad. Isinaalang-alang niya ang kanilang mga limitasyon

at pisikal na mga pangangailangan. Halimbawa, nang mapa-

god sila, sinabi niya: “Halikayo, kayo mismo, nang sarilinan

sa isang liblib na dako at magpahinga nang kaunti.” (Mar-

cos 6:30-32) Karapat-dapat din ang mga asawang babae sa

maalalahaning konsiderasyon. Inilalarawan sila ng Bibliya

bilang “mas mahinang sisidlan” at ang mga asawang lalaki

ay inuutusan na pag-ukulan sila ng ‘karangalan.’ Bakit? Sa-

pagkat ang asawang lalaki at asawang babae ay parehong

may bahagi sa “di-sana-nararapat na biyaya ng buhay.”

(1 Pedro 3:7) Dapat tandaan ng mga asawang lalaki na na-

giging mahalaga sa Diyos ang isang tao, hindi dahil sa lala-

ki o babae siya, kundi dahil sa katapatan ng isa.—Awit

101:6.8 Sinasabi ng Bibliya na ang asawang lalaki “na umiibig sa

kaniyang asawang babae ay umiibig sa kaniyang sarili.” Ito

ay dahil sa ang mag-asawa ay ‘hindi na dalawa, kundi isang

laman,’ gaya ng binanggit ni Jesus. (Mateo 19:6) Kaya ang

kanilang seksuwal na interes ay dapat na limitado lamang

sa isa’t isa. (Kawikaan 5:15-21; Hebreo 13:4) Magagawa nila

ito kung magpapakita sila ng walang pag-iimbot na pagma-

malasakit sa mga pangangailangan ng isa’t isa. (1 Corinto 7:

3-5) Kapansin-pansin ang paalaalang ito: “Walang taong na-

8. (a) Paanong ang asawang lalaki “na umiibig sa kaniyang asawang babae ayumiibig sa kaniyang sarili”? (b) Ano ang kahulugan ng pagiging “isang laman”para sa asawang lalaki at sa kaniyang asawa?

174 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

poot kailanman sa kaniyang sariling laman; kundi pinakaka-

in at inaaruga niya ito.” Kailangang ibigin ng mga asawang

lalaki ang kani-kanilang asawa gaya ng pag-ibig nila sa ka-

nilang sarili, na isinasaisip na magsusulit sila sa kanilang

sariling ulo, si Jesu-Kristo.—Efeso 5:29; 1 Corinto 11:3.9 Binanggit ni apostol Pablo ang ‘magiliw na pagmamahal

na taglay ni Kristo Jesus.’ (Filipos 1:8) Ang pagiging magi-

liw ni Jesus ay isang nakagiginhawang katangian, isa na ki-

nawiwilihan ng mga babae na naging mga alagad niya. (Juan

20:1, 11-13, 16) At minimithi ng mga asawang babae ang ma-

giliw na pagmamahal ng kani-kanilang asawang lalaki.

ISANG HALIMBAWA PARA SA MGA ASAWANG BABAE10 Ang pamilya ay isang organisasyon, at upang gumana

nang maayos, kailangan nito ang isang ulo. Kahit si Jesus ay

may Isa na pinagpapasakupan bilang kaniyang Ulo. “Ang

ulo . . . ng Kristo ay ang Diyos,” kung paanong “ang ulo na-

man ng babae ay ang lalaki.” (1 Corinto 11:3) Ang pagpa-

pasakop ni Jesus sa pagkaulo ng Diyos ay isang mainam na

halimbawa, yamang tayong lahat ay may ulo na dapat nating

pagpasakupan.11 Nagkakamali ang di-sakdal na mga lalaki at madalas na

9. Anong katangian ni Jesus ang binanggit sa Filipos 1:8, at bakit dapat ipaki-ta ng mga asawang lalaki ang katangiang ito sa kani-kanilang asawa?

10. Paano nagpakita ng halimbawa si Jesus para sa mga asawang babae?

11. Ano ang dapat maging saloobin ng asawang babae sa kaniyang asawa, atano ang maaaring maging epekto ng kaniyang paggawi?

Kung Paano Magiging Maligaya ang Iyong Buhay Pampamilya 175

hindi nakaaabot sa pamantayan ng pagiging huwarang mga

ulo ng pamilya. Kung gayon, ano ang dapat gawin ng asa-

wang babae? Hindi niya dapat maliitin ang ginagawa ng ka-

niyang asawa o sikaping agawin ang pagkaulo nito. Makabu-

buting tandaan ng asawang babae na sa pangmalas ng Diyos,

ang tahimik at mahinahong espiritu ay napakahalaga. (1 Pe-

dro 3:4) Sa pagpapakita ng gayong espiritu, masusumpu-

ngan ng asawang babae na mas madaling magpakita ng ma-

kadiyos na pagpapasakop, maging sa ilalim ng mapanubok

na mga kalagayan. Karagdagan pa, sinasabi ng Bibliya: “Ang

asawang babae ay dapat na magkaroon ng matinding pagga-

lang sa kaniyang asawang lalaki.” (Efeso 5:33) Pero paano

kung hindi kinikilala ng asawang lalaki si Kristo bilang ka-

niyang Ulo? Hinihimok ng Bibliya ang mga asawang babae:

“Magpasakop kayo sa inyu-inyong asawang lalaki, upang,

kung ang sinuman ay hindi masunurin sa salita, mawagi sila

nang walang salita sa pamamagitan ng paggawi ng kani-

kanilang asawang babae, dahil sa pagiging mga saksi sa in-

yong malinis na paggawi na may kalakip na matinding pag-

galang.”—1 Pedro 3:1, 2.

12 Ang asawa man niya ay kapananampalataya o hindi, ang

asawang babae ay hindi naman nagpapakita ng kawalang-

galang kung mataktika siyang magpapahayag ng opinyon na

12. Bakit hindi mali para sa asawang babae na ipahayag ang kaniyang mga opin-yon sa magalang na paraan?

176 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

naiiba sa opinyon ng kaniyang asawa. Maaaring tama ang

pangmalas ng asawang babae, at maaaring makinabang ang

buong pamilya kung makikinig ang asawang lalaki sa kani-

ya. Bagaman hindi sang-ayon si Abraham nang irekomenda

ng kaniyang asawang si Sara ang isang praktikal na solusyon

sa isang partikular na problema ng sambahayan, sinabi ng

Diyos kay Abraham: “Pakinggan mo ang kaniyang tinig.”

(Genesis 21:9-12) Sabihin pa, kapag gumawa ng panghuling

pasiya ang asawang lalaki na hindi naman salungat sa kau-

tusan ng Diyos, ipinakikita ng asawang babae ang kaniyang

pagpapasakop sa pamamagitan ng pagsuporta rito.—Gawa

5:29; Efeso 5:24.

13 Sa pagtupad sa kaniyang papel, malaki ang magagawa

ng asawang babae sa pangangalaga sa pamilya. Halimbawa,

ipinakikita ng Bibliya na dapat “ibigin [ng mga babaing may

asawa] ang kani-kanilang asawa, na ibigin ang kanilang mga

anak, na maging matino ang pag-iisip, malinis, mga mang-

gagawa sa tahanan, mabuti, nagpapasakop sa kani-kanilang

asawa.” (Tito 2:4, 5) Ang asawang babae at ina na gumaga-

wi sa ganitong paraan ay magtatamo ng namamalaging pag-

ibig at paggalang ng kaniyang pamilya. (Kawikaan 31:10, 28)

Gayunman, yamang ang pag-aasawa ay pagsasama ng di-

sakdal na mga indibiduwal, ang ilang sukdulang kalagayan

13. (a) Ano ang hinihimok ng Tito 2:4, 5 na gawin ng mga babaing may asa-wa? (b) Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa paghihiwalay at diborsiyo?

Kung Paano Magiging Maligaya ang Iyong Buhay Pampamilya 177

ay maaaring humantong sa paghihiwalay o diborsiyo. Ipina-

hihintulot ng Bibliya ang paghihiwalay sa ilalim ng ilang

partikular na kalagayan. Subalit ang paghihiwalay ay isang

seryosong bagay, sapagkat nagpapayo ang Bibliya: “Ang asa-

wang babae ay hindi dapat humiwalay sa kaniyang asawa;

. . . at hindi dapat iwan ng asawang lalaki ang kaniyang asa-

wa.” (1 Corinto 7:10, 11) At tanging ang pakikiapid ng isa

sa kanila ang maka-Kasulatang saligan para sa diborsiyo.

—Mateo 19:9.

ISANG SAKDAL NA HALIMBAWAPARA SA MGA MAGULANG

14 Nagpakita si Jesus ng sakdal na halimbawa para sa mga

magulang sa paraan ng pakikitungo niya sa mga bata. Nang

sikapin ng ilan na hadlangan ang maliliit na bata sa pagla-

pit kay Jesus, sinabi niya: “Hayaan ninyong lumapit sa akin

ang mga bata; huwag ninyo silang tangkaing pigilan.” Sina-

sabi ng Bibliya na pagkatapos nito ay “kinuha niya sa kani-

yang mga bisig ang mga bata at pinasimulan silang pagpa-

lain, na ipinapatong sa kanila ang kaniyang mga kamay.”

(Marcos 10:13-16) Yamang naglaan ng panahon si Jesus

para sa maliliit na bata, hindi ba’t gayundin ang dapat mong

gawin para sa iyong mga anak? Kailangan nila ang mala-

king panahon mo at hindi ang tira-tira lamang. Kailangan

mong maglaan ng panahon para turuan sila, yamang iyan

14. Paano pinakitunguhan ni Jesus ang mga bata, at ano ang kailangan ng mgabata mula sa kanilang mga magulang?

178 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

ang itinagubilin ni Jehova na dapat gawin ng mga magu-

lang.—Deuteronomio 6:4-9.15 Habang lalong sumasam

ˆa ang daigdig na ito, kailangan

ng mga anak ang mga magulang na magsasanggalang sa ka-

nila mula sa mga taong nagsisikap na saktan sila, gaya ng

mga seksuwal na nang-aabuso ng mga bata. Isaalang-alang

kung paano ipinagsanggalang ni Jesus ang kaniyang mga

alagad, na magiliw niyang tinawag na “mumunting mga

anak.” Nang siya ay arestuhin at malapit nang patayin, gu-

mawa ng paraan si Jesus para makatakas sila. (Juan 13:33;

18:7-9) Bilang magulang, kailangan mong maging alisto sa

mga pagtatangka ng Diyablo na pinsalain ang iyong malili-

it na anak. Kailangan mo silang bigyan ng patiunang baba-

la.� (1 Pedro 5:8) Nanganganib ang kanilang pisikal, espiri-

tuwal, at moral na kaligtasan higit kailanman.16 Noong gabi bago mamatay si Jesus, nagtalo ang kani-

yang mga alagad kung sino sa kanila ang mas dakila. Sa ha-

lip na magalit sa kanila, patuloy na namanhik sa kanila si

Jesus sa maibiging paraan sa pamamagitan ng salita at ha-

limbawa. (Lucas 22:24-27; Juan 13:3-8) Kung ikaw ay isang

� Masusumpungan ang tulong sa pagsasanggalang sa mga bata sa kabana-ta 32 ng aklat na Matuto Mula sa Dakilang Guro, na inilathala ng mga Saksini Jehova.

15. Ano ang magagawa ng mga magulang upang ipagsanggalang ang kanilangmga anak?

16. Ano ang matututuhan ng mga magulang sa paraan ng pakikitungo ni Jesussa di-kasakdalan ng kaniyang mga alagad?

Kung Paano Magiging Maligaya ang Iyong Buhay Pampamilya 179

magulang, nakikita mo ba kung paano mo matutularan ang

halimbawa ni Jesus sa iyong paraan ng pagtutuwid sa iyong

mga anak? Totoo, kailangan nila ang disiplina, ngunit dapat

itong gawin sa “wastong antas” at hindi kailanman sa galit.

Hindi mo gugustuhing magsalita nang padalus-dalos na

“gaya ng mga saksak ng tabak.” (Jeremias 30:11; Kawikaan

12:18) Ang disiplina ay dapat ilapat sa paraang makikita ng

iyong anak sa dakong huli na angkop ito.—Efeso 6:4; He-

breo 12:9-11.

ISANG HUWARAN PARA SA MGA BATA17 May matututuhan ba ang mga bata kay Jesus? Oo! Sa

pamamagitan ng kaniyang sariling halimbawa, ipinakita ni

Jesus kung paano dapat sumunod ang mga anak sa kani-

lang mga magulang. “Kung ano ang itinuro sa akin ng

Ama,” ang sabi niya, “ito ang . . . sinasalita ko.” Idinagdag

pa niya: “Lagi kong ginagawa ang mga bagay na kalugud-

lugod sa kaniya.” (Juan 8:28, 29) Si Jesus ay masunurin sa

kaniyang makalangit na Ama, at sinasabi ng Bibliya sa

mga anak na sundin ang kanilang mga magulang. (Efeso

6:1-3) Bagaman isang sakdal na bata si Jesus, sinunod niya

ang kaniyang mga magulang na tao, sina Jose at Maria,

na mga di-sakdal. Tiyak na nakapagdulot ito ng kaligayahan

sa bawat miyembro ng pamilya ni Jesus!—Lucas 2:4, 5,

51, 52.

17. Sa anu-anong paraan nagpakita si Jesus ng sakdal na halimbawa para samga bata?

180 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

18 Maaari bang humanap ng mga paraan ang mga anak

upang higit nilang matularan si Jesus at sa gayo’y mapali-

gaya ang kanilang mga magulang? Totoo, maaaring nahihi-

rapan kung minsan ang mga kabataan na sundin ang kani-

lang mga magulang, ngunit iyan ang nais ng Diyos na gawin

ng mga anak. (Kawikaan 1:8; 6:20) Laging sinusunod ni Je-

sus ang kaniyang makalangit na Ama, maging sa ilalim ng

mahihirap na kalagayan. Minsan, nang kalooban ng Diyos

na gawin ni Jesus ang isang bagay na talagang mahirap, si-

nabi ni Jesus: “Alisin mo sa akin ang kopang ito [isang par-

tikular na kahilingan].” Magkagayunman, ginawa ni Jesus

ang hiniling ng Diyos, dahil naunawaan niya na alam ng ka-

niyang Ama kung ano ang pinakamabuti para sa kaniya.

(Lucas 22:42) Kapag natutong sumunod ang mga anak, ma-

paliligaya nila nang husto ang kanilang mga magulang at

ang kanilang makalangit na Ama.�—Kawikaan 23:22-25.19 Tinukso ng Diyablo si Jesus, at makatitiyak tayo na tu-

tuksuhin din niya ang mga kabataan na gumawa ng mali.

(Mateo 4:1-10) Ginagamit ni Satanas na Diyablo ang pang-

gigipit ng mga kasamahan, na maaaring mahirap labanan.

� Ang tanging pagkakataon na maaaring suwayin ng isang bata ang kani-yang mga magulang ay kung hihilingin ng mga ito sa kaniya na labagin angkautusan ng Diyos.—Gawa 5:29.

18. Bakit laging sinusunod ni Jesus ang kaniyang makalangit na Ama, at sinoang maligaya kapag sinusunod ng mga anak ang kanilang mga magulang sa nga-yon?19. (a) Paano tinutukso ni Satanas ang mga bata? (b) Ano ang maaaring magingepekto sa mga magulang ng masamang paggawi ng mga anak?

Kung Paano Magiging Maligaya ang Iyong Buhay Pampamilya 181

Kung gayon, napakahalaga nga na huwag makisama ang

mga bata sa mga gumagawa ng masama! (1 Corinto 15:33)

Nakisama ang anak na babae ni Jacob na si Dina sa mga

hindi mananamba ni Jehova, at humantong ito sa maraming

problema. (Genesis 34:1, 2) Isipin kung paano maaaring ma-

saktan ang pamilya kung ang isa sa mga miyembro nito ay

masangkot sa seksuwal na imoralidad!—Kawikaan 17:21, 25.

ANG SUSI NG KALIGAYAHAN SA PAMILYA20 Mas madaling harapin ang mga problema sa pamilya ka-

pag ikinakapit ang payo ng Bibliya. Sa katunayan, ang pag-

kakapit ng gayong payo ang susi ng kaligayahan sa pamilya.

Kaya mga asawang lalaki, ibigin ninyo ang inyong asawa, at

pakitunguhan siya gaya ng pakikitungo ni Jesus sa kongre-

gasyon. Mga asawang babae, magpasakop sa pagkaulo ng in-

yong asawa, at tularan ang halimbawa ng may-kakayahang

asawang babae na inilarawan sa Kawikaan 31:10-31. Mga

magulang, sanayin ang inyong mga anak. (Kawikaan 22:6)

Mga ama, ‘mamuno kayo sa inyong sariling sambahayan sa

mahusay na paraan.’ (1 Timoteo 3:4, 5; 5:8) At mga anak,

sundin ang inyong mga magulang. (Colosas 3:20) Walang si-

numan sa pamilya ang sakdal, dahil lahat ay nagkakamali.

Kaya maging mapagpakumbaba, anupat humihingi ng kapa-

tawaran sa isa’t isa.

20. Upang matamasa ang maligayang buhay pampamilya, ano ang dapat gawinng bawat miyembro ng pamilya?

182 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

21 Tunay na naglalaman ang Bibliya ng saganang kapaki-

pakinabang na payo at tagubilin hinggil sa buhay pampa-

milya. Bukod diyan, itinuturo nito sa atin ang tungkol sa

bagong sanlibutan ng Diyos at isang makalupang paraiso na

punˆ

o ng maliligayang tao na sumasamba kay Jehova. (Apo-

calipsis 21:3, 4) Talaga ngang kamangha-manghang pag-asa

ang naghihintay! Kahit ngayon, matatamasa natin ang mali-

gayang buhay pampamilya kung ating ikakapit ang mga ta-

gubilin ng Diyos na makikita sa kaniyang Salita, ang Bi-

bliya.

21. Anong kamangha-manghang pag-asa ang naghihintay, at paano tayo maka-pagtatamasa ng maligayang buhay pampamilya ngayon?

KUNG ANO ANG ITINUTURO NG BIBLIYA

ˇ Dapat ibigin ng mga asawang lalaki ang kani-kanilang asawa gaya ng pag-ibig nila sa kanilangsariling katawan.—Efeso 5:25-29.

ˇ Dapat ibigin ng mga asawang babae ang kanilangpamilya at igalang ang kani-kanilang asawa.—Tito 2:4, 5.

ˇ Kailangang ibigin, turuan, at ipagsanggalangng mga magulang ang kanilang mga anak.—Deuteronomio 6:4-9.

ˇ Kailangang sundin ng mga anak ang kanilangmga magulang.—Efeso 6:1-3.

Kung Paano Magiging Maligaya ang Iyong Buhay Pampamilya 183

LUBHANG nagmamalasakit sa atin ang Diyos na Jehova at

nais niyang makinabang tayo mula sa kaniyang maibiging pat-

nubay. Kung sasambahin natin siya sa tamang paraan, magi-

ging maligaya tayo at maiiwasan ang maraming problema sa

buhay. Matatamo rin natin ang kaniyang pagpapala at tu-

long. (Isaias 48:17) Gayunman, daan-daang relihiyon ang nag-

aangking itinuturo nila ang katotohanan tungkol sa Diyos.

Subalit malaki ang pagkakaiba ng kani-kanilang mga turo

hinggil sa kung sino ang Diyos at kung ano ang inaasahan

niya sa atin.2 Paano mo malalaman ang tamang paraan ng pagsamba

kay Jehova? Hindi mo na kailangang pag-aralan at paghambi-

hambingin ang mga turo ng lahat ng relihiyon. Ang kailangan

1. Paano tayo makikinabang kung sasambahin natin ang Diyos sa tamang pa-raan?2. Paano natin matututuhan ang tamang paraan ng pagsamba kay Jehova, atanong ilustrasyon ang tumutulong sa atin na maunawaan ito?

KABANATA 15

Ang PagsambangSinasang-ayunan ng Diyos

Kalugud-lugod ba sa Diyos ang lahat ng relihiyon?

Paano natin makikilala ang tunay na relihiyon?

Sinu-sino ang tunay na mga mananamba ng Diyossa lupa sa ngayon?

184 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

mo lamang alamin ay kung ano talaga ang itinuturo ng Bibli-

ya tungkol sa tunay na pagsamba. Bilang paglalarawan: Sa

maraming lupain, problema ang pekeng salapi. Kung ibinigay

sa iyo ang trabaho na kilalanin ang gayong pekeng salapi, pa-

ano mo gagawin ito? Sa pamamagitan ba ng pagsasaulo sa

hitsura ng bawat uri ng pekeng salapi? Hindi. Mas mabuti

pang gugulin mo ang iyong panahon para pag-aralan ang tu-

nay na salapi. Kapag alam mo na kung ano ang hitsura ng tu-

nay na salapi, makikilala mo na kung ano ang peke. Sa katu-

lad na paraan, kapag natutuhan natin kung paano makikilala

ang tunay na relihiyon, malalaman na natin kung anong mga

relihiyon ang huwad.

3 Mahalaga na sambahin natin si Jehova sa paraang sina-

sang-ayunan niya. Naniniwala ang maraming tao na lahat ng

relihiyon ay kalugud-lugod sa Diyos, ngunit hindi iyan ang iti-

nuturo ng Bibliya. Ni hindi nga sapat ang basta sabihin ng

isang tao na siya ay isang Kristiyano. Sinabi ni Jesus: “Hindi

ang bawat nagsasabi sa akin, ‘Panginoon, Panginoon,’ ay pa-

pasok sa kaharian ng langit, kundi ang isa na gumagawa ng

kalooban ng aking Ama na nasa langit.” Kung gayon, para

matamo ang pagsang-ayon ng Diyos, kailangan nating matu-

tuhan kung ano ang hinihiling ng Diyos sa atin at gawin ito.

Tinawag ni Jesus ang mga hindi gumagawa ng kalooban ng

3. Ayon kay Jesus, ano ang dapat nating gawin kung nais nating matamo ang pag-sang-ayon ng Diyos?

Ang Pagsambang Sinasang-ayunan ng Diyos 185

Diyos na “mga manggagawa ng katampalasanan.” (Mateo

7:21-23) Tulad ng pekeng salapi, wala talagang halaga ang hu-

wad na relihiyon. Masaklap pa nito, totoong nakapipinsala

ang gayong relihiyon.

4 Binibigyan ni Jehova ng pagkakataon ang lahat ng nasa

lupa na magtamo ng buhay na walang hanggan. Ngunit upang

mabuhay magpakailanman sa Paraiso, kailangan nating sam-

bahin ang Diyos sa wastong paraan at mamuhay ngayon sa

paraang kaayaaya sa kaniya. Nakalulungkot, marami ang tu-

matangging gawin ito. Iyan ang dahilan kung kaya sinabi ni

Jesus: “Pumasok kayo sa makipot na pintuang-daan; sapag-

kat malapad at maluwang ang daan na umaakay patungo sa

pagkapuksa, at marami ang mga pumapasok dito; samanta-

lang makipot ang pintuang-daan at masikip ang daan na uma-

akay patungo sa buhay, at kakaunti ang mga nakasusumpong

nito.” (Mateo 7:13, 14) Ang tunay na relihiyon ay umaakay sa

buhay na walang hanggan. Ang huwad na relihiyon ay umaa-

kay sa pagkapuksa. Ayaw ni Jehova na mapuksa ang sinumang

tao, at iyan ang dahilan kung bakit binibigyan niya ang

mga tao sa lahat ng dako ng pagkakataong matuto tungkol sa

kaniya. (2 Pedro 3:9) Kung gayon, ang paraan ng ating pag-

samba sa Diyos ay nangangahulugan ng ating buhay o kama-

tayan.

4. Ano ang kahulugan ng mga salita ni Jesus hinggil sa dalawang daan, at saanumaakay ang bawat isa sa mga daang ito?

186 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

KUNG PAANO MAKIKILALAANG TUNAY NA RELIHIYON

5 Paano ba masusumpungan ang ‘daan patungo sa buhay’?

Sinabi ni Jesus na ang tunay na relihiyon ay makikita sa bu-

hay ng mga tao na nagsasagawa nito. “Sa kanilang mga bu-

nga ay makikilala ninyo sila,” ang sabi niya. “Bawat mabu-

ting punungkahoy ay nagluluwal ng mainam na bunga.”

(Mateo 7:16, 17) Sa ibang pananalita, makikilala ang mga

nagsasagawa ng tunay na relihiyon sa kanilang mga panini-

wala at paggawi. Bagaman hindi sila sakdal at nakagagawa ng

mga pagkakamali, ang tunay na mga mananamba bilang isang

grupo ay nagsisikap na gawin ang kalooban ng Diyos. Isaa-

lang-alang natin ang anim na aspekto na nagpapakilala sa

mga nagsasagawa ng tunay na relihiyon.

6 Ibinabatay ng mga lingkod ng Diyos sa Bibliya ang kanilang

mga turo. Sinasabi mismo ng Bibliya: “Ang lahat ng Kasula-

tan ay kinasihan ng Diyos at kapaki-pakinabang sa pagtutu-

ro, sa pagsaway, sa pagtutuwid ng mga bagay-bagay, sa pag-

didisiplina sa katuwiran, upang ang tao ng Diyos ay maging

lubos na may kakayahan, lubusang nasangkapan ukol sa ba-

wat mabuting gawa.” (2 Timoteo 3:16, 17) Sumulat si apostol

Pablo sa kaniyang mga kapuwa Kristiyano: “Nang tanggapin

ninyo ang salita ng Diyos, na inyong narinig mula sa amin,

5. Paano natin makikilala ang mga nagsasagawa ng tunay na relihiyon?

6, 7. Paano itinuturing ng mga lingkod ng Diyos ang Bibliya, at paano nagpaki-ta ng halimbawa si Jesus hinggil sa bagay na ito?

Ang Pagsambang Sinasang-ayunan ng Diyos 187

tinanggap ninyo ito, hindi bilang salita ng mga tao, kundi,

gaya ng kung ano nga ito sa totoo, bilang ang salita ng Diyos.”

(1 Tesalonica 2:13) Kaya naman, ang mga paniniwala at mga

gawain ng tunay na relihiyon ay hindi batay sa mga pangma-

las o tradisyon ng tao. Nagmumula ang mga ito sa kinasihang

Salita ng Diyos, ang Bibliya.7 Nagpakita si Jesu-Kristo ng wastong halimbawa sa pama-

magitan ng pagtuturo niya batay sa Salita ng Diyos. Sa pana-

langin sa kaniyang makalangit na Ama, sinabi niya: “Ang

iyong salita ay katotohanan.” (Juan 17:17) Naniniwala si Je-

sus sa Salita ng Diyos, at ang lahat ng kaniyang itinuro ay

alinsunod sa Kasulatan. Madalas sabihin ni Jesus: “Nasusu-

lat.” (Mateo 4:4, 7, 10) Pagkatapos ay sisipiin ni Jesus ang

isang kasulatan. Sa katulad na paraan, ang bayan ng Diyos sa

ngayon ay hindi nagtuturo ng kanilang sariling mga ideya. Na-

ANG MGA SUMASAMBA SA TUNAY NA DIYOS AY

ˇ gumagamit ng Bibliya bilang batayan ng kanilangmga turo

ˇ sumasamba lamang kay Jehova at ipinakikilala nilaang kaniyang pangalan

ˇ nagpapakita ng tunay napag-ibig sa isa’t isaˇ tumatanggap kay Jesus bilang ang paraan ng Diyos

para sa kaligtasanˇ hindi bahagi ng sanlibutanˇ nangangaral na ang Kaharian ng Diyos ang tanging

pag-asa ng tao

188 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

niniwala sila na ang Bibliya ay Salita ng Diyos, at matatag ni-

lang ibinabatay ang kanilang mga turo sa sinasabi nito.8 Si Jehova lamang ang sinasamba ng mga nagsasagawa ng tu-

nay na relihiyon at ipinakikilala nila ang kaniyang pangalan.

Ipinahayag ni Jesus: “Si Jehova na iyong Diyos ang sasamba-

hin mo, at sa kaniya ka lamang mag-uukol ng sagradong pag-

lilingkod.” (Mateo 4:10) Kaya naman, si Jehova lamang ang

sinasamba ng mga lingkod ng Diyos. Bahagi ng pagsambang

ito ang pagsasabi sa mga tao kung ano ang pangalan ng tu-

nay na Diyos at kung anong uri siya ng Diyos. Sinasabi ng

Awit 83:18: “Ikaw, na ang pangalan ay Jehova, ikaw lamang

ang Kataas-taasan sa buong lupa.” Nagpakita si Jesus ng pa-

risan sa pagtulong sa iba na makilala ang Diyos, gaya ng si-

nabi niya sa panalangin: “Inihayag ko ang iyong pangalan sa

mga taong ibinigay mo sa akin mula sa sanlibutan.” (Juan

17:6) Sa katulad na paraan, itinuturo sa iba ng tunay na mga

mananamba sa ngayon ang tungkol sa pangalan ng Diyos, sa

kaniyang layunin, at sa kaniyang mga katangian.9 Ang bayan ng Diyos ay nagpapakita ng tunay at di-mapag-

imbot na pag-ibig sa isa’t isa. Sinabi ni Jesus: “Sa ganito

malalaman ng lahat na kayo ay aking mga alagad, kung

kayo ay may pag-ibig sa isa’t isa.” (Juan 13:35) May ga-

yong pag-ibig ang sinaunang mga Kristiyano para sa isa’t

8. Ano ang nasasangkot sa pagsamba kay Jehova?9, 10. Sa anu-anong paraan nagpapakita ng pag-ibig sa isa’t isa ang tunay namga Kristiyano?

Ang Pagsambang Sinasang-ayunan ng Diyos 189

isa. Napagtatagumpayan ng makadiyos na pag-ibig ang mga

hadlang dahil sa lahi, katayuan sa lipunan, at hangganan ng

mga bansa at pinagbubuklod ang mga tao sa isang di-napa-

patid na bigkis ng tunay na kapatiran. (Colosas 3:14) Walang

gayong maibiging kapatiran ang mga miyembro ng huwad na

relihiyon. Paano natin nalaman iyan? Pinapatay nila ang isa’t

isa dahil sa pambansa o pang-etnikong mga di-pagkakauna-

waan. Ang tunay na mga Kristiyano ay hindi humahawak ng

sandata para patayin ang kanilang mga kapatid na Kristiya-

no o ang iba pa. Sinasabi ng Bibliya: “Ang mga anak ng Diyos

at ang mga anak ng Diyablo ay makikilala dahil sa bagay na

ito: Ang bawat isa na hindi nagpapatuloy sa paggawa ng ka-

tuwiran ay hindi nagmumula sa Diyos, ni siya man na hindi

umiibig sa kaniyang kapatid. . . . Dapat tayong magkaroon

ng pag-ibig sa isa’t isa; hindi tulad ni Cain, na nagmula sa isa

na balakyot at pumatay sa kaniyang kapatid.”—1 Juan 3:10-

12; 4:20, 21.10 Siyempre pa, ang tunay na pag-ibig ay nangangahulugan

ng higit pa kaysa sa basta hindi pagpatay sa iba. Walang pag-

iimbot na ginagamit ng tunay na mga Kristiyano ang kani-

lang panahon, lakas, at ari-arian para tulungan at patibayin

ang isa’t isa. (Hebreo 10:24, 25) Tinutulungan nila ang isa’t

isa sa panahon ng kapighatian, at tapat silang makitungo sa

iba. Sa katunayan, ikinakapit nila sa kanilang buhay ang payo

ng Bibliya na ‘gumawa ng mabuti sa lahat.’—Galacia 6:10.

190 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

11 Tinatanggap ng tunay na mga Kristiyano si Jesu-Kristo bi-

lang ang paraan ng Diyos para sa kaligtasan. Sinasabi ng Bibli-

ya: “Walang kaligtasan sa kanino pa man, sapagkat walang

ibang pangalan sa silong ng langit na ibinigay sa mga tao na

siya nating dapat ikaligtas.” (Gawa 4:12) Gaya ng nakita na-

tin sa Kabanata 5, ibinigay ni Jesus ang kaniyang buhay bi-

lang pantubos sa masunuring mga tao. (Mateo 20:28) Bukod

diyan, si Jesus ang hinirang ng Diyos upang maging Hari sa

makalangit na Kaharian na mamamahala sa buong lupa. At

hinihiling ng Diyos na sundin natin si Jesus at ikapit ang ka-

niyang mga turo kung nais natin ng buhay na walang hang-

gan. Kaya sinasabi ng Bibliya: “Siya na nananampalataya sa

Anak ay may buhay na walang hanggan; siya na sumusuway

sa Anak ay hindi makakakita ng buhay.”—Juan 3:36.12 Ang tunay na mga mananamba ay hindi bahagi ng sanlibu-

tan. Nang litisin sa harap ng Romanong tagapamahala na si

Pilato, sinabi ni Jesus: “Ang kaharian ko ay hindi bahagi ng

sanlibutang ito.” (Juan 18:36) Saanmang bansa sila nakatira,

ang tunay na mga tagasunod ni Jesus ay mga sakop ng kani-

yang makalangit na Kaharian kung kaya mahigpit silang na-

nanatiling neutral sa pulitikal na mga gawain ng sanlibutan.

Hindi sila nakikibahagi sa mga alitan nito. Gayunman, ang

mga mananamba ni Jehova ay hindi nakikialam kung piliin

11. Bakit mahalaga na tanggapin si Jesu-Kristo bilang ang paraan ng Diyos parasa kaligtasan?

12. Ano ang nasasangkot sa pagiging hindi bahagi ng sanlibutan?

Ang Pagsambang Sinasang-ayunan ng Diyos 191

man ng iba na sumali sa isang partido pulitikal, kumandida-

to, o bumoto. At bagaman neutral ang tunay na mga mana-

namba ng Diyos pagdating sa pulitika, sila naman ay masu-

nurin sa batas. Bakit? Dahil inuutusan sila ng Salita ng Diyos

na “magpasakop” sa “nakatataas na mga awtoridad” ng go-

byerno. (Roma 13:1) Kapag may pagkakasalungatan sa hini-

hiling ng Diyos at hinihiling ng pulitikal na sistema, tinutu-

laran ng tunay na mga mananamba ang mga apostol, na

nagsabi: “Dapat naming sundin ang Diyos bilang tagapama-

hala sa halip na mga tao.”—Gawa 5:29; Marcos 12:17.13 Ipinangangaral ng tunay na mga tagasunod ni Jesus na ang

Kaharian ng Diyos ang tanging pag-asa ng sangkatauhan. Inihu-

la ni Jesus: “Ang mabuting balitang ito ng kaharian ay ipanga-

ngaral sa buong tinatahanang lupa bilang patotoo sa lahat ng

mga bansa; at kung magkagayon ay darating ang wakas.” (Ma-

teo 24:14) Sa halip na himukin ang mga tao na umasa sa mga

tagapamahalang tao para lutasin ang kanilang mga problema,

inihahayag ng tunay na mga tagasunod ni Jesu-Kristo ang ma-

kalangit na Kaharian ng Diyos bilang ang tanging pag-asa ng

sangkatauhan. (Awit 146:3) Tinuruan tayo ni Jesus na idala-

ngin ang sakdal na pamahalaang iyan nang sabihin niya: “Du-

mating nawa ang iyong kaharian. Mangyari nawa ang iyong

kalooban, kung paano sa langit, gayundin sa lupa.” (Mateo

6:10) Inihula ng Salita ng Diyos na “dudurugin [ng makala-

13. Ano ang pangmalas ng tunay na mga tagasunod ni Jesus sa Kaharian ngDiyos, at ano ang ginagawa nila dahil dito?

192 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

ngit na Kahariang ito] at wawakasan ang lahat ng mga kaha-

riang ito [na umiiral ngayon], at iyon ay mananatili hanggang

sa mga panahong walang takda.”—Daniel 2:44.14 Salig sa tinalakay natin, tanungin ang iyong sarili: ‘Anong

relihiyosong grupo ang gumagamit ng Bibliya bilang batayan

ng lahat ng kanilang turo at nagpapakilala sa pangalan ni Je-

hova? Anong grupo ang nagpapakita ng makadiyos na pag-

ibig, nananampalataya kay Jesus, hindi bahagi ng sanlibutan,

at naghahayag na ang Kaharian ng Diyos ang tanging pag-asa

ng sangkatauhan? Sa lahat ng relihiyosong grupo sa lupa, alin

ang nakatutugon sa lahat ng kahilingang ito?’ Maliwanag na

ipinakikita ng katotohanan na ang grupong ito ay ang mga

Saksi ni Jehova.—Isaias 43:10-12.

ANO ANG GAGAWIN MO?15 Ang basta paniniwala sa Diyos ay hindi sapat para mapa-

lugdan siya. Sa katunayan, sinasabi ng Bibliya na maging ang

mga demonyo ay naniniwala na umiiral ang Diyos. (Santiago

2:19) Gayunman, maliwanag na hindi nila ginagawa ang ka-

looban ng Diyos at hindi niya sila sinasang-ayunan. Upang

sang-ayunan ng Diyos, hindi lamang tayo dapat maniwala na

umiiral siya kundi kailangan din nating gawin ang kaniyang

kalooban. Kailangan din nating humiwalay sa huwad na pag-

samba at malugod na tanggapin ang tunay na pagsamba.

14. Sa palagay mo, anong relihiyosong grupo ang nakatutugon sa mga kahilinganng tunay na pagsamba?15. Ano pa ang hinihiling ng Diyos bukod sa basta paniniwalang umiiral siya?

Ang Pagsambang Sinasang-ayunan ng Diyos 193

16 Ipinakita ni apostol Pablo na hindi tayo dapat makibaha-

gi sa huwad na pagsamba. Sumulat siya: “ ‘Lumabas kayo

mula sa kanila, at humiwalay kayo,’ sabi ni Jehova, ‘at tigilan

na ninyo ang paghipo sa maruming bagay’; ‘at tatanggapin ko

kayo.’ ” (2 Corinto 6:17; Isaias 52:11) Kaya iniiwasan ng tunay

na mga Kristiyano ang anumang may kaugnayan sa huwad na

pagsamba.17 Ipinakikita ng Bibliya na lahat ng anyo ng huwad na re-

lihiyon ay bahagi ng “Babilonyang Dakila.”� (Apocalipsis

17:5) Ang pangalang iyan ay nagpapaalaala sa atin hinggil sa

sinaunang lunsod ng Babilonya, kung saan nagsimula ang hu-

wad na relihiyon pagkatapos ng Baha noong panahon ni Noe.

Maraming turo at kaugalian na karaniwan ngayon sa huwad

na relihiyon ang nagsimula noon pa man sa Babilonya. Ha-

limbawa, sinasamba ng mga Babilonyo ang trinidad, o tatlu-

hang diyos. Sa ngayon, ang pangunahing doktrina ng ma-

raming relihiyon ay ang Trinidad. Ngunit maliwanag na

itinuturo ng Bibliya na mayroon lamang iisang tunay na

Diyos, si Jehova, at na si Jesu-Kristo ang kaniyang Anak.

(Juan 17:3) Naniniwala rin ang mga Babilonyo na ang mga

tao ay may imortal na kaluluwa na nananatiling buhay pag-

� Para sa higit na impormasyon kung bakit kumakatawan ang BabilonyangDakila sa pandaigdig na imperyo ng huwad na relihiyon, tingnan ang Apen-dise, pahina 281-3.

16. Kung tungkol sa pakikibahagi sa huwad na relihiyon, ano ang dapat gawin?17, 18. Ano ang “Babilonyang Dakila,” at bakit apurahan na “lumabas . . . sakaniya”?

194 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

kamatay ng katawan at maaaring magdusa ang kaluluwang ito

sa isang dako ng pagpapahirap. Sa ngayon, itinuturo ng kara-

mihan sa mga relihiyon ang paniniwala sa imortal na kalulu-

wa o espiritu na maaaring magdusa sa apoy ng impiyerno.18 Yamang lumaganap sa buong lupa ang sinaunang pag-

samba ng mga Babilonyo, ang makabagong Babilonyang Da-

kila ay maaaring angkop na ipakilala bilang ang pandaigdig

na imperyo ng huwad na relihiyon. At inihula ng Diyos na

ang imperyong ito ng huwad na relihiyon ay biglang magwa-

wakas. (Apocalipsis 18:8) Nakikita mo ba kung bakit napaka-

halaga na ihiwalay mo ang iyong sarili sa lahat ng pitak ng

Babilonyang Dakila? Nais ng Diyos na Jehova na “lumabas

[ka agad] sa kaniya” habang may panahon pa.—Apocalipsis

18:4.19 Dahil sa iyong desisyon na tumigil sa pagsasagawa ng hu-

wad na relihiyon, baka ipasiya ng ilan na huwag nang maki-

sama sa iyo. Gayunman, sa paglilingkod kay Jehova kasama

ng kaniyang bayan, di-hamak na mas malaki ang makakamit

mo kaysa sa maaaring mawala sa iyo. Gaya ng sinaunang mga

alagad ni Jesus na iniwan ang ibang bagay para sumunod sa

kaniya, magkakaroon ka ng maraming espirituwal na kapatid.

Magiging bahagi ka ng isang malaki at pandaigdig na pa-

milya ng milyun-milyong tunay na Kristiyano, na nagpapa-

kita ng tunay na pag-ibig sa iyo. At magkakaroon ka ng

19. Ano ang makakamit mo sa paglilingkod kay Jehova?

Ang Pagsambang Sinasang-ayunan ng Diyos 195

kapana-panabik na pag-asang mabuhay magpakailanman “sa

darating na sistema ng mga bagay.” (Marcos 10:28-30) Mara-

hil sa kalaunan, ang mga tumalikod sa iyo dahil sa mga pa-

niniwala mo ay magbigay-pansin din sa itinuturo ng Bibli-

ya at maging mga mananamba ni Jehova.20 Itinuturo ng Bibliya na malapit nang wakasan ng Diyos

ang masamang sistemang ito ng mga bagay at hahalinhan ito

ng isang matuwid na bagong sanlibutan sa ilalim ng pamama-

hala ng kaniyang Kaharian. (2 Pedro 3:9, 13) Tunay ngang ma-

giging isang kamangha-manghang sanlibutan iyon! At sa ma-

tuwid na bagong sanlibutang iyon, magkakaroon na lamang

ng iisang relihiyon, isang tunay na anyo ng pagsamba. Hindi

ba’t katalinuhan para sa iyo na gumawa na ngayon ng kina-

kailangang mga hakbang upang makisama sa tunay na mga

mananamba?

20. Anong kinabukasan ang naghihintay sa mga nagsasagawa ng tunay na relihi-yon?

KUNG ANO ANG ITINUTURO NG BIBLIYA

ˇ Iisa lamang ang tunay na relihiyon.—Mateo 7:13, 14.

ˇ Makikilala ang tunay na relihiyon sa mga turoat gawain nito.—Mateo 7:16, 17.

ˇ Isinasagawa ng mga Saksi ni Jehova ang pagsambana sinasang-ayunan ng Diyos.—Isaias 43:10.

196 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

IPAGPALAGAY na nalaman mong may palihim na nagta-

tapon ng nakalalasong basura sa inyong pamayanan. Dahil

dito, nanganganib ngayon ang buhay ng mga tao sa in-

yong lugar. Ano ang gagawin mo? Tiyak na lalayo ka hang-

ga’t maaari. Ngunit kahit na nagawa mo na iyan, mapapa-

harap ka pa rin sa seryosong tanong na ito, ‘Nalason kaya

ako?’2 Ganiyan din ang kalagayan kung tungkol sa huwad na

relihiyon. Itinuturo ng Bibliya na ang gayong pagsamba ay

nahawahan ng maruruming turo at mga kaugalian. (2 Co-

rinto 6:17) Iyan ang dahilan kung bakit mahalaga na luma-

bas ka sa “Babilonyang Dakila,” ang pandaigdig na imperyo

1, 2. Ano ang dapat mong itanong sa iyong sarili pagkatapos mong iwan ang hu-wad na relihiyon, at sa palagay mo, bakit kaya ito mahalaga?

KABANATA 16

Manindigan Ka Para saTunay na Pagsamba

Ano ang itinuturo ng Bibliya hinggil sapaggamit ng mga imahen?

Ano ang pangmalas ng mga Kristiyano sarelihiyosong mga kapistahan?

Paano mo ipaliliwanag sa iba ang iyongmga paniniwala nang hindi sila masasaktan?

Manindigan Ka Para sa Tunay na Pagsamba 197

ng huwad na relihiyon. (Apocalipsis 18:2, 4) Ginawa mo na

ba ito? Kung oo, karapat-dapat kang papurihan. Ngunit hi-

git pa ang nasasangkot kaysa sa basta paghihiwalay ng iyong

sarili o pag-alis mula sa huwad na relihiyon. Pagkatapos

nito, dapat mong tanungin ang iyong sarili, ‘Mayroon pa

bang naiwang anumang bahid ng huwad na relihiyon sa

akin?’ Talakayin natin ang ilang halimbawa.

MGA IMAHEN AT PAGSAMBA SA MGA NINUNO3 Ang ilan ay matagal nang may mga imahen o dambana sa

kanilang tahanan. Totoo rin ba ito sa iyo? Kung oo, baka ma-

dama mo na kakatwa o mali na manalangin sa Diyos nang

walang gayong nakikitang pantulong. Baka napamahal na nga

sa iyo ang ilan sa mga bagay na ito. Ngunit ang Diyos ang

siyang magsasabi kung paano siya dapat sambahin, at itinu-

turo ng Bibliya na ayaw niyang gumamit tayo ng mga imahen.

(Exodo 20:4, 5; Awit 115:4-8; Isaias 42:8; 1 Juan 5:21) Kaya

maaari kang manindigan para sa tunay na pagsamba kung

sisirain mo ang anumang bagay na pag-aari mo na may kaug-

nayan sa huwad na pagsamba. Tiyak na ang dapat maging

pangmalas mo rito ay gaya ng pangmalas ni Jehova

—bilang isang bagay na “karima-rimarim.”—Deuteronomio

27:15.

3. (a) Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa paggamit ng mga imahen, at ba-kit maaaring nahihirapan ang ilan na tanggapin ang pangmalas ng Diyos? (b) Anoang dapat mong gawin sa anumang bagay na pag-aari mo na may kaugnayan sahuwad na pagsamba?

198 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

4 Ang pagsamba sa mga ninuno ay karaniwan din sa

maraming huwad na relihiyon. Bago natutuhan ang katoto-

hanan sa Bibliya, naniniwala ang ilan na ang mga patay ay

may malay sa isang di-nakikitang daigdig at na kaya nilang

tulungan o pinsalain ang mga nabubuhay. Marahil ay nagsi-

sikap ka noon nang husto para mapaglubag ang iyong nama-

tay na mga ninuno. Pero gaya ng natutuhan mo sa Kabana-

ta 6 ng aklat na ito, ang mga patay ay hindi na umiiral at

walang malay saanmang dako. Kaya naman, walang saysay

ang mga pagsisikap na makipagtalastasan sa kanila. Anu-

mang mensahe na waring nanggaling sa isang namatay nang

mahal sa buhay ay nagmula talaga sa mga demonyo. Kaya na-

man, pinagbawalan ni Jehova ang mga Israelita na sika-

ping makipag-usap sa mga patay o makibahagi sa anumang

anyo ng espiritismo.—Deuteronomio 18:10-12.

5 Kung ang paggamit ng mga imahen o pagsamba sa mga

ninuno ay bahagi ng dati mong paraan ng pagsamba, ano ang

maaari mong gawin? Basahin at bulay-bulayin mo ang mga

teksto sa Bibliya na nagpapakita kung ano ang pangmalas ng

Diyos sa mga bagay na ito. Araw-araw na idalangin kay Je-

hova ang iyong hangaring manindigan para sa tunay na

4. (a) Paano natin nalaman na walang saysay ang pagsamba sa mga ninuno?(b) Bakit pinagbawalan ni Jehova ang kaniyang bayan na makibahagi sa anumanganyo ng espiritismo?

5. Ano ang maaari mong gawin kung ang paggamit ng mga imahen o pagsambasa mga ninuno ay bahagi ng dati mong pagsamba?

Manindigan Ka Para sa Tunay na Pagsamba 199

pagsamba, at hilingin sa kaniya na tulungan kang mag-isip na

kagaya niya.—Isaias 55:9.

PASKO—HINDI IPINAGDIWANG NGSINAUNANG MGA KRISTIYANO

6 Ang pagsamba ng isang tao ay maaaring marumhan ng hu-

wad na relihiyon kung popular na mga kapistahan ang pag-

uusapan. Halimbawa, isaalang-alang ang Pasko. Ang Pasko

diumano’y nagpapagunita sa kapanganakan ni Jesu-Kristo,

at ipinagdiriwang ito ng halos lahat ng relihiyon na nag-

aangking Kristiyano. Gayunman, walang katibayan na ipinag-

diwang ng unang-siglong mga alagad ni Jesus ang gayong ka-

pistahan. Ganito ang sabi ng aklat na Sacred Origins of

Profound Things: “Sa loob ng dalawang siglo mula nang isi-

lang si Kristo, walang nakaaalam, at iilang tao lamang ang in-

teresado, kung kailan talaga siya isinilang.”7 Kahit na alam pa ng mga alagad ni Jesus ang eksaktong pe-

tsa ng kaniyang kapanganakan, hindi nila ito ipagdiriwang. Ba-

kit? Sapagkat, gaya ng sinabi ng The World Book Encyclopedia,

“itinuturing [ng sinaunang mga Kristiyano] na ang selebra-

syon ng kapanganakan ninuman ay isang kaugaliang pagano.”

Ang tanging pagdiriwang ng kaarawan na binanggit sa Bibli-

ya ay yaong sa dalawang tagapamahala na hindi sumasamba

kay Jehova. (Genesis 40:20; Marcos 6:21) Ipinagdiriwang din

ang mga kaarawan bilang pagpaparangal sa mga bathalang pa-

6, 7. (a) Ano ang diumano’y ginugunita sa Pasko, at ipinagdiwang ba ito ngunang-siglong mga tagasunod ni Jesus? (b) Saan nauugnay ang mga pagdiriwangng kaarawan noong panahon ng sinaunang mga alagad ni Jesus?

200 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

gano. Halimbawa, tuwing Mayo 24, ipinagdiriwang ng mga Ro-

mano ang kaarawan ng diyosang si Diana. Kinabukasan, ipi-

nagdiriwang naman nila ang kaarawan ng kanilang diyos-araw,

si Apolo. Samakatuwid, ang mga pagdiriwang ng kaarawan ay

nauugnay sa paganismo at hindi sa Kristiyanismo.8 May isa pang dahilan kung bakit hindi ipagdiriwang ng

unang-siglong mga Kristiyano ang kaarawan ni Jesus. Mala-

mang na alam ng mga alagad niya na ang mga pagdiriwang

ng kaarawan ay nauugnay sa pamahiin. Halimbawa, nanini-

wala ang maraming Griego at Romano noong sinaunang pa-

nahon na isang espiritu ang naroroon kapag isinisilang ang

isang tao at habang-buhay na ipagsasanggalang ng espiritu

ang taong iyon. “Ang espiritung ito ay may misteryosong ka-

ugnayan sa diyos na siyang may kaarawan sa [mismong] araw

kung kailan isinilang ang indibiduwal,” ang sabi ng aklat na

The Lore of Birthdays. Tiyak na hindi matutuwa si Jehova sa

anumang pagdiriwang na mag-uugnay kay Jesus sa pamahiin.

(Isaias 65:11, 12) Kung gayon, bakit ipinagdiriwang ng mara-

ming tao ang Pasko?

ANG PINAGMULAN NG PASKO9 Lumipas pa ang ilang daang taon mula nang mabuhay si

Jesus dito sa lupa bago sinimulang alalahanin ng mga tao ang

kaniyang kapanganakan tuwing Disyembre 25. Ngunit hindi

8. Ipaliwanag ang kaugnayan ng mga pagdiriwang ng kaarawan at ng pamahiin.9. Paano napili ang Disyembre 25 bilang petsa para ipagdiwang ang kapangana-kan ni Jesus?

Manindigan Ka Para sa Tunay na Pagsamba 201

iyan ang petsa ng kapanganakan ni Jesus, dahil lumilitaw na

nangyari ito sa buwan ng Oktubre.� Kaya bakit Disyembre 25

ang napili? Malamang na “nais ng [ilan na nag-angking Kris-

tiyano noong dakong huli] na ang petsa ay makasabay ng pa-

ganong kapistahang Romano na gumugunita sa ‘araw ng ka-

panganakan ng di-malupig na araw.’ ” (The New Encyclopædia

Britannica) Sa panahon ng taglamig, kung kailan waring pi-

nakamahina ang araw, nagdaraos ang mga pagano ng mga se-

remonya upang pabalikin ang pinagmumulang ito ng init at

liwanag mula sa malayong paglalakbay nito. Ang Disyem-

bre 25 ang inaakalang petsa ng pasimula ng pagbabalik nito.

Sa pagsisikap na makumberte ang mga pagano, tinanggap ng

relihiyosong mga lider ang kapistahang ito at sinikap na mag-

mukha itong “Kristiyano.”�10 Matagal nang alam na pagano ang pinagmulan ng Pas-

ko. Dahil sa di-makakasulatang pinagmulan nito, ipinagba-

wal ang Pasko sa Inglatera at sa ilang kolonya ng Amerika no-

ong ika-17 siglo. Pinagmulta pa nga ang sinumang hindi

magtrabaho sa araw ng Pasko. Gayunman, di-nagtagal at bu-

malik ang dating mga kaugalian, at nadagdagan pa ng ilang

bagong kaugalian. Muli na namang naging malaking kapista-

han ang Pasko, at nananatili itong gayon hanggang sa ngayon

� Tingnan ang Apendise, pahina 283-5.� Ang Saturnalia ay isa ring salik sa pagkakapili ng Disyembre 25. Ang kapis-

tahang ito na nagpaparangal sa Romanong diyos ng agrikultura ay ginaganaptuwing Disyembre 17-24. Ang piging, kasayahan, at pagbibigayan ng regalo aynagaganap sa panahon ng Saturnalia.

10. Bakit hindi nagdiriwang ng Pasko ang ilang tao noon?

202 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

sa maraming lupain. Subalit dahil sa mga kaugnayan ng Pas-

ko sa huwad na relihiyon, ang mga nagnanais palugdan ang

Diyos ay hindi nagdiriwang nito o ng anumang iba pang ka-

pistahan na nag-ugat sa pagsambang pagano.�

TALAGA BANG MAHALAGA KUNG SAANNAGMULA ANG MGA KAPISTAHAN?

11 Sumasang-ayon ang ilan na ang mga kapistahang gaya ng

Pasko ay may paganong pinagmulan, ngunit nadarama pa rin

nila na hindi naman maling ipagdiwang ang mga ito. Sa ka-

tunayan, hindi iniisip ng karamihan sa mga tao ang tungkol

sa huwad na pagsamba kapag ipinagdiriwang nila ang mga ka-

pistahan. Ang mga okasyong ito ay nagbibigay rin ng pagka-

kataon sa mga pamilya na magsama-sama. Ganiyan din ba

ang nadarama mo? Kung oo, malamang na pag-ibig sa pamil-

ya at hindi pag-ibig sa huwad na relihiyon ang waring nagpa-

pahirap sa iyo na manindigan para sa tunay na pagsamba.

Makaaasa ka na nais ni Jehova, ang isa na nagpasimula ng pa-

milya, na magkaroon ka ng mabuting kaugnayan sa iyong mga

kamag-anak. (Efeso 3:14, 15) Ngunit maaari mong patibayin

ang gayong mga buklod sa mga paraang sinasang-ayunan ng

Diyos. May kaugnayan sa bagay na dapat maging pangunahin

sa atin, sumulat si apostol Pablo: “Patuloy ninyong tiyakin

kung ano ang kaayaaya sa Panginoon.”—Efeso 5:10.

� Para sa pagtalakay kung ano ang pangmalas ng tunay na mga Kristiyano saiba pang popular na mga kapistahan, tingnan ang Apendise, pahina 285-7.

11. Bakit nagdiriwang ng kapistahan ang ilang tao, ngunit ano ang dapat magingpangunahin sa atin?

Manindigan Ka Para sa Tunay na Pagsamba 203

12 Maaaring nadarama mo na ang pinagmulan ng mga ka-

pistahan ay wala namang kaugnayan sa paraan ng pagdiri-

wang sa mga ito sa ngayon. Talaga bang mahalaga kung saan

nagmula ang mga kapistahan? Oo! Bilang paglalarawan: Ipag-

palagay na nakakita ka ng isang kendi sa kanal. Pupulutin mo

ba ang kending iyon at kakainin ito? Siyempre hindi! Maru-

mi ang kending iyon. Tulad ng kending iyon, ang mga kapis-

tahan ay waring kanais-nais, ngunit napulot ang mga ito sa

maruruming lugar. Upang makapanindigan para sa tunay

na pagsamba, kailangan nating magkaroon ng pangmalas

na kagaya ng kay propeta Isaias, na nagsabi sa tunay na mga

mananamba: “Huwag kayong humipo ng anumang bagay na

marumi.”—Isaias 52:11.

GUMAMIT NG KAUNAWAAN SA PAKIKITUNGO SA IBA13 Maaaring bumangon ang mga hamon kapag pinili mong

hindi makibahagi sa mga kapistahan. Halimbawa, baka mag-

taka ang mga katrabaho mo kung bakit hindi ka nakikisali sa

ilang gawaing may kaugnayan sa kapistahan sa iyong pinagta-

trabahuhan. Paano kung bigyan ka ng regalo sa Pasko? Mali

bang tanggapin ito? Paano kung hindi mo naman kapananam-

palataya ang iyong asawa? Ano ang maaari mong gawin upang

matiyak na hindi makadarama ang inyong mga anak na sila’y

pinagkakaitan dahil sa hindi pagdiriwang ng mga kapistahan?

12. Ilarawan kung bakit natin dapat iwasan ang mga kaugalian at mga pagdiri-wang na may masamang pinagmulan.13. Anong mga hamon ang maaaring bumangon kapag hindi ka nakikibahagi samga kapistahan?

204 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

14 Kailangan ang mahusay na pagpapasiya upang maunawa-

an kung paano haharapin ang bawat situwasyon. Kung nag-

kataong may bumati sa iyo may kaugnayan sa isang ka-

pistahan, maaari mong pasalamatan ang bumati. Ngunit

ipagpalagay na ang bumati sa iyo ay isa na lagi mong naka-

kausap o isang katrabaho. Sa ganiyang situwasyon, baka na-

naisin mong magpaliwanag. Sa lahat ng pagkakataon, maging

mataktika. Nagpapayo ang Bibliya: “Ang inyong pananalita

nawa ay laging may kagandahang-loob, na tinimplahan ng

asin, upang malaman kung paano kayo dapat magbigay ng sa-

got sa bawat isa.” (Colosas 4:6) Maging magalang. Matakti-

kang ipaliwanag ang iyong paninindigan. Linawin mo na wala

ka namang tutol sa pagbibigayan ng regalo at sa mga salu-

salo ngunit mas gusto mong makibahagi sa mga gawaing ito

sa ibang panahon.15 Paano kung may gustong magregalo sa iyo? Nakadepen-

de ito nang malaki sa mga kalagayan. Maaaring sabihin ng

nagbigay: “Alam kong hindi ka nagdiriwang ng kapistahan.

Pero, gusto ko pa ring ibigay ito sa iyo.” Maaari mong ipasi-

ya na ang pagtanggap ng regalo sa gayong mga kalagayan ay

hindi naman kagaya ng pakikibahagi sa kapistahan. Siyempre

pa, kung ang nagbigay ay hindi pamilyar sa iyong mga pani-

niwala, maaari mong banggitin sa kaniya na hindi ka nagdi-

riwang ng kapistahan. Makatutulong ito upang ipaliwanag

14, 15. Ano ang maaari mong gawin kung may bumati sa iyo may kaugnayan saisang kapistahan o kung may gustong magregalo sa iyo?

Manindigan Ka Para sa Tunay na Pagsamba 205

kung bakit tinanggap mo ang isang regalo ngunit hindi ka

nagbigay ng regalo sa okasyong iyon. Sa kabilang panig na-

man, magiging katalinuhan na huwag tanggapin ang isang re-

galo kung ibinigay ito nang may maliwanag na intensiyon na

ipakitang hindi ka naninindigan sa iyong mga paniniwala o

na makikipagkompromiso ka alang-alang sa materyal na pa-

kinabang.

KUMUSTA NAMAN ANGMGA MIYEMBRO NG PAMILYA?

16 Paano kung ang paniniwala ng mga miyembro ng iyong

pamilya ay iba sa paniniwala mo? Muli, maging mataktika.

Hindi naman kailangang gawing isyu ang bawat kaugalian o

selebrasyon na gustong ipagdiwang ng iyong mga kamag-

anak. Sa halip, igalang ang kanilang pananaw, kung paanong

gusto mo ring igalang nila ang iyong pananaw. (Mateo 7:12)

Iwasan ang anumang pagkilos na magsasangkot sa iyo sa ka-

pistahan. Gayunpaman, maging makatuwiran kung tungkol

sa mga bagay na wala namang kaugnayan sa aktuwal na pag-

diriwang. Sabihin pa, dapat na lagi kang kumilos sa paraang

hindi mababagabag ang iyong mabuting budhi.—1 Timoteo

1:18, 19.

17 Ano ang magagawa mo upang hindi madama ng inyong

16. Paano ka magiging mataktika sa pagharap sa mga bagay na may kaugnayansa mga kapistahan?

17. Paano mo matutulungan ang iyong mga anak upang hindi nila madamang pi-nagkakaitan sila kapag nakikita nilang nagdiriwang ng mga kapistahan ang iba?

206 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

mga anak na pinagkakaitan sila dahil sa hindi pagdiriwang ng

di-makakasulatang mga kapistahan? Nakadepende ito nang

malaki sa ginagawa mo sa ibang panahon ng taon. Nagsasa-

ayos ang ilang magulang ng mga panahon para bigyan ng re-

galo ang kanilang mga anak. Ang isa sa pinakamagandang re-

galo na maibibigay mo sa iyong mga anak ay ang iyong

panahon at maibiging atensiyon.

ISAGAWA ANG TUNAY NA PAGSAMBA18 Upang mapalugdan ang Diyos, dapat mong tanggihan ang

huwad na pagsamba at manindigan para sa tunay na pagsam-

ba. Ano ang kalakip dito? Sinasabi ng Bibliya: “Isaalang-alang

natin ang isa’t isa upang mag-udyukan sa pag-ibig at sa maii-

nam na gawa, na hindi pinababayaan ang ating pagtitipon,

gaya ng kinaugalian ng iba, kundi nagpapatibayang-loob sa

isa’t isa, at lalung-lalo na samantalang inyong nakikita na pa-

palapit na ang araw.” (Hebreo 10:24, 25) Ang Kristiyanong

mga pagpupulong ay masasayang pagkakataon para samba-

hin mo ang Diyos sa paraang sinasang-ayunan niya. (Awit

22:22; 122:1) Sa mga pagpupulong na ito, may “pagpapalitan

ng pampatibay-loob” ang tapat na mga Kristiyano.—Roma

1:12.19 Ang isa pang paraan upang makapanindigan ka para sa

18. Paano ka matutulungan ng pagdalo sa Kristiyanong mga pagpupulong upangmanindigan para sa tunay na pagsamba?

19. Bakit mahalaga na ipakipag-usap mo sa iba ang tungkol sa mga bagay naiyong natutuhan mula sa Bibliya?

Manindigan Ka Para sa Tunay na Pagsamba 207

tunay na pagsamba ay ang sabihin sa iba ang tungkol sa mga

bagay na natutuhan mo mula sa pag-aaral ng Bibliya kasama

ng mga Saksi ni Jehova. Maraming tao ang talagang “nagbu-

buntunghininga at dumaraing” dahil sa kasamaan na nagaga-

nap sa daigdig ngayon. (Ezekiel 9:4) Marahil ay may kakilala

kang ilang tao na ganiyan ang nadarama. Bakit hindi ipaki-

pag-usap sa kanila ang iyong salig-Bibliyang pag-asa para sa

hinaharap? Habang nakikisama ka sa tunay na mga Kristiya-

no at nakikipag-usap sa iba tungkol sa kamangha-manghang

mga katotohanan sa Bibliya na natutuhan mo, mapapan-

sin mo na anumang pagnanais na makibahagi sa mga kauga-

lian ng huwad na pagsamba na maaaring nasa puso mo pa ay

unti-unting maglalaho. Makatitiyak ka na ikaw ay magiging

maligayang-maligaya at tatanggap ng maraming pagpapala

kung maninindigan ka para sa tunay na pagsamba.—Mala-

kias 3:10.

KUNG ANO ANG ITINUTURO NG BIBLIYA

ˇ Walang dako sa tunay na pagsamba ang mgaimahen ni ang pagsamba sa mga ninuno.—Exodo 20:4, 5; Deuteronomio 18:10-12.

ˇ Mali ang makibahagi sa mga pagdiriwang na maypaganong pinagmulan.—Efeso 5:10.

ˇ Dapat maging mataktika ang tunay na mgaKristiyano kapag ipinaliliwanag nila sa iba angkanilang mga paniniwala.—Colosas 4:6.

208 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

KUNG ihahambing sa napakalawak na uniberso, napakali-

it lamang ng lupa. Sa katunayan, para kay Jehova, “ang

Maylikha ng langit at lupa,” ang mga bansa ng sangkatau-

han ay gaya ng isang maliit na patak ng tubig mula sa tim-

ba. (Awit 115:15; Isaias 40:15) Ngunit sinasabi ng Bibliya:

“Si Jehova ay malapit sa lahat ng tumatawag sa kaniya, sa

lahat ng tumatawag sa kaniya sa katapatan. Ang nasa ng

mga may takot sa kaniya ay kaniyang isasagawa, at ang ka-

nilang paghingi ng tulong ay kaniyang diringgin.” (Awit 145:

18, 19) Isip-isipin na lamang kung ano ang kahulugan ni-

yan! Ang makapangyarihan-sa-lahat na Maylalang ay mala-

pit sa atin at pakikinggan niya tayo kung ‘tatawag tayo sa

kaniya sa katapatan.’ Kaylaking pribilehiyo nga natin na

makalapit sa Diyos sa panalangin!

1, 2. Bakit natin dapat ituring na isang malaking pribilehiyo ang panalangin,at bakit natin kailangang malaman kung ano ang itinuturo ng Bibliya tungkoldito?

KABANATA 17

Maging Malap´ıt sa Diyos sa Panalangin

Bakit tayo dapat manalangin sa Diyos?

Ano ang dapat nating gawin upang dinggintayo ng Diyos?

Paano sinasagot ng Diyos ang ating mga panalangin?

Maging Malap´ıt sa Diyos sa Panalangin 209

2 Subalit kung nais nating dinggin ni Jehova ang ating

mga panalangin, kailangan tayong manalangin sa kaniya

sa paraang sinasang-ayunan niya. Paano natin magagawa

ito kung hindi natin nauunawaan ang itinuturo ng Bibli-

ya tungkol sa panalangin? Napakahalagang malaman natin

kung ano ang sinasabi ng Kasulatan tungkol sa bagay na

ito, sapagkat tinutulungan tayo ng panalangin na maging la-

long malap´ıt kay Jehova.

BAKIT TAYO DAPAT MANALANGIN KAY JEHOVA?3 Ang isang mahalagang dahilan kung bakit tayo dapat

manalangin kay Jehova ay sapagkat inaanyayahan niya ta-

yong gawin ito. Pinasisigla tayo ng kaniyang Salita: “Huwag

kayong mabalisa sa anumang bagay, kundi sa lahat ng ba-

gay sa pamamagitan ng panalangin at pagsusumamo na

may kasamang pasasalamat ay ipaalam ang inyong mga pa-

kiusap sa Diyos; at ang kapayapaan ng Diyos na nakahihi-

git sa lahat ng kaisipan ay magbabantay sa inyong mga puso

at sa inyong mga kakayahang pangkaisipan sa pamamagi-

tan ni Kristo Jesus.” (Filipos 4:6, 7) Tiyak na hindi natin

gustong ipagwalang-bahala ang gayong mabait na paglalaan

sa atin ng Kataas-taasang Tagapamahala ng uniberso!4 Ang isa pang dahilan kung bakit dapat manalangin ay

3. Ano ang isang mahalagang dahilan kung bakit tayo dapat manalangin kayJehova?

4. Paano napatitibay ng regular na pananalangin kay Jehova ang ating kaugna-yan sa kaniya?

210 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

sapagkat napatitibay ng regular na pananalangin kay Jeho-

va ang ating kaugnayan sa kaniya. Ang tunay na magkaka-

ibigan ay nag-uusap hindi lamang kapag may kailangan sila

sa isa’t isa. Sa halip, ang matatalik na magkakaibigan ay in-

teresado sa isa’t isa, at ang kanilang pagkakaibigan ay na-

giging mas matibay habang malaya nilang ipinahahayag ang

kanilang mga kaisipan, ikinababahala, at damdamin. Sa

ilang aspekto, ganiyan din ang kalagayan kung tungkol sa

pakikipag-ugnayan natin sa Diyos na Jehova. Sa tulong ng

aklat na ito, marami kang natutuhan sa mga itinuturo ng

Bibliya hinggil kay Jehova, sa kaniyang personalidad, at sa

kaniyang mga layunin. Nakilala mo siya bilang isang tunay

na persona. Ang panalangin ay nagbibigay sa iyo ng pagka-

kataong ipahayag ang iyong mga kaisipan at niloloob sa

iyong makalangit na Ama. Habang ginagawa mo ito, napa-

palap´ıt ka kay Jehova.—Santiago 4:8.

ANONG MGA KAHILINGANANG DAPAT NATING MAABOT?

5 Dinirinig ba ni Jehova ang lahat ng panalangin? Isaa-

lang-alang kung ano ang sinabi niya sa rebelyosong mga

Israelita noong panahon ni propeta Isaias: “Kahit nana-

nalangin kayo ng marami, hindi ako nakikinig; ang inyo

mismong mga kamay ay napuno ng pagbububo ng dugo.”

(Isaias 1:15) Kaya maaaring hindi pakinggan ng Diyos ang

ating mga panalangin dahil sa ilang bagay na ginagawa

5. Ano ang nagpapakita na hindi dinirinig ni Jehova ang lahat ng panalangin?

Maging Malap´ıt sa Diyos sa Panalangin 211

natin. Kung gayon, upang pakinggan ng Diyos nang may

pagsang-ayon ang ating mga panalangin, kailangan nating

maabot ang ilang pangunahing mga kahilingan.6 Ang isang pangunahing kahilingan ay na magkaroon

tayo ng pananampalataya. (Marcos 11:24) Sumulat si apos-

tol Pablo: “Kung walang pananampalataya ay imposibleng

palugdan [ang Diyos] nang lubos, sapagkat siya na lumala-

pit sa Diyos ay dapat na maniwala na siya nga ay umiiral

at na siya ang nagiging tagapagbigay-gantimpala doon sa

mga may-pananabik na humahanap sa kaniya.” (Hebreo

11:6) Ang pagkakaroon ng tunay na pananampalataya ay

hindi lamang basta pagkilala na umiiral ang Diyos at na pi-

nakikinggan at sinasagot niya ang mga panalangin. Ang pa-

nanampalataya ay pinatutunayan sa pamamagitan ng ating

mga gawa. Dapat nating ipakita ang malinaw na katibayan

na may pananampalataya tayo sa pamamagitan ng paraan

ng ating pamumuhay sa araw-araw.—Santiago 2:26.7 Hinihiling din ni Jehova sa mga lumalapit sa kaniya sa

panalangin na gawin ito nang may kapakumbabaan at ka-

taimtiman. Hindi ba’t may dahilan tayo upang maging ma-

pagpakumbaba kapag nakikipag-usap kay Jehova? Kapag

nagkaroon ng pagkakataon ang mga tao na makausap ang

6. Upang dinggin ng Diyos ang ating mga panalangin, ano ang isang panguna-hing kahilingan, at paano natin ito maaabot?7. (a) Bakit tayo dapat maging magalang kapag nakikipag-usap kay Jehova sapanalangin? (b) Kapag nananalangin sa Diyos, paano natin maipakikita ang ka-pakumbabaan at kataimtiman?

212 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

isang hari o presidente, kadalasan nang ginagawa nila ito sa

magalang na paraan, anupat kinikilala ang mataas na posi-

syon ng tagapamahala. Kung gayon, lalo tayong dapat ma-

ging magalang kapag lumalapit kay Jehova! (Awit 138:6) Sa

katunayan, siya ang “Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat.”

(Genesis 17:1) Kapag nananalangin tayo sa Diyos, dapat

makita sa ating paraan ng paglapit sa kaniya na mapagpa-

kumbaba nating kinikilala ang ating katayuan sa harap

niya. Ang gayong kapakumbabaan ay tutulong din sa atin

na manalangin nang taimtim mula sa ating puso, anupat

iniiwasan ang rutin at paulit-ulit na mga panalangin.—Ma-

teo 6:7, 8.8 Ang isa pang kahilingan upang dinggin tayo ng Diyos ay

kumilos tayo alinsunod sa ating mga panalangin. Inaasahan

ni Jehova na gagawin natin ang ating buong makakaya

upang kumilos alinsunod sa ating ipinananalangin. Halim-

bawa, kung idinadalangin natin na, “Ibigay mo sa amin

ngayon ang aming tinapay para sa araw na ito,” kaila-

ngan nating magpagal sa anumang makukuhang trabaho na

kaya nating gawin. (Mateo 6:11; 2 Tesalonica 3:10) Kung na-

nanalangin tayo na tulungan tayong mapagtagumpayan ang

isang kahinaan sa laman, dapat tayong maging maingat

upang maiwasan ang mga kalagayan at mga situwasyon na

maaaring umakay sa atin sa tukso. (Colosas 3:5) Bukod sa

8. Paano tayo kikilos alinsunod sa ating idinadalangin?

Maging Malap´ıt sa Diyos sa Panalangin 213

pangunahing mga kahilingang ito, may mga tanong tungkol

sa panalangin na kailangan nating sagutin.

PAGSAGOT SA ILANG KATANUNGANHINGGIL SA PANALANGIN

9 Kanino tayo dapat manalangin? Tinuruan ni Jesus ang ka-

niyang mga tagasunod na manalangin sa “Ama [natin] na

nasa langit.” (Mateo 6:9) Kung gayon, sa Diyos na Jehova

lamang tayo dapat manalangin. Gayunman, hinihiling ni Je-

hova na kilalanin natin ang posisyon ng kaniyang bugtong

na Anak, si Jesu-Kristo. Gaya ng natutuhan natin sa Kaba-

nata 5, isinugo si Jesus dito sa lupa upang tubusin tayo sa

kasalanan at kamatayan. (Juan 3:16; Roma 5:12) Siya ang

hinirang na Mataas na Saserdote at Hukom. (Juan 5:22; He-

breo 6:20) Kaya naman, sinasabi sa atin ng Kasulatan na

manalangin tayo sa pamamagitan ni Jesus. Siya mismo ang

nagsabi: “Ako ang daan at ang katotohanan at ang buhay.

Walang sinumang makaparoroon sa Ama kundi sa pamama-

gitan ko.” (Juan 14:6) Upang dinggin ang ating mga pana-

langin, kay Jehova lamang tayo dapat manalangin sa pama-

magitan ng kaniyang Anak.10 May kinakailangan bang espesipikong posisyon kapag na-

nanalangin tayo? Wala. Walang hinihiling si Jehova na anu-

mang espesipikong posisyon, ng kamay man o ng buong ka-

tawan. Itinuturo ng Bibliya na kaayaayang manalangin sa

9. Kanino tayo dapat manalangin, at sa pamamagitan nino?10. Bakit walang hinihiling na espesipikong posisyon kapag nananalangin tayo?

214 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

iba’t ibang posisyon. Kabilang dito ang nakaupo, nakayuko,

nakaluhod, at nakatayo. (1 Cronica 17:16; Nehemias 8:6;

Daniel 6:10; Marcos 11:25) Ang talagang mahalaga ay, hindi

ang isang espesipikong posisyon na nakikita ng iba, kundi

ang tamang saloobin ng puso. Sa katunayan, sa araw-araw

na gawain natin o kapag napapaharap tayo sa kagipitan,

maaari tayong manalangin nang tahimik saanman tayo na-

roroon. Dinirinig ni Jehova ang gayong mga panalangin ba-

gaman hindi napapansin ng mga nasa paligid natin na na-

nanalangin tayo.—Nehemias 2:1-6.11 Ano ang maaari nating idalangin? Ganito ang paliwanag

ng Bibliya: “Anumang bagay ang hingin natin ayon sa kani-

yang kalooban, tayo ay pinakikinggan niya [ni Jehova].”

(1 Juan 5:14) Kaya maaari nating ipanalangin ang anumang

bagay na ayon sa kalooban ng Diyos. Kalooban ba niya na

ipanalangin natin ang personal na mga bagay na ikinababa-

hala natin? Oo naman! Ang pananalangin kay Jehova ay ma-

ihahalintulad sa pakikipag-usap sa isang matalik na kaibi-

gan. Maaari tayong magsalita nang may kalayaan, anupat

‘ibinubuhos ang ating puso’ sa Diyos. (Awit 62:8) Ang-

kop na humiling tayo ng banal na espiritu, sapagkat tutu-

long ito sa atin na gawin ang tama. (Lucas 11:13) Maaa-

ri rin tayong humiling ng patnubay upang makagawa ng

matatalinong pasiya at ng lakas upang maharap ang mga

11. Ano ang ilang personal na bagay na angkop na ipanalangin natin?

Maging Malap´ıt sa Diyos sa Panalangin 215

suliranin. (Santiago 1:5) Kapag nagkakasala tayo, dapat ta-

yong humingi ng kapatawaran salig sa hain ni Kristo. (Efe-

so 1:3, 7) Sabihin pa, hindi lamang personal na mga bagay

ang dapat maging paksa ng ating mga panalangin. Dapat

nating palawakin ang ating mga panalangin upang ilakip

ang ibang mga tao—mga miyembro ng pamilya gayundin

ang mga kapananampalataya.—Gawa 12:5; Colosas 4:12.12 Dapat nating unahin sa ating mga panalangin ang mga

bagay na may kaugnayan sa Diyos na Jehova. Tiyak na may

dahilan tayo upang ipahayag ang taos-pusong papuri at

pasasalamat sa kaniya dahil sa lahat ng kabutihan niya.

(1 Cronica 29:10-13) Ibinigay ni Jesus ang modelong pana-

langin, na nakaulat sa Mateo 6:9-13, kung saan itinuro niya

sa atin na idalangin natin na pakabanalin nawa ang panga-

lan ng Diyos, samakatuwid nga, ituring itong sagrado, o

banal. Ang sumunod na binanggit niya ay na dumating

nawa ang Kaharian ng Diyos at na mangyari nawa ang ka-

niyang kalooban sa lupa kung paano sa langit. Pagkatapos

banggitin ang mahahalagang bagay na ito tungkol kay Jeho-

va, saka lamang binigyang-pansin ni Jesus ang personal na

mga bagay. Kapag iniuukol din natin sa Diyos ang pina-

kamahalagang dako sa ating mga panalangin, ipinakikita

natin na interesado tayo hindi lamang sa ating sariling

kapakanan.

12. Paano natin maaaring unahin sa ating mga panalangin ang mga bagay namay kaugnayan sa ating makalangit na Ama?

216 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

13 Gaano ba dapat kahaba ang ating mga panalangin? Wa-

lang ibinigay na anumang limitasyon ang Bibliya kung gaa-

no kahaba dapat ang pribado o pampublikong mga panala-

ngin. Maaari itong isang maikling panalangin bago kumain

o isang mahabang pribadong panalangin kung saan ibinu-

buhos natin ang ating puso kay Jehova. (1 Samuel 1:12, 15)

Gayunman, hinatulan ni Jesus ang mapagmatuwid-sa-sari-

ling mga indibiduwal na gumagawa ng mahaba at pakitang-

taong mga panalangin sa harap ng iba. (Lucas 20:46, 47)

Hindi humahanga si Jehova sa gayong mga panalangin. Ang

mahalaga ay manalangin tayo mula sa ating puso. Kaya na-

man, ang haba ng kaayaayang mga panalangin ay maaaring

iba-iba depende sa mga pangangailangan at mga kalagayan.14 Gaano tayo kadalas dapat manalangin? Pinasisigla tayo ng

Bibliya na “manalangin nang patuluyan,” na “magmatiyaga

. . . sa pananalangin,” at “manalangin . . . nang walang lu-

bay.” (Mateo 26:41; Roma 12:12; 1 Tesalonica 5:17) Sabihin

pa, ang mga pananalitang ito ay hindi naman nangangahulu-

gang dapat tayong manalangin kay Jehova sa bawat sandali.

Sa halip, hinihimok tayo ng Bibliya na manalangin nang re-

gular, anupat patuluyang pinasasalamatan si Jehova dahil sa

kaniyang kabutihan sa atin at umaasa sa kaniya para sa

13. Ano ang sinasabi ng Kasulatan tungkol sa haba ng kaayaayang mga panala-ngin?

14. Ano ang ibig sabihin ng Bibliya kapag pinasisigla tayo nito na “manalanginnang patuluyan,” at ano ang nakaaaliw sa bagay na ito?

Maging Malap´ıt sa Diyos sa Panalangin 217

patnubay, kaaliwan, at lakas. Hindi ba’t nakaaaliw malaman

na hindi nililimitahan ni Jehova kung gaano kahaba o kada-

las tayo maaaring makipag-usap sa kaniya sa panalangin?

Kung talagang pinahahalagahan natin ang pribilehiyo ng pa-

nalangin, makasusumpong tayo ng maraming pagkakataon

upang manalangin sa ating makalangit na Ama.15 Bakit tayo dapat magsabi ng “Amen” sa pagtatapos ng pa-

nalangin? Ang salitang “amen” ay nangangahulugang “ti-

yak,” o “mangyari nawa.” Ipinakikita ng mga halimbawa sa

Kasulatan na angkop na magsabi ng “Amen” sa pagtatapos

ng personal o pampublikong mga panalangin. (1 Cronica

16:36; Awit 41:13) Sa pagsasabi ng “Amen” sa pagtatapos ng

ating panalangin, ipinahahayag nating taimtim ang ating

mga pananalita. Kapag sinasabi natin ang “Amen”—tahi-

mik man o malakas—sa pagtatapos ng pampublikong pana-

langin, ipinakikita natin na sumasang-ayon tayo sa mga ka-

isipang ipinahayag.—1 Corinto 14:16.

KUNG PAANO SINASAGOT NG DIYOSANG ATING MGA PANALANGIN

16 Talaga bang sinasagot ni Jehova ang mga panalangin?

Oo, gayon nga! May matibay na saligan tayo para magtiwa-

lang sinasagot ng “Dumirinig ng panalangin” ang taimtim

na mga panalangin ng milyun-milyong tao. (Awit 65:2) Ma-

15. Bakit tayo dapat magsabi ng “Amen” sa pagtatapos ng personal at pampu-blikong mga panalangin?

16. Sa ano tayo makapagtitiwala kung tungkol sa panalangin?

218 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

aaring sagutin ni Jehova ang ating mga panalangin sa iba’t

ibang paraan.17 Ginagamit ni Jehova ang kaniyang mga anghel at ang

kaniyang mga lingkod dito sa lupa upang sagutin ang mga

panalangin. (Hebreo 1:13, 14) Marami nang karanasan ng

mga indibiduwal na nanalangin sa Diyos na tulungan silang

maunawaan ang Bibliya at di-nagtagal ay natagpuan sila ng

isa sa mga lingkod ni Jehova. Pinatutunayan ng gayong mga

karanasan ang patnubay ng mga anghel sa pangangaral ng

Kaharian. (Apocalipsis 14:6) Upang sagutin ang ating mga

panalangin sa panahon ng kagipitan, maaaring udyukan ni

Jehova ang isang Kristiyano na tulungan tayo.—Kawikaan

12:25; Santiago 2:16.18 Ginagamit din ng Diyos na Jehova ang kaniyang banal

na espiritu at ang kaniyang Salita, ang Bibliya, upang sagu-

tin ang mga panalangin ng mga lingkod niya. Maaari niyang

sagutin ang ating mga panalangin na tulungan tayong ma-

harap ang mga pagsubok sa pamamagitan ng pagbibigay sa

atin ng patnubay at lakas sa tulong ng kaniyang banal na

espiritu. (2 Corinto 4:7) Kadalasan na ang sagot sa ating

mga panalangin para sa patnubay ay nagmumula sa Bibli-

ya, kung saan tinutulungan tayo ni Jehova na gumawa ng

17. Bakit masasabing ginagamit ng Diyos ang kaniyang mga anghel at ang mgalingkod niya rito sa lupa upang sagutin ang ating mga panalangin?

18. Paano ginagamit ni Jehova ang kaniyang banal na espiritu at ang kaniyangSalita upang sagutin ang mga panalangin ng kaniyang mga lingkod?

Maging Malap´ıt sa Diyos sa Panalangin 219

matatalinong pasiya. Maaaring masumpungan natin ang na-

katutulong na mga kasulatan sa panahon ng ating personal

na pag-aaral ng Bibliya at habang nagbabasa tayo ng mga

publikasyong Kristiyano, gaya ng aklat na ito. Ang mga

punto sa Kasulatan na kailangan nating isaalang-alang ay

maaaring maitawag-pansin sa atin sa pamamagitan ng mga

tinatalakay sa Kristiyanong pagpupulong o sa pamamagi-

tan ng mga komento ng isang nagmamalasakit na matanda

sa kongregasyon.—Galacia 6:1.19 Kapag waring naaantala si Jehova sa pagsagot sa ating

mga panalangin, hindi naman ito nangangahulugang hindi

niya kayang sagutin ang mga ito. Sa halip, dapat nating tan-

daan na sinasagot ni Jehova ang mga panalangin ayon sa

kaniyang kalooban at sa kaniyang takdang panahon. Di-

hamak na mas alam niya kaysa sa atin kung ano ang mga

kailangan natin at kung paano sasapatan ang mga ito. Ka-

dalasan ay hinahayaan niya tayong ‘patuloy na humingi,

maghanap, at kumatok.’ (Lucas 11:5-10) Sa gayong pagma-

matiyaga, ipinakikita natin sa Diyos ang ating masidhing

hangarin at tunay na pananampalataya. Karagdagan pa,

maaaring sagutin ni Jehova ang ating mga panalangin sa pa-

raang hindi natin namamalayan. Halimbawa, maaari niyang

sagutin ang ating panalangin hinggil sa isang partikular na

pagsubok, hindi sa pamamagitan ng pag-aalis sa suliranin,

19. Ano ang dapat nating tandaan kapag waring hindi sinasagot kung minsanang ating mga panalangin?

220 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

kundi sa pagbibigay sa atin ng lakas para mabata ito.—Fi-

lipos 4:13.20 Kaylaki ngang pasasalamat natin na ang Maylalang ng

napakalawak na unibersong ito ay malapit sa lahat ng tuma-

tawag sa kaniya sa tamang paraan sa pamamagitan ng pana-

langin! (Awit 145:18) Lubusan nawa nating samantalahin ang

mahalagang pribilehiyo ng panalangin. Kung gagawin natin

ito, magkakaroon tayo ng maligayang pag-asa na maging la-

long malap´ıt kay Jehova, ang Dumirinig ng panalangin.

20. Bakit natin dapat lubusang samantalahin ang mahalagang pribilehiyo ng pa-nalangin?

KUNG ANO ANG ITINUTURO NG BIBLIYA

ˇ Ang regular na pananalangin kay Jehova ay tumu-tulong sa atin na maging lalong malap

´ıt sa kaniya.

—Santiago 4:8.

ˇ Upang dinggin ng Diyos ang ating mga panalangin,kailangan nating manalangin nang may pananampa-lataya, kapakumbabaan, at kataimtiman.—Marcos11:24.

ˇ Kay Jehova lamang tayo dapat manalangin sa pama-magitan ng kaniyang Anak.—Mateo 6:9; Juan 14:6.

ˇ Ginagamit ni Jehova, ang “Dumirinig ng panala-ngin,” ang kaniyang mga anghel, ang mga lingkodniya rito sa lupa, ang kaniyang banal na espiritu,at ang kaniyang Salita upang sagutin ang mgapanalangin.—Awit 65:2.

Maging Malap´ıt sa Diyos sa Panalangin 221

“NARITO! Isang dakong may tubig; ano ang nakapipigil

sa akin upang mabautismuhan?” Iyan ang tanong ng isang

Etiopeng opisyal ng korte noong unang siglo. Pinatuna-

yan sa kaniya ng isang Kristiyanong nagngangalang Feli-

pe na si Jesus ang ipinangakong Mesiyas. Palibhasa’y

lubhang naantig sa kaniyang natutuhan sa Kasulatan, ku-

milos ang Etiope. Ipinahayag niya na nais niyang mabau-

tismuhan!—Gawa 8:26-36.2 Kung maingat mong pinag-aralan ang naunang mga

kabanata ng aklat na ito kasama ng isa sa mga Saksi ni

Jehova, baka nadarama mong handa ka na ring tanungin

1. Bakit hiniling ng isang Etiopeng opisyal ng korte na siya ay mabautismu-han?2. Bakit mo dapat seryosong pag-isipan ang bautismo?

KABANATA 18

Ang Bautismo atang Iyong Kaugnayan sa Diyos

Paano isinasagawa ang bautismong Kristiyano?

Anong mga hakbang ang kailangan mong gawinupang maging kuwalipikado sa bautismo?

Paano ginagawa ng isang tao ang pag-aalaysa Diyos?

Ano ang pantanging dahilan sa pagpapabautismo?

222 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

ang iyong sarili, ‘Ano ang nakapipigil sa akin upang mag-

pabautismo?’ Sa puntong ito ay natutuhan mo na ang

tungkol sa pangako ng Bibliya na buhay na walang hang-

gan sa Paraiso. (Lucas 23:43; Apocalipsis 21:3, 4) Natu-

tuhan mo na rin ang tungkol sa tunay na kalagayan ng

mga patay at ang pag-asang pagkabuhay-muli. (Eclesias-

tes 9:5; Juan 5:28, 29) Marahil ay nakikisama ka na sa

mga Saksi ni Jehova sa mga pagpupulong ng kanilang

kongregasyon at nakita mo na mismo kung paano nila isi-

nasagawa ang tunay na relihiyon. (Juan 13:35) Mahalaga

sa lahat, malamang na nagkakaroon ka na ng personal na

kaugnayan sa Diyos na Jehova.3 Paano mo maipakikita na nais mong paglingkuran ang

Diyos? Sinabi ni Jesus sa kaniyang mga tagasunod: “Hu-

mayo kayo at gumawa ng mga alagad sa mga tao ng lahat

ng mga bansa, na binabautismuhan sila.” (Mateo 28:19) Si

Jesus mismo ang nagpakita ng halimbawa sa pamamagi-

tan ng pagpapabautismo sa tubig. Hindi siya winisikan ng

tubig, at hindi basta binuhusan ng tubig ang kaniyang

ulo. (Mateo 3:16) Ang salitang “bautismuhan” ay nag-

mula sa salitang Griego na nangangahulugang “ilubog.”

Kung gayon, ang bautismong Kristiyano ay nangangahu-

lugan ng lubusang paglulubog sa tubig.

3. (a) Ano ang iniutos ni Jesus sa kaniyang mga tagasunod? (b) Paano isina-sagawa ang bautismo sa tubig?

Ang Bautismo at ang Iyong Kaugnayan sa Diyos 223

4 Ang bautismo sa tubig ay isang kahilingan para sa la-

hat ng nagnanais na magkaroon ng kaugnayan sa Diyos

na Jehova. Ang bautismo ay pangmadlang pagpapahayag

ng iyong pagnanais na paglingkuran ang Diyos. Ipina-

kikita nito na nalulugod kang gawin ang kalooban ni

Jehova. (Awit 40:7, 8) Gayunman, para maging kuwalipi-

kado sa bautismo, kailangan mong gawin ang ilang hak-

bang.

KAILANGAN ANG KAALAMANAT PANANAMPALATAYA

5 Sinimulan mo nang gawin ang unang hakbang. Paano?

Sa pagkuha ng kaalaman tungkol sa Diyos na Jehova at

kay Jesu-Kristo, marahil sa pamamagitan ng sistemati-

kong pag-aaral ng Bibliya. (Juan 17:3) Ngunit marami

pang dapat matutuhan. Nais ng mga Kristiyano na ‘ma-

puspos ng tumpak na kaalaman sa kalooban ng Diyos.’

(Colosas 1:9) Malaking tulong sa bagay na ito ang pagda-

lo sa mga pagpupulong ng kongregasyon ng mga Saksi ni

Jehova. Mahalagang dumalo sa mga pagpupulong na ito.

(Hebreo 10:24, 25) Ang regular na pagdalo sa mga pagpu-

pulong ay tutulong sa iyo na sumulong sa kaalaman tung-

kol sa Diyos.

4. Ano ang ipinakikita ng bautismo sa tubig?

5. (a) Ano ang unang hakbang upang maging kuwalipikado sa bautismo?(b) Bakit mahalaga ang Kristiyanong mga pagpupulong?

224 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

6 Siyempre pa, hindi mo naman kailangang malaman

ang lahat ng bagay sa Bibliya upang maging kuwalipika-

do ka sa bautismo. Ang Etiopeng opisyal ng korte ay may

kaalaman, ngunit kailangan niya ng tulong upang mauna-

waan ang ilang bahagi ng Kasulatan. (Gawa 8:30, 31) Sa

katulad na paraan, marami ka pang dapat matutuhan. Sa

katunayan, walang katapusan ang iyong pag-aaral tungkol

sa Diyos. (Eclesiastes 3:11) Ngunit bago ka mabautismu-

han, kailangan mong malaman at tanggapin kahit man la-

mang ang pangunahing mga turo ng Bibliya. (Hebreo

5:12) Kasama sa gayong mga turo ang katotohanan tung-

kol sa kalagayan ng mga patay at ang kahalagahan ng pa-

ngalan ng Diyos at ng kaniyang Kaharian.7 Subalit hindi sapat ang kaalaman lamang, sapagkat

‘kung walang pananampalataya ay imposibleng palugdan

nang lubos ang Diyos.’ (Hebreo 11:6) Sinasabi sa atin ng

Bibliya na nang marinig ng ilang tao sa sinaunang lunsod

ng Corinto ang mensaheng Kristiyano, ‘nagsimula silang

maniwala at mabautismuhan.’ (Gawa 18:8) Sa katulad na

paraan, ang pag-aaral ng Bibliya ay dapat tumulong sa

iyo na malipos ng pananampalataya na ito nga ang kina-

sihang Salita ng Diyos. Ang pag-aaral ng Bibliya ay dapat

6. Gaano karaming kaalaman sa Bibliya ang dapat mong matamo upang ma-ging kuwalipikado sa bautismo?

7. Ano ang dapat maging epekto sa iyo ng pag-aaral ng Bibliya?

Ang Bautismo at ang Iyong Kaugnayan sa Diyos 225

tumulong sa iyo na magkaroon ng pananampalataya sa

mga pangako ng Diyos at sa kapangyarihang magligtas ng

hain ni Jesus.—Josue 23:14; Gawa 4:12; 2 Timoteo 3:

16, 17.

PAGBABAHAGI SA IBA NGKATOTOHANAN SA BIBLIYA

8 Habang sumisidhi ang pananampalataya sa iyong

puso, masusumpungan mong mahirap sarilinin ang iyong

natututuhan. (Jeremias 20:9) Lubha kang mauudyukang

sabihin sa iba ang tungkol sa Diyos at sa kaniyang mga

layunin.—2 Corinto 4:13.

9 Sa mataktikang paraan, maaari mong simulang iba-

hagi sa iyong mga kamag-anak, kaibigan, kapitbahay,

at mga katrabaho ang mga katotohanan sa Bibliya. Di-

magtatagal, nanaisin mo nang makibahagi sa organisa-

dong pangangaral ng mga Saksi ni Jehova. Sa puntong

iyan, malayang ipakipag-usap ang bagay na ito sa Saksi

na nagtuturo sa iyo ng Bibliya. Kung lumilitaw na kuwa-

lipikado ka na para sa pangmadlang ministeryo, gagawa

ng mga kaayusan upang ikaw at ang iyong guro ay kausa-

pin ng dalawang matatanda sa kongregasyon.

8. Ano ang magpapakilos sa iyo na ibahagi sa iba ang iyong natututuhan?

9, 10. (a) Kanino mo maaaring simulang ibahagi ang katotohanan sa Bibli-ya? (b) Ano ang dapat mong gawin kung nais mo nang makibahagi saorganisadong pangangaral ng mga Saksi ni Jehova?

226 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

10 Makatutulong ito upang lalo mong makilala ang ilan

sa Kristiyanong matatanda na nagpapastol sa kawan ng

Diyos. (Gawa 20:28; 1 Pedro 5:2, 3) Kapag nakita ng ma-

tatandang ito na nauunawaan mo at pinaniniwalaan ang

pangunahing mga turo sa Bibliya, namumuhay ka alinsu-

nod sa mga simulain ng Diyos, at na talagang nais mong

maging isang Saksi ni Jehova, ipaaalam nila sa iyo na ku-

walipikado ka nang makibahagi sa pangmadlang minister-

yo bilang di-bautisadong mamamahayag ng mabuting ba-

lita.11 Sa kabilang panig, baka kailangan mong gumawa ng

ilang pagbabago sa iyong istilo ng pamumuhay at mga ki-

naugalian upang maging kuwalipikado sa pangmadlang

ministeryo. Maaaring kasama rito ang paghinto mo sa

paggawa ng ilang bagay na lingid sa kaalaman ng iba.

Kaya, bago ka magtanong hinggil sa pagiging di-bautisa-

dong mamamahayag, kailangang hindi ka na gumagawa

ng malulubhang kasalanan, gaya ng seksuwal na imorali-

dad, paglalasing, at pag-abuso sa droga.—1 Corinto 6:

9, 10; Galacia 5:19-21.

PAGSISISI AT PAGKAKUMBERTE12 May iba pang hakbang na dapat gawin bago ka

11. Anong mga pagbabago ang kailangang gawin ng ilan bago sila maging ku-walipikado sa pangmadlang ministeryo?12. Bakit kailangan ang pagsisisi?

Ang Bautismo at ang Iyong Kaugnayan sa Diyos 227

maging kuwalipikado sa bautismo. Ganito ang sabi ni

apostol Pedro: “Magsisi kayo, at manumbalik upang ma-

pawi ang inyong mga kasalanan.” (Gawa 3:19) Ang pag-

sisisi ay pagkadama ng taimtim na kalungkutan sa isang

bagay na nagawa mo. Maliwanag na angkop ang pagsisisi

kung ang isang tao ay may imoral na pamumuhay, ngu-

nit kailangan din ito kahit na ang isa ay maituturing na

namuhay nang malinis sa moral. Bakit? Dahil ang lahat

ng tao ay makasalanan at nangangailangan ng kapatawa-

ran ng Diyos. (Roma 3:23; 5:12) Bago ka nag-aral ng Bi-

bliya, hindi mo pa alam ang kalooban ng Diyos. Kaya

paano mo masasabing lubusan kang nakapamuhay alinsu-

nod sa kaniyang kalooban? Kung gayon, kailangan ang

pagsisisi.13 Ang pagsisisi ay dapat sundan ng pagkakumberte, o

‘panunumbalik.’ Higit pa ang dapat mong gawin bukod

sa pagkadama ng kalungkutan. Kailangan mong talikuran

ang iyong dating paraan ng pamumuhay at maging lubu-

sang determinado na magmula ngayon, gagawin mo na

ang tama. Ang pagsisisi at pagkakumberte ay mga hak-

bang na dapat mong gawin bago mabautismuhan.

PAG-AALAY NG IYONG SARILI14 May isa pang mahalagang hakbang na dapat gawin

13. Ano ang pagkakumberte?14. Anong mahalagang hakbang ang dapat mong gawin bago mabautismuhan?

228 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

bago mabautismuhan. Kailangan mong ialay ang iyong sa-

rili sa Diyos na Jehova.

15 Kapag iniaalay mo ang iyong sarili sa Diyos na Jeho-

va sa marubdob na panalangin, nangangako kang ibibigay

mo sa kaniya ang iyong bukod-tanging debosyon magpa-

kailanman. (Deuteronomio 6:15) Subalit bakit naman gu-

gustuhin ng sinuman na gawin iyan? Buweno, ipagpala-

gay na nagsimulang manligaw ang isang lalaki sa isang

babae. Habang lalong nakikilala ng lalaki ang babae at na-

kikita ang magagandang katangian nito, lalong naaakit

ang lalaki sa kaniya. Sa kalaunan, natural lamang na hi-

lingin ng lalaki sa babae na magpakasal ito sa kaniya. To-

too, ang pag-aasawa ay mangangahulugan ng pagsasabali-

kat ng karagdagang mga pananagutan. Ngunit pakikilusin

siya ng pag-ibig para gawin ang mahalagang hakbang na

iyan.

16 Nang makilala mo si Jehova at ibigin siya, napakilos

ka na paglingkuran siya nang walang pag-aatubili o nang

walang itinatakdang kundisyon sa pagsamba sa kaniya.

Ang sinumang nagnanais na sumunod sa Anak ng Diyos,

si Jesu-Kristo, ay kailangan ‘magtatwa ng kaniyang sari-

li.’ (Marcos 8:34) Itinatatwa natin ang ating sarili kung

15, 16. Ano ang kahulugan ng pag-aalay ng iyong sarili sa Diyos, at ano angnagpapakilos sa isang tao na gawin ito?

Ang Bautismo at ang Iyong Kaugnayan sa Diyos 229

tinitiyak natin na ang ating personal na mga naisin at

mga tunguhin ay hindi nakahahadlang sa ating lubusang

pagsunod sa Diyos. Kung gayon, bago ka mabautismu-

han, ang paggawa ng kalooban ng Diyos na Jehova ang

siyang dapat maging pangunahing layunin mo sa buhay.

—1 Pedro 4:2.

DAIGIN ANG TAKOT NA MABIGO17 Nag-aatubili ang ilan na ialay ang kanilang sarili kay

Jehova dahil waring nangangamba sila sa gayon kaseryo-

song hakbang. Baka ikinatatakot nila na mananagot sila

sa Diyos bilang nakaalay na Kristiyano. Palibhasa’y nata-

takot na baka mabigo nila si Jehova, iniisip nila na mas

mabuti pang huwag nang mag-alay sa kaniya.18 Habang natututuhan mong ibigin si Jehova, mapaki-

kilos ka na ialay ang iyong sarili sa kaniya at gawin ang

iyong buong makakaya para tuparin ito. (Eclesiastes 5:4)

Pagkatapos mag-alay, tiyak na nanaisin mong “lumakad

nang karapat-dapat kay Jehova upang palugdan siya nang

lubos.” (Colosas 1:10) Dahil sa iyong pag-ibig sa Diyos,

hindi mo iisiping napakahirap gawin ang kaniyang kaloo-

ban. Walang alinlangan na sasang-ayon ka kay apostol

Juan, na sumulat: “Ito ang kahulugan ng pag-ibig sa

17. Bakit maaaring nag-aatubili ang ilan na ialay ang kanilang sarili saDiyos?18. Ano ang makapagpapakilos sa iyo na ialay ang iyong sarili kay Jehova?

230 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

Diyos, na tuparin natin ang kaniyang mga utos; gayun-

ma’y ang kaniyang mga utos ay hindi pabigat.”—1 Juan

5:3.

19 Hindi mo kailangang maging sakdal upang maialay

ang iyong sarili sa Diyos. Alam ni Jehova ang iyong mga

limitasyon at hindi siya kailanman umaasa nang higit sa

makakaya mo. (Awit 103:14) Nais niyang magtagumpay

ka at susuportahan at tutulungan ka niya. (Isaias 41:10)

Makatitiyak ka na kung magtitiwala ka kay Jehova nang

iyong buong puso, siya ang “magtutuwid ng iyong mga

landas.”—Kawikaan 3:5, 6.

SAGISAGAN ANG IYONG PAG-AALAYSA PAMAMAGITAN NG PAGPAPABAUTISMO

20 Ang pagsasaalang-alang sa mga bagay na katatalakay

lamang natin ay makatutulong sa iyo na mag-alay nang

personal kay Jehova sa panalangin. Ang lahat ng talagang

umiibig sa Diyos ay dapat ding ‘gumawa ng pangmadlang

pagpapahayag ukol sa kaligtasan.’ (Roma 10:10) Paano

mo gagawin iyan?

21 Ipaalam sa koordineytor ng lupon ng matatanda ng

inyong kongregasyon na gusto mo nang magpabautismo.

19. Bakit hindi ka dapat matakot na ialay ang iyong sarili sa Diyos?20. Bakit hindi maaaring manatiling pribado ang pag-aalay kay Jehova?21, 22. Paano mo magagawa ang “pangmadlang pagpapahayag” ng iyong pa-nanampalataya?

Ang Bautismo at ang Iyong Kaugnayan sa Diyos 231

Isasaayos niya na repasuhin sa iyo ng ilang matatanda ang

mga tanong na sumasaklaw sa pangunahing mga turo sa

Bibliya. Kapag sumang-ayon ang matatandang ito na kuwa-

lipikado ka, sasabihin nila sa iyo na maaari kang mabau-

tismuhan sa darating na asamblea o kombensiyon.� Isang

pahayag na nagpapaalaala sa kahulugan ng bautismo ang

karaniwang ibinibigay sa gayong mga okasyon. Pagkata-

pos, aanyayahan ng tagapagsalita ang lahat ng kandidato

sa bautismo na sagutin ang dalawang simpleng tanong bi-

lang isang paraan ng berbal na “pangmadlang pagpapaha-

yag” ng kanilang pananampalataya.22 Ang bautismo mismo ang nagpapakilala sa iyo sa

madla na ikaw ay nag-alay na sa Diyos at isa na ngayong

Saksi ni Jehova. Ang mga kandidato sa bautismo ay lu-

busang inilulubog sa tubig upang ipakita sa madla na

nag-alay na sila kay Jehova.

ANG KAHULUGAN NG IYONG BAUTISMO23 Sinabi ni Jesus na ang kaniyang mga alagad ay baba-

utismuhan “sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng banal

na espiritu.” (Mateo 28:19) Nangangahulugan ito na kini-

kilala ng kandidato sa bautismo ang awtoridad ng Diyos

� Ang bautismo ay regular na bahagi ng taunang mga asamblea at mga kom-bensiyon na idinaraos ng mga Saksi ni Jehova.

23. Ano ang kahulugan ng pagbabautismo “sa pangalan ng Ama at ng Anakat ng banal na espiritu”?

232 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

na Jehova at ni Jesu-Kristo. (Awit 83:18; Mateo 28:18) Ki-

nikilala rin niya ang papel at gawain ng banal na espiri-

tu, o aktibong puwersa, ng Diyos.—Galacia 5:22, 23; 2 Pe-

dro 1:21.

24 Gayunman, ang bautismo ay hindi lamang basta pag-

lulubog sa tubig. Ito ay sumasagisag sa isang napakaha-

lagang bagay. Ang paglubog sa tubig ay sumasagisag na

namatay ka na sa dati mong landasin sa buhay. Ang pag-

ahon naman sa tubig ay nagpapahiwatig na buh´ay ka na

ngayon upang gawin ang kalooban ng Diyos. Tandaan din

na sa Diyos na Jehova ka mismo nag-alay, hindi sa isang

gawain, layunin, sa ibang tao, o sa isang organisasyon.

Ang iyong pag-aalay at bautismo ay pasimula ng isang na-

pakalap´ıt na pakikipagkaibigan sa Diyos—isang matalik

na kaugnayan sa kaniya.—Awit 25:14.

25 Ang bautismo ay hindi gumagarantiya ng kaligtasan.

Ganito ang isinulat ni apostol Pablo: “Patuloy kayong

gumawa ukol sa inyong sariling kaligtasan nang may

takot at panginginig.” (Filipos 2:12) Ang bautismo ay

pasimula lamang. Ang tanong ay, Paano ka makapanana-

tili sa pag-ibig ng Diyos? Sasagutin ito ng huling kaba-

nata.

24, 25. (a) Ano ang isinasagisag ng bautismo? (b) Anong tanong ang dapatmasagot?

Ang Bautismo at ang Iyong Kaugnayan sa Diyos 233

KUNG ANO ANG ITINUTURO NG BIBLIYA

ˇ Ang bautismong Kristiyano ay nagsasangkot ng lu-busang paglulubog sa tubig at hindi ng pagwiwisiklamang.—Mateo 3:16.

ˇ Ang mga hakbang na umaakay sa bautismo ay nag-sisimula sa pagkuha ng kaalaman at pagpapakita ngpananampalataya na sinusundan ng pagsisisi, pag-kakumberte, at pag-aalay ng sarili sa Diyos.—Juan17:3; Gawa 3:19; 18:8.

ˇ Upang maialay mo ang iyong sarili kay Jehova, da-pat mong itatwa ang iyong sarili, kung paanong iti-natwa ng mga tao ang kanilang sarili upang sundansi Jesus.—Marcos 8:34.

ˇ Ang bautismo ay sagisag na namatay na ang isa sakaniyang dating paraan ng pamumuhay at nabuhayupang gawin ang kalooban ng Diyos.—1 Pedro 4:2.

234 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

GUNIGUNIHIN ang iyong sarili na naglalakad sa daan sa

isang araw na mabagyo. Lalong dumilim ang kalangitan. Nag-

simulang kumidlat, dumagundong ang kulog, at pagkatapos ay

bumuhos ang ulan. Dali-dali kang naghanap ng kanlungan.

Doon sa tabi ng daan, nakakita ka ng masisilungan. Ito ay ma-

tibay, tuyo, at kaayaaya. Kaylaki nga ng pasasalamat mo sa lig-

tas na dakong iyon!2 Nabubuhay tayo sa mabagyong panahon. Ang mga kalaga-

yan sa daigdig ay palubha nang palubha. Ngunit may isang lig-

tas na dako, isang kanlungan kung saan maiingatan tayo mula

sa permanenteng pinsala. Ano ito? Pansinin ang itinuturo ng

Bibliya: “Sasabihin ko kay Jehova: ‘Ikaw ang aking kanlungan

at aking moog, ang aking Diyos, na pagtitiwalaan ko.’ ”—Awit

91:2.3 Gunigunihin iyan! Si Jehova, ang Maylalang at Soberano

ng uniberso, ay maaari nating maging nagsasanggalang na

1, 2. Saan tayo makasusumpong ng ligtas na kanlungan sa ngayon?

3. Paano natin magiging kanlungan si Jehova?

KABANATA 19

Manatili sa Pag-ibig ng Diyos

Ano ang ibig sabihin ng ibigin ang Diyos?

Paano tayo makapananatili sa pag-ibig ng Diyos?

Paano gagantimpalaan ni Jehova ang mga nananatilisa kaniyang pag-ibig?

Manatili sa Pag-ibig ng Diyos 235

kanlungan. Maiingatan niya tayong ligtas, sapagkat di-hamak

na mas makapangyarihan siya kaysa sa sinuman o anuman na

maaaring puminsala sa atin. Kahit na mapinsala tayo, kayang

pawiin ni Jehova ang lahat ng masasamang epekto nito. Paa-

no natin magiging kanlungan si Jehova? Kailangan tayong

magtiwala sa kaniya. Karagdagan pa, hinihimok tayo ng Sali-

ta ng Diyos: “Panatilihin ang inyong sarili sa pag-ibig ng

Diyos.” (Judas 21) Oo, kailangan nating manatili sa pag-ibig

ng Diyos, anupat pinananatili ang isang maibiging buklod sa

ating makalangit na Ama. Sa gayon, makatitiyak tayo na siya

ang ating kanlungan. Ngunit paano tayo magkakaroon ng ga-

yong buklod?

PAGKILALA AT PAGTUGON SA PAG-IBIG NG DIYOS4 Upang manatili sa pag-ibig ng Diyos, kailangang mabatid

natin kung paano ipinakikita ni Jehova ang kaniyang pag-ibig

sa atin. Pag-isipan ang ilan sa mga turo sa Bibliya na natutu-

han mo sa tulong ng aklat na ito. Bilang Maylalang, ibinigay

ni Jehova sa atin ang lupa bilang kalugud-lugod na tahanan

natin. Pinunˆ

o niya ito ng saganang pagkain at tubig, likas na

yaman, kawili-wiling buhay-hayop, at magandang tanawin. Bi-

lang Awtor ng Bibliya, isiniwalat sa atin ng Diyos ang kaniyang

pangalan at ang kaniyang mga katangian. Bukod diyan, isini-

siwalat ng kaniyang Salita na isinugo niya rito sa lupa ang ka-

niya mismong minamahal na Anak, anupat pinahintulutang

magdusa at mamatay si Jesus alang-alang sa atin. (Juan 3:16)

4, 5. Ano ang ilan sa mga paraan na ipinakikita ni Jehova ang kaniyang pag-ibigsa atin?

236 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

At ano ang kahulugan para sa atin ng regalong iyan? Nagbibi-

gay ito sa atin ng pag-asa na matamo ang isang kamangha-

manghang kinabukasan.5 Ang ating pag-asa sa hinaharap ay nakasalalay rin sa

isa pang bagay na ginawa ng Diyos. Nagtatag si Jehova ng

isang makalangit na pamahalaan, ang Mesiyanikong Kahari-

an. Malapit na nitong wakasan ang lahat ng pagdurusa at ga-

wing paraiso ang lupa. Isip-isipin iyan! Mabubuhay tayo roon

sa kapayapaan at kaligayahan magpakailanman. (Awit 37:29)

Samantala, binibigyan tayo ng Diyos ng patnubay kung paano

tayo mamumuhay sa ngayon sa pinakamainam na paraang po-

sible. Ibinigay rin niya sa atin ang kaloob na panalangin, isang

buk´as na linya ng pakikipagtalastasan sa kaniya. Ilan lamang

ito sa mga paraan na ipinakikita ni Jehova ang kaniyang pag-

ibig para sa sangkatauhan sa pangkalahatan at sa iyo bilang

indibiduwal.6 Ang napakahalagang tanong na dapat mong isaalang-alang

ay ito: Paano ako tutugon sa pag-ibig ni Jehova? Marami ang

magsasabi, “Buweno, dapat lamang na ibigin ko rin si Jehova.”

Ganiyan ba ang nadarama mo? Sinabi ni Jesus na ang pinaka-

dakila sa lahat ng utos ay ito: “Iibigin mo si Jehova na iyong

Diyos nang iyong buong puso at nang iyong buong kaluluwa

at nang iyong buong pag-iisip.” (Mateo 22:37) Tiyak na mara-

mi kang dahilan para ibigin ang Diyos na Jehova. Ngunit

ang pagkadama ba na may gayon kang pag-ibig ang tanging

6. Paano ka maaaring tumugon sa pag-ibig na ipinakikita ni Jehova sa iyo?

Manatili sa Pag-ibig ng Diyos 237

nasasangkot sa pag-ibig kay Jehova nang iyong buong puso, ka-

luluwa, at pag-iisip?7 Gaya ng inilalarawan sa Bibliya, ang pag-ibig sa Diyos ay hi-

git pa kaysa sa damdamin. Sa katunayan, bagaman napakahala-

ga ng pagkadama ng pag-ibig kay Jehova, ang damdaming iyan

ay pasimula lamang ng tunay na pag-ibig sa kaniya. Napakaha-

laga ng buto ng mansanas upang magkaroon ng namumungang

puno ng mansanas. Gayunman, kung gusto mo ng mansanas,

masisiyahan ka ba kung ang ibibigay lamang sa iyo ay buto ng

mansanas? Siyempre hindi! Sa katulad na paraan, ang pagkada-

ma ng pag-ibig sa Diyos na Jehova ay pasimula lamang. Gani-

to ang itinuturo ng Bibliya: “Ito ang kahulugan ng pag-ibig sa

Diyos, na tuparin natin ang kaniyang mga utos; gayunma’y ang

kaniyang mga utos ay hindi pabigat.” (1 Juan 5:3) Upang ma-

ging totoo ang pag-ibig sa Diyos, dapat itong magluwal ng ma-

inam na bunga. Dapat itong ipakita sa gawa.—Mateo 7:16-20.8 Ipinakikita natin ang ating pag-ibig sa Diyos kapag sinusu-

nod natin ang kaniyang mga utos at ikinakapit ang kaniyang

mga simulain. Hindi naman napakahirap gawin ito. Sa halip

na makapagpabigat, ang mga kautusan ni Jehova ay dinisen-

yo upang tulungan tayong magkaroon ng maganda, maligaya,

at kasiya-siyang buhay. (Isaias 48:17, 18) Sa pamumuhay alin-

sunod sa patnubay ni Jehova, ipinakikita natin sa ating maka-

langit na Ama na talagang pinahahalagahan natin ang lahat

7. May higit pa bang nasasangkot sa pag-ibig sa Diyos bukod sa pagkadama nito?Ipaliwanag.8, 9. Paano natin maipakikita ang ating pag-ibig at pagpapahalaga sa Diyos?

238 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

ng ginagawa niya para sa atin. Nakalulungkot, iilan lamang sa

daigdig sa ngayon ang nagpapakita ng gayong pagpapahalaga.

Ayaw nating maging di-mapagpahalaga, gaya ng ilang taong

nabuhay noong narito pa sa lupa si Jesus. Pinagaling ni Jesus

ang sampung ketongin, ngunit isa lamang ang bumalik upang

pasalamatan siya. (Lucas 17:12-17) Tiyak na nais nating ma-

ging gaya ng isa na nagpasalamat at hindi gaya ng siyam na

walang utang na loob!9 Kung gayon, anong mga utos ni Jehova ang kailangan na-

ting sundin? Marami sa mga utos na ito ang natalakay na na-

tin sa aklat na ito, pero repasuhin natin ang ilan. Ang pagsu-

nod sa mga utos ng Diyos ay tutulong sa atin na manatili sa

pag-ibig ng Diyos.

MAGING LALONG MALAP´IT KAY JEHOVA

10 Ang pagkatuto tungkol kay Jehova ay isang napakahala-

gang hakbang upang maging malap´ıt sa kaniya. Ito ay dapat

maging isang patuluyang proseso. Kung nasa labas ka sa isang

napakalamig na gabi at nagpapainit ka sa harap ng apoy, ha-

hayaan mo bang unti-unting humina ang apoy hanggang sa

mamatay ito? Hindi. Patuloy kang maglalagay ng panggatong

upang manatiling maningas at mainit ang apoy. Maaaring na-

kasalalay rito ang mismong buhay mo! Kung paanong nagsi-

silbing panggatong ang kahoy sa apoy, “ang mismong kaala-

man sa Diyos” naman ang nagpapaningas ng ating pag-ibig

kay Jehova.—Kawikaan 2:1-5.

10. Ipaliwanag kung bakit mahalaga na patuloy na kumuha ng kaalaman tung-kol sa Diyos na Jehova.

Manatili sa Pag-ibig ng Diyos 239

11 Nais ni Jesus na mapanatiling buh´ay at maningas ng ka-

niyang mga tagasunod ang kanilang pag-ibig kay Jehova at sa

Kaniyang mahalagang Salita ng katotohanan. Nang siya’y bu-

haying muli, itinuro ni Jesus sa dalawa sa kaniyang mga ala-

gad ang tungkol sa ilan sa mga hula sa Hebreong Kasulatan

na natupad sa kaniya. Ano ang naging epekto nito? Sinabi nila

sa dakong huli: “Hindi ba nagniningas ang ating mga puso ha-

bang nagsasalita siya sa atin sa daan, habang lubusan niyang

binubuksan ang Kasulatan sa atin?”—Lucas 24:32.12 Nang una mong matutuhan kung ano talaga ang itinutu-

ro ng Bibliya, napansin mo ba na ang iyong puso ay nagsimu-

lang magningas nang may kagalakan, sigasig, at pag-ibig sa

Diyos? Tiyak na gayon nga. Ganiyan din ang nadama ng ma-

rami. Ang hamon ngayon ay ang mapanatiling buh´ay ang ma-

sidhing damdaming iyan at mapalago ito. Hindi natin gustong

gayahin ang kalakaran ng sanlibutan sa ngayon. Inihula ni Je-

sus: “Ang pag-ibig ng nakararami ay lalamig.” (Mateo 24:12)

Paano mo maiiwasang lumamig ang iyong pag-ibig kay Jeho-

va at sa mga katotohanan sa Bibliya?13 Patuloy kang kumuha ng kaalaman tungkol sa Diyos na

Jehova at kay Jesu-Kristo. (Juan 17:3) Bulay-bulayin, o pag-

isipang mabuti, ang natututuhan mo mula sa Salita ng Diyos,

anupat tinatanong ang iyong sarili: ‘Ano ba ang itinuturo nito

sa akin tungkol sa Diyos na Jehova? Ano pang karagdagang

11. Ano ang naging epekto ng pagtuturo ni Jesus sa kaniyang mga tagasunod?12, 13. (a) Ano ang nangyayari sa pag-ibig sa Diyos at sa Bibliya ng karami-han sa mga tao sa ngayon? (b) Paano natin maiiwasang lumamig ang atingpag-ibig?

240 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

dahilan ang ibinibigay nito sa akin upang siya ay ibigin ko

nang buong puso, pag-iisip, at kaluluwa?’ (1 Timoteo 4:15)

Sa pamamagitan ng gayong pagbubulay-bulay, mapananatili

mong maningas ang iyong pag-ibig kay Jehova.14 Ang isa pang paraan upang mapanatiling maningas ang

iyong pag-ibig kay Jehova ay ang regular na pananalangin.

(1 Tesalonica 5:17) Sa Kabanata 17 ng aklat na ito, natutuhan

natin na ang panalangin ay isang mahalagang regalo mula sa

Diyos. Kung paanong lumalago ang ugnayan ng mga tao da-

hil sa regular at buk´as na pakikipagtalastasan, ang ating ka-

ugnayan kay Jehova ay nananatiling mainit at buh´ay kapag re-

gular tayong nananalangin sa kaniya. Napakahalaga na huwag

nating hahayaan kailanman na maging mekanikal ang ating

mga panalangin—rutin na mga salita lamang na inuulit-ulit

natin nang walang tunay na damdamin o kahulugan. Kai-

langang makipag-usap tayo kay Jehova gaya ng pakikipag-

usap ng isang anak sa kaniyang minamahal na ama. Sabihin

pa, nais nating maging magalang sa pakikipag-usap, ngunit

buk´as, tapat, at mula sa puso. (Awit 62:8) Oo, ang personal na

pag-aaral ng Bibliya at marubdob na pananalangin ay napaka-

halagang mga aspekto ng ating pagsamba, at tinutulungan

tayo ng mga ito na manatili sa pag-ibig ng Diyos.

MAKASUMPONG NG KAGALAKAN SA IYONG PAGSAMBA15 Ang personal na pag-aaral ng Bibliya at pananalangin ay

14. Paano makatutulong ang panalangin upang mapanatili nating buh´ay ang ating

pag-ibig kay Jehova?15, 16. Bakit wasto nating maituturing ang pangangaral ng Kaharian bilangisang pribilehiyo at isang kayamanan?

Manatili sa Pag-ibig ng Diyos 241

mga gawa ng pagsamba na maaari nating gawin nang pribado.

Subalit isaalang-alang natin ngayon ang isang aspekto ng pag-

samba na isinasagawa natin nang hayagan: pakikipag-usap sa

iba tungkol sa ating mga paniniwala. Ibinabahagi mo na ba sa

iba ang ilang katotohanan sa Bibliya? Kung oo, tinatamasa mo

na ang isang kamangha-manghang pribilehiyo. (Lucas 1:74)

Kapag ibinabahagi natin ang mga katotohanang natututuhan

natin tungkol sa Diyos na Jehova, isinasagawa natin ang isang

napakahalagang atas na ibinigay sa lahat ng tunay na Kristi-

yano—ang pangangaral ng mabuting balita ng Kaharian ng

Diyos.—Mateo 24:14; 28:19, 20.16 Itinuring ni apostol Pablo na mahalaga ang kaniyang mi-

nisteryo, anupat tinawag itong kayamanan. (2 Corinto 4:7)

Ang pakikipag-usap sa mga tao tungkol sa Diyos na Jehova at

sa kaniyang mga layunin ang pinakamainam na gawaing mai-

sasakatuparan mo. Paglilingkod ito sa pinakamahusay na Pa-

nginoon, at nagdudulot ito ng pinakamabubuting pakinabang

na posible. Sa pakikibahagi sa gawaing ito, tinutulungan mo

ang tapat-pusong mga tao na mapalap´ıt sa ating makalangit na

Ama at magsimulang tahakin ang daang patungo sa buhay na

walang hanggan! May iba pa bang gawain na mas kasiya-siya

kaysa rito? Karagdagan pa, ang pagpapatotoo tungkol kay Je-

hova at sa kaniyang Salita ay nagpapatibay ng iyong pananam-

palataya at nagpapasidhi ng iyong pag-ibig sa kaniya. At pina-

hahalagahan ni Jehova ang iyong mga pagsisikap. (Hebreo

6:10) Ang pananatiling abala sa gayong gawain ay tutulong sa

iyo na manatili sa pag-ibig ng Diyos.—1 Corinto 15:58.

242 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

17 Mahalagang tandaan na ang pangangaral ng Kaharian ay

apurahan. Sinasabi ng Bibliya: “Ipangaral mo ang salita, ma-

ging apurahan ka rito.” (2 Timoteo 4:2) Bakit napakaapurahan

ang paggawa nito sa ngayon? Sinasabi sa atin ng Salita ng

Diyos: “Ang dakilang araw ni Jehova ay malapit na. Iyon ay

malapit na, at iyon ay lubhang minamadali.” (Zefanias 1:14)

Oo, mabilis na dumarating ang oras upang wakasan ni Jehova

ang buong sistemang ito ng mga bagay. Kailangang babalaan

ang mga tao! Kailangan nilang malaman na ngayon na ang pa-

nahon para piliin nila si Jehova bilang kanilang Soberano. Ang

wakas ay ‘hindi maaantala.’—Habakuk 2:3.18 Nais ni Jehova na sambahin natin siya nang hayagan kasa-

ma ng tunay na mga Kristiyano. Kaya naman sinasabi ng kani-

yang Salita: “Isaalang-alang natin ang isa’t isa upang mag-udyu-

kan sa pag-ibig at sa maiinam na gawa, na hindi pinababayaan

ang ating pagtitipon, gaya ng kinaugalian ng iba, kundi nagpa-

patibayang-loob sa isa’t isa, at lalung-lalo na samantalang in-

yong nakikita na papalapit na ang araw.” (Hebreo 10:24, 25) Ka-

pag nagtitipon tayo kasama ng mga kapananampalataya sa

Kristiyanong mga pagpupulong, mayroon tayong magandang

pagkakataon para purihin at sambahin ang ating minamahal na

Diyos. Napatitibay at napasisigla rin natin ang isa’t isa.19 Habang nakikisama tayo sa ibang mananamba ni Jehova,

17. Bakit apurahan sa ngayon ang ministeryong Kristiyano?18. Bakit natin dapat sambahin si Jehova nang hayagan kasama ng tunay na mgaKristiyano?19. Paano natin mapatitibay ang buklod ng pag-ibig sa loob ng kongregasyongKristiyano?

Manatili sa Pag-ibig ng Diyos 243

napatitibay natin ang buklod ng pag-ibig at pakikipagkaibigan

sa loob ng kongregasyon. Mahalaga na hanapin natin ang ma-

gagandang katangian ng iba, kung paanong hinahanap ni Je-

hova ang magagandang katangian natin. Huwag umasa ng ka-

sakdalan mula sa iyong mga kapananampalataya. Tandaan na

ang lahat ay nasa iba’t ibang antas ng pagsulong sa espirituwal

at na lahat tayo ay nagkakamali. (Colosas 3:13) Sikaping bu-

muo ng matalik na pakikipagkaibigan sa mga may masidhing

pag-ibig kay Jehova, at makikita mong susulong ka sa espiri-

tuwal. Oo, ang pagsamba kay Jehova kasama ng iyong mga ka-

patid sa espirituwal ay tutulong sa iyo na manatili sa pag-ibig

ng Diyos. Paano ginagantimpalaan ni Jehova yaong mga su-

masamba sa kaniya nang buong katapatan at sa gayo’y nana-

natili sa kaniyang pag-ibig?

ABUTIN ANG “TUNAY NA BUHAY”20 Gagantimpalaan ni Jehova ng buhay ang kaniyang tapat

na mga lingkod, ngunit anong uri ng buhay? Buweno, nabubu-

hay ka ba talaga sa ngayon? Ang karamihan sa atin ay magsa-

sabi na maliwanag naman ang sagot. Tutal, humihinga tayo,

kumakain, at umiinom. Siguro naman ay talagang nabubuhay

tayo. At sa ating mas maliligayang sandali, baka sinasabi pa

nga natin, “Ito talaga ang masarap na buhay!” Gayunman, ipi-

nahihiwatig ng Bibliya na sa mahalagang diwa, walang tao sa

ngayon ang talagang nabubuhay.21 Hinihimok tayo ng Salita ng Diyos na ‘manghawakang

20, 21. Ano ba ang “tunay na buhay,” at bakit ito isang napakagandang pag-asa?

244 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

mahigpit sa tunay na buhay.’ (1 Timoteo 6:19) Ipinakikita ng

mga salitang iyon na ang “tunay na buhay” ay isang bagay na

inaasahan nating matamo sa hinaharap. Oo, kapag naging sak-

dal na tayo, magiging buh´ay tayo sa ganap na diwa ng salita,

sapagkat mabubuhay tayo gaya ng orihinal na nilayon ng

Diyos para sa atin. Kapag nabubuhay na tayo sa paraisong

lupa sa sakdal na kalusugan, kapayapaan, at kaligayahan, ta-

tamasahin na rin natin sa wakas ang “tunay na buhay”—bu-

hay na walang hanggan. (1 Timoteo 6:12) Hindi ba isang na-

pakagandang pag-asa iyan?22 Paano tayo ‘makapanghahawakang mahigpit sa tunay na

buhay’? Sa konteksto rin nito, hinimok ni Pablo ang mga Kris-

tiyano na “gumawa ng mabuti” at “maging mayaman sa mai-

inam na gawa.” (1 Timoteo 6:18) Kung gayon, maliwanag na

malaki ang nakasalalay sa pagkakapit natin ng mga katotoha-

nang ating natutuhan sa Bibliya. Ngunit ang ibig bang sabi-

hin ni Pablo ay nararapat tayong tumanggap ng “tunay na bu-

hay” dahil sa ating mabubuting gawa? Hindi, sapagkat ang

gayong kamangha-manghang pag-asa ay nakasalalay talaga

sa pagtanggap natin ng “di-sana-nararapat na kabaitan” ng

Diyos. (Roma 5:15) Gayunman, nalulugod si Jehova na gan-

timpalaan ang mga naglilingkod sa kaniya nang buong kata-

patan. Nais niyang makitang tinatamasa mo ang “tunay na bu-

hay.” Ang mga nananatili sa pag-ibig ng Diyos ay makaaasa

ng gayong maligaya, mapayapa, at walang-hanggang buhay.

22. Paano ka ‘makapanghahawakang mahigpit sa tunay na buhay’?

Manatili sa Pag-ibig ng Diyos 245

23 Makabubuting tanungin ng bawat isa sa atin ang kaniyang

sarili, ‘Sinasamba ko ba ang Diyos sa paraang itinakda niya sa

Bibliya?’ Kung titiyakin natin sa araw-araw na ang sagot ay oo,

kung gayon ay nasa tamang landas tayo. Makapagtitiwala tayo

na si Jehova ang ating kanlungan. Iingatan niyang ligtas ang ka-

niyang tapat na bayan sa magulong mga huling araw ng matan-

dang sistemang ito ng mga bagay. Ililigtas din tayo ni Jehova

tungo sa maluwalhating bagong sistema ng mga bagay na kay-

lapit na. Tunay ngang nananabik tayong makita ang panahong

iyan! At tunay ngang malulugod tayo na ginawa natin ang ta-

mang mga pasiya sa mga huling araw na ito! Kung gagawin mo

na ngayon ang gayong mga pagpapasiya, tatamasahin mo ang

“tunay na buhay,” ang buhay na talagang nilayon ng Diyos na

Jehova, magpakailanman!

23. Bakit mahalaga na manatili sa pag-ibig ng Diyos?

KUNG ANO ANG ITINUTURO NG BIBLIYAˇ Ipinakikita natin ang ating tunay na pag-ibig sa Diyos

kapag sinusunod natin ang kaniyang mga utos atikinakapit ang kaniyang mga simulain.—1 Juan 5:3.

ˇ Ang pag-aaral ng Salita ng Diyos, marubdob napananalangin kay Jehova, pagtuturo sa iba ng tungkolsa kaniya, at pagsamba sa kaniya sa Kristiyanong mgapagpupulong ay tutulong sa atin na manatili sa pag-ibig ng Diyos.—Mateo 24:14; 28:19, 20; Juan 17:3;1 Tesalonica 5:17; Hebreo 10:24, 25.

ˇ Ang mga nananatili sa pag-ibig ng Diyos ay maypag-asang magtamasa ng “tunay na buhay.”—1 Timoteo 6:12, 19; Judas 21.

246 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

PAKSA PAHINA

Ang Banal na Pangalan—Ang Paggamit at Kahulugan Nito � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � 248

Kung Paano Inihula ni Danielang Pagdating ng Mesiyas � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � 252

Si Jesu-Kristo—Ang Ipinangakong Mesiyas � � � � � � � � � � � � � � � � � � 254

Ang Katotohanan Tungkol sa Ama,sa Anak, at sa Banal na Espiritu � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � 257

Kung Bakit Hindi Gumagamit ngKrus sa Pagsamba ang Tunay na mga Kristiyano � � � � � � � � � � � 261

Ang Hapunan ng Panginoon—Isang Pagdiriwang na Nagpaparangal sa Diyos � � � � � � � � � � � 263

“Kaluluwa” at “Espiritu”—Ano ba Talaga ang Kahulugan ng mga Salitang Ito? � � � � 266

Ano ba ang Sheol at Hades? � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � 271

Araw ng Paghuhukom—Ano Ito? � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � 273

1914—Isang Mahalagang Taon sa Hula ng Bibliya � � � � � � � � � � 276

Sino si Miguel na Arkanghel? � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � 280

Pagkilala sa “Babilonyang Dakila” � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � � 281

Isinilang ba si Jesus sa Buwan ng Disyembre? � � � � � � � � � � � � � � � 283

Dapat ba Tayong Magdiwang ng mga Kapistahan? � � � � � � � � � 285

APENDISE

PAANO isinalin sa iyong kopya ng Bibliya ang Awit 83:18? Ganito

ang pagkakasalin ng Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan

sa talatang ito: “Upang malaman ng mga tao na ikaw, na ang panga-

lan ay Jehova, ikaw lamang ang Kataas-taasan sa buong lupa.” Ga-

nito rin ang pagkakasalin ng iba pang salin ng Bibliya. Gayunman,

maraming salin ang hindi gumagamit ng pangalang Jehova, anupat

pinapalitan ito ng mga titulong gaya ng “Panginoon” o “Walang-

Hanggan.” Ano ba ang dapat gamitin sa talatang ito? Isang titulo o

ang pangalang Jehova?

Tinutukoy ng talatang ito ang isang pangalan. Sa orihinal na He-

breo na ginamit sa pagsulat ng kalakhang bahagi ng Bibliya, isang

natatanging personal na pangalan ang lumilitaw rito. Ang baybay

nito sa mga letrang Hebreo ay ���� (YHWH). Sa Tagalog, ang kara-

niwang salin sa pangalang iyan ay “Jehova.” Ang pangalan bang iyan

ay lumilitaw lamang sa iisang talata sa Bibliya? Hindi. Lumilitaw ito

sa orihinal na teksto ng Hebreong Kasulatan nang halos 7,000 ulit!

Gaano ba kahalaga ang pangalan ng Diyos? Isaalang-alang ang

modelong panalangin na ibinigay ni Jesu-Kristo. Ganito ang pasi-

mula nito: “Ama namin na nasa langit, pakabanalin nawa ang iyong

pangalan.” (Mateo 6:9) Nang maglaon, nanalangin si Jesus sa Diyos:

“Ama, luwalhatiin mo ang iyong pangalan.” Bilang tugon, nagsalita

ang Diyos mula sa langit, na sinasabi: “Kapuwa ko ito niluwalhati

at luluwalhatiing muli.” (Juan 12:28) Maliwanag, napakahalaga ng

pangalan ng Diyos. Kung gayon, bakit hindi ito ginamit ng ilang ta-

Ang Banal na Pangalan—Ang Paggamit at Kahulugan Nito

248 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

gapagsalin sa kanilang mga salin ng Bibliya at pinalitan pa ito ng

mga titulo?

Waring may dalawang pangunahing dahilan. Una, marami ang

nagsasabi na ang pangalang iyan ay hindi dapat gamitin dahil hin-

di na alam sa ngayon ang orihinal na pagbigkas dito. Ang sinaunang

Hebreo ay isinusulat nang walang mga patinig. Kung gayon, walang

sinuman sa ngayon ang tiyak na makapagsasabi kung paano eksak-

tong binibigkas ng mga tao noong panahon ng Bibliya ang YHWH.

Gayunman, dapat ba itong makahadlang sa atin sa paggamit sa pa-

ngalan ng Diyos? Noong panahon ng Bibliya, ang pangalang Jesus

ay maaaring binibigkas na Yeshua o marahil ay Yehoshua—walang

sinuman ang nakatitiyak. Subalit ang mga tao sa buong daigdig sa

ngayon ay gumagamit ng iba’t ibang anyo ng pangalang Jesus, anu-

pat binibigkas ito sa paraang karaniwan sa kanilang wika. Hindi sila

nag-aatubiling gamitin ang pangalang iyan dahil lamang sa hindi

nila alam kung paano ito binibigkas noong unang siglo. Sa katulad

na paraan, kung maglalakbay ka sa banyagang lupain, malamang na

mapapansin mong iba ang pagbigkas nila sa iyo mismong pangalan

sa ibang wika. Kaya naman, ang pagiging di-tiyak sa sinaunang pag-

bigkas sa pangalan ng Diyos ay hindi dahilan upang hindi ito gami-

tin.

Ang ikalawang dahilan na madalas na ibinibigay kung bakit inaa-

lis ang pangalan ng Diyos sa Bibliya ay nagsasangkot ng isang ma-

tagal nang tradisyon ng mga Judio. Naniniwala ang marami sa ka-

nila na ang pangalan ng Diyos ay hindi dapat bigkasin kailanman.

Maliwanag na ang paniniwalang ito ay salig sa maling pagkakapit

ng isang kautusan sa Bibliya na nagsasabi: “Huwag mong gagami-

tin ang pangalan ni Jehova na iyong Diyos sa walang-kabuluhang

Apendise 249

paraan, sapagkat hindi hahayaan ni Jehova na di-naparurusahan ang

gumagamit ng kaniyang pangalan sa walang-kabuluhang paraan.”

—Exodo 20:7.

Ipinagbabawal ng kautusang ito ang maling paggamit sa pangalan

ng Diyos. Ngunit ipinagbabawal ba nito ang magalang na paggamit

sa kaniyang pangalan? Hindi naman. Ang lahat ng mga manunulat

ng Bibliyang Hebreo (ang “Lumang Tipan”) ay tapat na mga lalaki

na namuhay ayon sa Kautusan na ibinigay ng Diyos sa sinaunang

mga Israelita. Gayunman, madalas nilang gamitin ang pangalan ng

Diyos. Halimbawa, inilakip nila ito sa maraming salmo na inaawit

nang malakas ng mga pulutong ng mga mananamba. Tinagubilinan

pa nga ng Diyos na Jehova ang kaniyang mga mananamba na tuma-

wag sa kaniyang pangalan, at sumunod naman ang tapat na mga in-

dibiduwal. (Joel 2:32; Gawa 2:21) Kaya naman, hindi nag-aatubili

ang mga Kristiyano sa ngayon na gamitin ang pangalan ng Diyos sa

magalang na paraan, gaya ng ginawa mismo ni Jesus.—Juan 17:26.

Malaking pagkakamali ang nagawa ng mga tagapagsalin ng Bibli-

ya nang palitan nila ng mga titulo ang pangalan ng Diyos. Ginawa

nilang waring malayo at walang personalidad ang Diyos, samanta-

lang hinihimok ng Bibliya ang mga tao na linangin ang “matalik na

kaugnayan kay Jehova.” (Awit 25:14) Isipin mo ang isang matalik

na kaibigan. Talaga kayang magiging malap´ıt ka sa iyong kaibigan

kung hindi mo man lamang nalalaman ang pangalan niya? Sa katu-

lad na paraan, paano talaga m´apapalap

´ıt sa Diyos ang mga tao kung

hindi nila nalalaman ang pangalan ng Diyos na Jehova? Karagda-

gan pa, kung hindi gagamitin ng mga tao ang pangalan ng Diyos,

hindi rin nila malalaman ang kamangha-manghang kahulugan nito.

Ano ba ang kahulugan ng banal na pangalan?

250 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

Ipinaliwanag mismo ng Diyos ang kahulugan ng kaniyang panga-

lan sa tapat na lingkod niyang si Moises. Nang magtanong si Moi-

ses tungkol sa pangalan ng Diyos, sumagot si Jehova: “Ako ay ma-

giging gayon sa anumang ako ay magiging gayon.” (Exodo 3:14)

Ganito ang pagkakasabi ng salin ni Rotherham: “Ako ay Magiging

anuman na kalugdan ko.” Kaya si Jehova ay maaaring maging anu-

man na kailangan upang matupad ang kaniyang mga layunin.

Ipagpalagay na kaya mong maging anuman na nais mong maging.

Ano ang gagawin mo para sa iyong mga kaibigan? Kung nagkasa-

kit nang malubha ang isa sa kanila, puwede kang maging isang da-

lubhasang doktor at pagalingin siya. Kung bumagsak naman ang

kabuhayan ng isa, maaari kang maging isang mayamang pilantropo

at saklolohan siya. Gayunman, ang totoo ay limitado ka sa kung

ano ang maaari kang maging. Ganiyan tayong lahat. Habang pinag-

aaralan mo ang Bibliya, mamamangha kang makita kung paanong

si Jehova ay nagiging anuman na kinakailangan upang matupad

ang kaniyang mga layunin. At nalulugod siyang gamitin ang kani-

yang kapangyarihan alang-alang sa mga umiibig sa kaniya. (2 Cro-

nica 16:9) Ang magagandang aspektong ito ng personalidad ni Je-

hova ay hindi nakikita ng mga hindi nakababatid sa kaniyang

pangalan.

Maliwanag, ang pangalang Jehova ay dapat gamitin sa Bibliya.

Ang pagkabatid sa kahulugan nito at ang malayang paggamit nito

sa ating pagsamba ay mabibisang pantulong upang m´apalap

´ıt tayo

sa ating makalangit na Ama, si Jehova.�

� Para sa higit na impormasyon hinggil sa pangalan ng Diyos, kahulugannito, at mga dahilan kung bakit dapat gamitin ito sa pagsamba, tingnan angbrosyur na Ang Banal na Pangalan na Mananatili Magpakailanman, na inilatha-la ng mga Saksi ni Jehova.

Apendise 251

NABUHAY si propeta Daniel mahigit na 500 taon bago pa isi-

lang si Jesus. Magkagayunman, isiniwalat ni Jehova kay Daniel

ang impormasyon na tutulong upang matukoy ang panahon kung

kailan papahiran, o hihirangin, si Jesus bilang Mesiyas, o Kris-

to. Sinabi kay Daniel: “Alamin mo at magkaroon ka ng kauna-

waan na mula sa paglabas ng salita na isauli at muling itayo ang

Jerusalem hanggang sa Mesiyas na Lider, magkakaroon ng pitong

sanlinggo, gayundin ng animnapu’t dalawang sanlinggo.”—Daniel

9:25.

Upang malaman ang panahon ng pagdating ng Mesiyas, kaila-

ngan muna nating alamin ang pasimula ng yugto ng panahon na

aakay sa pagdating ng Mesiyas. Ayon sa hula, ito ay “mula sa pag-

labas ng salita na isauli at muling itayo ang Jerusalem.” Kailan

naganap itong “paglabas ng salita”? Ayon sa manunulat ng Bibli-

ya na si Nehemias, lumabas ang salita na muling itayo ang mga

pader sa palibot ng Jerusalem “noong ikadalawampung taon ni

Artajerjes na hari.” (Nehemias 2:1, 5-8) Pinatutunayan ng mga is-

toryador na ang ta´

ong 474 B.C.E. ang unang buong taon ni Arta-

jerjes bilang tagapamahala. Kung gayon, ang ika-20 taon ng ka-

niyang pamamahala ay 455 B.C.E. Ngayon ay alam na natin ang

pasimula ng hula ni Daniel tungkol sa Mesiyas, samakatuwid

nga, 455 B.C.E.

Binanggit ni Daniel kung kailan matatapos ang yugto ng pana-

hon na umaakay sa pagdating ng “Mesiyas na Lider.” Binanggit

Kung Paano Inihula ni Danielang Pagdating ng Mesiyas

252 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

ng hula ang “pitong sanlinggo, gayundin [ang] animnapu’t dala-

wang sanlinggo”—may kabuuang 69 na sanlinggo. Gaano kahaba

ang yugtong ito ng panahon? Binanggit ng ilang salin ng Bibliya

na ang mga ito ay, hindi mga sanlinggo na may pitong araw, kun-

di mga sanlinggo ng mga taon. Samakatuwid nga, bawat sanling-

go ay katumbas ng pitong taon. Ang ideyang ito ng mga sanling-

go ng mga taon, o yugto ng panahon na may tigpipitong taon, ay

“PITUMPUNG SANLINGGO”

490 taon

7 sanlinggo(49 na taon)

62 sanlinggo(434 na taon)

1 sanlinggo(7 taon)

455 406 & B.C.E. C.E. ) 29 33 36

Ang “salitana isauli . . .

ang Jerusalem”

Mulingitinayo angJerusalem

Dumatingang Mesiyas

‘Kinitil’ang Mesiyas

Wakas ng“pitumpungsanlinggo”

Apendise 253

pamilyar sa mga Judio noong sinaunang panahon. Halimbawa,

ipinangingilin nila ang taon ng Sabbath tuwing ikapitong taon.

(Exodo 23:10, 11) Kung gayon, ang makahulang 69 na sanlinggo

ay katumbas ng 69 na yugto ng panahon na may 7 taon bawat isa,

o may kabuuang 483 taon.

Ang kailangan na lamang nating gawin ngayon ay magbilang.

Kung bibilang tayo mula 455 B.C.E., ang 483 taon ay aakay sa

atin sa ta´

ong 29 C.E. Iyan ang eksaktong taon nang si Jesus ay

mabautismuhan at maging Mesiyas!� (Lucas 3:1, 2, 21, 22) Hin-

di ba iyan isang kamangha-manghang katuparan ng hula sa Bi-

bliya?

� Mula 455 B.C.E. hanggang 1 B.C.E. ay 454 na taon. Mula 1 B.C.E. hang-gang 1 C.E. ay isang taon (walang ta

´ong zero). At mula 1 C.E. hanggang

29 C.E. ay 28 taon. Kung susumahin ang tatlong bilang na ito, magkaka-roon tayo ng kabuuang bilang na 483 taon. Si Jesus ay ‘kinitil,’ o pinataynoong 33 C.E., sa panahon ng ika-70 sanlinggo ng mga taon. (Daniel 9:24,26) Tingnan ang Magbigay-Pansin sa Hula ni Daniel! kabanata 11, at Insighton the Scriptures, Tomo 2, pahina 899-901. Ang dalawang publikasyong itoay inilathala ng mga Saksi ni Jehova.

UPANG tulungan tayong makilala ang Mesiyas, kinasihan ng

Diyos na Jehova ang maraming propeta sa Bibliya upang mag-

laan ng mga detalye tungkol sa pagsilang, ministeryo, at kama-

tayan ng ipinangakong Tagapagligtas na ito. Ang lahat ng hulang

ito sa Bibliya ay natupad kay Jesu-Kristo. Kamangha-mangha

ang pagiging tumpak at detalyado ng mga ito. Upang ilarawan

Si Jesu-Kristo—Ang Ipinangakong Mesiyas

254 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

ito, isaalang-alang natin ang ilang hula may kaugnayan sa pagsi-

lang at pagkabata ng Mesiyas.

Inihula ni propeta Isaias na ang Mesiyas ay magiging inapo

ni Haring David. (Isaias 9:7) Isinilang nga si Jesus sa angkan ni

David.—Mateo 1:1, 6-17.

MGA HUL A MAY KAUGNAYAN SA ME S I YA S

PANGYAYARI HULA KATUPARAN

Isinilang mula sa tribo ni Juda Genesis 49:10 Lucas 3:23-33

Isinilang ng isang birhen Isaias 7:14 Mateo 1:18-25

Inapo ni Haring David Isaias 9:7 Mateo 1:1, 6-17

Ipinahayag ni Jehova bilangkaniyang Anak

Hindi pinaniwalaan Isaias 53:1 Juan 12:37, 38

Pumasok sa Jerusalem sakayng isang asnoIpinagkanulo ng isangmalap

´ıt na kasama

Ipinagkanulo sa halagang30 pirasong pilakTahimik sa harap ngmga nag-akusa sa kaniyaPinagpalabunutan ang kaniyangmga kasuutan

Nilait habang nasa tulos Awit 22:7, 8 Mateo 27:39-43

Walang butong nabali sa kaniya Awit 34:20 Juan 19:33, 36

Inilibing kasama ng mayayaman Isaias 53:9 Mateo 27:57-60

Ibinangon bago mabulok ang katawan Awit 16:10 Gawa 2:24, 27

Itinaas sa kanang kamay ng Diyos Awit 110:1 Gawa 7:56

Awit 2:7 Mateo 3:17

Zacarias 9:9 Mateo 21:1-9

Awit 41:9 Juan 13:18, 21-30

Zacarias 11:12 Mateo 26:14-16

Isaias 53:7 Mateo 27:11-14

Awit 22:18 Mateo 27:35

Apendise 255

Humula si Mikas, isa pang propeta ng Diyos, na ang batang

ito ay magiging isang tagapamahala sa dakong huli at na isisi-

lang siya sa “Betlehem Eprata.” (Mikas 5:2) Noong panahong

isilang si Jesus, may dalawang bayan sa Israel na tinatawag na

Betlehem. Matatagpuan ang isa malapit sa Nazaret sa hilagang

rehiyon ng bansa, at ang isa naman ay malapit sa Jerusalem sa

Juda. Ang Betlehem na malapit sa Jerusalem ay dating tinata-

wag na Eprata. Si Jesus ay isinilang sa bayang iyan, eksakto gaya

ng inihula!—Mateo 2:1.

Sinabi ng isa pang hula sa Bibliya na ang Anak ng Diyos ay

tatawagin “mula sa Ehipto.” Dinala ang batang si Jesus sa Ehip-

to. Iniuwi siya pagkamatay ni Herodes, sa gayo’y natupad ang

hula.—Oseas 11:1; Mateo 2:15.

Sa tsart sa pahina 255, ang mga kasulatan na nakatala sa ila-

lim ng uluhang “Hula” ay naglalaman ng mga detalye hinggil sa

Mesiyas. Pakisuyong ihambing ang mga ito sa mga kasulatan na

nakatala sa ilalim ng uluhang “Katuparan.” Ang paggawa nito

ay lalong magpapatibay ng iyong pananampalataya sa pagiging

totoo ng Salita ng Diyos.

Habang sinusuri mo ang mga kasulatang ito, isaisip na ang

mga inihula ay isinulat daan-daang taon bago pa isilang si Je-

sus. Ganito ang sabi ni Jesus: “Kailangang matupad ang lahat

ng mga bagay na nakasulat sa kautusan ni Moises at sa mga

Propeta at Mga Awit tungkol sa akin.” (Lucas 24:44) Gaya ng

mapatutunayan mo sa iyong sariling kopya ng Bibliya, natupad

nga ang mga ito—sa bawat detalye!

256 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

SINASABI ng mga taong naniniwala sa turo ng Trinidad na ang

Diyos ay binubuo ng tatlong persona—ang Ama, ang Anak, at ang

Banal na Espiritu. Sinasabing ang tatlong personang ito ay magka-

kapantay, makapangyarihan-sa-lahat, at walang pasimula. Kung ga-

yon, ayon sa doktrina ng Trinidad, ang Ama ay Diyos, ang Anak ay

Diyos, at ang Banal na Espiritu ay Diyos, ngunit iisa lamang ang

Diyos.

Marami sa mga naniniwala sa Trinidad ang umaamin na hindi nila

kayang ipaliwanag ang turong ito. Gayunman, baka inaakala nilang

itinuturo ito ng Bibliya. Kapansin-pansin na ang salitang “Trinidad”

ay hindi kailanman lumitaw sa Bibliya. Pero masusumpungan ba sa

Bibliya ang ideya ng Trinidad? Upang masagot ang tanong na ito,

tingnan natin ang isang kasulatan na madalas banggitin ng mga nag-

tataguyod ng Trinidad.

“ANG SALITA AY DIYOS”

Sinasabi ng Juan 1:1: “Sa pasimula pa’y naroon na ang Salita. Ka-

sama ng Diyos ang Salita at ang Salita ay Diyos.” (Magandang Balita

Biblia) Nang maglaon sa kabanata ring iyon, maliwanag na ipinakita

ni apostol Juan na “ang Salita” ay si Jesus. (Juan 1:14) Gayunman,

yamang ang Salita ay tinawag na Diyos, sinasabi ng ilan na ang Anak

at ang Ama ay walang-alinlangang bahagi ng iisang Diyos.

Tandaan na ang bahaging ito ng Bibliya ay orihinal na isinulat sa

wikang Griego. Nang maglaon, isinalin ng mga tagapagsalin ang teks-

tong Griego sa iba pang mga wika. Gayunman, hindi ginamit ng ilang

Ang Katotohanan Tungkol sa Ama,sa Anak, at sa Banal na Espiritu

Apendise 257

tagapagsalin ng Bibliya ang pariralang “ang Salita ay Diyos.” Bakit

hindi? Salig sa kanilang kaalaman sa wikang Griego na ginamit sa

pagsulat ng Bibliya, ipinasiya ng mga tagapagsaling iyon na ang pa-

riralang “ang Salita ay Diyos” ay dapat isalin sa ibang paraan. Paa-

no? Narito ang ilang halimbawa: “Ang Logos [Salita] ay tulad-Diyos.”

(A New Translation of the Bible) “Ang Salita ay isang diyos.” (The New

Testament in an Improved Version) “Ang Salita ay kasama ng Diyos at

nagtataglay sila ng iisang kaurian.” (The Translator’s New Testament)

Ayon sa mga saling ito, ang Salita ay hindi ang Diyos mismo.� Sa ha-

lip, dahil sa kaniyang mataas na posisyon sa mga nilalang ni Jehova,

ang Salita ay tinukoy bilang “isang diyos.” Dito ang salitang “diyos”

ay nangangahulugang “makapangyarihang isa.”

KUMUHA NG HIGIT PANG IMPORMASYON

Ang karamihan sa mga tao ay walang kabatiran sa wikang Griego

na ginamit sa pagsulat ng Bibliya. Kaya paano mo malalaman kung

ano talaga ang ibig sabihin ni apostol Juan? Pag-isipan ang halim-

bawang ito: Ipinaliwanag ng isang guro sa paaralan ang isang pak-

sa sa kaniyang mga estudyante. Pagkatapos nito, iba-iba ang naging

opinyon ng mga estudyante kung paano dapat unawain ang paliwa-

nag. Paano lulutasin ng mga estudyante ang bagay na ito? Maaari si-

lang humingi sa guro ng higit pang impormasyon. Walang alinla-

ngan, ang pagkuha ng karagdagang impormasyon ay tutulong sa

kanila na maunawaan nang higit ang paksa. Sa katulad na paraan,

upang maunawaan ang kahulugan ng Juan 1:1, maaari mong ting-

nan ang Ebanghelyo ni Juan para sa higit pang impormasyon hing-

gil sa posisyon ni Jesus. Ang pagkuha ng karagdagang impormasyon

� Para sa higit pang pagtalakay sa Juan 1:1, tingnan Ang Bantayan ng No-byembre 1, 2008, pahina 24-25, inilathala ng mga Saksi ni Jehova.

258 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

hinggil sa paksang ito ay tutulong sa iyo na sumapit sa tamang kon-

klusyon.

Halimbawa, isaalang-alang ang isinulat pa ni Juan sa kabanata 1,

talata 18: “Walang taong nakakita sa Diyos [na Makapangyarihan-sa-

lahat] kailanman.” Gayunman, nakita ng mga tao si Jesus, ang Anak,

sapagkat sinabi ni Juan: “Naging tao ang Salita [si Jesus] at siya’y na-

nirahan sa piling natin. Nakita namin ang kanyang kapangyarihan at

kadakilaan.” (Juan 1:14, Mabuting Balita Biblia) Kung gayon, paano

magiging bahagi ng Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat ang Anak?

Binanggit din ni Juan na ang Salita ay “kasama ng Diyos.” Pero pa-

ano magiging kasama ng isa ang ibang indibiduwal at kasabay nito

ay siya rin ang indibiduwal na iyon? Karagdagan pa, gaya ng nakau-

lat sa Juan 17:3, niliwanag ni Jesus ang pagkakaiba niya at ng kani-

yang makalangit na Ama. Tinawag niya ang kaniyang Ama na “ang

tanging tunay na Diyos.” At sa pagtatapos ng kaniyang Ebanghelyo,

ibinuod ni Juan ang mga bagay-bagay sa pagsasabi: “Ang mga ito ay

isinulat upang maniwala kayo na si Jesus ang Kristo na Anak ng

Diyos.” (Juan 20:31) Pansinin na si Jesus ay tinawag na Anak ng

Diyos, at hindi Diyos. Ipinakikita ng karagdagang impormasyong ito

na masusumpungan sa Ebanghelyo ni Juan kung paano dapat una-

wain ang Juan 1:1. Si Jesus, ang Salita, ay “isang diyos” sa diwa na

may mataas siyang posisyon ngunit hindi kapantay ng Diyos na Ma-

kapangyarihan-sa-lahat.

TIYAKIN ANG MGA KATOTOHANAN

Pag-isipang muli ang halimbawa ng guro sa paaralan at ng mga es-

tudyante. Gunigunihin na ang ilan ay nag-aalinlangan pa rin kahit

na narinig na nila ang karagdagang paliwanag ng guro. Ano ang

Apendise 259

maaari nilang gawin? Maaari silang lumapit sa ibang guro para sa

karagdagang impormasyon sa paksa ring iyon. Kung binigyang-kati-

yakan ng ikalawang guro ang paliwanag ng una, mawawala ang pag-

aalinlangan ng karamihan sa mga estudyante. Sa katulad na paraan,

kung hindi ka nakatitiyak kung ano talaga ang sinasabi ng manunu-

lat ng Bibliya na si Juan hinggil sa kaugnayan ni Jesus at ng Diyos

na Makapangyarihan-sa-lahat, maaari kang bumaling sa ibang manu-

nulat ng Bibliya para sa karagdagang impormasyon. Halimbawa, isa-

alang-alang ang isinulat ni Mateo. Hinggil sa katapusan ng sistemang

ito ng mga bagay, sinipi niya si Jesus na sinasabi: “May kinalaman sa

araw at oras na iyon ay walang sinuman ang nakaaalam, kahit ang

mga anghel sa mga langit kahit ang Anak, kundi ang Ama lamang.”

(Mateo 24:36) Paano pinatutunayan ng mga salitang ito na hindi si

Jesus ang Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat?

Sinabi ni Jesus na mas maraming nalalaman ang Ama kaysa sa

Anak. Gayunman, kung si Jesus ay bahagi ng Diyos na Makapangya-

rihan-sa-lahat, alam sana niya ang lahat ng impormasyon na alam ng

kaniyang Ama. Kung gayon, ang Anak at ang Ama ay hindi maaaring

maging magkapantay. Gayunman, sasabihin ng ilan: ‘Si Jesus ay may

dalawang kaurian. Dito ay nagsasalita siya bilang isang tao.’ Ngunit

kahit na iyan ang kalagayan, kumusta naman ang banal na espiritu?

Kung bahagi ito ng iisang Diyos na gaya ng Ama, bakit hindi sinabi

ni Jesus na alam nito ang nalalaman ng Ama?

Habang nagpapatuloy ka sa pag-aaral mo ng Bibliya, magiging pa-

milyar ka sa marami pang talata ng Bibliya na may kaugnayan sa

paksang ito. Pinatutunayan ng mga ito ang katotohanan tungkol sa

Ama, sa Anak, at sa banal na espiritu.—Awit 90:2; Gawa 7:55; Colo-

sas 1:15.

260 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

ANG krus ay kinagigiliwan at iginagalang ng milyun-milyong tao.

Tinatawag ng The Encyclopædia Britannica ang krus na “panguna-

hing simbolo ng relihiyong Kristiyano.” Magkagayunman, hindi gu-

magamit ng krus sa pagsamba ang tunay na mga Kristiyano. Bakit

hindi?

Ang isang mahalagang dahilan ay sapagkat hindi sa krus nama-

tay si Jesu-Kristo. Ang salitang Griego na karaniwan nang isinasa-

ling “krus” ay stau·ros�. Ito ay pangunahin nang nangangahulugang

“isang tuwid na haligi o tulos.” Ganito ang sabi ng The Companion

Bible: “Ang [stau·ros�] ay hindi kailanman nangangahulugan ng da-

lawang piraso ng kahoy na pinagkrus sa anumang anggulo . . . Wa-

lang anumang nakaulat sa wikang Griego ng [Bagong Tipan] na

nagpapahiwatig man lamang ng dalawang piraso ng kahoy.”

Sa ilang teksto, gumamit ang mga manunulat ng Bibliya ng ibang

salita para sa instrumento ng kamatayan ni Jesus. Ito ay ang sali-

tang Griego na xy�lon. (Gawa 5:30; 10:39; 13:29; Galacia 3:13; 1 Pe-

dro 2:24) Ang salitang ito ay nangangahulugan lamang ng “kahoy”

o “isang patpat, pamalo, o punungkahoy.”

Sa pagpapaliwanag kung bakit isang simpleng tulos ang kadala-

sang ginagamit sa mga pagbitay, ganito ang sabi ng aklat na Das

Kreuz und die Kreuzigung (Ang Krus at ang Pagpapako sa Krus), ni

Hermann Fulda: “Walang makukuhang mga punungkahoy sa mga

lugar na pinili para sa pangmadlang pagbitay. Kaya ibinabaon sa

lupa ang isang simpleng poste. Dito itinatali o ipinapako ang mga

Kung Bakit Hindi Gumagamit ng Krussa Pagsamba ang Tunay na mga Kristiyano

Apendise 261

kriminal, na nakataas ang kanilang mga kamay at kadalasan pati

ang kanilang mga paa ay nakatali rin o nakapako sa ibaba.”

Gayunman, ang pinakanakakukumbinsing patotoo sa lahat ay

nagmumula sa Salita ng Diyos. Ganito ang sabi ni apostol Pablo:

“Sa pamamagitan ng pagbili ay pinalaya tayo ni Kristo mula sa

sumpa ng Kautusan sa pamamagitan ng pagiging isang sumpa na

kapalit natin, sapagkat nasusulat: ‘Isinumpa ang bawat tao na na-

kabayubay sa tulos [“punong kahoy,” Ang Biblia].’ ” (Galacia 3:13)

Dito ay sinipi ni Pablo ang Deuteronomio 21:22, 23, na maliwanag

na tumutukoy sa isang tulos at hindi sa isang krus. Yamang nagi-

ging “sumpa” ang isang tao na pinatay sa gayong paraan, hindi ma-

giging angkop para sa mga Kristiyano na gawing dekorasyon sa ka-

nilang mga tahanan ang mga imahen ni Kristo na nakabayubay.

Sa unang 300 taon pagkamatay ni Kristo, walang patotoo na gu-

mamit ng krus sa pagsamba ang nag-aangking mga Kristiyano. Ga-

yunman, noong ikaapat na siglo, ang paganong si Emperador Cons-

tantino ay nakumberte sa apostatang Kristiyanismo at itinaguyod

niya ang krus bilang simbolo nito. Anuman ang motibo ni Cons-

tantino, walang kinalaman ang krus kay Jesu-Kristo. Sa katunayan,

pagano ang pinagmulan ng krus. Ganito ang pag-amin ng New Cath-

olic Encyclopedia: “Ang krus ay masusumpungan kapuwa sa mga

kultura bago ang panahong Kristiyano at sa mga kulturang di-

Kristiyano.” Iniuugnay ng iba pang mga awtoridad ang krus sa pag-

samba sa kalikasan at sa paganong mga ritwal sa sekso.

Kung gayon, bakit itinataguyod ang paganong simbolo na ito?

Maliwanag na ito ay upang maging mas madali sa mga pagano na

tanggapin ang “Kristiyanismo.” Magkagayunman, ang debosyon sa

anumang paganong simbolo ay maliwanag na hinahatulan ng Bibli-

262 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

ya. (2 Corinto 6:14-18) Ipinagbabawal din ng Kasulatan ang lahat

ng anyo ng idolatriya. (Exodo 20:4, 5; 1 Corinto 10:14) Kung gayon,

may napakatibay na dahilan ang tunay na mga Kristiyano para hin-

di gumamit ng krus sa pagsamba.�

� Para sa mas detalyadong pagtalakay sa krus, tingnan ang pahina 122-6 ngaklat na Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan, na inilathala ng mga Saksi ni Je-hova.

INUTUSAN ang mga Kristiyano na ipagdiwang ang Memoryal ng

kamatayan ni Kristo. Ang pagdiriwang na ito ay tinatawag ding

“ang hapunan ng Panginoon.” (1 Corinto 11:20) Bakit ba napaka-

halaga nito? Kailan at paano ito dapat ipagdiwang?

Pinasimulan ni Jesu-Kristo ang pagdiriwang na ito nang gabi ng

Paskuwa ng mga Judio noong 33 C.E. Ang Paskuwa ay isang pag-

diriwang na ginaganap minsan lamang sa isang taon, tuwing ika-14

na araw ng buwan ng Nisan ng mga Judio. Upang makalkula ang

petsang iyan, maliwanag na hinihintay ng mga Judio ang spring

equinox. Ito ang araw na may humigit-kumulang sa 12 oras ng li-

wanag at 12 oras ng kadiliman. Ang unang makikitang bagong bu-

wan na pinakamalapit sa spring equinox ang nagtatakda ng pagpa-

pasimula ng Nisan. Ang Paskuwa ay ipinagdiriwang 14 na araw

pagkatapos nito, pagkalubog ng araw.

Ipinagdiwang ni Jesus ang Paskuwa kasama ang kaniyang mga

apostol, pinaalis si Judas Iscariote, at pagkatapos ay pinasimu-

lan ang Hapunan ng Panginoon. Hinalinhan ng hapunang ito ang

Ang Hapunan ng Panginoon—IsangPagdiriwang na Nagpaparangal sa Diyos

Apendise 263

Paskuwa ng mga Judio at sa gayo’y dapat ipagdiwang nang minsanlamang sa isang taon.

Ganito ang ulat ng Ebanghelyo ni Mateo: “Kumuha si Jesus ngtinapay at, pagkatapos bumigkas ng pagpapala, pinagputul-putolniya ito at, nang ibinibigay sa mga alagad, sinabi niya: ‘Kunin nin-yo, kainin ninyo. Ito ay nangangahulugan ng aking katawan.’ Ga-yundin, kumuha siya ng isang kopa at, nang makapagpasalamat, ibi-nigay niya ito sa kanila, na sinasabi: ‘Uminom kayo mula rito,kayong lahat; sapagkat ito ay nangangahulugan ng aking “dugo ngtipan,” na siyang ibubuhos alang-alang sa marami ukol sa kapata-waran ng mga kasalanan.’ ”—Mateo 26:26-28.

Naniniwala ang ilan na binago ni Jesus ang tinapay tungo sa li-teral na laman niya at ang alak tungo sa kaniyang dugo. Gayun-man, ang katawang laman ni Jesus ay buo pa rin nang ipamahaginiya ang tinapay na ito. Talaga bang kinain ng mga apostol ni Je-sus ang kaniyang literal na laman at ininom ang kaniyang dugo?Hindi, dahil iyan ay kanibalismo at isang paglabag sa kautusan ngDiyos. (Genesis 9:3, 4; Levitico 17:10) Ayon sa Lucas 22:20, sinabini Jesus: “Ang kopang ito ay nangangahulugan ng bagong tipan sabisa ng aking dugo, na siyang ibubuhos alang-alang sa inyo.” Angkopa bang iyon ay literal na naging “bagong tipan”? Magiging im-posible iyon, yamang ang tipan ay isang kasunduan at hindi isangbagay na nahahawakan.

Kaya naman, ang tinapay at ang alak ay mga sagisag lamang. Angtinapay ay sumasagisag sa sakdal na katawan ni Kristo. Gumamitsi Jesus ng isang tinapay na natira sa hapunan ng Paskuwa. Ang ti-napay ay walang lebadura, o pampaalsa. (Exodo 12:8) Madalas ga-264 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

mitin ng Bibliya ang lebadura bilang sagisag ng kasalanan o kasira-an. Kung gayon, ang tinapay ay lumalarawan sa sakdal na katawanna inihain ni Jesus. Wala itong kasalanan.—Mateo 16:11, 12; 1 Co-rinto 5:6, 7; 1 Pedro 2:22; 1 Juan 2:1, 2.

Ang pulang alak ay kumakatawan sa dugo ni Jesus. Ang dugongiyan ang nagbibigay-bisa sa bagong tipan. Sinabi ni Jesus na ibinu-hos ang kaniyang dugo “ukol sa kapatawaran ng mga kasalanan.”Sa gayo’y maaaring maging malinis ang mga tao sa paningin ngDiyos at pumasok sa isang bagong pakikipagtipan kay Jehova. (He-breo 9:14; 10:16, 17) Sa pamamagitan naman ng tipang ito, o kon-trata, naging posible para sa 144,000 tapat na mga Kristiyano namagtungo sa langit. Doon ay maglilingkod sila bilang mga hari atmga saserdote upang pagpalain ang buong sangkatauhan.—Genesis22:18; Jeremias 31:31-33; 1 Pedro 2:9; Apocalipsis 5:9, 10; 14:1-3.

Sino ang dapat makibahagi sa mga emblemang ito sa Memoryal?Makatuwiran na yaong mga kasama lamang sa bagong tipan—sa-makatuwid nga, yaong mga may pag-asang magtungo sa langit—angdapat makibahagi sa tinapay at sa alak. Ang banal na espiritu ngDiyos ang kumukumbinsi sa gayong mga indibiduwal na sila ay pi-nili upang maging makalangit na mga hari. (Roma 8:16) Kabilangdin sila sa tipan ukol sa Kaharian kasama ni Jesus.—Lucas 22:29.

Kumusta naman ang mga may pag-asang mabuhay magpakailan-man sa Paraiso sa lupa? Sinusunod nila ang utos ni Jesus at du-madalo sila sa Hapunan ng Panginoon, ngunit hindi bilang mga na-kikibahagi sa emblema kundi bilang magagalang na tagapagmasid.Minsan sa isang taon, pagkalubog ng araw sa Nisan 14, ipinag-diriwang ng mga Saksi ni Jehova ang Hapunan ng Panginoon.Apendise 265

Bagaman iilan lamang sa buong daigdig ang nagsasabing may ma-

kalangit na pag-asa sila, mahalaga ang pagdiriwang na ito sa lahat

ng Kristiyano. Isa itong okasyon kung kailan maaaring bulay-bula-

yin ng lahat ang pinakasukdulang pag-ibig ng Diyos na Jehova at

ni Jesu-Kristo.—Juan 3:16.

ANO ang naiisip mo kapag narinig mo ang mga salitang “kalulu-

wa” at “espiritu”? Marami ang naniniwala na ang mga salitang ito

ay nangangahulugan ng isang di-nakikita at imortal na bagay na

umiiral sa loob natin. Iniisip nila na sa kamatayan, ang di-nakiki-

tang bahaging ito ng isang tao ay umaalis sa katawan at nananati-

ling buhay. Yamang napakalaganap ng paniniwalang ito, marami

ang nagugulat kapag nalaman nilang hindi pala ito itinuturo ng

Bibliya. Kung gayon, ano ang kaluluwa, at ano ang espiritu, ayon

sa Salita ng Diyos?

ANG PAGKAKAGAMIT NG “KALULUWA” SA BIBLIYA

Una, isaalang-alang ang kaluluwa. Maaaring natatandaan mo na

ang Bibliya ay orihinal na isinulat pangunahin na sa wikang He-

breo at Griego. Nang isinusulat nila ang tungkol sa kaluluwa, gina-

mit ng mga manunulat ng Bibliya ang salitang Hebreo na ne�phesh

o ang salitang Griego na psy·khe�. Ang dalawang salitang ito ay lu-

mitaw nang mahigit na 800 ulit sa Kasulatan, at palaging isinasa-

lin ng Bagong Sanlibutang Salin ang mga salitang ito bilang “kalu-

luwa.” Kung susuriin mo ang pagkakagamit ng “kaluluwa” o “mga

“Kaluluwa” at “Espiritu”—Ano ba Talagaang Kahulugan ng mga Salitang Ito?

266 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

kaluluwa” sa Bibliya, maliwanag na ang salitang ito ay pangunahin

nang tumutukoy sa (1) mga tao, (2) mga hayop, o (3) buhay ng mga

tao o ng mga hayop. Isaalang-alang natin ang ilang kasulatan na

nagpapakita sa tatlong magkakaibang diwa na ito.

Mga tao. “Noong mga araw ni Noe . . . iilang tao, samakatuwid

nga, walong kaluluwa, ang dinalang ligtas sa tubig.” (1 Pedro 3:20)

Dito ang salitang “kaluluwa” ay maliwanag na kumakatawan sa

mga tao—si Noe, ang kaniyang asawa, ang tatlo niyang anak na la-

laki, at ang kani-kanilang asawa. Binabanggit ng Exodo 16:16 ang

mga tagubilin na ibinigay sa mga Israelita may kaugnayan sa pag-

titipon ng manna. Sinabi sa kanila: “Mamulot kayo niyaon . . . ayon

sa bilang ng mga kaluluwa na naroroon sa tolda ng bawat isa sa

inyo.” Kaya ang dami ng manna na tinitipon ay batay sa bilang ng

mga tao sa bawat pamilya. Ang iba pang mga halimbawa sa Bibli-

ya kung saan tumutukoy ang “kaluluwa” o “mga kaluluwa” sa isang

tao o sa mga tao ay masusumpungan sa Genesis 46:18; Josue 11:11;

Gawa 27:37; at Roma 13:1.

Mga hayop. Sa ulat ng Bibliya hinggil sa paglalang, mababasa na-

tin: “Sinabi ng Diyos: ‘Bukalan ang tubig ng kulupon ng mga kalu-

luwang buh´ay at magliparan ang mga lumilipad na nilalang sa ita-

as ng lupa sa ibabaw ng kalawakan ng langit.’ At sinabi ng Diyos:

‘Bukalan ang lupa ng mga kaluluwang buh´ay ayon sa kani-kanilang

uri, maamong hayop at gumagalang hayop at mailap na hayop sa

lupa ayon sa uri nito.’ At nagkagayon nga.” (Genesis 1:20, 24) Sa

tekstong ito, ang mga isda, maaamo at maiilap na hayop ay tinu-

koy lahat sa pamamagitan ng iisang salita—‘mga kaluluwa.’ Ang

mga ibon at iba pang mga hayop ay tinatawag na mga kaluluwa sa

Genesis 9:10; Levitico 11:46; at Bilang 31:28.

Apendise 267

Buhay ng isang tao. Kung minsan ang salitang “kaluluwa” ay na-

ngangahulugan ng buhay ng isang tao. Sinabi ni Jehova kay Moi-

ses: “Ang lahat ng tao na naghahanap sa iyong kaluluwa ay patay

na.” (Exodo 4:19) Ano ang pinaghahanap ng mga kaaway ni Moi-

ses? Hinahangad nilang kitlin ang buhay ni Moises. Nauna rito, ha-

bang isinisilang ni Raquel ang kaniyang anak na si Benjamin, “[nag-

laho] ang kaniyang kaluluwa (sapagkat namatay siya).” (Genesis

35:16-19) Nang oras na iyon, naglaho ang buhay ni Raquel. Isaa-

lang-alang din ang mga salita ni Jesus: “Ako ang mabuting pastol;

ibinibigay ng mabuting pastol ang kaniyang kaluluwa alang-alang

sa mga tupa.” (Juan 10:11) Ibinigay ni Jesus ang kaniyang kalulu-

wa, o buhay, alang-alang sa sangkatauhan. Sa mga talatang ito ng

Bibliya, ang salitang “kaluluwa” ay maliwanag na tumutukoy sa bu-

hay ng isang tao. Makasusumpong ka pa ng maraming halimbawa

ng ganitong kahulugan ng “kaluluwa” sa 1 Hari 17:17-23; Mateo

10:39; Juan 15:13; at Gawa 20:10.

Ang higit pang pag-aaral sa Salita ng Diyos ay magpapakita sa

iyo na walang anumang bahagi ng Bibliya ang nag-uugnay sa mga

salitang “imortal” o “walang hanggan” sa salitang “kaluluwa.” Sa

halip, sinasabi ng Kasulatan na ang isang kaluluwa ay mortal, ibig

sabihin ay namamatay ito. (Ezekiel 18:4, 20) Kaya naman, ang ta-

wag lamang ng Bibliya sa isa na namatay ay “patay na kaluluwa.”

—Levitico 21:11.

TINUKOY KUNG ANO ANG “ESPIRITU”

Isaalang-alang natin ngayon ang paggamit ng Bibliya sa salitang

“espiritu.” Iniisip ng ilang tao na ang “espiritu” ay ibang salita la-

mang para sa “kaluluwa.” Ngunit hindi gayon. Nililiwanag ng Bi-

268 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

bliya na ang “espiritu” at “kaluluwa” ay tumutukoy sa dalawang

magkaibang bagay. Ano ang ipinagkaiba nila?

Ginagamit ng mga manunulat ng Bibliya ang salitang Hebreo na

ru�ach o ang salitang Griego na pneu�ma kapag isinusulat ang tung-

kol sa “espiritu.” Ipinakikita mismo ng Kasulatan ang kahulugan

ng mga salitang ito. Halimbawa, sinasabi ng Awit 104:29: “Kung aa-

lisin mo [Jehova] ang kanilang espiritu [ru�ach], pumapanaw sila, at

bumabalik sila sa alabok.” At binanggit ng Santiago 2:26 na “ang

katawan na walang espiritu [pneu�ma] ay patay.” Kung gayon, sa

mga talatang ito, ang “espiritu” ay tumutukoy sa isang bagay na

nagbibigay-buhay sa katawan. Kung walang espiritu, ang katawan

ay patay. Kaya sa Bibliya, ang salitang ru�ach ay isinasalin hindi la-

mang bilang “espiritu” kundi gayundin bilang “puwersa,” o puwer-

sa ng buhay. Halimbawa, tungkol sa Baha noong panahon ni Noe,

sinabi ng Diyos: “Dadalhin ko ang delubyo ng tubig sa ibabaw ng

lupa upang lipulin ang lahat ng laman na may puwersa [ru�ach] ng

buhay sa silong ng langit.” (Genesis 6:17; 7:15, 22) Kaya ang “espi-

ritu” ay tumutukoy sa di-nakikitang puwersa (ang ningas ng buhay)

na nagbibigay-buhay sa lahat ng nilalang na buh´ay.

Hindi magkapareho ang kaluluwa at espiritu. Kailangan ng kata-

wan ang espiritu kung paanong kailangan ng radyo ang kuryente

—upang gumana. Para mailarawan pa ito nang higit, isaalang-alang

ang isang radyo. Kapag nilagyan mo ng mga batirya ang isang ra-

dyo at pinaandar ito, ang kuryente na nakaimbak sa mga batirya

ang magbibigay-buhay sa radyo, wika nga. Subalit kung walang ba-

tirya, ang radyo ay patay. Gayundin ang mangyayari sa ibang uri ng

radyo kapag hinugot ito mula sa saksakan ng kuryente. Sa katulad

Apendise 269

na paraan, ang espiritu ang puwersa na nagbibigay-buhay sa ating

katawan. Gayundin, tulad ng kuryente, ang espiritu ay walang dam-

damin at hindi nakapag-iisip. Isa itong puwersa na walang perso-

nalidad. Ngunit kung wala ang espiritung iyan, o puwersa ng bu-

hay, ang ating katawan ay ‘papanaw, at babalik sa alabok,’ gaya ng

sabi ng salmista.

Sa pagtukoy sa kamatayan ng tao, ganito ang sabi ng Eclesiastes

12:7: “Ang alabok [ng kaniyang katawan] ay babalik sa lupa gaya ng

dati at ang espiritu ay babalik sa tunay na Diyos na nagbigay nito.”

Kapag nawala sa katawan ang espiritu, o puwersa ng buhay, nama-

matay ang katawan at bumabalik sa pinagmulan nito—ang lupa. Sa

katulad na paraan, ang puwersa ng buhay ay bumabalik sa pinag-

mulan nito—ang Diyos. (Job 34:14, 15; Awit 36:9) Hindi naman ito

nangangahulugan na ang puwersa ng buhay ay aktuwal na nagla-

lakbay patungo sa langit. Sa halip, nangangahulugan ito na para sa

isa na namatay, nakasalalay sa Diyos na Jehova ang anumang pag-

asa sa buhay sa hinaharap. Nasa kamay ng Diyos ang kaniyang bu-

hay, wika nga. Tangi lamang sa pamamagitan ng kapangyarihan ng

Diyos maibabalik ang espiritu, o puwersa ng buhay, na kailangan

upang mabuhay-muli ang isang tao.

Nakaaaliw ngang malaman na ito mismo ang gagawin ng Diyos

para sa lahat ng mga nagpapahinga na sa “mga alaalang libingan”!

(Juan 5:28, 29) Sa panahon ng pagkabuhay-muli, gagawa si Jehova

ng bagong katawan para sa isang indibiduwal na natutulog sa ka-

matayan at bubuhayin itong muli sa pamamagitan ng paglalagay

rito ng espiritu, o puwersa ng buhay. Tunay ngang magiging isang

napakasayang panahon iyon!

270 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

Kung gusto mong matuto nang higit pa tungkol sa mga salitang

“kaluluwa” at “espiritu” ayon sa pagkakagamit sa Bibliya, makasu-

sumpong ka ng kapaki-pakinabang na impormasyon sa brosyur na

Ano ang Nangyayari sa Atin Kapag Tayo ay Namatay? at sa pahina

100-5 at 158-62 ng aklat na Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan, na

parehong inilathala ng mga Saksi ni Jehova.

SA ORIHINAL na mga wika nito, ginamit ng Bibliya ang salitang

Hebreo na she�ohl� at ang katumbas nito sa Griego na hai�des nang

mahigit na 70 ulit. Ang dalawang salitang ito ay nauugnay sa ka-

matayan. Isinasalin ang mga ito ng ilang bersiyon ng Bibliya bi-

lang “libingan,” “impiyerno,” o “hukay.” Gayunman, ang karami-

han sa mga wika ay walang katumbas na salita na naghahatid ng

eksaktong diwa ng mga salitang ito na Hebreo at Griego. Kaya gi-

namit ng Bagong Sanlibutang Salin ang mga salitang “Sheol” at

“Hades.” Ano ba talaga ang kahulugan ng mga salitang ito? Ting-

nan natin kung paano ginagamit ang mga ito sa iba’t ibang talata

ng Bibliya.

Ganito ang sinasabi ng Eclesiastes 9:10: “Walang gawa ni katha

man ni kaalaman man ni karunungan man sa Sheol, ang dako na

iyong paroroonan.” Nangangahulugan ba ito na ang Sheol ay tu-

mutukoy sa isang espesipiko, o partikular, na dakong libingan

kung saan natin inilibing ang isang mahal sa buhay? Hindi. Kapag

tinutukoy ng Bibliya ang isang espesipikong dakong libingan, gu-

magamit ito ng ibang salitang Hebreo at Griego, hindi ng she�ohl�

Ano ba ang Sheol at Hades?

Apendise 271

at hai�des. (Genesis 23:7-9; Mateo 28:1) Gayundin, hindi ginagamit

ng Bibliya ang salitang “Sheol” para sa isang libingan kung saan

ilang indibiduwal ang magkakasamang nakalibing, gaya ng libi-

ngan ng pamilya o pangmaramihang libingan.—Genesis 49:30, 31.

Kung gayon, sa anong uri ng lugar tumutukoy ang “Sheol”? Ipi-

nakikita ng Salita ng Diyos na ang “Sheol,” o “Hades,” ay tumu-

tukoy sa isang bagay na mas malaki pa kaysa sa isang malaking

pangmaramihang libingan. Halimbawa, binanggit ng Isaias 5:14

na ang Sheol ay ‘maluwang at nakabukang mabuti ang bibig nito

nang walang hangganan.’ Bagaman nilamon na ng Sheol, wika

nga, ang napakaraming patay na tao, para bang gutom pa rin ito.

(Kawikaan 30:15, 16) Di-tulad ng anumang literal na dakong libi-

ngan, na makapaglalaman lamang ng limitadong bilang ng mga

patay, “ang Sheol . . . ay walang kasiyahan.” (Kawikaan 27:20) Sa-

makatuwid nga, hindi kailanman nabubusog ang Sheol. Wala

itong limitasyon. Kaya ang Sheol, o Hades, ay hindi isang literal

na dako sa isang espesipikong lokasyon. Sa halip, ito ang karani-

wang libingan ng patay na sangkatauhan, ang makasagisag na

dako kung saan ang kalakhang bahagi ng sangkatauhan ay natu-

tulog sa kamatayan.

Tinutulungan tayo ng turo ng Bibliya hinggil sa pagkabuhay-

muli na magkaroon ng higit pang kaunawaan sa kahulugan ng

“Sheol” at “Hades.” Iniuugnay ng Salita ng Diyos ang Sheol at Ha-

des sa uri ng kamatayan na magkakaroon ng pagkabuhay-muli.�

(Job 14:13; Gawa 2:31; Apocalipsis 20:13) Ipinakikita rin ng Sali-

� Sa kabaligtaran, ang mga patay na hindi na bubuhaying muli ay inilalara-wang nasa “Gehenna,” wala sa Sheol, o Hades. (Mateo 5:30; 10:28; 23:33) Tuladng Sheol at Hades, ang Gehenna ay hindi isang literal na dako.

272 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

ta ng Diyos na hindi lamang ang mga naglingkod kay Jehova ang

kabilang sa mga nasa Sheol, o Hades, kundi ang marami ring hin-

di naglingkod sa kaniya. (Genesis 37:35; Awit 55:15) Kaya naman,

itinuturo ng Bibliya na magkakaroon ng “pagkabuhay-muli kapu-

wa ng mga matuwid at mga di-matuwid.”—Gawa 24:15.

PAANO mo ilalarawan ang Araw ng Paghuhukom? Marami ang

nag-iisip na isa-isang dadalhin sa harapan ng trono ng Diyos ang

bilyun-bilyong kaluluwa. Doon hahatulan ang bawat indibiduwal.

Ang ilan ay gagantimpalaang magtamasa ng paraiso sa langit, at

ang iba naman ay papatawan ng walang-hanggang pagpapahirap.

Gayunman, ibang-iba ang paglalarawan ng Bibliya sa yugtong ito

ng panahon. Inilalarawan ito ng Salita ng Diyos, hindi bilang

isang nakasisindak na panahon, kundi isang panahon ng pag-asa

at pagsasauli.

Sa Apocalipsis 20:11, 12, mababasa natin ang paglalarawan ni

apostol Juan hinggil sa Araw ng Paghuhukom: “Nakita ko ang

isang malaking tronong puti at ang isa na nakaupo roon. Mula sa

harap niya ay tumakas ang lupa at ang langit, at walang dakong

nasumpungan para sa kanila. At nakita ko ang mga patay, ang

malalaki at ang maliliit, na nakatayo sa harap ng trono, at nabuk-

san ang mga balumbon. Ngunit may iba pang balumbon na na-

buksan; ito ang balumbon ng buhay. At ang mga patay ay hinatu-

lan batay sa mga bagay na nakasulat sa mga balumbon ayon sa

kanilang mga gawa.” Sino ang Hukom na inilalarawan dito?

Araw ng Paghuhukom—Ano Ito?

Apendise 273

Ang Diyos na Jehova ang sukdulang Hukom ng sangkatauhan.

Gayunman, iniatas niya sa iba ang aktuwal na paghuhukom.

Ayon sa Gawa 17:31, sinabi ni apostol Pablo na ang Diyos ay

“nagtakda . . . ng isang araw kung kailan nilalayon niyang hatu-

lan ang tinatahanang lupa ayon sa katuwiran sa pamamagitan

ng isang lalaki na kaniyang inatasan.” Ang inatasang Hukom na

ito ay ang binuhay-muling si Jesu-Kristo. (Juan 5:22) Subalit ka-

ilan magsisimula ang Araw ng Paghuhukom? Gaano ba ito kata-

gal?

Ipinakikita ng aklat ng Apocalipsis na magsisimula ang Araw

ng Paghuhukom pagkatapos ng digmaan ng Armagedon, kapag

napuksa na ang sistema ni Satanas sa lupa.� (Apocalipsis 16:14,

16; 19:19–20:3) Pagkatapos ng Armagedon, si Satanas at ang ka-

niyang mga demonyo ay ibibilanggo sa kalaliman sa loob ng

isang libong taon. Sa panahong iyan, ang 144,000 kasamang mga

tagapagmana sa langit ay magiging mga hukom at mamamahala

“bilang mga hari na kasama ng Kristo sa loob ng isang libong

taon.” (Apocalipsis 14:1-3; 20:1-4; Roma 8:17) Ang Araw ng Pag-

huhukom ay hindi isang mabilis na pangyayari na tatagal lamang

nang 24 na oras. Tatagal ito nang isang libong taon.

Sa loob ng yugtong iyon na isang libong taon, ‘hahatulan ni

Jesu-Kristo ang mga buh´ay at ang mga patay.’ (2 Timoteo 4:1)

Ang “mga buh´ay” ay ang “malaking pulutong” na makaliligtas sa

Armagedon. (Apocalipsis 7:9-17) Nakita rin ni apostol Juan “ang

mga patay . . . na nakatayo sa harap ng trono” ng paghatol. Gaya

� Hinggil sa Armagedon, pakisuyong tingnan ang Insight on the Scriptures,Tomo 1, pahina 594-5, 1037-8, at ang kabanata 20 ng Sambahin ang Tanging Tu-nay na Diyos, na parehong inilathala ng mga Saksi ni Jehova.

274 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

ng ipinangako ni Jesus, ang “nasa mga alaalang libingan ay ma-

karirinig ng . . . tinig [ni Kristo] at lalabas” sa pamamagitan ng

pagkabuhay-muli. (Juan 5:28, 29; Gawa 24:15) Ngunit saan naka-

salig ang gagawing paghatol sa lahat?

Ayon sa pangitain ni apostol Juan, “nabuksan ang mga balum-

bon,” at “ang mga patay ay hinatulan batay sa mga bagay na na-

kasulat sa mga balumbon ayon sa kanilang mga gawa.” Ang mga

balumbon bang ito ang rekord ng nakalipas na mga ginawa ng

mga tao? Hindi, ang paghatol ay hindi isasalig sa ginawa ng mga

tao bago sila namatay. Paano natin nalaman iyan? Ganito ang si-

nasabi ng Bibliya: “Siya na namatay ay napawalang-sala na mula

sa kaniyang kasalanan.” (Roma 6:7) Kaya ang mga bubuhaying

muli ay magkakaroon ng malinis na rekord, wika nga. Kung ga-

yon, malamang na kumakatawan ang mga balumbon sa karagda-

gang mga kahilingan ng Diyos. Upang mabuhay magpakailanman,

ang mga makaliligtas sa Armagedon at ang mga bubuhaying muli

ay kailangang sumunod sa mga utos ng Diyos, kabilang na ang

anumang bagong kahilingan na maaaring isiwalat ni Jehova sa pa-

nahon ng isang libong taon. Samakatuwid, hahatulan ang mga in-

dibiduwal salig sa gagawin nila sa panahon ng Araw ng Paghuhu-

kom.

Ang Araw ng Paghuhukom ay magbibigay sa bilyun-bilyong tao

ng kanilang kauna-unahang pagkakataon upang matuto tungkol sa

kalooban ng Diyos at maiayon ang kanilang sarili alinsunod dito.

Nangangahulugan ito na magkakaroon ng malawakang pagtutu-

ro. Sa katunayan, “katuwiran ang siyang matututuhan ng mga tu-

matahan sa mabungang lupain.” (Isaias 26:9) Subalit hindi lahat

Apendise 275

ay magiging handang sumunod sa kalooban ng Diyos. Sinabi ng

Isaias 26:10: “Pagpakitaan man ng lingap ang balakyot, hindi rin

siya matututo ng katuwiran. Sa lupain ng katapatan ay gagawi

siya nang walang katarungan at hindi niya makikita ang karilagan

ni Jehova.” Permanente nang papatayin ang mga balakyot sa

Araw ng Paghuhukom.—Isaias 65:20.

Sa pagtatapos ng Araw ng Paghuhukom, ang mga taong maka-

liligtas ay ‘mabubuhay’ nang lubusan bilang sakdal na mga tao.

(Apocalipsis 20:5) Sa gayo’y makikita sa Araw ng Paghuhukom

ang pagsasauli sa sangkatauhan sa orihinal na sakdal na kalaga-

yan nito. (1 Corinto 15:24-28) Pagkatapos ay magaganap ang

pangwakas na pagsubok. Pakakawalan si Satanas sa pagkakabi-

langgo at pahihintulutan siyang ilig´aw ang sangkatauhan sa kahu-

li-hulihang pagkakataon. (Apocalipsis 20:3, 7-10) Tatamasahin ng

mga sasalansang sa kaniya ang ganap na katuparan ng pangako

ng Bibliya: “Ang mga matuwid ang magmamay-ari ng lupa, at ta-

tahan sila roon magpakailanman.” (Awit 37:29) Oo, ang Araw ng

Paghuhukom ay magiging isang pagpapala sa buong tapat na

sangkatauhan!

MARAMING dekada patiuna, inihayag ng mga estudyante ng Bi-

bliya na magkakaroon ng mahahalagang pangyayari sa ta´

ong 1914.

Anu-ano ba ang mga ito, at anong ebidensiya ang nagpapakita na

isa ngang mahalagang taon ang 1914?

1914—Isang Mahalagang Taonsa Hula ng Bibliya

276 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

Gaya ng nakaulat sa Lucas 21:24, sinabi ni Jesus: “Ang Jerusa-

lem ay yuyurakan ng mga bansa, hanggang sa matupad ang mga

takdang panahon ng mga bansa [“mga panahon ng mga Gentil,”

Ang Biblia].” Ang Jerusalem ang naging kabiserang lunsod ng ban-

sang Judio—ang sentro ng pamamahala ng linya ng mga hari

mula sa sambahayan ni Haring David. (Awit 48:1, 2) Gayunman,

namumukod-tangi ang mga haring ito sa lahat ng iba pang mga

lider ng mga bansa. Naupo sila sa “trono ni Jehova” bilang mga

kinatawan ng Diyos mismo. (1 Cronica 29:23) Kaya, ang Jerusa-

lem ay sagisag noon ng pamamahala ni Jehova.

Gayunman, paano at kailan nagsimulang ‘yurakan ng mga ban-

sa’ ang pamamahala ng Diyos? Naganap ito noong 607 B.C.E.

nang lupigin ng mga Babilonyo ang Jerusalem. Nabakante ang

“PITONG PANAHON”

2,520 taon

606 1⁄4 na taonOktubre 607 B.C.E. hanggang

Disyembre 31, 1 B.C.E.

1,913 3⁄4 na taonEnero 1, 1 C.E. hanggang

Oktubre 1914

607 & B.C.E. C.E. ) 1914

“Ang Jerusalem ayyuyurakan ngmga bansa”

“Dumating siya na maylegal na karapatan”

Apendise 277

“trono ni Jehova,” at naputol ang linya ng mga hari na nagmula

kay David. (2 Hari 25:1-26) Magpapatuloy ba nang walang hang-

gan ang ‘pagyurak’ na ito? Hindi, sapagkat ganito ang sinabi ng

hula ni Ezekiel hinggil sa huling hari ng Jerusalem, si Zedekias:

“Hubarin mo ang turbante, at alisin mo ang korona. . . . Hindi

nga iyon aariin ninuman hanggang sa dumating siya na may le-

gal na karapatan, at ibibigay ko iyon sa kaniya.” (Ezekiel 21:26,

27) Ang may “legal na karapatan” sa Davidikong korona ay si

Kristo Jesus. (Lucas 1:32, 33) Kaya magwawakas ang ‘pagyurak’

kapag naging Hari na si Jesus.

Kailan magaganap ang mahalagang pangyayaring iyan? Ipinaki-

ta ni Jesus na mamamahala ang mga Gentil sa loob ng isang tak-

dang haba ng panahon. Ang ulat sa Daniel kabanata 4 ang susi

upang malaman kung gaano kahaba ang yugtong iyan. Inilalahad

nito ang makahulang panaginip ni Haring Nabucodonosor ng Ba-

bilonya. Nakita niyang pinutol ang isang pagkalaki-laking pu-

nungkahoy. Hindi makasibol ang tuod nito dahil binigkisan ito

ng bakal at tanso. Sinabi ng isang anghel: “Bayaang . . . pitong pa-

nahon ang palipasin dito.”—Daniel 4:10-16.

Sa Bibliya, ginagamit kung minsan ang mga punungkahoy

upang kumatawan sa pamamahala. (Ezekiel 17:22-24; 31:2-5) Kaya

ang pagputol sa makasagisag na punungkahoy ay lumalarawan sa

pagputol sa pamamahala ng Diyos, na kinakatawanan ng mga

hari sa Jerusalem. Gayunman, ipinahayag sa pangitain na ang

‘pagyurak na ito sa Jerusalem’ ay magiging pansamantala lamang

—isang yugto ng “pitong panahon.” Gaano ba kahaba ang yug-

tong iyan?

278 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

Ipinakikita ng Apocalipsis 12:6, 14 na ang tatlo at kalahating pa-

nahon ay katumbas ng “isang libo dalawang daan at animnapung

araw.” Ang “pitong panahon” kung gayon ay mas mahaba nang da-

lawang beses, o 2,520 araw. Ngunit ang ‘pagyurak’ ng mga bansang

Gentil sa pamamahala ng Diyos ay hindi natapos sa loob lamang

ng 2,520 araw matapos bumagsak ang Jerusalem. Kung gayon, ma-

liwanag na ang hulang ito ay sumasaklaw sa isang mas mahabang

yugto ng panahon. Salig sa Bilang 14:34 at Ezekiel 4:6, na buma-

banggit na ang “isang araw ay isang taon,” ang “pitong panahon”

ay sasaklaw ng 2,520 taon.

Nagsimula ang 2,520 taon noong Oktubre 607 B.C.E., nang bu-

magsak ang Jerusalem sa mga Babilonyo at inalis sa trono ang hari

na nagmula sa linya ni David. Nagwakas ang yugtong iyan noong

Oktubre 1914. Nang panahong iyon, nagwakas ang “takdang pana-

hon ng mga bansa,” at iniluklok ng Diyos si Jesu-Kristo bilang ma-

kalangit na Hari.�—Awit 2:1-6; Daniel 7:13, 14.

Gaya ng inihula ni Jesus, makikita sa kaniyang “pagkanaririto”

bilang makalangit na Hari ang kapansin-pansing mga pangyayari sa

daigdig—digmaan, taggutom, lindol, at salot. (Mateo 24:3-8; Lucas

21:11) Ang gayong mga pangyayari ay matibay na ebidensiya ng ka-

totohanan na 1914 nga ang hudyat ng pagsilang ng makalangit

na Kaharian ng Diyos at ng pasimula ng “mga huling araw” ng ka-

salukuyang masamang sistemang ito ng mga bagay.—2 Timoteo 3:

1-5.

� Mula Oktubre 607 B.C.E. hanggang Oktubre 1 B.C.E. ay 606 na taon. Ya-mang walang ta

´ong zero, mula Oktubre 1 B.C.E. hanggang Oktubre 1914 C.E.

ay 1,914 na taon. Kapag pinagsama ang 606 na taon at 1,914 na taon, ito aymay kabuuang 2,520 taon. Para sa impormasyon hinggil sa pagbagsak ng Je-rusalem noong 607 B.C.E., tingnan ang artikulong “Chronology” sa Insight onthe Scriptures, na inilathala ng mga Saksi ni Jehova.

Apendise 279

BIHIRANG mabanggit sa Bibliya ang espiritung nilalang na tina-

tawag na Miguel. Subalit kapag tinutukoy siya, aktibo siya at la-

ging may ginagawa. Sa aklat ng Daniel, nakikipagbaka si Miguel

sa masasamang anghel; sa liham ni Judas, nakikipagtalo siya kay

Satanas; at sa Apocalipsis, nakikipagdigma siya sa Diyablo at sa

mga demonyo nito. Sa pagtatanggol sa pamamahala ni Jehova at

paglaban sa mga kaaway ng Diyos, tinutupad ni Miguel ang ka-

hulugan ng kaniyang pangalan—“Sino ang Kagaya ng Diyos?”

Pero sino ba si Miguel?

Kung minsan, nakikilala ang mga indibiduwal hindi lamang sa

iisang pangalan. Halimbawa, ang patriyarkang si Jacob ay nakila-

la rin bilang Israel, at si apostol Pedro, bilang Simon. (Genesis

49:1, 2; Mateo 10:2) Sa katulad na paraan, ipinakikita ng Bibliya

na ang Miguel ay isa pang pangalan ni Jesu-Kristo, bago at pag-

katapos niyang mabuhay sa lupa. Isaalang-alang natin ang maka-

Kasulatang mga dahilan ng gayong konklusyon.

Arkanghel. Tinutukoy ng Salita ng Diyos si Miguel na “arkang-

hel.” (Judas 9) Ang terminong ito ay nangangahulugang “punong

anghel.” Ang salitang “arkanghel” ay lumilitaw sa Bibliya sa an-

yong pang-isahan lamang at hindi kailanman sa anyong pangma-

ramihan. Ipinahihiwatig nito na iisa lamang ang gayong anghel.

Karagdagan pa, nauugnay si Jesus sa posisyon ng arkanghel.

Hinggil sa binuhay-muling Panginoong Jesu-Kristo, sinasabi ng

1 Tesalonica 4:16: “Ang Panginoon mismo ay bababa mula sa la-

ngit na may nag-uutos na panawagan, may tinig ng arkanghel.”

Sino si Miguel na Arkanghel?

280 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

Kaya inilalarawan ang tinig ni Jesus bilang yaong sa arkanghel.

Kung gayon, ipinahihiwatig ng kasulatang ito na si Jesus mismo

ang arkanghel na si Miguel.

Pinuno ng Hukbo. Sinasabi ng Bibliya na si “Miguel at ang kani-

yang mga anghel ay nakipagbaka sa dragon . . . at [sa] mga ang-

hel nito.” (Apocalipsis 12:7) Samakatuwid, si Miguel ang Pinuno

ng hukbo ng tapat na mga anghel. Inilalarawan din ng Apocalip-

sis si Jesus bilang Pinuno ng hukbo ng tapat na mga anghel. (Apo-

calipsis 19:14-16) Espesipikong binanggit ni apostol Pablo ang

“Panginoong Jesus” at ang “kaniyang makapangyarihang mga ang-

hel.” (2 Tesalonica 1:7) Kaya tinutukoy ng Bibliya kapuwa si Mi-

guel at ang “kaniyang mga anghel” at si Jesus at ang “kaniyang

mga anghel.” (Mateo 13:41; 16:27; 24:31; 1 Pedro 3:22) Yamang wa-

lang anumang ipinahihiwatig ang Salita ng Diyos na may dala-

wang hukbo ng tapat na mga anghel sa langit—isa na pinamu-

munuan ni Miguel at isa na pinamumunuan ni Jesus—lohikal

lamang na isipin na si Miguel ay walang iba kundi si Jesu-Kristo

sa kaniyang makalangit na papel.�

� Masusumpungan ang higit pang impormasyon na nagpapakitang ang pa-ngalang Miguel ay kumakapit sa Anak ng Diyos sa Tomo 2, pahina 393-4, ngInsight on the Scriptures, na inilathala ng mga Saksi ni Jehova.

NAGLALAMAN ang aklat ng Apocalipsis ng mga kapahayagan na

hindi dapat unawain sa literal na paraan. (Apocalipsis 1:1) Ha-

limbawa, binabanggit nito ang isang babae na may pangalang

“Babilonyang Dakila” na nakasulat sa kaniyang noo. Sinasabing

Pagkilala sa “Babilonyang Dakila”

Apendise 281

nakaupo ang babaing ito sa “mga pulutong at mga bansa.” (Apo-

calipsis 17:1, 5, 15) Yamang walang literal na babae ang makaga-

gawa nito, tiyak na makasagisag ang Babilonyang Dakila. Kaya ano

ang inilalarawan ng makasagisag na patutot na ito?

Sa Apocalipsis 17:18, inilarawan ang makasagisag na babae ring

iyon bilang “ang dakilang lunsod na may kaharian sa mga hari sa

lupa.” Ang terminong “lunsod” ay nagpapahiwatig ng isang orga-

nisadong grupo ng mga tao. Yamang may kontrol ang “dakilang

lunsod” na ito sa “mga hari sa lupa,” malamang na ang babaing

tinatawag na Babilonyang Dakila ay isang maimpluwensiya at in-

ternasyonal na organisasyon. May kawastuan itong matatawag na

isang pandaigdig na imperyo. Anong uri ng imperyo? Relihiyoso.

Pansinin kung paano tayo inaakay ng ilang kaugnay na mga talata

sa aklat ng Apocalipsis tungo sa konklusyong ito.

Ang isang imperyo ay maaaring pulitikal, komersiyal, o relihiyo-

so. Ang babaing pinanganlang Babilonyang Dakila ay hindi isang

pulitikal na imperyo sapagkat sinasabi ng Salita ng Diyos na ‘na-

kiapid’ siya sa “mga hari sa lupa,” o pulitikal na mga elemento ng

sanlibutang ito. Ang pakikiapid niya ay tumutukoy sa mga pakiki-

pag-alyansa niya sa mga tagapamahala ng lupang ito at iyan ang

dahilan kung bakit siya tinatawag na “dakilang patutot.”—Apoca-

lipsis 17:1, 2; Santiago 4:4.

Hindi maaaring maging isang komersiyal na imperyo ang Babi-

lonyang Dakila sapagkat ang mga “mangangalakal sa lupa,” na ku-

makatawan sa komersiyal na mga elemento, ay magdadalamhati sa

panahon ng kaniyang pagkapuksa. Sa katunayan, ang mga hari

at mga mangangalakal ay inilarawan na nakatingin sa Babilon-

282 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

yang Dakila mula sa “malayo.” (Apocalipsis 18:3, 9, 10, 15-17)

Kung gayon, makatuwiran lamang isipin na ang Babilonyang Da-

kila ay, hindi isang pulitikal o komersiyal na imperyo, kundi reli-

hiyoso.

Lalo pang napatunayan ang relihiyosong pagkakakilanlan ng Ba-

bilonyang Dakila dahil sa pananalitang inililigaw niya ang mga

bansa sa pamamagitan ng kaniyang “mga espiritistikong gawain.”

(Apocalipsis 18:23) Yamang ang lahat ng anyo ng espiritismo ay

nauugnay sa relihiyon at galing sa mga demonyo, hindi kataka-taka

na tinatawag ng Bibliya ang Babilonyang Dakila bilang “tahanang

dako ng mga demonyo.” (Apocalipsis 18:2; Deuteronomio 18:10-

12) Inilalarawan din ang imperyong ito bilang aktibong sumasa-

lansang sa tunay na relihiyon, anupat pinag-uusig ang “mga pro-

peta” at “mga banal.” (Apocalipsis 18:24) Sa katunayan, gayon na

lamang katindi ang pagkapoot ng Babilonyang Dakila sa tunay na

relihiyon anupat marahas niyang pinag-uusig at pinapatay pa nga

ang “mga saksi ni Jesus.” (Apocalipsis 17:6) Kaya naman, ang

babaing ito na tinatawag na Babilonyang Dakila ay maliwanag na

kumakatawan sa pandaigdig na imperyo ng huwad na relihiyon, na

kinabibilangan ng lahat ng relihiyong sumasalansang sa Diyos na

Jehova.

HINDI sinasabi sa atin ng Bibliya kung kailan isinilang si Jesus.

Gayunman, nagbibigay ito sa atin ng matibay na dahilan upang isi-

pin na hindi siya isinilang sa buwan ng Disyembre.

Isinilang ba si Jesus sa Buwan ng Disyembre?

Apendise 283

Isaalang-alang ang lagay ng panahon sa bahaging iyon ng taon sa

Betlehem, kung saan isinilang si Jesus. Ang buwan ng Kislev (ka-

tumbas ng Nobyembre/Disyembre) ng mga Judio ay isang buwan

kung kailan malamig at maulan ang lagay ng panahon. Ang bu-

wang kasunod niyan ay Tebet (Disyembre/Enero). Ito ang buwan

na may pinakamababang temperatura sa buong taon, na may ma-

naka-nakang pag-ulan ng niyebe sa kabundukan. Tingnan natin

kung ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa klima ng rehiyong

iyon.

Ipinakikita ng manunulat ng Bibliya na si Ezra na kilala nga ang

Kislev bilang isang buwan kung kailan malamig at maulan ang la-

gay ng panahon. Pagkatapos sabihin na isang pulutong ang nagti-

pon sa Jerusalem “noong ikasiyam na buwan [Kislev] nang ikada-

lawampung araw ng buwan,” iniulat ni Ezra na ang mga tao ay

“nangangatog . . . dahil sa pagbuhos ng ulan.” May kinalaman sa

lagay ng panahon sa bahaging iyan ng taon, ang nagkatipong mga

tao mismo ang nagsabi: “Kapanahunan noon ng pagbuhos ng ulan,

at hindi nga maaaring tumayo sa labas.” (Ezra 10:9, 13; Jeremias

36:22) Hindi nga kataka-taka na tinitiyak ng mga pastol na nanini-

rahan sa bahaging iyon ng daigdig na sila at ang kanilang mga ka-

wan ay wala na sa labas sa gabi pagsapit ng buwan ng Disyembre!

Gayunman, iniuulat ng Bibliya na ang mga pastol ay nasa pa-

rang at inaalagaan ang kanilang mga kawan noong gabing isilang

si Jesus. Sa katunayan, ipinakikita ng manunulat ng Bibliya na si

Lucas na nang panahong iyon, ang mga pastol ay “naninirahan sa

labas at patuloy na nagbabantay sa gabi sa kanilang mga kawan”

malapit sa Betlehem. (Lucas 2:8-12) Pansinin na ang mga pastol ay

284 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

aktuwal na naninirahan sa labas, at hindi lamang naglalakad kung

araw. Nasa parang ang kanilang mga kawan sa gabi. Ang paglala-

rawan bang iyan ng paninirahan sa labas ay tumutugma sa magi-

naw at maulang panahon sa Betlehem kung buwan ng Disyembre?

Talagang hindi. Kaya ipinahihiwatig ng mga kalagayang naganap

noong kapanganakan ni Jesus na hindi siya isinilang sa buwan ng

Disyembre.�

Eksaktong sinasabi sa atin ng Salita ng Diyos kung kailan nama-

tay si Jesus, ngunit kakaunti lamang ang ibinibigay nitong tuwi-

rang impormasyon kung kailan siya isinilang. Ipinaaalaala nito ang

mga salita ni Haring Solomon: “Ang pangalan ay mas mabuti kay-

sa sa mainam na langis, at ang araw ng kamatayan kaysa sa araw

ng kapanganakan.” (Eclesiastes 7:1) Kaya hindi kataka-taka na nag-

bibigay ang Bibliya ng maraming detalye tungkol sa ministeryo at

kamatayan ni Jesus ngunit iilang detalye lamang tungkol sa pagsi-

lang niya.

� Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang pahina 111-5 ng Nanganga-tuwiran Mula sa Kasulatan, na inilathala ng mga Saksi ni Jehova.

HINDI sa Bibliya nagmula ang popular na mga relihiyoso at se-

kular na kapistahan na ipinagdiriwang sa maraming bahagi ng

daigdig sa ngayon. Kung gayon, saan nagmula ang gayong mga

pagdiriwang? Kung makapagsasaliksik ka sa isang aklatan, masu-

sumpungan mong kawili-wili na bigyang-pansin ang sinasabi ng

Dapat ba Tayong Magdiwangng mga Kapistahan?

Apendise 285

reperensiyang mga aklat tungkol sa mga kapistahan na popular sa

inyong lugar. Isaalang-alang ang ilang halimbawa.

Easter (Pasko ng Pagkabuhay). “Walang ipinahihiwatig sa Bagong

Tipan hinggil sa pagdiriwang ng kapistahan ng Easter,” ang sabi ng

The Encyclopædia Britannica. Paano nagsimula ang Easter? Nakau-

gat ito sa paganong pagsamba. Bagaman sinasabing ginugunita sa

kapistahang ito ang pagkabuhay-muli ni Jesus, ang mga kaugaliang

nauugnay sa panahon ng Easter ay hindi nagmula sa mga Kristiya-

no. Halimbawa, may kaugnayan sa popular na “Easter bunny [ku-

neho],” ganito ang sabi ng The Catholic Encyclopedia: “Ang kuneho

ay isang paganong sagisag at malaon nang ginagamit na sagisag ng

pag-aanak.”

Mga Pagdiriwang ng Bagong Taon. Sa iba’t ibang bansa, magkakai-

ba ang petsa at mga kaugalian na nauugnay sa mga pagdiriwang

ng Bagong Taon. Hinggil sa pinagmulan ng pagdiriwang na ito, ga-

nito ang sabi ng The World Book Encyclopedia: “Noong 46 B.C., iti-

nakda ng tagapamahala ng Roma na si Julio Cesar ang Enero 1 bi-

lang Araw ng Bagong Taon. Iniaalay ng mga Romano ang araw na

ito kay Janus, ang diyos ng mga pintuang-daan, pinto, at ng mga

pasimula. Ang buwan ng Enero ay isinunod sa pangalan ni Janus,

na may dalawang mukha—isa na nakaharap sa unahan at isa na

nakatingin sa likuran.” Kaya ang mga pagdiriwang ng Bagong Taon

ay batay sa mga tradisyong pagano.

Halloween. Ganito ang sinasabi ng The Encyclopedia Americana:

“Ang iba’t ibang bahagi ng mga kaugaliang may kaugnayan sa Hal-

loween ay matatalunton sa isang seremonyang Druid [sinaunang

pagkasaserdote ng mga Celt] noong bago ang panahon ng mga

286 Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

Kristiyano. Ang mga Celt ay may mga kapistahan para sa dalawang

pangunahing diyos—diyos na araw at diyos ng mga patay . . . , na

ang kapistahan ay ginaganap noon kung Nobyembre 1, na siyang

pasimula ng Bagong Taon ng mga Celt. Ang kapistahan ng mga pa-

tay ay unti-unting napalakip sa ritwal ng mga Kristiyano.”

Iba Pang mga Kapistahan. Hindi posibleng talakayin ang lahat ng

pagdiriwang na ginaganap sa buong daigdig. Gayunman, ang mga

kapistahan na lumuluwalhati sa mga tao o sa mga organisasyon ng

tao ay hindi kaayaaya kay Jehova. (Jeremias 17:5-7; Gawa 10:25, 26)

Isaisip din na ang pinagmulan ng relihiyosong mga pagdiriwang ay

makapagsasabi kung nakalulugod ang mga ito sa Diyos o hindi.

(Isaias 52:11; Apocalipsis 18:4) Ang mga simulain sa Bibliya na bi-

nabanggit sa Kabanata 16 ng aklat na ito ay tutulong sa iyo na

magpasiya kung ano ang pangmalas ng Diyos sa pakikibahagi sa

sekular na mga kapistahan.

Apendise 287

Gusto mo ba ng higit pang impormasyon?Maaari kang makipag-ugnayan sa mga Saksi ni Jehova sa www.jw.org/tl.


Recommended