+ All Categories
Home > Documents > eal of artnership Filipino...Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Ronna B. Laranjo at Sarilyn P....

eal of artnership Filipino...Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Ronna B. Laranjo at Sarilyn P....

Date post: 05-Feb-2021
Category:
Upload: others
View: 9 times
Download: 0 times
Share this document with a friend
12
8 Republic of the Philippines Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula Zest for Progress Zeal of Partnership Filipino Ikalawang Markahan – Modyul 5 Sandigan ng Lahi…Ikarangal Natin (Sarsuwela) Name of Learner: ___________________________ Grade & Section: ___________________________ Name of School: ___________________________
Transcript
  • 8

    Republic of the Philippines

    Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

    Zest for Progress Zeal of Partnership

    Filipino Ikalawang Markahan – Modyul 5

    Sandigan ng Lahi…Ikarangal Natin (Sarsuwela)

    Name of Learner: ___________________________

    Grade & Section: ___________________________

    Name of School: ___________________________

  • Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

    Manunulat: Ronna B. Laranjo at Sarilyn P. Laranjo

    Editor/Tagasuri: Michel P. Enero

    Tagalapat: Dave D. Cubero

    Tagapamahala: Virgilio P. Batan, Jr., CESO VI- Schools Division Superintendent

    Lourma L. Poculan - Asst. Schools Division Superintendent

    Amelinda D. Montero - Chief Education Supervisor, CID

    Nur N. Hussien - Chief, Education Supervisor SGOD

    Riela Angela C. Josol - Education Program Supervisor- Filipino

    Ronillo S. Yarag - Education Program Supervisor, LRMS

    Leo Martinno O. Alejo - Project Development Officer II, LRMS

    Filipino – Ikawalong Baitang Support Material for Independent Learning Engagement (SMILE) Ikalawang Markahan – Modyul 5: Sandigan ng Lahi…Ikarangal Natin (Sarsuwela) Unang Edisyon, 2020

    Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

    Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

    Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilimbag sa Pilipinas ng

    Department of Education – Region IX – Dipolog City Schools Division

    Office Address: Purok Farmers, Olingan, Dipolog City

    Zamboanga del Norte, 7100

    Telefax: (065)212-6986 and (065) 212-5818

    E-mail Address: [email protected]

    mailto:[email protected]

  • 1

    Pamantayang Pangnilalaman

    Pamantayan sa Pagganap

    Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdng pampanitikang lumaganap sa Panahon ng Amerikano, Komonwelt at sa Kasalukuyan.

    Naisusulat ang sariling tula sa alinmang anyong tinalakay tungkol sa pag-ibig sa tao, bayan o kalikasan.

    Pamantayan sa Pagkatuto:

    Pagkatapos mapag-aralan ang modyul na ito, ang mag-aaral ay inaasahang:

    o Nasusuri nang pasulat ang papel na ginagampanan ng sarsuwela sa pagpapataas ng kamalayan ng mga Pilipino sa kultura ng iba’t ibang rehiyon sa bansa ( F8PU-IIe-f-26 )

    o Naiuugnay ang tema ng napanood na programang pantelebisyon sa akdang tinalakay ( F8PD-IIf-g-26 )

    o Naipapaliwanag nang maayos ang pansariling kaisipan, pananaw,

    opinion at saloobin kaugnay ng akdang tinalakay (F8PS-IIg-h-28)

    Alamin

  • 2

    Aralin

    5 Sandigan ng Lahi…Ikarangal Natin

    Ang Sarsuwela

    Sa nakaraang aralin, natutunan mo ang tungkol sa denotatibo at

    konotatibong kahulugan, kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan ng malalalim na salitang ginamit sa akda.

    Balikan

    Bilang pagbabalik-tanaw sa nakaraang modyul, sagutan ang mga sumusunod

    na mga tanong:

    1. Ano ang pagkakaiba ng denotatibo at konotatibong pagpapakahulugan? Magbigay ng limang (5) halimbawa. ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________

    2. Ano ang kasingkahulugan at kasalungat? Magbigay ng limang (5) halimbawa? ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________

  • 3

    Tuklasin

    Gawain A: HANAPIN MO AKO!

    Hanapin ang mga salita/pahayag na maiuugnay sa salitang “Sarsuwela”. Bilugan

    ang mga ito at pagkatapos ay isulat sa nakalaang patlang sa ibaba.

    K A T O L I S I S M O A

    A O M S O P E R A A P D

    E D M T E B H T T N P I

    I G N E I K H N A G I Y

    M E L O D R A M A G N A

    O H O W U Y I O U A P L

    P A T U L A A P H R L O

    A W I T A T T U G T O G

    U K R A O G A R W S R O

    B L Y U G T O S Y T S S

    C W A L A N G S U G A T

    P A N T A N G H A L A N

    D E F G A T I L A S A P

    D A M D A M I N J K L M

    Sagot:

    1. _____________________________________

    2. _____________________________________ 3. _____________________________________ 4. _____________________________________

    5. _____________________________________ 6. _____________________________________

    7. _____________________________________ 8. _____________________________________ 9. _____________________________________ 10._________________________________________

    11. ________________________________________

    12. ________________________________________

    13. ________________________________________

    14. ________________________________________

    15. ________________________________________

  • 4

    Suriin

    Sa bahaging ito ng modyul, ay iyong huhubugin ang mga kaalamang tutulong sa iyo upang higit na maunawaan ang aralin. Dito tinitiyak na ikaw ay maihahanda upang tiyak ang mga pang-unawa sa mga impormasyong kinakailangan malinang. Sa bahaging ito ay magkakaroon ka ng mahahalagang ideya tungkol sa Sarsuwela. Inaasahang magagabayan ka ng mga inihandang babasahin at Gawain. Halika at umpisahan na ang masayang paglalakbay sa mundo ng Filipino!

    SARSUWELA Ang sarsuwela ay isang komedya o melodramang may kasamang awit at tugtog na nahihinggil sa mga punong damdamin ng tao tulad ng pag-ibig kapootan, paghihiganti, kasakiman, kalupitan, at iba pa o kaya naman ay tungkol sa mga suliraning panlipunan o pampolitika. Ayon sa kasaysayan nito, ito ay sinasabing hinango ng mga Espanyol sa opera ng Italya sapagkat magkahalo ang diyalogong ginagamit dito – patula at pasalita. Ang patulang bahagi ay karaniwang diyalogo ng mga pangunahing tauhan, bukod sa ito ay nilalagyan ng komposisyon na maaaring awitin. Samantala, ang tuluyang diyalogo ay yaong gamit naman ng mga katulong tauhan. Ang sarsuwela ay binubuo ng tatlong yugto. Ang mga tagpo ay magkahalong seryoso at katawa-tawa. Melodrama kung ito’y tawagin o kaya’y tragikomedya. Hango sa tunay na buhay ang paksa nito at kung minsan ay nasosobrahan naman sa damdamin, lalo na sa pag-ibig kaya nagiging soap operatic. Ang sarsuwela, bagama’t ipinakilala noong unang panahon ng mga Espanyol, ay lubos na namulaklak noong panahon ng himagsikang Pilipino at Amerikano sa pangunguna nina Severino Reyes na kilala sa taguring na Lola Basyangsa kanyang dulang “Walang Sugat”; Aurelio Tolentino sa kanyang Kahapon, Ngayon at Bukas; Juan Abad sa kanyang Tanikalang Ginto; Juan Crisostomo Soto sa kanyang Anak ng katipunan; Amando Navarette Osorio sa kanyang Patria Amanda; at iba pa. Unti-unting nanghina ang sarsuwela nang makilala sa bansa ang bodabil o stage show. Ang pagtatanghal na ito ay halos wala nang istorya, puro kantahan at sayawan lamang ang nangyayari kung kaya sa paglaganap ng bodabil naging purong panlibangan na lamang ang teatro. Sa kasalukuyan, ang mga dulang pantanghalan ito ay patuloy pa ring ginagawa sa ating bansa bilang pag-alaala sa mahahalagang pagdiriwang na may kinalaman sa pananampalatayang katolisismo at upang talaayin ang mga suliraning panlipunang nangyayari sa bansa.

    SANGGUNIAN: Ikalawang Edisyon Pinagyamang Pluma 8 Alma M. Dayag, et.al P254

    ALAM MO BA..?

  • 5

    Mga Gabay na Tanong:

    1. Anu-ano ang katangian ng sarsuwela? 2. Bakit hindi na gaanong kilala ang sarsuwela sa kasalukuyan? 3. Paano naipapakita ng sarsuwela ang kultura ng mga Pilipino? 4. Bilang isang kabataan na kabilang sa henerasyong Gen Z, paano mo

    maipapakita ang pagtangkilik sa sarsuwela? 5. Kung ikaw ay lilikha ng isang sarsuwela, anong paksa o tema ang nais mong

    bigyang-pansin? Ipaliwanag.

    Buod ng “Walang Sugat”

    ni Severino Reyes

    Nagbuburda si Julia habang nakaharap kay Tenyong. Pagkatapos, biglang dumating ang kaibigan nitong si Lucas. Nagbalita siya na nadakip ang kanyang ama. Sabi niya na napagkamalan itong isang tulisan. Napatay ang kanyang ama na si kapitan Inggo at nais ni Tenyong na maghiganti kahit hindi ito gusto ng kasintahan na si Julia at kanyang ina na si kapitana Puten. Ngunit, ang dalawa ay walang nagawa. Nagkalayo sina Julia at Tenyong. At dahil dito, may dumating namang manliligaw si Julia, isang mayamang nagngangalang Miguel. Sa paglaon ay itinakda ang kanilang kasal kaya si Julia ay nagpadala ng liham kay Lucas para ipaalam na siya ay ikakasal na.Ngunit, ang liham ay hindi nasagot ni Tenyong dahil biglang nagkaroon ng labanan. Ibinilin na lamang ni Tenyong na dadalo siya sa araw ng kasal ni Julia. Inakala ni Julia na patay na si Tenyong kaya labag man sa kanyang kalooban ay kailangan niyang magpakasal kay Miguel. Sa araw mismo ng kasal, dumating si Tenyong sa simbahan na duguan na anyong mamatay na. Pagkatapos nito, pinatawag ang kura upang makapangumpisal si Tenyong. Ang huling kahilingan nito ay ikasal siya kay Julia. Pumayag naman si Tadeo, ang ama ni Miguel at Juana, ang ina ni Julia dahil mamatay rin naman si Tenyong at makakasal rin ang kanyang anak. Subalit, biglang bumangon si Tenyong at nag sigawan ang lahat ng “Walang Sugat! Walang Sugat!” Nilinlanlang pala ni Tenyong ang lahat upang siya ay makasal kay Julia. SANGGUNIAN: https://philnews.ph/2020/02/18/walang-sugat-buod-ang-buod-ng-walang-sugat-

    ni-severino-reyes/

    Mga Gabay na Tanong:

    1. Kaanu-ano ni Tenyong si Julia? 2. Ano ang nangyari sa ama ni Tenyong? Makatarungan bang magtanim ng galit

    si Tenyong sa sinumang nagpapahirap sa kanyang ama? 3. Tama bang makialam ang magulang sa usaping puso ng mga anak? Bilang

    isang anak, susundin mo ba ang kagustuhan ng iyong magulang? Patunayan.

    Isaisip

    BASAHIN AT SURIIN

    https://philnews.ph/2020/02/18/walang-sugat-buod-ang-buod-ng-walang-sugat-ni-severino-reyes/https://philnews.ph/2020/02/18/walang-sugat-buod-ang-buod-ng-walang-sugat-ni-severino-reyes/

  • 6

    4. Isa-isahin ang tema o paksang nakapaloob sa akda. 5. Sa iyong opinyon, angkop ba ang pamagat na “Walang Sugat” sa akda?

    Pagyamanin Panuto: Batay sa iyong nabasa sa pahina 4 at 5, gamit ang graphic organizer ay suriin mo kung ano ang papel na ginagampanan ng sarsuwela sa pagpapataas ng kamalayan ng mga Pilipino sa kultura ng iba’t ibang rehiyon sa Pilipinas.

    Paalala: Huwag sulatan ang modyul na ito. Maghanda ng sariling sagutang papel.

    Mga mahahalagang kaalaman na dapat tandaan:

    SARSUWELA

    (Walang Sugat)

    Kultura ng

    mga Pilipino na

    mababasa sa

    akdang

    “Walang Sugat”

    1. Anu- ano ang mga papel na ginagampanan ng Sarsuwela sa pagpapataas ng kamalayan ng mga Pilipino sa kultura ng iba’t ibang rehiyon sa Pilipinas? ____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________ _____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

  • 7

    Ang Sarsuwela ay … ay isang komedya o melodramang may kasamang awit at tugtog na

    nahihinggil sa mga punong damdamin ng tao. hango ng mga Espanyol sa opera ng Italya sapagkat magkahalo ang

    diyalogong ginagamit dito – patula at pasalita. may patulang bahagi na karaniwang diyalogo ng mga pangunahing

    tauhan. may tuluyang diyalogo na gamit naman ng mga pantulong na tauhan. ay binubuo ng tatlong yugto. hango sa tunay na buhay at kung minsan ay nasosobrahan naman sa

    damdamin, lalo na sa pag-ibig kaya nagiging soap operatic. ay lubos na namulaklak noong panahon ng himagsikang Pilipino at

    Amerikano sa pangunguna nina Severino Reyes. ay humina nang makilala sa bansa ang bodabil o stage show.

    Sa kasalukuyan, ang mga dulang pantanghalan ito ay patuloy pa ring ginagawa sa ating bansa bilang pag-alaala sa mahahalagang pagdiriwang na may kinalaman sa pananampalatayang katolisismo at upang talakayin ang mga

    suliraning panlipunang nangyayari sa bansa.

    Tayahin:

    A. Basahing maigi ang bawat tanong. Isulat sa sagutang papel ang tamang sagot.

    1. Saan hinango ng mga Espanyol ang sarsuwela?

    a. Opera ng Italya c. Opera ng España b. Opera ng Amerika d. Opera ng Europa

    2. Bakit humina ang sarsuwela sa Pilipinas? a. Dumating na ang radio at telebisyon sa Pilipinas b. Pinagbawal ng mga kastila ang panonood ng mga sarsuwela c. Mas nakilala ang stage show o bodabil sa Pilipinas d. Wala nang nanonood ng sarswela

    3. Bakit patuloy pa ring ginagawa ang mga dulang pantanghalan sa bansa? a. Bilang pag-alala sa pagdiriwang na may kinalaman sa katolisismo b. Bilang pag-alala sa pananakop ng mga Espanyol c. Bilang pagpapahalaga sa mga panitikang ibinahagi ng mga kastila d. Bilang pagbibigay parangal sa ating mga ninuno

    4. Ano ang nangyari sa teatro nang lumaganap ang bodabil? a. Ang teatro ay naging purong panlibangan na lamang

    b. Ang teatro ay naging purong kantahan na lamang c. Ang teatro ay naging purong sayawan na lamang d. Ang teatro ay tuluyang natigil sa Pilipinas

    5. Kailan lubos na nakilala ang sarsuwela sa Pilipinas? a. Sa panahon ng Espanyol b. Sa panahon ng himagsikang Pilipino at Amerikano c. Sa panahon ng Kastila d. Sa panahon ng Amerikano

  • 8

    6. Paano napapataas ng sarsuwela ang kamalayan ng mga Pilipino sa kultura ng iba’t ibang rehiyon sa bansa?

    a. Naipapakita ng sarsuwela ang pananampalatayang katolisismo b. Naibabahagi ng sarsuwela ang mga pangyayari at kulturang naganap

    sa isang rehiyon c. Naipapakita ng sarsuwela ang kaugalian ng mga Espanyol d. Naibabahagi ng sarsuwela ang kasamaan ng mga Kastila

    7. Sino ang sumulat sa sarsuwelang “Walang Sugat” na kilala sa tawag na “Lola Basyang?

    a. Severindo Reyes c. Sivirino Retes b. Severino Retes d. Severino Reyes

    8. Aling pangyayari sa sarsuwelang “Walang Sugat” ang nagpapakita ng pagmamahal sa bayan ng mga Pilipino?

    a. Pagpapanggap ni Tenyong na sugatan upang maikasal kay Julia b. Paghihiganti ni Tenyong sa mga kastila nang patayin ang kanyang ama c. Sumama si Tenyong sa mga kalalakihan sa paglaban sa mga kastilang

    prayle upang mapalaya ang inang bayan d. Lahat sa nabanggit

    9. Aling pangyayari sa sarsuwelang “Walang Sugat” ang nagpapakita ng pagmamahal sa magulang?

    a. Pagmamano sa magulang b. Pagsuway ni Julia sa kanyang ina c. Handang magbuwis ng buhay ang anak para sa hustisya ng ama d. Lahat sa nabanggit

    10. Tama bang makialam ang magulang sa usapang pag-aasawa ng mga anak? a. Oo, dahil anak lamang sila b. Oo, dahil mas alam ng mga magulang ang ikabubuti ng mga anak c. Hindi, dahil hindi naman sila ang ikakasal d. Hindi, dahil may karapatan ang anak na pumili ng taong kanyang

    mamahalin ngunit maaaring magbigay gabay at payo ang magulang 11. Tama bang maghiganti sa mga taong nakagawa sa iyo ng masama?

    a. Oo upang maranasan nila ang sakit na iyong naranasan b. Oo upang makamit ang hustisyang hinahanap c. Hindi dahil hindi ito katanggap-tanggap sa batas ng tao at batas ng

    Diyos d. Hindi dahil baka magpatuloy lamang ang inyong pag-aawayan

    12. Alin sa sumusunod na mga palabas sa telebisyon ang may katulad na tema o paksa sa “Walang Sugat” na nagpapakita ng pagmamahal sa magulang?

    a. Ang Probinsiyano c. Fantastica b. Seven Sundays d. Ang Panday

    13. Alin sa sumusunod na mga palabas sa telebisyon ang may katulad na tema o paksa sa “Walang Sugat” na nagpapakita ng pagmamahal sa bayan?

    a. Heneral Luna c. Pangako Sa’yo b. Seven Sundays d. Kadenang Ginto

    14. Alin sa sumusunod na mga palabas sa telebisyon ang may katulad na tema o

    paksa sa “Walang Sugat” na nagpapakita ng pagpapanggap? a. Impostora c. Pangako Sa’yo b. Seven Sundays d. Kadenang Ginto

    15. Alin sa sumusunod na mga palabas sa telebisyon ang kakikitaan ng mga kultura at kaugaliang Pilipino?

    a. Darna c. Amaya b. Encantadia d. Mulawin

  • 9

    Karagdagang Gawain Panuto: Pumili ng palabas o programang pantelibisyon na napanood mo na, na maaaring maiugnay sa akdang tinalakay. Isulat kung ano-anong kultura at kaugaliang Pilipino ang ipinapakita ng palabas na napili. Ibigay ang buod sa palabas na napanood. Punan ang hinihingi ng TV organizer na nasa ibaba.

    Buod ng Palabas na Napili

    Pamagat ng Palabas na Pinanood

    Kultura at Kaugaliang

    Pilipino na makikita sa

    palabas

  • 10

    Susi sa Pagwawasto

    Sanggunian

    AKLAT:

    Ikalawang Edisyon Pinagyamang Pluma 8 (K to 12); pahina 289 – 294; Alma M.

    Dayag, et.al; 2017; Phoenix Publishing House, Inc.

    INTERNET/WEBSITES:

    https://philnews.ph/2020/02/18/walang-sugat-buod-ang-buod-ng-walang-sugat-

    ni-severino-reyes/

    TAYAHIN:

    1.A 2.C 3.A 4.A 5.D 6.A 7.B 8.B 9.B 10.A 11.4 12.3 13.5 14.1 15.2

    https://philnews.ph/2020/02/18/walang-sugat-buod-ang-buod-ng-walang-sugat-ni-severino-reyes/https://philnews.ph/2020/02/18/walang-sugat-buod-ang-buod-ng-walang-sugat-ni-severino-reyes/

Recommended