SUPPORT MATERIAL FOR INDEPENDENT LEARNING ENGAGEMENT (SMILE)
9
Filipino Unang Markahan – Modyul 9
Pagsusuri ng Tunggaliang
Tao vs. Sarili (Nobela)
NORMITA M. OGOC
A Joint Project of the
SCHOOLS DIVISION OF DIPOLOG CITY and the
DIPOLOG CITY GOVERNMENT
Filipino – Ikasiyam na Baitang Support Material for Independent Learning Engagement (SMILE) Unang Markahan – Modyul 9: Pagsusuri ng Tunggaliang Tao vs. Sarili
(Nobela)
Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Region IX - Dipolog City Schools Division Office Address: Purok Farmers, Olingan, Dipolog City
Telefax: (065) 212-6986
E-mail Address: dipolog.city @ deped.gov.ph
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Normita M. Ogoc
Editor: Rolando T. Cagatin
Tagasuri: Riela Angela C. Josol, EPS – Filipino
Tagalapat: Riela Angela C. Josol, EPS – Filipino
Tagapamahala: Virgilio P. Batan, Jr. – Schools Division Superintendent
Jay S. Montealto – Asst. Schools Division Superintendent
Amelinda D. Montero – Chief Education Supervisor, CID
Nur N. Hussien – Chief, Education Supervisor SGOD
Ronillo S. Yarag – Education Program Supervisor, LRMS
Leo Martinno O. Alejo – Project Development Officer II, LRMS
1
Isa sa mga sangkap ng kuwento ay ang tunggalian na humuhubog sa pagkatao
ng tauhan at siyang nagtutulak sa mga pangyayari sa kuwento. Ito ay nagbibigay daan
sa madudulang tagpo upang lalong maging kapanapanabik ang mga pangyayari. Ito ay
pakikipagsapalaran o pakikipangtunggali ng pangunahing tauhan laban sa mga
problemang kakaharapin na minsan ay sa sarili, sa kapwa, o sa kalikasan. Sa nobela
makikita ang higit sa isang pang tunggalian. Ito ay maaaring tunggalian na panloob sa
tao laban sa sarili, o panlabas tulad ng tao laban sa tao, tao laban sa kalikasan, at tao
laban sa lipunan.
Ang modyul na ito ay tatalakay sa isang tunggalian na panloob mula sa isang piling nobela na pinamagatang “Bata, Bata Paano Ka Ginawa? (Unang Kabanata) ni Lualhati Bautista.
Pagkatapos mong basahin at sagutin ang modyul na ito ikaw ay inaasahan na:
Nasusuri ang tunggaliang tao vs. sarili sa binasang nobela (F9PB-Ic-d-40)
Panimulang Gawain: Basahin at suriin. Panuto: Suriin ang mga sumusunod na pahayag na hango sa binasang nobela “Bata, Bata Paano Ka Ginawa?” Lagyan ng tsek (√) ang patlang kapag ang pahayag ay nasa tunggalian na panloob, at ekis (X) naman kapag nasa tunggalian na panlabas. _____ 1. Isang bata na suot ang gown na kulay ginto ang ayaw umakyat sa stage.
_____ 2. Pinipilit at pinapalo ang bata sa kanyang ina habang siya ay hinahatak nito. _____ 3. Nararamdaman ni Ojie na siya ay nauuhaw. _____ 4. Isang mag-aaral na pilyo na nagpapaalam sa kanyang guro na iihi muna habang inihahatid sa takdang upuan nito subalit hindi ito pinayagan. _____ 5. May mga batang kandidato ng Miss Kinder na nahalatang napililitan sa pagpoposing. _____ 6. Karaniwan na ina lang ang may gustong mapalaban ang anak nila sa mundo ng beauty contest. _____ 7. Hindi alam ni Lea kung ano ang kanyang gagawin para kay Maya nang nararamdaman niya ang galit habang nakikitang nakabibilad sa init si Maya sa rehearsal nito.
Alamin
Subukin
2
_____ 8. Papalapit na ang paligsahan ng beauty contest hanggang sa itinatakda na ito ngunit may lagnat pa rin si Maya. _____ 9. Nalagay sa alanganin si Ding. Hindi alam kung matatawa o mahihiya. _____ 10. Tumalim ang tingin ni Ding kay Lea.
Modyul 9
Pagsusuri ng Tunggaliang Tao vs.
Sarili (Nobela)
Panimula
Ang nobelang Bata, Bata …Paano ka Ginawa ni Lualhati Bautista, ang
pangunahing tauhan rito ang ay isang babae. Ipinakita sa nobela sa bahagi ng unang
kabanata kung gaano katatag si Lea sa mga pagsubok na dumating sa kanya Naipakita
rin ang kanyang pagmamahal sa dalawang anak, at laging nakasuporta sa anumang
nanaisin at desisyon nito lalo na kay Maya.
Balikan
Sa nakaraang aralin, tinalakay ang mga bahagi ng akda binasang nobela na
nagpapakita ng pinakamataas na katotohanan, kabutihan, at kagandahan. Batay sa
pagbabanghay na iyong napag-aralan, ibigay rin ang mga pangyayari o kaisipang
nakatala sa talahanayan sa ibaba.
Simulang Pangyayari
Papataas na Pangyayari
Kasukdulan
Pababang Pangyayari
Wakas
3
Tuklasin
Basahin ang nobelang “Bata, Bata Paano Ka Ginawa?
“Bata, Bata Paano Ka Ginawa?
(Unang Kabanata - Lualhati Bautista)
At sa wakas, tumugtog ang graduation march at nagmartsa papasok ang mga
batang magsisipagtapos.
Ladies and gentlemen, here comes kindergarten class, section one, handled by Mrs.
Erlinda Macasaya! Please give them a big hand!
Palakpakan.
Itinaas ni Lea ang nakahanda ng kamera, isinentro sa anak na nasa kalagitnaan ng
linya. Saglit na huminto sa pagmamartsa si Maya, itinaas ang baba, nameywang, at
ngumiti nang maluwang, Klik! Itinulak ito ng kasunod. Hinarap ni Maya’t tinampal ang
kamay ng kaklase. Pinandilatan sila ni Mrs. Macasaya.
“Coming next is kindergarten class, section two, led by their adviser, Miss Elvira
Sagun. Ladies and gentlemen, please give them a big hand!”
Martsa papasok ang section two. Oo nga’t tinuruan sila ng titser ng mga chest out,
stomach in, pero sa oras na ito’y wala na sa mood ang mga bata.
May dumadarag na, may nagkakalkal na ng ulo. Aba nga naman, alas siyete ang
usapang mag-uumpisa ang programa’y alas-otso pasado na ngayon. Mataas na’t mainit
ang araw. At sa school ground lang, sa open air, idinaos ang graduation.
Pati mga manonood ay ngayon lang napipirmi. Kanina’y nagkisaw-kisaw na ang
mga tao, reklamuhan kabila-kabila, paypayan, singhalan.
Higit kasi pang matindi sa lahat ng pagkakayamot ng mga magpipitong taon.
Pinapawisan nga naman sila sa suot nilang toga. Hindi yata nakatiis ang isa, sa
kalagitnaan ng pila’y hinablot ang toga niya at ginawang pamaypay.
“Sst! Balik ‘yan, balik!” gigil na singhal ni Miss Sagun sa bata. Bubulong-bulong na
isinalpak ng bata sa ulo niya ang toga.
Humingi rin ng palakpak ang tagapagsalita para sa dumarating na section three.
Inihatid din ng adviser ang mga ito sa kanilang takdang upuan. Isang batang mukhang
pilyo ang huminto sa tapat ng titser at nagsabi:
“Tetser, may I go out!”
Napahindig ang titser. “Mamaya!”
“Iihi ako!”
“Mamaya sabi!” Nagbanta ang bata. “Ba’la kayo!”
4
“Ssh!”
Bahala naman kayo. Pagdating sa upuan (Nakatayo pa ang lahat habang hindi pa
kompletong nakakapasok ang mga ga-graduate) inilabas ng pilyong bata ang ano niya
at sinabayan ng ihi. Lingunan ang mga batang babaeng natilamsikan. Gimbal sa
“pagkadungis” ng kanilang mga “dangal!”
“Maam, si Roderick, dito umiihi!”
Tawanan ang mga tao. Natukso si Lea, itinaas ang kamera at isinentro sa batang
umiihi.
Klik!
Inanawns ng tagapagsalita ang pagsisimula ng programa sa pamamagitan ng
Pambansang Awit. Dumisente ang mga tao. Bayang magiliw, perlas ng silanganan…..
Pagkatapos nito, opening speech ng prinsipal. Na sinabayan nang mabilis na
pagkilos ng maraming ina. Puntahan sila sa kanya-kanyang anak para hubaran ang
mga ng toga, na magbibilad ng suot nilang bikini suit. Ito ang mga batang kasali sa
pilian ng Miss Kinder, kasali sa fashion show na gaganapin sa stage.
Si Ding ang taya sa pag-aalis ng damit ni Maya. Iyon ang usapan nina Lea at Ding:
si Ding, katulong si Flor na pamangkin ni Lea, ang mag-aasikaso kay Maya dahil si Lea
ang kukuha ng mga retrato ng anak.
Teka, hindi pa pala ‘yong bikini ang kailangan. Iyon muna pa lang gown. Sinuotan
ni Flor ng gown si Maya. Sunusuklayan. Kinakabitan ng Dekorasyon sa buhok.
Sa paligid, hindi lang gown at suklay ang dala ng maraming ina sa kanilang anak
kundi pati make-up at lipstick. Pinupulbuhan nila nang makapal ang mga anak nila,
nilalagyan ng eye liner, pinapahiran ng pampapula sa pisngi. May sinasabi si Ding kay
Flor at batay sa pagsulyap nito sa paligid, nahulaan ni Lea na itinatanong nito kung si
Maya ba ay hindi nila pinipintahan din.
Hindi. Mahigpit ang order ni Lea na h’wag lalagyan ni Maya kahit lipstick. Para kay
Lea, maruming tingnan ang isang batang naka make-up at lipstick. Imbis na
makaganda’y sinisira nito ang kalinisan ng isang batang mukha. Nilalagyan ng anyong
kamunduhan at karanasan.
Inihanda na ng mga hurado ang papel at lapis nila. Mag-uumpisa na silang bigyan
ng kaukulang marka ang personalidad ng mga batang kandidato.
Maya-maya’y umaakyat na sa stage ang mga bata; idinidisplay ang gown nila,
lumalakad nang nakapameywang, nagpa-pause, nagpo-pose, habang sinasabi ng
tagapagsalita ang mga pangalan nila na sinasagot naman ng palakpakan ng mga tao.
Panay ang klik ng mga kamera, na sinisingitan pa ng kislapan ng mga fliush bulbs. Ke
tatanga nila sa loob ni Lea. Sa kainitan ng araw, hindi ka gagamit ng flush bulb.
“Arlina delos Santos!”
Isang bata sa gown na kulay ginto at nagkikislapang mga palamuti ang
nagpapalahaw dahil ayaw umakyat sa stage. Hatak-hatak ito ng ina, pinipilit, pinapalo
pa man din. Nagtatawanan na ang marami, nanghihinayang ang ilan
Gagang bata ‘yan, ang ganda-ganda pa naman ng suot!”
5
“Ay, mahal ‘yan, mare! Mahigit isang libo ang ginasta ni Corazon diyan!” ‘Yong
Corazon siguro ang ina.
Nag-concentrate si Lea sa pagkuha ng retrato ni Maya. Sa parisukat na camera lens,
aaminin niyang maganda nga ang anak niya. Manang-mana sa ina, sabi niya sa sarili.
Pero hindi iyon ang kahanga-hanga dito kundi ang tiwala sa sarili na masasalamin sa
mga hakbang nito, sa mga pa-cute nito. Puwedeng mag-artista paglaki, sabi nga ng iba.
Pwedeng mag-leader.
Kung manatili siyang ligtas sa mundo ng isang musmos, naisip ni Lea. Kung hindi
siya wawasakin ng mga kawalang-katiyakan. Nanay, nagkakalkal ng ulo si Ojie sa tabi
ni Lea. Kanina pa nga naman siya tinatawag ni Ojie.
Sumisilip uli sa lens ng kamera si Lea. “Ano?” tanong niya.
“Gusto ko ng soft drinks.”
“Don ka humingi ng pera sa tatay Ding mo. Wala akong dala dito.”
“Malayo siya, e!”
“Lapitan mo.”
“Hindi ako makadaan!”
“Di mamaya ka na mag-soft drinks, pag makakadaan ka na!”
Dumadarag na lumayo si Ojie, at nakadaan papunta kay Ding. Tatay Ding. Ba’t may
Ding pa, tanong ng isang kapitbahay kay Lea no’ng bagong lipat pa lang sila sa lugar
na ito. Ba’t hindi basta tatay na lang?
To differentiate, sagot niya. Dahil meron siyang Tatay Raffy.
Nag-anawns ang tagapagsalita ng kasunod na bahagi ng programa. Sayaw mula sa
isang grupo ng mga mag-aaral. Ehersisyong sayaw.
Bumanat ng kanta si Florante, Abakada…… egahaila…..manangaopa…..
rasatauwaya! Umentra sa stage ang grupo at sinasayawan ang kanta ni Florante.
Naghuhubaran na naman ng gown ang mga batang kasali sa contest. Ngayon, ang
iniwan nila sa katawan ay ang saplot na bikini. Kinambatan ni Lea ang tatanga-tangang
pamangkin. Mabilis namang tintulungan ito ni Ding sa pag-iintindi kay Maya.
Iyong iba ina, nireretoke ang make-up ng anak nila. Lumapit si Flor kay Lea at
ibinulong:
“Tita Lea, si Maya lang ang walang make-up. Lalagyan ko siya maski lipstick.”
“Wala akong lipstick.”
“Manghihiram ako.”
“Tumigil ka.”
Isa pang palabas at balik sa stage ang mga kandidato sa pagka-Miss Kinder.
Dumarami ang mga batang nagmamarakulyo. Ang isa’y nagpoposing nga pero halatang
napipilitan na lang. Halatang malapit nang umiyak. Ginulo naman ng isa pa ang buhok
niya bago nag-fashion show….. isang maliwanag na paninirya sa ina’t titser.
6
Iyan ang hirap sa usapang ito. Ano ba naman ang kamuwangan ng mga pipituhing
taon sa mga beauty contest? Laro lang ang tingin nila sa lahat ng bagay at komo laro
gagawin lang nila pag gusto nila. Pag nasa mood sila.
Karaniwan na ina lang ang may gustong mapalaban ang anak nila, masabing
kabilang ito sa magaganda, maging ang pinakamaganda kung maaari. Baya’n mo nang
masabak siya sa rehearsal pagkatapos ng klase. Baya’n mong maibilad siya sa init,
mapagod siya, lagnatin siya, sipunin siya. Gusto ng nanay ng tropeo, gusto ng nanay
ng karangalan.
Dear asawa ko na nasa Saudi: padalham mo agad ako ng isang milyong dolyar
pambili ng gown ng anak mo na isusuot sa beauty contest. Aba, baka hindi mo
malalaman, kandidato ang anak mo sa pagka-Miss Kinder!
Naturalmente, kailangang pinakamaganda ang suot niya sa okasyong iyon. H’wag
mong sabihing maitim siya, hindi na mapapansin ang kulay niya pag napansin ang suot
niya. At susuotan ko siya ng gold, sasabugan ko ng sequence para kumislap. Pag
nagmarakulyo siya, hahatakin ko siya. Babanatan ko. Naku, makikita ng batang yan
pagdating namin ng bahay!
Naisip ni Lea na kung anong banat kaya ang aabutin ng bata sa suot na gold pag-
uwi nila ng bahay. T’yak na maraming kurot at amba ng suntok at mura. Sayang ang
gown e. Biro mo, isang milyon ang halaga, hindi naidisplay?
Iniisip din ni lea kung hindi kaya si Maya lang ang napaiba sa pagkakataong ito.
Si Maya mismo ang pinagdesisyon niya kung gusto niyang sumali.
“Syempre naman!” tiyakang sagot sa kanya ni Maya.
“Magpapagod ka sa kare-rehearsal. Siyempre araw-araw me praktis kayo.”
“S’yempre!” “Baka mamaya, iiyak ka?”
“Baka ikaw ang iiyak, Nanay?”
“Bakit ako?”
“Bibili mo ‘ko ng toga saka gown saka bikini. Maraming perang kailangan do’n!”
May mga pumunta sa kanya sa pagkomperme niya na sumali si Maya sa nasabing
beauty contest. Lalo na’t nasa sirkulo siya ng mga taong may matibay na paniwala na
ang mga pagandahan ay isa pa ring uri ng pagsasamantala sa mga babae.
Pero gano’n din naman ang damdamin niya. Ang totoo’y nagalit na siya nang makita
niya ang ipinapagod ni Maya sa rehearsals. Hanggang sa huling praktis kahapon,
hanggang sa mag-umpisa na ang programa kanina, ay gusto na niyang i-withdraw sa
contest ang anak…. gusto na niyang iuwi! May lagnat na ito kahapon. 38.2. Nag-aalala
siya na tumaas pa iyon.
Kaso’y disidido talaga si Maya na maging parte ng programang ito. Hindi ito papayag
na mag-pull out. Ano man nag dinaramdam ni Maya ay ginagawa pa rin nito ang
kanyang the best.
Sport siya, sabi ni Lea sa sarili. Manang-mana sa nanay. At kakambal ng
nararamdaman niyang pag-aalala’y nakadarama din siya ng pagmamalaki.
7
“Ngayon naman po, ang mga bata natin ay magpapakita ng kanilang talino sa
pamamagitan ng pag-awit, tula at sayaw!”
Unang bata, ala-Celeste Legaspi sa mga angat na balikat, liyad ng katawan at lukot
ng mukha.
“Matayog ang lipad ng saranggula ni Pepe!….”
Pangalawang bata, nagpakuha pa man din ng gitara’t upuan:”Nang isilang ka sa
mundong ito, laking tuwa ng magulang mo!….”
“Talo’ng anak mo ro’n,” biro niya kay Ding na tumabi sa kanya. “Marunong siyang
maggitara.’
Seryoso’t may kaba si Ding sa panonood. Naisip ni Lea kung napakahalaga ba kay
Ding ng paligsahang ito. Kung matter of life and death ba sa kanya ang na manalo ang
anak.
Huminga nang malalim si Lea….. Wala kang magagawa, sabi niya sa sarili.
Simpleng tao lang si Ding….. sing-simple ng karaniwang ama’t ina.
“Oh, Captain, my captain!” banat ng ikatlong bata.
Nagpayanig din ang ikaapat na bata sa pamamagitan ng pagbabali-bali ng katawan
nito sa saliw ng tugtuging rock.
“Talo na nga yata ang anak mo,” bulong ni Ding kay Lea. Na-insecure na nga si
Ding.
HIndi na yata humingi si Ding nang pumapagitna si Maya at magbandila ng tula
niya:
“Ang tiyan ng nanay, malaki’t mabilog.
Ano ‘yon? Tanong ni Ojie sa nanay.
Bola? Bola ng basketball?
Hindi, iba.
Puwedeng paglaruan?
Hindi at may laman.
Ano’ng laman, ha ‘Nay?
Sorpresa, sorpresa!
Ang sorpresa nang lumabas, ako pala!
Pa’nong ang bola ay naging si Maya?
Biglang tawa si Nanay:
Paglaki mo na, Ojie, saka mo malalaman!
Hindi siguro akalain ni Ding, pero pinakamasigabo ang palakpakan ng kay Maya.
May kasama pang malakas na tawanan.
Pero hindi pumalakpak ang prinsipal. Hindi natawa. Kundi napahindig.
8
“Que barbaridad!”
Natawa uli ang tao sa reaksyon ng prinsipal.
Nalagay sa alanganin si Ding. Hindi malaman kung matatawa o mapapahiya.
Ngayon lang narinig ni Ding ang tula ni Maya. Pag tinatanong kasi nito ang anak kung
ano’ng gagawin sa stage, ang laging sagot ni Maya: “Malalaman
Nalaman nga niya ngayon.
“Sinong nagturo sa anak no’n? “usig ni Ding kay Lea.
Nakangiti si Lea. “Sino pa!” at nagmamalaki pa!
Tumalim ang tingin ni Ding kay Lea. “Talagang wala kang turong mabuti.”
Babaan na naman ang mga bata para isuot uli ang kanilang toga. Aabutan muna
ng diploma habang nagde-deliberate ang mga hurado.
Isa-isang tinawag ang mga ga-graduate. Sa huli na raw ibibigay ang medalya ng
karangalan.
Hanggang sa oras na ito, walang nakakaalam kung sinu-sino ang magsabit ng
medalya. Nakabitin sa suspense ang mga magulang.
“Una muna po, pagkaraang pagtibayin natin ang pag-graduate ng hihingin natin
ang pasiya ng mga hurado sa ating paligsahan bago iproklama ang mga honor students
natin.”
At least may sapat na isip naman sila na ilagay sa huli ang pagsasabit ng honor
students. At least alam nila na ang pinaka-importante sa umagang ito hindi kung sino
ang pinakamaganda kundi kung sino ang pinakamarunong.
Panhikan na naman sa stage ang mga kandidato suot ang kanilang gown. Tulad sa
lahat ng beauty contest, nagpilian muna ng Miss Photogenic, Miss Talent, at kung anu-
ano pang Miss. Naubos na ang tropeo sa pagka-Miss. Kung anu-ano ay wala pang
nakukuha si Maya.
“Wala pang nakukuha si Maya,” ninenerbiyos nang bulong ni Ding.
“May makukuha ‘yan,” pampalakas-loob ni Lea. “Yong pinakamalaki,” iyong
pinakamalaking trophy ang nakalaan sa Miss Kinder.
Third Princess!
Second Princess!
Wala pa ring hawak si Maya at na-insecure na rin pati si Lea. Minumura na niya
nang pabulong ang hurado. Ipinagngingitngit na niya ang tila pagpapakaseryoso ng mga
ito sa pamamahagi ng trophy.
Kung siya ang hurado, titiyakin niya na bawat bata’y may iuuwing tropeo. Na wala
sa kanilang uuwi nang bigo.
At nahihiya. Dahil sa gano’ng edad, ang pagkabigo’y laging may kakabit na
pagkapahiya.
9
“Tinatawagan po sa entablado ang Miss Kinder ng nakaraang taon para siyang
magputong ng korona sa ating Miss Kinder, ‘83. Ladies ang gentlemen, Miss Kinder ‘82
Dolores Villafuerte! Let’s give her a big hand, please!
Sabog ang palakpakan. Taas-noo, aral ang lakad, tulad ng isang Miss sa pandaigdig
na pagandahan, naka-gown ng kulay rosas na tinataya ni Lea na nagkakahalaga na rin
ng libo, kuntodo naka-guwantes at parang isinubsob sa make-up, dala ang makislap
na korona ng karangalan, ang nakaraang Miss Kinder:
Diyos ko, usal ni Lea sa sarili. Diyos ko, ano’ng ginagawa nila sa mga bata?
“And now, Miss Kinder ‘83, Ladies ang gentlemen…. because of her simplicity, her
freshness, poise and total pernonality….” pause. Birada ng tugtog. Mga nakabiting
hininga. “Maria Natalia Gascon!”
Napalundag si Ding. At sa kabla ng damdamin niya, napalundag din si Lea. Pati
puso yata niya’y tumalon at nawala sa lugar. Pero siyempre di dapat malimutan ang
kamera lalo na sa pagkakataong ito. Klik! Teka, ang likot ng kamera! Nanginginig ba
kamay niya? Klik! Lumalabo ang lens sa mga mata niya. Ano ‘to, umiiyak ba siya? Klik!
Habang sa tabi niya’y hindi rin makontrol ni Ding ang buhos ng kaligayahan.
Klik! Anak ko ‘yon! Hahahaha! Mga kaibigan, si Maya ko ‘yon! Klik! Narinig n’yo ba?
Anak ko ‘yon!
Klik! Klik!
Anak ko sa labas. “Yong batang konti ko nang tinunaw no’ng araw. Kundi ko lang
naisip na lahat ng bata’y kailangang bigyan ng pagkakataong maging tao.
Klik! Maya, naririnig mo ba, anak? Si Raffy ang naging katumbas mo! Alam mo ba
kung sino si Raffy? Iyon ang pinakamalaking pag-ibig ki!
Klik! Klik!
“Ding, ‘yong film! Sagad na ‘to, Ding ‘yong film!”
“Eto, eto!
“Diyos ko, matagal pa ba bago malagay ‘yan! Mae-expose ‘tong nauna!”
“Misis, isi ka lang. Eto’ng kamera ko, me film pa!”
Inagaw niya halos ang kamera sa kamay ng lalaking nagmamagandang loob.
Klik! Naloko na, fixed focus. Malabo ang kuha! T…… mama ito, mumurahin ang
kamera!
Umiiyak siya. P…. na, pati leeg niya, basang basa na sa luha!
Diyos ko, e alam mo namang hindi ako mahilig sa mga beauty contest e bakit nagkakaganito
ako?
Idineklara rin si Maya bilang honor student, pangatlo sa mga nakakuha ng karangalan. Dito
sana dapat mapaiyak sa tuwa si Lea. Pero by that time e wala na siyang luha…. kung paanong
wala ring film ang kamera ng lalaking nagmamagandang-loob sa kanya, at binayaran na lang
niya ang commercial photographer na gumagala sa school ground para kunan ang mga dagdag
na retrato ang kanyang anak.
(Bagong Pinagyayamang PLUMA at Panitikan para sa ikasiyam na Baitang. Pp 31-38)
10
1. Ano ang uri ng tunggalian ang nangingibabaw sa nobela? 2. Isulat ang mga patunay na pangyayari ukol sa tunggalian at ang iyong mga gagawin o mararamdaman batay sa pangyayari. Ipaliwanag.
Suriin
Ang tunggalian na panloob - ito ay tao laban sa sarili. Sa tunggalian na ito ay
kalaban ng pangunahing tauhan ang kaniyang sarili. Ang suliranin ay may
kinalaman sa moralidad at paniniwala. Nakikita o napapansin kapag ang
pangunahing tauhan ay nahihirapan sa pagdedesisyon sa tama o mali, mabuti o
masama. Maari rin naman tungkol sa pagsupil sa sariling damdamin.
Gawain - Panuto: Suriin ang binasang nobela “Bata, Bata Paano Ka Ginawa?” Isulat sa
loob ng kahon gamit ang tsart ang mga pangyayari o pahayag na sa iyong tingin ay
nagpapakita ng tunggalian na tao laban sa sarili at ang iyong paliwanag nito.
Gawain - Panuto: Basahin at suriin ang mga pahayag o sitwasyon na nangyayari sa
buhay ng pangunahing tauhan sa nobela. Isulat sa patlang pagkatapos ng pahayag
ang iyong gagawin kung ikaw ang nasa kanyang kalagayan.
1. Si Lea ay nagkaroon ng dalawang anak subalit magkaiba ang kanilang ama.
Gagawin: __________________________________________________________________
__________________________________________________________________
Mga Pangyayari o Pahayag Mga Patunay
1.
2.
3.
4.
5.
Pagyamanin
11
2. Iniwan si Lea ni Raffy ang kanyang dating asawa na ama ni Ojie.
Gagawin: __________________________________________________________________
__________________________________________________________________
3. Naubos na ang lahat ng tropeo para sa mga minor award. Kung ano-ano ay wala pang
nakuha si Maya.
Gagawin: __________________________________________________________________
__________________________________________________________________
4. May mga pumunta sa kanya sa pagkumporme niya na sumali si Maya sa nasabing
beauty contest. Lalo na’t nasa sirkulo siya ng mga taong may matibay na paniniwala na
ang mga pagandahan ay isa pa ring uri ng pagsasamantala sa mga babae.
Gagawin: __________________________________________________________________
__________________________________________________________________
5. “Diyos ko, usal ni Lea sa sarili. Diyos ko, anong ginagawa nito sa mga bata?
Gagawin: __________________________________________________________________
__________________________________________________________________
Isaisip
Ang iyong binasa ay isang kabanata lamang ng nobelang “Bata, Bata Paano Ka Ginawa?” ni Lualhati Bautista. Makikita sa akda ang pagkamakulay, pagkamayaman at pagkamakabuluhan nito bilang isang akdang tuluyan. Ang mga pangyayari rito ay ay parang buhay na nakikita dahil karaniwang namamalas sa pang-araw-araw na buhay ng tao. Ipinakita sa nobela kung gaano katatag ang pangunahing tauhan sa kabila ng mga pagsubok sa buhay at ang pagpili kung ano ang tama o mali, at mabuti o masama.
Ang paksang umiiral sa nobelang “Bata, Bata Paano Ka Ginawa?” ay ang kasaysayan ng pag-ibig kung saan ipinakita rito ng isang ina ang pagmamahal sa
kanyang dalawang anak at sa dalawang lalaking parte ng kanyang buhay. Ito rin ay sumasalamin sa isang modelo at simpleng pamilya na kung saan ang suporta, pag-unawa at tulong na maibibigay ng bawat miyembro ng pamilya ay nakatutulong sa pagtatagumpay ng bawat isa. Ang tagumpay ng isa ay tagumpay ng lahat. Kung magiging ganito lang sana ang lahat ng mag-anak at wala sanang wasak o magkakahiwalay na pamilya.
Isulat ang tatlong bagay na sa iyong palagay ay pinakamagandang nagawa mo sa loob ng maikling panahon pa lamang ng iyong buhay. Isulat mo ito sa mga kahon sa ibaba.
12
Pinakamagandang
Nagawa ko sa Aking
Buhay
Isagawa
Masasalamin ang dalawang magkasalungat na hangad o pananaw ng iisang tao sa uri
ng tunggalian na panloob o tao laban sa sarili. Batay sa iyong nabasa mula sa iba pang
nobela, isulat ang mga pangyayari na nagpapakita ng tungagalian na tao laban sa sarili.
Isulat ang sagot sa loob ng mga kahon.
Pinakamagandang
Nagawa ko sa Aking
Buhay
Pinakamagandang
Nagawa ko sa Aking
Buhay
Ako ay ___________ taong
gulang.
(Pamagat)
Pangyayari Pangyayari Pangyayari
13
Panuto: Suriin ang mga sumusunod na pahayag na hango sa binasang nobela “Bata, Bata Paano Ka Ginawa?” Lagyan ng tsek (√) ang patlang kapag ang pahayag ay nasa tunggalian na panloob, at ekis (X) naman kapag nasa tunggalian na panlabas. _____ 1. Isang bata na suot ang gown na kulay ginto ang ayaw umakyat sa stage.
_____ 2. Pinipilit at pinapalo ang bata sa kanyang ina habang siya ay hinahatak nito. _____ 3. Nararamdaman ni Ojie na siya ay nauuhaw. _____ 4. Isang mag-aaral na pilyo na nagpapaalam sa kanyang guro na iihi muna habang inihahatid sa takdang upuan nito subalit hindi ito pinayagan. _____ 5. May mga batang kandidato ng Miss Kinder na nahalatang napililitan sa pagpoposing. _____ 6. Karaniwan na ina lang ang may gustong mapalaban ang anak nila sa mundo ng beauty contest. _____ 7. Hindi alam ni Lea kung ano ang kanyang gagawin para kay Maya nang nararamdaman niya ang galit habang nakikitang nakabibilad sa init si Maya sa rehearsal nito. _____ 8. Papalapit na ang paligsahan ng beauty contest hanggang sa itinatakda na ito ngunit may lagnat pa rin si Maya. _____ 9. Nalagay sa alanganin si Ding. Hindi alam kung matatawa o mahihiya. _____ 10. Tumalim ang tingin ni Ding kay Lea.
Karagdagang Gawain
Magsasaliksik ng iba pang nobela. Suriin at isulat sa ibaba ang mga pangyayaring
nagpapakita ng tunggaliang tao laban sa sarili.
1.
2.
3.
4.
5.
Tayahin
14
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian Bagong Pinagyayamang PLUMA at Panitikan para sa ikasiyam na Baitang.