+ All Categories
Home > Documents > Filipino - znnhs.zdnorte.net · b. pangngalan at panghalip c. formalidad ng wika d. opinyon 2. Ano...

Filipino - znnhs.zdnorte.net · b. pangngalan at panghalip c. formalidad ng wika d. opinyon 2. Ano...

Date post: 18-Oct-2020
Category:
Upload: others
View: 31 times
Download: 0 times
Share this document with a friend
17
A Joint Project of the SCHOOLS DIVISION OF DIPOLOG CITY and the DIPOLOG CITY GOVERNMENT SUPPORT MATERIAL FOR INDEPENDENT LEARNING ENGAGEMENT (SMILE) Filipino Unang Markahan – Modyul 2: Linggo 1 Paggamit nang Wasto sa Pahayag ng Pagbibigay ng mga Patunay Glydell P. Calago Lea Jane T. Lañoso 7
Transcript
Page 1: Filipino - znnhs.zdnorte.net · b. pangngalan at panghalip c. formalidad ng wika d. opinyon 2. Ano ang tawag sa pahayag na may ebidensyang magpapatunay na maaaring nakasulat, nakalarawan,

A Joint Project of the

SCHOOLS DIVISION OF DIPOLOG CITY and the

DIPOLOG CITY GOVERNMENT

SUPPORT MATERIAL FOR INDEPENDENT LEARNING ENGAGEMENT (SMILE)

Filipino

Unang Markahan – Modyul 2: Linggo 1

Paggamit nang Wasto sa Pahayag ng

Pagbibigay ng mga Patunay

Glydell P. Calago

Lea Jane T. Lañoso

7

Page 2: Filipino - znnhs.zdnorte.net · b. pangngalan at panghalip c. formalidad ng wika d. opinyon 2. Ano ang tawag sa pahayag na may ebidensyang magpapatunay na maaaring nakasulat, nakalarawan,

Filipino – Ikapitong Baitang Support Material for Independent Learning Engagement (SMILE) Unang Markahan – Modyul 2: Paggamit Nang Wasto sa Pahayag ng Pagbibigay ng mga Patunay Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Region IX – Dipolog City Schools Division

Office Address: Purok Farmers, Olingan, Dipolog City Telefax: (065) 212-6986

E-mail Address: [email protected]

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Glydell P. Calago at Lea Jane T. Lañoso

Editor: Riela Angela C. Josol, EPS-Filipino

Tagasuri: Riela Angela C. Josol, EPS-Filipino

Tagaguhit:

Tagalapat: Ronald G. Mandas

Tagapamahala: Virgilio P. Batan -Schools Division Superintendent

Jay S. Montealto -Asst. Schools Division Superintendent

Amelinda D. Montero -Chief Education Supervisor, CID

Nur N. Hussien -Chief Education Supervisor, SGOD

Ronillo S. Yarag -Education Program Supervisor, LRMS

Leo Martinno O. Alejo -Project Development Officer II, LRMS

Page 3: Filipino - znnhs.zdnorte.net · b. pangngalan at panghalip c. formalidad ng wika d. opinyon 2. Ano ang tawag sa pahayag na may ebidensyang magpapatunay na maaaring nakasulat, nakalarawan,

1

Alamin

Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap

Naipapamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang pampanitikan ng Mindanao.

Naisasagawa ng mag-aaral ang isang makatotohanang proyektong panturismo.

Mga Pamantayan sa Pagkatuto: Pagkatapos mapag-aralan ang modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

MELC

Nagagamit nang wasto ang mga pahayag sa pagbibigay ng mga patunay (F7WG-Ia-b-1)

Inaasahan din na ikaw ay:

a. Nakikilala ang mga pahayag sa pagbibigay ng mga patunay b. Natutukoy kung ang mga pangungusap ay nagbibigay ng patunay o hindi

Subukin

PANIMULANG GAWAIN: PAGTATAYA

Paalala: Basahin at unawaing mabuti ang mga panuto bago sagutan ang

bawat bilang.

Para sa Bilang 1-5.

Panuto: Sagutin ang mga katanungan. Piliin at isulat ang titik ng tamang

sagot sa iyong sagutang papel.

Page 4: Filipino - znnhs.zdnorte.net · b. pangngalan at panghalip c. formalidad ng wika d. opinyon 2. Ano ang tawag sa pahayag na may ebidensyang magpapatunay na maaaring nakasulat, nakalarawan,

2

1. Ito ay mahalaga sa pagbibigay ng mga patunay sa isang pangyayari? a. ebidensya o datos

b. pangngalan at panghalip c. formalidad ng wika

d. opinyon 2. Ano ang tawag sa pahayag na may ebidensyang magpapatunay na

maaaring nakasulat, nakalarawan, o naka video? a. kapani-paniwala b. nagpapakita

c. may dokumentaryong ebidensiya d. pinatutunayan ng mga detalye

3. Ano ang tawag sa pahayag kung saan ipinakikita ng salitang ito na ang ebidensya, patunay at kalakip na datos ay kapani-paniwala at maaaring

makapagpatunay? a. pinatutunayan ng mga detalye

b. nagpapakita c. nagpapatunay/ katunayan d. kapani-paniwala

4. Bakit mahalaga ang wastong paggamit ng mga pahayag sa pagbibigay ng

patunay?

a. Makatutulong ang mga pahayag upang tayo ay makapagpatunay at ang

ating paliwanag ay maging katanggap-tanggap o kapani-paniwala sa mga

tagapakinig.

b. Makatutulong ang mga pahayag sa pag-alam ng kahulugan at kasalungat

ng isang salita. c. Makatutulong ang mga pahayag sa pagkakaroon ng ugnayan ng talata. d. Makatutulong ang mga pahayag sa pagtukoy sa formalidad at kaantasan

ng wika.

5. Alin ang pangungusap na nagpapakita ng pagbibigay ng patunay?

a. Kaya naman magkaisa at magtulungan tayong lahat para sa ikabubuti ng

lahat ng mga Pilipino lalo na ang mga nasalanta.

b. Malungkot makita ang ilan nating kababayang nawawalan ng mga mahal

sa buhay at ari-arian.

c. Huwag na sana tayong makadama ng labis na kalungkutan.

d. Pinatutunayan ng datos mula sa National Economic and Development

Authority na kakailanganin natin ng 361 bilyong piso para sa muling

pagbangon ng mga lugar na labis na nasalanta ng bagyong Yolanda.

Para sa Bilang 6-15.

Panuto: Kilalanin kung ang pangungusap ay nagbibigay ng patunay o

hindi. Isulat ang P kung nagbibigay ng patunay at DP kung hindi.

Page 5: Filipino - znnhs.zdnorte.net · b. pangngalan at panghalip c. formalidad ng wika d. opinyon 2. Ano ang tawag sa pahayag na may ebidensyang magpapatunay na maaaring nakasulat, nakalarawan,

3

6. Nakatanggap ang mga taga-Santa Clara County ng pag-apruba ng CDC

upang maisagawa ang unang pagsubok ng COVID-19 sa kanilang laboratoryo

ng pampublikong kalusugan noong ika-26 ng Pebrero taong 2020.

7. Mahalagang maging handa tayo sa anumang sakuna na darating sa ating

buhay.

8. Marami sa atin ngayon ang labis na nahihirapan dahil sa pandemyang

ating nararanasan.

9. “No Vaccine, No Classes.” Ito ang sinabi ni Pangulong Duterte sa kanyang

State of the Nation Address ngayong taon.

10. Noong ika-5 ng Agosto taong 2020, inilabas ng Departamento ng

Edukasyon na mayroon ng 47,587 aktibong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

11. Sana ay magkaroon ng solusyon ang mga karahasang nagaganap sa mga

kababaihan.

12. Ang Gender and Development ay gumagawa ng mga hakbang upang

masolusyunan ang mga problema na may kaugnayan sa karahasan at pang-

aabuso sa mga kababaihan.

13. Tuluyan nang ipinasara ng House of Representative ang pinakamalaking

broadcasting network sa Pilipinas na ABS-CBN Corporation noong ika-10 ng

Hulyo taong 2020.

14. Ang pagkasira ng kapaligiran dahil sa epekto ng maling pagmimina ay

tinututulan ng ating saligang batas. Katunayan, may tinatawag na Writ of

Kalikasan na nagsasaad ng ating karapatan para sa malusog na kapaligiran.

15. Huwag basta-basta maniniwala sa mga post sa social media dahil baka

ito ay fake news lamang.

Page 6: Filipino - znnhs.zdnorte.net · b. pangngalan at panghalip c. formalidad ng wika d. opinyon 2. Ano ang tawag sa pahayag na may ebidensyang magpapatunay na maaaring nakasulat, nakalarawan,

4

Ikalawang Leksyon

Paggamit Nang Wasto Sa Pahayag Ng Pagbibigay Ng Mga Patunay

Balikan

Sige nga! Tignan natin kung naalala mo pa ang nakaraang

talakayan sa modyul. Bibigyan kita ng maikling gawain ukol sa

kaugalian at kalagayang panlipunan ng pinagmulan ng kuwentong-

bayang “Si Usman, Ang Alipin.”

Panuto: Punan ng angkop na sagot ang T-Chart sa ibaba kaugalian at

kalagayang panlipunan ng pinagmulan ng kuwentong-bayan na iyong

binasa.

Si Usman, Ang Alipin

Kaugalian Kalagayang Panlipunan

Page 7: Filipino - znnhs.zdnorte.net · b. pangngalan at panghalip c. formalidad ng wika d. opinyon 2. Ano ang tawag sa pahayag na may ebidensyang magpapatunay na maaaring nakasulat, nakalarawan,

5

Panuto: Isulat sa kahon ang mga patunay na nakakaapekto

ang sobrang paggamit sa mga social medias.

Karagdagang Tanong:

1. Naging madali ba ang iyong ginawang gawain?

__________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________

2. Paano mo nabigyang patunay ang isyung tinalakay?

__________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________

Tuklasin

Mga Epekto

ng Paggamit

ng Sobrang

Social Media

Page 8: Filipino - znnhs.zdnorte.net · b. pangngalan at panghalip c. formalidad ng wika d. opinyon 2. Ano ang tawag sa pahayag na may ebidensyang magpapatunay na maaaring nakasulat, nakalarawan,

6

Suriin

Magaling ang ginawang pagsagot! Alam mo ba na may kaugnayan ito

sa modyul na iyong gagawin tungkol sa paggamit nang wasto sa pahayag ng

pagbibigay ng mga patunay.

Alamin Mo!

Mga Pahayag ng Pagbibigay ng mga Patunay

May mga pahayag na ginagamit sa pagpapatunay ng katotohanan ng isang bagay. Makatutulong ang mga pahayag na ito upang tayo ay makapagpatunay at ang ating paliwanag ay maging katanggap-tanggap o

kapani-paniwala sa mga tagapakinig.

Karaniwang ang mga pahayag na ito ay dinurugtungan na rin ng

datos o ebidensiya na lalo pang makapagpapatunay sa katotohanan ng inilalahad.

Narito ang ilang pahayag na ginagamit sa pagbibigay ng patunay:

1. May dokumentaryong ebidensiya - ang mga ebidensiyang magpapatunay na maaaring nakasulat, larawan, o video.

2. Kapani-paniwala - ipinakikita ng salitang ito na ang mga ebidensiya, patunay, kalakip na ebidensiya ay kapani-paniwala at maaaring

makapagpatunay. 3. Taglay ang matibay na kongklusyon - isang katunayang pinalalakas

ng ebidensiya, pruweba, o impormasyon na totoo ang pinatutunayan.

4. Nagpapahiwatig - hindi direktang makikita, maririnig, o mahihipo ang ebidensiya subalit sa pamamagitan ng pahiwatig ay masasalamin ang katotohanan.

5. Nagpapakita - salitang nagsasaad na ang isang bagay na pinatutunayan ay totoo o tunay.

Sa bahaging ito ng modyul, ay iyong lilinangin ang mga

kaisipan/kaalamang tutulong sa iyo upang higit na maintindihan ang

paksang-aralin.

Page 9: Filipino - znnhs.zdnorte.net · b. pangngalan at panghalip c. formalidad ng wika d. opinyon 2. Ano ang tawag sa pahayag na may ebidensyang magpapatunay na maaaring nakasulat, nakalarawan,

7

6. Nagpapatunay/katunayan - salitang nagsasabi o nagsasaad ng pananalig o paniniwala sa ipinahahayag.

7. Pinatutunayan ng mga detalye - makikita mula sa mga detalye ang

patunay sa isang pahayag. Mahalagang masuri ang mga detalye para sa makita ang katotohanan sa pahayag.

Sanggunian: PINAGYAMANG PLUMA 7, Alma M. Dayag et. al.

Pagyamanin

Panuto: Basahin ang artikulo tungkol sa COVID-19 na nasa ibaba

pagkatapos sagutin ang mga tanong gamit ang mga pahayag na nagpapatunay.

Batas sa panahon ng COVID-19 ni: Atty. Rudolf Philip Jurado - March 19,2020

Maaari bang magpatupad ang ating estado ng community quarantine? Ano naman ang karapatan ng mga mamamayan sa ganitong panahon habang ipinatutupad ang community quarantine?

Ano naman ang obligasyon natin bilang mamamayan sa ganitong

panahon? May batas ba tayo laban sa mga nagsasamantala sa ganitong panahon ng COVID-19?

Ang kapangyarihang magdeklara at magpatupad ng isang community quarantine ay nasasakop sa likas ng kapangyarihan (inherent power) ng estado.

Ito ay ang “police power” o kung saan maaring gumawa ang estado ng

mga alituntunin at patakaran (regulation) para masiguro ang kaligtasan at pangkalahatang kapakanan ng mamamayan.

Ang “quarantine” ay isang teknikal na salita na tumutukoy sa paghihigpit sa galaw o ang paglabas-masok ng mga tao at mga bagay sa isang

lugar para mapigilan ang paglaganap ng sakit.

Sa community quarantine, umiiral pa rin ang karapatang sibil (civil

right) ng mga mamamayan; ang operasyon at pagpapatupad ng batas sa pangkalahatan ay nananatili at nananaig pa rin. Ang nililimitahan lang ng

Page 10: Filipino - znnhs.zdnorte.net · b. pangngalan at panghalip c. formalidad ng wika d. opinyon 2. Ano ang tawag sa pahayag na may ebidensyang magpapatunay na maaaring nakasulat, nakalarawan,

8

quarantine ay ang paglabas at pagpasok sa isang lugar o yung karapatang pagbyahe ayon sa Konstitusyon.

Ano naman ang ating legal obligation sa panahon ng COVID-19? Ayon

sa RA 11332, mayroon tayong obligasyon na maging “socially and medically responsible”. Ayon sa Section 9 ng RA 11332, sa panahon ngayon ipagbabawal ang pagkakalat ng mga “fake news” sa iba’t ibang social media

platforms kagaya ng Facebook.

Sa mga tao ring nakasalamuha o may alam at kinalaman sa pagkatao

ng mga pasyente, sila ay pinagbabawalan i-disclose ang mga impormasyon tungkol sa mga ito, maliban nalang kung ito ay bibigyang pahintulot sa

pamamagitan ng isang court order. Bawal din ang pinapakalat na mga litrato ng mga pasyente at mga prosesong medikal na nilalapat sa mga ito.

Ang RA 11332 ay nag-oobliga rin sa mga may alam (kagaya ng mga doktor, medical personnel, opisina, eskewelahan at iba’t ibang

establisimyento) ng may COVID-19 na i-report ang mga ito sa Department of Health sa pamamagitan ng Epidemiology Bureau.

Ang mga tao naman na may COVID-19, at institusyon na may COVID-19 patient, ang kanilang facilities ay obligado rin na mag-report sa Epidemiology Bureau ng DOH para sa karampatang paggamot.

Parusang pagkakulong ng isa hanggang anim na buwan o multa mula

Php20,000.00 hanggang Php50,000.00 ang hindi pagsunod at paglabag sa legal obligation na ito.

May batas din tayo na umiiral laban sa “profiteering” o “hoarders” sa panahon ngayon ng COVID-19. Ito ay ang Republic Act 7581 o yung Price Act. Ang batas na ito ay kadalasang nalalabag ng mga negosyante sa ganitong

panahon.

Ayon sa R.A. No. 7581, ang profiteering ay isang sistema kung saan ang tao o negosyante ay minamanipula ang presyo ng isang pangunahing bilihin sa pamamagitan ng labis na pag-angat ng presyo nito, na wala namang

katumbas na pagtaas ng mga kostas o kapital nito.

Masasabing minamanipula o labis ang pagtataas ng presyo ng pangunahing bilihin kung ang pagtaas ay hindi bababa sa sampung porsyento (10%) kumpara sa nakaraang buwan.

Masasabi rin na minamanipula ang presyo pag walang price-tag ang

pangunahing bilihin, pag nagbigay ng maling impormasyon sa bigat o sukat

ng bilihin, o kaya naman nagpangiwi o pinalabnaw ang mga bilihin.

Sanggunian: https://bandera.inquirer.net/244697/batas-sa-panahon-ng-covid-19

Page 11: Filipino - znnhs.zdnorte.net · b. pangngalan at panghalip c. formalidad ng wika d. opinyon 2. Ano ang tawag sa pahayag na may ebidensyang magpapatunay na maaaring nakasulat, nakalarawan,

9

Gawain A: TANONG KO, SAGUTIN MO!

1. Ano ang kabuuang paksa ng artikulong iyong binasa? ___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________ 2. Naging makatotohanan ba ang mga patunay na inilahad sa artikulong

iyong binasa? Bakit? ________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

3. Paano kaya kinalap ang mga patunay o ebidensiya sa artikulong iyong

binasa? ________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Gawain B: PAHAYAG KO, GAMITIN MO!

Panuto: Magbigay ng tatlong pahayag mula sa artikulong iyong binasa at tukuyin kung anong uri ang ginamit sa pagbibigay ng patunay. Makikita sa Suriin (Alamin Mo) ang mga ilang uri ng pahayag na ginamit sa pagbibigay ng

patunay.

Uri ng Pahayag ng Pagbibigay ng Patunay:

Pahayag:

Uri ng Pahayag ng Pagbibigay ng Patunay:

Pahayag:

Uri ng Pahayag ng Pagbibigay ng Patunay:

Pahayag:

Page 12: Filipino - znnhs.zdnorte.net · b. pangngalan at panghalip c. formalidad ng wika d. opinyon 2. Ano ang tawag sa pahayag na may ebidensyang magpapatunay na maaaring nakasulat, nakalarawan,

10

Isaisip

Gawain: TANONG KO, SAGUTIN MO!

Panuto: Sagutin ang mga tanong sa ibaba.

1. Paano nakatutulong ang paggamit nang wastong pahayag sa pagbibigay ng patunay sa mga isyung hinaharap natin ngayon?

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

2. Ano-ano ang dapat mong gawin para malaman mo kung ang iyong napanood at nabasa ay hindi fake news?

__________________________________________________________________________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

Isagawa

Magaling! Malapit na nating matapos ang modyul na ito. Ngayon, magbibigay ako ng isang gawain na susubok sa iyong pagiging malikhain mo sa pagsulat.

Gawain: ISYU NATIN, PATUNAYAN MO! Panuto: Bumuo ng isang talata na ginagamitan ng mga pahayag

sa pagbibigay ng patunay. Pumili ng isang isyu na nasa ibaba na iyong naiibigan.

Epekto ng Paglalaro

ng Mobile Legend

sa Kabataan

Epekto ng COVID-

19 sa Pag-aaral ng

mga Kabataan

Epekto ng Mobile

App na Tiktok sa

mga Kabataan

Page 13: Filipino - znnhs.zdnorte.net · b. pangngalan at panghalip c. formalidad ng wika d. opinyon 2. Ano ang tawag sa pahayag na may ebidensyang magpapatunay na maaaring nakasulat, nakalarawan,

11

Mga Krayterya 2 3 4 5

Organisasyon Hindi maayos

ang

organisasyon ng

mga ideya

May lohikal na

organisasyon

ngunit hindi

masyadong

mabisa

Maayos ang

organisasyon,

pagkabuo ng

talata

Mahusay ang

pagkakasunod-

sunod ng mga

ideya sa kabuuan

ng talata

Lalim ng

Refleksyon

Napakababaw

na walang pag-

uugnay ang dati

at bagong

kaalaman

Mababaw at

hindi gaanong

nakikita ang

pag-uugnayan

ng dati sa

bagong

kaalaman

Malalim na

nakikita ang

pag-uugnayan

ng dati sa

bagong

kaalaman

Napakalalim na

nakikita ang pag-

uugnayan ng

dating kaalaman

at karanasan sa

bagong kaalaman

Paggamit ng

wika at

mekaniks

Kailangang

baguhin dahil

halos lahat ng

pangungusap ay

may mali sa

gramar, baybay

at gamit ng

bantas

Mga kahinaan

dahil maraming

mali sa gramar,

baybay at gamit

ng bantas

Mahusay dahil

kakaunti

lamang ang

mali sa gramar,

baybay at gamit

ng bantas

Napakahusay

dahil walang mali

sa gramar,

baybay at gamit

ng bantas may

mayamang

bokabularyo

Presentasyon Mahirap basahin

dahil sa hindi

maayos at

malinis na

pagkakasulat

May

kahirapang

unawain ang

pagkakasulat

at ng

pangungusap

Malinis ngunit

hindi lahat ay

maayos ang

pagkakasulat

at ang mga

pangungusap

Malinis at maayos

ang pagkakasulat

ng talata

https://www.slideshare.net/olhen/pagtataya-ng-natutuhan-araling-panlipunan

Page 14: Filipino - znnhs.zdnorte.net · b. pangngalan at panghalip c. formalidad ng wika d. opinyon 2. Ano ang tawag sa pahayag na may ebidensyang magpapatunay na maaaring nakasulat, nakalarawan,

12

Tayahin

Paalala: Basahin at unawaing mabuti ang mga panuto bago sagutan

ang bawat bilang.

Para sa Bilang 1-5.

Panuto: Sagutin ang mga katanungan. Piliin at isulat ang titik ng tamang

sagot sa iyong sagutang papel.

1. Ito ay mahalaga sa pagbibigay ng mga patunay sa isang pangyayari? a. ebidensya o datos

b. pangngalan at panghalip c. formalidad ng wika d. opinyon

2. Ano ang tawag sa pahayag na may ebidensyang magpapatunay na

maaaring nakasulat, nakalarawan, o naka video? a. kapani-paniwala b. nagpapakita

c. may dokumentaryong ebidensiya d. pinatutunayan ng mga detalye

3. Ano ang tawag sa pahayag kung saan ipinakikita ng salitang ito na ang ebidensya, patunay at kalakip na datos ay kapani-paniwala at maaaring

makapagpatunay? a. pinatutunayan ng mga detalye b. nagpapakita

c. nagpapatunay/ katunayan d. kapani-paniwala

4. Bakit mahalaga ang wastong paggamit ng mga pahayag sa pagbibigay ng

patunay?

a. Makatutulong ang mga pahayag upang tayo ay makapagpatunay at ang ating paliwanag ay maging katanggap-tanggap o kapani-paniwala sa mga tagapakinig.

b. Makatutulong ang mga pahayag sa pag-alam ng kahulugan at kasalungat ng isang salita.

c. Makatutulong ang mga pahayag sa pagkakaroon ng ugnayan ng talata. d. Makatutulong ang mga pahayag sa pagtukoy sa formalidad at kaantasan ng wika.

Page 15: Filipino - znnhs.zdnorte.net · b. pangngalan at panghalip c. formalidad ng wika d. opinyon 2. Ano ang tawag sa pahayag na may ebidensyang magpapatunay na maaaring nakasulat, nakalarawan,

13

5. Alin ang pangungusap na nagpapakita ng pagbibigay ng patunay?

a. Kaya naman magkaisa at magtulungan tayong lahat para sa ikabubuti ng

lahat ng mga Pilipino lalo na ang mga nasalanta.

b. Malungkot makita ang ilan nating kababayang nawawalan ng mga mahal

sa buhay at ari-arian.

c. Huwag na sana tayong makadama ng labis na kalungkutan.

d. Pinatutunayan ng datos mula sa National Economic and Development

Authority na kakailanganin natin ng 361 bilyong piso para sa muling

pagbangon ng mga lugar na labis na nasalanta ng bagyong Yolanda.

Para sa Bilang 6-15.

Panuto: Kilalanin kung ang pangungusap ay nagbibigay ng patunay o

hindi. Isulat ang P kung nagbibigay ng patunay at DP kung hindi.

6. Nakatanggap ang mga taga-Santa Clara County ng pag-apruba ng CDC

upang maisagawa ang unang pagsubok ng COVID-19 sa kanilang laboratoryo

ng pampublikong kalusugan noong ika-26 ng Pebrero taong 2020.

7. Mahalagang maging handa tayo sa anumang sakuna na darating sa ating

buhay.

8. Marami sa atin ngayon ang labis na nahihirapan dahil sa pandemyang

ating nararanasan.

9. “No Vaccine, No Classes.” Ito ang sinabi ni Pangulong Duterte sa kanyang

State of the Nation Address ngayong taon.

10. Noong ika-5 ng Agosto taong 2020, inilabas ng Departamento ng

Edukasyon na mayroon ng 47,587 aktibong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

11. Sana ay magkaroon ng solusyon ang mga karahasang nagaganap sa mga

kababaihan.

12. Ang Gender and Development ay gumagawa ng mga hakbang upang

masolusyunan ang mga problema na may kaugnayan sa karahasan at pang-

aabuso sa mga kababaihan.

13. Tuluyan nang ipinasara ng House of Representative ang pinakamalaking

broadcasting network sa Pilipinas na ABS-CBN Corporation noong ika-10 ng

Hulyo taong 2020.

Page 16: Filipino - znnhs.zdnorte.net · b. pangngalan at panghalip c. formalidad ng wika d. opinyon 2. Ano ang tawag sa pahayag na may ebidensyang magpapatunay na maaaring nakasulat, nakalarawan,

14

14. Ang pagkasira ng kapaligiran dahil sa epekto ng maling pagmimina ay

tinututulan ng ating saligang batas. Katunayan, may tinatawag na Writ of

Kalikasan na nagsasaad ng ating karapatan para sa malusog na kapaligiran.

15. Huwag basta-basta maniniwala sa mga post sa social media dahil baka

ito ay fake news lamang.

Karagdagang Gawain

Alam naman natin na laganap na ang fake news lalong-lalo na sa social

media. Mayroon akong larawan na naglalaman ng isang fake news. Ang nais

kong gawin mo ay gawing makatotohanan ang fake news na ito, maaari mong

gamitin ang mga pahayag sa pagbibigay ng patunay.

Gawain: Fake News Alert: Patunayan Mo!

https://www.msn.com/en-ph/entertainment/celebrities/ai-ai-delas-alas-pinatay-sa-fake-news/ar-BB16k9CV?li=BBr8Mkn

Patunayan Mo:

__________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________

Page 17: Filipino - znnhs.zdnorte.net · b. pangngalan at panghalip c. formalidad ng wika d. opinyon 2. Ano ang tawag sa pahayag na may ebidensyang magpapatunay na maaaring nakasulat, nakalarawan,

15

Susi sa Pagwawasto

Sanggunian

Pinagyamang Pluma 7, Alma M. Dayag et.al, pahina 21

https://www.sccgov.org/sites/covid19/Pages/coronavirus-facts-tl.aspx

https://www.youtube.com/watch?v=rZa0uugc_Xw

https://www.doh.gov.ph/covid-19/case-tracker

https://www.dbp.ph/wp-content/uploads/2018/06/CEDAW.pdf

https://www.nytimes.com/2020/07/10/world/asia/philippines-congress-

media-duterte-abs-cbn.html

https://www.msn.com/en-ph/entertainment/celebrities/ai-ai-delas-alas-

pinatay-sa-fake-news/ar-BB16k9CV?li=BBr8Mkn

https://www.slideshare.net/olhen/pagtataya-ng-natutuhan-araling-

panlipunan

https://bandera.inquirer.net/244697/batas-sa-panahon-ng-covid-19 https://quizizz.com/admin/quiz/5ee78f2878180c001bec442c/kwentong-

bayan-quiz-1 https://quizlet.com/232822143/filipino-7-mga-pahayag-sa-pagbibigay-ng-patunay-flash-cards/

Tayahin 1.A 2.C 3.D 4.A 5.D 6.P 7.DP 8.DP 9.P 10.P 11.DP 12.P 13.P 14.P 15.DP

Subukin 1.A 2.C 3.D 4.A 5.D 6.P 7.DP 8.DP 9.P 10.P 11.DP 12.P 13.P 14.P 15.DP


Recommended