+ All Categories
Home > Documents > Iwas-Sakit...tima ng Ebola, pumunta sa burol o libing ng isang biktima, o kinakitaan ng sin-tomas,...

Iwas-Sakit...tima ng Ebola, pumunta sa burol o libing ng isang biktima, o kinakitaan ng sin-tomas,...

Date post: 02-Sep-2020
Category:
Upload: others
View: 3 times
Download: 0 times
Share this document with a friend
16
!"#2 Blg. 6 2016 Iwas-Sakit Paano?
Transcript
Page 1: Iwas-Sakit...tima ng Ebola, pumunta sa burol o libing ng isang biktima, o kinakitaan ng sin-tomas, ibubukod niya ang kaniyang sarili sa loob ng 21 araw, ang karaniwang haba ng …

!"#2 Blg. 6 2016

Iwas-SakitPaano?

Page 2: Iwas-Sakit...tima ng Ebola, pumunta sa burol o libing ng isang biktima, o kinakitaan ng sin-tomas, ibubukod niya ang kaniyang sarili sa loob ng 21 araw, ang karaniwang haba ng …

Awake! (ISSN 0005-237X) Issue 6 December 2016 is published bimonthly by Watchtower Bible and Tract Society ofNew York, Inc. � 2016 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania. Printed in Japan.

!"#2

Vol. 97, No. 6 / Bimonthly / TAGALOG Produksiyon Bawat Isyu: 57,761,000. Available sa 107 Wika

Hindi ipinagbibili ang publikasyong ito. Inilaan ito bilang bahagi ng pambuong-daigdig na pagtuturo saBibliya na tinutustusan ng kusang-loob na mga donasyon. Para sa donasyon, magpunta sa www.jw.org/tl.

Malibang iba ang ipinakikita, ang mga pagsipi sa Kasulatan ay mula sa makabagong-wikang Bagong Sanlibutang Salin ngBanal na Kasulatan.

Gusto mo ba ng higit pang impormasyon olibreng pag-aaral ng Bibliya sa iyong tahanan?

Magpunta sa www.jw.org/tl o ipadala angiyong request sa isa sa mga adres sa ibaba.

Nabubuhay tayo sa isang daigdigna laganap ang nakamamatay nasakit. Paano natin mapoprotekta-han ang ating sarili?

Sinasabi ng isang sinaunangaklat ng karunungan: “Matalinoang nakakakita ng kapahamakanat nagkukubli.”—Kawikaan 22:3.

Tinatalakay sa isyung ito ng“Gumising!” angmga hakbangkung paano natin maiiwasanang pagkakasakit.

3 TAMPOK NA PAKSAIwas-Sakit—Paano?

SA ISYU RING ITO7 MAY NAGDISENYO BA NITO?Ang Byssus ng Tahong

8 TULONG PARA SA PAMILYAKung Paano Magpapakita ng Respeto

10 SULYAP SA NAKARAANDesiderius Erasmus

12 Ang Pambihirang Clown Fish14 ANG PANGMALAS NG BIBLIYA

Pagiging Nasa Oras16 Indise ng mga Paksa Para sa 2016 Gumising!

s TINGNAN ONLINEMGA BATA

Maging Kaibigan ni JehovaMaging Maayos at MalinisMay matututuhan na mahalagang aralang mga bata sa animated video na ito.(Tingnan sa TURO NG BIBLIYA ˛ MGA BATA)

SAGOT SA MGA TANONG SA BIBLIYAAno ang Sinasabi ng BibliyaTungkol sa Pasko?Baka magulat ka kapag nalaman moang pinagmulan ng anim na popularna kaugalian sa Pasko.(Tingnan sa TURO NG BIBLIYA ˛ SAGOT SA MGATANONG SA BIBLIYA ˛ Mga Pagdiriwang)

w

r

r

Page 3: Iwas-Sakit...tima ng Ebola, pumunta sa burol o libing ng isang biktima, o kinakitaan ng sin-tomas, ibubukod niya ang kaniyang sarili sa loob ng 21 araw, ang karaniwang haba ng …

Araw-araw, nakikipaglaban ang katawan mo satahimik at di-nakikitang mga kaaway. Ang mgaito, gaya ng baktirya, virus, at parasito, aybanta sa kalusugan mo at nakamamatay.� Ma-lamang na hindi mo napapansin ang labanangito dahil madalas na nasusugpo ng immunesystem mo ang mga kaaway bago pa magsimu-la ang mga sintomas. Pero minsan, natatalo ngmapaminsalang mga organismo ang immunesystem mo. Kapag nangyari iyan, kailanganmong palakasin ang iyong depensa sa pama-magitan ng gamot at ibang pang panggaga-mot.

Sa loob ng libo-libong taon, halos walangalam ang mga tao sa panganib ng pagkaliit-liit at mapaminsalang mga organismo. Peronoong ika-19 na siglo, nakumpirma ng mga si-yentipiko ang kaugnayan ng mikrobyo sa sakit,kaya mas napoprotektahan na natin ang atingsarili. Malaki na ang nagawa ng mga manana-liksik sa medisina para masugpo o mabawasanang pagkalat ng nakahahawang sakit, gaya ngbulutong at polio. Pero kamakailan lang, kuma-kalat uli ang ilang sakit na gaya ng yellow feverat dengue. Bakit? Pag-isipan ang ilang dahilan:

� Karamihan sa mikrobyo ay hindi nagdudulot ng sakit. Tatalaka-yin sa artikulong ito ang mga mikroorganismo at iba pang bagay nabanta sa kalusugan mo.

˙ Milyon-milyon ang bumibiyahe sa iba’t ibangpanig ng daigdig taon-taon, at kadalasannang may dala silang mikrobyo na nagdudu-lot ng sakit. Ayon sa isang artikulo sa maga-sing Clinical Infectious Diseases, “halos lahatng nakahahawa at nakamamatay na sakit” aynaikakalat ng mga taong bumibiyahe sa iba’tibang bansa.

˙ May mga baktiryang hindi na tinatablan ngantibiyotiko. Ayon sa World Health Organiza-tion, darating ang panahon na mawawalan nang bisa ang mga antibiyotiko, anupat mara-ming karaniwang impeksiyon ang muling pa-patay ng mga tao.

˙ Ang kahirapan at mga kaguluhan ay madalasna nakahahadlang sa pagsisikap ng mgagobyerno na kontrolin ang pagkalat ng sakit.

˙ Maraming tao ang walang sapat na kaalamankung paano makaiiwas sa sakit.Pero may magagawa ka pa rin para mapro-

tektahan ang iyong sarili at ang pamilya mo.Makikita sa susunod na artikulo na kahit naka-tira ka sa papaunlad na bansa, may simple atepektibong pamamaraan para maiwasan angsakit.

TAMPOK NA PAKSA

Iwas-SakitPaano?

Gumising! Blg. 6 2016 3

Page 4: Iwas-Sakit...tima ng Ebola, pumunta sa burol o libing ng isang biktima, o kinakitaan ng sin-tomas, ibubukod niya ang kaniyang sarili sa loob ng 21 araw, ang karaniwang haba ng …

ANG DEPENSA MO: Ang pinakamagandang depensa ay ingatanang suplay ng tubig. Kung naghihinala kang kontaminado angsuplay ng tubig ninyo, may magagawa ka para gawin itong lig-tas.� Iimbak ang iniinom na tubig sa isang lalagyang may takipat gripo, o kumuha rito gamit ang malinis na panalok. Huwagisawsaw ang mga daliri sa malinis na tubig. Hangga’t posible,tumira sa mga lugar na may tamang sistema ng pagtatapon ngdumi ng tao para hindi makontamina ang suplay ng tubig.

� Nagrerekomenda ang World Health Organization ng iba’t ibang paraan para gawing lig-tas ang tubig sa bahay, gaya ng paggamit ng chlorine, pagbibilad nito sa araw, pagsasala,at pagpapakulo nito.

ANG DEPENSA MO: Ang kontaminadong pagkain ay maaari paring magmukhang sariwa at masustansiya. Kaya ugaliing hu-gasang mabuti ang lahat ng prutas at gulay. Kapag nagha-handa ng pagkain, tiyaking malinis ang kusina, mga kagami-tan sa pagluluto, pati na ang mga kamay. May mga pagkain nakailangang lutuin sa tamang temperatura para mamatay angmikrobyo. Mag-ingat sa mga pagkaing iba na ang kulay, amoy,o lasa—mga senyales na kontaminado na ito. Ilagay agad sarefrigerator ang natirang pagkain. Kung may sakit ka, iwasangmaghanda ng pagkain para sa iba.�

� Para sa higit pang impormasyon kung paano magiging ligtas ang pagkain, tingnan angGumising!, isyu ng Hunyo 2012, pahina 3-9.

Protektahan ang SariliLaban sa SakitMARAMING sinaunang lunsod ang napoprotek-tahan ng matataas na pader. Kapag napasok ngkaaway kahit ang isang maliit na bahagi nito,manganganib ang buong lunsod. Ang katawanmo ay parang isang lunsod na may pader. Naka-depende sa iyong depensa ang malusog na pa-ngangatawan. Tingnan ang limang posiblengsanhi ng sakit at ang puwede mong gawin paramapalakas ang iyong depensa. 1

2

3

4

5

1 TUBIGBANTA: Posibleng makapa-sok sa katawan mo angnakapipinsalang mgaorganismo sa pamamagi-tan ng kontaminadongtubig.

2 PAGKAINBANTA: Posibleng maynakapipinsalang mgaorganismo sa kinakain mo.

Page 5: Iwas-Sakit...tima ng Ebola, pumunta sa burol o libing ng isang biktima, o kinakitaan ng sin-tomas, ibubukod niya ang kaniyang sarili sa loob ng 21 araw, ang karaniwang haba ng …

Gumising! Blg. 6 2016 5

ANG DEPENSA MO: Iwasang lumabas ng bahay sa mga pana-hong aktibo ang mga insektong nagdadala ng sakit. Magsuotng damit na may mahabang manggas at ng pantalon. Gumamitng kulambong nilagyan ng insecticide at maglagay ng insectrepellent. Tanggalin ang naipong tubig sa mga lalagyan na po-sibleng pamugaran ng mga lamok.�

� Para sa mga puwedeng gawin laban sa malarya, tingnan ang Gumising!, isyu ngHulyo 2015, pahina 14-15.

ANG DEPENSA MO: May ilan na hindi nagpapapasok ng kanilangalagang hayop sa loob ng bahay. Magsabon at maghugas ngkamay kapag humawak ng alagang hayop, at huwag humawakng mga ligaw na hayop. Kapag nakagat ka o nakalmot, huga-sang mabuti ang sugat at magpatingin sa doktor.�

� Ang mga sugat na dulot ng makamandag na hayop ay kadalasan nang nangangailanganng agarang lunas.

ANG DEPENSA MO: Huwag ipagamit ang personal na mga bagayna gaya ng pang-ahit, sipilyo, o tuwalya. Umiwas sa likidongnanggagaling sa hayop o sa ibang tao, kasama na ang dugo atmga produktong may dugo. At napakahalagang laging hugasannang mabuti ang mga kamay. Ito na marahil ang pinakaepekti-bong paraan para masugpo ang pagkalat ng sakit.

Hangga’t posible, huwag lumabas ng bahay kapag may sakit.Inirerekomenda ng U.S. Centers for Disease Control and Pre-vention na umubo o bumahin sa tisyu o sa manggas ng iyongdamit, pero huwag sa kamay.

Sinasabi ng isang kawikaan: “Matalinoang nakakakita ng kapahamakan at nag-kukubli.” (Kawikaan 22:3) Totoong-totooito lalo na sa panahon natin na laganapang nakamamatay na mga sakit! Kaya ku-

muha ng impormasyon sa mga serbisyongpangkalusugan sa inyong lugar, at depensa-han ang sarili sa pamamagitan ng mabutingkaugalian sa kalinisan. Palakasin ang iyongdepensa para maiwasang magkasakit! ˛

3 INSEKTOBANTA: Ang ilang insektoay may nakapipinsalangmga organismo na maka-pagdudulot ng sakit.

4 HAYOPBANTA: May mga mikrob-yong nasa hayop na pu-wedeng maging banta sakalusugan mo. Posiblekang magkasakit kapagnakagat ka o nakalmot ngalagang hayop, o kapagnakahawak o nakalalang-hap ka ng dumi nito.

5 TAOBANTA: Ang mga mikrob-yong sumasama sa hanginkapag umubo o bumahinang isa ay posibleng ma-kapasok sa loob ng kata-wan mo. Naipapasa rin itosa pamamagitan ng pag-yakap o pakikipagkamay.Maaari ding makuha angmga mikroorganismosa mga bagay na gayang mga hawakan, door-knob, telepono, remotecontrol, o computer moni-tor at keyboard.

Page 6: Iwas-Sakit...tima ng Ebola, pumunta sa burol o libing ng isang biktima, o kinakitaan ng sin-tomas, ibubukod niya ang kaniyang sarili sa loob ng 21 araw, ang karaniwang haba ng …

Paano ninyo tinulungan ang mga tao na maintindihan ang nagbabantangpanganib?Sinikap naming alisin ang takot at pagkalito. Nagsaayos kami ng mga presen-tasyon sa pampublikong mga lugar at ipinaliwanag namin kung paano kuma-kalat ang virus at kung anong maling kaugalian ang dapat iwasan.

Anong mga hakbang ang ginawa ng mga Saksi ni Jehova?Gumamit kami ng mga infrared thermometer para malaman ang temperaturang mga pumupunta sa aming dako ng pagsamba. Hangga’t maaari, iniiwasannamin ang gaya ng pagyakap at pakikipagkamay. Oras-oras, naghuhugaskami ng kamay. Nagpuwesto rin kami ng mga handwashing station sa iba’tibang lokasyon. Dito, may tubig na hinaluan ng bleach.

Paano ninyo naidaos ang regular na mga pulong at ang gawaing pagtuturong Bibliya?Nag-utos ang gobyerno na magsagawa ng quarantine sa ilang lugar, kayapansamantalang kinansela ang mga pulong. Sa mga lugar na iyon, nagsasama-sama ang ilang pamilya sa isang bahay para sumamba. May mga nagba-Biblestudy sa pamamagitan ng telepono para maiwasan ang pakikisalamuha.

Ano’ng ginagawa ninyo kapag may kinakitaan ng sintomas?Ipinaaalam namin iyon sa mga awtoridad. Kapag ang isa ay lumapit sa bik-tima ng Ebola, pumunta sa burol o libing ng isang biktima, o kinakitaan ng sin-tomas, ibubukod niya ang kaniyang sarili sa loob ng 21 araw, ang karaniwanghaba ng panahon mula sa pagkahantad sa Ebola virus hanggang sa lumitawang mga sintomas.

Kung PaanoMaiiwasang MahawaKapag May Epidemya

Noong 2014, naging headline sa buong mun-do ang pagkalat ng Ebola virus sa KanlurangAprika. Naglunsad ang tanggapan ng mgaSaksi ni Jehova sa rehiyong iyon ng kampan-ya para magbigay ng impormasyon sa mgakomunidad kung paano maiiwasan ang pag-kalat ng sakit. Ipinaliwanag ng mga kinata-wan ng mga Saksi kung paano nila hinarapang sitwasyon.

Page 7: Iwas-Sakit...tima ng Ebola, pumunta sa burol o libing ng isang biktima, o kinakitaan ng sin-tomas, ibubukod niya ang kaniyang sarili sa loob ng 21 araw, ang karaniwang haba ng …

GAYA ng mga taliptip, ang mga tahongsa dagat ay kumakapit sa bato, ka-

hoy, o barko. Pero di-gaya ng taliptip, namahigpit na idinidikit ang katawan sa isangbagay, ang tahong ay kumakapit gamit angkulupon ng maninipis na filament na tina-tawag na byssus. Dahil sa mga tulad-sinu-lid na ito, mas madali para sa mga tahongna manginain at mandayuhan. Pero parangmadaling maputol ang mga ito at hindi ma-katatagal sa pagsalpok ng malalakas naalon. Kaya paano nakatutulong ang byssusng tahong para makakapit ito at hindi ma-tangay ng alon?Pag-isipan ito: Ang isang dulo ng hib-

lang byssus ay matigas, pero malambotat nababanat naman ang kabilang dulo.Natuklasan ng mga mananaliksik na angeksaktong ratio na makikita sa byssus ngtahong—80 porsiyento na matigas at20 porsiyento na malambot—ay napakaha-laga para makakapit ito nang napakahig-

pit. Dahil dito, nakakayanan ng byssus angmalalakas na hampas ng alon sa iba’tibang direksiyon.

Sinabi ng propesor na si Guy Genin na“napakaganda” ng resulta ng pag-aaralna ito. Idinagdag pa niya: “Ang kahanga-hanga sa organismong ito ay ang mahusayna kombinasyon ng malambot at matigasna bahagi nito.” Naniniwala ang mga siyen-tipiko na ang disenyo ng mga hiblangbyssus ay magagamit sa iba’t ibang para-an, gaya ng pagkakabit ng kasangkapansa isang gusali at sa sasakyang ginagamitsa ilalim ng dagat, pagdidikit ng litid sabuto, at pagsasara ng hiwa sa operasyon.“Napakayaman ng kalikasan pagdating sapamamaraan ng pagdidikit,” ang sabi niJ. Herbert Waite, isang propesor sa Univer-sity of California sa Santa Barbara, U.S.A.Ano sa palagay mo? Ang byssus ba ng

tahong sa dagat ay resulta ng ebolusyon?O may nagdisenyo nito? ˛

MAY NAGD ISENYO BA N ITO?

Ang Byssusng Tahong

�An

neW

.Ros

enfe

ld/a

gefo

tost

ock

Gumising! Blg. 6 2016 7

Page 8: Iwas-Sakit...tima ng Ebola, pumunta sa burol o libing ng isang biktima, o kinakitaan ng sin-tomas, ibubukod niya ang kaniyang sarili sa loob ng 21 araw, ang karaniwang haba ng …

ANG HAMONAng sabi ng mister: “Noongbagong kasal kami, magkaibaang pananaw naming mag-asawa sa pagpapakita ngrespeto. Hindi naman sa tamaako, at mali siya—magkaibalang talaga. Pakiramdam konoon, hindi ako gaanong nire-respeto ng asawa ko sa tuwingnag-uusap kami.”Ang sabi ng misis: “Sa kultu-rang kinalakhan ko, normallang na magsalita nang mala-kas, sobra ang ekspresyonng mukha, at sumabat kapagmay nagsasalita. Hindi iyonkawalang-galang. Pero ibang-iba iyon sa kinalakhan ngasawa ko.”Napakahalaga ng respeto samag-asawa. Paano mo maipa-kikitang nirerespeto mo angiyong asawa?

ANG DAPAT MONG MALAMANMas kailangan ng mga lalaki ang respeto. Sinasabi ng Bibliyasa mga asawang lalaki: “Ibigin din ng bawat isa sa inyo ang kani-kaniyang asawang babae gaya ng ginagawa niya sa kaniyangsarili.” Pero sinasabi rin nito: “Ang asawang babae ay dapat namagkaroon ng matinding paggalang sa kaniyang asawang lala-ki.” (Efeso 5:33) Kailangang madama ng bawat isa sa mag-asawa na minamahal sila at nirerespeto, pero ang mga lalakiang mas nangangailangan ng respeto. “Kailangan ng mga lalakina madamang kontrolado nila ang sitwasyon, naaayos nila angmga problema, at naaalagaan nila ang kanilang pamilya,” angsabi ng may-asawang si Carlos.� Kapag nadama ng asawanglalaki na nirerespeto siya ng kaniyang asawa dahil sa nagagawaniya, pareho silang nakikinabang. “Nadarama ko na mas mina-mahal ako ng mister ko dahil nirerespeto ko siya,” ang sabi niCorrine.Siyempre, kailangan din ng mga asawang babae ang respeto.Totoo iyan, dahil hindi masasabing mahal ng lalaki ang kaniyangasawa kung hindi niya ito nirerespeto. “Kailangan kong respetu-hin ang opinyon at mungkahi ng misis ko,” ang sabi ni Daniel.“Kailangan ko ring respetuhin ang damdamin niya. Kapag hindiko naiintindihan kung bakit ganoon ang nadarama niya, hindiibig sabihin no’n na puwede ko na itong bale-walain.”Iba-iba ang pananaw sa pagpapakita ng respeto. Pagdatingsa respeto, ang isyu ay hindi kung nagpapakita ka ng respeto,kundi kung nadarama ng asawa mo na nirerespeto mo siya. Itoang natutuhan ng asawang babaeng binanggit sa uluhang “Ang

� Binago ang ilang pangalan sa artikulong ito.

TULONG PARA SA PAM ILYA � PAG-AASAWA

Kung PaanoMagpapakitang Respeto

r Higit pang tulong para sa pamilya ang makikita sa www.jw.org/tl

Page 9: Iwas-Sakit...tima ng Ebola, pumunta sa burol o libing ng isang biktima, o kinakitaan ng sin-tomas, ibubukod niya ang kaniyang sarili sa loob ng 21 araw, ang karaniwang haba ng …

Hamon.” “Kahit na sa tingin ko ay nirerespeto ko ang akingasawa, kung hindi naman iyon ang nadarama niya, ako ang kai-langang mag-adjust.”

ANG PUWEDE MONG GAWIN˙ Maglista ng tatlong bagay na hinahangaan mo sa iyong asa-wa. Makatutulong ang mga iyon para patuloy kang makapagpa-kita ng respeto sa kaniya.˙ Sa loob ng isang linggo, i-monitor kung ano ang nagagawamo (hindi ng asawa mo) pagdating sa sumusunod na aspekto.Ang pananalita mo. Ipinakikita ng isang pag-aaral na “kapagpinag-uusapan ang problema, ang mga mag-asawang matibayat masaya ang pagsasama ay may nasasabing limang papurikada isang pintas samantalang ang mga mag-asawang maytendensiyang magdiborsiyo ay halos walang nasasabing papurikada isang pintas.”�—Simulain sa Bibliya: Kawikaan 12:18.Tanungin ang sarili: ‘Magalang ba ako sa pakikipag-usap saaking asawa? Mas madalas ko ba siyang pintasan kaysa sa pa-purihan? Kumusta ang tono ng boses ko kapag may gustoakong sabihin o may reklamo ako?’ Sasang-ayon kaya ang iyongasawa sa mga sagot mo?—Simulain sa Bibliya: Colosas 3:13.Subukan ito: Gawing tunguhing magbigay ng papuri sa asawamo nang kahit isang beses lang sa isang araw. Mungkahi: Ting-nan uli ang listahan ng mga bagay na hinahangaan mo sa kani-ya. Gawing kaugalian na sabihin sa iyong asawa ang hinahanga-an mo sa kaniya.—Simulain sa Bibliya: 1 Corinto 8:1.Ang mga ikinikilos mo. Sinabi ng may-asawang si Alicia: “Mara-ming oras ang nauubos ko sa gawaing-bahay, kaya kapag naki-kita kong inililigpit ng asawa ko ang mga gamit niya o kapagnaghuhugas siya ng pinggan, nadarama kong pinahahalagahanniya ang mga pagsisikap ko at nirerespeto niya ako.”Tanungin ang sarili: ‘Kitang-kita ba sa paraan ng pakikitungo kosa aking asawa na nirerespeto ko siya? Naglalaan ba ako sa ka-niya ng sapat na panahon at atensiyon?’ Sasang-ayon kaya angiyong asawa sa mga sagot mo?Subukan ito: Maglista ng tatlong paraan kung paano mo gus-tong pagpakitaan ka ng respeto. Hilingan ang iyong asawa nagawin din iyon. Pagkatapos, magpalitan kayo ng listahan paramagawa ninyong pareho ang isinulat ng bawat isa. Magtuon ngpansin sa mga kailangan mong pasulungin. Kapag ginawa moang kinakailangang mga pagbabago, malamang na tutularan kaniya. ˛

� Mula sa aklat na Ten Lessons to TransformYour Marriage.

MGA SUS ING TEKSTO“May isa na nagsasalita nang di-pinag-iisipan na gaya ng mga sak-sak ng tabak, ngunit ang dila ngmarurunong ay kagalingan.”—Kawikaan 12:18.

“Patuloy ninyong pagtiisan angisa’t isa . . . kung ang sinuman aymay dahilan sa pagrereklamo.”—Colosas 3:13.

“Ang pag-ibig ay nagpapatibay.”—1 Corinto 8:1.

Brian at Serina

“Dapat pahalagahan ang asawahindi lang dahil sa nagagawa niya,gaya ng pag-aasikaso sa bahay.Dapat din niyang madama na nire-respeto siya at pinahahalagahanang magaganda niyang katangian.”—Brian

Austin at Carly

“Kung walang respeto, hindi mag-tatagal ang pagsasama ng mag-asawa—o kung magtagal man,hindi ito masaya. Hinanakit atlungkot lang ang madarama ninyo.”—Carly

Gumising! Blg. 6 2016 9

Page 10: Iwas-Sakit...tima ng Ebola, pumunta sa burol o libing ng isang biktima, o kinakitaan ng sin-tomas, ibubukod niya ang kaniyang sarili sa loob ng 21 araw, ang karaniwang haba ng …

PAG-AARAL AT PANINIWALASi Erasmus ay bihasa sa wikang Griego at Latin. Kaya

naihambing niya ang mga salin ng Bibliya, gaya ng Latinna Vulgate, sa mga sinaunang manuskritong Griego ngKristiyanong Griegong Kasulatan, na kilala bilang ang Ba-gong Tipan. Nakumbinsi siyang napakahalaga ng kaala-man mula sa Bibliya. Dahil diyan, iginiit niya na dapat isa-lin ang Banal na Kasulatan sa mga wikang ginagamitnoong panahon niya.

Isinulong ni Erasmus ang reporma sa loob ng Simba-hang Katoliko. Naniniwala siya na ang pagiging Kristiyanoay hindi lang mga walang-kabuluhang ritwal kundi dapatna isabuhay. Kaya nang magprotesta ang mga reporma-dor para sa pagbabago sa Simbahan ng Roma, si Eras-mus ang pinagsuspetsahan ng Simbahan.

Sa mga akda ni Erasmus, ibinunyag niya ang pang-aabuso ng klero, ang kanilang maluhong pamumuhay, atang ambisyon ng mga papa na sumasang-ayon sa mgadigmaan. Tutol siya sa mga tiwaling klerigo na ginamitang mga tradisyon ng simbahan—gaya ng pangungumpi-sal, pagsamba sa mga santo, pag-aayuno, at peregrinas-yon—para manamantala sa mga mananamba. Hindi rinsiya sang-ayon sa mga gawain ng simbahan na gaya ngpagbebenta ng indulhensiya at di-pag-aasawa ng klero.

SULYAP SA NAKARAAN � DES IDER IUS ERASMUS

DESIDERIUS ERASMUSNOONG panahon ni Desiderius Erasmus (mga 1469-1536), hinangaan siya bilang ang pinakamatalinongiskolar na Europeo, pero pagkatapos nito ay binansa-gan siyang duwag o erehe. Naipit siya sa mainitangmga debate sa relihiyon at lakas-loob niyang ibinun-yag ang pagkakamali at pang-aabuso ng Katolisismopati na ng diumano’y mga repormador. Sa ngayon,kinikilala ang kaniyang mahalagang papel sa pagba-bago sa kalagayan ng relihiyon sa Europa. Bakit?

Sikat sa Buong Mundo

Si Erasmus ay isang iskolar namahilig maglakbay. Tumira siyaat nagtrabaho sa ilang bansasa Europa. Nagkaroon siya ngmaiimpluwensiyang kaibigan samga maharlikang korte at uni-bersidad. Hiningan siya ngpayo ng mga iskolar mula samaraming lupain. Naging tan-yag siya dahil sa kaniyang mgaakda na binasa at nagustuhanng marami. May panahon panga na kahit saan siya mag-punta, sinasalubong siya ngmusika at pinararangalan ngmga prinsipe, prelado, at kapu-wa mga iskolar. Isang moder-nong manunulat ang nagsabina si Erasmus ang “sikat noongpanahon ng Renaissance, gayang isang celebrity ngayon na si-kat sa buong mundo.”

�GL

Arch

ive/Alam

yStoc

kPh

oto

Page 11: Iwas-Sakit...tima ng Ebola, pumunta sa burol o libing ng isang biktima, o kinakitaan ng sin-tomas, ibubukod niya ang kaniyang sarili sa loob ng 21 araw, ang karaniwang haba ng …

Gumising! Blg. 6 2016 11

TEKSTONG GRIEGO NG BAGONG TIPANNoong 1516, inilathala ni Erasmus ang kaniyang unang

edisyon ng Bagong Tipan sa wikang Griego—ang kauna-unahang inilabas na nakaimprentang kopya ng KristiyanongGriegong Kasulatan. Kasama sa akdang ito ni Erasmus angmga paliwanag pati na ang sarili niyang salin ng Kristiya-nong Griegong Kasulatan sa wikang Latin, na may pagkaka-iba sa Vulgate. Sa paglipas ng panahon, patuloy niyang nire-bisa ang kaniyang bersiyon, na ang resulta ay isang salin naibang-iba sa Latin na Vulgate.

Ang isa sa mga pagkakaiba ay ang 1 Juan 5:7. Para itagu-yod ang turo ng Trinidad, idinagdag sa Vulgate ang mga sali-tang, “Sa langit, ang Ama, ang Salita, at ang Espiritu Santo:at ang tatlong ito ay iisa.” Bahagi ito ng mga salitang tinata-wag na comma Johanneum, pero wala ang mga ito sa orihi-nal na mga manuskrito. Inalis ito ni Erasmus sa kaniyangunang dalawang edisyon ng Bagong Tipan dahil hindi ito lu-mitaw sa mga manuskritong Griego na saligan niya sa pag-sasalin. Nang maglaon, ginipit siya ng simbahan na ilagayang pananalitang ito sa kaniyang ikatlong edisyon.

Ang pinahusay na mga edisyon ng Griegong Bagong Tipanni Erasmus ay naging batayan ng mas mahuhusay na salinsa iba pang wikang ginagamit sa Europa. Ang mga edisyongito ay ginamit sa pagsasalin ni Martin Luther sa wikang Ger-man; ni William Tyndale, sa Ingles; ni Antonio Brucioli, saItalian; at ni Francisco de Enzinas, sa Kastila.

Nabuhay si Erasmus sa kasagsagan ng magulong sitwas-yon sa relihiyon, at itinuring ng mga Protestanteng Repor-mador na isang napakahalagang pantulong ang kaniyangGriegong Bagong Tipan. Itinuring ng ilan si Erasmus na isangrepormador bago pa nagsimula ang Repormasyon. Peronang maglaon, wala siyang pinanigan sa mga nagdedebatesa relihiyon. Kapansin-pansin, isinulat ng iskolar na si DavidSchaff, mahigit 100 taon na ang nakalilipas, na si Erasmusay “namatay nang walang pinapanigan, at walang kinaaani-bang partido. Hindi siya kinilala ng Katoliko, hindi rin namansiya maangkin ng mga Protestante.” ˛

Lakas-loob na ibinunyag ni Erasmus angpagkakamali at pang-aabuso ng Katolisismoat ng mga repormador

Ang Griegong BagongTipan ni Erasmus

MAIKLINGIMPORMASYON) Noong 1516, inilabas ni Erasmusang nakaimprentang Bagong Ti-pan sa wikang Griego. Nakalagaysa isang kolum ang teksto sa wi-kang Griego, at sa isa pang kolum,ang kaniyang salin sa wikang Lat-in pati na ang detalyadong mgapaliwanag dito.

) Sa paunang salita sa BagongTipan ni Erasmus, isinulat niya:“Talagang hindi ako sang-ayon samga tumatangging ipabasa sa in-dibiduwal [ordinaryo] na mga taoang Banal na Kasulatan o sa mgatumatangging isalin ito [ang Ka-sulatan] sa wika ng mga ordinar-yong tao.”

) Sa ilang lugar sa Europa, sinu-nog ng mga kritiko ang kaniyangmga akda at sa loob ng maramingtaon, isinama ang mga ito sa lista-han ng mga literaturang ipinagba-wal ng mga papa sa Roma.

Page 12: Iwas-Sakit...tima ng Ebola, pumunta sa burol o libing ng isang biktima, o kinakitaan ng sin-tomas, ibubukod niya ang kaniyang sarili sa loob ng 21 araw, ang karaniwang haba ng …

IILANG isda lang ang nakakatawag-pansinna gaya ng clown fish. Siguro nagugustuhannatin ang isdang ito dahil sa kulay nito, nagaya ng suot ng isang payaso sa circus.O baka namangha tayo nang malaman natinkung saan ito nakatira—sa nakalalasong mgagalamay ng isang sea anemone. Hindi nga na-kapagtatakang tawagin ang clown fish naanemonefish.

Gaya ng mga artista sa Hollywood, hindinahihiya sa harap ng kamera ang mga clownfish. Dahil bihirang lumayo sa kanilang tira-

han at hindi mailap, karaniwan nang handang“mag-pose” ang mga clown fish sa harap ngmga maninisid at naka-snorkel na kumukuhang litrato.

Ang talagang pambihira sa clown fish ayang napili nitong tirahan, na sa unang tinginay parang mapanganib. Ang paninirahan sanakalalasong mga galamay ng anemone ayparang pagtira sa lungga ng mga ahas. Perohindi mo mapaghihiwalay ang clown fish atang anemone. Paano naging posible ang ma-gandang samahang ito?

‘HINDI AKO MABUBUHAY NANG WALA KA’Gaya sa isang magandang samahan, ang

clown fish at ang anemone ay nagbibigayan.

Ang PambihirangClown Fish

Orange clown fish.

Two-banded clown fish.

Page 13: Iwas-Sakit...tima ng Ebola, pumunta sa burol o libing ng isang biktima, o kinakitaan ng sin-tomas, ibubukod niya ang kaniyang sarili sa loob ng 21 araw, ang karaniwang haba ng …

Gumising! Blg. 6 2016 13

Para sa clown fish, napakahalaga ng sama-hang ito—buhay nito ang nakataya. Napatu-nayan ng mga marine biologist na hindi ma-bubuhay ang clown fish kung walang anemonena matitirhan. Hindi sila mahusay lumangoyat mahahantad sila sa mga gutom na maninilakung wala ang proteksiyon ng anemone.Pero dahil may anemone na matatakbuhanang clown fish kapag nanganganib ito, maaa-ring tumagal ang buhay nito nang hanggang10 taon.

Ang anemone ay isang ligtas na tirahanat lugar para magparami. Sa pinakasahig nganemone nangingitlog ang clown fish, at ditomaingat na binabantayan ng mga magulangang mga itlog. Di-magtatagal, makikitang lu-malangoy ang mga ito kasama ang maliliit naanak sa anemone ring iyon.

Ano naman ang pakinabang ng anemonesa clown fish? Ang clown fish ay nagsisilbingbodyguard, na nagtataboy sa butterfly fish nakumakain ng mga galamay ng anemone. Sina-sabing may isang uri ng anemone na talaganghindi mabubuhay nang walang nakatirangclown fish. Nang alisin ng mga mananaliksikang clown fish, nawala ang mga anemone saloob lang ng 24 na oras. Maliwanag na kinainito ng mga butterfly fish.

Posible ring may iba pang naibibigay angclown fish sa anemone. Ang ammonium nalumalabas sa clown fish ay nakakatulong sa

mabilis na paglaki ng anemone. At habanglumalangoy ang clown fish sa mga galamayng anemone, nakakatulong ito sa pagda-loy ng tubig na mayaman sa oksiheno.

LUMALANGOY SA LUGARNA KINATATAKUTAN NG IBA

Ang proteksiyon ng clown fish ay nasabalat nito. Mayroon itong malapot na likido

sa balat na nagsisilbing proteksiyon sa lasonng anemone. Dahil sa kemikal na ito, waringiniisip ng anemone na ang clown fish ay isang

anemone rin. Sinabi ng isang marine biologistna ang clown fish ay “isang isda na nagkukun-waring anemone.”

Ipinakikita ng ilang pag-aaral na kapag pu-mipili ng bagong tirahan ang isang clownfish, sumasailalim ito sa isang proseso. Naob-serbahan na kapag ang clown fish ay lumapitsa unang pagkakataon sa isang anemone, pa-balik-balik itong lalangoy at dumirikit sa ane-mone sa loob ng ilang oras. Malamang na da-hil sa prosesong ito, naibabagay ng clown fishang inilalabas nitong likido na magsisilbingproteksiyon mula sa lason ng isang partikularna anemone. Posibleng nasasaktan ang clownfish sa prosesong ito. Pero pagkatapos, mag-kasundo na ang dalawa.

Ang samahang ito ng dalawang magkaibanguri ng nilalang ay isang magandang halimbawang pagtutulungan. Nagiging matagumpay angmga pagsisikap ng tao kapag nagtutulunganat nagbibigayan, anuman ang kultura o ban-sang pinagmulan. Gaya ng clown fish, bakakailangan ng kaunting panahon para makiba-gay sa ating mga katrabaho, pero sulit kunggagawin natin ito. ˛

Pink skunkclown fish

(

Page 14: Iwas-Sakit...tima ng Ebola, pumunta sa burol o libing ng isang biktima, o kinakitaan ng sin-tomas, ibubukod niya ang kaniyang sarili sa loob ng 21 araw, ang karaniwang haba ng …

ANG PANGMALAS NG B IBL IYA � PAG IG ING NASA ORAS

PAG I G I N G N A SA O R A SAminado maging ang mga taong madalas mahulı na napakahalaga ng pagiging nasaoras. Ang Bibliya ay nagbibigay ng praktikal na payo may kinalaman sa paksang ito.

Gaano kahalaga ang pagiging nasa oras?KUNG BAKIT ITO MAHALAGA Napatunayan ngilan na ang pagdating nang maaga sa usa-pan, kahit ilang minuto lang, ay nakababa-was ng stress. Gumaganda rin ang repu-tasyon ng isa kapag lagi siyang nasa oras.Paano?Ipinakikita nito na mahusay ka. Kapag

nasa oras ka, ipinakikita mong kontroladomo ang iyong buhay sa halip na ikaw angkinokontrol ng sitwasyon anupat hindi momagawa ang mga bagay na gusto monggawin.Ipinahihiwatig nito na maaasahan ka.

Sa mga lipunang kadalasan nang ang pa-ngako ay napapako at ang kasunduan aybinabale-wala, malaki ang pagpapahalagasa mga taong may iisang salita. Nirerespe-to ng mga kaibigan at kapamilya ang mgataong maaasahan. Pinahahalagahan ngmga employer ang mga empleyadong pu-mapasok nang nasa oras at nakaaabot sakanilang deadline. Ang mga manggagawana maaasahan ay maaari pa ngang taasanng suweldo at higit na pagkatiwalaan.ANG SABI NG BIBLIYA May mga talata sa Bib-liya na bumabanggit tungkol sa pagigingnasa oras. Halimbawa, sinasabi nito: “Ma-ganap ang lahat ng bagay nang disente atayon sa kaayusan.” (1 Corinto 14:40) Ka-pag ang dalawang tao ay nagkasundo namagkita sa espesipikong oras at lugar, da-

pat at tama lang na maging nasa oras.Sinasabi pa ng Bibliya: “Sa lahat ng bagayay may takdang panahon, isang panahonnga para sa bawat pangyayari sa silong nglangit.” (Eclesiastes 3:1) Sa konteksto nito,sinasabi na may “panahon ng pagtata-nim at panahon ng pagbunot sa itina-nim.” (Eclesiastes 3:2) Ang mga magsasa-ka ay nagtatanim sa tamang panahonpara magkaroon ng napakagandang ani.Ibig sabihin, ang pagiging nasa oras ngmga magsasaka ay nagdudulot ng maga-gandang resulta.

Ipinaliliwanag ng Bibliya ang mas maha-lagang dahilan ng pagiging nasa oras:Pagpapakita ito ng paggalang sa iba atsa kanilang panahon. (Filipos 2:3, 4) Da-hil kung lagi nating pinaghihintay ang iba,para na rin natin silang pinagnanakawanng panahon.

‘Ituon ang mata, hindi lamang sa per-sonal na kapakanan ng inyong sarilingmga bagay-bagay, kundi sa personalna kapakanan din ng iba.’—Filipos 2:4.

r Alamin ang sagot sa iba pang mga tanong tungkol sa Bibliya sa www.jw.org/tl

Page 15: Iwas-Sakit...tima ng Ebola, pumunta sa burol o libing ng isang biktima, o kinakitaan ng sin-tomas, ibubukod niya ang kaniyang sarili sa loob ng 21 araw, ang karaniwang haba ng …

Ano ang puwede mong gawin para maging nasa oras?ANG SABI NG BIBLIYA Hinihimok tayo ng Bib-liya na magplano nang mas maaga. (Kawi-kaan 21:5) Kung napapansin mong lagika na lang nahuhulı sa mga appointmentmo, baka punong-puno na ang iskedyulmo. Bakit hindi mo alisin ang mga gawa-ing umuubos lang ng panahon? Dagdaganang panahon sa pagitan ng mga appoint-ment, at magplano para dumating nangmaaga. Sa gayon, hindi ka mahuhulı kahitmay aberya, gaya ng trapik at masamanglagay ng panahon.

Hinihimok din tayo ng Bibliya na kila-lanin ang ating limitasyon. (Kawikaan 11:2)Bago tanggapin ang isang appointment odeadline, tiyakin muna kung kaya ito ng is-

kedyul mo. Kung tanggap ka lang nangtanggap, mai-stress at madidismaya kalang, pati na ang iba!

May sinasabi pa ang Bibliya kung paanonatin masusulit ang ating panahon. (Efeso5:15, 16) Unahin ang mas mahahalaganggawain. (Filipos 1:10) Halimbawa, habangnakasakay sa pampublikong sasakyan okapag may hinihintay, samantalahin angpanahon para magbasa o magplano ngmga gagawin sa araw na iyon. ˛

“Ang mga plano ng masikap ay tiyakna magdudulot ng kapakinabangan.”—Kawikaan 21:5.

Gumising! Blg. 6 2016 15

Page 16: Iwas-Sakit...tima ng Ebola, pumunta sa burol o libing ng isang biktima, o kinakitaan ng sin-tomas, ibubukod niya ang kaniyang sarili sa loob ng 21 araw, ang karaniwang haba ng …

g1

6.6

-TG

16

08

16

!"#2 Blg. 1 2016

PananawMalaki ang Nagagawa!

!"#2 Blg. 6 2016

Iwas-SakitPaano?

!"#2 Blg. 5 2016

TALAGA BANG NABUHAY

SI JESUS?

!"#2 Blg. 4 2016

KungPaanoMakikinabangsa IyongNakaugalian

!"#2 Blg. 3 2016

HINDI HADLANGANGWIKA

!"#2 Blg. 2 2016

MAGANDANG AKLAT LANG BA

ANGBIBLIYA?

sLibreng download ngmagasing ito at ngnakaraang mga isyu

Bibliya online samga 130 wika

Magpunta sawww.jw.org/tlo i-scan ang code

no

p

ANG PANGMALAS NG BIBLIYAKabalisahan: Blg. 2Langit: Blg. 1Pagiging Mapagpasalamat: Blg. 5Pagiging Nasa Oras: Blg. 6Pananampalataya: Blg. 3Pisikal na Kagandahan: Blg. 4

HAYOPATHALAMANClown Fish: Blg. 6Macaw: Blg. 2

INTERBYUPaniniwala ng Isang Embryologist

(Y. Hsuuw): Blg. 2KALUSUGANATMEDISINA

Alerdyi sa Pagkain at PagigingSensitibo sa Pagkain: Blg. 3

Iwas-Sakit—Paano? Blg. 6KILAL

´ANGTAO SAKASAYSAYAN

Aristotle: Blg. 5Erasmus, Desiderius: Blg. 6Jesus: Blg. 5Semmelweis, Ignaz: Blg. 3

MGABANSA ATMGATAOKyrgyzstan: Blg. 4Liechtenstein: Blg. 1

RELIHIYONMagandang Aklat Lang Ba ang

Bibliya? Blg. 2Sinasabi ng Bibliya Tungkol sa

Homoseksuwalidad: Blg. 4Talaga Bang Nabuhay si Jesus? Blg. 5

SAKSI NI JEHOVAHindi Hadlang ang Wika: Blg. 3Kilala Mo Ba ang mga Saksi? Blg. 1“Naiibang Paraan Ito ng Pagtuturo!”

(jw.org): Blg. 5SARI-SARI

Kung Paano Haharapin angPagbabago: Blg. 4

Kung Paano Makikinabang sa IyongNakaugalian: Blg. 4

Pananaw—Malaki ang Nagagawa: Blg. 1

SIYENSIYABuhay ng Periodical Cicada: Blg. 4Byssus ngTahong: Blg. 6Kakayahan ng Cuttlefish na Magbago

ng Kulay: Blg. 1Kamangha-manghang Elemento

(karbon): Blg. 5Leeg ng Langgam: Blg. 3

UGNAYAN NGTAOKung Paano Magkakaroon ngTunay na

Kaibigan: Blg. 1Kung Paano Magpapakita ng Respeto

(pag-aasawa): Blg. 6Kung Paano Pag-uusapan ang mga

Problema (pamilya): Blg. 3Tulungan ang Anak sa Pagbibinata o

Pagdadalaga: Blg. 2Turuan ang Iyong Anak Tungkol

sa Sex: Blg. 5

Indise ng mga Paksa Para sa 2016 !"#2

“Maramingsalamat sanapapanahongmga magasin.”

—Amy

Nakatulong sa pang-araw-arawna buhay ni Amy, isang ina ngtahanan, ang praktikal na mgapayo mula sa Gumising! Gayaniya, milyon-milyon ang nakina-bang sa pagbabasa ng maga-sing ito na lumalabas tuwingikalawang buwan. Magpunta sawww.jw.org/tl para marepasoang mga paksa ng 2016 na maki-kita sa ibaba.

Blg. 1 Blg. 2 Blg. 3

Blg. 4 Blg. 5 Blg. 6


Recommended