+ All Categories
Home > Documents > misalette2009_0118

misalette2009_0118

Date post: 13-Nov-2014
Category:
Upload: joy-in-the-spirit-of-the-lord
View: 346 times
Download: 9 times
Share this document with a friend
6
kulit2005 AFCCPC 15TH NATIONAL CONVENTION BALTIMORE CONVENTION CENTER JUNE 26,27,28, 2009 The Spirit of the Lord is upon me . . .” Isaiah 61:1 For more information, please call: Agnes Nepomuceno 410-987-1694 Rev. Fr. Louis Olive 410-990-4085 or visit us on the web: www.afccpc15nc.co.nr Mark Forrest in Concert March 14, 2009 Saturday 5:00 PM - 11:00 PM Columbian Center, Severna Park, MD (includes Mass, concert and dinner, and dancing for St. Patrick’ s Celebration) For information, please contact LITA MILLAN at 410-266-5275 In April 1521, Portuguese explorer Ferdinand Magellan, in the service of Charles I of Spain, arrived in Cebu during his voyage to find a westward route to the Spice Islands [1]. He persuaded Rajah Humabon and his wife Hara Humamay, to pledge their allegiance with Spain. They were later baptized into the Catholic faith, taking the Christian names Carlos and Juana. Magellan gave Juana the Santo Nino as a symbol of the alliance. However, Magellan died during the Battle of Mactan later that month, and the alliance became more or less moot. The Spanish returned to the Philippines in February 1565. Cebu was the first stop of Basque explorer Miguel López de Legazpi, who would later found Manila. He defeated Rajah Tupas (nephew to Humabon) on April 27, destroying the village in the process. The Santo Nino was found relatively unscathed in a burnt- out dwelling. This event was quickly acknowledged as miraculous, and a church was later constructed on the purported site of the discovery. Today, the Basilica Minore del Santo Niño is an important historical and religious landmark in Cebu, with devotees forming long line up to pay their respects to the Holy Child. KAPISTAHAN NG PANGINOONG HESUS ANG BANAL NA SANGGOL JANUARY 18, 2009 ST. JOHN THE EVANGELIST CHURCH SEVERNA PARK, MARYLAND ANG MISA NG SAMBAYANAN ad majorem dei gloriam
Transcript
Page 1: misalette2009_0118

kulit2005

AFCCPC 15TH NATIONAL CONVENTION BALTIMORE CONVENTION CENTER

JUNE 26,27,28, 2009

“The Spirit of the Lord is upon me . . .” Isaiah 61:1

For more information, please call:

Agnes Nepomuceno 410-987-1694 Rev. Fr. Louis Olive 410-990-4085

or visit us on the web: www.afccpc15nc.co.nr

Mark Forrest in Concert March 14, 2009 Saturday

5:00 PM - 11:00 PM Columbian Center, Severna Park, MD

(includes Mass, concert and dinner, and dancing for St. Patrick’s Celebration)

For information, please contact LITA MILLAN at 410-266-5275

In April 1521, Portuguese explorer

Ferdinand Magellan, in the service of Charles I of Spain,

arrived in Cebu during his voyage to find a westward

route to the Spice Islands [1]. He persuaded Rajah

Humabon and his wife Hara Humamay, to pledge their

allegiance with Spain. They were later baptized into the

Catholic faith, taking the Christian names Carlos and

Juana. Magellan gave Juana the Santo Nino as a symbol

of the alliance. However, Magellan died during the

Battle of Mactan later that month, and the alliance

became more or less moot.

The Spanish returned to the Philippines in

February 1565. Cebu was the first stop of Basque

explorer Miguel López de Legazpi, who would later

found Manila. He defeated Rajah Tupas (nephew to Humabon) on April 27, destroying

the village in the process. The Santo Nino was found relatively unscathed in a burnt-

out dwelling. This event was quickly acknowledged as miraculous, and a church was

later constructed on the purported site of the discovery. Today, the Basilica Minore del

Santo Niño is an important historical and religious landmark in Cebu, with devotees

forming long line up to pay their respects to the Holy Child.

KAPISTAHAN NG PANGINOONG HESUS

ANG BANAL NA SANGGOL

JANUARY 18, 2009

ST. JOHN THE EVANGELIST CHURCH

SEVERNA PARK, MARYLAND

ANG MISA NG SAMBAYANAN

ad majorem dei gloriam

Page 2: misalette2009_0118

PAUNANG SALITA Ipinagdiriwang natin ngayon ang Kapistahan ng Sto. Niño na totoong malapit

sa puso ng maraming Katolikong Pilipino. Ang ganitong taunang pagdiriwang ay nagsimula noong bagu-bago pa lamang naging Kristiyano ang ating bansa, at patuloy pa ring may kaangkupan ito sa buhay natin ngayon. Sa isang natatanging paraan, pinagtutuunan natin ng pansin ang kabataan, ang lahat ng mga panganib na nagbabanta sa kanila, ang kanilang mga problema, at ang pag-asang dulot nila.

Ang araw na ito, at lalung-lalo na ang pagdiriwang natin ng Eukaristiya, ay magandang pagkakataon para ihabilin ang ating kabataan sa kalinga ng Sto. Niño at mahalin ang mga ito tulad ng pagmamahal niya. Palibhasa bahagi siya ng ating kasaysayan at buhay, tiyak na iingatan niya sila at tuturuan din niya tayo ng wastong paggabay sa kanila.

PAMBUNGAD NA AWIT

PAGBATI Sa Ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen. Pagpalain si Hesus na nagpakita ng natatanging pagmamahal sa

kabataan. Ang kanyang biyaya at kapayapaan ay sumainyong lahat. At sumaiyo rin.

SUMIGAW SA GALAK

Sumigaw sa galak, umawit umindak Purihin ang Diyos, purihin ng wagas

Ang ginawa ng D’yos lapit at pagmasdan Ang kahanga-hangang ginawa sa tanan Ibinulid Niya ang hari-harian, Tayo’y hinango N’ya sa’ting kaapihan

ANG ORASYON Binati ng anghel ng Panginoon si Maria. At siya’ naglihi lalang ng Espiritu Santo. Narito ang alipin ng Panginoon. Maganap nawa sa akin ayon sa wika mo. At ang Verbo ay nagkatawang-tao. At nakipamayan sa atin. Aba Ginoong Maria napupuno ka ng grasya ang Panginoong Diyos ay

sumasaiyo bukod kang pinagpala sa babaeng lahat at pinagpala naman ang ‘yong anak na si Hesus.

Santa Maria, Ina ng Diyos, ipanalangin mo kaming makasalanan, ngayon at kung kami’y mamamatay. Amen.

Ipanalangin mo kami Santang Ina ng Diyos. Nang kami’y maging marapat makinabang sa mga pangako ni

Hesukristo. Manalangin tayo. Panginoon naming Diyos, kasihan mo nawa ang aming mga kaluluwa

ng iyong mahal na biyaya. At yayamang dahilan sa pamamalita ng anghel ay nakilala namin ang pagkakatawang tao ni Hesukristong Anak Mo, alang-alang at pakundangan sa mahal Niyang pagpapakasakit at pagkamatay sa Krus, papakinabangin mo po kami ng Kanyang pagkabuhay na mag-uli sa kaluwalhatian sa langit sa pamamagitan ni Hesukristong aming Panginoon. Amen.

Luwalhati sa Ama, sa Anak, at sa Espiritu Santo. Kapara noong unang-una, ngayon at magpakaylanman at

magpasawalang-hanggan. Amen.

PAGWAWAKAS

Sumainyo ang Panginoon. At sumaiyo rin. Yumuko kayo’t hingin ang biyaya ng Diyos (Tumahimik) Tulutan nawa ng Diyos na makilala ninyo ang kahalagahan ng

kabataan para sa buhay ng Simbahan at ng lipunan.Amen. Gawin nawa kayo ng Diyos na mga itinatanging kasangkapan sa

pagtataguyod ng kapakanan at pag-unlad ng kabataan ng ating bayan. Amen.

Gantimpalaan nawa ng buhay na walang hanggan ang inyong mga pagsisikap sa pagbibigay ng mabuting halimbawa sa kabataan. Amen.

Pagpalain kayo ng makapangyarihang Diyos: Ama at Anak at Espiritu Santo. Amen.

Humayo kayo sa kapayapaan upang mahalin at paglingkuran ang Panginoon.

Salamat sa Diyos. PANGHULING AWIT

AWIT SA SANTO NINO

O San to Nino, mahal naming Santo, Patron ng bata’t matatanda Purihi’t sambahin ang Kanyang ngalan, Magalak tayo at masiyahan

Kung ang hanap ninyo’y kapayapaan, Pagmamahal ng Amang lumalang Lumapit tayo, tayo’y magpugay, Pakundangan sa Dyos na Maykapal

Ang ating puso, at ating diwa, Ating ialay na kusa Sa ating Poong Dyos, Tanging syang may gawa

Sa lahat ng mga bansa, Magpasalamat tayo’y manalig Sa ating Dyos ng pag-ibig, Tayo’y umasa, na kahit Sya’y paslit

Hinding hindi ka iwawaglit

Halina’t magsaya, halina’t umawit, Sa ating Diyos ng pag-ibig Sa ating paghibik, tayo’y nananabik, Ating saksi, lupa’t langit

Sa ligaya’t lumbay, sa mundong ibabaw, Ang Santo Nino ating tanglaw O Santo Nino, O Santo Nino, Ligaya’t buhay naming kinapal

Marami pong salamat sa inyong pagdalo . . . The Joy in the Spirit is inviting you, your family, and your friends to attend and be part of our weekly prayer meeting every Sunday at 5:00 pm, here at St. John the Evangelist Church gathering hall. For information, call Agnes Nepomuceno at 410-987-1694 =========================================================== Please visit Joy in the Spirit on the web: http://www.orgsites.com/md/jits

Page 3: misalette2009_0118

Ito ang Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng

sanlibutan. Mapalad ang mga inaanyayahan sa kanyang piging. Panginoon, hindi ako karapat-dapat na magpatuloy sa iyo

ngunit sa isang salita mo lamang ay gagaling na ako.

PANALANGIN PAGKAPAKINABANG

Ama naming mapagmahal, kaming pinapakinabang mo sa iyong piging na banal sa kapistahan ng iyong Anak na isinilang ng Mahal na Birhen ay makapamuhay nawa bilang iyong kasambahay na umuunlad sa karunungan at sa pagiging kalugud-lugod sa iyo at sa kapwa tao sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Amen.

KORDERO NG DIYOS

Kordero ng Diyos na nagaalis ng mga kasalanan ng sanlibutan Maawa Ka. (2x)

Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan

Ipagkaloob Mo sa amin ang kapayapaan.

AWIT SA KOMUNYON

PAGBABALIK-LOOB

® Ang diwa ko’y naninimdim kung malayo sa’Yo Ang puso ko’y namimighati kung mawalay sa’Yo

Kailan ko pa kaya matitikman ang awa Mo Kaylan tatamuhin ang patawad Mo

Masdan Mo, O Diyos, ang lingkod Mo na nagbabalik-loob sa Iyo

Bagama’t di marapat ay dumudulog sa’Yo upang makamtan ang awa Mo ®

Kay tagal kong nalayo sa’Yo at kay daming mga taong sinaktan ko

At ang s’yang inisip ko ay kaginhawahan ko, pininid sa kapwa ang puso ko ®

Kaya nga, O Diyos, kalugdan Mo ang pagbabalik-loob ko sa’Yo

Diwa ko’y linisin Mo, puso ko ay buksan Mo upang matugunan, tawag mo ®

PAGSISISI

Natitipon bilang mag-anak ng Diyos ngayong Kapistahan ng Sto.

Niño, tayo’y humiling sa Diyos ng Kanyang pagpapatawad upang maihandog natin ang Eukaristiyang ito nang may malinis na kalooban. (Manahimik sandali.)

Panginoong Hesus, ang Kaharian mo ay panlahat at tuwinang payapa. Panginoon, maawa ka.

Panginoon, maawa ka. Panginoong Hesus, naparito ka upang makibahagi sa kahinaan ng

aming pagkatao. Kristo, maawa ka Kristo, maawa ka. Panginoong Hesus, nais mong palapitin sa iyo ang kabataan.

Panginoon, maawa ka. Panginoon, maawa ka. Kaawaan tayo ng makapangyarihang Diyos, patawarin tayo sa ating

mga kasalanan, at patnubayan tayo sa buhay na walang hanggan. Amen.

PAMBUNGAD NA PANALANGIN

Manalangin tayo. (Tumahimik) Ama naming makapangyarihan, ang iyong Anak na Diyos na totoo ay

naging sanggol noong siya ay maging tao namang totoo. Maging amin nawang panata ang pagsunod sa kanyang kapakumbabaan sa pagdiriwang namin sa kanyang pakikiisa sa mga nasa abang katayuan upang kami’y mapabilang sa iyong pinaghaharian sa pamamagitan niya kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Amen.

Luwalhati sa Diyos

Luwalhati sa Diyos, Luwalhati sa Diyos Luwalhati sa Diyos sa kaitaasan (2x)

At sa lupa’y kapayapaan (2x). Sa mga taong may mabuting kalooban Pinupuri ka namin, dinarangal ka namin. Sinasamba ka namin, ipinagbubunyi ka

namin Pinasasalamatan ka namin dahil sa dakila mong kal’walhatian

Panginoong Diyos, hari ng langit, Diyos Amang makapangyarihan sa lahat Panginoong Heruskrito, bugtong na Anak. Panginoong Diyos, Kordero ng Diyos, Anak

ng Ama. ( Luwalhati… )

Ikaw na nag-aalis, ng mga kasalanan ng sanlibutan, Maawa ka, maawa ka, sa amin Ikaw na nag-aalis, ng mga kasalanan ng sanlibutan, Tanggapin mo ang aming

kahilingan Tanggapin mo ang aming kahilingan. Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama

Maawa ka, maawa ka sa amin. ( Luwalthati … )

Sapagkat Ikaw lamang ang banal at ang kataas-taasan. Ikaw lamang O Hesukristo ang Panginoon. Kasama ng Espitiru Santo sa kaluwalhatian

Page 4: misalette2009_0118

UNANG PAGBASA Ang maririnig nating pagpapahayag ay isang propesiya tungkol sa

isang mahiwagang bata – ang Mesiyas na naghahatid ng liwanag ng pag-ibig ng Diyos sa mundong pinagdilim ng pagkakasala. Pagpapahayag mula sa Aklat ni Propeta Isaias

Nakatanaw ng isang malaking liwanag ang bayang malaon nang nasa kadiliman, namanaag na ang liwanag sa mga taong namumuhay sa lupaing balot ng dilim. Iyong pinasigla ang kanilang pagdiriwang, dinagdagan mo ang kanilang tuwa. Tulad ng mga tao sa panahon ng anihan, tulad ng mga taong naghahati ng nasamsam na kayamanan. Nilupig mo ang bansang umalipin sa iyong bayan tulad ng pagkalupig sa hukbo ng Madian. Binali mo ang panghambalos ng mga tagapagpahirap sa kanila. Sapagkat ang panyapak ng mga mandirigma, ang lahat ng kasuutang tigmak sa dugo ay susunugin. Sapagkat ipinanganak para sa atin ang isang sanggol na lalaki. Ibinigay ang isang anak sa atin at siya ang mamamahala sa atin. Siya ang Kahanga- hangang Tagapayo, ang Makapangyarihang Diyos, Walang hanggang Ama, ang Prinsipe ng Kapayapaan. Malawak na kapangyarihan at walang hanggang kapayapaan ang ipagkakaloob sa trono ni David at sa kanyang paghahari upang matatag ito at papanatilihin sa katarungan at katwiran ngayon at magpakailanman. Isasagawa ito ng Makapangyarihang Panginoon. Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN

IKALAWANG PAGBASA Sa panalanging ito ng papuri at kahilingan, ipinahahayag ni Pablo

ang ilan sa mga lalong kalugud-lugod na katotohanan ng ating pananampalataya.

PURIHI’T PASALAMATAN

® Purihi’t pasalamatan sa masayang awit Purihin natin at pasalamatan ang Diyos ng pag-ibig

Sa’Yo Ama, salamat sa mayamang lupa’t dagat

At sa magandang kalikasan at sa aking tanang buhay ®

Salamat din kay Kristo, sa Kanyang halimbawa At sa buhay N’yang inialay sa ating kaligtasan ®

At sa Espiritu Santo, salamat sayong tanglaw

Na nagbibigay ng liwanag sa taong humahanap ®

Salamat sa Diyos, salamat sa Diyos sa Wika Mong banal, salamat po Salamat sa Diyos, salamat sa Diyos, sa bugtong Mong Anak, salamat po.

PAGBUBUNYI Ipagbunyi natin ang misteryo ng ating pananampalataya.

DAKILANG AMEN Sa pamamagitan ni Kristo, kasama Niya’t sa Kanya, ang lahat ng

parangal at papuri ay sa iyo Diyos Amang makapangyarihan, kasama ng Espiritu Santo, magpasawalang hanggan.

Sa tagubilin ng mga nakagagaling na utos at turo ni Hesus na

Panginoon Natin at Diyos, ipahayag natin sa pag-awit ng lakas-loob:

PAGBATI NG KAPAYAPAAN

Panginoong Jesu-Kristo, sinabi mo sa iyong mga Apostol: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo, ang aking kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo.” Tunghayan mo ang aming pananampalataya at huwag ang aming pagkakasala. Pagkalooban mo kami ng kapayapaan at pagkakaisa ayon sa iyong kalooban kasama ng Espiritu Santo, magpasawalang hanggan.

Amen. Ang kapayapaan ng Panginoon ay lagi nawang sumainyo. At sumainyo rin. Magbigayan kayo ng kapayapaan sa isa’t isa.

A-men, a-men, a--men, a-men, a-men, a--men, a-men.

AMA NAMIN

Ama namin sumasalangit Ka. Sambahin ang ngalan Mo.

Mapasa amin ang kaharian Mo, Sundin ang loob Mo,

Dito sa lupa, para ng sa langit. Bigyan Mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw.

At patawarin Mo kami sa aming mga sala. Para ng pagpapatawad namin sa nagkakasala sa amin.

At huwag Mo kaming ipahintulot sa tukso At iadya Mo kami sa lahat ng masama.

Sapagkat sa ‘Yo nagmumula

ang kaharian at kapangyarihan at ang kaluwalhatian

Sa krus Mo at pagkabuhay kami’y natubos Mong tunay Poong Hesus naming mahal iligtas Mo kaming tanan

Page 5: misalette2009_0118

nagbibigay ng Iyong Espiritu. Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kaylanman. Diyos Amang Lumikha, nakikiusap kaming mga makasalanan.

Tanggapin Mo ang aming pagsisisi bilang handog upang kami’y matutong sumunod sa Iyo ng buong puso.

O Diyos kong mahal, kasalanan ko’y hugasan at linisin Mong lubusan ang nagawa kong pagsuway.

Manalangin kayo mga kapatid, upang ang paghahain natin ay kalugdan ng Diyos Amang makapangyarihan.

Tanggapin nawa ng Panginoon itong paghahain sa iyong mga kamay sa kapurihan niya at karangalan, sa ating kapakinabangan at sa buong Sambayanan niyang banal. PANALANGIN UKOL SA MGA ALAY

Ama naming Lumikha, sa pagdiriwang namin sa kapistahan ng Banal na Sanggol, paunlakan mo ang aming pagdulog upang ganapin ang kanyang paghahain at ang kinamtan niyang kapatawaran ay pakinabangan namin sa pamamagitan niya kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Amen.

PREPASYO Sumainyo ang Panginoon At sumainyo rin. Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa Itinaas na namin sa Panginoon. Pasalamatan natin ang panginoong ating Diyos. Marapat na Sya ay pasalamatan. Ama naming makapangyarihan, tunay ngang marapat na ikaw ay

aming pasalamatan sa pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon. Ang Anak mong di na naiiba sa amin ay siyang pumawi sa dilim

kaya ngayo’y ikaw ang aming nababanaagan. Ang Anak mong di naiiba sa iyo ay siyang iisang Salita mo. Sa katauhan niya ang iyong sarili’y aming nakikita. Sa pamamagitan niya ang iyong pagibig ay kahali-halina kahit ikaw ay lingid sa aming mata.

Kaya kaisa ng mga anghel na nagsisiawit ng papuri sa iyo nang walang humpay sa kalangitan, kami’y nagbubunyi sa iyong kadakilaan:

SANTO

Santo, santo, santo D’yos na makapangyarihan Napupuno ang langit at lupa ng kal’walhatian Mo

Hosana, hosanna sa kaitaasan, sa kaitaasan.

Pinagpala ang naparirito sa ngalan ng Panginoon Hosana, hosanna, sa kaitaasan. Hosana, hosanna, sa kaitaasan.

Pagpapahayag mula sa Sulat ni Apostol San Pablo sa mga Taga-Efeso

Mga kapatid: Magpasalamat tayo sa Diyos at Ama ng ating Panginoong Hesukristo! Pinagkalooban niya tayo ng lahat ng pagpapalang espirituwal dahil sa ating pakikipag-isa kay Kristo. At sa atin ngang pakikipag-isang ito, hinirang na niya tayo bago pa nilikha ang sanlibutan upang maging banal at walang kapintasan sa harapan niya. Dahil sa pag-ibig ng Diyos, tayo’y kanyang itinalaga upang maging mga anak niya sa pamamagitan ni Hesukristo. Iyan ang kanyang layunin at kalooban. Purihin natin siya dahil sa kanyang kahangahangang pagkalinga sa atin sa pamamagitan ng kanyang minamahal na Anak!

Kaya nga, mula nang mabalitaan ko ang tungkol sa inyong pananalig sa Panginoong Hesus at ang inyong pag-ibig sa lahat ng hinirang, walang humpay ang pasasalamat ko sa Diyos para sa inyo. Inaalaala ko kayo sa aking pananalangin, at hinihiling sa Diyos ng ating Panginoong Hesukristo, ang dakilang Ama, na pagkalooban niya kayo ng espiritu ng karunungan at ng tunay na pagkakilala sa kanya. Nawa’y liwanagan ng Diyos ang inyong mga isip upang malaman ninyo ang ating inaasahan sa kanyang pagkatawag sa atin. Ito’y ang kaluwalhatiang inilaan niya sa kanyang mga hinirang. Ang Salita ng Diyos.

ALELUYA Aleluya! Aleluya! Naging tao ang Salita, upang tanang maniwala ay kanyang gawing

dakila. Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA

Sumainyo ang Panginoon. At sumainyo rin. Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo Papuri sa iyo, Panginoon. Noong panahong iyon, lumapit kay Hesus ang mga alagad at

nagtanong, “Sino po ang pinakadakila sa kaharian ng langit?” Tinawag ni Hesus ang isang bata, pinatayo sa harapan nila, at

sinabi, “Tandaan ninyo ito: kapag hindi kayo nagbago at tumulad sa mga bata, hinding-hindi kayo mabibilang sa mga pinaghaharian ng Diyos. Ang sinumang nagpapakababa na gaya ng batang ito ay siyang pinakadakila sa mga pinaghaharian ng Diyos. Ang sinumang

Aleluya, aleluya kami ay gawin Mong daan Ng Iyong pagibig, kapayapaan at katarungan, aleluya. (Repeat)

Salamat sa Diyos, salamat sa Diyos sa Wika Mong banal, salamat po Salamat sa Diyos, salamat sa Diyos, sa bugtong Mong Anak, salamat po.

Page 6: misalette2009_0118

tumatanggap sa isang batang ganito dahil sa akin ay ako ang tinatanggap.

Ingatan ninyo na huwag hamakin ang isa sa maliliit na ito. Sinasabi ko sa inyo: sa langit, ang kanilang mga anghel ay laging nasa harapan ng aking Ama.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon. Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo.

HOMILYA SUMASAMPALATAYA

Sumasampalataya ako sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat,na may gawa ng langit at lupa.

Sumasampalataya ako kay Hesukristo, iisang Anak ng Diyos, Panginoon nating lahat. Nagkatawantao siya lalang ng Espiritu Santo, ipinanganak ni Santa Mariang Birhen. Pinagpakasakit ni Poncio Pilato, ipinako sa krus, namatay, inilibing. Nanaog sa kinaroroonan ng mga yumao. Nang may ikatlong araw nabuhay na mag-uli. Umakyat sa langit. Naluluklok sa kanan ng Diyos Amang makapangyarihan sa lahat. Doon magmumulang paririto at huhukom sa nangabubuhay at nangamatay na tao.

Sumasampalataya naman ako sa Diyos Espiritu Santo, sa banal na Simbahang Katolika, sa kasamahan ng mga banal, sa kapatawaran ng mga kasalanan, sa pagkabuhayna muli ng nangamatay na tao at sa buhay na walang hanggan.

Amen. PANALANGIN NG BAYAN

Sa pagpaparangal natin ngayon sa Sto. Niño, pagtuunan natin ang ating kabataan at ipanalangin ang lahat ng kanilang pangangailangan:

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin. Nawa ang buong Simbahan, sa pamumuno ng Santo Papa,

ating Obispo, at mga pari, ay magpamalas ng natatanging praktikal na pagkalinga sa ating kabataan. Manalangin tayo sa Panginoon. Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.

Nawa lahat ng guro at ang Media ay makatulong sa pagkikintal sa ating kabataan ng mga tunay na pagpapahalaga at makaganyak sa kanilang magsabuhay ng mga ito, Manalangin tayo sa Panginoon. Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.

Nawa lumago ang ating kabataan sa katapatan at kalinisan sa kanilang pagsasabuhay ng pananampalatayang Katoliko, Manalangin tayo sa Panginoon. Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.

Nawa alagaan ng lahat ng magulang ang kanilang mga anak, tulad ng pag-aalaga nina Maria at Jose kay Hesus at tulutan nawang mahubog nila silang maging mabubuting mamamayan at mga masisigasig na kasapi ng Simbahan,

Manalangin tayo sa Panginoon. Panginoon, dinggin Mo ang aming

panalangin.

Nawa lahat ng deboto ng Sto. Niño ay magtiyagang palaguin ang kanilang pag-ibig sa Diyos at sa kapwa, Manalangin tayo sa Panginoon. Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.

Tahimik nating ipanalangin ang ating mga sariling kahilingan. (Tumigil sandali.) Manalangin tayo sa Panginoon. Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.

Panginoon, tulutan Mong pagmalasakitan namin ang kabataan namin

ngayon at pagsikapan namin ang kanilang kapakanan alangalang sa pag-ibig namin sa Iyong nabubuhay at naghahari nang walang hanggan.

Amen. AWIT SA PAG-AALAY

Kapuri-puri ka, Diyos Amang Lumikha sa sanlibutan. Sa Iyong kagandahang-loob, narito ang aming maiaalay, mula sa lupa at bunga ng aming paggawa ang tinapay na ito para maging pagkaing nagbibigay buhay.

Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kaylanman. Kapuri-puri ka, Diyos Amang lumikha sa sanlibutan. Sa iyong

kagandahang loob, narito ang aming maiaalay, mula sa katas ng ubas at bunga ng aming paggawa ang alak na ito para maging inuming

KAPURI-PURI KA

Kapuri-puri ka D’yos Amang lumikha ng lahat

Sa iyong kagandahang loob narito an gaming maiaalay Mula sa lupa at bunga n gaming paggawa

Ang tinapay na ito para maging pagkaing nagbibigay buhay

® Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at magpakailanman

Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at magpakailanman

Kapuri-puri ka D’yos Amang lumikha ng lahat

Sa iyong kagandahang loob narito an gaming maiaalay Mula sa ubas at bunga ng aming paggawa

Ang alak na ito para maging inuming nagbibigay lakas ®


Recommended