+ All Categories
Home > Documents > Taon 9 Blg. 1 Enero - Marso 20 10 2010 Annual Budget OK...

Taon 9 Blg. 1 Enero - Marso 20 10 2010 Annual Budget OK...

Date post: 14-Mar-2018
Category:
Upload: ngotu
View: 220 times
Download: 0 times
Share this document with a friend
4
2010 Annual Budget OK’d 2010 Annual Budget OK’d 2010 Annual Budget OK’d 2010 Annual Budget OK’d Taon 9 Blg. 1 Enero - Marso 2010 OPISYAL NA PAHAYAGAN NG SANGGUNIANG PANLALAWIGAN NG BULACAN Website: http://sp.bulacan.gov.ph Malolos City, Bulacan The Sangguniang Panlalawigan enacted Provincial Resolution No. 024- S-2010 (Appropriation Ordinance No. 2010-01) last February 1, 2010 approving the 2010 Annual Budget of the province in the amount of Two Billion Five Hundred Million Pesos (P2,500,000,000.00). This year’s budget is 6.07 percent higher or P143 million more than last year’s budget of P2.357 billion. Largest chunk of the 2010 budget was appropriated for social services amounting to P995,922,453.94 or 39.84% of the total, followed by the appropriation for general services amounting to P812,312,565.06 or NAGKAALAMAN na kung alin at sino ang talagang mahuhusay at katangi-tanging sangguniang bayan at sangguniang panlungsod, tagapangulo ng hapag, kagawad at kalihim ng sanggunian na gagawaran ng parangal para sa Gawad Galing Sanggunian sa taong 2009. Ang kasagutan ay nabigyang daan sa katatapos na Gawad Parangal ng Gawad Galing Sanggunian 2009 noong Marso 5, 2009 sa Cabanas Grand Pavilion, Lungsod ng Malolos. (Sundan sa P. 2) 32.49% of the total. Appropriation for economic services came third at P694,984,981.00 (27.79% of the total). The Committee on Appropriations, chaired by Board Member Glenn Santos, Majority Floor Leader of the Sangguniang Panlalawigan, had conducted several public hearings before the said budget was finally approved by the Sangguniang Panlalawigan. With the budget’s approval, the salary increase of the employees will be finally received and enjoyed by the employees. GGS 2009 Gawad Parangal GGS 2009 Gawad Parangal GGS 2009 Gawad Parangal GGS 2009 Gawad Parangal Ginanap Ginanap Ginanap Ginanap Sangguniang Panlungsod of San Jose Del Monte Sangguniang Bayan of Calumpit Gawad Galing Sangguniang Panlungsod 2009 Gawad Galing Sangguniang Bayan 2009
Transcript
Page 1: Taon 9 Blg. 1 Enero - Marso 20 10 2010 Annual Budget OK ...sp.bulacan.gov.ph/images/legislative_digest/LD-2010-1.pdf · Punong Lungsod Eduardo V. Roquero ng Lungsod ng San Jose ...

2010 Annual Budget OK’d2010 Annual Budget OK’d2010 Annual Budget OK’d2010 Annual Budget OK’d

Taon 9 Blg. 1 Enero - Marso 2010

OPISYAL NA PAHAYAGAN NG SANGGUNIANG PANLALAWIGAN NG BULACAN Website: http://sp.bulacan.gov.ph

Malolos City, Bulacan – The Sangguniang

Panlalawigan enacted Provincial Resolution No. 024-

S-2010 (Appropriation Ordinance No. 2010-01) last

February 1, 2010 approving the 2010 Annual Budget

of the province in the amount of Two Billion Five

Hundred Million Pesos (P2,500,000,000.00). This

year’s budget is 6.07 percent higher or P143 million

more than last year’s budget of P2.357 billion.

Largest chunk of the 2010 budget was appropriated

for social services amounting to P995,922,453.94 or

39.84% of the total, followed by the appropriation for

general services amounting to P812,312,565.06 or

NAGKAALAMAN na kung alin at sino ang talagang mahuhusay at katangi-tanging sangguniang

bayan at sangguniang panlungsod, tagapangulo ng hapag, kagawad at kalihim ng sanggunian na

gagawaran ng parangal para sa Gawad Galing Sanggunian sa taong 2009. Ang kasagutan ay nabigyang

daan sa katatapos na Gawad Parangal ng Gawad Galing Sanggunian 2009 noong Marso 5, 2009 sa

Cabanas Grand Pavilion, Lungsod ng Malolos. (Sundan sa P. 2)

32.49% of the total. Appropriation for economic

services came third at P694,984,981.00 (27.79% of

the total).

The Committee on Appropriations, chaired by Board

Member Glenn Santos, Majority Floor Leader of the

Sangguniang Panlalawigan, had conducted several

public hearings before the said budget was finally

approved by the Sangguniang Panlalawigan.

With the budget’s approval, the salary increase of the

employees will be finally received and enjoyed by

the employees.

GGS 2009 Gawad Parangal GGS 2009 Gawad Parangal GGS 2009 Gawad Parangal GGS 2009 Gawad Parangal GinanapGinanapGinanapGinanap

Sangguniang Panlungsod of San Jose Del Monte Sangguniang Bayan of Calumpit Gawad Galing Sangguniang Panlungsod 2009 Gawad Galing Sangguniang Bayan 2009

Page 2: Taon 9 Blg. 1 Enero - Marso 20 10 2010 Annual Budget OK ...sp.bulacan.gov.ph/images/legislative_digest/LD-2010-1.pdf · Punong Lungsod Eduardo V. Roquero ng Lungsod ng San Jose ...

GGS 2009 Gawad Parangal Ginanap… (mula sa P. 1) Ang ginawaran ng pagkilala at parangal ay ang mga sumusunod: Gawad Galing Kalihim ng Sanggunian 2009 Winner: Sec. Felix P. Cadiz – Sangguniang Panlungsod of San Jose Del Monte 1st Runner-up: Sec. Elena M. Lumabas of Sangguniang Bayan of Obando 2nd Runner-up: Sec. Oliva L. Feliciano of Sangguniang Bayan of Calumpit

Gawad Galing Kagawad ng Sangguniang Panlungsod 2009 Winner: City Councilor Enry L. Santos – Sangguniang Panlungsod of San Jose Del Monte

Gawad Galing Kagawad ng Sangguniang Bayan 2009 Winner: Councilor Florencio P. Salita – Sangguniang Bayan of Bulakan 1st Runner-up: Councilor Sheila Ana Enrina R. Enriquez – Sangguniang Bayan of Plaridel 2nd Runner-up: Councilor Edmundo S. Papa – Sangguniang Bayan of Obando

Gawad Galing Tagapangulo ng Sanggunian 2009 Winner: Vice-Mayor Estrelita P. Aballa – Sangguniang Bayan of Guiguinto 1st Runner-up: Vice-Mayor Alner R. Lim Rañola – Sangguniang Bayan of Calumpit Gawad Galing Sangguniang Panlungsod 2009 Winner: Sangguniang Panlungsod of San Jose Del Monte Gawad Galing Sangguniang Panlungsod 2009 Winner: Sangguniang Bayan of Calumpit 1st Runner-up: Sangguniang Bayan of Obando 2nd Runner-up: Sangguniang Bayan of Guiguinto

Sa pagkakapili bilang Gawad Galing Sanggunian ng 2009, tumanggap ang Sangguniang Bayan ng Calumpit at Sangguniang Panlungsod ng San Jose Del Monte ng tig-Isang Daang Libong Piso (P100,000.00) at tropeo ng karangalan, samantalang sina Pangalawang Punong Bayan Estrelita Aballa ng Guiguinto, Gawad Galing Tagapangulo ng Sanggunian, Konsehal Enry Santos ng Lungsod ng San Jose Del Monte at Konsehal Florencio Salita ng Bulakan, kapwa Gawad Galing Kagawad, ay nagsitanggap ng tig-Limampung Libong Piso ( P50,000.00) at ng mga tropeo ng karangalan. Ang hinirang namang Gawad Galing Kalihim ng taon na si Kalihim Felix Cadiz ng Lungsod ng San Jose Del Monte ay tumanggap ng Dalawampu’t Limang Libong Piso (P25,000.00) at tropeo ng karangalan.

Nabigyan din ng parangal at pagkilala ang Sangguniang Bayan ng Norzagaray na tumanggap ng plake bilang “Most Improved Sanggunian”, ang Sangguniang Bayan ng Bulakan para sa “Innovations Award”, Sangguniang Bayan ng Calumpit, Sangguniang Bayan ng Guiguinto at Sangguniang Bayan ng Obando para sa “Complete Number of Sessions Held Awards.” Pinarangalan din ang 19 na kagawad at isang kalihim ng

sanggunian na may kumpletong pagdalo sa sesyon mula Agosto

2008 hanggang Setyembre 2009, gayundin ang 31 kagawad ng sanggunian na nakatatlong termino ng panunungkulan Pinagkalooban naman ng “Posthumous Awards” ang isang kagawad, 2 punong bayan at 2 punong lungsod na namayapa na. Ito ay sina Kagawad Crispulo L. Garcia ng Sangguniang Bayan ng San Miguel, Punong Lungsod Eduardo V. Alarilla ng Meycauayan, Punong Bayan Roberto M. Oca, Jr. ng Pandi, Punong Lungsod Eduardo V. Roquero ng Lungsod ng San Jose del Monte at Punong Bayan Anacleto R. Meneses ng Bulakan. Sina Marco “Mcoy” Fundales ng Kenyo Band at Katrina Anne Bernardo ng PPDO ang mga naging guro ng palatuntunan. Naging panauhin din ang Himig ng Bulacan na nagkaloob ng ilang masisiglang awitin at siya ring nanguna sa panalangin at pag-awit ng Lupang Hinirang. Hindi nakarating sa okasyon ang Punong Lalawigan Jonjon Mendoza at Pangalawang Punong Lalawigan Wilhemino Sy-Alvarado, gayundin ang panauhing tagapagsalita, ang dating Punong Lalawigan Josie Dela Cruz, na may mabigat na kompromiso. Tanging ang dating Bokal Pacifico Aniag, na tumayong kapalit ni Gov. Josie, ang dumating at naging tagapagsalita ng gabing yaon. Naging panauhin din ang Punong Lalawigan ng Laguna na si Gov. Teresita “Ningning” Lazaro, na isa palang Bulakenya. Bagama’t hindi naman sinasadya ang pagkadalaw niya sa lalawigan, lalo na sa gabi ng parangal, bumati rin at nagpugay ang gobernador ng Lagina sa naturang pagdiriwang. “Ikinalulungkot ko na hindi nakadalo sa gabing ito ang ating mga mataas na pinuno ng lalawigan, gayundin ang ating dating punong lalawigan, na pangunahing tagapagtaguyod ng proyektong ito, sanhi ng ilang mga mabibigat na kompromiso na hindi naman natin inaasahang masasabay sa okasyong ito. Magkagayunman, bagama’t wala sila, maayos at matagumpay naman nating naidaos ang pagpaparangal sa gabing ito. At iyon ang mahalaga sa lahat.” ani Bokal Michael Fermin, tagapangulo ng GGS Executive Committee, na siyang punong abala sa proyektong ito. Sa mga pinarangalan, isang mataos na pagbati at mabuhay kayo!

2

Election Quotes In order to become the master, the politician poses as

the servant. ~ Charles De Gaulle

Bad officials are elected by good citizens who do not

vote. ~ George Jean Nathan

We always want the best man to win an election.

Unfortunately, he never runs. ~ Will Roger

Those who stay away from the election think that one

vote will do no good: 'Tis but one step more to think

one vote will do no harm. ~ Ralph Waldo Emerson

Democracy substitutes election by the incompetent

many for appointment by the corrupt few ~ George

Bernard Shaw

Page 3: Taon 9 Blg. 1 Enero - Marso 20 10 2010 Annual Budget OK ...sp.bulacan.gov.ph/images/legislative_digest/LD-2010-1.pdf · Punong Lungsod Eduardo V. Roquero ng Lungsod ng San Jose ...

Lungsod ng Malolos – Muling nagkatipun-tipon ang mga punong barangay sa lalawigan ng Bulacan kaugnay ng idinaos na 7th Provincial Convention ng Liga ng mga Barangay sa Bulacan, sa pangunguna ni Bokal Ferdinand Estrella, panlalawigang tagapangulo ng Liga, noong Marso 19 – 21, 2010 sa Venezia Hotel, Subic Bay, Lungsod ng Olongapo. Naging pangunahing adyenda ng kumbensyon ang pagsusulong ng mga pagbabago para sa patuloy na kaunlaran ng bansa sa diwa ng mahusay na paglilingkod. Naging panauhing tagapagsalita sa naturang tatlong araw na okasyon ang muling tumatakbo sa pagkasenador na si dating Senador Franklin Drilon at si Gobernador Jonjon Mendoza, gayundin sina dating Gobernador Josie Dela Cruz at dating Bokal Boy Aniag, kapwa tumatakbo sa pagka-gobernador at bise-gobernador. Sa kanilang mensahe binigyang diin nina Gob. Jonjon Mendoza, dating Gob. Josie Dela Cruz at Bokal Boy Aniag ang mahalagang gampanin ng mga lider sa barangay tungo sa ikatatagumpay ng mga proyektong isinusulong ng pamahalaang panlalawigan. Sa kanyang mensahe, tinuran naman ni Bokal Ferdie Estrella na magandang pagkakataon din ang kumbensyong ito na maibahagi ang kaalaman at kasanayan ng mga punong barangay sa makabagong paraan ng pagboto na ibinahagi ni Abgdo. Enrique “Buko” Dela Cruz, pangalawang pangulo ng Liga ng mga Konsehal sa Pilipinas sa Luzon. Dagdag pa niya na ang kumbensyong ito ay nagsilbing “one-stop-shop” para

sa mga taga-barangay sapagkat natutuhan din nila ang iba’t iba pang bagay, tulad ng mga usaping ligal na nakakaapekto sa mga barangay at sa pambansang liga, at ang tungkol sa disaster management and preparedness. Nagkaroon din ng aktwal na demonstrasyon ng paggamit ng automated polling machines bilang bahagi pa rin ng Voting Education Campaign ng Comelec.

3

Kumbensyon ng Liga ng mga Kumbensyon ng Liga ng mga Kumbensyon ng Liga ng mga Kumbensyon ng Liga ng mga

Barangay, Naging OneBarangay, Naging OneBarangay, Naging OneBarangay, Naging One----StopStopStopStop----ShopShopShopShop

Si Gov. Jonjon at ang mga Punong Barangay ng Bulacan

Si Gov. Josie at ang mga Punong Barangay ng Bulacan

Panahon na ng eleksyon at syempre panahon na ng kampanyahan ng ating mga kandidato. Kabi-kabila na ang pasayo at pag-ikot ng mga sasakyang may iba-t ibang makatawag-pansing “jingles” ng mga kandidato. Uso na rin ang pangangamay at pagbabahay-bahay ng mga pulitiko at ang pamimigay ng mga eleksyon materials tulad ng sample ballots, at makulay na makulay ang ating mga kalsada dahil sa mga idinikit at ipinaskel na mga posters at tarpaulin ng mga kandidato sa mga puno, poste, pader at bakod. Iba’t iba ang gimik ng mga kandidato, may kumakanta at sumasayaw sa entablado, may nagpapalitrato kasama ng mga bata at dukha, may dumadalo sa mga graduations o religious meetings ng iba’t ibang sekta ng relihiyon. at may nagpapa-endorso sa mga artista.

Dito sa Bulacan, lalo na sa ating Pamahalaang Panlalawigan, nangangampanya na rin ang ating mga pinuno sa pangunguna ng Punong Lalawigan Jonjon Mendoza na tumatakbong kongresista ng ikatlong distrito (LP). Si Vice-Gov. Willy Sy-Alvadaro ay

tumatakbo namang gobernador (LKS-KAM), samantalang ang karamihan sa mga bokal ay mga reeleksyonista tulad nina Bokal Centi Cruz (LKS-KAM), Bokal Monet Posadas (LP), Bokal Boy “Asac” Viudez (LP), Bokal King Sarmiento (LP) at Bokal Jonjon Delos Santos (LP). Si Bokal Christian Natividad ay tumatakbo sa pagka-meyor ng Lungsod ng Malolos (LP), samantalang sina Bokal Ariel Arceo (PMP) at Bokal Erning Sulit (LP) ay tumatakbong konsehal ng Guiguinto at San Miguel. Sina Bokal Pat Laderas at Bokal Glenn Santos ay hindi tatakbo sapagkat nakatatlong termino na sila sa Sangguniang Panlalawigan at hindi naman sila kumandidato para sa ibang posisyon.

Magtatapos ang termino ng panunuingkulan ng kasalukuyang nakaupong pinuno ng lalawigan sa Hunyo 30 at magsisimula ng panunungkulan ang mga bagong mahahalal sa Hulyo 1. Abangan na lang natin kung sinu-sino ang makababalik sa puwesto at ang mga bagong uupo. Inasahan natin na ang mga karapat-dapat at tunay na makapaglilingkod sa bayan ang ating ihahalal sa Mayo 10 tungo sa patuloy na pagsulong ng ating bayan.

ELECTION FEVER IS ON!

Page 4: Taon 9 Blg. 1 Enero - Marso 20 10 2010 Annual Budget OK ...sp.bulacan.gov.ph/images/legislative_digest/LD-2010-1.pdf · Punong Lungsod Eduardo V. Roquero ng Lungsod ng San Jose ...

Vice-Mayor Estrelita Aballa – Sangguniang Bayan ng Guiguinto Konsehal Florencio P. Salita - Sanggunian Bayan ng Bulakan

Gawad Galing Tagapangulo ng Hapag 2009 Gawad Galing Kagawad ng Sangguniang Bayan 2009

Konsehal Enry L. Santos - Sangguniang Panlungsod ng SJDM Kalihim Felix P. Cadiz - Sangguniang Panlungsod ng SJDM

Gawad Galing Kagawad ng Sangguniang Panlungsod 2009 Gawad Galing Kalihim ng Sanggunian 2009

4

SP QUIKSTAT 2010 First Quarter

A. PLENARY AFFAIRS:

1. No. of Sessions Conducted: 7 B. COMMITTEE AFFAIRS:

1. No. of Committee Meetings Conducted: 77 2. No. of Committee/Public Hearings Conducted: 8

C. RESOLUTIONS/ORDINANCES

1. No. of Resolutions/Ordinances Enacted: 57

a. Provincial Resolutions: 13 b. Provincial Ordinances: 1 c. City/Municipal Resolutions: 0 d. City/Municipal Ordinances 43 _____

D. SIGNIFICANT ACCOMPLISHMENTS:

1. Conduct of Gawad Galing Sanggunian 2009 2. Posting/Publication of Ordinances 3. Scanning/Backing up of Resolutions/Ordinances 4. Encoding of Resolutions’ titles and pertinent data in the Legislative Tracking System (excel) 5. Maintenance and Updating of SP Website 6. Publication of quarterly newsletter Legislative Digest 7. Review and approval of MOAs/MOUs 8. Review and approval of Annual Budgets


Recommended