+ All Categories
Home > Documents > Tanggol Wika (30 Hunyo 2015)

Tanggol Wika (30 Hunyo 2015)

Date post: 27-Apr-2023
Category:
Upload: dlsu
View: 0 times
Download: 0 times
Share this document with a friend
122
A LUTA CONTINUA!: Ang Pakikibaka Para sa Filipino sa Kolehiyo At Iba Pang Kaugnay na Isyu David Michael San Juan Associate Professor, De La Salle University-Manila Convenor, Alyansa ng Mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino (TANGGOL WIKA) Public Information Officer, Alliance of Concerned Teachers-Private Schools (ACT Private)
Transcript

A LUTA CONTINUA!: Ang Pakikibaka Para sa

Filipino sa Kolehiyo At

Iba Pang Kaugnay na Isyu David Michael San Juan

Associate Professor, De La Salle University-Manila Convenor, Alyansa ng Mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino

(TANGGOL WIKA) Public Information Officer, Alliance of Concerned Teachers-Private Schools

(ACT Private)

Panimula: Kontrobersyang Pangwika Noon

• Kabanata 7 sa “El Filibusterismo”

Puno’t Dulo ng Gulo…

• CHED Memo. Order/CMO No. 20, Series of 2014

• Pagbura sa Filipino sa kurikulum ng kolehiyo

Puno’t Dulo ng Gulo…

• Binura rin ang mga asignaturang Panitikan/Literatura at Philippine Government & Constitution sa bagong General Education Curriculum (GEC)

• Pinahina ang mga asignaturang mahalaga sa pagpapatibay ng pambansang identidad, at pambansang kaunlaran

• Ipinatupad ang K to 12 kahit na hindi ito nakaayon sa pangangailangan ng bansa at ng mga mamamayan ng Pilipinas

Globalisasyon: Kadena ng Dependensiya

Kronolohiya ng Pakikibaka

• 21 Hunyo 2014 – Sa pangunguna ng Departamento Filipino ng DLSU-Manila, isinagawa ang Konsultatibong Forum-Asembliya sa Sitwasyon ng Filipino sa Kolehiyo. Humigit-kumulang 400 guro, mag-aaral, propesyunal, at tagapagtaguyod ng wikang Filipino ang dumalo sa nasabing forum-asembliya. Si Pambansang Alagad ng Sining Dr. Bienvenido Lumbera ang nagbigay ng inspirasyonal na pahayag sa nasabing aktibidad. Sa pagtitipon ding iyon ay binuo ng humigit-kumulang 70 kolehiyo, unibersidad, samahang pangwika at pangkultura, at paaralan, ang TANGGOL WIKA o Alyansa ng Mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino, ang kauna-unahang malapad na alyansang naninindigan na: panatilihin ang pagtuturo ng asignaturang Filipino sa kolehiyo; rebyuhin ang CMO No. 20, Series of 2013; gamitin ang wikang Filipino sa pagtuturo ng iba’t ibang asignatura; at isulong ang makabayang edukasyon.

Kronolohiya ng Pakikibaka • 22 Hunyo 2014 – press release ng CHED hinggil sa

pagiging mandatory na medium of instruction ng Filipino

• 04 Hulyo 2014 – konsultasyon ng CHED sa Metro Manila

• 31 Hulyo 2014 – deadline ng pagpapasa ng posisyong papel sa isyu

• 27 Nobyembre 2014 – pangalawang press release ng CHED hinggil sa isyu (walang pinagbago sa pahayag noong 22 Hunyo 2014)

• 15 Abril 2015 – Petisyon sa Korte Suprema vs. CMO No. 20; at TRO pagkatapos ng isang linggo

Nasaan na Tayo Ngayon?

• Malakas na ang Tanggol Wika: mahigit 150 affiliate na institusyon, unibersidad, samahang pangkultura, samahang pangwika atbp.

• Mahigit 8,000 likes ng Tanggol Wika Facebook page

• Daan-daan libong pirma sa manipesto ng Tanggol Wika

• Halos lahat ng nasa akademya ay pro-Filipino

• NAKAPAGSAMPA na ng petisyon sa Korte Suprema

• MAY TRO NA sa CMO No. 20, Series of 2013

• May pakikipagdiyalogo sa Suspend K to 12 Alliance

Nasaan na Tayo Ngayon?

• Laman ng pambansang diskurso ang isyung pangwika

• Popular ang mga panawagan ng Tanggol Wika

• May posisyong papel na pro-Filipino ang maraming paaralan at prominenteng indibidwal

TRO sa CMO No. 20, Series of 2013

Epekto ng TRO • Pinapahinto ang pagbura sa Filipino at Panitikan

sa kolehiyo • Nakapagfile na ng “comment” sa ating petisyon

ang CHED at Malakanyang • Hindi maaaring magplano ang mga unibersidad

nang hindi isinasama ang Filipino at Panitikan sa kurikulum

• Epektibo ang TRO hanggang sa maglabas ng bagong pasya ang Korte Suprema

• TULOY ANG LABAN DAHIL WALA PANG FINAL DECISION at MARAMI PANG IBANG ISYU…

Anong Dapat Nating Gawin?

• Tuluy-tuloy na magsagawa ng forum, asembliya, at mga kilos-protesta para lalong lumawak ang suporta ng taumbayan sa ating mga panawagan

• Makipag-ugnayan sa mga Departamento ng Literatura, Departamento ng Agham Politika, Departamento ng Agham Panlipunan at iba pang katulad o katumbas na departamento upang lalong mapalawak ang ating hanay

Anong Dapat Nating Gawin?

• Ipamalita sa ating mga kakilalang guro ang tungkol sa adbokasiya at mga tagumpay ng Tanggol Wika

• Suriin natin ang buong programang K to 12, at palalimin at palawakin ang ating pagsusuri hinggil dito sa pamamagitan ng pagtalakay sa mga kaugnay na usapin tulad ng neoliberalismo, Labor Export Policy, globalisasyon, kolonyal na edukasyon, at imperyalismo.

Anong Dapat Nating Gawin?

• Makipagdiyalogo sa mga administrasyon ng paaralan at sa mga lingkod-bayan upang itaguyod ang ating mga adbokasiya at hikayatin sila na suportahan din ito.

• Ilike at ipalike ang Facebook page ng Tanggol Wika para sa mabilis na diseminasyon at koordinasyon ng ating mga kalatas at kampanya:

www.facebook.com/TANGGOLWIKA

Anong Dapat Nating Gawin?

• Basahin, talakayin, at palaganapin ang petisyon ng Tanggol Wika sa Korte Suprema

• Madodownload sa: dlsu.academia.edu/lastrepublic

• IGoogle: “Tanggol Wika versus Noynoy-CHED”

Buod ng Petisyon sa Korte Suprema

• Ang CMO No. 20, Series of 2013 ay lumalabag sa 5 probisyon sa Konstitusyon at 3 Batas Republika

Mga Nilalabag ng CMO No. 20

• Probisyong pangwika ng Artikulo XIV, Seksyon 6 ng Konstitusyong 1987.

• Probisyong pang-edukasyon tungkol sa preserbasyon ng yamang pangkultura ng bansa na nasa Artikulo XIV, Seksyon 14, 15, at 18 ng Konstitusyong 1987.

• Probisyong pang-edukasyon tungkol sa pagiging bahagi ng mandatoring pag-aaral ng Konstitusyon sa lahat ng lebel ng edukasyon na nasa Artikulo XIV, Seksyon 3 ng Konstitusyong 1987.

Mga Nilalabag ng CMO No. 20

• Probisyong pang-edukasyon na nagbibigay-diin sa kahalagahan ng nasyonalismo sa kurikulum at pagpapaunlad ng bansa, at pagbubuo ng sistemang pang-edukasyon na nakabatay sa pangangailangan ng mga mamamayan, na nasa Artikulo II, Seksyon 17; at Artikulo XIV, Seksyon 2 at 3 ng Konstitusyong 1987

• Probisyong pampaggawa (labor provisions) na nasa Artikulo II, Seksyon 18; at Artikulo XIII, Seksyon 3 na nasa Konstitusyong 1987.

Mga Nilalabag ng CMO No. 20

• Probisyon ng “Commission on the Filipino Language Act” (“An Act Creating the Commission on the Filipino Language, Prescribing Its Powers, Duties and Functions, and For Other Purposes”) o Batas Republika 7104

Mga Nilalabag ng CMO No. 20

• Probisyon sa “Education Act of 1982” o Batas Pambansa Bilang 232.

• Probisyon sa Batas Republika 7356 o “An Act Creating the National Commission for Culture and the Arts, Establishing National Endowment Fund for Culture and the Arts, and For Other Purposes.”

Probisyong Pangwika

ARTIKULO XIV, SEKSYON 6. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ayFilipino. Samantalang nalilinang, ito ay dapat payabungin atpagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika. Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapatna maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mgahakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at puspusangitaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ngopisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sasistemang pang-edukasyon. ARTIKULO XIV, SEKSYON 7. Ukol sa mga layunin ng komunikasyon atpagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at, hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong na mga wikang opisyalsa mga rehiyon at magsisilbi na pantulong na mga wikang panturo roon…

Probisyong Pangwika

• Ang CMO No. 20 ay malinaw na lumalabag sa Artikulo XIV, Seksyon 6 ng Konstitusyong 1987, sapagkat hindi ito naglalaan ng espasyo para sa asignatura o disiplinang Filipino na kailangan upang maging epektibong wikang panturo at wika ng opisyal na komunikasyon ang wikang pambansa gaya ng itinatadhana sa Konstitusyon.

Probisyon Hinggil sa Preserbasyon ng Yamang Pangkultura

ARTIKULO XIV, SEKSYON 14. Dapat itaguyod ng Estado ang pangangalaga, pagpapayaman at dinamikong ebolusyonng isang pambansang kulturang Pilipino salig sa simulaingpagkakaisa sa pagkakaiba-iba sa kaligirang malaya, artistiko atintelektwal na pagpapahayag. ARTIKULO XIV, SEKSYON 15. Dapat tangkilikin ng Estado ang mga sining at panitikan. Dapat pangalagaan, itaguyod, at ipalaganap ng Estado ang pamanang historikal at kultural at ang mgalikha at mga kayamanang batis artistiko ng bansa. ARTIKULO XIV, SEKSYON 18. (2) Dapat pasiglahin at tangkilikin ng Estado ang mga pananaliksik at mga pag-aaral tungkol samga sining at kultura.

Literatura: Binura Rin sa Kolehiyo

• Bukod sa Filipino ay binura rin ng CMO No. 20 ang asignaturang Panitikan/Literatura sa bagong kurikulum ng kolehiyo, kumpara sa tatlo hanggang anim na yunit sa lumang kurikulumalinsunod sa CMO No. 04, Series of 1997

Kultura at Panitikan

• Malinaw na bahagi ng kultura ang Panitikan/Literature, gaya ng binabanggit sa UNESCO Universal Declaration on Cultural Diversityna pinagtibay noong Nobyembre 2, 2001:

“[C]ulture should be regarded as the set of distinctivespiritual, material, intellectual and emotional features ofsociety or a social group, and that it encompasses, in addition to art and literature, lifestyles, ways of living together, value systems, traditions and beliefs.”

Kultura at Panitikan

• Ang kahalagahan ng Panitikan/Literatura bilang bahagi ngkultura ng Pilipinas ay pinatutunayan ng pagkakaroon ng Subcommission on the Arts sa ilalim ng National Commission onCulture and the Arts (NCCA) na sumasaklaw sa “literary arts” o “mga sining na pampanitikan,” gaya ng ipinapahayag sa Seksyon 15 ng Batas Republika 7356 o “An Act Creating the National Commission for Culture and the Arts, Establishing National Endowment Fund for Culture and the Arts, and For Other Purposes.”

Pagtuturo ng Panitikan: Tungkulin ng Gobyerno

• Samakatwid, ang preserbasyon at pagtuturo ng Panitikan/Literatura sa lahat ng antas ng edukasyon ay tungkulin ng Estado, alinsunod na rin sa mga mandato ng Konstitusyon na nauna nang tinalakay.

Probisyong Pang-edukasyon

• ARTIKULO XIV, SEKSYON 3. (1) Dapat maging bahagi ng kurikula ang pag-aaral ng Konstitusyon sa lahat ng mga institusyong pang-edukasyon. • Bukod sa Filipino ay binura rin ng CMO No. 20

angasignaturang Philippine Government & Constitution sa bagong kurikulum ng kolehiyo, kumpara sa tatlong yunit sa lumang kurikulum alinsunod sa CMO No. 04, Series of 1997

• Samakatuwid, malinaw na labag sa Artikulo XIV, Seksyon 3 ng Konstitusyon ang CMO No. 20.

Probisyong Pang-edukasyon

ARTIKULO II, SEKSYON 17.

Dapat mag-ukol ng prayoriti ang Estado sa edukasyon, syensya at teknolohiya, mga sining, kultura at isports upang mapabulas ang pagkamakabayan at nasyonalismo, mapabilis ang kaunlarang panlipunan, at maitaguyod ang ganap na paglaya at pag-unlad ng tao

Probisyong Pang-edukasyon

ARTIKULO XIV, SEKSYON 2 (1). Ang Estado ay dapat magtatag, magpanatili, at magtustos ng isang kumpleto, sapat at pinag-isang sistema ng edukasyong naaangkop sa mga pangangailangan ng sambayanan at lipunan. ARTIKULO XIV, SEKSYON 3 (2) Dapat nilang ikintal ang pagkamakabayan at nasyonalismo.

Makabayang Edukasyon sa Kurikulum

• Malinaw na ang mga asignaturang binura ng CMO No. 20 sabagong kurikulum ng kolehiyo — Filipino, Panitikan/Literatura, at Philippine Government & Constitution — ay mga asignaturangmahalaga sa pagtataguyod ng nasyonalismo at pambansangkaunlaran, at edukasyong nakabatay sa pangangailangan ng mgamamamayan.

Probisyong Pampaggawa

ARTIKULO II, SEKSYON 18.

Naninindigan ang Estado na ang paggawaay isang pangunahing pwersang pangkabuhayan nglipunan. Dapat nitong pangalagaan ang mga karapatan ngmga manggagawa at itaguyod ang kanilang kagalingan.

Probisyong Pampaggawa

ARTIKULO XIII, SEKSYON 3. Dapat magkaloob ang Estado ng lubos na proteksyon sa paggawa, sa lokal at sa ibayong dagat, organisado at di organisado, at dapat itaguyod ang puspusang employment at pantay na mga pagkakataon sa employment para sa lahat…Dapat na may karapatan sila sa katatagan sa trabaho, sa makataong mga kalagayan sa trabaho, at sa sahod na sapat ikabuhay. Dapat din silang lumahok sa mga proseso ng pagbabalangkas ng patakaran at desisyon na may kinalaman sa kanilang mga karapatan at benepisyo ayon sa maaaring itadhana ng batas.

• Hanggang sa kasalukuyan ay wala pang plano at nakalatag nang mga mekanismo ang gobyerno upang bigyan ng sapat na proteksyon ang mga mawawalan ng trabaho. Katunayan, dinidinig pa lang ng House Committee on Higher and Technical Education ang House Bill 5493, “Establishing the Tertiary Education Transition Fund to develop and sustain tertiary education institutions during the transition period of the Enhanced Basic Education Act of 2013, and appropriating funds therefor” kaugnay sa pagbibigay ng financial assistance sa mga mawawalan ng trabaho sa kolehiyo.

• Hindi kinonsulta ng CHED ang nakararaming mgaDepartamento ng Filipino sa pagbuo ng CMO No. 20 at bagoipatupad ito. Hindi rin ito nagbuo ng komprehensibong plano para samga propesor na mawawalan ng trabaho.

Kawalan ng Proteksyon sa Mga Manggagawa sa Ilalim ng CMO No. 20 at K to 12

Paglabag sa RA 7104 • Nilalabag din ng CMO No. 20 ang mga probisyon ng Batas

Republika 7104 o “Commission on the Filipino Language Act.”

• Ayon sa nasabing batas, ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) o Commission on the Filipino Language ang ahensyang may kapangyarihan sa pagbubuo ng patakaran, plano, at programang pangwika ng bansa: “Sec. 14. Powers, Functions and Duties of the Commission. The Commission, pursuant to the pertinent provisions of the Constitution, shall have the following powers, functions and duties: (a) formulate policies, plans and programs to ensure the further development, enrichment, propagation and preservation of Filipino and other Philippine language.”

Paglabag sa Education Act of 1982

• Nilalabag din ng CMO No. 20 ang Education Act of 1982 o Batas Pambansa Bilang 232: Part II. Section 3. Promote the social and economic status of all school personnel, uphold their rights, define their obligations, and improve their living and working conditions and career prospects.

Part III. CHAPTER 1. Sec. 23. Objective of Tertiary Education. The objectives of tertiary education are: 1.To provide a general education program that will promote national identity, cultural consciousness, moral integrity and spiritual vigor; 2. To train the nation's manpower in the skills required for national development; 3.To develop the professions that will provide leadership for the nation.

Paglabag sa RA 7356

• Nilalabag din ng CMO No. 20 ang Seksyon 5, 6, at 7 ng Batas Republika 7356 o “An Act Creating the National Commission forCulture and the Arts, Establishing National Endowment Fund for Culture and the Arts, and For Other Purposes”

Paglabag sa RA 7356

• SECTION 5. Culture by the People. The Filipino national culture shall be evolved and developed by the people themselves in a climate of freedom and responsibility. National cultural policies and programs shall be formulated which shall be b) democratic, encouraging and supporting the participation of the vast masses of our people in its programs and projects d) liberative, having concern for the decolonization and emancipation of the Filipino psyche in order to ensure the full flowering of Filipino culture.

• SECTION 6. Culture for the People. The creation of artistic and cultural products shall be promoted and disseminated to the greatest number of our people.

• The level of consciousness of our people about our own cultural values in order to strengthen our culture and to instill nationhood an cultural unity, shall be raised formally through the educational system and informally through extra-scholastic means, including the use of traditional as well as modern media of communication.

• SECTION 7. Preservation of the Filipino Heritage. It is the duty of every citizen to preserve and conserve the Filipino historical and cultural heritage and resources. The retrieval and conservation of artifacts of Filipino culture and history shall be vigorously pursued.

“Comment” ng CHED at Malakanyang

• “The petitioners…have no standing to assail the constitutionality of CMO No. 20, s. 2013 as taxpayers because the issuance does not require the disbursement of public funds…”

Sagot Natin

• Gumastos ang CHED sa mga miting kaugnay ng CMO No. 20

• Gumagastos pa rin ito sa pagpapatupad ng CMO No. 20

“Comment” ng CHED at Malakanyang

• “…CMO No. 20 only provides the minimum general education curriculum. It does not “remove” Filipino, Constitution, or panitikan subjects, courses, or academic departments. A college or university may opt to require the addition of Filipino courses to the minimum requirements of the GEC or the use of Filipino in the GEC, and such decision will be fully supported by the CHED.”

Sagot Natin

• Bakit hindi isinama sa minimum requirements ng CHED ang Filipino? Hindi ba itong kasinghalaga ng mga subject na gaya ng Understanding the Self at Contemporary World?

• Malinaw na walang pagpapahalaga ang CHED at Malakanyang sa wikang pambansa

• Sa isyu ng wikang panturo, malinaw sa Konstitusyon na Filipino ang dapat na pangunahing wikang panturo

“Comment” ng CHED at Malakanyang

• “Under K to 12, the GE core courses…are integrated in the senior high schol courses…Science, Mathematics, English, Filipino, Literature, Humanities, and Social Studies subjects…are more appropriately taught in Senior High School.”

Sagot Natin

• Para sa holistikong pagkatuto, mas mainam kung ang mga asignatura ay nasa lahat ng antas ng edukasyon

• Walang consistency ang CHED hinggil sa mga subject: mayroong nasa elementarya at kolehiyo tulad ng Philippine History/Readings in Philippine History pero wala sa junior at senior high school; mayroon namang tulad ng Filipino at Panitikan na nasa junior at senior high school pero wala sa kolehiyo.

• Ang mahahalagang asignatura, DAPAT MAYROON SA LAHAT NG ANTAS!

“Comment” ng CHED at Malakanyang

• “Having a Filipino subject taught by a specialist in Filipino is not going to intellectualize the language…The best way to intellectualize a language is simply to use it in academic discourse without fear of reprisal or under pain of penalty that comes with non-compliance.”

Sagot Natin

• Pundasyon ng intelektwalisasyon ang epektibong paggamit ng Filipino sa mataas na antas ng diskurso: hindi ito mabubuo o maisasakatuparan kung walang espasyo para sa asignaturang Filipino sa mataas na antas.

• Dapat balikan ang karanasan ng Indonesia sa sapilitan at matagumpay na intelektwalisasyon ng Bahasa Indonesia na kamag-anak ng Filipino

• Sa sitwasyong multikultural, multilinggwal, at post/neokolonyal ng Pilipinas, malinaw na kailangan ng sabay na pagsisikhay mula sa itaas at mula sa ibaba para sa intelektwalisasyon ng wikang pambansa

“Comment” ng CHED at Malakanyang

• “…the entire GE curriculum may be taught in Filipino if the HEI wishes to do so. The CMO also allows for the integration of the Filipino language in various disciplines as a medium of instruction.”

Sagot Natin

• Malinaw na hindi dapat maging wikang panturo lamang ang Filipino

• Ang Filipino ay ISANG DISIPLINA mismo, kaya nga may Departamento ng Filipino kung paanong mayroong Departamento ng Kasaysayan o Agham Panlipunan

• Hindi dapat ipaubaya sa HEIs ang pagpapasya dahil may malinaw na atas ang Konstitusyon

“Comment” ng CHED at Malakanyang

• “RA 7104 established Komisyon sa Wikang Filipino…RA No 1704, however does not vest the KWF the authority to impose the inclusion of the Filipino subject as part of the core GE courses…”

Sagot Natin

• Malinaw sa RA 1704 na saklaw ng tungkulin ng KWF ang: “(to) formulate policies, plans, and programs to ensure the further development, enrichment, propagation and preservation of Filipino and other Philippine language…”

• Malinaw na bahagi ng nasabing mandato ang pagtataguyod sa asignaturang Filipino sa lahat ng antas

ILANG DATOS at PAGSUSURI sa K to 12

Bakit may K to 12 ayon sa gobyerno?

• “Nahuhuli” ang Pilipinas sa sistemang pang-edukasyon sa buong mundo

• 3 bansa na lang ang nagpapatupad ng lumang sistema (Kinder at 10 taon ng elementarya at hayskul bago magkolehiyo, kumpara sa Kinder at 12 taon ng elementarya, junior at senior high school bago magkolehiyo sa ilalim ng K to 12)

• Bagsak ang kalidad ng edukasyon sa bansa

• May problema sa access sa edukasyon: hindi lahat ng dapat mag-aral ay nakakapag-aral

Bakit may K to 12 ayon sa gobyerno?

• Hindi raw sakto ang tinapos na kurso ng mga Pilipino sa mga umiiral/available na trabaho (skills at jobs mismatch)

• Kaya dapat daw ay tiyakin na akma ang kurso ng mga Pilipino sa mga umiiral na trabaho

• Kailangan din daw itono/iakma sa pamantayang global ang haba ng taon ng pag-aaral at kalendaryo ng pag-aaral sa Pilipinas

• Sa konteksto ng K to 12, HINDI MAHALAGANG ASIGNATURA ANG FILIPINO

Ang K to 12 ay Bahagi ng Philippine Development Plan (PDP) at Komplementaryo sa

Labor Export Policy (LEP)

Mga Kurso sa Senior High School ng K to 12: Angkop sa Pangangailangan ng

Lokal at Transnasyunal na Kapitalista

Mga Kurso sa Senior High School ng K to 12: Angkop sa Pangangailangan ng

Lokal at Transnasyunal na Kapitalista • Food and Beverage Services • Caregiving • Welding • Housekeeping • Wellness Massage • At iba pang kagayang kurso sa Technical-Vocational Livelihood

Track (TVL) Track: para sa gustong magtrabaho agad • Academic Track: para sa mga gustong magkolehiyo; pwede

ring magtrabaho agad bago magkolehiyo • Halos 50% ng mga publikong senior high school ang nakalaan

sa TVL Track

Hinihikayat ng Gobyerno ang Mahihirap na Huwag Nang Magkolehiyo

• Magkakatrabaho na raw sila kaagad pagkatapos ng senior high school

• Maraming kurso sa K to 12 ang tech-voc (technical-vocational)

• Magkatrabaho man ang graduate ng senior high school, malamang ay kontraktwal at baratilyo ang sweldo, dahil kahit ang mga college graduate ay nahihirapang maghanap ng trabaho

Hindi Makabayan ang Kurikulum ng K to 12

• Binura ang Philippine History/Kasaysayan ng Pilipinas sa junior high school

• Wala ring Philippine History/Kasaysayan ng Pilipinas sa senior high school

• Binawasan pa ang oras ng pagtuturo ng Kasaysayan sa elementarya

• Binura ang asignaturang Filipino, Panitikan/Literatura, at Philippine Government & Constitution sa kolehiyo

• Naka-TRO ang pagbura sa mga Filipino, Panitikan at PhilConstiGovt dahil sa demanda ng Tanggol Wika sa Korte Suprema

Buti Pa Likod ni Rizal, Naisalba

Hindi Libre Ang SENIOR HIGH SCHOOL sa K to 12

• Libre sa publikong senior high school PERO HINDI KAYA ng publikong paaralan na tanggapin ang LAHAT ng estudyante

• Ang mga kolehiyo at unibersidad na pinopondohan ng gobyerno (gaya ng PUP) ay maaaring magbukas din ng senior high school at pwede rin silang maningil ng karagdagang matrikula lagpas sa ibibigay ng DepEd na voucher (papel na katumbas ng 8,750 to 22,500 piso, depende sa rehiyon ng estudyante)

• 500,000 estudyante mula publikong junior high school ang PALILIPATIN sa pribadong senior high school

• Malaki ang posibilidad na dumami ang drop-outs (hindi na mag-aaral) dahil sa ganitong sistema

Voucher System: Pribatisasyon ng Edukasyon

• Malinaw na pribatisasyon ang tunguhin ng K to 12

• Sa halip na pondohan ang pagtatayo ng karagdagang publikong junior at senior high school, ang malaking porsyento ng pondo ng DepEd ay mapupunta sa voucher system o EGASTPE (Expanded Government Assistance to Students and Teachers in Private Education)

Hindi Handa ang Gobyerno sa Pagdaragdag ng 2 Taon

• Kulang ang badyet para sa lumang sistemang Kinder at 10 taon ng elementarya at hayskul

• Kapag nagdagdag ng taon, kulang ang badyet

• Katunayan, maraming kakulangan sa guro, pasilidad, CR, library, silid-aralan, libro, atbp. sa publikong elementarya at hayskul at mga kolehiyo at unibersidad na pinopondohan ng gobyerno

• Dapat resolbahin muna ang mga ito bago pag-usapan kung dapat o hindi magdagdag ng 2 taon ng senior high school

Teacher-Student Ratio sa Pilipinas at Ibang Bansa

Badyet sa Edukasyon: % ng GDP

Badyet sa Edukasyon: % ng GDP

Mababang Sweldo ng Mga Manggagawa sa Sektor ng Edukasyon

• 23,044 piso (Instructor 1 sa kolehiyo/unibersidad)

• 18,549 piso (Teacher 1 sa elementarya at hayskul)

• 9,000 piso (non-teaching staff)

• 27,425 piso (sahod ng kadete sa PMA)

• Panawagan ng mga guro: 26,878 piso (kolehiyo); 25,000 piso (elem./hayskul); 16,000 piso (non-teaching staff)

Bagsak na Kalidad sa Lumang Sistema (na Lalala Pa Ilalim ng K to 12)

• Bagsak sa NAT ang mayorya ng mga estudyante, lalo sa hayskul

• Lagpas 50 ang average score nila, kumpara sa 75 na passing score

Samakatwid…

• Hindi matutugunan ng K to 12 ang bagsak na kalidad ng edukasyon at sa halip ay palalalain pa nito ang kalidad ng edukasyon dahil hindi naman nito niresolba ang mga kakulangan ng sistema

• Hindi rin matutugunan ng K to 12 ang problema ng kahirapan, kawalan ng trabaho, at mababang kita.

Epekto ng K to 12 sa Publikong Kolehiyo at Unibersidad

• Ang K to 12 ang magbibigay-daan sa amalgamasyon/pagsasama-sama ng mga publikong kolehiyo at unibersidad sa bawat rehiyon

• Titipirin lalo ang mga publikong kolehiyo at unibersidad dahil inilaan na ang malaking halaga sa senior high school (gaya sa Estados Unidos sa ilalim din ng voucher system)

• Mas kaunti ang makakapagkolehiyo at mahihirapan na rin silang kumuha ng kursong gusto nila

K to 12: Bundok ng Utang

• Suportado ng World Bank, USAID, AUSAID, ADB ang K to 12

• Nagpautang na ang World Bank at ADB para sa K to 12

• Pinopondohan ng USAID at AUSAID ang maraming programang kaugnay ng K to 12

• Sangkot ang AUSAID at CARDNO (korporasyong Australian) sa rekrutment ng staff ng DepEd para sa senior high school

Malawakang Tanggalan sa Trabaho sa Mga Kolehiyo

• 25,000 to 78,000 manggagawa sa sektor ng edukasyon at mga propesor ang posibleng mawalan ng trabaho o lumiit ang kita

• Ang mga nagtuturo sa kolehiyo at palilipatin sa senior high school (mas mababa ang sweldo at mas mabigat ang trabaho sa senior high school)

• Ang mga part-time na propesor ay matatanggal agad sa trabaho

Iba Pang Problema sa K to 12

• Walang sapat na training ang mga gurong magtuturo ng bagong kurikulum (spiral approach sa junior high school)

• Walang malawakang konsultasyon sa iba’t ibang sektor bago isinabatas at ipinatupad ang K to 12

• Hindi nakaayon sa mga pangangailangan ng bayan ang K to 12

Sumatotal ng K to 12

• Edukasyong malakolonyal sa kurikulum • Komplementaryo sa Labor Export Policy (LEP) at

patakarang kontraktwalisasyon • Nakaangkla sa pagsasamantala sa mga

manggagawa • Nakaayon sa mga pangangailangan ng mga lokal

at transnasyunal na kapitalista • Neoliberal na atake sa edukasyong publiko • Malawakang pribatisasyon ng senior high school • Structural adjustment na ipinataw ng World Bank

at iba pang imperyalistang entidad

Mga Panawagan

• Kagyat na suspendihin ang implementasyon ng K to 12, isailalim ito sa masusing pag-aaral at malawakang konsultasyon

• Agad na resolbahin ang mga kakulangan sa sistema ng edukasyon bago pag-usapan kung dapat o hinding magdagdag ng dalawang taon sa hayskul

• Tiyakin na anumang pagbabago sa sistema ng edukasyon ay angkop sa pangangailangan ng bayan

• www.facebook.com/SUSPENDKTO12

MGA AKTIBIDAD NG TANGGOL WIKA

Central Mindanao University – Agosto 27, 2014

Central Mindanao University – Agosto 27, 2014

National Teachers’ College – Agosto 28, 2014

National Teachers’ College – Agosto 28, 2014

Trinity University of Asia – Aug. 29, 2014

Pamantasang Lungsod ng Marikina – Aug. 29, 2014

National Teachers’ College – Aug. 1, 2014

National Teachers’ College – Aug. 1, 2014

National Teachers’ College – Aug. 1, 2014

Mindanao State University – Iligan Institute of Technology – Aug.1, 2014

Far Eastern University – Aug. 2, 2014

CHED Office – July 31, 2014

CHED Office – July 31, 2014

CHED – July 11, 2014

CHED – July 11, 2014

Congress – July 30, 2014

Central Luzon State University – July 31, 2014

Mendiola – July 25, 2014

San Beda College-Manila – July 22, 2014

CHED – July 11, 2014

Philippine Normal University – July 9, 2014

Philippine Normal University – July 9, 2014

CHED – July 4, 2014

Polytechnic University of the Philippines – June 26, 2014

De La Salle University - June 21, 2014

De La Salle University - June 21, 2014

• University of Baguio – Aug. 23, 2014 • University of the East, Caloocan – Aug. 28, 2014 • University of Santo Tomas – Aug. 6, 2014 • Lyceum of the Philippines – July 18, 2014 • Xavier University – Aug. 1, 2014 • University of the East, Manila – Aug. 19, 2014 • Central Luzon State University – Aug. 11, 2014 • Isabela State University – Set. 2014 • Bulacan State University – Set. 2014 • University of the East, Manila – Enero 2015

Korte Suprema: April 15, 2015

Wika at Pambansang Kaunlaran

Pangwakas

dlsu.academia.edu/lastrepublic www.facebook.com/TANGGOLWIKA www.facebook.com/SUSPENDKTO12

www.facebook.com/PSLLF 0927-2421-630

A LUTA CONTINUA! TULOY ANG LABAN!


Recommended