Edukasyon sa Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 4.3 - 4.4
(Week 8)
Lipunang Sibil, Media, at Simbahan
9
1ST GENERATION MODULE
S - VERSION 2.0
_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasiyam na Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 4.3 – 4.4: Lipunang Sibil, Media, at Simbahan Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Inilimbag sa Pilipinas ng: Department of Education, Region VII, Division of Cebu Province Office Address : IPHO Bldg., Sudlon, Lahug Cebu City
Telefax : (032) 255-6405
E-mail Address : [email protected]
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat : Charisse M. Alcantara, Teacher III
Editor : Jane O. Gurrea
Tagasuri : Chona B. Jumao-as Tagaguhit : Charisse M. Alcantara, Teacher III Tagapamahala:
Schools Division Superintendent : Dr. Marilyn S. Andales CESO V
Assistant Schools Div. Superintendent : Dr. Cartesa M. Perico
Dr. Ester A. Futalan
Dr. Leah B. Apao
Chief Education Supervisor, CID : Dr. Mary Ann P. Flores
Education Program Supervisor, LRMDS : Mr. Isaiash T. Wagas
Education Program Supervisor, EsP : Mrs. Jane O. Gurrea
Editor :
Tagasuri : Tagaguhit : Tagalapa :
Tagapamahala:
Schools Division Superintendent : Dr. Marilyn S. Andales CESO VI
Assistant Schools Div. Superintendent : Dr. Leah B. Apao
Chief Education Supervisor : Dr. Mary Ann Flores
Education Program Supervisor, LRMDS : Mr. Isiash T. Wagas
Education Program Supervisor, EsP : Mrs. Jane O. Gurrea
1ST GENERATION MODULE
S - VERSION 2.0
_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
`
9
Edukasyon sa Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 4.3 – 4.4
(Week 8)
Lipunang Sibil, Media, at Simbahan
1ST GENERATION MODULE
S - VERSION 2.0
_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
ii
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 9 ng
Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Lipunang Sibil, Media, at
Simbahan.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa
mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis
at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang
kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-
aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala
ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto.
Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-
aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9 ng Alternative
Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Lipunang Sibil, Media, at Simbahan.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
1ST GENERATION MODULE
S - VERSION 2.0
_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
iii
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
Alamin
Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga
dapat mong matutuhan sa modyul.
Subukin
Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano
na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul.
Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot
(100%), maaari mong laktawan ang bahaging
ito ng modyul.
Balikan
Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang
matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.
Tuklasin
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay
ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng
isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.
Suriin
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.
1ST GENERATION MODULE
S - VERSION 2.0
_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
iv
Pagyamanin
Binubuo ito ng mga gawaing para sa
mapatnubay at malayang pagsasanay upang
mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga
kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto
ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang
susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.
Isaisip
Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
Isagawa
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong
sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad
ng buhay.
Tayahin
Ito ay gawain na naglalayong matasa o
masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit
ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Gawain
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.
Susi sa Pagwawasto
Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat
ng mga gawain sa modyul.
1ST GENERATION MODULE
S - VERSION 2.0
_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
v
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka
o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!
Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng
pinagkuhanan sa paglikha o paglinang
ng modyul na ito.
1ST GENERATION MODULE
S - VERSION 2.0
_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
1
Alamin
Panimula
May alam ka bang mga organisasyong naghahatid ng tulong sa mga mahihirap? Anong uri ng tulong ang kanilang inihatid? Ano kaya ang nagbubunsod
sa kanila upang gawin ang ganoong kabutihang- loob?
Sa nakaraang modyul ay nakilala mo ang mga palatandaan ng hindi malusog na ekonomiya. Isang malinaw na palatandaan halimbawa, ang pangangailangan
mong gumastos nang gumastos sa cellphone load habang lumolobo nang lumolobo ang sobrang puhunan ng mga kompanya ng telekomunikasyon. Marami pang anyo
ng hindi patas na pagtatamasa ng mga bunga ng ekonomiya. At sa wari ba ay pikit-mata mong tinatanggap na lamang ang mga ito. Nabuo na sa isip mong ganyan
talaga ang buhay. Ngunit sa paglalakbay mo sa modyul na ito, malalaman mong maraming nag-iisip na hindi kailangang maging ganyan na lamang ang buhay. Ang pagsalungat nila sa kalakaran na sa una’y walang pumapansin, ay unti-unting
nakakuha ng mga kakampi, hanggang sa dakong huli ay nagbunga ng pagbabago sa kalakaran ng lipunan.
Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na kaalaman, kakayahan, at pag-unawa:
1. nahihinuha na: a. ang layunin ng Lipunang Sibil, ang likas-kayang pag-unlad, ay isang ulirang lipunan
na pinagkakaisa ang mga panlipunang pagpapahalaga tulad ng katarungang
panlipunan, pang-ekonomiyang pag-unlad (economic viability), pakikilahok ng
mamamayan, pangangalaga ng kapaligiran, kapayapaan, pagkakapantay ng kababaihan at kalalakihan (gender equality) at espiritwalidad
b. ang layunin ng media ay ang pagpapalutang ng katotohanang kailangan ng mga mamamayan sa pagpapasya.
c. sa tulong ng simbahan, nabibigyan ng mas mataas na antas ng katuturan ang mga materyal na pangangailangan na tinatamasa natin sa tulong ng estado at sariling
pagkukusa. (EsP9PL-Ih-4.3)
2. natataya ang adbokasiya ng iba’t-ibang lipunang sibil batay sa kontribusyon ng
mga ito sa katarungang panlipunan, pang-ekonomiyang pag-unlad (economic viability), pakikilahok ng mamamayan, pangangalaga ng kapaligiran,
kapayapaan, pagkakapantay ng kababaihan at kalalakihan (gender equality) at espiritwalidad (mga pagpapahalagang kailangan sa isang lipunang sustainable).
Nakapagsasagawa ng mga pananaliksik sa pamayanan upang matutukoy kung may lipunang sibil na kumikilos dito, matukoy ang adbokasiya ng lipunang sibil sa pamayanan, matasa ang antas ng pagganap nito sa pamayanan.(EsP9PL-
Ih-4.4)
1ST GENERATION MODULE
S - VERSION 2.0
_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
2
Subukin
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng tamang
sagot at isulat sa papel.
1. Ang kahulugan ng mass media ay: a. impormasyong hawak ng marami b. isahan ngunit maramihang paghahatid ng impormasyon c. impormasyong nagpapasalin-salin sa marami d. Paghahatid ng maraming impormasyon
2. Tungkulin ng mass media ang pagsasaad ng katotohanan dahil:
a. wala tayong ibang mapagkukunan ng impormasyon
b. Nagpapasiya tayo ayon sa hawak nating impormasyon
c. maaari nating salungatin ang isinasaad nitong impormasyon
d. pinaglalagakan lamang ito ng impormasyon
3. May kasinungalingan sa mass media kung mayroong:
a. paglalahad ng mga impormasyong hindi pakikinabangan
b. pagpapahayag ng sariling kuro-kuro
c. paglalahad ng isang panig ng usapin
d. pagbanggit ng maliliit na detalye
4. Ang pagpapanatili nating kaanib ng isang institusyong panrelihiyon ay bunga
ng:
a. kawalan ng saysay ng buhay sa gitna ng mga tinatamasa
b. kalakarang kinamulatan natin sa ating mga magulang
c. kapangyarihang hawak ng mga lider ng relihiyon
d. pagkakatantong hindi tayo nag-iisa sa paghahanap ng katuturan sa
buhay
5. Ang samahang nagsasagawa ng __________________ ay maituturing na
isang lipunang sibil.
a. malayuang pagbibisikleta
b. pagmamasid sa mga ibon
c. pagtatanim ng mga puno
d. pagsisid sa mga bahura (coral reefs)
1ST GENERATION MODULE
S - VERSION 2.0
_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
3
Panuto: Humanap ng walong salita galing sa mga konseptong natutunan mo sa nakaraang aralin (Modyul 4 week 7). Halimbawa: lipunan
Mga Sagot: 1.___________________ 5. ___________________
2.___________________ 6. ___________________
3.___________________ 7. ___________________
4.___________________ 8. ___________________
Balikan
1ST GENERATION MODULE
S - VERSION 2.0
_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
4
Panuto: Tingnang mabuti ang mga larawan sa ibaba. Ano sa tingin mong mga Lipunang Sibil na inilalarawan ng mga pangungusap sa ibaba. Isulat lamang ang titik.
https://images.app.goo.gl/UJBQmKmFh4JRbRtEA https://images.app.goo.gl/SHfu2FvNAmeyimAQ8
A B
https://images.app.goo.gl/WzLKnyoadjVn9NET9 https://images.app.goo.gl/sCSuH524MncDMTpp6
C D
________ 1. Nagpapalakas ng mabuting ugnayan sa mga Kristyano at Muslim.
________ 2. Naisulong nito ang anti-violence against women and children.
________ 3. Tagapaghatid ng mga mensahe maging sa pinakasulok na lugar ng
bansa.
________ 4. Sila ang kumakampi sa mga rape victims.
________ 5. Ito ay gabay para sa mga personal na pangkapayapaan ng loob.
________ 6. Nagpapalutang ng mahalagang impormasyon upang mapanatili ang
kabutihan ng mga kasapi sa lipunan.
________ 7. Nagbibigay katuturan sa buhay lalong-lalo na sa Espiritwal na aspeto
ng isang tao.
________ 8. Sumusulong sa mga karapatan ng mga katutubo/indigenous people.
________ 9. Naisulong ang Anti-Sexual Harassment Act of 1995.
Tuklasin
1ST GENERATION MODULE
S - VERSION 2.0
_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
5
________ 10. Layunin nito ang maghatid ng totoong impormasyon at magtutuwid
kung sakaling may naihatid na maling impormasyon.
Ang Lipunang Sibil ay nagsasagawa ng mga pagtugon na sila mismo ang
nagtataguyod, kung kaya nagkakaroon ng likas-kayang pag-unlad (sustainable
development) na hindi tulad ng minadali at pansamantalang solusyon ng pamahalaan
at kalakalan.
Mga Katangian ng iba’t-ibang Anyo ng
Lipunang Sibil
1. Pagkukusang-loob – walang pumilit, nanakot, o nanggipit sa mga kasapi nito
upang makisangkot. Malaya ito mula sa impluwensiya ng estado o negosyo. Hindi ito
nagsusulong ng pampolitikang hangarin ng sinumang nasa pamahalaan, o ng
pangkomersyong hangarin ng sinumang negosyante.
2. Bukas na pagtatalastasan – walang pinipigilan o dinidiktahan sa pagpapahayag
ng saloobin. Ang uri ng pagtalakay ay pangmadla, kung saan buhat ang diwa ng
demokrasya. Sa pagpapalitan ng lahat ng kuro-kuro ay nalilinaw ang mga usapin;
daan upang ang mga kaanib ay magkakaroon ng katiyakan sa gagawin nilang
pagpapasiya.
3. Walang pang-uuri – hindi isinasaalang-alang ang kalagayang panlipunan ng mga
kasapi: mayaman o mahirap, may pinag-aralan o wala, kilala o hindi, anumang
kasarian dahil isinusulong ang kabutihang panlahat, binibigyan ng pagkakataong
mapakinggan ang lahat ng panig; sa gayon ay walang maiiwang hindi nagtamasa ng
bunga ng pagsisikap ng lipunan.
4. Pagiging organisado – bagama’t hindi kasing-organisado tulad ng estado at
negosyo, patungo ito sa pagiging institusyon, ayon sa hinihingi ng pagkakataon.
Sapagkat nagbabago ang kalagayan ayon sa mga natutugunang pangangailangan,
nagbabago rin ang kaayusan ng organisasyon upang tumugma sa kasalukuyang
kalagayan.
5. May isinusulong na pagpapahalaga – ang isinusulong nito ay hindi pansariling
interes kundi kabutihang panlahat. Isinusulong ng media ang katotohanan,
isinusulong naman ng simbahan ang espiritwalidad . Ang pagpapahalagang ito ang
nagbubunsod sa mga kasapi upang mapagtagumpayan ang anumang balakid.
Suriin
1ST GENERATION MODULE
S - VERSION 2.0
_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
6
Ang lipunan ay parang isang bahay ng gagamba na ang pagpatid sa isang
hibla ay sapat na para masira ang kabuuan nito. Ang pagdudugtong ng isang hibla sa
kapuwa hibla ay may ganoon ding epekto sa kabuuan. Ang pakikisangkot natin sa
anumang lipunang sibil ay nakapagsusulong ng ikabubuti ng kalakhan ng lipunan. Sa
kabilang banda, ang pagwawalang bahala natin sa lipunang sibil ay
nakapagpapanatili, kung hindi man nakapagpapaalala, ng mga suliraning panlipunan.
Sapagkat ang ikabubuti ng lipunan ay nakasalalay sa ikabubuti ng bawat isa sa atin,
hindi maiaalis ang patuloy nating pagmamalay sa paanyaya ng bawat nakakatagpo
nating nakikiusap na, “Paki lang.”
Mga Halimbawa ng Lipunang Sibil
• Peace Advocates Zamboanga – noong 1994, inorganisa ng Simbahang Katoliko sa Zamboanga, Basilan, Tawi-tawi, at Sulu ang Consultation on Peace and Justice. Pagkatapos ng konsultasyon, nabuo ang PAZ. Layunin ng adbokasiyang ito na palakasin ang mabuting ugnayan ng mga Kristyano at Muslim, at ng iba pang mga katutubo. Nagdaraos ito ng mga pagsulong ng kapayapaan, naglalathala ng alternatibong pahayagan, at nagsasaliksik sa ugnayang Kristyano at Muslim. Matapos ang dalawampung araw na sagupaan ng MNLF at AFP/PNP sa Zamboanga noong Setyembre 2013, idinaos ng PAZ ang Forum on Rehabilitation and Reconciliation nang sumunod na buwan. Ikabubuti ng lahat ang muling pagbuo ng mga nawasak na pamilya, ang muling pagbangon ng nalugmok na kabuhayan, at higit sa lahat, ang muling pagpapasigla ng nanlamig na mga ugnayan.
• Gabriela Movement – isang grupo ng kababaihan sa Pilipinas ang nagtitipon-tipon noong 1984, at nabuo bilang isang lipunang sibil. Naging isang pampolitikang Partido sila na tinawag nilang Gabriela, at nagkaroon sila ng kinatawan sa Kongreso. Sa kanilang pagsusulong ay naisabatas ang sumusunod: Anti-Sexual Harassment Act (1995); Women in Development and National Building Act (1995); Anti-Rape Law (1997); Rape Victims Assistance and Protection Act (1998); Anti-Trafficking of Persons Act (2003); at Anti-Violence Against Women and Their Children Act (1994).
• Ang MEDIA – ang pangunahing layunin ng media bilang isang anyo ng lipunang sibil, ay magsulong ng ikabubuti ng bawat kasapi ng lipunan. Ito ang dahilan kung bakit tungkulin ng media ang pagsasabi ng buong katotohanan, at kagyat na pagtutuwid sakali mang may naipahatid na maling impormasyon na maaaring maging batayan ng iba sa pagpapasiya ng ikikilos. - Ang media ay pinaglalagakan lamang ng mga katotohanang kailangan ng
lipunan para sa ikabubuti nino man ang kasinungalingang bunga ng pagbabawas o pagdaragdag sa katotohanan. Ang kapangyarihan ng media ay hindi isang lakas na nananalasa, kundi isang pag-ibig na limikha ayon kay Papa Juan Pablo II, 1999.
1ST GENERATION MODULE
S - VERSION 2.0
_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
7
• Ang SIMBAHAN – gaano man karami ang iyong matamo para sa sarili, makakaramdam ka pa rin ng kahungkagan, ng kawalan ng katuturan, ng kakulangan. Hindi ka nag-iisa sa ganitong damdamin. Sa pagiging mananampalataya mo ay hindi nawawala ang iyong pagkamamamayan. Sa katunayan, ang iyong pananampalataya ay naisasabuhay mo sa pamamagitan ng pagtuwang sa lipunan, at pagtugon sa panawagn ng lahat, “Paki lang.”
Panuto: Isulat ang salitang TAMA kung ito ay nagpapahayag ng wasto at MALI
naman kung hindi. Isulat ang sagot sa papel.
_______1. Ang lipunang sibil ay nagbibigay-lunas sa suliranin ng karamihan at
nagbibigay pansin sa pagkukulang ng pamahalaan.
_______ 2. Nabubuo ang lipunang sibil dahil may pumipilit nito, nananakot, at
nanggigipit sa mga kasapi nito.
_______ 3. Layunin ng Peace Advocates Zamboanga na palakasin ang mabuting
ugnayan ng mga Kristyano at Muslim at ng iba pang mga katutubo.
_______ 4. Malaki ang naitulong ng PAZ sa muling pagbuo ng nawawasak na
pamilya, at muling pagbangon ng nalugmok na kabuhayan sa Mindanao pagkatapos
ng sagupaan ng MNLF at ng AFP/PNP.
_______ 5. Isinusulong ng Gabriela Movement ang mga Karapatan ng mga
kababaihan at mga kalalakihan upang makamit ang gender equality.
_______ 6. Ang Anti-Violence Against Women and Their Children ay isa sa mga batas
na naisulong ng Gabriela Movement noong 1994.
________ 7. Layunin ng media ang maghatid ng mga makatotohanang balita o
impormasyon.
________ 8. Sa tulong ng media, nalalaman ng mamamayan kung may parating na
bagyo kung kaya nakagagawa sila ng kaukulang paghahanda.
________ 9. Hindi mo na kakailanganin pang mananampalataya sa Diyos kung
nakakamit mo na ang lahat ng iyong pangangailangan sa buhay.
________ 10. Tanging ang Panginoon lang ang magpupuno sa lahat ng kakulangan
mo sa buhay, at ito ay isa sa mga turo ng simbahan.
Pagyamanin
1ST GENERATION MODULE
S - VERSION 2.0
_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
8
Isaisip
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan bilang
sariling repleksyon.
1. Sa ano-anong paraan tinutugunan ng lipunang sibil ang mga pagkukulang ng lipunan? Ipaliwanag
2. Magbigay ng iba pang mga usapin na hindi natutugunan ng lipunang sibil? Patunayan.
3. Magmungkahi ng mga adbokasiya na tutugon sa mga usaping ito.
1ST GENERATION MODULE
S - VERSION 2.0
_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
9
Panuto: Sumulat ng tatlong layunin sa bawat pangkat bilang anyo ng lipunang
sibil. Halimbawa sa Media: Layunin nitong makapaghatid ng makatotohanang
inpormasyon/balita.
MEDIA SIMBAHAN
https://images.app.goo.gl/2avUyXV2sRdR8xyQ7 https://images.app.goo.gl/9i4NYwxNynxeosFA9
1.____________________________ 1.______________________________
2.____________________________ 2.______________________________
3.____________________________ 3.______________________________
https://images.app.goo.gl/o9oBjtWTWj17Fuq36 https://images.app.goo.gl/DUgjqQkSrzs3yaZs8
1.____________________________ 1.______________________________
2.____________________________ 2.______________________________
3.____________________________ 3.______________________________
Isagawa
1ST GENERATION MODULE
S - VERSION 2.0
_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
10
Tayahin
Panuto: Ilagay ang sarili bilang isang mamamahayag. Gamit ang isang maling
pahayag sa ibaba. Paano mo maitutuwid ang balitang nakasulat?
FAKENEWS
Hindi lang ang pandemya ng COVID-19 ang kalaban natin ngayon—nariyan rin ang tinatawag ng World Health Organization (WHO) na 'infodemic'. Ito ang 'over-abundance of information' o ang labis na pagdami ng kumakalat na impormasyon, tama man o mali. Ito ang pangunahing dahilan kung bakit nahihirapan tayo na malaman kung alin nga ba ang tama, beripekado, at maaasahang impormasyon na pwede nating gamiting gabay.
Bilang mga ina, kailangan nating i-educate ang ating mga sarili tungkol dito para hindi natin mailagay sa kapahamakan ang ating pamilya. Kung mabilis kang magpaniwala sa mga nababasa mo online, delikado ito para sa kaligtasan ng iyong mga anak.
Bukod pa riyan, maaari kang mag-panic at makaramdam ng anxiety tungkol sa isang bagay na hindi naman pala beripikado at wala naman palang basis.
https://www.smartparenting.com.ph/life/news/how-to-spot-fake-news-a00307-20200323
https://images.app.goo.gl/Ehb353KgMgUacvZ57
1ST GENERATION MODULE
S - VERSION 2.0
_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
11
Panuto: Gabay ng mga konsepto sa pagpapalalim, pumili ng isang aspekto sa
sumusunod at magplano ng bubuuing lipunang sibil. Pagpasiyahan ang format ng
plano.
a. Katarungang panlipunan
b. Pag-unlad ng kabuhayan
c. Pakikilahok ng pamayanan
d. Pangangalaga ng kapaligiran at kalikasan
e. Kapayapaan
f. Espiritwalidad
Karagdagang Gawain
1ST GENERATION MODULE
S - VERSION 2.0
_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
12
Susi sa Pagwawasto Pagyamanin
1.TAMA 2.MALI 3.TAMA 4.TAMA 5.MALI 6.TAMA 7.TAMA 8.TAMA 9.MALI 10.TAMA
Isaisip
Answers may vary
Isagawa (Posibleng Sagot)
Media:
1.Kumuha ng mga impormasyon kahit sa pinakasulok na lugar sa bansa
2.Mahatid o mgbibigay ng makatotohanang balita
3.Maituwid ang mga balitang hindi makatotohanan
Simbahan:
1.Magbibigay katuturan sa buhay
2.Magpapalakas sa espiritwal na aspeta ng buhay
3.Magwawala ng kahungkagan sa buhay
Subukin
1.B 2.B 3.A 4.D 5.C
Balikan
(in any order)
Simbahan
Lipunan
Media
Batas
Sibil
Gabriela
Gobyerno
Suliranin
Tuklasin
1.D 2.C 3.B 4.C 5.A 6.B 7.A 8.D 9.C 10.B
Gabriela:
1.Nagsusulong sa mga karapatan ng mga kababaihan
2.Gender Equality 3.Kakampi sa mga
naaapi
PAZ:
1.Nag-uugnay sa mga Kristyano at Muslim
2.Tumutulong sa mga katutubo
3.Nagtataguyod nga kapayapaan sa Mindanao.
Tayahin
Answers may vary
Karagdagang Gawain
Answers may vary
1ST GENERATION MODULE
S - VERSION 2.0
_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
13
Sanggunian
Gabriela Philippines. https://gabrielaphilippines.wordpress.com/about/
Gayola, Sheryll, Guevara, Bontia, Maria Tita. et al., 2015. Edukasyon sa
Pagpapakatao Modyul para sa Mag-aaral 9. Biǹan, Laguna: FEP Printing Corporation
https://www.google.com/search?q=anyo+ng+lipunang+sibil&tbm=isch&source=iu&ict
x=1&fir=hJ_rjOawrvwmXM%252CjJwIxThe1o1riM%252C_&vet=1&usg=AI4_-
kQHUM-
KvTBWF6PJ_UYQ1NQCDXovCw&sa=X&ved=2ahUKEwie9cCz0rzqAhWu3mEKHT
K9AyIQ9QEwA3oECAoQHg&biw=1366&bih=657#imgrc=hJ_rjOawrvwmXM
Ki, March 7, 2020, Lipunang Sibil: Ano Nga Ba Ang Lipunang Sibil At Mga Halimbawa.
https://philnews.ph/2020/03/07/lipunang-sibil-ano-nga-ba-ang-lipunang-sibil-at-mga-
halimbawa/
Lipunang Sibil. https://takdangaralin.ph/lipunang-sibil/
Peace Advocates Zamboanga (PAZ) Foundations, Inc.
https://www.peaceinsight.org/conflicts/philippines/peacebuilding-
organisations/peace-advocates-zamboanga-paz-foundation-inc/
1ST GENERATION MODULE
S - VERSION 2.0
_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education, Region VII, Division of Cebu Province
Office Address: IPHO Bldg., Sudlon, Lahug, Cebu City
Telefax: (032) 255-6405
Email Address: [email protected]