+ All Categories
Home > Documents > misalette2007_0121

misalette2007_0121

Date post: 13-Nov-2014
Category:
Upload: joy-in-the-spirit-of-the-lord
View: 369 times
Download: 5 times
Share this document with a friend
6
Unless you become a child Fr. Bel R. San Luis Today is the feast of the Sto. Niño (Holy Child) in the Philippines. The feast is very popular among Filipinos. Rich and poor, young and old alike maintain a strong, almost fanatical devotion to the Holy Child. Fiestas and processions are held in His honor. Statues and images have various endearing names like "Sto. Niño De Suerte, Sto. Niño Lagalag, Sto. Niñong Sumasayaw." Apart from the titles, the Niño statues are dressed in various attires, as a beggar, a fireman or a policeman. Of the latter, some joke that one hand is outstretched in a gesture of collecting a tong or lagay! While that is all fine for our piety - and for our tourism industry! - let not our devotion remain on the level of the ritual and external only. Just as the Child Jesus grew up and mature, our faith should likewise grow and mature. For instance, we read in His Sunday's gospel the Lord saying: "Unless you become like little children you cannot enter the kingdom of heaven" (Mt 18:10). Meaning, the Lord was more interested in our attitude and character rather than rituals. "Like little children." What does that mean? What characteristics does a child have that Jesus liked and valued so much? The Lord did not name those qualities but we can discern them from the child's natural conduct and disposition. The first human quality which makes him the symbol of a citizen of the Kingdom is his honesty and sincerity. "He's not plastic," we would say. A mother was once entertaining a priest in their house. She bragged how she instilled on her children the love of reading the Bible. She called her five-year-old daughter. "Dear, would you get the book that we all love so much to read." The child ran to the parents' bedroom and forthwith came bringing a book. "Here it is, Mama," the young girl said. When the mother saw it, she blushed with embarrassment. It was the catalogue of fashion wear! (Based on the child's observation, that was the book her mother "loves so much!"). A second characteristic of a child is his humility. "Whoever humbles himself as this little child, he is the greatest in the Kingdom of Heaven," Jesus said as He made a child stand in the middle of His disciples. Humility is instinctive in a child. He does not wish to push himself to the limelight, but would rather fade in the background. As he grows older, more often it's his parents who initiate him to shine, excel and compete. A third characteristic of a child is his sense of trust and dependence. He is perfectly content of his utter dependency on those who love and care for him. This is shown, for instance, when a child puts his hand trustingly on the big hands of his parents when crossing a street. The absence of dependence is shown when a man has no more time for God because he is too preoccupied with work and money. Also, when he believes that he can do everything all by himself, not recognizing God's role in his life. One final thought to remember. Jesus points out: "Unless you change and become like children." That is, if you are wanting in the above qualities of a child, you must strive to possess them. The feast of Sto. Niño challenges us to see things in the way God sees them, to value service rather than fame and glory, humility rather than power. It enables us to be, by choice, a child. And the trade-off (kapalit)? No less than God's kingdom. "Unless you become like little children you cannot enter the kingdom of heaven" (Mt 18:10). kulit2005 KAPISTAHAN NG PANGINOONG HESUS ANG BANAL NA SANGGOL JANUARY 21, 2007 ST. JOHN THE EVANGELIST CHURCH SEVERNA PARK, MARYLAND ANG MISA NG SAMBAYANAN
Transcript

Unless you become a child Fr. Bel R. San Luis

Today is the feast of the Sto. Niño (Holy Child) in the

Philippines. The feast is very popular among Filipinos. Rich and poor, young and old alike maintain a strong, almost fanatical devotion to the Holy Child. Fiestas and processions are held in His honor. Statues and images have various endearing names like "Sto. Niño De Suerte, Sto. Niño Lagalag, Sto. Niñong Sumasayaw."

Apart from the titles, the Niño statues are dressed in various attires, as a beggar, a fireman or a policeman. Of the latter, some joke that one hand is outstretched in a gesture of collecting a tong or lagay! While that is all fine for our piety - and for our tourism industry! - let not our devotion remain on the level of the ritual and external only. Just as the Child Jesus grew up and mature, our faith should likewise grow and mature.

For instance, we read in His Sunday's gospel the Lord saying: "Unless you become like little children you cannot enter the kingdom of heaven" (Mt 18:10). Meaning, the Lord was more interested in our attitude and character rather than rituals.

"Like little children." What does that mean? What characteristics does a child have that Jesus liked and valued so much? The Lord did not name those qualities but we can discern them from the child's natural conduct and disposition.

The first human quality which makes him the symbol of a citizen of the Kingdom is his honesty and sincerity. "He's not plastic," we would say. A mother was once entertaining a priest in their house. She bragged how she instilled on her children the love of reading the Bible. She called her five-year-old daughter. "Dear,

would you get the book that we all love so much to read." The child ran to the parents' bedroom and forthwith came bringing a book. "Here it is, Mama," the young girl said. When the mother saw it, she blushed with embarrassment. It was the catalogue of fashion wear! (Based on the child's observation, that was the book her mother "loves so much!"). A second characteristic of a child is his humility. "Whoever humbles himself as this little child, he is the greatest in the Kingdom of Heaven," Jesus said as He made a child stand in the middle of His disciples. Humility is instinctive in a child. He does not wish to push himself to the limelight, but would rather fade in the background. As he grows older, more often it's his parents who initiate him to shine, excel and compete. A third characteristic of a child is his sense of trust and dependence. He is perfectly content of his utter dependency on those who love and

care for him. This is shown, for instance, when a child puts his hand trustingly on the big hands of his parents when crossing a street. The absence of dependence is shown when a man has no more time for God because he is too preoccupied with work and money. Also, when he believes that he can do everything all by himself, not recognizing God's role in his life.

One final thought to remember. Jesus points out: "Unless you change and become like children." That is, if you are wanting in the above qualities of a child, you must strive to possess them. The feast of Sto. Niño challenges us to see things in the way God sees them, to value service rather than fame and glory, humility rather than power. It enables us to be, by choice, a child. And the trade-off (kapalit)? No less than God's kingdom. "Unless you become like little children you cannot enter the kingdom of heaven" (Mt 18:10).

kulit2005

KAPISTAHAN NG

PANGINOONG HESUS

ANG

BANAL NA SANGGOL

JANUARY 21, 2007

ST. JOHN THE EVANGELIST

CHURCH

SEVERNA PARK, MARYLAND

ANG MISA NG SAMBAYANAN

PAUNANG SALITA

Ipinagdiriwang natin ngayon ang Kapistahan ng Sto. Niño na totoong malapit sa puso ng maraming Katolikong Pilipino. Ang ganitong taunang pagdiriwang ay nagsimula noong bagu-bago pa lamang naging Kristiyano ang ating bansa, at patuloy pa ring may kaangkupan ito sa buhay natin ngayon. Sa isang natatanging paraan, pinagtutuunan natin ng pansin ang kabataan, ang lahat ng mga panganib na nagbabanta sa kanila, ang kanilang mga problema, at ang pag-asang dulot nila.

Ang araw na ito, at lalung-lalo na ang pagdiriwang natin ng Eukaristiya, ay magandang pagkakataon para ihabilin ang ating kabataan sa kalinga ng Sto. Niño at mahalin ang mga ito tulad ng pagmamahal niya. Palibhasa bahagi siya ng ating kasaysayan at buhay, tiyak na iingatan niya sila at tuturuan din niya tayo ng wastong paggabay sa kanila. PAMBUNGAD NA AWIT

PAGBATI

Sa Ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen. Pagpalain si Hesus na nagpakita ng natatanging pagmamahal sa

kabataan. Ang kanyang biyaya at kapayapaan ay sumainyong lahat. At sumaiyo rin.

PAGSISISI

Natitipon bilang mag-anak ng Diyos ngayong Kapistahan ng Sto. Niño, tayo‟y humiling sa Diyos ng Kanyang pagpapatawad upang maihandog natin ang Eukaristiyang ito nang may malinis na kalooban. (Manahimik sandali.)

Panginoong Hesus, ang Kaharian mo ay panlahat at tuwinang payapa. Panginoon, maawa ka.

Panginoon, maawa ka. Panginoong Hesus, naparito ka upang makibahagi sa kahinaan ng

PAG-AALALA

Ref.: Bayan, muling magtipon, awitan ang Panginoon Sa piging sariwain, pagliligtas N’ya sa atin.

Bayan, ating alalahanin,Panahong tayo‟y inalipin

Nang ngalan N‟ya‟y ating sambitin, Paanong di tayo lingapin? (Ref.)

Bayan, walang sawang purihin, Ang Poon nating mahabagin. Bayan, isayaw ang damdamin, Kandili N‟ya‟y ating awitin. (Ref.)

PAGWAWAKAS

Sumainyo ang Panginoon. At sumaiyo rin. Yumuko kayo‟t hingin ang biyaya ng Diyos (Tumahimik) Tulutan nawa ng Diyos na makilala ninyo ang kahalagahan ng

kabataan para sa buhay ng Simbahan at ng lipunan.Amen. Gawin nawa kayo ng Diyos na mga itinatanging kasangkapan sa

pagtataguyod ng kapakanan at pag-unlad ng kabataan ng ating bayan. Amen.

Gantimpalaan nawa ng buhay na walang hanggan ang inyong mga pagsisikap sa pagbibigay ng mabuting halimbawa sa kabataan. Amen.

Pagpalain kayo ng makapangyarihang Diyos: Ama at Anak at Espiritu Santo. Amen.

Humayo kayo sa kapayapaan upang mahalin at paglingkuran ang Panginoon.

Salamat sa Diyos. PANGHULING AWIT

AWIT SA SANTO NINO

O Santo Nino, mahal naming Santo Patron ng bata’t matatanda

Purihi’t sambahin ang Kanyang ngalan Magalak tayo at masiyahan

Kung ang hanap ninyo’y kapayapaan Pagmamahal ng Amang lumalang Lumapit tayo, tayo’y magpugay

Pakundangan sa Dyos na Maykapal

Ang ating puso, at ating diwa Ating ialay na kusa

Sa ating Poong Dyos Tanging syang may gawa

Sa lahat ng mga bansa Magpasalamat tayo’y manalig

Sa ating Dyos ng pag-ibig Tayo’y umasa, na kahit Sya’y paslit

Hinding hindi ka iwawaglit

Halina’t magsaya, halina’t umawit Sa ating Diyos ng pag-ibig

Sa ating paghibik, tayo’y nananabik Ating saksi, lupa’t langit

Sa ligaya’t lumbay, sa mundong ibabaw Ang Santo Nino ating tanglaw O Santo Nino, O Santo Nino

Ligaya’t buhay naming kinapal

Ito ang Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng

sanlibutan. Mapalad ang mga inaanyayahan sa kanyang piging. Panginoon, hindi ako karapat-dapat na magpatuloy sa iyo

ngunit sa isang salita mo lamang ay gagaling na ako.

PANALANGIN PAGKAPAKINABANG

Ama naming mapagmahal, kaming pinapakinabang mo sa iyong piging na banal sa kapistahan ng iyong Anak na isinilang ng Mahal na Birhen ay makapamuhay nawa bilang iyong kasambahay na umuunlad sa karunungan at sa pagiging kalugud-lugod sa iyo at sa kapwa tao sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Amen.

KORDERO NG DIYOS

Kordero ng Diyos na nagaalis ng mga kasalanan ng sanlibutan Maawa Ka. (2x)

Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan

Ipagkaloob Mo sa amin ang kapayapaan.

AWIT SA KOMUNYON

PANGINOON, AKING TANGLAW

Panginoon, aking tanglaw, tanging Ikaw ang kaligtasan. Sa panganib ingatan ako, ang lingkod Mong nanalig sa „Yo.

® Ang tawag ko’y ‘Yong pakinggan.

Lingapin Mo at kahabagan.

Anyaya Mo‟y lumapit sa „Yo, H‟wag magkubli, h‟wag Kang magtago.

Sa bawat sulok ng mundo, ang lingkod Mo‟y hahanap sa „Yo. ®

Panginoon, aking tanglaw, tanging Ikaw ang kaligtasan. Sa masama, ilayo Mo ako, ang sugo Mong umiibig sa „Yo. ®

Panginoon, aking tanglaw, tanging Ikaw ang kaligtasan.

Sa masama, ilayo Mo ako, ang sugo Mong umiibig sa „Yo.

aming pagkatao. Kristo, maawa ka Kristo, maawa ka. Panginoong Hesus, nais mong palapitin sa iyo ang kabataan.

Panginoon, maawa ka. Panginoon, maawa ka. Kaawaan tayo ng makapangyarihang Diyos, patawarin tayo sa ating

mga kasalanan, at patnubayan tayo sa buhay na walang hanggan. Amen.

PAMBUNGAD NA PANALANGIN

Manalangin tayo. (Tumahimik) Ama naming makapangyarihan, ang iyong Anak na Diyos na totoo ay

naging sanggol noong siya ay maging tao namang totoo. Maging amin nawang panata ang pagsunod sa kanyang kapakumbabaan sa pagdiriwang namin sa kanyang pakikiisa sa mga nasa abang katayuan upang kami‟y mapabilang sa iyong pinaghaharian sa pamamagitan niya kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Amen.

Luwalhati sa Diyos

Luwalhati sa Diyos, Luwalhati sa Diyos Luwalhati sa Diyos sa kaitaasan (2x)

At sa lupa‟y kapayapaan (2x). Sa mga taong may mabuting kalooban Pinupuri ka namin, dinarangal ka namin. Sinasamba ka namin, ipinagbubunyi ka

namin Pinasasalamatan ka namin dahil sa dakila mong kal‟walhatian

Panginoong Diyos, hari ng langit, Diyos Amang makapangyarihan sa lahat Panginoong Heruskrito, bugtong na Anak. Panginoong Diyos, Kordero ng Diyos,

Anak ng Ama. ( Luwalhati… )

Ikaw na nag-aalis, ng mga kasalanan ng sanlibutan, Maawa ka, maawa ka, sa amin

Ikaw na nag-aalis, ng mga kasalanan ng sanlibutan, Tanggapin mo ang aming kahilingan

Tanggapin mo ang aming kahilingan. Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama Maawa ka, maawa ka sa amin.

( Luwalthati … ) Sapagkat Ikaw lamang ang banal at ang kataas-taasan.

Ikaw lamang O Hesukristo ang Panginoon. Kasama ng Espitiru Santo sa kaluwalhatian

Ng Diyos Ama, amen, Ng Diyos Ama, amen

UNANG PAGBASA Ang maririnig nating pagpapahayag ay isang propesiya tungkol sa

isang mahiwagang bata – ang Mesiyas na naghahatid ng liwanag ng pag-ibig ng Diyos sa mundong pinagdilim ng pagkakasala. Pagpapahayag mula sa Aklat ni Propeta Isaias

Nakatanaw ng isang malaking liwanag ang bayang malaon nang nasa kadiliman, namanaag na ang liwanag sa mga taong namumuhay sa lupaing balot ng dilim. Iyong pinasigla ang kanilang pagdiriwang, dinagdagan mo ang kanilang tuwa. Tulad ng mga tao sa panahon ng anihan, tulad ng mga taong naghahati ng nasamsam na kayamanan. Nilupig mo ang bansang umalipin sa iyong bayan tulad ng pagkalupig sa hukbo ng Madian. Binali mo ang panghambalos ng mga tagapagpahirap sa kanila. Sapagkat ang panyapak ng mga mandirigma, ang lahat ng kasuutang tigmak sa dugo ay susunugin. Sapagkat ipinanganak para sa atin ang isang sanggol na lalaki. Ibinigay ang isang anak sa atin at siya ang mamamahala sa atin. Siya ang Kahanga- hangang Tagapayo, ang Makapangyarihang Diyos, Walang hanggang Ama, ang Prinsipe ng Kapayapaan. Malawak na kapangyarihan at walang hanggang kapayapaan ang ipagkakaloob sa trono ni David at sa kanyang paghahari upang matatag ito at papanatilihin sa katarungan at katwiran ngayon at magpakailanman. Isasagawa ito ng Makapangyarihang Panginoon. Ang Salita ng Diyos.

Salamat sa Diyos. SALMONG TUGUNAN

Kahit saa’y namamalas, tagumpay ng Nagliligtas.

Umawit ng bagong awit at sa Poon ay ialay, pagka‟t yaong ginawa

n‟ya ay kahanga-hangang tunay. Sa sariling lakas niya at taglay na kabanalan, walang hirap na natamo yaong hangad na tagumpay.

Kahit saa’y namamalas, tagumpay ng Nagliligtas. Ang tagumpay niyang ito‟y siya na rin ang naghayag, sa harap ng

mga bansa‟y nahayag ang pagliligtas. Ang pangako sa Israel lubos niyang tinutupad.

Kahit saa’y namamalas, tagumpay ng Nagliligtas. Tapat siya sa kanila at ang pagibig ay wagas. Ang tagumpay ng

ating Diyos kahit saan ay namalas! Magkaingay na may galak, yaong lahat sa daigdig; ang Poon ay buong galak na purihin sa pag-awit.

Kahit saa’y namamalas, tagumpay ng Nagliligtas. Sa saliw ng mga lira iparinig yaong tugtog, at ang Poon ay purihin

ng tugtuging maalindog. Tugtugin din ang trompeta na kasaliw ang tambuli, magkaingay sa harapan ng Poon na ating hari.

Kahit saa’y namamalas, tagumpay ng Nagliligtas.

PAGBUBUNYI Ipagbunyi natin ang misteryo ng ating pananampalataya.

DAKILANG AMEN Sa pamamagitan ni Kristo, kasama Niya‟t sa Kanya, ang lahat ng

parangal at papuri ay sa iyo Diyos Amang makapangyarihan, kasama ng Espiritu Santo, magpasawalang hanggan.

Sa tagubilin ng mga nakagagaling na utos at turo ni Hesus na

Panginoon Natin at Diyos, ipahayag natin sa pag-awit ng lakas-loob:

PAGBATI NG KAPAYAPAAN Panginoong Jesu-Kristo, sinabi mo sa iyong mga Apostol:

“Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo, ang aking kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo.” Tunghayan mo ang aming pananampalataya at huwag ang aming pagkakasala. Pagkalooban mo kami ng kapayapaan at pagkakaisa ayon sa iyong kalooban kasama ng Espiritu Santo, magpasawalang hanggan.

Amen. Ang kapayapaan ng Panginoon ay lagi nawang sumainyo. At sumainyo rin. Magbigayan kayo ng kapayapaan sa isa‟t isa.

A-men, a-men, a--men, a-men, a-men, a--men, a-men.

AMA NAMIN

Ama namin sumasalangit Ka. Sambahin ang ngalan Mo.

Mapasa amin ang kaharian Mo, Sundin ang loob Mo,

Dito sa lupa, para ng sa langit. Bigyan Mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw.

At patawarin Mo kami sa aming mga sala. Para ng pagpapatawad namin sa nagkakasala sa amin.

At huwag Mo kaming ipahintulot sa tukso At iadya Mo kami sa lahat ng masama.

Sapagkat sa ‘Yo ang kaharian, kapangyarihan at kapurihan

Ngayon at magpakailanman, ngayon at magpakailanman.

Si Kristo ay gunitain, Sarili ay inihain Bilang pagkai't inumin, Pinagsasaluhan natin

Hanggang sa Siya'y dumating. Hanggang sa Siya'y dumating

nagbibigay ng Iyong Espiritu. Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kaylanman. Diyos Amang Lumikha, nakikiusap kaming mga makasalanan.

Tanggapin Mo ang aming pagsisisi bilang handog upang kami‟y matutong sumunod sa Iyo ng buong puso.

O Diyos kong mahal, kasalanan ko‟y hugasan at linisin Mong lubusan ang nagawa kong pagsuway.

Manalangin kayo mga kapatid, upang ang paghahain natin ay kalugdan ng Diyos Amang makapangyarihan.

Tanggapin nawa ng Panginoon itong paghahain sa iyong mga kamay sa kapurihan niya at karangalan, sa ating kapakinabangan at sa buong Sambayanan niyang banal. PANALANGIN UKOL SA MGA ALAY

Ama naming Lumikha, sa pagdiriwang namin sa kapistahan ng Banal na Sanggol, paunlakan mo ang aming pagdulog upang ganapin ang kanyang paghahain at ang kinamtan niyang kapatawaran ay pakinabangan namin sa pamamagitan niya kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Amen.

PREPASYO Sumainyo ang Panginoon At sumainyo rin. Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa Itinaas na namin sa Panginoon. Pasalamatan natin ang panginoong ating Diyos. Marapat na Sya ay pasalamatan. Ama naming makapangyarihan, tunay ngang marapat na ikaw ay

aming pasalamatan sa pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon. Ang Anak mong di na naiiba sa amin ay siyang pumawi sa dilim

kaya ngayo‟y ikaw ang aming nababanaagan. Ang Anak mong di naiiba sa iyo ay siyang iisang Salita mo. Sa katauhan niya ang iyong sarili‟y aming nakikita. Sa pamamagitan niya ang iyong pagibig ay kahali-halina kahit ikaw ay lingid sa aming mata.

Kaya kaisa ng mga anghel na nagsisiawit ng papuri sa iyo nang walang humpay sa kalangitan, kami‟y nagbubunyi sa iyong kadakilaan:

SANTO

Santo, santo, santo. Diyos makapangyarihan

Puspos ng luwalhati ang langit at lupa. Hosana, hosanna sa kaitaasan.

Pinagpala ’ng narito sa ngalan ng Panginoon.

Hosana, hosana sa kaitaasan. (2x)

IKALAWANG PAGBASA Sa panalanging ito ng papuri at kahilingan, ipinahahayag ni Pablo

ang ilan sa mga lalong kalugud-lugod na katotohanan ng ating pananampalataya. Pagpapahayag mula sa Sulat ni Apostol San Pablo sa mga Taga-Efeso

Mga kapatid: Magpasalamat tayo sa Diyos at Ama ng ating Panginoong Hesukristo! Pinagkalooban niya tayo ng lahat ng pagpapalang espirituwal dahil sa ating pakikipag-isa kay Kristo. At sa atin ngang pakikipag-isang ito, hinirang na niya tayo bago pa nilikha ang sanlibutan upang maging banal at walang kapintasan sa harapan niya. Dahil sa pag-ibig ng Diyos, tayo‟y kanyang itinalaga upang maging mga anak niya sa pamamagitan ni Hesukristo. Iyan ang kanyang layunin at kalooban. Purihin natin siya dahil sa kanyang kahangahangang pagkalinga sa atin sa pamamagitan ng kanyang minamahal na Anak!

Kaya nga, mula nang mabalitaan ko ang tungkol sa inyong pananalig sa Panginoong Hesus at ang inyong pag-ibig sa lahat ng hinirang, walang humpay ang pasasalamat ko sa Diyos para sa inyo. Inaalaala ko kayo sa aking pananalangin, at hinihiling sa Diyos ng ating Panginoong Hesukristo, ang dakilang Ama, na pagkalooban niya kayo ng espiritu ng karunungan at ng tunay na pagkakilala sa kanya. Nawa‟y liwanagan ng Diyos ang inyong mga isip upang malaman ninyo ang ating inaasahan sa kanyang pagkatawag sa atin. Ito‟y ang kaluwalhatiang inilaan niya sa kanyang mga hinirang. Ang Salita ng Diyos.

Salamat sa Diyos. ALELUYA

Aleluya! Aleluya! Naging tao ang Salita, upang tanang maniwala ay kanyang gawing

dakila. Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA

Sumainyo ang Panginoon. At sumainyo rin. Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo Papuri sa iyo, Panginoon. Noong panahong iyon, lumapit kay Hesus ang mga alagad at

nagtanong, “Sino po ang pinakadakila sa kaharian ng langit?” Tinawag ni Hesus ang isang bata, pinatayo sa harapan nila, at

sinabi, “Tandaan ninyo ito: kapag hindi kayo nagbago at tumulad sa mga bata, hinding-hindi kayo mabibilang sa mga pinaghaharian ng Diyos. Ang sinumang nagpapakababa na gaya ng batang ito ay siyang pinakadakila sa mga pinaghaharian ng Diyos. Ang sinumang

Aleluya, aleluya. Wikain mo Poon nakikinig ako sa Iyong mga salita. Aleluya, alelu-aleluya (2x)

tumatanggap sa isang batang ganito dahil sa akin ay ako ang tinatanggap.

Ingatan ninyo na huwag hamakin ang isa sa maliliit na ito. Sinasabi ko sa inyo: sa langit, ang kanilang mga anghel ay laging nasa harapan ng aking Ama.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon. Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo.

HOMILYA SUMASAMPALATAYA

Sumasampalataya ako sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat,na may gawa ng langit at lupa.

Sumasampalataya ako kay Hesukristo, iisang Anak ng Diyos, Panginoon nating lahat. Nagkatawantao siya lalang ng Espiritu Santo, ipinanganak ni Santa Mariang Birhen. Pinagpakasakit ni Poncio Pilato, ipinako sa krus, namatay, inilibing. Nanaog sa kinaroroonan ng mga yumao. Nang may ikatlong araw nabuhay na mag-uli. Umakyat sa langit. Naluluklok sa kanan ng Diyos Amang makapangyarihan sa lahat. Doon magmumulang paririto at huhukom sa nangabubuhay at nangamatay na tao.

Sumasampalataya naman ako sa Diyos Espiritu Santo, sa banal na Simbahang Katolika, sa kasamahan ng mga banal, sa kapatawaran ng mga kasalanan, sa pagkabuhayna muli ng nangamatay na tao at sa buhay na walang hanggan.

Amen. PANALANGIN NG BAYAN

Sa pagpaparangal natin ngayon sa Sto. Niño, pagtuunan natin ang ating kabataan at ipanalangin ang lahat ng kanilang pangangailangan:

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin. Nawa ang buong Simbahan, sa pamumuno ng Santo Papa,

ating Obispo, at mga pari, ay magpamalas ng natatanging praktikal na pagkalinga sa ating kabataan. Manalangin tayo sa Panginoon. Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.

Nawa lahat ng guro at ang Media ay makatulong sa pagkikintal sa ating kabataan ng mga tunay na pagpapahalaga at makaganyak sa kanilang magsabuhay ng mga ito, Manalangin tayo sa Panginoon. Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.

Nawa lumago ang ating kabataan sa katapatan at kalinisan sa kanilang pagsasabuhay ng pananampalatayang Katoliko, Manalangin tayo sa Panginoon. Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.

Nawa alagaan ng lahat ng magulang ang kanilang mga anak, tulad ng pag-aalaga nina Maria at Jose kay Hesus at tulutan nawang mahubog nila silang maging mabubuting mamamayan at mga masisigasig na kasapi ng Simbahan,

Manalangin tayo sa Panginoon. Panginoon, dinggin Mo ang aming

panalangin.

Nawa lahat ng deboto ng Sto. Niño ay magtiyagang palaguin ang kanilang pag-ibig sa Diyos at sa kapwa, Manalangin tayo sa Panginoon. Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.

Tahimik nating ipanalangin ang ating mga sariling kahilingan. (Tumigil sandali.) Manalangin tayo sa Panginoon. Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.

Panginoon, tulutan Mong pagmalasakitan namin ang kabataan namin ngayon at pagsikapan namin ang kanilang kapakanan alangalang sa pag-ibig namin sa Iyong nabubuhay at naghahari nang walang hanggan.

Amen. AWIT SA PAG-AALAY

Kapuri-puri ka, Diyos Amang Lumikha sa sanlibutan. Sa Iyong kagandahang-loob, narito ang aming maiaalay, mula sa lupa at bunga ng aming paggawa ang tinapay na ito para maging pagkaing nagbibigay buhay.

Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kaylanman. Kapuri-puri ka, Diyos Amang lumikha sa sanlibutan. Sa iyong

kagandahang loob, narito ang aming maiaalay, mula sa katas ng ubas at bunga ng aming paggawa ang alak na ito para maging inuming

PANALANGIN SA PAGIGING BUKAS PALAD

Panginoon, turuan Mo akong maging bukas-palad Turuan Mo akong maglingkod sa Iyo, Na magbigay ng ayon sa nararapat Na walang hinihintay mula sa ‘Yo

Na makibakang „di inaalintana, mga hirap na dinaranas

Sa twina‟y magsumikap na hindi humahanap Ng kapalit na kaginhawahan.

Na „di naghihintay kundi ang aking mabatid Na ang loob Mo‟y s‟yang sinusundan.

Panginoon, turuan Mo akong maging bukas-palad

Turuan Mo akong maglingkod sa Iyo, Na magbigay ng ayon sa nararapat Na walang hinihintay mula sa „Yo


Recommended