+ All Categories
Home > Documents > March Issue

March Issue

Date post: 29-Mar-2016
Category:
Upload: cmo-battalion
View: 228 times
Download: 7 times
Share this document with a friend
Description:
SULYAP SA PAHINA P UP ROTC OVER - ALL CHAMPION SA RAATI 2009. O PERATION L INIS OF B RGY 560 AT 561 PORT AREA MANILA J OINT OUTREACH PROGRAM NG E STUDYANTE NG M UNOS PALMA P AGASA AT PAGTANGGAP NG Si Vice Mayor Bautista kasama ang Iba’t—ibang opisyales ng Armed Forces of the Philippines, at ang Brgy Chairman ng NAWASA COMMONWEALTH QC, para sa “Ribbon Cutting” ng Proyektong Basketball Court sa brgy. T AWA NA COMMONWEALTH QUEZON CITY NA RECRUITE NG ANAKBAYAN E DITORIAL 1 2 2 3 3 4 4
4
SULYAP SA PAHINA PAGASA AT PAGTANGGAP NG 1 E STUDYANTE NG MUNOS PALMA NA RECRUITE NG ANAKBAYAN 2 E DITORIAL 2 PUP ROTC OVER - ALL CHAMPION SA RAATI 2009. 3 OPERATION L INIS OF BRGY 560 AT 561 PORT AREA MANILA 3 J OINT OUTREACH PROGRAM NG COMMONWEALTH QUEZON CITY 4 T AWA NA 4 BALITAAN SA BARANGAY FEBRUARY 2009 VOLUME 1, ISSUE 3 TUNGO SA ISANG MAUNLAD,MATIWASAY AT NAGKAKAISANG KOMUNIDAD Website: www.cmobn.com Friendster: [email protected] ONE COUNTRY...ONE PEOPLE...ONE ARMY ! BASKETBALL COURT, ITINAYO NG MGA SUNDALO SA QUEZON CITY. Sa Kooperasyon at pagtutulun- gan ng mga komunidad sa Barangay Council at ng Armed Forces of the Phil- ippines, naidaos ng matagumpay ang Medical and Dental Mission, Feeding, Free Haircut, at ang “Turn-Over & Ac- ceptance “ o pagpasa at pagtangap ng proyektong “Basketball court” na pi- nondohan ng Armed Forces of the Phil- ippines. Ang nasabing mga programa ay idinaos sa Upper Nawasa, Common- wealth, Quezon City noong ika-28 ng Pebrero taon ng dalawang libo’t siyam. Ang programang “Turnover and acceptance” o pagpapasa at pagtang- gap ng proyekto ay nagsimula ng alas Siete ng umaga kasabay nito ang pag- dagsa ng mga tao sa Purok 3, Unit 7 Commonwealth, Quezon City. Naging panauhing pangdan- gal si Hon. Vice Mayor Gilbert Bautista at nagbigay siya ng simpleng minsahe para sa mga tao na nakatira sa nasabing purok lunsod ng Quezon City. Nakilala ng mga residente ang AFP bilang kaakibat ng mga mamamayan at laging sumusuporta sa kanila ng walang hinihinging kapalit. Matapos ang simpleng mensahe ng Vice mayor ng Quezon city ay sinudan agad ito ng progra- mang Medical and Dental mission para mabigyan ng libreng gamot at Medikasyon ang mga tao, sa pangunguna nina Major Aniceto S Operaña ng 130st DD, HHSG, PA, Cpt Mateo Modina na nakatalaga sa istasyon ng Fort Bonifacio Hospital, HPA, Cpt William Joseph B Rigor at Cpt Danilo Catangay na nakatalaga sa Hospital ng General Emilio Aguinaldo. Halos 694 na katao, ang natu- lungan at naserbisyuhan ng libre sa programang ito. Ang proyekto ng paggawa ng basketball court sa programa ng Community Develop- ment Services ng AFP ay naisagawa sa pamamagitan ng pagtutulong-tulungan ng mga ibat ibang sangay ng Armed forces of the Philippines sa pamumuno nina Navy Captain Crispin P Mercado, Chief of Staff of the AFP National Development Support Command 356th AEG, PA, Colonel Buenaventura C Pascual, Commander of CMO Bn, PA, at Major Alexander Oliveros ng 355th AEW, PAF. Ang programang ito ay sinundan ng libreng pakain (Feeding) para sa mga Batang malnourish at libreng gupit para sa mga kalalakihan. Humigit kumulang 217 katao ang napakain at 188 katao naman ang nabiyayaan ng libreng gupit sa nasabing barangay. Malugod na tinanggap ng Barangay kapitan na si Mr Jose Gaviola ng Barangay Upper Nawasa, Commonwealth, Quezon City ang nasabing proyekto at ito ay nagpaabot ng pasa- salamat at malaking paghanga sa ipinakitang pagsisikap at pagsuporta ng Community Develop- ment Services ng AFP sa kanilang barangay. Nagpasalamat din si Ms. Evelyn Abagao Purok leader ng Purok 3 Unit 7 Commonwealth sa nasabing lungsod na nagbigay ng lugar para sa proyekto ng basketball court, dahil sa malaking maitutulong nito sa ating mga kabataan, para magkaroon sila ng magandang libangan at sa halip na gumamit sila ng ipinagbabawal na gamot ay maglaro na lamang sila at makibahagi sila sa ibat ibang mga programa ng purok. Ayon sa purok leader ng nasabing lugar, hindi nila malilimutan ang mga naitulong ng community devel- opment ng AFP lalong lalo na sa mga mahihirap na gaya nila. Bago nagtapos ang programa ay naglaro ang koponan ng residente ng purok at ang koponan ng 356 th Air Engineer Group ng Philippine Air force. Ang mga kaganapang kagaya nito ay nag-iwan ng magandang alala sa isipan ng mga tao na naktira sa nasabing purok. Ito ay dahil sa mga proyekto ng community development ng AFP at ng gobyerno na walang sawang tumutu- long sa mga taong nangangailangan dito sa ating bansa.. Si Vice Mayor Bautista kasama ang Iba’t—ibang opisyales ng Armed Forces of the Philippines, at ang Brgy Chairman ng NAWASA COMMONWEALTH QC, para sa “Ribbon Cutting” ng Proyektong Basketball Court sa brgy.
Transcript
Page 1: March Issue

S U L Y A P S A P A H I N A

PAGASA AT PAGTANGG AP NG 1

ESTUDYANT E NG MUNOS PAL MA

NA REC RUIT E NG ANAKBAYAN

2

EDITORIAL 2

PUP ROTC OVER-ALL CHAM PION

SA RAATI 2009.

3

OPERAT ION L IN IS OF BRGY 560

AT 561 PORT AREA MAN ILA

3

JOINT OUTREACH PROGRAM NG

COMMONW EALTH QU EZON CIT Y

4

TAWA N A 4

B A L I T A A N S A B A R A N G A Y FEBRUARY 2009

V O L U M E 1 , I S S U E 3

T U N G O S A I S A N G M A U N L A D , M A T I W A S A Y A T N A G K A K A I S A N G K O M U N I D A D

Website:

www.cmobn.com

Friendster:

[email protected]

O N E C O U N T R Y . . . O N E P E O P L E . . . O N E A R M Y !

BASKETBALL COURT, ITINAYO NG MGA SUNDALO SA QUEZON CITY.

Sa Kooperasyon at pagtutulun-gan ng mga komunidad sa Barangay Council at ng Armed Forces of the Phil-ippines, naidaos ng matagumpay ang Medical and Dental Mission, Feeding, Free Haircut, at ang “Turn-Over & Ac-ceptance “ o pagpasa at pagtangap ng proyektong “Basketball court” na pi-nondohan ng Armed Forces of the Phil-ippines. Ang nasabing mga programa ay idinaos sa Upper Nawasa, Common-wealth, Quezon City noong ika-28 ng Pebrero taon ng dalawang libo’t siyam.

Ang programang “Turnover and acceptance” o pagpapasa at pagtang-gap ng proyekto ay nagsimula ng alas Siete ng umaga kasabay nito ang pag-dagsa ng mga tao sa Purok 3, Unit 7 Commonwealth, Quezon City. Naging panauhing pangdan-gal si Hon. Vice Mayor Gilbert Bautista at nagbigay siya ng simpleng minsahe para sa mga tao na nakatira sa nasabing purok lunsod ng Quezon City. Nakilala ng mga residente ang AFP bilang kaakibat ng mga mamamayan at laging sumusuporta sa kanila ng walang hinihinging kapalit. Matapos ang simpleng mensahe ng Vice mayor ng Quezon city ay sinudan agad ito ng progra-mang Medical and Dental mission para mabigyan ng libreng gamot at Medikasyon ang mga tao, sa pangunguna nina Major Aniceto S Operaña ng 130st DD, HHSG, PA, Cpt Mateo Modina na nakatalaga sa istasyon ng Fort Bonifacio Hospital, HPA, Cpt William Joseph B Rigor at Cpt Danilo Catangay na nakatalaga sa Hospital ng General Emilio Aguinaldo. Halos 694 na katao, ang natu-lungan at naserbisyuhan ng libre sa programang ito.

Ang proyekto ng paggawa ng basketball court sa programa ng Community Develop-ment Services ng AFP ay naisagawa sa pamamagitan ng pagtutulong-tulungan ng mga ibat ibang sangay ng Armed forces of the Philippines sa pamumuno nina Navy Captain Crispin P Mercado, Chief of Staff of the AFP National Development Support Command 356th AEG, PA, Colonel Buenaventura C Pascual, Commander of CMO Bn, PA, at Major Alexander Oliveros ng 355th AEW, PAF. Ang programang ito ay sinundan ng libreng pakain (Feeding) para sa mga Batang malnourish at libreng gupit para sa mga kalalakihan. Humigit kumulang 217 katao ang napakain at 188 katao naman ang nabiyayaan ng libreng gupit sa nasabing barangay.

Malugod na tinanggap ng Barangay kapitan na si Mr Jose Gaviola ng Barangay Upper Nawasa, Commonwealth, Quezon City ang nasabing proyekto at ito ay nagpaabot ng pasa-salamat at malaking paghanga sa ipinakitang pagsisikap at pagsuporta ng Community Develop-ment Services ng AFP sa kanilang barangay. Nagpasalamat din si Ms. Evelyn Abagao Purok leader ng Purok 3 Unit 7 Commonwealth sa nasabing lungsod na nagbigay ng lugar para sa proyekto ng basketball court, dahil sa malaking maitutulong nito sa ating mga kabataan, para magkaroon sila ng magandang libangan at sa halip na gumamit sila ng ipinagbabawal na gamot ay maglaro na lamang sila at makibahagi sila sa ibat ibang mga programa ng purok. Ayon sa purok leader ng nasabing lugar, hindi nila malilimutan ang mga naitulong ng community devel-opment ng AFP lalong lalo na sa mga mahihirap na gaya nila.

Bago nagtapos ang programa ay naglaro ang koponan ng residente ng purok at ang koponan ng 356th Air Engineer Group ng Philippine Air force. Ang mga kaganapang kagaya nito ay nag-iwan ng magandang alala sa isipan ng mga tao na naktira sa nasabing purok. Ito ay dahil sa mga proyekto ng community development ng AFP at ng gobyerno na walang sawang tumutu-long sa mga taong nangangailangan dito sa ating bansa..

Si Vice Mayor Bautista kasama ang Iba’t—ibang opisyales ng Armed Forces of the Philippines, at ang Brgy Chairman ng NAWASA COMMONWEALTH QC, para sa “Ribbon Cutting” ng Proyektong Basketball Court sa brgy.

Page 2: March Issue

Page 2 B A L I T A A N S A B A R A N G A Y

B A L I T A A N S A B A R A N G A Y … T U N G O S A M A U N L A D , M A T I W A S A Y A T N A G K A K A I S A N G K O M U N I D A D !

O P I S Y A L N A B U W A N A N G P A H A Y A G A N G P A M G B A R A N G A Y N G C I V I L M I L I T A R Y O P E R A T I O N S B A T T A L I O N , C I V I L M I L I T A R Y O P E R A T I O N S G R O U P , P H I L I P P I N E A R M Y N A M A Y H E A D Q U A R T E R S S A J U S M A G V I L L A G E , F T . B O N I F A C I O , T A G U I G C I T Y . A N O M A N G K O M E N T O , S U H E S T I Y O N O K O N T R I B U S Y O N N A N A I S I B A H A G I A Y P W E D E N G I P A H A T I D S A M G A S U M U S U N O D : T E L E F A X : 8 4 5 - 9 5 5 5 L O C 6 4 3 3 E - M A I L : C M O B N . P A @ G M A I L . C O M C E L L P H O N E : 0 9 2 2 9 5 9 6 3 8 5 / 0 9 1 6 7 7 0 3 2 8 9

O N E C O U N T R Y . . . O N E P E O P L E . . . O N E A R M Y !

Ang Pagtatapos sa Paaralan

Ang araw ng pag-tatapos ang pinakahihin-tay at pinakamasayang araw ng lahat ng mga estudyante, dahil dito nila aanihin ang lahat ng pina-ghirapan at sakri-pisyong pinagtuunan sa maraming taon para sa pagaaral. Ang mga pagsubok , pagpupuyat, pagsusunog ng kilay at lahat ng paghihirap sa mga Ibat-ibang subject na pinagdaanan at pakikisama sa mga ibat-ibang klase na guro, masungit man o mabait ay iisa parin ang mithiin para sa mga mag-aaral at bilang pangalawang magu-lang. Sa mga pinagsikapan ng bawat estudyante ay aanihin ang karunungan. Sa pagtatapos, minsan ay di mamalayan na nakakalungkot isipin dahil sa mamimis ang dating mga masasaya at magagandang alaala sa loob ng paaralan. Ang mga Classmates, schoolmates at kaibigan ay minsan o hindi na muli makikita dahil may kanya– kanya na silang pangarap sa buhay dahil din sa kanilang pagtatapos. Masaya din dahil hindi lubos maisip na nalagpasan lahat ng pagsubok na min-san ay lagi mo’ng pinoproblema bawat pagpasok sa klase. Nagsakripisyo man ang mga magulang, ito naman ay hindi sinayang bagkus ay pinagpahalagahan. Sa pagtatapos ay naghihintay ang susunod na pakikibaka sa tunay na buhay, na ang tanging sandata ay ang kaalaman o pinag-aralan at katatagan ng loob na itinuro at sinuportahan ng mga magu-lang at maging ang mga guro. Sa pagtatapos ng pag-aaral ay habang buhay na karunungan at nakatatak sa isipan na mai-pagmamalaki at di mananakaw ng sinuman.

EDITORYAL GRUPO NG ANAKBAYAN, NAGREREKRUT NG

MENOR DE EDAD AT ESTUDYANTE.

Walang takot na inamin ng isang estudyante ng CECILIA MUNOZ PALMA HIGH SCHOOL sa Payatas B. Quezon City na kasalukuyan silang nirerekrut ng mga miyembro ng ANAKBA-YAN upang sumapi sa kanilang organisasyon. Ayon sa isang estudyante na nagpakilalang si “RAYMOND”, madalas silang puntahan ng mga miyembro ng prenteng organisasyon na Anakbayan at pilit silang niyayaya na sumama sa mga papu-long na isinasagawa ng nasabing grupo.

Nauna dito, nagkaroon ng kaliwanagan sa isipan ng mga kabataang estudyante kung ano ang tunay na mukha ng mga prenteng organisasyon ng komunistang kilusan matapos na maisakatuparan ng CIVIL MILITARY OPERATIONS BATTAL-ION sa pamumuno ni COL BUENAVENTURA C PASCUAL ang “information and awareness seminar on National Security and Insurgency Situation” sa nasabing paaralan nitong nakali-pas na ika-24 ng Pebrero na kung saan dinaluhan ito ng ma-higit sa isang libong third year at fourth year students.

Ayon naman sa isa pang estudyante na nakilalang si “Hazel’ lubos silang nangangailangan ng tamang impormas-yon kung kaya’t tamang-tama lamang na naisakatuparan ang info drive ng CMO BN. Nanawagan din si Hazel sa mga kapwa niya estudyante na kailanman ay hindi dapat na sumama sa anumang grupo ang mga kabataan lalo na kung ang grupong ito ay tiyak na makasisira ng kanilang kinabukasan, dapat umano silang maging “observant”, maging maingat at matu-tong pahalagahan ang sarili at huwag sayangin ang oportuni-dad na ibinigay ng kani-kanilang mga magulang upang maka-pag-aral at magkaroon ng magandang kinabukasan.

Lubos na nagpasalamat si Hazel sa CMO BATTALION dahil nalaman umano nila kung anu-ano ang mga grupong da-pat nilang iwasan. Muling binigyang diin ni Hazel ang kanyang panawagan sa mga kabataan na walang magandang maidudulot sa kanilang buhay ang pagsama o pagsapi sa mga prenteng - (Pahina 3)

Si Hazel ay presidente ng Student Council ng Munoz Palma high school at nagpa-pasalamat siya sa CMOBn dahil nabigyan sila ng magandang mensahe para sa mga kabataan..

Si Ms Reano habang ibinabahagi ang kanyang mapait na karanasan sa kamay ng mga NPA noong nasa kilusan pa siya habang ang mga estudyante ay nakikinig sa kanya.

Page 3: March Issue

Page 3 V O L U M E 1 , I S S U E 3

O N E C O U N T R Y . . . O N E P E O P L E . . . O N E

Ang Pagtatapos sa Paaralan

Ang araw ng pag-tatapos ang pinakahihin-tay at pinakamasayang araw ng lahat ng mga estudyante, dahil dito nila aanihin ang lahat ng pina-ghirapan at sakri-pisyong pinagtuunan sa maraming taon para sa pagaaral. Ang mga pagsubok , pagpupuyat, pagsusunog ng kilay at lahat ng paghihirap sa mga Ibat-ibang subject na pinagdaanan at pakikisama sa mga ibat-ibang klase na guro, masungit man o mabait ay iisa parin ang mithiin para sa mga mag-aaral at bilang pangalawang magu-lang. Sa mga pinagsikapan ng bawat estudyante ay aanihin ang karunungan. Sa pagtatapos, minsan ay di mamalayan na nakakalungkot isipin dahil sa mamimis ang dating mga masasaya at magagandang alaala sa loob ng paaralan. Ang mga Classmates, schoolmates at kaibigan ay minsan o hindi na muli makikita dahil may kanya– kanya na silang pangarap sa buhay dahil din sa kanilang pagtatapos. Masaya din dahil hindi lubos maisip na nalagpasan lahat ng pagsubok na min-san ay lagi mo’ng pinoproblema bawat pagpasok sa klase. Nagsakripisyo man ang mga magulang, ito naman ay hindi sinayang bagkus ay pinagpahalagahan. Sa pagtatapos ay naghihintay ang susunod na pakikibaka sa tunay na buhay, na ang tanging sandata ay ang kaalaman o pinag-aralan at katatagan ng loob na itinuro at sinuportahan ng mga magu-lang at maging ang mga guro. Sa pagtatapos ng pag-aaral ay habang buhay na karunungan at nakatatak sa isipan na mai-pagmamalaki at di mananakaw ng sinuman.

MEDICAL/ DENTAL MISSION SA PAGGUNITA

NG PHILIPPINE ARMY DAY! Matagumpay na naidaos noong ika-23 ng Marso 2009

ang medical at dental mission sa Brgy. Pinyahan Quezon City at Brgy 737, Malate Manila. Alas sais pa lamanng ng umaga ay nagsimula ng maglinis ang mga residente kasama ang mga sun-dalo na nakabase sa kanilang brgy kung saan ginanap ang pro-grama. Kasama din dito ang lahat ng brgy opisyales sa pangun-guna ng dalawang Brgy Chairman ng nasabing lugar. Habang naglilinis ang mga residente, abala naman ang CMOBn at ibang kasundaluhan ng Armed Forces of the Philippines sa pagsa-saayos ng mga gamit na kakailanganin sa nasabing aktibidad. Ang aktibidad na ito ay bilang paggunita sa 112th Philippine Army day sa pamumuno ni LGEN VICTOR S IBRADO AFP, Com-manding General, Philippine Army.

Lubos na Ikinatuwa ng mga punong Brgy ang maagang pagdating ng mga Sundalo at mga opisyales ng CMOBn sa pan-gunguna ni COL BUENAVENTURA C PASCUAL (MNSA) PA at mga Doctors sa Fort Bonifacio General Hospital at 1354th Den-tal Center. Kasama rin sa nasabing aktibidad ang mga doctor na galing sa Manila Doctors Hospital, Gat andress Bonifacio Memorial Medical Center, J. Fabella Hospital, Manila Health Dep’t, Quezon City Health Dep’t, at mga Opthalmologist sa ilalim ng hanay ni Vice-Mayor Isko Moreno ng Manila .

Madami ang nabiyayaan sa programang ito. Ang dalawang Pinunong Brgy ay lubos na nagpapasalamat dahil natupad ang programang inaasahan nilang Medical at den-tal na tulong sa kanilang barangay. Ang mga residente ng Brgy Pinyahan at Brgy 737 Malate, manila ay lubos na natuwa dahil malaki ang naitulong ng nasabing programa sa kanila. Mensahe ng Chairman ng mga Brgy at ng mga Ka-gawad ay sana maulit ang programang ito dahil iyon ang gustong ipabatid ng mga residente ng brgy. Dahil sa kanilang kahirapan, hindi nila mabibili ang mga naitulong ng mga sundalo sa kanila.

OPERATION LINIS AT LI-BRENG PAKAIN SA PORT

AREA MANILA

Ang 1st Community Development (CODE) Com-pany ng CMOBn, CMOG, PA sa pangunguna ni MAJ NEL-SON L DELA CRUZ (DS) PA, ay nagsagawa ng programang operation linis sa Brgy 560 at Brgy 561 Port Area, Manila noong ika-14 ng Marso 2009. Batid na noong ika-13 ng marso 2009, si MAJOR DELA CRUZ kasama si TSg Monis ay nakipagusap sa Chairman ng Brgy na si Ibra-him Dimakuta at ang kanyang mga Kagawad at mga tanod at ang naging usapin ay tungkol sa gaganapin na Operation Linis, de-clogging ng mga estero, at libreng pakain para sa mga residente sa nasabing lugar. Nag-umpisa ang Operation linis bandang alas 8:00 ng umaga, sa tulong nina Hon Ibrahim Dimakuta ng Brgy 650 at Chairwoman Aida O. Lavapie ng Brgy 651 kasama ang kanilang mga butihing mga kagawad, mga tanod at mga residente ng nasabing mga lugar. Ang nasabing akti-bidad ay masayang isinagawa ng halos tumagal ng apat na oras at ang naging resulta ay maayos na daloy ng tubig sa mga estero at malinis na lugar na naging kaaya-aya sa mga tao. Ang kaganapang ito ay naglalayon at nagsisilbing halimbawa sa lahat ng mga tao na dapat nating panatili-hing malinis at maayos ang ating mga tirahan para ang mga sakit na dulot ng mga lamok at mga basura sa mga kanal ay maiwasan. Bago magtapos ang programa, ito ay sinundan ng libreng pakain para sa mga Bata at sa mga residente na tumulong sa nasabing programa. Sa pagtatapus ng pro-grama ang mga brgy opisyales ng dalawang brgy kasama ang mga residente ay nagpakuha ng litrato para magsilbing alaala ng kanilang pagtutulungan para sa kalinisan ng kanilang lugar.

organisasyon ng komunistang kilusan, masasayang lamang umano ang kanilang oras, panahon at talento sa mga walang ku-wentang ginagawa ng mga grupong ito. Ayon pa kay Hazel mas mainam na pagtuunan na lamang nila ng pansin ang kanilang pag-aaral upang makatapos at magkaroon ng magan-dang kinabukasan. Iisa ang pananaw ng mayorya sa mga estud-yanteng naging partisipante sa info drive hinggil sa mga prenteng organisasyon, na walang maidudulot na maganda ang mga ito sa kanilang buhay. Ang ginagawang pagrerekrut umano ng mga ito sa kanilang hanay ay siguradong makasisira lamang sa kanilang ki-nabukasan at kung mamalasin pa umano ay siyang magiging da-hilan ng pagkabuwis ng kanilang buhay sa isang labanang hindi naman dapat kasangkot ang mga kabataan. Sa pangunguna ni Ramil, nanawagan ang mga estudyante ng Cecilia Munoz Palma High School sa mga lider ng prenteng organisasyon na sa halip na sila ay gamitin at lokohin, tulungan na lamang umano silang magkaroon ng magandang kinabukasan. Huwag sana muna si-lang isali sa mga isyung hindi naman sangkot ang mga kabataan at sa halip ay gabayan silang tahakin ang tama at mabuting kaualian o asal.

Ito ang aktwal na paglilinis ng mga sundalo ng CMO Bn, kasama ang mga residente ng Brgy 560 at Brgy 561 Port Area, Manila.

Ang mga litratong ito ay mga kuha sa ginanap na medical at dental mis-sion noong ika-23 ng Marso 2009.

Page 4: March Issue

Page 4 B A L I T A A N S A B A R A N G A Y

TAWA NAMAN DIYAN!!!

Because

laughter is

the best

medicine!

O N E

PUP ROTC NAGWAGI SA RAATI 2008 - 2009

Nagbunga ang halos araw-araw na pagsasanay ng mga miembro ng RESERVE OFFICERS TRAINING CORPS ng POLY-TECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES o PUP ROTC sa ilalim ng masusing pamumuno, pagtuturo at pag-gabay ng Commandant nito na si COL BUENAVENTURA C PAS-CUAL. Itinanghal na OVER-ALL CHAMPION sa Bracket 1 ang PUP ROTC sa RAATI 2008 O REGIONAL ANNUAL ADMIN TAC-TICAL INSPECTION na pinal na ginanap ang kompetisyon at programa nitong nakalipas na araw ng Linggo ika-8 ng Marso sa HPA Grandstand. Siyam na unibersidad sa Bracket 1 at labin limang unibersidad naman sa Bracket 2 ang naglaban-laban sa iba’t-ibang uri ng aspeto nito. Ang mga unibersidad ay nasa ilalim naman ng pamamahala ng NCR REGIONAL DE-FENSE GROUP sa pamumuno ni COL ELMER QUIROS. Pitong medalya ang nakuha ng PUP ROTC, BEST ROTC UNIT CATEGORY 1, BEST IN ADMINISTRATION, BEST IN MAP READING, BEST IN DISASTER RELIEF AND RESCUE OP-ERATIONS, BEST IN CEREMONIAL PARADE, BEST IN WRITTEN EXAM at BEST IN METHODS OF INSTRUCTIONS.,bukod pa

sa itinaghal itong OVER-ALL CHAMPION ng RAATI 2008-2009. Samantala, itinanghal naman na BEST IN OPORD EXAM ang TUP, BEST IN RANK INSPECTION ang Earist, BEST IN COY DRILL ang UST, BEST IN SMALL UNIT TACTICS ang New Era university, BEST IN M16 RIFLE at CAL 45 ang City College of Manila. Bago ang pinal na araw ng kompetisyon maraming pinag-daanang pagsasanay ang mga kadete na kung saan higit na pinagtuunan nila ng pansin ang mga ba-gay na tiyak na makakatulong sa kanila hindi lamang sa pag-aaral kundi sa kanilang pang-araw-araw na buhay at maging hanggang sa kanilang pagtatrabaho. Layunin ng nasabing kompetisyon na mabuo ang personalidad at pagkatao ng mga kadete at mabigyan sila ng matibay na pundasyon tungkol sa tunay na kahulugan ng pagmamahal sa bayan at kapayapaan, para gawing makabuluhan ang buhay kolehiyo ng mga ito. Ayon sa ilang mga kadete ng PUP ROTC hindi lamang nila nakita ang kahalagahan ng ROTC sa kanilang hanay kundi higit sa lahat ay nagamit nila ang kanilang mga natu-tunan sa kompetisyon at maging sa kasalukuyan kung sila ay sumali sa Hukbong Sandatahan ng Pilipinas. Mas nagka-roon umano sila ng direksiyon sa buhay, mas pinahalagahan ang pagsisikap at pagpapagod ng kanilang mga magulang, mas nakita ang konserna ng pamahalaan at higit sa lahat naging makabuluhan ang buhay kolehiyo dahil sa ginawang pag-gabay sa kanila ng liderato ng PUP ROTC. Kaugnay nito taos pusong pasasalamat ang ipinaabot ng mga opisyales at kadete ng PUP ROTC kay COL BUENAVENTURA PASCUAL dahil mas pinahalagahan niya na may matutunan ang mga kadete kaysa pagpapahirap o pagbibilad ng mga ito sa araw na kadalasang iniuugnay sa pagsasanay ng ROTC. Idinagdag pa ng mga kadete na nagkaroon ng panibagong kahulugan sa kanila ang ROTC dahil sa kanilang natutunang pagsasanay na nakatuon sa paglilingkod sa bayan at sambayan at pag-mamahal sa bansa at kapwa tao.

Si COL PASCUAL, Commandant ng PUP ROTC habang kinakamayan si COL QUIROS na siyang namamahala sa Regional Defense group ng NCR.

Queen Elizabeth Putingtae Sana Eh...


Recommended