+ All Categories
Home > Documents > 10 - znnhs.zdnorte.net

10 - znnhs.zdnorte.net

Date post: 16-Oct-2021
Category:
Upload: others
View: 70 times
Download: 0 times
Share this document with a friend
16
1 10 Republic of the Philippines Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula Zest for Progress Zeal of Partnership Name of Learner: ___________________________ Grade & Section: ___________________________ Name of School: ___________________________ Filipino Ikaapat na Markahan – Modyul 1 Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo
Transcript
Page 1: 10 - znnhs.zdnorte.net

1

10

Republic of the Philippines

Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

Zest for Progress

Zeal of Partnership

Name of Learner: ___________________________

Grade & Section: ___________________________

Name of School: ___________________________

Filipino Ikaapat na Markahan – Modyul 1

Kaligirang Pangkasaysayan ng

El Filibusterismo

Page 2: 10 - znnhs.zdnorte.net

2

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Girley Joy S. Sorela

Editor:

Tagasuri:

Tagapagpamahala: Majarani M. Jacinto, EdD,CESO VI

OIC, Schools Division Superintendent

Visminda Q. Valde, EdD OIC, Assistant Schools Division Superintendent

Raymond M. Salvador, EdD, CESE OIC, Assistant Schools Division Superintendent

Juliet A. Magallanes, EdD

CID Chief

Florencio R. Caballero, DTE

EPS-LRMDS

Josephine L. Tomboc, EdD

EPS- Filipino

Ed

Page 3: 10 - znnhs.zdnorte.net

3

Alamin

Binabati kita sa iyong pagsisimula sa modyul na ito. Nais kong malaman mo

na ito ay inihanda at dinisenyo para sa iyong higit na pagkatuto lalo na sa kakayahan

sa pagbasa at pag-unawa. Bahagi ng modyul na ito, inaasahang maipamalas mo ang

iyong pag-unawa sa kaligirang pangkasaysayan ng El Filibusterismo.

Pagkatapos ng modyul na ito ikaw ay inaasahang:

Nasusuri ang pagkakaugnay ng mga pangyayaring napakinggan tungkol sa

kaligirang pangkasaysayan ng EL Filibusterismo. (F10PN-1Va-b-83)

Natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa pamamagitan ng:

-pagtukoy sa mga kondisyon sa panahong isinulat ang akda

-pagpapatunay ng pag-iral ng mga kondisyong ito sa kabuuan o ilang

bahagi ng akda pagtukoy sa layunin ng may-akda sa pagsulat ng akda

(F10PB-1V-a-b-86)

May mga gawain akong inihanda para sa iyo upang mahasa ang iyong

kaalaman tungkol dito.

Aralin 4.1

Kaligirang Pangkasaysayan ng EL Filibusterismo

Balikan

Kumusta ka ngayon! Alam kong sabik ka pa ring maipagpapatuloy ang

iyong gawain sa araw na ito. Balikan muna natin ang ating nakaraang

paglalakbay. Naalala mo pa ba ang huli nating pinag-usapan?

Magaling! Tungkol ito sa nobelang may pamagat na ‘’Paglisan” sa bansang Africa, na isinalin sa Filipino ni Julieta U. Rivera. Ipinakita sa nobelang ito ang

Mahalaga na bukas ang iyong isipan sa bagong aralin na pag-aaralan

natin ngayon. Alam kong handa kanang ipamalas ang iyong kakayahan sa

pag-unawa sapagkat ang paksa ay may kaugnayan sa nakaraang aralin.

Page 4: 10 - znnhs.zdnorte.net

4

kumplikadong mga batas at gawi ng angkang pinagmulan ni Okonkwo, sa pagpapanatili ng maayos na ugnayan. Alam kong kaya mo ito.

Tuklasin

A. TukLarawan: Tukuyin ang bawat larawan at isulat sa patlang kung ano ito.

Punan mo lang ang mga kulang na letra upang mabuo ito.

M_ND_

M___ND___ __A__A__AT I__A___ P__UM__

Binabati kita at nakilala mo ang mga larawan! Magpatuloy ka lang at saggutin ang

mga sumsunod na mga tanong:

1. Ano-ano ang mga kaugnayan ng mga larawan sa bawat isa?

2. Ano-ano ang kahalagahan ng pagtatamo ng kalayaan? 3. Ano-ano ang mga naging tugon ng mga bayani para sa ating kalayaan?

4. Paano ginamit ng mga bayani ang itak at pluma sa pagtatamo ng kalayaan?

5. Kung bibigyan ka ng pagkakataong gamitin ng pluma para sumulat hinggil sa ating lipunan, ano ito at bakit?

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa ibaba.

1. Sino ang pangunahing tauhan sa nobelang ‘’Paglisan’’?

2. Saan ang tagpuan ng nobela?

3. Ano-anong mukha ng kahinaan ang iniiwasan ni Okonkowo?

4. Paanong ipinakita ni Okonkwo ang kanyang katatagan sa

kaniyang paniniwala at paninindigan?

5. Sang-ayon ka ba sa naging wakas ng nobela? Pangatwiran ang

iyong sagot.

Page 5: 10 - znnhs.zdnorte.net

5

Narito, basahin at unawaing mabuti ang kaligirang kasaysayan ng El

Filibusterismo.

Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo

Noon pa man pinangarap na ni Rizal ang pagsulat ng isang akdang

magpapamulat sa marami niyang kababayan sa umiiral na maling Sistema sa

lipunan. Sa mga ideolohiyang kanyang tinaglay bunga ng mataas na pag-

aaral, ipinagpatuloy niyang isulat ang karugtong na nobela ng’’ Noli Me

Tangere’’. Ito ang El Filibusterismo.

LAKBAY 1: Taong 1887, inumpisahan ni Rizal na sulatin ang kanyang

nobelang El Filibusterismo. Sinimulan niya ito bilang isang sequel o

karugtong ng kanyang nobela. Ngunit nabatid ni Rizal na hindi magiging

matagumpay ang pagsulat ng kanyang nobela kung mananatili siya sa bayan

dahil maraming pagbabanta at suliranin ang kanyang kinakaharap, pansarili

man o pampamilya. Kayat nagpasya siya magtungo muli ng ibang bansa taong

1888 upang doon ipagpatuloy ang pagsulat ng El Filibusterismo.

LAKBAY 2: Bago paman siya umalis , nagbilin siya kay Blumentritt hinggil

sa maaari niyang kaharapin at nagging dahilan ng kanyang pag-alis. Ito ang

kanyang sinabi, Lahat ng mga punong panlalawigan at mga arsobispo ay

naparoon sa Gobernador-Heneral araw-araw upang ako’y ipagsumbong.ang

buong ahente ng Dominiko ay sumulat ng sumbong sa mga alcalde na Nakita

nila akong lihim na nakikipagpulong sa mga babae at lalaki sa itaas ng

bundok. Totoong akoy naglalakad sa bundok kung bukang-liwayway na

kasama ang mga lalaki,babae at bata upang damhin ang kalamigan ng umaga

ngunit may kasamang teniente ng guwardiya sibil na marunong managalog.

Inalok ako ng salapi ng aking mga kababayan para lisanin ang pulo.

Hiniling nila ang mga bagay na ito hindi lamang sa aking kapakanan kundi sa

kanila na rin sapagkat marami akong kaibigan at kasalamuha na maaring

ipatapon kasama ko sa Balabag o Marianas. Dahil dito kahit may

pagkarahuyo sa ganitong mga pananalita ay lalong nagpaalab kay Rizal upang

tuluyang sulatin ang karugtong na nobela.

LAKBAY 3: Habang siya ay nasa ibang bansa damang-dama ni Rizal

ang matinding paghihirap sa pagsusulat ng nobela dahil sa kakulangan

ng pondo at labis nap ag-alalasa kalagayan ng pamilya sa bansa. Kaya,

nagpadala siya ng sulat kay Jose Maria Basa; ito ang nilalaman n g

sulat, “Ako’y naghihinawa na sa paniniwala sa ating mga kababayan.

Parang sila’y nagkakaisa upang maging mapait ang aking buhay;

pinipigilan nila ang aking pagbabalik, nangangakong bibigyan ako ng

tustos, at pagkatapos na gawin sa loob ng isang buwan ay kalilimutan

nang muli ako…Naisanla kuna ang aking mga alahas, nakatira ako sa

isang mumurahing silid, kumakain ako sa mga pangkaraniwang

restaurant upang makatipid at mailathala ko ang aking aklat.

Page 6: 10 - znnhs.zdnorte.net

6

Hindi naglaon iyon, ititigil ko kung walang darating sa aking salapi. A, sasabihin

ko sa iyong kung hindi lamang sa iyo, kung hindi lamang ako naniniwalang may

mga mabubuti pang Pilipino, nais kong dalhin anking mga kababayan at ang lahat

sa demonyo…’’Bakas sa kanyang sulat ang pagnanais na siya ay mayulungan dahil

gusting-gusto niyang mailimbag at matapos na ang karugtong na nobela.

LAKBAY 4: Naging mabait sa kanya ang tadhana dahil dumating ang inaasahang

tulong mula kay Valentin Ventura mula sa Paris. Ipinadala niya ang kabuoang

perang kinakailanagan para sa pagpapalimbag ng nasabing nobela. Mayo 1891,

nang matapos ang pagwawasto ng EL Filibusterismo at nagtungo si Rizal sa Ghent,

Belgium upang doon ipalimbag. Nailimbag ito noong Setyembre,1891 sa sinabi pa

ring lugar at bansa. Nagpadala siya ng walong daang kopya sa Pilipinas upang

ipamudmod ng kanyang mga kasamahan. Dito nagsimula ang paglaganap ng El

Filibusterismo sa lipunang Pilipino. Nagsimula ito ng maraming pagsibol ng ideya

upang labanan ang mga mapang-abusong Kastila.

LAKBAY 5: Inihandog ni Rizal ang nobela sa tatlong paring martir na Gomez,

Burgos, at Zamora kaya maituturing itong nobelang politikal. Nagsasalaysay at

naglalahad ito ng mga suliranin at bulok na Sistema ng pamahalaan at iba pa.

Masasalamin sa nobela ang mapapait na karanasang umalimpuyo sa damdamin ni

Rizal upang lalong maipakita sa bayan ang kanyang pagmamahal. Ipinakita rito

ang pagbabanyuhay ni Rizal bilang isang dakilang bayani at manunulat.

HANTUNGAN NG RUTA: Ang El Filibusterismo ay mula sa salitang Pilibustero

na ibig sabihin ay ‘’mga balak’’ o’’ paghahari ng kasakiman’’. Ito ang tinaguriang isa

sa mababagsik na nobela na magpahanggang sa ngayon ay naghahatid ng bulok na

pamamahala. Ang tuon ng El Filibusterismo ang pakikibaka at pagsalungat sa mga

matataas na uri sa pamamagitan ng isang marahas at mabalasik na paraan. Ang

nobelang ito ang karugtong at wakas ng dalawang nobela upang matighaw ang

pagkauhaw sa kalayaan ng maraming Pilipino.

Voltaire M. Villanueva Ph. D

Page 7: 10 - znnhs.zdnorte.net

7

Suriin

Ang akdang iyong nabasa ay ang kaligirang pangkasaysayan ng El

Filibusterismo na naging pangalawang nobela ni Dr. Jose Rizal. Binibigyan ng pokus dito ang mga pangyayari na hahasa sa iyong kakayahang

umunawa.

Sagutin ang mga tanong. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Ano-ano ang mga pangunahing layunin ni Rizal sa pagsusulat niya

ng nobelang ito?

2. Ano-ano ang ginawa ng kanyang mga kababayan para hadlangan ang

kanyang pagpatuloy sa pagsulat?

3. Bakit damang-dama ni Rizal ang paghihirap sa pagsulat ng nobela?

4. Paano ipinagpatuloy ni Rizal ang pagsusulat ng kanyang nobela? Sino ang

tumulong sa kanya?

5. Sa iyong palagay bakit kaya mahalagang pag-aralan ang nobelang ito?

Gawain 1.

Panuto: Piliin at suriin ang pagkakaugnay ng mga pangyayari sa loob ng kahon

batay sa napakinggan o nabasang kaligirang pangkakasaysayan ng

El Filibusterismo.

Mga Pangyayari sa Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo

A. Inumpisahang sulatin ang EI Filibusterismo

B. Pag-alis ni Dr. Jose Rizal sa Bansa

C. Hirap na dinanas ng isulat ang El Filibusterismo

D. Ang pagpunta niya sa Ghent, Belgium

Magaling! Simula palang ay

ipinamalas muna ang iyong

kahusayan sa pagsagot.

Ituloy mo lang!

Page 8: 10 - znnhs.zdnorte.net

8

Pangyayari 1 Pagsusuri:

Pangyayari 2 Pagsusuri:

Pangyayari 3 Pagsusuri

Pangyayari 4 Pagsusuri:

Gawain 2.

Panuto: Lagyan ng tsek( ∕ ) ang mga kahong naglalahad ng mga kondisyong noong panahong isinulat ni Dr.Jose Rizal ang akdang

El Filibusterismo. Sa patlang ay sumulat ng isang patunay na umiiral o nangyari ang kondisyon o sitwasyong nilagyan mo ng tsek( ∕).

1. Nabatid ni Rizal na hindi magiging matagumpay ang pagsulat ng

kanyang nobela kung mananatili siya sa bayan.

Patunay: ____________________________________________________ ______________________________________________________________

2. Bumuti ang kalagayan ng mga Pilipino dahil nakiisa sa kanila ang mga

Espanyol.

Patunay: _____________________________________________________

_______________________________________________________________

Page 9: 10 - znnhs.zdnorte.net

9

3. Habang siya ay nasa ibang bansa, damang-dama ni Rizal ang matinding

paghihirap sa pagsulat ng kanyang nobela.

Patunay: ____________________________________________________ _____________________________________________________________

4. Sa panahong isinulat ni Jose Rizal ang El Filibusterismo, ganoon parin

ang pang-aabuso ng mga Espanyol sa bansang Pilipinas.

Patunay: ___________________________________________________

___________________________________________________________

5. Huminto siya sa pagsulat dahil ang kangyang pamilya ay pinag-uusig ng

may makapangyarihan.

Patunay: _____________________________________________________

_____________________________________________________________

Mahusay! may tatlong star ka dahil nasagutan mo ng tama ang gawaing suriin.

Pagyamanin

Higit mo pang malinang ang iyong kakayahang umunawa sa akdang nabasa

sa pamamagitan ng iyong masigasig na pagtugon sa bahaging ito.

Gawain 1.

Tukuyin ang kahulugan ng mga salita batay sa iba’t ibang sanggunian o

diksyunaryo. Iugnay ito sa kaligirang pangkasaysayan ng El Filibusterismo batay

sa mga nakalap na mga kahulugan.

Page 10: 10 - znnhs.zdnorte.net

10

Mga Salita Kahulugan 1 Kahulugan 2

Kaugnayan sa

Kaligirang Pangkasysayan ng

El Filibusterismo

1. alimpuyo

2. alingawngaw

3. pagbabanyuhay

4. paratang

5. tighaw

Gawain 2.

Panuto: Ibuod ang napakinggan o nabasang kaligirang pangkasaysayan ng El

Filibusterismo gamit ang grapikong timeline sa ibaba.

Pagbubuod ng Kaligirang

Pangkasaysayan ng El

Filibusterismo gamit ang timeline.

Page 11: 10 - znnhs.zdnorte.net

11

TIMELINE

Rubrik sa paggawa ng Timeline

Napakahusay Mahusay Katamtaman Pagsasanay

Nilalaman

Lahat ng impormasyong

kinuha ay tama at

makabuluhan

10

Walong porsyento(80%)

Impormasyong kinuha ay

tama at

makabuluhan 8

Anim napung porsyento(60%)

ng impormasyong

kinuha ay

tama at makabuluhan

6

Halos lahat ng impormasyong

kinuha ay mali

2

Maayos na Pagkasunosunod

ang mga pangyayari

Napakahusay ang

pagkasunod-sunod ng mga

pangyayari

6

Mahusay (80%)ang

pagkasunod-sunod ng mga

pangyayri

4

Mahusay pero may kalituhan

ang pagkasunod-

sunod ng

pangyayari 2

Hindi nagawang

pagsunod-sunurin ang

mga

pangyayari 1

Kasiningan

Kitang-kita

ang kalinisan at kaayusan

4

Kita ang

kalinisan ng timeline na

ginawa

3

Bahagyang

Nakita ang kalinisan at

kaayusan ng timeline na

ginawa 2

Hindi Nakita

ang kalinisan at kaayusan

ng timeline na ginawa

1

Page 12: 10 - znnhs.zdnorte.net

12

Wow! Ang husay mo. Napatunayan mo na kaya mong sagutin ang lahat ng mga

gawain. Sige, kaibigan ituloy mo lang.

Isaisip

Push mo pa ‘to!

Maganda ang ipinakita mong kasiglahan sa iyong pag-sagawa sa mga

naunang bahagi ng modyul na ito. Batay pa rin sa akdang nabasa, gawin mo ang

mga sumusunod:

Pagsasanay 1

Matapos mong masuri ang kaligirang pangkasaysayan ng

El Filibusterismo, ano ang mabubuo mong pagpapahalaga tungkol sa mga

pangyayayari sa akdang binasa? Isulat ang iyong sagot sa patlang sa ibaba.

____________________________________________________________

________________________________________________________________

________________________________________________________________

Gawain 2.

Panuto: Buuin mo ang mga pahayag sa pamamagitan ng pagpupuno ng iyong sagot

sa patlang mula sa akdang binasa. (10 puntos.)

Ang El Filibusterismo ay maituturing itong nobelang ___________________.

Naisasalaysay at nailalahad ito ng mga ___________ at_____________at iba pang

problemang may kaugnayan sa _________, ____________, ___________at iba pa.

Masalamin sa nobela ang mapapit na karanasang______________sa damdamin ni

Rizal upang lalong maipakita sa bayan ang kaniyang ___________.Ipinakita rito ang

_______________ ni Rizal bilang isang dakilang bayani at manunulat.

Page 13: 10 - znnhs.zdnorte.net

13

Tayahin

Panuto: Basahin ang mga pahayag. Piliin at isulat ang titik ng tamang

sagot sa sagutang papel.

1. Ano ang layunin ni Dr. Jose Rizal sa pagsulat niya ng

El Filibusterismo?

A. Magising ang natutulog na damdamin ng mga Pilipino at magsisiwalat sa kabuktutan at pagmamalupit ng mga Espanyol.

B. Ang mapabuti ang kalagayan ng mga Pilipino sa pamamagitan ng pagbibigay ng trabaho.

C. Ang mabago ang naghaharing Sistema ng pamahalaan

sa pilipinas D.ang maturuan ang mga Pilipinong lumaban sa pamamatitan

ng mapayapang paraan.

2. Ang sumusunod ay mga dahilang binanggit ni Rizal kung bakit nagtungo

siya sa ibang bansa maliban sa______.

A. Dahil sa pagmamalabis ng makapangyarihan sa kanya B. Dahil sa nais niyang magkaroon ng kasiyahan sa pagtuklas at pag-

aaral C. Dahil gusto niyang ipagpatuloy ang pagsusulat

D. Dahil gusto niyang mapalayo sa kanyang kababayan

3. Taon kung kailan sinimulang sulatin ni Dr. Jose Rizal ang

El Filibusterismo?

A. 1891 C. 1888 B. 1887 D. 1896

4. Ang sumusunod na pahayag ay mga kahirapang dinanas ni Rizal sa

pagsulat ng kanyang nobela. maliban sa ____. A. Naisanla ang kanyang mga alahas

B. Nakatira sa pangkaraniwang restawran C. Wala siyang nasisingil sa pinagbilhan ng kanyang unang nobela

D. Kakulangan ng pondo at labis na pag-aalala sa pamilya

5. Sa nobelang El Filibusterismo. Sino ang pinadalhan ng sulat ni Dr. Jose Rizal ?

A. Maria Clara C. Pamilya

B. Jose Maria Basa D. Ferdinand Blumentritt

6. Kailan nailimbag ang El Filibusterismo?

A. Marso 29,1887 C. Mayo 1891

B. Pebrero 21, 1887 D. Setyembre 1891

Page 14: 10 - znnhs.zdnorte.net

14

7. ‘’Ako’y nanghihinawa na sa paniniwala sa ating mga kababayan. Parang sila’y nagkakaisa upang maging mapait ang aking buhay.

Ang ibig sabihin ng salitang may salungguhit ay______. A. nag-aalala C. nagtatampo

B. nagsasawa D. nagtataka

8. Anong damdamin ang ipinakita ni Rizal sa kanyang pahayag sa itaas? A. nalilito C. natatakot

B. nagdadalamhati D. nawalan ng pag-asa

9. Ang El Filibusterismo ay isang nobelang _____

A. pampamilya C. panlipunan B. pampolitika D. panrelihiyon

10. Kung si Maximo Viola ang tumulong sa kanya upang maipalimbag ang Noli Me Tangere. Sino naman ang tumulong kay Dr. Rizal upang

maipalimbag ang kanyang ikalawang nobelang El Filibusterismo?

A. Ferdinand Blumentritt C. Valentine Ventura

B. Jose Maria Basa D. Tenyente Jose Taviel de Andrade

Karagdagang Gawain

Bilang karagdagang gawain, umisip ka ng pinakamahalaga o natatanging

kaganapan na sa iyong palagay ay labis na nakaimpluwensya kay Rizal upang

lalong ipagpatuloy ang pagsulat ng EL Filibusterismo. Isulat ito sa loob ng “speech

bubble”.Gabay mo ang pormat sa ibaba.

Wow! Kapuri-puri ka kaibigan,

Pinatunayan mo ang iyong tagumpay

hanggang sa dulo ng iyong paglalakbay

sa module na ito.

Page 15: 10 - znnhs.zdnorte.net

15

Susi ng Pagwawasto

Sanggunian

Knife black and white clipart. Accessed December 2020.

https://www.google.com/search?client=firefox-b-

d&ei=QU3MX8KEO6a9mAWviIugDw&q=black+and+white+itak+free&oq=blac

k+and+white+itak+fre&gs.

Panitikang pandaigdig Filipino 10: Modyul para sa mag-aaral. Philippines.

Philippine flag black and white clipart. Accessed December 2020.

https://www.google.com/search?q=clipt+art+philippine+flag+black+and+whi

te+free&tbm=isch&ved=2ahUKEwj.

Villanueva, Voltaire. Bahaghari 10 yaman ng panitikang pandaigdig aklat sa

Filipino: Wika at panitikn. Philippines: Pisara Publishing.

World images black and white. Accessed December 2020.

https://www.google.com/search?q=world+images+clipart+free+black+and+white&c

lient=firefox-b-d&tbm=isch&source=iu&ictx=1&fir=Qs2hxv.

TAYAHIN:

1.C 11. B

2.D 12. B

3.B 13. B

4.C 14. C

5.B 15. C

6.D

7.B

8.D

9.B

10.C

BALIKAN: 1. Okonkwo

2. Mbanta 3. ayaw niyang matulad sa

ama,ang kanyang buhay ay dinidiktahan ng kanyang

tinatatagong takot at ayaw rin niyang matulad sa kanyang ama

hindi kayang suportahan ang pangangailangan ng pamilya

4. Nakikipaglaban siya upang

ipakita ang kanyang katatagan sa kanyang paniniwala at

paninindigan

5. Nakadepende sa sagot ng mag-

aaral

TUKLASIN:

1. mundo 2. watawat 3. itak 4. pluma

Page 16: 10 - znnhs.zdnorte.net

16

Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land

Here the trees and flowers bloom

Here the breezes gently Blow,

Here the birds sing Merrily,

The liberty forever Stays,

Here the Badjaos roam the seas

Here the Samals live in peace

Here the Tausogs thrive so free

With the Yakans in unity

Gallant men And Ladies fair

Linger with love and care

Golden beams of sunrise and sunset

Are visions you’ll never forget

Oh! That’s Region IX

Hardworking people Abound,

Every valleys and Dale

Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos,

Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos,

Ilongos,

All of them are proud and true

Region IX our Eden Land

Region IX

Our..

Eden...

Land...

The Footprints Prayer Trees by Joyce Kilmer

One night I had a dream. I dreamed

that I was walking along the beach

with the LORD.

In the beach, there were two (2) sets

of footprints – one belong to me and

the other to the LORD.

Then, later, after a long walk, I

noticed only one set of footprints.

“And I ask the LORD. Why? Why?

Why did you leave me when I am sad

and helpless?”

And the LORD replied “My son, My

son, I have never left you. There was

only one (1) set of footprints in the

sand, because it was then that I

CARRIED YOU!

I think that I shall never see

A poem lovely as a tree.

A tree whose hungry mouth is prest

Against the earth’s sweet flowing

breast;

A tree that looks at God all day,

And lifts her leafy arms to pray;

A tree that may in Summer wear

A nest of robins in her hair;

Upon whose bosom snow has lain;

Who intimately lives with rain.

Poems are made by fools like me,


Recommended